You are on page 1of 5

PROYEKTO SA FILIPINO 1

Ipinasa ni Justine Mark N. Dagdag

Guro Dr. Florina Mendoza

A. Pamagat at may-akda Law practice sa bansa, dapat na bang buksan sa mga dayuhang abogado?
-Mandy Fernandez/FRJ, GMA News

B. Paksa at kahalagahan Buksan ang law practice para sa mga dayuhan at mapaigting pa ang ating mga batas na maaring makatulong sa ikauunlad ng ating ekonomiya.

C. Buod
Sa Pilipinas, tanging ang mga Pilipino lamang ang maaaring makapag-practice ng abogasya at magtatanggol sa mga taong may kasong dinidinig sa korte -- dayuhan man o Pinoy. Ito ang nais mabago ni Senador Edgardo Angara na inihayag niya sa harap mismo ng mga abogadong Pinoy sa ginanap na pagtitipon ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) nitong Miyerkules. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Angara, isa ring abogado at dating pangulo ng IBP, panahon na para buksan sa mga dayuhang abogado na magamit dito sa bansa ang kanilang propesyon. Para mangyari ito, inihayag ng senador na kailangang baguhin ng Korte Suprema ang Rules of Court.

"Ang message ko, you've got to change like the rest of the world. The Philippines is the only country in Asia which does not allow foreign lawyers to practice here," ayon kay Angara. Paliwanag niya, dahil sa kasalukuyang patakaran sa bansa, napipigilan ang mga Pilipino na makipagsosyo sa mga dayuhang law school at makakuha ng mga eksperto sa merger at acquisition. "So we are definitely isolated because we are not internationalizing our legal practice. Unless we do that, we'll be missing out on the globalization and internalization of law practice," paliwanag ng mambabatas. "There's so many things happening -- new ways of communicating, new ways of even charging fees on clients, new ways of expediting trial and litigation. Those things we will never be able to catch on unless we open up our doors to foreign lawyers," dagdag niya. Naniniwala ang senador na higit na makatutulong sa halip na makasasama ang pagpasok ng mga dayuhang law practitioners sa Pilipinas gaya ng usapin sa kompetisyon. "Competition, in fact, improves service and makes everybody in the profession look good to the clients and to the public so we should not be afraid of competition. Filipino doctors natin [are] not afraid of [competition] Why should we lawyers be afraid of foreign lawyers?," tanong nito sa mga kaharap na kapwa abogado. "Whether we love it or not we've got to compete with our fellow Asians in two years' time, in 2015. We'll be like the European Union, we'll be an Asean economic community," dagdag pa niya. Sa kabila ng kanyang mungkahi, iginiit ni Angara na hindi niya ito personal na isusulong. "I've done my part na, I've been president of the IBP long long time ago so let the new young leadership pick it up," aniya. "I think the IBP will do a great service to the profession if they put together a proposal." Parehong hiling Sa hiwalay na panayam, inihayag ni IBP National President Roan Libarios na nakatanggap na sila ng mga parehong kahilingan mula sa mga dayuhang Bar organizations. "We have some agreements with the international organizations to come up with a mutual stance. They have already done their part so we want also the Philippines to open up," ayon kay Libarios, dating kongresista. Pero iginiit niya na susuportahan lamang nila ang partisipasyon ng mga dayuhang abogado

sa mga kasong magkakaroon ng kaugnayan ang batas ng ibang bansa. "The IBP is now advocating for a limited opening of practice to foreign lawyers here in the Philippines but at very limited and highly regulated rules," aniya. "They can practice if the case involves foreign law but not when the case involves domestic Philippine law...so practically the lawyers in the Philippines will not be affected because they would only be practicing foreign law in the Philippines," patuloy ni Libarios. Tatalakayin umano ng mga miyembro ng IBP ang naturang usapin at saka bubuo ng mungkahi na kanilang ipadadala sa Korte Suprema.

D.

Mga mahahalagang impormasyong inilahad

Ang mga mahahalagang impormasyong nabanggit dito ay ang pag practice ng foreign law sa Pilipinas na nabanggit ni Libarios. Dahil nga sa makabagong paraan ng komunikasyon, paraan ng pagsingil sa mga kliyente at iba pang mga modernong teknolohiya na sa ibang bansa lamang isinasagawa.

E.

Reaksyon hingil sa istilo ng may akda at sa nilalaman nito


Ang aking obserbasyon sa aking nabasa, maari itong makatulong sa aking kursong kinukuha dahil ako ay kasalukuyang kumukuha ng kursong Legal Management sa FEU. Makakatulong sa akin ang pakikisalamuha sa mga dayuhan at aking malaman ang kanilang mga pamamaraan sa pag aaral ng batas. Marahil ay gusto rin iparating ng may akda sa mambabasa na dapat na tayong gumawa ng pagbabago upang maresolba ang problema sa ating batas.

F. Sanggunian
GMA NEWS ONLINE http://www.gmanetwork.com/news/story/290599/ulatfilipino/talakayan/law-practicesa-bansa-dapat-na-bang-buksan-sa-mga-dayuhang-abogado

Ulat Filipino >> Talakayan

You might also like