You are on page 1of 4

Ang Morpolohiya at ang Morpema

MORPOLOHIYA

Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ngpagsasamasama ng mga ito upang makabuo ng salita. Anupat kung ang ponolohiya ay tungkol sa pagaaral ng set ng mga tunog na bumubuo ng mga salita sa isang wika, ang morpolohiya ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng ibat ibang morpema.

Katuturan ng Morpema

Galing ang salitang morpema sa katagang morpheme sa Ingles na kinuha naman sa salitang Griyego morph (anyo o yunit) + eme (kahulugan). Sa payak na kahulugan, ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Ang ibig sabihin ng pinakamaliit na yunit ay yunit na hindi na maaari pang mahati nang hindi masisira ang kahulugan nito. Ang morpema ay maaaring isang salitang-ugat o isang panlapi. Ang lahat ng mga morpemang mababanggit ay dapat na ikulong sa { }. Ang salitang makahoy, halimbawa ay may dalawang morpema: (1) ang unlaping {ma-} at ang salitang-ugat na {kahoy}. Taglay ng unlaping {ma-} ang kahulugang marami ng isinasaad ng salitang-ugat. Sa halimbawang salitang makahoy, maaaring masabing ang ibig sabihin nitoy maraming kahoy. Ang salitang ugat na kahoy ay nagtataglay rin ng sariling kahulugan. Ito ay hindi na mahahati pa sa lalong maliliit na yunit namay kahulugan. Ang ka at hoy, ay mga pantig lamang na walang kahulugan. May pantig na panghalip na ka sa Filipino, gayundin naman ng pantawag na hoy, ngunit malayo na ang kahulugan ng mga ito sa salitang kahoy. Samantala, pansinin ang salitang babae, bagamat may tatlo ring pantig na tulad ng mabait, ay binubuo lamang ng iisang morpema. Hindi na ito mahahati pa sa maliit na yunit o bahagi nang hindi masisira ang kahulugan. Hindi morpema ang mga sumusunod na maaaring makuha sa babae: be, e, baba, bae, bab, aba, abab, at ab. Maaaring maibigay tayong kahulugan sa baba at aba ngunitgaya ng naipaliwanag na, malayo na ang kahulugan ng mga ito sa babae.

Uri ng Morpema

May dalawang uri ng morpema ayon sa kahulugan. Makikita ito sa halimbawang pangungusap sa ibaba.

Magaling sumayaw si Rik kaya siya ay nanalo sa dance olympic.

1. Mga morpemang may kahulugang leksikal. Ito ang mga morpemang tinatawag ding pangnilalaman pagkat may kahulugan sa ganang sarili. Ito ay nangangahulugan na ang morpema ay nakakatayo ng mag-isa sapagkat may angkin siyang kahulugan na hindi na nangangailangan ng iba pang salita. Halimbawa sa pangungusap sa itaas, ang mga salitang magaling, sumayaw, Rik, siya, nanalo, dance at olympic ay nakakatayo nang mag-isa dahil nauunawaan kung ano ang kanilang mga kahulugan. Kabilang sa uring ito ang mga salitang pangngalan, pandiwa, pang-uri at mga pang-abay. Tulad ng mga sumusunod:

Pangngalan: Panghalip: Pandiwa: Pang-uri: Pang-abay:

Rik, dance, olympic, aso, tao, paaralan, kompyuter siya, kayo, tayo, sila, ako, ikaw, atin, amin, ko, mo sumayaw, nanalo, mag-aral, kumakanta, naglinis banal, maligaya, palaaway, balat-sibuyas, marami magaling, kahapon, kanina, totoong maganda, doon

2. Mga Morpemang may kahulugang pangkayarian. Ito ang mga morpemang walang kahulugan sa ganang sarili at kailangang makita sa isang kayarian o konteksto upang maging makahulugan. Ito ang mga salitang nangangailangan ng iba pang mga salita upang mabuo ang kanilang gamit sa pangungusap. Tulad ng halimbawang pangungusap sa itaas, ang mga salitang si, kaya, ay at sa ay hindi makikita ang kahulugan at gamit nito sa pangungusap kung wala pang ibang salitang kasama. Ngunit ang mga salitang ito ay malaking papel na ginagampanan dahil ang mga ito ay nagpapalinaw sa kahulugan ng pangungusap. Hindi naman maaaring sabihing,Magaling sumayaw Rik siya nanalo dance olympic. Kasama sa uring ito ang mga sumusunod:

Pang-angkop: Pangatnig: Pang-ukol: Pananda:

na, -ng kaya, at, o saka, pati sa, tungkol sa/kay, ayon sa/kay ay, si, ang, ng, sina, ni/nina, kay/kina

Anyo ng Morpema

May tatlong anyo ang morpema. Makikilala ang mga morpemang ito batay sa kanyang anyo o porma. Ito ay maaaring ayon sa mga sumusunod:

1.

Morpemang ponema. Ito ay ang paggamit ng makahulugang tunog o ponema sa Filipino

na nagpapakilala ng gender o kasarian. Oo, isang ponema lamang ang binabanggit ngunit malaking faktor ito upang mabago ang kahulugan ng isang salita. Halimbawa ng salitang propesor at propesora. Nakikilala ang pagkakaibang ito sa pamamagitan ng {-a} sa pusisyong pinal ng ikalawang salita. Ang ponemang /a/ ay makahulugang yunit na nagbibigay ng kahulugang kasariang pambabae. Samakatwid, ito ay isang morpema. Ang salitang propesora ay binubuo ng dalawang morpema: {propesor} at {-a}. Iba pang halimbawa:

Doktora Senyora

{doktor} at {-a} {senyor} at {-a}

Plantsadora Kargadora Senadora -

{plantsador} at {-a} {kargador} at {-a} {senador} at {-a}

Ngunit hindi lahat ng mga salitang may inaakalang morpemang {-a} na ikinakabit ay may morpema na. Tulad ng salitang maestro na naging maestra. Ang mga salitang ito ay binubuo lamang ng tig-iisang morpema, {maestro} at {maestra}. Ang mga ponemang {-o} at {-a} na ikinakabit ay hindi mga morpema. Dahil wala naman tayong mga salitang {maestr} at sasabihing morpemang {-o} at {-a} ang ikinakabit dahil nagpapakilala ng kasariang panlalaki at ganoon din sa pambabae. Tulad din ng sumusunod na mga salita na may iisang morpema lamang:

bombero kusinero abugado Lito Mario

na hindi {bomber} at {-o} o {-a} na hindi {kusiner} at {-o} o {-a} na hindi {abugad} at (-o} o {-a} na hindi {lit} at {-o} o {-a} na hindi {mari} at {-o} at {-a}

2. Morpemang salitang-ugat (su). Ang mga morpemang binubuo ng salitang-ugat ay mga salitang payak, mga salitang walang panlapi. Tulad nito:

tao pagod basa

silya tuwa laro

druga pula aral

payong liit kain taas sulat

jet

3. Morpemang Panlapi. Ito ang mga morpemang ikinakabit sa salitang-ugat. Ang mga panlapi ay may kahulugang taglay, kayat bawat isa ay isang morpema. Halimbawa, ang panlaping {um-}/{-um-} ay may kahulugan pagganap sa kilos na isinasaad ng salitang-ugat. Sa pandiwang umaawit, ang {um-} ay nangangahulugang gawin o ginawa ang kilos ng pag-awit.

Tulad ng mga sumusunod:

mag-ina maganda magbasa bumasa aklatan

{mag-} at {ina} {ma-} at {ganda} {mag-} at {basa} {-um-} at {basa} {-an} at {aklat} {pag-, -um-, -an} at {sikap}

pagsumikapan

You might also like