You are on page 1of 4

ALS Review

Ang wastong paggamit ng ng at nang ay ang isa sa mga hindi masyadong napagtutuunan ng pansin ng marami sa atin, sa ating pagsusulat. Mababatid na naiiba ang kahulugan ng pangungusap kung nabaliktad ang ating paggamit sa ng at nang, kaya mahalagang malaman ang wastong paggamit ng mga ito. Sa lesson na ito, ang ituturo ng may-akda ay ang shortcut para malaman kung ano ang dapat gamitin sa ng o nang sa isang pangungusap. Ang mga sumusunod ay ang mga pagkakataon kung kailan kailangang gamitin ang nang ang sa isang pangungusap: Kung ang sumusunod na salita ay pandiwa (verb). Talon nang talon ang mga bata. Lipad nang lipad ang mga kalapati. Kung ang sumusunod na salita ay pang-uri (adjective). Ang lumakad nang matulin kung matinik ay malalim. Sumuko nang mahinahon ang mga pugante. Kung gagamitin sa unahan ng pangungusap. Nang lumalim ang gabi ay nagsimulang mag-uwian ang mga bisita. Nang umapaw ang tubig sa ilog ay nagsimulang lumikas ang mga residente. Sa ibang mga hindi nabanggit sa itaas na pagkakataon ay automatic na ng ang dapat gamitin. Mga Halimbawa: Ang lupaing ito ay pag-aari ng mga Reyes. Si Marko ang siga ng Maynila. Inubos ng bata ang kanyang pera sa pagkain. Si Lupe ay inakusahang nagnakaw ng paninda.

The Simple Tenses


The Past Forms of Regular Verbs Ang mga verb (o pandiwa sa Filipino) na nabubuong past and past participle kapag nilalagyan ng d, ed, o ied ay tinatawag na regular verbs. Example: He played basketball last week. She walked in the seashore yesterday. They visited the museum a month ago. He cried in the movie house last night.

Tip: Ang isa sa mga mahahalagang matutunan sa lesson na ito ay ang maging familiar sa mga time expressions o salitang nagsisilbing keyword (palatandaan) para malaman na ang pangungusap ay natapos/nakaraan/nangyari na, at kailangang gamitan ng past form of the verb sa pamamagitan ng pagdadagdag ng d, ed o ied. a minute ago an hour ago a day ago a week ago a month ago a year ago many years ago last week last year last month last Monday last January in 1983 in May 1983 yesterday last night Idinidikit ang d sa mga verb na nagtatapos sa vowel (katinig) na e. bake baked care cared dine dined Idinidikit ang ied sa mga verb na nagtatapos sa consonant (patinig) na y. Pinapalitan ang y ng i at dinidikitan ng ed. fry fried marry married query queried Idinidikit ang ed sa mga verb na nagtatapos sa mga letters bukod sa e at y (a b c d f g h i j k l m n o p q r s t u v w x z). echo echoed walk walked ship shipped

The Simple Tenses


:: The Past Form of Irregular Verbs Ito ay ang mga verb (action words) na nabubuong past and past participle nang hindi nilalagyan ng d, ed, o ied. Malimit ay nagbabago ng spelling ang mga verbs na ganito, sila ay tinatawag na irregular verbs. Ang tamang pamamaraan upang matutunan ay malaman at maging pamilyar sa present, past, at past participle form ng mga ganitong uri ng verb. Example: Present am Past was Past Participle been

begin began begun blow blew blown break broke broken catch caught caught choose chose chosen do did done draw drew drawn drink drank drunk drive drove driven eat ate eaten fall fell fallen fly flew flown forget forgot forgotten freeze froze frozen go went gone grow grew grown hide hid hidden know knew known lose lost lost ring rang rung run ran run see saw seen shake shook shaken shrink shrank shrunk sing sang sung sit sat sat speak spoke spoken steal stole stolen take took taken teach taught taught throw threw thrown wear wore worn To see wider list of irregular verbs, visit English Lesson - Commonly Used Irregular Verbs Tip: Ang nakakalito lamang sa lesson na ito ay ang past participle form of irregular verbs, kung ano ang kina-ibahan sa past tense at kung kailan ginagamit. Ang pinakamadaling palatandaan na kailangan gamitin ang past participle ay ang mga auxiliaries has o have(to form the present perfect tense), at had(to form past perfect tense). O kaya'y may kasamang shall o will(to form future perfect tense), at should, could, o would(to form modal verb). Kapag nakita sa pangungusap ang mga nabanggit na auxiliaries (has, have, had, shall have, will have, should have, could have, would have) past participle form of irregular ang dapat gamitin.

Notes and Example: Dahil nga ang mga verb na ito ay tinatawag na "irregular" wala silang sinusunod na pattern. Kaya pansamantala ay huwag munang pagtuunan ng pansin kung sila ba ay ginamit bilang present perfect tense, past perfect tense, future perfect tense, o modal verb. Ang layunin lang ng lesson na ito ay i-familiarize kayo kung paano ginamit ang irregular verbs in past participle form sa sentence. :: have/has + past participle = present perfect tense Rony has seen Leo in the woods. They have taken the ALS test. :: had + past participle = past perfect tense Karl had sung on a TV show last week. :: shall have/will have + past participle = future perfect tense Thea shall have ridden the horse before the rain. Ross will have thrown the garbage before daybreak. :: should have/could have/would have + past participle = modal verb She should have won in the contest last night. They could have done the work on time. Accident would have been avoided if extra precautions are practiced.

You might also like