You are on page 1of 1

Name: Vian Roy

Noli Me Tangere
Ang Hapunan

Sa kabanata ito ipinababatid ni Rizal ang kanyang obserbasyon sa mga bansang napuntahan niya. Ayon sa kanya, ang isang bansang Malaya ay mabilis ang kaunlaran samantalang ang isang sakop ay naghihirap. At ang pananagana o pagdarahop ng isang bansa ay batay sa mga pagsusumakit o sa pagbabaya ng mga ninuno ng mga mamamayang ito. Ipinakikita niya na napakahalaga ng pag-aaral sa kalinangan at kasaysayan ng bawat bansa. Sa pamamagitan ng mga kaisipang ito ay unti-unti ng itinanim ni Rizal sa mga Pilipino ang pagpapahalaga at pagmamahal sa sariling bayan. Ang pag-aagawan ng upuang panguluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla at ang pabalatkayong alok nit okay Tenyente Guevarra ay pagpapakita lamang kung sino ang dapat kilalaning makapangyarihan sa lugar. Tinatrato ang tunay na may-ari ng bahay na siya dapatm nakaupo sa kabiserang upuan bilang tagasilbi o alipin. Ang paghamak ni Padre Damaso kay Ibarra ay pagpapakita lamang na tutol ang mga Kastila na matuto at makapag-aral ang mga Pilipino sa ibang bansa upang patuloy nila maging sakop. Ang natutunan ko sa kabanata na ito na gamitin dapat ang kapangyarihan para mamuno ng mabuti. Hindi porket may kakayahan kang gawin ang lahat ay aabusuhin mo ang kapangyarihan na binigay sayo. Ipinakikita din dito ang kahalagahan ng edukasyon. Kailangan natin mag-aral para hindi tayo gawing bastang alipin ng kung sino mang tao.

You might also like