You are on page 1of 8

FIL REVIEW

Saan: Gubat, Bundok, Kulungan Characters: Kabayan Other: Espesyalista sa ibon

12/1/2012 7:03:00 AM

Plot: Si kabayan (a monkey-eating eagle) ay isang agila na kinupkop ng mga espesyalista. Nangangamba kasi ang mga espesyalista na baka dumating ang araw na wala ng mga agila tulad ni kabayan dito sa mundo Inalagaan nila si Kabayan nang mabuti at binigyan nila ito ng tamang nutrisyon. Maraming turista ang bumibisita kay Kabayan dahil namamangha sila na may natitira pang ibon tulad ni Kabayan. Pero dumating ang araw na nakawala si Kabayan sa kulungan at lumipad ito papunta sa gubat. Di nagtagal ay namatay si Kabayan dahil di ito sanay mamuhay sa gubat at siya ay nasanay na may nag-aalaga sa kanya. Moral: Di dapat kinukulong ang mga hayop (tulad ni Kabayan) Upang matuto sila at mamuhay ng mag-isa.

FIL REVIEW
Saan: gubat, bukid Characters: Kwago pinuno Tagak mayabang asawa ni Kalakian Kalakian asawa ni Tagak Kasay-kasay Plot:

12/1/2012 7:03:00 AM

Nagtipon-tipon ang mga ibon para talakayin ang problemang kakaunti nalang ang mga puno dito sa mundo. Sinabi ni Tagak na kahit maubos ang mga puno sa gubat, hanggat buhay si Kalakian, wala na siyang alalahanin Sabi ni Kasay-kasay na hanggat may nabubuhay na isda sa ilog, araw araw mayroon siyang makakain Umalis silang tatlo sa pagtiti-tipon. Nagtulong-tulong ang mga ibang hayop at malaki ang pinagbago ng gubat Sa bukid, kung saan nakatira sina Tagakat at Kalakian, naglipana ang mga bagong makinarya at makabago na rin ang paraan ng pagsasaka. Dahil dito, namatay na si Kalakian. Nangingitim na ang balahibo, ni Tagak dahil sa usok galing sa bagong makinarya. Si Kasay-kasay ay natutulog malapit sa ilog na punong-puno ng basura. Halagaan ang kalikasan Dapat laging handing tumulong sa kapwa dahil darating ang panahon sila naman ang hihingian natin ng tulong.

Moral

FIL REVIEW
Saan: Ifugao (matanda (eyy?))

12/1/2012 7:03:00 AM

Bayani: Aliguyon (matalino) Iba pang tauhan: Amtalao (tatay ni Aliguyon) , Aginaya (kapatid ni Aliguyon na ikinasal kay Dinoyagan) Bugan (kapatid ni Dinoyagan na ikinasal kay Aliguyon) Bathala Pumbakhayon. (?) Kalaban ng bayani: Dinoyagan (malakas), Pangaiwan (ama ni Dinoyagan at Bugan) Plot: Mag-ama laban sa mag-ama. Ang mga anak ng dalawang ama ay pinagensayo para sa magiging laban nilang dalawa. Mahabang taon ng nakalipas pero nag-aaway parin silang dalawa dahilan nang pagkamatay ng mga palay. Pumunta sa lugar,kung saan ginaganap ang labanan, ang kapatid ni Aliguyon na si Aginaya. Nakiusap siya na kung pwede huminto muna silang dalawa at hintayin na makatanim ulit sila ng bagong palay at maani ito. Umibig si Dinoyagan kay Aginaya sa unang beses na sila ay nagkita. Ikinasal silang dalawa. Sa kasal naman nagkita si Aliguyon at Bugan at sila ay ikinasal rin. Simula noon ay wala nang away ang naganap sa pagitan ng dalawang tribo. Namuhay silang payapa.

FIL REVIEW
Saan: Infanta, Quezon. Costruction firm sa Manila Character: Ben Other: Tsino, vendors, Kapitbahay

12/1/2012 7:03:00 AM

Summary : Naiinis si Ben sa loob ng bus dahil sa maraming vendors na laging sumasagi sa kanya. At nagmamadali na rin kasing umuwi si Ben. Natatakot kasi siya nab aka may masamang nangyari sa kanyang magiina na naiwan sa probinsya. Binaha kasi ang kanilang bahay sa Infanta, Quezon. (Malakas parin ang ulan hanggang ngayon) Gusto ni Ben na maging piyon. Gusto niyang bumalik sa pagtatrabaho sa kumpanya ng pagtotroso kasi malaki ang kinikita niya sa paggamit ng chain saw. Nagkaroon siya ng sapat na pera pero hindi parin ito sapat para pambili ng traysikel. Nakainitan niya ang kanyang among Tsino nung nagtanong sila kung maari silang magkaroon ng benepisyo. Pumunta pa sila sa SSS para maging miyembro doon pero pagbalik nila sa trabaho ay sisante na sila. Binalaan pa nga siya ng kanyang amo na papatayin daw niya si Ben. Madilim ang langit at konti nalang ang ambon pero malalim parin ang baha at kinailangan niyang bumaba ng bus at maglakad sa baha para makarating sa bahay niya. Hindi niya nahanap ang kanyang mag-iina at siya ay natatakot nab aka may nangyaring masama sa kanila. May lumapit na kapitbahay sa kanya at sinabing ligtas ang kanyang mag-iina. Natulog raw ang mag-ina sa bahay ng biyanan ni Ben bago nangyari ang baha. Natuwa si Ben sa narinig niyang balita.

Samantala, namatay ang Tsino kasama ang ilang tiwaling kagawad ng gobernyo nung gabing nagbaha dahil sila ay lasing. Natabunan ang marangya nitong bahay nang gabing iyon.

FIL REVIEW

12/1/2012 7:03:00 AM

Saan: Mantapuli (kanluran ng Mindanao), Maguindanao, Bundok Matutun (K+T), Bundok Bita (P+B) Bayani: Indarapatra hari sa imperyo ng mantapuli. Matapang. Sulayman Kapatid ng hari, matapang, nakakalipad (eyy?) ] Iba pang tauhan: Juru Pakal mahiwagang kris Hinagud- Mahiwagang sibat Mahiwagang singsing

Mga kalaban: Kuritang halimaw na may maraming paa. Ito ay isang ganid na hayop. Kaya nitong kainin ang limang tao ng sabay. Tarabusao halimaw na mukhang tao na nakakatakot pagmasdan. Kinakain nito ang sinumang nakikita nito. Pah malaking ibon. Ang mga pakpak nito ay sinasaklaw ang liwanag ng araw at nagdadala ng kadiliman. Balbal ibon na may pitong ulo. May kapangyarihan itong Makita ang lahat sa iba ibang direksyon ng sabysaby. Plot: Dalawang magkapatid (hari at prinsipe) na tinutulungang iligtas ang Maguindanao kung saan may apat na halimaw na nagpapakahirap sa mga tao roon. Inutusan ni Indarapatra si Sulayman na pumunta roon at patayin ang mga halimaw. Ibinigay niya si Juru Pakal, at ang mahiwagang singsing kay Sulayman. Napatay ni Sulayman si Kuritang, Tarabusao at Pah. Pero nahulog sa kanya ang malaking pakpak ni Pah dahilan ng pagkamatay nito. Nung nalaman ng hari ang nangyari sa kanyang kapatid ay pumunta siya roon. Humiling siya kay Allah na sana mabuhay ulit si Sulayman. At nung nabuhay nga siya, inutusan niya ito na bumalik sa Mantapuli. Napatay ni Indarapatra si Balbal. May isang matandang babae na nagsabi kung saan dumaraan ang prinsesa. Ikinasal si Indarapatra sa Prinsesa at tinuruan niya ang mga tao ng Maguindanao kung paano gumawa ng sandata, magsaka, mangisda, at maghabi.Binilinan niya ang prinsesa na manganak ng dalawa at ang dalawang iyon ang magiging hari at reyna. Bumalik si Indarapatra sa Mantapuli.

FIL REVIEW
Ibalon ang bayani ng epiko at isang mandirigma Saan: Bicol

12/1/2012 7:03:00 AM

Bayani: Handiong matalino at walang takot na mandirigma. Napatay niya lahat na Halimaw na nagpapahirap sa bayan nila. Bantong batang bayani na kilala ng lahat dahil napatay niya ang halimaw na si Rabot

Iba pang bayani: Baltog ninuno sa bayan ni Handiong. Ipinanganak sa Botovara at mula sa lahing lipod. Mga kalaban ng bayani: Oriol ahas na nakapanghahalina at nakakaengkanto ang boses. o nawala ang kanyang kapangyarihan nang umibig siya kay Handiong Buwayang sinlaki ng Bangka Higanteng urang-utang Pating na may pak-pak Rabot may kapangyarihang gawing bato ang tao

Plot:

1. Si Handiong ang kinikilalang bayani sa kanilang tribo. Dahil sa kanya kaya naging tahimik ang lugar na dating maraming halimaw. 2. Pero ang halimaw na hindi niya makayang talunin ay si Oriol dahil sa mapanlinlang boses nito. 3. Kaya ang ginawa ni Handiong ay pinaibig niya si Oriol sa kanya dahilan ng pagkawala ng kapangyarihan ni Oriol 4. Itinuro ni Oriol kung paano huliin ang ibang mga halimaw sa Ibalon.

5. Kaya naging mapayapa at maunlad ang Ibalon. 6. Tinuruan ni Handiong ang mga tao magtanim. Gumawa rin si Handiong ng bangka at ibang gamit sa pagsasaka 7. Dumating ang isang batang bayani mula sa Ibalon, si Bantong. 8. Kilala siya ng lahat dahil na patay niya ang halimaw na si Rabot (halimaw na may kayang gawing bato ang mga tao) 9. Simula noon ay lalong naging payapa ang bayan ng Ibalon..

You might also like