You are on page 1of 8

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 3 PANUNURING PAMPANITIKAN UNANG MARKAHAN IKAANIM NA LINGGO I.

I. INAASAHANG BUNGA Nailalahad ang paninindigan sa isang partikular na isyu. PAKSA / MGA KASANAYAN / MGA KAGAMITAN Paksa : Pagbasa Susuriing Genre : Iskrip ng Dulang Pampelikula (bahagi) Halimbawang Akda : Jaguar Kasanayang Pampanitikan : Pagpapahalaga sa bisang pandamdamin at kaisipan Kasanayang Pangkaisipan : Kritikal na Pagsusuri Halagang Pangkatauhan : Pag-iwas sa masamang gawain. PROSESO NG PAGKATUTO UNANG ARAW a. Mga Panimulang Gawain 1. Pagganyak a. Pagkikinig ng isang nakateyp na usapan hango sa isang popular na tele-novela b. Pangkatang pagsusuri sa narinig na dula Pangkat A Alin sa bahagi ng dula ang nagbibigay aliw? Pangkat B Bahagi ng dula ang nagbibigay impormasyon Pangkat C. Magbibigay ng reaksyon sa sinabi ng Pangkat A

II.

III.

Pangkat D Magbibigay ng reaksyon sa sinabi ng Pangkat 2. Paglalahad a. Madulang pagpapabasa ng akdang susuriin Pagtukoy sa mga karanasang inilahad sa akda Pag-uugnay ng mga tiyak na karanasang nakapaloob sa akda sa aktwal na karanasan ( sarili man o sa iba )

IV.

PAGTATAYA Pagsusuri sa akda. Pagpapatala ng mga bahaging nagbibigay ng aliw at mga bahaging kinapulutan ng aral.

V.

TAKDANG ARALIN / KASUNDUAN

PAGSUSURI SA AKDA IKALAWANG ARAW I. INAASAHANG BUNGA A. Mga Layuning Pampagtalakay B.1. Pagsusuring Panglinggwistika Nasusuri ang pagkabuo ng mga pangungusap B.2. Pagsusuring Pangnilalaman Nakapagbibigay ng sariling interpretasyon sa mga kaisipan. pangyayari, ideya o opinyong nakapaloob sa akda. Pagsusuring Pampanitikan Nasasabi ang bisang pandamdamin at kaisipan sa akda

B.3.

II.

PAKSA / MGA KASANAYAN / MGA KAGAMITAN Paksa : Panunuring Pampanitikan Susuriing Genre : Iskrip ng Dulang Pampelikula (bahagi) Halimbawang Akda : Jaguar Kasanayang Pampanitikan : Pagpapahalaga sa bisang pandamdamin at kaisipan Kasanayang Pangkaisipan : Kritikal na Pagsusuri Halagang Pangkatauhan : Pag-iwas sa masamang gawain. PROSESO NG PAGKATUTO A. Panimulang Gawain 1. Muling pagpapabasa sa akda. Madulang pagbubuod

III.

2. Pagbabahagi ng itinalang bahaging nakaaaliw at bahaging kinapulutan ng aral. Pagbibigayin ng katwiran sa sagot B. Pagsusuri sa akda 1. Pagsusuring Panglingwistika Pangkat 1 at 2: Pagsusuri sa pagkakabuo ng mga pangungusap (haba/ikli)

a. Anong napansin mo sa mag dayalog ng bawat karakter?

b. Paano nabuo ang bawat bahagi ng dayalog? 2. Pagsusuring Pangnilalaman Pangkat 3 at 4 : Pagsusuri sa akda batay sa: nais sabihin nito sa mambabasa pagiging makatotohanan ng mga pangyayari pagiging makatotohanan ng mga tauhan mga umiiral na palagay sa loob ng akda

3.3

Pagsusuring Pampanitikan Pangkat 5 at 6: Pagsusuri bilang dulce at utile kung ano ang naging efekto sa sarili ng binasang dula kung ano ang natutuhan mula sa binasang dula kung ano ang naramdaman matapos magbasa

C. Pagbabahaginan ng napag-usapan sa bawat pangkat D. Pagkuha ng iba pang feedback mula sa mga mag-aaral E. Pagbibigay ng guro ng karagdagang input

IV.

PAGTATAYA Pagbubuo ng sintesis ng napag-usapan

V.

TAKDANG ARALIN / KASUNDUAN

PAGPAPAHALAGA SA AKDA IKATLONG ARAW

I.

INAASAHANG BUNGA Nakasusulat ng masining na reaksyon tungkol sa akdang binasa PAKSA / MGA KASANAYAN / MGA KAGAMITAN Paksa : Pagpapahalaga sa akda Susuriing Genre : Iskrip ng Dulang Pampelikula (bahagi) Halimbawang Akda : Jaguar Kasanayang Pampanitikan : Pagpapahalaga sa bisang pandamdamin at kaisipan Kasanayang Pangkaisipan : Kritikal na Pagsusuri Halagang Pangkatauhan : Pag-iwas sa masamang gawain. PROSESO NG PAGKATUTO A. Muling pagpapabasa sa akda B. Pagpapatuloy ng pagsusuri sa akda ( pangkatan ) Pangkat 1 at 2: Pagpapakita ng pakikisangkot Pagbibigay ng sariling interpretasyon sa mga pangyayaring sa bawat bahagi ng dulang binasa. Pangkat 3 at 4: Pagsasagawa ng paghahambing Pag-uugnay sa iba pang pelikulang napanood sa akdang binasa batay sa tauhan at pangyayari Pangkat 5 at 6: Pagsasagawa ng pagtataya. Role play sa mga piling tagpo sa dula na nagpapakita ng naging epekto sa sarili C. Pagbabahaginan ng napag-usapan/inihandang gawain ng pangkat D. Pagkuha ng feedback mula sa iba pang nakinig na mag-aaral E. Pagbibigay ng input ng guro sa bawat bahagi ng talakayan F. Pagbabahaginan ng feedback sa ipinakitang pangkatang sintesis

II.

III.

IV.

PAGTATAYA Pagbubuo ng sintesis upang makabuo ng kaisipang pangklase

V.

TAKDANG ARALIN / KASUNDUAN

PAGPAPALAWAK NG KARANASAN PAGLIKHA IKAAPAT NA ARAW I. INAASAHANG BUNGA Nakasusulat ng isang kwento/iskrip, tula, sanaysay (transkoding) PAKSA / MGA KASANAYAN / MGA KAGAMITAN Paksa : Pagsulat ng isang kwento/iskrip, tula, sanaysay Susuriing Genre : Iskrip ng Dulang Pampelikula (bahagi) Halimbawang Akda : Jaguar Kasanayang Pampanitikan : Pagpapahalaga sa bisang pandamdamin at kaisipan Kasanayang Pangkaisipan : Kritikal na Pagsusuri Halagang Pangkatauhan : Pag-iwas sa masamang gawain. PROSESO NG PAGKATUTO A. Panimulang Gawain 1. Pangkatang pagsasadula ng tiyak na bahagi : nangangaral nakalilibang B. Paglalahad 2. Pagbubuo ng mga tiyak na sitwasyong kaugnay din ng tinalakay na akda. 3. Pagbabahagi ng mga nabuong sitwasyon 4. Pagpapasulat ng mga masisining na parirala/pangungusap na maaaring gamitin sa pagsulat ng katulad ding akda. 5. Pagbabahagi ng ilang mga parirala/pangungusap na nabuo at paguugnay nito sa akdang tinalakay 6. Pagpapasulat ng maikling iskrip sa tulong ng mga nabuong parirala/pangungusap batay sa parehong tauhan sa iskrip na tinalakay parehaong pangyayari sa iskrip na tinalakay 7. Pagpapabasa sa ilang napasimulan

II.

III.

8. Pagsusuri ng guro sa ilang panimulang binasa 9. Pagbibigay ng guro ng faynal input tungkol sa paksang - aralin.

IV.

PAGTATAYA Pagbibigayin ng reaksyon ang mga mag-aaral tungkol sa inihandang gawain. Ano ang nadama habang sumusulat? Ano ang natutuhan habang sumusulat? Pagpapalitan ng isinulat na iskrip ( pipili ng kapareha ) Pagbibigay ng reaksyon ng bawat pareha Pagbibigay ng reaksyon ng klase sa narinig

V.

TAKDANG ARALIN / KASUNDUAN

You might also like