You are on page 1of 1

Ang Pagiging Malaya ng Isang Tao

(pangangatwiran)

Ano ba ang turing ng iba sa ating paniniwala? Kung para sa ating sariling pananaw ay tama at sa iba ay mali, sino ba ang dapat na paniwalaan? Paniniwala ng marami o ang paniniwala mo na sayo ay tama? Kung ang isang tao ay naghihirap, di makakaila na gagawa siya ng paraan para lamang malutusan ang kahirapan. Halimbawa lamang ng kahirapan ay ang kahirapan sa pera. Para sa kanya, ang pagnanakaw lamang ang solusyon sa kahirapan na kanyang nararanasan. Kung wala siyang ibang gagawin, di masosolusyonan ang kahirapan, mananatili siyang naghihirap. Para sa nakakarami, ang pagnanakaw ay isang kasalanan na mortal. Ngunit, kapag ang isang tao ay nakakaranas ng kahirapan, ang maling paraan ay hindi na isang kasalanan, kundi ay isang paraan para malutusan ang kahirapan. Hindi niya na naititimbang ng maayos ang kabutihan sa kamalian. Kahit kalian ay hindi masama ang paghanap ng solusyon sa kahirapan. Di rin natin maiiwasan na di tayo makakaranas nito. Sa paglutas nito, kinakailangan parin nating timbangin ang kabutihan sa kamalian. Kinakailangan nating isipin ng maraming beses kung ano ang maidudulot nito sa ating pagkatao at sa lipunang ating ginagalawan.

You might also like