You are on page 1of 15

ANG

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Tomo XLIII Blg. 23 Disyembre 7, 2012 www.philippinerevolution.net

Editoryal

Brutalidad sa likod ng mga pasiklab


alawang linggo bago ang paggunita ng International Human Rights Day, muling nagpasiklab si Benigno Aquino III nang buuin niya nitong Nobyembre 27 ang isang inter-agency committee (IAC). Aasikaso raw ito sa mga kaso ng ekstrahudisyal na pamamaslang, pagdukot, tortyur at iba pang anyo ng paglabag sa karapatang-tao, partikular sa mga kaso ng nakaraang rehimen. Ang pagkakabuo ng superbody na ito ay isang desperadong hakbang para takpan ang pananagutan ng kanyang rehimen sa lumalalang mga paglabag sa karapatang-tao sa bansa. Ginagamit ito ni Aquino para isalba ang kanyang kredibilidad sa usapin ng karapatang-tao sa harap ng malawak na pang-aabuso at brutalidad ng mga armadong tauhan ng estado. Dahil kabilang sa IAC ang mga hepe ng AFP at PNP, tiyak nawala itong ibang patutunguhan kundi ang pag-abswelto sa mga upisyal ng militar at pulisya na sangkot sa mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao. Wala itong pinagkaiba sa Task Force on Political Violence ng rehimeng Arroyo, na binuo noong 2007 sa kasagsagan ng mga paglabag sa karapatang-tao. Ilang araw bago ito, ibinida naman ni Aquino ang pagpirma niya sa ASEAN Human Rights Declaration nang magpulong ang mga lider nito sa Cambodia noong Nobyembre. Sa pamamagitan ng dokumentong ito, ang mga mapaniil na gubyernong pumirma rito ay makapagpapanggap na mga tagapagtaguyod ng kara-

patang-tao. Taliwas sa United Nations Declaration on Human Rights, isinasaad ng dokumentong ito ng ASEAN na ang karapatangtao ay mas mababa kaysa "pambansang seguridad" at iba pang konsiderasyon ng mga gubyerno. Ang pangangatwiran ding ito ang palagiang ginagamit ng kasalukuyan at nagdaang rehimen sa mga paglabag sa karapatangtao. Sa likod ng mga pasiklab na ito ni Aquino, tuluy-tuloy na lumalala at nagiging brutal ang mga pag-atake ng mga armadong tauhan nito sa mamamayan. Wala pang kahit isang salarin sa malalalang krimen ng paglabag sa karapatang-tao ang nahatulan sa ilalim ng rehimeng Aquino. Nananatiling bigo ang

Sa isyung ito... Mag-asawa pinaslang sa Isabela Dalawang tambang sa madaling araw

Hungkag na paglago ng ekonomya11

rehimeng Aquino na dakpin at ikulong si Gen. Jovito Palparan, ang berdugong heneral na responsable sa malalalang kaso ng paglabag sa karapatang-tao sa ilalim ng rehimeng Arroyo. Lalo pang humahaba ang listahan ng mga paglabag sa karapatang-tao habang dinedepensahan ng mga armadong ahente ng estado ang interes ng mga dayuhang korporasyon, mga lokal nitong kasosyong burgesyakumprador at panginoong maylupa. Lalupang tumitindi ang brutal na pasistang kampanya ng rehimeng Aquino laban sa mamamayan habang papalapit ang pagtatapos ng kontra-rebolusyonaryong Oplan Bayanihan. Nakatakdang magtapos na ito sa darating na taon, subalit malinaw na malayung-malayo ito sa layuning lupigin ang armado at demokratikong pakikibaka ng masa. Tampok sa pangatlong taon ni Aquino ang kahindik-hindik na pagpaslang ng mga lider-masa tulad nina Genesis Ambason at Ely Oguis, na kapwa dumaan sa

matinding tortyur. Sa kaso ni Oguis, karumal-dumal ang ginawang pagpugot sa kanya. Higit ding tumampok ang paggamit ng estado at kakutsaba nitong malalaking dayuhang kumpanya sa armadong pwersa ng AFP laban sa lumalabang mamamayan. Tampok ito sa pamamaslang sa mga lider-Lumad na mariing tumututol sa dayuhang pagmimina, at sa walang awang pagmasaker ng mga pwersa ng AFP sa pamilyang Capion noong Oktubre. Sinalubong ng protesta ang paghirang kamakailan ni Aquino kay Brig. Gen. Eduardo Ao bilang hepe ng Intelligence Service of the AFP. Si Ao ay isa sa 45 pinangalanang responsable sa pagdukot kay Jonas Burgos noong 2007. Responsable rin siya sa iligal na pag-aresto kay Tirso "Ka Bart" Alcantara noong 2011 at sa matitinding paglabag sa karapatang-tao sa South Quezon-Bondoc Peninsula ngayong taon. Ayon sa talaan ng KARAPATAN, mula Hulyo 2010 hanggang Oktubre 2012 ay umabot

ANG

Nilalaman
Editoryal: Brutalidad sa likod ng mga pasiklab 1 ASEAN Human Rights Declaration Mag-asawa, pinaslang ng 86th IB sa Isabela Militar, umatake sa mga Manobo at Lumad Manilakbayan para sa hustisya Dalawang tambang sa madaling araw Tropa ng gubyerno, inambus sa Aurora Taktikal na opensiba sa Panay 76th IB, pinarusahan sa Leyte Aksyong militar ng BHB sa Kalinga 57th IB, binigwasan Hungkag na paglago ng ekonomya FAO 167, instrumento ng pandarambong Mga magsasaka sa niyugan, naghihikahos 2 4 5 5 6 8 9 9 10 10 11 12 13

Taon XLIII Blg. 23 Disyembre 7, 2012 Ang Ang Bayan ay inilalabas sa wikang Pilipino, Bisaya, Iloko, Hiligaynon, Waray at Ingles. Maaari itong i-download mula sa Philippine Revolution Web Central na matatagpuan sa: www.philippinerevolution.net Tumatanggap ang Ang Bayan ng mga kontribusyon sa anyo ng mga artikulo at balita. Hinihikayat din ang mga mambabasa na magpaabot ng mga puna at rekomendasyon sa ikauunlad ng ating pahayagan. Maaabot kami sa pamamagitan ng email sa: angbayan@yahoo.com

Daan-daan libo, sinalanta ng bagyong Pablo 10

Ang Ang Bayan ay inilalathala dalawang beses bawat buwan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas

sa 129 ang biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang at 12 ang dinukot. Sa Mindanao, 37 ang biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang, kabilang ang 24 na lider-Lumad na tumututol sa malakihang pagmimina at pagtotroso. Labinlimang ina at batang babae ang pinaslang ng rehimen sa ilalim ng Oplan Bayanihan, 12 sa kanila nito lamang 2012. Umaabot na rin sa 467 ang iligal na inaresto, karamihan mga magsasaka at mga katutubong nakasalubong ng mga nagooperasyong militar sa bundok at kagubatan. Binansagan ang mga nadakip na mga kasapi o tagasuporta ng Bagong Hukbong Bayan. (Tingnan ang talaan para sa kabuuang listahan.) May 401 bilanggong pulitikal sa bansa, at 123 rito ay inaresto at ikinulong sa ilalim ng rehimeng Aquino. Lansakan din ang mga paglabag sa karapatang-tao sa pagtutulak ni Aquino na ipatupad ang mga programa sa ekonomya. Kaliwa't kanan ang mararahas na demolisyon ng mga maralitang komunidad sa layuning ipagamit sa dayong malalaking kumpanya ang lupa para sa mga proyekto sa ilalim ng Public-Private Partnership. Patuloy din ang tuwirang pagsikil sa karapatan ng mga manggagawa sa pag-uunyon at pagwewelga. Pinagbabantaan ni Aquino ang karapatan sa pamamahayag sa pagtutulak niya ng Cybercrime Act. Kaliwa't kanan ang paglabag ng rehimen sa mga kasunduang pinirmahan ng estado at ng National Democractic Front of the Philippines, laluna sa paggarantiya sa karapatang-tao at sa seguridad ng mga negosyador at konsultant ng NDFP. Dahil dito, lalong ginagawang mahirap na magpatuloy pa ang usapang pangkapayapaan. ~
ANG BAYAN Disyembre 7, 2012

Talaan ng mga paglabag ng rehimeng Aquino sa karapatang-tao mula Hulyo 30, 2010 hanggang Oktubre 31, 2012
Kaso Ekstrahudisyal na pamamaslang Pagdukot Tortyur Panggagahasa Bigong pamamaslang Iligal na pang-aaresto nang walang detensyon Iligal na pang-aaresto na may detensyon Iligal na pangrerekisa Pambubugbog at pananakit Demolisyon Pagpasok sa tirahan nang walang paalam Paninira sa ari-arian Pagnanakaw Pwersahang pagpapalikas Pagbabanta/pananakot/ intimidasyon Walang pakundangang pamamaril Pekeng pagpapasuko Pwersahang pagpapatrabaho Paggamit ng mga sibilyan sa mga operasyong militar o pulis Paggamit ng mga eskwelahan, pasilidad-medikal, simbahan at iba pang lugar pampubliko Paninikil-marahas na pambubuwag ng mga aksyong masa at iba pang pagtitipong masa Bilang ng mga biktima 129 12 72 3 150 228 239 201 205 8,336 369 7,711 280 30,259 27,281 6,743 47 162 296 23,792

Ang mapanlinlang na ASEAN Human Rights Declaration


ahagi ng kabuuang pagpapanggap ni Benigno Aquino III na tagapagtaguyod siya ng karapatang-tao ang pagpirma niya sa ASEAN Human Rights Declaration noong Nobyembre. Ito ay isang mapanlinlang na dokumento na sa aktwal ay sumusuporta sa mga mapaniil na gubyerno. Pag-atras ito mula sa United Nations Declaration of Human Rights na nagsasaad na ang karapatang-tao ay saligang karapatan ng lahat ng indibidwal. Ang nilalaman ng ASEAN Human Rights Declaration ay binalangkas ng iba't ibang upisyal ng mga myembro ng ASEAN subalit walang kahit isang tagapagtaguyod ng karapatang-tao na kinonsulta hinggil dito. Ang resulta, kinundena ito ng mga aktibista sa karapatang-tao sa rehiyon sa halip na ikatuwa nila ito. Nakasaad sa deklarasyon na "...sa katuparan ng karapatang-tao, dapat bigyangkonsiderasyon ang rehiyunal at pambansang konteksto at isaalang-alang ang iba't ibang katangiang pampulitika, pang-ekonomya, ligal, panlipunan, pangkultura, istoriko at panrelihiyon." Dapat din daw isaalang-alang ang mga rekisito tulad ng pambansang seguridad, kaayusan, kalusugan, kaligtasan at moralidad ng publiko. Ang mga batayang karapatan tulad ng karapatang bumoto, lumahok sa gubyerno at bumuo at sumapi sa mga unyon ay maaari lamang pairalin kung naaayon ito sa mga batas at patakaran. Ang pagbilang din sa "moralidad" bilang batayan ay maaaring gamitin sa pagsagka sa karapatan ng kababaihan. Anang KARAPATAN, maraming butas ang dokumento at maaaring gamitin ito ng mga estado sa ASEAN bilang balangkas sa ibayo pang mga paglabag sa karapatang-tao. Mismong ang UN High Commissioner on Human Rights at 62 lokal, rehiyunal at pandaigdigang grupo ang nanawagan noon sa ASEAN na suspindihin ang pagpirma sa deklarasyon. Subalit ipinagpatuloy nina Aquino at iba pang pinuno ng ASEAN ang paglagda sa deklarasyon dahil sinusuhayan nito ang mapaniil na tunguhin ng mga gubyerno sa rehiyon.~
3

2,481

Mula sa Karapatan 2012 Year-end Report on the Human Rights Situation in the Philippines, na inilabas nitong Disyembre 2012. Sa talaan, pinakamarami ang pinaslang sa Bicol (33), kasunod sa Southern Tagalog (18), Southern Mindanao (14) at NCR (10). Labinlima sa 129 ay mga babae at 62 ay mga kasapi ng mga organisasyong masa. Pinakamarami sa kanila ay mga magsasaka (71), mga katutubo (25) at mga menor de edad (15).

ANG BAYAN Disyembre 7, 2012

Matandang mag-asawa, pinaslang ng 86th IB sa Isabela

inagbabaril ng mga elemento ng 86th IB ang mag-asawang Vicente Valenzuela, 60 anyos at Rosario Valenzuela, 51 anyos sa Sityo Calabaggin, Barangay San Miguel, Echague, Isabela noong madaling araw ng Nobyembre 23. Pinaulanan ng bala ang kanilang kubo sa paniniwalang may mga namamahingang Pulang mandirigma sa loob. kahoy nang siya ay barilin. May tama siya likod na tumagos sa kanyang dibdib. Ang bangkay ng kanyang asawang si Rosario ay nasa tulugan, nakatihaya. May tama siya ng bala sa ilalim ng kanang tainga at tagusan ito hanggang kaliwang bahagi ng kanyang ulo. Naaagnas na ang kanilang mga bangkay nang matagpuan. Marami ring butas ng bala ang mga dingding ng kanilang kubo, indikasyon na inistraping ito. Binidyo at nilitratuhan ng mga sundalo ang mga bangkay at bahay at kinuha ang mga basyo ng bala at isinilid sa mga plastik na bag. Binalot nila ng banig ang dalawang bangkay at ipinahatid sa mga tagabaryo sa sentro ng San Miguel. Habang dinadala ang mga bangkay, humingi ng paumanhin ang isa sa mga sundalong nagngangalang Robert Bagni dahil pinagbabaril daw nila ang bahay sa pagaakalang may mga gerilya ng BHB sa loob. Maraming residente ang nakarinig sa sinabi ni Bagni. Noong Nobyembre 25, dalawang imbestigador mula sa pulisya ang dumating sa sityo para inspeksyunin ang pinangyarihan, litratuhan at bidyuhan ito at manguha ng mga basyo ng bala. Subalit noong araw ding iyon, narinig nila sa radyo ang ulat ng militar na napatay daw ang mag-asawang Valenzuela sa palitan ng putok ng AFP at BHB. Kinabukasan,

Sa imbestigasyong pinamunuan ng grupong KARAPATAN, napag-alaman na ang mga pumaslang sa mag-asawang Valenzuela ay kabilang sa isang 14-16 kataong grupo ng mga sundalong pumondo sa dalawang bahay sa Sityo Calabaggin, San Miguel buong maghapon ng Nobyembre 22. Ang grupo ay pinamumunuan nina Lieutenant Bernardino at Sergeant Balansa. Nakipag-inuman pa ang mga sundalo sa ilang tagabaryo bago sila umalis bandang ala-una ng madaling araw ng Nobyembre 23. Bandang alas-3 ng umaga, nakarinig ng dalawang magkasunod na putok ang mga residente ng lugar, na sinundan ng sunud-sunod pang putok. Pagsapit ng alas-11 ng umaga, nakarinig sila ng ulat sa lokal na istasyon ng radyo na nagkaroon umano ng engkwentro sa kanilang sityo. Gayunman, duda rito ang mga residente dahil wala silang narinig na palitan ng putok noong madaling araw. Nobyembre 24, sinabihan ng mga sundalo ang mga upisyal ng Barangay San Miguel na may mga napatay at sinamahan sila sa bahay ng mga Valenzuela, na nasa tuktok ng isang burol mga kalahating kilometro ang layo mula sa sentro ng sityo. Natagpuan ng mga upisyal ang bangkay ni Vicente Valenzuela sa may tarangkahan ng kanyang bahay. Mukhang nagtatadtad siya ng kamoteng
4

inulit ng PNP-Isabela sa Bombo Radyo ang bulaang linya ng militar, at sinabi pang ginamit daw na pananggalang ng BHB ang mag-asawa. May natagpuan pa raw silang mga detonating cord, laptop at personal na gamit ng isa sa mga sundalong napatay sa ambus ng BHB ilang araw na ang nakararaan. Mahigpit itong pinabulaanan ng mga tagabaryong sumama sa pagkuha ng mga bangkay noong Nobyembre 24. Ayon pa rin sa mga kamaganak ng mga biktima, nawawala rin ang `15,000 na iniingatan ni Gng. Valenzuela, na nagmula sa pagbebenta nila ng maliit na parsela ng lupa. Ang walang awang pagpaslang sa mag-asawang Valenzuela at walang kahihiyang pagtatakip ng mga salarin ang tunay na larawan ng kampanyang "kapayapaan at kaunlaran" na dala-dala ng mga Community Peace and Development (COPD) Team ng Oplan Bayanihan sa malawak na kanayunan. Ang mga COPD Team ng 5th ID, na kinabibilangan ng mga sangkot na sundalo ng 86th IB, ay nakababad na sa sampung baryo ng timog Isabela mula pa noong Enero. Dito sa mga lugar na ito, laganap ang mga paglabag ng militar sa karapatangtao at pandaigdigang alituntunin sa digma, tulad ng pagbabase ng mga sundalo sa mga pampublikong lugar gaya ng mga barangay hall at tabi ng eskwelahan; lasingan at sugalan at pang-iistorbo sa katamihikan sa mga baryo; pambabastos sa mga babae; at pananakot ng mga nag-ooperasyong tropa sa mga sibilyan. ~
ANG BAYAN Disyembre 7, 2012

Militar, umatake sa mga Lumad


natake ng mga pasistang militar ang mga Lumad na Manobo sa North Cotabato. Tatlong aktibista naman ang iligal na inaresto habang isang kampo naman ng militar ang itinayo sa isang barangay sa Davao del Norte. Nobyembre 27-Disyembre 5. Walang habas na kinanyon ng 57th D IB ang mga barangay ng Bagumbayan, Noa, Amabel at Bantac sa Magpet, North Cotabato. Hindi bababa sa 15 bomba ang pinasabog ng militar mula Disyembre 4 hanggang 5. Umabot sa 200 pamilya, karamihan mga katutubong Manobo, ang napwersang lumisan sa kanilang mga tahanan. Bago ito, noong Nobyembre 27 ay tinutukan, pinaghubad, ginapos at isinailalim sa matinding interogasyon ng mga sundalo ng 57th IB si Aurelio Buhisan, 54 anyos, residente ng Sityo Tanay, Barangay Doles. Inakusahan siyang kumander ng BHB. Pinakawalan lamang si Buhisan nang dumating ang barangay captainng Doles na nagpatunay na sibilyan ang biktima. Sa Sityo Salingsing sa kanugnog na barangay ng Amabel, sapilitang hinakot ng mga sundalo ang ilang residenteng Lumad sa basketball court at dalawang oras doon ininteroga sa ilalim ng araw. Kabilang sa mga biktima ang dalawang babae at limang bata. Hinalughog at pinagnakawan din ng mga sundalo ang bahay ni Stella Imbud, 40 anyos, isa ring Lumad na residente ng naturang sityo. Kunway naghahanap ng mga armas at granada ang mga nanghahalughog na militar. Disyembre 3. Dinukot ng mga operatiba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sina Randy Vegas at Raul Camposano, kapwa mga organisador ng mga kawani ng pamahalaan sa ilalim ng Confederation for the Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE). Dinampot sila sa Metro Manila ng mga di nagpakilalang armadong tauhan, dinala sa Camp Bagong Diwa sa Taguig bago dalhin sa Daet, Camarines Norte kung saan sila tuluyang ikinulong. Hindi sila binigyan ng abugado habang isinasailalim sa interogasyon. Sinampahan sila ng gawa-gawang kaso kaugnay ng pagtambang ng Bagong Hukbong Bayan sa mga tauhan ng AFP noong Abril 29 sa Labo, Camarines Norte. Nobyembre 29 ng gabi. Inaresto ng mga pulis si Marites Bacolod na lider Samahan ng Maralitang Nagkakaisa-Corazon de Jesus, isang lokal na samahan ng KADAMAY sa San Juan City. Dinampot si Bacolod isang araw bago ang nakatakdang pagtalumpati ni Aquino sa San Juan. Isinangkalan ng pulis ang kasong "civil disobedience" kaugnay sa demolisyon ng Barangay Corazon de Jesus noong 2011. Oktubre 22 hanggang sa kasalukuyan. Nagtayo ng kampo ang mga elemento ng 60th IB sa sentro ng populasyon ng Sityo Natulinan, Barangay Palma Gil, Talaingod, Davao del Norte. Dahil sa takot, ilang bata na ang tumigil sa pag-aaral at ilang residente na ang nagbakwit. Kabilang sa mga napilitang lumisan sina Toto Barintos at ang kanyang pamilya, dahil pinaglalagian ng militar ang kanilang bahay at tindahan. Dahil sa militarisasyon, natigil na rin ang pagtatanim ng mga halamang ugat, mais at palay na siyang ikinabubuhay ~ ng mga residente.
ANG BAYAN Disyembre 7, 2012

Manilakbayan para sa hustisya


ahigit 70 magsasaka at katutubo mula sa iba't ibang panig ng Mindanao na delegado ng Manilakbayan ang dumating sa Maynila nitong Disyembre 3. Layunin ng Manilakbayan na manawagan ng suporta para sa kanilang mga daing laban sa militarisasyon. Malugod silang sinalubong ng KARAPATAN, Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (KAMP) at mga madre at relihiyoso sa ilalim ng grupong EcuVoice. Pinamumunuan ang manilakbayan ng Panalipdan-Mindanao at Kalumaran, alyansa ng mga pambansang minorya sa Mindanao. Humihingi sila ng suporta para sa kanilang laban para sa katarungan at pagpapatigil sa mga ekstrahudisyal na pagpaslang at pwersahang ebakwasyon sa Mindanao, dala ng nagpapatuloy na militarisasyon at pandarambong ng malakihang pagmimina sa kanilang mga lupain. Kabilang sa delegasyon ang mga kamag-anak ng mag-inang Capion na minasaker noong Oktubre 18 sa Tampakan, South Cotabato. Nagsabwatan ang militar at Sagittarius Mines Inc. (SMI)-Xstrata para patayin ang pamilyang Capion, batay sa resulta ng imbestigasyong isinagawa noong Nobyembre 17 ng National Peace and Solidarity Mission na pinamunuan ng Justice for Capion Family, Justice for All Network. Ayon sa mga nakapanayam ng mga nag-imbestiga sa masaker, tatlong beses na nagpunta sa kubo ng pamilyang Capion si Dan Balandra, isang dating koronel at kasalukuyang security consultant ng SMI ilang araw
5

bago ang nangyaring pagmasaker ng mga elemento ng 27th IB. Kasama rin sa delegasyon ang limang balo ng limang lider-minorya na pinaslang dahil ipinaglaban nila ang kanilang karapatan sa lupang ninuno na kinakamkam ng mga korporasyon sa pagmimina at agribisnes, at para sa pagtatayo ng megadam. Hangad din ng Manilakbayan na makuha ang pansin ng publiko sa kanilang kampanyang "Iligtas ang aming paaralan. Sinimulan ang paaralan sa literasiya ng mga samahan ng mamamayan, sa tu-

long ng mga taong katulad ni Fr. Pops Tentorio, PIME, na pinaslang ng grupong paramilitar ng AFP. Hindi pa kontento sa pambobomba ng mga komunidad at pamamaslang, ginagamit din ng militar ang mga paaralan bilang mga kampo, o nagtatayo ng detatsment sa loob ng perimetro ng paaralan. Ang pagsalubong sa delegasyon ng Manilakbayan ay pambungad na aktibidad sa nakahanay na mga pagkilos hanggang Disyembre 10, ang taunang komemorasyon ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang-tao. ~

Dalawang tambang sa madaling araw

inigwasan ng mga Pulang mandirigma mula sa Benito Tesorio Command at Reynaldo Pinon Command ang mga pangunahing panagupang yunit ng 5th ID sa dalawang magkahiwalay na insidente noong madaling araw ng Nobyembre 27. Ang 51st at 52nd Division Reconnaissance Companies (DRC) ang tinaguriang mga elite o espesyal na yunit ng 5th ID. Umabot sa 13 tropa nito ang nalagas sa dalawang labanang tatlong oras lamang ang pagitan sa magkanugnog na mga bayan ng San Mariano at Echague. Ayon sa upisyal na ulat ng Benito Tesorio Command, nakasamsam sila mula sa kaaway ng isang M60 at dalawang K3, limang M16, tatlong night vision scopes, isang Harris radio, isang pares ng binoculars, daan-daang mga bala at 15 US bakpak sa ikalawang labanan sa Echague. Taktika ng 51st at 52nd DRC ang pagkilos sa gabi nang may night vision scope. Pinatunayan ng dalawang pananambang na ito na sa kabila ng dilim, hindi maaaring ikubli ng kaaway sa masa at BHB ang padron ng kanilang pagkilos. Ala-1:30 ng madaling araw noong Nobyembre 17, sa Sityo Luzcon, Barangay Gangalan, San Mariano, anim na tropa ng isang platun ng 51st DRC sa pamumuno ni 2Lieutenant Cabanas ang napatay sa ambus ng isang platun sa ilalim ng Reynaldo Pion Command. Samantala, sa Mabbayad, Echague, inambus ng mga Pulang mandirigma ang mga elemento ng 52nd DRC na nag-oop-

erasyon sa lugar na dati nilang pinagkampuhan noong madaling araw ng Nobyembre 16. Nang wala silang madatnan doon, maghapon silang nagkubli sa lugar na masukal. Napag-alaman ito ng isang platun ng BHB na nasa di kalayuan. Pumusisyon ang mga Pulang mandirigma sa mga lugar na posibleng daraanan ng mga pasista para tambangan. Tatlong iskwad ng BHB ang pumwesto sa paborableng lugar sa itinakdang ambush site. Hindi na sila kumain ng hapunan at hindi na iniwan ang kanilang mga pusisyon buong magdamag dahil anumang oras ay maaaring dumating na ang target nila.

ANG BAYAN Disyembre 7, 2012

Pinag-aralan ng kumand ng platun ng BHB kung paano makokontra ang pagkilos sa gabi ng mga tropa ng DRC sa pamamagitan ng tambang sa gabi. Ang itinakdang killing zone ng kumand ng platun ay ang maliit na kalsada sa ibaba ng burol na pinwestuhan ng mga gerilya. Ang unang iskwad ay nakahiwalay nang may distansya sa dalawa pang iskwad. Ang pangalawang iskwad ay nakahilera sa taas ng burol na lupa lamang ang kublihan. At ang kalapit nitong pangatlong iskwad ay nakakubli sa ilang tumpok ng mga puno ng saging sa mas mataas na bahagi ng burol. Sa pagitan ng kalsada at ng dalawang iskwad ay ang nalinis nang pinagtamnan ng mais na paahon sa burol. Madilim ang gabi, at lalong dumilim nang magmadaling araw na ng Nobyembre 17. Pasado alas-4 na ng madaling araw nang may maaninag ang ilang kasama na papalapit na magkakadikit na tao, na noong unay hindi matiyak kung iyon ba ang isang iskwad ng BHB o kaaway na. Tatlong metro na lamang ang layo ng mga sundalo nang sila ay paputukan ng mga Pulang mandirigma. Nagtakbuhan ang karamihan pababa sa burol, habang ang iba, kabilang ang may hawak ng M60 na nasa harapan ay umahon sa tutok ng burol na pinwestuhan ng pangatlong iskwad ng BHB. Sinalubong ng isang kasama ang kaaway na nakamasinggan. Papuputukan niya sana ito ng shotgun pero hindi pumutok ang kanyang baril. Kaya sinunggaban niya ang kaaway at nagpambuno sila. Iniulos ng isa pang kasama ang dulo ng kanyang M14 sa tagiliran ng kaaway. Tumakbo ito at naiwan ang hawak niyang M60. Masinggan ang unang nasamsam sa unang bugso pa lamang ng putu-

kan. Ang unang iskwad ng BHB na nakapusisyon sa likod ng kaaway ay hindi agad makapagpaputok dahil dikitan ang labanan at napakadilim ng paligid. Nagpaputok na lamang sila nang magliliwanag na. Lalong natuliro ang kaaway nang bugsuhan sila ng putok mula sa likod. Bagamat nagmumula na ang putok ng BHB mula sa harap, tagiliran at likod, hindi iniatras ng punong upisyal ng kaaway ang kanyang yunit at bagkus ay nanatili sila sa bahagi ng burol na walang makukublian kahit nang magliwanag na ang paligid. Maliban sa mga tumakbo pababa sa burol at nagtago sa mga puno sa ibaba, isa-isang tinamaan ang mga sundalo, kabilang ang pinuno nilang si 1Lt. Jimnah Torrepalma. Nagkalat ang mga masinggan, armalayt, pak at patay at sugatang kaaway ilang metro lamang ang layo sa mga nakapalibot na gerilya. Bandang alas-6 ng umaga, pinasusuko na ng BHB ang kaaway na nanatili sa burol. Si Torrepalma na malalang nasugatan ay nagpahayag ng pagsuko, kasama ang dalawa pang sundalong sugatan. Ginamot ng mga medik ng BHB ang sumukong tinyente pero malala ang kanyang sugat, at namatay din ito. Ginamot din ang dalawa pang sumuko na di gaanong malala ang sugat at nabuhay ang mga ito. Agad itinawag ng BHB sa isang reporter sa radyo ang tungkol sa mga sugatang kaaway at sinabing kunin na nila ang mga ito para malapatan ng lunas. Pero pasado alas-12 na ng tanghali nang magdatingan ang dalawang helikopter at reimporsment ng 5th ID. Tinangka ng kaaway na ilihis ang atensyon ng publiko mula sa dinanas nilang pagkatalo. Nag-

pakalat sila ng bulaang kwento na may tatlong dayuhang babae raw na kasama ang BHB at nagpadala raw ang BHB ng mga mandirigma nito mula sa Cagayan. Subalit hindi pa rin maikukubli ang makabuluhang paglakas ng hukbong bayan at armadong pakikibaka sa Isabela. Bago ang dalawang matatagumpay na ambus na ito, tatlong labanan ang naganap sa pagitan ng BHB at 51st DRC sa mga bayan ng Jones at San Mariano. Siyam na sundalo ang napatay at di bababa sa sampu ang nasugatan dito. Dalawang sundalo ang nasawi at sampu pa ang nasugatan sa operasyong harasment ng isang iskwad ng BHB noong Nobyembre 8 laban sa 54-kataong tropa ng 51st DRC sa Sityo Namulan, Barangay San Jose, San Mariano. Ikinubli ito ng militar sa masmidya, bagamat maraming magsasaka ang nakakita sa paghahakot ng mga bangkay at sugatan pasakay sa sumaklolong dalawang helikopter. Apat na tropa naman mula sa 25-kataong platun ng 51st DRC ang napatay sa harasment ng isang tim ng BHB noong Oktubre 30 sa Sityo Old Nursery, Barangay Disulap, San Mariano. Pasado alas-12 ng hatinggabi ng Oktubre 17, tatlong sundalo mula sa 24-kataong platun ng 51st DRC ang nabuwal at di mabilang ang nasugatan sa naganap na engkwentro sa pagitan nila at ng isang platun sa ilalim ng Benito Tesorio Command sa Sityo Kidog-kidog, Barangay Santa Isabel sa bayan ng Jones. Nagtagal nang 30 minuto ang sagupaan at walang tinamong kaswalti ang mga Pulang mandirigma. Pinalabas ng 5th ID na walang kaswalti ang magkabilang panig. (Halaw sa ulat ng Fortunato Camus Command [BHB-Cagayan Valley])

ANG BAYAN Disyembre 7, 2012

Mga tropa ng gubyerno, inambus sa Aurora


nitarian Law. Nanawagan ang DEC-BHB sa lahat ng mamamayan na tutulan ang pakana ng militar na gamitin ang sibilyan bilang panangga sa pag-atake sa kanila ng BHB, tulad ng paghihimpil nila sa gitna ng mga kabahayan, eskwelahan, simbahan at pampublikong pasilidad. Mariing sampal kay Col. Victor Castro, hepe ng 702nd Infantry Brigade, ang inilunsad na ambus ng BHB sa Aurora. Dalawang linggo bago ito, buong yabang na idineklara ni Castro sa isang istasyon ng radyo na wala nang kakayahang maglunsad ng mga opensiba ang BHB sa Aurora at Nueva Ecija. Hindi kataka-takang pilit na itinatago ni Castro sa midya ang sinapit ng kanyang mga tauhan. Nais nilang panatilihin na nawasak na umano ang rebolusyunaryong kilusan sa lugar. Ito ay para tumaas ang mga ranggo ng militar at maging kaakit-akit ito sa pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan alinsunod sa interes ng mga Angara. Itinutulak ngayon ng dinastiyang pinamumunuan ni Sen. Edgardo Angara ang proyektong Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (APECO) na nakasentro sa bayan ng Casiguran. May nakalaang `353 milyong badyet ito para sa 2013. Ayon kay Ka Rowena Cervantes, ang inilunsad na taktikal na opensiba ay bahagi ng tuluy-tuloy na kampanyang militar ng BHB sa Aurora at Nueva Ecija upang pagbayarin ang berdugong 48th IB at iba pang sundalo sa ilalim ng 7th Infantry Division sa dumaraming biktima ng kanilang pananakot, pandarahas, pagdukot at pagpatay. ~
ANG BAYAN Disyembre 7, 2012

inambangan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa ilalim ng Domingo Erlano Command (DEC-BHB) sa Aurora ang mga tropa ng 48th IB noong Nobyembre 22 sa Maria Aurora, lalawigan ng Aurora. tas na lugar ang mga Pulang mandirigma. Dahil sa paggamit ng militar sa mga sibilyan bilang pananggalang, nadamay sa labanan sa blocking zone ang drayber ng trak ng Department of Public Works and Highways na sinakyan ng mga sundalo at dalawa pang sibilyan na isinakay ng militar papunta sa lugar na pinangyarihan. Sumisimpatya at nakikiramay ang DEC-BHB-Aurora sa mga sibilyang naipit sa nangyaring labanan. Gayundin, nakahanda itong magbigay ng tulong para sa mga nasabing biktima. Kaugnay nito, kinukondena ng DEC-BHB-Aurora ang tusong paggamit ng 48th IB ng mga sibilyang sasakyan, drayber, at pagsasakay ng mga inosenteng pasahero papunta sa lugar ng labanan. Nilalabag nito ang Geneva Conventions at mga probisyon ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Huma-

Ayon kay Ka Rowena Cervantes, tagapagsalita ng DEC-BHB-Aurora, inambus ng isang platun ng BHB ang mga tropa na nagsidatingan bilang tugon sa pagsunog ng mga gerilya sa isang dump truck at isang backhoe ng Angel Palacios Constructions. Pinasabugan ng tatlong anti-personnel command-detonated explosives ang naunang trak ng militar na sinasakyan ng humigit-kumulang 20 sundalo alas-8:15 ng umaga sa Barangay Villa, Maria Aurora. Hindi nakaganti ang militar. Nagreimpors ang mga pulis na nakasakay sa limang motorsiklo. Ngunit sinalubong sila ng mga putok ng mga isnayper sa blocking force ng BHB sa Sityo Kamatis, Barangay Villa. Agad na napatay ang walong pulis. Hinarang din ng mga Pulang mandirigma ang umaabanteng mga sundalong sakay ng pansibilyang trak. Pagkatapos ng 20 minutong labanan, nakaatras tungo sa lig8

Mga taktikal na opensiba sa Panay, inilunsad

atlo ang napatay at pito ang nasugatan sa kaaway kabilang ang bandidong Revolutionary Proletarian Army (RPA) sa mga taktikal na opensiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Southern Front ng Panay mula Agosto hanggang Oktubre. Dalawa ang napatay at apat ang nasugatan nang tambangan ng isang yunit ng Napoleon Tumagtang Command (NTC-BHB) ang isang kolum ng Bravo Coy ng 82nd IB sa Sityo Tabionan, Barangay Bucari, Leon, Iloilo noong Oktubre 27, dakong alas-7:30 ng umaga. Ayon sa ulat ng Daba-Daba, ang pahayagang masa sa Panay, ang inambus na yunit ng 82nd IB ay isa sa apat na kolum ng militar na sumusuyod sa kagubatan para maengkwentro ang BHB. Napatay agad ang dalawang sundalo sa unang bugso ng putok. Mabilis na sumaklolo ang ikalawang kolum ng kaaway pero nakaatras sa ligtas na lugar ang yunit ng BHB. Sumaklolo ang dalawang helikopter ng militarisang MG520 at Huey. Pumalya ang Huey at napilitang lumapag sa Sityo Tabionan. Tinangka pa itong kumpunihin subalit dahil pinaglumaang gamit-militar ito ng US, umapoy ito nang subukang paandarin. Pinagtatanggal na lamang ng mga sundalo ang mga pyesa ng helikopter at sinunog ang ibang bahagi nito. Bandang hapon, nagreimpors ang 61st IB at 31st DRC mula sa sentral Panay. Pinaputukan naman sila ng isang yunit ng BHB sa Barangay Danao, Leon, na katabi lamang ng Tabionan. Kinabukasan, bandang alas-7 ng gabi, binulabog ng isang yunit ng BHB ang command post ng Alpha Coy ng 82nd IB na nakahimpil sa Barangay Lanag, Tubungan. Nagtakbuhan sa iba't ibang direksyon ang mga tropa na noon ay naglalaro ng basketbol sa plasa at naiwan nila ang kanilang mga armas. Natutulog ang kanilang CO sa detatsment at laking gulat nito nang magising dahil siya na lamang ang naiwan sa detatsment. Bago ito, noong Setyembre 27, isang elemento ng RPA ang napatay at dalawa ang nasugatan nang ambusin sila ng isang yunit ng BHB sa ilalim ng NTC-BHB sa Barangay Valentin Grasparil, Sibalom, Antique. Nakumpiska ng BHB ang isang karbin, dalawang maikling armas, mga bala, granada at iba pang gamit-militar at mga dokumento. Noong Agosto 27, isang sundalo ng 82nd IB ang nasugatan nang maengkwentro nila ang isang yunit ng BHB sa Barangay Onop, Miag-ao, Iloilo. ~

78th IB, pinarusahan ng BHB sa Leyte

inawaran ng parusa ng mga Pulang mandirigma ng Mt. Amandewin Command ang tropa ng 78th IB dahil sa malalalang paglabag nito sa karapatang-tao. Inambus ang abusadong yunit-militar sa Sityo Calingatnan, Barangay San Pedro, Albuera, Leyte noong Nobyembre 30. Anim na sundalo ang napatay, subalit isang kaswalti lamang ang inamin ng AFP sa midya. Marami ang sugatan. Pabalik ang mga sundalo sa kanilang kampo sakay ng isang siksbay matapos sila mag-operasyon sa Barangay Liberty, Ormoc City. Sa isang pahayag, sinabi ni Fr. Santiago Salas, tagapagsalita ng National Democratic Front-Eastern Visayas, na pinabulaanan ng ambus ang ipinagmamayabang ng AFP na tapos na ang BHB sa Leyte. Dagdag niya, pinarusahan ang 78th IB dahil sa paghahasik nito ng lagim sa mga sibilyang komunidad na inooperasyon nito. Bunga nito, nabubulabog ang pagsasaka at iba pang kabuhayan ng masa. Nilalabag din ng 78th IB ang mga batas ng digma dahil sa pag-okupa nito sa mga bahay ng mga sibilyan at paggamit ng mga barangay hall, eskwelahan, kapilya at iba pang gusaling sibilyan. Noong Oktubre, tinangka ring gahasain ng isang sundalo ang isang 12 anyos na batang babae pagkatapos ang ambus ng BHB sa Barangay Cagbana, Burauen na ikinamatay ng dalawang militar. Binatikos din ni Fr. Salas ang pagpapanggap ng rehimeng Aquino hinggil sa karapatang-tao. "Wala pang naparurusahang kahit isang militar na lumabag sa karapatang-tao sa Leyte o anupamang lugar," aniya. ~

ANG BAYAN Disyembre 7, 2012

Aksyong militar ng BHB sa Kalinga


alawang tropa ng 21st IB ang napatay nang makasagupa nila ang mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Lejo Cawilan Command (LCC-BHB) sa Sityo Inumbog, Bagtayan, Pasil sa prubinsya ng Kalinga noong Nobyembre 30. Ayon kay Ka Tipon Gil-ayab, tagapagsalita ng Lejo Cawilan Command, nagpapatrulya ang dalawang kolum ng 21st IB nang maengkwentro sila ng mga Pulang mandirigma bandang alas-9 ng umaga. Agarang napatay ang dalawang pasistang militar. Samantala, mabilis na nakaatras ang BHB sa ligtas na lugar na walang kaswalti. Noong hapon ng araw na iyon, dalawang helikopter ang walang patumanggang namomba sa kagubatan sa pagitan ng Inumbog at Gaang, Talalang sa bayan ng Balbalan. Ang 21st IB ang nagsisilbing "Investment Defense Force" para sa pagpasok ng mga proyekto ng mga dayuhang kapitalista katulad ng malalaking minahan, hydropower dam at mga geothermal plant. ~

57th IB, binigwasan

sang sundalo ng 57th IB ang napatay at di pa malamang bilang ng mga militar ang nasugatan nang makalaban nila ang mga Pulang mandirigma ng Herminio Alfonso Operations Command (HAC) ganap na alas-11:40 ng tanghali noong Disyembre 3 sa Mt. Makaindos, Barangay Amabel, Magpet, North Cotabato. Umatras ang mga sundalo matapos ang isang oras na pakikipagsagupaan at iniwan ang kanilang mga kaswalti at mga suplay medikal. Bago ito, nagkalabanan din ang 10th Special Forces Company (SFC) at HAC dakong alas-9:30 ng umaga ng Nobyembre 26. Tatlong sundalo ang napatay at anim pa ang nasugatan, taliwas sa iniulat ng AFP na walang kaswalti ang magkabilang panig. Pinatitindi ng 57th IB at 10th SFC ang mga pang-aabuso nito bilang bahagi ng mga operasyon para hawanin ang daan sa pagpasok ng Hitocho Group of Companies, ang bagong mamumuhunan ng Dole Philippines. ~

Daan-daan libo, sinalanta ng bagyong Pablo

aan-daan libong mamamayan, karamihan mahihirap na magsasaka, ang sinalanta ng bagyong Pablo na humambalos pangunahin sa Southern Mindanao nitong Disyembre 4. Hindi bababa sa 400 ang namatay at daan-daan pa ang nawawala sa mga bayan ng New Bataan, Cateel, Baganga at Monkayo matapos rumagasa ang putik at tubig mula sa kalbong mga bundok ng Compostela Valley. Nangawasak ang mga bahay at kabuhayan ng mamamayan hanggang sa Northeastern at Northcentral Mindanao, Southern Leyte, Southern Negros at Palawan. Nagpahayag ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at ang National Democratic Front (NDF)-Southern Mindanao ng pakikidalamhati sa mga naging biktima ng malaking sakuna. Nanawagan sila sa lahat ng mga rebolusyonaryong pwersa na magpalitaw ng pondo at mga donasyon para ipantulong sa mga nasalanta. Nanawagan ang PKP sa mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan na tumulong sa pagliligtas at muling

pagbangon ng mga biktima mula sa kalamidad. Binatikos ng NDF-SMR ang kawalan ng aksyon at kainutilan ng gubyernong Aquino sa harap ng trahedyang ito. Tinukoy nito ang pagkabigo ng mga upisyal ni Aquino na isakatuparan ang sapat na paghahanda sa pagdating ng bagyo at pagresponde sa pangangailangan ng mamamayan. Upang makaiwas sa sisi, pinalalabas pa ng mga upisyal ng gubyerno na kasalanan ng mamamayan ang dinanas nilang sakuna dahil umano sa hindi nila pagtugon sa mga inilabas na babala tungkol sa paparating na bagyo. Kinundena rin ng NDF-SMR ang tuluy-tuloy na pagpapapasok ng malalaking kumpanya sa pagmimina at agribisnes sa Compostela Valley. "Hindi natin makita ang daan-daang milyong pisong buwis na hinuhuthot mula sa ComVal." Sa harap ng malaking trahedyang puminsala sa mayamang lugar ngunit naghihirap na mga komunidad, barya-barya lamang ang itinutulong ng gubyerno. ~

10

ANG BAYAN Disyembre 7, 2012

Hungkag na paglago ng ekonomya

ubos na ipinagmalaki ni Benigno Aquino III ang iniulat noong Nobyembre 28 na 7.1% paglago ng Gross Domestic Product (GDP) o kabuuang produksyon sa bansa. noong maagang bahagi ng dekada 2000 subalit nagsarahan matapos lamang ang ilang taon nang humina ang demand para sa mga nars at caregiver sa ibayong dagat. Malinaw din ang pinsalang dulot sa mga maralita ng pagtutulak ng rehimeng Aquino ng mga proyektong real estate dahil sa malawakang mga demolisyong isinasagawa sa National Capital Region para hawanin ang malalawak na lupain. Ang totoo, mula Hunyo hanggang Setyembre, lumiit pa ang empleyo nang 0.1%, katumbas ng 250,000 manggagawang nawalan ng trabaho. Ang aktwal na tantos ng disempleyo ay di bababa sa 22%, lalupa't 75% ng mga trabahong nalikha ngayong taon ay parttime lamang ang katangian. Sa mga may trabaho diumano, umaabot sa 25% ang klasipikado bilang "di sinasahurang manggagawa sa pamilya." Palusot na termino ito para saklawin ang mga taong nagpipilit kumita kahit papaano sa pamamagitan ng paglalako at iba pang katulad na gawain. Umaabot na ngayon sa 20% ang klasipikadong underemployed o kulang ang trabaho, isa ring palusot na termino para pagtakpan ang tunay na lawak ng disempleyo. Umaabot din sa 40% ng mga walang trabaho ang nakapagaral sa kolehiyo. Indikasyon ito kung gaano kalaki ang bilang ng mga may kasanayan at kaalaman na maaari sanang magsilbi

Walang kabuluhan ang estadistikang ito sa karamihan ng mamamayan dahil walang anumang palatandaan na bumangon na ang ekonomya o nabiyayaan na ng pag-unlad ang mayoryang mahihirap. Ang ipinagmamayabang na 7.1% paglago sa GDP ay ibinunsod lamang ng 24% paglaki ng gastos sa konstruksyon. Karamihan sa mga proyekto rito ay mga gusaling pang-upisina, shopping mall at mga condominium. Lumawak ang konstruksyon dahil sa inaasahang pagdami pa ng mga call center at paglaki ng remitans ng mga migranteng manggagawa. Aabot sa 2.2 milyong metro kwadrado ng espasyong pang-upisina ang nakatakdang itayo hanggang 2015, kalakhan sa Quezon City, Mandaluyong at Maynila para sa inaasahang pagdami ng mga call center. Subalit mapupunta lamang ito sa wala dahil napipinto na rin ang paghupa ng negosyong call center sa Pilipinas. Dahil sadlak din sa krisis, lumalakas ang panawagan sa US na pondohan ng gubyerno ang "in-sourcing" o pag-empleyo ng mga manggagawang Amerikano para gampanan ang mga serbisyong karaniwang ipinauubaya sa mga call center sa ibang bansa tulad ng Pilipinas. Kung magkagayon, magagaya ang mga call center dito sa mga eskwelahan ng nursing na nagsulputang parang kabute
ANG BAYAN Disyembre 7, 2012

sa lokal na ekonomya subalit hindi napakikinabangan dahil sa kabiguan ng reaksyunaryong estado na ipatupad ang modernisasyon ng ekonomya. Anumang manipulasyon ng estadistika ang gawin ni Aquino, hindi niya maitatago ang pagiging agraryo at atrasado ng ekonomya ng Pilipinas. Ang tunguhin nito ay hindi pagsulong at paglago kundi pagtirik at krisis. Ang reaksyunaryong estado sa Pilipinas ay walang layuning pang-ekonomya o determinasyong pampulitika na paunlarin ang mga lokal na pwersa sa produksyon at paunlarin ang ekonomya. Nasa interes ng naghaharing mga uring malalaking panginoong maylupa at malalaking burgesyang komprador na panatilihin ang lokal na ekonomya na atrasado at nakasalalay sa ekonomya ng malalaking kapitalistang bansa. ~
11

FAO 167, instrumento sa pandarambong ng karagatan


ayong pandarambong, hindi preserbasyon ng yamang-dagat ang layunin ng Fisheries Administrative Order (FAO) 167 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Sa ngalan ng sustainable fishing, nais lamang nitong siguruhin ang istableng suplay ng isda para sa mga industriyal na sasakyang pangisda ng mga dayuhang kapitalista. Isinabatas ang FAO 167 noong 1989. Layunin nito diumano na mabigyan ng panahong makapanumbalik ang suplay ng iba't ibang klase ng sardinas (tunsoy, tamban, tabagak) at makerel (hasa-hasa, alumaan, bulao) na humina na dahil sa abuso sa pangingisda sa karagatan ng Kabisayaan. Ngayong taon, idineklara ng BFAR ang moratoryum sa pangingisda mula Nobyembre 15 hanggang Marso 2013. Ang Visayan Sea ang itinuturing na pulso ng karagatan sa daigdig dahil dito matatagpuan ang pinakamaraming klase ng lamangdagat. Ang naturang moratoryum sa pangingisda ay ipinatutupad alinsunod sa limang-taong (2012-2017) proyektong Ecosystem Improved for Sustainable Fisheries (ECOFISH) na inilunsad noong Oktubre 2012 ng Department of Agriculture at US Agency for International Development (USAID) at sa tulak ng World Bank. Isa lamang ang Visayan Sea sa walong mayor na pangisdaan sa bansa na nangangailangan diumano ng rehabilitasyon ng yamang-dagat. Panganim ang Pilipinas sa pinakamalalaking prodyuser ng isda sa daigdig. Kaugnay ng naturang moratoryum ang pag-operasyon muli ng oil and gas exploration ng isang kumpanyang Australian na NorAsia Energy Limited. Saklaw nito ang Cebu-Bohol Strait at ilang bahagi ng Eastern Visayas. Naglunsad naman ng koordinadong protesta ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya (PAMALAKAYA) sa Panay, Guimaras, Negros Island, Central Visayas, Masbate, Iloilo, Samar at Leyte; ang grupo ng mananaliksik na Fisheries and Marine Environment Research Institute (FMERI) at Visayan Sea Fisherfolk Forum (VSFF). Idinaing nila ang malaking epekto nito sa kabuhayan ng umaabot sa 100,000 maliliit na mangingisda sa Kabisayaan. Mababa ang antas ng teknolohiya ng maliliit na mangingisda at hindi nila kayang mangisda sa malalayong lugar. Ayon sa kanila, ang dapat patawan ng moratoryum ay ang malakihang komersyal na pangisda. Para maalagaan ang yamang-dagat, dapat ipagbawal ang malakihang komersyal na pangisda na gumagamit ng mapanirang teknolohiya sa pangisda tulad ng malalaking trawl na kumakayod sa ilalim ng karagatan at sumisira sa mga coral reefs (ang lugar na pinangingitlugan ng mga isda at pinaninirahan ng iba pang lamang-dagat). Dapat ding tiyakin ang karapatan ng maliliit na mangingisda sa kanilang tradisyunal na pangisdaan at istriktong ipagbawal ang pagpasok dito ng komersyal na mangingisda. Ang apat na buwang suspensyon ay magiging sanhi rin ng pangaaresto at detensyon ng mga mangingisda at manggagawa sa pangisda. Noong Nobyembre 18, labinlimang mangingisda ng F/B Entan San Antonio ang hinuli ng Philippine Coastguard. ~
12

Welga, inilunsad sa Agusan del Sur


abay-sabay na naglunsad ng welga ang mga manggagawa ng Filipinas Palm Oil Plantation, Inc. (FPPI), Agusan Plantation Inc. (API) at AGUMILL sa Agusan del Sur nitong Nobyembre 27. Ang nagwelgang mga manggagawa ay kasapi ng National Federation of Labor Unions (NAFLU)-Kilusang Mayo Uno (KMU). Tinututulan ng mga unyon ng manggagawa ang iligal na pagsisisante, matitinding paglabag ng mga kumpanya sa batas paggawa at paglabag sa Collective Bargaining Agreement (CBA). Tumututol ang mga manggagawa sa FPPI at API sa kautusan ng maneydsment na pumirma sila sa isang deklarasyon na hindi lumalabag ang naturang mga kumpanya sa batas paggawa, partikular sa hindi pagreregularisa sa mga manggagawa na mahigit lima hanggang 29 na taon nang kaswal. Bunga nito, tinanggal ng FPPI ang 252 kaswal na manggagawa nito at pinatalsik naman ng API ang 15 iba pa noong Oktubre 25. Maliban sa iligal na pagpapatalsik ng mga manggagawa, tinututulan din ng unyon ang mababang pasahod; kawalan ng benepisyo mula sa SSS, Philhealth at Pag-ibig; hindi pagbayad ng holiday pay at 13th month pay; kawalan ng service incentive leave; kawalan ng rest day; at kawalan ng kagamitang pamprotekta sa katawan ng 600 manggagawa ng FPPI, 100 manggagawa ng API at 50 ng AGUMILL. Hindi rin nireregularisa ang mga kaswal na mahigit anim na buwan nang nagtatrabaho. Hindi ibinibigay ang mga benepisANG BAYAN Disyembre 7, 2012

yong nakasaad sa CBA mula 2007 hanggang 2011 para sa mahigit 200 manggagawa at hindi ibinibigay ang backwages mula 2007 hanggang 2011. Hindi rin tinutupad ang batas sa pasahod. Ang FPPI ang pinakamalaking plantasyon ng palm sa Pilipinas. Mahigit 30% ng kabuuang plantasyon ng palm ang pag-aari nito na sumasaklaw sa 8,430 ektarya ng lupain sa mga bayan ng San Francisco at Rosario. Katulad ng niyog, ginaga-

wang mantika, margarina, sangkap sa paggawa ng sabon at iba pa ang bunga ng palm. Mahigit 1,000 ang mga manggagawa nito na karamihan ay kaswal. Naglunsad din ng welga ang unyon noong Oktubre 2010 dahil sa deadlock o hindi pagkakasundo sa CBA. Ang plantasyon ng API ang pumapangalawa sa FPPI na sumasaklaw sa 1,815 ektarya ng lupain sa Trento. ~

3.5 milyong magsasaka sa niyugan, naghihikahos


atlo't kalahating milyong magsasaka sa niyugan ang naghihikahos ngayon dahil sa pagbagsak ng presyo ng kopra mula `4060 nitong kalagitnaan ng taon tungong `4-6 bawat kilo nitong nakaraang mga buwan. Sa harap ng ganitong kalagayan, iginiit ng mga magsasaka na dapat kagyat na ipatupad ang pagbabalik ng `70 bilyong pondong coco levy sa mga magsasaka sa anyong pera dahil malaki ang maitutulong nito para makaahon sila sa labis na paghihikahos. Tinutulan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at ng Coco Levy Funds Ibalik sa Amin (CLAIM) ang ipinapanukala ng ilang upisyal ng gubyerno na gamitin ang pondong coco levy bilang subsidyo sa presyo ng kopra. Anila, ang makikinabang lamang sa naturang hakbang ay ang mga ganid na negosyante kasabwat ang malalaking kumpanya na bumibili at gumagamit ng mga produkto ng niyog. Ibinasura rin ng KMP ang mungkahing gamitin ang coco levy para tulungan ang mga magsasaka sa niyugan na mapaunlad at mamodernisa ang industriya. Ito rin ang idinahilan ng sabwatang Marcos-Cojuangco para pwersahang kulektahin ang coco levy sa mga magsasaka noong dekada 1970. Iginigiit ng KMP at ng CLAIM na hindi dapat hawakan ng gubyernong Aquino ang pondong coco levy dahil wala itong kahit isang sentimong iniambag sa naturang pondo.
ANG BAYAN Disyembre 7, 2012

Iginiit din ng mga magbubukid na dapat tanggalin ang pabigat na 15% resikada na bawas sa presyo ng bawat kilong kopra na ibinebenta ng maliliit na magsasaka. Sinang-ayunan ito ng Pinag-Isang Lakas ng mga Magsasaka sa Quezon (PiglasQuezon) na naggiit na dapat tuluyang ibasura ang sistemang resikada at matanggal ang iba pang mga kaltas sa kinikita ng mga magsasaka. Ang presyo ng kopra sa internasyunal na pamilihan ay dikta ng malalaking kumpanya sa pagpoproseso ng kopra. Mula pa noong dekada 1930 ay kinabibilangan na ito ng Procter and Gamble Philippines (US), Unilever Philippines (UK), Cargill Philippines (US), Franklin Baker (US), Jardine-

Davies (US) at Nichimen (Japan), mga kumpanyang pag-aari ng malalaking kapitalista. Kasabwat naman nila ang mga lokal na burgesya-kumprador gaya ng Ayala Corporation na nakikipagsosyo na ngayon sa Mitsubishi Corporation; at Aboitiz Corporation at San Miguel Corporation na nakikipagsosyo sa Fuji Oil at C. Itoh and Company Ltd. Ginagamit ang kopra at langis ng niyog bilang sangkap sa produksyon ng gamot, cosmetics, sabon, iba't ibang pagkain, inumin, pagkain ng mga alagang hayop, panghalo sa langis, paggawa ng baterya, pataba at iba pang batayang pangangailangan. Ang Pilipinas ang isa sa nangungunang nag-eeksport ng kopra sa buong mundo. Walumpu't limang porsyento ng kopra ang iniluluwas at 15% ang napakikinabangan sa loob ng bansa. Noong Disyembre 2011, umabot sa $2 bilyon ang kabuuang kita sa pag-eeksport ng mga produktong kopra. ~

13

ANG

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Tomo XLIII Blg. 23 Disyembre 7, 2012 www.philippinerevolution.net

Editoryal

Brutalidad sa likod ng mga pasiklab


alawang linggo bago ang paggunita ng International Human Rights Day, muling nagpasiklab si Benigno Aquino III nang buuin niya nitong Nobyembre 27 ang isang inter-agency committee (IAC). Aasikaso raw ito sa mga kaso ng ekstrahudisyal na pamamaslang, pagdukot, tortyur at iba pang anyo ng paglabag sa karapatang-tao, partikular sa mga kaso ng nakaraang rehimen. Ang pagkakabuo ng superbody na ito ay isang desperadong hakbang para takpan ang pananagutan ng kanyang rehimen sa lumalalang mga paglabag sa karapatang-tao sa bansa. Ginagamit ito ni Aquino para isalba ang kanyang kredibilidad sa usapin ng karapatang-tao sa harap ng malawak na pang-aabuso at brutalidad ng mga armadong tauhan ng estado. Dahil kabilang sa IAC ang mga hepe ng AFP at PNP, tiyak nawala itong ibang patutunguhan kundi ang pag-abswelto sa mga upisyal ng militar at pulisya na sangkot sa mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao. Wala itong pinagkaiba sa Task Force on Political Violence ng rehimeng Arroyo, na binuo noong 2007 sa kasagsagan ng mga paglabag sa karapatang-tao. Ilang araw bago ito, ibinida naman ni Aquino ang pagpirma niya sa ASEAN Human Rights Declaration nang magpulong ang mga lider nito sa Cambodia noong Nobyembre. Sa pamamagitan ng dokumentong ito, ang mga mapaniil na gubyernong pumirma rito ay makapagpapanggap na mga tagapagtaguyod ng kara-

patang-tao. Taliwas sa United Nations Declaration on Human Rights, isinasaad ng dokumentong ito ng ASEAN na ang karapatangtao ay mas mababa kaysa "pambansang seguridad" at iba pang konsiderasyon ng mga gubyerno. Ang pangangatwiran ding ito ang palagiang ginagamit ng kasalukuyan at nagdaang rehimen sa mga paglabag sa karapatangtao. Sa likod ng mga pasiklab na ito ni Aquino, tuluy-tuloy na lumalala at nagiging brutal ang mga pag-atake ng mga armadong tauhan nito sa mamamayan. Wala pang kahit isang salarin sa malalalang krimen ng paglabag sa karapatang-tao ang nahatulan sa ilalim ng rehimeng Aquino. Nananatiling bigo ang

Sa isyung ito... Mag-asawa pinaslang sa Isabela Dalawang tambang sa madaling araw

Hungkag na paglago ng ekonomya11

Mga tuntunin sa paglilimbag


1. Ang sinundang pahina, na eksaktong kopya ng pahina 1 maliban sa mas mapusyaw ang masthead o logo ay para sa mga gumagamit ng mimeo machine o naglilimbag sa paraang v-type. Idinisenyo ito para hindi madaling makasira ng istensil. 2. Pag-print sa istensil: a) Sa print dialog, i-check ang Print as image b) Alisin ang check sa Shrink oversized pages to paper size k) I-click ang Properties d) I-click ang Advanced e) Tiyaking naka-set sa 100% ang Scaling d) Ituloy ang pag-print 3. Hinihikayat ang mga kasama na ipaabot sa patnugutan ng AB ang anumang problema kaugnay ng paglilimbag sa pamamagitan ng v-type. Magpadala ng email sa angbayan@yahoo.com

You might also like