You are on page 1of 24

Kabanata 1 Sa Ibabaw ng Kubyerta

Ang bapor Tabo ay naglalakbay patungong Laguna mula sa Maynila at hirap na sa pag-usad dahil naghalang na mga pulong buhangin sa lawa. Maliban dito, hirap na hirap sa pagharap sa agos ng Ilog Pasig. Sa kubyerta sa itaas ay naroon ang mga paring sina Padre Salvi, Padre Camorra, Padre Sibyla at Padre Irene. Kausap nila ang komersyanteng Intsik na si Quiroga at ang nag-alala Europeong si Donya Victorina. Naroon siya upang hanapin ang kanyang naglayas na asawa si Don Tiburcio de Espaada. Sakay din sa bapor sina Don Custodio, Ben Zayb at Simoun. Samantala, sa ilalim ng kubyerta nagsisiksikan ang mga Indio, Chino at Mestizo katabi ang mga baul at kalakal. Nagkaroon ng pagpapalitan ng kuro-kuro kung paano malulutas ang mabagal na pag usad ng bapor Tabo dahil sa makapal na buhangin. Kay Ben Zayb, teknolohiya; kay Padre Camorra, karahasan; at kay Simoun, gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa Look ng Maynila. Tila napikon ang mga pari sa mungkahing ito ni Simoun.

Kabanata 2 Sa Ilalim ng Kubyerta


Si Basilio, sa tulong ni kapitan Tiyago ay nakpag-aral ng medisina. Tuwing uuwi siya sa San Diego ay hindi nakakaligtaang dalawin ang libingan ng kanyang ina. Sa isang di-inaasahang pagkakataon, sa kanyang pagdalaw ay nadatnan niya si Simoun sa libingan na bagamat nagbabalatkayo at nakilala rin niya itong si Ibarra. Sa simula ay tinangka ni Simoun na patayin si Basilio upang ang lihim ng kanyang pagbabalatkayo at di mabunyag. Ngunit siyay nakapagpigil at sa halip ay hinimok niya ang binatang maghiganti sa pamahalaang Kastila ngunit itoy di sumang-ayon dahil gusto niyang makatapos ng pag-aaral.

Kabanata 3 Mga Alamat


Ang alamat ang sumasailalim sa ating bansa. Isa ditto ang malapad na Baton a sumisimbolo sa Pilipinas. Ang mga tulisan ay ang mga Kastila at ang mga espiritu ay mga Indio o katutubo na umaakyat sa kabundukan dahil itinataboy ng mga Kastila. Ang alamat ni Donya Geronomia ay tungkol sa kawagasan ng pag-ibig niya sa kanyang kasintahan. Ang alamat ni San Nicolas ay nauukol naman sa pananampalataya ng Intsik kay San Nicolas na kahit sa siya at di binyagan ay nailigtas dahil sa kanyang mataimtim na paniniwala sa panginoon. Dalawa ang kaalaman na inihatid sa ating ng alamat ang pinagmulan at ang talinghaga.

Kabanata 4 Si Kabesang Tales


Panganay na anak si Tandang Celo si Tales. Nagsikap sa trabaho bilang kasama sa pagsasaka ng kapitalista. Iniwan ang ganid na kapitalista, sinaka niya ang isang bahagi ng kagubatan sa tulong ng ama, asawa at tatlong anak. Ulanin at arawin sila sa nasabing lugar. Hindi natagalan ng asawa at isang anak na ang hirap at gutom. Sila ay sumakabilang buhay. Dumating ang kalbaryo ni kabesang Tales nang nakialam sa korporasyon ng mga Kura na ayon sa kanila ay nasa loob ng hangganan nito ang lupang sinaka ni Tales. Ginagawa ng mga Kura ang pakikialam tuwing malapit nang anihin ang mabungang ani. Nagtakda sila ng kundisyon: Maaring sakahin ni Tales ang lupa sa halaga ng renta na tatlompung piso. Umunlad ang buhay ni Tales. Naging cabeza ng barangay. Naganap na pag-aralin sa Maynila si Juli at Tano. Ang lahat ng pangarap ni kabesang Tales ay hindi nagkatotoo. Naubos ang kabuhayan dahil naghahabol sa kasong isinampa niya sa mga ganid na prayle na walang ginawa kundi taasan nang taasan ang renta ng lupa. Napilitang mamasukan ni Juli upang may ipangtubos sa kapatid na kinidnap ng mga tulisan. Nasipaghayo si Tandang Celo sa kinasapitan ng paboritong apo.

Kabanata 5 Ang Noche Buena ng Isang Kutsero


Nalimutan ng kuchero ang kanyang sedula. Ayaw niyang maglagay sa mapagsamantalang mga guwardiya. Pinagbubuntal, pinagsisipa at hinataw-hataw nila ang binata. Pinilit ni Basilio na makapasok sa lugar ng pinag-iimbestigahan sa kuchero upang alalayan niya, subalit hindi siya pinayag. Sa kabila ng latang-lata na katawan at mga matang pinangingiliran ng luha, pinilit ngumiti ng kuchero kay Basilio yamang hinihintay siya nito, pasaherong tunay na kaibigan. Di mapipinsala ang kutsero sa mga namalas niya sa prusisyon, ni hindi niya namalay ang pagkakapatay ng isang parol. Kahit si Basilio ay hindi iyon napansin dahil sa pagmamasid sa mga parol ng mga bahay. May ibat ibang kulay ito at may mga palawit na umuugong sa tuwing mahahapwan ng hangin. Ngunit napansin ang paglamlam ng bituin dahil sa panlalabo ng ilaw. Wala kahirapan ng buhay. Di mapigilan ang pagtaas ng upa ng buwis, habang ang kumikitil ng kasiyahan ng bayan-bayan.

Kabanata 6 Si Basilio
Si Basilio ay namasukan bilang isang alilang-kanin kay kapitan Tiyago. Iyon bang walang sweldo; pakainin lang siya ay sapat na para lamang mabuhay. Nagsikap siyang mabuti para mapuna ang kanyang kasipagan. Nagbunga ito nang payagan siyang mag-aral ni kapitan Tiyago bilang kapalit ng kanyang paglilingkod hanggang sa siNagsikap siyang mabuti para mapuna ang kanyang kasipagan. Nagbunga ito nang payagan siyang mag-aral ni kapitan Tiyago bilang kapalit ng kanyang paglilingkod hanggang sa siya ay maging manggagamot. Nagtiis siyang libakin o pagtawan ng kanyang kapwa mag-aaral at maging ang kanyang guro, dahil sa paraan ng kanyang pananamit at paggamit ng bakya. Tuwing lalabas siya ng klaseay talagang di niya mapigilan ang mapulaan, kaya ang ginawa niya ay ang magtiyaga at magpatuloy hanggang sa siya ay magtagumpay. Walang magawa ang Dominikong guro sat alas ng memorya ni Basilio.

Kabanata 7 Si Simoun
Dinalaw ni Basilio ang puntod ng ina. Wala siyang balak na magtagal. Nang papaalis na siya, may dumating na isang lalaki si Simoun. Dala niya ay piko at pala. Lumantad si Basilio. Nagpakilala at kinilala siya ni Basilio. Binigyan-din ni Simoun ang kahalagahan ng wika. Bawat bayan ay may sariling wika, sariling kaugalian at damdamin. Kapag ginamit nga naman ang wikang Kastila papatayin nila ang sariling katutubo, paiilalim sa isipan ng iba at sa halip na maging malaya ay lalong nagiging alipin. Naniniwala siya na kailanman ang wikang Kastila ay di magiging wikang panlahat sapagkat bawat bansa ay may sariling kaugalian, damdamin at kultura na ang bumigbigkis ay wika. Sa pag-uusap nila, isiniwalat ni Simoun ang dahilan kung bakit hindi niya siya pinatay noon. Maari raw makatulong si Basilio sa ipinakikipaglaban ng mag-aalahas lalo nat kung maipluwensiyahan nito ang mga magsasaka.

Kabanata 8 Maligayang Pasko


Kung kailan pasko ay wala si Kabesang Tales dahil dinukot ng mga tulisan. Si Juli naman ay aalis magsilbi bilang kapalit ng pagtutubos kay Kabesang Tales. Sa mag-anak na ito ay nawalan ng saysay ang kahulugan ng pasko na sanay sama-sama sila sa okasyong ito, pero hindi.. nasaan ngayon ang mensahe ng pasko sa kanila.. ang kapayapaan, pagbibigayan at pagmamahalan. Sa sobrang kalungkutan at suliranin sa buhay naging pipi si Tandang Selo nang ng pasko.

Kabanata 9 Si Pilato
Lahat ay pumanig sa may kapangyarihan. Hindi nakuha ni Kabesang Tales ang pagsangayon ng hukuman sa kanyang panig. Hindi siya naipagtanggol ng kanyang mga abogado. Kahit alam nilang di totoo ang mga papeles ng mga korporasyon ng pari, hindi nanindigan sa katotohanan ang kanyang abogado. Ang tenyente ng guwardiyang sibil ay sumunod sa kanyang nakatataas kahit alam niyang walang ilalaban si Kabesang Tales. Hanggang sa lahat sila ay nagsabing wala silang kinalaman sa naging kapalaran ni Kabesang Tales. Sa madaling salita, lahat sila ay nagsa-Pilato at walang nanindigan sa katotohanan.

Kabanata 10 Kayamanan at Karalitaan


Ikinagulat ni Kabesang Tales ang pagdating ni Simoun sa bahay niya. Kasama niya ang kanyang dalawang katulong bilang tagadala ng mabibigat na kahong kinapapalooban ng mga hiyas at iba pang kagamitan na kailangan niya sa panunuluyan. Nagdadalawang isip na patuluyin ng kabesa si Simoun. Ani niya ay mahirap lang siya at walang handing maipakain. Ipinaliwanag ni Simoun na napili niya ang bahay ni kabesa sapagkat malapit ito sa San Diego. Sa pakikisangko ni kapitan Basilio sa usapan, ipinakita na siya ay maraming nalalaman sa kasaysayan. Habang ipinakikita ni Simoun ang mga alahas sa mga taong nakapaligid, naiisip ni Tales na matutubos ang paghihirap niya kung mapupunta lang sa kanya ang isang kahita ng diyamante. Sa pamamagitan ng baril na ninakaw mula kay Simoun, sinimulan ng Kabesa ang paghihiganti. Binaril at pinatay ang administrador ng korporasyon at ang gahamang pinagbigyan ng lupa ni Tales.

Kabanata 11 Los Baos


Ang kapitag heneral na siya ring Gobernador ng Isla Filipinas ay nangangaso sa Bosoboso kasama ang rekwang pari, sundalo at empleyado na nagsilbing mga anino. Nang mabigo sa pangangaso nagpasya siya na bumalik sa tropa sa Los Baos upang doon magpahinga. Nakalimutan ang kahihiyan dahil hindi nagtagumpay sa pamamaril nang sapitin nila ang lugar na tutuluyan. Nag-inuman sila, nagkwentuhan at nagsipaglaro ng baraha (tretresillo). Sa paglalaro, napansing lagi na lamang kumakabig si kapitan heneral. Hindi niya alam na pinagbibigyan lang pala siya nina Padre Irene at Padre Sibyla upang kanilang makamit ang pagsang-ayon ng kamahalan sa itatayong Akademya ng mga kabataan ukol sa wikang Kastila. Pinag-usapan na rin nila ang batas sa pagdadala ng armas at pagpapatayo ng Akademya.

Kabanato 12 Placido Penitente


Mabait at mataling bata iyan ang pagkakakilala kay Placido Penitente. Isa siya sa pinakamahusay na mag-aaral ni Padre Valerio sa Mataas na Paaralan ng Tanuan Batangas. Subalit nang pasukang iyon, malungkot at nangingilid ang luha ni Placido Penitente habang tinutungo niya ang Unibersidad sapagkat nais na niyang tumigil sa pag-aaral upang makatulong sa ina. Gayumpaman, pinakiusapan siya ng kanyang ina na kahit batsilyer sa arte ang matapos niya. Nagsikap ang ina upang may maipantustos sa pag-aaral ni Placido. Nagmamadali nang pumasok si Placido sa klase subalit may tumawag sa kanya. Pinalalagda siya nito subalit tumanggi si Placido sa mga dahilang hindi niya naiintindihan ito at isa pa inakala niya na sa kanilang bayan, may nabilanggo dahil sa paglagda ng isang kasulutang di binasa. Nahuli tuloy si Placido sa klase.

Kabanata 13 Ang Klase sa Pisika


Ang propesor sa pisika ay isang batang Dominiko at dalubhasa at malalaki ang mga bintanang may rehas. Ang pininturahan ng puti na dingding ay nagbibigay ng anyong malinis at kagalang-galang na kapaligiran. Gayumpaman, ang silid-aralang ito sa agham ay hubad sa diwang walang hindi pa nagagamit o sadyang hindi ginagamit. Tulad ng ibang mga propesor, pinasasaulo ni Padre Million ang leksyon. Ang nagkakapagsaulo nang walang mali ay mabuti ang marka; ang may higit sa tatlong mali ay nabibigyan ng masamang marka. Nagkaroon ng kaunting kaguluhan sa silid dahil sa dalawang mag-aaral sina Juanito at isang batang mataba. Nadamay si Placido. Napag-initan lalo ng guro si Placido dahil sa pilosopong pagsagut-sagot sa guro. Binigyan si Placido ng masamang marka. Naubos ang kahinahunang taglay, lumabas si Placido, Nilait ng pari ang indiyo.

Kabanata 14 Sa Bahay ng mga Estudyante


Dormitoryo ng mga mag-aaral ang bahay ni Macaraig isang mayamang mag-aaral ng abogasya at pinuno ng kilusan ukol sa isyu sa akademiya ng wikang Kastila. Pag oras ng paglilibang ng mga nangangasera, nagiging pook ito ng kaguluhan. Pansamantala, habang hinihintay si Macaraig, nag-usap-usap ang mga mangangaserang mag-aaral at mga panauhing estudyante. Dumating si Macaraig at tuwang-tuwang ibalita na sinang-ayunan na ang kanilang kahilingan. Si Padre Irene ang tagapagtanggol sa kanilang adhikain ukol sa Akademya. Subalit si Don Custodio lamang ang may kapangyarihang buksan ang Akademya.

Kabanata 15 Si Ginoong Pasta


Binisita ni Isagani si Senyor Pasta alang-alang sa tiyuhing si Pari Florentino. Sikat na abogado sa kamaynilaan si G. Pasta. Hindi agad nakausap ni Isagani ang abogado dahil ito ay nagbabasa. Subalit nang makita ito, kinamusta nito ang binata at kanyang amain. Inilahad ng binata ang layunin niyang pakiusapan siya hinggil sa proyekto ng mga kabataan. Kung maari na ang abogado ay mamagitan at sumang-ayon sa gusto nila na mabuksan ang Akademya. Ngunit tumanggi ang ginoo at sinabing ayaw na niyang makialam sa bagay na iyon.

Kabanata 16 Quiroga
Si Quiroga ay isang mangangalakal na naghahangad magkaroon ng konsulado ng mga Intsik. Nagbigay ito ng salu-salo at maraming panauhin ang dumalo kabilang ditto ang mga Kura ng simbahan, mga empleyado ng pamahalaan, mga kasapi ng military, mangangalakal at mga suki sa bazar. Nakapamburol si Quiroga nang gabing iyon. Suot mandarin at nakasumbrerong Intsik ay ikot ng ikot sa mga mesang dulungan na para bang nagmamanman kung may katutubong magtatago ng kutchilyo, tinidor o pinggan. Ang mga panauhin ay dumalo lamang upang magpakabundat ng tiyan ng libreng handaan kahit kaibigang putik sila sa talikuran. Subalit nagtaka ang ilang bisita dahil sa amoy ng kanyang bahay amoy opyo. Si Senyor Gonzales ay nagtatrabaho sa isang pahayagan at nagplano na ipadakip ang Intsik. Napansin si Don Timoteo ang pipa. Nag-usap-usap ang mga opisyal at iba pang testigo ngunit tahimik lang si Quiroga. Kung hindi siya sang-ayon na hahalughugin ang kanyang bodega, kailangan na magpakita siya ng mga papeles ssa bawat armas at epektos na nakatago rito.

Kabanata 17 Ang Perya sa Quiapo


Napakaganda ng gabi, bilugan ang buwan. Ang perya ay punong-puno ng panonoorin at manonood. Si Padre Camorra ay nagagalak dahil sa dami ng magagandang babae sa perya lalo na ng bumaba si Paulita parang nabato-balani si Camorra sa pagkakatitig ditto. Inalalayan ni Isagani ang kapitan. Sa pag-ikot ng grupo tiningnan nila ng malapitan ang makakapal na tabling nakatayo. May nakaukit ditong tauhan may Kastila, Pilipino, Chino at Mestizo, may mga Pari, empleyado, gobernador Cillo, estudyante at sundalo. At kinumpara nila ang sarili sa mga ito.

Kabanata 18 Mga Pandaraya


Si Mr. Leeds ay isang Amerikanong marunong magsalita ng Kastila sapagkat matagal siyang nanirahan sa Timog Amerika. Isa siyang magician ng napabalitang ulo ng kamatayan na tinatawag na espinghe. Naroon upang manood sina Ben Zayb, Padre Salvi, Padre Camorra at Don Custodio. Bago magsimulang magtanghal si Mr. Leeds, tiniyak muna ni Ben Zayb na tama ang hinuha niya hinggil sa trick ni Mr. Leeds sa kanyang ipalalabas na kababalaghan. Pinagkasuri-suri rin ni Padre Salvi ang kahon ng kamatayan subalit kapwa sila nabigo. Nangilabot ang mga manonood sa nasaksihan nilang palabas. Higit na naapektuhan si Padre Salvi sa inilahad na ulo ng kamatayan. Nawalan siya ng malay. Nag-utos agad ang simbahan na ipagbawal ang pagtatanghal muli ng ulo ng kamatayan. Nawalang parang bula si Mr. Leeds. Napabalita nalang na siya ay nasa Hong Kong kung saan ipinagpatuloy niya ang misteryosong pagtatanghal niya.

Kabanata 19 Ang Mitsa


Nang talikuran ni Placido ang klase ni P. Million sumusulak ang kanyang dugo. Kasabay ng mabibigat na hakbang ang pagngangalit ng mga ngipin. Nang mamataan sina Don Custodio at P. Sibyla, nais lundagin ang Pari at ihulog sa ilog. Buo sa isip na sulatan ang ina upang makauwi na sa kanyang lalawigan. Subalit pagdating sa pinangangaserahan, nandoon na ang kanyang inang si Kabesang Andang. Nakita niyang nag-aapoy sag alit ang mata ni Placido. Walang magawa ang ina kundi payuhan ang anak na magtiis at magpakumbaba. Alam ng ina na wala silang magagawa sa pang-aapi ng mga prayle. Sa kanyang paggala-gala, nakita siya ni Simoun at sila ay nag-usap. Ipinaliwag ni Simoun sa kanya ang bawat detalye sa buhay ng nakakausap niya bagamat nalilito rito si Placido. Nakaririnig din siya ng usapan tulaf ng paghahanda ng bomba , kailangang ihanda ang lahat.. , si Maria Clara. Masayang-masayang gumising si Placido kinaumagahan. Naliwanagan ni Simoun ang kanyang isip.

Kabanata 20 Si Don Custodio (Ang Tagahatol)


Ang suliraning hinggil sa Akademya ng Wikang Kastila ay malapit nang malutas dahil sa ito ay nasa kamay na ng pinakamahusay na tagahatol, Si Don Custodio. Ito ay sa palagay ng dalawang kaututang dila na sina Ben Zayb at Pari Irene. Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monterdoncio, na may bansag na Buena Tinta ay paboritong paksain ng mga pahayagan dahil tinitingala siya ng marami. Isang batang-bata na Kastilang nakarating sa Maynila. Umayos ang buhay nang nakapag-asawa ng isang magandang mestisang mayaman ang angkan sa lungsod. Nang magkaroon ng karamdaman sa atay pinayuhan na umuwi muna siya sa Espanya upang magpagamot. Kung sa Pilipinas siya ay sanay sa papuri at pagpapahalaga ng madla, sa Espanya na sarili niyang bayan naranasan ang malaking kabiguan at sama ng loob kung saan siyay pinagtawanan at itinuring na pagkaraniwan lamang. Pagbalik sa Pilipinas, ipinagpatuloy niya ang kanyang mga hawak na posisyon. Kahit marami siyang tungkulin. Nagpakita siya ng interes at kakayahan sa mga ito. Dahil siyay may katutubong bait, talino, pangahas ay natutong gamiting mabuti ang lipunang ginagalawan niya.

Kabanata 21 Nahati ang Maynila


Magtatanghal sa Dulaang Variendades ang samahan ng operata ni Mr. Jony, ang bantog na operatang Les Cloches de Corneville. Hindi lamang magaganda ang anyo at magaganda ang loob. Ubos na ang ticket ikapito at kalahati pa lamang ng gabi. Mahaba-haba pa ang pila. May sang-ayon at may laban sa pagtatanghal na iyon. Kaya nahati sa dalawa ang lipunan ng Maynila noon. Sa pamumuno ni Pari Salvi at Don Custudio ang laban. Sa panig ng sang-ayon ay ang mga opisyal na hukbo at pandigmaang-dagat, ang ayudante ng Heneral, mga kawani at matataas na tao. Kapansin-pansin ang isang kulay-saga, payat ngunit mataas na lalaki na tila hindi apektado ng kaguluhan. Siya ay isang Camaroncocido. Ayon sa kanya, kalahati ng mga taong manonood ay udyok ng kuryosidad dahil sa pagbabawal ng mga prayle sa pagtatanghal at ang kalahati naman dahil naiisip nilang may maituturo ito dahil ipinagbabawal.

Kabanata 22 Ang Palabas


Alas nuwebe na ng gabi ay hindi pa sinimulan ang pagtatanghal dahil wala pa ang Kapitan Heneral. Nagmistulang sabungan an gang dulaan-tawanan, paswitan at kaguluhan. Ikinainis ng mga artilyero ang musikang balse na itinugtog ng orkestra. Natuwa ang may-ari ng teatro nang ibaling ng mga tao ang pagkainip sa masayang awayan ng iasang matapang na ginoo at ni Don primitivo. Nang dumating ang Heneral, pinatugtog ng orkestra ang Marchal Real. Samantala, ang mga estudyante ay inaabangan ang pagdating ni Pepay. Sa mga kabataang nanonood, hindi mangiti sa selos si Isagani. Hindi niya sukat akalain na Makita si Paulita sa dulaan dahil usapan nilang siya ang magbabalita sa dalaga kung dapat panuorin o hindi ang palabas. Nagngingitngit si Isagani nang Makitang kasama ni Paulita si Juanito Pelaez sa dulaan. Nagging tagapagsalin ng Pranses Ni Paulita at ni Donya Victorina ang nagpapasikat si Juanito. Ibinalita ni Macaraig na aprubado na raw ang kahilingan nilang pagpapatayo ng Akademiya subalit ang pagpapalakad ditto ay mapapasailalim sa mga kabataan.

Kabanata 23 Namatay si Maria Clara


Nangangamba si Simoun kaya sa nagpabalik-balik ito sa tirahan matapos lumabas ng mag-aalasyete. Sa naging reaksyon ni Camaroncocido matapos mapakinggan ang usapan ng mga anino ay nagpapatunay na mahal niya ang kanyang sarili. Bukod kay Simoun, wala rin sa teatro si Basilio. Siya ay nagbabantay ng kanyang pasyente si Kapitan Tiyago. Bagamat nagwawala at iritable ang kapitan, naging mahinahon at mapagbigay si Basilio dahil sa awa. Kapag sinasabi ni Kapitan Tiyago na si Basilio ang magiging tagapagmana ay agad itong mangingiti at mabilis ding malulungkot. Sa pagsasabing si Basiliong si padre Irene at Simoun lamang ang alam dumadalaw kay Kapitan Tiyago, ang pagsasalita niya ay may tonong paghihinala. Paano nga naman nalulong sa opyo ang kanyang ama-amahan. Sa ipinangakong lalawigang pagtatrabahuhan at pamantasang pagtuturuan, naniniwala si Basilio na si Padre Irene ay hindi dapat paniniwalaan. Habang nagbabasa ng aklat si Basilio sa papel na kanyang gagampanan-tagapagbukas ng pinto ng monesteryo.

Kabanata 24 Mga Pangarap


Makikipagkita si Isagani kay Paulita. Handa siyang makipagkalas sa kasintahan, kaya dala niya ang dalawang sulat ni Paulita na buong pagmamahal niyang iningatan. Habang naghihintay, bumalik ang maraming alaala sa isip ni isagani. Subalit dumidilim na at tila walang Paulitang darating. Nang lumingon siya nakita niya ang karwaheng sinakyan ni Paulita kasama ang kaybigan at ang tiyahing si Donya Victorina. Ngumiti ng matamis si Paulita kaya biglang nawala ang kanyang mga hinanakit sa kasintahan. Naging posible na magkasarilinan sina Isagani at Paulita sa tulong ng isang pamaypay na nahulog sa butuhan. Sa halip ni Isagani ang manumbat, nagpahayag si Paulita na nagpapahiwatig ng selos. Sinabi rin ni Paulita na si Donya Victorina ang umiibig kay Juanito. Napadako ang usapan ng dalawa sa pagsisikap ni Isagani na tulungan ang kanyang bayan na umunlad. Bagamat pangarap lang it okay Paulita, matibay naman ang pananalig ni Isagani.

Kabanata 25 Tawanan at Iyakan


Nagdaos ng piging sa Pansiteria Mancanista de Buen Gusto ang tagumpay ng akademya. Ang kanilang tawanan ay pilit lamang ay dahil naroon ang labis na pagdaramdam sa kasiyahan ni Don Custudio na isailalim sa korporasyong ito at gagawing tagasingil lamang ng mga ambagan at abuloy ang mga mag-aaral. Bawat ulam ay ipinatutungkol sa mga sumusunod: pansit lang ang kay Don Custudio; ang lumpiang intsik kay P. Irene; ang tortang alimango naman sa mga prayle at ang pansit gisado ay sa pamahalaan at sa bayan. Nagtalumpsti sa pangunguna ni Tadeo at sinundan naman ni Pecson. Laman ng talumpati ni Tadeo ang pagiging bahagi ng mga prayle sa buhay ng mga Pilipino buhat sa pagbibinyag hanggang sa paglilibing. Nawala ang pagsasaya ng lahat nang may nagbalitang nakita raw niyang isang binate ang nagmamanman sa kanila. Ito ay ang katulong ni Senyor Simoun.

Kabanata 26 Mga Paskel


Bumangon ng maaga si Basilio upang trabahuhin ang mga planong Gawain sa araw na iyon. Dadalaw sa mga maysakit, pupunta sa unibersidad at sa huli ay makikipagkita kay Macaraig upang manghiram ng salapi. Malaking bahagi ng kanyang naipon ay naipantubos kay Juli at naibili ng isang dampang matitirahan ng maglolo. Umiwas siyang lumapit kay Kapitan Tiyago dahil baka iisipin nito nan a siya ng isang pauna sa mamanahing bukang-bibig ng matanda. Sa lalim ng kayang pag-iisip, hindi napuno ni Basilio ang grupo ng mga mag-aaral na pauwi na galing sa kani-kanilang paaralan. Niya napansin ang pabulong nilang pag-uusap at lihim na hudyatan. Walng kamuwang-muwang si Basilio sa gulo sa nagaganap. Ang mga mag-aaral at ang balak na himagsikan. Napag-alaman niyang ang dahilan ay ang pagkakalagay ng paskel na kababasahan ng masasamang pahiwatig sa pinta ng pamantasan. Pagdating niya sa tahanan ni Macaraig, siya ng dalawang guwardiya sibil. Nang malaman nilang siya ay si Basilio, dinakip din siya kasama ni Macaraig.

Kabanata 27 Ang Prayle at ang Pilipino


Ipinatawag ni Padre Fernandez si Isagani habang ito ay nagtatalumpati sa harap ng kanyang mga kaibigan sa unibersidad. Tumindig ang pari nang pumasok si Isigani sa kanyang silid. Tinanong ang binata. Para kay Isagani si Padre Fernandez ay isa sa ilang itinatangi niya. Para sa prayle naman, si Isigani ay kahanga-hanga nito ng sariling paninindigan o tapang na magpahayag ng saloobin. Ayon sa pari, sa walong taon niya sa pagtuturo at nakasalamuha na ang mahigit sa dalawang libot limang daang binatang tinuruan, ngunit si Isagani lamang ang nakapagsalita nang tapatan o harapan. Sa pagpapalitan nila ng kuro-kuro nang sandaling iyon, natanto ng prayle na higit na malalim na ang kaisipan ng binata, na may malayang isipan ito kaysa sa kanyang akala. Sa pag-uusap nila ipinamukha ni Isagani ang mga kamalian ng mga prayle. Ang kahinaan ng mga Pilipinong magaaral ay kasalanan ng mga prayle malulupit, makasarili, tamad, walang malasakit, nanghahamak ng karangalan at nagtuturo ng lipas na karunungan. Tumugon ang pari sa pagsasabing ibinibigay ang karunungan doon sa karapat-dapat at hindi sa mga taong masama ang asal. Tinutulan ito ni Isagani at sinabi na kung ano ang mga Pilipino ay ang mga pari ang may kagagawan.

Kabanata 28 Ang Pagkatakot


Naniniwala si Ben Zayb na ang kaguluhan ay sanhi ng pagbibigay ng edukasyon sa mga kabataang Pilipino. Lahat ay takot lumabas, mula sa Heneral hanggang mga prayle. Kahit si Quirogaay takot din. Balak niyang tanungin si Simoun kung ilalabas na niya ang mga pinatago sa kaniyang mga armas. Wala si Simoun. Pumunta siya kay Don Custodio at Ben Zayb. Maraming bali-balita. Meron daw mga kausap na tulisanes ang mga estudyante. Meron din daw kasabwat na mga Aleman. May nagsabi na dapat sumuko at magpabaril na ang mga pilibustero para matahimik na.Nakulong si Basilio at si Kapitan Tiyago naman ay namatay dahil sa mga nakakatakot na balita ni Pari Irene. Sa isang binyagan, nagkagulo ang mga bata para maki-agaw sa perang ipinasabog. Akala ng iba ay nagsimula na ang rebelyon. Si Tadeo daw ay nabaril din. Nalungkot ang babaeng maraming pautang sa estuyante. May napatay na mga taong wala namang kinalaman sa kaguluhan. Kasama dito ay isang kawani na napagkamalang isang estuyante. Merong isang bingi na dahil hindi sumagot ay binaril. Ang iba ay sinisisi si Isagani bakit kusang sumuko. Hindi sila nag-alala kay Paulita Gomez dahil madali naman itong makakapag-asawa. Ang mga platero ay naniniwala na gawa-gawa lang ni Pari Salvi ang paskil. Sinabi ni Placido Penitente na hindi niya nakita ang mga bilanggong estudyante. May bali-balita na nagsimula ng magpugot ng ulo.

Kabanata 29 Mga huling salita tungkol kay Kapitan Tiyago


Marangal ang libing ni Kapitan Tiyago. Si Padre Irene ang hinirang na tagapamahala at tagapagpatupad ng testamento ng kapitan. Paghahati-hatiin ang kanyang kayaman sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga orden. P20.00 ay itinira para pangmatrikula ng mga estudyanteng mahihirap. Iminungkahi ito ni Padre Irene para masabing tagatangkilik siya ng mga estudyante. Inalis ni Kapitan Tiyago ang P25.00 pamana kay Basilio dahil sa kawalang-utang na loob ngunit isinauli ni Padre Irene at siya raw ang magpapaluwal sa sariling bulsa. Nang nakaburol si Kapitan Tiyago ay marami ang usap-usapan ukol sa kanya. Nakita raw ng mga mongha ang nagliliwag na kaluluwa ni Kapitan Tiyago. Iyon daw ang utang sa maraming pamisang nagawa ni Kapitan. Tatlong prayle ang dapit sa libing ni Kapitan. Maraming kamanyang nang sinunog at gayundin ang iwinisik na agua bendita. Si Donya Patrocinio na matandang kaagaw ni Kapitan Tiyago sa pagpapataasan ng ihi sa pagkabanal ay nagnais mamatay na kinabukasan upang malibing siya ng lalong dakila at kahanga-hanga paraan.

Kabanata 30 Si Juli
Naging malaking balita ang pagkakahuli kay Basilio at labis itong pinagalala ni Huli. Siya ay binabangungot sa kakaisip kay Basilio. Sa pagnanais niyang makalaya si Basilio ay naisip niyang lapitan si Padre Camorra. Isang salita lamang ni Padre Camorra ay makakalabas ng kulungan si Basilio. Siya na lamang ang natira sa bilangguan dahil wala siyang tagapagtanggol at wala rin naman kamag-anak. Pero ayaw pumunta ni Huli sa kumbento dahil natatakot siya kay Padre Camora ngunit pinilit siya ni Hermana Bali. Nang makapasok na sila sa kumbento, kinahapunan ay may nangyaring hindi maganda. May babaeng tumalon sa bintana at namatay, samantalang isang babae ang nagtatakbong lumabas ng kumbento na tila wala na sa katinuan. Narinig sa bayan ang panaghoy ni Tandang Selo at kinabukasan ay dinala niya ang kanyang itak at nilisan ang lungsod.

Kabanata 31 Ang Mataas na Kawani


Pinanghaharian ng takot ang mga tao pag nababanggit ang hari ng tulisanes na si Matanglawin. Halos lahat ng mga estudyanteng nakulong ay napalaya na kung saan kauna-unahan ay si Makaraig. Si Isagani ang pinakahuli. Nagregalo ang mga pamilya para mapakawalan ang mga bilanggo. Pero si Basilio ay nanatiling nakakulong. Kailangan daw ay kahit isa ay maikulong para magbigay ng leksiyon sa mga nagnanais manggugulo. Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani s Basilio dahil sa lahat daw ito ang inosente pero hindi nito napapayag ang Heneral. Kinabukasan ay nagbitiw sa kaniyang posisyon ang mataas na kawani dahil hindi niya matanggap na walang kayarungang nakukuha ang mga Pilipino mula sa Espaniya.

Kabanata 32 Mga ibinunga ng mga Paskin


Dahil sa mga nangyayari sa mga estudyante ang maraming magulang ay di na nagpaaral ng mga anak. Buti pa ang maglimayom o kayay masaka. Marami ang di nakasulit sa eksaming ibinigay ng serbisyo sibil. Natuwa pa si Tadeo, sinigan ang kanyang mga aklat. Si Pelaez ay napatali sa negosyo ng ama. Napasa-Europa si Makaraig. Si Isaganiy sa aklat lamang ni Padre Fernandez nakasulit. Si Sandoval ay nakapasa dahil sa kahusayang magtalumpati. Si Basilio lamng ang di nakakuha ng pagsusulit. Nasa bilangguan pa siya. Doon niya nabatid ang pagkawala ni Tandang Selo sa tulong ni Senong na kutsero na tanging dumadalaw sa bilanggong kanayon. Si Simoun ay mabuti nat ayon kay Ben Zayb ay di mag-uusig at sa halip ay madaraos ng isang pistang walang katulad bago umalis sa bayan. Naipayo ni Ben Zayb na bilin ni Simoun ang bahay ni Kapitan Tiago na nabili ng ama ni Pelaez. Mula nooy madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez na wika ng ibay pinakisamahan na niya. At tumagal ang ilang linggo ay nabalitang ikakasal si Juanito kay Paulita. Higit na magkabagay si Juanito at Paulita. Kapuwa walang isip at muning lampas sa pansariling kaligayahan kapwa anak-Maynila. Hinintay-hintay ng buong Maynila ang piging sa kasal ng dalawa. Si Simoun daw ang mamamahala. Itoy ganapin dalawang araw bago umalis ang Heneral. Ang mga taga-Maynila ay nakipagagawan sa pakikipagkilalakay Simoun upang silay anyayahan sa piging.

Kabanata 33 Ang Huling Matuwid


Naging abala si Simoun sa pag-aayos ng kanyang mga alahas at armas. Sasabay na siya sa pag-alis ng Kapitan Heneral, na ayaw pahabain ang panunungkulan dahil natatakot sa sasabihin ng mga tao. Ayaw daw diumano magpaiwan ni Simoun dahil wala na ang suhay. Ibinilin niya sa kanyang tauhan na papasukin na lang ang binatang si Basilio dahil ito ay inaasahan niyang dumating. Si Simoun ay lalong tumigas at lumungkot ang mukha, lumalim ang kunot sa pagitan ng kilay at palagi na lamang nakayuko. Naawa siya sa sarili niya, pero nung Makita niya si Basilio, mas higit pa pala itong nakakaawa, humpak na ang pisngi, gusot ang damit at gulo-gulo ang buhok. Para daw itong bangkay na nabuhay sa sindak. Nagsalita si Basilio na siya ay isang masamang anak at kapatid, kailangan niyang gumanti, kahit na ibig sabihin nito ay krimen sa krimen, o dahas sa dahas. Utang niya diumano kay Simoun ang kanyang paglaya, at gusto niya ng makisapi para sa pagsiklab ng himagsikan. Si Simoun pala nung mga panahong ito ay nawalan na ng pag-asa na ipagpatuloy ang himagsikan, pero dahil sa paglapit ni Basilio tila ito ay nabuhayan ng loob. Ayon sa kanya hindi pa huli ang lahat, maganda ang kombinasyon nilang dalawa dahil si Simoun ang mamahala sa itaas samantalang si Basilio naman sa ibaba. Pinakita ni Simoun ang isang napakagandang lampara at nilapag sa mesa, namangha si Basilio sa ganda nito. Sunod na binuksan ni Simoun ang aparador at kinuha ang isang bote. Nang mabasa ni Basilio ang nakasulat sa labas ng bote bigla itong napaurong at sinabing ang laman ng bote ay nitro glycerine. Kinuwento ni Simoun ang tungkol sa plano niya. Ilalagay niya ang Lampara sa gitana ng isang mesa na sinadya niya pa. Sa loob naman ng lampara nakalagay ang nitro glycerine. Ang bahay na gaganapan ng pagdiriwang ay nalagyan na ng maraming pulbura para walang maisasalba sa naturang pagsabog. Sinagot ni Basilio si Simoun na di na daw niya kailangan ang kanyang tulong kasi buo na ang kanyang plano. Tugon naman ni Simoun na may iba siyang misyon na ibibigay kay Basilio. Sa pagputok ng lampara pumunta siya sa bodega ni Quiroga at kunin ang mga nakatagong mga armas dun. Si Basilio ang inatasan niyang mamuno sa pamimigay ng mga baril sa mga tao. Sinabi ni Simoun na isali at isama ang lahat ng kalalakihan, ang tatanggi ay papatayin, dahil magsusupling lang din ito ng duwag na lahi. Tinukoy niya din na sa pagputok ng lampara ay sabay na susugod pababa ng bundok ang grupo ni Tales. Kaya daw hindi nagtagumpay ang unang balak ng himagsikan sapagkat kulang daw ito ng pagpaplano at koordinasyon, pero ngayon na may tiyak na silang signus sa pagsimula ng himagsikan tiyak na ito ay magtatagumpay.

Kabanata 34 Ang Kasal


Patungo si Basilio sa bahay ni Isagani para makitulog pero hindi niya natagpuan ang kaibigan. Naawa siya sa kaibigan dahil sa pagtalikod sa kaniya ni Paulita upang pakasal kayJuanito Pelaez. Naalala niya ang sabi ni Simoun na umiwas sa Kalye Anluage. Yon ang kalye kung saan nandoon ang bahay ng nasirang si Kapitan Tiyago. Inayos ito ni Dom Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito sa pamamagitan ng perang pinahiram ni Simoun. Pati ang mga kasangkapan at muwebles ay bago. Punong-puno ng bulaklak ang bulwagan. Naalis na ang amoy ng opyo na hinihitit ni Kapitan Tiyago noong siya ay buhay pa. Ang mga kurtina ay pasadya na may titik ng pangalan ng ikinasal. Ito ang lugar na pagdadalhan ng mga ilaw na may dinamita. Naisip ni Basilio na maraming mamatay oras na sumabog ang mga lamparang iyon.

Kabanata 35 Ang Handaan


Nagsimulang magdatingan ang mga panauhin sa kasal nina Paulita at Juanito Pelaez. Nakamasid si Basilio sa mga nangyayari at naaawa siya sa mga mamamatay ng gabing\ yon. Nang makita nita si Pari Salvi ay nawala ang awing yaon at sahalip pagkamuhi ang pumalit. Dumating si Simoun na dala ang lampara. Madali rin siyang umalis nang masulyapan niya si Basilio. Si Isagani ay nakatanaw din sa bahay na kahit anong yaya ng kaibigan ay ayaw iwanan si Paulita. Sa loob ng bahay ay may nakita silang kapirasong papel na may pangalan ni Ibatta. Namutla si Pari Salvi. Natakot sin ang mga ibang panauhin na baka sila ay patayin din ni Ibarra. Kumulimlim ang lampara at tumayo ang Heneral para ayusin ang sindi nito. May biglang pumasok na lalaki at hinablot ang lampara para itapon sa labas. Biglang nawala ang anino na tumalon sa ilog.

Kabanata 36 Mga Kagipitan ni Ben Zayb


Isinulat ni Ben Zayb ang naganap sa kasalan nina Paulita at Juanito. Ginawa niyang mga bayani ang Henera;l, si Pari Salvi at Pari Irene. Pagkatapos niyang maipadala sa pahayagan, natulog na siya. Ibinalik sa kaniya ang balitang kaniyang isinulat. Ayaw ng Heneral na mabalita ang naganap na iyon sa dating bahay ni Kapitan Tiyago. May isa na namang balitang nakarating sa kaniya ang paglusob ng tulisan sa pahay pahingahan ng mga prayle. Sugatan daw ang isang pari at isang tulisan, Pagdating niya doon, nakita niyang si Pari Camorra ang may sugat at ang ninalaw ay nagkakahalaga lang ng limampung piso. Ginawan niya ng balita sa pamamagitan ng pagdagdag ng bilang ng tulisanes na lumusob at pagpalaki sa perang nakuha. Ang mga tulisanes na nahuli ay nagtapat na isang lalaking mestiso ang nagyaya sa kanilang sumama sa grupo ni Matanglawin para sugurin ang kumbento at ang bahay ng mayayayaman. Pinaghinalaan ni Don Custodio na iyon ay si Simoun. Wala ito sa bahay nila at maraming pulbura ang nakita sa kaniyang tintirhan. Hinabla niya si Simoun.

Kabanata 37 Ang Hiwaga


Kahit na anong pagtakip sa balita sa nangyari sa kasal nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez, nalaman din ang mga pangyayari ng mga nakararami dahil sa pagbabalita n Chikoy, ang platerong nagdala ng alahas kay Paulita. Nakita raw ang mga sako ng pulbura na maaring magiging sanhi ng pagsabog ng lugar na pinagdausan ng piging. Kaniya-kaniyang hinala ang mga tao kung sino ang may kagagawan ng pagtatangka sa mga buhay ng nasa piging. Ang mga estudyante, ang Intsik na siQuiroga o kaya ang karibal sa pag-ibig kay Paulita. Nangiti lang si Isagani na nakikinig sa mga usapan. Sinabi ni Chikoy na ang pinaghihinalaan ay si Simoun. Ito ay nawawala at maraming nakitang pulbura rin sa kaniyang tirahan. May halong pagtataka ang mga tao sa paghinala kay Simoun dahil ito ay kaibigan ng Heneral. Pero sa anyo ni Simoun na nakakatakot, ang mga tao ay naniniwala na may posibilidad ngang ito ang utak ng pagpatay sa maraming tao. Si Isagani ay umalis sa bahay na yon at hindi na bumalik sa bahay ng amain.

Kabanata 38 Kasawian
Kumalat na ang lagim ng kapangyarihan ni Matanglawin sa ibat ibang lalawigan. Hindi siya mahuli ng mga sibil. Sa galit ng autoridad, ang mga kawawang magsasaka ang pinaghuhuli nila. Ginawa silang prisonero. Sila ay pinaglakad ng nakatali sa bawat isa. Hindi man lang sila binibigyan ng oras para makapahinga. Iniinsulto pa sila ng mga sibil na kapwa Filipino maliban kay Carolino na naawa sa mga bilanggo. Habang nakikiusap ang isang bilanggo na bayaan siyang makatigil kahit sandali, ay may bumaril sa sibil na malupit sa mga bilanggo. Gumanti ng putok ang mga sibil at may tinamaan sila. Inutusan si Carolino na barilin ang isa pang lalaking nagwagayway ng sibat. Ayaw niya sana pero tinutukan siya ng baril ng kabo. Umakyat sila sa talampas at inabot nila ang naghihingalong lalaking natamaan ng baril. Pilit nagsasalita ito pero hindi maunawaan. Binayoneta ito ng isang kawal. Huli na nang makilala nii Carolino na na ito ay ang kaniyang si Tata Selo.

Kabanata 39 Wakas
Malungkot na tumugtog si Pari Florentino. Kaaalis lang ni Don Tiburcio de Espadana ang asawa ni Donya Victorina na matagal nagtago sa kaniyang bahay. May natanggap na telegrama ang pari na may darating para dakpin ang isang Kastilang nagkakanlong sa kaniyang tirahan. Akala ng matanda ay siya ang tinutukoy. Si Simoun ang Kastilang yaon na dadakpin. Wala siyang matakbuhan kung hindi kay Pari Florentino lamang na siya ay sugatan. Ayaw niyang magpagamot sa kahit kaninong doctor. Napilit siya kay Don Tiburcio. Kahit na masama ang loob ni Pari Florentino sa hindi pagtulong ni Simoun kay Isagani at sa paggawa ng paraan na makasal si Paulita kay Juanito Pelaez, tinanggap pa rin siya ng pari. Hiniling ni Simoun na pakinggan siya ng pari bago siya mamatay. Uminom siya ng lason at pilit pa rin siyang inililigtas ni Pari Florentino. Tumanggi na si Simoun dahil kailangan na raw marrinig ng pari ang kaniyang lihim. Ipinagtapat lahat ni Simoun ang nangyari sa kaniyang buhay mula nang lumisan siya bilang Crisostomo Ibarra. Naawa ang pari at patuloy siyang nakinig sa mga hinaing ni Simoun tungkol sa mga kaapihang inabot niya at ang mga kababayan. Ipinaliwanag ni Pari Florentino na hindi sinasan=ayunan ng Diyos ang kaniyang paraan para makaganti. Naniniwala siya na may hustisya pa ring darating para sa Pilipinas. Namatay si Simoun matapos makapagkumpisal. Dinala ni Pari Florentino ang kaniyang mga kayamanan sa may dagat at itinapon itong lahat.

You might also like