You are on page 1of 8

“Diabetes Mellitus: Pait ng Matamis na Buhay”

Aguirre, Bernadette Mae C. , Andres, Melissa Joy S., Asensi, Trisha C., Capulong, Martin D. at De
Guzman Jr., Arnold L.
Seksyon I-9
Mula sa UST College of Nursing sa patnubay ni Gng. Zendel Taruc
Layunin:
Ang mga sumusunod ay ang mga layunin ng mga may-akda patungkol sa kanilang ginawang
pananaliksik:

• Maglahad ng mga impormasyon tungkol sa sakit na Diabetes Mellitus


• Mabigyang pansin ang sakit na ito dahil sa mabilis na pag-akyat ng statistiko ng mga taong nagkakaroon nito
• Maipadama at maipaalam sa lahat ng mambabasa ang mga epekto nito
• Makapagbigay gabay at linaw sa pag-unawa ng mga konsepto at impormasyon tungkol sa Diabetes Mellitus.

I. Mga Kaugnay na Babasahin / Literatura Tungkol sa Diabetes Mellitus


(Batayang Kaalaman)
Ano nga ba ang Diabetes Mellitus?
• “Diabetes is a serious chronic metabolic disease characterized by an increase in blood sugar
levels associated with long term damage and failure or organ functions especially the eyes, the
kidneys, the nerves, the heart and blood vessels.” -American Diabetes Association

• Ang diabetes ay isang uri ng sakit kung saan wala o di sapat ang naibibigay na insulin ng
pancreas sa pangangailangan ng katawan. - Dr. Roberto C. Mirasol, MD

Ito ay nagmumula sa maraming sanhi na maaring ilagay sa grupo ng dalawang kadahilanan.

Ano ang mga uri nito?


1. Namana/ TYPE I/ “Hereditary”
Ang una ay maaaring ito ay namana, “hereditary” o mas kilala sa tawag na Type I Diabetes. Ito
ay maaring nagmula sa gene ng kamaganak na noon pa man ay natuklasang mayroon nang diabetes.
Ang gene na ito ay maaring mamana nang kapamilya mula sa ikalawang henerasyon dahil sa
kundisyong ito ang paraan ng pamamana ay tumatalon ng dalawang henerasyon Ang mga taong
napagalamang mayroong ganitong uri ng diabetes ay kinakailangan na nang pagsasaksak o
pagiineksyon ng insulin sa katawan dahil sa kumpletong pagtigil ng paggana ng pancreas nito.

2. Nakuha/ TYPE II/ “Aquired”


Ang ikalawang uri naman ng diabetes ay maaaring makuha sa labis na pagkain, kawalan ng
ehersiyo at pagkakaroon ng mga masasamang bisyo na nagbubunsod sa labis na katabaan o “obesity”
dahil dito ang pancreas ay nahihirapan na maglabas nang kinakailangang dami ng insulin para sa
katawan. Ang mga taong mayroong ganitong uri ng diabetes ay pinapayuhan lamang nang paginom

1
ng mga gamot para sa prebentasyon ng pagtaas ng asukal sa katawan o kaya naman ay paginom ng
mga food supplements na maaaring tumulong para sa maganda at mabisang paggana ng pancreas.
Paraan ng Pag-iwas/Remedyo sa Diabetes Mellitus
A. Ukol sa Sakit
1. Dyeta
Kailangan ng karagdagang nutrisyon para sa mga diabetiko para makontrol ang
lebel ng blood glucose. Maliban doon, makakatulong rin ito na panatiliing normal ang
timbang at para makaiwas sa sakit sa puso. Isa sa mga epektibong paraan ng dyeta ay
ang pagbilang ng carbohydrates sa bawat pagkain na kinakain. Sa pangaraw-araw,
kailangan ang mga sumusunod:
• Prutas and Gulay
• Fiber ay kailangan ay 1.4 oz. kada araw
• Imbis na tatlong mabibigat na kainan, gawing apat o limang maliliit na kainan.
• Purong-luto na cereals at iwasang kumain ng carbohydrates dalawang oras bago matulog.[1]
2. Medikasyon
a. Type-1 Diabetes
Ang karaniwang medikasyon sa mga may type-1 diabetes ay ang
pagbigay ng insulin.
b. Type-2 Diabetes
Sa mga may type-2 diabetes mainam ang regular na ehersisyo at
medikasyon na metformin glucophage upang makontrol ang lebel ng glucose.[2]
3. Ehersisyo
Ang pageehersisyo ay tumutulong na mapababa ang timbang at ang lebel ng
glucose. Tulad ng dyeta, pinapababa rin nito ang posibilidad na pagkakaroon ng sakit sa
puso. Ang aerobic exercise ang karaniwang inirerekomenda ng mga doctor. Ang
halimbawa ng aerobic exercise ay ang paglalakad, pagjojogging, pagbibisikleta, at
aerobic dance.[3]
B. Pag-iwas o Isyung Kaugnay
Ang pag-iwas ay mas mainam kaysa sa paggamot ng diabetes. Ang diabetes ay
maiiwasan kung ang tao ay magkakaroon ng tamang dyeta, ehersisyo, at walang
masamang bisyo. Ang pagkain ng mga masustansya at balanseng pagkain ay
magdudulot ng kalusugan. Ang pageehersisyo ay tumutulong upang hindi maging
obese. Ang pagiging obese ay nagtataas ng posibilidad na magkaroon ng diabetes. Ang
paninigarilyo at pag-inom ng alak ay dapat itigil dahil ang mga dumi (toxins) nito ay
nakaaapekto sa immune system ng tao.[4]

[1]: diabetesinformationhub.com/DiabetesDiet.php
[2]:http://www.emedicinehealth.com/script/main/art.asp?articlekey58855&page=7#MedicalTreatment
[3]: familydoctor.org/online/famdocen/home/common/diabetes/living/351.html

2
[4]: http://EzineArticles.com/?expert=JeremyParker

Mga Suliranin Kaugnay sa Diabetes


Ang mga malubhang problema ng mga diabetiko ay sanhi ng mga komplikasyon ng diabetes.
Ang diabetes pag hindi kontrolado ang blood glucose levels ay maaaring magsanhi sa mas marami
pang kapansanan na siyang mas nakadadagdagproblema sa tao kaysa sa diabetes mismo.
KOMPLIKASYON DEPINISYON LUNAS
1. RETINOPATHY Pagkasira ng retina na
maaring maging sanhi ng
pagkabulag
2. KATARATA Panlalabo ng lens ng mata Operasyon sa mata
3. DIABETIC Sakit sa bato Dialysis o Kidney
NEPHROPATHY Transplant
4. PROBLEMA SA UGAT -Pamamanhid ng binti at paa
(NERVE PROBLEM) - pagkawala ng pakiramdam
at pagbaba ng abilidad ng
mga reflex
5. PROBLEMA SA PUSO Pagkakaroon ng atake sa
puso at stroke
6. PROBLEMA SA PAA Mabilis na pagkalat ng Amputasyon
impeksyon dahil sa sugat

Mahalagang palagiang bisitahin ang iyong doctor o endocrinologist para maiwasan o


maagapan ang mga nasabing konplikasyon. Ang iyong taas at bigat ay maaari ding patunay kung ang
iyong diabetes ay kontrolado ba o hindi. Disiplina at kontrol sa iyong sarili ang dapat sanayin ng
isang diabetiko. Marapat na alamin ang mga wastong pangangalaga sa iyong diabetes upang matamo
ang minimithing layunin, ang normal na lebel ng iyong asukal sa katawan. Ang kahahantungan ay
nananatiling sa sariling desisyon.

Paano malalaman kung ang isang tao ay mayroon ng Diabetes Mellitus?


Maraming sintomas ang sakit na diabetes at muli maari itong hatiin sa dalawang uri.

1. Mataas na lebel ng asukal sa katawan o “ hyperglycemia.”

Karaniwan ang lebel ng asukal sa kanyang katawan ay mas mataas sa 200


mg/dL at kadalasang nakakaramdam ito ng:

3
2. Mababang lebel ng asukal sa katawan o “hypoglycemia”
Ito ay nangyayari kapag ang isang tao ay kulang sa pagkain, o nagmula sa
masidhing gawain tulad ng ehersisyo. Marapat na maagap pakainin ang taong
nakakaramdam nito dahil ang lebel ng asukal sa kanyang katawan ay maaring
mababa sa normal at ito ay maaring 70 mg/dL. pababa. Ang kadalsang
nararamdaman ay:

Epekto sa Pamumuhay ng mga taong may Diabetes Mellitus:

Ang sakit na diabetes ay nakaaapekto sa pisikal, sosyal, at


emosyonal na aspeto ng indibidwal na nagtataglay nito. Una ay
ang pisikal na aspeto na kung saan ito’y nagsasanhi ng mga
disabilidad, pangunahin rito ang amputation o ang pagkaputol ng
paa. Ito ay nagdudulot ng pagbaba ng kalidad ng pamumuhay na
kung saan maaaring magsanhi ito ng pagbaba ng tingin nila sa
kanilang sarili at ng mga taong nakapalibot sa kanila. Nagsasanhi
rin ito ng emotional stress. Ang ideya ng pagtataglay ng ganitong
karamdaman habang buhay ay maaaring humantong sa sobrang pag-aalala, pagkatakot
at depresyon. Bukod rito, kadalasang nakararanas ng matitinding mood swings, na sanhi
ng pagresponde ng katawan sa hormone levels na dulot ng sakit na nakaaapekto sa
relasyon nila sa mga taong nakapalibot sa kanila tulad ng kanilang pamilya, mga
kaibigan at mga kasamahan sa trabaho. Halimbawa ay ang pagiging padalos-dalos sa
mga desisyon dahil sa kanyang emosyon, kaya naman malimit siyang pagkatiwalaan. O
kaya naman ay paglalabas ng mga emosyong di kanais-nais na natutuloy sa pag-aaway
at pagkasira ng relasyon.
Kaugnay din nito ang mga komplikasyon tulad ng kidney disease, stroke,
pagkabulag, at pagkawala ng paa. Nagdudulot ito ng problemang pinansyal sa pamilya.
Nakaapekto din naman ito sa ekonomiya ng bansa sa paraang: pagbaba ng human
resources ng bansa, pagtaas ng tax sa medical care at pagsuporta sa mga may
kapansanan (sa ibang bansa), pagbagsak ng ekonomiya ng family units at ang mga
maliit na negosyo, at ang pangkalahatang pagkawala ng kompyansa sa sarili at pag-asa
na siyang nagtutulak sa paglago ng isang ekonomiya.
Sanggunian:
Rapaport, W., Cohen, T. Riddle M. “Diabetes Through the Life Span: Psychological

4
Ramifications for Patients and Professionals.” Diabetes Spectrum Volume 13
Number 4 (2000): 201-215
II. Paglalahad at Pagsusuri ng Sariling Pag-aaral

A. Metodolohiya
Nakuha naming ang aming datos sa pamamagitan ng isang panayam.
Ang aming nakapanayaman ay si Ginoong Virgilio Mendoza na isang
matagal nang diabetiko.

I. Personal na Impormasyon II. Background

Pangalan: Virgilio Salvador Mendoza Taas noon: Anim na talampakan


Edad: 61 Bigat ngayon: 50 kg.
Kaarawan: Nobyembre 27, 1947
Kasarian: Lalaki FEU Vartsity Player ng Basketball
Tirahan: Bocaue, Bulacan • Iskolar
Pangalan ng asawa: Azenaida Mendoza • Kurso: Education major in P.E.
• MCAA (Manila College Athletic
Lifestyle, Diet, at Activities Association)
Noon: Basketball (Masidhing Ehersisyo)
• 7-up Team (National Team Televised)
Bisyo: Pag-inom ng alak at paninigarilyo
-Century Award (ABS-CBN)
Pagpupuyat at malakas na pagkain (Varsity
Diet) • Kasabayan: Jaworski, Fabiocca
Ngayon: Medikasyon • Kilala bilang isang 3-point shooter
Tamang bilang at dami ng pagkain
Dalawang baso ng tubig bawat araw -Nakapagtrabaho sa Japan ng dalawang taon.
Tamang ehersisyo (Physical Therapy)

B. Pagsusuri ng Datos
Isang diabetiko ang nagpaunlak na makapanayam kung saan ibinahagi nito ang
kanyang mga karanasan. Ang kanyang mga karanasan ay nagbigay aral sa amin na hindi
mapupulot sa loob lamang ng apat na sulok ng silid aralan.
Si Ginoong Virgilio Salvador Mendoza ay may uri ng diabetes na masasabing
namana. Ngunit ito’y lalo pang na-trigger ng hindi maayos na pamumuhay at
pagpapabaya sa sarili. Hindi nila akalaing ang sakit na ito ang siyang babago ng lubusan
sa kanilang buhay. Ang kanilang pagsasama ng kanyang asawang si Ginang Azenaida
Mendoza, sa kasamaang palad, ay hindi nagbunga ng mga supling. Ito’y marahil sa may
edad na rin sila ng sila ay magpakasal na nadagdagan pa ng mababang sperm count ng

5
ginoo gawa ng kanyang sakit. Napagpasyahan nilang mag-ampon na lamang. Handa na
ang lahat ng mastroke ang ginoo. Hindi na nila nagawang ampunin ang bata. Nasundan
ang stroke ng pagkaputol ng kanyang kanang paa. Hindi nila akalaing ang isang maliit na
sugat sa talampakan ang siyang magiging sanhi ng pagkawala ng kanyang paa. Wala ng
pakiramdam ang kanyang paa na naging dahilan para hindi malaman ng ginoo na may
tumusok na palang thumb tacks sa kanyang talampakan. Ang pagkaputol ng kanyang
kanang paa ay nasundan pa ng pagkaputol ng kaliwang paa nito. Ito naman ay nag-ugat
lang din sa isang maliit na sugat sa daliri ng kanyang paa. Sa kasamaang palad, hindi
gumaling ang sugat ng putulin ang kaliwang paa kayat pinutol ulit ito. Ngunit hindi pa
rin ito gumaling kaya naman napagpasyahan ng mga doktor na isagad na ng pagputol sa
kanyang paa. Naibahagi ng ginoong may mga pagkakataong nakaramdam siya habang
“nilalagari” ang kanyang paa. Ang ginang naman ay lubos na naghihirap ang kalooban sa
sinapit ng kanyang minamahal na asawa. “Hindi ko alam ang gagawin ko noon, buti na
lang at andiyan siya para palakasin ang loob ko…” sabi ng ginang.

Ang magkabiyak ay nagpakita ng kahanga-hangang katatagan ng loob. Ngunit


hindi dito nagtatapos ang lahat. Nagpatuloy ang pakikipagbuno nila sa pangaraw-araw
nilang pamumuhay. Simula ng maputulan ng mga paa ang ginoo maraming bagay na ang
nagbago, marami ng mga bagay bagay ang hindi na niya magawa mga simpleng gawain
ngayon ay hirap na niyang matugunan. Ang kanyang asawa na lamang ang bumubuhay sa
kanilang dalawa at pilit tumutugon sa mga pangangailangan ng ginoo tulad ng mga
gamot. Ang araw- araw na panalanging na sana ay hindi na madagdagan ang
komplikasyon ng sakit tulad ng pagtama nito sa bato ang siyang hiling sa ngayon ng
magasawa.

“Huwag na nating isipin ang nakaraan..kahit pa ang bukas. Ang mahalaga ay kung
ano ang ngayon.”
-Gng. Azenaida Mendoza

Ang pahayag na ito ay nanganghulugan lamang na maging masaya sa kung


anumang meron ka ngayon at matutuhan mo itong pagpahalagahan. Sabi ng ginang ay
itinuturing niyang biyaya ang bawat oras na kasama niya ang kanyang asawa. At ang
nagpapasaya na lamang sa kanya ay ang mga simpleng bagay tulad ng nasa magandang
kalagayan o walang sakit ang kanyang pinakamamahal na asawa.

Tunay na ang pagsisisi ay nasa huli, ngunit sadyang hindi tayo natututo hanggat
hindi natin nakikita o nararanasn ang mga epekto. Inamin ng magkabiyak na saka na
lamang nila binantayan ang kalusugan ng ginoo ng may nararamdaman na ito. Kung sana
nabantayan lamang o pinagbuti ng ginoo ang kanyang pamumuhay at kalusugan noong
kabataan niya, ang ganitong mga pangyayari sa kanilang buhay ay maaaring maiwasan at
hindi na maganap. Sa huling bahagi ng panayam ibinahagi ng ginang ang ilang mga
salitang nagbukas sa aming mga isipan at makapagbigay hinuha na ito nga ay totoo at
tunay. “Maging magpasalamat sa kung ano ang meron ka. Magpasalamat sapagkat tayo
ay pinagpala at buo pa…”Ang buhay ay biyaya mula sa itaas, nasa atin ang pagpapasya
para sa ating sarili, matuto lamang tayong sumakay sa takbo ng buhay kung saan huwag
sana maging hadlang ang mga bagay bagay para sa ating kasiyahan at tagumpay. Maging

6
magapasalamat sa Panginoon sa gabay, tibay at lakas ng loob na kanyang binibigay sa
bawat problema at pagsubok na darating dahil ang lahat ay may dahilan.
III. Kongklusyon / Rekomendasyon

A. Konklusyon
“Nasa huli ang pagsisisi kaya't prevention is better than cure”. At
pasangayon, pati ang gamot na maaaring makapagpagaling ng lubusan sa
naturang sakit ay hindi pa rin natutuklasan. Bukod rito, ito'y nagdudulot pa
ng mga kaakibat na karamdaman o mga komplikasyon, at isa nga rito ang
amputasyon. Binabaago nito ang buhay ng nagtataglay nito na kung saan,
kadalasang sinisira o pinabababa nito ang kalidad ng kanilang mga
pamumuhay sa paraang ito'y nakaaapekto sa bawat aspeto ng indibidwal:
pisikal, emosyonal, maging sosyal. Kaya naman, ibayong pag-iingat sa
ating pangangakatawan ang kinkailangan upang maiwasan ang ganitong
karamdaman o kaya nama'y maiwasan ang pag-trigger nito sa
pamamagitan ng regular na ehersisyo at tamang pagkain.

B. Rekomendasyon
Ang tamang dyeta, ehersisyo, at regular na pagmomonitor ng blood
glucose ay kailangan upang hindi mapalala ang sakit na diabetes. Ito ay
ginagampanan ng tagapangalaga ng may-sakit. Ang implantable insulin
pumps ay inaadminister ng pasyente sa kanyang sarili sa karagdagang oras
at dami ng insulin. Ang insulin pen ay isang konbiniyenteng metodo para
sa mga pasyenteng naglalakbay. Ito ay self-administered tulad ng insulin
pumps. Hindi kinakailangan tayo pa mismo ang makaranas ng ganitong
sakit bago tayo matauhan sa tamang pangangalaga sa ating sarili. Sana'y
makapulot tayo ng aral sa mga eksperihensya ng ibang tao.

Mga Sanggunian:
• CME Source.2008.Sacramento, California
• http://www.wei_qin_zhao@northwestern.edu (Amyloidv beta oligomers)
• http://www.medicinenet.com/diabetes mellitus/page4.htm (Learn more about D.M.)
• http://www.medicinenet.com ( The Diabetes Diet by Melissa Conrad Stoppler, MD.)
• http://www.associatedcontent.com/article1475395/two_studies_about
_diabetes_and_treatment.html (Real lifestories of Diabetes Success)
• http://www.diabetesinfirmationhun.com/Diabetes.php
• http://www.emedicinehealth.com/script/main/art.asp?articlekey58855&page=7#MedicalT
reatment
• http://www.familydoctor.org/online/famdocen/home/common/diabetes/living/351.html
• http://www.Ezinea\Articles.com/?expert=JeremyParker
• http://yourtotalhealth.ivillage.com/implantable-insulin-pump.html
• http://yourtotalhealth.ivillage.com/insulin-pen.html
• Estrada, Sylvia MD., 2006, Diabetes Watch Year XXII. No. 1 Issue, Advice to the Young
Diabetic USA
• Rapaport, W., Cohen, T. Riddle M. “Diabetes Through the Life Span: Psychological

7
• Ramifications for Patients and Professionals.” Diabetes Spectrum Volume 13
Number 4 (2000)

You might also like