You are on page 1of 12

"Dapat Bang Ipatupad ang Karagdagang Taon para sa Elementarya at Sekondarya?

"

Lakandiwa:

Edukasyon ay patuloy sa pagsulong,

Pagsulong na bumabago sa panahon.

Kalakip ay samutsaring suliranin.

Pangyayaring dapat sanang kabakahin.

Sa araw na ito, aming aarukin,

Sa tanang mga labi'y pabubukalin

Paninindigang hiwalay at magaling

Upang mabatid angkop na aariin.

Kung karapat-dapat bang maipatupad,

dalawang taon ang muling idadagdag.

Ang aming paksang sa madla'y ilalahad

Pagkalipas ng masigabong palakpak.

Una kong tatawagin, bantog sa galing,

Ang kataga niya'y sakbibi ng ningning

Bato-balaning may kamandag na angkin

Ang mapagpukula'y lango ang kahambing.

Tumindig ka ginoong Rodel Bucatan

At iyong pagdil'min mukha ng kalaban

Patunayan sa madlang ikaw ang lamang,

Karagdagang taon ang iyong panigan.

Dapat:

Sa mabunying lakandiwa'y nagpupugay

Sa pagpapakilala'y binigyang-buhay

Na sa kalooban ko ay nagpatibay,

Upang patiklupin pantas ding kaaway.

Yamang sa pag-aaral ay nagpagod na,

Bakit hindi na lang lubus-lubusin pa

Anak at magulang, makinabang kapwa

Nang ang hirap hindi mauwi sa wala.

Ang bayan natin , saan na nakarating?

Ano ang itutugon kung tatanungin

Ang bayang mahal na malaya sa turing?

Bakit ngayo'y tila nakapiit pa rin?

Samantalang kung sapat sa kaalaman

Sandiga'y mat'wid, moog ang luklukan,

Nakatitiyak ka ng paroroonan.

Tulad ng sundalong handa sa labanan.

Lakandiwa:

Ang mambabalagtas sa aking kaliwa

Kanina pang nasasabik magsalita.

Itanghal ang dangal sa harap ng madla.

Upang ang lahat ay pumanig sa kanya.

Ginoong Tabbagon ikaw ay tumindig

Ilahad sa madla napusuang panig

Mga kataga'y tunay na nabibihis

Nang laksang rikit at hindi matitikis.

Di-dapat;

Sa 'ming lakandiwa, maraming salamat.

Sa madla, ang kasiyahan ninyo'y hangad.

Aking katalo dapat sanang mag-ingat.

Sa mga hurado, sana'y maging tapat.

Bayan nati'y natatabingan ng dilag,

Sa sandaling ito ay iyong namalas

Malulumbay kang walang kapuknat-puknat.

Sayang sapagkat nasasapnan ng hirap.

Ngayo'y palapit, bagong eksperemento

Ibig ay dagdagan pasanin ng ulo.

Ibig ay dagdagan mga sakripisyo

Ng mga magulang na nasisiphayo.

Ilaan na lang salaping gugugulin

Sa mga bagay na mahusay sa tingin.

Di sana'y lalong hitik, lalong mainam,

Ang pag-aaral, magaan sa magulang!

Lakandiwa:

Unang bugso pilantik ng balagtasan,

Pagod ay hinagod, antok ay pinaram

Kanilang tinig may ibig patunayan!

Ang mas maalam ang dapat na hangaan.

Panig ng dapat, muling tinatawagan,

Upang sa muli dito'y pumailanglang,

Patunayang ikaw ang dapat panigan,

At kung hindi, medalya mo'y kabiguan.

Dapat:

Tila mga mata mo'y napipiringan

O baka, nagbubulag-bulagan lamang?

Kabilang ka sa mga bulung-bulungan

Sapagkat nagdudunung-dunungan lamang.

Ang kamalayang salat sa kaalaman,

Katunggali saan ang patutunguhan?

Hindi nga kayao baka sa kangkungan.

Kaya karagdagang tao'y kailangan.

Katunggali , kapag ito ay nangyari

Ang kinabuksan mo ay mapabubuti

Kikita ka na kahit pakunti-kunti

Magulang mo'y madudulutan ng ngiti.

Lakandiwa:

Talim ng dila'y pakaingatan

At baka kalawang ang makikinabang

Sa katagang ipupukol sa kalaban.

Muli ikaw ay tumayo ginoong maalam.

Hindi Dapat:

Kung makatulong, siyang tunay mong hangad

Tulad ko, tutulan mo taong idaragdag.

Maikling panahon, maikling pahirap.

Madaling karangyahaha'y malalasap.

Isa pa, hindi sa tagal masusukat

Ang kagalingan ng isang nagsisikap.

Kahit ilan taon pa ang itatambak

Kung parehong sa kagamitan ay salat.

Walang silid-aralan, aklat at guro,

Ang tunguhin mananatiling Malabo.

Kaya makabubuti pang isantabi

Ang balak, itapon na lamang sa kalye.

Dapat:

Edukasyo'y pasalungat sa panahon,

Katotohanang sa baya'y humahamon.

Suliraning pag hindi maaagapan

Magbubunga ng matinding kahihiyan.

Kaya kung ibig mong hirap ay magbunga

Hayaang ang panalo ay sa akin na.

Ngayon pa lamang akin na ang korona.

Umuwi ka nang batid ang tamang pasya.

Di dapat:

Hindi yata ikaw ang dapat umurong

katulad ng nabanggit mong edukasyon,

Sa taglay mong malabong paninindigan,

Bulag ka sa hirap ng mga magulang.

Maghapong ang katalik, init ng araw

Pawisan na ang pag-asa ay tanglaw.

Balang-panahon ang anak ay matampok

Makatutulong niya sa pag-iimpok.

Pangyayaring mas mahirap nang makamtam

Dahil daragdagan taong idadagan.

Sa dukhang dugo at pawis ang puhunan.

Sa mahihirap na walang masandalan.

Dapat:

Kung ang sandigan at sandigan din lamang,

Suliraning pinakapaghahandaan,

Lubusin na't magkaroon ng kaparakan,

Ang lahat ng iyong pinaninindigan.

Karagdagang taon, bato ang kapara,

Batong buhay na katiyakan ang bunga.

Gamiting moog, tanggulan ng pag-asa.

Sapagkat sa tibay walang pangalawa.

Di dapat:

Gaano katiyak na batong tungtungan

sa mga pamilyang walang mapagkunan?

Di kaya pamukpok sa kanilang ulo,

Na ngangatngat sa kanilang pagkamatino?

Malayo na tayo sa lumang pahina.

Sa simulang maningning ang mga tala,

Pangyayaring di na kailangang baguhin

Sapagkat ito ay subok na sa galing.

Lakandiwa:

Mga ginoo damdami'y kalamayin.

Ang kapanataga'y papanumbalikin.

Huwag kaligtaang tayo'y may tuntunin

Dapat isapuso, isadiwa't sundin.

Yamang napagtanto galing sa pagtindig

Natarok maging tayog ng pag-iisip

Ang aking pasya'y inyo nang mababatid.

Kapwa kayo nagwagi, walang nadaig.

Palayain ang muni,

Sa lahat ng bagay na may kaugnayan

Sa sarili. Hayaang itama ng panahon ang mga mali sa ating buhay.

Sapagkat walang mangmang

Na isinalang.

You might also like