You are on page 1of 2

Ang PBB experience ko. BOW!

Windang na windang pa rin ako hanggang sa ngayon Kahit ang lahat ay nagsimula lamang sa isang biruan Baka bukas makalawa, abay paggising ko May mga kamera nang nakatutok sa pagmumukha ko

Sa Bahay ni Kuya akoy papasok Kung saan totoong drama ng buhay, Pinoy ay nakatutok Bahay na sikat dahil sa boses na pamilyar sa lahat Bahay kung saan wala ng iba kundi si Kuya lang boss ng lahat

Noong PBB season 1, si Kumander Nene ang naghari, Kasama sina Uma, Jason, Franzen at Cass na sexy Dito lumabas ang gwapong si Papa Sam Milby Sa kanyang killer smile lahat tayoy napa-ihi

PBB Season 2, lahat yata pasaway Dito sumikat linya ni Bea, Maricris, respect is not imposed, it is earned! Kaya naman boto ng Pinoy sa kanya ibinigay Hanggang sa big night si Bea ang nanalong tunay

Nitong pangatlong season, bunganga pa lang ni Melai show na Lalo pang tumatak nang pag-ibig ni Jason ay kanya Melason di naglaoy nagbunga- anak nila Dengue ang ngalan niya

Big Winner sa masa, hanggang sa ngayon si Melai Pureza na

Ngayong season 4, si Kuya naghahanap ng mga kasambahay Iba-ibang klase ng Pinoy tiyak mapapanood sa Kapamilya Tanong ko lang aba eh, kasama ba ako? Sana naman ng aking sarili maibahagi ko

Para sa iba nais nilang pumasok dahil tingin kay Kuya si Binay, gaganda ang buhay Ang iba naman parang si Villar, tatapos sa kahirapan Ang sabi ko naman gusto ko happy ka Kuya Maging inspirasyon ng kabataan na mag-aral at maging mabuting generasyon Sabi nga ni Miriam, For the meantime, we should think for our next generation Because our future should have a very good foundation for our salvation! Sigaw ko lang, atras sila, abante ako. Now na!

End Written by: Joya Genzola 07-26-2011

You might also like