You are on page 1of 10

Mabuhay ang bagong kasal!!! Mabuhay!

Masayang-masaya ang magasawang Aldrin at Jenny sa araw na ito , sapagkat ito ang araw ng kanilang pagiisang dib-dib. Sa loob ng apat na taon nilang pagiging mag nobyot mag nobya ,sila ngayon ay ganap na mag asawa at sabay na nangakong magsasama at magmamahalan sa hirap at ginhawa. Nagbunga na ang kanilang pagpapagal sa pagtatrabaho upang mapaghandaan nila ang kanilang pag-iisang dibdib at ang pagsisimula nila sa pamumuhay bilang may asawa. Makakapagsimula na sila sa pagbuo ng kanilang pamilya. Buong-buo naman ang suporta ng kani-kanilang mga magulang sa kanilang desisyon na lumugar sa tahimik. Nasa tamang edad na rin ang dalawa at nakakatulong na din sa kanilang magulang bago pa man sila magdesisyon na magpakasal. Kasama ng kanilang mga kamag-anak at mga malalapit na kaibigan ay naidaos nila ang kanilang kasal. Ito ang isa sa pinakamahalagang araw para sakanila. Isang napakaespesyal na sandali para sa dalawang taong nagmamahalan. Bes, ano? Masaya ka ba? Dapat lang na maging masaya ka dahil napakaswerte mo sa asawa mo at matagal na rin kayong magkakilala kaya hindi na kayo mahihirapang mag-adjust sa pagsasama bilang mag asawa, hindi ba?sabi ni Loraine ang bespren ni Jenny mula noong sila ay nasa hayskul palang. Oo naman bes,masayang masaya ko dahil natupad na ang pangarap naming makapagpakasal, sagot ni Jenny. At sino ba namang hindi magiging masaya gayong napakaganda ng aking maid of honor , dagdag pa ni Jenny habang nakangiti at biglang napayakap sa kanyang bespren na si Loraine. Nambola ka pa ah bes, siyempre pareho lang tayong maganda, sabi naman ni Loraine. Aba, oo naman kaya nga tayo magbespren, hindi ba? sabi ni Jenny. Nagtawanan ang dalawa at maya-maya ay biglang sumeryoso ang magandang mukha ni Loraine.

Bes, mamimiss kita. Ngayong may asawa ka na kailangan mo nang paghati-hatiin ang oras mo, hindi na tayo madalas magkakasama,pagkasabi ay lalong lumungkot ang itsura ni Loraine. Ohhh, ang bespren ko naman nagdadrama, pwede ka ng mag artista nyan. Siyempre pwedi ka namang palaging pumunta sa bahay naming ni Aldrin no, welcome na welcome ka dun bes, patitikim ko sayo ang luto ng may asawa, pag aamo ni Jenny. Naputol ang pag-uusap ng magbespren na si Loraine at Jenny ng biglang dumating ang asawa ni Jenny na si Aldrin. Maaari ko bang mahiram sandali ang aking magandang asawa?tanong ni Aldrin. Oo naman Aldrin.Ikaw huh sandali pa lang ay agad mong namimis tong bespren ko.sabi ni Loraine. Syempre naman ayoko ngang mawala sa paningin kong itong si Jenny eh,sagot naman ni Aldrin. Oh sya sya,pumunta na kayo doon at naghihintay na ang photographer para kuhanan kayo.sabi ni Loraine. Sige,maiwan ka muna naming sandali, sabi ni Aldrin. Oo,okay lang ako dito basta ikaw bahala dyan sa bespren ko Ah wag na , wag mong pairalin yun lagot ka sakin, wika ni Loraine na siryoso ngunit nakatawa naman . Opo Miss Loraine, ako bahala kay Jenny,mamahalin ko sya at hinding hindi sasaktan, sagot ni Aldrin. Sige Bes mag enjoy ka muna jan. tnx hah,sabi naman ni jenny. Okay ready??..ONETWOTHREE SMILE(:, sabi ng kumukuha ng litrato at kinalabit ang kanyang camera .CLICK!

KABANATA 1
Natauhan bigla si Jenny mula sa kanyang pagbabalik alaala noong kasal nila ni Aldrin ng biglang tumunog ang telepono sa kanilang bahay. Tumayo sya sa pagkakaupo sa kanilang sofa at binitawan sa may lamesita ang wedding album at nagtungo kung san naroroon ang telepono. Sinagot nya ito at narinig ang boses ng kanyang asawa: Hello ? ,kumusta na ang maganda kong asawa ?, malambing na tinig mula sa telepono. Eto miss kana, anong oras uwi ng mahal ko?, tanong ni Jenny. Maya maya ay nanjan nako ,anong gusto mo pagdadalhan kita?,sabi ni Aldrin. Tinatanong pa ba yun?Tsaka hindi naglilihi bakit tinatanong mo pa ko?, sagot ni Jenny sabay hawak sa kanyang malaking tyan .Isang buwan nalang ay manganganak na sya. O sige sige tatapusin ko na tong ginagawa ko para makitako na at makasama ko na ang mahal ko ., sabi ni Aldrin. Sige mag ingat ka jan huh?,sagot ni Jenny. Oo magiingat ako ikaw din.wika ni aldrin. Si Aldrin ay isang HR officer sa isang kompanya sa Zambales at nagtatrabaho ng buong sikap para maitaguyod ang kanyang pamilya at lalo syang nagsisikap dahil sa magiging anak ni Jenny.

KABANATA 2
Nakatanaw sa malayo si Jenny habang siya ay nasa likod bahay nila, doon siya madalas namamalagi sa tuwing wala ang kanyang asawa at siya ay nag iisa, nakaramdam siya ng ginhawa sa preskong hanging pumapasok sa kanilang bakuran. Nakakaramdam siya ng pagkainip kaya tinawagan niya ang kanyang bespren para naman dalawin siya. Ang mga magulang naman niya ay nasa Mariveles kaya hindi niya pwedeng abalahin dahil napakalayo naman kung papupuntahin niya at kung siya naman ang pupunta ay paniguradong mapapagod siya sa biyahe at makakasama ito sas kanyang anak. Naiisip niya na malapit na din siyang manganak at hihintayin nalang niyang bisitahin siya ng kanyang mga magulang. Nawala ang pagkainip niya ng biglang may kumatok sa pinto ng kanilang bahay alam niyang si Loraine yon dahil tumawag siya rito, sinabing bisitahin siya ngayon. Pagbukas niya ng pinto ay sinalubong siya nito ng yakap. Bes, kumusta ka na? ang laki na ng tiyan mo. Malapit ka ng manganak nyan ano? Eto pala pinagdala kita ng pizza, sabi ni Loraine. Naku, salamat bes nag abala ka pa, sagot naman ni Jenny. Mukang naiinip ka rito ah? Tanong ni Loraine. Oo, araw araw akong walang kasama kaya naisipam kong tawagan ka. Sagot ni Jenny. Masayang nagkumustahan ang dalawa at nagpalitan ng kwento sa isat isa. Hindi nila namalayan an gang mabilis na paglipas ng oras. Para silang mga batang masyadong namis ang isat isa, ayaw ng maghiwalay. Lumipas pa ang ilang oras nilang pag uusap at nag paalam ng umuwi si Loraine bibisita na lamang daw siya ulit pagkapanganak ni Jenny.

KABANATA 3
MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN Nagsilang ng isang napakagandang sanggol na babae si Jenny at pinangalanan niya itong Yesha. Napakaganda ng anak niya at namana nito ang mapuputing kutis ng kanyang ina, ang magaganda nitong mga mata, ang magandang hugis ng kanyang mga labi at ang katangusan ng kanyang ilong ng sanggol na si Yesha ay namana niya sa kanyang amang si Aldrin. Masayang-masaya ang mag-asawa dahil sa napakagandang anghel na pinagkaloob sa kanila. Habang pinagmamasdan nila ang kanilang anak mula sa pagkakahimbing nito ng tulog biglang may kumatok sa pinto ng kanilang kuwarto. Hindi pa sila nakakalabas sa ospital dahil nagpapalakas pa si Jenny mula sa panganganak. Pagbukas ng pinto ay bumungad sakanila ang mga magulang ni Jenny. Mama , papa! Masayang tawag nia Jenny. Anak, kumusta kana?hindi ka ba masyadong nahirapang manganak? pag aalalang tanong ng mama ni Jenny na si Margie. Hindi naman po ma,sagot ni Jenny. Habang papalapit ay sinalubong ni Aldrin ang biyenan at nagmano. Masaya namang iniabot ng tatay ni Jenny na si Elmer ang isang basket ng prutas kay Aldrin pagkatapos nitong magmano sakanya. At sabay naman na pinuntahan ng mag asawang Margie at Elmer si baby Yesha. Abat napakaganda naman ng aking apo.wika ni tatay Elmer. Oo ngat kamukhang-kamukha ng ating prinsesang si Jenny.dagdag pa ni nanay Margie. At bigla namang ngumiti ng pagkatamis-tamis si baby Yesha na pawing naiintindihan ang pag-uusap ng kanyang mga magulang at lolot lola.

KABANATA 4
Nagluluto ng pananghalian si Aldrin para sa kanila dahil kalalabas lang ng kanyang mag-ina sa ospital. Sinamahan pa din sila ng mga magulang ni Jenny hanggang sa pag-uwi sa bahay nila sa Zambales. Iyon din ang huling araw nila at babalik na din sila saMariveles. Habang nagluluto si Aldrin ay masayang binabantayan ni Margie si baby Yesha para makapagpahinga si Jenny. Nang matapos nang magluto si Aldrin ay tinawag na niya ang biyenan niya at sabay-sabay silang kumain habang masarap na natutulog si baby Yesha. Abat marunong palang magluto itong si Aldrin ah iha? sabi ni tatay Elmer. Opo papa, kaya nga po minahalko siya eh. Isa pu yan sa katangiang gusto ko sa isang lalaki, pagmamalaki ni Jenny. Oh iho, alagaan mung mabuti itong anak ko huh? pagbibilin ni nanay Margie. Opo ma, aalagaan ko pong mabuti ang asawa ko.sabi ni Aldrin. Natapos ng kumain ang mag-anak at masayang inihatid ng mag-asawang Aldrin at Jenny sina Elmer at Margie. Ma, pa, mag-iingat pu kayi sa pag-uwi.magkasabay na sabi nina Aldrin at Jenny. Tinatanaw pa din ng mag-asawa ang kotseng papalayo sa kanilang bahay. Maya-maya ay sabay na silang pumasok sa luob ng kanilang bahay at pinuntahan si Baby Yesha.

KABANATA 5
Pagkalipas ng walong buwan Walong buwan na ngayon si baby Yesha at lumalaki siyang bibo at isang napakagandang bata. Naaaliw si Jenny at Loraine habang pinapanuod si baby Yesha na naglalaro. Bes, ang ganda-ganda talaga ng inaanak ko manang-mana sa ninang,pagbibirong sabi ni Loraine. At mana din sa nanay siyempre, sabi ni Jenny na sinabayan ng malakas na tawa. Masaya silang nakikipaglaro kay baby yesha at nang di nila namalayan aay gumagabi na pala. Pasado alas-nuwebe na ay wala pa din si Aldrin sa bahay. Panay ang hintay ni Jenny mula kaninang pagkaalis ni Loraine. Napatulog na niya si baby Yesha at nakakain na din siya ng hapunan dahil nagutom na siya sa kakahintay kay Aldrin. Balak na lamang niya sana itong tulugan dahil baka kasama niya ang kanyang mga barkada at nagkayayaan silang lumabas. Madaling araw na ng nagising si Jenny dahil sa pag-iyak ni Yesha, tinimplahan niya ito ng gatas at tinignan kung nakauwi na ang asawa niya dahil hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya sa kakahintay dito. Pagkarating niya sa may sala ay inabutan niyang lasing na lasing si Aldrin. Ginising niya ito at tinanong kung bakit ngayon lang umuwi at lasing na lasing pa. Nagalit si Aldrin ng gisingin siya nito. Ano ba?!!kita mong natutulog ang tao eh.galit na sabi ni Aldrin. Aba, ikaw pa tung galet? Ikaw na nga itong umuwi ng medaling araw at lasing na lasing, ikaw pa tung galet?parang wala kang pamilyang inuuwian ah?sagot ni Jenny na bahagyang mataas ang boses.

Ilang oras kitang hinintay ngayon pala ayan kat napagod sa pag-inum mo!ano bang problema mo? tanong ni Jenny. Kayo ang problema ko, napapagod na ko sa kakatrabaho. Lahat ginagawa ko pero bakit para sakanila mali pa rin ang ginagawa ko?napapagod ako nagpapakahirap para sa inyo.Hindi nila naiintidihan yon. Gustu ko kayong mabigyan ng magandang buhay.Natanggal na ko sa trabaho san na tayo kukuha ng pera?Pakiramdam ko ay pabigat kayo sakin, pabigat kayo sa buhay ko.Sabi ni Aldrin na galit na galit dahil na din siya ay nakainom. Pagkasabi ay lumakad na siya palayo kay Jenny at tumungo sa kanilang kuwarto.Naiwan namang nakaupo si Jenny sa sofa salu-salo ang kanyang dalawang kamay ang mukha at patuloy na pimapatak ang kanyang mga luha.

KABANATA 6
Pagkalipas ng gabing iyon ay paulit-ulit pang ginawa ni Aldrin iyon at si Jenny ay wala namang magawa kundi sarilinin ang mga sakit,galit at pighating kanyang nararamdaman. Isang gabi ng hindi na makatiis si Jenny ay kinausap niya si Aldrin at tinanong kung bakit siya nagkakaganon. Nasa kapit-bahay si Aldrin noon at nakikipag inuman sa kanyang mga kabarkada. Umuwi siya sandali at pagpasok niya ay nakita niya si Jenny na nakatingin sakanya. Anong tinitingin-tingin mo dyan?,umalis ka nga sa daraanan ko, at pagkasabi non ay bigla niyang tinulak si Jenny palayo sa kanya at bumagsak ito sa sahig. Maingat na tumayo si Jenny at hindi inintindi ang sakit na natamo niya sa pagkakatulak sakanya ni Aldrin. Sinundan niya si Aldrin na nagtungo sa kusina at niyakap niya ito habang umiiyak. Ano bang nangyayari sayo?, malambing na tanong niya sa asawa.Pero

You might also like