You are on page 1of 4

Unang Khutbah Ang Pagsubaybay sa mga Kautusan ng Allah 3 201 3 )) (( 3 Sabi ng Allah SWT: O kayong mga mananampalataya!

201 3 )) (( 3 Sabi ng Allah SWT: O kayong mga mananampalataya! Matakot kayo sa Allah ng tunay na pagkatakot sa Kanya, at huwag na huwag kayong mamamatay maliban lamang na kayo ay mga Muslim. ALHAMDULILLAH, ang pagpupuri ay tanging sa Allah lamang. Mga kapatid sa Islam, alam po natin na ang ating mga magulang ay palaging nag-uutos sa atin ng kabutihan at sila rin po ay nag-uutos ng pawang katotohanan at para sa ating kabutihan, kaya naman lagi tayong pinaaalalahanan araw-araw at dahil doon ay mayroon sa mga anak na sumusunod sa payo ng kanilang mga magulang saan man sila naroroon, at mayroon din naman sa mga anak ang sumusuway sa mga payong ito, lalung-lalo na kapag sila ay nasa malayong lugar. Dahil sinasabi nila na hindi naman sila nakikita ng kanilang mga magulang. Ngunit kapatid, naway patnubayan po tayo ng Allah, huwag po nating kalimutan na mayroong nakamatyag sa atin saang pook man tayo naroroon. Alam Niya kung ano ang nasa langit at nasa lupa. Alam niya ang lahat ng ginagawa ng tao, malaki man ito o maliit, taos-puso man ito o pakitang tao, sikreto man ito o hindi. At alam din niya kung ano ang nasa puso at isipan ng isang tao kayat sa Kanyay walang anumang bagay ang puwedeng itago at ilihim sapagkat nalalaman Niya, nababatid at nakikita ang lahat ng ito. Sinabi ng Allah sa Banal na Qur-an:


3:29 Say: "Whether you hide what is in your breasts or reveal it, Allah knows it, and He knows what is in the heavens and what is in the earth. And Allah is able to do all things.''

29. Sabihin mo, O Muhammad, sa mga nananampalataya: Kung ilihim man ninyo ang anuman na nasa inyong kalooban na pakikipagsabwatan sa mga walang pananampalataya at pagtataguyod sa kanila o kung ito man ay inyong ilantad, (anuman ang inyong gawin) ay hindi (pa rin) ito maaaring mailihim sa Allh; dahil Siya, nalalaman Niya ang anumang bagay at batid Niya ang mga nasa kalangitan at kalupaan, at Siya ay Qadeer Walang-Hanggan at Ganap na Makapangyarihan sa lahat ng bagay. (( 3 12 3 ))

Sabi ng Allah SWT, Sabihin mo (O Muhammad): Kung inyo mang itago (ilihim) ang nasasainyong mga kalooban (puso) o kayay ilantad nyo, ay nalalaman ito ng Allah, at nalalaman (din) Niya kung ano ang nasa mga kalangitan at ano ang nasa kalupaan. At ang Allah ang may kakayahan sa lahat ng bagay. Kaya kapatid sa pananampalatayang Islam! Lagi mong tandaan na ang Allah ay laging nakamatyag sa iyo, sa iyong mga gawain, sa iyong mga pananalita, at sa iyong puso, upang sa ganoon ay makaiwas ka sa mga ipinagbabawal ng Allah na siyang makatutulong sa iyo dito sa mundo hanggang sa Kabilang Buhay. 2 3 )) (( 3


Surely, Allah is always watching over you.

Sabi ng Allah SWT, Katotohanan na ang Allah sa inyo ay laging nakasubaybay (nakamatyag) )) (( 3 At sinabi ng Propeta Muhammad SAW: Na sambahin mo ang Allah na para ng Siya ay nakikita mo, at kung hindi mo man Siya nakikita ay katotohanang nakikita ka Niya. Sa sinabi na ito ng ating mahal na Propeta SAW na: katotohanan ang Allah ay nakikita ka Niya ay nararapat sa isang tunay na mananampalataya na makapulot ng aral dito. Dahil kung naiintindihan niya na ang Allah ay nakakakita sa kanya, ay papasok sa kanyang puso ang takot sa Allah. At kapag pumasok ang takot sa puso ng isang tao, tiyak na susundin niya ang anumang ipinag-uutos ng Allah at iiwanan niya ang anumang ipinagbawal ng Allah, siya man ay nag-iisa, nakatago, at kahit sa lugar na walang nakakikilala sa kanya. Sinabi ng isa sa ating mga Ulama na si Ibnul Mubarak sa isang lalake: Subaybayan mo (pangalagaan mo ang kautusan ng) ang Allah O! Fulano. At tinanong siya ng lalakeng yaon tungkol sa pagsubaybay sa Allah at ang sabi ni Ibn Mubarak: Gawin mo ang iyong sarili magpakailanman na para mong nakikita ang Allah. Ganyan ang nararapat sa isang taong tunay na nananampalataya sa Allah, sa tuwing nag-iisip siya ng isang gawain, mabuti man ito o masama ay dapat niyang alamin na ang Allah ay nakamatyag sa Kanya. Kaya naman sinabi ng ating mahal na Propeta SAW: )) (( 3 Sabi niya SAW: Matakot ka sa Allah kahit saan ka man naroroon. 21 3 )) (( 3

50:18 Not a word does he (or she) utter but there is a watcher by him ready (to record it).

At sinabi pa ng Allah SWT sa Banal na Qur-an: Walang mabibigkas (ang tao) na anumang salita maliban na lamang na mayroong nakahandang tagapagmatyag (na nakahandang magsulat). Kung ganoon kaptid, ano pa ba ang dapat nating gawin?!?! Wala po tayong dapat gawin kung hindi ay tahakin ang daan patungong Paraiso ng Allah at ang daang yaon ay ang pagsunod at pagtalima sa lahat ng kautusan ng Allah na laging nakamatyag at nakakaalam sa lahat ng bagay na naririto sa ating mundong ginagalawan. )) (( 3 22 3


85:11 Verily, those who believe and do righteous good deeds, for them will be Gardens under which rivers flow. That is the supreme success.

At sinabi pa ng Allah: Katiyakan na yaong mga nanampalataya at gumawa ng kabutihan ay mapapasakanila ang mga hardin na sa ibaba nitoy mga ilog na dumadaloy. Ito ang napakadakilang tagumpay. . : 3 201 3 )) (( 3 Sabi ng Allah SWT: O kayong mga mananampalataya! Matakot kayo sa Allah ng tunay na pagkatakot sa Kanya, at huwag na huwag kayong mamamatay maliban lamang na kayo ay mga Muslim. Mga kapatid sa pananampalatayang Islam! Isang kuwento ang nais kong ipaabot sa inyo na sanay kapulutan ninyo ito ng mabuting aral. Sinabi ni Abdullah ibn Dinar: Lumabas ako kasama ni Omar ibn Alkhattab papuntang Makkah at nagpahinga kami sa ibang daan nito, at bumaba ang isang magpapastol mula swa bundok patungo sa amin. Sinabi sa kanya ni Omar: O magpapastol! Ibenta mo sa amin ang isa sa mga kambing na ito. Ang sagot ng magpapastol: May nagmamay-ari nito. At ang sabi ni Omar: Sabihin mo sa iyong amo na kinain siya ng lobo. At sinabi ng alipin: Nasaan ang Allah? At napaiyak si Omar sa winika na ito ng magpapastol. Pagkatapos ay pumunta si Omar sa amo ng magpapastol na isang alipin at binili niya ito at siya ay pinalaya.

Kapatid sa Islam, nang sabihin ng aliping magpapastol na iyon na Nasaan ang Allah? ay napaiyak si Omar. At bakit siya napaiyak? Dahil nalaman niya na ang aliping iyon ay may takot sa Allah, na may nagbabantay at nagmamatyag sa kanya at sa Allah ay walang maaaring ilihim. Kapatid sa Islam, Natanong mo na ba sa iyong mga sarili kung nasaan ang Allah sa tuwing sinusuway mo ang kanyang kautusan?! Matakot po tayo sa Allah upang makamit natin ang kanyang patnubay at gantimpala at upang tayo ay kanyang ipasok sa Kanyang Paraiso. (( 3 , )) ] , ..... .....

You might also like