You are on page 1of 5

PGSULAT PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK SY 2013-2014 PRELIM PAGBABASA-ito ay paraan ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan

sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina. - ito ay tumutukoy sa kognitiv na proseso ng pag-unawa sa mensahe ng wikang nakasulat Ang mahusay bumasa ay nakakaunawa ng mga pangugusap at paano nabuo ang isang tekstong isinulat sa pamamagitan ng limbag na midyum. Kahalagahan ng Pagbasa Pangkasiyahan Pangkaalaman Pangmoral Pangkasaysayan Pangkapakinabangan Pampaglalakbay ng diwa

Kahulugan ng Pagbasa (International Reading Association)Ang pagbasa ay pagkuha ng kahulugan mula sa mga nakatalang titik o simbolo na nangangailangan ng mga sumusunod:

a) Ang paggamit ng istratehiya upang makuha ang kahulugan ng teksto b) Ang paglinang at pananatili ng kawilihan sa pagbasa c) Ang sapat na kaalaman o prior knowledge at bokabularyo na tutulong sa pag-unawa sa teksto d) Ang kakayahan sa matatas na pagbasa e) Ang istilong gagamitin upang maunawaan ang salitang di pamilyar f) Ang kakayahang umunawa sa mga nakatalang salita batay sa tunog o pagbigkas nito Frank Smith (Reading Without Non Sense, 1997)Ang pagbasa ay pagtatanong sa nakatalang teksto at ang pag-unawa sa teksto ay ang pagkuha ng sagot sa iyong mga tanong. Kenneth Goodman (Journal of the Reading Specialist, 1967 ) Ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game, sapagkat ito ay nagdudulot ng interaksyon sa pagitan ng wika at pag-iisip: ang kakayahang manghula, bumuo ng hinuha o prediksyon kaugnay ng mga tekstong binasa. Kumbensyunal na Pananaw Ang pagbasa sa kumbensyunal na pananaw ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita ang mga ito.
Tatlong Yugtong Estratehiya sa Pagbasa 1. BAGO BUMASA -maisaalang-alang ang ibat ibang konteksto, karanasan, pagkiling at dating naimpok na kaalaman -nililinaw ang mga salitang hindi pamilyar sa mag-aaral 2. PINATNUBAYANG PAGBASA -may layuning magabayan ang mga mambabasa na malagom ang mga impormasyong nasa teksto 3. PAGKATAPOS BUMASA -Sa bahaging ito, binibigyan ng guro ng ibat ibang paraan o estratehiya ang mga mag -aaral kung paano maipahahayag ang kanilang pagkaunawa sa nabasa MGA URI NG PAGBABASA 1.Pinaraanang Pagbasa (Skimming) PinakamabIlis na pagbasang magagawa ng isang tao Mabilis na pagtingin sa teksto upang makuha nag punong ideya o ang / mga importanteng impormasyon. Gaya ng billboards, notes atbp. 2.Pahapyaw na Pagbasa (Scanning)

Pagkuha sa tiyak na ideya, pangalan ng tao, lugar at kung kalian naganap ang isang pangyayari Mabilisang pagtingin sa mga tala na may layuning kuhanin ang impormasyon o detalye o bagay na kailangan. Gaya ng telepono sa directory, mga aklat sa silid-aklatan. Sangkap ng isang produkto sa pagkain 3. Ekstensibong Pagbasa Ito ay tumutukoy sa malawakang pagbabasa na karaniwang ginagawa ng mga mananaliksik at manunulat . Gaya ng pananaliksik papel, book review,atbp. 4.Intensibong Pagbasa Ito ay masidhing pagbabasa. Maingat at masusi ang pagbabasa upang matiyak kinukuha mula sa teksto. Gaya ng citation at referencing.

ang mga detalyeng

5.Pagbasa para sa Pag-aaral Itoy mas mabagal, malalim at paulit-ulit na pagbasa para maunawaang ganap ang nilalaman ng teksto. 6.Magaan na pagbasa Karaniwan itoy mabilis at paimbabaw na pagbasa lamang. ( Pagbabasa ng nobela, komiks, magasin, pahayagan at bp.) 7.Salita-sa-Salitang Pagbasa Karaniwan itong ginagamit sa tekstong nasa dayuhang wika at mga siyentipikong terminolohiya. MGA TEORYA SA PAGBASA Bottom-up/ Baba-Taas ito ang modelong batay sa palabigkasan na nalalarawan sa papaunlad na pagtatamo ng kaalaman sa pagbasa ng mga bata. (Tradisyunal itong paraan at ang dulog ay nagsisimula sa texto tungo sa Mambabasa o reader) Top-Down/Taas Pababa ang daloy ng impormasyonna nagsisimula sa taas patungo sa baba nang sa ganoon ang proseso ng pagkilala sa salita ay nakabatay sa kahulugan nito Ito ay nagaganap dahil ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan mula sa kanyang karanasan at pananaw sa paligid. Ito ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Teoryang Iskema ang lahat ng ating naranasan at natutunan ay nakalagay sa isipan at maayos na nakalahad sa kategorya. Ang mga iskemang ito ay nadaragdagan, nililinang, nababago at napapaunlad Ito ang teoryang nagsasaad na mahalaga ang dating kaalaman sa pagbabasa. Schemata tawag sa sistema ng pag-iimbak ng impormasyon Teoryang Interaktib - pagsasama ng bottom-up at top-down Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at sariling konsepto. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor. Interaktibong Modelo sa Pagbasa- Ayon kay Rummelhart, itoy sintesis ng dalawang teorya ng pagbasa na baba-pataas at taas-pababa.

Ibat ibang Proseso ng Pagbabasa 1. Prosesong Sikolohikal na Pagbabasa Teoryang Iskema ang lahat ng ating naranasan at natutunan ay nakalagay sa isipan at maayos na nakalahad sa kategorya. Ang mga iskemang ito ay nadaragdagan, nililinang, nababago at napapaunlad Tinalakay ni Roldan (1993) ang Dalawang Salik sa Sikolohikal na Pagbasa: 1. Nakikita o namamalas - Kasama sa salik na ito ang pisikal na katawan, gaya ng mabuting paningin, pandinig at mabuting pangangatawan; kapaligirang pisikal, gayundin ang kalinawan at pormal ng material na babasahin. 2. Di nakikita o di namamalas Kasama naman sa salik na ito ang wastong lagay ng pag-iisip at ang determinasyong matuto sa pagbabasa. 2. Interaktibong Proseso ng Pagbabasa - Inihambing ang tekstong ito sa isang computer at tinawag na message board. - nangangailangan ng masalimuot na koordinasyon sa pinagmulan ng impormasyon ang teksto ng pahina, nilalaman mula sa naunang teksto, dating kaalaman at layunin sa pagbasa

3. Metakognitiv na Pagbabasa - ito ay tumutukoy sa kaalaman at pagkontrol sa sariling pag-iisip at mga gawain sa pagkatuto ng mga estudyante - proseso ng pagkakakilanlan kung ano ang ating alam at paano natin nalalaman ito MGA ELEMENTO SA PAGBASA ( Metaognitiv na Pagbasa) 1. Bokabularyo o Talasalitaan mga salitang nalalaman ng isang tao 2. Kahusayan sa pagbasa tumutukoy sa kakayahan ng bata na magbasa nang mabilis at wasto sa teksto 3. Pag-unawa ay ang pag-intindi sa kahulugan ng teksto o sa mga susing salita nito 4. Palabigkasan at Palatunugan pag-aaral kung paano nagiging tunog ang mga letra Mga Hulwaran ng Organisasyon ng Teksto: Uri at Katangian 1.Enumerasyon o paglilista ng detalye -Tumutukoy sa talaan o listahan ng mga ideya, katotohanan op detalye tungkol sa pangunahing ideya - isinasaayos ang tiyak na detalye mula sa umpisa hanggang sa katapusan Halimbawa: Ang pagsasalita ay kailangang idebelop upang higit na maging epektibo tayong tagapagsalita. Ang mga sumusunod ay mga kasangkapan ng isang nagsasalita: a. Tinig b. Bigkas c. Tindig d. Kumpas e. Kilos 2.Depinisyon - anyo ng pagsulat na ginagamit ng mga manunulat kung gusto nilang bigyan ng pagpapakahulugan ang isang paksa. - ginagamit kapag nais na palawakin o bigyan ng iba pang pagpapakahulugan ang isang paksa Halimbawa: Ayon kay Webster, ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasalita o pasulat na simbulo. 3. Pagsusunod-sunod Sekwensyal nakapaloob ang serye ng mga pangyayari patungo sa konklusyon Kronolohikal na kaayusan- karaniwang ginagamit sa pagkukwento at sa mga tekstong pangkasaysayan Prosejural ginagamit ang hulwarang ito kapag nagpapaliwanag ng isang proseso ang manunulat. maingat na pinapakita ang mga hakbang upang magawa ang isang proseso Halimbawa: Ang pag-iisang dibdib nina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso Realonda ay binayayaan ng labing-isang anak. Sila ay sina: Saturnina,ang panganay sa magkakapatid; Paciano, ang kuya ni Jose; Narcisa ang ikalawang babae; Narcisa, ikatlo sa mga babae; Olimpia;Lucia; Maria; Jose; Concepcion; Josefa; Trinidad; at Soledad 4. Paghahambing ipinapaliwanag ang magkakatulad na katangian ng dalawa o higit pang bagay, tao, ideya, at iba pa 5. Problema at Solusyon maaaring maglahad ng isang problema ang awtor at nagmumungkahi naman ito ng isa o higit pang solusyon sa nasabing problema 6. Sanhi at Bunga ang sanhi ay tumutukoy sa dahilan o naging ugat ng problema samantalang ang bunga ay ang naging resulta o kinalabasan nito TEKSTONG EKSPOSITORI anyo ng pagpapahayag kung saan hinihikayat ang mga mambabasa na basahin ang teksto sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa paksa. Pitong 1. 2. 3. 4. Anyo ng Tekstong Ekspositori Paglalarawan tinipong katibayan sa paksa. Paggamit ng pang-uri at pang-abay Pagtatala pag-iisa-isa ng mga halimbawa na may kaugnayan sa paksa Pagsusunud-sunod pagpapahayag ng kaayusan ng mga hakbang, proseso o pamamaraan Sanhi/Bunga pagpapaliwanag kung bakit nangyari ang isang bagay. May naunag pangyayari at may sumunod na pangyayari 5. Problema/Solusyon pagbibigay ng problema na maaaring malutas nang mahigit sa isang solusyon 6. Panghihikayat tulungan ang iba na makita ang iyong pananaw at sang-ayunan ito. 7. Paghahambing at Pagkokontras pagpapakita ng pagkakatulad o pagkakaiba ng dalawa o mahigit pang sangkap o bahagi.

Pagbibigay ng Interpretasyon sa Grap, Mapa at Talahanayan

A. Grap May ibat ibang uri ng grap: bar grap, pabilog na grap, talangguhit na grap at pictograp. Nagpapakita ito ng dalawa o mahigit pang magkakaugnay na ideya. 1. Bar Grap Ginagamit ito sa paghahambing o pagpapakita ng kalakaran ng sukat. 2. Talangguhit na Grap Gumagamit ng linya para maipakita ang pagkakaugnay ng mga bagay o datos na pinaghahambing 3. Pabilog na Grap tinatawag ding pie grap dahil ang pagkakahati-hati ng pabilog nag rap ay kahawig ng isang pie. 4. Pictograp gumagamit ito ng larawang kumakatawan sa mga bagay na pinaghahambing B. Talahanayan Makikita sa talahanayan na nakaayos ang mga datos sa bawat kolum. Ipinakikita rin ditto ang paghahambing sa mga datos na nakuha na may kaugnayan sa paksang pinag-aralan. MGA KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGBASA Pagkuha ng Pangunahin at Tiyak na Detalye Ang katawagang pangunahing ideya ay tumutukoy sa pagkilala kung ano ang mahalaga. Ito ay karaniwang iniuugnay sa tekstong ekspositori ngunit mahalaga rin ito sa tekstong narativo na nagsasaad kung ano ang tema at aral na makukuha sa kwento o tula. 1. Paksang Pangungusap -sentro o pangunahing tema/pokus sa pagpapalawak ng ideya -ito ang batayan ng mga detalyeng inilalahad sa isang teksto -kadalasay makikita sa unang talata (implayd) at huling talata (konklusyon) ng tekstong ekspositori PAKSA ang pangkalahatang tema o mensahe -ito ay tinatawag ng iba na sabjek 2. Suportang Ideya -mga mahahalagang kaisipan o mga susing salita na may kaugnayan sa paksang pangungusap -tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay linaw sa paksang pangungusap -ito ang batayan ng paksang pangungusap batay sa kung ano ang layunin ng teksto 3. Pagtukoy sa Layunin ng Teksto Tumutukoy ang layunin ng teksto sa kung ano ang nais mangyari ng isang awtor sa kanyang mambabasa. Makikita ito sa mga salitang ginamit sa teksto at sa paraan ng pagkakaorganisa nito. Ito ay maaaring manlibang, manghikayat, magpaliwanag, magbigay ng impormasyon, magbigay ng kurokuro, magturo ng isang paraan, magtanggol sa isang paniniwala, magbigay ng katotohanan, magpakilala ng kaugalian, kultura at iba pa. 4. Pagtiyak sa Damdamin, Tono at Pananaw ng Teksto 1. Damdamin ng Teksto tumutukoy sa kung ano ang naging saloobin ng mambabasa sa binasang teksto, maaaring saya/tuwa, lungkot, takot, galit, pagkabahala at iba pa 2. Tono ng Teksto ay isang paraan kung paano ipinahahayag ang mga ideya tumutukoy sa saloobin ng awtor sa paksang kanyang tinatalakay, maaaring masaya, malungkot, seryoso, mapagbiro, mapangutya at iba pa 3. Pananaw ng Teksto tumutukoy sa punto de bistang ginamit ng awtor sa teksto, 1. unang panauhan ako, ko, akin, kita, tayo, natin, atin, kami, namin at amin 2. ikalawang panauhan ikaw, ka, mo, iyo, kayo, ninyo at inyo 3. ikatlong panauhan siya, niya, kanya, sila, nila at kanila 5. Pagkilala ng opinyon sa katotohanan maintindihan kung ang pangyayaring nakasulat sa teksto ay nagsasaad ng katotohanan o opinyon. Kailangan maging matalas ang pakiramdam kung itoy likha lamang ng imahinasyon o guni -guni ng sumulat 6. Paghinuha at paghula sa kalalabasan kailangang maturuan ang mambabasa na magbigay ng paghihinuha na kalalabasan ng mga pangyayaring nagtatagisan sa teksto Paghihinuha - ito ay ang pagbibigay ng hipotesis tungkol sa kung ano ang mangyayari Ang manunulat ay nagbibigay ng pahiwatig sa maaaring mangyari. Sa naturang pahiwatag, ang bumabasa ay nakabubuo ng palagay o nanghuhula. 7. Pagbuo ng lagom at konklusyon paglalahad ng sariling palagay o opinion sa nilalaman ng akda Paglalagom ng mga kaalaman at impormasyong natutunan o nakuha sa teksto o akdang binasa Buod ito ay paglalagom ng pangunahing punto/ ideya ng isang manuskrito 8. Pagwawakas Karaniwang ginagamit ito sa pagbabasa ng maikling kwento, nobela, sanaysay at talumapti Binibigyan ng pagkakataon ang mambabasa na siyang magbigay ng wakas Mga Teksto at Rejister sa Ibat ibang Disiplina REJISTER O JARGON tawag sa mga salita/wikang nabubuo ng mga grupong profesyonal o sosyal -maraming tekstong akademiko ang maaaring gamitin sa pag-aaral na tumatalakay o nagbibigay tuon sa ibat ibang disiplina tulad ng: Sosyolohiya

Sikolohiya Matematika Wika Literatura

MGA HALIMBAWA NG REJISTER EKONOMIKS: compensation - sweldo MATEMATIKA: degree antas PISIKA: pressure lakas SIKOLOHIYA: capacity kakayanan MEDISINA: abdomen tiyan Tatlong Bahagi ng Teksto Simula o Introduksyon Ito ang pinakamukha ng sulatin. Dito hinahatulan kung magtatagumpay o mabibigo ang isang katha. Kailangan sa sulyap pa lamang ng babasa, itoy nakaaakit na, nakapupukaw, nakagaganyak, nakahahatak na ng kuryusidad para tuluyang titigan , tunghayan hanggang sa ang malay , kung maaari pa nga pati buhay matangay nang buong kasabikan. Para maisakatuparan ito kasama na ang pinaka- layunin sa pagsulat na napapaloob dito kailangang umisip ng pinakamabisang pamamaraan sa pagpapakilala ng akda. Gitna Ang gitnang bahagi ang pinakakatawan ng sulatin. Dito makikita ang mga kaalaman . Binubuo ito ng mga talatang kinapapalooban ng mga pangunahing kaisipan at mga detalyeng maayos ang pagkakasunodsunod tungo sa malinaw na ikapaliliwanag ng paksa . Mabisa ang gitna kung sinisiyasat muna ang mga kaisipan bago isulat para matiyak ang mga katunayan at kapaliwanagan Wakas Sa wakas nagtatapos ang kabuuan ng sulatin. Dito napapaloob ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at mga katwirang inisa-isa sa bahaging gitna.

You might also like