You are on page 1of 10

Banyaga Liwayway Arceo

Mula nang dumating is Fely kangina ay hindi miminsang narinig niya ang tanong na iyon na tila ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya dalawang ulit sa isang taon - kung Araw ng mga Patay at kung Pasko. O napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mga sandaling ito na wala nang kumukibo sa tumitingin sa kanya ay iyon din ang katanungang wari ay nababsa niya sa bawat mukha, sa bawat tingin, sa bawat matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap. At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran. Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang kanyang buhok Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya bago iyon sinuklay. Nandidilat si Nana Ibang nang ulitin ang tanong. "Serbesa ba 'kama, bata ka, ha?" Nguniti siya kasabay ang mahinang tango. At nang makita niyang nangunot ang noo nito, idinigtong niya ang paliwanag. "Hindi masama'ng amoy, Nana." Ngayon, sa kanyang pandinig ay hindi nakaila sa kanya ang pagtuon ng tingin nito sa kanyang suot. Sa leeg ng kanyang terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng kanyang balikat at tila nanunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na dibdib. Sa kanyang baywang na lalong pinalantik ng lapat na lapat na saya. Sa laylayan naito na may gilit upang makahakbang siya. "Ibang-iba na ngan ngayon ang...lahat!" at nauulinigan niya ang buntung-hiningang kumawala sa dibdib ng matandang ale. Napangiti siya. Alam niyang iyonm din ang sasabihin ng kanyang ina kung nakabuhayan siya. Pati ang kanyang ama na hindi naging maligoy minsan man, sa pagkakaalam niya, sa pagsasalita. Iyon din ang narinig niyang sabi ng kanyang Kuya Mente. At ang apat niyang pamangkin ay halos hindi nakahuma nang makita siya kanginang naka-toreador na itim at kamisadentrong rosas. Pinagmasdan siya ng kanyang mga kanayon, mula ulong may taling bandanna, sa kanyang salaming may kulay, hanggang sa kanyang mag mapulang kuko sa paa na nakasungaw sa step-in na bukas ang nguso. "Sino kaya'ng magmamana sa mga pamangkin mo?" tanong ngayon ng kanyang Nana Ibang. "Ang panganay sana ng Kua mo...matalino..." "Sinabi ko naman sa Inso...ibigay na sa 'kin papapag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisan naman ako. Ang hirap sa kanila...ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto ni Inang...noon...kung natakot ako sa iyakan..." Tumigil siya sa pagsasalita. Alam niyang hindi maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib. "Tigas nga naming iyakan nang lumawas ka..." ayon ni Nana Ibang. "Noon pa man, alam kong nasa Maynila ang aking pagkakataon. Sasali ba 'ko sa timpalak na 'yon kung hindi ako nakasisigurong kaya ko ang eksamen?" Malinaw sa isip ang nakaraan. Hindi sumagot si Nana Ibang. Naramdaman niyang may dumaping panyolito sa kanyang batok. "Pinapawisan ka an, e. Ano bang oras ang sabi no Duardo na susunduin ka?" "Alas-tres daw. Hanggang ngayon ba'y gano'n dito?" at napangiti siya. "Ang alas-tres, e, alassingko? Alas-kuwatro na, a! Kung hindi lang ako magsasaya, di dinala ko na rito ang kotse ko. Ako na ang magmamaneho. Sa Amerika..." "Naiinip ka na ba/" agaw ni Nana Ibang sa kanyang sinabi. "Hindi sa naiinip, e. Dapat ay nasa oras ng salitaan. Bakit ay gusto kong makabalik din ngayon sa Maynila." "Ano? K-kahit gabi?" Napatawa si Fely. "Kung sa Amerika...nakapunta ako at nakabalik nang nag-iisa, sa Maynila pa? Ilang taon ba 'kong wala sa Pilipinas? Ang totoo..." Boglang nauntol ang kanyang pagsasalita nang marinig niya ang mahinang tatat ni Aling Ibang. At nang tumingin siya rito ay nakita niya ang malungkot na mukha nito. At biglang-bigla, dumaan sa kanyang gunita ang naging anyo nito nang makita siya kangina.

Ang pinipigil na paghanga at pagtataka sa kanyang anyo. Ang walang malamang gawing pagsalubong sa kanya. At nang siya ay ipaghain ay hindi siya isinabay sa kanyang mga pamangkin. Ibinukod si ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at malinis na mantel. Hindi siya pinalabas sa batalan nang sabihin niyang maghuhugas siya ng kamay. Ipinagpasok siya ng palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang pamangking sa pangaln at larawan lalo niyang kilala sapagkat patuloy ang kanyang sustento rito buwan-buwan. Iba ang may dala ng platitong kinalalagyan ng sabong mabangong alam niyang ngayon lamang binili. Nakasampay sa isang bisig nito ang isang tuwalyang amay moras. At napansin niyang nagkatinginan ang kanyang mga kaharap nang sabihin niyang magkakamay siya. "Ayan naman ang kubyertos...pilak 'yan!" hiyang-hiyang sabi ng kanyang hipag. " 'Yan ang uwi mo...noon...hindi nga namin ginagamit..." Napatawa siya. "Kinikutsara ba naman ang alimango?" Nagsisi siya pagkatapos sa kanyang sinabi. Napansin niyang lalong nahapis ang mukha ng kanyang Nana Ibang. Abot ang paghingi nito ng paumanhin. Kung hindi ka ba nagbago ng loob, di sana'y nilitson ang biik sa silong, kasi, sabi...hindi ka darating... Wala nga siyang balak na dumalo sa parangal. Ngunit naisip niya - ngayon lamang gagawin ang gayon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel High School. Waring hindi niyan matatanggihan ang karangalang iniuukol sa kanya ng Samahan ng mga Nagtapos sa kanilang paaralan. Waring naglalaro sa kanyang isipan ang mga titik ng liham ng pangulo ng samahan. Parangal sa unang babaing hukom na nagtapos sa kanila. Napakislot pa si Fely nang marinig ang busina ng isag tumigil na sasakayan sa harapan ng bahay. Alam na niya ang kahulugan niyon. Dumating na ang sundo upang ihatid siya sa bayan, sa gusali ng paaralan. Hindi muna niya isinuot ang kanyang sapatos na mataas at payat ang takong. "Sa kotse n," ang sabi niya kay Nana Ibang. Ang hindi niya masabi: Baka ako masilat...baka ako hindi makapanaog sa hagdang kawayan. Ngunit sa kanyang pagyuko upang damputin ang kanyang sapatos ay naunahan siya ng matanda. Kasunod niya ito na bitbit ang kanyang sapatos. Sa paligid ng kotse ay maraming matang nakatingin sa kanya. Ang pinto ng kotse ay hawak ng isang lalaki, na nang mapagsino niya ay bahagya siyang napatigil. Napamaang. "Ako nga si Duardo!" Pinigil niya ang buntung-hiningang ibig kumawala sa kanyang dibdib. Nang makaupo na siya ay iniabot ni Nana Ibang ang kanyang sapatos. Yumuko ito at dinampot naman ang tsinelas ba hinubad niya. Isinara ni Duardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper ito naupo. "Bakit hindi ka rito?" tanong niya. Masasal ang kaba ng kanyang dibdib. "May presidente ba ng samahan na ganyan?" "A...e..." Hindi kinakailangang makita niyang nakaharao si Duardo. Napansin niya sa pagsasalita nito ang panginginig ng mga labi. 'A-alangan...na 'ata..." Nawala ang ngiti ni Fely. Sumikbo ang kanyang dibdib. Si Duardo ang tanging lalaking naging malapit sa kanya. Noon. Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralang kanilang pinagtapusan. At ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga Nagtapos. "Natutuwa kami at nagpaunlak ka..." walang anu-ano'y sabi ni Duardo, "Dalawampu't dalawang taon na..."

"Huwag mo nang sasabihin ang taon!" biglang sabi ni Fely, lakip ang bahagyang tawa. "Tumatanda ako." "Hindi ka nagbabago,' sabi ni Duardo. "Parang mas...mas...bata ka ngayon. Sayang...hindi ka makikita ni Menang..." "Menang?" napaangat ang likod ni Fely.

"Kaklase natin...sa apat na grado," paliwanag ni Duardo. "Kami ang..." at napahagikhik ito. "Kamakalawa lang isinilang ang aming pang-anim...'

"Congratulations!" pilit na pilit ang kanyang pagngiti. Tila siya biglang naalinsanganan. Tila siya inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan. "Magugulat ka sa eskuwela natin ngayon," patuloy ni Duardo nang hindi na siya kumibo. "Ibangiba kaysa...noon..." "Piho nga," patianod niya. "Hindi naman kasi 'ko nagagawi sa bayan tuwing uuwi ako. Lagi pa 'kong nagmamadali..." "Pumirmi na nga rin kami sa bayan kaya hindi naman tayo nagkikita..."

Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang mukha sa bintana ng sasakyan ay nakita ang mga nakamasid sa kanya. Isinuot niya ang kanyang salaming may kulay. Tila hindi niya matatagalan ang nakalarawan sa mukha ng mga sumasalubong sa kanya. Pagtataka, paghanga, pagkasungyaw. Aywan niya kung alin. At nang buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makaibis siya ay lalong nagtimunig ang kahungkagang nadarama sa kanyang mga mata. Tila hindi na niya nakikilala at hindi na rin siya makilala pa ng pook na binalikan niya.

Singsing Na Pangkasal
Lazaro Francisco Ilang araw na lang at idadaos na ang kasalan nina Lydia at Virgilio. Bago sila ikasal ay lumuwas muna si Virgilio upang bumili ng singsing na pangkasal. Sa mga pamahiin ng ina ni Lydia na si Donya Isabel, pinigilan nito ang pagbili ng singsing, ngunit nagpumilit pa rin si Virgilio sa pagluwas. Nang makadating siya sa Maynila, nadatnan niya ang pobreng babaeng si Carmen at ang kasama niyang ina. Si Carmen at ang kanyang ina ay lumuwas mula Bigaa hanggang Maynila upang ipagamot ang kanyang inang may malubhang sakit, ngunit, dahil sa karalitaan, nahirapan ito na makapasok sa ospital. Bilang may mabait na puso, tinulungan ni Virgilio sina Carmen sa kanyang makakaya. Ipinaospital ang matanda sa may bayad na kwarto, pinatira si Carmen sa isang otel pansamantala, at gumastos para sa kanila. Sa kasamaang palad, namatay din ang matanda, ngunit inihabilin niya ang anak na si Carmen kay Virgilio. Kinupkop ni Virgilio si Carmen bilang kappa-kapatid niya. Idinaraos din sa tulong ni Virgilio ang burol at libing ng matanda. Sa mga pangyayaring ito, pinagmamasdan sila ni Servando, tsuper ni Donya Isabel at ni Tereso Maldia, lalaking sugapa sa pagmamahal ni Carmen. Inihatid ni Servando ang maling balita kay Donya Isabel na may kinakasamang babae si Virgilio na nagtulak sa kanya na paghiwalayin si Lydia at si Virgilio. Sa kabilang dako, binalaan ni Tereso si Virgilio sa burol na sa kanya lamang si Carmen. Sa awa kay Carmen, minabuting ipagpaliban ni Virgilo ang kasal niya kay Lydia hanggang sa ilibing ang kanyang ina, ngunit habang patapos na ang libing, nakita niya si Donya Isabel at si Lydia sa kotse. Sa paghabol ni Virgilio sa kotse, nakatikim siya ng mga maaanghang na salita mula kay Donya Isabel. Idinaos ang patatlo ng ina ni Carmen sa bahay ni Virgilio sa Baguio, kung saan tinanggap siya ng kanyang inang si Donya Titang bilang anak niya. Pinuntahan ni Virgilio ang bahay ni Lydia upang magpaliwanag, ngunit wala na siya roon. Napag-alaman niyang umalis na ito papuntang Davao kasama ang kanyang mga magulang. Nagpatangkaan din ang buhay ni Virgilio nang ang sinasakyan niyang kotse ay binaril ni Maldia sa gulong, ngunit nakaahon din ito sa kapinsalaan. Isang araw, nakatanggap si Virgilio ng sulat mula sa kaibigang si Dianong na patungkol kay Lydia. Dumiretso si Virgilio sa Davao upang makipagkita kay Dianong. Sa tulong ng asawang si Monina, nakapiling muli ni Lydia si Virgilio sa Davao, ngunit tumutol ang magulang nito sa kanilang pag-iisang dibdib. Si Don Silvestre na kanyang ama ay nais ipakasal si Lydia kay Baldonado at ang kanyang ina naman ay maiinit pa rin ang dugo kay Virgilio na pinukpok pa ang kanyang noo ng plorera. Itoy nagdulot ng paglisan ni Virgilio sa Davao upang balikan ang tahanan niya, di alam na sinundan pala siya ni Lydia. Nang makarating sa Baguio, nalaman niya na lumayas si Carmen nang malaman niya ang katotohanan na hindi natuloy ang kasal ni Virgilio kay Lydia. Muli siyang lumakbay sa Maynila at sa Bigaa, hanggang sa natagpuan niya si Carmen sa sementeryo kung saan nakalibing ang kanyang ina. Nang matagpuan niya si Carmen, itoy maysakit, dulot ng pagkawala ni Virgilio. Tinulungan ni Virgilio na maipagamot si Carmen at iuwi siya sa Baguio. Doon umusbong ang pag-iibigan nilang dalawa. Ngunit nang sila ay umuwi sa Baguio, natagpuan nila na si Lydia ay naroon. Dahil si Virgilio ay nahihila ng 2 babaeng umiibig sa kanya, gumawa si Donya Titang ng paraan upang hindi magkaroon ng sigalot sa buong bahay. Nagturingang magkakapatid sina Virgilio, Lydia at Carmen, ngunit itoy nagdulot ng masakit na upasala sa buong Baguio (sa kagagawan ni Tereso). Nadagdagan pa ang suliraning ito nang mabasa ni Donya Titang ang sulat galing kay Donya Isabel na tuluyan na nilang itinakwil ang kanilang anak na si Lydia. Upang hindi maipagpatuloy ang mga upasala, sabay na pumasok sina Lydia at Carmen sa monasterio upang magmadre. Ang paglisan nila nito ay nagdulot ng kalungkutan kay Virgilio at nagtulak sa kanya sa bisyo tulad ng sigarilyo at alak. Dumating ito sa punto na muntik na niya itong ikamatay nang si Tereso ay nakabangga niya sa isang bar at barilin ito, ngunit iba ang natamaan. Si Tereso ay nakulong sa pagpatay sa nabaril niya sa bar. Makailang gabi na binabangungot si Carmen ng kanyang ina sa kumbento. Si Lydia, nang mapagtanto niya na mas matimbang si Carmen kaysa sa kanya sa puso ni Virgilio, ay sumuko na at binigay niya ang paubaya kay Carmen para kay Virgilio. Nagdulot pa ito ng mga pagtanggi na nauwi sa laro ng pagkakataon sa tulong ng dalawang kandila, na kung sino ang unang maupos ay siyang mananatili sa kumbento. Ilang araw makalipas ay pumanaw na rin si Donya Titang, na inihabilin na ang lahat sa mga

tauhan niya. Patuloy ang bisyo ni Virgilio hanggang sa lumubha ang sakit nito. Walang magawa ang mga duktor niya, hanggang sa dumating ang isang liham galling sa monasteryo upang sunduin ang isa sa dalawang babaeng nagmadre doon. Dumating si Carmen sa bahay upang bumalik kay Virgilio. Makalipas ang mga araw, nanumbalik ang lakas ni Virgilio, hindi na muling pinayagan ni Carmen na lumuwas ng Maynila upang bumili lamang ng singsing na pangkasal at nairaos na rin sa huli ang kasal nilang dalawa.

Kinagisnang Balon
Andres Cristobal Cruz Tagapagsalaysay (TG) Narsing (NC) Tandang Owenyong Aguwador (OW) Nana Pisyang (PS) Enyang (EN) Tiyo ni Narsing (TN) Intsik (IT) Mga kapatid (2) Makikita ang dalawang matanda at isang may kagulangan na nagu u s a p d i kalayuan sa balon kung saan nag-iigib si tandang owenyo. Tagapagsalaysay: Sa purok ng Tibag ay may isang malaki at matandang balong tisa na bahagi na ng buhay ngmga tao roonmula sa paghuhugas ng lampin, pagluto ng pagkain, paghugas ng pinggan, paliligo, inumin,hanggang sa pagbendisyon sa mga namatay.Ayon sa matatanda ay noong panahon pa ng Kastila nahukay ang balong iyon sa Tibag. Sabi ng iba aynoong panahon pa ng Amerikano. Walang nakatitiyak kung kailan talaga ngunit pinaniniwalaan na ang balon ay solusyon sa kolera.Ayon pa rin sa mga matatanda, ay may malignong lumalabas sa balon kapag gabi at patay ang buwan.M i n s a n a y m a g a n d a n g b a b a e , m i n s a n n a m a n d a y k u n g a n u a n o n g h a yo p . N g u n i t p a w a n g i m b e n s y o n lamang ito ng matandang nakikipagligawan sa balon tuwing gabi.Maraming masasayang pangyayari sa balon na iyon. At sa Tibag, ang buhay-buhay, tulad ng matandang balon, ay siya nilang kinagisnan, kinamulatan ng kanila paring mga anak at mamanahin parin ng mga anak ng mga ito.Isa sa mga makapagpapatunay ay si Tandang Owenyong Aguwador. May maikli at kulay abong buhok nalaging nakakamisetang mahaba ang manggas at kapit sa katawan .Kapitbahay1: yang si Tandang Owenyo? Noon pa man ay nag-iigib na yan. Abay katipuno lang nyan noon. Kapitbahay2: Bat naman di magkakaganon e sa banat ang kanyang buto sa pagsalok non pa man. Kapitbahay3: Di bat ang ama nyang si Ba Meroy ay `aguwador din? Kapitbahay1: Aba, sya nga ano? Kapitbahay3: Minana na niya ang upisyong iyan. E si Nana Pisyang Hilot? Di ba sa balon din sila Kapitbahay2: A, oo! Doon niligawan ni Tandang Owenyo si Nana Pisyang. Kapitbahay3: Labandera na noon si Nana Pisyang? Kapitbahay2: Labandera na. Ang ipinag-iigib ni Tandang Owenyo ang syang ipinaglalaba naman ni NanaPisyang. Kaya nga maganda ang kanilang istorya, e. Kapitbahay3: E si Da Felisang Hilot? K a p i t b a h a y2 : A b a , e h l a b a n d e r a r i n y o n , t i n u r u a n n a m a n n ya n g m a n g h i l o t a n g k a n ya n g a n a k n a s i N a n a Pisyang.Kapitbahay1: Buhay nga namanSa Amerika ba merong ganyan? Kapitbahay3: Pilipinas naman to, e! Syempre dito sa atin pasalin-salin ang hanapbuhay. Kapitbahay1: Mana-mana ang lahat. Kapitbahay1: Si Ba Meroy ay aguwador, pwes, ang anak niyang si Tandang Owenyo aguwador din. Kapitbahay2: At si Nana Pisyang ng Da Felisa, labandera. Kapitbahay3: Pero si Nana Pisyang ay humihilot din. Kapitbahay1: Eh di naman araw-araw may nanganganak kasi.

Kapitbahay3: At si Enyang ni Na

ngayon

may

pamamanahan

na

sila ng hanapbuhaydibat

na Pisyang aykatulong na sa paglalabat paghahatid ng damit Kapitbahay2: At si Narsing nila? Kapitbahay1: Si Narsing ba? Sayang. Tapos ng hayskul, di na nakapagpatuloy. Me ulo pa naman. Laging medalang libro e. Minsan nakita kong may kipkip na libro,tinanong ko kung ano Florante at Laura daw.Sayang na bata. Balita koy ayaw mag-aguwador.(Darating si Narsing sa balon at iigib din) K a p i t b a h a y3 : B a k a n a h i h i ya . K i t a m o n g a n a m a n m u n t i k m a k a p a g k o l e h i yo a g u w a d o r l a n g a n g b a g s a k . Samantalang yung ibang karabaw inglis lang ang alam tente bonete na. Kapitbahay1: Para naman kayong di taga-Pilipinas. Pano me malakas na kapit yon! Kapitbahay2: Di aguwador din ang bagsak ni Narsing?! TG: Naghihimagsik si Narsing sa kanyang kalooban. Lalo na kapag naririnig nya ang paguusap ng mga tao nakung papasan sya ng pingga ay mapagkakamalan syang ang amain noong araw. Narsing: Ayoko ngang pumasan ng pingga! Mag-iigib lang ako para panggamit namin. Mas gusto ko pa ngang bitbitin ang mga balde e. Siguro papayagan ako ng ina kung magbabakasyon muna ko kay tiyo sa Tondo para makahanap ng mas magandang trabaho. Tagpuan: sa bahay ni Tandang Owenyo. Nag-aagahan ang sina Nana Pisyang at si Narsing NC: Inay, balak ko sanang bumisita kay tiyo sa Tondo. Magbabakasakali akong makatagpo ng trabaho doon.Kung maaari sana e, payagan ninyo ako. Nana Pisyang: Bakit hindi Hayaan mo bibigyan kita ng babaunin mo mamaya. Ayusin mo na gamit mo.Mag-ingat ka don TG: Punong puno ang sampayan nina Nana Pisyang noon na pamaya- mayay wala nang laman. Naubos patiang kakukula pa lamang na mga damit at nasimot lahat ng talbos at upo sa bakuran nila. PS: O, heto. Baon mo. Mag-iingat ka ha. NC: Salamat, teka, saan niyo po kinuha ito? Enyang: Ipon yan ni inay para sa pasukan sana namin. Pero sige kuya, gamitin mo muna. Tutal marami namankaming napaglabhan at nabentang upo kanina. NC: Salamat inay. Pagbubutihan kop o ang paghahanap ng trabaho. Alis na po ako. Tagpuan: sa tirahan ng Tiyo ni Narsing N C : M a g a n d a n g g a b i p o t i yo . P a s e n s y a n a p o k u n g b i g l a a n a n g p a g d a t i n g k o . N a i s k o l a m a n g p o s a n a n g makipagsapalaran para sa magandang hanapbuhay rito.Tiyo: Tuloy ka Narsing, ituring mo na rin tong bahay mo. Wag kang mahihiyang magtanong ng kailangan morito ha. NC: Wag po kayong mag-alala tiyo, hindi po ako magiging pabigat pagkat buong araw akong mawawala sa paghahanap ng mapagtatrabahuhan. Binigyan din po ako ng sariling pera ni inay.Tiyo: Ano ka ba, malugod kitang tinatanggap dito. Kumusta na nga pala kayo doon sa probinsya? TG: Nagkumustahan ang magtiyo magdamag. Kinabukasan, humayo na si Narsing para gawin ang mismong pakay. NC: Ang hirap palang maghanap ng trabaho. Kung hindi NO VAC A N C Y a n g n a k a l a g a y s a p i n t o , WALANG BAKANTE naman. M a s w e r t e p a k o n g l a g a y n a t o . K a w a w a n a m a n yu n g m g a t a p o s n g kolehiyo na nakasabay ko kanina. Meron pa man ding rekomendasyon ng pulitiko. Kahit ata si Haring Pilato pumirma dun wala rin kaming mapapala. TG: Sa kalalakad, napadpad siya sa isang gulayan ng intsik. NC: Masubukan nga ito...(papasok sa gulayan si Narsing, kakausapin ang intsik na may pasang dalawanglalagyanan ng tubig)magandang hapon ho. Kailangan ninyo po ba ng trabahador? (tumango ang intsik)...Kailangan ko po ng trabaho ngayon. Pwede po akong magpala, magpiko o mag-alis ng uod sa pananim.Intsik: Hene puwede. Hang lan akyen tlamaho. Nahat-nahat na yan akyen lang tanim, dilig. NC: O paano, talagang wala? IT: Ikaw gusto pala ngayon lang alaw ha, (mangingiti ang intsik) Akyen gusto lang tulong sayo.

NC: O sige, ano?IT: Ikaw, kuha tubig, salok balon, dilig konti, ikaw na gusto? (Ibibigay ang pingga)Tagpo: Kinabukasan sa bahay ng Tiyo NC: Tiyo, maraming salamat po sa pagpapatuloy sakin dito sa inyong tahanan. TN: Desidido ka na ba talagang umuwi sa inyo? Wala ka pa namang napapalang trabaho a. NC: Uuwi na po ako ngayong hapon sa atin sa Tibag. Siguro nga po ay di ako mapalad magkatrabaho.TN: O sige, bumalik ka minsan a. NC: (Sasakay sa trak at mag-iisip) Paano ko ba maiiwasan ang paga a g u w a d o r ? S a n a p a l a d i n a l a n g a k o nakapag-aral TG: Pagdating ni Narsing, dinumog siya ng mga paslit, nanghihinging pasalubong. Ngunit isang tahimik nailing lamang ang sagot niya.Tagpo: Sa kusina ni Tandang Owenyo. Nag-hahapunan ang mag-anak. Naghahain si Enyang. PS: Sige anak, kain lang. TG: Tatanaw-tanaw si NC sa kanyang ama, habang nakatingin lang ang mag-asawa sa anak, tila naghihintay namakarinig ng karanasan ng anak doon. Biglang mag-aagawan ang mga kapatid sa ulam, habang tipid natipid ang pagkain ng amat inat halos inom na lang ng inom. Sasawayin ni Nana pisyang ang mga bata. Tagpo: sa hagdan NC: Subukan ko kayang magtanim ng gulayTandang Owenyo: Gayon din lamang at gusto mong maghanapbuhay, subukin mong umigib. Al- NC: Ano ba naman kayo! Aguwador na nga kayo, gusto nyo pa pati ako maging aguwador! (patakbong daratingsi PS)

Sa Ngalan ng Diyos
Faustino Aguilar Bubuksan ang tagpo sa pag-uusap nina Padre Villamil at Padre Superyor, isang gabing masungit ang panahon, at ipapahiwatig ang balak nilang akitin papaloob ng kumbento si Carmen na tagapagmana ng ekta-ektaryang lupain at limpak na kayamanan. Ang maitim na balak ng dalawang pari ay tila sumasalamin din sa maiitim nilang sutana, at kaugnay ng pagnanasang isalba sa kahirapan ang Kompanya ni Hesus at matustusan ang materyal na pangangailangan ng mga pari. Si Dolores, kasintahan ng Amerikanong si Roland, ay makikipaghiwalay sa kaniyang minamahal dahil sa di-matanggap na tsismis na nagmumula rin sa mga pari. Sa labis na lungkot, lalapit si Dolores kay Padre Villamil, at ang konsultasyon at pangungumpisal ay maghuhunos na makamandag na usapang hahatak kay Dolores para talikdan ang daigdig at pumasok na madre sa kumbento. Si Eladio, na utusan ni Dolores, ang makapapansin sa masasamang balak ng mga pari sa nasabing dalaga, at ipaghihimagsik ng loob ang gayong pakana. Ngunit kailangan niyang sumandig kay Dolores upang buhayin ang kaniyang asawang si Dure, at kailangan niya si Padre Villamil upang maging tulay kay Dolores at gawin siya nitong katiwala sa mga bukirin o ariarian. Ang kagandahan at kayamanan ni Dolores ang pagnanasahan nina Padre Villamil at Eladio. Higit na malupit lamang si Padre Villamil, dahil yamang batid nito ang pagkamuslak (i.e., naivete) ni Dolores, ay gagamitin ang katusuhan upang magahasa ang dalaga at maangkin pa ang mga lupain nito. Samantala, malilibugan din si Eladio kay Dolores, at pagnanasahan nito ang katawan ng dalaga, subalit gagawin ito upang unahan si Padre Villamil, uyamin ang nasabing pari sa labis na kalibugan, at yugyugin ang katauhan ni Dolores para magising sa matagal nang katangahan. Si Roland lamang ay masasabing umiibig nang tapat kay Dolores, ngunit mahina rin si Roland bilang banyaga na hindi kayang amuin ang ilahas na loob ni Dolores. Ang pagkakalarawan kay Roland ay tila Tagalog imbes na Amerikano, gayunman ay hindi na mahalaga yamang ang ibig lamang itampok sa nobela ay ang pananaghili o panibugho ni Dolores sa kaniyang kasintahang nawala nang matagal. Ipagpapalit ni Dolores ang lahat ng kaniyang kayamanan makamit lamang ang pinaniniwalaang langit na ipinangangako ng simbahan. Samantala, si Padre Villamil naman at ang kaniyang mga kasamang pari sa Kompanya ni Hesus ay naniniwalang kailangang matamo rin ang materyal na yaman sa lupa bukod sa pinaniniwalaang yaman ng kalangitan. Si Eladio ang animoy anarkista na handang lumikha ng panununog, pagpatay, at panggagahasa kung ang buhay sa daigdig ay walang nang maidudulot na pag-asa. Ang naturang mga tagpo ay waring pabaligtad na paglalarawan ng mga aral ng Katipunan nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto, na nagsasabing hindi dapat sumandig sa ipinangangakong langit na hindi naman alam kung magaganap, bagkus magsikap na matagpuan ang langit dito sa lupa. Pambihira ang nobela ni Aguilar dahil ipinakikita nito kung paano ang relihiyon ay nagiging lunsaran ng diyabolikong indoktrinasyon, gaya sa politika, at ng komodipikasyon ng kaligtasan at pananampalataya, na ang sukdulan ay ang pagkatiwalag sa sarili ng tao. Si Carmen ang ultimong halimbawa na maglalaho ang identidad nang pumasok sa kumbento, at malulugso ang puri, bukod sa mawawalan ng kayamanan. Makakamit nga ni Padre Villamil ang yaman, katawan, at kaluluwa ni Dolores ngunit mabubunyag naman sa madla ang kaniyang kabuhungan. Ang pagdiriwang kung gayon sa bandang dulo ng nobela ng gaya nina Padre Villamil at Padre Superyor ay pabalintuna ang epekto, dahil magngingitngit ang bumabasa sa gayong tagpo at isusumpa marahil ang sinumang Heswita na kanilang kilala noon. Ipinahihiwatig din sa nobela ang makatwiran at hinog sa panahong pag-aaklas, na dapat sanang ginawa ni Eladio, ngunit si Eladio ay hindi handa at tanging sarili lamang ang iniintindi. Mabuting mabasa ng bagong henerasyon ng mga estudyante ang mga nobela ni Faustino Aguilar. Si Aguilar ay hindi karaniwang manunulat, bagkus linyadong manunulat na alam ang bituka ng Katipunan dahil isa siyang Katipunero. Ngunit taliwas sa dapat asahan, ang mga aral ng Katipunan ay pabaligtad niyang itinatampok sa kaniyang mga akda, kaya ang dating mga aral ng Katipunismo ay naipipihit sa kahanga-hanggang anggulo, at sumisilang na sariwa, matibay, at mabulas.

Proyekto Sa Filipino

Ipinasa ni: Alyssa Coline C. Malabanan IV- Saint Ignatius Ipinasa kay: Gng. Chona B. Osia

You might also like