You are on page 1of 4

ANG AKING TALAMBUHAY

Lahat tayo ay dumadanas ng hirap at masaganang buhay, lahat din ay dumadanas ng saya at siyempre hindi mawawala ang lungkot. At isa ako sa dumadanas ng lahat ng ito. Bago ko simulan ang aking talambuhay, ay, hayaan niyo muna akong magsabi kong anong mayroon sa aking talambuhay. Sa paglathala sa aking talambuhay ay may halong biro at katotohanan siyempre. Isinisulat ko ditto kung ano talaga ang aking saloobin at sa paraang ito ko po lamang mababahagi at maipapahayag ang aking wika sa inyo. At sa aking talambuhay pong ito ay dito ho ninyo malalaman kung ano ang aking mga katangi-an at ang aking mga talento, dito din nasasalin at nasasaad ang aking mga gusto at hindi gustong mga bagay, ang aking paboritong pagkain, kulay, laro, ang aking kinahihiligan at ang aking pangaraw-araw na mga gawain, nasasaad din ditto ang tungkol sa aking pamilya. Noong, Septyembre 13, 1995 isinilang ang panganay na anak nang magasawang Tabong at Tingting. Ang bata na ito ay lubusang masiyahin, magalang, at may takot sa PANGINOONG DIYOS, hindi niya pinapakita sa ibang tao na malungkot siya, lage lang siyang naka ngiti kahit mabigat na ang kanyang dinadalang problema at para rin hindi niya masyadong iniisip ang mga problema, gusto niya masaya ang palagi. At itong bata na ito ay Lolos Boy dahil kapag umiiyak siya at may ipinabibili hindi siya ka agad didiretso sa kanyang mga magulang kundi doon siya lumalapit sa kanyang lolo, ang kanyang lolo ang nagpapatahan sa kanya at siya ang bumibili. Ang bata na ito ay nanggaling sa simpleng pamilya, hindi mayaman pero nakakaahon ang naman ang pamilyang ito at siyempre nakakain sila tatlong beses kada araw. Hindi gaano kalaki ang bahay nila pero tama lng sa kanila ang lahat na ito. Lubusang masiyahin ang pamilya na ito , ay tika bago kopo ito ipagpapatuloy hayaan niyo muna akong mag pakilala sa inyo, ako nga pala si NICHOLE JOHN PUERTAS UBALDE o tinatawag sa pangalang Nikko nakatira sa Upper, Poblacion, Lagonglong Misamis Oriental, labong anim na taong gulang na sa kasalukuyang nag aaral sa Unibersidad na Mindanao University of Science and Technology o MUST. Ang aking ama ay magsasaka, siya nga pala si Ginoong CEDRICK CANEOS UBALDE o tinatawag sa katagang pangalan na Tabong, ang aking ama ay mabait at mapag-unawa,siya ay 47 na ngayun, nakapagtapos ang aking ama nang 2 years sa kursong Basic Seaman pero hindi siya nakapagtrabaho dahil marami siyang bisyo tulad nang paninigarilyo at pag-iinom nang-alak pero ngayon nabawasan na dahil nandiyan na ako na nagbabantay sa kanya, ngayon ay nagpapasalamat ako na hindi na siya umiinom dahil kapag lasing na lasing na siya nanakit siya sa ibang tao at marami pa siyang katangiang hindi ko gusto pero mamaya ko na sasabihin. Ang aking ina naman ay nagtatrabaho sa Municipyo o LGU-Employee siya nga pala ay si MARIE MAE PUERTAS UBALDE , ang aking ina ay maganda, mabait, mapagunawa at matapang siya dahil hindi siya madaling sumusuko, siya ay 46 na ngayun, nakapagtapos ang aking ina nang pagiging teacher pero hindi pilnalad na makapasa sa board exam pero di bali Masaya naman siya sa kanyang trabaho ngayun mailiit nga lang ang sweldo pero okay na sa amin yun dahil malaking tulong na ang perang natatanggap niya buwan-buwan. At meron akong kapatid na maganda na sa kasalukuyang nag aaral sa ST.JOHN THE BAPTIST HIGHSCHOOL, siya ay labing apat na taong gulang, siya ay matulungin, magalang at may takot sa Panginoong Diyos. At siyempre hindi ko kakalimutan ang aking Lolo na ang pangalan ay GIOVANE Go

UBALDE, na siyang nagpapatamik sakin tuwing ako ay iiyak, ang aking lolo ay lubhusa ring masiyahin, siya ay mabait at matulungin sa kapwa tao pero wala na siya ngayun siya ay sumakabilang buhay na. Ang paborito kung kulay naman ay pula,itim,dilaw at asul maganda kasi tignan sa mata ang mga kulay na ito na hindi nakakasawang tignan,lahat nang pagkain ay paborito ko basta masarap, ang kinagigiliwan ko naming laro ay Basketball,Badminton at Volleyball pero ang pinagtunan ko nang pansin ang larong basketball dahil dito ko na ilalabas ang aking mga saloobin at dahil ang laro na ito ay bahagi na nang aking buhay. Gusto ko yung taong mabait at nakakaunawa at lalong hindi ko gusto yung taong masama na hindi gumagalang o rumerespito sa ibang tao. Sa likod nang masayahing pamilya ko ay meron kaming mabibigat na problema na dinadala, hindo lang puro kasiyahan, ang kasiyahan ay pinapakita lang naming para hindi namin masyadong iniisip o dinadamdam.Hayaan niyo muna ako na mag bahagi nang akng buhay na hinding hindi ko makakalimutan na pait na dinanas ko nung ako ay nasa elementary pa lamang nag hirap kami nuon, nagtiis ako, pumasok sa paaralan na walang pera dahil walang ipang bibigay ang aking magulang sa akin, tinitiis ko nalang ang gutom para lang makapagtapos nang pag-aaral, nanghihingi nalang ako nang pagkain sa aking kaklase pero hindi hadlang iyon para hindi ako makapagtapos sa elementarya, noong araw na gagraduate na ako, akala ko ang aking ina lang ang sasama sa akin pero nabigla ako dahil dumating ang aking ama patungo sa stage para masamahan ang ako at ang aking ina, tuwangtuwa ako nong dumating siya, at yun sa kabila nang hirap na dinanas namin nakapagtapos rin ako dahil sa suportang ibinigay nila para sa akin.Noong tumuntong na ako sa secondarya hindi na kami dumanas nang hirap dahil tumulong ang aking lolo na bumigay nang pang tuiton ko at baon ko pang araw-araw pero sarisaring problema rin ang nadanas naming dahil sa ama ko, dahil ang ama ko ay sobrang mapang-api sa aking ina at sa akin dahil sa kunting pagkakamali ko lang ay pinapagalitan na niya ako at ang aking ina, halos malapit na niya nga mapatay ang aking ina ko dahil para lang sa akin, gusto ko mang labanan ang aking ama pero maliit lang ako, na awa ako sa aking ina dahil palagi nalang niya ito sinasaktan pero laking pasalamat ko sa aking lolo dahil naipagtatanggol niya ang aking ina sa ama kung walang magawa kundi manakit at dahil sa pagtanggol nang lolo ko sa aking ina nakalimutan nang ama ko na ama niya ang ang kanyang kinakalaban napagsalitaan niya nang masama, malapit na niyang suntukin ang lolo ko, naawa na talaga ako sa kanila dahil hindi nila gusto na saktan ako nang ama ko dahil kapg nanagalit ang aking ama sakin, sinusuntok niya ako,sinisipa at iba pang bagay na ginagamit niya para masaktan lamang ako, gustong gusto ko talagang lumaban pero wala akong magawa dahil gustuhin ko man hindi ko magagawa dahil ama ko siya.Sa pagkalipas na taon suma kabilang buhay na ang aking lolo at nong oras na iyon nadama ko ang lungkot dahil wala nang magtatanggol sa amin kaya ang palaging ginagawa ko para hindi na manakit ang aking ama ay palagi akon nag dadasal na sana magbago na ang aking ama pero pagkatapos nang libing at pagkapatos nang isang buwan ay bumalik nanaman ang aking ama sa pananakit na akala ko ay hindi na, pero isang araw nong pagtatalo nila hindi ko natalagang matiis lumapit na ako at sinabing cge kung dle mo mag undang diha mag layas mi ni nikka at pagkatapos ay tumigil na ang aking ama at natauhan na sya nong pag sabi ko at marahil natatakot siya na mawala kaming dalawa dahil anak niya kami,marahil nagalala rin cya at siguro hindi niya matitiis na mawawala kami nang ilang araw lang.At simula sa araw na iyon ay hindi na sila nagtatalo hanggang sa nakapagtapos ako sa secondary na wala nang nagaaway, at ngayu masaya na kam dahil hindi na nanakit ang aking ama sa amin. Nagpapasamalat ako sa Panginoong Diyos na dininig niya ang panalangin ko,

ngayun ay sobrang saya na namin at Masaya din sila dahil nakatutong ako sa college dahil sa paghihirap nila at sa suportang ibinigay nila sa akain, at laking pasalamat ko rin sa Panginoong Diyos na binigay niya itong pamilya na ito sa akin at isa itong malaking biyayana binigay niya. Dahil sa kabila nang paghihirap naming ay nandyan ang Diyos palagi para tulungan kami na makahon at laking pasalamat ko sa aking Lolo na siyang tumulong sa aking pag-aaral at tumulong sa mga problema namin, wala palang imposible basta mag dasal palage at manalig sa Diyos. At bago ho ako magtatapos sa aking talambuhay nais ko pong iparating sa inyo na taus puso p akong nagpapasalamat sa pagintindi sa aking talambuhay. At dito na nagtatapos ang aking talambuhay

You might also like