You are on page 1of 9

KABANATA I

Panimula Hindi lingid sa lahat na ang daigdig ay unti-unti nang nawawasak. Walang makapagsasabi kung kailan nga ba nagsimula ang pagkasira nito. Sa katotohanang ito,

nakakalungkot mang isipin ay hindi na maitatanggi pa na ang dahilan kung bakit nagkaroon ng masaganang kalikasan na siya sanang magbibigay ng lahat ng pangangailangan sa kanyang mundong ginagalawan ay ang mismong dahilan din kung bakit humantong sa pagkasira ang mundo. Sa kasalukuyan, hindi na mabilang ang mga isyung kinakaharap ng bansa. Pangunahin sa mga ito ay ang mga krisis na ukol sa kahirapan, pulitika, at ekonomiya. Bagamat ito ang mga isyung madalas nating napapanood sa telebisyon at nababasa sa mga tabloid, hindi pa rin ipinagwawalang-bahala ang problema ukol sa pagkasira at pagkaubos ng mga likas na yaman. Sa patuloy na pagkasira ng kapaligiran, hindi lamang bansang Pilipinas ang nakararanas ng mga negatibong epektong idinudulot nito, ngunit gayon na rin ang buong daigdig. Wala mang nakakaalam kung kailan ito nagsimula, ang mahalaga ngayon ay mapigilan ang mga bagay na nakapipinsala sa kapaligiran. Paano nga ba humantong sa ganitong sitwasyon ang ating kalikasan? Marahil isa sa mga posibleng dahilan ay ang mga kalamidad na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na nararanasan. Ang kalamidad ay maaaring maging natural o yaong idinulot ng mga ibat-ibang aktibidad ng tao. Sa paglipas ng panahon, ibat-ibang mga imbensyon ang nalikha na hindi maikakailang nakatutulong ng malaki sa pamumuhay ng sangkatauhan. Sa kabila nito, marami ang naging

ignorante sa mga maaari nitong idulot sa kalikasan. Karamihan sa mga imbensyon ng tao ay nakapinsala sa kapaligiran at nagdulot ng lalong pagkawasak nito. Sa pananaliksik na ito na pinamagatang Psychology: Technological Disasters, naglalayon ang mga mananaliksik na malaman ang ibat-ibang persepsyon ng tao ukol sa mga teknolohikal na kalamidad. Ninanais ng mga mananaliksik na makakalap ng mga datos at makapanayam ang mga respondante tungkol sa mga opinyon nito sa kalamidad dulot ng mga makabagong teknolohiya. Naglalayon din ang mga mananaliksik na malaman ang mga ideya ng mga respondante tungkol sa mga maaaring maging epekto sa kalikasan ng mga teknolohikal na pagbabago, gayon na rin ang kanilang mga opinyon sa patuloy na pagkasira ng ating kapaligiran. Isa rin sa mga ninanais na malaman ng mga mananaliksik ay ang mga paghahanda na maaring gawin ng mga respondante kung sakaling kanilang maranasan ang teknolohikal na kalamidad.

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Sa makabagong panahon ngayon, marami nang mga bagay na naimbento na hindi nalamang nakapagpapadali sa buhay ng tao kundi nagbibigay na rin ito ng kasiyahan. Ngunit ang kasiyahan na ito ay mapapalitan ng takot at pangamba sa mga di kanais-nais na dulot na kalamidad ng makabagong teknolohiya.

Ayon kay PPP-9 (isang blogger) ang mga kalamidad na nadadanas tulad na bagyong ondoy at pepeng dito sa bansang Pilipinas ay ilan lang sa mga bunga ng makabagong teknolohiya. Nagpapakadalubhasa ang mga tao sa paggawa at patuloy na pagpapaunlad ng kagamitan kaya naman ang likas na yaman ay naaabuso at tuluyang naisasambahala kayat naniningil ang

Inang Kalikasan sa pamamagitan ng hagupit ng mga kalamidad. Dahil sa pagiging materyoso ng karamihan tuluyang nasisira ang kalikasan.

Ayon kay Thomas Claburn ang mga teknolohikal na kalamidad ay epekto ng pampulitiko at panlipunang sekto. Ang mga pagkasira o destruksyon ng mga makinarya ay nagreresulta ng pagkamatay ng madaming tao at nakakaapekto din ito sa iba pang bansa at maging sa lahat ng dako ng mundo. Sa pahayag na ito, masasabing ang patuloy na pag-unlad ng kaalaman sa paggamit at paggawa ng makabagong teknolohiya ay magreresulta ng isang kalamidad na kung saan buhay ang magiging kapalit. Magdudulot din ang mga teknolohiyang ito na isang risk factor para magkaroon ng natural na kalamidad tulad ng malalakas na bagyo. Aang mga pangyayaring ito ay hindi lamang nangyayari sa isang bansa kundi sa buong mundo. Ayon sa International na Komunistang Tunguhin: Manggagawa ng Daidig Magkaisa (20092010)Problema sa produksyon at pangangaiswa sa basura Sa pangkalahatan ang dekadenteng kapitalismo ay sistema ng mga basura. Sa abante at atrasadong mga bansa man, isa ang basura sa mayor na problema. Ano ang puno't dulo ng problema sa basura kung saan ang ilusyon at pagmamayabang ni Bayani Fernando ng MMDA (Metro Manila Development Authority) ay naging bangungot mismo sa kanya ng malasap ng Metro Manila ang bagyong Ondoy? Ang kapitalismo ay sistema na nakabatay sa paglikha ng mga kalakal para ibenta sa pamilihan. Ang layuning mabenta ang kalakal ang nagtulak para sa kompetisyon, ang isa sa naturalesa ng kapitalistang sistema. Ang kompetisyon para mabenta at magkamal ng tubo ang siyang dahilan kung bakit: 1. "The production of commodities cannot be planned in space and time because of competition between capitalists; it therefore follows an irrational logic, according to which each capitalist tends to enlarge his own production in order to sell at a lower price and realise his profit, which leads to an excess of unsold commodities. It is moreover precisely this necessity to outdo the competition and lower prices which leads the producers to lower the quality of manufactured products, which drastically reduces their lifetime and rapidly reduces them to items of waste

2. An aberrant production of wrapping and packaging, often made of toxic and non-degradable substances is accumulating in the environment. These wrappings, which often have no other function than to make the commodity more attractive to potential buyers, make up an increasingly large part, at the level of volume and weight, of the content of the commodity being sold. It has been estimated today that at least half of any rubbish bag in any city is filled with the remains of wrapping. 3. The production of waste is accentuated by the new lifestyles inherent in modern life. Eating out, in a self-service restaurant, on plastic plates and drinking from plastic bottles, has now become a daily habit for hundreds of millions of people throughout the world. Similarly, using plastic bags to put the shopping in is a convenience that hardly anyone does without. All this does not suit the environment of course, but it does suit the owners of the self-service who save on the labour-power needed to wash cutlery and crockery that is not made to be thrown away. The supermarket owner or even the local shopkeeper benefit from the fact that a customer can buy what he wants, even if he hadn't planned to buy it, knowing that he can put everything into free plastic bag. All this results in a considerable increase in the production of waste all over the world, nearing a kilo per day per citizen, or millions of tons of waste every day!

Sa pahayag na ito, nagkakaroon ng kalamidad bunsod ng problema sa produksyon sa mga pabrika at iba pang mga kumpanya. Nagkakaroon ng sobrang produksyon dahilan para hindi maubos at maibenta sa mas mababang presyo. Ang mga basura na makukuha rito an galing sa mga parika ay ang magiging dahilan ng kalamidad Nakakaapekto rin ang mga modernong packaging and wrapping sapagkat magiging sanhi din ito ng kalamidad kapag nasobrahan din ang paggawa. Ayon sa http://business.troy.edu/Downloads/Publications/TSUSBS/2009SBS/2009AccountingProfessio n.pdf Impact of Technology on the Accounting Profession-A Study of a CPA Firms Disaster Recovery Planning by Lewis, Jr., et. al. the methodology and results of this study includes the report of law firms disaster planning and recovery using information technology. This was conducted to be able to know the effect of the technology on the growth of a CPAs Firm in terms of profession.

Ayon sa http://www.eolss.net/Sample-Chapters/C09/E6-156-12-00.Pdf History of Technological Hazards, Disasters and Accidents by Gianni Silei of the Department of Historical, Law, Political and Social Sciences, University of Siena. The paper provided some information about the technological catastrophes for the past centuries. The following are some of them. Between the 19th and 20th century was the time that questions about the negative consequences. The approach used said that the experts that are knowledgeable about technological disasters became the central figures. The increasing ability of the technologies used in industries including the effect of accidents gave an additional effort in managing such emergencies. Three Mile Island, Seveso, Bhopal, Chernobyl, environmental disasters caused by oil tankers are accidents occur since the 1970s that induce the need for rules. Sa pag-aaral na ito, ang lubos na paggamit ng teknolohiya ay nakakaapekto sa pagkakaroon ng mga kalamidad. Halimbawa ng kalamidad na dulot ng teknolohiya ay ang pagtagas ng langis sa mga lugar na Mile Island , Seveso, Bhopal, Chernobyl.

Ayon kay Claudia Stanic binago ng makabagong teknolohiya ang pamumuhay ng mga tao. Halos lahat ng tao ngayon ay may hawak ng cellphone upang kanilang matawagan ang kanikanilang mga kaibigan at pamilya o lahat ng kanilang mahal sa buhay kahit saan man sila naroroon. Sa pamamagitan ng mga sasakyan na inabilis at pinaganda ng teknolohiya pinadali at mas binigyang kalayaan ang mga tao na makapunta saan man nila gustuhin, at ang mga kagamitan sa loob ng bahay o tahanan ng mga tao ay naging katulong upang mapadali ang mga gawaing pambahay. Tunay na nakatutulong ang teknolohiya sa buhay ng bawat isa dahil pinadadali at pinabibilis nito ang mga gawain ng tao. Ang mga lumang elektroniks na lang na itinatapon na

nakapaglilikha ng lead na nakakasama sa kapaligiran hindi lamang sa kapaligiran kundi gayon na din sa kalusugan ng mga tao. Sa mga sasakyan na kaakibat sa pagpunta sa ibat-ibang lugar ay nakakaapekto din, ang langis na nagpapagana dito ay nakasisira sa yamang tubig at nakakapinsala din sa mga puno at halaman at mga hayop. Sa pamamagitan din nito nagkakaroon ng air pollution na tumutulong sa pagsira sa ozone layer at nagiging dahilan ng magtaas ng temperature sa mundo.

Ayon kay JSB (mananaliksik) yahoo.answers kontribyutor ang industrilisasyin at teknolohiya ay nakapagdudulot ng mabuti at masama sa kapaligiran ngunit ang lahat ay nakadepende sa paggamit ng mga tao dito. Ang mga industriya ay nakapagbibigay ng malaking paglago at pagyaman ng isang bansa ngunit sanhi din nito ang matinding polusyon. Ang hangin sa mga malalaking lungsod ay tila nahaluan na ng maitim na usok mula sa ibat-ibang makinarya na siyang nagiging simula ng maraming sakit. Ang teknolohiya at ang industriya na siyang nagpapabilis ng produksyon ng pagkain na siya ding sanhi ng mabilis na paglaki ng bilang ng populasyon at sa pagdami ng populasyon kinakailangan ng mas maraming mapagkukunan at sa patuloy na pagkuha sa likas yaman ng mga pangangailangan ng mga tao hindi naiiwasang maabuso ito dahil sa mga taong makasarili. Sa huli wala ng masisilayan ang mga susunod pang henerasyon na siyang nakakalungkot. Mabuti, maingat at maayos na paggamit sa teknolohiya at patuloy na pangangalaga sa likas na yaman ang kinakailangan.

Paglalahad ng Suliranin Ang pagsasaliksik na ito ay naglalayong malaman ang epektong dulot na kalamidad ng makabagong teknolohiya sa mga tao particular na sa mga estudyante ng Central Luzon State University. Ang mga mananaliksik ay humahanap ng mga kasagutan sa mga sumusunod na tanong: 1. Anu-ano ang mga pakiwari o persepyon ng mga tao kung sakaling magkakaroon ng kalamidad bunsod ng makabagong teknolohiya? 2. Ano ang pananaw ng mga tao tungkol sa kung anong epektong dulot ng kalamidad sa mga yaman ng kapaligiran? 3. Anu-ano ang pamamaraan at paghahanda ng mga tao kung sakaling mangyari ang kalamidad?

Hinuha ng Pag-aaral 1. Maaaring ang maging pakiwari ng mga tao sa kalamidad na ito ay ang takot at pangamba sapagkat matindi ang dulot nitong pinsala. 2. Maaaring mangamba ang mga tao sapagkat mawawalan sila ng hanap buhay dahil sa pagkasira ng mga yaman ng kapligiran. 3. Maaaring nakaasa nalang sila sa gobyerno.

Kahalagahan ng pag-aaral Sa modernong lipunan ibat-ibang imbensyon na ang natutuklasan ng mga tao karamihan dito ay mga makina na ginawang posible sa pamamagitan ng teknolohiya dahil dito madaling umunlad, gumanda at naging magaan ang mga gawain ng mga tao subalit sa patuloy na paglago nito lumalaki din ang porsyento ng naakibat nitong panganib sa bawat isa. Sa pamamagitan ng maiging pag-aaral ng mga kalahok malalaman ng mga mambabasa ang ibat-ibang persepsyon at opinyon ng mga pipiling respondante na siyang magiging daan upang mamulat ang bawat isa sa mga hinaing base sa kani-kanilang karimarimarim na karanasan dulot ng teknolohikal na kalamidad. Mababatid din ng mga mambabasa ang mga epekto nito sa yamang kapaligiran na siyang magtutulak sa kanilang kamalayan na maging responsable sa anumang gawaing karapat-dapat at hindi tuwirang akto na makakatulong sa pagpapanatili ng natitirang likas na yaman. Makapagbibigay din ito ng mga patnubay hinggil sa mga pamamaraan ng siyang sasaklolo sakaling dumating ang pagkakataon na ito ay maranasan at magbibigay karunungan sa bawat mambabasa hinggil sa mga sistema o pamamaraan ng gobyerno sa pagtugon sa naturang kalamidad.

TECHNOLOGICA DISASTER: BELIEVE IT OR NOT?

nina

Cali, John Brian A. De Guzman, Jamica Galang, Licel I. Viernes, Cris Jean

Isang Tesis na Inihaharap sa Departamento ng Sikolohiya, Kolehiyo ng Sining at Agham, Central Luzon State University, Bilang Katugunan sa Pangangailangan ng Asignaturang Psychology 100-Introduction to Pyschology

Pebrero 4, 2013

You might also like