You are on page 1of 3

Rory B.

Quintos

ANAK

I. Buod
Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic helper. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Binangggit niya na ginagawa niya ito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Bagama't siya ay malayo sa kanila, tiniis niya ang mga pasakit ng kanyang amo at ang kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki. Nagsimula sa isang masayang mag-anak, nagkawatak-watak ang buhay ng mga anak ni Josie magmula ng yumao ang kanilang ama na siyang kasama nila sa bahay. Dito nagsimulang masuklam si Carla (Claudine Baretto) sa kanyang ina. Nagpadala sila ng sulat sa inang nasa Hong Kong upang malaman ang nangyari at nang siya ay umuwi. Gayunpaman, hindi nabasa ni Josie ang sulat dahil siya ay kinulong ng kanyang amo sa loob ng kanilang bahay nang sila'y lumipad sa Estados Unidos ng isang buwan. Nabasa ni Josie ang sulat pagkaraan ng isang buwan, ngunit hindi pa rin siya pinayagan ng kanyang among umuwi kahit magmakaawa pa siya. Pagkaraan ng ilang taon, nakauwi na rin si Josie. Nagawa niya ito dahil itinigil na niya ang kanyang trabaho sa Hong Kong. Nagnanais siyang magtayo ng isang negosyo na kasosyo ang kanyang dalawang kaibigan. Namuhunan silang tatlo ng taksi para ipasada sa kalsada. Masaya ang kanyang pagbalik pagkaraan ng anim na taong pangungulila. Gayunpaman, naharap niya ang matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday (Sheila Mae Alvero), ang bunso, ay hindi siya kilala. Si Michael (Baron Geisler) ay mahiyain at walang kimi at si Carla, na hindi man lang ginagalang ang ina at iniitsa-pwera lamang. Ninais ni Josie na makuha ang simpatiya ng mga anak sa pamamagitan ng mga pasalubong. Hindi ito tinanggap ni Carla. Sa pagdaan ng panahon, unti-unting nakikita ni Josie ang mga bisyo at karanasan ni Carla - paninigarilyo, tattoo, paghihithit ng droga, panlalalake at pagpapalaglag ng bata. Dagdag pa dito ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga anak. Nabangga pa ang taksing pinundar ni Josie at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos niya ang perang ibabahagi sana niya. Sa sunud-sunod na problema ni Josie, gusto na sana niyang sumuko. Pinagtatabuyan siya ni Carla. Lumala pa ang alitan ng lumayas si Carla sa bahay at lalong nalulong sa kanyang bisyo. Nang mawala ang iskolarship ni Michael, nagsimula ng mag-init ang ulo ni Josie dahil ang dami na ng kanyang binabayaran. Dahil dito, napahiya si Michael sa mga pangarap na gusto ng ina niya sa kanya. Lumayas din si Michael. Nagtuluy-tuloy ang kamalasan ni Josie kasabay ng pagkaunti ng kanyang inimpok na salapi para sa kanyang pamilya. Dahil dito, napilitan siyang magbalik sa Hongkong. Isang

gabi bago siya bumalik sa Hong Kong, napuno si Josie sa pagtrato sa kanya ni Carla. Malaki ang alitan ng dalawa hanggang sa binuhos niya ang lahat-lahat ng kanyang nararamdaman sa mga anak. Sa oras na ito, namulat ang mga mata ni Carla sa katotohanang siya ang sumira sa buhay niya at wala na siyang mapagbabalingan ng sisi kundi ang sarili niya dahil sa pagpapalala niya sa kanyang bisyo. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kanya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan na rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay nagbalik-loob si Carla sa kanyang ina at

nagpakatino na siya bilang anak at nakatatandang kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng ina.

II. Pagsusuri/Komento
A. DIREKSYON Masasabing mahusay ang direksyon ng pelikula. Mahusay na naipabatid ng direktor ang mensahe ng kwento. Mahusay niya ring nagampanan ang pagiging responsable sa paggisa ng bawat tagpo at eksena sa sistema ng audio visual. Makikita rin na mahusay niyang binigyan ng motibasyon ang mga gumanap upang maisagawa o maipakita ang isang eksena o sitwasyon. Ang mahusay na pagtuturo sa mga gumanap ay mababakas sa kanilang paraan ng pagdala sa parte ng pelikula. At ito ang dahilan kung bakit naging kahanga hanga ang pelikulang ito. B. ISTORYANG PAMPELIKULA Ang istoryang pampelikula ay mahusay. Ang mga pangyayari sa istorya ay nabigyang-linaw sa pamamagitan ng salaysay, dayalogo upang palutangin ang istorya. Gayun pa man, ang takbo ng mga pangyayari sa pelikulang ito ay madaling hulaan ng mga manonood dahil sa mga takbo ng pangyayari. C. PAGGANAP Masasabing sa kabuuang pagsusuri ay katanggap-tanggap ang pagganap. Ang pagganap ng mga artista sa pelikulang ito ay naisabuhay ng maayos at kahanga-hanga dahil naisabuhay nila ng maayos ang emosyon at damdamin ng kani-kanilang karakter na ginampanan. Madali nilang nabuo ang kani-kanilang mga ginampanan, dahil sila namang lahat ay magagaling at mahuhusay na artista. D. EDITING Ang haba ng istorya ay naaangkop lamang dahil ito ay mayroong dalawa o dalawat kalahating haba ng pagtakbo ng pelikula. Mahusay ang editing ng istorya dahil kalimitan o halos lahat sa mga eksena ay mahalaga. Masasabing naisaayos ng mabuti ang pelikula dahil sa pagkakasunud-sunod ng mga eksena nito. E. MUSIKAL ISKORING Mahusay na nalapatan ng musika ang bawat tagpo sa pelikula. Kapag ang isang karakter ay umiiyak, masaya, nagagalit, naiirita, natutuwa, ang musika ay maayos na

nagpapalit-palit. Ang ibang eksena na walang dayalogo ay pinapaganda na lamang ng mga tunog o kayay mga ibat-ibang musika na umaangkop sa eksena na nagpapaganda sa isang sitwasyon o eksena. F. PAGLALAPAT NG MGA TUNOG NG MUSIKA Ang mga dayalogo ay malinaw at hindi nahuhuli o nauuna sa ibat-ibang eksena o sitwasyon. Ang mahusay na paglalapat ng tunog ay makikita sa pelikulang ito dahil sa hindi mabagal at hindi rin naman mabilis na sumasabay sa mga eksena. Mahusay na inilapat ang mga tunog sa bawat sitwasyon o eksena. Ibat-ibang eksena man ay nalapatan nila ito ng tunog na naaangkop sa mga sitwasyon o eksena. Akmang-akma ang kantang "Anak" ni Freddie Aguilar sa pelikulang ito.

III. PANLIPUNANG KAUGNAYAN/ARAL/KAHALAGAHAN


Ang pelikulang ito na Anak ay magsilbi nawang paalala at magbukas ng kaisipan ng karamihan sa ating mga kababayan ng kalagayan ng isang OFW. Ang akala ng ibay masarap, maginhawa ang buhay-OFW. Akala ng marami madaling kumita ng dolyar na para bagang itoy pinupulot lamang. Subalit ang totoo, karamihay nagtitiis, nagtitiyaga, dumaranas ng lungkot at pighati, minamaltrato, napapahamak at minsay nakikitlan ng buhay. Lahat iyan ay dahil sa pinakamimithi ang mai-angat ang antas ng buhay at malasap ng pamilya ang kaginhawaan. Ang istorya ng pelikula ay angkop din sa mga kabataan ngayon. Ito ay dapat panoorin ng mga kabataan para malaman nila ang mali sa tama. Maraming bata ang naliligaw ng landas sa ngayon. Tiyak na ang pelikulang ito ang magmumulat at magpapakita sa kanila ng tamang daan. Sa gitnang parte ng pelikula makikita ang aral na dulot nito sa atin. Ang aral ay wag tayong manghusga sa taong wala namang ginawang masama. Tulad nga ni Josie, hinusgahan kaagad siya ni Carla na masamang tao, kahit hindi naman niya intesyon ang iiwan sila ng ganun-ganun lamang. Mga Anak, ating pahalagahan ang pagmamahal na iniuukol sa atin ng ating mga magulang. Ating pasalamatan sila sa kanilang pag-aruga at pagpapalaki sa atin. Bagamat marahil ay di sapat sa ating pananaw ang oras at panahon na kanilang ibinigay, gayunpaman, silay kaloob ng Diyos sa atin bilang ating mga magulang na dapat mahalin at igalang.

You might also like