You are on page 1of 6

Kabanata 2 Kaugnayan ng Literatura sa Pag-aaral

Sa panahon ngayon marami talaga tayong mga problema ditto sa ating bansa, isa na dito ay ang maruming kaligiran. Ito ay ang resulta ng kapabayaan ng mga tao sa paglilinis, at pagtatapon ng basura kahit saan. Dahil sa ating kapabayaan sa ating paligid, ito ay unti-unti ng nasisira at nagdudulot ng mga sakuna. Ang pagtatapon ng basura kahit saan ay isang maling kagawian ng mga estudyante at ng pamayanan. Kahit na sa paaralan marumi din ang paligid dahil na rin sa kawalan ng disiplina ng mga mag-aaral. Itinatapon nila ang mga basura kahit saan at iniiwang nakakalat ang mga papel at plastiks. Isa rin sa mga sanhi ng maruming kaligiran ay ang mga pabrika. Ang mga dumi ng kanilang mga produkto ay napupunta sa mga ilog at dagat na nagiging dahilan ng pagkamatay ng mga yamang dagat tulad ng mga isda. Ito ay kadalasang nagdudulot ng mga sakuna tulad na lamang ng pagbaha, at pati na rin ng ibat ibang sakit na dulot ng mga mikrobyo na maaaring magdulot ng kamatayan. Ang wasto at tamang pagtatapon ng mga basura ay isang solusyon upang maiwasan ang mga sakunang ating haharapin. Ang simpleng paghihiwalay ng nabubulok sa di-nabubulok ay malaki na tulong. Makakaiwas na tayo sa mga sakuna, maaari pa nating pagkakitaan kung ibibinta ang mga narerecycle. Magagawa lamangnatin ito kung ipaiiral natin ang disiplina sa ating sarili at magtulungan sa pananatili ng kalinisan ng kaligiran.

Kabanata 1 Problema

Panimula: Isa sa mga kadalasang problema ng pamayanan, lalong-lalo na sa COC ay ang pagpapanatili ng kalinisan sa kaligiran. Isang simpleng patakaran lamang ito sa paaralan ngunit naging isang maling kagawian dahil na rin sa kawalan ng disiplina. Ang pagpapanatili ng kalinisan ng kaligiran ng COC ay minsay di binibigyan pansin ng mga mag-aaral. Kahit na striktong patakaran ito ng administrasyon tila binabaliwala lang ito na ilang estudyante dahil na rin sa pagdedepende sa mga taga-paglinis o kilalang I-clean. Hindi nila naisip na ang pagpapanatili ng kalinisan ng kaligiran ay may epekto sa kanilang pag-aaral. Alam naman ng lahat na mas nakakapag-aral ng maayos ang isang mag-aaral kapag malinis ang paligid. Kawalan ng disiplina sa sarili ang karaniwang sanhi ng pagkakaroon ng maduming kaligiran. Dapat nating isaisip at isapuso na mapanatili ang kalinisan ng kaligiran sapagkat dito tayo namumuhay at malaki ang maaaring epekto nito sa atin. Maaaring sakuna tulad ng pagbaha at mga sakit na magdudulot ng kamatayan. Sino ba naman ang may gusto ng maruming paligid? Hindi ba wala. Kahit na simpleng mag-aaral lang na may disiplina sa sarili na wasto sa pagtatapon ng basura ay malaki ng bagay sa pagpapanatili ng kalinisan ng kaligiran.

Tesis Isteytment: 1. Ang wastong pagtatapon ng basura sa pamamagitan ng paghihiwalay ng nabubulok sa di-nabubulok ay mahalaga. 2. Ang pagpapanatili ng kalinisan sa kaligiran ay may mabuting naidudulot sa mga magaaral. 3. Maiiwasan ang kahit na anumang sakuna kapag may disiplina sa sarili sa pagpapanatili ng kalinisan ng kaligiran 4. Makakaiwas sa kahit na anong sakit kapag malinis ang paligid. 5. Huwag isawalang bahala ang pagtatapon ng basura kahit saan sapagkat maaari itong magdulot ng suliranin. Skematik Diagram IB DB

Kasarian
Edad Kurso

Nabubulok
Dinabubulok

Layunin ng Pananaliksik 1. Mamulat ang bawat isa sa kahalagahan ng wastong pagtatapon ng basura at ang mabuting epekto nito. 2. Mahikayat ang lahat lalung-lalo na ang mga mag-aaral na panatilihing malinis ang kaligiran. 3. Maiparating sa lahat ang kahalagahan ng disiplina sa sarili at pakikibahagi sa pagpapanatili ng kalinisan ng paligid.

Desinyo ng Pananaliksik Ang Desinyong Deskriptibo ay paglalahad, pagtalakay, at pagpresinta ng mga datos na nalikom ng mananaliksik gamit ang pamamaraan sa pangongolekta ng datos gaya ng pagmamasid o obserbasyon na madalas gamitin sa pananaliksik na may kinalaman sa aspetong pisikal at sikolohikal. Maaari ding makalikom ng datos sa pamamagitan ng pakikinayam sa mga respondent, at pagkuha ng impormasyon sa mga aklat o internet. Ito ay nagsisilbing gabay sa paggawa at pagsulat ng mga datos o impormasyong nalikom ng maayos. Teknik sa Pamimili ng Populasyon Ang Stratified Random Sampling ay ang pagsusulat ng mga numero sa maliit na piraso ng papel, pagkatapos ay ihuhulog sa kahon. Dito bubunot ang mga inaakalang populasyon, ang mga mananaliksik mismo ang maghihiwalay ng mga numero. Pagkatapos ay magpupulong at pagkakasunduan kung anong numero ang kanilang gagamitin bilang representante sa pagaaral. Kalahok sa Pag-aaral Ang mga pinag-aralan sa paksang ito ay ang mag-aaral ng COC. Lahat ng kumukuha ng ibat ibang kurso gaya ng CMA, CIT, Criminology, CAS, Education, Engineering, at Nursing. Instrumento sa Pananaliksik Ang ginamit na instrument ay mga sorbeying katanungan. Ito ay nagsasaad ng mga markahang tsek sa bawat katanungan sa papel. Maaari ding magkaroon ng direktang talakayan sa mga kalahok o mga mag-aaral kung gusto ng mabilisang pagkalap ng datos.

Kagamitan sa Pananaliksik Gumamit ng tsek list at sorbeying katanungan upang makakalap ng mga datos o impormasyong kinakailangan.gumamit din kami ng mga aklat at computer (internet) para sa ibang mga impormasyon. Ang computer din ay ginamit upang gawin ang research paper at maimprinta ito. Hakbang sa Paglikom ng mga Datos Ang mga mananaliksik mismo ang nagbigay ng mga katanungang papel sa mga respondent. Nagbasa din kami ng mga aklat na may kaugnayan sa paksang pinagsasaliksikan. Nakatulong din ang pag-oobserba o paggamit ng mga pandama upang makalikom ng mga datos.

Konklusyon Buhat sa aming pananaliksik tungkol sa pananatili ng kalinisan sa kaligiran, ito ay may epekto sa ating pamumuhay. Ang mga mag-aaral ay ang karaniwang pinagtanungan namin at ang pinagkunan ng datos. Bilang isang mag-aaral, ang simpleng pagtatapon ng basura sa wasto at tamang lalagyan ay malaking tulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa ating paligid. Maiiwasan natin ang kahit na anumang sakuna tulad ng pagbaha at mga sakit na maaaring magdulot ng kahirapan o suliranin sa atin. Ayon sa aming nakalap na datos, hindi masyadong binibigyang halaga ang pagpapanatili ng kalinisan sa kaligiran dahil na rin sa kawalan ng disiplina ng ibang tao. Kaya gumagawa ang ibang organisasyon pati na ang gobyerno ng mga programang aaksyon na panatilihin ang kalinisan ng paligid.

You might also like