You are on page 1of 4

SINGAPORE: Ang Istorya Ng Taxi Driver By Catherine Lim Revised By: M.R. Avena (1)Ayos, Maam.

Sigurado-Darating kayo sa miting ng mas Maaga sa tyempo. Dito tayo dumaan, Maam. Konting Trapik, konting bara ng mga kotse. Medya-ora lang, Naron na tayo. Kaya hwag kayong mag-alala, Maam (2)Ano yon. Maam? Oho, oho. Ha, ha-dalawampung taon Na kong taxi driver, Maam. Panahon pa ng kopongKopong. Di pa ganito ang Singapore-nanikip sa tao, Bising-bisi. Noon mas tahimik, kokonti pa lang ang taxi Drivers, at di-masyadong maraming kotse at bus (3)Oho, Maam, kumikita naman. Di malaki pero pwede Na. Anong mabuti? Para umasenso sa Singapore, sipag Lang. Sa mga tulad naming no read, no write,w alang kapital para sa negosyo, kailangang magpatulo ng pawis nang kumita para sa misis at mga bata (4)Oho, Maam malaki ang pamilya ko. Walong anak-anim na lalaki,dalawang babae.Talagang malaki, ha, ha problema,, no Maam? Pero noon, wala naming family planning sa Singapore. Ang daming mag-anak ng pamilya;taun-taon. Dalawa,tatlong anak, pigil na. Sabi ng gobyerno, tama na. (5)Buti na lang, malalaki na ang mga anak ko. Apat sa mga anak kong lalaki kumakayod na, isang negosyante, dalawang clerk, yong isa titser sa primary school. Yong isa namay nasa National Service, at yong isa, nag-aaral pa, sa Secondary Four. Yong pinakamatanda kong babae, beynte anyos na siyang mahigit, sa bahay lang, tumutulung sa nanay niya (6)Wala po, wala pa siyang asawa. Masyadong mahiyain at medyo sakitin pero ang bait, masunurin. Yong isa kong babe-ay, naku, Maam, laking problema sa ama pagyong anak na babaey salbahe at lumalaban sa magulang. Napakalungkot, parang parusa sa Diyos.

(7)Ngayon, iba ang kabataan, di tulad naming noon Noon, wala sa amin ang matigas ang ulo. Pag sinabi ng magulang namin na, hwag gawin ito, di naming ginagawa. Kundi, naron ang baston. Nabaston ako ng tatay ko. Kahit binata na at malapit nang mag-asawa baston parin. Istriktong masyado ang tatay ko, at mabuti yon-maging istrikto ang magulang. Kundi, walang silbi ang labas ng mga bata. Di mag-aaral, aalpas at magna-night club o magda-drugs o sex. Tama ba ako, Maam? Ngayong, laking sakit ng ulo sa magulang ang kabataan. Nakita na nyo yong teenager don sa labas ng coffee shop? Kita nyo na Maam? Mga estudyante palang yon, pero kung umasta kala mo mga big shot magastos, naninigarilyo na, kung magbihis sunod sa moda at mahilig na sa sex. Naku, Maam, kabisado ko na yan. Bilang taxi driver, kilala ko ang mga iyan at mga bisyo nila (8)Kayo, Maam dib a sabi nyo titser kayo? Alam nyo ba ang mga batang babae na yan-kinse, disisais anyos? Papasok ng eskwela ang mga yan sa umaga na nakauniporme. Pagkatapos ng eskwela, di uuwi ang mga yan. May dalang damit ang mga yan sa school magpapalit ng suot, magmemeyk-up. Walang alam ang mga magulang nila. Sasabihin sa mama nila, may miting daw, may sports o laro, may ganon, ganito, pero ang totoo e naglalakwatsa at kung anu-anong kalokohan ang pinaggagawa (9)A, Maam, mukhang ayaw ninyong maniniwala. Pero yan ang totoo. Alam ko lahat ang kalokohan nila Isinisakay ko sila sa taxi ko. Madalas, don sila sa bowling Alley o coffee shop o hotel naghihintay. Tapos lalapitan ng mga turisting kano o Europeo. Ganon sila maglibang at kumita ng extrang pera. Maniniwala ba kayo, Maam, kung sasabihin ko kung gano kadami ng pera nila? Anak ng-! Kagabi, tong batang sakay ko-kyut na kyut, nakameyk-ap at seksi ang suot. Sabi sa akin, dalhin ko ra sa Orchid Mansions. Kilalang-kilala ang l lugar na yon, isang four storey na apartment. Tapos greenbacks-teg ten dollars lahat. Humugot ito ng isa at sabi, keep the change wala raw syang tyempo. Para

sabihin ko sa inyo, Maam buwan buway mas malaki ang kinikita ko sa mga teenager na ito kaysa don sa nakikiapagbargain sa kin na wag na raw ibaba ang metro pero naghihintay pa ng sukli nilang ten cents. Pwe! Binubwisit akong talaga ng iba sa kanila. Pero Itong mga batang to walang tawaran. Bayad lang nang Bayad. At sobrang makikipagromansa sa taxi, kaya di bale kung mag-iikot ka nang husto at singilin sila sa metro! (10)Sabihin ko sa inyo, Maam, meron dyan na di pinoproblema kung magkano ang ginagasta sa taxi. Ganito yon Maam: Paglampas ng ala-una ng umaga, Mas malaki ang kita. Doon ako paparada sa labas ng Elory Hotel o Tung Court o Orchid Mansions at sigurado, Maam ayos ang buto-buto. Noong sabado, Maam, walang biro-sa isang araw lang kumita ako ng halos one hundred fifty dollars! Ang iba nyon, para sa serbisyo. May turista kasi na di alam kung saan pupunta, kaya ako na ang nagsasabi at dinadala ko sila don. Ekstrang kita din yon. Ay, naku, Maam, kung Ikukwento ko sa inyo ang lahat, di tayo matatapos (11)Pero ito ang masasabi ko sa inyo. Kung meron kayong dalagita at sasabihin sa inyo, Mommy, may miting kami sa iskwela ngayon at di ako uuwi, hwag nyonh sasabihin, Sige hija pero usisain nyo ang lahat. Ngayoy di ninyo mapagkakatiwalaan ang mga bata, Di tulad noon. Ay naku, Maam nasasabi ko ito dahil Ako mismoy may dalagita. Mahal na mahal ko ang batang ito. Napakabait nya at ang sipag mag-aral. Nakikita ko ang report cards at yong sinusulat ng Kanyang titser na Very Good o Excellent, sa report Cards nya. Nag-aaral sya sa bahay at tumutulong sa nanay nya. Pero minsay tinatamad at sasabihin nya, pinababalik daw sya ng titser sa iskwela para makapag-aaral pa, para maturuan pa sa subject na mahina siya yon daw Math, Maam. At ako naman, pinayagan ko sya, at araw-araw, gabi na siya umuwi, tapos mag-aral, tuloy tulog. Isang araw-naku, Maam hanggang ngayoy ginagalit pa ako. Isang araw, nagdadrive ako ng taksi, parelaks-relaks lang, nang may nakita

akong dalagita ng nakakahawig ng sa aking Lay Choo, may kasamang mga batang babae at ilang Europeo sa labas ng coffee shop. Sabi ko, hindi pwedeng si Lay Choo at ang isang ito e bihis na bihis, nakameyk-ap At magaslaw kumilos.Di ganon ang anak ko. Tapos Pumasok sila sa coffee shop. At yong puso ko sobra angPano nga sabihin yon, Maam? Yong puso ko, parang Binabayo ng kung ano. Sabi ko, mabantyagan nga, at tingnan ko ang kalokohan nya. Nong sumunod na araw, nandyon sa uli. Ipinarada ko ang taxi ko, Maam. Galit na galit ako noon. Sinugod ko ang Tarantadong anak ko at sinunggaban ko sa balikat at Leeg at saka pinagsasampal ko at binugbog syang muli. Estupida! Walang hiya! Pinilit ako ilayo ng asawa ko at ilang kapitbahay. Palagay koy napatay ko ang batang iyon kung di ako naawat. (12)Tatlong araw kinulong sa kanyang kwarto. Nahiya akong sabihin sa kanyang titser kung ano ang nangyari, kaya sabi ko nalang may sakit si Lay Choo, at kung pwede, i-excuse nya sa klase. Ay naku, Maam. Anong nararamdaman ninyo kung nasa lugar ko kayo? Pinababa nya ang kanyang sarili, ganyon ang ama Nyay maghapong pasada nang pasada ng taksi para Maipadala sya sa unibersidad. (13)Ano yon Maam? Oho, oho okey na ho ang lahat Salamat. Di sya pwedeng lumabas ng bahay, liban kung Papasok sa iskwela at bilin ko sa ina nya, check-in lagi Ang ginagawa nyan at yong mga kabarkada nya, kung anong klaseng mga ito. Ay, naku Maam ang kabataan ngayon anong sakit ng ulo. (14)Ano yon Maam? A, sorry ho, Maam di ko kayo Mahihintay matapos ang inyong miting. Kailangan kong lumarga, kaya pasensya na ho. Nagmamadali ako Maam, papuntang Hotel Elory. Maraming mga batang Maisasakay. Kaya sorry nalang, Maam at maraming salamat.

You might also like