You are on page 1of 38

ANG DAPAT NA MABATID NG BAYAN SA TUNAY AT TOTOONG KASAYSAYAN NG REBULUSYONG PILIPINO! AT ANG MGA SAKRIPISYO NG MGA ANAK NG BAYAN.

Ani Bien ang Pingkian ng Ika- 21st Siglo sa malaking tulong nina:

IT'S XIAOTIME!

SINO ANG TARLAKIN?

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

ANDRES BONIFACIO: MAKABAYAN! PANINIDIGAN! PAGMAMAHAL SA BAYAN! UNDRESS BONIFACIO,


Part I: Ang Supremo Bilang Pinunong Militar

by xiaochua

Isang hinirayang larawan ng Supremo ng Katipunan na nakauniporme ng rebolusyon. Bilang isang aktor sa teatro, malamang sa malamang alam niya ang importansya at pangangailangan ng pagsusuot ng uniporme sa harap ng kanyang mga unipormadong heneral (Mula sa Tragedy of the Revolution). UNDRESS BONIFACIO:

Paghubad sa Kamisa ng Mito ng Bobong Supremo [1] Isang dokumentaryo ni Xiao Chua

Watch: http://www.youtube.com/watch?v=5gdBTMRKaAY 150 taon makalipas ang kanyang kapanganakan, ang Supremo ng Katipunan ay nababalutan ng ilang mga mito. Kaya kailangan hubarin ang mga ito. Part I: Ang Supremo Bilang Pinunong Militar

Agosto 29-30, 1896: Ang Pagsalakay ni Bonifacio sa Maynila

Ang sabi-sabi, ang bayaning si Andres Bonifacio ay BOBO AT WALANG ISTRATEHIYANG MILITAR!

Ngunit ayon kay DR. ZEUS A. SALAZAR, MERON!

24 Agosto 1896:

Nagpulong ang Kataas-taasang Sanggunian ng KKK, itinatag nila ang

Rebolusyunaryong Pamahalaan. Hinalal ang Supremo Andres Bonifacio bilang UNANG PANGULO ng Unang Pambansang Pamahalaan sa Pilipinas at napagkasunduan na ganapin na ang pagsalakay sa Maynila sa HATINGGABI ng 29-30 Agosto.

Ang plano: PALIBUTAN ANG INTRAMUROS (MANILA)

ITO AY HABANG KARAMIHAN NG PWERSANG ESPANYOL AY ABALA PA SA PAKIKIPAGBAKBAKAN SA MGA MUSLIM SA MINDANAO

KAPAG NAKUHA ANG SENTRO, ANG ULO NG DRAGON, MAGWAWAKAS ANG IMPERYONG ESPANYOL SA ASYA!

Sasalakay mula sa tatlong direksyon:

FROM THE EAST: San Mateo, Marikina, pababa ng camino real na nagdaraan sa San Juan at papasok ng Sampaloc

FROM THE NORTH: Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija papasok ng Caloocan at Balintawak tungong Tondo at Binondo

FROM THE SOUTH: Cavite at ilang bahagi ng Pasig

At mula sa LOOB ng INTRAMUROS! Tinatayang 500 pwersang Pilipino sa pangunguna ng ilang opisyal na mestiso sa ilalim ng mga Espanyol.

25-26 Agosto: Ilan sa mga unang sagupaan ng mga KKK at ang mga Espanyol sa Pasong Tamo (Tandang Sora), Caloocan at Malabon NANALO ANG MGA KATIPUNERO.

29 Agosto, umaga: NABISTO ang 500 sundalong PILIPINO sa loob ng INTRAMUROS! Ipinatapon sila sa Mindanao!

Sa gabi at madaling araw na napag-usapan 29-30 AGOSTO 1896. Nagkaroon ng pag-atake sa buong lalawigan ng Maynila lalo na sa Sampaloc, Sta. Ana, Pandacan, Makati, San Juan at Pasig, kasama ng Laguna

HINDI UMATAKE ANG CAVITE

Ayon kay Hen. Emilio Aguinaldo, namuti daw ang kanilang mga mata SA KAKAHINTAY NG NAPAGKASUNDUANG HUDYAT. Iba-iba ang bersyon ng hudyat: pagpatay ng ilaw sa Bagumbayan, pagpapalipad ng lobo, at pagpapasabog ng kanyon o pagpapaputok ng kwitis.

KUMALAT ANG MGA TSISMIS KUNG BAKIT HINDI NAGANAP ANG NAPAGKASUNDUANG HUDYAT: nakatulog daw si Bonifacio, o nakipagkwentuhan daw sa kasama at hindi namalayan na 4:00 ng umaga na!

NGUNIT BAKIT MAY SINASABING HUDYAT KUNG MAY ORAS NA NAPAG-USAPAN?

Hatinggabi ng 29-30 Agosto: ang pagpatay ng ilaw sa Bagumbayan, pagpapalipad ng lobo, at pagpapasabog ng kanyon o pagpapaputok ng kwitis, AY MAKIKITA KAYA MULA SA MALAYONG MGA PAMPANG NG CAVITE?

At kahit makikita nga ang pagpatay ng ilaw sa Bagumbayan, pagpapalipad ng lobo, pagpapasabog ng kanyon o pagpapaputok ng kwitis AY DOON PA LAMANG BA SUSUGOD PA-MAYNILA ANG MGA PINUNO NG CAVITE?

Edi pagdating nila doon tapos na ang labanan?

Tanong ni Zeus A. Salazar:

Umuwi na lamang ba sila dahil ayon sa mga French Consular Reports ay umuulan sa Maynila noong gabing iyon?

Hindi kaya ayaw lamang sumama o kumilala sa awtoridad ng Supremo ang mga pinuno ng Cavite?

SAPAGKAT MAY SARILING TRIP ANG MGA ELIT SA CAVITE

Real ni Bonifacio Bilang Teknikang Militar sa Kasaysayan ng Pilipinas

Si Edilberto Evangelista, isang matalinong inhinyerong nagtapos ng pag-aaral SA BRUSSELS, BELGIUM, ang nagplano ng mga TRENCHES sa mga bayan sa CAVITE.

Sa mga unang labanan, dahil kakaunti lamang ang mga Espanyol, SUNOD-SUNOD ANG TAGUMPAY NG HIMAGSIKAN SA CAVITE!

Ngunit nang dumating ang reinforcement ng mga Espanyol UNTI-UNTING BUMAGSAK ANG MGA BAYAN SA CAVITE.

Bakit?

DAHIL KABISADO NG MGA ESPANYOL ANG KANLURANING PAKIKIDIGMANG TRINTSERA: magastos, hindi madaling maiwanan, madaling mapaligiran, at kapaki-pakinabang sa mga Espanyol kapag nakukuha.

Mga trintsera sa Kabite na ginawa ni Edilberto Evangelista, nagamit ng mga Amerikano para labanan ang mga rebolusyunaryo sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano (Mula sa Kasaysayan: the Story of the Filipino People) Ayon sa DR. ZEUS A. SALAZAR, may istratehiyang militar na sinimulan si ANDRES BONIFACIO na sinunod ng maraming heneral sa buong Pilipinas

MULA SA ISTRATEHIYA NG MGA NINUNONG PILIPINO ILIHAN.

Ilihanpag-atras ng bayan sa mga burol o kabundukan upang maging ligtas sa sakuna o makibaka sa mga kalaban. Ginamit ng mga unang naghimagsik sa mga Espanyol.

Itinatag ni Bonifacio ang mga REAL. Kataga itong Espanyol para sa kampo. Sa gamit ng Katipunan: Komunidad na may tanggulan malapit sa bayan

Unang naisip ni Bonifacio sa kanyang paglalakbay sa Bundok Tapusi (Montalban, Rizal), at natatag sa Balara at Krus na Ligas, Masuyod (Marikina), Kakaron de Sile, Puray, Kamansi, Minuyan, Makiling, Banahaw, atbp. Lumaganap din sa mga kabundukan ng Tayabas, Morong (Rizal), Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija.

Ang bundok kung saan pinaniniwalaang nagapos ang Haring Bernardo Carpio, Tapusi, Montalban (Rodriguez, Rizal), ay isang real ni Bonifacio (Mula sa Kasaysayan: The Story of the Filipino People) Gamit ng real ang mga natural na anyo sa kalikasan tulad ng mga kakahuyan, mga bato, mga kweba at mga bundok. Dahil pakikidigmang mas angkop sa Pilipino: Hindi ito kailangang gastusan, madaling iwanan at balikan kapag hinabol sila roon marami sila lulusutan, hindi mapakikinabangan ng mga Espanyol at pahihirapan sila dahil wala silang kasanayan.

Matapos ang mga pagsalakay sa Pinaglabanan, Kahit na natalo ang mga Katipunero. Hindi sila naubos at nalipol. Hindi rin sila nahabol ng mga Espanyol. Dahil naka-atras sila sa mga real. Ang pinagtuunan ng pansin ay ang Cavite na mas kaya nilang pataubin.

At nang tuluyang bumagsak ang mga trintsera sa Cavite at tuluyang matalo si Aguinaldo ang sumalo kay Aguinaldo ay ang mga real na ipinatayo ng walang taktikang-militar na si Bonifacio hanggang sa mapadpad siya sa real ng BIYAK-NA-BATO sa San Miguel, Bulacan! Kung saan nagkaroon sila ng bentahe na MAKIPAGKASUNDO SA MGA ESPANYOL, linlangin sila at kalaunan ituloy ang Revolucion habang ang HIMAGSIKAN ay IPINAGPATULOY ng mga ANAK NG BAYAN.

Ayon kay JOHN RAY RAMOS, nagtapos ng BA Kasaysayan sa UP Diliman at tagapagsaliksik para sa Sandatahang Lakas (AFP), may pagkakaiba ang TAKTIKA at ISTRATEHIYA:

Ang TAKTIKA ay pag-iisip ng pakikidigma sa MAS LIMITADONG LUGAR, MAS ISPESIPIKO ANG PAMAMARAAN, habang ang ISTRATEHIYA ay pag-iisip ng MAS MALAWAKANG PAKIKIDIGMA.

Kung gayon, sa pag-iisip ng pagpapalaya lamang ng mga bayan sa Cavite, si Aguinaldo ay nasa lebel ng taktika pa lamang noong 1896, habang sa pag-iisip ng ideya real at pagnanais na SALAKAYIN ANG MAYNILA ANG SENTRO NG KAPANGYARIHAN, ang Supremo Bonifacio ay mas istratehiko

Samakatuwid HINDI TOTOONG WALANG ISTRATEHIYANG MILITAR SI BONIFACIO. HINDI NGA LAMANG ITO PAPASA SA MGA KANLURANIN SAPAGKAT NAG-UGAT SIYA SA ISTRATEHIYA NG SINAUNANG BAYAN

Ayon kay DR. MILAGROS C. GUERRERO:

As commander-in-chief, Bonifacio supervised the planning of military strategies and the preparation of orders, manifests and decrees, adjudicated offenses against the nation, as well as mediated in political disputes. He directed generals and positioned troops in the fronts. On the basis of command responsibility, all victories and defeats all over the archipelago during his term of office should be attributed to Bonifacio. The claim by some historians that Bonifacio lost all his battles is RIDICULOUS. HUWAG KA LANG MANIWALA DITO, MAGBASA KA!

SANGGUNIAN Zeus A. Salazar, Agosto 29-30, 1896: Ang Pagsalakay ni Bonifacio sa Maynila(Miranda Bookstore, 1997. Zeus A. Salazar. Ang Real ni Bonifacio Bilang Teknikang Militar sa Kasaysayan ng Pilipinas, Bagong Kasaysayan: Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas 1, 1997. Milagros C. Guerrero, Emmanuel N. Encarnacion at Ramon N. Villegas. Andres Bonifacio and the 1896 Revolution, Sulyap Kultura 2, 1996.

Panig ng mga taga-Cavite:

Isagani R. Medina, ed. Ilang Talata Tungkol sa Paghihimagsik (Revolucion) nang 1896-97 Sinulat ni Carlos Ronquillo y Valdez (Palimbagan ng Pamantasang ng Pilipinas, 1996) [1] Inspirasyon mula sa sampaksaang Undress Bonifacio na unang isinagawa ng UP Lipunang

Pangkasaysayan sa UP Diliman noong 26 Nobyembre 2008 at ipinagpatuloy ng DLSU Departamento ng Kasaysayan noong 2009 at 2011.

IT'S XIAOTIME!

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

UNDRESS BONIFACIO, Part II: Ang Supremo Bilang Unang Pangulo ng Pilipinas
by xiaochua

Mukha ni Andres Bonifacio na batay sa kanyang tanging larawan na ihinalo sa ilustrasyon ng mga Espanyol na batay sa larawan na iyon. Kinulayan ni @ Jesusa Bernardo. UNDRESS BONIFACIO: Paghubad sa Kamisa ng Mito ng Bobong Supremo[1] Isang dokumentaryo ni Xiao Chua

Watch: http://www.youtube.com/watch?v=hct6cXs6EYE 150 taon makalipas ang kanyang kapanganakan, ang Supremo ng Katipunan ay nababalutan ng ilang mga mito. Kaya kailangan hubarin ang mga ito.

Part II: Ang Supremo Bilang Unang Pangulo ng Pilipinas


Noong 22 Marso 1897, hiniling sa Kumbensyon sa Tejeros ng mga elit na taga Cavite NA BUWAGIN ANG KATIPUNAN upang magtatag ng REBOLUSYUNARYONG PAMAHALAAN. Pumayag ang Supremo ng Katipunan ANDRES BONIFACIO sa kondisyong igagalang ang pasya ng nakararami.

Ngunit MAY BULONG-BULUNGAN, NA MAY NAKASULAT NANG MGA PANGALAN SA MGA BALOTA. DAYAAN SA HALALAN 1897 STYLE???

At sa halalang naganap, nahalal in absentia si HEN. EMILIO AGUINALDO BILANG BAGONG PANGULO NG REBOLUSYUNARYONG PAMAHALAAN. Nahalal rin si Andres Bonifacio bilang DIREKTOR NG INTERYOR. Ngunit tinutulan ni Daniel Tirona at ininsulto pa ang Supremo. Tinawag na WALANG PINAG-ARALAN.

Daniel Tirona ang Hudas!

Nagpuyos sa galit ang Supremo, at nang hindi binawi ni Tirona ang sinabi. BUMUNOT NG BARIL si Bonifacio ng baril at tinutukan si Tirona. Napigilan ni Hen. Artemio Ricarte ang Supremo at BILANG SUPREMO NG KATIPUNAN, IDINEKLARANG WALANG SAYSAY ANG PULONG NA NAGANAP.

At dito nagsimula ang landas tungo sa kamatayan ng Supremo

Umalis si Bonifacio sa kumbensyon sa paniniwalang SIYA PA RIN ANG PINUNO NG HIMAGSIKAN. Habang ang mga nasa kumbensyon ay itinalaga na si Emilio Aguinaldo bilang BAGONG PINUNO NG HIMAGSIKAN! At sa POWER STRUGGLE na naganap ANG NASAWI AY ANG SUPREMO.

Ngunit hindi ba pamahalaang rebolusyunaryo na mismo ang Katipunan ni Bonifacio?

Ayon kay DR. MILAGROS GUERRERO, OO!

Sa pagputok ng Himagsikan, 24 AGOSTO 1896, nagpulong sa bahay ni Tandang Sora sa Sitio Gulod, Barrio Banlat, Kalookan, ANG KATAAS-TAASANG SANGGUNIAN at itinatag nila ang KATIPUNAN BILANG REBOLUSYUNARYONG PAMAHALAAN at si Andres Bonifacio ang kanilang hinalal by acclamation BILANG UNANG PANGULO!

Unang Bugso ng Himagsikan sa obra ni Rody Herrera na nagwagi ng ikalawang gantimpala sa 1963 Bonifacio Centennial National Art Contest (Nasa City Hall ng Lungsod ng Maynila).

MAGING ANG MGA ESPANYOL, KINILALA SIYANG PANGULO BAGO PA MAGING PANGULO SI AGUINALDO. Sa dyaryong Espanyol na La Ilustracion Espaola y Americana noong Pebrero 1897, kinilala si Bonifacio bilang TITULADO ((PRESIDENTE)) DE LA REPUBLICA TAGALA.

Pebrero 1897 (Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion)

Kung titingnan sa ganitong pananaw, lumalabas na ang nangyari sa Cavite AY ISANG KUDETA!

Dahil hindi naniniwala ang mga elit sa konsepto ng pamahalaan ni Bonifacio na kung hindi siya nasawi ay maaaring naisakatuparan niya AT NAIKINTAL SA PAMAHALAAN NGAYON

ANO BA ANG TUNAY NA DIWA NG PAMAHALAANG KATIPUNAN?

Xiao Chua (on location mula sa Tejeros Convention Center, Rosario, Cavite):

Ang Katipunan daw ay organisasyon ng mga bobong masa na sugod lang ng sugod at walang ginawa kundi maging bayolente. Si Jos Rizal ang favorite hero ko kasi peacefulsiya; si Bonifacio ayaw ko dahil bayolente siya. Pero hindi lang po yon, kung makikita natin ang isinulat na ito ni Emilio Jacinto, Katipunan ng mga A.N.B. Ang kabagayang pinag-uusig ng katipunang ito ay lubos na dakila at mahalaga; papagisahin ang loob at kaisipan ng lahat ng tagalog (*) upang sa pagkakaisang itoy magkalakas na iwasak ang masinsing tabing na nakabubulag sa kaisipan at matuklasan ang tunay na landas ng Katuiran at Kaliwanagan. In short, magsama-sama ang mga Tagalog para magkaroon ng lakas na tanggalin ang mga nakakabulag sa atin at itatag ang daang matuwid at daang maliwanag. Ha, daang matuwid? Di ba sabi ni Noynoy, sama -sama po tayo sa daang matuwid. Panahon pa pala ni Andres Bonifacio iyan, hinahanap niya iyan. Iyan ang kanyang goal: isang maliwanag na bansa. Nagkakaisa ang mga Tagalog. Ha, Tagalog lang? Iyan lang ba ang tanaw ni Andres Bonifacio? Na hindi siya pambansa? Teka, teka, tingnan niyo po. Mayasterisk ang tagalog. Nag-footnote pala ang lolo Emilio Jacinto. O ano ang footnoteniya? : katuturay ang lahat nang tumubo sa Sangkapuluang ito; sa makatuid, bisay man, iloko man, kapangpangan man, etc., ay tagalog din.

Limbag na edisyon ng Kartilya ng Katipunan (Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion).

In fairness di ba? Siya mismo, had a clear vision of what this country is united, may kaliwanagan, may katuwiran and everyone is there. Luzon, Visayas and Mindanao [are] there. Kaya nga, bakit ayaw niya ng Philippines? Kasi nga ang Philippines, pangalan ng hari ng Espanya iyan e. Look at this, Tagalog ang itinawag niya sa kanyang bansa. Well some people said, Bonifacio claimed that he is king. Haring Bonifacio. One time we went here in Cavite, someone shouted, Mabuhay ang hari! Ha, mabuhay ang hari? Haring bayan, si Andres Bonifacio ay hari ng bayan? Tingnan po nating mabuti (Text of letterhead) Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan. Sino ang hari? Yung bayan. Kaya bayang katagalugan. Iyan ang kanyang gobyerno. Makikita po ninyo, iyan po ang logo niya Haring Bayang Katagalugan, Kataastaasang Kapulungan. Iyan ang kanyangseal, at ito ang kanyang pirma.

Letterhead ni Andres Bonifacio, dokumento na nagtatalaga kay Emilio Jacinto bilang Pinunong Hukbo ng Hilaga ng Maynila, 15 Abril 1897 (Mula sa Koleksyon ni Emmanuel Encarnacion).

Sa kanluraning konsepto ng NACION ng mga elit at kanluranin ang bawat citizen ay may pulitikal na kalayaan ayon sa isang konstitusyon.

Ngunit hindi sapat ito sa konsepto ni Bonifacio ng INANG BAYAN kung saan ang lahat ng Pilipino ay ANAK NG BAYAN. Kung saan ANG BAWAT ISA AY MAGKAKAPATID SA SANDUGO at ang tunay na kalayaan ay hindi lamang mga karapatan sa papel.

ANG TUNAY NA KALAYAAN AY KAGINHAWAAN at ang kaginhawaan ay natatamo lamang kung may MAGANDANG ASAL AT MABUTING KALOOBAN ANG BAWAT KAPATID

Kaya ang SALIGANG BATAS NG KATIPUNAN, ang KARTILYA NI EMILIO JACINTO ay kalipunan ng mga payo sa KABUTIHANG ASAL at kung saan sinabi na sa Katipunan: Ditoy ang kauna-unaunahang utos ANG TUNAY NA PAG-IBIG sa BAYANG TINUBUAN at lubos na pagdadamayan ng ISAT ISA.

Tama nga naman, MANALO MAN ANG REBOLUSYON kung HINDI MAGIGING MABUTI ANG MGA MAMAMAYAN AT WALANG MAKAIN, WALANG GINHAWA AT WALANG PAG-IBIG AY WALA RING TUNAY NA KALAYAAN

Sa pagkakaroon ng malinaw na konsepto ng bansa si Bonifacio ay nararapat lamang tanghaling AMA NG SAMBAYANANG PILIPINO.

Ngunit huwag malito: Si Aguinaldo ang UNANG PANGULO ng REPUBLIKA ng Pilipinas, na may kanluraning modelo na umiiral mula 1897 hanggang sa kasalukuyan.

Ngunit si Bonifacio ang UNANG PANGULO ng UNANG PAMBANSANG PAMAHALAANG PILIPINO NA NAUDLOT. ANG KANYANG KONSEPTO NG BANSA AY ABORTED. At ang hindi nito natapos na gawain sa pagtataguyod ng KALAYAAN, batay sa KAGINHAWAAN, MABUTING KALOOBAN at KAPATIRAN NG LAHAT, ay naputol nang mapatay ang Supremo sa Bundok Nagpatong, Hulog, Maragondon, Cavite.

Bundok Nagpatong, Hulog, Maragondon, Cavite (Mula sa Koleksyon ni Dr. Ambeth R. Ocampo)

Alternatibong bersyon ng pagpatay kay Bonifacio na ipininta ni Carlos Valino, Jr. (nagwagi ng ikalawang gantimpala sa 1963 Bonifacio Centennial National Art Contest). Ang Wakas ni Bonifacio ay batay sa testimonya ng dalawang sinasabing pumatay sa Supremo kay Hen. Guillermo Masangkay, na siya ay tinaga hanggang mamatay. Sinuportahan ito ng papel ni Danilo Aragon ukol sa kwento ng mga matatanda sa Maragondon na tila pinagbatayan ng tulang Andres Bonifacio, a-tapang a-tao. Maraming bersyon ang pagpatay kay Bonifacio liban sa opisyal na tanging eyewitness account ni Lazaro Makapagal. Para sa akin, anumang bersyon ang tama ay hindi na mahalaga (Nasa City Hall ng Lungsod ng Maynila) . Kung hindi natin pagsikapang ituloy ay patuloy nating binabaril at patuloy nating sinasaksak at patuloy na hindi natin tinatanggal ang balaraw na nakatarak sa Supremo

SINO KAYA ANG MAGPAPATULOY NG LABAN?

HUWAG KA LANG MANIWALA DITO, MAGBASA KA!

SANGGUNIAN

Milagros C. Guerrero, Emmanuel N. Encarnacion at Ramon N. Villegas. Andres Bonifacio and the 1896 Revolution, Sulyap Kultura 2, 1996. Zeus A. Salazar. Ang Kartilya ni Emilio Jacinto at ang Diwang Pilipino sa Agos ng Kasaysayan, Bagong Kasaysayan: Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, 6,1999. Zeus A. Salazar. Wika ng Himagsikan, Lengguwahe ng Rebolusyon, BagongKasaysayan: Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas, 8, 1999. Isagani R. Medina, ed. Ilang Talata Tungkol sa Paghihimagsik (Revolucion) nang 1896-97 Sinulat ni Carlos Ronquillo y Valdez (Palimbagan ng Pamantasang ng Pilipinas, 1996) Gimenez-Maceda, Teresita. The Katipunan Discourse on Kaginhawahan: Vision and Configuration of a Just and Free Society, Kasarinlan, 1998. Michael Charleston B. Chua at Alvin D. Campomanes. Makabagong Emilio Jacinto: Ginhawa, Liwanag, Dilim at Iba Pang Mga Dalumat ng Bayan at Katipunan sa mga Awitin ni Francis Magalona, 2010.

[1]

Inspirasyon mula sa sampaksaang Undress Bonifacio na unang isinagawa ng UP Lipunang

Pangkasaysayan sa UP Diliman noong 26 Nobyembre 2008 at ipinagpatuloy ng DLSU Departamento ng Kasaysayan noong 2009 at 2011.
PUBLISHED: August 23, 2012 FILED UNDER: Uncategorized TAGS: andres bonifacio : emilio aguinaldo : katipunan : philippine revolution

2 Responses to UNDRESS BONIFACIO, Part II: Ang Supremo Bilang Unang

Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan

SHOUTING IN BRONZE: The Lasting Relevance of Andres Bonifacio and His Monument in Caloocan
by xiaochua

To commemorate the 116th anniversary of the charge of Andres Bonifacio and the Katipunan in the province of Manila on the night of 28-29 August 1896, I am posting this old article I made in 2007 on the significance of Andres Bonifacios Caloocan monument first published in http://www.artesdelasfilipinas.com/archives/52/shouting-in-bronze-the-lasting-relevance-of-andresbonifacio-and-his-monument-in-caloocan:

Bonifacio Monument by night, taken on 25 February 2007 by Ramir Borja.

SHOUTING IN BRONZE The Lasting Relevance of Andres Bonifacio and His Monument in Caloocan Michael Charleston Xiao B. Chua

If you want to be a hero, well, just follow me

-John Lennon, Working Class Hero Amidst the concrete jungle in the middle of the city of Caloocan, amongst the smog of pollution, stands the dignified figure of Andres Bonifacionational hero, Founder of the Katipunan, Father of the Filipino Nation, the great plebeian who spearheaded the Filipino revolution against the Spaniards. The BonifacioMonument is mute, but Bonifacios eyes made of bronze were shouting, reminding us for a moment to stop from the gray and frenzied hurly-burly of city life, and reflect on the greatness of the Supremo.

Andres Bonifacio (b. 30 November 1863, d. 10 May 1897), was a self-taught orphan who became a theater actor and an employee of two international companies in Manila. His social consciousness and deep understanding of his culture led to his involvement in Dr. Jos Rizals La Liga Filipina, and in founding the Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (The Highest, Most Venerable Association of the Sons of the People), or the Katipunan, in 1892. The movements membership increased when he assumed the leadership as the Supremo and in August 1896, started the revolution which will eventually bring down the three centuries of Spanish domination in the Philippines. In 1897, when politics prevailed among the Katipuneros in Cavite, Bonifacio was replaced by Gen. Emilio Aguinaldo as leader of the revolution, in a series of events which led to the Supremos execution by men from the organization he himself founded.

The author for the first time inside the monument circle itself, Interview for GMA News TV, 26 June 2012.

Work on the monument started when Doa Aurora Aragon-Quezon placed a cornerstone on the site on the birth anniversary of Bonifacio, 30 November 1929. A competition was launched and sculptors submitted proposals for the design of the monument using aliases. The design chosen was that of Guillermo Tolentino, a graduate of classical sculpture in Rome. The monument, which was inaugurated on 30 November 1933, is regarded as one of the worlds finest monuments.

Photo by Enrico Azicate

At the top of the 45 feet high obelisk is a figure very similar to the classical sculpture Winged Victory. The octagonal base represents the first eight provinces that revolted against Spain in 1896. Around the obelisk, 23 figures in darkened bronze depict the events that led to the Philippine Revolution: The execution of the three martyr priests Gomez, Burgos at Zamora, and the injustices committed by the Spanish colonizers against the Filipinos.

Photo by Xiao Chua, 26 June 2012 The dominating figure of course is that of Andres Bonifacio, calm and dignified amidst the turbulent events around him, with bolo on one hand and a revolver in the other. Behind him is the figure of Emilio Jacinto, brains of the Katipunan, and a standard bearer. Surrounding the triad are two bolo-wielding Katipuneros symbolizing the spirit of the first cry of the revolution in Balintawakthe call to arms and the peoples response to this call.

The monument was constructed during the time when the issue of Philippine Independence from the Americans was being deliberated upon, and when many of those who participated in the revolution led by

Bonifacio were still aroundnationalistic feeling around the country was very much intense, and not a few got emotional seeing the monument. Some say, that although Tolentino sculpted all the other figures in the realistic style (where the pain and suffering of the Filipinos were greatly manifested), the figure of Bonifacio in Barong Tagalog was the only figure done in the classical style (imitating the Graeco-Roman figures that show no emotions). It was said that this is what the Americans wanted because a defiant Bonifacio might inspire another rebellion.

Detail of Bonifacio Monument, from Medina, Great Lives: Andres Bonifacio, 1992, p. 28.

But according to Tolentinos student, Napoleon Abueva, the suffering figures and the dignified Bonifacio shows that whatever happens, they will prevail:

the hooded head with the ever-tightening garrote about to nip a life, the hapless mothers and forsaken children in Tolentinos monumental masterpiece, allow us to relive the sufferings and dire consequences of the times The tragic related events and corresponding feeling of desolation, of hopelessness that Tolentinos figures evoke, contrasted by the stance of soaring confidence and hope in Bonifacios expressive gesture, together with the defiant bolo-wielding compatriots, provide a reassuring promise of eventual success at all costsreminding us of an old saw which goes this way: Great was the sacrifice and great was their reward.

Photo by Xiao Chua

For Abueva, a look at the monument will give a feeling of pride in the resilient Filipino spirit, the legacy of a promising tomorrow gleaned from a cruel and troubled past, the accounts and instances of utterly depressed feeling, buoyed up and transformed to lofty feelings of inherent pride and enrichment of the Filipino soul

The monument is a testament to the superiority of Tolentino as a visual historian. In preparation for the construction of the monument, he interviewed people and went to the extent of using the bone structure of the Supremos sister, Espiridiona Bonifacio, in making the head of the Supremo. Despite the research, the monument was not spared from controversies. It depicted Bonifacio far from the stereotype of him at that time as a man dressed in camisa de chino with a bolo at one hand and the Katipunan flag on the other, yelling like wild. Ambeth Ocampo writes: When the protests came in, Tolentino countered his critics with his research. The likeness was based not only on a photograph of Bonifacio, but on the bone structure of his sister Espiridiona as well. Interviews of surviving Katipuneros gave an idea of his attire and revealed that, contrary to popular belief, Bonifacio favored in battle his gun over his bolo. One account says that on their way to Caloocan in 1896, many Katipuneros traveled disguised as women to get past the Spanish police and military. To make his barot saya more convincing, Bonifacio had to leave his bolo behind and take his gun instead. Tolentino left no stone unturned in his research, and he was prepared to show documentation for such minute details as the position of the holster on Bonifacios belt. Over and above all this, Tolentino even consulted espiritistas to discern the true likeness and character of Bonifacio.

Bonifacio and Jacinto photography by Prof. Enrico Gerard R. Azicate.

In 1973, the title National Artist for Sculpture was conferred on Tolentino in 1973.

The site of the monument in Caloocan was aptly named monumento by the people themselves, and for a long long time it was the landmark for travellers from the north that theyre entering Manila through the MacArthur Highway. Thats why the sight of the monument gives a feeling of journeys end, until the North Luzon Expressway and Abuevas The Transfiguration replaced monumento as Manilas gateway from the north. Today, because it has become part of the daily lives of the people of Caloocan, it seems that the monument is being neglected and only a few people notice the beauty and ponder on the significance of the monument. But recently, the monument caught attention once again in 2002, when its transfer to faraway Tala in the same city was proposed by Mayor Rey Malonso to give way for the Light Rail Transit Extension. This move was prevented by a resolution by the National Historical Institute, signed by its chairman Ambeth Ocampo, which reminds everyone that the BonifacioMonument is a national shrine and that transferring it would be against the law.

Based on the only photograph of the Supremo, digital art by Jesusa Bernardo The lasting relevance of the monument is a reflection of the continuing importance to the people of the life and heroism of Manong Andres himself. Militant groups, in many protests, rally around another statue of his in Manila. In 1997, a book by the American historian Glenn Anthony May who brought out questions on what we know about the Supremo, sparked a debate among scholars on the Philippines. With the centennial of the Philippine Revolution and the Proclamation of Philippine Independence in the 1990s, recent scholarship clarified misconceptions. Before, the impression was that the educated Gen. Emilio Aguinaldo was superior in terms of leadership and military skills than the impulsive Bonifacio. But the Supremo was found out to be an

excellent organizer with a movement whose members spread out across the archipelago (Ferdinand C. Llanes (ed), Katipunan: Isang Pambansang Kilusan, 1994); a military tactician informed of pre-colonial war strategies of the Filipinos which used the natural environment to their advantage (Zeus A. Salazar, Ang Real ni Bonifacio Bilang Teknikang Militar sa Kasaysayan ng Pilipinas, 1997; Zeus A. Salazar, Agosto 29-30, 1896: Ang Pagsalakay ni Bonifacio sa Maynila, 1995); the first president of the revolutionary government (and of the country) who had a clear idea of the Filipino nation in Katagalugan, which he defined as all people who were born in the whole archipelago and not just the Tagalogs (Milagros C. Guerrero, et. al., Andres Bonifacio and the 1896 Revolution, 1996); and the leader who urged his compatriots to have bait, puri at dangal (rooting itself to the values of our ancestors) just as they were brave (Milagros C. Guerrero, Pagtanaw sa Kasaysayan, Paghahanda sa Himagsikan: Mga Ideya ng Katipunan, 1892-1897, 1998). With these and many other new studies, Andres Bonifacio emerges as a leader who wanted not just mere political independence, but kaginhawahanmaterially and morally freejust as our ancestors were before the colonizers came. They remain to be our aspirations for a better country, the same one that Bonifacio and our forebears before us fought for and symbolized by his monument. Landmarks, such as the BonifacioMonument, are reminders of our past that made us what we are today. Landmarks do not feed us physically for sure. But man doesnt live by bread alone, for he has a soul that searches for identity and belonging. The monument is a proud reminder of the greatness of our bloodline we all belong to, and of the victorious revolution we waged in 1896-1898. To neglect these national treasures is like forgetting our own personal past and genesisamnesiaand forgetting the heroes of 1896 is like forgetting the sacrifices of our own parents. If we would lose the landmarks of our past, how would we ever know where we are, and where we are going as a nation?

As we gaze upon the Supremo and the men and women around that obelisk, let us think about the sacrifices of those before us who did not sleep in the dark of night, those who sacrificed their lives for the freedom of their childrenfor us. They want us to carry on with what they had fought for, not by the bolo in a time of revolution, but simply by being productive and vigilant citizens, just like the Supremo more than a hundred years ago. As if we can hear him call on us from those bronze figures once again with his words from the Dekalogo ng Katipunan: Ang pagsusumikap at pagpipilit na kumita ng ikabubuhay ay nagpapahayag ng tunay na pagmamahal sa sarili, sa asawa, anak, kapatid, at kababayan. (Diligence in the work that gives sustenance to thee is the true basis of love love for thine own self, for thine wife and children, for thine brothers and countrymen.) Personally, I see the monument as a reminder of how a working class hero made a difference, and how we can too. 22 March 2004 / 22 May 2007 , University of the Philippines at Diliman

Consulted Works and Sources: Acero, Francis. Thoughts on the Bonifacio Monument. Online, Internet. Available URL: http://www.tinig.com/v12/v12francis.html. Agoncillo, Teodoro A. The Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan. Quezon City, U. of the Philippines P., 1956. Bonifacio, Andres. Decalogue sa The Writings and Trial of Andres Bonifacio(translated by Teodoro A. Agoncillo and S. V. Epistola. Manila: Antonio J. Villegas; Manila Bonifacio Centennial Commission; University of the Philippines, 1963, p. 1. Churchill, Bernardita Reyes. Determining The Truth: The Story of Andres Bonifacio(being critiques of and commentaries on Inventing a hero, the post-humous re-creation of Andres Bonifacio). Manila : Manila Studies Association, 1997. Cristobal, Adrian E. The Tragedy of the Revolution. Quezon City: U. of the Philippines P., 2005. De los Reyes, Isabelo. The Religion of the Katipunan or the Old Beliefs of the Filipinos (translated by Joseph Martin Yap). Quezon City: Teresita A. Alcantara, Ph.D., 2002. Estrada, Eric and John Realubit. BonifacioMonument Stays Put in Manila Times, 25 January 2003. Online, Internet. Available URL: http://www.manilatimes.net/national/2003/jan/25/metro/20030125met5.html. FHL Research Team . The Bonifacio Monument: Hail to the Chief! Online, Internet. Available URL: http://www.librarylink.org.ph/featarticle.asp?articleid=50. Guerrero, Milagros C. Pagtanaw sa Kasaysayan, Paghahanda sa Himagsikan: Mga Ideya ng Katipunan, 1892-1897, Kasarinlan: A Philippine Quarterly of Third World Studies, Vol. 14, Num. 1, 1998, pp. 37-52. Guerrero, Milagros C., Emmanuel N. Encarnacion and Ramon N. Villegas. Andres Bonifacio and the 1896 Revolution, Sulyap Kultura, Second Quarter 1996, pp. 3-12. Ileto, Reynaldo Clemea. Pasyon and Revolution: Popular Movements in the Philippines, 1840-1910. Quezon City: Ateneo de Manila U.P., 1979) Llanes, Ferdinand C. (ed). Katipunan: Isang Pambansang Kilusan. Quezon City: Trinitas Publishing, Inc., 1994. Maceda, Teresita Gimenez. The Katipunan Discourse on Kaginhawaan: Vision and Configuration of a Just and Free Society, Kasarinlan: A Philippine Quarterly of Third World Studies, Vol. 14, Num. 2, 1998, pp. 7794. May, Glenn Anthony. Inventing A Hero: The Posthumous Re-creation of Andres Bonifacio. Quezon City: New Day Publishers, 1997. Medina, Isagani R. Great Lives: Andres Bonifacio. MakatiCity: Tahanan Books for Young Readers, 1992. __________. (ed). Ilang Talata Tungkol sa Paghihimagsik (Revolucion) Nang 1896-1897 Isinulat ni Carlos Ronquillo y Valdez (Hongkong 1898). Lungsod Quezon: U. of the Philippines P., 1996. Navarro, Arthur M. and Raymund Arthur G. Abejo (eds). Wika, Panitikan, Sining at Himagsikan. Lungsod Quezon: LIKAS, 1998.

Ocampo, Ambeth R. Bones of Contention: The Bonifacio Lectures. PasigCity: Anvil Publishing, Inc., 2001. __________. Bonifacios Bolo. PasigCity: Anvil Publishing, Inc., 1994. Salazar, Zeus A. Agosto 29-30, 1896: Ang Pagsalakay ni Bonifacio sa Maynila (salin ni Monico M. Atienza). Quezon City: Miranda Bookstore, 1995. __________.Ang Real ni Bonifacio Bilang Teknikang Militar sa Kasaysayan ng Pilipinas, Bagong Kasaysayan: Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas Lathalain Blg. 1. Mandaluyong City: Palimbagang Kalawakan, 1997. __________. Si Andres Bonifacio at ang Kabayanihang Pilipino, BagongKasaysayan: Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas Lathalain Blg. 2. Mandaluyong City: Palimbagang Kalawakan, 1997. Sison, Marites. National Artist Guillermo Tolentino: Monumental Spirit. Online, Internet. Available URL:http://www.filipinasmag.com/Main/Sept2003Tolentino.htm. Ventura, Sylvia Mendez. Supremo: The Story of Andres Bonifacio. MakatiCity: Tahanan Books for Young Readers, 2001.
PUBLISHED: August 22, 2012

TAGS: andres bonifacio : katipunan : philippine revolution RAMON MAGSAYSAY: Role Model For The Youth SHOUTING IN BRONZE: The Lasting Relevance of Andres Bonifacio and His Monument in Caloocan MY AUTOBIOGRAPHY [UP TO 2007] IN OUR NATIONAL LANGUAGE (Sa Pusod ng Kasaysayan) UNDRESS BONIFACIO, Part II: Ang Supremo Bilang Unang Pangulo ng Pilipinas UNDRESS BONIFACIO, Part I: Ang Supremo Bilang Pinunong Militar