You are on page 1of 948

Babysitting the Young Master Simple at normal lang ang buhay ko noon pero nagbago ito ng magdesisyon akong

sunggaban ang isang trabaho: BABYSITTING Taking care of a kid is easy, but babysitting a good-looking but really arrogant guy is definitely another story.

ANO NA NGAYON ANG MANGYAYARI SA AKIN??


VOTE, COMMENT, REVIEW :))

******************************************* [1] Babysitting the Young Master - Prologue ;) ******************************************* Babysitting the Young Master

03-23-13

written by TsunLukaret Plot, Stories and Typographies by Thea Faye C.

PROLOGUE:

Mahirap maging mayaman. Sa dami ng pera mo, hindi mo na alam kung paano mo to gagastusin. Sa grabe ng yaman mo, halos gawin mo na lang floormat yung iba.

Minsan sa sobrang yaman mo, nalilito ka na kung anong gagawin mo sa pera mo.

Pero ang totoo. Mas mahirap maging mahirap. Sa dami ng kailangan mong bilhin, hindi mo na alam kung saan mo pa kukunin ang pambayad. Oh ano? Diba mahirap yun?

Totoong mahirap na talaga ang buhay ngayon. Kung hindi ka magkakayod-kalabaw, kayod-kabayo at pati na kayod-biik, mamatay kang dilat ang mata. Nag-iisa na lang ako sa buhay kaya naman, kahit 16 pa lang ako, kailangan ko ng magsikap.

Ako si Rash Yu. Sosyal pakinggan no? Kaya hala, pakinggan nalang natin. Kasi hindi naman ako talaga sosyal. Pangalan lang. Namatay ang parents ko when I was still 7. Naaksidente sila kaya naiwan ako sa pangangalaga ng aking aunting kung magalit ay parang pusa. Pusang kumakain ng tao. >_____<

Sa kanya ako nakikitira. Pero hindi libre ang pagtira ko dun. Hindi ko naman siya direktang kamag-anak. Kaya kailangan kong magbigay sa kanya.

Napasok ko na ang kung anu-anong trabaho.

Actually, hindi lang iisa ang trabaho ko.

Isa akong saleslady/ clerk / hardinera / all around at kung anu-ano pa. Pinagsasabay ko yan para kumita para mabuhay ako. At isa pa. Nag-aaral rin ako. Fourth Year High School na ako ngayon sa isang PRIVATE HIGH SCHOOL. Hindi pa kayo naduduling. Tama ang basa niyo. Private High School nga.

Nagtatanong kayo kung paano ako nakapasok dun? Dahil kahit hirap ako sa buhay. May laman ang utak ko kaya nakakuha ako ng scholarship. Pero hirap parin ako sa school kasi maraming mga mayayabang, maarte, bakulaw at wagas kung makalook-down sa akin. Palibhasa, lamang lang sila ng ilang paligo sa akin. >______<

Simple at normal lang ang buhay ko noon pero nagbago ito ng magdesisyon akong sunggaban ang trabaho ng pagbibabysit dahil sa laki ng siswelduhin ko.

"This way. Diyan ang kwarto ng aalagaan mo." giya sa akin ng isa nilang maid. Sobrang laki ng bahay! Nakakalokerr! *o*

Pagbukas ko sa pinto. Nakita ko ang aalagaan ko. Nakadapa sa kama at natutulog. Pero teka, ang laking baby naman ata neto?

Oo, hindi naman mahirap magbabysit kung BABY talaga ang aalagaan mo. Pero paano kung hindi?

Ano na ngayon ang mangyayari sa akin?

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

Kindly like the BTYM official Facebook Page <3 https://www.facebook.com/BabysittingTheYoungMasterRashdyl ******************************************* [2] Chapter 1 ;) - Hell School / Angel Friends ******************************************* Rash' POV:

*Toooooooooooooot.. Tooooooooooot*

"Hmmmmm.." sa nanlalabong paningin ay tinignan ko ang oras sa alarm clock kong konti na lang ay mamamatay na. Sobrang tanda na kasi nito pero di ko parin mapalit-palitan. Mahal ko kasi to masyado. Plus kulang sa budget eh. Haha XD

Alas siyete na?!? Ba't parang matagal ako nagising ngayon?!

Bumalikwas ako ng bangon. Paksheeeet. Malelate na ako. Patay ako neto. Ayoko talagang kumanta mag-isa sa harap ng mapanglait na eyes ng mga damuho kong schoolmate! >_______<

Ang hirap pag ikaw lang ang mahirap sa school niyo. Ang sakit sa split ends! T____T

Tumakbo ako papunta sa banyo at mabilis na naligo.

"Ohmegeeeed.. Late na ako! Late na ako!" sigaw ko.

"Hoy!? Rash! Manahimik ka nga! Natutulog pa ako. Nambubulabog ka na! Wala akong pakialam kung late ka na! Palibhasa ang kupad mo!" angil ni Auntie Soni.

Di ko na lang siya pinansin. Kahit naman ganon yun eh, di pa naman niya ako pinapalayas kaya okay lang kahit isang libo't isang panglalait at pang-iinis ang natatanggap ko sa kanya.

Buti na lang at pinlantsa ko na yung uniform ko nung weekend. Dahil kung nagkaton baka ipahabol nila ako sa plantsa sa gusot ng uniform ko.

Pagbaba ko, nakita kong kumakain si Autie. Di na ako kumain. Talagang malelate na ako. Maglalakad pa ako eh. Actually, mukhang tatakbuhin ko na nga to umabot lang ako sa school.

"Auntie, alis na po ako!" sabi ko sabay takbo palabas.

Hindi ko na narinig kung sumagot ba si Auntie don. Lakad-takbo ang ginawa ko.

"Konti na lang Rash.. Kaya mo yan!" pagchicheer ko sa sarili ko.

Malapit na ako sa kanto ng biglang natapilok ako.

"Ouch!" mas lalo akong nahirapan sa pagtakbo. Pero di parin ako nagive-up.

Nakikita ko na ang dambuhalang gate ng school namin kaya sumaya ako bigla.

"Yes! Malapit na a-"

*SPLAAAAASSHH*

"Aww!" napasigaw ako.

Pagtingin ko sa uniform ko ang dumi dumi na. 0_____0 Pakshet! Nagmukha akong chocolate na tao.

Pagtingin ko sa harap ko. May sasakyan.

"Hoy! Ang sama mo! Tignan mo ngayon kung ano nangyari sa uniform ko?!" angil ko.

Bumukas yung salamin ng sasakyan at may lalakeng halos ka-edad ko lang ang dumungaw.

"Pasensya na. Di ko kasalanan kung haharang-harang ka sa kalsada." tapos umandar na ulit yung sasakyan.

"Bwiset! Sana malasin ka rin tapos magkakulugo ka sa katawan!" pahabol kong sigaw.

"Paano na to ngayon? Punung-Puno na ng putik ang uniform ko. Nag-iisang uniform ko pa naman to. Ang mahal kasi ng umiform. Di kaya ng bulsa ko." litanya ko.

*Claaaaaaaang..*

Bumalik ang atensyon ko sa school. Sh*t! 5 minutes na lang! Patay! Bahala na!

Tumakbo ako papunta sa school. Pagdating ko sa gate. Pinagtinginan na ako agad ng mga tao. Pano ba naman, ang dumi ng damit ko! T_____T

"Excuse me miss. Can I check your ID." sabi nung guard. Talagang sinigurong dito ako nag-aaral. Akala siguro eh pulubi ako eh. Pero nagmukha nga ata akong pulubi ;0

Binigay ko naman yung ID ko. Tapos imbis na papasukin ako eh, tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Ikaw ba talaga si Rash Yu?" tanong nung guard.

Ang sarap sungalngalin nitong damuhong guard na to ah. Binigyan ko na nga ng ID ayaw pa maniwala.

"Oo nga po guard. Kailangan ko pa po bang magpa- DNA para maniwala po kayong ako yan?" malapit na maubos ang pasensya ko uh. Konti na lang.

"Sige. Pasok ka na." sabi niya.

Habang mabilis akong naglalakad sa hallway eh, ang sama ng tingin sa akin ng mga tao.

"Look at her. She looks like a trash." sabi nung usang maldita.

"Not just a trash. A squishy trash." sabi naman nung isa.

Di ko sila pinansin.

"Hey you!" tawag nung isa.

Hindi ako lumingon. Malay ko ba kung ako ba ang tinatawag neto.

"Hey you trash!" asik nung isang maldita at hinila niya ang ID ko kaya parang feeling ko binigti ako.

Doon na ako napaharap sa kanila.

"What the hell are you doing in this school? Baka langawin kami dito?" nakakauyam ang tono nung malditang babae. Nakataas pa ang isang kilay niya kaya parang pwede ko ng sampayan ng nilabada kong damit.

Hindi ako sumagot.

Tinulak niya ako.

"Are you mute?! Why are you not answering. O baka gusto mong sipain kita?! Ay wag nalang ako baka mahawa ako ng bacteria galing sa squaters. So ano? Gusto mong ipasipa kita sa guards ko ngayon na? ang filthy mo!" maarteng sabi nung isa pang maldita.

Nagtawanan ang iba niyang kasamang halatang bratinela nga.

Naubos na ang pasensiya ko. Tatlong minuto na lang at magsisimula na ang klase ko pero malayo pa ako sa classroom ko.

Hinarap ko siya at nagsalita.

"Bakit niyo ba ako pinag-aaksayahan ng panahon. Wala naman kayong mapapala sa akin." sagot ko.

"How dare you talk back to us like that! Hampaslupa!" galit na si maldita sa akin. Pikon na rin ako.

"Teka! Mukhang ikaw ang may sayad ah. Kanina galit ka nung hindi ako sumasagot tapos ngayon naman, galit ka kasi sumagot ako." nagtataray na rin ako. Maldita talaga tong mga estudyante dito. Palibhasa mga mayayaman. Ang sarap igarapon.

Akmang sasampalin na niya ako ng biglang may nagsalita.

"Slap her and I'll kick you out of this school."

Napalingon kaming lahat sa nagsasalita.

It's a pretty girl na nakatayo confidently. Ni dulo ng pilikmata ng babae ay di ko pa nakikita. Kaya nagtataka ako. Ang tapang naman neto.

Siya naman ngayon yung hinarap ng mga maldita. "Oh, it's her." sabi ni Maldita 1

"You know what. I can sue you." maarteng sabi naman ni Maldita 2 pero parang ni hindi man lang natinag yung babae. Lumapit pa nga hanggang katabi na niya ako.

"Go on. Try me." sagot niya sa tatlong maarteng babae.

Biglang umatras yung tatlong maldita.

"Psh, may araw ka rin saming basura ka."

Then bigla silang nagdecifer sa mga harapan namin. Nawala na rin ang kumpol ng mga tao na nakikiusyoso kanina.

Humarap sa akin si pretty girl tapos hinawakan ang kamay ko.

"Okay ka lang ba?" sabi niya sa akin sabay ngiti.

Nagtaka ako. May ganito rin pala sa Topline Academy? Woah! Parang magugunaw na ang mundo?

"Hey." pumitik siya sa harapan ko.

Napakurap-kurap ako.

"A-ah.. oo." sabi ko.

Ngumiti siya.

"Wag mo na lang pansinin yung mga nagmamaldita sa iyo dito huh? Mga may sayad yun."

Nakatingin lang ako sa kanya. Halatang mayaman to eh. Pero ang bait naman.

"Ang bait mo naman." tipid kong sabi.

"Sus." sabi niya sabay ngiti.

Ang ganda rin. Matitibo ako nito. Haha! joke!

"Salamat pala sa tulong mo. Baka pag di ka dumating, bakat na yung mga kamay nila sa mukha ko." sabi ko ulit.

"Sus. Walang anuman. Tyaka alam ko naman na kahit wala ako dun. Kaya mo sila."

"Huh?" taka kong tanong.

"Wala. Bilib lang ako sayo kasi, di ka natatakot sa tatlong yun. Sa ngayon, dalawa pa lang tayo na nakasagot sa kanila ng pabalang." sabi niya sabay tawa.

Ngumiti ako.

"Salamat pa rin."

"Walang anuman."

"By the way, I'm Claudette Peterson and you are?" pagpapakilala niya.

Ngumiti ako. "I'm Rash. Rash Yu."

Inilahad niya bigla ang kamay niya kaya nagtaka ako.

"Friends?" tanong niya while nakangiti.

Namilog ang mata ko? Kami magiging friends? Eh ang yaman nito eh.

"Don't worry. Hindi ako nangangain. Gusto talaga kitang maging kaibigan." sabi ulit niya.

Naisip ko, mukhang wala namang problema kung makikipagkaibigan ako sa kanya. Ang bait naman ni Claudette eh..

Tinanggap ko ang kamay niya.

"Friends." ------------------

Claudette's POV:

Nang makita ko kanina kung paano sinagot nung babae ang tatlong bratinela ng school ay napangiti ako. Mukhang sa wakas ay may nakita na akong di nagpapapi.

I heard, she is a scholar. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na score sa exam kaya nakuha niya ang scholarship.

Nang sasampalin na siya ay di ko na napigilan ang sarili ko.

"Slap her and I'll kick you out of this school."

Napalingon silang lahat sa akin.

Pagkatapos kong takutin ang mga bratinela eh hinarap ko na yung babae.

"Okay ka lang ba?"

Nag-usap kami then I introduced myself.

"By the way, I'm Claudette Peterson and you are?" pagpapakilala ko.

Ngumiti siya. "I'm Rash. Rash Yu."

Inilahad ko ang kamay ko kaya nakita kong nabigla siya.

"Friends?" tanong ko while nakangiti.

Namilog ang mata niya? Kakaiba talaga tong babaeng to. She even looks pretty.

"Don't worry. Hindi ako nangangain. Gusto talaga kitang maging kaibigan." sabi ko niya.

Tinanggap niya ang kamay ko matapos ang ilang sandali.

"Friends." ----------------

Napangiti ako.

Maybe.. just maybe, she is the one we've been looking for all this time. Mukhang nakahanap na kami ng itatapat kay Dylan. ******************

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

******************************************* [3] Chapter 2 ;) - Meet Dylandan ******************************************* Busy-busyhan ako sa pagpupunas ng mga lamesa sa pinagtatrabahuhan kong mini-restaurant. Sabado ngayon. Walang pasok kaya trabaho ang inatupag ko. Mamayang alas-onse, pupunta pa ako kina Aling Maring para kunin yung mga lalabhan ko.

Tapos mamayang hapon

Naalala ko bigla yung kahapon.

Ang bait taalaga ni Claudette. Mukhang nung nagpaulan ng kabaitan ang langit ay sinalo niya lahat. Mukhang kulang na lang mag-madre yun.

Napatingin ako sa bag ko. Nilabhan ko talaga ng mabuti yung uniform niyang pinahiram niya sa akin. Ang bango nga eh.

*flashback*

"Tara na Rash." hila sa akin ni Claudette.

"T-teka. Saan tayo pupunta?" lito kong sagot.

"Punta tayo sa club room namin. Sa 4th floor."

"P-pero. May klase pa ako." pagdadahilan ko.

"Rash, walang klase ngayon. May emergency meeting ang lahat ng teachers at ibang staff. Kaya sumama ka muna sa akin. Plus, don't tell me. Okay ka lang na ganyang basa ang damit mo sa putik. Baka sipunin ka pa."

Napatingin ako sa damit ko. Oo nga pala no. Natalsikan kasi ako ng putik kanina. Walanghiyang damuho yun. Porke't may wheels kung makaasta parang kanya yung daan!

"Hello?" pukaw sa akin ni Claudette.

"A-ay. Sige."

"Tara." hinila na niya ako paakyat. Habang paakyat kami, nagtitinginan na sa amin lahat ang mga tao. Siyempre sa ganda ba naman ni Claudette tapos biglang may hilang parang taong putik. =3=

Nakayuko lang ako habang hila-hila ako ni Claudette.

"Oh my gee! May hilang asong gala si Claudette! Yuck!" sabi nung isang babaeng parang buhok ng kabayo ang bangs.

Nagbubulungan na yong mga tao. Pero nakangiti lang si Claudette.

"Usog lang kayo ng konti. Baka masipa ko kayo." sabi ni Claudette sa mga nagchichismisan.

Bigla namang nawala yung mga taklesang estudyante.

Nakahinga ako ng maluwag.

"Sigurado ka ba na pwede ako dito Claudette?" alinlangan ko. Baka naman gold na ang mga suot ng club-members ni Claudette.

"Walang problema. Ako bahala sayo."

Then she pushed the door open.

Pagbukas ng pinto, namilog ang mga mata ko.

Woah! Sobrang grandyoso ng kwarto! Club room ba to o bahay ng presidente?

"Oh, she's back"

Doon na naagaw ang atensyon ko. May 8 taong nakaupo sa malalaking upuan. May bitbit na tea cups at nakangiti silang lahat.

"Hey guys! Meet our new member. Rash Yu." masiglang sabi ni CLaudette.

Napanganga ako. M-Member?!?!

Sabay sabay na tumayo ang mga nakaupo (Malamang XD) maliban sa isa. Bahh, mukhang suplado to ah.

Kumaway sa akin ang pito. Walang imik yung isa.

"Hi, I'm Patricia." bati nung babaeng naka pigtails.

Siya na rin ang nagpakilala sa iba pa.

"This are our girls. Cheska, Kriscelle, and Chinette."

Tumango ako.

"And right here are our boys."

Napatingin ako sa mga lalake. Puro nakangiti, EXCEPT SA ISA. Sino pa nga ba?

"Ken, Angelo, Jeff and.." then lumingon siya sa direksyon nung lalakeng unang kita ko pa lang sa unang buhok ng kilay ay alam ko ng suplado.

"Would you like to introduce yourself?" tanong ni Patricia sa lalake. Parang nakita ko na tong mukhang to uh?

Nagsalita ang lalake ng hindi man lang lumilingon.

"Ikaw na lang. Ayokong sayangin ang oras ko sa mga walang kwentang bagay."

Aray naman. So ako walang kwenta?! Sungalngalin ko kaya to!

Claudette cleared her throat.

"Uhm, don't mind him. Ganyan lang yan. Masanay ka na." then she smiled.

Teka, baket kelangan ko masanay? Oy ayokong kaclose yan!

"That guy is Dylan. Dylan Lautner."

Dylan pala uh. Eh kung pisain kitang Dylandan ka!? Tapos ilagay kita sa sawsawan ko ng ulam? Naiinis ako sa kanya. Di ko maalala kung saan ko nakita tong mukhang to. Pero ngayon pa lang mukhang itinadhanang mapatay ko to.

"Go, introduce yourself." mahinang sabi ni Claudette.

Nahihiya man. Eh, nagpakilala na rin ako.

"Hello sa inyong lahat. I'm Rash Yu. Senior student from the 1st Class. Nice meeting you." tapos nagJapanese bow ako.

-------------------

After ng pagpapakilala. Eh hinarap ako ulit ni Claudette.

"Alright, we have to find you clothes to wear."

"Naku, wag na. Okay na ako dito. Wala rin namang klase so sa library na lang ako tatambay. Tuyo na rin naman oh." sabi ko sabay kapa sa damit ko. Aysh. Kunwaring tuyo lang. =3=

"Stop it Rash. Ah-hah! oo nga pala. May extra uniform ako dito. C'mon." tapos walang-dadang hinila na naman niya ako.

Tumigil kami sa tapat ng isang napakalaking cabinet na sa aking eyes ay parang gawa sa gold.

She opened it.. and then..

*UVAVOOOOOOOOM* (Sound Effects ng kawierduhan mga dre!)

Tumambad sa akin ang hindi lang isa kundi sandamukal na uniforms ng school namin. Halatang di pa gamit dahil sa sobrang linis at ayos!

"Okay, suit yourself. Pili-pili lang. I'm confident na may magkakasya sayo diyan."

"A-ah.. wag na lang talaga Claud. Nakakahiya naman. Parang di naman to dapat gamitin eh.." hiya kong sabi.

Namaywang sa harap ko si Claudette.

Maglilitanya na naman sana ulit si Claudette ng biglang magsalita si DYLANDAN. Este, si Dylan pala.

"Ang ingay niyo. Kung ayaw niya magbihis, hayaan niyo siya. Paimportante naman yan." sabi niya.

Nabigla ako. Kakampi ko ba siya o inaaway niya ako?? Ay ewan!

"Wag na talaga Claud. Okay na ako dito. Konti lang naman yung maduming parte eh." pagdadahilan ko na naman.

Biglang tumayo si Dylan mula sa kanyang Golden Chair at lumapit sa akin.

Nakatingin na sa amin ang lahat.

"You wan't her to change?"

Tumango si Claudette.

"Alright, then let me handle this."

Humakbang siya palapit sa akin. Nakakatakot naman tong lalakeng to..

Napaatras ako ng isang hakbang.

Dalawa..

Tatlo...

Hanggang wala na akong maatrasan.

Here he comes. 0_______0 Goodbye Earth. Mahal na mahal ko kayong lahat. *Lagok ng laway*

Tumigil siya and then he held my chin.

Nanginginig na ang buo kong katawan. Napapikit ako.

I can feel is breathe on my cheek.

Huwaaaaag pooooooo...

"Maarte ka na. Assuming ka pa."

Then biglang may malamig akong naramdaman sa damit ko. Feeling ko, basa na naman ako.

Binuksan ko agad ang mga mata ko then I saw my uniform in a state of calamity. This time, buong uniform ko na ang basa. Hindi lang uniform ko, pati ako.

Namilog ang mga mata ko.

When I looked at him. He was looking at me intently hawak hawak ang isang bote ng mineral water na wala ng laman. Tapos nilampasan niya ako.

"This time. Hindi ka na pwedeng mag-inarte. Pag lumabas kang ganyan ang itsura mo, sisipain ka palabas ng campus. Kaya sige, Mag-inarte ka pa." then he went out.

----------------

Kaya ayun, napilitan akong magbihis. Pag-uwi ko, hinubad ko naman agad yung uniform na pinahiram ni Claudette. Tapos, nilabhan ko ng bongga.

Hindi ko mapapatawad yung Dylandang yun! Titirisin ko siya! Promisssssssss!

__________________

Claudette's POV:

Ang sama talaga ni Dylan. Hindi na naawa kay Rash. Basa na nga, binuhusan pa niya ng tubig.

Nasa bahay ako ngayon ni Patricia. Sasabihin ko na sa kanya ngayon yung plano ko.

"Hey Claud." nakangiting bati ni Patricia sa akin.

"I guess, we found her." bungad ko naman.

"Baket? Who's lost?" takang tanong ni Patricia.

I rolled my eyes.

"I'm talking about the girl na tatapat kay Dylan. We can't fail tita on this!"

"Oh, you mean yung babaeng hindi uurungan ang ugali ni Dylan? Oh c'mon. Di pa ipinapanganak yun! Baka nga ipapanganak pa lang, inaway na ni Dylan kaya ayan. Takot lahat sa kanya." sagot naman ni Patricia.

"Oh, you're wrong on that."

Tinignan ako ni Patricia with matching you've-said-that-a-hundred-times-already look.

"Patricia, trust me. This time, it's gonna work. Susuko rin si Dylan sa pagiging bato niya."

Nagkibit balikat lang si Patricia.

"And how can we possibly do that, genius?"

I gave out a lope-sided smile.. and waved a poster on front of her face.

And guess what's written on the poster??

- WANTED BABYSITTER -

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

******************************************* [4] Chapter 3 ;) - Wanted Babysitter ******************************************* Rash' POV:

*hinga-paloob.. hinga-palabas..*

*inhale... exhale..*

*inhale.. ex-*

"Psh, tama na yan Rash. Ang dapat mo lang gawin ay itulak tong dambuhalang pintuan ng Topline High Gold Strings Club. At ibalik ang ginintuang unipormeng pinahiram sa iyo sa may aring si Claudette na may ginintuang puso't kaluluwa. As in Shoooooool! XDD" kausap ko sa sarili ko.

Okay..

1..

2..

3..

and -

Bubuksan ko na sana ang dambuhalang pinto ng biglang itong bumukas. At dahil nasa mismong harapan ako ng DAMBUHALANG pintuan, Ay tumama sa maganda kong mukha (ibigay niyo na sa akin to mga tol HAHAHA XD) ang DAMBUHALANG pinto. Napuruhan ang ilong ko at dahil sa DAMBUHALA nga ang pinto ay natumba ako at namatay.

Di, loko lang. XDD

Nawalan ako ng balanse at napaupo sa sahig. Kaya naman pakiramdam ko ay nausog ang matres ko. Teka mukhang di lang nausog. Talagang natanggal na =____=

"A-aray.." reklamo ko.

Di ko pa naman binubuksan yung pinto? Baket biglang bumukas? May multo ba dito?!

Tatakbo na sana ako palayo ng biglang..

"Did I hit you?"

Huwaaaaaaaaat???! Nag-eenglish ang mumo. Sosyal na rin ah! Baka dating club member tapos namatay dahil sa kasupladuhan ng Dylandang yon!

Eh? Pano siya biglang napasok sa isip ko??

Erase.. Erase..

Pumikit ako ng mariin. Walang mumo okay??

"Hoy. Naalog ba utak mo at para ka ng baliw diyan?" sabi ulit ng boses.

Doon na ako natauhan. Napatingala ako. At nakita ng magaganda kong mata ang huling taong gusto kong makita! Si DYLANDAN! >____<

"Ano?!" inis kong tanong.

"Did I hit you? Tanga na nga bingi ka pa." sabi niyang nakasimangot.

Kumulo bigla ang dugo ko.

"Ay, hindi. Binangga ako ng pintuan. Walanghiyang pintuan to. Nananakit na!" pilosopo kong sagot.

"Hindi ka lang bingi. Pilosopo ka rin." inis na sabi ni Dylandan.

Tinignan ko lang siya ng masama.

Nagsimulang lumakad si Dylandan mukhang aalis na.

Hmmm. Sinimulan ko na, osya sige. iinisin ko na to ng bonggang-bongga. @______@

"Hindi mo ba ako tutulungan?" tanong ko sa kanya.

Tumigil siya sa paghakbang.

"Baket kita tutulungan? Ako ba nakatama sayo? Diba yung pinto? Sa pinto ka humingi ng tulong. Haharang-harang ka kasi sa daan." tapos nilagpasan niya ako.

"Haharang-harang ka kasi sa daan."

"Haharang-harang ka kasi sa daan."

"Haharang-harang ka kasi sa daan."

"Haharang-harang ka kasi sa daan."

Parang narinig ko na yan..

Napatingin ako sa uniform na dala-dala ko.

"Haharang-harang ka kasi sa daan."

"Pasensha na. Di ko kasalanan kung haharang-harang ka sa kalsada."

Napakurap-kurap ako.

0___o

Ah-ha! Siya yun! Siya yung walanghiyang dahilan kung baket nagmukha akong taong-putik! Siya nga! #____#

Claudette's POV:

To: Patricia

Hey, Pat. Meet me at the school gate. Don't bring your car. I have mine with me. ASAP.

-message sent-

Ibinalik ko na sa bulsa ko ang phone ko. Then checked the poster once more.

We gotta do this. Hindi dahil ito yung bilin ni Tita Abby. Not just because may pustahan kami. but because I know kaylangan ni Dylan ng taong makakasundo niya. And I'll just bet on Rash. Mamulubi man ako. I'll still bet on her.

Napangiti ako ^__^ Humanda kang Dylan ka ngayon. Mananalo na rin ako sa pustahan namin.

*Flashback*

**1 YEAR EARLIER**

"Dylaaaaaaan!" tawag ko sa kanya habang nasa gate pa ako.

He looked at me and then waved back in a really bored way.

Tumakbo ako palapit sa kanya.

"Dylan, pwede favor?"

"What?"

"Can I have that painting in your room. I so like it kasi. Pleaaassssse.." nag-pout pa talaga ako para naman mas convincing. Pero nilampasan niya lang ako.

"No."

"But Dylan.. Tita promised me that I can I have it.."

"Mommy promised. Kaya painting niya ang hingin mo. I didn't promised."

I pouted again.

"Fine! Hindi ko hihingin." matatag kong sabi.

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Ako naman, nakasunod parin. I really want that painting =3=

"Sa wakas. Magigive-up ka na rin sa pangungulit sa akin." bored niyang sabi.

"Hindi ko hihingin. Because, you'll give it to me. Wether you like it or not." tapos namaywang ako.

Hinarap niya ako.

"And how are you gonna do that?"

I faced him confidently.

"Pustahan."

Tumawa lang siya.

"You won't win against me."

"Hindi natin alam. So what now?"

He looked at me with a lope-sided grin. Confident masyado to.

"Ano ba?"

"Titigilan na kita kung matatalo mo ako. But if ikaw mainlove sa isang babaeng kaya kang tapatan, I win and I get that painting." then I smiled confidently.

"That's not gonna happen Claud."

"We don't know about that. So ano? Deal?"

"Tigilan mo ako Claudette."

"Aysh.. Bakla ka pala. Ayaw mo sa pustahan. Bakla. G-A-Y. Gay."

Bugla siyang humarap sa akin at tinanggap ang kamay ko.

"DEAL."

-end of flashback-

-----------------------

*Peeeeeeeeeeeepp.. Peeeeeeeeeepp. Peeeeeepeeeeep*

*Tok* *Tok*

*Shing.. Shing..*

(Ehemm. XD sa mga nagtatanong kung ano tong nasa itaas. Sound effects po yan. Nasa gilid po ako ng kalsada. Naglalakad habang inis na inis pa rin sa Dylandang yon!)

Grrrr.. Damuho talaga yang Dylang yan! Siya yung may kasalanan ng lahat. Ang yabang niya. Dahil sa kanya natalsikan ng putik ang NAG-IISANG uniform ko! Wala na akong ibang uniform. Kahit kasi anong laba ang gawin ko doon, nag-iba na talaga ang kulay. Masyadong nababad kasi sa putik. Ahuhuhuhu.. >_____< Huhuhu T.T

Halos umiyak na ako sa gilid ng daan. Wala pa naman akong pera ngayon para bumili ng bagong uniform. Ang mahal mahal naman kasi. Akalain mo, isang uniform halos 5,000 pesos na! Yung uniform ko bigay lang ng school kasi scholar ako. Pero isa lang eh. Kailangan ko bumili para magka-uniform ako. =___= Limang-libo mga tol! Halos isang buwang budget sa pagkain na namin yon! Huhuhuhu T_T

"Kailangan ko humanap ng racket para magkapera ako." kausap ko sa sarili ko.

"Kailangan ko ng trabaho. T__T" litanya ko ulit.

Halos lahat ng nakakasalubong ko ay napapalingon na sa akin.

"Ang gandang bata pa naman. Sayang, napraning ata." sabi pa nung isa paglampas niya sa akin.

0.o Eh? Ay salamat naman, inborn talaga tong kagandahan ko no. HAHAHAHAH XDD

*Sayang, napraning ata*

Ay.. bawing-bawi naman ako dun. Hindi ako praning. Kailangan ko lang ng trabaho. >____<

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Paliko na ako ng biglang may nakita akong sosyal na car.

Ang ganda nomon.. =3= Psh, Psh.. buti pa sila may car ako nga, ni trabahong pang sideline wa-

** P A K K K K!! **

Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil may biglang sumapol sa mukha ko. Papel siya at sa mukha ko pa talaga dinala ng hangin.

Ano ako? Poste? At kailangang sa mukha ko talaga dumikit to?!

Inis kong tinanggal ang papel na tumakip sa MAGANDA kong MUKHA! XDD

"Ano ba to?" tanong ko sa sarili.

Nang mabuklat ko na talaga siya ng maayos.

**WANTED BABYSITTER**

P30,000/month

"Ah.. ok.."

Tapos, inilagay ko sa nadaanan kong basurahan ang walanghiyang papel.

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng biglang..

"M-magkano nga ulit yung sweldo dun?"

Binalikan ko yung basurahan at binuklat ulit yung papel.

Ganito ang mukha ko.

-______-

-______o

0______-

0______0

*0*

MY GOODNESS GRACIOUS, MAN SO GORGEOUS!!

"Salamat po Papa God! Promise! Magpapakabait ako!"

Halos magtatalon-talon ako sa tuwa.

"Aysheshe! Mukhang yayaman na ang ate niyo! XD"

Nakangisi akong naglakad pauwi.

Akalain niyo nga naman. ;))

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

******************************************* [5] Chapter 4 ;) Mom Wins ******************************************* Dylan's POV:

"Hello Mom?"

"Hello, baby boy ;)!"

Ganyan lagi ang bungad sa akin ni Mommy. Kahit kailan talaga, ang tingin niya sakin eh bata parin. Hello? I'm already 18! Nababadtrip ako lagi pag ganito si Mommy eh.. -_____-

"Napatawag po kayo Mom?"

"Aba? Baket, hindi ko naba pwedeng tawagan ang baby boy ko?" may halong pagtatampong sabi ni Mommy.

Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko. Eto na naman kami, pinaiiral na naman ni Mommy ang kanyang tampururot powers. =___= Nakakadrepresssss!!

"Mom.." reklamo ko.

"Oh baket? Magtatampo na talaga ako sa iyo baby ko. Porke't wala ako diyan lage. Porke't pwede mo ng gawin ang gusto mo. Porke't binata ka na, gaganyanin mo na lang si Mommy mo?" litanya ni Mommy.

Sumasakit na ang ulo ko sa kanya.

"Mom, ganyanan na lang tayo lagi? Ganyan na lang? That's my point. Binata na nga po ako.. Pero, you still treat me like--"

"Oh, no. You're still my ebibi boy." pinutol ni Mommy ang sinasabi ko. At judging by her tone, itataya ko ang bawat butil ng kagwapuhan ko, no doubts, mommy is pouting like some crazy teenager na hindi pinayagang makipagdate.

"Mom, I'm 18 now. I'm old enough to take care of myself. Ayokong nasistress kayo." pagdadahilan ko.

"Ang sabihin mo, ayaw mo lang na nandyan ako para bantayan ang bawat galaw mo. Di na ako love ng ebibi boy ko ;((" pag-eemote ni Ina. =___=

Good Lord, kung hindi ko lang to nanay eh.

"Okay, Alright.. now, tell me, ba't ka napatawag."

Oo nga pala't yun yung tanong ko kanina. Tapos, imbis na sagutin ako, umabot kami sa kadramahan ni Mommy.." *FACEPALM*

"Well, you see.."

"C'mon mom, spill it out."

"Well.."

"What is it?"

"Well.."

"Mom! Well ka ng well eh, walang balon dito. Baka diyan meron, wag moko idamay kung gusto mong tumalon diyan." irita kong sabi though may halong pagbibiro naman din yun.

"I'm still your mother Dylan."

"Ya.. Ya.." bored kong sagot.

"Hoy! kakasabi ko lang na I'm your mother tapos tatawagin mo akong YAYA?!" naggagalaiting sabi ni Mommy.

"No Mom, I mean Ya. As in Yes!" paliwanag ko.

Umingos si Mommy. Ewan talaga. Kung may makakarinig lang sa usapan namin. Iisiping hindi nanay ko ang kausap ko. Mas tamang sabihing batang paslit na ayaw bigyan ng chocolates ang nasa kabilang linya.

"Okay. I'm getting you a caregiver."

Napanganga ako. Ano raw?!

"What the heck are you talking about Mom?! Caregiver?!"

"Yes. Someone who can take care of you while I'm not around."

"Mom! I don't need a caregiver. Hindi naman po ako senior citizen! I'm not that old!" inis kong sabi.

"But, diba sinabi mong you're already old kanina lang?"

"I didn't say anything like that!"

"So you're saying that your mother is a lier?"

Halos masabunutan ko na ang sarili ko. "No. It's not like that! Mom, for the nth time, you're exaggerating things!"

Halos, mayupi na ang phone ko sa higpit ng pagkakahawak ko. Mom's giving me a hard time. Nahihirapan akong ipaintindi sa kanya kung baket di ko kailangan ng mag-aalaga sa akin. Masyado niyo akong bine-baby!

"Fine! since you're insisting na hindi ka pa naman ganon katanda. Then I won't go with the Caregiver thing."

"Really mom?" Hayyy! Sa wakas mukhang, makakahinga na ako ng maluwag.

Hindi ko na kasi maintindihan si Mommy.I live here alone since Mom is at Japan taking care of Business. My sister is at London, pursuing her dream to become a supermodel. And I never met my dad..

But, I don't really live her alone. For Pete's sake, I have ALMOST SEVEN DOZENS of maid, iba pa yung magluluto at mas mahigpit pa ata ang security ng bahay ko kesa sa bahay ng pangulo ng Pilipinas. Lahat ng kasama ko dito sa bahay ay si Mommy ang kumuha. I didn't say a word since, nanay ko parin siya. But crap! Sa dinami-dami kong katulong, may plano pa siyang kumuha ng mag-aalaga sa akin?!

I mean.. THIS IS INSANE!

Nabasag ang pag-iisip ko ng muling magsalita si Mommy.

"I'm not getting you a caregiver. Since, I agree..na you're still young to be given one.."

Napatango-tango ako. I like this. Nakangisi na ako ulit.

"Since, you're my one and only ebibi boy.."

Tango-tango parin ako. For the first time mukhang hindi ko kailangang bumili ng bagong phone since hindi ko naman maitatapon to sa inis. Mom's now being reasonable.

..instead of getting you a caregiver, I'll be getting you a BABYSITTER!"

Aaahhh.. Babysi--

Nanlaki ang mga mata ko. WHAT THE F*CK!

"B-but mom! That's crazy!" Hindi.. mas lalong lumala ang sitwasyon! Ano ako? Sanggol na kailangan palitan ng diapers?! I'm 18 for pete's sake!

"BUT MOM! I won't allow this! Kahit ilang babysitter pa ang ipadala mo, I'll still end up firing her!" pagdadahilan ko.

"Ya, sure. Try to fire your babysitter. Uuwi ako diyan and I'll make sure pagsisisihan mong ginawa mo ang isang bagay na nakapagpagalit sa akin. You know how violent I get when I'm angry baby boy.."

Ayan na naman si Mommy. Umaandar na naman ang pagka-bayolente niya. Kahit parang bata si mommy, believe it or not, she can't be underestimated. Why? Because, before I was born.. ugali niya noong makipagbasagan. Hindi ng trip kundi ng bungo at buto sa katawan. Yes. She was a gangster.

But you're wrong if you're thinking that I'm a battered son. Embarrased son siguro pwede pa.

*Kwento!* *Kwento!* *Kwento!*

Aysh! Ayaw! Nakakahiya kung ikekwento ko pa kung ano ang ginawa ni Mommy nung last time na hindi ko siya sinunod.

She f*cking posted my baby pictures on the net!! I can't believe her! Nakita ng iba pang members ng club namin yun kaya haalos mamatay ako sa panunukso nila at sa hiya!

Tae.. See, I still ended up telling it to you anyway. >______< Kaya naman, hindi ko lubos maimagine kung ano ang gagawin ni Mommy kung hindi ako sumunod sa kanya ngayon.

"But mom!" reklamo ko.

"No ifs. No buts."

"Mom!"

**TOOOOOOOOOOT**

*TOOOOOOOOOOOT**

Binabaan niya ako ng telepono. How dare her?! Ayyy, mali. Nanay ko nga pala yun so okay lang kahit bigtiin niya ako ng chord ng telepono. Baka ng hindi lang chord ng telepo baka bati vocal chords ko, hilahin niya at gawing palamuti sa kwarto niya!

Napahawak ako sa sentido ko. And not very long, maririnig na mula sa kwartong kinaroroonan ko ang tunog ng wasak na cellphone na ginawa kong parang bola at binato ko sa dingding..

Tarantang pumasok si Manang Ancy.

I walked towards the door and said..

"I need a new phone."

========================

Rash' POV:

Hawak-hawak ko parin yung poster na dumikit sa mukha ko kanina. Nakahiga na ako ngayon sa maliit kong kama. Haaayyy! Sinagot agad ni Lord ang wish ko! I love you po papa God! Imagine! San ba naman ako makakapulot ng trenta mil kada buwan sa pagbibabysit lang?? Mukhang gold ata ang balat ng batang ibibabysit ko kaya ganito kamahal ang bayad?! O baka ang lamang loob ang gold, hindi yung balat. XDD

Ayshh.. Loka ka talaga Rash.

Napatingin ako sa picture ng nanay at tatay ko. Sabay yakap rito.

"Nanay at tatay kong maganda at gwapo. Alam kong nagmana lang ako sa inyo kaya ganito ang alindog ko. XDD Pero nay, tay! Ito na ba ang sagot?? Ito na ba po yung sagot?? I--"

"Bago mo tanungin ng paulit-ulit ang mga magulang mo. Mas mabuting hanapan mo muna ng sagot tong problema natin sa ulam mamaya. Tanong ka ng tanong diyan, mukha kang sirang plaka. O baka, unli ka lang??" pang-iinis ni Auntie.

"Auntie.. Pano po mangyayari yun? Eh wala akong cellphone?"

"Pero may simcard ka?" tanong ni auntie. Tumango ako. Meron naman talaga akong simcard kasi napulot ko lang dun sa kanto habang papauwi ako. Actually, mukhang destiny ko talagang makatagpo yung simcard kasi nang madapa ako, dun talaga naglanding ang maganda kong mukha sa sementong kinalalagyan ng simcard.

Kaya kahit masakit ang masubsob at makahalik sa semento ng wala sa oras, okay na lang din. At least, may simcard naman ako. Bwahahahaha!

"O di, makisaksak ka dun sa mga tarantadong tambay dun sa kanto." walang ka effort effort na sagot naman ni Auntie.

"Ng simcard po?"

"Hindi Rash. Ng kutsilyo. Isaksak mo diyan sa tagiliran mo para naman mabawasan ako ng sakit ng ulo. Ang kulit! Hala! Tayo na diyan. At maghanap ka ng makakain!"

"Ay, opo. Maghahanap na po." Bumangon na ako at tuloy-tuloy na lumabas ng bahay. Malapit na. Giginhawa na rin kami.

======================

Kinabukasan..

Lunes na ulit! 0_____0 **buhat ng mesa tapos hampas sa gwapong mukha ni Dylan** Eh, joke lang.

Naglalakad ako ngayon sa hallway. Actually, hindi lang ako. Walo kaming lahat. Sino ang kasama ko?

Eh di syempre yung club members. Nakakahiya nga eh. Talagang kasabay pa nila ako maglakad. Pinagtitinginan na naman kami ng mga tao. Paano ba naman eh, ganito yung formation namin habang naglalakad.

Yung apat ng girls ng club eh, naunang naglalakad nasa harapan ko sila bale. Habang yung tatlong boys ay nasa likod ko.Ibig sabihin, malamang nasa gitna ako diba? Iba naman kung nasa likod ko yung boys tapos nasa likod rin nila ako? Anyare pag ganon? XD Ang gagwapo naman kasi ng boys. Parang kung makapaglakad di papunta sa club room. Nagmukhang ramp show eh. Pare-pareho lang din naman kami ng uniform. Ewan ko lang talaga kung paano nila dinadala yung uniform namin at ang lalakas ng karisma nila. Nagmukha tuloy akong batang sipunin na pinagitnaan ng mga models. Ajujujuju T___T

"Psh, ang eew naman. Baket kasama niya yung club members?"

"Baka naman, mambabarang yang babaeng yan at naloko niya ang mga club members."

"I can't take this! Dapat talaga, magpacheck-up ang mga club members after this! Baka naman, mahawa na sila ng germs sa bitch na yan!"

Iilan lang yan sa samu't-saring talak na naririnig ko habang naglalakad kami papuntang club room. Grabe sila kung hamakin ang alindog ko ah?!

Talagang babangasan ko na sana ang mga pagmumukha ng mga babaeng tong mukhang ginusot na papel de-hapon kung di lang ako biglang hinawakan sa braso ni Ken. Isa sa mga club members naming boys.

"Don't mind them. Mga papansin lang yan sila." sabi ni Ken.

"Oo nga. Wala kang mapapala kung papatulan mo sila." sang-ayon naman ni Jeff.

"At isa pa, kesa intindihin mo ang kamalditahan ng mga lamang-lupang yan. Mas mabuting dito ka na lang sa gwapong mukha ko ikaw tumingin. Di ka na mabebwesit, maaaliw ka pa." sabi ulit ni Ken.

Napatawa ako dun. Ang kukulit pala ng ibang club members na boys. Tawagin ba namang lamang-lupa yung mga malditang alien kanina.

*PAAAAAKKKK!!*

Biglang binatukan ni Jeff si Ken.

"Wag Rash. Masisira ang future mo sa lalakeng yan. Dito ka na lang tumingin sa akin." sakay rin ni Jeff.

Lalo akong natawa sa kanila.

"oy.. Oy.. tigilan niyo si Rash ah. Kayong dalawa ang babangasan ko." saway sa kanila ni Claudette.

"Yess Ma'am!" sabay nilang sabi.

Ang bait naman nila. Parang di ako makapaniwalang kasa-kasama ko na sila lagi. May ganito parin pala talaga sa Topline High no?

"Asan kaya si Dylan. Di ko pa siya nakikita mula kanina ah." sabi ni Kriscelle.

"Ewan. Mukhang di ata pumasok. Balita ko, nagluluksa yon ngayon." sagot naman ni Angelo.

"Hala? Sinong namatay? Naku, tara.. makiramay naman tayo. Kahit naman suplado at ugaling bakulaw na pasmado yun sakin, kaibigan niyo parin yun." bigla-bigla kong sabi.

Natahimik silang lahat at napatingin sila sa akin. Tapos, sabay-sabay na humagalpak ng tawa. 0____0 Anyare?

HAHAHAHAHAHAHA!!

HAHAHAHAHAHAHA!!

HAHAHAAHHAHAHAH!!

Wow! Ang dami niyong tawa? How about Ishare niyo naman sa akin kung baket? =.=

Hawak-hawak pa ni Patricia ang tiyan niya ng ipaliwanag niya kung baket ganon na lang ang tawa nila. Kung di lang ako naaasiwang manakit ng mayayamang mababait sa akin eh, iginarapon ko na to sila.

"Ang ibig sabihin ni Angelo eh, depressed si Dylan ngayon. Kasi, balita namin, may katakut-takot na order na naman ang Mommy niyang ang sweet ng mukha pero pag galit parang T-rex."

"Anong order?"

"Di mo alam? Sus! Kukuha ng babysi--" biglang tinakpan ni Claudette ang bibig ni Patricia kaya hindi niya naituloy ang sasabihin niya. Then automatic nag-iba siya ng topic.

"By the way Rash, kakain kami sa labas ngayon. Dali, join ka."

Nabigla naman ako. Anyare kay Claudette parang di mapalagay uh? Pero di ko na lang yung pinansin masyado.

"Ay, wag na. Kayo na lang. Salamat. M-may importanteng lakad rin kase ako ngayon eh."

Totoong may lakad ako. At isa pa, kung sasama ako sa kanila, baka tulo laway lang ako dun. Anong ipambabayad ko aber? Oy! Hinding-hindi ko isasangla ang alindog ko may pambayad lang sa pagkaing pangmayaman. (eyyy, advance!)

Nagpaalam na ako sa kanila. At tinignan ang address sa poster.

Hmmmm. Medyo malapit lang din ah.. Gora na to! It's now or forever!! Ay mali, It's now or never pala! Tange! XD

=====================

== Lautner's Subdivision == Quezon City

Here we are! WE yan kasi kasama ko ang bestfriend/ parang kapatid / kapitbahay / kababata / kakulitan / kasama sa kalokohan / kadaldalan/ katapat pero natalo ko sa kagandahang si Kadness Ramos.

Oh, sosyal rin pakinggan no? Pero.. gaya ng akin, maging sky blue man ang uwak with matching highlights pa, wala kaming kayamanang maipamumudmod. Hanggang pangalan lang din ang sosyal. >___<

Nasa harap kami ngayon ng isang dambuhalang gate. At halos malula ako sa laki ng gate ah. Homaybetchibaylantang-gulay, gaano kaya kalaki ang bahay nato?

"Bhest, dito na we.." kabado kong sabi sa bestfriend kong naloka rin ata sa laki ng gate na nasa harapan namin.

"Kalma lang kafatid! Breath in.. breath out.." sinunod ko naman siya.

"Breath in.. Breath out.." sabi niya ulit. Sumunod lang ako ulit.

"Breath in.. Breath out.."

"Breath in.. Breath out.."

"Breath in.. Breath out.."

"Breath in.. Brea--"

PAAAAAAAAKK!

Sinapok ko na talaga si Kadness. Kanina pa ako hinga ng hinga. Nakatanga lang kami sa harap ng gate.

"Bruha ka! Hihinga lang ba tayo dito? Di tayo papasok? Wala tayong mapapala dito kahit higupin pa natin lahat ng hangin at polusyon sa mundo!"

"Oy, sorry naman. Pinapakalma lang naman kita kafatid eh!" pagdadahilan ni Kadness.

"Osya, dali. Tara na."

Nasa malapit na kami sa gate at iniangat ko na ang kamay ko para pindutin ang doorbell.

1..

2..

3..

**D I N G - D O N G**

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

******************************************* [6] Chapter 5 ;) 5 Things for Rash and a Dog for Kadness ******************************************* "Sino sila?" nakataas ang isang kilay na tanong ng babaeng nagbukas ng nambuhalang gate.

"Ahh.. mag-aaply po sana a--" hindi ko pa natatapos ang pagsagot ko ng biglang kunin nung babae yung papel na dala ko at tinitigan ito ng maigi.

"Ah.. sige pasok."

Ayy?? Ganon kabilis?

Nilingon ko si Kadness.

"Go kafatid! Gora na!" masiglang sabi ni Kadness.

"Ahm.. pwede ko po bang isama s--"

"Hindi. May importante kayong pag-uusapan ng amo namin." oUCHNESS, Ang diretso kung magsalita. ____-

Lumapit sa akin si Kadness at sinapok ako sa ulo.

PAAAAAAKKK!

"Para saan yun?"

"Gora na kasi! Okay lang ako dito. Hihintayin kita."

Kaya pumasok na ako kasama. Nakasunod lang ako sa babaeng nagbukas ng gate. Pagdating namin doon, bumulaga sa akin ang sobrang laking bahay. Napanganga ako. Jusme..kaninong bahay to?

Malamang sa amo ko. Ang tanga ko talaga =3=

"Halika, pasok. Dito kayo mag-uusap ni ma'am. Hanggang dito lang din ako. Goodluck sayo." tapos umalis na siya.

0___0

Nasan ang kakausapin ko? Wala namang tao dito eh? Baka naman may secret room dito?? 0.o

"H-hello?" mahina kong sabi.

Walang sumagot. Hmmmm. San ba kasi si Ma'am?

"Ma'am, Oh..Ma'am, Where art thou?" emotera kong giit. Nahahapo na ako. Uupo na sana ako ng biglang..

TINK!

Lumiwanag ang buong kwarto at biglang bumukas yung bigscreen.

Naantala ang pagsalampak ko sa sahig ng dambuhalang kwarto kaya parang ewan ang posisyon ko dun.

0__0

"Hi Rash!"

Eh? Kilala niya ako agad?

"H-hi po." nag-aalangan kong sagot.

"I guess, tama nga ang sinabi ng inaanak ko. Ikaw na nga ang hinahanap namin."

"Inaanak? H-hinahanap?" Eh? Di ko magets talaga..

"Nevermind. Ang importante, andito ka na. Kaylan mo gustong magsimula hija?"

HAAAAAA? Teka lang ahh.. hindi ko talaga makuha. Sino ba siya? Bakit parang tanggap ako agad? Wala bang ibang nag-apply?

"Huwaiiiiiit! Kapeng maineyyt" bigla kong sabi.

Napatigil sa pagsasalita yung babae.

"Teka po ah, sino pa pala kayo? At baket parang kilala niyo na po ako? Mag-aaply pa po naman eh.."

"Ay. Pasensya na. Na-excite kasi ako eh. HAHAHA! Ako pala si Deevan, I'm the mother ng aalagaan mo. You don't have to apply because tanggap ka na."

Deevan?? Bakit parang may katunog? Tunog suplado eeh.. Parang yung kay Dylandan. Eeeeeekkk..

"Talaga po? Naku, maraming salamat!"

"Naku, walang problema. Just promise me na kahit anong tigas ng ulo ng anak ko, hindi mo siya susukuan?? Wala ng urungan to."

"Promise po! Kahit na kasingtigas pa po ng semento o bato galing bulkan ang bungo ng baby niyo. Aalagaan ko po siya!"

"Good! It's settled! Kindly sign the contract na nasa harap mo."

Lumapit pa ako ng konti at tinignan ang kontrata. Eto na.. this is eeeeyyyyt!

Pinirmahan ko na ang kontrata at humarap ulit sa amo ko.

"Maraming maraming salamat po talaga Ma'am Deevan! Promise po, gagawin ko ang lahat, para maalagaan ng mabuti ang anak niyo."

She smiled. She really looks familiar. Parang may kamukha siya.

"By the way, may isang pang papel diyan. Nakalagay diyan kung ano ang mga dapat mong alalahanin as a babysitter. Kindly take it and read it."

Pinulot ko yung papel at binasa ito.

Things You Must Not Forget

1. You need to wake him up at 5 A.M. 2. Let him drink his vitamins 3. Never let him get drunk 4. Watch over him 5. Watch out for octopus girls

Napatingala ako sa screen.

"Umiinom po ba ang baby niyo at ang pogi po ba at nilalapitan ng girl babies?" taka kong tanong.

"at teka po, di po ba kasama sa trabaho ko ang pagpapalit ng diapers at pagpapaligo sa anak niyo?"

"HAHAHA!"

Eh 0__o

"You're gonna find out soon kung baket wala yung mga sinabi mo diyan. And trust me hija, you're gonna thank me and all the roman and greek Gods dahil di ko yun sinulat diyan."

H-huh??!

"Okay. So that's it. You may start tomorrow."

"S-sige po."

Tapos nawala na siya. Napabuntung-hininga ako. Juskooo, sana lang okay lang lahat.

-------------------------

Kadness' POV:

"Ajujujuju.." ngawa ko habang nakasalampak ako sa gilid ng daan sa gate. Ang tagal ng walanghiya kong bestfriend. Nasaan na yon? Nagmumukha na akong tanga dito.

Ang tagal naman ata ng pag-aapply sa trabahong yan? Sobrang dami ba ng nag-aaply?

"Bestfriend?? Where na you?? Ajujuju.." ngawa ko parin ng biglang..

"Awwwwww! Grrrrrr.."

"Ayyy.. Unggoy na may contact lens!" sigaw ko.

Paglingon ko. 0______0 Lord, maawa naman po kayo. Nagkaugat na nga ako kakaantay dito tapos ipapalapa niyo pa ako sa asong ang laki ng bunganga.

"Oppp.. G-good Dog.." kinakabahan kong kausap sa aso.

"Grrrrr..." tuloy-tuloy sa paglapit ang aso sa akin.

"W-wala akong ginagawa sayo. Please doggie..promise, wag mo lang akong kainin, ipapakatay ko lahat ng baboy ng mga kapitbahay ko at iaalay sayo ng bonggang-bongga."

"Grrrrrr... Grrrrr.." Naku po.. Walang epek eehh..

Atras lang ako ng atras. Ayan na, dadakmain na ako ng anghel na aso. Sana sa langit ako mapunta..

"Grrrr! Aww!" Dinamba ako ng aso kaya natumba ako. Arayyy.. Ajujuju T___T

Pinikit ko nalang mata ko at inantay na kagatin ako ng aso.

Ajujuju T___T Akalain mo? Mamatay ako sa ganitong paraan. Di man lang ako nagkaboypren tapos ni di man lang ako nakatanggap ng bulaklak.. Tapos mamatay na ako ajujuju.. Ajuju----

Eh 0___o Bakit parang wala namang kumagat sa akin. Tapos bakit may parang humihinga sa mukha ko?

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at natulala ako sa nakita ko.

ANG GWAPO NG ASO!!

"Nakakatuwa ka titigan sa malapitan." Oy?! Nagsasalita ang aso?! >///////<

eh??! hindi aso to! At.. At ang awkward ng posisyon namin! Nakahiga ako sa kalsada .. At nakadagan siya sa akin?!

"AAAAAAHHHHHHHHH!"

Napatayo ako bigla kaya tumama ang ulo ko sa ulo nung lalake.

Sabay kaming napa-aray..

"S-sino ka!" angil ko habang hawak-hawak ang nasaktan kong ulo.

Ngumiti siya.

"Nasaktan ka ba? Pasensya ka na kay Pepper huh."

"Sinong Pepper? Wala akong kilalang Pepper! Yung aso yung may kasalanan neto!" asik ko.

"Kaya nga, si Pepper nga."

HUH?!

Lumapit nga sa kanya yung aso at kinawag-kawag ang buntot nito.

"This is Pepper. Ang cute niya no?"

May problema ba sa mata tong lalakeng to? Cute ang tingin niya sa asong mas malaki pa ang bunganga kesa sa banga ng container ng tubig namin sa bahay.

"Pasensya ka na kung napagtripan ka neto kanina."

"Napagtripan?! Eh, halos malagutan na ako ng hininga eeh." I pouted.

"Pasensya na talaga. Nagandahan siguro sayo kaya ka pinagtripan. Hindi naman nangangagat to bastabasta eh."

NAGANDAHAN?? >/////////<

"Sige, okay na.." mahina kong sabi.

"Tara."

Napatingala ako sa kanya.

"S-saan mo ako dadalhin?"

Hindi siya sumagot. Sa halip ay binuhat niya ako at naglakad ng dire-diretso papunta sa isang malaking bahay na hindi kalayuan sa bahay na pinasukan kanina ni Rash.

"T-teka! Saan moko dadalhin? Bata pa ako! Ajujuju.. Ibaba mo ako!" Nagpupumiglas ako pero ayaw niya akong bitiwan.

"H-hoy!"

Tuloy-tuloy siyang pumasok sa sa dambuhalang bahay at umakyat ng hagdan.

Napatulala na lang ako.

"Katapusan ko na ba to?"

Then we stopped. Actually HE stopped pala, kasi buhat niya ako kaya siya lang ang naglalakad. Nasa harap namin ang isang pintuan.

"Pakibukas."

Binuksan ko naman. 0___o TANGA ka Kadness! Baket mo binuksan?!

Tuloy-tuloy siya sa loob at pagpasok namin, itataya ko ang lahat ng kasexyhan at kacutan ko sa katawan, kwarto niya to.

BAKET NANDITO KAMI SA KWARTO NIYA?!?

-----------------

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

Note: Humihingi po ako pati na ang split-ends, bilbil at kilay ko ng kapatawaran sa magaganda at gwapo kong readers dahil natagalan ang UD. Sana po hindi po kayo magalit sa akin. >__< Medyo nabusy lang po ako plus nagpagaling din dahil pati disgrasya ay naakit na sa alindog ko. XDD Maraming salamat sa mga nagbabasa po ng story ko. I laaaaab yooooo! 8___8

Kindly leave your comments and let your thoughts reach me ;))

******************************************* [7] Chapter 6 ;) Al-co-hol ******************************************* "Hoooo - Maaaaaay - Gasssssh! May trabaho na ako!" Yan ang una kong nasabi paglabas ko ng mansion. Babalik daw ako dito bukas ng umaga, pero biglaan ang changes. Sabi nung mayordoma namin, mamayang gabi na lang daw at dito na rin ako matutulog. XD Ayeeee... I can't beleyyyb iiiit! Makakatulog ako sa sosyal na bahay! >///<

"La la la .." pakanta-kanta pa ako habang papunta sa gate. Siguradong matutuwa si Kadness neto. Kaya lang baka mabugbog na naman ako ni Kadness. Grabe kasi kung matuwa yun, BRUTAL!

Pagkalabas ko, agad kong hinanap si Kadness.

"Kyaaaaaa! Bhest! May trabaho na ako!" Nakapikit pa talaga ako.

Kadness?? Asan si bestfriend?

Naglakad-lakad pa ako. Asan na yon? Nilamon ba ng lupa sa kaka-antay? O baka iniwan na ako ng talipandas kong bestfriend?! Namaywang ako. Pft! Malaman ko lang na iniwan niya ako, humanda tala--

** T I N K K K! **

Napatingin ako sa paanan ko. May nasipa ata akong bagay. Bracelette..

Tekaaaaaaaa, kay Kadness to ah.

Nasaan si Bestfriend? Imposible namang iwan niya to dito? Bigay ng mama niya sa kanya to nung last birthday niya. Mas mahal niya pa nga to kesa sa akin eh. *SAKLAP naman.* iniikot ko paningin ko. Asan na yong lukaret na yon?

T-teka?! Kung naiwan niya to dito? Don't tell me, baka nakidnap si Kadness?!

---------------

Lakad-takbo ako makauwi lang kaagad sa amin. Baka nakauwi na si bestfriend. Pupuntahan ko sa kanila. Grabeng kaba ko dun ah! Baka ano na nangyari sa kanya.

Pagdating ko sa amin, tumakbo ako papunta kina Kadness.

"Tao po?"

"Oh? ikaw pala anak, si Kadness ba hinahanap mo?"

"Opo. Andyan po ba siya?"

"Oo. Andun sa sala, tulala. Ewan ko ba sa batang yan. Mula kaninang umuwi yan parang wala sa sarili."

Nagpasalamat na lang ako sa mama ni Kadness. Pagpasok ko sa loob, nadatnan ko si Kadness na nakatulala tapos biglang nagsalita ng tulala parin.

"Walang hiya yung lalakeng yon. Grabeng kaba ko kanina. *sampal-sampal sa sarili*"

Eh? Nagsasalita mag-isa si Kadness?!

"Hoy? Anong nagyari sa yo?" tanong ko naman sa kanya.

"Kasi eh.. Nakakainis yung -- " tapos bigla siyang lumingon at nanlaki ang mga mata.

Anyare sa babaeng to?

Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin.

"Ayy, ikaw pala. Kamusta? May trabaho ka na?" bigla kong naalala, oo nga pala. Yun nga pala ang gusto kong ibalita.

"Bhest! May trabaho na ako!!" tili ko.

Namilog ang mga mata ni Kadness at bigla akong yinugyog.

"Talaga?! May trabaho ka na???"

PAAAAAAK!

Binatukan ko siya. Yugyugin ba naman ako. Nakakahilo kaya!

"Kakasabi lang diba? Ang kulit neto."

"Sorry naman! Natutuwa lang ako. Ayee, manlilibre yan.." pangungulit naman ni Kadness.

"Ulol! Hindi pa nga ako nakakapagsimula, tapos libre agad? Mamumulubi ako sayo Kadness!" reklamo ko.

"Baket? Eh, pulubi ka naman diba? Lubus-lubusin na lang natin kafatid!" Pang-iinis niya.

Inirapan ko lang siya at nagtawanan kami.

Kadness' POV:

Kaka-alis lang ni Rash. Grabe! Muntik na akong mahuli kanina!Buti na lang nauna akong nakauwi bago siya dumating. *Whew..*

Damuho talaga yung lalakeng yun..

*FLASHBACK*

"A-aray.. A-aray.. m-masakit.."

"Masakit ba?"

"A-aray naman.. Ang hapdi.. makadiin ka naman diyan.. wag mo diinan pleeeeeesh.."

"Sorry. Sabihin mo sakin kung sobrang sakit uh?"

"Masakit nga. Pft.."

"Sige. Di ko na lang didiinan. Malapit na rin naman akong matapos, konting tiis na lang."

"A-anong ginagawa mo? Hoy! Tama na yang alcohol! Ang hapdi na eee.. Tapos dinidiin mo pa. Papatayin mo ako no?" litanya ko. Nakita ko kasing dadagdagan niya yung alcohol.

(Ehemm. PG 13 to. Bwahahaha! Kayo uh?)

"Hindi ah. Ginagamot nga kita. Tapos ang dami pa reklamo."

"Ganon? Baket? Ako ba nag-utos sa aso na takutin ako?! Ako ba?"

"Pft. okay okay. Sorry."

Psh, andito parin ako sa kwarto niya. Ginagamot niya sugat ko sa tuhod at siko. Di ko kasi napansin na nasugatan pala ako kanina nung natumba ako kakaiwas sa talipandas niyang aso.

"Don't look at me like that." sabi niya habang ginagamot niya tuhod ko.

Napakurap-kurap ako.

"Ano? Hindi kita tinitignan uh? Kapal mo." angil ko naman.

"Amin na kasi. Kanina nga, pagpasok natin. Kung mag-blush ka, wagas." then he grinned.

Nanlaki ang mga mata ko. Sh*t! Hiyang-hiya ako kanina! Kung anu-ano kasi pinag-iisip ko. Pero heller? Sino ba di mag-iisip ng ganon, bigla ba naman akong buhatin ng parang wala lang tapos ilapag sa kama niya?! Sige nga! ajujuju T.T

Kanina kasi..

ANONG GINAGAWA KO SA KWARTO NIYA?!?

"A-anong ginagawa natin dito?" tanong ko. Diyos ko po.. >_____<

Hindi siya sumagot. Sa halip sumampa siya sa kama at lumapit sa akin unti-unti. Usug naman ako ng usug, hanggang wala na akong mausugan, lumapit siya at itinaas ang isang kamay niya. Pumikit ako at nagpray sa lahat ng santo. T____T

asdgfdgdsfgsfsgsd.. *BUKAS MATA*

HAAAAAAAAA??

Hawak-hawak niya ang paa ko at may hawak rin siyang cotton at alcohol..

ALCOHOL..

ALCOHOL..

AL- CO - HOL! 0_____0

Nahila ko bigla ang paa ko at napasuksok sa sulok. Bigla ko namang naramdamang sumakit ang tuhod ko. >___<

"What's wrong?"

"Ilayo mo yan." matigas kong sabi.

"Ang alin?"

"Iyan." sabay nguso ko sa alcohol.

Matagal bago siya sumagot tapos..

"HAHAHAHAHAH.. AHAHAHAHA!" 0____0 tumawa siya ng bigla! Anyare?!

"Takot sa alcohol?"

"Eh, ano ngayon?! Sapak, gusto mo?!"

Hinila niya ulit paa ko.

"Sus, hindi yan masakit! Mas masakit kaya pag hindi yan nagamot."

"Ayaw.."

Pero hindi siya natinag.. At ayun.. Binuhusan ng alcohol ang sugat ko.

0_____0 AAAAAAAHHHHHHHH!!

x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x

After kung ngumawa ng ngumawa dun, natapos na rin ang gamutan.

"Salamat." nakatungo kong sabi.

"Sorry ulit."

I shook my head.

"Okay lang. Sige, alis na ako."

"Hatid na kita."

"Ay, wag na.. Salamat na lang."

Tumalikod lang ako. Pero humarap ulit..

"Hey, what's your name?" tanong ko.

He just smiled then said.. "I'm YOURS"

-- End of Flashback--

Napatingin ako sa tuhod ko.

"Pero at least, medyo mabait naman siya.."

Humiga ako, then closed my eyes.

*************************

Rash' POV:

"Whooo.. Dito na ako. Keribells ko to. Gora na!" kausap ko sa sarili ko.

*DINGDONG*

Bumukas ang gate at sinalubong ako ni Manong Guard.

"Oh, andito ka na pala. Hala, dumeretso ka na sa loob. Hinihintay ka ni Aling Ancy.

Tumango lang ako at pumasok na.

"Magandang gabi.." mahina kong sabi.

"Oh, magandang gabi rin.."

"Pasensya na po. Ngayon lang po ako. Inayos ko pa po kasi yung mga gamit ko." Alas-9 na kasi.

"Okay lang. Halika, itu-tour kita sa buong bahay."

Nag-ikot nga kami. Ang laki pala ng bahay nina Ma'am Deevan.. Ang yaman-yaman naman nila. Apawapaw lang ang salapi.

"Ngayon naman, pupunta tayo sa kwarto ng aalagaan mo."

WHOOOOOOOO>> This is eyyyt!

Nakasunod lang ako kay Aling Ancy, may kinuha siya sa bulsa ng uniporme niya. Card?! Ano tong pintuan ng kwarto ng baby? ATM Machine?! 0____0

Bumukas ang pinto tapos, MAY ISANG PINTO PA ULIT?! Ano bang bahay to?

Binuksan niya at tumingin sa akin.

"Halika, pasok."

"This way, ito ang kwarto ng aalagaan mo."

Pagpasok ko, nakita ko na may nakadapa sa kama. Siya ba?

"Ohy, mukhang tulog na siya. Bukas na lang kita ipapakilala sayo."

Tumango ako kahit nalito ako dun..

Bago ako sumunod sa paglabas, lumingon muna ako ulit at tumingin sa kama. Hindi ko kasi masyadong makita yung natutulog eh.. Pero isa lang ang sigurado ako.. OBESE ba tong aalagaan ko kasi..

ANG LAKING BABY NAMAN ATA NETO.. 0______0

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X ******************************************* [8] Chapter 7 ;) The Girl in My CR ******************************************* "Hmmmm.." Ang sarap ng tulog ko. Ang lambot naman kasi ng kama sa bahay nato. Parang ayaw ko na bumangon.. -_____- Ugaaaa..

Lulugo-lugo akong bumangon at papikit-pikit na pumasok sa banyo. Hmmmmm.. Pagbukas ko ng pinto ng banyo, parang doon na ako nagising bigla. *0*

Banyo nila... Singlaki ng BAHAY NAMIN.. WOAH!

A-ang ganda..

Humarap ako sa malaking salamin at tumitig sa mukha ko..

"I love you na salamin.. Bakit parang ang ganda ko sa salaming to?" kausap ko sa salamin.

Nakita ko yung toilet bowl. 0_____0 Wow! Parang.. parang hindi toilet bowl! Ang kintab!

Umupo ako doon at napatingin sa itaas.

"Looooord, salamat talaga! Ikaw na Papa God! Love mo talaga ako.." dada ko habang nakaupo sa sobrang kintab na bowl.

Pumikit ako at nag-hum..

Nang biglang..

**Wooooooshooooo**

Napadilat ako at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

*****************

Dylan's POV:

Now Playing: Gotta Be You by One Direction

Girl I see it in your eyes you're dissapointed Cos' I'm the foolish one that you annointed With your heart, I tore it apart.

And girl, what a mess I made upon your innosence And no woman in the world deserves this But here I am, asking you for one more chance

Can we fall, One more time Stop the tape and rewind Cos' if you walk away I know I'll faint, cos' there is nobody else.

It's gotta be you.. only you.. It's got to be you.. Only you..

Now girl I hear it in your voice And how it tremble

When you speak to me, I don't resemble Who I was. I almost had enough

And your actions speak louder than words And you're about to break from all this girl But don't be scared I ain't going nowhere..

Bago pa matapos ang kanta, pinatay ko na ang cellphone ko. Si Claudette talaga, nangingialam ng cellphone ko tapos kung anu-anong kanta ang nilalagay. Pati ringtone ko iniba rin.

Pagtingin ko sa phone ko may isang message.

From Claudette

Goodmoring kinakapatid kung bitter. XD Sana maganda ang gising mo. Kasi, wala lang. HAHAHA.

-end of message-

"Pft, ang kulit talaga. Isip-bata. Maya dadaan ako sa kanila, babatukan ko lang." pumikit ako saglit at bumangon na rin.

Masakit konti ang ulo ko. Kakagising ko lang. Tarantado kasi mga kaibigan ko, kagabi pa ako inaalaska dahil todas na naman daw ako sa ina kong sobrang protective.

Tumayo ako para magbanyo. Magto-toothbrush na sana ako pero wala dito toothbrush ko. Nakalimutan ko ata dun sa isang banyo. Doon ako nagtootbrush kagabi eh.

Pumasok ako sa kabilang kwarto at tuloy-tuloy na pumasok sa banyo.

Kukunin ko na sana ang toothbrush ko ng biglang..

"La.. La.. La.. Mmm..Mmm.." 0_____0 May nag-huhum? Eh, ako lang naman mag-isa dito eh? At bosesbabae? Walang yayang nakakapasok dito. At wala si ate. Nasa London nga diba? =...=

Lumapit ako sa pinanggagalingan ng boses at marahas na hinawi ang kurtina. At halos maputol ang toothbrush na hawak ko sa nakita ko.

==================

Rash' POV:

Napadilat ako kasi may bumukas sa kurtina.

0____0 Hooo May Gaaaaadss!

"AAAAAAAAAAAHHHHHH!" tili ko.

"SHUT THE F.CK UP!"

Natahimik naman ako. At natulala lang na nakatingin sa kaharap ko..

"ANONG GINAGAWA MO DITO/ WHAT THE F.CK ARE YOU DOING HERE?" sabay pa talaga kaming nagsalita.

Una akong nakabawi sa pagkagitla ko.

"Anong ginagawa mo dito ha?!" sigaw ko.

"I guess I should be the one asking you that.. What are you doing in MY house?" nakakunot ang noong tanong niya..

MY HOUSE..

MY HOUSE..

MY HOUSE..

"B-bahay mo to?" tanong ko. 0___0 Srsly, bahay niya to?!

"Kakasabi ko lang diba? Bingi ka?!" angil naman niya.

Napikon ako. Tawagin ba naman akong bingi. Napatayo ako bigla. (Remember nakaupo ako sa toilet bowl)

"Nagtatanong lang ako. At mas lalong hindi ako bingi!" sigaw ko sa kanya.

Pero nagtaka ako sa mukha niya. He was shocked pero hindi sa mukha ko nakatingin. Sinundan ko ang tingin niya at dumako ako sa.... sa...

Nahila ko naman ang maluwag kong t-shirt pababa. Ngayon ko lang naalala na naka shirt lang ako na maluwag at undies! Kasi dapat maliligo ako pero dahil sa ganda ng banyo eh nakalimutan ko na yun ang gagawin ko.

"B-BASTOS!" sigaw ko sa kanya.

Nag-iba siya ng tingin.

"Bakit ako ba nag-utos sayo na pumasok sa BANYO KO ng nakaganyan lang?" painosenteng sagot naman niya.

"Hoy! Wag ka na magmaang-maangan! Bastos ka!" sigaw ko.

"HOY, kung makangawa ka parang ang ganda naman ng katawan mo! Para ka ngang stick! Hindi kita pagnanasahan kahit kailan. Asa ka. Sa gwapo kong to." bastos talaga to. Ginanun na nga ako nanlait pa.

Sobrang inis ko na talaga!

"Alam mo! Gwapo ka nga pero ang pangit ng ugali mo! Ang lumanay mo manglait ah!!" namaywang ako kaya naman nahila pataas ang shirt ko and my undies was exposed a little bit.

Napatingin na naman siya.

"Magbihis ka nga! Ang pangit ng katawan mo!" sabi niya sabay talikod.

"AAAAAAAAHHHHH!" sigaw ko sabay takbo palabas ng banyo. Hinanap ko ang pajama ko at tumakbo palabas.

Nakasunod pala siya sa akin.

"Hoy! Hindi pa tayo tapos." tawag niya sa akin.

Hinarap ko siya ng nakataas ang isang kilay. yung pwede nang sampayan ng nilabhang mukha ni Dylan! ;//

"BAKET?!" angil ko.

"Anong ginagawa mo sa bahay ko!"

"Hindi mo to bahay! Bahay to ni MA'AM DEEVAN! Kuha mo? Kay Ma'am Deevan to!" sabi ko sabay pamaywang. Nakikipagtaasan na ako ng boses sa kanya.

He smirked then walked towards me. Atras naman ako ng atras.. hanggang nakasandal na ako sa pader. He planted both of his hands on the wall kaya parang nacorner ako. 0___0

"Ma'am Deevan uh? this is my house! Because, she is my mother!"

"Eh, NANAY MO LANG NAMAN SI MA'AM DEEVEN EH! KUNG MAKAASTA KA! MOTHE--" 0_____0

*SHE IS MY MOTHER*

*SHE IS MY MOTHER*

*SHE IS MY MOTHER*

0______0

Nanay mo siya?!

--------------------

"Oh, nagkita na pala kayo. Mukhang di ko na kayo kailangan pang ipakilala sa isa't-isa." si Aling Ancy.

Automatic na bumitaw siya sa pader at tumayo sa harap ni Aling Ancy.

"What is the meaning of this Nanay Ancy?" tanong niya sa huli.

Ngumiti lang si Aling Ancy at tumabi sa akin.

"Rash, meet Dylan Lautner.. Dylan, anak.. meet Rash, your babysitter."

0____0

I'M GONNA DIE.. I'M SO GONNA DIE.. GOODBYE EARTH..

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

******************************************* [9] Chapter 8 ;) When Rashes Collides with Dylandan

******************************************* Rash' POV:

"Rash, meet Dylan Lautner.. Dylan, anak.. meet Rash, your babysitter."

"Si Dylandan?!?" bigla kong sigaw.

Marahas na lumingon sa akin si Dylan. "What did you call me?!"

"Wala! Manahimik ka muna!" angil ko sa kanya. Di ko kasi matanggap na siya ang aalagaan ko. I mean, adik ba ang nanay neto at kailangan niyang ipa-babysit?!

Hinarap ni Dylan si Aling Ancy. "Nanay Ancy, this is a joke right?"

Hindi sumagot si Aling Ancy. Sa halip ay seryosong tinignan lang si Dylan.

Nakita kong kumuyom ang palad ni Dylandan. Then he stormed out of the room.

--------------------------

Buong araw kong hindi nakita si Dylan ngayon. Ewan ko kung saang lupalop yun napunta. Baka di niya matiis ang kagandahan ko at piniling umalis sa bahay niya. HAHAHAHAHA!

Pero natigil din ako sa makasaysayan kong pagbubunyi ng maalala ko ang pagiging babysitter ko. "Naku, paano na to ngayon? Paano ko aalagaan ang damuhong iyon, eh hindi ko nga siya kasundo eh."

*Buntung-hininga*

"Magresign na lang kaya ako?"

Tama! Aalis na lang a--

** Once you sign this, there's no turning back. **

AAAAAAAAHHHH! Oo nga pala! hindi na nga pala ako pwedeng umalis. Pinirmahan ko kasi yung kontrata.. Ahuhuhu T___T

Napatingin ako sa labas ng bintana. Gabi na pala.. Bukas, kailangan ko ng simulan ang trabaho ko. Kinuha ko sa bag ko ang picture ng mga magulang ko at umupo sa kama ko.

"Nay.. ano gagawin ko?"

"Umalis ka sa bahay ko."

"Pero nay.. ginagawa ko naman po to para sa kinabukasan ko.. tsaka, di na po ako pwedeng umalis.. pumirma na ako sa kontrata.." sabi ko sabay titig sa picture.

"Talaga? Ngayon mamili ka.. aalis ka sa bahay ko o kakaladkarin kita palabas?" sabi ulit ng boses.

"HAHAHAHAHA.. Ikaw talaga nay.. Pano mo naman yun gagawin eh, wala ka na di---" Napasinghap ako. Nagsasalita ang picture?!

Nabitiwan ko sa kama ang picture nina nanay at napatayo, pero nabigla din ako kasi may nagsalita ulit.

"Pft. I can't believe Mom hired you. Binigyan ba naman ako ng babysitter na tanga na nga.. sobrang tanga pa.."

Napalingon ako sa pinto. Ayy! Siya pala yung sumasagot sa akin kanina.

Tinignan ko siya ng masama.

"Anong sabi mo?!"

"Sabi ko tanga ka. TANGA KA."

Aba't! Ipagdiinan ba? Mapapatay ko to. Pigilan niyo ko!

Malalaki ang hakbang na lumapit ako sa kanya.

"Ganon! Eh kung ako tanga.. ikaw BABY! Kaylangan mo pa ng babysitter!"

Nakita kong nag-iba ang itsura niya dahil sa inis.

Dahil sa maliit ako kung ikukumpara sa kanya bigla na lang niya akong sinuggaban at tumigil sa mismong harapan ng mukha ko.

"You said I'm a BABY.."

Kinabahan ako bigla sa expression niya. Pero dahil sa iniluwal ako ni Mama na matapang hindi ko siya inurungan.. Nakipagsukatan ako sa kanya ng tingin.

"Oo. BABY ka! Plus mukhang hindi ka lang BABY, BAKLA ka pa."

Hindi siya sumagot. Tinitigan niya lang ako. Gasinulid na lang ang layo ng mga mukha namin, tipong pag may nagkamaling pitikin ang likod ng DAMUHONG to ay .. alam niyo na..

Dahil sa hindi siya sumagot. Feeling ko, naka 1-0 ako dun kaya ngumisi ako.

"Oh, ano ka ngayon.. Aminin mo na kasi, BABY ka.. Ay hindi BAKLA ka rin. Kaya tatawagin na kitang BABY-BAK--"

*TSUUUUUUUP*

Nanlaki ang mga mata ko.

Bigla siyang tumindig. Pagtingin ko sa kanya, nakangisi ang demonyo!

"Who's GAY?" he said confidently.

He k-kissed me.. 0____0

"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!!" tili ko sabay tulak sa kanya palabas. Then I banged the door close.

** SA KWARTO **

"Ajujujujujujuju T____T"

"AAAAAAHHHHHHHHH!!" ngawa ko habang nakabaon ang ulo ko sa unan.

Hinalikan niya ako. Ang pirst kiss ko! Ang pirst kiss ko!!

Labing-anim na taon kong iningatan yun.. Tapos ganon lang?! Walanghiyang Dylandan kaaaaaa!! Pipisain kita! Itaga mo yan sa kidney mo! GRRRRRRRRRRRRR.. >.>

Nakatulog akong nag-ngingitngit. Pagsisisihan mong ginanun mo ako Dylandan ka.. Yooowatchout!

*Kinabukasan*

"Rice and Shine Rash! Simula na ang pangmagandang revenge mo!" kausap ko sa sarili ko.

No. 1 on the list, WAKE HIM UP at 5 AM.

4:30 pa lang pero dahil may atraso siya sa akin. Gigisingin ko na siya. *Evil Laugh*

(Dahil ako ang babysitter niya. May duplicate key ako ng kwarto niya. Kaya pwede ko siyang patayin anytime. Muahahaha! De, joke lang. Di naman ako mamatay tao. Ang ganda ko namang kriminal no!)

Pumasok ako sa kwarto niya at naglakad papunta sa kama ni "Young Master" kasi mahirap naman kung lilipad ako diba.. Peace yo!

Nakita ko siyang tulog na tulog pa. Hmmm, akalain mo nga naman.. Ang hudas, ang bait pag tulog. Dapat kasi di ka na nagigising.. Para forever ka ng mabait tignan. Mabawasan naman ng arogante sa mundo. Aroganteng nanghahalik sa LIPS! >///< Dahil sa naalala ko na naman.. nainis na naman ako. For nth time.

Okay..Let's do this!

"Hoy! Gising naaaaaa!!"

Inantay kong gumising si Dylan. Pero wa epek ehh.. Okay, plan B!

"Hoy.. Gising na! Pag di ka gumising, kukunin ka ni Batman tapos itatapon sa lawa ng kapangitan!" sabi ko sabay yugyog kay Dylan.

Wa epek parin.. PLAN C!

Niyugyog ko ulit siya pero this time, malakas na.. At ang damuho, NAGTALUKBONG LANG!

Iniinis mo talaga ako uh! Humanda ka ngayon! Hindi mo ba alam na kilala ako sa lugar namin na may pinakanakakabasag eardrums na tinig? Pft.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. On three, tatanggalin ko ang kumot at titili na parang nasusunog ang katawan ni Dylan. Bwahahahaha!

1..

2..

*TANGGAL!*

Babasagin ko na sana ang eardrums niya pero pagtanggal ko sa kumot, nakamulat na pala siya. Napatigil ako sa plano ko at na-freeze na lang.

"Ang ingay mo." he planted his palm on my forehead and pushed me, ng UBOD NG LAKAS.

Kaya ako, natumba! Unang puwet!

A-aray! Tinignan ko siya using my deathnote look.

"Bakit ka nanunulak ng mukha?!"

"Mukha ba yon? Akala ko kasi pader."

"Aba't! Ang kapal mo naman!"

"Hindi ako makapal! Gwapo ako."

"ASAAAAAAA!!!"

"Teka!Ba't ka nandito sa kwarto ko?!" siya naman ang nakasigaw ngayon.

"Para patayin ka. Hello?!Ginigising kita! Di ba obvious?!"

"Malay ko ba kung plano mo akong gahasain."

Umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo. 9___9

ANO RAW?!

"ANGKAPALMOTALAGA!PARAKANAMANGKUNGSINONGGWAPO!"

Tinignan niya lang ako.

"Get out. Istorbo ka sa tulog ko." sabi niya at nagtalukbong ulit.

Matutulog siya ulit?! tumingin ako sa wall clock. OhMayGasshRash! 1 minute na lang at 5 AM na!

Sinugod ko siya sa higaan niya at mabilis na tinanggal ang talukbong niyang kumot.

"Hoy! Gumising ka na!"

Nagmulat siya ng mata.

"Baket ba kasi?! Patulugin mo ako pwede? Sinong matinong taong gigisingin ka ng ganitong oras!"

Pagod na akong kausapin siya kaya naman kinuha ko sa bulsa ko yung listahan ng dapat kong gawin bilang isang babysitter.

At itinapat sa mukha niya ng sobrang lapit.

Itinuro ko ang number 1.

"KITA MO NA! NO.1 WAKE HIM UP AT 5. IKAW ATA ANG TANGA AT DI MOKO MAINTINDIHAN!" sigaw ko.

Hindi siya sumagot. Tumalikod ako para kalmahin ang sarili ko. Na-hihighblood ako sa insektong to!

Nang biglang nakarinig ako ng humihilik.

Paglingon ko. TULOG ULIT?!?

"AAAAAAAAAHHHHHHH!!!" tili ko. Nakita ko siyang bumalikwas.

"Pag hindi ka tumayo diyan! Papatayin kita!" angil ko sa kanya. Bahala na kung ako lang ang tanging babysitter na binabantaang patayin ang inaalagaan. Kung siya lang din naman ang aalagaan ko, mababahiran ng dugo ang malilinis kong kamay!

Lumabas ako at pabalibag na sinara ang pinto.

----------------

Dylan's POV:

Kanina nung bumukas ang pinto, dalawa lang ang inaasahan kong pumasok. Si Nanay Ancy, o ang babaeng kinaiinisan ko. Si RASHES. Hahaha! Akala niya siya lang ang marunong ng ganyan. Sino siya para tawagin akong DYLANDAN? Sa gwapo kong to!

Nung ginigising niya ako, matagal na akong gising. Nagtutulog-tulugan lang ako, para mainis at lumayas na sa BAHAY KO. Pano ba naman kasi, bahay ko pero di ko siya mapalayas dahil si Mommy lang ang pwedeng gumawa non.

*FLASHBACK*

"Hoy.. Gising na! Pag di ka gumising, kukunin ka ni Batman tapos itatapon sa lawa ng kapangitan!" sabi niya sabay yugyog niya sa akin.

Di ako gumalaw. Sige, mabulok ka kakagising diyan. Lalayas ka ding kusa. Sino ba namang gigising pag ganun ang panakot? 18 na ako, tapos gagamitin niya yung linyang ipapatapon ka ni batman? Pft.

Niyugyog niya ako ulit, this time malakas na. Aray ah. Wala pang gumagawa sa akin ng ganito. San man ako pumunta, halos sambahin na ako ng mga kababaihan tapos siya kung makayugyog sa akin? Di ko siya pinansin, sa halip nagtalukbong ako.

Ramdam ko ang inis niya. HAHAHAHAHA. Babae ka lang. Walang dadaig kay Dylan Lautner.

Naramdaman kong lumapit siya. Nakatalukbong lang ako ng biglang hinablot niya ang kumot ko. Ang lapit niya. Napatingin ako sa mukha niya then to her lips. Last night, nahalikan ko na to eh.. ang ingay kasiiii..

Halikan ko kaya to ulit?

Sabog ka ba Dylan? Naiinis ako sa sarili ko. Eh, ano kung ang ganda ng hugis ng labi niya? Sa inis ko, hinawakan ko noo niya at tinulak siya ng ubod ng lakas. Natumba siya.

- END OF FLASHBACK -

Tumayo na ako sa kama at nag-unat. Ibang klaseng babae, babysitter ko nga pero binantaan ba naman akong papatayin ako. Makaligo na nga.

"Hmmmm, kung di ko siya mapapaalis dito, puwes. Gagawin ko lahat, umalis lang siya ng siya mismo ang may gusto."

Then I walked towards my bathroom.

---------------------

Rash' POV:

"Pft. Ewan ko kung saan nagmana yung hudas na yon. Mabait naman si Ma'am Deevan. Baka anak ng kapre yang si Dylan. O baka napulot nila sa kanal." litanya ko habang nagbibihis.

Tinignan ko yung listahan. No. 2 - Let him drink his vitamins.

Nasan ba yung vitamins nung Dylandang yon? Matanong nga si Aling Ancy.

Bumaba ako para tanungin si Aling Ancy. Ang tagal kong dumating sa baba. Jusmiyo, ke haba-haba ng hagdan. Itulak ko kaya si Dylan dito para mamatay na iyon? XD Ahihihi. Ang sama ko naman.

Nakasalubong ko yong isang maid.

"Ahh, asan si Manang Ancy?"

"Nasa kusina." sagot niya.

"Sige salamat"

*SA KUSINA*

"Magandang umaga po Manang Ancy."

"Oh, magandang umaga. Kamusta na kayo ng aalagaan mo."

Automatic na nalukot ang mukha ko. Nakaka- BV talaga yung Dylandang yun.

Tumawa si Aling Ancy.

"Naku, pagpasensyahan mo na yong batang yon ah. Masyado lang talagang seryoso yun. At ayaw nong inaalagaan."

"Ganon? Eh bakit po kumuha ng babysitter para sa kanya?

"Ah, kasi si Ma'am Deevan.. masyadong protective sa anak. Only boy niya lang din kasi yan."

Tumango-tango na lang ako.

"Ay, nga pala.. Asan po ba yung vitamins ni Dylan?"

"Vitamins?" tapos nakita kong nag-iba ang expression ni Manang Ancy. Yung parang matatawa na ewan.

"Bakit po?" taka kong tanong.

"Nasa medicine cabinet yung vitamins niya. Yung may nakasulat na "Dylan"." sabay ngiti ng makahulugan ni Manang Ancy.

"Ahh.. Okay po." tapos tumalikod na ako.

"Rash.." tawag ni Manang Ancy. "Po?"

"Goodluck."

--------------------

Papaakyat na ako ngayon sa kwarto ni Dylan. Bakit kaya ganon yung expression ni Manang Ancy? Tinignan ko yung hawak-hawak kong gamot. Parang plain vitamins lang din naman to.

Tumigil ako sa tapat ng kwarto ni "Young Master the Amfufu Dylandan".

*Inhale* * Exhale*

I pushed the door open then ... then ...

Drops of water dripping from his hair..

Aftershave..

T O P L E S S..

0______0 AAAAAAAHHHHHHHH!

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

Like the BTYM Official FB Page: https://www.facebook.com/BabysittingTheYoungMasterRashdyl?ref=hl

******************************************* [10] Chapter 9 ;) - Vitamins ******************************************* Rash' POV:

*Inhale* * Exhale*

I pushed the door open then ..

Halos, malunok ko ang buo kong existence. My Goodness Gracious Man So Gorgeous! 0____0

Lumingon siyang in slow motion. Walanghiya! Parang nasa taping lang ako! Nanginginig ang kamay ko. Nakatayo siya ngayon sa gilid ng kama niya, basa pa ang buhok, at topless!

"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!" tili ko. Automatic kong nailapag ang baso kong dala sabay bato sa kanya nong lagayan ng vitamins niya. Tinamaan siya sa mukha. Ang galing ko umasinta kahit naloloka na ako sa nakita ko.

"BASTOS!" then tumakbo ako palabas ng kwarto niya. Daig ko pa ang sumali sa marathon sa bilis ng takbo ko makaabot lang ako sa kwarto ko agad-agad!

Pagkapasok ko, I locked the door tapos parang trumpong nagpagulong-gulong sa sahig. Alam ko, ang weird ko tignan pero nabigla ang bilbil, kilay, pilikmata, ngipin at ang buo kong pagkatao sa nakita ko kanina! ;0 Ikaw ba? Pag nakakita ng lalakeng bagong ligo at parang model ng bench na nakatopless at ipinagyayabang ang AB niya, osya sige ABS! hindi ka ba matrotrolaler? Nagkasala tuloy mata ko!

"OhMayGasssshh.. My eyes! My virgin eyes!" sabay takip ko sa mga mata ko. Ajujuju T__T Isinilang na aberya sa buhay ko si Dylan! Don't get me wrong! Hindi ako haliparot! Ganito lang talaga ako mabigla.

"Okay Rash, wala kang nakita.. wala kang nakita.." tapos tumayo ako. Siguro naman may suot na yong pang-itaas ngayon? Kaylangan kong ickeck kung uminom ba siya ng vitamins. Baka pag nalaman ni Ma'am na hindi uminom ng vitamins ang anak niyang talipandas mag-launch bigla ng missile si Ma'am Deevan at asintahin ang kagandahan ko.

I opened my door tapos halos himatayin ako sa nakita ko.

Si Dylan, nakatayo sa hara ng pintuan ko, nakakunot ang noo, hawak-hawak ang lalagyan ng vitamins at TOPLESS parin! Mahabaging Langit!

0___0

Hindi ako nakapagsalita.

"Bakit mo ako binato ng bote ng vitamins?"

"Bakit wala kang t-shirt?!" ganti kong tanong.

"Hindi sinasagot ang tanong ng tanong rin."

"Puwes, kung gusto mong sagutin kita ng maayos, wag kang haharap sa akin ng parang pulubing walang perang ipambili ng t-shirt o di kaya lalakeng nagpipilereng na maganda ang katawan! Hindi tamang maglakad ka ng walang pang-itaas!"

"Eh ano ngayon kung wala akong t-shirt?"

"Alam mo.." simula ko. Pero bigla niyang pinutol ang sasabihin ko.

"Hindi ko alam."

"Kasi--"

"Kasi ano?"

"Ano kasi--"

"Anong ano?" tanong niya. Nairita na ako.

Tinapakan ko ang paa niya. Napa-aray siya.

"Patapusin mo ako okay?! Saba't ka ng sabat!"

Tinignan niya ako ng masama.

"Inumin mo yang vitamins mo. Tapos, magsuot ka ng pang-itaas." matigas kong sabi habang nakatingin sa sahig.

"Bakit di ka makatingin sa akin?"

"Bakit kailangan kitang tignan?" sagot ko naman.

"Kasi, ang gwapo ko na, ang macho ko pa." sagot naman niya.

"ANG KAPAL MO! Tibagin ko yang abs mo eh!"

"Oh, di inamin mo ring macho ako!"

"ASA! Tamaan ka sana ng kidlat! Yung 1 trillion volts para pati kaluluwa mo matigang!" then I slammed my door close.

----------------------

Dylan's POV:

"Pft! Asa siyang iinumin ko to. No way, si Nanay Ancy nga di ako kayang painumin neto. Siya pa kaya." tapos nilapag ko ang lalagyan ng vitamins sa harap ng pintuan ni RASHES.

Bumalik ako sa kwarto ko at naghanap ng shirt. Pupunta lang ako ng club room ngayon, walang klase pero may club meeting daw.

Paglabas ko, napatingin ako sa pintuan ni Rashes. Tapos sa ewang dahilan.. napangiti ako. Pft. Nababakla ka na Dylan. Kailan ka pa ngumiti sa pinto? Sabog ata ako ngayon. Bumaba na ako para mag-almusal. Nadatnan ko si Manang Ancy na inaayos ang breakfast ko.

"Morning Nay.."

"Ohy, morning Dylan. Kamusta ang tulog mo?"

"Wala akong tulog. Ginising ako nung kati-kating yun!"

"Kati-kating?"

"Si RASHES."

"Rashes? Di ba Rash lang ang pangalan niya?"

"Eh, Dylan lang naman ang pangalan ko, pero tinatawag niya akong Dylandan!"

Natawa si Nanay Ancy. "Kayo talagang mga kabataan. Kunwari nag-aaway, yun pala.."

"Anong yun pala Nay?"

"Wala..wala.. Hala, kumain ka na diyan. Mukhang may lakad ka?"

"sa school po ako. May club meeting."

"Ganon ba? Eh, kung ganon mas mabuting magsabay na kayo ni Rash. Pupunta rin daw siyang school eh. Diba iisang school lang din ang pinapasukan niyo?"

"AYOKO SIYANG KASABAY/ NO WAY"

sabay pa kaming nagsalita.

At ano? Ayaw niya akong kasabay? Sino siya para maging choosy? ang daming nagkakandarapang babae makasabay lang ako sa sasakyan tapos siya? Aayawan ako?! Puwes! Humanda siya.

"Ako rin naman ayaw kang kasabay pero since tatanga-tanga ka, kaylangan kitang isabay. Masagasaan ka pa ng bike eh." sabi ko. Iinisin ko to hanggang siya na mismo ang mag-alsa balutan!

"Hoy! Wala kang obligasyon. As if gusto kitang kasabay!" sagot naman ni RASHES.

"Amo mo parin ako kaya respetuhin mo ako!"

"Hoy! FYI! hindi ikaw ang amo ko, si Ma'am Deevan Lautner ang amo ko. At ako ang dapat mong respetuhin dahil ako ang babysitter mo! BABY ka lang!" angil niya.

"Baby pala uh! Halikan kita ulit diyan eh!" angil ko naman.

Natahimik siya. Pero natahimik rin ako. Sh*t nakalimutan kong andito si Nanay Ancy. Paglingon ko nakangiti lang siya. Narinig kaya niya yun? Kasalanan talaga to ng Kati-kating to!

"Oy, itong mga batang to. wag kayong mag-away sa harapan ng pagkain. Mabuti pa kumain na lang kayo.."

Nagtitigan lang kami ng masama.

-------------------------------

Rash' POV:

"Baby pala uh? Halikan kita ulit diyan eh!" sabi ni Dylandan.

Sasagot pa sana ako ulit ng biglang, HAHALIKAN?? SHHHHHHHH.. Ayun natahimik ako bigla.

"Oy, itong mga batang to. wag kayong mag-away sa harapan ng pagkain. Mabuti pa kumain na lang kayo.." sabi ni Manag Ancy.

Nagsukatan kami ng tingin. Tapos sabay naming hinawakan ang lagayan ng kanin. Naghilahan kami.

"Ako una!"

"Hindi! Ako sabi eh!"

"Ano ba!"

"Hoy! Babysitter kita, kaya dapat ako pagsilbihan mo."

Napatigil ako don uh. Oo nga naman. Akala ko nga ang trabaho ko dito ay inisin si Dylan. Ahihihi!

Kaya hinila ko ng malakas ang lagayan ng kanin. "Okay. Fine." Kinuha ko yung plato niya at pinaglagyan siya ng kanin. To be exact, gabundok. Pinuno ko ng ulam at kung anu-ano pa. Nakita ko kung paano namilog ang mga mata niya.

"Oh, ayan.. ubusin mo yan baby uh? Ang sweet ng babysitter mo no? Wag ka magtitira.. magagalit si Lord." sabi ko. Pa-sweet pa ako para talagang mainis siya.

Tinignan niya ako with the Seriously-kailangan-kong-ubusin-to-lahat look?

I smiled at him naughtily.

Natawa lang si Manang Ancy.

"Akala mo, uurungan kita. Aalis ka rin sa BAHAY KO!" at sumubo na siya. Nakita kong pinipilit niyang ubusin ang pagkain na nilagay ko sa pinggan niya.

"Wag kang magtitira uh. Kasi pag may natira, malulungkot si Babysitter mo." sabi ko pa with all the acting. Tinignan niya lang ako ng masama. Huh! Akala mo lang! Di ako aalis no! Chance ko na to para kumita. Hahaha!

Nang matapos kaming kumain, ang sama ng tingin niya sa akin.

"Oh ano baby? Pupunta na tayong school??" nakangisi kong tanong kay Dylan.

Lumingon siya sa akin tapos ngumiti ng nakakaloko. Bigla tuloy akong kinabahan.

"Babysitter.. Gusto ni Baby Dylan na maglakad ka papuntang school."

That's it.. napanganga ako.

----------------------------

After 786654399099876434321 Years ng paglalakad, nakaabot rin ako sa school. Ampupu, ang layo pala ng bahay nina Dylan sa school. Namaga ang talampakan ko kakalakad. Kaylangan ko na pumunta sa club room, pinapupunta ako ni Claudette dun eh.

Tumigil ako sa tapat ng Club Room. Then I pushed the dambuhalang door open. Nilakasan ko talaga sa pagtulak. Makaganti man lang ako nang tinamaan ako ng pintong to last week. Pft.

Pagbukas ko, narinig ko ang boses ng boys. Parang nag-chicheer na ewan. Habang ang girls naman ay nagtatawanan.

"Someone has a babysitter. B - A - B - Y - S - I - T - T - E - R! Kanta ni Ken."

Tumatawa naman si Angelo at nag-apir ang dalawa. Wala pa sina Claudette Patricia at Angelo, ang nandito eh si Cheska, Chinette at Kriscelle. Speaking of Kriscelle, nakangiti to kanina pero biglang sumimangot ng makita akong pumasok. Ako lang ba o talagang inis siya sa akin? Luhh, may kaaway na naman ako? Pft.

"Oh, Hi Rash!" bati ni Chinette. Dali, laro tayo plants vs. zombies! Eto talagang si Chinette.. Ang kulit tapos pinaka-isip bata.

"Pangit yang Plants vs. Zombies, buti pa karera nlang tayo oh. Tara, racing tayo Chinette!" aya naman ni Cheska kay Chinette.

Chinette pouted. "Ayaw, kahit pa kariton lang ang karera natin, talo parin ako. mabasag pa bungo ko. Grabe ka pa naman makipag-racing.

Ngumiti na lang ako sa kanila.

Then I looked at Dylan. As usual, nasa Golden Chair niya at nakaupo na parang walang pakialam sa panunukso ng mga clubmates niya.

"Hmmmm.. Paano ba ako tityempo para mapainom kay Dylan yung vitamins niya? Hindi niya inimon kasi. Patay ako neto. Plus, di pwedeng malaman ng club na kay Dylan ako nagtatrabaho." sabi ko sa isip ko.

"Ah, ano.. pinapatawag kayo ni Ma'am Geen." pagdadahilan ko. Agad namang nagtayuan ang mga club members. Nang makalabas na sila, hinarang ko si Dylan.

"Inumin mo vitamins mo."

"Ayaw. Out of my way." parang walang pakialam niyang sabi.

"Iinumin mo to? o iinumin mo to?"

Tinignan niya lang ako na parang walang pakialam.

"Iinumin mo to o ipapapainom ko to sayo lahat para maoverdose ka!"

Kinuha niya yung isang tablet tapos tinignan ako. Akmang itatapon na sana niya yung tablet ng biglang nagsipasukan yung mga mga clubmates niya. Automatic niyang ininom ang tablet at patay malisyang tumalikod.

Hindi raw iinumin ah. Takot lang talaga siyang malaman ng club na ako ang babysitter niya. Ako na pinahiya niya last week!

After ng clubmeeting kuno, nagsialisan na ang ibang club members.

Nagpatiunang lumanas si Dylan, kasabay ang tatlong boys na ngawa ng ngawa para maisama si Dylan sa bookstore. Dinig ko pa si Ken eh.

"Tol, sama ka sa bookstore. Paalam ka na lang sa babysitter mo." nagtawanan sila ni Angelo sabay apir.

"Tigilan niyo ko. Pangbabangasin ko pagmumukha niyong dalawa." Narinig kong sagot ni Dylan.

Aalis na rin sana ako ng biglang hinawakan ako ni Kriscelle.

Napatigil ako sabay takang tingin sa kanya.

"Nothing.. You just remind me of something so itchy.. I guess, it's because it sounds like your name - the only difference is that your's is singular." tapos nilampasan niya ako.

Teka.. makati daw? Pangalan ko? Rash name ko eh.. tapos, ano ba plural ng RASH?

Is it just me o she really did smirked?

-----------------------

Kadness' POV: Hawak-hawak ko yung notebook ko habang naglalakad. Nasa bookstore ako ngayon. Walang-hiyang El Filibusterismo kasi to, kaylangan kong i-memorize meaning kailangan ko ring bumili! Ajujuju T.T Ubos kayamanan ko neto.

"Alam mo, Simoun.. para kang alak, kasi nakakasakit ng ulo." salita ko habang hinahanap ko yung libro.

"Oh, El Fili.. El Fili.. Ililibing kita sa Pluto." kausap ko sa sarili ko.

"Pft.. Wala talaga akong mamemorize! Sumasakit ulo ko.. Tapos, argg! El Filibusterismo, where art thou?

"Oh, Eto ka lang pa--"

Nagtaka ako kasi may isa pang kamay na humawak rin sa librong inaasam-asam kong mabili. Actually, kahit ayaw kong bilhin kailangan eh. T__T Mukhang nauna siyang hawakan ang libro kaya imbis ang libro ang mahawakan ko, sa kamay niya naglanding ang tatanga-tanga kong kamay! 0__0

Hinay-hinay akong tumingala sa taong nagmamay-ari ng kamay nato. Kasi parang familiar eh.. Don't tell me..

Nagkasalubong ang paningin namin.

"IKAW?!"

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

******************************************* [11] Chapter 10 ;) - Ms. Al-co-hol's Destiny ******************************************* [Kadness' POV:]

"IKAW?!" Siya yun..Siya yung malakas ang loob na binitbit ako sa kwarto niya >////< Siya yung may-ari nung damuhong asong mas malaki pa ang bunganga sa banga. Siya yung nagbudbud ng ALCOHOL sa sugat ko. At siya yung.. siya yung gumamot sa akin.

"Oh, it's you." he answered while smiling in a really malinamnan way.

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Mamimili ng isda." then he smiled again.

Mamimili ng isda sa bookstore?!?

Tinignan ko siya ng masama.

"HAHAHAHA.. just kidding. Bibili ako ng El Fili book. Kelangan ko sa school, ikaw?"

"Ah.. Ganon din. Pero sige, sayo na lang." sabi ko. Parang baliktad ata, pero siya naman talaga nauna eh, so sa kanya na lang.

"Di, sayo na lang." sabi naman niya.

"Hindi, okay lang.. hahanap na lang ako ng iba. Siguro meron pa namang iba."

Tinignan ko siya. Pft. Parang di gentleman.

Nagkibit-balikat siya then walked towards the counter. Sumunod naman ako, doon na lang ako magtatanong.

"I'll take this." sabi niya sa cashier.

"Okay sir. Naku, maswerte po kayo at nabili niyo po to. Eto na po kasi yung huling stock. Kasi po yung iba, pinareserve na raw sabi nung isang staff namin."

He just smiled. Then handed his payment.

H-huli na yong librong yon? Paano na to ngayon, paanong kinabukasan ko??"

Humarap siya sa akin. Then said,

"Mauuna na ako." then smiled.

Nakalabas na siya ng NBS pero lumong-lumo parin ako. Maygaaaaaass.. kelangan ko na yung book. =.=

Napatingin ako sa likod niya. Mukang wala na akong choice..

"T-teka!" tawag ko sa kanya.

Lumingon siya.

"A-ano.. p-wede bang.."

"Sayo na lang tong libro?" dugtong niya.

Napatingin ako sa mukha niya.

"O-okay lang ba?"

"Hmm.. pag-iisipan ko. Okay." mabilis niyang sagot. Talagang nag-isip ba siya?

Napalapit ako bigla sa kanya.

"Talaga?" kulang na lang mag-star na ang hugis ng mata ko sa tuwa.

"Oo naman."

"Kailangan ko kasi talaga. Gagamitin na namin bukas."

"Yah.. sure." then he handed me the book. Aabutin ko na sana ng biglang imbis libro, kamay niya ang nahawakan ko. 0__0

Tumingin ako sa kanya ng may pagtataka.

"I'll let you have this, but.. you need to pay me."

"Oo naman. Babayaran kita. Magkano ba?" Ajujuju.. Wag naman sobrang mahal. Irereklamo kita sa DTI.

"I don't need your money."

"H-huh?" taka kong tanong.

"You have to pay me in another way. I'll give you the book, if and only if..."

"A-ano?" kabado kong tanong..

He stepped two steps closer then stared right into my eyes.

"Be my date."

[Ken's POV: ]

"Tara tol, NBS tayo." yaya ni Jeff sa akin.

"Sige." sagot ko.

Nakasunod ako kina Jeff at Angelo habang nasa tabi ko ang walang imik na si Dylan. Siya tuloy napagbalingan ko.

"Buti pinayagan ka ng babysitter mo?" tanong ko kay Dylan sabay ngisi.

Tinignan niya lang ako ng masama.

"Pikon talaga to."

"Ken, sasamahan ka pa ba namin?"

"Anong tingin niyo sakin? Baby?" talagang diniinan ko ang pagsabi ng BABY para mainis si Dylan. Trip ko talaga tong inisin.

Nagtawanan naman si Angelo at Jeff habang si Dylan ay parang walang narinig. Ang galing talaga magbingi-bingihan nito.

Malapit na kami sa NBS ng biglang mapadako ang tingin ko sa babaeng nasa bookstore at naghahanap ng libro.

Napatingin ako sa mga kasama ko.

"Wow pre, may maganda sa bookstore. Sama kami." si Jeff.

"Tigilan niyo ako. Puro babae ang nasa isip niyo."

Tinignan ako ng masama ni Jeff, sabay sabing..

"Wow, hiyang-hiya naman kami sayo. Parang di ikaw ang pinakababaero sa amin."

"Ulol! Nagbago na ako." sabi ko naman. Ewan ko ba kung bakit ko nasabi yun? Bigla na lang lumabas sa bibig ko.

Natahimik si Jeff na kanina ay dada ng dada na pasamahin ko din siya sa bookstore.

Tapos biglang humagalpak ng tawa pati si Dylan.

Ganon na ba kahindi kapani-paniwala na magbabago ako? Kasalan ko bang lapitin ako ng babae? Pft. =3=

"Wow pre, nag-pout si Ken! Kaninong chicks mo yan nakuha yang pag-pout?"kantyaw ulit ni Jeff sa akin.

Nag-pout ba ako? Pft. Nahawa na ata ako sa babaeng yun. Pout kasi nung pout nung ginagamot ko pa siya.

"Oh, natahimik ka na? Hirap ka bang alalahanin kung kanino mo yan nakuha?" pang-iinis ni Angelo. Pati ba naman si Angelo na tahimik pa sa basong itinago sa kahon at inilibing 60 feet below the ground ay inaalaska narin ako. Pft!

"Tigilan niyo nga ako." Napalingon ako sa isang shop sa mall. aha! Mukhang magagawan ko narin ng paraan para umalis sa harapan ko tong makukulit nato.

"Jeff.." sabay kalabit ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin. tinuro ko naman yung shop na may mga human sized action figures.

Nakita kong napangisi si Jeff at agad na hinila si Angelo. Bored na sumunod naman si Dylan sa kanila.

Napangiti ako. Okay, time to make my move.

*National Book Store*

Pumasok ako sa NBS. Kasi mahirap naman kung lalabas ako tapos sa labas din ako nanggaling. Aha! Corny.. XD Pumwesto ako sa kabilang parte ng NBS. Yung matatakpan ako ng mga libro.

""Oh, El Fili.. El Fili.. Ililibing kita sa Pluto." boses ng babaeng nasa kabilang parte ng NBS. I recognize this voice.

"Pft.. Wala talaga akong mamemorize! Sumasakit ulo ko.. Tapos, argg! El Filibusterismo, where art thou?" sabi niya ulit. Napangiti ako. I never imagined going this far para lang mapalapit sa babaeng kahit may katangahan eh wagi ang kagandahang hindi na nagpatulog sa akin mula nung ginamot ko ang sugat niya.

Lumapit ako sa counter at kinausap ang isang staff.

"Uhm, please reserve all the El Filibusterismo books except one. I'll buy it."

Nakita kong parang natulala yung staff. Okay, mukhang nagwapuhan ata. Ehem.. XDD

"Miss?" tawag ko sa staff. Bigla siyang natauhan at ngumiti. "Of course sir. It's my pleasure." Bago pa siya magdada doon, tinalukaran ko na ang staff na kung makatingin sa akin, parang lalamunin ako ng buhay.

Bumalik ako sa pinanggalingan ko kanina at lumipat din malapit sa kinatatayuan ni Alcohol. Alcohol ang tawag ko sa kanya kasi nakalimutan kong tanungin ang pangalan niya. Bakit alcohol? Wala lang, naaliw lang ako sa kanya nung takot na takot siya sa alcohol. Halos maiyak na siya ng malaman niyang alcohol ang gagamitin ko na panggamot.

Nang mapansin kong malapit na niyang makita ang El Fili book, inunahan ko na siya at hinawakan ang libro. Hindi niya ata ako napansin kaya ng hahawakan na niya ang libro sa kamay ko nag-landing ang kamay ni Ms. Alcohol. Such cute nails. XD

Nakita kong nabigla siya. Then she looked at me in slow-motion. (ANO RAW?!?)

I smiled.

"IKAW?!" bigla niyang sabi.

After nun. Nagtulakan pa kami kung sino ang bibili ng libro pero in the end, it turned out according to my plan. Sa akin napunta ang libro at talagang pinarinig ko sa kanya na ito na ang huling stock.

I bid goodbye to her then walked out of the store. I counted 1 to 3. I bet on three, tatawagin ako neto. Isasanla ko talaga lahat ng action figures in Jeff kung hindi niya ako tatawagin. (Kawawang Jeff)

1..

2..

and..

"T-teka!"

I gave out a lope-sided grin, I knew it. Seems like I'll be having a date this week-end.

"A-ano.. p-wede bang.."

"Sayo na lang tong libro?" dugtong ko.

"Uhm, pwede ba?" nahihiya niyang tanong.

Nag-isip ako kunwari pero syempre pumayag ako. Hello? Plano ko kaya to. Eh di nasayang lahat ng effort ko kung hindi ako pumayag. XD Let's do this!

"Talaga?" halos lumuwa ang mata niya sa tuwa. Ang kulit talaga ni Ms. Alcohol nato.

"Oo naman."

"Kailangan ko kasi talaga. Gagamitin na namin bukas."

"Yah.. sure." then I handed her the book pero kunwari lang. Aabutin na sana niya ng biglang imbis libro, ang kamay ko ang inabot ko sa kanya kaya nahawakan niya to. XD

Tumingin siya sa akin ng may pagtataka.

"I'll let you have this, but.. you need to pay me."

"Oo naman. Babayaran kita. Magkano ba?"

"I don't need your money."

"H-huh?" taka niyang tanong.

"You have to pay me in another way. I'll give you the book, if and only if..."

"A-ano?" tanong niya. I can feel her shiver since hawak hawak ko parin ang kamay niya.

I stepped two steps closer then stared right into her eyes.

"Be my date."

[Kadness' POV:]

"H-huh?"

"I know you heard me." he said.

Niyaya niya ba akong makipag-date? Date? Pano if pagkatapos, hindi na ako makauwi? Dalhin niya ako sa bahay niya? Amuuuuu.. Ayaw.. Ayaw ko talaga. 0_0 AAAAAAAHHH! Bata pa ako.

"P-pero.."

"Ayaw mo? Okay lang." then he started walking away. Homaygassh. Libro ko.. need ko yan eh. No more future na! Bagsak ako neto. Itatali ako ni mama sa hagdan namin. Ajujuju T__T

"T-teka!" Tumigil siya sa paglalakad then lumingon.

"P-pero di pa nga natin kilala ang isa't-isa eh."

"That's why we need to go on a date." sagot naman niya. Masyadong persistent to ah.

"Pinagnanasahan mo ako no?"

He laughed. "hindi pa. Malapit na." sabi niya.

"Huh?"

"Sabi mo, pinagnanasahan kita. That's my answer."

0__0 Huh?! Sinabi ko ba yun? Eh nasa utak ko lang yun eh!

"S-sinabi ko yun?"

He laughed then pinched my nose.

"Oh ano? Okay na?"

Hindi ako sumagot.

"I'll take that as a yes."

"H-huh?"

"Saturday, 6 PM. I'll pick you up."

"P-pero.. di mo alam kung taga saan ako."

"No need to worry about that. Mas madaling hanapin ang bahay mo kesa ang marinig na ayaw mong makipag-date sa akin."

H-huh? Ano yun? Di daw niya matatanggap na di ako pumayag? Naloloker na akoooooo.. >/////< Pwede bang mag-blush? Kahit ngayon lang? Hihihi..

"Di ko panga alam ang pangalan mo eh.." mahina kong sabi.

He smiled. "Alam ko naman pangalan mo eh, Ms. Alcohol" sabi niya

Sumimangot ako. " Hindi ALCOHOL ang pangalan ko. Ayaw ko nga nun eh. Ako si Kadness.. Kadness Ramos." sagot ko.

"I'm Ken. Ken de Guzman." then he placed the book in my hand and waved goodbye.

Naiwan akong nakatulala doon. May date ako.. May date ako. >////< Pero natigil ako kasi bigla niya akong tinawag.

"Kadness!"

Napatingin ako sa kanya. Nasa malapit sa entrance ng mall na siya. Ayun tuloy, nagtinginan sa amin ang mga tao.

"See you on Saturday. By the way, you have a really nice name. Bagay sayo. Really beautiful." then umalis na siya.

0/////0 Ambulansya.. Mamamatay na ako.

VOTE, COMMENT & REVIEW ;">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

******************************************* [12] Chapter 11 ;) - His Collar ******************************************* [Dylan's POV:]

It's been a week now. Isang linggo na akong pinipeste ng babysitter kong hilaw. Eh mas isip-bata pa ata yun kesa sa akin eh. Minsan para mawala ang inis ko sa kanya. Dinadaan ko na lang sa pagpapahirap sa kanya. Mayroong, hindi ko siya pinapansin kahit halos ngumawa na siya gumising lang ako ng alassingko. Hindi ko rin iniinom ang vitamins na pilit niyang pinapainom sa akin. Ul*l! Ayoko talagang uminom ng ganon kahit vitamins lang. Umuuwi rin ako ng late kaya wala siyang choice kundi hintayin ako. Buti nga sa kanya. Sino bang may sabing magtrabaho siya dito. Pft! Ginugulo niya buhay ko. Pero kahit ang kulit niya... parang.. seeing her face, gives me this light feeling..

Kahit na..tuwing nakikita ko siya, naaalala ko ang nangyari noon.

Arggg.. Nagdadrama na naman ako. Nakakabakla talaga. =____=

Kainis. Asan na ba yung kating yun? Mapag-utusan nga. Lumabas ako ng kwarto at pumasok sa kwarto ni KATI ng hindi kumakatok. Eh sa sayang sa energy ang pagkatok. Bahay ko kaya to.

"Hoy, kati..." bungad ko. Nakaharap ako sa pinto na isasarado ko pa lang.

Walang sumasagot. Bingi-bingihan lang? Bwesit.

"KATI!" tawag ko ulit. Nakita ko siyang nakaupo sa upuan malapit sa mesa na napapatungan nung lampshade. Lumapit ako sa kanya. At tinignan kung anong nangyari at parang nabingi siya. O baka talagang di ako pinansin? Palayasin ko to sa BAHAY KO eh.

Habang papalapit ako ng papalapit parang nakita kong may tinitignan siya. Ano kaya yan? Hanggang sa nakalapit nna ako at nakatayo na sa harap niya. Napatingin ako sa hawak niya. Photo album??

T-teka.. parang..

"Akalain mo, ganito ka pala ka payatot nung maliit ka pa Dylan." sabi ni KATI.

Agad-agad kong hinablot ang photo-album. Pakshet. Nakita niya yung pictures ko nung baby pa ako! Embarrasing! Walanjo!

"Anong?! Bakit mo pinakialaman ang gamit ko?!" nakasigaw na ako.

"Hindi ah! Nandito yan sa drawer, so malamang makikita ko."

"Kahit na! Gamit ko parin to! KAYA IKAW, MATUTO KANG RUMESPETO!"

Nakita kong nabigla siya. Inaamin ko, nabigla rin ako at nasigawan ko siya ng sobra. Wala lang talaga ako sa mood.

Umatras siya at lumabas ng kwarto. Napaupo naman ako sa upuang binakante niya sabay hawak sa sentido ko. I don't really hate her.. it's just that.. tuwing nakikita ko ang mukha niya, parang nakikita ko ulit si.. ARGGGGG! Sh*t!

I stood up then stormed out the room.

-----------------------

[Rash' POV:]

Sinigawan niya ako..

Sinigawan niya ako..

ANONG KARAPATAN NIYANG SIGAWAN AKO?!

Kung ibang tao siguro ako, kikiligin ako dahil nasigawan ako ni Dylan pero hindi no! Nakakaimbyerna ang masigawan!

"Heller, amo mo kaya yun." sagot ng utak ko.

Pero kahit na! Eh, kasalanan ko ba kung iniiwan niya kung saan-saan gamit niya?! Pft! Hindi siya ang nagpapasweldo sa akin!

"Pero nanay niya ang nagpapasuweldo sayo. At siya ang inaalagaan mo. So syempre, may karapatan parin siya." sagot ulit ng utak ko.

"Eh, kahit na! Pero, tekaaaaaa.. san ka ba kampi? Sa akin? O sa kanya? Kung sa kanya ka, oh di siya, lipat ka na lang ng katawan!" sabi ko naman sa utak ko.

Para na akong tange dun. Kausap ko sarili kong utak. Kasi bwesit naman kasi tong Dylandang to. Pwede naman akong kausapin ng maayos, pero bakit kailangan niyang sumigaw. >.<

"Laaaaaa. Ewan! Makapag-aral na nga muna."

Bumalik ako sa kwarto para kunin ang libro ko. Maya-maya ko pa kaylangang linisin ang kwarto ng demonyo kong alaga. Hihintayin ko munang umalis siya doon sa kweba niya. Ayokong andun siya habang naglilinis ako. Baka mawalis ko pa siya kung pakalat-kalat siya.

Bubuksan ko na sana ang libro ko ng biglang..

"KAAAAAAAAATIIIIIII!!!!"

Nabitawan ko ang libro ko at napatayo bigla. Anong nangyari??! Patakbo akong pumasok sa kwarto ni Dylan. Pagpasok ko nakita kong may hinahanap siya.

"Oh? Anong problema ng bata?" pauyam kong tanong.

Tinignan niya ako ng masama. "Plantsahin mo yung gagamitin kong damit."

"San dito?"

"Tanong ka ng tanong, gamitin mo yang mata mo. Kulang na lang, kalabitin ka ng damit para mapansin mo siya."

Inirapan ko lang siya at pinulot yung polo mula sa kama niya. Habang nagpaplantsa ako, nakita kong labas pasok siya sa banyo. Parang tange lang.

Natapos ko ng plantsahin ang damit niya kaya tinawag ko na siya.

"Oh, tapos na. Kunin mo na to dito, baka bigla gumapang tong damit mo papunta sayo kung di mo siya kukunin." pamimilosopo ko.

"Iwan mo na lang diyan."

Ohy! Himalang di nakasigaw. Nilapag ko na sa kama niya yung damit tapos lumabas ako ng kwarto niya. Babalik na ako sa kwarto ko para mag-aral. May exam ako bukas no. Kahit naman may trabaho na akong maganda ang pasweldo, di na ako mag-aaral ng maayos. Scholar kaya ako.

Umupo ako sa kama tapos pinulot ang libro ko. Bubuklatin ko na sana ulit ang libro ko ng biglang..

"KAAAAAAAAATIIIIII!!" For the second time napatayo ako ulit.Pikon na ako uh? Sobra na tong Dylandang to!

Malalaki ang hakbang na pumasok ako sa kwarto niya. Ready na para basagin ang eardrums ng damuhong alaga ko ng biglang..

"Okay lang ba?" tanong niya sa akin.

Di ako nakasagot agad. Nakatayo siya sa harapan ko, nakabihis na siya at parang ewang nakatingin sa akin. Napipi ako bigla.

"Hoy! Ba't ganyan ka makatingin sa akin?! Pinagpapantasyahan mo ako no."

Napakurap-kurap ako.

"H-hindi ah! Asaness!"

"Aminin mo na kasi. Oh, ano. Okay lang ba?"

"Oo." sabi ko habang hindi tumitingin sa kanya.

"oo? Pinagpapantasyahan mo ako?"

Binato ko siya ng librong napulot ko sa table ng kwarto niya. Agad naman siyang nakailag. "In your dreams! Mamamatay muna ako!" tapos, lumabas ako ng kwarto niya.

Bumaba ako ilang sandali lang. Naabutan ko siyang papasok na sa kusina. Inunahan ko na siya para mabwesit ko na naman siya.

"Oh, dali na bata. Kain ka na." sabi ko habang nilalagyan ng kanin at ulam ang plato niya. Hindi siya sumagot. Sa halip, kinain lang niya ang inihanda ko.

Tumayo na siya at lumabas ng kusina. HMmmm.. Kanina pa yon, walang imik ah? Baka napipi na??

Nasa bungad na siya ng pintuan ng biglang mapansin ko ang kwelyo ng damit niya. Tabingi eh. Natawa ako, napatingin siya sa akin.

"Oh, anong problema? Nabaliw ka riyan?"

"HAHAHAHAHAHA!" tawa ko. Ewan ba, kahit ang babaw ng dahilan, natatawa ako.

Imbis na sagutin siya, lumapit na lang ako at hinila siya. Nakita kong nabigla siya, at inaamin kong ako rin. Hindi ko gawain to. Ayaw ko nga sa kanya eh, pero ewan ko ba.. bigla ko kasing naramdaman na kailangan kong gawin to.

Dahil sa di hamak na maliit ako kung ikukumpara sa kanya, tumingkayad ako at inayos ang kwelyo niya. Pinagpag ko rin ang damit niya.

"Oh, ayan.. okay na." sabi ko sabay tingin sa mukha niya. Tapos, ngumiti ako.

Nakatayo lang siya sa harapan ko, nakatingin siya sa mga mata ko na parang may hinahanap sa kalooblooban ko. Then I saw him look at my lips. Tapos ako, parang ngayon ko lang narealize kung ano ang ginawa ko. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko..

0///////////0

"A-ah.. s-sige! A-kyat m-muna a-ako.. l-lilinisin ko muna kwarto m-mo.."

Tapos, kumaripas ako ng takbo paakyat. Tinakbo ko ang kwarto ko. Pagpasok ko, sinara ko agad ang pinto at napasandal ako.

*DUGDUG.. DUGDUG ..*

"A-ano yun??"

--------------------------

[Dylan's POV:]

Nagtaka ako kasi bigla siyang tumawa. Anyare sa babaeng to? Lumapit siya na parang pati mata ay nakangiti..

Tumingkayad siya. At inayos ang kwelyo ko sabay pagpag sa damit ko. Doon ako nabigla, napatitig na lang ako sa mukha niya. Sa mga mata niya. Ang ganda pala ng mga mata niya.. then to her lips. Nagsisi akong tumingin ako sa labi niya. I suddenly felt the urge to kiss her right there and then.

Pero bago ko pa yun magawa, lumayo siya.

"A-ah.. s-sige! A-kyat m-muna a-ako.. l-lilinisin ko muna kwarto m-mo.."

Habang nakikita ko siyang lumayo, parang bumalik sa akin ang parehong pangyayari dalawang taon na ang nakararaan.

Ikinuyom ko ang mga palad ko then naglakad papunta sa parking space.

Hawak-hawak ko ang manibela ng sasakyan ko at napatingin ako sa kwarto niya.

=Topline High Conference Hall=

Nadito ako ngayon para umattend sa meeting. Di ko to gawain pero I have to. I'll be attending together with Claudette since kami ang representatives ng club. Malapit na ako sa conference hall ng biglang may magtakip ng mga mata ko. At kahit pa buong existence ko ang takpan niya, makikilala ko parin ang makulit at hyper kong kinakapatid.

"Claudette.."

Tapos, bumitaw siya. At lumipat sa harapan ko na nakapaywang.

"Kainis ka. Ba't narecognize mo ako agad?"

"Baket? May iba pa bang gumagawa sa akin ng ganon?" tapos nilagpasan ko na siya.

Para siyang tutang nakabuntot lang sa akin hanggang makapasok kami sa conference hall. Andun na yong ibang mga representatives ng ibang club. Pagpasok namin, nagsilingunan silang lahat.

"Oh, here they come.."

"Oh, my gee.. It's Dylan! He looks so yummy in that polo!"

"Ganda talaga ni Claudette.."

"Akin si Dylan okay, hands off."

"Are you nuts? He's mine!"

Grabe ang bulung-bulungan sa conference hall habang papasok kami. Hindi na rin naman nakapagtataka. We belong to the most prestigious club of the school. Sanayan lang to mga pre. Tahimik lang ako habang naglalakad. Habang si Claudette, umandar na naman ang pagkamaldita kaya, iniirapan niya ang mga babaeng nag-aagawan sa akin. May isa nga siyang tinapakan ang paa kasi hinawakan siya.

"Stop that Claudette."

"Nakakaimbyerna eh.." sabi niya sabay pout.

Umupo na kami sa mga designated chairs namin. Nasa left ko si Claudette habang nasa right ko ang isang lalakeng ang angas tignan. Kung makatingin sa amin eh parang ipapasalvage kami anytime.

Kinalabit ako ni Claudette..

"Pst, Dylan. May napansin ako."

Nilingon ko siya.

"Nasa ayos ang kwelyo mo. Parang may ibang umayos."

Nabigla ako. Oo nga naman, di kasi ugaling pansinin ang ayos ng kwelyo ng damit ko. Kasi nga kahit siguro tabingi o ano pa yan, gwapo pa rin ako. Bwahahaha!

Siniko niya ako. "Galing ah. Ngayon ko lang alam na hinahayaan mo na palang may mag-ayos ng kwelyo mo, kahit si Manang Ancy ayaw mong inaayos ang kwelyo mo, so sino ang babaeng magiging dahilan para makuha ko na ang painting?" sabi niya sabay hagikhik.

"Tigilan mo ako Claudette."

Tumawa lang siya.

Fine, inaamin ko, ngayon lang may nag-ayos ng kwelyo ko. At ngayon lang ako pumayag na may magayos nito. I don't know what got into me pero komportable ako na si Rash ang umaayos sa gamit ko..

Nagsimula at natapos ang meeting na hindi naman ako masyadong nagpay-attention. Ang alam ko lang, meeting yun para sa upcoming club outing. Kasali lahat ng clubs ng Topline High. May mga activities and at the end of the outing, may isang club na itatanghal na panalo. And that club would have the highest fund for the whole school year plus benefits na kahit sino ay gugustuhing makuha.

Pero I'm not really interested. No choice nga lang.. =..=

Palabas na ako ng conference hall ng biglang hinarang ako nung lalakeng katabi ko kanina sabay sabing..

"Huh, you won't win against us Gold Club. Sisiguraduhin naming kami ang mananalo. By hook or by crook."

Tinapunan ko lang siya ng tingin at nilagpasan. Wala akong panahon para sa mga taong ganon.

-----------------------------

Now Playing:

Di Kita Iiwan by Sam Milby

Umiiyak ka na naman mahal Lagi na lang ika'y nasasaktan Sabi niya, hindi ka iiwanan Ikaw ay nabigo, kayo'y nagkalayo

Ako'y nahihirapan Pag ika'y nasasaktan Kung pwede lang naman Sa akin ka na lang

Nakakatawa isipin. Na parang apektado ako sa kantang to.. kung tutuusin, bato ako para sa iba. Pero dahil yon sa hindi nila alam ang dahilan. Hindi nila alam kung ano ang nangyari 2 years ago.

Hindi kita iiwan Hindi pababayaan Sa akin ay hindi ka iiyak na kahit minsan

Hindi kita iiwan..

Tahimik na sa loob ng bahay. Umakyat ako papunta sa kwarto ko, pero napatigil ako sa tapat ng kwarto niya.

Fine, I'll let my guard down just this once. Binuksan ko ang kwarto niya at naabutan ko si KATING natutulog. Lumapit ako sa kinahihigaan niya at di naiwasang pagmasdan ang mukha niya.

"Alam mo, nakakainis ka. Bigla ka na lang susulpot sa bahay ko. Tigasin ka.. tibo ka ata eh. You looked exactly like her.. pero iba ka.. Pero alam ko naman na hindi mo kasalanan na magkamukha kayo.."

Ano ba naman to? Para na akong tanga dito. Tumayo ako at tinungo ang pintuan. I looked at her tapos naisip ko..

"Is it time to let go?"

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X [[ "Babysitting the Young Master" Official FB Page: ]] http://www.facebook.com/BabysittingTheYoungMasterRashdyl ******************************************* [13] Chapter 12 ;) - The Other Side ******************************************* [Kriscelle's POV:]

"Andyan na si Kriscelle.."

"G-goodmoring po.."

"Hoy, tumabi kayo.. dadaan si Kriscelle."

Naglalakad ako sa hallway ng Topline High. Chin up. Mas confident pa ako sa word na confident. I have nothing to worry about..I am Kriscelle Suarez. The girl who everybody envies, the consistent top 1 in class, the "friendly" girl who never shouts, the silent chick of the Gold Club, one of the richest girls in the campus, and the only daughter of the owner of this school. Well, not really "only".. Ang alam ko, may step-sister ako, pero hindi na namin alam kung nasan siya. Some even suspected her as being dead already.. well, that doesn't really bother me.. I'm actually happy she's not here. Dahil ayoko ng may kaagaw.

Habang naglalakad ako, napadaan ako sa mga taong nagkukumpulan. I don't really care kung ano ang pinagkakaabalahan nila diyan. May iilan pang nakaharang sa dadaanan ko. Ang sarap sabunutan. Pero I know, I can't do that. Ako si Kriscelle, and I have to keep that sweet and harmless figure that I have here in school.

Kinalma ko ang sarili ko. Kahit ang sarap na sampalin at ingudngod sa hallway ang pagmumukha ng santa-santitang estudyanteng nasa harapan ko at nakaharang sa dadaanan ko, kaylangan kong magtunog "mabait".

"Excuse me, pwede padaan?" malumanay kong tanong sa bruhang nasa harapan ko.

Lumingon siya at biglang nanlaki ang mga mata. "Oh my God! Ikaw po ba yan Kriscelle?!" Exaggerated niyang tanong.

Hindi, ikaw to.. ikaw si Kriscelle.. eto ang gusto kong isagot sa bruha pero dahil sa hindi pwede, nagbaitbaitan na naman ako.

"Oo, ako nga." tapos I faked a smile.

"Oh my gee. Can I shake your hand?" hyper niyang tanong.

Inabot ko naman ang kamay ko. Then agad naman niyang tinanggap and then we shook hands. After non, dali-dali akong umalis at nagderetso sa private room ko sa school. Of course meron akong sariling room dito. Like duhhhh?? I'm the owner's daughter.

Pagpasok ko, hinalungkat ko kaagad ang bag ko at dinis-infect ang kamay ko.. Yuck, hinawakan nung bruha yung kamay ko. Ewan ko ba kung saang maduming lugar niya hinawak yun? Yuck. Magkasakit pa ako. Yikes!

"Pft. If only I could push that girl for real. I hate being so kind." tapos padabog akong umupo sa sofa doon. I looked at my watch.

7:30 AM, 30 minutes more at pupunta na ako sa exam room. Long test namin ngayon. And as usual, I studied like hell last night. Kailangan kong magstay sa rank ko. Well, I think.. no I'm sure, walang makakatalo sa akin. I'm the smartest here.

Ilang sandali lang, tumayo na ako at pumunta sa classroom. Tahimik akong pumasok at umupo sa designated chair ko. Habang yung iba ay parang mga tangang nag-aaral, ako kalma lang. I sat crossed-leg in my chair with this confident look.

"Wow, Kriscelle.. hindi ka na talaga nag-aaral. Ang talino mo talaga." kausap sa akin ni Cheska.

I smiled faintly. Pft. Naman, ako pa. Walang mga binatbat..

"Ako siguro neto, di kita kayang abutin." nakatawang sabi ni Cheska. Palibhasa kasi puro racing ang nasa utak.

Hindi na ako sumagot.. Then our teacher entered.

"Okay class, we're about to start our long exam. Please put everything away from you."

Nagsisinuran naman kaming lahat. Nagdestribute na ng test questionaires ang proctor namin.

"Okay.. start!"

Busy na kami sa pagsagot ng biglang..

Bumukas ang pinto at may pumasok na babaeng humihingal pa at sabog ang buhok.

"I'm sorry Ma'am, I'm late."

"Warning ka na. Next time, I won't allow you to take the exam kung late ka na naman."

"Yes ma'am, I understand."

Tama.. wala akong kaagaw sa attention ni Dad, I am always the talk of the campus, even my club members especially Dylan gives me much attention.. until this girl came..

Until Rash Yu came.

----------------------------

[Rash' POV:]

Nakasubsob ako sa makapal na libro habang nirerecite ang isang law. Inaral ko talaga ng bongga much ang libro at mga lessons namin. Long test kami bukas! Whooooo.!

"Energy can not be lost nor destroyed, it can only be --"

"Blah, Blah, Blah.. kicked out of Kati's Mouth" sabi ng boses.

Pagtingala ko, si Dylandan.

"May iuutos ka ba?" tanong ko.

"Wala naman. Ano ginagawa mo?"

"Nagluluto." sagot ko.

Tinignan niya ako ng masama.

"Tingin mo, ano ginagawa ko?" inis kong tanong.

"Pft. Ewan.." bored niyang sagot.

Aalis na sana siya ng bigla akong may maalala.

"Hephep.. Vitamins mo, ininom mo na?"

Lumingon siya sabay kunot-noo. "There's no way, I would drink that."

Tapos lumabas na siya.

Padabog akong tumayo at sinundan siya sa kwarto niya.

"Hoy! Inumin mo yang vitamins mo! Bwiset! Ang hirap mo alagaan!!"

"Baket? Ako ba nagsabi sayong alagaan mo ako?"

"Pilosopo ka ah!" tapos binato ko siya ng notebook ko.

Nasalo naman niya. Sayang di tinamaan sa mukha. Binuklat niya ang notebook ko at may kung anong binasa. Then he looked at me.

"May long test kayo bukas?"

"Kaya nga nag-aaral diba?" pamimilosopo ko.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang isa kong braso.

"O-oy!" taranta kong sabi.

He pinned me against the wall and stared at me.

"Iinumin ko ang vitamins.."

Nanlaki ang mga mata ko. For realsssssss???

"Pero. Gagawin ko lang yun kung.." tapos lumapit pa siya.

**DUGDUG.. DUGDUG..**

Sh*t! Ano yun?

"A-ano??"

Then he stopped an inch away. Homaygaaaaaaaashhh.. BATA PA AKO!! 0/////0

"Kung makukuha mo ang pinakamataas na score sa long test bukas." then he let me go.

"Y-yun lang??" taka kong tanong.

"Oo.. yun lang."

Ayy.. akala ko naman.. Pft. Ano ka ba Rash, tunog mo, para kang nanghihinayang. Yuck! ><

"Yun lang pala eh.. Basta, walang bawian huh? Iinumin mo vitamins mo.."

Tumango siya.

"Okay Deal."

Habang kaharap ko ang tumpil ng librong mas mataas pa sa Eiffel Tower, napaisip ako.

"Kaylangan kong mag-top. Para sa akin, at para inumin na niya ang vitamins niya."

---------------------

[Dylan's POV:]

Naalala ko pa ang expression niya nung sobra akong lapit. Kung alam niya lang.. Kung alam niya lang kung gaano karaming self-control ang inipon ko at nagamit ko para lang di siya mahalikan.

"Y-yun lang??" taka niyang tanong.

Hindi. Hahalikan pa kita. Ep? Ano yun Dylan? Erase.. Erase.. Ano ba nangyayari sayo??

"Oo.. yun lang." sagot ko.

Tapos, pumayag siya. Confident masyado tong babaeng to. Alam ko matalino to, siya ba naman makakuha ng highest grade sa isang exam for scholarship. Pero, I don't think na kaya niyang lagpasan si Kriscelle. Si Kriscelle ang brain of the campus. Apaw-apaw ang talino.

At isa pa.. gagawa rin ako ng paraan para di siya pumasa. Syempre, no way na iinumin ko yun! Maging rainbow man ang color ng uwak.

[[Kinabukasan]]

It's 4:50 on the clock. Alam ko, any minute now, papasok si KATI para gisingin ako. Kanina pa ako gising. I can't believe I'm going to do this. Mag-aact lang naman akong may sakit eh. Pft. Gantihan lang!

Naramdaman kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. Tapos..

"Hoy! Dylan! Gising naaaaa! Umuulan na ng alarm clock, tulog ka parin.."

Hindi ko siya pinansin..

"Dylan.. Bilis gising na! Ihahanda ko pa breakfast mo!" sabi niya ulit.

No effect parin sa akin. Tapos lumapit siya..

*Yugyog*

*Yugyog*

Okay, Here we go.

*UBO.. UBO..*

*UBO.. UBO..*

Napatigil siya sa pagyugyog tapos biglang nagtanong.

"Dylan? Ikaw ba yung umuubo? May sakit ka ba?" tanong niya.

"Masakit ulo ko. Nilalamig ako." reklamo ko naman. Dapat pala, nag-artista nga ako. Bwahahaha!

Hinawakan niya ang noo ko.

"Hindi ka naman mainit eh.. Pero sige, ikukuha kita ng gamot."

Kaya ayon.. inasikaso niya lang ako ng inasikaso. Pagtingin ko sa wall clock ko 7:20 na. At hindi parin nakakaligo si Rash. This time, siguradong malelate siya.

"O-y.. diba may exam ka? Malapit na mag-8.." mahina kong sabi.

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Tapos biglang napatayo.

"Naku, late na ako! Pwede na ba akong lumabas?" taranta niyang tanong.

"O sige."

Kaya ayun. Aligagang tumakbo palabas. Ako naman bumangon na at tinanggal ang bimpo sa noo ko.

"Sorry KATI, ayaw ko lang talaga sa vitamins na yun."

------------------------

[Kriscelle's POV:]

Dahil sa late si Rash, matagal bago siya nakapagsimula. Inaasahan ko na na babagsak siya. Pft, kahit naman siguro dito pa siya matulog ay di niya kayang abutin ang standing ko. I'll still be on top.

"Okay! Time's up! Ballpens up" sabi ng proctor namin.

Kakatapos ko lang. Inayos ko na ang answer sheet ko at pinasa. Kasabay kong nagpasa si Rash. Hindi ko siya pinansin at nagpatiuna na akong lumabas ng classroom. Maya-maya ay ipopost sa bulletin board ang scores namin. At well, kahit di ko na tignan, alam kong ako parin ang nasa 1st spot.

[1:00 in the afternoon]

Kakatapos ko lang magretouch at magpahinga sa personal room ko sa school. Naglalakad na ako ngayon sa hallway. Napapansin ko na lahat sila nakatingin sa akin.

I bet.. alam na nila ang result at I'm still on top. Confident akong naglakad papunta sa bulletin board. Ang daming tao.

"Oh my God.. I can't believe it.." sabi nung isang babae. Hindi ko na siya pinansin.

May ibang nakatingin sa akin habang sinasabing.. "Hindi pa ata niya alam.."

Alam ang ano?

Lumapit ako sa bulletin board at mas suprised pa ako sa word na suprised.

RESULTS 1. Rash Yu -- 100% 2. Kriscelle Suarez -- 99%

This can't be happening..

Dali-dali akong umalis sa lugar at dumeretso sa Club room namin. Papasok na sana ako ng maulinigan ko ang pag-uusap ng ibang club members.

"Wow Rash, dalawa na pala kayong sobrang talino sa club natin! We're so proud of you!" boses ni Claudette.

"Ang talino mo talaga Rash, pahiram naman ng utak mo kahit minsan naman, para may maipamukha ako kay Dylan." boses ni Ken.

Pati ba naman sila?

Hindi ko na itinuloy ang pagpasok. Sa halip umuwi ako at hindi na pumasok the rest of the day.

[SUAREZ' RESIDENCE]

Pagdating ko sa bahay, dere-deretso ako sa kwarto ko. I banged the door close tapos hinagis ko sa kung saan ang bag ko. Lumapit ako sa mesa sa gilid ng bed ko at tinitigan ang mga trophy ko. Kinuha ko rin ang isang picture. Picture siya noong bata pa daw ang step-sister ko. Ito lang ang tanging meron kami sa kanya. I never hated my sister pero ayaw ko ding nandito siya. Kaya mas mabuting di na siya magpakita.

"H-hindi lang pala ikaw ang kaagaw ko..." tapos binalik ko ang picture sa drawer.

1.Rash Yu -- 100% 2. Kriscelle Suarez -- 99%

"That bi_tch! How dare her.. pagsisisihan niyang dumating pa siya rito at nakilala niya ako." Pinunit ko ang test result.

"Makikilala mo kung sino ang tunay na Kriscelle Suarez.."

"Welcome to hell, Rash Yu."

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

******************************************* [14] Chapter 13 ;) - Stuttering *******************************************

[Dylan's POV:]

"I-it's Dylan! Ayan na siya.." sabi nung isang babae na di ko naman kilala.

"Ang gwapo talaga niya.. ang swerte ng mga taga club nila kasi nakikita nila si Dylan araw-araw!" nganga naman nung isa pang babae.

Deretso lang ang lakad ko. Tipong bingi-bingihan lang. Punta ako sa may bulletin board at titignan ang result.

Pagtigil ko sa harap ng bulletin board, automatic na nawala ang kumpol ng tao at pinadaan ako.

At ng makita ko ang resulta..

"I'm getting doomed."

[Lautner's Residence]

Pumasok ako sa BAHAY KO at umupo sa sofa. Biruin mo, kailangan ko ng uminom ng vitamins? Hindi ko naman akalaing kaya talagang mag-top ng KATING yun. At ang sabi pa, late daw siyang nagsimula kasi nga late siyang dumating. I can't believe this! Napahawak ako sa sentido ko.

"Oh, Dylan.. maaga ka ata ngayon. Wala pa si Rash ah." si Manang Ancy.

"Ah.. medyo masakit po kasi ang ulo ko." pagsisinungaling ko. Pero di naman yung pagsisinungaling. Actually, nagsisimula ng sumakit ang ulo ko. For real.

"Ikukuha kita ng gamot."

"Wag na po, manang. Alam niyo naman pong hindi ako umiinom ng gamot eh."

Napabuntung-hininga na lang si Manang Ancy. Tumayo na ako at nagderetso sa kwarto ko. Itutulog ko na muna to. Habang iniisip ko kasi, lalong sumasakit ang ulo ko.

Habang nakahiga ako, maraming bagay ang pumapasok sa isip ko. Actually, puro tungkol lang naman sa pang-iinis kay Rash. Wala lang trip ko lang. XDD

"Masyado mo akong chinachallenge Rash.. iba ka nga.." then I closed my eyes.

[Rash'POV:]

"He-he-he.. na sakin ang huling hagikhik. Hahaha! Akala mo Dylandan uh? Pag sinabi ko, gagawin ko talaga!" sabi ko sa sarili ko sabay ngiti ng makahulugan. Para na nga akong tanga eh. Papasok na ako sa bahay nila Dylan ngayon.

"Gandang Hapon Manang." bati ko kay Manang Ancy.

"Oh, andito ka na pala. Puntahan mo yung alaga mo. Masakit daw ang ulo niya."

Na naman? Masakitin tong Dylandang to ah. "Sige po.."

Umakyat ako, bitbit ang gamot at isang baso ng tubig.

*Katok*

*Katok*

"Pasok."

Himala sa himala, hindi nakasigaw ah.

"Inumin mo na tong gamot mo. Para mawala yang sakit sa ulo mo."

"Ilagay mo lang diyan." mahina niyang sagot.

"Inumin mo na, baka mamaya niloloko mo lang ako tapos di mo naman iinumin." sabi ko sabay lapit sa kanya.

"Ilagay mo nga lang diyan." sagot niya ulit.

Pinatong ko ang baso ng tubig tapos niyugyog siya.

"Kailangan mo na tong inumin. Baka mamaya lalong lumala yang sakit ng ulo mo. Mapagalitan pa ako ni Ma'am Deevan."

Hindi siya sumagot.

"Dali naaaa.. inumin mo na kasi to. Wag mo na ako pinahihira --"

Nabigla ako kasi bigla niyang tinanggal ang kumot niya tapos hinapit ako sa bewang palapit sa kanya. Nakatingin siya deretso sa mga mata ko. Natulala lang ako. 0/////0

"Kaya mo ba pinipilit na ipainom sa akin to ay dahil may malasakit ka sa akin?" seryoso niyang tanong habang nakatitig parin sa mga mata ko.

"H-hindi ah.. baka kasi pagalitan ako ng Ma'am Deevan, i-ipabomba n-niya p-pa a-ako.." sagot ko sabay iwas ng tingin.

He held my chin tapos binalik ang mukha ko paharap sa kanya. A-ano ba to?? Naloloka na ako...

"A-ano.. i-inumin mo na kasi yung gamot mo.."

Nakatitig lang siya sa akin na parang walang naririnig.

"Pag sinabi kong iinumin ko.. iinumin ko. I never turn back on what I say."

Naplunok ako. Sobrang seryoso ng mukha niya. Tapos ang lapit lapit na namin. Pag may isang gumalaw, magdidikit na lips namin. Uwaaaaa.. T____T

"A-ano.." naghahagilap ako ng masasabi.

"At pag sinabi kong hahalikan kita.. hahalikan kita.."

Nanlaki ang mga mata ko. Bigger than this ---> 0____0 Naka-shabu ba to??

Lumalapit na siya.. Aaaaaahhhh..

"You really have such beautiful eyes.."

"A-ano..."

"And your lips.. they're so cute.."

Ayan naaaa.. ang lapit na.. naduduling na ako.. H-hindi pwede to!

*BOGSH*

Bigla ko siyang natulak. Tapos, pinulot ko yung baso ng tubig at inilagay sa kamay niya.

"Oh, ayan.. S-sige na.. i-inom na."

Then patakbo akong lumabas ng kwarto niya.

Pagpasok ko sa kwarto ko. Napaupo ako sa sahig. Nanginginig ang tuhod ko..

A-anong nangyayari sakin??

[Dylan's POV:]

Nang tumakbo siya palabas ng kwarto ko. Doon lang ako nagising.. a-anong ginawa ko? Pinatong ko yung baso ng tubig sa mesa tapos napatitig ako sa pintuan. Hindi ko maintindihan. Kanina.. I just felt like I badly want to hug her and kiss her senseless.

Kinuha ko yung gamot at ininom to. Nilapag ko yung baso at tumayo. Deretso ako sa banyo at naghilamos. Habang nasa harap ako ng salamin at nakatitig sa sarili ko repleksyon, mas lalo akong nalito sa nararamdaman ko.

"Talaga bang nakalimutan ko na siya?"

[Rash' POV:]

"Hmmmmmmm!! Umagasaurrrr! Ako si Rash! Ang magandang Dinasaur! XD" tili ko habang naliligo.

Sabado ngayon. Sa bahay lang ako. Kaya iniisip ko pa kung ano ang magandang gawin ngayon bukod sa alagaan si Dylan. Syempre, natural na yun ang priority ko kasi doon naman ako pinapasweldo.

"La..La..La..La.." pakanta-kanta pa ako. Ang ganda ng mood ko ngayon, ewan ko ba kung bakit.

"Pag sinabi kong hahalikan kita.. Hahalikan kita.."

Napatigil ako sa pagsasabon. A-ano ba Rash, wala lang yun. Epekto lang yun ng sakit ng ulo ng kumag na yon. Alam mo naman na may lahing abnoy yang alaga mo eh. Erase.. Erase..

"La.. La.. La.. Hmmmm.." patapos na rin ako. Tinuyo ko na ang katawan ko at nakatapis na lumabas ng banyo.

Eksaktong paglabas ko ng banyo ay..

Siya ring pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Iniluwa nito ang isang bagong gising na.. DYLANDAN.

Napatigil ako sa paghakbang at napatitig sa taong nakatayo sa harapan ng pinto ko. Ganon rin siya. Nakatitig lang din siya sa akin. Napatingin ako sa itsura ko. Oo nga pala nakatapis lang ako..

Nakatapis lang ako.. Nakatapis lang ako.. Nakatapis lang ako..

At may tao.. May tao.. May tao..

Si Dylan.. SI DYLAN?!?

"AAAAAAAAAHHHHHHH??!?!?!" sigaw ko sabay yakap sa sarili kong katawan.

Parang natauhan naman si Dylan at biglang lumabas.

Mabilis akong nagbihis at lumabas ng kwarto. Nasaan na yong kumag na yon??!

Pulang-pula ako habang pababa ng hagdan. Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa at nanunuod ng TV.

"H-hoy!" tawag ko sa kanya.

"Oh, baket?"

"B-bakit, bigla bigla ka nalang pumapasok sa kwarto ko?!" angil ko.

"Ano ba ginawa ko?" tanong naman niya.

"Hoy! Wala ka talagang..."

"Ano? Bahay ko to. Kaya ba't kaylangan kong kumatok?" sagot niya.

Tinulak ko siya ng malakas kaya nahulog siya sa sofa. Tinignan niya ako ng masama.

Tapos ngumisi ako. "Buti nga sayo."

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa lawn nila. Wow! *0* Ang lapad ng lawn! Parang.. ang laki!Ang ganda rin ng mga tanim ah.

A-ha! Alam ko na kung ano ang gagawin ko. Hinila ko yung mahabang hose tapos ilang sandali lang ay nagdidilig na ako sabay pakanta-kanta.

Now Playing:

Stuttering by FeFe Dobson

There's a whole lot of things That I will forgive But I just can't take a lier I was by your side till the very end Till' you push me in the fire

I tried to believe you But something is wrong You won't look in my eyes Tell me what's going on

It's you and me against the world That's what you said That's what you said

If you can't be honest with me Then I'm afraid this is the end

Hurry up, Hurry up If you ever really care about me Tell the truth Give it up You're so guilty Cos' you're stuttering

Oh, Oh, Oh, Oh, Oh, Eh, Eh, Eh, Eh, Eh, Oh, Oh, Oh, Oh, Oh, Hey, you're stuttering!

Sumasabay na ako sa kanta ng biglang..

*KALABIT*

Dahil nga sa sobrang focused ako sa pagdidilig at pagkanta, nabigla ako kaya bigla akong napaharap sa likod ko. And then

** S P L A S H **

Nanlaki ang mga mata ko. Kasi nakalimutan kong hawak-hawak ko pa rin ang hose kaya ng humarap ako, nabasa si.. si DYLAN!

Pagtingin ko sa kanya.. he's soaking wet.

"RAAAAAAASHHH!"

Pero dahil sa inis ako sa kanya sa ginawa niya kanina. Nagmatigas ako, Like Hell, hindi ako magsosorry kasi for the nth time! Hindi siya ang nagpapasweldo sa akin!

"Baket? Kasalanan ko ba kung bigla bigla ka na lang sumusulpot ha?!"

Galit na galit na siyang nakatingin sa akin. Tapos bigla niyang hinila ang hose mula sa kamay ko at BINASA AKO.

I repeat BINASA NIYA AKO. =__=

"ANO BA?! KAKALIGO KO LANG!" tili ko. La akong paki kahit nasa bahay niya pa ako o mahulog man lahat ng ibon sa langit sa pagtili ko.

"Baket? Binasa mo ako, puwes babasain rin kita!"

"Ginagalit mo akong bata ka!" sigaw ko!

Tumawa lang siya. Bwesit! Ang lamig pa naman ng tubig!

Kaya ayon, naghabulan kami sa damuhan. Mukha na nga akong tanga dun kasi basang-basa na ako. Tumalikod ako saglit para alisan ng tubig ang damit ko pero ng pagharap ko..

0__0 Halos mahulog ang panga ko.

Hinuhubad niya ng slomo ang t-shirt niya. SLOMO.. Slomo pa sa slow motion.. Goodness Gracious..

"Oh, ano? Natulala ka na diyan?" boses ni Dylandan.

Tapos ako, parang naramdaman kong may tumulo sa ilong ko. Akala ko tubig lang kasi nga basa kami. Pero ng hawakan ko tapos tignan eh, Dugo..

DUGO..

Tapos biglang dumilim ang paligid.

-------------------------

*Blink* *Blink*

Sa nanlalabong paningin ay pinilit kong aninagin kung nasaan ako. Nasa kwarto ko pala. pero paano ako nakarating dito??

"Hmm. mm," mahina kong ungol.

"Oh, gising ka na pala." boses ni Manang Ancy.

"Ano po ba nangyari?"

"Hinimatay ka kanina tapos basang-basa ka pa." sabi ni Manang Ancy.

"Hinimatay? Basa?" Nag-isip ako.

*TINK!*

Ay.. oo nga pala.. =.= Nagliguan pala kami nung kumag na lalakeng yun. Pero hinimatay ako?

"Ang sabi ni Dylan, bigla ka na lang daw natumba tapos may dugo ang ilong mo. Nosebleed Rash."

"Dugo sa ilong? Ay oo nga pala.."

"Pero ang alam ko Rash, hindi naman nakakahimatay ang nosebleed."

"Ano po kasi, may Hemophobia po kasi ako.." mahina kong sagot.

"Ah.. kaya pala.. osya, lalabas muna ako."

"Sige po."

Nang makaalis na si Manang Ancy at painot-inot akong tumayo. Okay na ako. Hindi naman ako sakitin, hinimatay lang ako dahil nakakita ako ng dugo.

"Si Dylan kaya ang bumuhat sa akin?" Hinanap ko siya dahil alas-siyete na ng gabi. Check ko lang kung talagang iniinom ba niya ang vitamins niya.

"Asan na ba yung kumag na yon?"

Halos naikot ko na ang buong mansion pero hindi ko siya makita. Kaya pumunta ako sa may pool at nakita ko siya, nakatayo na parang mahuhulog na sa pool. Don't tell me magpapakamatay siya!? kaya on instict tinakbo ko siya.

"Dylan! Wag kang magpapakamata--"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil nadulas ako. Saktong lingon naman ni Dylan. Napapikit na lang ako kasi alam kong babagsak ako sa semento anytime.

Pero ilang segundo na rin akong nakapikit pero hindi parin tumatama ang puwet ko sa semento. Dinilat ko ang mga mata ko at ..

nakahiga ako pero hindi sa semento kundi sa taas ni Dylan..ang kanang kamay ni Dylan eh nasa bewang ko tapos yung kaliwa eh, nakayakap sa akin ng mahigpit. P-pero..

Pero, nakita kong nakapikit si Dylan at may dugo sa isa niyang siko..

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

Please like the BTYM Official FB Page: http://www.facebook.com/BabysittingTheYoungMasterRashdyl Author's Epal Note: Hi/Hello po! Nandito po ako kasi wala lang! XD I'm so happy lang. HAHAHAHA! Daaaah. Epekto ng kakakain ni author! XD Pero po, sa mga gusto pong makipagchikahan sa akin, bisitahin niyo po ako sa akong mensahe board. Bwahihi! ;) Add me narin sa FB: https://www.facebook.com/yukihime.yumi Accept ako, kasi wala akong karapatang magmaldita. Ang bait niyo kaya. Kaya inlababu ako sa inyo! Wahaha. Sige na! Hope you'll like this new chapter <3

Leave your comments na lang! <3 -Author na tamad ^^

******************************************* [15] Chapter 14 ;) - Faint Memories *******************************************

Alam ko anytime babagsak ako kaya pumikit na lang ako. That way, hindi ko makikita kung paano ako babagsak. Pero hindi nangyari ang inaasahan ko. Sa halip nasa ibabaw ako ngayon ng taong pinakahuli kong aasahang magliligtas sa akin... si Dylan.

Binubundol pa rin ng kaba ang dibdib ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko and I saw something that made me shiver.

"M-may dugo.." bulong ko.

Nakakunot ang noo ni Dylan habang mahigpit pa rin niya akong yakap.

"Okay ka lang? Ayan kasi, tatanga-tanga ka. Sino ba nagsabi sayong magtatatakbo ka dito? Yung utak kasi gamitin."

sa hinaba ng sinabi ni Dylan, parang wala akong narinig. Nakatuon ang atensyon ko sa isang siko ng Dylan.

"Hoy! Natulala ka na diyan?" sabi ni Dylan sa naiinis na boses.

"M-may d-dugo.." mahina kong sabi.

Sinipat ni Dylan ang siko niya.

"Wala yan. Galos lang." pasimpleng sabi ni Dylan. Hindi parin kami umaalis sa posiyon namin. Hindi ako makagalaw.

Tumulo bigla ang luha ko.

Parang ganito rin ang posisyon namin ni Mama noon.. yakap-yakap niya ako habang naghihingalo siya. Baket? Baket kailangang mangyari yon?

"O-oy! Baket ka umiiyak? Ang panget mo tignan!" saway ni Dylan.

Bigla akong napaupo sabay takip ng mga kamay ko sa mukha ko.

"Ma..Pa.."

Parang bumalik ulit sa akin ang sakit..

[Flashback]

Nagising ako dahil sa isang pagsabog. Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko only to see my parents na nakayakap sa akin.

"M-ma.. a-anong nangyari??"

"A-anak.. lagi m-mong t-tatandaang m-mahal n-na m-mahal k-ka n-namin.." sa musmos kong pag-iisip, alam kong nahihirapan si mama. Maraming dugo.. kahit si mama, nagsusuka na rin noon. Nanginig ang buo kong katawan..

"M-ma.. w-wag niyo akong iiwan.."

"A-anak.. m-masaya ako kasi ikaw ang anak ko.. m-mahal na mahal k-kita." tapos nakita kong hinahabol ni mama ang hininga niya.

Tapos hinawakan niya ang pisngi ko.

"A-anak.. s-sakali pag lumaki ka na.. m-mapatawad m-mo s-sana a-ako.. kailanman, h-hindi ko g-ginusto ang n-nangyari..

"M-ma? H-hindi kita maintindihan.."

Pilit na ngumiti si Mama. Tapos may pilit siyang inaabot sa akin.. tinanggap ko naman. Hindi ko naiintindihan..

"H-hanapin mo ang taong nagmamay-ari ng kalahati niyan..siya ang sasagot sa lahat ng mga tanong mo.."

Niyakap ko ng mahigpit si mama. Nakita kong pilit siyang ngumiti tapos ang huli kong alam.. may dugong tumulo sa pisngi ko.

Dugo ni Mama..

[End of Flashback]

Napahagulgol ako.

"M-ma.. Miss na miss ko na kayo.. Baket niyo ako iniwan?"

[Dylan's POV]

Narinig kong tinawag niya ako. Kaya napalingon ako only to see her falling. On impulse, napatakbo ako papunta sa kanya. At sa abot ng makakaya ko, I protected her.

Naramdaman kong hindi maganda ang bagsak ko. Masakit ang likod ko at ramdam ko ang hapdi ng isa kong siko. Pero hindi ko yun ininda. Ang alam ko lang kaylangan mailigtas ko si Rash. Mahigpit ko siyang niyakap.

Pero nabigla ako dahil may parang tubig na tumulo sa may leeg ko. Nang aninagin ko ang mukha ni Rash. Umiiyak siya.

"O-oy? Bakit ka umiiyak? Ang panget mo tignan." reklamo ko. Nasaktan ba siya? May masakit ba sa kanya?

Bigla siyang umupo tapos tinakpan ang mukha niya gamit ang mga palad niya. She started crying really hard. Natataranta na ako. May masakit kaya sa kanya? Baka hindi ko siya naprotektahan sa pagbagsak. Baka napilayan na to o masakit ang kata--

"M-ma.. Miss na miss ko na kayo.. Baket niyo ako iniwan?"

Doon ako nabigla. Hindi ko man alam ang totoong dahilan ng pag-iyak niya. Lumapit na lang ako and hugged her. Naramdaman kong medyo nanigas siya sa pagyakap ko.

"Let it out.." I whispered. Eto lang ang alam kong magagawa ko.

Then she hugged me back and cried.

Tahimik lang ako habang humihikbi siya. Wala naman akong alam, so might as well just shut my mouth.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. Then she gave out a weak smile. Tumindig siya at tumakbo papasok ng bahay.

"Maybe I don't really know you Rash.. at iba ka nga sa kanya.. you're weak but strong."

---------------------

After a while ay pumasok na rin ako sa bahay. Okay na kaya yung kating yun? That's the first time that I saw her cry.. I've always known her as someone so strong and stubborn.

Umakyat ako sa mga kwarto at papasok na sana sa kwarto ko ng mahagip ng tingin ko ang kwarto ni KATI.

"Titignan ko lang naman kung okay na siya. It's not like.. I like her.." pagdadahilan ko. Yuck, tunog tsundere ako dun. HAHA! XD

I pushed the door open then hinay-hinay na pumasok. Only to see her sleeping at the sofa. Lumapit ako sa kinahihigaan niya at umupo sa sahig para matignan ng malapitan ang mukha niya.

"Ang tapang mo, pero at the same time you're so vulnerable.."

I looked at her closely. I see, so she cried herself to sleep. Bakas pa sa namamaga niyang mata na nakatulog siya sa kakaiyak.

I carried her to her bed at inayos ang pagkakahiga niya. I never imagined myself taking care of a girl like this.. Pero ngayon, parang ang alam ko ay kailangan ako ng babaeng to.

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya. Without me knowing, nagsisimula na pala akong kumanta.

Now Playing:

Hindi Kita Iiwan

Umiiyak ka na naman mahal Lagi na lang ika'y nasasaktan Sabi niya, hindi ka iiwanan Ikaw ay nabigo, kayo'y nagkalayo

Ako'y nahihirapan Pag ika'y nasasaktan Kung pwede lang naman Sa akin ka na lang

Noon akala ko, sa akin lang applicable ang kantang to. Pero pwede rin pala sa makulit na nilalang na to.

Hindi kita iiwan Hindi pababayaan Sa akin ay hindi ka iiyak na kahit minsan

Hindi kita iiwan..

Kinumutan ko siya and looked at her face. I can't help it.. I lowered my face and planted a soft kiss on her lips.

"I know that wouldn't ease the pain.. but I wish you luck.. goodnight Rash."

[Rash' POV:]

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Ugaaaa T_T Ang bigat ng mga talukap ko. Humarap ako sa salamin at tinitigan ang mga mata ko. Namamaga. Ehmeghed. -____-

Binuksan ko ang drawer at kinuha ang isang maliit na kahon. Nandoon ang mga pictures namin nina Mama at Papa at yung kwintas na hugis kalahating buwan.

"H-hanapin mo ang taong nagmamay-ari ng kalahati niyan..siya ang sasagot sa lahat ng mga tanong mo.."

Napapikit ako.. Opo Ma. Hahanapin ko ang kalahati neto.

Binalik ko na sa kahon ang kwintas at pumasok sa banyo para maghilamos. Napatingin ako sa mukha ko mula sa salamin. Then sa nakapagtatakang dahilan, napatingin ako sa labi ko.. Hindi ko alam, pero parang iba ang pakiramdam ko sa mga labi ko mula kaninang gumising ako. Parang.. parang.. ay ewan. Baka guni-guni ko lang yun.

Lumabas na ako at napatingin sa sofa.

T-tekaaaa.. Sa pagkaka-alala ko, dito ako natulog kagabi. Paano ako nagising sa kama ko? Halaaaaa.. 0__0

Tapos napangiti ako.

"May itinatago rin palang bait sa katawan iyang Dylandang iyan."

----------------------

Kumatok ako sa kwarto ni Dylan. Gigisingin ko na siya. Mag-aalas singko na eh. Babatukan ko to pag tatamad-tamad tong Dylandang to. Hihi! Pero hindi.. magpapasalamat lang ako.

Pumasok na ako at lumapit sa kama niya.

"Oy, gising na.."

Nagmulat naman siya ng mga mata niya. Tapos tinignan ako. Then.. Then closed his eyes again! 0_0 ABA! Tulugan ba naman ako ulit?!

Hinila ko ang kumot niya tapos hinila ko din siya sa isa niyang braso patayo pero nakita kong nag-iba ang expression niya. Parang nasasaktan. Napatingin naman ako sa braso niya. MAY SUGAT?! Nabitawan ko agad.

"Naku, sorry!"

Tinignan niya lang ako ng masama.

"Salamat pala." sabi ko.

"For what?" bored niyang tanong.

"Sa pagliligtas sa akin kahapon."

He smirked. "Eh, tatanga-tanga ka eh."

I pouted =3=

"Eh, koso nomon.. okolo ko totolon ko.." I said that habang naka-pout so parang 'O' lahat. HAHAHA!

"Whatever."

"Hmp!"

"Salamat rin pala." sabi ko naman ulit.

"San na naman? Salamat ka ng salamat. Buti sana kung pera yan." sabi niya sabay ismid. Suplado talaga neto. Nagmomood-swings! Kagabi lang.. ang bait niya, pinaiyak niya pa nga ako sa dibdib niya eh.

"Oh? Anong tinitingin mo diyan?" sabi niya.

"Salamat sa pagbuhat sakin palipat sa kama." sabi ko ng mahina. Tapos I smiled.

Ang ine-expect kong sabihin niya ay.. "Sige. Walang anuman.." Pero halos malaglag ang panga ko sa inis sa sinabi niya.

"Anong binuhat?"

"Ha? Diba ikaw ang nagbuhat sa akin kagabi palipat sa kama galing sa sofa?" tanong ko.

"Asa. Ang swerte mo naman kung ganon." then he smirked.

"Huh? Di, paano ako nakarating sa kama?"

"Malay ko. Baka lumipad ka. Ba't ako tinatanong mo?" tapos tumalikod siya at pumasok sa banyo.

"Ayaw mo pa aminin! Eh, ikaw naman talaga yun!" panunukso ko.

Sumigaw siya mula sa banyo ng..

"Assuming kang KATI ka. Bakit ko naman gagawin yun aber?"

Natahimik ako. Oo nga naman. Ba't nga naman niya gagawin yun? Lumabas na lang ako ng kwarto niya at naghanda ng almusal para sa suplado kong alaga.

------------------

Ilang sandali lang ay nakita kong papasok na sa dining room si Dylan. Umupo siya at tinignan ako with a blank face.

"Oh, kain na." Nilagyan ko na ng kanin at ulam ang pinggan niya. Pero napansin ko, nahihirapan siyang kumain dahil hirap siyang gamitin ang isa niyang kamay. Pinagmasdan ko siya ng maigi at napansin ko, may mga pasa rin siya sa braso niya.

Dahil ba yan sa pagliligtas sa akin? Naguilty tuloy ako kaya inagaw ko sa kanya ang kubyertos.

"Ako na. Nahihirapan ka eh."

"Ako na. Kaya ko." pagpipilit niya.

"Hindi. Ako ang babysitter mo. Kaya ako ang gagawa. Kita mong hirap ka na nga." Naiinis ako, pero hindi sa kanya. Kundi sa sarili ko. Kasalanan ko to eh.

Kaya sinubuan ko na siya. Sa una ayaw pa niyang kumain.

"Kainin mo na!" matigas kong sabi.

"Baket mo ko sinisigawan?" matigas niyang sabi.

"Hindi kita sinisigawan. Ginagawa ko lang ang trabaho ko." at inilapit ko ulit ang kutsara sa bibig niya. At sa mas mahinang boses ay inulit ko ang sinabi ko kanina.

"Oh, dali.. kain ka na.."

Tinignan niya ako ng masama tapos biglang sinubo ang pagkain. Nabigla ako. Nadadaan din pala sa maayos na usapan tong supladong to eh.

Kaya ayun, natapos na rin ang subuan, ay este.. ang pagpapakain ko sa kanya.

[Kinabukasan]

Ngayon, pagpasok ko sa kwarto niya nakita kong naka-cast na ang braso niya. Sabi ko na nga ba.. napilayan ata siya. I am sooooo GUILTY. Ajujuju T.T

"Stop looking at me like that." sabi niya sabay simangot.

"Hindi naman ah."

"Si Mommy lang ang mapilit. I told her I'm fine pero sobrang kulit niya. Kaya I ended up having to let our family doctor come. At dahil magkalahi sila ni Mommy, Eto ang nangyari. Pero, why am I even explaining? Tss." simangot niya.

"Sus. Okay lang yan. Mas gagaling ang pilay mo. Sorry ah. Kasalanan ko to eh."

Hindi siya umimik.

Nakita kong tinatanggal niya ang unang butones ng damit niya. A-anong ginagawa niya??! What is he doing?! Ano ba! Napapa-English na ako. Nakakahawa naman kasi tong ungas na to eh.

"A-anong ginagawa mo?" taranta kong tanong.

"Tingin mo? Tss."

"B-bakit mo yan tinatanggal?" tanong ko ulit.

"Magbibihis ako. Bulag ka? Kita mong pawis na ako eh." sabi niya.

Natauhan naman ako. Ehnebee. Akalaa ko kung ano na. XD Tsss..(Ohy, nahahawa na ako sa TSS ni Dylandan)

Nakita kong nahihirapan siya dahil isang kamay lang ang gamit niya. Kaya lumapit ako.

"Ako na lang. Nahihirapan ka eh. Trabaho ko naman to. Plus, kasalanan ko kung baket ka napilayan." sabi ko na hindi tumitingin sa mukha ni Dylan. Aruuu.. Namumula ako eh. >///<

Hinga Rash.. Hinga..

"Baka pati ako, ma-inhale mo na diyan."

"Tahimik nga. Patayin kita diyan eh." naiinis na ako kasi di ko magawang kumalma.

"Tss.."

Tahimik na siya after non. Ako naman, kinakalma ko ang sarili ko. Ang lakas ng tibok ng walanjo kong puso eh. =3=

"Ayan, tapos na.. pwede mo na yang tanggalin tapos tawagin mo lang ako pag may kailangan ka." sabi ko sabay angat ng tingin ko.. Pero, WRONG MOVE.

Huli na ng narealize kong ang lapit na pala namin. Sobrang lapit at nakatingin siya sa mga mata ko.

*DUGDUG*

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

Speech ni Author na Tamad: Awruuu.. T__T HAPPY 10K sa BTYM! *Talon Talon* Ehmeghed! Not ko talaga inaasahan na makakakuha to ng ganitong reads! I love you all! <3 Salamat sa support! Gorabells! XDD - TsunLukaret ^^

******************************************* [16] Chapter 15 ;) - Frenchfries & Slurpy *******************************************

[Ken's POV:]

"Goodmorning.." =.=

Tinignan ko wall clock ko. 1 PM. Mali pala bati ko. Dapat pala..

"Ehem, Ehem.. Good Afternoon!" Tapos bumangon na ako. This is one important day.

*Knock* *Knock*

"Pasok"

"Sir, pinabibigay po nung kaibigan niyo." sabay abot sa akin nung envelope.

"Salamat."

"Ay.. may naghahanap rin po pala sa inyo. Mestisang babae tapos brown short hair."

"Tell her, wala ako. If she won't believe you, then tell her to follow me in Saturn."

Nginitian ko lang ang maid namin at binuksan na ang envelope.

"Hmm.. French Fries and slurpy huh?" then I gave out a lope-sided smile.

--------------------

[Kadness' POV:]

"Lui, paki-abot nung tape. Ako na lang tatapos neto. Pakisabi sa iba na asikasuhin yung kabilang bulletin board sa hall natin."

"Okay."

Hayyyy, school fest na namin ngayong lunes. Kaya kahit sabado ngayon. Hands-on parin ako. Hirap talaga pag class- president. >3<

"Kad, pinapatawag ka ni Ma'am Fe."

"Okay, paki-paste naman ako neto dun oh."

Bumaba na ako para pumunta sa faculty room. Ay nakuu.. Pagoda na ako. =3=

"Hoy, nakita niyo ba yung gwapong lalake kanina?"

"Yung, nakatayo kanina sa gate?"

"Oo. Ang gwapo talaga! Diyos ko. Makalaglag *tooooot* *toooooot*!"

Aynakow, kahit kelan talaga. Ito lang alam gawin ng mga estudyante dito. Ang magbulungan at magtsismisan kahit rinig na rinig mo naman. Sino ba yung nilalang na yon at parang nagkakagulo sila?

Dere-deretso lang ang lakad ko papunta sa faculty room. Ano kaya sasabihin ni Ma'am?

Kumatok ako tapos pumasok.

"Ma'am, pinatawag niyo raw po ako?"

"Oo. Pakisabi sa classmates na, umuwi na muna. Pahinga muna kayo. Tutal, konti na lang yang tatapusin niyo. Pumasok na lang kayo ng maaga ngayong lunes. Okay?"

"Okay po ma'am."

"La.. La.. La.." yes! Makakauwi na kami. Kelangan ko naman kasi magpahinga no? Kaninang umaga pa ako dito. Parang nagmukha nga akong guard na tagabukas ng gate kasi kanina pagdating ko, sarado pa ang school.

Pagpasok ko, nagtaka ako kasi lahat sila nakatingin sa akin tapos sabay din nilang nilipat ang tingin sa table ko.

Anong meron??

Tumingin ako sa table ko tapos nanlaki ang mga mata ko.

"F-FRENCHFRIES?! S-SLURPY?!" halos tumalon ang puso at small intestines ko sa tuwa."

Nakita kong ngingiti-ngiti ang mga classmates ko.

"Oh? Anong problema?" taka kong tanong.

"WALA. SABI NAMIN PG KA!" tapos tumawa ng sabay-sabay.

Inirapan ko lang sila.

"Akin ba to?" tanong ko sa kanila.

"MALAMANG, NASA TABLE MO DIBA?" sabay-sabay nilang sagot. Ano to? Speech-choir?!

Lumapit naman ako sa table ko at tinignan ko ang mga pagkain. "Kanino galing to?"

"MALAY NAMIN? BAKA HULOG NG LANGIT?" sabay ulit nilang sagot.

"Naaaa.. sabi niyo akin to, puwes eh di kakainin ko talaga to. Hihihi."

"Mukhang mas tamang tawaging hatid ng kagwapuhan yan kesa hulog ng langit." sabi ni Lui.

"HA?" tanong ko.

"WALA!" sabay ulit nilang sagot. Sila na, sila na ang nag-eenjoy sa pagsi-speech choir! XD

----------------------------

Habang papauwi ako, nag-iisip parin ako kung ganino galing tong pagkain? Favorite ko to lahat eh. =3= Charap. Charap.. XD

Nang maubos ko ang frenchfries biglang may papel akong nakita sa loob ng lalagyan. ENE BE NEMEN TE?

Kinuha ko yung papel at binasa. "SMILE. -- KDG"

KDG? Sino yun?

Kain De Gorabells? HAHAHA. Ano ba yan. Wala ako maisip eh. Ah basta. HAHAHAHA!

Ay nakuu, kamusta na kaya yung lukaret kong bestfriend. Tatlong linggo ko na rin siyang hindi nakikita eh.. ;( Miss ko na siya. Wala akong kasama lagii. Pag bumalik talaga yun dito, papalibre ako pramis! XD Mwahahaaahaha!

Aysh, malapit na ako sa bahay. Yesh! Matutulog ako ng maaga ngayon. Antoooooook na ako..

"Ma.. dito na me. Matutulog muna ako. Antok na po ako sobra."

"Osya, sige."

Tumalon ako sa kama ko at yinakap ang unan ko. Ay naku.. Zzzzzzzzzz.. -.-

--------------------------

"Kadness! May tao sa labas. Tignan mo muna kung sino! Nagluluto ako eh. Di ko to maiiwan! Baka masunog!" sigaw ni mama.

Doon ako naalimpungatan. Anong oras na ba? Hinagilap ko ang cellphone kong mas matanda pa sa akin.

6 PM

Nagugutom na ako.. *Guruuuu..* Istorbong tao naman to. Bwesita talaga. =3=

Lulugo-lugo akong bumangon at nagtungo sa may pintuan. Binuksan ko ng halos nakapikit pa tapos nagsalita ako.

"Anong kailangan nila?"

=.= 0.= 0.0

K-KEN?!

Sinara ko bigla ulit yung pinto at sumandal dito. Diyos ko? Anong ginagawa niya sa bahay namin? Pano niya nalaman?!

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin.

- Sabog ang buhok - May muta sa isang mata - Walang hilamos - Maluwag na shirt at pajamang may hello kitty prints

In short! WAAAAAAAAAHHH! Nakita niya akong ganito?!

Dali-dali kong inayos ang sarili ko tapos binuksan ulit yung pinto. Andun parin siya. Parehong puwesto at parang tuwang-tuwa pa.

"P-pano mo nalaman ang bahay namin?"

"Hindi naman mahirap hanapin ang bahay mo eh."

"P-pero.. b-bakit ka nandito?"

"Hindi mo ba ako papapasukin?" sabi niya sabay ngiti ng ubod ng malinamnam. Napanganga ako. 0o0

"A-ano.. T-teka.."

Hindi to alam ni MAMA at PAPA! Baka, isako nila ako mamaya tapos pausukan! 0.0

"Oh, may bisita ka pala." boses ni Mama. Feeling ko mamamatay na ako. Baket?! Katapusan ko na!!

Lumapit si mama sa pinto at niluwagan ang pagkakabukas nito.

"Pasok ka hijo. Pasensya ka na kung hindi ka pinapasok ng anak ko. Tulala kasi." nilagpasan naman ako ni Ken at tuloy-tuloy na pumasok. T-teka??

Ilang sandali lang, si Papa naman ang dumating.

"Oh, anak? Anong nangyari sayo? Bakit parang nakakita ka ng multo diyan?"

EHMEGHED. Grabe pa sa multo! Mamatay na ako!!!

"Oh, may bisita ka pala."

Nanginginig na ako sa kaba at sa hiya kasi nakita niya akong parang tanga kanina.

Biglang tumayo si Ken.

"Magandang gabi po. Ako po si Ken. Ken de Guzman." sabay ngiti.

"DE GUZMAN?!" sabay na sabi nila Mama't Papa. Oh, anong meron sa surename ni Ken?

"Ipagpapaalam ko po sana si Kadness."

"Ma, Pa.. Hindi po siya nanliligaw. At okay lang po kung hindi kayo pumayag na sumama ako." palusot ko.. Please, wag kayong papayag.. please..

"Ay, naku. Di mo naman sinabi agad hijo. Sige. Sige. Basta ba, iuuwi mo siyang buo." sabi ni mama. Si papa naman tahimik lang. Pero halatang gusto niya si Ken. Eh kung kayo na lang kaya ang sumama sa kanya! ><

Pinagkanulo ako ng mga magulang ko. Uwaaaaaaa! *Lupasay sa floor*

Hinila ko bigla si Ken palabas ng bahay. Naiwang nagtataka si Mama at Papa.

"Teka! Ba't ka nandito?! At anong ipagpapaalam?" taka kong tanong.

Bigla namang sumimangot si Ken. Awwww.. Bakit ang gwapo parin niya kahit nakasimangot? Eeeeehhh..

"Kinalimutan mo talaga. Tampurorot na ako." sabi niya sabay talikod.

"Huh? Anong kinalimutan??"

"Ajujuju.." emote ni Ken.

Lumapit ako sa kanya. "Ano ba kasi?"

"Umu-o ka diba? I gave you the book." sabi niya sabay pout.

"Book?" -."Book?!" 0.0

Ay! Oo! Yung El Fili na libro. Oo nga pala! Sabi niya may date daw kami! 0///0 Bigla akong namula.

Tumingin siya sa akin tapos ngumiti. Halos manlambot ang tuhod ko. Ene be yen?!

"I guess naalala mo na. So let's go?"

"Saan?"

"You'll see." tapos kinaladkad niya ako papunta sa kung saan. Tapos namalayan ko na lang, nasa harap na kami ng isang sasakyan. Pinagbukasan niya ako ng pinto. Ako nakatunganga parin. *0* Ang ganda ng sasakyan!

Marahan niya akong tinulak papasok at pumunta siya sa kabila then sumakay na rin.

Pinaandar niya ang sasakyan niya, pressed something then smiled.

Now Playing: Do You Know (The Pingpong Song) by Enrique Iglesias

Do you know?

Do you know? Do you know?

Do you know what it feels like loving someone That's in a rush to throw you away? (Do you know? Do you know? Do you know? Do you?) Do you know what it feels like to be the last one To know the lock on the door has changed (Do you know? Do you know? Do you know? Do you?)

If birds flying south's a sign of changes At least you can predict this every year Love, you never know the minute it ends Suddenly I can't get it to speak

Maybe find you all the things it took to save us I could fix the pain that bleeds inside of me Look in your eyes 'til I see there's something about me I'm standing on the edge and I don't know what else to give

Do you know what it feels like loving someone That's in a rush to throw you away? (Do you know? Do you know? Do you know? Do you?) Do you know what it feels like to be the last one

To know the lock on the door has changed (Do you know? Do you know? Do you know? Do you?

Naririnig kong sumasabay sa kanta si Ken. Ang ganda pala ng boses niya no?

Bigla siyang lumingon at ngumiti. Napayuko ako. 0///0 Lord, nahuli niya akong nakatingin sa kanya.. >< Narinig ko siyang tumawa pero hindi na ako lumingon. Nakokohoyo koyo =3=

Then he parked the car. Napatingin ako sa labas. MALL?? Tapos, napatingin ako sa sarili ko. Heh??

T-teka.. nakashorts lang ako tapos maluwag na t-shirt plus yung flat shoes ko. 0.0 Kakahiyaaaaa! Ayoko lumabas..

Pinagbuksan niya ako ng pinto. "Let's go?"

"A-ano.. ikaw na lang.." mahina kong sagot.

"Eh, di hindi date yun. Alangan naman i-date ko sarili ko." sabi niya.

"K-kasi.." tapos napatingin ako sa damit ko.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko tapos hinila ako palabas ng sasakyan. Di hamak na malakas naman siya kaya muntik na nga akong matumba papunta sa kanya. Tss. T.T Napansin ko na lang na hinihila na niya ako papasok ng mall. Nakayuko lang ako. Kasi feeling ko, nakatingin sa akin ang lahat..

"Si Ken yun diba? Sino yang kasama niya?"

"Yaya niya siguro? Pero bakit hawak ni Ken ang kamay?"

"Don't tell me??"

Tss. Sige magbulungan pa kayo. Kita niyo na ngang hiyang-hiya na ako dito. Sungalngalin ko kayo diyan eh.

Nakasunod parin ako kay Ken. Malamang, hawak niya kamay ko eh. >////<

Tapos bigla siyang tumigil kaya tumama ang mukha ko sa likod niya. Aray ah. =.= Napatingala ako. Nasa loob na pala kami ng shop eh.

Bigla siyang may inabot na dress sa akin. "Sukat mo." tapos sabay mahinang tulak sa akin papunta sa fitting room.

No choice. Sinukat ko nga. Tapos lumabas ako na bored na bored. Isama niyo na ang hiyang-hiya. Diyos ko eh, above the knee eh tapos.. nakakahiya pa kasi medyo kita yung likod ko.

"You look really pretty." tapos hinawakan na naman niya ang kamay ko. Waaaaah! Kakahiya, baka pawis na ako. Waaaaaah!

Hinila niya ako papunta sa counter then walang anu-anong sinabing, " I'll buy this." Ah, bibilhin niya..

Bibilhin niya?!

Napatingin ako sa tag. Tentenenenen! 8,000 Pesosesoses! 0.0 HUWAAAAAT?!

"T-teka.. wag na Ken, ang mahal.. mahina kong sabi."

He smiled then pulled me closer. Nabigla naman ako. Then he pinched my nose.

"Okay lang.. malakas ka sakin eh."

At heto na naman kami sa hilahan mode. Hawak niya parin ang kamay ko. >////< Pwedeng kahit 2 seconds, kiligin?! Hihihi.

Bigla naman siyang tumigil at kumuha ng isang pares ng sapatos na ang cute cute. "Sukat mo."

Sinukat ko naman. Di naman niya siguro bibilhin to. Sukat lang eh.

"Oh, kasyang-kasya. Tapos lumapit siya sa counter. "I'll buy this."

Halos lumuwa ang mga mata ko. B-bibilhin niya?! Sobrang galante naman ata neto!! Hiyang-hiya na ako ah.

"Ken.. ayoko na isuot yan. Ang mahal niyan eh. Mas mahal pa yan sakin! XD"

Ngumiti siya. " Wag ka mag-alala. Mas mahal naman kita eh."

HAAAAA??! Sabihin niyong nabibingi na ako!

"A-ano?!"

"Wala. Tara na. Kain tayo. Gutom na ako eh."

MAHAL niya ako? Tss. Imposible. Pinagtitripan na naman ako. Aynakuu.. Imposibleng mainlove sa akin ang tulad ni Ken. Sabagay, andito lang naman ako para makabawi sa pagbigay niya ng libro sa akin. This is our first and last date. Syempre, after this.. we're even.

Nalungkot ako na ewan.. >;(

"Say aaaaah." Napakurap-kurap ako. Si Ken, may hawak na frenchfries tapos sinusubo niya sa akin. Napatingin ako sa paligid, lahat sila nakatingin na sa amin.

"A-ah, ako na lang.. Di mo naman ako kelangan subuan eh." nahihiya kong sabi. Biglang nag-pout si Ken. Nakuu, ayan na naman siya, San niya ba nakuha yang pout na yan? Kasi naman eh, kung wala lang akong atraso dito.. Ajujuju.

Kaya ayun, kinain ko na ang sinusubo niya. Biglang nag-"AYEEEEEE" ang ibang kumakain kaya napayuko ako. Ano ba?? Kakahiya.. >3<

Naririnig ko ang mahinang tawa ni Ken. Tapos ayon di ko na lang pinansin yung mga nag-aayee. Aalis na sana kami ng biglang may lumapit na isang babae na on her 40's na ata. Kasama ang isang lalake, parang husband niya kasi magkahawak-kamay rin sila.

"Hi sa inyo. Alam niyo ang cute niyo tignan. Parang naalala namin ang mga sarili namin sa inyo. Ganyan din kami noon nung ka-edad namin kayo." sabi nung girl.

Tatanggi na sana ako at sasabihing hindi ako ang girlfriend ni Ken pero biglang nagsalita si Ken. "Nakakatuwa naman po. Hinihiling ko nga po na sana, paglaki namin. Gaya rin kami sa inyo." then he held my hand. 0///0 Hihilahin ko na sana pero ang higpit ng hawak ni Ken. Tinignan ko siya ng masama.

"Sige hijo. We wish you all the best." tapos umalis na rin ang mag-asawa. Ako naman halos umusok na sa pula.

"Tara na Kad?"

Tumango na lang ako at tahimik na sumunod. Ewan.. parang di ko maintindihan ang nangyayari sa akin.

"Kad, CR muna ako ah. Antayin mo ako dito."

Tumango lang ako at umupo sa parang waiting area dun, Ewan ko kung anong tawag dun eh. Hihi..

5 minutes..

10 minutes..

Asan na si Ken? Ilang balde ba ang inihi niya? Baket ang tagal? Kinakabahan na ako.. Di niya naman siguro ako iniwan no?

15 minutes..

"Ken.."

20 minutes..

"Iniwan niya ata ako.." parang naiiyak na ako sa kaba.. Patay, paano ako uuwi. Nakalimutan ko ang pera ko. Alangan naman maglakad ako eh ang layo..

"Ken.. " bulong ko sabay pigil sa luha ko. Tss, asan na ba yun?

Tapos biglang may nagtakip ng mga mata ko. Kinabahan ako lalo! Kikidnappin ba ako? Ohmaygash! -0-

Napahikbi na ako pero biglang may bumulong malapit sa tenga ko.

"Kalma lang.. Hindi-hindi kita iiwan."

"K-ken.." mahina kong sabi.

Bumitaw siya at humarap sa akin.

"Sorry kung pinag-antay kita. May binili lang ako."

Sinapak ko siya. As in sapak.

"What was that for?" taka niyang tanong.

"EH, KINABAHAN AKO EH.. SA LAHAT PA NAMAN AYOKONG INIIWAN AKO!" padabog kong sabi.

Hinila niya ako tapos inakap. 0.0

"Di ko sinasadya.."

"So, uwi na tayo?" tanong niya. Tumango ako.

Pero bago kami tuluyang umalis, hinawakan niya ako then may inabot sa aking paperbag.

"Wear that on our next date."

"N-next date?" taka kong tanong. May susunod pa?

"Oo. Marami pa." then he smiled. __________________________

[Rash' POV:]

"Ayan, tapos na.. pwede mo na yang tanggalin tapos tawagin mo lang ako pag may kailangan ka." sabi ko sabay angat ng tingin ko.. Pero, WRONG MOVE.

Huli na ng narealize kong ang lapit na pala namin. Sobrang lapit at nakatingin siya sa mga mata ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang di ko maintindihan. >///< Nakatitig lang siya sa akin. At ako, parang di ko magawang tanggalin ang mata ko sa mata niya.

"Rash.." mahinang sabi ni Dylan. Hindi ako makasagot..

Natataranta na ako. Looooooord..

*DOOR OPENS*

"Oops.." sabi ng isang boses.

Sabay kaming napalingon sa pintuan. Wow! Ang gandang babae. Namangha ako sa ganda nung babaeng nakatayo ngayon sa pintuan ng kwarto ni Dylan.. pero mas namangha ako sa narinig kong sinabi ni Dylan.

"ATE?!"

VOTE, COMMENT, REVIEW ;'>

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

******************************************* [17] Chapter 16 ;) - The Deal *******************************************

"Rash.." mahinang sabi ni Dylan. Hindi ako makasagot.. ang lakas ng pintig ng puso ko.. Wag mo naman akong traydorin oh. ;"<

*DOOR OPENS*

"Ooops.." sabi ng isang boses.

Napalingon kaming dalawa ni Dylan. Pero ganon parin ang posisyon. Nakahawak parin ako sa polo niya. Pero napanganga ako sa ganda ng babaeng nasa pinto ngayon ng kwarto ni Dylan. Totoo bang tao to?

"ATE?!"

Doon ako mas lalong natigagal.

"A-ate? Ate mo yan?" taka kong tanong. Hindi sumagot si Dylan. Nanatiling nakakunot ang noo niya. Mas lalo akong nalito.

"Hihi.. Sorry sa istorbo." then she closed the door.

"Sh*t" Dylan cussed. Aba? Baket siya nagmumura? Kung ate niya yon. Diba dapat na matuwa pa siya kasi nandito na yon? Autistic ata tong alaga ko eh. -.-

"Hoy! Masama ang nagmumura. Di dapat yan inuugali." saway ko sa kanya. Eh, babysitter ako eh. So malamang, trabaho ko ang turuan si Dylan ng magandang asal which is kahit isang patak eh, wala siya. Puro kalokohan at kasupladuhan lang ata ang alam neto eh.

Tinaasan niya ako ng kilay. TINAASAN NIYA AKO NG KILAY! Aba! Mataray ka na ngayon? Bakla ata to eh. =3=

"She saw us." sabi ni Haru.

Biglang bumukas ulit ang pinto at dumungaw ang ate ni Dylan. " Don't worry, wala akong nakita." sabay ngisi then she closed the door again.

HA??? Paano niya nalaman na yon ang pinoproblema ni Dylan?

"Ano kung nakita niya tayo? Eh, tinutulungan lang nama kita eh. Babysitter mo ko. Natural alalayan kita." pangangatwiran ko.

"Hindi niya alam na babysitter kita. Hindi mo kilala ang ate ko. Siguradong magsusumbong yon. Isipin pa ni Mommy na nagdadala ako ng babae dito sa bahay at sa kwarto ko pa talaga." nakasimangot na sabi ni Dylan.

"WALA TAYONG GINAGAWA. KAYA WALA SIYANG DAPAT ISUSUMBONG." inis kong giit.

Bigla na namang bumukas ang pinto at dumungaw ulit ang ate ni Dylan.

"Don't worry. My mouth is zipped." tapos ngumiti siya sa akin then closed the door.

Napanganga ako. Nakakabasa ba ng utak ang kapatid ni Dylan? Nilingon ko si Dylan.

Naka-facepalm siya.

"Tss. Kasalanan mo to." sabi ni Dylan.

AKO?? AKO PA ANG MAY KASALANAN?!

"Anong kasalanan ko?? Hoy! Ikaw na nga tinulungan, ikaw pa may ganang mangbintang!" inis kong sabi. May toyo ata to sa utak eh -.-

"Hindi tulong ang tawag dun. TRABAHO!" ganti naman ni Dylan. Nakakainis talaga tong taong to. Ang arogante.

"Ewan ko sayo! Magbihis ka mag-isa mo!" sabi ko naman.

"Talaga! Kaya ko kahit mag-isa lang!" simangot ni Dylan.

"Che, makapaglinis na nga lang." lumabas na ako ng kwarto niya.. Ang arogante!

Paglabas ko natigagal ako sa nakita kong note sa may ref.

Rash, Rash, pinagday-off pala kami ni Dylan. Kaya ikaw na muna ang maiiwan sa bahay. Ngayong araw lang naman. Babalik din kami bukas.

-Manang Ancy.

I-ibig sabihin, ako lang dito? So kelangan kong gawin lahat ng trabaho dito? Dali-dali akong umakyat sa kwarto ni Dylan.

"Day-off sila lahat?" tanong ko.

"Kaya nga, tatlo lang tayo diba? Di ka marunong magbilang?" sagot ni Dylan with matching pokerface.

Nakakainis siya!Nakakainis ang mukha niya! Ang sarap niyang kurutin! HAAAAA? KURUTIN? Dapat pala patayin! Tss.

"I bet, di mo kayang gawin lahat ng trabaho nilang nagday-off no? Kaya ka inis na inis diyan." pauyam na tanong ni Dylan.

"Hinahamon mo ba ako?" Akala siguro netong isip-batang to na di ko kaya yon. All around yata to noon.

"Sure. Pag nanalo ka, you can ask me anything." he said while grinning from ear to ear.

"Lahat?" paninigurado ko.

"Oo, LAHAT. Pero pag natalo ka, I can do anything I want." he said. Mas lalong lumapad ang ngiti niya. Actually, nakangisi na siya. Kinabahan ako bigla. Parang timang to ah.. Pero dahil sa iniluwal nga akong matapang. Hindi ko siya aatrasan.

"Sige ba!" taas noo kong sabi.

He gave out a lope-sided grin then inabot niya ang kamay niya. " Deal?" tanong niya.

Tinanggap ko ang kamay niya. "Deal."

Pero nabigla ako ng hinila niya ako palapit at sinalubong ako ng halik. 0.0

*TSUPPPPP*

Smack lang naman. Pero parang umikot ang paningin ko. Tinignan ko siya ng masama.

"Goodluck kiss mo yun. Atleast matalo ko man, nakahalik ka naman." then he laughed.

Nag-init ang mukha ko. "KAPAL!" tapos umalis ako.

---------------------------

Paglabas ko ng kwarto ni Dylan. Sumandal muna ako at kinalma ang sarili ko. Walanghiyang lalake yun. Basta-basta na lang nanghahalik. Argggg!

*HINGA MALALIM* Kaya ko tooooo!

Nagmamadali akong bumaba at dumeretso sa kusina. Nagluto ako ng almusal para sa ate ni Dylan at syempre sa hudas kong alaga. Pagkatapos, naghugas ako ng mga plato. Nanglinis rin ako ng bahay at tinanggal ang mga dumi sa kasuluk-sulukan ng mansion. Diniligan ko ang mga bulaklak. Pinakain ko ang mga alagang aso nina Dylan.

Umupo lang ako saglit para magpahinga. Nakita kong tumingin sa kinauupuan ko si Dylan mula sa sala. Then he SMILED. No mali, he grinned. Tss, ipapalunok ko sayo yang confidence mo sayo Dylan ka. Kainis.

Bumalik na ako sa paglilinis. Tapos, nagluto ulit. Wala naman ang ate ni Dylan. Sabi, bumisita raw sa bahay ngg bestfriend niya.

Nahahapong naupo ako sa kusina. Nakuuuuu.. napagod ako dun ah. >3< Langyang Dylan yan. Napatingin ako sa paligid. Mwahahaha! Ang linissss! Ano ka ngayon Dylan? Hmmmm.. Ano ba manganda hingin sa kanya? House and lot kaya? Ayy, parang OA naman. Hahaha! Napatawa ako sa iniisip ko ah.

"Nakakabaliw na pala ang pagod ngayon." boses ni Dylan.

Tinignan ko siya ng masama tapos inirapan. "Tss. Talo ka." sabi ko. This time, ako naman ang ngumisi.

Pero biglang tumalikod si Dylan at iniwan ako! 0.0 Walangyaaaa! Di pala tototohanin porke't natalo siyaa! =3= Ansamaaa.

Naka-pout na umakyat ako sa kwarto ko. Ansama. Unfair siya. Sunugin ko gwapong mukha niya eh. Tsss. Hindi pala, sunugin ko panget niyang mukha. -_______-

Humiga ako sa kama ko at binuksan ang TV. Ano kayo? May TV sa kwarto ng babysitter. Mwahahaha! Palibhasa kwarto rin daw to noon ni Dylan kaya may TV. Palibhasa spoiled. Tchchch.

Nagkataong endorsements pa. Tapos ang ineendorse eh, FRENCHFRIES AT SUNDAE! Uwaaaaa T___T Gusto ko niyan.. Ajujuju. Kaya lang next week pa sweldo ko. Plus, may kaylangan pa akong bilhing libro. Ang saklap namang ng kalagayan ko. Ajujuju..

"Gusto ko niyaaaaaaan.. FRENCHFRIES AT SUNDAE! Ajujuju." Ngawa ko. Sarap niyan eh.

Dahil sa alam ko namang di rin ako makakabili niyan, ginawa ko na lang chant. Hahaha!

"Sundae, oh.. oh.. Frenchfries.. oh.. oh.." pakanta-kanta ako habang naghihilamos.

Paulit-ulit ko lang yung kinakanta hanggang mabusog ang tenga ko. AHAHAHA! Adik na talaga ako. XD

"Sundae Sundae, oh.. oh.. Frenchfries.. oh.. oh.."

"Sundae, oh.. oh.. Frenchfries.. oh.. --"

Tapos biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang damuho kong amo. Sino pa eh di si Dylan.

Pinulot niya ang towel sa kama ko at hinagis sa akin. Tumama sa mukha ko. Ang SAKLAP!

"May kelangan ka?" inis kong sabi. Pero di ako pwedeng magmaldita dito. Amo ko parin yan.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng kwarto ko. T-tekaaaaa..

"T-teka, bitaw ngaaa. San moko dadalhin?" taranta kong tanong. Tumigil lang siya ng nasa harap na kami ng big bike niya.

"Lilinisin ko to?" taka kong tanong? Akala ko ba tapos na trabaho ko. Abuso na yan. Babysitter ako hindi motorwash girl! Hmp!

Nakita ko siyang sumakay sa big bike tapos binuhay niya ang makina neto.

"Sakay." sabi niya.

"HA?" taka kong tanong.

"Ayaw mo? Maglakad ka na lang." sabi niya.

Haaa? Dahil sa sinabi niya, automatic akong napasakay kahit na di ko naman alam kung san kami pupunta.

"San ba kasi tayo?" tanong ko ulit. Di siya sumagot.

Naputol ata dila neto eh. Tssss.

At nagmomotor pala siya? Kasi lagi ko siyang nakikitang nakasasakyan.

"Hawak." sabi niya ulit.

"Ha?"

"Di ko kasalanan kung mahulog ka." sabi niya ulit.

Natakot naman ako dun kaya humawak nga ako. Di naman yakap no. Sa damit lang niya. Baka sabihin pa netong chinachansingan ko siya. ASA!

Bigla niyang pintakbo ang motorsiklo. Ang bilis. Napasigaw ako.

"AAAAAAAAAHHHH!! Ayoko pa mamatay! Ayaw.. nakapikit na ako. Lord, ayaw ko pa!" sigaw ako ng sigaw.

"Ang ingay mo. Humawak ka kasi ng maayos kung ayaw mo mahulog." sabi niya. Sinunod ko naman. Hinigpitan ko ang hawak ko sa damit niya.

"Mapupunit damit ko. Mas mahal pa yan kesa sayo." sabi niya. Aray ah. Ang lumanay mo manglait.

"San ba kasi ang hahawak?!"inis na ako. Pero nabigla na lang ako ng gamit ang isa niyang kamay ay inabot niya ang kamay ko at niyakap sa bewang niya. Para tuloy akong nakayakap sa kanya mula sa likod. 0/////0

"T-teka.." nauutal kong sabi. Bibitaw na sana ako pero mas binilisan niya ang pagpapatakbo. Para na nga kaming lumilipad eh.. Kaya yumakap na lang ako. Kesa naman mamatay ako no?

Bigla siyang tumigil. Asan ba kami? HAAAA? Fastfood chain to ah.

Bumaba siya at iniwan ako. INIWAN AKO! Kaya naman, sumunod na lang ako. Walangya tong lalakeng to.

Pero pagpasok ko,namin pala, lumingon lahat ng tao. Ewan ko kung sino ang tinitignan. Ako ba o si Dylan. OH, KAMING DALAWA?!

Napatingin ako sa damit ko. WHAAAAAAT?! Oo nga pala! Nakapambahay lang ako! PAJAMA NGA! Mas tamang sabihing pantulog! Kasalan mo to Dylan!

Tumigil siya sa isang table for two. "Upo." sabi niya. Sumunod naman ako. Tss, anong nakain nun at ang suplado? May dalaw ata to at sobrang grabe kung mag mood-swing.

Iniwan niya ako sa table at pumunta sa may counter. Pagbalik niya may dala siyang..

FRENCHFRIES AT SUNDAE!

"W-wow.." mahina kong sabi.

"Oh, tititigan mo na lang ba, o kakainin mo?" sabi niya. Suplado neto. Kaya ako, wala ng patumpiktumpik pa! Karakaraka! Kumain ako. Syempre, kanina ko pa pinagnanasahan to eh. Tinignan ko si Dylan.

"Pano mo alam na gusto kong kumain neto?" tanong ko.

Umiwas siya ng tingin. "Ewan. Hula lang."

"Salamat ah." sabi ko sabay ngiti.

"Ketchup." sabi niya.

"Ha?"

"Tsss." tapos pumulot siya ng isang tissue paper at pinunasan ang gilid ng labi ko. Nabigla naman ako.

"A-ah.. Hihihi.." tawa ko. Enebeyen.. namumula ba ako??

"May lagnat ka?" tanong niya.

"Ha?"

"Namumula ka."

Napahawak ako sa mukha ko. " A-ah., wala.. wala to. Hihihi." tawa ko kunwari.. Tsss, kakahiya..

"Gusto mo pa ba?" tanong niya ulit.

"Ha?" tanong ko. Sorry, medyo slow ako ngayon.

"Ha ka ng Ha. Tunog tanga ka na." sabi niya sabay ismid.

Napakamot ako sa ulo ko. Sabay pout. Siya naman, tumingin sa labas ng bintana.

--------------------------

Nasa kwarto na ako ngayon. Nakahiga at nakangiti?? Ewan. Natutuwa lang ako kasi nakakain ako ng FRENCHFRIES AT SUNDAE! Hihihi. Babaw ng kaligayahan ko no? Pero bukod dun, naotutuwa lang ako kay Dylan..

Oy, walang ibig sabihin yun! Tss. Nilibre niya ako eh. Hihihi..

"Hmmm.. makatulog na nga."

[Dylan's POV:]

Ang ewan talaga ng babaeng yun. Akalain mo, frenchfries lang at sundae ang kaligayahan. Dapat pala, pinaulanan ko na yun ng frenchfries at sundae para tumigil sa panenermon sa akin. Tss..

Kanina kasi, nong nakita ko kung gaano kalinis ang bahay, namangha talaga ako. Nagawa niya to in less than one day? Grabe naman. P-pero, it's not like bilib ako sa kanya.. Tss. Panalo na siya, alright. Pero dahil sa ayokong magtanong kung ano ang gusto niya tinalikuran ko na lang siya. Baka mamaya, pumasok lang yon sa kwarto at sabihin ang gusto niya. Baka papabili ng house & Lot. Sabihin lang niya, bibili ako. Di ko ugaling di tumupad sa pinag-usapan.

Pero mag-aalas otso na lang eh wala pa ring Rash na pumapasok. Wala rin naman siyang hinihingi. Nakaka-ewan talaga yung babaeng yun.

Kaya lumabas ako para tanungin na lang siya. Nasa harap na ako ng kwarto niya pero parang dyahe pumasok. =.= So tumayo lang ako sa labas pero biglang..

"Gusto ko niyaaaaaaan.. FRENCHFRIES AT SUNDAE! Ajujuju." boses ni Rash yun.

Frenchries at Sundae? Iba talaga tong babaeng to.. gusto niya yun. Hindi ko na pala kelangan magtanong eh. So I entered her room and brought her sa fastfood chain.

At ang babaeng to, tuwang-tuwa naman.. ang babaw ng kaligayahan ah.

"Ketchup." sabi ko. Meron kasi sa gilid ng bibig niya. Para tuloy siyang bata tignan.

"Ha?" tanong niya. Ay naku, isip-bata rin to eh. Kaya kumuha na lang ako ng tissue at pinunasan iyon. Nakita kong namumula siya. Dahil ba don? Ayaw kong mag-assume.

-------------------------

Napangiti ako ng maalala ko ang mukha niya habang kumakain.

"Para talaga siyang bata.." mahina kung sabi.

"So, her name is Rash.. ang babaeng nagpapangiti sa bato kong kapatid."

Napalingon ako. Si ate pala..

Sumimangot lang ako. Tss, kukulitin na naman ako neto. Parang si Rash din.

"I like her." sabi ni Ate Devane.

"So?" sagot ko naman.

"You like her too, ne?" sabi naman niya.

I looked away. "Tigilan mo ako, ate."

"HAHAHAHAHA!" tapos biglang nag-flash. Napatingin ako ulit sa kanya. She's holding a camera.

"Ano ba!" reaklamo ko.

"HAHAHAHA! You're blushing! Sayang naman kung di macapture. Papakita ko to kay Mommy! Hihihi."

"What?? Burahin mo yan." pagbabanta ko.

"What if I don't?"

"Pagsisisihan mo." sabi ko.

"Di ako takot sayo." HAHAHA. Aba, kainis tong kapatid ko ah.. Tsss..

"Bahala ka." then I stood up. Matutulog na lang ako. "Ayoko sa makukulit."

"Ayaw mo sa makukulit pero gusto mo si Rash?" sabi niya sabay ngisi.

"Who told you I like her?!" angil ko.

"Oh, Kalma lang.. I was just guessing brother."

Sumimangot ako.

She laughed. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko.

"Payong kapatid lang Dylan. Rash is Rash. If you want to love her, love her because she is who she is not because she looks exactly like her." then bumitaw siya.

"Goodnight brother."

I decided to go back to my room. Pero, inaamin ko. I was hit by that.. tagos sa puso.

Do I like her? Do I like Rash? _______________________________

[Kriscelle's POV:]

Nakatingin ako sa laman ng envelope. Hmmm.. time to make my move. I picked up my phone.

"Hello? Yeah. It's me.."

(Napatawag ka?)

"Well, bukod sa bored ako.."

(May ipapagawa ka no?)

"Kilala mo talaga ako.."

(Ako pa.. Kilala kita Kriscelle.)

"Haha, okay then.. may ipapatrabaho lang ako. Easy one.."

(What is it?")

"Better come here.."

[[ 2 Hours Later ]]

"Oh, ano ba?" tanong niya.

I tossed the envelope.

"Find her. You know what to do."

I saw him smile.

"Kinalaban ka neto no?" tanong niya.

I smiled.

"Lintik lang ang walang ganti, Rash.."

VOTE, COMMENT, REVIEW ;'>

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

******************************************* [18] Chapter 17 ;) - Schemes *******************************************

[Rash' POV:]

Nandito na uli sila Manang. Balik babysitter na uli ang drama ko. Goodbye to all around maid. Haha. Napagod din akong linisin ang mansion ah. Buti na lang nilibre ako ni Dylan na mabait pero may topak rin kagabi.

"La..La..La.." pa-hum-hum pa ako ng lumabas ng kwarto ko para gisingin si Dylan pero nagulat ako kasi saktong pagbukas ng pinto ko ay siya ring pagbukas ng pinto ng kwartong kaharap lang ng kwarto ko. Kaya napatigil ako sa paghakbang. Nakita kong napatigil rin ang isang babaeng matangkad at kahit kakagising lang ay sobrang ganda. Nahiya ang kagandahan ko. Tss. >3<

Ate pala ni Dylan. Kaya siyempre bumati ako.

"Goodmorning po." sabay japanese bow.

Pero di parin gumagalaw ang ate ni Dylan. Parang shocked na shocked siya na ewan. Anyare??

"M-may problema po ba??" taka kong tanong. Nagsisimula na rin kaya akong kabahan. Maya-maya neto bigla na lang akong i-fire at palayasin sa mansion nila. Wag po..Ajujuju T.T

Nakatitig pa rin siya sakin na namimilog ang mata. "You live here?" tanong ng ate ni Dylan.

Ako naman ang nalito. "Ha?" tanong ko.

"Oh My God! You just came out of that room w/c happens to be my brother's other room. So you two are together?! Magkaka-pamangkin na ako?" tapos bigla siyang tumalon-talon tapos yumakap sa akin. Naasiwa naman ako, wala pa kaya akong ligo! Kakahiya naman. Nakaakap sa akin ang isang model!

"A-ano po??"

"I don't mind if mauunahan ako ng kapatid ko. Basta, gusto ko babae ah, tapos magshoshopping kami together!" tapos ngumiti siya ng ubod ng lapad.

"T-teka po.. hindi po --"

"Hindi pa kayo nakakabuo? Sus, okay lang. Just do your best! Gambatte neh! Babae ah. Gusto ko babae." tapos tumalon-talon ulit siya.

"P-pero--"

"What the hell is happening here?!" malakas na tanong ni Dylan sabay balibag sa pinto niya.

Sabay kaming napalingon sa direksyon ni Dylan. Nakita naming nakakunot ang noo niya. Nag-aantay ng explaination ata. Pero biglang tumakbo palapit sa kanya ang ate niya at binatukan siya. Napanganga na lang ako. Pati si Dylan ay nagulat.

"Ikaw ah! Naglilihim ka na sa amin ni Mommy!" sabi ng ate ng Dylan sabay pamaywang at gawa ng infamous Devane pose niya.

Lalong kumunot ang noo ni Dylan. " WHAT ARE YOU TALKING ABOUT?!" angil ni Dylan.

"Wag moko sigawan. Ate mo parin ako! Sinasabi ko lang na inunahan moko, pero okay lang. I'm happy for you. Binata ka na." tapos nagtatatalon-talon na naman siya. Ano ba to? Pinaglihi sa Kangaroo??

"A-anong inunahan?!" tanong ni Dylan.

"Sus, wag na kasi umangal at mag-deny pa! Kayo ah.. She slept here last night right? Gambatte neh, onee-chan!"

"W-what?!?" sabay naming sabi ni Dylan.

"Ah, basta.. alis na ako, may lakad pa ako eh. Ja ne! Rash! Gusto ko babae ah. Dylan, kayod na! Binata ka na eh!" tapos tumakbo siya pababa ng hagdan.

Naiwan akong nakanganga. Di pala. NAIWAN KAMING NAKANGANGA!!

"What was that KATI?!" angil sa akin ni Dylan.

"Bakit ka sumisigaw?! Wala naman akong alam. Bigla na lang ako niyakap ni Ma'am Devane eh. Tapos, nag-eexplain ako ayaw naman akong patapusin."

Nag-facepalm si Dylan at bumuntong-hininga. "Tss. She thought we're living together.."

"A-ano?!" angil ko.

"AKALA NIYA LIVE-IN TAYO! AT AKALA NIYA GINAWA NATIN YUNG GINAGAWA NG .. ALAM MO NA!"

"Alam ko! Naiintindihan ko naman eh! Trinanslate mo pa!"

"Tss! This is a problem. Siguradong di titigil yun sa pangungulit. Sawang-sawa na nga ako sa bunganga mo, dadagdagan pa niya." he murmured.

"Hoy! Narinig ko yun!"

"Whatever." then tinalikuran niya ako.

"San ka pupunta?!"

"Matutulog."

Napanganga na lang ako ulit. Tss, nagagawa pa niyang matulog sa ganitong sitwasyon? Shabu pa Dylan!

----------------------

[[ Topline Academy ]]

*Buntung-hininga..*

*Buntung-hininga..*

*Buntung-hininga..*

"Baka pati ako masama na sa paghinga mo Rash."

"HOY RASH!"

Napaigtad ako. Tapos sabay lingon sa katabi ko.

"Claudette.. he-he.."

"Aba, absent-minded ka ata ngayon? Anong problema natin?" sabi ni Claudette.

"Ano.. Kasi si --" Pakshet, di ko nga pala pwedeng ipagsabi!

"Si?"

"Ah, ano.. hihi.. wala, wala.. yung aso.. tama! Aso ko, napagkamalang kalive-in nung aso ng kapitbahay namin, hihi.." sabay kamot ko sa ulo ko. Tss.. ang panget pa talaga ng aliby ko. Epic Peyl ka Rash.

"May ganon pala? Ikaw talaga Rash." tapos, kinurot-kurot niya ako sa tagiliran.

Tawa-tawa naman ako. Ang kulit ni Claudette. Hihi..

Nakita namin si Cheska at Angelo na parang nagtatalong ewan.

"Kuya naman! Sige na! Last na to.." sabi ni Cheska.

"No."

"Kuya.." ngawa ni Cheska. Halos humiga na siya sa hallway sa pakikiusap kay Angelo.

"Oh, baket ba nangungulit si Cheska?" tanong ko kay Claudette. Tumawa siya. "Di mo nga pala alam.."

"Ang alin?" tanong ko ulit.

"Kuya.. Sige na. Huling karera ko na to."

"Pang-ilang huli mo na ba yan? Cheska.. tigilan moko. Sagot pa kita kung may mangyari sayo." pagmamatigas ni Angelo.

"Kuyaaaaaaaa!" naluluha na si Cheska.

"Tsk. Wag moko iniiyakan. Alam mo namang.."

"Kuya.. huhuhu.."

"Tsk! Fine! Pero hindi ka sasali pag wala ako. Kelangan andun ako okay?!"

Automatic na nawala ang iyak face ni Cheska at sumaludo pa. "Aye Boss!"

"Tsk." tapos nagpatiuna na sa paglalakad si Angelo. Si Cheska naman lumapit sa amin na tatawa-tawa.

"Oh, ano? Nauto mo na naman kuya mo?" sabi ni Claudette.

"Hihi., Eh mahal ako eh." sabi naman ni Cheska.

"Sabihin mo. Nagdrama ka. Alam mo namang ikaw lang ang kahinaan ng kuya mo."

"Naman!" Tapos nag-apir sila. Parang na-OP ako bigla.

"Ohy, Rash! Musta na?" bati ni Cheska sa akin. Parang nung isang araw lang eh, nagkita na kami tapos ngayon..parang ang kulit na naman niya.

"Okay lang, ikaw ba?"

"Eto, ganda parin. Haha! Ay Rash. Punta ka sa karera ko next week ah."

"Next week? Susubukan ko lang ah."

"Yey! Tapos, karera tayo after!" sabi niya. Namilog ang mga mata ko. Ako? Nye. Di ako marunong.

"Nye.. Mabasag pa bungo ko eh.," sabi ko sabay tawa.

"Ano, excuse me. Ikaw po ba si Rash Yu?" sabi ng isang estudyante. Base sa uniform pocket niya ay 2nd year siya.

"Ah.. Oo, baket?"

"Pinapatawag po kayo ni Ma'am Alice sa may room niya raw po."

"Ah, sige. Salamat ah.."

Tumango lang siya at umalis na.

"Ano kaya yun Rash? Baka, ipapabitay ka!" pananakot ni Cheska.

Binatukan naman ito ni Claudette."Sige Rash, mauna na kami. May klase pa eh. See you mamaya sa club room!"

Tumango ako at nagsimula ng maglakad papunta sa Room ni Ma'am Alice.

--------------------------

[[ Ma'am Alice' Room ]]

Pagbukas ko sa pinto nabigla ako kasi dalawa kaming umabot sa seradora. Paglingon ko si.. Kriscelle. Bumitaw ako at hinayaang siya ang magbukas.

"Goodmorning Kriscelle." bati ko.

Tinignan niya ako.. at.. pumasok na. Hindi man lang ako binati? May topak ba yun?

Sumunod na lang ako sa loob at tumayo sa harap ng table ni Ma'am.

"Pinatawag niyo po ako?" tanong ko.

"Oo. I called you two kasi kayong dalawa ang highest sa mga exams at since leading students kayo. Kayo ang papahawakin ko sa upcoming program for the Music Month.

Tumango ako. Kasama ko si Kriscelle pala. Tumingin ako sa kanya. Pero hindi naman siya nakatingin eh. Nakataas ang kilay. BV ata to?

"Okay, ipapatawag ko na lang kayo for the official meeting. Standby for announcements."

"Got it Ma'am."

"You may go." sabi ni Ma'am Alice.

Nagpatiuna si Kriscelle sa paglabas. Pero pagdating ko sa may pinto, naka-abang pa pala siya.

"Oh, Kriscelle.."

She smiled. Ewan ko kung totoo o pang-uyam na ngiti. "Oh, Rash.. akalain mo nga naman na tayo pa ang magkasama."

"Oo nga naman.." sabi ko sabay ngiti.

"Goodluck Rash." then she turned her back to me. Pero ako lang ba, oh may narinig akong sinabi niya?

"Maybe, hindi mo na gustuhing makatrabaho ako. Baka mamaya, matakot ka na.." then she gave out a lope-sided smile. The evil one.

"Anong problema non?" taka kong tanong. Nagkibit-balikat na lang ako at naglakad papunta sa room ko. Mamaya, pupunta ako sa club room.

-------------------------

[Kriscelle's POV:]

Tss. Akalain mong siya ang makakasama ko. I hate her. I hate everything about her. Mang-aagaw siya. At sisiguraduhin kong magsisisi siya.

Kanina nung nasa room kami ni Ma'am, nakita kong tumingin siya sa akin. So I raised my eyebrow. Nakakairita siya..

Nasa private room ko ako ngayon. Naalala ko yung sinabi sa akin ni Dad nung isang gabi.

[[*Flashback*]]

*Knock* *Knock*

"Pasok."

"Ma'am, pinapatawag po kayo ni Sir."

Tumango lang ako at tumayo mula sa kama ko. Dad's calling me eh?

I opened the door of his library and entered.

"Dad.." nakita ko siyang nagbabasa ng mga papeles.

"Oh, anak.."

"Pinatawag niyo raw po ako."

"Oo."

"Baket po?"

"Well, I believe you know this girl named Rash Yu."

Napatigil ako. Why? Baket si Rash ang pag-uusapan namin?

"Yes. What's with her?"

"I'm planning to give her a recognition. You see, she's really smart."

Nanatili lang akong tahimik. Rash.. pati ba naman si Daddy? Aagawin mo sa akin?!

"And I'm also planning to give her a full scholarship sa university natin."

"What? But why dad?"

"Well, because she's deserving. Sayang naman ang talino nung bata kung di makakapag-aral ng kolehiyo."

"B-but dad.."

"Why?"

"W-wala po.."

Tss. I can't tell him that I hate that girl. He'll end up hating me too. So nakiayon na lang ako.

"Okay. So I'm hoping you can help me.."

"Saan po?"

"Invite her for dinner sometime. Gusto ko siyang makausap about the scholarship."

I clenched my fist. "Sure dad.. You know I'll do everything for you.."

"Thank you anak."

[[End of Flashback]]

"AAAAAAAAAHHHH!" I threw my glass of wine sa wall ng private room ko.

"Damn you Rash. Inaagaw mo sakin ang lahat..."

I picked up my phone.

"Is everything ready?"

(Yeah.. siya na lang inaantay ko.)

"Good. Make her regret na nakilala niya ako."

(HAHAHA. Yah.. sure.)

"Rash.. Yu.."

--------------------------

[Rash' POV]

"Haaaaay.. uuwi na naman ako mag-isa. San ba kasi yung Dylang yun? Sabi nina Claudette kasama raw sila nina Ken. Baka nga daw, gumala.." palabas na ako ng school.

Maglalakad na lang ako pauwi.. Hala, teka! Oo nga pala.. may pinabibili sakin si Dylan. Nasa town pa yun. Malayo ah. Pero okay lang, since trip ko namang maglakad eh.

"Tingin ko naman hindi niya talaga kelangan to. Gusto lang niya na makatakas sa panenermon ko. Kainis na alaga. Wawa naman ako, dakilang babysitter ==" kausap ko sa sarili ko.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad ng may malampasan akong lalakeng nakasandal sa wall ng isang eskinita. Medyo napatingin ako kasi balot na balot siya eh. Pero nagtaka ako kasi iba ang tingin niya saken.

Hmmm. Baka wala lang naman. Patuloy lang ako sa paglalakad pero feeling ko may nakasunod sa akin kaya lumingon ako saglit.

"Wala naman ah.."

Tinignan ko ang relo ko. "Tsk.. 6:30 na pala." AY nakuu. Bibili pa kaya ako nung librong sabi ni Dylan. Kelan pa siya nagbasa ng libro? Loko talaga yun.

Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad. Iba talaga pakiramdam ko. Napansin kong kumukonti na lang ang tao sa paligid. Tapos parang may sumusunod parin sa akin.. Oh baka guni-guni ko lang?

Lumingon ako at nakita kong may nakasunod nga sa akin. Ako na lang at siya ang naglalakad. Sinusundan ba niya ako. T-teka? Ito yung lalakeng nakita kong balot na balot kanina!

Binilisan ko ang lakad ko, pero napansin kong ganon din ang ginawa ng lalakeng nakasunod sa akin. Lumingon ako at sa akin nga siya nakatingin.

*DUGDUG!*

Napahawak ako sa dibdib ko. Lord, wag naman po sana... Isa pa tong peste kung luha. sa sobrang kaba ko ay tumutulo na pala.

Tuloy-tuloy parin ako sa paglalakad at lalo ko pang binilisan. Pakshet lang.. Wag naman sana niya akong abutan.

Nakita ko ang bookstore. Pasarado na!

Tapos may payphone sa tabi ng store kaya tumakbo ako papasok dun. At dinial ang number sa mansion.

[Ring.. Ring..]

[Ring.. Ring..]

[Ring.. Ring..]

"Please.. Manang.. sagutin niyo.."

Tapos may sumagot.

"T-tulungan moko manang.. M-may sumusunod sa akin.. N-nasa.. may Bookstore ako sa Pado Street. Man---"

"Shit. Naputol."

Pagtingin ko. Nandun parin yung lalake. Nakasandal sa pader tapos nakatingin sa akin! Then ngumiti siya ng creepy. Nanindig bigla ang mga balahibo ko..

"Looord.."

"Manang.. Tulong.."

Tumakbo ako papasok sa Bookstore. Magsasara na. Patay. Patay ako neto.. Pero bago ako makapasok sa bookstore, narinig kong nagsalita yung lalake. "Bilisan mo ganda. Labas ka kaagad. Aantayin kita dito." then he smiled in a really creepy way. Bigla pang umihip ang malakas na hangin kaya nabuksan ang palda ko. Nakita kong ngumisi yung lalake. Sobrang kaba ko na. Tuloy-tuloy sa pagpatak ang luha ko. Wag naman po sana.. "Dylan.." bigla kong sabi. Nabigla na lang ako dahil pangalan niya ang nabanggit ko. Ewan ko kung bakit.. Nakatalikod lang ako all this time. Pero biglang may humawak sa balikat ko kaya napaigtad ako. Sisigaw na sana ako ng..

"Shhh.."

Tinignan ko kung sino.

"D-Dylan?"

Inakbayan niya ako at lumabas kami sa bookstore. Nagtaka ako kasi tumigil kami sa tapat nung lalakeng sumusunod sa akin tapos bumitaw siya bigla. Nakatingin sa amin yung lalake pero nabigla ako sa sunod na ginawa niya.

Hinawakan niya ako sa kamay ..

"Rash, I LOVE YOU."

Then he kissed me, Torridly. Namilog ang mga mata ko.

Nakita kong nabigla yung lalakeng sumusunod sa amin tapos nagmura at umalis na.

Ilang sandali lang ay bumitaw si Dylan at tinignan ang daang dinaanan nung sumusunod sa akin.

Pero ako.. parang mabibingi ako sa tibok ng puso ko..

Sinabi niya bang mahal niya ako?

VOTE, COMMENT, REVIEW ;'>

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

Note: Pasensya na po kung natagalan ang update. Leche kasi, I was sick XD Huhu T___T Pero Thank you po sa support! - LUKARET <3 PLEASE LEAVE YOUR COMMENTS! ;)) ******************************************* [19] Chapter 18 ;) - Group Visit *******************************************

Chapter 18 ;) - Group Visit

[[Dylan's POV:]]

I was just joking around when I told Rash to buy me a book. Gusto ko lang siyang inisin. Ewan ko kung baket pero parang gustong-gusto ko siyang kulitin ngayon. Yun lang ang bigla kong naisip. Hindi naman talaga ako sumama kina Jeff eh. I actually went straight home thinking Rash wouldn't buy a book just like what I told her to do. Alam niyang tamad ako magbasa ng libro.

Pagdating ko sa bahay dumeretso ako sa kusina para maghalungkat sa ref. Bigla akong ginutom. Pagpasok ko, si Manang ang nadatanan kong nagluluto.

"Adobo?" tanong ko.

"Ikaw talaga.. Kuhang-kuha mo ang amoy ng adobo."

I just smiled then walked towards my room.

Iniikot ko ang paningin ko. Ang tahimik ata? Wala pa ba si Rash?

"Hinahanap mo si Rash?" tanong ni Manang.

"Of course not. Why would I look for her. Buti nga eh, tahimik ang bahay ko."

Tumawa si Manang. "Ang mga kabataan talaga ngayon." then she went back to the kitchen.

"Tss."

Umakyat ako sa taas. Mukhang sobrang tahimik nga. Wala pa ba talaga si Rash. It's already 6 PM. San ba yun nagsusuot? Tss. Why am I even thinking about where she is in the first place.

I entered my room and tossed my bag to my bed. Tinanggal ko ang polo ko at pumasok sa banyo. Paglabas ko, automatic na napatingin ako sa wall clock ko. 7 PM.

"Nah.. uuwi rin yun." then humiga ako sa kama ko and covered my eyes using my arm. Matutulog na lang ako.

Pero ilang sandali lang din ay napabalikwas ako ng bangon. 7:00 PM. She's not yet home. Bumaba ako para tanungin si Manang. Baka naman nahulog yun sa kanal. Tsk.

Pero bago pa ako umabot sa kusina ay nagring ang telepono. Sasagutin na sana ng isa sa mga maids pero inagaw ko ang telepono.

"Ako na." then I picked it up.

Tatanungin ko na sana kung sino ng biglang..

"T-tulungan moko manang.. M-may sumusunod sa akin.. N-nasa.. may Bookstore ako sa Pado Street. Man---"

*Tooooooot*

*Tooooooot*

Si Rash?! Tinapon ko sa kung saan ang wireless telephone then halos liparin ang parking lot.

"Rash.. please wait for me. I'm coming."

I was speeding like hell. Wala akong pakialam kung pwede man akong madisgrasya. Ang iniisip ko si Rash.

---------------------------

Ilang sandali lang ay natunton ko ang bookstore. I saw a guy na nakasandal sa pader sa malapit. I checked kung asan si Rash at kung hindi ako nagkakamali, siya yung nakatalikod sa loob ng bookstore.

Para akong nakahinga ng maluwag. I thought kung ano na ang nangyari..

Dali-dali akong pumasok sa bookstore. Ready na na pagalitan si Rash. Wala akong pakialam kung ako lang ang tanging alaga na nanenermon sa babysitter. I was worried okay?

Hinawak ko siya sa balikat. I felt her jolt. I can see she's really tensed. Papagalitan ko na sana pero ng lumingon siya. Nawala lahat ng galit ko.

She's crying. Her eyes we're red. At that moment, parang gusto ko na lang siyang yakapin bigla. Tumingin ako sa labas. The guy is still there. Goddamn him. Gusto ko siyang patayin for scaring Rash this much!

Inakbayan ko si Rash and gently walked her out of the bookstore. Nanginginig siya. Tss. Tinignan ko ng masama ang lalake. The moment na nakalabas kami ni Rash sa bookstore, hinawakan ko siya sa kamay and claimed her lips.

Yes, I gave her the deepest kiss..

Nobody can hurt her.. Nobody can hurt Rash..

Right before our kiss ended, I looked at the guy who caused this. Halatang nabigla siya. Nagmura then umalis na. I let go of Rash. And when I looked back, nakita ko ang expression ni Rash. She was shocked..

And then I realized, nasabi ko bang mahal ko siya?

-----------------------------

[[Rash' POV:]]

That was the first time na nahalikan ako ng ganon. Oo, hinahalikan ako bigla ni Dylan, but never that way.. litong-lito ako.

Pero mas lalong nakakalito yung sinabi niya kanina. Mahal niya daw ako? HAAAA? Magugunaw muna ang mundo.

"S-salamat Dylan.." sabi ko sa mahinang boses.

"Anong ginagawa mo dito sa ganitong oras?" seryoso niyang tanong.

"Bibili sana ako ng libro." sabi ko ng nakayuko.

"Sa ganitong oras?" sabi niya. Alam ko galit si Dylan.

"Kasi, natagalan ako. Nilakad ko lang kasi. Di ko naman alam na ma--"

Bigla niyang sinuntok yung pader. Napatigil ako sa pagsasalita dahil sa bigla.

"Goddamn it Rash. Kung hindi ako umabot, kung nahuli ako kahit isang minuto lang.. tingin mo anong nangyari sayo?!"

Napaatras ako dahil sa pagkabigla. This is the other side of Dylan. Ganito siya magalit ng grabe.. Napayuko lang din ako. Ginalit ko siya..

"S-sorry..Hindi ko sinasad--"

Hinila niya ako bigla papunta sa motorsiklo niya.

"Sakay." sabi niya.

Tahimik akong sumunod.

Habang nasa byahe kami. Walang imikan. Napatingin ako sa isa niyang kamay. May sugat siya. Iniwasan ko na lang ang pagtitig kasi may dugo rin eh. Alam niyo namang takot ako sa dugo >.<

Dumating kami sa bahay nila Dylan na wala paring imikan. Deretso siyang umakyat sa kwarto niya habang ako pumasok din sa kwarto ko. Nahahapong naupo ako sa kama.

"Tama.. k-kung di dumating si Dylan.. baka pinaglalamayan na ako ngayon.. P-pero di man lang ako nakapagpasalamat sa kanya.." sabi ko sabay baon ng mukha ko sa unan.

Tumihaya ako at hinawakan ang labi ko. Parang nararamdaman ko parin yung labi ni Dylan. Napapikit ako. Alam ko namang ginawa niya lang yun dahil andun yong lalake. Pati yung sinabi niyang mahal niya ako.. imposibleng mangyari.

Ewan ko ba pero biglang sumakit ang dibdib ko. >;(

Lumabas din ako ng kwarto ko at napagdesisyunang puntahan sa kwarto niya si Dylan. Kahit papano, I owe him my life. Pagpasok ko mukhang huli na. Tulog na kasi si Dylan. Lumapit ako at umupo sa gilid ng kama niya. Nakapatong ang isang kamay niya sa ulo niya. Yung may sugat nasa gilid lang.

"D-dylan.. Sorry sa nangyari kanina. Pasensya na kung naaksaya ang oras mo. O kung, tingin mo binigyan kita ng sakit ng ulo. Di ko naman yung sinasadya. Bibili lang talaga ako ng libro.. Salamat rin dahil kung di ka dumating baka wala na ako ngayon. Salamat sa pagliligtas sa akin. Utang ko sayo ang buhay ko." mahina kong sabi. Alam ko di niya ako naririnig.. tulog na siya. Pero bahala na..

Napatingin ako sa sugatan niyang kamay. May bandage na. Ako ang dahilan kung baket to may sugat. Kung di lang siya nagalit, di naman niya susuntukin yung pader. Oo, suplado si Dylan.. pero di siya bayolenteng tao.

Di ko napigilang hawakan ang kamay niyang may sugat. Tumulo na rin luha ko. Ewan ba, ngayong gabi.. wala na akong nagawa kundi umiyak. Ang hina ko..

"Alam ko na, yung ginawa mo, pati na yung sinabi mong mahal mo ako ay dahil andun yung lalake. Kahit medyo weird, eh tumalab naman diba? Umalis yung masamang lalake. Kaya salamat.. wag ka mag-alala. Alam kong palabas lang yun kasi imposible namang mahalin mo ako. Galit ka nga sa akin eh." sabi ko sabay tawa.

Nilapit ko ang kamay niya sa mukha ko tapos hinalikan ko ang parteng may sugat. "Salamat Dylan.."

Bumitaw na ako at tahimik na lumabas ng kwarto niya.

[[Dylan's POV:]]

Damn, I can't sleep. Knowing na sinigawan ko si Rash kanina. Alam ko, may kasalanan rin ako. Kung di ko siya inutusang bumili ng libro kahit di ko naman kailangan, di din siya malalagay sa pahamak. Pero parang kanina, sa kanya ko lang binunton ang sisi.

"I'm such an idiot.."

Nakahiga lang ako sa kama ko na parang starfish. Hindi ko alam kung makakatulog ba ako. Ang alam ko lang maaring umiiyak si Rash ngayon. Sa panahong nakasama ko siya at naging babysitter, nalaman ko na sa likod ng masigla, masayahin at matapang na Rash ang babaeng takot masaktan at takot mawalan. That night when she cried so hard in my arms. That night when she mourned for the loss of her parents. That night that she felt really alone. I saw the true Rash. Ang Rash na madaling masaktan. Ang Rash na naghahanap ng masasandalan.

Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Dahil sa hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Rash ngayon. Nagkunwari na lang akong tulog.

Naramdaman kong umupo siya sa kama ko tapos huminga ng malalim.

"D-dylan.. Sorry sa nangyari kanina. Pasensya na kung naaksaya ang oras mo. O kung, tingin mo binigyan kita ng sakit ng ulo. Di ko naman yung sinasadya. Bibili lang talaga ako ng libro.. Salamat rin dahil kung di ka dumating baka wala na ako ngayon. Salamat sa pagliligtas sa akin. Utang ko sayo ang buhay ko." mahina niyang sabi.

Hinawakan niya ang kamay kong may bandage. I can hear her. She's crying. I badly want to hug her. Pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

"Alam ko na, yung ginawa mo, pati na yung sinabi mong mahal mo ako ay dahil andun yung lalake. Kahit medyo weird, eh tumalab naman diba? Umalis yung masamang lalake. Kaya salamat.. wag ka mag-alala. Alam kong palabas lang yun kasi imposible namang mahalin mo ako. Galit ka nga sa akin eh." sabi niya sabay tawa.

Pero nabigla ako ng nilapit niya ang kamay ko sa mukha niya tapos hinalikan ang parteng may sugat. "Salamat Dylan.."

Bumitaw siya at tahimik na lumabas ng kwarto ko. Ang huling tunog na narinig ko ay ang tunog ng sinaradong pinto.

I opened my eyes. Yes, I kissed her back then. Sinunod ko lang ang dinidikta ng loob ko. Well, partly because the bad guy was there. Pero ginusto kong gawin yun.

Ang malaking tanong sa utak ko ay kung baket ko biglang nasabing mahal ko siya. I never intended to tell her that. Pero nung nakita ko siya.. hilam ang mga mata sa luha at takot sa maaaring mangyari, bigla ko na lang yong nasabi. It came out of the blue..

Tinignan ko ang sugatan kong kamay. She kissed my wound. Napangiti ako.

Pero, Mahal ko nga ba si Rash.. o nadala lang ako sa idea na magkamukha sila?

But maybe.. just maybe.. it's time for me to open doors. Anyway, whatever happens, I'll just take it slow. Ang alam ko lang ngayon, Rash.. Rash is bringing out the side of me na kahit ako ay hindi ko alam na meron ako. Inaamin ko, natakot ako na may mangyari kay Rash. Natakot ako na hindi pa man ako nakapagsisimula ay mawala na siya.

I'm really an idiot.. I told myself that I'll get rid of that girl, but now..

I ended up liking her instead.

-----------------------------

[[Kriscelle's POV:]]

"What?! Akala ko ba magaling ka?!"

(Calm down a bit Kriscelle. Nagka-aberya lang. Sabi nung inutusan ko na bigla daw may dumating.)

"Anong may dumating? She can't call for help. Wala yung phone!"

(She used the payphone. You see, she's really smart.)

"Oh, Shut up!"

"Sino ba yung dumating?" tanong ko.

(Sabi nung inutusan ko, it's a guy named Dylan)

"S-si Dylan?! Paano napunta si Dylan don?"

(Why are you asking me?)

"Pilosopo ka."

(HAHAHA. Naah, calm down. Binibiro lang kita.)

"Tsk. I need to dig deeper."

(Ano na ngayon ang plano mo?)

Tss. If Rash used the payphone.. then Dylan came. Pano nangyaring si Dylan? Eh, di naman sila magkasundo? They don't even talk to each other pag nasa club kami. What is going on??

"I need you to act as my eyes and ears."

(You're going this far)

"I'll do everything."

(Okayokay. I owe you so I guess, I have no choice then.)

"Good. Pigain mo kahit anong impormasyong pwede mong makuha."

(Got it..)

Shit.. anong kinalaman ni Dylan kay Rash? Baket siya ang dumating para tumulong kay Rash?

"I gotta' find out."

[Rash' POV:]

[[Topline Academy]]

"Oh, Dylan? Anong nangyari sa kamay mo?" tanong ni Claudette.

"Oo nga naman.. parang may sinuntok ka ata?" sabi ni Kriscelle. Pero iba ang tono niya. Imbes na nagtatanong siya kay Dylan, parang sinasabi pa niya kung ano ang nangyari. Mind reader ba to si Kriscelle?

Tumingin si Dylan sa akin. Napayuko naman ako.

"Wala. May nabasag lang sa bahay tapos nasugatan ako sa bubog." Pagdadahilan ni Dylan.

Hindi pwedeng malaman nila ang nangyari dahil malalaman rin nila ang sekreto namin ni Dylan. Na I'm his babysitter. Nung una sinabi niya sa akin na wag magkwento kahit kanino tungkol sa trabaho ko. Sabi niya, siya na raw ang bahalang magsabi sa iba.

"Oh, talaga? Ano bang nabasag Dylan?" tanong ni Kriscelle. Parang nasa interrogating process tuloy si Dylan.

"Pinggan." tipid na sagot ni Dylan.

"Gaano kalaking pinggan?" tanong ulit ni Kriscelle.

Kinakabahan na ako. Baka sumablay ang palusot ni Dylan. Tsk! >.<

"Why are you asking so many questions Kriscelle?" tanong ni Dylan.

"Wala naman.. I was just plain curious." nakatawang sagot ni Kriscelle, then pinadaanan niya ako ng tingin.

Nagkunwari naman akong nagbabasa, kahit wala namang nakasulat sa notebook ko. Mukha na akong timang dito. Ano ba kasing problema ni Kriscelle?

Biglang pumasok si Cheska at nagtanong.

"Ano ba plano naten for music month?"

Haaaay! Salamat at naiba rin ang topic! Gusto kong yakapin sa tuwa si Cheskaaaaa! XD

"Uhm. Yah, about that nga pala. Ganon pa rin ba?" tanong ni Patricia.

"I guess, oo." sagot ni Kriscelle.

"Ikaw Rash, may isa-suggest ka?" tanong ni Kriscelle sa akin. Nabigla naman ako. Siyempre, ano bang alam ko eh, ngayon taon lang naman ako nagtransfer dito.

"Ah.. Ano.. Di ko din alam. Kasi.. baka..di rin ako sumali." atubili kong sagot.

"Aw, too bad." then Kriscelle stood up. "Sige, una na ako. Marami pa ako dapat asikasuhin eh.

Tumango silang lahat. Ako naman nanatiling tahimik lang. Bigla akong kinabahan eh.. >.<

------------------------------

[[Kinabukasan]]

"Ugaaaa." Nakapikit pa ang isa kong mata habang nagtotoothbrush. Sabado ngayon. Walang pasok so, binigyan ko na ng pabor si Dylan. 6 AM ko na lang siya gigisingin.

Habang nagtotoothbrush, napatingin ako sa mga labi ko..

[Erase.. Erase..]

Tsk, wala nga lang yun Rash..

Naghilamos ako tapos inayos ang kama ko. Malapit na rin mag-six eh. Pero may nahagip ang mata ko kaya natigilan ako.

"Ano yun?" humarap ako sa may cabinet. May nakapatong eh. Kanino to?

Lumapit pa ako at tinitigan.

C-cellphone?!?!

Kanino to?! Baka mapagkamalan akong magnanakaw. Huhuhu. T__T Ayoko makulong no! Marami pa akong pangarap sa buhay. Ayoko makulong! Kaya tumakbo ako papunta sa kwarto ni Dylan. Baka naman kay Dylan to? Pero pano napunta sa kwarto ko! Nakuuuu T___T Mapapagbintangan talaga ako neto!

Wala ng katok katok pa! Karakaraka! XDDDD

Pagpasok ko, nakahiga pa si Dylan.

"Dylaaaaaaaaaaan!!!"

Naalimpungatan ata kaya biglang napabalikwas ng bangon. Lumingon siya at nagkunot-noo.

"Bunganga mo , ang sarap sunugin." sabi niya sabay talukbong.

"Pero Dylan.. May ano kasi.."

"Ano?!"

"Ano.. Cellphone sa may cabinet ko."

"So?"

"Ha?! Di ko to ninakaw! Baka mapagbintangan ako. Di ko alam kung pano to napunta sa kwarto ko."

"Malay ko rin. Nasa kwarto mo diba?"

"P-pero.. ano eh.. di to akin. Oh, ikaw na lang humawak." sabi ko.

Bumangon si Dylan tapos nagsalita ng di tumitingin sa akin.

"Sakin galing yan. Gamitin mo, para pag may emergency alam ko kung san kita tatawagan."

"S-sayo galing to?"

Tinignan niya ako ng masama. "Bingi ka?!"'

"Ay, hihi.. Sorry."

"Oh, may kaylangan ka pa? Kung wala na, hala.. Shoo." pagtataboy niya sa akin.

"Pero, di ko alam kung pano gamitin to!" reklamo ko.

Binigyan niya ako ng I-cant-believe-you look. Yumuko ako.

"Don't tell me, na pag tumawag ako kasi may iuutos ako, kelangan pang puntahan kita para ako mismo ang sumagot ng sarili kong tawag para sayo?!" angil niya.

Ajujuju T_T Eh sa hindi talaga ako marunong eh. I pouted.

"Tsk. I'll teach you okay. Just let me sleep."

Titili na sana ako pero bigla siyang nag SHHHHHHHHH! Kaya tumahimik naman ako. Pero napatingin kami sa isa't isa ng makarinig kami ng mga yapak palapit sa kwarto ni Dylan.

"Dylaaaaaaa! Kami to. Nandito ang buong club! Papasok na kami sa room mo." sigaw ni Claudette.

Nanlaki ang mga mata ko. Paano kung makita nila ako dito sa loob? Eh di nabuking na ako ang babysitter ni Dylan?!

Tumingin ako kay Dylan. Halatang nalilito din siya kung ano ang gagawin..

"Dylan.." bulong ko na kinakabahan.

Nag 'Shhh' sign siya. Ang lakas ng pintig ng puso ko.

*DUGDUG*

*DUGDUG*

*DUGDUG*

Kasabay ng pagbukas ng pinto ay ang paghila ni Dylan sa akin. And we ended up in a position na kahit sinong makakita ay mag-iisip ng masama. >___< I'm getting doomed.

And then Dylan spoke,

"Help me play this game.. Rash."

VOTE, COMMENT, REVIEW ;'>

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

******************************************* [20] Chapter 19 ;) - The Game and the Moon Guy ******************************************* Chapter 19 - The Game and the Moon Guy

Dylan's lying on his bed. I ended up above him. His right arm enveloping my waist, his left hand is planted on my cheek and his eyes are telling me to look at him, -- only him.

I was breathless..

"Help me play this game .. Rash."

Nabigla ako. Ang natitirang espasyo na lang samin ay dulot ng dalawa kong brasong nakulong sa gitna namin ni Dylan. Pero.. baket parang dama kong yakap niya ang buo kong pagkatao? Napatitig na lang ako sa mga mata niyang parang nangungusap sa akin. He was staring right into my eyes.

"G-game?" mahina kong sabi.

"Yeah.. Play-house Version 2.0." then he gave me an assuring smile.

"Here we go." tapos hinigpitan niya ang hawak sa bewang ko. Nayanig ang buong mundo ko. Parang may mga paru-parong nagkakarambola sa tiyan ko. ><

And then I heard a loud crashing sound. Parang basong nabasag. Automatic akong napatayo. And saw them. YES. THEM. The whole club. Apparently si Cheska ang may hawak nung baso na nagkapira-piraso na ngayon sa sahig.

Tapos bigla siyang tumili. "Anak ng racing car na may bangs! Lumalalablayp na si Dylaaaaaaaan!"

Hindi parin ako nakaimik. Daig ko pa ang natuod sa kinatatayuan ko. Sana nananaginip lang ako. Sana, hindi to totoo.

Biglang pumasok ang ate ni Dylan at parang nabulabog ata sa tunog ng nabasag na baso.

"What's the matter here?" taka niyang tanong. Tapos dumako ang tingin niya sa akin na parang tuod na nakatayo sa gilid ng kama ni Dylan at si Dylan na .. na hawak ang kamay ko.

"Oh, akala ko ako lang din ang nabigla pero I'll introduce all of you to her. Guys, the girl standing right there is --"

"RASH." sabay sabay na sabi ng mga club members. This time oras naman ng ate ni Dylan na mabigla.

"You know her?"

Sabay-sabay na tumango ang mga club members na parang di parin makapaniwala. Actually, kahit ako.. I can't believe na napasubo ako sa bagay na to.

"Oh, so this is Rash.. and she is my brother's Ka-no-jo." then she smiled.

"KANOJO?" tanong nila. Actually, tanong NAMIN. Mismo ako di ko naintindihan. 0.O

"Awh, Gomen Gomen.. Let me restate that.She is Rash, and she is my brother's GIRLFRIEND."

Nabigla sila. PATI AKO!

"H-hindi naman--" simula ko pero biglang humigpit ang hawak ni Dylan sa kamay ko then spoke.

"Yes. We're dating.."

My jaw dropped. Literally. 0.0

Hindi makapaniwalang lumingon ako kay Dylan. He gave me the let-me-handle-this look. P-pero..

Inakbayan ako ni Dylan. "Oh, so ano? Tapos na kayo mabigla? Tara na sa baba. We'll talk about the music month celebration." tapos, hinila niya ako palabas.

--------------------------

[[Lautner's Residence Living Room]]

"Oh my Gosh Rash! I can't believe it! Napa-amo mo si Dylan. Ang galing mo!" daldal ni Cheska. Si Claudette naman, walang tigil na tinutukso si Dylan.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanila. Heller?! Malay ko bang ganito pala ang plano ni Dylan. Walangyaaaa! Naiiyak ang buo kong existence.

"Rash. So paano nagtapat si Dylan?" nakangising tanong ni Ken.

"A-ah.. T-tapat ba kamo?"

(Wala eh. Bigla na lang akong hinila ng walang pasabe tapos ilang minuto lang, ina-announce na niya sa lahat na kami na. Ang tagal niyang nanligaw no?)

Yan sana ang gusto kong isagot pero siyempre, eh di nagkagulo-gulo pag yan ang sagot ko. Tsk. Dylan! Walangya ka! Ikaw ang may pakana neto tapos ano?! Iiwan moko sa ere para kausapin at sagutin lahat ng tanong nila. Hinanap ko si Dylan. Tss..

"Rash? Share mo naman samin. Ano? Lumuhod ba si Dylan? O binigyan ka ng bulaklak? Baka naman pinagawan ka ng garden?" hyper na tanong ni Cheska. Pati si Claudette nakikisali na rin pero iba ang ngiti ni Claudette. Ngiting tagumpay ba?

"Ahh.. A-ano kasi.." Anak ng kamote naman. Ano isasagot ko?

"Samin na lang yun." biglang sagot ni Dylan sabay upo sa tabi ko.

Napaigtad naman ako. Eh, ang lapit eh. Jusko naman, natetense ang kilay ko.

"Hmp! Ang damot-damot ni Dylan." sabi ni Patricia sabay pout.

Nagtawanan ang lahat, except samin ni Dylan. Humanda ka saking isda kang Dylandang ka. Sino may sabi sayong pumapayag ako? Kawawang-kawawa na ako eh.

"Akalain mo yun Rash? Eh, nung una mortal enemy mo to eh. Kung magbangayan kayo kulang na lang magpalitan kayo ng bomba." sabi ni Angelo.

"Hanggang ngayon naman Mortal Enemy ko parin to. Sarap nga pasabugin ng mukha eh." sabi ko.

"Ha?!" sabay nilang tanong.

"H-ha? Ah, ano sabi ko. Enemy ko parin to. Pero di na masyado.." Palusot ko, ang lame ah. Tsk.

Tinignan ako ng masama ni Dylan. Ganon din ako. Sukatan kami ng tingin. Walang umaayaw. =.=

"Ang sweet niyo ah. Kung magtitigan kayo parang walang bukas." Sabi ni Jeff.

"Oo eh.." sabi ko.

(Ang sarap patayin sa titig tong lalakeng to. Basta-basta ako dinadamay sa problema niya.)

Ngumiti si Dylan. Sumimangot ako. Pft. Aberya ka sa buhay ko Dylan.

Tumayo ako at hinawakan sa kwelyo si Dylan. "Kukuha muna kami ng makakain. Tara." Halatang napipilitan lang si Dylan kaya lalo kong hinigpitan ang hawak sa kwelyo niya.

"Aaaaackkk." reklamo niya.

Pagdating namin sa kusina, binigyan ko siya ng Death Glare.

"Baket mo sinabing tayo ah?!" inis kong sabi. Pero mahina lang baka marinig nila ang debate namin. Sarap suntukin ng gwapong to!

Nagkamot siya ng batok tapos tumingin sa akin ng bored.

"Eh sa wala akong ibang maisip na palusot eh." sagot niya.

"PALUSOT? Tinatawag motong palusot? Eh mas lalo mo pang pinalala ang sitwasyon. Ngayon pano natin sasabihin sa kanila ang totoo?!"

Humawak siya sa sentido niya. "Mamaya, mag-iisip ako kung pano." sabi niya.

M-MAMAYA?! Mamaya pa?!

Kinwelyuhan ko siya. Pikon na ako. "Anong problema mo sa buhay mo Dylan?! Ang problema sayo, Spoiled ka masyado!" litanya ko pero biglang may nagsalita sa pintuan ng kusina.

"Anong ginagawa niyo?" si Angelo!

Agad kong binitiwan si Dylan at inakbayan siya, kahit na hirap na hirap ako kasi nga nung nagpaulan ng height ang langit. Tulog-mantika ako. ><

"Wala.. Naglalambing lang si Rash." sagot naman ni Dylan sabay ngisi. Tinapakan ko siya kaya nalukot ang mukha niya.

"Osya sige. Iwan ko muna kayo diyan." sabi ni Angelo. Tapos bigla siyang sumigaw.

"GUYS! SINA DYLAN, KUNWARI KUMUKUHA NG PAGKAIN YUN PALA NAGLALAMBINGAN LANG!"

Nanlaki ang mga mata ko. Napaupo ako sa sahig. Wala na.. wala na akong pag-asa! ><

Rinig ko pa ang malakas na "AYEEEEEEEE!" ng buong club. Buhay nga naman. Sarap patayin. Tsssss.

"Tumayo ka nga diyan. Para kang bata." sabi ni Dylan. Inirapan ko lang siya sabay tayo. Pinulot ko ang tray ng juice at nagpatiunang lumabas.

Ano na ngayon Rash? Paano ka na? Noong una, akala ko ang dali maging babysitter. Pero HINDI PALA. Mahirap pa sa salitang MAHIRAP. San ka nakakita ng BABYSITTER NA GIRLFRIEND ABER?!

Nakabusangot akong lumabas sa kusina. Tinukso-tukso pa nila ako. Naaaa. Laslas na lang ako. Ang hirap. >.<

"Ay, teka. Para sa Music Month nga pala.. anong plano?" tanong ko. Pinipilit kong ibahin ang topic. Dyahe na. Baka bigla madulas ako o si Dylan. Mabuking pa kami. =.=

"Ayy. oo nga pala. Muntik na namin makalimutan. Kayo kasi Rash eh!" sabi naman ni Patricia. Tumawa na lang ako ng hilaw. Tsk. Pahamak talaga tong si Dylan.

"Hmm. I guess, pareho parin no?" sabi naman ni Ken.

"Anong pareho?" taka kong tanong. Jusme, eh parang sobrang OP ko na. Di ko naman gets kung ano ibig nila sabihin eh.

Ngumiti si Jeff at sumenyas. "Tara." nagsitayuan ang mga club members. Si Dylan, ewan kung asan. Baka nilamon na ng kusina. Buti nga sa kanya.

Dahil sa wala akong alam.Sumunod na lang ako sa ibang members. Tumigil sila sa harap ng isang kwarto. Which reminds me, di ko pa to napapasok ah? Ano ba laman neto?

Bubuksan na sana ni Jeff ang pinto pero pinigilan ko siya. "Pwede ba tayong pumasok diyan? Baka magalit si Dylan." sabi ko. Ako pa ipasalvage non eh. Ajujuju T___T

"AYEEEE.. TAKOT MAGALIT SA KANYA SI BOYFRIEND." sabay sabay nilang sabi. Namula ako. Pft. Iniba na nman nila.

"Oh di siya.. Pumasok na tayo. Ano pa inaantay natin?" paghahamon ko. Ako na mismo ang nagbukas at namangha ako sa nakita ko.

"WOW!" Isang kwarto na punong-puno ng instruments at may lugar talaga para pagpractisan! *0*

Pumasok na sila at kanya-kanyang pulot ng mga instruments. Tapos sabay na nagsalita.

"We'll play and sing."

-----------------------------

[[Topline University - Class A Room ]]

[Rash POV:]

"G-game?" "Yeah.. Play-house Version 2.0." then he gave me an assuring smile. -----------------------------------Ugaaaa.. Di parin maalis sa isip ko yun. Ginulo-gulo ko na ang buhok ko, sabay sampal-sampal sa pisngi ko pero no epek eh.. =3= "Tss. Ang sakit ng ulo ko." Kagabi kasi, halos wala akong tulog kakaisip kung paano namin malulusutan to. Samantalang si Dylandan parang ang himbing pa ng tulog. Pero inaamin ko rin, nabigla ako sa ugali ni Dylan kahapon. Hindi niya ako sinisigawan. Tapos, hindi na siya yung utos ng utos. Pero ewan ko kung magtatagal ba yun, o epekto lang ng gutom niya. Tsk.

Gusto ko matulog. Pramis, pero nasa kalagitnaan kami ng klase eh.. >.< Pag nahuli ako, siguradong maga-guidance ako. Manganib pa scholarship ko no.

"Some twelve years before the action of the play begins, Oedipus has been made the King of Thebes in gratitude for his freeing the people from the pestilence brought on them by the presence of the riddling Sphinx. Blah.. Blah. Tsug. Tsug." sabi ni Ma'am France.

Nakikinig ako pero inaamin ko, lumalabas din sa kabilang tenga. Halos iub-ob ko na nga mukha ko sa mesa. Inaantok talaga ako! Ajujuju T__T

Nilibot ko ang paningin ko, mga kaklase ko may nakikinig naman. May iba ring kunwaring nakikinig lang. Tulad ni Claudette at Patricia. Ewan pero kanina pa sila nag-ngingitian eh. Nakapagtataka talaga.

Ang hindi ko naman alam na may mangyayari sa room na magiging dahilan para lumala ang problema ko. Baket? Dahil biglang tumayo ang isa kong kaklase at may binasang nagpatigagal hindi lang sa akin kundi sa buong klase. Ehmerghed. 0.0

Kanina lang kasi, nag-ngingitian lang sila. Lumingon ako sa kinauupuan ni Claudette which is two seats away from me. Nagsusulat siya? Eh, wala namang dapat i-take note eh. Nakita kong tinupi niya ang papel tapos ngumiti kay Patricia. Nang sunod kong lingon, nakita kong binigay niya sa katabi niya yung papel tapos nagplease sign siya.

Heh? Parang nalito naman yung isang kaklase namin. Tingin ko gusto niya atang ibigay sakin yung papel kaya lang medyo malayo ako sa kanya. Ini-explain ni Claudette through actions ang ibig niyang sabihin pero di parin ata nakukuha nung isa kong kaklase.

Ano ba kasi yung nakasulat sa papel na yun?

Pagtingin ko sa harapan, mukhang nahahalata na ni Ma'am na hindi nakikinig sina Claudette. Kaya binalik ko na ang atensyon ko sa klase kahit medyo wala akong naintindihan. Seryosong-seryoso na ako sa pakikinig ng biglang..

"I believe Ms. Santos fully understood our lesson for today so how about you continue narrating the series of events." tawag ni Ma'am kay Ericka. Ang classmate namin na binigyan ni Claudette nung letter para ipasa sa kung sino. Dahil sa bigla at kaba ata ni Ericka ,imbis libro ang pulutin tumayo ito bigla at ..

At BINUKLAT ANG PAPEL NA BINIGAY NI CLAUDETTE!

Pagbuklat niya, BINASA NIYA! ANG LAKAS! Natahimik ang buong klase.

"Dear Rash, I cant believe this! Ikaw na talaga girl! Akalain mong kayo na ng Supladong yun?" simula niya. Namilog ang mga mata ko. Para sakin ang letter! Patay!

Nagbubulungan na ang mga kaklase ko.. nagtatanong kung sino ang supladong lalake sa sulat.

Dahil sa bigla ay di ako nakapagsalita!

"-- You're finally dating the King of Isnaberos! Dylan Lautner!" pagpapatuloy niya.

Tuluyan akong napanganga. Dahil sa bigla, automatic akong tumayo at hinablot ang papel na binabasa ni Ericka.

"May I leave the room Ma'am." tapos, kumaripas ako ng takbo. >////<

This is soooooo not happening! >.<

------------------------

Sa kakatakbo ko, umabot ako sa garden sa likod ng malaking building ng Top Classes. Nahahapong naupo ako sa isang bleacher don.

"Pakshet lang. Nagkaloko-loko na! Paano na to! Di lang ang buong club, pati na ang buong klase namin, naniniwalang kami nga!" litanya ko. Para na akong tangeng ngumangawa sa bleacher habang kausap ang mga bulaklak na nakatanim doon.

Naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko. Anong gagawin ko? Siguradong kakalat na to? May pakpak ang balita? Mali, actually.. nagteteleport ang chismis! 0.0

Nangalumbaba ako. Paano na to? Wala na akong mukhang ihaharap! Naghahanap ako ng tubig sa bag ko ng makapa ko ang cellphone KO. Kinuha ko at tinignan ang phonebook ko. Aynako, isang number lang din ang nandito. Kay Dylan lang. Tatawagan ko ba siya? Tatawagan ko ba?

Tingin ko.. oo. Pipindutin ko na sana ng biglang..

Dylan Supladong Fish Calling ...

Dylan Supladong Fish Calling ...

Sasagutin ko ba? Argg! Dapat lang na malaman niya to. Di yung mag-isa akong namomroblema sa gulong sinimulan niya.

Kaya I answered the phone.

"Hoy Dylan." bungad ko.

Magsesermon na sana ako ng makaulinig ako ng mga bulung-bulungan.

"Look, she's talking to Dylan! Ang landi niya talaga!"

"Pft. That B*tch! She must have seduced him."

Nag-init ang ulo ko. Anong karapatan nilang pagsalitaan ako ng ganon? Pero dahil sa ayaw ko ng gulo, tumakbo ako palayo. Tuloy-tuloy ang takbo at lakad ko. Walang direksyon, ang gusto ko lang eh, makalayo sa mga bulung-bulungan. Ayoko na..

Dahil sa nakayuko lang ako at tuloy-tuloy na naglalakad, di ko napansin ang nakaharang na basurahan sa daan. Bumangga ako at natumba.

"Aray.." Nahulog ang mga dala kong libro at masakit pa ang puwet ko. Ang malas ko naman. >.<

Tatayo na sana ako ng biglang dumami ang mga taong nakapalibot sa akin.

"Buti nga.."

"Ang karma nga naman.."

Iba-iba ang mga sinasabi nila. Di ko na halos maintindihan. Kahit gusto kong umalis eh, di ko magawa. Ayaw nila akong paalisin.

Yumuko na lang ako.

Dylan..

"Guys! Si Mada'am Gomez papunta dito!" sabi ng isang boses. Automatic na napalingon ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa direksyong tinuro ng lalake. Tapos, biglang may humawak sa kamay ko at hinila ako patayo. Ang huli kong alam eh, tumatakbo na kami, nakasunod ako sa lalakeng nakauniform din ng pareho sa boys namin. Kaya lang may nakaagaw sa atensyon ko, may balat siya sa likod ng leeg niya na hugis buwan. Hawak-hawak parin niya ang kamay ko.

Ilang sandali lang ay tumigil siya. Kung di ako nagkakamali, nasa likod kami ng school gymnasium. Hinahabol ko pa ang hininga ko. Malayo-layo rin ang tinakbo namin.

"I guess, we lost them." sabi nung lalake.

"Wa-wala na ba sila?" sabi ko in between breaths.

"Wala na. Ang bilis mo tumakbo eh." sabi niyang nakatawa.

"Eh, ikaw kaya humihila sakin. So ikaw ang mabilis." sagot ko naman.

Tumawa siya. Pansin ko, ang lutong niya tumawa ah. Ibang-iba kay Dylan, na miminsan lang ngumiti.

Doon ko lang naiangat ng maayos ang ulo ko at nakita ang mukha niya. Hindi familiar eh.. Pero Senior din siya. Nasa pocket niya nakasulat.

"Di ka ata pamilyar?"

"Transferee ako eh." sabi niya sabay ngiti. Kaya pala di niya alam na, binubully ako dito..

"Salamat ah." sabi ko.

Ngumiti lang siya.

"By the way, bakit ka pala nila inaaway kanina?" tanong niya.

Ayaw ko nang ipagsabi ang dahilan. Kaya yumuko na lang din ako. Mukhang nakuha rin niyang ayaw ko na magkwento kaya ngumiti na lang siya.

"Kahit ano man yang problema mo, lagi mo lang isipin na nangyayari ang mga bagay dahil may dahilan at dahil may nakatakdang mangyari. Whatever it is, try looking at the brighter side. Everything happens for a reason." then he patted my head.

Tumango na lang ako.

"Nagdrama na ako dito ni di man lang kita kilala. Ako pala si Rash Yu." tapos ngumiti ako.

"Nice meeting you Rash, I'm Kian Red dell Valle."

Bago ako umalis ay lumingon muna ako kay Kian, tapos kumaway.

He waved back and gave out a smile..

"See you around Rash!"

----------------------

[[Kian's POV:]]

I'm a transferee here.. so nililibot ko muna ang buong school. Pero unexpected ang nakita ko. Babae, pinalilibutan ng maraming estudyante and well, she's being bullied. So I helped her out.

Tinakbo naman mula sa hallway, papunta sa likod ng school auditorium. Hapung-hapo nga siya eh. Nakalugay ang mahabang buhok at kipkip sa isang kamay ang dalawang libro.

"I guess, we lost them." sabi ko

"Wa-wala na ba sila?" sabi niya in between breaths.

"Wala na. Ang bilis mo tumakbo eh." sabi kong nakatawa.

"Eh, ikaw kaya humihila sakin. So ikaw ang mabilis." sagot niya naman.

When I asked her the reason kung baket siya binubully hindi siya sumagot. So I decided to not stick my nose on it.

"Kahit ano man yang problema mo, lagi mo lang isipin na nangyayari ang mga bagay dahil may dahilan at dahil may nakatakdang mangyari. Whatever it is, try looking at the brighter side. Everything happens for a reason." then he patted my head.

Tumango siya

"Nagdrama na ako dito ni di man lang kita kilala. Ako pala si Rash Yu." sabi niya

"Nice meeting you Rash, I'm Kian Red dell Valle."

Nang makaalis na si Rash, tinignan ko ang mga kamay ko.

"You have such smooth hands Rash, and a really interesting story."

I wonder what's behind that smile.

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

A/N: Heyheyhey guys! ^^ I'm sooooo back sa pangungulit sa inyo. Nandito ako para hingin ang inyong help as in tulong for an adittional character name. Hindi pa po naman agad-agad lalabas yung new character pero pinaghahandaan ko talaga to. XD

- Female - Tunog sosyal ang name - Mayaman - Santa-santita ^^ Sa mga may suggestions ng name please pakiplaster lang po sa Message Board ko. I'll choose na lang. Idedicate ko ang mga chapters sa TOP 10 names muna! ;)) --------------------------------------

Comment po kayo sa mga reactions niyo po. Para atleast, may idea po ako tungkol sa chapter. Salamat!

-Lukaret <3 ******************************************* [21] Chapter 20 ;) - Signs ******************************************* Chapter 20 ;) - Signs

[Rash' POV:]

Eto na. Bukas na ang Music Month Celebration. At dahil doon, walang klase pero nandito kami sa school. Ang dami kasing kelangan e-prepare eh. Kailangang walang sablay. Lalo pa't na samin ang responsibility ni Kriscelle. Speaking of Kriscelle, bihira ko siyang makita.. akala ko pa naman magiging close na kami kasi kaming dalawa ang may hawak sa celebration pero olats parin.

Nasa hallway ako ngayon, naglalakad papunta sa room namin. Kasi nga, may meeting na i-hohold daw para sa contribution ng bawat class sa program. Pero hindi naman ako nagmamadali, ang aga pa eh. Mamayang 9 pa ang meeting. 7:30 ako dumating. Tinatanong niyo kung baket? Kasi.. tumakas ako ng maaga mula sa mansion ni Dylan the Supladong Fish. Kasi naman, mula kagabi hanggang kaninang umaga pa ako iniinis.

Yung tipong para sa kanya.. wala lang ang problemang sobrang bigat para sakin. Palibhasa naman, kahit sino pa ang ipakilala niyang girlfriend niya, hindi siya ma-aano. Ang masaklap, ako ang hinahabol at kinukutya. >.< Grabe sila kung manghamak ng alindog ko te. T____T

[[Flashback]]

Pumasok ako sa kwarto ni Dylan para gisingin siya at para ayusin ang problema namin. Pagpasok ko, ang himbing ng tulog ng hudas! Sarap naman kutusan to oh. Daig ko na binagsakan ng 100 wheeler truck sa pamomroblema samanatalang siya parang relax na relax tipong nagpa-spa!

Yinugyog ko ang balikat niya. Buti naman at di siya mahirap gisingin ngayon no?

"Hmmmm.." ungol niya.

"Gising na." tipid kong sabi.

Binuksan lang niya ang mga mata niya pero di pa bumangon. Ngayon ko na lang kaya siya tanungin?

"Ah.. Dylan, ano na palang gagawin natin sa problema natin?"

"Problema?" tanong niya.

H-HA? Wag mong sabihing nakalimutan niya ang problema namin?!

"Nakalimutan mo??" tanong ko. Nagpipigil lang ako ng inis.

"I don't remember having a problem. Baka ikaw meron." sagot niya.

Nainis na ako.

"FYI. Mister. Ikaw ang may problema, nadamay lang ako! Babysitter ako Dylan, hindi kasabwat at mas lalong HINDI GIRLFRIEND!" diniinan ko ang sabi ko, nagbabakasakaling, magets niya.

"May pinagkaiba ba yon?" tanong niya.

"Malaki. Spelling pa lang ang layo na." dabog ko. " Kaya naman, ang mabuti mong gawin ay bumangon diyan at mag-isip ng paraan para maituwid ang pagkakamali mo."

Pero, nag-pokerface lang siya. ABA! Naiinis na ako!

"Could you please calm down a bit?" sabi ni Dylan. Tumahimik na lang ako. Walang kwentang kausap tol! Walang-wala.

"Anong oras na ba?" Bored niyang tanong.

Pinulot ko ang maliit na orasan sa side table niya at nilapit sa mukha niya yung tipong halos magkiss na sila nung orasan.

Tinabig niya ito. At nag-inat.

"Tss. Bumangon ka na lang diyan. Yung breakfast mo nasa baba na. Nakahanda na yung uniform mo, mga libro mo nasa bag mo na kahit alam kong di ka nagbabasa, at.. yung vitamins mo, nasa side table mo lang. Alalahanin mong nanalo ako sa pustahan kaya iinumin mo yan." tapos, akmang lalabas na ako sa kwarto niya ng bigla siyang magsalita.

"Teka, pull me up." sabi niya.

"Huh?"

"Pull-me-up." tapos tinignan niya ako na para akong alien.

Pull him up?? Tapos nakita ko ang pose niya. Nakahiga parin siya pero naka-abot ang dalawa niyang kamay. Yung tipong may inaabot lang sa hangin.

Ah, I see. So lumapit na lang ako at hinawakan ang dalawa niyang kamay. Tapos hinila ko siya. Pero ang bigat. Teka.. baket parang ako yung nahihila?

**BOGSH**

Napadilat ako bigla. Nasa taas na naman ako ni Dylan tapos bigla siyang bumangon pero nakayakap parin siya sa akin. AKo naman, hindi makagalaw. A-ANG AKWARD NG POSITION NAMIN!

"Ang bigat mo." sabi niya.

Humiwalay ako bigla tapos, umiwas ng tingin. Naka-pout lang ako. Ano ba yan? Baket parang ang sarap niya yakapin. Gurruuuu. Kailangan ko na atang kumain, sinasaniban na ako ng kaharutan! 0.0

"Thanks for trying to pull me up, by the way."

"H-hindi naman kita nahila eh. Ang bigat mo." sabi ko ng hindi parin tumitingin kay Dylan.

"See, there's no difference. You did that because you are my babysitter. I did what I did earlier because you are my girlfriend." Dylan said.

HA? Parang nalito naman ako don ah??

"I started this game because, hindi pa panahon para malaman nila na ikaw ang babysitter ko. Pero may pakinabang ka rin sa planong to. Actually, mas malaki ang pakinabang mo."

"Ano naman yon aber?" tanong ko with matching taas-kilay.

"Pag nalaman nilang nagtatrabaho ka sa akin, they'll check on you. And well, if they'll find out na hindi mo sinabi sa management ng school na nagtatrabaho ka, you'll have to say goodbye to your scholarship."

"G-ganon ba yon?" Hindi ko alam yun ah!

Tumango siya.

Sumimangot ako. Lumapit siya sa kinatatayuan ko at nilaro-laro ang buhok ko. Nabato ako sa ginawa niya. Hindi ako makagalaw.

"So let's have an agreement then.."

"A-agreement?"

"You'll take care of me just like how a babysitter takes good care of a kid. And I'll take care of you just like how a boyfriend takes care of his girl."

[[End of Flashback]]

He might be really concerned about sa scholarship ko. Kaya niya ginawa yon. Pero.. ewan. Nakakalito!

So ako na talaga ang girlfriend ni Dylan Lautner? Ang chick-magnet pero supladong hearthrob sa school huh? Paano ba maging girlfriend? Eh kasi.. NBSF ako eh.. No Boyfriend Since Fetus! >.<

"You'll take care of me just like how a babysitter takes good care of a kid. And I'll take care of you just like how a boyfriend takes care of his girl."

Ay! Oo nga pala. Aalagaan ko lang siya gaya ng pag-aalaga ng babysitter. So hindi naman siguro masyadong mahirap yun no? Aja! Kaya ko to!

Tuloy-tuloy na ako sa pagpunta sa meeting room. Which is actually sa room lang namin! Pinasosyal ko lang. XDD

Tahimik akong pumasok at naupo sa upuan ko. Kasi baka naman, ipasipa ako palabas ng room kung sa upuan ako ng iba maupo.

Biglang pumasok si Kriscelle at tumahimik ang buong klase. Ibang klase talaga ang presence ng isang Kriscelle Suarez.

"Okay, so pag-uusapan natin ang contributions. Sa tingin niyo ano ang maganda?"

Tahimik lang akong nakikinig. May isa akong kaklaseng nag-raise ng hand niya.

"I guess, it would be so ganda if we have like signs na ilalagay para mas maraming ma-engganyong magwatch. Pero not ko gusto yung ipapaste lang sa walls. Mas maganda kung carry siya ng isang tao. Then she would like dance or make jokes para mas agaw-attention." maarteng sabi nung isa kong kaklase.

"I guess that's nice." sabi naman ni Kriscelle.

"So, sino ang mag-volunteer na mag-carry ng sign?" tanong ng isang classmate ko.

Biglang tumahimik ang buong klase, then the last I know, nakatingin silang lahat sa AKIN with matching ngiting hudas pa! Nagtaka naman ako. Sabay turo sa sarili ko.

"A-ako?"

"Yeah! I guess, ikaw ang pinakabagay sa work na yan. Tutal, you're sanay naman in doing mahirap na stuffs. You know, what do they call that pagbabanat ng buto thing? Kasi naman you're poor diba?" maarte at pa-slang na sabi ng kaklase ko.

Nabigla ako sa paliwanag niya? Dahil don? Dahil ako lang ang mahirap?

"Oh, I'm sorry about the word. You know, I didn't mean to make diin of the fact that you are so poor." sabi niya ulit.

Napatanga na lang ako. Grabeng pang-iinsulto na yon ah.

Hindi ako naka-imik.

Tumayo ang tatlong bratinela sa room namin. Which happens to be the tatlong bratinella na unang nagtaray at nakaaway ko noong first day of school! Oh, tengeneng tadhana!

"So, I guess, It's settled. Si RASH na ang magbibitbit ng sign. So gaano kalaki ba? I guess, dapat palakihin natin para makita pa ng marami. I believe kaya naman ni Rash na i-bring yun. Since she's used to this! So o--"

"Excuse me. Ako na ang magbibitbit ng signs." sabi ng isang boses. Napalingon kami sa kakabukas lang na pinto..

Si..

Si..

"Kian?" mahina kong sabi.

Natahimik ang tatlong bratinella at parang natulala sa gwapo ng lalakeng nasa harapan na ngayon since pumasok siya after niya magsalita kanina.

"Ako na lang. Wala naman akong gagawin."

Wala paring nakaimik.

"Ah.. Yah, okay. Then it's settled. Ang magdadala ng signs ay si .. Ki-- Aw, I mean.. what's your name again?" tanong ni Kriscelle. Halatang gulat rin siya.

"Kian. Kian Red dell Valle." tapos lumapit siya sa kinauupuan ko at nagsalita.

"I'm gonna borrow her for a while okay?" at hinawakan ako sa kamay at diretsong hinila ako patayo then palabas. _____________________________

Habang naglalakad si Kian, nakasunod lang ako. Remember? Hinila niya ako palabas. Tapos ngayon, ayaw naman magsalita. Nakatingin lang ako sa balat niya sa likod ng leeg niya na hugis buwan. Parang may naalala lang ako eh.

"A-ano..." mahina kong sabi. Bigla siyang tumigil kaya muntik na akong bumangga sa likod niya. Tumingala naman ako. Masyado kasi siyang matangkad. Parang magka-height sila ni Dylan. Ewan ko, pinaglihi ata sila sa poste ng boyfriend ko.

Eh? B-BOYFRIEND?! Rash! Stop it! Parang nag-eenjoy lang ako sa ideyang kami kunwari? >/////<

"Namumula ka."

"Ha?" automatic akong napatakip sa mukha ko. Tapos, paypay kunwari gamit ang palad ko.

"A-ah.. wala wala. May naalala lang ako eh.."

"Boyfriend mo no?" tapos sinundot-sundot naman niya ako sa tagiliran. Iwas naman ako ng iwas. Pero napatigil naman ako kasi pinagtitinginan na kami ng mga tao eh.

"By the way. Baket pala pumapayag kang away-awayin ng mga maarteng yon?" sabi ni Kian.

"Ah.. Ayoko na kasi ng gulo eh. Baka kasi, manganib scholarship ko eh.."

"Scholarship? Scholar ka pala?"

"Oo. You see, ako lang ang mahirap dito. Kaya naman nagtatrabaho na lang ako." sabi ko.

"Trabaho?"

patay! May nabanggit ba ako?

"Ahh, wala.. ibig ko sabihin, nagsisikap.. Oo, nagsisikap ako." tss. Naku, ang tanga ko!

Kanina lang ay nakita kong sumeryoso ang mukha niya nung nabanggit ko ang trabaho. Pero ngumiti lang din. Haaaay, sana naman walang problema.

"Dapat, di ka nagpapa-api kahit naman, scholar ka, mas matalino ka naman. Mas dapat ngang sila ang pinapaalis dito eh. Puro pang-aaway lang ang alam.

Napangiti na lang ako. "Salamat ah."

"Walang anuman, Rash.."

Ako lang ba o, may iba sa pagbanggit niya ng pangalan ko?

________________________

[[Club Room]]

Pagpasok ko, busy sila sa pagpapractice. Ang gagaling nila. /CLAPCLAP! Nasa puwesto ng Drums si Jeff. Nasa Bass Guitar si Angelo, nasa isang guitar si Ken. Si Cheska eh, nasa piano. Si Chinette nasa flute, at si Patricia and Claudette eh nasa violin.

Busy sila. SILA. Except sa ISA! Nasaan si Dylan?? Iniikot ko ang paningin ko sa buong room pero tinawag ako ni Claudette.

"Rash, ayon siya." sabay turo sa isang sulok.

Si Dylan, nakasandal sa wall habang nakapikit. Natutulog ba? Baket parang hindi siya sumali sa practice? Ano nga ba gagawin niya?

Lumapit ako. Parang nakakangalay naman tong posisyon niya.

"Kawawa naman tong alaga ko." sabi ko habang nakatitig kay Dylan na natutulog na parang hirap na hirap sa posisyon.

"ALAGA??" sabay sabay na tanong nila.

HA? PATAY!

"A-ah.. Ano.. Alaga. Kasi inaalagaan ko to kasi.. diba? Boyfriend ko siya? He-he-he.." sabi ko sabay ngiting pilit.

EHMERGEGHEGHERD. Sablay ako palagi! Eh sa di ako sanay eh!

Parang walang nangyaring bumalik sa pagpapractice ang ibang club members.

Hinawakan ko ang ulo ni Dylan at tinapik-tapik ang pisngi niya. Dapat di siya dito natutulog. Magka stiff neck pa to eh..

Unti-unti niyang dinilat ang mga mata niya. Tapos, gumalaw.

"Hoy, lumipat ka don sa sofa oh. Mangangalay ka diyan." mahina kong sabi. (Oo, may malaking sofa dito sa clubroom. Palibhasa, lahat ng members mayayaman. Pwera sakin syempre.)

Tumayo naman siya at lumipat nga. Pero hawak niya ang kamay ko kaya naman napasama ako sa sofa. Pinaupo niya ako tapos, humiga ba naman sa lap ko! 0///0

"H-hoy.. ano ba.." bulong ko.

"Diba pinapatulog naman ng mga babysitter sa lap nila ang alaga nila? So wag na magreklamo." mahina niyang sabi.

Tumigin na lang ako sa ibang direksyon.

"You're concerned." sabi ni Dylan.

"Huh?"

"Kasi, pinalipat moko." sabi niya.

"O-ohy, assuming ka. Pinalipat lang naman kita kasi nahihirapan ka na don. Baka pag nagka-stiff neck ka, ipabomba ako ni Ma'am Deevan." sabi ko.

Bigla siyang pumikit at di na ako pinansin pa. Anong problema non?

"H-hoy.."

Walang sagot.

"H-hoy.." niyuyugyog ko siya. Pero di niya ako pinapansin.

"G-galit ka? Sorry.." sabi ko.

Bigla siyang dumilat tapos.. TAPOS,

NAGNAKAW NG KISS SA PISNGI! 0///0

**FLASH**

Napalingon ako. Ano yun??

SI PATRICIA! May hawak na camera tapos nag-apir sina Cheska!

0/////0 Pulang-pula ako!

"Kayo ah. Sa kasweetan niyo.. langgamin tayo dito!" saway ni Angelo sa amin.

"Sshh Kuya. Wag ka ngang KJ!" sigaw naman ni Cheska.

After ng practice, aalis na sana ako pero pinigilan ako ni Claudette.

"Rash.."

"Oh?" tanong ko.

"Thank you for bringing out this side of Dylan."

HA? Tinignan ko siya with the Di-ko-nagets look.

"This is the first time na ganyan ang inaakto ni Dylan. Ngayon, madalas na siya kung ngumiti."

".. and I believe, ikaw ang dahilan."

A-ako??

"H-hindi naman.. siguro nasa mood lang si Dylan.." sabi ko. Grabe naman yung ako yung dahilan. Eh, imbyerna kaya kami sa isa't-isa niyan. Aso't pusa kami. Lion-Tiger, at kung anu-ano pa. Mortal Enemy ko yan eh..

"Rash, kung lumaki ka lang kasama si Dylan, malalaman mo.. Good Mood, Bad Mood, Kinikilig.. Tuwangtuwa.. Nanalo sa lotto.. o tinantanan ng Mommy niya.. hindi ngumingiti si Dylan ng ganyan. Or totally, Madamot yan ngumiti!"

"T-talaga??" mangha kong tanong.

"O--"

"Tara Rash.." biglang sabi ni Dylan. Tapos, pinandilatan niya si Claudette. Si Claudette naman, ngumisi lang. Ewan ko, pero may iba kay Claudette. Parang di nga siya masyadong nabigla nung nalaman niyang "KAMI" ni Dylan.

At eto.. Isama na sa book record! Umuwi kami ng sabay ni Dylan! Woah! Eh, kalimitan.. pinaglalakad ako neto eh. Oh, pinagco-commute kasi sabi niya.. *Ehem* " Ayaw kong may sumasakay na bubuyog sa sasakyan ko. Maingay"

Kaya naman.. nabigla talaga ako. To think na, pumayag siyang pasakayin ako. May himala ba?

_______________________

[[Dylan's POV:]]

"Sabay kaming umuwi ni Rash ngayon. Oh? Ba't ganyan kayo makatingin?? Eh.. Diba, ganito naman talaga pag "KAYO?"

Pero, hindi ko pinilit na sumama yan. Tss. >.<

Tahimik lang siya sa sasakyan. Himala. Dapat kasi, daig pa ang inahing manok neto kung tumalak. Naputol ba ang dila?

Ahh. Nevermind..

Kanina lang.. Naglalakad lang ako sa palibot ng school. Wala na ring klase, Bukas na yong program for Music Month eh.. naglalakad ako ng biglang may naulinigan akong nagsasalita sa loob ng isang classroom.

"So, I guess, It's settled. Si RASH na ang magbibitbit ng sign. So gaano kalaki ba? I guess, dapat palakihin natin para makita pa ng marami. I believe kaya naman ni Rash na i-bring yun. Since she's used to this! So o--"

Binanggit ang pangalan ni Rash. Siya ang papabitbitin? Loko ba sila?! Papasok na sana ako para insultuhin yung mga babaeng nang-insulto sa girlfriend ko (Eh, girlfriend ko naman siya diba?) pero biglang may isang lalakeng pumasok sa room at nagsalita.

"Excuse me. Ako na ang magbibitbit ng signs." Napatigil ako sa paghakbang.

Siya ang magbibitbit? Sino ba to?

Kung titignan mo ng maigi, gwapo nga siya. Pero mas gwapo parin ako. Tss.

So, siya ang sumalo sa trabahong ipinipilit kay Rash. Tinulungan niya si Rash. Diba dapat ako ang gumawa non?

Napahakbang ako pabalik.. Babalik na lang ako sa Club Room. Nabadtrip ako bigla. Nahuli ako. >;(

Fine. Naiinis ako sa lalakeng yon. Sino ba siya sa akala niya? Pero, hindi ba kasalanan ko rin?

Alam ko namang di totoo ang kung ano mang meron kami ni Rash. She might even be mad at me for dragging her into this.

"Kahit palabas lang to, kahit konti lang.. may karapatan naman siguro akong magselos."

Tanggapin na natin, may karapatan man o wala.. yon ang nararamdaman ko.

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X A/N: Hello guys! ^^ Pwedeng maglambing ng konte? Konti lang naman. >3< Sa mga may stories po diyan. Padedicate naman oh. ;)) Salamat! <3

- Lukaret ******************************************* [22] Chapter 21 ;) - A Thousand Years *******************************************

Chapter 21 ;) - A Thousand Years

[[Rash' POV]]

Dumating kami sa mansion at around 7. Di ko alam kung baket matagal kaming nakauwi. Ang hina magpatakbo ni Dylan! Pag naglakad siguro ako, mauuna pa akong dumating kesa sa kanya. >.<

"Dylan..Di ko pala natanong, anong gagawin mo bukas for the music month celeb?" tanong ko.

"Na.. I don't know." sagot naman niya.

"Pwede ba yon? Diba dapat magparticipate ka? Unfair naman yun sa ibang club members. Practice sila ng practice, ikaw tulog ng tulog." sabi ko.

"Paki mo?"

Pft! Nagtatanong lang eh.. tapos ang suplado na naman. Kanina lang, okay naman to eh. Nakakainis naman, eh di di ko na lang siya tatanungin. Wala rin namang matinong sagot eh.

Dederetso na sana ako sa kwarto ko ng may bigla akong may maalala.

"Ay, Dylan.. alam mo, kanina ako dapat magbibitbit ng signs kasi nag-suggest yung tatlong maldita sa room namin na ako raw. Ang sarap pagbabangasin ng mukha! Pero, di rin natuloy kasi sinalo nung isang transferee ang trabaho! Sus! Saviour ko talaga yun! Pangalawang beses na niya akong tinutulungan. Ang bait niya nga kasi kahit mayaman siya, di siya arogante tapos--"

Di ko na natapos ang sasabihin ko, dahil deretso siyang pumasok and pabalibag na sinarado ang pinto niya.

"Eh? Anong problema non?" nakapagtataka ah.. Kanina nga, kalmado lang yon. Tapos, pinasakay pa ako sa sasakyan niyang mas mahal pa niya sakin. >3<

Sinubukan kong buksan ang pinto niya pero naka-lock. Kumatok ako pero no response. Nakaka-ewan na ah..

"Kung ayaw mo, eh di wag mo. Di naman kasama sa trabaho ko ang kausapin ka ng sapilitan!" tapos nagpatuloy ako sa paglalakad. Papasok na ako sa kwarto ko. Nakakapagod kaya pag ganitong may program!

"I see.. nagseselos siya." sabi ng isang boses. Natigil ako sa paglalakad sabay lingon sa likod ko. Si Ma'am Devane!

Automatic akong napa-bow sa harap niya sabay bati.

"Magandang gabi po."

Ngumiti lang ang ate ni Dylan at naglakad palapit sa akin.

"May nangyari ba kanina?"

"Kanina po? Ano po ibig niyong sabihin?"

"Anything. May kinausap ka ba o nakausap kanina bago siya maging ganon ka bugnutin?"

"Marami naman po akong kausap kanina.." sabi ko. Nalilito ako sa ate ni Dylan. Parang detective lang eh, dapat pala di to nag-model eh..

"Ganito na lang.. tungkol san ang kinwento mo kanina sa kanya?"

"Ah. yun po ba? Tungkol po don sa pagtulong sakin ng isang transferee."

"Lalake o Babae?"

"Lalake po."

Biglang ngumiti ang ate ni Dylan. Ano ba yan? Isa pa tong ate ni Dylan ah.

"You see.. I saw it, he's upper neck is red."

"HA?" Lalo akong nalito. Anong kinalaman non sa tanong niya sakin kanina at sa kinwento ko kay Dylandan?

"Pumupula ang taas ng leeg niya pag nagseselos siya."

"Pumupula ang taas ng leeg niya pag nagsese--- HA?!"

Natawa bigla ang ate ni Dylan.

"Hahahaha.. Ikaw po talaga.. imposibleng magselos yon. Yon? Na.. puputi muna ang uwak." sabi ko.

"Well, hindi mo na kelangang maghintay na pumuti ang uwak. Because, kanina lang. I tell you, selos na selos siya." Tapos, tinapik niya ang balikat ko at pumasok sa kwarto niya. Naiwan akong tulala doon.

"Si Dylan? Magseselos?"

-------------------------

[[Topline Academy - Music Month Celebration]]

"This is it! Program na! Sana lang maging successful to." Nasa club room ako ngayon. Ilang oras na lang at magsisimula na ang program. Assigned ako sa backstage. Eto pa naman ang pinakaunang program na hahawakan ko. Nakaka-tense!

Ang alam ko eh, nasa control room naka-assign si Kriscelle at hawak niya rin ang flow ng program. Buti na nga lang at nasa backstage lang ako. \(*0*)/ Hwehwehwe.. XDD

Kasama ko sa club room ang ibang members. Abala sa pag-peprepare sa mga instruments nila. Pero.. may kulang, bukod kay Kriscelle na nasa control room eh, wala si Dylan. ;(

Kanina lang. Ginising ko pa yon. Nakahanda na lahat ng kelangan niya. At ang alam ko, magkasunod kaming umalis. Pero baket wala parin siya?

"Kalma lang Rash. Dadating rin yon. Di naman yon nalelate pero malay naten, parating na yon." sabi ni Claudette.

Namula ako bigla. Halata ba masyadong hinahanap ko siya? Kahiya ah! >.<

Tumango na lang ako at nagpaalam na bababa muna para i-check kung ano na ang nagyayri sa baba.

Habang naglalakad ako papunta sa venue eh, nakakasalubong ko ang maraming tao. Merong mga estudyante, meron rin namang hindi. Dinudumog talaga ang school na to pag may program. Palibhasa, marami talaga ang magagaling na estudyante rito sa school.

Malapit na ako sa venue ng mapansin ko ang kumpulan ng mga tao sa gilid ng entrance. Well, actually, karamihan sa nagkukumpulan ay mga babae at binabae. Baka may gwapo na naman. Tss. Hayaan na lang yan. Naglakad na ako papasok ng biglang..

"Rash!"

Napatigil ako sabay hanap sa tumawag sa akin. At nakita kong si Kian pala. At siya pala ang pinagkakaguluhan!

May hawak siyang signs tapos nakatayo lang naman siya pero grabe ang hatak niya ah! Ang daming taong pumupunta sa venue! Tumakbo siya palapit sa akin at tumigil ng mga ilang dipa ang layo. Humihingal pa siya.

"Oh, Kian.. ikaw pala. Ang galing mo ah, ang dami ng manunuod niyan."

Nagkamot lang siya ng batok. "Eh, wala nga akong ginawa eh.. tumayo lang ako don oh."

"Kaya nga ang galing mo. Eh, tumayo ka lang diyan tapos ang dami na agad pumasok. Siguro kung ako, linangaw na ako diyan." Nakatawa kong sabi.

"Ohy, kung ikaw yung may bitbit niyan, ako ang unang papasok. Promise!" nakangiti niyang sabi.

"Eto naman. Nambola pa. Oh, tubig oh. Kawawa ka naman, baka mamayat ka kakatayo diyan." inalok ko sa kanya yung bote ng mineral water na dala ko. Di ko pa naman yan naiinom eh. Kanina ko pa yan hawak-hawak eh.

Tinanggap niya. "Salamat dito Rash ah! Sige, balik na ako. Baka, mapagalitan ako ni Kriscelle, alam mo na.. medyo strict yon." sabi niya.

"Sige. Goodluck!" tapos kumaway na ako at nagderetso na papasok sa venue.

------------------------

[[Dylan's POV:]]

Sinadya ko talagang magpa-late. Eh sa badtrip ako eh. Kagabi pa to. Tinulog ko pero paggising ko kinabukasan, lalong lumala ang inis ko. Kanina lang, pumasok si Rash para gisingin ako. Parang wala lang sa kanya yung kagabi. Ni di man lang nagtanong kung baket. Nakaka-inis. Wala lang ba yon para sa kanya?

Nauna siyang pumasok dahil nga siya ang in-charge sa program. Saktong alis niya ay pinaandar ko na ang kotse. Tapos, nag-drive ng parang sumusunod sa patay. Ayoko pang umabot sa school. Ang daming tao kaya ngayon. Tapos, baka mamaya makita ko si Rash, mawala na lang inis ko sa kanya. =='

Pagka-park ko sa sasakyan ko, bored na bored akong lumabas. Naglakad papasok sa campus at hinayaang lumipad ang pag-iisip ko. Wala eh, BV talaga ako.

Pansin ko, andaming tao ah. Mukhang dudumugin ang program mamaya. Deretso lang ako sa paglalakad ng biglang may lumapit sa aking babaeng maliit. Well, maliit kasi hanggang dibdib ko lang siya.

Nakita ko pang tinutulak-tulak siya ng apat pang babae palapit sa akin. Nung huling tulak eh, halos masubsob na siya sa dibdib ko. Ano ba to?

Tinignan ko lang siya. Anong kelangan neto?

"A-ano.. p-pwede po bang magpa-picture. O-one t-time l-lang p-po..K-kung okay l-lang p-po.." sabi niya ng nakayuko.

Wala man lang lakas ng loob na sabihin ang gusto ng hindi nauutal. Nakakainis. Parang si Rash, nakakaewan!

Nung naalala ko si Rash, lalo akong nainis. Tss.

"P-pwede po b-ba?" nauutal niyang sabi ng nakayuko. Ni di man lang ako matignan.

Tinignan ko siya. Tapos ang mga kasama niya.

"No." tapos, nilagpasan ko sila. Malas kayo, badtrip ako ngayon. Ayoko ng kausap.

Narinig ko pa ang pagsinghap nung babae tapos, humikbi. Tsk.

Nagpatuloy parin ako sa paglalakad ng biglang may mahagip ang mga mata ko. Familiar body built.

"Rash.."

Lalapitan ko na sana siya ng biglang may nakita akong tumatakbo papunta sa direksyon ni Rash. Tapos, tumigil siya ng ilang dipa ang layo sa GIRLFRIEND KO. Nakita kong nag-usap sila. Tapos nagtawanan. Tsk, ano ba pinag-uusapan nila at parang tuwang-tuwang silang dalawa? ==' Naiirita ako. Nakita kong may inabot si Rash sa lalake. Bote ng tubig? May nalalaman pa silang paganyan-ganyan?

"Pero, binibigyan ka naman ng ganyan ni Rash eh.. ginigising ka pa nga tapos hinahanda ang almusal mo." sabi ng utak ko.

Ginagawa niya yon dahil sa trabaho niya yon. Eh, babysitter ko siya so malamang gagawin niya yon. Pero yung sa lalake, kusa niyang ginawa yon. Di dahil sa kailangan niya..

"Sh*t." tapos, sinipa ko yung batong nasa paanan ko.

Kung kaya mong makipag-ngitian sa iba puwes, kaya ko rin. Bumalik ako at malalaki ang hakbang na nilapitan ang babaeng kanina lang ay gustong magpa-picture sa akin. Naka-upo siya sa gilid at nakabusangot.

"Tayo." utos ko. Nabigla ata at di agad gumalaw.

"Bingi ka o ayaw mo?" sabi ko. Agad namang tumayo yung babae. Kinuha ko sa kanya yung camera niya tapos inakbayan siya.

*Click*

"Oh, ayan." then I tossed the camera to her. Nakita kong nahirapan pa siyang saluin. Tss.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad paalis. Punta na lang ako sa club room. Matutulog.

"A-ah.. a-ano.. t-teka.." salita nung babae.

"A-ako p-pala s-si.. Raven.. s-salamat.."

Hindi ako sumagot at naglakad na palayo.

Pakialam ko sa pangalan niya. Nakakainis nga eh. Matutulog na lang ako.

[[2 Hours Later]]

Nagsisimula na. Nagsasalita na ang mga hosts. Malakas na rin ang hiyawan sa loob ng venue. Nasa backstage na ako at nagbibigay ng instructions sa mga performers. Pero I don't think na talagang nakinig sila sa akin. Eh, parang lusot lang sa kabilang tenga eh, Palibhasa.. mayayaman. Ay, bahala sila. Basta ako, gagawin ko lang trabaho ko.

May kumanta.. may sumayaw.. mag umarte. Talagang magaling sila ah.. Buti pa sila talented. Ako, kahit konti walang nasalo. Ang saklap. \(>3<)/

"And now.. let's welcome, the Gold Club!" hiyawan at sigawan. Grabe talaga tong club nato. Hanggang ngayon, di pa ako makapaniwala na naging mga kaibigan ko sila. At nagtatrabaho ako sa bahay ni Dylan. Ang pinakasuplado sa boys ng club.

Kumaway sa akin sina Claudette. Nag AJA sign naman ako at nag-cheer. Tutal, eto lang din ang magagawa ko. Ang gaganda ata ng boses nila.

Nag-set na sila ng mga instruments. Kumpleto sila, mula gitara hanggang drums. Wala si Kriscelle since nasa control nga siya.. Pero asan si Dylan? Baka naman di talaga sasali yon? Ang KJ talaga nung abnoy na yon!

Nakita kong lumapit sa mic si Ken. So siya ang kakanta? Akala ko magsisimula na siya.. pero biglang may nilabas siyang bagay. Cellphone?

"Hey, guys! Good evening! Nandito kami para kumanta at tumugtog para sa inyo." sabi ni Ken.

Sigawan ulit. May ibang halos himatayin na. Grabe ka Ken. Ikaw na!

"Para sa inyo to. But wait. Kung makikita niyo, may hawak akong phone ngayon. Nasa kabilang linya ang isang taong nagbibigay kulay sa buhay ko ngayon. Malungkot ako kasi hindi siya makakapunta rito. Pero nevertheless, I'm singing this song for her. This is for you, Ms. Alcohol." nagsigawan ang mga tao. Nagcheer sila. Nilapag ni Ken ang phone niya sa isang maliit na table sa gilid ng kinatatayuan niya.

Grabe naman yon. Ang swerte ng babae! Sino kaya yan? Pero bago magsimulang tumugtog ang club members, narinig ko pa ang boses ng isang babae mula sa phone ni Ken dahil sa malapit ang phone sa isang mic.

"A-ano ba.. nakakahiya yon Ken.."

Teka, ako lang ba o pamilyar yung boses? Hmmm. Nevermind.

"Ms. Alcohol, I hope you remember me telling you this. That day when I told you.. I'M YOURS."

"1.2.3.4." - Jeff.

Now Playing: I'm Yours by Jason Mraz Well you dawned on me and you bet I felt it I tried to be chill but you're so hot that I melted I fell right through the cracks, now I'm trying to get back Before the cool done run out I'll be giving it my bestest And nothing's gonna stop me but divine intervention I reckon it's again my turn, to win some or learn some But I won't hesitate no more, no more It cannot wait, I'm yours Well open up your mind and see like me Open up your plans and damn you're free Look into your heart and you will find love love love love Listen to the music of the moment, people dance and sing We're just one big family And it's our God-forsaken right to be loved loved loved loved loved So I won't hesitate no more, no more It cannot wait, I'm sure There's no need to complicate, our time is short This is our fate, I'm yours I've been spending way too long checking my tongue in the mirror And bending over backwards just to try to see it clearer But my breath fogged up the glass And so I drew a new face and laughed I guess what I be saying is there ain't no better reason To rid yourself of vanities and just go with the seasons It's what we aim to do, our name is our virtue But I won't hesitste no more, no more It cannot wait, I'm yours

Open up your mind and see like me Open up your plans and damm your free Look into your heart and you'll find the sky is yours So please don't, please don't, please don't There's no need to complicate cause our time is short This o' this o' this is our fate I'm yours

Saktong natapos ni Ken ang kanta ay nakanganga parin ako. Ang ganda ng boses ni Ken! Dapat dito nagiging singer! Ang swerte nung babae ah. Pero, medyo malas din. Chickboy kaya tong Ken na to. Yun ang sabi nila. HAHAHA. Nakatayo parin ako sa backstage. Pero parang trip kung lumipat sa harapan at subukang panuorin sila mula sa audience. Ang alam ko eh, kakanta pa si Claudette eh. Kaya naman lumipat ako. Buti na lang at pwede ako sa may harapan banda.

May hawak akong burger at ketchup. Kinakain ko na rin kasi, kanina nakalimutan kong kumain dahil sa dami ng ginawa ko. Ang sarap talagang kumain. \(*0*)/

[[Kriscelle's POV:]]

Nandito ako ngayon sa control room. So syempre nakikita ko lahat. Mula sa mga performances hanggang sa bawat galaw ng kating yon. Tama.. Si Rash nga. May iba pa bang malas sa buhay ko?

Akala niya maiisahan niya ako. Akala lang niya yon.

*Flashback*

"Oh, ano? Ready na ba ang club for the performance?" tanong ko.

Sabay-sabay na nagsitanguan ang mga members. Si Cheska, hyper na hyper. Nakita kong nakaupo lang sa isang gilid si Rash. Huh, kunwari ang bait.. Tss.

Kaya naman ako, lumapit sa kanya.

"Ikaw Rash, gusto mo bang sumali sa presentation?" tanong ko sabay ngiti. Syempre, kunwari lang. Like duh! Hindi ako ngumingiti sa mga poor. Tsk.

Nakita kong nabigla siya. Tapos nagkamot ng batok.

"He-he-he.. wala akong talent eh."

"Why don't you sing?" tanong ko ulit.

"Ay, wag na. Sintunado ako promise! Mahuhulog ang lahat ng ilaw. HAHAHA."

Biglang tumayo si Dylan. "Wag mo na pakantahin yan. I tell you, totoong sintunado yan."then he smirked.

Aha! Paano mo nalaman yan Dylan? Nakasilip na naman ako ng malulusutan.

"Paano mo naman nalamang sintunado si Rash? Eh di naman kayo magkasundo." panghuhuli ko. I smell something fishy here. Kailangan kong malaman kung baket si Dylan ang dumating para tulungan si Rash noong sa bookstore.

Nakita kong parang nataranta si Rash. Oh, ano?

"Hindi ba halata? Mukha pa lang sintunado na. Boses pa kaya?" sabi ni Dylan. Tapos, nagwalk-out.

Hmm.. ano ba talaga ang nangyayari sa kanilang dalawa?

Anyways, back to business..

"Sigurado ka bang di ka sasali?" tanong ko ulit.

Tumango si Rash ng isang milyong beses. "Sintunado ako, plus.. paos pa!" sabi niya.

[[End of Flashback]]

Malas mo Rash.. Hawak ko ang flow ng program. Lumapit ako sa host kanina bago magsimulang kumanta ang Gold Club and told them to add one song number. Tumango naman sila.

"Now, it's showtime."

[[Rash' POV:]]

Nakatayo ako sa harap ng stage. Nasa may part ng unang row ng audiences. Ang galing talaga ni Claudette! Todo, cheer naman ako! XD Whooooooo!

Tumigil na sa pagtugtog ang club. Hudyat na tapos na ang presentation nila. Kaya naman, bumalik ako sa pagkain. Ang sarap kaya ng burger! Namnaaaaaam *0*

Mag-eexit na ang club ng biglang magsalita ang host.

"Oh, I believe may isa pang kakanta to be accompanied by the Gold Club. Sabi nila, maganda raw ang boses neto. So, let's put our hands together for..

Ah.. May kakanta pa pala. Sino si Cheska ba?

"...RASH YU!"

tumapat sa akin ang spotlight at saktong kumakain ako ng burger. Nasa mismong bunganga ko ang pagkain! 0.0 D-DYAHE!!

"A-ako?!" tanong ko.

Nagbulungan ang mga tao. Nakita kong bumaba si Claudette at lumapit sa akin.

"Di mo naman sinabi sa amin na kakanta ka."

"H-hindi ko alam, Claud.. Wala akong alam."

"Sus, tara na!" tapos hinila niya ako. Mangiyak-ngiyak na ako sa bigla at kaba. Oh, Diyos ko.Baket nangyari to?? >.<

Nung nasa stage na ako. Di ko mapigilan ang panginginig ng tuhod ko. Bukod sa takot sa dugo, may stage fright rin ako. Para akong kinukuryente dahil nanginginig na ako sa sobrang kaba.

Nagmamakaawang tumingin ako kay Cludette. Please, ikaw na lang.. ikaw na lang kumanta Claudette..

Lumakas ang bulung-bulungan. Nagtataka ata kung baket ako ang kakanta, eh.. tingin ko hinusgahan na ako eh. >.< Nakakahiya! Sana lamunin na ako ng lupa! 0.0

"1.2.3.4" - Jeff.

Nagsimulang tumugtog ang club members. Ang ganda pakinggan!

Now Playing: A Thousand Years PII

Patay ang alam ko, duet to! Di ko kaya yung parte ng lalake. Paos ako diba?? Maybetchibaylantanggulay! 0.0 Bahala na!

The day we met. Frozen I held my breath..

Ang lyrics.. parang may naalala ako bigla. Tama.. nong unang nagkita kami ni Dylan.. Hindi nga ako makagalaw non. Hindi rin ako humihinga dahil sa inis! Dahil sa kanya naging taong-putik ako sa first day of school!

Right from the start, I knew that I found a home for my heart..

Home.. natira ako sa bahay ni Dylan at nasanay na inaalagaan siya. Ewan ko pero parang di ko na maimagine ang sarili ko na hindi siya ginigising tuwing umaga at hindi pinauuulanan ng sermon dahil sobra siyang antukin..

Beats fast.. Colors and promises.. How to be brave, How can I love when I'm afraid..

Tama. natatakot akong magmahal. Natatakot akong mawalan ulit, tulad nong kina mama. Sa isang iglap, nawala sila. Sa isang iglap iniwan na nila ako.. Pero di ko maitatanggi ang malakas na pintig ng puso ko pag malapit si Dylan. Away-bati kami pero, siya lang ang nagpapatibok rito ng sobrang lakas..

To fall.. but watching you stand alone.. All of my doubts, certainly goes away somehow..

Nasanay na akong kasama ang mga kaibigan ko.. kasama si Dylan.. Masama bang kahit ngayon eh, hayaan ko muna ang mga paru-paro sa sikmura ko at pakwalan ang nararamdamang ko?

One step closer..

Parang nakalimutan kong maraming tao. Ang alam ko lang.. bumabalik lahat ng mga alaala..

I have died, everyday waiting for you.. Darling don't be afraid, I have loved you for a thousand years

I love you for a thousand more..

Kakantahin ko na sana ang boys part ng biglang..

Time stands still.. Beauty and oh, she is.. I will be brave, I will not let anything take.. away, what's standing in front of me..

Every breath, every hour has come to this..

Si.. si Dylan.. he's singing.. kelan pa siya dumating? Kelan pa siya umakyat ng stage? May hawak siyang gitara at nakatingin siya sakin..

One step closer..

Ngayon, di ko na namalayan.. Kumakanta na kami ng sabay.

I have died, everyday waiting for you.. Darling don't be afraid, I have loved you for a thousand years

I love you for a thousand more..

Lumapit siya sakin at pinunasan ang gilid ng mga mata ko.. Di ko namalayan, Umiiyak na pala ako? Then he smiled.

I love you for a thousand more..

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

******************************************* [23] Chapter 22 ;) - Knowing His Love ******************************************* Chapter 22 ;) - Knowing His Love

[[Rash' POV:]]

Dalawang araw na. Dalawang araw na rin akong humaharap kay Dylan na parang walang nangyari. Dalawang araw ko ng kinakalimutan ang kakaibang naramdaman ko nung araw na yon. Pero dalawang araw na rin akong binabagabag ng kakaibang tibok ng dibdib ko.

"Haaaaay.." Ampupu naman. Dalawang araw na rin pero di parin nawawala ang mga usapan tungkol sa makasaysayan kong pagkanta.. at sa pagkanta ni Dylan kasama ko. Naiimbyerna na ako sa bulungbulungan at pagpaparinig sa akin ng mga tao. Kesyo daw ang galing ni Dylan. Kesyo raw ang ambisyosa ko't nakipag-duet pa raw ako sa kanya. Kesyo ang kapal daw ng mukha ko para kumanta at mag-iyakiyakan sa harap ni Dylan. Kesyo imposibleng kami raw dahil di kami bagay.

Pero, oo nga naman.. DI TALAGA KAMI BAGAY. Tanggap ko na yon. Kaya sana wag na nilang ipagduldulan pa.

Kinuha ko ang cellphone KO mula sa drawer at tinignan kung may bago bang text messages.

From Claudette Ganda:

Rash! Congrats! Ang galing nung permonance niyo ah! At knowing na on the spot pala yon. Bagay talaga kayo ni Dylan!

-end of text message-

Tss. Ano ba talaga? Bagay o hindi? Pero nakakatawang isipin. Bagay man o hindi, wala paring kwenta.. di naman ako gusto ni Dylan eh.. Pero ba't ko nga ba yon iniisip. As if naman gusto ko siya. >.<

Ibubulsa ko na sana ulit ang cellphone ko ng mahagip ng tingin ko ang isang text message na naka-save lang.

Ano kayang meron ngayong sabado?

[[Flashback]]

Di parin humuhupa ang malakas na tahip ng dibdib ko mula kanina. Nasa backstage na ako at nakasandal sa dingding habang hawak ang bote ng mineral water na bigay kanina ni Patricia. Ano ba naman yon. Nakakahiya!

Natapos ang program at nagsiuwian na kami. Kasabay ko nga pala si Dylan. Walang imikan habang nasa biyahe. Nakayuko lang ako at nilalaro laro ang bote ng tubig habang tahimik na nagmamaneho si Dylan.

Anong dapat kong sabihin?

Dapat ko ba siyang tuksuhin kasi bigla na lang siyang kumanta?

O dapat ko muna siyang pasalamatan sa pagsalo sakin mula sa kahihiyan?

HINDI KO ALAM! >////< Maloloka na ako!

Ano ba dapat kong gawin?? Ano??

Biglang nag-break si Dylan. Pagtingala ko.. nasa mansion na kami. Ang bilis naman! O matagal lang talaga akong nag-isip?

Bumaba si Dylan ganon din naman ako. Tahimik parin akong nakasunod sa kanya. Hanggang umabot na kami sa tapat ng kwarto niya.

Hinawakan na niya ang seradora at pipihitin na sana to..

It's now or never Rash.. Magpasalamat ka man lang sana. May utang na loob ka parin!

"A-ano.."

Tumingin siya sakin at binigyan ako ng tinging nagtatanong.

"Salamat kanina.."

"For what?"

"F-for singing with me.. hindi ko kasi kaya yong parteng yon. Paos ako.."

"Ah." tapos binuksan niya ang pinto at pumasok na.

Wala man lang bang 'You're Welcome?' Ang sakit non ah! Hmp! Ang antipatiko talaga. Pinadyak ko ang isa kong paa at padabog na naglakad papunta sa kwarto ko.

Pero bago pa man ako makapasok, may tumawag sa pangalan ko.

"Rash."

Lumingon ako.

"Hindi lahat ng bagay, nababayaran ng thank you." sabi ni Dylan.

"Anong ibig mong sabihin?" sabay atras hanggang napasandal na ako sa pinto ko. Naiisip mo ba ang naiisip ko?

Lumapit siya sa akin at pinitik ng marahan ang ilong ko.

"I don't need your thank you --"

".. It's You who I need. Nothing else."

Naiwan akong nakatayo habang walang lingon-likod na pumasok siya ulit sa kwarto niya.

---------------------

Now Playing: A Thousand Years PII

Heart beats fast Colors and promises How do be brave How can I love when I'm afraid To fall But watching you stand alone All of my doubt Suddenly goes away somehow One step closer I have died everyday waiting for you Darling, don't be afraid I have loved you for a Thousand years I'll love you for a thousand more

Pikit-matang hinanap ko ang cellphone kong alam kong nakapatong lang sa taas ng lamesa. Ke-aga aga, may nagtext na. Sino ba to?

From Dylan the Supladong Fish:

Saturday. 10 AM. Central Park. Pag di ka pumunta, you're dead.

-end of text message-

Nilapag ko ang cellphone ko sa taas ng mesa at nagtalukbong ulit.

Saturday. 10 AM. Central Park. Pag di ka pumunta, you're dead.

Saturday. 10 AM. Central Park. Pag di ka pumunta, you're dea---

T-teka?!

Napabalikwas ako ng bangon at agad na kinuha ang cellphone ko. Binasa ko ulit ang text at ilang beses na pinikit at binuksan ulit ang mata ko. Pero ganon parin.

Anong meron ngayong Sabado? Date kami? Ayeeee.. >////< P-pero.. Imposible. Yong supladong yun! Di ata.. :"< Tsk. Baka naman, gagawin akong chaperone sa date niya. Ang saklap naman nun T____T

Nilapag ko ulit ang cellphone ko at huminga ng malalim. Yeys! Tatlong araw na lang! Sabado na! Hindi ako excited ah! Asa! >.<

[[End of Flashback]]

"Makatulog na nga." Di ko na nakita si Dylan kaninang hapon. Baka nandon na yon sa kwarto niya. Teka? Nag-dinner na ba yon? Baka naman, matulog na naman yon ng deretso. Ang tigas pa naman ng tuktok nun.

Tumayo ako sa kama ko at tahimik na tinungo ang kwarto ni Dylan. Kumatok ako ng ilang beses pero walang sumasagot. So pumasok na lang ako.

"Dylan?"

Walang sagot. Ano ba naman, naputol ba dila non? O baka galit at may sumpong na naman yon?

Lumapit pa ako sa may kama niya pero..

"Teka, bakit parang di magulo ang kwarto niya? Parang walang natulog dito ah.."

Asan ba yon?

Bababa na sana ako para tanungin si Manang Ancy kung napansin niya ba si Dylan nang may mahagip ang mga mata ko. Maliit na note?

Pinulot ko at binasa. Syempre naman no? >.<

Kati,

Sleep-over

Grabe naman mag-iwan ng note tong kumag na to. Kung di lang siguro ako sanay na ang iksi niya magsalita, hindi ko na maiintindihan tong nasa note niya. Sinabi ngang di siya dito matutulog pero ni di

man lang sinabi kung sang lupalop siya matutulog? Tsk! Ang pasaway talaga! May bahay naman siya ba't kelangan matulog sa bahay ng may bahay?

Napaupo ako sa kama niya, parang bigla ko namang na-miss na maabutan si Dylang nakahilata at natutulog sa kama niya. Kinuha ko ang unan niya at inaakap to. Wala lang.. gusto ko lang naman.

*Door Opens*

Napalingon ako dahil sa tunog ng nagbukas na pinto.

"Oh, where's Dylan?"

........

Huh? Bigla kong nabitiwan at mabilis na ibinalik ang unan ni Dylan sa pinagkunan ko kanina. Kakahiya! Nakita pa ako ng ate ni Dylan na yakap-yakap yung unan niya! >/////<

"Ah.. Ano po, sleep-over daw."

"Nagpaalam sayo?"

"Hindi po, nag-iwan lang ng note."

"Are you sure he did that?"

"Ang alin po? Ang sleepover?"

"No. The note. Are you sure he left a note?"

Tumango naman ako.

Parang hindi makapaniwalang lumapit sa akin ang ate ni Dylan sabay kuha nung note.

"You are really special to him."

HA?

"Baket naman po? Eh, away nga kami ng away non eh."

"He never tells anyone about sleepovers. Bigla na lang yang hindi natutulog dito tapos malalaman na lang namin eh, nakauwi na siya from his friend's house.."

"Ha? Grabe naman po yun! Ni di man lang nagpapasabi? Ano siya, asong walang may-ari?"

Tumawa ang ate ni Dylan. "That's why, nasabi kong special ka sa kanya. Ayaw niyang magalit o mag-alala ka kasi hindi siya umuwi. You see, that doesn't happen all the time. Sayo lang Rash." seryoso niyang sabi.

"I'll go ahead Rash, ikaw matulog ka na rin."

Tumango ako.

Pero bago tuluyang lumabas ang ate ni Dylan ay lumingon siya sakin at nagsalita.

"Don't worry, he'll be alright. He'll take care of himself. Lalo na ngayong, may pinahahalagahan siya. Someone he treasures so much." at tuluyan na niyang ipininid ang pinto.

[[Kinabukasan]]

Now Playing: A Thousand Years PII

Heart beats fast Colors and promises How do be brave How can I love when I'm afraid To fall But watching you stand alone All of my doubt Suddenly goes away somehow One step closer I have died everyday

waiting for you Darling, don't be afraid I have loved you for a Thousand years I'll love you for a thousand more

Alam ko, nagtataka na kayo. SMS Tone ko na, Ring tone ko pa at Alarm tone ko rin. Pasensya na, sa may iba akong nararamdaman sa kantang to eh.

Naging favorite song ko na to after that night. Di ko din alam, nakakatulog ako after kong makinig non. Parang kumakalma ako dahil sa kantang yon..

I love you for a thousand years..

Tinignan ko ang oras. 4 AM. Gisingin ko kaya ng maaga si Dylan no? Parang trip ko siyang inisin ngayon. Kaya naman, bumalikwas ako ng bangon at agad naghilamos at nagtoothbrush.

Hina-hum ko pa ang favorite song ko habang papunta sa kwarto niya. Kakatok na sana ako ng may maalala ako bigla..

Rash,

sleepover

Napatanga ako. Di natuloy ang pagkatok ko.

Oo nga pala no? Wala nga pala si Dylan. Sino ang gigisingin ko kung wala siya? >< Phew.. nasanay na talaga akong ganito kami bawat umaga. Gigisingin ko siya para inisin. Ihahanda lahat ng kailangan niya at papag-almusalin siya. Hay, nakakapanibago.

Tumalikod ako at nakayukong naglakad pabalik sa kwarto ko. Mag-jogging kaya ako?

------------------------

Now Playing: Empire State of Mind

Yeah I'm out that Brooklyn. Now I'm down in Tribeca. Right next to DeNiro But I'll be hood forever I'm the new Sinatra And since I made it here I can make it anywhere (Yeah they love me everywhere) I used to cop in Harlem All of my Dominicanos (Hey yo) Right there off of Broadway Brought me back to that McDonalds Took it to my stash spot 560 State Street Catch me in the kitchen like Simmons whipping Pastry Cruising down 8th street Off-white Lexus Driving so slow (but BK, it's from Texas!!) Me I'm out that BedStuy Home of that boy Biggie now I live on Billboard and I brought my boys with me Say what up to Ta-ta

Still sipping Mai Tais Sitting courtside Knicks and Nets give me high-5 N**ga, I be Spiked out I could trip a referee ...tell by my attitude that I'm MOST DEFINITELY FROM... [Alicia Keys] New York!!!! Concrete jungle where dreams are made of, There's nothing you can't do, Now you're in New York!!! These streets will make you feel brand new, the lights will inspire you, Let's hear it for New York, New York, New York Naka-earphone ako habang nag-jojogging. At least, ganahan naman ako no. Buti na lang talaga at marunong na akong gamitin tong cellphone kong mas mahal pa sa akin. Tss. Si Dylan talaga, palibhasa mayaman kaya kung magtapon ng pera para sa simpleng cellphone di problema.

"Whooo.." Ang sarap talaga pag pinagpapawisan ka. Baket parang ngayon ko lang alam na masaya magjogging? Haha. Ang tanga tanga ko talaga.

Dere-deretso lang ako sa pag-jojogg ng mapansin kong umiba na ang music. Love song eh.. Ang akward naman mag-jogging tapos tugtog mo slow. AKWARD.

Kaya habang tumatakbo parin, nag-iba ako ng music. Nakayuko ako kaya di ko napansin na may tao pala sa harapan ko. Tumama ako deretso sa tao at natumba unang puwet. ><

"A-aray.. Tchstch.." reklamo ko.

Natanggal rin ang earphone ko. Kaya narinig ko ng magsalita ang lalakeng nabangga ko.

"Kanina pa kita tinatawag. Di moko pinapansin."

Tch! Eh sino ka ba?

Magkasalubong ang kilay na tumingala ako sa taong nasa harap ko ngayon. Naka-abot ang isa niyang kamay. Bukod sa medyo madilim pa, nakajacket siya na may hood kaya hindi ko masyadong makita ang pagmumukha niya. Tinitigan ko siya ng maigi at pilit na inaalam ko sino siya. Napansin ata niya na tinititigan ko siya, tinanggal niya ang hood niya, revealing his face.

"Kian?"

Tumawa siya sabay abot ng kamay niya sakin. Tinanggap ko naman ito at tumayo. Pinagpag ko pa ang damit ko.

"Pasensya na kung nabangga kita." sabi ko.

"Sus, okay lang yun. Ako nga dapat mag-sorry, natumba ka tuloy. Di kaba nasaktan?" tanong niya.

"Deh, okay lang ako. Ano pala ginagawa mo dito?"

"Di ba obvious?" nakatawa niyang tanong. Halos batukan ko naman ang sarili ko dahil sa ang tanga ko pa para magtanong!

"Kanina pa kita tinatawag. Pero di moko pinapansin." sabi niya sabay simangot.

"Ay, sorry. Naka-earphone ako eh." sabi ko sabay pakita ng earphone ko.

"Okay lang.so, ano? Pauwi ka na ba?"

"Depende. Ikaw ba?"

"Mag-iisang ikot pa ako. Sama ka?" sabi ni Kian.

"Hmmm.." ano ba sasama pa ba ako o uuwi na?

Pero di pa man ako nakakasagot eh, hinawakan na niya ako sa kamay at hinila ako. Nabigla naman ako.

"Tara na. Pambawi mo na sakin to." sabi niya.

Ay oo nga pala no? Dalawang beses na niya akong tinulungan. So siguro pambawi ko na rin. Tumango na lang ako. Ngayon, magkatabi kaming tumatakbo.

Pagkatapos ng tatlo pang ikot eh, tumigil na kami.

"Tama na siguro yun. Baka naman, lahat ng taba ko eh mawala na. Maging buto't-balat na ako." sabi ko sabay hagikhik. Nakitawa na rin si Kian.

"Teka, samahan mo ko." sabi ni Kian.

"San ba?"

"Breakfast." sabi niya sabay ngiti.

Kaya ayon, umuwi lang ako saglit para maligo at magbihis tapos nagkita na kami ni Kian sa isang cafe. Sabay kaming nag-breakfast at nagkwentuhan rin.

"Rash, di mo rin naman mamasamain kung aayain kita mamasyal?" tanong ni Kian habang nagkekwentuhan kami.

"Ah.. sus, bakit naman ako mag-iisip ng ganon. Eh, ang bait mo sakin. Okay lang yon no? Matagal na rin naman akong di nakakapasyal." sabi ko.

Nakita kong mula sa pag-aalinlangan eh, napalitan ng saya ang expression ni Kian. Tinapos lang namin ang kinakain namin tapos, pinagbuksan na niya ako ng pintuan ng sasakyan. Deretso kami sa park.

Naglakad-lakad at nanuod ng kung anu-anong pinagagawa ng mga tao ron. Tuwang-tuwa rin ako sa mga nagpapractice ng sayaw.

After almost 2 hours na pamamasyal, inaya naman ako ni Kian na pumunta sa mall.

Don, nanuod kami ng movie. Comedy eh, kaya halos mangiyak-ngiyak na ako sa kakatawa. Bugbog sarado rin sa hampas si Kian sa akin. Kawawa naman.

"Tchchc.. Aray Rash, grabe ka naman kung makahampas!" nakangiting sabi ni Kian.

"Sorry naman.. nakakatuwa lang talaga yung palabas. Ikaw kaya." tapos, hinampas ko ulit siya. Ilag naman siya ng ilag.

"Ay Rash, tara na sa game world."

Tumango ako at naglaro kami. Basketball.

"Ang daya Kian! Magaling ka dito eh. Obvious naman na matatalo ako!" sabi ko ng nakabusangot.

"Hahaha. Eh, magaling ka naman eh. Kaya mo yan. Matatalo mo ko. Promise!" sabi niya sabay gulo sa buhok ko.

"Na! Di na nga ako nakapag-suklay, ginulo mo pa!"

Tumawa lang si Kian at kinurot ang dalawa kong pisngi.

"Tara na nga. Lunch na tayo." sabi niya tapos tumayo na.

"Lunch? Anong oras na ba?" tanong ko naman.

"Mag-aalas dose na." sabi niya.

"A-anong araw ngayon?" kinakabahan kong tanong kay Kian?

"Sabado Rash."

"S-sabado? At 12 na?"

Pakshet! Si Dylan! Nakalimutan ko!

"N-naku Kian. Ikaw na lang! May lakad pala ako! Nakalimutan ko! T-teka.. aalis na ako. Baka mahabol ko pa." taranta kong sabi.

Nagtataka man eh tumango na lang si Dylan. "Gusto mo bang ihatid na lang kita?"

"Naku, wag na. Sige alis na ako. Salamat!"

Tapos, nagmamadaling umalis na ako. Naku, buti na lang at di kalayuan ang central park. Nakuuu, patay ako neto kay Dylan. Uwaaaaaaa T____T Di na ako makakauwing buhay!

Lakad-takbo ang ginawa ko. Lord! Dalawang oras akong late! Asan na ba si Dylan? Baka umuwi na? Patay, galit yun sakin.

Pagkatapos ng nakakamatay na pagtakbo ay narating ko ang Central Park.

"Dylan.."

Iniikot ko ang paningin ko hoping to see him. Pero walang Dylan sa paligid. T____T

Bagsak ang balikat na naglakad ako pabalik. Paano ko ba yun nakalimutan kung nung isang araw eh, halos di ako makatulog sa excitement. >.<

Uuwi na sana ako nang may mapansin akong bulto ng taong nakaupo sa isang maliit na bench.

"D-dylan?" sabi ko.

Tumayo siya at nagsalita.

"2 hours Rash..I waited for you for two hours. Where were you?" sabi niya sa seryosong mukha."

"S-sorry Dylan.. ano kasi.. nakalimutan ko.. nagjogging ako kanina tapos nagkayayaan kami ni K--"

"Nakalimutan mo ba o kinalimutan mo? So you're with Kian eh?"

"S-sorry talaga.. Di ko naman kinalimutan.. Nakalimutan ko lang talaga."

Tumalikod siya at nagsimulang maglakad papalayo. Nakita ko ang nakalapag na bulaklak sa bench na inupuan ni Dylan.

"A-ano to Dylan?"

"If you want it, keep it. If you don't.. throw it away." tapos, naglakad na siya.

Galit talaga siya sa akin. Masisisi ko ba siya? Alam kong may lakad kami ngayon pero nakaligtaan ko.

"Sorry talaga Dylan.." sabi ko ]. Pero di siya lumingon tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.

No choice, lunukan na ng pride to. Tinakbo ko siya at..

Niyakap siya mula sa likod. "Dylan.. sorry. Sabihin mo lang kung ano ang kelangan kong gawin. Patawarin mo lang ako. Di ko talaga sinasadya.." namumuo na ang luha sa mga mata ko. Pag talaga si Dylan, nagiging iyakin ako. Ano ba naman to..

Marahan niyang tinanggal ang mga kamay ko. Yumuko na lang ako. Mukhang wala na akong magagawa.. galit si--

"Tsk, pasalamat ka di kita matiis." tapos, hinablot niya ang kamay ko at hinila ako ng marahan. Agadagad ko namang pinulot ang bulaklak at sumunod na kay Dylan.

------------------------------

"San ba tayo pupunta?" tanong ko.

Tinignan niya lang ako. Tapos nagsalita. "Don't talk as if, wala kang ginawa." then he stepped on the accelarator. Napahawak ako sa seatbelt ko ng mahigpit. Phew, akala ko pa naman okay na kami.

Yumuko na lang kami. After non, wala ng imikan sa buong byahe.

Nag-park kami sa harap ng isang di kalakihang building.. tapos nagsalita si Dylan.

"Dadalhin kita sa bahay ng mahal ko."

---------------------

Now Playing: A Thousand Years PII

Heart beats fast

Colors and promises How do be brave How can I love when I'm afraid To fall But watching you stand alone All of my doubt Suddenly goes away somehow One step closer I have died everyday waiting for you Darling, don't be afraid I have loved you for a Thousand years I'll love you for a thousand more

Sa bahay ng mahal niya?

May mahal na si Dylan? Eh di masaya..

pero bakit parang nasasaktan ako?

~~~~ ~~~~~~~~

Nagpatiuna sa loob si Dylan. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya. Makikilala ko na ang mahal niya.

Pagpasok namin, tahimik ang paligid. May di kalakihang building sa loob na napapalibutan ng mga punong-kahoy at bulaklak. Malayo sa mala-mansiong bahay ni Dylan.

Nang nasa harap na kami ng building eh bigla akong nakarinig ng yapak. Hindi lang isa.. marami!

T-teka..

"Papa Dylaaaaaaaan!" sabay-sabay na sigaw ng mga bata. Tapos, tumakbo sila at niyakap si Dylan. Naiwan akong nakanganga sa gilid.

"S-sino sila?" lito kong tanong. Don't tell me, mga ampon nina Dylan to? Mga anak nila ng mahal niya? T____T

Tumayo si Dylan habang napapalibutan ng maraming mga bata. Tumingin siya sakin.

"Sila ang mga mahal ko."

Tuluyan ng nanlaki ang mga mata ko.

"A-akala ko.."

"Akala mo, babae?" sabi niya sabay lapit sa akin.

Di ako nakasagot.

"Papa.. papa.." tawag sa kanya ng isang batang babaeng naka-ponytail. "Siya po ba ang girlfriend niyo?"

Akala ko ba nandito ang bahay ng mahal niya? Baket naghahanap ng girlfriend ni Dylan ang mga batang to?

Tumawa ako ng hilaw. Ang bang mga bata to. Ang liliit pa nga eh, may alam ng ganyan.

"Ay, ako girlfriend ng kuya Dylan niyo? Hin--"

Bigla na lang pi-nat ni Dylan ang ulo ko then spoke.

"Siya nga.. Siya ang matagal ko ng kinekwento sa inyo. --"

".. Si Mama Rash, ang taong special sakin at girlfriend ko."

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

******************************************* [24] Chapter 23 ;) - Dylan's Other Side *******************************************

Chapter 23 ;) - Dylan's Other Side

".. Si Mama Rash, ang taong special sakin at girlfriend ko."

Spell SHOCKED. Ako yan AKO!

Pero bago pa man ako makahuma, dinumog na ako ng mga bata at halos patayin ako sa yakap! >.<

Nakita kong tumalikod si Dylan at lumabas ng gate.

T-teka?! Iiwan niya ako? Walangya Dylan! Alam ko may kasalanan ako sayo pero wag mo naman akong abandonahin! Ano? Iiwan mo na ako dito ng basta-basta lang? Iiwan mokong yakap-yakap ng mga anak mong makukulit? Naman Dy--

Pero napatigil ako sa pagdadabog ng makita kong pumasok ulit si Dylan na may bitbit ng mga malalaking plastic.

Ano yan?

"Mga bata, mamaya niyo na yakapin si Mama Rash niyo. I have something here for you!" tawag ni Dylan sa mga bata.

Nagsitakbuhan naman ang mga bata papunta kay Dylan.

At ilang sandali lang ay may bitbit na silang mga laruan at chocolates. Wow lang.. may ganitong gawain pala si Dylan?

Umupo si Dylan sa isang bench habang pinagmamasdan ang mga batang aliw na aliw sa paglalaro. Nilapitan ko siya at kinalabit.

"Baket mo sinabi yon?" sabi ko na nakataas ang kilay.

"What?"

"Don't what me Dylan. Pati ba naman mga bata lolokohin natin?" sabi ko ng nakapamaywang.

"Sinong nagsabing niloloko ko sila?"

Natahimik ako. Pilit akong naghahagilap ng masasabi.

"Everything that I said earlier were true. You are my girlfriend, kaya wala akong niloloko."

"Pero yung sinabi mong s-special.." sabi ko na nakayuko.

Pero tinignan niya lang ako. Sabi ko na nga ba, wala lang yon. Yan, yan ang napapala ng assuming. Para kang nakipag high-five sa upuan sa MUKHA.

Dahil sa inis ko, sinuntok ko ang braso niya. Sesermunan ko na sana si Dylan ng may lumapit na batang babae. Guess who? Yung batang babae rin kanina.

"Ano, Papa, Mama, LQ po ba kayo?" inosente niyang tanong.

HA? LQ?

Natawa ako. " Naku, hindi baby.." sabi ko sabay gulo sa buhok ng bata.

"Eh, baket niyo po sinuntok si Papa sa braso?" tanong niya ulit. Naka naman.. nakahanap ng kakampi ang hudas. Pft.

"Mama's hurting Papa baby. You see, sadista ang mama niyo." sabi naman ni Dylan.

Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Yung tipong gugustuhin mo ng maghukay ng sarili mong libingan. Pero nag-smirk lang si Dylan. Kainis!

Kaya naman.. Malakas kong tinulak si Dylan sabay sabing, "Hindi no. Alagang-alaga nga sakin si Papa mo eh. Bihira lang ang tulad ko no." sabay talikod.

Nagtawanan ang mga bata. At lumapit kay Dylan. Sige.. kayo na magkakampi. Kainis kayong lahat. Manang-mana kayo sa tatay niyo. Pft. =='

Nagpaalam akong maglalakad-lakad muna sa paligid. Ngayon ko lang alam, nasa orphanage pala kami. Lugar kung saan ang mga batang walang magulang eh doon napupunta. Naisip ko, kung wala siguro si Auntie.. siguro nandito rin ako no?

Habang nag-iikot eh, narinig ko ang pagtawag ni Sister sa mga bata.

"Mga anak.. maligo muna kayo. Oras na para maligo." sabay alog nung bitbit niyang maliit na bell.

Nagsitayuan naman ang mga batang naglalaro at lumapit kay Sister.

A-ha! Hehehe.. Mukhang makakaganti ako ah.. Lumapit ako kay Sister na sobrang lapad ang ngiti, ^_______^

"Good Morning po Sister.." bati ko.

"Ah, magandang umaga hija. Ikaw ba ang girlfriend ni tisoy?"

"T-tisoy?" taka kong tanong.

"Ay, naku. Pasensya ka na. Nasanay na kami na yan ang itawag sa kanya. Kasi naman, ang gwapo ng batang yon. Si Dylan ang tinutukoy ko. Buwanan yan kung pumunta dito kaya naman napalapit na rin ang mga bata sa kanya."

Matagal na palang nagpupunta rito si Dylan? At talagang tisoy ang tawag sa kanya nila sister.

"Ah.. Opo." sabay tawa ng hilaw. Tss, baong-baon na kami sa kasinungalingan! Ajujuju T^T

"Ah.. Ano po sister, I was wondering if pwede po ba KAMING tumulong sa pagpapaligo sa mga bata?"

"KAMI?" tanong ni Sister.

"Opo. KAMI po. Kasama si Tisoy." sabi ko sabay ngisi.

-------------------------

[[Kriscelle's POV:]]

I threw the papers on the floor. Anong klaseng report ba to? Isang linggo na rin mula nung inutusan ko siyang bantayan yung Rash na yon. And this is what I get??

- She's approachable.

- Mabait siya

- Hindi suplada

- Scholar na ayaw matanggal

I picked up my phone.

"Hello. What are this?"

(That? Report. You told me I have to report eveything right?")

"Are you making fun of me?"

(Why would I do that?)

"For Pete's Sake, Hindi ko kailangang malaman kung gaano ka-anghel yang babaeng yan! I need you to give me a report on her. Yung makatotohanan! This, this is bullshit!"

(Stop shouting Kriscelle. I gave you that because, alam kong mapapakinabangan mo yan. You should learn to read between the lines and to decode.)

"Stop beating around the bush. Do your work."

("Okay." )

*Tooooooooot* *Toooooooooot*

"Goddamnit. Anong mapapala ko sa mga impormasyong to? Hindi ko alam kung anong klaseng pagiimibistiga ang ginagawa mo. Pero I need answers right away."

Pinulot ko ang ibang nagkalat na papel sa sahig ng kwarto ko. At pinagpupunit ito pero may isang picture na nahulog.

I picked it up and looked at it.

Si Rash, wearing a jogging outfit at papasok siya sa isang mansion. Akala ko ba mahirap to?

Wait.. I know this house..

"Anong ginagawa mo sa bahay ni Dylan sa ganitong oras Rash Yu?"

--------------------------

[[Claudette's POV:]]

Nakangisi ako habang nag-aantay kay Patricia.

Akalain mo? I only started with a faint plan. I only hoped that the set up I did would work. Then now, Si Rash at Dylan, are leaving in a single roof. And pretending to be lovers! XD At alam ko, konting effort lang, yang pagpapanggap nila eh magiging totoo na. And as I can see, nagbabago na si Dylan.

"Hoy, timang." napa-angat ang ulo ko. Si Patricia may bitbit na tray.

Ngumiti ako. Ngiting tagumpay.

"Oh, ang saya mo ngayon ah." sabi ni Patricia.

"Because there's no reason for me to ba sad. Naaamoy ko na ang tagumpay Pat." [Insert Evil Laugh Here]

Nilapag niya ang baso ng juice sa harap ko at marahan akong hinampas ng tray sa ulo.

"Wala akong bestfriend na timang. Ayaw kong ipamental ka."

"Eh, naman.. masaya lang ako. Sino bang mag-aakalang mangyayari nga to? Akalain mo? Si Dylan.. napapaamo ng isang Rash."

Ngumiti naman si Patricia.

"May point ka nga naman. Akala talaga nila na hindi natin alam na nagpapanggap lang sila na mag-on. Hello? Like Duh?! Tayo kaya ang may gawa non. Dapat nga naging author na lang tayo no! XD

"Hahaha. Naman no! Ang ewan lang talaga. Si Rash, wala talagang alam!"

"Pat, naiisip mo ba ang naiisip ko?" sabi ko kay Patricia.

"Why would I? Hello? Utak mo yan. Mag-isip ka mag-isa mo." sabi naman ni Patricia.

"Ang sama mo. Wala ka man lang moral support. What I'm saying is may brilliant idea na naman ako."

"Okay. Ayan ka na naman. Naglalaro ka."

"Makinig ka muna okay? What I'm thinking is to make a way para naman hindi lang hanggang pagpapanggap lang sila. Alam mo, what they need is a little bit of assistance from an outside force." sabi ko sabay ngiti..

"..and take note Patricia Crawford, I'm not playing.. I'm writing a lovestory here.."

--------------------------

[[Rash' POV:]]

Akala mo Dylan ka huh? Oo, marami kang kakampi rito. Pero tignan natin ang pagiging tisoy mo ngayon.

Naglakad ako ng deretso pabalik sa kinauupuan ni Dylan. Taas-noo dre. ^______^V

Nakita kong naka-headset siya habang pinapanuod ang ibang batang naglalaro habang nag-aantay na time na nilang maligo.

"Humanda kang Dylandan ka ngayon."

Lumapit ako sa kanya at tinawag siya. Pero walang sumasagot. Lumipat ako sa harapan niya only to see him SLEEPING! x___x Pweh, akala ko pa naman nanunuod to sa mga bata. Pati ba naman dito eh, tulog parin ng tulog?

I waved my hands in front of him to check if tulog na ba talaga siya. Walang response. Lumapit pa ako at pipitikin na sana ang ilong niya ng biglang magmulat siya ng mga mata. Napatalon ako sa bigla. Hawakhawak ko pa ang dibdib ko. Pakshetee naman. Kala ko tulog, nagtutulog-tulugan lang pala! Sarap talaga kutusan tong hudas na to.

Inayos ko ang sarili ko at namaywang sa harap niya.. Tinignan niya lang ako at pumikit ulit. Tsk! Akala mo ha?

Hinawakan ko siya sa isang kamay at hinila patayo. Tapos, kinaladkad ko siya papunta sa liguan ng mga bata. Parang open space lang tapos may faucet naman sa gilid na malaki.

Tinignan niya ako na parang di niya nagets kung baket andito kami.

"Ikaw na lang manuod habang naliligo sila. I'll sleep." tapos tatalikod na sana siya pero hinawakan ko ang tenga niya at hinila siya pabalik.

"Hindi tayo manunuod dahil.."

"..Papaliguan mo kami!" sabay sabay na sigaw ng mga bata. /cLapclap!

Nakita kong halos mahulog ang panga ni Dylan. Habang ako, abot bangs ang ngiti. XD [Insert Evil Laugh Here]

"No way."

"Yes Way." sabi ko naman.

Tinignan niya ako ng masama. "Ayaw ko." then tumalikod siya.

Namaywang ako sabay sabi "AYAW MO o HINDI MO LANG KAYA?"

Bigla siyang tumigil sa paglalakad at humarap ulit sa direksyon ko. "Where's the soap?"

Napangiti ako.

---------------------

Ilang sandali lang ay hawak-hawak na niya ang isang bata habang ako naman ang nagbubuhos ng tubig. Nakita kong nakabusangot siya plus nakakunot-noo pa. Tumingin siya sakin, nginitian ko naman siya. Pero, aba't.. sumimangot ang mokong. Suplado talaga neto.

Nakita kong hindi talaga siya marunong. Ni di nga marunong kumarga ng bata eh. Kaya inutusan ko na lang siyang sabunin ang mga bata.

"What? I can't."

"You can't o ayaw mo lang. ULIT?" sabi ko sabay bigay sa kanya ng tingin ng nanghahamon.

"Fine. Tss." tapos inabot niya ang sabon at tahimik na sinabunan ang batang naglalaro ng tubig.

Dahil sa mga bata nga eh, nagsasabuyan sila ng tubig. At dahil sa kami ang nagpapaligo sa kanila, syempre, DAMAY KAMI.

Nakita kong konti na lang ay puputok na ang butse ni Dylan kaya naman nilapitan ko siya.

"Akala ko ba mahilig ka sa bata?"

"I come here and give them anything I can give but, helping them take a bath is another story." sabi niya sabay kunot noo.

Tinampal ko ng mahina ang dibdib niya. "Ano ka ba? Ang dali lang kaya." tapos nilagyan ko siya ng bula sa noo syempre sabay takbo.

Ilang sandali lang ay hinahabol na niya ako. Kaya ayon, halos maghilamos na kami ng bula. Nakaka-ewan nga.

Pagkatapos ng halos dalawang oras na ligo at kulitan, natapos na rin. Nakapagbihis na ang mga bata at kami naman ni Dylan eh hapung-hapong naupo sa isang sulok.

"See.. hindi mahirap." sabi ko sabay hagikhik.

Umiling lang si Dylan.

Lumapit sa amin si Sister na may dalang tuwalya.

"Oh, magpunas muna kayo. Pasensya na kayo sa mga bata ah. Makukulit lang talaga."

Tumango ako at tinanggap ang towel. "Wala po yun sister. Ang saya nga eh."

"Di ko alam na marunong ka palang magpaligo ng mga bata hijo."

"I don't really know how to. Put the blame on her." sabi ni Dylan sabay turo sakin.

Nag-pout ako at hinampas siya. Nag-TSS lang si Dylan.

Natigil kami ng marinig naming tumawa si sister.

"Alam niyo mga anak, kahit na marami kayong pagkakaiba, iisa lang ang bagay na nagbubuklod sa inyo. Alam niyo ba kung ano yun? Ang nararamdaman niyo dito." sabay turo sa dibdib niya.

Natahimik ako..

"Kaya naman, kahit na away-bati kayo, aso't-pusa.. nasa isa't isa parin ang kaligayahan niyo. At the end of the day, isa't isa parin ang uuwian ninyo." then she smiled and walked away.

Napatingin kami ni Dylan sa isa't-isa tapos sabay rin nagbawi ng tingin.

"Halika ka nga. Pupunasan kita." sabi ko.

"Ako na." sabi naman niya.

"Remember, Babysitter moko."

"Remember, Boyfriend moko."

Nagsukatan kami ng tingin. Tumayo na lang ako gayon rin siya.

"Tara na nga, ayan tuloy basa na damit ko." sabi ni Dylan.

Napatawa ako. Tapos hinila siya sa kwelyo.

"Tara, wag na kasi magreklamo. Masaya naman diba?"

"Oo na.." si Dylan.

at lumabas na kami ng building ni Dylan.. ng magkahawak-kamay.

Ngayong araw na to, kahit na na-late ako, masaya ako. Sino bang hindi? Ngayong araw na to, nakasama ko si Dylan.. nakilala ko ang Dylan na hindi lahat ang may alam. Ang Dylan na mahilig sa mga bata, ang Dylan na hindi ganon ka suplado, ang Dylan na marunong ngumiti..

Ang Dylan na ako lang ang nakakakilala.

[[Kian's POV:]]

Now Playing: Gotta' Be You by One Direction [Liam] Girl I see it in your eyes you're disappointed

'Cause I'm the foolish one that you anointed with your heart I tore it apart And girl what a mess I made upon your innocence And no woman in the world deserves this But here I am asking you for one more chance [Harry] Can we fall one more time? Stop the tape and rewind Oh, and if you walk away I know I'll fade 'Cause there is nobody else It's gotta be you Only you It's got to be you Only you Hey (hey)

Tinanggal ko ang headset ko at nilapag ang gitara ko. Ewan, nitong mga nakaraang araw.. sa pagtugtog lang ako kumakalma. Feeling ko, hindi ko na naiintindihan ang nararamdaman ko.

*Flashback*

Binuksan ko ang pinto at deretsong pumasok. May dala akong chips para sa kapatid ko. Sinalubong niya ako. Nakasuot pa ng apron. Mukhang galing pa ata sa pagbe-bake.

"Hey." sabi ko sabay gulo sa buhok niya.

"H-hi kuya.. k-kamustang lakad?"

"Okay lang. By the way, can you please straighten your toungue? We grew up together tapos kahit ako ang kausap mo nauutal ka?"

"S-sorry kuya.. Di lang po ako s-sanay.."

Yeah.. My sister is the silent type. Tipong di makabasag ng pinggan. My exact opposite. I'm noisy, mahilig gumala. At ginagawa kung ano ang gusto ko.

"Anyway. Eto chips, para sayo. Binili ko yan on the way home."

"T-thank you kuya.. A-ano po, m-may nangyari po bang maganda?"

"Huh?"

"Y-you're s-smiling.."

Automatic namang nawala ang ngiti ko. Bakit nga ba? Kanina pa ba akong nakangiti?

"Well. wala naman.."

Tapos umupo ako sa sofa.

"I b-bet k-kuya, kasama mo kanina ang taong nagpapasaya sayo ngayon.."

"Shh, stop it Red. Ikaw talaga."

Tumahimik nga siya at bumalik sa kitchen.

Ilang sandali rin akong nanatiling nakaupo lang sa sofa habang nakatingin sa kamay ko.

"Tara." sabi ko sabay hawak sa kamay ni Rash at hila sa kanya.

Yeah.. kanina, I was able to hold her hand. Kahit anong gawin kong tanggi, masarap sa pakiramdam ang kamay niya sa kamay ko. Napabuntung-hininga na lang ako.

Tumayo ako at naglakad papunta sa kitchen. Naabutan kong nagbe-bake ng cookies ang kapatid ko.

Sumandal ako sa lamesa at humalukipkip.

"I admit it, kasama ko nga siya kanina." Tumigil ang kapatid ko sa pagbe-bake at humarap sa akin.

"K-kaya k-ka masaya k-kuya?"

Tumango ako. "Akala ko magiging madali ang lahat. Pero nong nakilala ko siya, alam kong mahihirapan ako. She's too good to be true. She's pretty, she's kind.."

Tahimik lang na nakikinig ang kapatid ko sa akin.

"But, I know.. I'll end up hurting her. In the end, she might not even be able to forgive me.."

"..This is a mistake Rave, But I can't help it, I'm loving this sweet mistake."

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

A/N: HEY GUYS. MAY ANNOUNCEMENT LANG PO AKO, KELANGAN KO PO NG ACTIVE ADMINS FOR THE BTYM FB PAGE. SO SA MGA INTERESTED, PLEASE POST ON MY MESSAGE BOARD <3 WE'LL TALK ABOUT IT AFTER ;)) SALAMAT! KINDLY LEAVE YOUR COMMENTS! <3 [[CAPSLOCK PARA INTENSE! \(*0*)/]]

-TSUNLUKARET :)

******************************************* [25] Chapter 24 ;) - Who's Hand? ******************************************* Chapter 24 ;) - Who's Hand?

[[Kadness' POV:]]

Nung gabing yon, nasa kwarto lang ako at nakikipag-honeymoon sa unan at kumot ko. Si mama nasa kusina habang si Papa, nanunuod ng balita sa TV. Mahirap naman kasing manuod sa radyo diba? Pero ako, nagkulong lang. Tamad na tamad akong lumabas at makisalamuha sa mga kasama ko sa bahay. Ngayon lang naman eh. Pagbigyan niyo na lang ako.

Itutulog ko na sana ang katamarang nananalasa sa akin ng bigla akong tinawag ni Papa.

"Ness, may tawag ka.."

Mula sa pagkakatagilid at tumihaya ako at tumitig sa kisame, sasagutin ko ba o matutulog na lang ako?

"Sasagutin ko ba? Sabi dito eh, KTB eh.. sino ba to?" sigaw ulit ni Papa.

Sus, si KTB lang pa--

Napabalikwas ako ng bangon at halos liparin palabas ang kwarto ko. Tinakbo ko ang cellphone ko at mabilis na kinuha ito sa kamay ni Papa.

"Ako na lang po Pa." tapos nag peace sign ako at bumalik sa kwarto ko. ^______^V

Tinitigan ko muna ng isang dekada ang screen ang cellphone kong luma, baka sakaling namamalikmata lang ako. Pero hindi eh. Tumatawag talaga si..

"Ken.."

Kinakabahang sinagot ko ang tawag niya. Pero biglang umingay. Parang may naghihiyawan, tapos ang lakas ng music. Ano ba naman to? Trip trip lang ba?

Nagsimula na akong mapikon kay Ken. Tinawagan lang ba ako neto para pagtripan at istressin ang eardrums ko sa ingay?

"Hoy Ken, kung tumawag ka lang para iparinig sa akin ang ingay diyan, ibaba ko na lang to. Nagsasayang ka lang ng load. Bab--"

"No, please don't."

"Ha?? Anong don't? Wag mokong ma-english english ah. Ang ingay ingay diyan. Sumasakit na utak ko. Kaya kung wala ka namang matinong sasabihin ibaba--"

"Please don't hang up. Just stay there and listen."

Mas lalo akong nalito? Listen daw? So hahayaan kong mabingi ako sa kakapakinig sa ingay at sigawan sa kabilang linya? Grabe ang topak nitong si Ken ah.. Pero nabigla ako sa sunod kong narinig.

"Para sa inyo to. But wait. Kung makikita niyo, may hawak akong phone ngayon. Nasa kabilang linya ang isang taong nagbibigay kulay sa buhay ko ngayon. Malungkot ako kasi hindi siya makakapunta rito. Pero nevertheless, I'm singing this song for her. This is for you, Ms. Alcohol." nagsigawan ang mga tao. Nagcheer sila.

"K-kanta? P-para sakin?"

"A-ano ba.. nakakahiya yon Ken.."

"Ms. Alcohol, I hope you remember me telling you this. That day when I told you.. I'M YOURS."

Naririnig ko ang pagtugtog mula sa kabilang linya at ilang sandali lang, naririnig ko na ang pagkanta ni Ken.

Now Playing: I'm Yours Well you dawned on me and you bet I felt it I tried to be chill but you're so hot that I melted I fell right through the cracks, now I'm trying to get back Before the cool done run out I'll be giving it my bestest And nothing's gonna stop me but divine intervention I reckon it's again my turn, to win some or learn some But I won't hesitate no more, no more It cannot wait, I'm yours Well open up your mind and see like me Open up your plans and damn you're free Look into your heart and you will find love love love love Listen to the music of the moment, people dance and sing We're just one big family And it's our God-forsaken right to be loved loved loved loved loved So I won't hesitate no more, no more It cannot wait, I'm sure There's no need to complicate, our time is short This is our fate, I'm yours I've been spending way too long checking my tongue in the mirror And bending over backwards just to try to see it clearer But my breath fogged up the glass And so I drew a new face and laughed

I guess what I be saying is there ain't no better reason To rid yourself of vanities and just go with the seasons It's what we aim to do, our name is our virtue But I won't hesitste no more, no more It cannot wait, I'm yours Open up your mind and see like me Open up your plans and damm your free Look into your heart and you'll find the sky is yours So please don't, please don't, please don't There's no need to complicate cause our time is short This o' this o' this is our fate I'm yours

Sa buong kanta tahimik lang ako.. hindi ako makapaniwalang, kinantahan ako ki Ken. Sino ba namang gugustuhing mag-ilusyong maka-close si Ken, kung ulap siya worm lang ako.

Pero habang kinakanta niya yon, feeling ko, nawala ang pader na nasa pagitan namin.. na hindi siya ang Ken na mahirap abutin.

------------------------------

"Haaaaaaayy.." nag-uunat lang ako habang nakaupo sa upuan ko sa room. Wala pa si Ma'am eh. English namin ngayon. Iniikot ko ang paningin ko. Ay nako, ang mga kaklase ko, tuwang-tuwa na wala si Ma'am. Ayon, ang iingay.

Inginudngod ko na lang sa mesa ang ulo ko. Inaantok ako promise. Sino ba namang di aantukin, kung halos di ka makatulog kakaisip dahil sa pagkanta ni Ken.

"Hay.."

Biglang may humila sa upuan na nasa harapan ko at umupo ng paharap sa akin.

"Hoy ness.." sabay kalabit sa balikat ko.

Bored na inangat ko ang ulo ko at tinignan siya.

"Oh, Lian.."

"Parang matamlay ka.. anyare sayo?"

"Wala. Inaantok lang ako." tapos inginudngod ko ulit ang ulo ko sa mesa.

"Eh.. inaantok ka? Ang alam ko di mo ugaling magpuyat. Baket Ness? Di ka ba pinatulog sa kakaisip sa loverboy mo kaya ka bangag ngayon?" sabi niya sabay sundot-sundot sa tagiliran ko.

Automatic naman akong napaupo ng matuwid tapos iwas ng tingin.

"H-hindi ah.. masarap nga tulog ko eh.."

"Sa sobrang sarap ng tulog mo, mas malaki pa ang eyebags mo kesa sa hinaharap mo. Ang itim na ng paligid ng mata mo oh." tapos tinitigan niya ako.

"Tsss.. Ano ba, patulugin mo na lang ako." tapos nag peace-sign ako.

"Sige na nga.. magkukunwari na lang akong di ko nakitang nag-blush ka dahil kay Loverboy mo." sabay tawa.

"Ewann. Laberboy mo mukha mo. Wala na yon. Di na nagpaparamdam." tapos yumuko ako.

Ngumiti si Lian at kinurot ang pisngi ko.

Oo nga naman.. Apat na araw na mula nung kinantahan niya ako. At apat na araw na rin siyang di nagpaparamdam. Assuming naman kasi ako eh, ayan tuloy.. puyat ako. x_____x

Tumingin ako sa relo ko. Mukhang di na darating si Ma'am ah. Malapit na dissmisal eh. x_____x At ilang sandali nga ay tumunog na ang bell. Uwian na!

Tatayo na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone kong mas luma pa sa akin.

From KTB:

What are you craving today pretty girl?

-end of message-

Ha? Craving daw? Ay, oo.. Di naman ako ganon katanga. XD Naman, nagtatanong eh, tingin ko nagtatanong lang to. Sige, mareplyan nga.

To KTB:

Frenchfries & Slurpy. Favorite ko yun eh. Ibibigay ko lahat makakain lang non. Wahahaha. :D Lewl.

-message sent-

5 minutes..

10 minutes..

15 minutes..

30 minutes..

No response. See? Pinagtripan na naman ako oh. Ang ewan talaga >.<

Binulsa ko na lang ang cellphone ko at binitbit ang bag at mga libro ko.

Makauwi na nga. Matutulog na ako promise! >////<

"Kadness!"

Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa pinanggalingan ng boses. Si Lian pala.

"Oh?"

"Sabi mo kanina di na nagpaparamdam si Laberboy mo, kaya tara.. may gwapo daw sa may harap ng gate ng school. Maki-chika tayo!" Energetic niyang sabi.

"Ikaw na lang.. inaantok ako."

"Kahit naman ayaw mo, dadaan ka parin don. Heller? Nasa gate nga si pogi diba? Kaya tara na!" Tapos kinaladkad niya ako palapit sa may gate. Oo nga no? Andaming babaeng nagkukumpulan. At andon rin si Kathy, ang Flirt ng school. Siguro gwapo ng talaga. Pero di ako interesado.

Habang papalapit kami, unti-unting nahahawi ang kumpol ng mga tao. Hanggang si Kathy na lang ang nakaharang sa harap nung lalake. Di ko parin mamukhaan.

Kaya deretso lang din ako sa paglalakad. Pero biglang may tumawag sa pangalan ko.

Pagtaas ko sa ulo ko si..

"Ken?!"

Ngumiti siya.

Napanganga na lang ako. Pati pala sila. >0<

Kanina lang ay nakasandal siya sa kotse niyang sobrang kintab. Pero ngayon nasa harapan ko na siya. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan akong hinila palapit sa kotse.

Binuksan niya ang pinto sa driver's seat at may kinuhang dalawang plastic.

Kinurot niya ang ilong ko then spoke,

"You're wish is my command. Here's your frenchfries and slurpy pretty girl."

---------------------------

[[Rash' POV:]]

Dalawang subjects na lang at dissmissal na. Pero di ko parin nakikita ni isa sa club members. Oo, pati si Dylan.

Naglakad lakad ako sa school. Hoping namakita ko kahit si Cheska man lang na mahilig maglibot dito sa school.

Umabot ako sa likod ng auditorium pero wala. Daig ko pa naghahanap ng hibla ng buhok ng isang kalbo. x_____x

"Hmmm, anong meron at parang walang tao?"

Deretso parin ako sa paghahanap. Kahit na mukha na akong timang. Ay! May cellphone nga pala ako no? Ba't di ko sila naisipang tawagan??

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Claudette.

Ilang sandali lang ay may sumagot.

"Hello, Claud!" masigla kong bati.

(Uy, Rash..)

"San ka pala? Kanina ko pa kayo hinahanap?"

(Nandito lang naman ako sa room ko eh. Punta ka dito?)

"Ay.. oo. Wala kang ginagawa?"

(Wala naman. Punta ka dito.)

"O sige.. Antay saglit."

(Okay. Bye!)

Agad akong tumakbo papunta sa classroom ni Claudette. Nakita kong nakaupo nga siya sa upuan niya at nagbabasa ng otakuzine. Nang makita niya ako, agad siyang lumabas at nakangiting lumapit sa akin.

Pero bago pa man ako makabati kay Claudette, biglang sumulpot si Kriscelle at nagsalita.

"So you're here Claudette. Kanina pa kita hinahanap. May meeting tayo for the club outing. Tara na."

Nag-aalinlangang tumingin sa akin si Claudette.

"Sige.. okay lang, punta ka na. Importante naman yung meeting eh." sabi ko.

Ngumiti si Claudette sa akin tapos umalis na. Nakasunod si Kriscelle sa kanya. Pero bago pa man sila tuluyang makalayo, lumingon si Kriscelle sa direksyon ko then she smirked. -------------------------

"The subscriber can not be reached, please try again later."

"The subscriber can not be reached, please try again later."

"The subscriber can not be reached, please try again later."

Natawagan ko na lahat ng iba pang club members pero lahat hindi ma-contact. Even Dylan. Ano kayang meron?

Uwian na, kaya naman hinahanap ko si Dylan. Saan na ba yung tisoy na yon? Tsk. Kanina pa ako iko't ng ikot eh. Dahil sa pagod na rin ako, napagdesisyunan kong bumalik na sa classroom para kunin ang gamit ko. Uuwi na lang ako, baka naman may meeting pa yon. Mauuna na lang ako.

Hapon na. At papauwi na ako. Nakayuko lang. Parang mula nung lumipat ako sa Topline Academy, ito pa lang ang unang beses na mag-isa ako halos buong araw. Nasanay na akong kasama sila. Nasanay na akong hindi nag-iisa. Nasanay na akong palaging kakulitan si Dylan.. at dahil sa nasanay nga ako..

Tinitiis ko ngayon ang hirap ng pag-iisa.

"Malungkot ka ata, may problema ba?" napaangat ako ng tingin. At di nga ako nagkakamali, nasa taas nga ng puno nanggaling ang boses.

"K-kian.."

"Teka? Bakit ka umiiyak? Pinaiyak kita?? Teka.. tahan. wag kang iiyak.." tarantang sabi ni Kian.

Tahan? Umiiyak ba ako? Hinawakan ko ang mga mata ko, at basa nga sa luha. Agad ko namang pinunasan to at ngumiti ng pilit.

"Hehehe..S-sorry, wala lang to.. wag mo na akong pansinin." tapos tumawa ako ng peke.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa balikat.

"Alam kong di ka okay, di mo naman ikamamatay kung sasabihin mo sakin ang problema mo. Hindi ako nangangagat."

"Natawa naman ako dun sa di nangangagat." sabi ko.

"Baket? Ayaw mo maniwala? Mukha ba akong aso?"

At dahil don, tuluyan na nga akong natawa. "Wala.. Okay na ako. Salamat sa pagpapatawa." sabi ko.

Ngumiti si Kian. "Kung may problema ka, tawagin mo lang ako huh, di ako magsasawang patawanin ka."

Ngumiti ako sabay tango.

Binuksan niya ang pinto ng kotse niya at nagsalita.

"Tara, I'll take you home."

----------------------------

[[Kinabukasan]]

Tahimik akong pumasok sa classroom ko at ang mga kaklase ko, biglang tumahimik pagpasok ko. Nakapagtataka nga naman..

Deretso ako sa upuan ko at nilapag ang mga libro ko. Magsisimula na sana akong magbasa ng libro nang magsalita ang isa kong bratinelang kaklase.

"May mga tao talagang di nakokontento sa isa. Inakit na nga si Dylan.. sumasama parin sa iba. Whore."

Napatigil ako sa pagbuklat ng libro. Anong ibig niyang sabihin?

"You're tama. Even the transferee eh, nilalandi niya. Tss.."

"You see, she even went home with the transferee yesterday! Whore talaga."

Nappatingin ako kay Kriscelle. Tahimik lang siyang nakaupo sa upuan niya. Nagkasalubong ang paningin namin then I saw her smirk.

Naikuyom ko ang mga palad ko. Hindi ko na to kayang tiisin. Tumayo ako at lumabas ng room.

Deretso ako sa garden sa likod ng school.

Pati ba naman yung pakikipagkaibigan ko kay Kian eh, binibigyan nila ng ibang kahulugan? Di naba sila pwedeng tumahimik at tigilan na lang ako?

"You see, she even went home with the transferee yesterday! Whore talaga."

Kung alam nila to, ibig sabihin umabot na kay Dylan ang chismis. Teka, kelangan kong mag-explain. Tumayo ako at hinanap sa buong campus si Dylan.

-----------------------------

[[Dylan's POV:]]

I'm not in the mood. I feel like punching someone in the face right now.

Nakasimangot akong naglalakad papasok sa campus. How could she?

Hindi siya nagsabi kahapon na hindi niya ako hihintayin. Nagpahatid pa siya sa Kian na yon? I even waited for her to explain last night pero parang wala lang sa kanya. Damnit!

At ngayon? Nasaan na naman siya? Hindi ba siya mag-eexplain? o kahit kausapin man lang ako? I'm his boyfriend for Pete's sake!

I checked my phone. And daming messages, pero ni isa walang galing sa kanya. Ibinulsa ko ang cellphone ko then continued walking.

"I don't understand girls."

Nakita ko ang isang building. Sigurado akong ito ang building na kahit isang beses ay di ko ginustong pumasok.

The Library.

Pero ngayon, parang trip kong pumasok. Baka may mabasa pa ako tungkol sa ugali ng girls. Tss.

Pumasok ako at tuluy-tuloy na namili ng librong babasahin. Kumuha na lang ako ng kahit na ano. Wala rin naman ako sa mood.

Umupo ako sa isang tabi. Sa harap ng isa pang estudyanteng busy sa pagbabasa. She somewhat looks familiar.

Naiinis na naman ako. At dahil don, di ko namalayang nagsasalita na pala ako.

"I don't understand you girls."

Binaba nung babae ang librong binabasa niya.

"M-may maitutulong ba a-ako?"

"Tell me, ano ang dapat kong gawin? Someone's trying to steal my girl."

"W-well, I guess..a-all you have to do is to let her realize na ikaw ang dapat sa kanya. W-wala kang mapapala kung selos ka ng selos.."

Natahimik ako. May point siya.

"I.. I guess you should try to let your feelings reach her.. "

"F-fight for her.." tapos bumalik na siya sa pagbabasa.

I guess that's right.. Tinignan ko ulit yung babaeng nagbabasa na ngayon. She really is familiar. Even the way she talks rins some bells.

"Have we met before?" tanong ko.

Tumigil siya sa pagbabasa at nagsalita ng pautal-utal.

"A-ako yung nagpa-picture sayo noon."

"What's your name again?" tanong ko ulit.

"R-raven"

Tama! That's her.

Tumayo ako at pinatong ang libro.

"Thank you Raven. I owe you one."

Then I walked out of the library.

I never thought that I'd find answers in the place na ayaw kong puntahan noon.

"Kung ito ang kailangan kong gawin, puwes, makikipagsabayan ako."

-------------------------

[[Rash POV:]]

I guess sa bahay na ako makakapag-apologize.. Wala talaga si Dylan eh. x______x

"Rash!"

Lumingon ako. Si Kian pala.

Kumaway ako, ganon din siya.

"May gagawin ka ba?" tanong niya.

"Pupunta ako ng NBS. Bibili ng libro." sabi ko naman. Kanina ko lang din naalala yung Economics book na kelangan ko.

"Really, don din ang punta ko eh. So sabay na tayo?" Alok ni Kian. Tatango na sana ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

Paglingon ko si .. si DYLAN!

Parang tumalon ang puso ko sa tuwa. >/////<

"Dylan!"

"Saan ka?" tanong ni Dylan.

"Sa NBS. Bibili ng Economics Book." sagot ko naman.

"Sabay na tayo, bibili rin ako ng libro." sabi niya.

Halos malunok ko ang sarili ko sa sinabi niya. Bibili siya ng libro?!

"Kelan ka pa nahilig sa pagbabasa?" taka kong tanong.

"Kanina lang. So tara na?" tanong ulit ni Dylan.

Bigla namang nagsalita sa Kian.

"Diba sa akin ka sasabay?"

Ay.. Hala..

"No, sakin sasabay si Rash." sabi naman ni Dylan.

Ang huli kong alam, pareho ng nakaabot ang kamay nilang dalawa. Inaantay kung kanino ako sasabay.

Kung sasabay ako kay Kian, magagalit si Dylan.

Kung sasabay naman ako kay Dylan, magtatampo si Kian.

ANO NA RASH! x_____x Kaninong kamay ang tatanggapin mo?

VOTE, COMMENT REVIEW ;'>

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X A/N: HEY GUYS, KONTING LAMBING LANG PO. PA-LIKE PO AKO NG BTYM FB PAGE: http://www.facebook.com/BabysittingTheYoungMasterRashdyl?fref=ts thank you <3 ******************************************* [26] Chapter 25 ;) - The Showdown ******************************************* Chapter 25 ;) - The Showdown

"Diba sa akin ka sasabay?"

Ay.. Hala..

"No, sakin sasabay si Rash." sabi naman ni Dylan.

Ang huli kong alam, pareho ng nakaabot ang kamay nilang dalawa. Inaantay kung kanino ako sasabay.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kamay nilang dalawa. Ano ba naman to? Hirap na nga ako, pinahihirapan pa talaga nila ako lalo. >///<

Si Dylan at Kian halatang inaantay ang sagot ko.

Ano na Rash?!

Hmmmm.. Teka, may naisip ako! XD

Operation Inis the Dalawang Tisoy! XDD

Pareho ng nakabukas ang pintuan ng kotse nila kaya lumapit ako sa mga kotse nila at sinarado ng malakas ang mga pinto nito.

Nakita kong nagtaka sila sa ginawa ko.

"Gusto niyong sumabay sa akin? Tara na!" sabi ko.

"Saan?" tanong nila.

Ngumisi ako at tinuro ang sakayan ng jeep.

"Commute tayo." --------------------

Halos mahulog ang panga nilang dalawa. Ayy, ayaw ata.

"Ayaw niyo? Ako na lang. Sige, mauna na ako!" sabi ko sabay lakad papunta sa sakayan ng jeep.

Inaantay kong may pumigil sa akin, pero wala eh.. eh di wag! Hmp!

Pasakay na ako sa jeep ng biglang may humawak sa braso ko.

Paglingon ko si Dylan..

at si Kian..

Nagpatiunang sumakay si Dylan kasunod ako tapos sumakay katabi ko si Kian. Napagitnaan ako! >.<

"Oh, akala ko ayaw niyo?"

"Baket? Di ba pwedeng magbago ang isip?" sabay nilang sabi. Hmp. Galit??

Tahimik akong napangiti. Akalain mo, mapapag-commute ko sila?! HAHAHAHA :PP

"Nasiraan ka ng bait?"

"Ha? Wala ah. Hihihi."

Nag-tss ng sabay silang dalawa.

Mwahahahaha! Akalain mo nga naman! :0

Biglang nag-break ang driver ng jeep. Kaya halos makahalik na ako sa harapan ng jeep pero..

Teka, paglingun ko..

Halos yakap na nila akong dalawa. Tipong pinoprotektahan ako na tamaan ng ibang nakasakay. >/////<

"T-teka.. di ako makahinga." sabi ko.

Automatic naman silang humiwalay.

"Tss.. I told you dapat sa akin ka na sumabay." sabi ni Dylan.

"Kung sa akin sa sumabay Rash, di ka hirap ngayon" sabi naman ni Kian.

Tinignan ko sila tapos nag-make-face.

Sumimangot naman silang dalawa.

Dahil nga sa siksikan sa jeep, nakita kong halos makakapuno ng timba ang pawis nina Dylan at Kian. Tsk, mayayaman nga naman.. sanay sa aircon.

"Magpunas nga kayo, ang pawis niyo na."

Pero tinignan nila ako ng nagpapa-awa. What do you mean?

"A-ako magpupunas sa inyo?"

Pero babysitter naman ako ni Dylan kaya siyempre, panyo niya ang kinuha ko at pinunasan siya.

Ako lang ba o medyo nalungkot si Kian?

Dumating na kami sa babaan na ng jeep. Pagbaba ko, mag-aabot na sana ako ng barya, pero pinigilan nila akong dalawa.

"Ako na." sabay nilang sabi. Dahil sa magkasabay silang nagsalita, nagtinginan silang dalawa at nagsukatan ng tingin.

Sabay lang din silang nag-iwas ng tingin sabay simangot. Magkaaway ba talaga to sila?

"Ako na magbabayad for Rash." sabi ni Kian.

"No. Ako na." sabi naman ni Kian.

Nagtitinginan na ang mga tao sa amin. Pati ba naman kasi ang pagbabayad sa jeep eh pag-aawayan?!

Kinuha nila ang pitaka nila at halos mahimatay ako sa nakita ko.

Inabutan ni Kian at Dylan ng tig-iisang libo yung driver.

Sabay sabing..

"Keep the change."

"T-t-teka.. Yung sukli niyo."

"Wag na. Bigay mo na yun kay manong, kaylangan niya yon eh." sabi ni Kian.

Natahimik naman ako, ang bait nga naman talaga ni Kian no?

Napangiti ako pero nawala lang din ng marinig kong mag-tss si Dylan.

"Parang siya lang naman.. eh ako rin naman.. tapos baket si asdghsfdjsndgs.."

"HA? Ano yun Dylan?"

"Wala. Tapos, nagpatiuna na siya sa loob ng mall."

Tahimik lang kaming nakasunod ni Kian sa kanya.

Sumunod kami sa loob tapos naghanap ng Economics book.

Nagtataka lang ako kasi halos dumikit na si Dylan sa akin..

"M-may problema ba?"

"Wala. Baket?"

"Eh, ang lapit mo ah."

Pero mas lalo pa siyang lumapit.. Napa-atras naman ako. 0.0

"Eh sa nandito ang HINAHANAP ko eh, LALAYO ba ako kung NANDITO ANG GUSTO KO?" matatag niyang sabi.

Napatitig naman ako sa kanya.

"Ehem." bigla akong nagising sa pagtitig. >///<

Automatic akong nabalik sa paghahanap ng Economics Book. Si Dylan naman, lumipat sa kabilang parte.. teka..

SA MAY ROMANCE SECTION! 0.0

Namamanghang napatingin ako sa kanya. Tapos pinipilit kong silipin kung anong libro pero di ko makita. >3<

Hmp. Di bale na nga! =='

Ayun! Nakita ko na yung Econ Book! XD Yey!

Agad kong pinulot ito at nagmamadaling pumunta sa counter.

Pagkatapos kong bumili lumabas na ako ng NBS.

Teka? Asan si Dylan at Kian?

Iniikot ko ang paningin ko tapos nakita ko si Kian na papalabas na rin mula sa NBS.

Pero si Dylan.. asan na yon?

Ay ayun!

"Oh, tagal mo ah! Dami mong librong binili?" tanong ko.

Heh? Pero parang wala namang bitbit eh >.<

"Ba't parang wala ka namang bitbit?"

Umiwas siya ng tingin.

"Meron no."

"Asan na? Patingin!" sabi ko.

"Wala.. nasa bag ko."

"Ehhh. Kunin mo, patingin ako.." pangungulit ko.

Sumimangot siya at naglakad palapit sa isang bench malapit sa bookstore. Ako naman, namaywang at sumunod lang din sa kanya.

"Teka lang Rash ah, bibili lang ako ng food." sabi ni Kian.

Tumango naman ako.

Naupo na ako sa tabi ni Dylan tapos kinulikat ko ang Econ Book ko.

"Parang enjoy na enjoy kang kasama si Kian ah." sabi ni Dylan ng hindi nakatingin sa akin.

"Eh, natural naman yun. Alangan naman umiyak ako dito kahit wala namang dahilan?" sagot ko.

"Baket pag asgdhdgdjs.."

Di ko masyadong naintindihan ang sinabi niya dahil mahina lang ang pagkakabanggit niya.

"Ano yun?"

"Bingi." tapos para na akong FB Friend Request after nun. Lagi na niya akong iniignore. >.<

Magtatanong pa ulit sana ako pero dumating na si Kian. May bitbit na coke float.

"Oh, Rash.. for you."

magte-thank you na sana ako pero biglang nagsalita si Dylan.

"I know ayaw mo sa ganyan. Wait there, bibili ako sundae."

"T-teka--"

Pero nakaalis na siya.

"Hindi mo gusto ang coke float?" sabi ni Kian na parang malungkot.

"Ay Naku.. gusto ko no. Thank you ah!"

"Deh, seryoso, gusto mo palitan ko na lang?" tanong niya.

"Deh, wag na.. sarap kaya neto!"

"Sigurado ka ah!"

Tumango ako sabay peace sign, ^____^V

---------------------

After bumalik ni Dylan.. na syempre may bitbit na Frenchfries at sundae, nagpaalam na ako kay Kian. Magagabi na rin kaya uwi na ako. AY! KAMI pala.

"Tara na Dylan! Uwi na tayo!" masigla kong sabi.

"Energetic masyado. Ang ingay." sabi naman niya.

"Hmp! Palibhasa, pipi ka! Kaya ayaw mo sa may nagsasalita!" tapos pabiro ko siyang hinampas.

sumimangot naman siya.

"Tss, kung makangiti ka pag kaharap mo si Kian, parang abot tenga.." Dylan said while walking.

"Eh, baket ba?"

"Tss."

Hihi. Mapagtripan nga! XD

Sinundot-sundot ko siya sa tagiliran..

"Ayee, selos ka??"

Hindi siya sumagot.

Eh di hindi na. Che!

"Kasi naman, parang kulang na lang iuwi ka ng Kian na yon. Hoy, tandaan mong kati ka, sa akin ka nagtatrabaho." sabi niya sa taas-kilay. I repeat! TAAS- KILAY! =.=

"Oh, baket?! SELOS KA?!" sabi ko.

Bigla niya akong hinila palapit na ikinabigla ng BANGS ko.

"Eh, pano kung sabihin ko sayong OO?!"

HA?! Totoo ba yung narinig ko? O nabingi lang ako?? >////<

"H-huh?"

"Tss. Buti na lang hindi. Asa kang magselos ako!" tapos tumalikod na siya at pumara ng taxi.

Oo nga no? Tsk. Si Dylan magseselos? Naaaaaa, mas mabuting magtanim ka na lang ng palay kesa umasa ka. --------------------------

[[Dylan's POV:]]

Shit lang. Ang lakas ng apog ng Kian na yan. Ang epal. Miminsan na nga lang kaming magkasama ni Rash sa labas ng bahay, eepal pa siya? Ang sarap patayin.

Kanina lang eh, pumayag akong mag-commute. First time! >.< Ang init tapos ang sikip. Pero okay lang, andon naman si Rash eh. Pramis, magtitiis ako sa jeep kahit pa pasagasaan niyo na yung Kian na yun!

Pinipilit kong ako ang atupagin ni Rash.. selfish na kung selfish pero feeling ko, may kahati ako sa kanya.. Feeling ko, lumalayo na siya sa akin..

Nabadtrip ako kanina sa NBS. Kung makatingin yung Kian na yun kay Rash para siyang prize na kaylangang makuha sa lottery.

Kaya wag na kayong magtaka kung sobrang lapit ko kay Rash, ayokong makalapit sa kanya si Kian. Baket? Wala lang.. ayaw ko lang.. diba girlfriend ko naman si Rash?

"Tss, kung makangiti ka pag kaharap mo si Kian, parang abot tenga.." I said while walking.

"Eh, baket ba?"

"Tss."

Sinundot-sundot niya ako sa tagiliran..

"Ayee, selos ka??"

"Kasi naman, parang kulang na lang iuwi ka ng Kian na yon. Hoy, tandaan mong kati ka, sa akin ka nagtatrabaho." sabi ko.

"Oh, baket?! SELOS KA?!" sabi niya.

Damn, she's so persistent!

Kaya naman, hinila ko siya palapit and said,

"Eh, pano kung sabihin ko sayong OO?!"

Nakita kong nabigla siya tapos biglang kumunot ang noo.

"H-huh?"

"Tss. Buti na lang hindi. Asa kang magselos ako!" tapos tumalikod na ako at pumara ng taxi.

God knows how much I want to tell her so many things. Gusto kong isaksak sa bangs niya na may nararamdaman din naman ako kahit sinusungitan ko siya palagi.

God knows how much I want to just take her hand and go somewhere else.. Somewhere else kung saan walang epal..kung saan walang room for jelousy.

Kung alam niya lang..

Nilapag ko na lang sa table ko ang pinamili kong libro kanina.. akalain mo nga namang babasa ako neto? Pero malay natin.. Baka malaman ko pa kung..

BAKIT DI KA CRUSH NG CRUSH MO?

---------------------------

[[Kinabukasan]]

[[Rash'POV:]]

May meeting na naman.. Pansin ko, this past few days, napapadalas ang meeting na ina-attendan ni Dylan. Pero dahil nga nag-promise na ako sa kanya na sabay kaming uuwi, kaylangan ko siyang antayin.

"Hey, narinig mo ba? Matutuloy na raw ulit yung Club outing! So exciting talaga girl!" tili nung napadaang studyante.

"I'm so excited din talaga kasi, this time magpaparticipate daw ang Gold Club! I'm so gonna join!" dagdag nung isa.

CLUB OUTING?

-----------------------

[[Lautner's Residence:]]

"Dylan.. ano ba yung tungkol sa Club outing?" tanong ko kay Dylandan.

"Ah.. next week." tipid niyang sagot. See, kung di lang din naman ewan. Iba ang sinagot sa tanong ko. >.<

"Kasali pala kayo ngayon. Dinig ko ngayon lang kayo nagparticipate?" tanong ko ulit.

"Yeah."

Ano ba naman, ang tipid magsalita? May bayad na ba magsalita ngayon?

"Ah, siguro nakaka-enjoy yun.. Kaya lang..parang di rin ako makakasama." sabi ko.

"Ah." tapos pumasok na siya sa kwarto niya.

ABA! Ang haba ng sinabi ko tapos "AH" lang ang sagot? Kainis ah. Tsk. BV na nga kasi, di na naman ako makakasama sa club outing..

Pumasok na rin ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Ipinikit ko saglit ang mga mata ko para magpahinga nang biglang nagbukas naman ang pinto ko. Napabalikwas ako ng bangon.

"Baket?"

"Why?"

"Anong why?" taka kong tanong.

"Why can't you join?"

"Eh kasi..--"

"I don't care about it anyway, you need to join."

"Pero--"

"No ifs, no buts."

"Kelangan kong pumunta kasi Babysitter moko, ganon ba?"

"No. You need to join because, you are my GILRFRIEND.

"..and a real boyfriend never leaves his girl behind."

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X A/N:

UWAAA! I'M SOOOOOOO BACK! SORRY PO AT NATAGALAN ANG UPDATE. SORRY PO TALAGA. LUMIPAT NA KASI AKO SA DORM KO SA SCHOOL EH, MEDYO NABUSY LANG.

OSYA, HANGGANG DITO NA LANG. BASA BASA NAAAAAA!

-TSUNLUKARET

******************************************* [27] Chapter 26 :) - Ticket to the camp ******************************************* Chapter 26 :) - Ticket to the camp

[[Rash'POV:]]

Labing-anim na taon. Labing- anim na taon na ako. Pero eversince inire ako ni mama, never akong nakakasali ng kahit anong field trip o camp.

I was seven when I was adopted by my auntie. Dahil sa hindi ko naman siya derektang kamag-anak at sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya eh, nasanay na akong siya ang nasusunod. Kung ano ang desisyon niya, oo at tango lang ang naisasagot ko.

Kasali na diyan ang hindi ko pagsali sa mga outings at camp..

Kaya ngayon. I doubt na makakasali ako sa darating na Club outing.

Nakahiga na ako na parang tange sa kama ko. Iniisip ko talaga kung makakasali ba ako o hindi. Isa pa sa pinoproblema ko eh, ang magiging bayad kung sakali pag sumali ako sa camp. Hindi nga abot kahit kalahati ang buong sweldo ko.. Sasali pa naman daw ang buong club.. at si Dylan..

Parang nakakasama lang ng loob ;(

Itutulog ko na lang sana ang badvibes ko ng biglang bumukas ang pinto. Napabalikwas ako ng bangon. Sino bang hindi kung biglang bumukas ang pinto mo ng walang kumakatok??

"..Dylan.."

"Why?"

"Anong why?"

"why can't you join?"

"Eh, ka--"

"I don't care about it anyway, you need to join."

"Pero--"

"No ifs, no buts."

"Kelangan kong pumunta kasi Babysitter moko, ganon ba?" tanong ko. Expected naman eh, isasama lang ako neto para gawing muchach--

"No. You need to join because, you are my GILRFRIEND.

"..and a real boyfriend never leaves his girl behind."

Napatitig na lang ako sa seryosong mukha ni Dylan. Tinapunan niya ako ng huling tingin bago tinungo ang pinto. Hinawakan niya ang seradura tapos nagsalita,

"Pack your things. Wag ka lang magdala ng isang planeta sa daming gamit. Baka isipin nilang pinalayas kita."

Then he went out. ----------------------------

[[Kinabukasan]]

*Gold Club Room*

"Raaaaaaaaash!!" tili ni Claudette at Patricia. Sabay yan ah.

"Oh, hyper niyo ah." nakangiti kong sabi.

"Hwehwehwe, eh sa excited kami eh.. Next week na kaya yung Club Outing. Ngayon na lang ulit ako makakasali." mahabang sabi ni Claudette.

"Hihihi. Excited na kami Rash. Kasi diba? First time mo rin? Di na ako makapag-antay! May quality time na naman kayo ni Dylan." abot-utak na ngiti ni Patricia.

"A-ah.. yun nga kasi ang dapat kong sasabihin sa inyo.. parang--"

"Parang, excited ka na rin?!" nakangising tanong ni Cheska?

"Hindi.. Parang--"

"Parang matatae ka na?" sabi naman ni Chinette.

"Hindi rin.. Ano kasi.. parang--"

"Parang HINDI KA MAKAKASAMA?" sabat ni Kriscelle. She is sitting in a chair near Dylan's chair. One eyebrow up. and a smirk in her face.

"Hoy! Wag naman no Kriscelle. Sasama kaya si Rash.. Diba Ra--"

"Tama si Kriscelle. Parang hindi talaga ako makakasama." sabi ko ng nakayuko.

"See? I was just guessing. I didn't know na tama pala ako. Nothing's wrong with that." tapos bumuklat ng libro si Kriscelle.

Nanatili akong nakayuko. Nahihiya akong salubungin ang mga tingin nina Claudette. Since parang nadissapoint talaga sila sa sinabi ko.

"Sayang naman yun Rash, bakit hindi ka sasama?"

"Oo nga naman Rash, may problema ba? Baka, pwede pang gawan ng paraan. Ayaw naman naming kami lang ang pumunta. Member ka rin naman eh."

Umiling ako, wala.. okay lang kahit hindi ako makasama.. sa susunod na lang."

"Uh? I doubt na may susunod pa." then, Kriscelle stood up and walked towards me. Nakita kong inangat niya ang kamay niya.

Wag mong sabihing.. sasampalin niya ak--

**PLAAAAAAAK!*

----------------------------

[[Dylan's POV:]]

When I heard about the Club Outing, na-bore ako lalo. Ilang araw na namin tong pinagmi-meetingan. Ilang araw na rin akong late kung nakakauwi. At ilang araw ko na ring pinag-aantay si Rash. Ayokong nag-aantay siya.

Baka, magkasalubong na naman sila nung Kian na yun at kung san san na naman tangayin ang GIRLFRIEND ko. ;/

Pero nung binanggit ni Claudette na this time magpaparticipate ang club, medyo nainis ako. Tss.. sayang lang sa oras ko yun.

"Weeeee, excited na ako!" tatawa-tawang sabi ni Claudette. As usual siya na naman ang kasama ko sa meeting.

"Tsss.."

"Uhhheeee, ano kayang bagong activities for the camp?"

"Like I care." bored kong sagot.

"Ghost hunting kaya tayo?"

"Ikaw na lang."

"KJ naman neto! Eh di wag! Aha! Alam ko na! Ang isasama ko ay si Rash! Tama si Ra--"

"SASAMA SI RASH??!"

Natigilan si Claudette. Tapos ilang sandali lang ay humagalpak ng tawa.

"HAHAHAHAHAHA!"

"What's funny?" nakasimangot kong tanong.

"Ayeee.. nabanggit ko lang si Rash eh, daig mo na agad ang naiihi. Wahahahaha! Si Dylan! HAHAHAH!"

"Tantanan moko Claudette. I'm gonna tear you into pieces."

Nag-peace sign naman si Claudette sabay karipas ng takbo.

=.= Tsss.. Mga babae talaga. Nakakalito. :/ ---------------------------

And so I decided to join.. kahit na ang ibig sabihin ay ang mawalan ako ng panahon sa pagtulog. and since I heard..

that Rash is gonna' join too.

That night, Rash openned the topic about the camp. I was waiting for her to ask me if I am gonna join, pero wala. Nabadtrip ako.

Pero nabigla rin ako nung nalaman kong hindi siya makakasali. Damn, eh kung ganon, eh di walang kwenta ang camp.

..And so I decided to swallow my pride and ask her to join..

well.. I don't think that what I did can be called "asking" since I actually, COMMANDED her to join. Tssss. I don't care, as long as she joins.

Ngayon, papasok na ako sa building ng club room namin. I bet kumpleto na sila ako na lang ang kulang.

Tumigil ako sa tapat ng pinto ng club room tinulak ito pabukas.

But my shoes was rooted on the floor nang makita ko ang eksena sa club room.

Si Rash nakapikit.. and Kriscelle's hand..

-----------------------------

[[Rash' POV:]]

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Only to see Claudette's hand on the wall habang galit na nakatitig rito.

Nabigla kaming lahat. It's as if, talagang may galit siya sa dingding.

"U-uh.. anong problema Kriscelle?" basag ni Cheska sa katahimikan.

Umayos ng tayo si Kriscelle tapos, inayos niya ang buhok niya.

"Nothing. May nakita lang akong langaw na aaligid aligid sa lugar na dapat di niya dinadapuan. I guess, kaylangang patayin na bago pa man makahawa ng bacteria. Mahirap na, hindi natin alam."

then she started to walk out of the Club Room. Nakasalubong niya si Dylan.

"Oh Rash, alam na ba ni Dylan na hindi ka sasama?" tapos tinapik niya sa dibdib si Dylan.

Naiwan kaming tahimik habang nakatingin sa pinto na pinaglabasan ni Kriscelle.

Walang nagsasalita, hanggang binasag ni Dylan ang katahimikan.

"What is she talking about?" seryoso niyang tanong.

Patay ako neto kay Dylan.. >.<

"A-ah.. Ano kasi.. Hindi talaga ako makakasama eh." sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Akala ko ba, napag-usapan na natin to?"

"Pero, hindi talaga pwede eh.."

"Give me one valid reason why you can't join?" sabi niya sa parang galit na ewang boses.

"Si Auntie kasi e.. hindi ako pinapa--"

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko sabay hila sa akin palabas ng club room. Nabigla naman ako. 0///0

Tuloy-tuloy lang ang lakad niya hanggang tumigil siya sa harap ni Shama [Pangalan ng car niya].

"Sakay."

Nalilitong tumingin ako sa kanya na parang nagtatanong.

"I said, sakay." then she pushed me gently papasok and then closed the door.

Mabilis siyang sumakay sa driver's seat at walang imik na nagmaneho.

Wala akong lakas ng loob para magtanong since ang lakas ng pakiramdam ko na galit talaga si Dylan sa akin. So I decided to keep my mouth shut.

Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa bintana at pinanuod ang dinadaanan namin.

Ilang minuto lang din ang dumaan. Ako lang ba o parang pamilyar talaga sa akin ang daang tinatahak ng kotse ni Dylan?

Nag-preno siya sa may gilid ng kalsada.. base sa nakikita ko, hindi ako nagkakamali.. ipupusta ko ang lahat ng ganda ko,

"BAHAY NI AUNTIE TO AH?!"

Bumaba si Dylan at binuksan ang pinto. Nag-aalangan akong bumaba kasi hindi ko alam kung baket kami andito. Baka papauwiin na ako dito. MEANING SESANTE NA ANG GANDA KO 0.0

"S-sesante na ba ako?" kinakabahan kong tanong.

Tinignan niya lang ako at biglang kinuha ang kamay ko. Hinila niya ako ng marahan palabas. At nagsimulang maglakad palapit sa maliit na gate ng bahay. Halos malunok ko ang buo kong existence ng marealize ko na hindi niya parin binibitawan ang kamay ko. Medyo malayo ang bahay ni Auntie mula sa pinagparkingan niya sa kotse niya kaya nilakad namin.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao! 0/////0

"Oy, si Rash yan diba? Mukhang nakabingwit ng mayaman ah.."

"Te! Ang gwapo ni koya! Yung kasama ni Rash! Bigatin na si Rash ngayon ah!"

Grabe ang bulung-bulungan sa dinadaanan namin. Pero parang walang naririnig na nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad si Dylan. Habang ako, halos umusok na sa pula. .>/////<

Tumigil kami sa tapat ng gate ni Auntie. Walang pasabing binuksan niya ang gate at deretsong pumasok ng walang paalam.

NAKUUU! Ayaw pa naman ni auntie sa ganyan! Hindi na maipinta ang mukha ko habang hila-hila parin ako ni Dylan. Paano na to? Baka sigawan ako ni Auntie! O baka, ipalapa sa asong kalye si Dylan! Sayang ang LAHI! 0.0

"..Dylan.. saglit lang.." sabi ko. Pero hindi niya ako pinapansin.

"Dylan.. wag kang basta-bastang pumasok.. Dy--"

"SINO KA?!"

PATAY! Dali, maghukay na tayo ng sarili nating libingan. Ayan na ang tigre kong auntie. Goodbye Dylan at Rash na kayo! >.<

Abut-abot ang dasal ko na sana hindi ako mapansin ni auntie pero..

"Anong ginagawa mo rito kasama si Rash? Paano ka nakapasok? Pinapasok ka ba ni Rash?" tuloy-tuloy na tanong ni auntie.

Hindi ako makasagot, nagsisimula na akong kabahan ng sobra. Pero nabigla ako kasi ni konting kaba eh, wala kang makikita kay Dylan.

Sa halip, lumapit pa siya sa kinatatayuan ni auntie at nagsalita.

"Magandang araw po. Ako po si Dylan Lautner. Nandito ako para ipagpaalam si Rash para sa isang outing. I'll take full responsibility. Hindi ko po siya pababayaan."

Natahimik si Auntie. Tapos, tinignan ng matiim si Dylan. Ayan naaaaa.. magsisimula na ang talak ni auntie! 0.0

"A-ah.. ano po, auntie. Okay lang po kahit hindi na po kayo pumayag. Okay lang naman po."

Pero napatigil ako sa pagsasalita dahil pinisil ni Dylan ang kamay ko. >/////<

"Here's my calling card ma'am. If ever may problema po, you can call me. Just let Rash join."

Hindi parin sumasagot si Auntie.. sabi ko na ayaw eh.. Hindi na naman siya papayag, Wala na naman akong chance makasama.. hindi ako makaka--"

"Sige. Pero tandaan mo, sayo ko siya ibibilin. Pag may mangyaring kung ano sa--"

"No need to worry ma'am. I'll make sure that nothing bad's gonna happen. At kung meron man, mamatay muna ako bago siya magalusan.

TAMA BA NARINIG KO?!

Napanganga ako. P-Pumayag si auntie! Uwaaaaaaaa! T___T \(*0*)/

Pero, mas nabigla ata ako sa sinabi ni Dylan.. 0////0

------------------------------

"Hindi ako makapaniwalang, pumayag siya Dylaaaaaaan!" tili ko sa loob ng kotse. Papabalik na kami sa bahay after ng makakasaysayang pagpayag ni auntie, Oh Diyos ko, ano ang nakain ng auntie ko't pumayag siya?!

"Uwaaaaaaaaaaaaa T___T Pumayag si auntie! Ang saya koooooooo!!" tili ko ulit.

"Aaaaaaaaaaaaah!! I can't beleb et! I can't bele--"

Biglang nagpreno si Dylan kaya halos mai-kiss ko na yung harap ng kotse. Napatigil ako sa pagsasalita.

"Will you shut up or else I'll kiss you until you learn how to do so."

a-AH.. Ahihihi.. oo, tatahimik na..

"Salamat Dylan ah..ang tapang mong harapin si auntie kong tigre ah.." sincere kong sabi.

Hindi siya lumingon pero nagsalita siya, "I guess, It's a lot easier to face a tiger than to join the camp without you." then he went back to driving..

Hindi na kami nagsasalita sa buong biyahe. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang malakas na tibok ng puso ko. ------------------------------

[[Dylan's POV:]]

Now Playing: A Thousand Years PII Heart beats fast Colors and promises How to be brave? How can I love when I'm afraid to fall But watching you stand alone? All of my doubt suddenly goes away somehow One step closer [Chorus:] I have died everyday waiting for you Darling don't be afraid I have loved you For a thousand years I'll love you for a thousand more Time stands still Beauty in all she is I will be brave I will not let anything take away What's standing in front of me Every breath Every hour has come to this One step closer [Chorus:] I have died everyday waiting for you Darling don't be afraid I have loved you For a thousand years

I'll love you for a thousand more And all along I believed I would find you Time has brought your heart to me I have loved you for a thousand years I'll love you for a thousand more One step closer One step closer

I'm driving right now. And the good thing is that SHE'S WITH ME.

Napatingin ako sa gilid ko. She looks like a child when she's sleeping. Sobrang daldal niya pag gising. But now, she looks so priceless.

On the way na kami sa venue ng camp. I brought my car since hindi ko kayang iwan si Shama [my car] sa bahay. Since Cludette told me na ang Gold Club will be bringing their own cars.

Napatingin ako ulit kay Rash. She looks like her.. but maybe my sister is right.. Rash is Rash.

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha niya ang planted a kiss on the tip of her nose.

Maybe.. just maybe hindi rin masama kung ilalabas ko ang nararamdaman ko.

------------------------

After ng ilang oras na pagda-drive, nakita ko na ang sign board.

WELCOME TO THE 2013 TOPLINE ACADEMY CLUB CAMPING

So andito na kami sa venue eh? The camp's gonna start soon. I wonder what's in store for us.

Tulog parin si Rash, kaya hindi ko na siya ginising. Umupo muna ako sa isang bench malapit sa car ko. Marami na ring andon. They came from other clubs.

Biglang may tumigil na isa pang car malapit sa car ko. Tapos nang umibis mula sa driver's seat ang nagmamaneho. Halos mayupi ang hawak-hawak kong bottled water.

So he's here..

"I guess, I need to keep an eye on my girl."

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

******************************************* [28] Chapter 27 :) - My Tentmate is?! *******************************************

Chapter 27 :) - My Tentmate is?!

[[Rash' POV:]]

Napabalikwas ako ng bangon. T-teka, asan ako??

Iniikot ko ang paningin ko at narealize kong andito pala ako sa kotse ni Dylan. Ba't ako nandito?

AHA! Oo ng pala no. Papunta na kami sa outing venue. Yey! Excited na ang fats at pilikmata ko! \(^____^)/

Binuksan ko ng onti ang pinto ng kotse ni Dylan at lumabas. Tumingin-tingin ako sa paligid. Ba't walang mga tao? Asan sila? At asan si Dylan??!

Halos mataranta na ako sa kaba. Wag naman sanang tumama ang hinala ko!

BAKA INABANDONA NA LANG AKO BIGLA NI DYLAN! 0.0

Lakad-takbo ang ginawa ko. Asan na sila?! Ajujuju T____T

"Dylan.. Humanda ka saking isda ka! Pag nakita kita't mapatunayan ng existence ko na iniwan mo talaga ako, paglalamayan ka bukas!" inis kong sabi.

Kasi naman eh. Kahapon lang, matapang niyang hinarap si Auntie, tapos ano na? Bigla na lang niya akong iiwan?! Ang sama naman niya! >.<

Nagkatapilok-tapilok na ako sa kakalakad-takbo sa mabatong daan. Nasang planeta ba kami? Baket parang ngayon ko lang to nakita??

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang daan. Dalawa eh.. Saan ba dito ang dadaanan ko?

KALIWA O KANAN?

KALIWA O KANAN?

KALIWA O KANA--

"ARAYKUPO!"

Di ko namalayan na may malaking batong nakausli sa harap ko kaya naman, halos nagbeso-beso na kami ng lupa. Buti na lang naagapan ko agad. Pagtayo ko, may makirot sa tuhod ko. Pagtingin ko...

Sugat.. 0.0

Umiwas ako ng tingin at mabilis na kinuha ang panyo sa bulsa ko. Ginawa ko na lang na pambenda ang panyo ko kesa naman makita ko ang dugo. Baka naman, matuluyan pa ako. >.<

Pinilit ko pa ring maglakad. Mas mabuti na yun kesa tumunganga lang ako sa lugar na to. Malay ko ba kung nasa Jurassic Park pala ako, may bigla pang lumbas ng Thea-saur. Nakuuuuu! Malalasog ang maganda kong katawan!

"Dylan.. where art thou?"

"Asan ka na ba? Di ka pala marunong tumupad sa usapan eh.. Akala ko ba sagot moko.. Akala ko ba, poprotektahan mo ko? Akala ko ba--"

[[..Hila..]]

0.0

Napatigil na lang ako sa pagsasalita dahil may humila sa akin.

"S-sino ka?!"

---------------------------

[[Kadness' POV:]]

"Lian! Patulong naman oh. Yung bulletin board kasi, kelangan na naman natin ibahin ang design."

"Yes, Pres. Ang sipag mo talaga ngayon ah!"

"Eh, natural naman. Trabaho ko yan eh. Loka talaga to."

Hinampas naman ako ng malakas ni Liam.

"Nakakarami ka na ah! Pag ako nainis sayo.. " sabi ko sabay gulo sa buhok niya.

"aray naman te. Porke't lumalablayp ka na ngayon. Naninira ka na ng buhok. Te, tatlong oras kong binoypren ang salamin para gumanda lang ang buhok ko tapos ganon lang?" sabi naman ni Lian.

"Eh.. wala tayong magagawa." tapos umakyat na ako sa hagdan at nagsimulang maglagay ng designs sa bulletin board.

"Ayee.. So inaamin mo na ngang lumalablayp ka na?"

Tinignan ko siya ng masama. Tapos pinukpok ng cartolina sa ulo. "Sira ulo ka."

Nag-ayee lang siya tapos, ayun. ULOLISM na siya. Ultimately Laughing in Silent Mode ang pangalawa kong bestfriend mga tol!

"Pffftt."

"Lian, paabot ng tape."

"Oh, ayan." tapos inabot na niya sa akin ang tape.

"Yung mga bulaklak naman."

Inabot lang din niya.

Pero ilang sandali lang, eh.. naninibago na ako kasi hindi nagsasalita si Lian. Napipi lang?

"Paabot nung gunting Lian."

Naramdaman kong may nag-abot sa akin. Si Liam parin ata. Pero baket antahimik?

"Liam, wag kalimutan yung binigay sayo ni Ma'am Fe kanina. Ididikit din natin yung dito."

May nag-abot ulit ng papel. Ididikit ko na sana sa bulletin board yung papel ng mabasa ko ito.

"..Eh ako ba, hindi mo kailangan?"

Napakurap-kurap ako. Tsss. Saan galing to? Ang ewan talaga ni Lian. Pati yung mga love letter ng stalkers niya sinasama dito sa dapat idikit. =='

"Lian.. indi naman to kasama eh. Yung inabot sayo ni Ma'am ang dapat mong ibigay hindi tong love letter ng mga irog mo." sabi ko habang nakaharap parin sa bulletin board.

Pero, for the nth time, no response parin! Anyare? Walang planong sagutin o kausapin man lang ako?

Kaya, kahit medyo hirap akong lumingon ginawa ko, sabay sabing..

"Sabi ko, yung inabot ni Maa'am ang da--"

0.0

"Kailangan mo yung papers galing sa maam niyo. EH, AKO BA, KAILANGAN MO RIN?"

Dahil sa pagkabigla ko, napagalaw ako ng malakas, dahilan paran gumewang yung hagdan. Nanlaki ang mga mata ko. 0.0

Kamatayan, susunduin mo na ba ako?? >.<

Pero nabigla ako ng bigla niya akong saluhin tapos kargahin. Yung tipong Lover's Carry! >///<

"I-ibaba mo nga ako.." protesta ko.

He's not answering.

"A-ano ba ken.. ibaba mo ako.."

Pero daig ko pa ang napipi ng magkasulubong ang paningin naming dalawa.

"I'll put you down.. in one condition.."

".. Samahan moko sa camp."

--------------------------

[[Rash' POV:]]

"Asan ka na ba? Di ka pala marunong tumupad sa usapan eh.. Akala ko ba sagot moko.. Akala ko ba, poprotektahan mo ko? Akala ko ba--"

[[..Hila..]]

0.0

Napatigil na lang ako sa pagsasalita dahil may humila sa akin.

"S-sino ka?!"

0.0

"Sinong nagsabi sayong umalis ka ng sasakyan?" seryoso niyang tanong.

"D-dylan?"

Tinignan niya ako na parang di niya ako magets.

"D-DYLAN!IKAW NGA!"

"Oo, sino pa ba? Miss moko? Dali, yakap na." sabi niya ng naka-smirk.

Pft.. ASA! Malalaki ang hakbang na lumapit pa ako sa kanya. Nakasunod naman siya ng tingin sa akin.

At..

At sinuntok ko siya! I repeat, SINUNTOK KO SIYA!

Nakita kong nabigla siya at napatingin na parang galit sa akin.

"Why did you do that?!"

"Eh, baket moko iniwan don?!"

"I didn't leave you! I brought you something to eat!"

"Wala akong pakia--" ~Guruuuuuuuu

Napahawak ako sa tiyan ko.

Nangingiting napatingin naman siya sa akin.

"So, you are hungry."

"H-hindi ako yun ah!" inis kong sabi.

"So, sino ba yun? Yung kahoy ba?"

"M-malay ko?!" nakaingos kong sabi.

"Are you sure?"

"Malay ko nga eh! Basta hindi ako yun!" Pagkakaila ko. Dyahe yun! Nakakahiyaaaa! >////<

"Okay. Mukhang yung kahoy nga ang nagugutom. Sa kanya ko na lang ibibigay tong food." tapos deretso siyang tumalikod at naglakad palapit sa punong-kahoy. Ilalapag na sana niya yung pagkain pero sa sobrang inis ko, nabato ko siya.

Napalingon siya.

"Akala ko ba binili mo para sa akin yan? Ba't sa kahoy mo binibigay! Nakakainis ka!" padabog kong sabi.

Lumapit uli sa akin si Dylan at inabot ang pagkain.

"Tampo ka naman agad. I was just trying to make you smile. It completes my day."

-----------------------------

[[2 Hours Later]]

"Welcome to the 2013 Topline Academy Club Camping!"

Nagpalakpakan ang lahat. Marami rin ang nakisali. Pero, tingin ko puro mayayaman talaga to. As usual ako lang din ang dukha. Ang saklap. >.<

Pagkatapos ng Orientation, nagsimula nang magpunta sa center ng venue ang mga participants. Lahat may kanya-kanyang grupo.

Syempre, nasa grupo ako ng Gold Club. Nandito na ang lahat, maliban kay Ken at kay Kriscelle.

Bakit kaya wala pa sila?

Nakasunod lang ako kina Claudette at Dylan na kasabay na naglalakad nina Cheska at Patricia.

Nakayuko lang ako ng mapansin kong tumigil sa paglalakad si Dylan. Kaya napatigil rin ako.

"Baket?" taka kong tanong.

"Problem?"

"Anong problem?"

He pointed on my left knee. Na hanggang ngayon ay nakabalot parin sa bendang panyo ko.

"A-ah.. Wala. Wala.. Ano yan.. Ano, Style! Tama! Style nga!" sabi ko sabay tawa ng peke.

Tinignan niya ako ng matiim tapos lumipat ang tingin niya sa tuhod ko.

Grabeng kaba ko habang nakatingin siya. Pano pag nalaman niyang nasugatan ako. Magagalit na naman to? Mabebwesit na dahil kahit kelan ang tanga tanga ko.

Tapos, bumalik siya sa paglalakad.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Sana hindi na siya mag-usisa pa.

------------------------------

Ilang sandali lang ay tinatawag na ang atensyon naming lahat. May announcements raw.

"Okay students. Tonight, the camp will start officially."

Magpapatuloy na sana sa pagsasalita ang staff ng biglang sumabat ang isang estudyanteng naka-miniskirt.

"Uhm.. so, where are we gonna' stay?" maarte niyang tanong.

Natahimik ang lahat. Halatang nag-aantay ng sagot.

"Hello, I was asking if were are we gonna stay? And oh, please.. keep my room close to Dylan Lautner's room." then she giggled.

Sus! Ang sarap sungalngalin talaga! Grabe! =='

"Okay. Good Question. You are gonna stay in a--"

"HOTEL??" sabat ulit nung maarteng naka mini-skirt.

"No. Not in a hotel. You're gonna stay in a--"

"PRIVATE HOUSE?"

"No. And this time, please let me finish."

Tumahimik na ang lahat.

"This is a camp. So I guess, you should know where you'll all stay.. You'll stay in a.."

"..In a TENT."

"WHAAAAAAAAAAAAT?!?!"

Napa-what ang lahat except sa isa! Sino pa nga ba? Eh di AKO! TAMA! Ako na! Eh sa ang nasabi ko eh, WOW eh!

Automatic silang napalingon sa akin.

Siguro dahil sa narinig nilang lahat na napa-wow ako.

"Yuck! What's so nice about staying in a tent!?" reklamo nung isang estudyante.

Tumahimik na lang ako. Kaya siguro ako lang ang natuwa eh dahil ako lang din naman ang sanay sa hirap.

Pero ang saya kaya pag natutulog ka sa tent! Try niyo! XDD

"That's is final. If you don't want to, then go home. But remember, going home means, saying goodbye to your club."

Napa-TSS ang lahat, except sa ISA! Sino nga ba? Eh di AKO ulit. Sino pa ba? XD

Buti na lang, sanay ako. Sisiw ang pagtira sa tent!

Pero nung nahagip ng mga mata ko si Dylan, nakakunot ang noo niya.

"Kawawa naman ang alaga ko.."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nung gabi yun, nagkaron ng drawlots sa mga magkakasama sa iisang tent. Bale, isang tent dalawang students. Pwedeng galing sa magkaibang club, as long as parehong babae o pareng lalake.

Lumapit na ako sa bubunutan. Kumuha ng isang papel at binuklat ito.

Napatitig ako sa papel na hawak ko..

"..Kriscelle Suarez"

Naglakad na ako pabalik sa kinauupuan ko. Pagdating ko run, nabigla ako kasi bigla akong hinila ng marahan ni Dylan.

He locked his eyes on mine..

At dahil don, halos hindi ko na namalayan ang nangyari..

Natanggal na pala niya ang benda.

"Tss, I knew it."

Napayuko ako. Ayan na, nahuli na niya ako. sesermunan na naman ako neto.

Naramadaman ko siyang gumalaw at inabot ang bag niya.

"Sorry.. indi ko naman sinasad--"

"C'mon, gagamutin ko."

"Naku, wag na.." sabi ko.

Pero hindi niya binitawan ang paa ko.

"Stop being so reckless, Rash Yu. Stop being so childish."

"..Di lang ikaw ang nag-aalala."

then he started cleaning my wound.

..Nag-aalala pala siya sa akin.. Masama bang maging masaya?

------------------------------

[[Dylan's POV:]]

I was told to wait. Ako ang pinakahuling makakaalam ng partner ko sa tent. I really don't know why. I'm not even interested. Well, since.. I'm thinking about Rash' knee.

Yes, I may be an inconsiderate person sometimes. Pero alam kong may mali. I can see, that she's having a difficulty walking.

And so, I pulled her gently only to find out na may sugat siya. Alam kong may hemophobia siya so I was really careful..

Maybe, para sa kanya.. what I said, wasn't really important.. But for me, it is. It is damn important.

"Dylan Lautner." lapit sa akin nung isang staff.

Humarap ako sa kanya.

"Inaantay na lang natin na bumalik from the registration ang makakasama mo sa tent."

Tumango ako. Ano bang pakialam ko kung sino ang makakasama ko sa tent? Pft.

Nagpatiuna na akong pumasok sa tent. I sat at kinulikat ang cellphone ko.

"Look at her.. she sleeps like an angel." mahina kong sabi.

Pero ibinulsa ko lang ulit ang cellphone ko. Since, narealize ko kung ano ang ginagawa ko. This is so gay. It's not like I like her. Hindi niya abot ang standards ko. And well, she's not the girl whom I made a promise with.

Napayuko ako. She's not "her"

Pero napatingala rin ng biglang marinig ko ang pagbukas ng tent.

=/=

"What are you doing here?" tanong ko. Dafudge! Sa lahat ng tao siya pa talaga. Yung epal na yun pa talaga!

"Ikaw what are you doing here, Dylan?" tanong rin niya.

Nagsukatan kami ng tingin. Walang nagpapatalo.

"Well. this happens to be MY TENT." matatag kong sabi.

"Oh, this is unexpected.. This is MY TENT TOO."

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

******************************************* [29] Chapter 28 ;) - Misunderstanding ******************************************* Chapter 28 ;) - Misunderstanding

I'm damn pissed off knowing that he's here. Sh*t, this is definitely not my lucky day for I have to share a tent with the guy who's been trying to steal my girl from me.

Kian Red del Valle

I know. Starting today. It would be SPARTA.

---------------------------

[[Rash' POV:]]

May tent assignments na kami. Ang tent ko eh, nasa may katabi ng malaking puno. Maganda rin dito kasi mahangin. Atleast, tipid sa paypay. XD

Sinimulan ko nang ilatag ang bedsheet ko. Kasi wala lang. May dala ako eh, so sayang naman kung di ko gagamitin diba? Eh, sa girl scout ako eh. Bahala na kahit halos isang oras akong pinaulanan ng sermon ni Dylan sa dami ng bitbit ko.

Kesyo daw parang lalayas ako. Kesyo daw hindi ko daw sinunod ang bilin niya. Kesyo daw, mapupuno ang sasakyan niya ng puro gamit ko. At baka raw ba, gusto kong palayasin na niya raw ako tutal, nakaempake na ako. Ansama lang =/=

Pero go parin! Fighting! *0*/

"Lalala.. Matutulog na ako mamaya.." pakanta-kanta pa ako. Eh, nakakatuwa kaya isipin na matutulog kami sa tent. Sa ilalim ng buwan. Tapos, may stars! Whooooo! Pangarap ko to mga tol!

Biglang bumukas ang tent. Natigil ako sa ginagawa ko tapos sabay lingon.

"Kriscelle.."

"Oh, ikaw pala ang roommate ko. Ang malas ko naman." then she smirked.

Natahimik ako.

"Of course I'm just joking!" tapos tumawa siya then tapped my shoulder.

Joking? Ba't parang totoo atang inis siya kasi roommates kami? Ay, nevermind.

"Ay, Kriscelle.. san mo gusto banda?"

"Kahit saan naman ko pumwesto, katabi parin kita so I guess, anywhere would do."

Ako lang ba o inis talaga siya?

"Joke ulit." tapos tumawa na naman siya.

"I gotta go muna kay? I'll go talk to the organizers."

Tumango ako.

Haaaay, mukhang mahihirapan ako sa tentmate ko. =/=

--------------------------

[[Kinabukasan]]

"Good Morning Participants! How was your sleep?" sabi nung isang organizer.

Kanya-kanyang sagot naman ang mga clubs.

"IT SUCKS!/ANG SAYA!"

Yung una na "IT SUCKS" ang sagot ng lahat. Isa lang ang sumagot ng "ANG SAYA!" sino pa ba? Eh di AKO ulit! Malamang, tuwang-tuwa nga ako eh.

Lingon silang lahat sa akin. Tapos tinaasan ako ng kilay.

"Tsk.. mahirap kasi, kaya sanay."

"Yuck. Dapat sana that girl na lang ang pina-sleep sa yuck na tent tapos, we'll sleep sa private houses. Like duh, I have all the money to pay for it."

Ayy.. mga mayayaman nga naman. Nakaka-ewan sila.Pinatulog lang sila sa tent, kung makapag-react parang ninakawan sila ng ilang milyon sa bank account nila. O di kaya, inabandona ng parents nila. Pasalamat nga sila, meron sila ng kung anong wala sa maraming tao.

Nakatungo lang ako habang nagsasalita ang organizer. Pero biglang nahagip ng tingin ko ang nakabusangot kong alaga. Sino pa? Eh di si Dylan.

Lumapit ako sa kanya at marahan siyang tinapik sa isang braso.

"Hoy, problema mo?"

Tinignan niya lang ako tapos sumimangot ulit.

"Nakainom ka ba ng vitamins?"

Tumango lang siya. Alam ko badtrip na naman to. Kaya hinila ko ng marahan ang laylayan ng t-shirt niya. Napatingin siya sa akin.

"Sabihin mo nga sa akin. Remember, babysitter moko."

Nag-tss siya tapos sinipa-sipa yung mga batong nasa paanan niya.

"He's my tentmate."

"Dawho?" tanong ko.

"Kian."

"Si Kian? Wow! Buti ka pa. Pero ba't parang malungkot ka pa."

Tinignan niya ako na parang may inis at tampo. Ano na namang ginawa ko?

"You don't really understand me. Damn, I hate it." tapos, nag-walk out siya.

Bigla akong sinundot sa tagiliran ni Claudette.

"Oooh ~ Jealousy!" sa pakantang tono.

Nangunot naman ang noo ko.

"Ha? Nasaan?" sabay lingon ko.

Hinampas ako ng Claudette.

"Tungeks. I'm not talking about the window. I'm talking about Dylan."

"Oh, si Dylan naman pala eh. Ba't naman jealousy?"

"Slow mo. Ewan ko sayo Rash. He's jealous!"

HAAAAAAA?! That's kinda' IMPOSSIBLE!

-----------------------------

Naputol ang pag-iisip ko ng maulinigan kong nagsalita ang organizer.

"Okay, so may late announcement pala tayo. This year, we allow every club to bring one outsider to serve as an observant. So pwede na kayong mag-contact sa mga kakilala niyo to just follow here. The activities will soon start."

OUTSIDER? Sinong pwede?

Nagsimula ng mag-usap-usap ang bawat club. Pati syempre ang Gold Club. Dylan was just silent on the corner. Honestly, nabo-bother na ako sa behaviour niya. >/<

"So sino ang isasali natin. If we don't have an outsider, automatic disqualified tayo." sabi ni Claudette.

Nag-isip kaming lahat. Chos. Pero wala naman akong kakilala. Pero natigil kaming lahat ng marinig namin ang boses ni Ken.

"Guys! Guess what I have here."

Napataas naman ang kilay naming lahat.

"Chicks mo?"

Nag-tss si Ken. "Grabe kayo. Eh, di nagmukha akong chickboy niyan."

"BAKET HINDI BA?!" sabay-sabay naming sabi.

Nagkamot lang ng ulo si Ken. Pero bigla rin siya sumeryoso.

"I heard, we need an outsider.

Sabay-sabay kaming tumango.

"I have one with me."

"..and this outsider is really special to me."

tapos binuksan niya ang pinto ng kotse niya. We saw the girl slowly getting out of the car. Pero ako.. di ko maipaliwanag ang kabang bumubundol sa dibdib ko.

Don't tell me?!?

Eksaktong baba nung babae eh nanlaki ang mga mata ko.

BESTFRIEND?!

Ilang sandali lang ay kitang gulat na gulat rin si Kadness.

"RASH/ KAD?!" sabay naming sabi.

Nalito ata ang mga club members. Lalo na si Ken at Dylan.

"Magkakakilala kayo?" tanong ni Claudette.

Sabay kaming tumango at sabay ring nagsalita.

"SHE'S MY BESTFRIEND SINCE FETUS PA KAMI!"

Dinig ang pagsinghap ng girls. Habang bigla naman ang makikita sa mukha ni Ken.

"Anong ginagawa mo dito? Mali.. Anong ginagawa mo dito kasama si Ken?" tanong ko.

"Sabi niya samahan ko raw siya." naka-pout na sabi ni Kadness.

Biglang sumapaw si Jeff. "Tamaa! Ikaw yun. That was you who we saw in the NBS! Nung tinataboy kami ni Ken. Kaya pala!" tapos, pabirong sinutok niya si Ken.

Ako naman litong-lito na. "Pano kayo nagkakilala?"

"Sa kwarto ko--"

"WHAT?!" sinugod ko si Ken tapos kinwelyuhan. Taranta namang umawat si Kadness.

"ANONGGINAWAMOSABESTFRIENDKO?!"

Halatang bigla si Ken. "Well I--"

Napayakap ako sa bestfriend ko.

"Sorry, Kad.. hindi ko alam. Di kita naprotektahan.. ang bata bata mo pa.. ahuhuhu T^T" ngawa ko. Baket? Baket kelangang mangyari to sa bestfriend ko?!

Pero bigla akong sinapak ni Kadness! Nabigla naman ako.

"Kalma ka nga Rash. Walang nangyari okay! Ginamot niya lang ako kasi muntik na akong malapa ng aso kaka-antay sayo sa labas nung bahay na inap--"

Tinakpan ko bigla ang bibig ni Kadness. Pakshete.. di nila pwedeng malamang nagtatrabaho ako kay Dylan!

"Ah.. H-hehe.. Ay, oo." sabi ko sabay bigay ng tingin nagpapahiwatig kay Kadness.

"That's enough. Let's plan out about the amazing race."

Ay.. oo nga pala. Bukas na yung amazing race. Dito na magkaka-alaman kung ano anong club ang mananalo at tatanggap ng pagka-ganda-gandang benefits. Sana kami! -/\-

-------------------------------

Ngayon eh, kumpleto na kami, Yey! Di kami madidisqualify! Hoho! XDD

Mamayang gabi pa pala yung bonfire chuchu. So sabi nung nag-organize na free pa kaming mamasyal ngayong hapon. San ba maganda?

Mamasyal ba ako, o matutulog na lang?

Biglang bumukas ang tent. Si Kriscelle.

"Hi, Kriscelle." bati ko.

Hindi siya sumagot. May kinuha lang siya sa gamit niya tapos tinignan ako saglit..

"Ang hirap siguro ng walang umaaya sayong mamasyal no? Ang pwede lang gawin eh, matulog, matulog at well, matulog. Gotta' go na. Inaantay na ako ng buong club. Aalis na kami."

"May lakad ang club?" taka kong tanong. Ba't di ko alam.

"You don't know? They invited me to come. Di ka ba nila inimbitahan?" sabi niya with a smirk on her face.

Yumuko ako. "Hindi eh.. Pero sige, okay lang. Okay lang ako dito. Baka kasi personal na lakad niyo yan." sabi ko.

"I guess so. Tama ka, I think para samin lang ang lakad." then she went out.

I felt like an outcast.. I felt so alone..

-----------------------------

[[Dylan's POV:]]

After nung konting kaguluhan sa pagdating nung crush ata ni Ken eh, nagsibalikan sa mga tent nila ang mga campers. Including me. And I when I went back, bumalik ang inis ko. Prenteng nakaupo ang epal sa labas ng tent habang may hawak na gitara. He's singing a song I'm not familiar with. Pero base sa lyrics, tamang-tama sa ugali ni Rash ang kanta.

I clinched my fist. He's pissing me off.

Tumigil siya sa pagkanta at lumingon sa direksyon ko.

"Ganda ng kanta no?" sabi niya.

Tinignan ko lang siya. Psh, as if, magsasayang ako ng laway para kausapin ang lalakeng dikit ng dikit sa GIRLFRIEND ko!

Tapos, nilampasan ko lang siya.

"Mainit ata dugo mo sa akin." sabi niya ulit.

Hindi parin ako sumasagot. Kung kausapin niya ako parang wala siyang ginagawang gulo sa pagitan namin ni Rash.

Lumabas rin ako ng tent at nagsimulang maglakad palayo. Kaylangan ko ng hangin.

"San ka pupunta tol?" tanong niya.

I stepped two steps towards him and spoke. "Maghahanap ng sariwang hangin. It's too polluted here."

"..and one more thing, don't call me "tol" hindi tayo tropa."

Then I walked away.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagdating ko sa may damuhan, nandon na ang mga club members.

"Ano? San tayo mamasyal ngayon?" tanong ni Claudette.

"Kahit saan. Libutin na lang natin ang buong camp para ma-familiarize natin ang paligid. Amazing Race na bukas."

Tumango ang lahat.

"Andito na ba ang lahat?" tanong ni Patricia.

Iniikot ko ang paningin ko.

"Where's Kati?"

Sabay-sabay silang nagsalita.

"Who's KATI?"

Natigilan ako. "I mean where's Rash?"

"Ay, oo si Rash. Nasan nga pala si Rash?" tanong ni Claudette.

Hinarap ko si Kriscelle.

"Diba tentmates kayo, where is she?"

"Oh, si Rash. she told me, ayaw niya raw sumama. Kasi tinatamad daw siya tapos boring din naman raw." sabi ni Kriscelle.

Nainis ako bigla. Mas gusto pa niyang magburo sa tent niya kesa makasama kami.. Kesa sa makasama ako.. what the heck.

Nakita kong nakakunoot ang noo ni Kadness, ang bestfriend ni Rash.

"What's the matter?" tanong ko.

"Kasi, nagtataka lang ako kung baket hindi gustong sumama ni Rash, kahit kailan hindi niya inayawan ang pamamasyal." sabi ni Kadness.

Tama, hindi ugali ni Rash yun.

Pero biglang sumabat si Kriscelle. "Eh, ayaw niya raw eh. So tara na?"

Alanganging tumango ang mga club members.

Is Rash okay?

------------------------

[[Rash' POV:]]

Haaaaay, ang hirap pala pag mag-isa.. ako lang dito. Tapos ganyan pa. Umalis ang buong club, hindi ako invited. >/<

Lumabas ako ng tent at umupo sa lilim ng puno para magmuni-muni.

Nakaka-miss na sa bahay nina Dylan. Amazing Race na bukas. Gusto ko talagang manalo kami. Kaya gagawin ko ang lahat! Aja!

"Oh, ikaw lang?"

Napalingon ako.

"Dy-- Ay, ikaw pala Kian."

"May inaasahan kang iba?" tanong niya.

"H-hehe.. wala yun. Ano pala ginagawa mo dito?"

"Wala.. nakita lang kitang nakatunganga diyan. Lumapit lang ako kasi baka mapagkamalan kang uhuging bata."

I pouted. "Grabe ka naman. Sa nagpapahinga lang ehh.." sabi ko.

Kinurot niya ang pisngi ko.

"Tara."

"San tayo?" taka kong tanong.

"Mamasyal."

"Saan?"

"Kahit saan." nakangiting sabi ni Kian.

-------------------------

[[Dylan's POV:]]

Medyo hapon na ng makauwi kami mula sa pamamasyal. Pero buong hapon rin akong halos hindi nagenjoy sa lakad namin. I was thinking of her. Kung baket hindi siya sumama.

Talaga bang pagod siya o..

Ganon lang niya kaayaw sa akin?

I need to see her. I'll ask her myself.

Palapit na ako sa tent ni Rash ng makita ko siyang papasok rin. Naka-rubber shoes. Does this mean..

"Rash.. where were you?" tanong ko.

"Uy, hi Dylan. Namasyal kami ni Kian. Kayo kamus--"

"Namasyal kayo?"

"Yup! Ang saya nga eh. Ang ganda pala dito tapos ang sarap ng si--"

"Ayaw mong sumama sa amin pero you went strolling with that guy?"

Nakita kong nagtaka siya.

"Akala ko kasi hindi ako pwedeng sumama kasi sabi ni--"

I felt my grip in my phone tighten. Lalapit sana si Rash but I stepped back.

"You could have told me if you don't like going with us. Di yung pinagmumukha mo kaming tanga. Di yong pinagmumukha MO AKONG tanga." then I turned my back on her.

---------------------------

[[an hour later]]

Nasa labas ako ng tent at nakasandal sa puno. I don't feel like seeing people tonight. Damn it. Rash..

Naikuyom ko ang mga palad ko.

"S-sinubukan mo ba siyang p-pakinggan?" sabi ng isang nauutal na boses. Napalingon ako..

"Raven?"

"I-I heard them talking.. M-my tent is right next to their's.."

"What do you mean?"

"M-may nagsabi sa kanya kanina na hindi siya pwedeng sumama sa pamamasyal since she's not invited.." sabi ni Raven.

"So, this means.."

"Y-yes.. akala niya, hindi siya inimbita, s-so when.. someone invited her.. she joined him.."

Naikuyom ko ulit ang mga palad ko..

Ako pala ang mali.. pero binunton ko pa kay Rash ang sisi..

"I need to talk to her.."

"..I need to apologize.."

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

******************************************* [30] Chapter 29 :) - 101 Questions ******************************************* Chapter 29 :) - 101 Questions

[[Rash POV:]]

"You could have told me if you don't like going with us. Di yung pinagmumukha mo kaming tanga. Di yong pinagmumukha MO AKONG tanga."

"You could have told me if you don't like going with us. Di yung pinagmumukha mo kaming tanga. Di yong pinagmumukha MO AKONG tanga."

"You could have told me if you don't like going with us. Di yung pinagmumukha mo kaming tanga. Di yong pinagmumukha MO AKONG tanga."

Nahihilo na ako kakaikot sa tent ko. Hindi ko maintindihan kung baket nagalit si Dylan. Namasyal lang naman ako eh.. pero kung mag-react siya parang nakapatay ako ng tao.

Eh, anong problema niya sa pamamasyal ko? Sila nga eh, hindi nila ako inimbita. Nagalit ba ako nung di nila ako pinasama? Hindi naman eh. Kung ganon, baket parang ako pa ang may kasalanan?

Lumabas ako ng tent at padabog na naupo sa ilalim ng punong mangga malapit sa tent ko.

Bakit kaya ang malas ko ngayon?

Teka..

Bigla akong napalingon dahil feeling ko talaga, may nakatitig sa akin.

"Anong kaylangan nila?" taka kong tanong sa lalaking nakatayo sa harap ko.

"Nothing" tapos tumalikod ito.

"Anyare dun?"

Pft.. Kainis, sila na nga ang hindi nag-imbita, sila pa may ganang magalit. Buti pa si Kian, inaya pa ako kahit sumakit ang mga biyas ko kakalakad at kakaakyat sa kung saan-saan.

Buti pa si Kian..

"Buti pa si Kian.."

----------------------

[[Dylan's POV:]]

"S-sinubukan mo ba siyang p-pakinggan?" sabi ng isang nauutal na boses. Napalingon ako..

"Raven?"

"I-I heard them talking.. M-my tent is right next to their's.."

"What do you mean?"

"M-may nagsabi sa kanya kanina na hindi siya pwedeng sumama sa pamamasyal since she's not invited.." sabi ni Raven.

"So, this means.."

"Y-yes.. akala niya, hindi siya inimbita, s-so when.. someone invited her.. she joined him.."

Naikuyom ko ulit ang mga palad ko..

Ako pala ang mali.. pero binunton ko pa kay Rash ang sisi..

"I need to talk to her.."

".. I need to apologize.."

Mabilis ako tumayo mula sa pagkakaupo sa damuhan. Pero bago ako umalis, lumapit muna ako kay Raven at dahil sa tuwa ay pinat ko ang ulo niya.

"Thank you Raven."

Tumango lang si Raven habang ako naman ay nagmamadaling pumunta sa kinaroroonan ng tent ni Rash..

"Rash.. I'm sorry for being too inconsiderate.." mahina kong bulong habang binabaybay ko ang makipot na daan papunta sa girls tent.

Bago ako makarating sa tent ni Rash, nakita kong lumabas siya at naupo sa lilim ng punong-mangga. Gabi na ah. Ano bang ginagawa niya rito sa labas. Baka lamukin siya rito.

Hinay-hinay akong naglakad palapit habang pinapractice ang sasabihin ko. Ayoko namang bigla na lang sumulpot at bastang mag-sorry dahil alam ko, magugulat si Rash at baka batuhin na naman ako ng kung ano neto.

Palapit ako ng palapit..

Until ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanya..

Nakayuko siya at parang may malalim na iniisip..

"Ra--"

"Buti pa si Kian.."

Naudlot ang pagsasalita ko.. What was that??

---------------------------

[[Rash' POV:]]

Ako lang ba o may nakatingin na naman sa akin?

Napaangat ang ulo ko.

"D-dylan.."

Nakatingin lang siya sa akin. Di ko mabasa kung ano ang expression niya. Di ko siya maintindihan. Narinig niya kaya?

"Narinig mo ba a--"

"Oras na para sa bonfire. Sumunod ka na." then he started to walk away.

Napakagat-labi ako.. Apektado ba si Dylan o guni-guni ko lang lahat?

Pinagpag ko ang damit ko at sumunod kay Dylan.

"Ano--"

"Bilisan mo. Malelate na tayo."

"Kasi--"

"Bukas, I expect you to do your best."

"Oo naman.. Pero tungkol dun sa--"

"Mauna ka na muna sa bonfire venue. May kukunin lang ako sa tent ko."

Tapos, mabilis siyang naglakad palayo.. Matatapos ba ang gabing to ng hindi kami nagkakabati?

-------------------------

Dumeretso na ako sa bonfire place. Marami nang andun. Medyo maingay na rin. May nagsasayawan, may naghaharutan. Yung iba naman, nakaupo lang sa gilid.

Nakita ko sa isang gilid ang buong club, excluding Dylan.

Nakangiting lumapit ako sa kanila. Nang makita nila ako ay kumaway si Claudette.

"Rash! Kamusta nang pakiramdam mo?"

"HA?" clueless kong sagot.

"Anong ha? Sabi mo, hindi ka makakasama kasi masama ang pakiramdam mo?"

"Masama? Hindi ah. Namasyal nga ako kanina."

Pagkatapos ko yung sabihin nakita ko ang mga mukha nila. Parang litung-lito sila na ewan.

"Namasyal? Akala ba namin ayaw mo kasi tinatamad ka?" tanong naman ni Patricia.

"Hindi ah., Gusto ko ngang mamasyal na eh. Pero ayoko naman kayong piliting pasamahin ako eh.."

"Eh kung ganon bakit ang sabi ni--"

"C'mon guys. Kahit pa ilang ulit niyong pagtalunan yan, nothing's gonna happen. Anyway, pwede naman tayong mamasyal ulit next time diba? We can always do that." sabat ni Kriscelle sabay ngiti.

"Sabagay." sagot ni Jeff.

Pinaupo rin nila ako. Nagtatakang tumingin ako kay Kriscelle. Parang may naamoy ako ah.. And that smile.. I've seen that a couple of times now.. I'm pretty sure it's different.. It's a FAKE one.

"Okay guys. Any minute now, magsisimula na ang program. Please settle down around the bonfire now!" sabi ng organizer. Nagsitayuan naman kami. At unti-unti nang napupuno ang palibot ng bonfire. Naupo na kami. Katabi ko si Claudette at nasa kabila ko naman si Kadness. Yung iba eh nasa harapan ko na.

Teka.. Nasan na si Dylan?

Kanina pa yun ah? Ba't di pa bumabalik?

Nilibot ko ang paningin ko. Pero walang Dylan.

"Oh, Dylan.. halika na! Kanina ka pa namin inaantay." Napalingon ako.

Ayan na pala siya. He's wearing a jacket tapos naka-shorts na hanggang tuhod. Ang isang napansin ko lang talaga eh yung..

Salamin at Bonet niya..

*Flashback*

"Kati! Hanapin mo nga yung isa kong jacket."

"San? Dito sa cabinet mo??" ganting sigaw ko naman.

"San pa? Try mong maghanap sa basurahan."

"Che! Nagtatanong lang eh." sabi ko sabay pout.

Hinalungkat ko ang cabinet niya.

"AYUN!"

Hinugot ko ang jacket niya tapos inilatag ito sa kama niya. Pero nung isasara ko na sana ang cabinet niya ay may nahagip ang mga mata ko na..

"Bonet at Salamin!"

Kinuha ko rin yun at nilagay sa kama niya.

Lumabas siya mula sa banyo ng nakapang-ibaba lang!

0.0

"H-HOY! Magdamit ka nga!" angil ko.

Tinignan niya lang ako at pinulot ang shirt niyang nasa kama katabi ng jacket.

..at Slomo itong isinuot.

Nabato ako sa kinatatayuan ko.

"Oh, anong tinitingin-tingin mo?" sabi niya.

Automatic naman akong napaiwas ng tingin.

"W-wala ah! Assuming ka!" tapos padabog akong lumabas ng kwarto.

Pero kakasarado ko pa lang ng pinto eh, narinig kong sumigaw na naman ang talipandas kong alaga.

"KATIIIIII!"

Binuksan ko ang pinto at pumasok na nakapikit.

"Oh? Anong kelangan mo?!"

"What's this?!"

"Ang alin?" tanong ko.

"How can you see if you're eyes are damn closed!"

Minulat ko naman ang mga mata ko, only to see him pointing at the Bonet ang the glasses.

"Bonet at Glasses." sagot ko naman.

"Alam ko. Hindi ako tanga. Baket andito to?"

"Well.. kasi isususot mo yan. Bagay sa damit mo ngayon eh."

Tinignan niya ako at sinenyasang lumapit. Sumunod naman ako.

Pero nabigla ako ng hawakan niya ako sa balikat at ilapit ng sobra ang mukha niya.

0.0

"Liligpitin mo ba yan o ikaw ang liligpitin ko?"

Mabilis akong kumalas sa pagkakahawak niya at sumimangot.

"Che! Kung ayaw mo eh di wag mo! Gusto ko lang namang isuot mo yan eh." "I'll never EVER wear this."

-- end of flashback--

Hinay-hinay siyang naglakad palapit sa amin at umupo sa tabi ko! 0.0

"I know I look weird, but stop looking at me like that."

Napayuko ako. Feeling ko ang init init ng mukha ko. Nakakahiyaaaaa! >////<

"Asa kang tinitignan kita!" angil ko. "Tss."

Siniko ko siya. "Akala ko ba hindi mo yan susuotin?" asbi ko. "Akala ko ba gusto mong suotin ko to? Tsk."

..Assuming ba ako kung iisipin kong sinuot niya yan para sa akin?

Ilang minuto lang ang nagsimula na ang program, may mga announcements lang at konting katuwaan.

"Ohy, open secrets tayo!" sabi ni Cheska.

"Ano ba gagawin natin?"

"Tanungan lang. Tapos dapat honest tayo." sabi ni Cheska.

Hmmm. Sige!

"Sige. Ako una! Sabi ni Cheska, para kay Ken!"

Natawa naman si Jeff. "Hala ka Ken, baka mabuking ka na babaero ka. Goodbye pag-ibig kay Kadness ka niyan!" kantyaw ni Jeff.

Nakita kong namula naman si Kadness. Pasimple ko siyang kinurot.

"Ano ang nakita mo kay Kadness?"

Tahimik ang lahat.Lahat nakatuon ang atensyon kay Ken at Kadness.

"Well.. she's generally the noisy one. Madaldal, pero that's the exact thing that made me notice her. She's way too different. And I'm determined to discover every single thing about her. I'd really love to. And that if she would allow me." nakangiting sagot ni Ken sabay tingin kay Kadness.

Pulang-pula na si Kadness, pero nabigla kami sa sunod niyang ginawa. Sinuntok niya si ken!

Napa-aray naman ito pero tumawa lang din. Nagtawanan na kaming lahat.

"See, brutal siya. Pero bahala na, magpapaka-masokista ako." Ken said seriously.

Paikot lang ang tanungan. Hanggang sa ako na ang sunod na tatanungin. Lord, sana madali lang!

"Okay Rash! Paano naging kayo ni Dylan kung palagi naman namin kayong nakikitang di nagkakasundo?" tanong ni Angelo.

Natigilan ako.. Patay.. anong isasagot ko??

Palihim akong tumingin kay Dylan.. I need help! 911! Huhuhu T___T Baka sumablay ako sa palusot ko at masisante pa ako!

"A-ah.. ano.. kasi.. ganito kas--"

"Well, we aren't really the showy ones. What we feel, we keep it. But I guess, what's important is what we feel towards each other. I believe that's the only thing that matters. No distance or dissimilarity can stop two individuals from falling inlove.. because, even opposite poles attract. What's important is that I treasure her. I treasure her a lot." Dylan said.

Natahimik ang lahat. Kahit ako..

Dylan treasures me.. pero..

Diba, kunwari lang naman to? </3

Ouch. Ang sakit nun. >/<

"Okay! Dylan next!" basag ni Kriscelle sa katahimikan.

"No offense Dylan ah, tanong lang to.."

Tumahimik kaming lahat. All eyes on Dylan.

"You said you love Rash.. Do you really love her because she is Rash, or do you love her because SHE LOOKS LIKE HER?" deretsong tanong ni Kriscelle.

I look like who??

Di pa sumasagot si Dylan. Wala ring nangahas na magsalita. Nararamdaman ko ang bigat ng pressure at iba pang negative feelings na nakapalibot sa amin.

What's going on?

Pero biglang nagsalita ulit si Kriscelle.

"I mean, look at Rash, she owns a face similar to hers. Maybe, just maybe.. it became one of the reasons.. Nilapitan mo si Rash because it felt like she's "HER". All because kamukha niya si--"

"ENOUGH KRISCELLE!" biglang sabi ni Claudette. Inikot ko ang paningin ko. Lahat nakayuko. Walang makatingin ng deretso.. Anong nangyayari??

Mula sa pagkakahawak ni Dylan sa kamay ko ay unti-unti siyang bumitaw.. takang napatingin ako sa kanya. Nakayuko rin siya at ang dilim-dilim ng mukha niya.

Walang sabi-sabing umalis si Dylan mula sa venue.

"Oops, My bad.." sabi ni Kriscelle sabay kibit-balikat.

Tinignan ko si Kriscelle, tinignan niya lang ako sabay irap.

Susundan ko na sana si Dylan pero pinigilan ako ni Angelo at Ken.

"Let him be.."

---------------------------

Nasa tent na ako. Mula kanina hindi ko na nakita pa si Dylan. Pati si Kriscelle, hindi pa bumabalik sa tent namin.

Nalilito na ako sa mga pangyayari.

Ngayong gabi.. alam kong hindi ako makakatulog sa dami ng mga tanong na umiikot sa isipan ko..

Ano ang ibig sabihin ni Kriscelle??

Ang hirap isipin pero totoo bang nilapitan lang ako ni Dylan dahil sa babaeng sinasabi ni Kriscelle..

Baket parang masyadong sensitive sa kanila ang topic na yon lalo na kay Dylan??

Naging mahalagang parte ba siya ng buhay ni Dylan?

At higit sa lahat..

"..Sino ang sinasabi nilang kamukha ko?"

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X A/N: Malapit ng lumabas ang nangyari noon. :) ~~ Please like the BTYM FB Page! ^^ Thank you for Reading! :D

******************************************* [31] Chapter 30 :) - His Past *******************************************

Chapter 30 :) - His Past

"Members of their respective clubs, please proceed to the designated area. We are going to start the club relay competition soon!"

"Again,members of their respective clubs, please proceed to the designated area. We are going to start the club relay competition soon!"

Whooooo! This is it! Simula na ng tunay na laban! Promise talaga, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko! Dahil, pinanganak akong matapang! Mabuhay ang lahi ko!

Chin up while walking ang drama ko. Eh, ano kung ako lang mahirap dito? Eh, pare-pareho lang naman kaming estudyante eh. Nagkataon lang na ipinanganak silang may gintong kutsara sa bibig. Eh, anong magagawa ko kung ipinanganak akong may kaldero sa bibig? Panalo nga ako kasi ako, kaldero, sila kutsara lang. Kaya, walang pakialaman!

Nang malapit na ako sa area, nakita kong marami ng tao galing sa iba-ibang clubs. Teka, nasaan na ba yung Gold Club? Mahihirapan akong hanapin sila neto!

Iniikot ko ang paningin ko. Hmmm, nasan ba sina Claudette. Baka mauna sila kasi syempre, club representative siya eh.

Patuloy parin ako sa paghahanap. Teka si..

Tumakbo ako papunta sa direksyon niya. Ilang hakbang na lang ang layo ko. Tatawagin ko na sana siya pero nabigla ako dahil gumalaw siya ng bahagya. May babae siyang kausap. Hindi pamilyar sa akin ang babae pero maganda siya. Teka.. parang may kamukha yung babae eh. Pero baka guni-guni ko lang yun.

Hmm. Malapitan nga si--

"Thank You Raven, I owe you a lot!" inakbayan niya ang babae at kinurot ng marahan ang pisngi nito. Natigil ako sa paglalakad.

S-sino sa buhay ni Dylan si Raven?

---------------------------

Imbis na lapitan siya ay nag-iba na lang ako ng daan. Baka istorbo pa ako sa moment nila. :(

Tsk, baket parang naninikip dibdib ko? Wala naman akong dapat ipag-react ng ganito. I'm just his babysitter. Inakbayan lang naman niya yung girl. Baka magkaibigan lang sila. Oh, nagpapasalamat lang talaga si Dylan. Eh, nginitian lang naman niya yung babae eh--

"Pero paano kung meron talagang something!" inis kong sabi sabay padyak sa lupa.

Kainis ka Dylan!

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Pagdating ko sa venue eh, inis na umupo ako sa damuhan at yumuko.

"Tsk.. wala lang naman ata yun."

"Problema?"

"Eh kasi, arggg! Di naman siya ngumingiti ng basta-basta sa kung sinu-sino.. pero kanina, ngumiti siya doon sa babae!" sabi ko ng hindi parin iniaangat ang ulo ko. Kita niyo sa ka-inisan ko, sinasagot na ako ng sarili kong utak! >/<

T-teka...

Mabilis akong tumingin sa katabi ko.

"A-angelo!"

Ngumiti siya.

"Don't tell me, ngayon mo lang talaga ako napansin? Eh, kanina ka pa kasi, salita ng salita diyan eh." sabi niya with a face na parang pinipigilan lang ang tumawa.

Ako naman halos umusok na sa hiya! Narinig niya ako!

"N-narinig mo ba ako??" tanong ko na namimilog ang mga mata.

"Hindi ah. Wala nga akong narinig eh." pagkakaila niya.

"Serysoso? Niloloko mo naman ako eh!" sabi ko sabay simangot.

Tumawa si Angelo tapos tinapik ako sa braso.

"Bili muna ako maiinom." tapos tumalikod siya.

Pero bago siya tuluyang umalis, humarap siya ulit sa akin sabay sabing..

"He doesn't smile that much. But we all know, that people change. He may have given one of his genuine smiles to the girl you're talking about, but trust me, he never smiles to anybody else the way he smiles at you. Sayo lang Rash, sayo lang." then he walked away.

Napatigil ako sa sinabi ni Angelo. Nang marealize ko ng maigi ang sinabi ni Angelo, di ko mapigilan ang sarili kong ngumiti.

--------------------

"Okay, our starting activity for the final camp showdown is the Club Relay!" giit ng organizer.

"Okay, meeting muna tayo saglit." sabi ni Claudette.

Nagsilaapitan kami at pumwesto ng paikot.

"Okay. Sa activity nato, we are only allowed to have 6 participants each club. Para fair ang pagpili, I've prepared here a box which contains multi-colored papers. Actually, may anim na papers here with different colors. Ang iba ay puro white na. Ang anim na makakabunot ng colored papers ang siyang magrerepresent sa club. Okay ba yon?" tanong ni Claudette.

Sabay-sabay kaming tumango. Sana hindi ako kasali. Kahit sa amazing race na lang ako. Baka kasi dahil sakin, madelay kami sa pag-abot sa finish line!

Nagbubutan na kami at ang anim na kasali ay si Cheska, Patricia, Claudette, Jeff, Dylan at si

..AKO.

Patay! Hindi pa naman ako mabilis na tumakbo. >/< Baka matalo kami. Ahuhuhu T^T

"Ngayon naman, magbunutan tayo kung sino ang una hanggang sa pinakahuling tatanggap nung irerelay nating object."

Nagsitanguan naman kami. Huhu.. Lord, Help. >/<

Ganito ang order: Cheska, Jeff, Claudette, Patricia, Dylan.. at ang last ay AKO! Seriously! AKO ang last! Ibig sabihin, nakasalalay sa akin kung aabot o mauuna ba kami sa finsh line! Ako ang huli eh >/<

Ang laki ng problema ko! Ang saklap ng buhay! Ang saklap! >.<

Nakayuko at seryosong seryoso akong nakatingin sa papel na hawak ko. Number 6 nga. Ang saklap talaga ng buhay. Pwede palit?

Nanginginig ang kamay na tinitigan ko ang papel..

"Kaya mo to Rash.. Kaya mo to.." bulong ko sa satili ko.

"Kaya mo to Rash.. Kaya mo t--"

"Mahina kang tumakbo no?" si Dylan!

Di ko napansin na nakalapit na pala siya. Inirapan ko siya. Tsk, kala mo wala kang atraso sa aking hudas ka. :/

"Anong mahina! Baka ikaw, baka mas mabilis pa sayo ang pagong no." sabi kong nakanguso.

He smirked. "Do you want to have a bet?"

"Anong bet?" taka kong tanong.

"Pag nauna kang umabot sa finish line kesa sa ibang final runners ng ibang club, I'll give you anything you want.. or perhaps, tell you anything you want to know."

"T-talaga?!" namilog ang mga mata ko.

"Yup. But if you lose, you'll have to face the consequences." then he stared right into my eyes.

Napalunok ako. Kaylangan kong manalo! Kaylangan kong manalo!

"Sige ba!" matatag kong sabi.

---------------------------

"Ready.."

"Get set.."

"GO!"

Nanlaki ang mata ko sa bigla! Ang bilis tumakbo ni Cheska! Parang wala lang sa kanya to! Oo, alam kong racer siya pero di ko alam na pwede rin pala siyang runner!

Pinasa niya ang golden star kay Jeff, tapos si Jeff naman pinasa kay Claudette tapos pasa kay Patricia.

Mayayaman ba to sila?? Ba't ang bilis tumakbo?? Pinaglihi sa cheetah?? Grabe lang! Nakanganga lang ako.

Ngayon naman pinasa ni Patricia kay Dylan ang object!

Waw! Gitgitan ang dalawang clubs. Guess what the other club is? The TRACK TEAM! Oo,mga likas na runners!

Ngayon, sabihin niyo? Paano ako mananalo? >/< Ang saklaaaaaaaap!

Ayan na! Malapit ng ipasa ni Dylan sa akin

Nang, tumapat na si Dylan sa kinatatayuan ko, tinignan niya ako ng deretso sa mata.

Then he said..

"The bet."

Parang biglang nabuhay lahat ng dugo ko. Kaylangan kong manalo! Kaylangan kong manalo!

Inabot ko ang Golden Star at nagsimulang tumakbo. Kakasimula ko pa lang pero nagsisimula na akong hingalin! Di pwede to!

Tumingin ako sa gilid ko, kasabay ko ang final runner ng track team! Babae! Tinignan niya ako tapos tinaasan ako ng kilay. Nagsimula na siyang bumilis. Patay, maiiwan ako! Di pwede!

Kaya kahit na hirap na hirap na ako, binilisan ko parin ang takbo ko. Keribells moto Rash! Keribells mo to.

Malapit na ang finish line!

Ayan naaaaaaa! Ayan naaaaaa---

Di ko napansin ang batong nakausli sa dinadaanan ko, sumabit ang paa ko kaya nawalan ako ng balanse. Matutumba ako. Hindi ako aabot sa finish line! 0.0

Pinikit ko na lang ang mga mata ko sabay bulong..

"Talo ako. Sorry."

-------------------------

Ilang sandali lang, ramdam ko ang sakit sa may bewang ko. Medyo malakas ang pagkakatumba ko. Nakapikit ang mga mata ko. Ayaw kong buksan. Di ko kayang salubungin ang mga mata ng clubmates ko. Baka galit sila sa akin ngayon dahil natalo ako. >/<

Pero may biglang nagsalita.

"Tara na Kati."

Boses ni Dylan.. unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Nakita ko siyang naka-abot ang kamay. Seryoso ang mukha.

Inabot ko ang kamay niya at hinay-hinay na tumayo.

"Sorry kung natalo tayo dahil sa ak--"

Pero bigla niyang pintik ang ilong ko. "Congratulations, nanalo tayo dahil sayo. What do you want as a prize for winning the bet?"

Nanlaki ang mga mata ko.

"N-nanalo tayo?" taka kong tanong.

"Oo nga ang kulit." tapos bigla niya ang binuhat yung tipong pang lover's carry lang. Halos umusok ako sa kahihiyan! Ang daming taong nakatingin! Pashuuuu. >////<

"Ibaba mo nga ako!"

"Magpahinga ka muna dun sa tambayan ng club. Mamayang hapon pa naman yung Amazing Race. Pero kung gusto mo, pwede ring di ka na sumali since nanalo ka naman dito."

I shook my head. "Sasali ako."

Tumawa ng mahina si Dylan. "Di ka talaga nagpapatalo.. iba ka nga."

Iba ako? Kanino ako iba? sa babaeng kamukha ko ba??

-----------------------------

[[Kriscelle's POV:]]

"Tsk, nadapa na nga dahil sa katangahan, nanalo parin?" maswerte ka pa ring kati ka. Pero tignan natin kung hanggang saan ang swerte mo."

Tumalikod ako at naglakad papunta sa tent ko. Magreretouch muna ako. It's so mainit kasi dito. Nakakasira ng kutis. Ayoko namang magmukhang pulubi at mahirap tulad nun kating yun.

Tsk, may hangganan rin yang swerte mo Rash. I still own the biggest cards in this game.

"I can't belive natalo ka ng isang pipitsuging transferee at lalampa-lampang member ng Gold Club. For Pete's sake! Track member ka!" sabi ng isang boses.

Napatigil ako sa paglalakad. I didn't know, the time for my revenge would be this soon. Napangiti ako.

"I'm sorry po. Promise, babawi ako. Sisiguraduhin kong mananalo tayo mamaya sa amazing race." sabi ng isa pang boses.

"And how can you possibly do that? Lamang na sila satin alam mo yan."

"I'll make sure, hindi makakasali yung tangang babaeng yun sa Amazing Race."

Yon na ang oras ko para magpakita.

"Hey, I guess you need my help." sabi ko ng nakangiti. Ngiting tagumpay.

"Who the hell are y-- wait! Member ka ng Gold Club?! Shit! She heard us!"

Nagsimula ng mag-freak out ang runner nung marealize niyang Gold Club Member ako.

"C'mon, calm down. Oo, I'm one of their members, pero ibahin moko. I hate Rash more than you hate her."

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"So, I'm gonna help you. Grab this oppurtunity. It's for free." then I gave out a lope-sided smile.

"Ano namang mahihita namin sayo? Mukhang sa academics ka lang naman magaling."

Lumapit ako sa kanila.

"Trust me, I know Rash.. I know how lucky she is.."

"..And you're luckier since I know her weaknesses. All her weaknesses."

--------------------------

[[Rash POV:]]

Ilang minuto na lang, magsisimula na ang Amazing Race. Excited na ako! Yey!

Sa Amazing Race, maghahanap kami ng mga clues na magtuturo sa mga objects na tinatago sa kung saang parte ng buong camp venue.

Ang club na pinakaunang dumating sa finish point na may dalang pinakamaraming hidden objects ang siyang panalo. Ang saya neto since kasali na ngayon ang lahat!

"Okay! After three, we'll start the Amazing Race." sabi nung organizers. Energetic na energetic ako since naipanalo ko ang unang activity kanina. To think na ang kalaban at kagitgitan ko ay from the Track Team pa! Humaba ng ilang milya ang bangs ko!

"1!"

"2"

"3"

"GO!"

Nagsimula na kami sa clue-hunting. Kelangan kaming mauna!

Papasok na kami sa medyo magubat na lugar ng mapansin kong nawawala ang bracelette ko. Bigay pa naman yun ni Kadness.

"Guys, mauna na kayo. Susunod na lang ako ah. May babalikan lang ako saglit."

Nagsitanguan silang lahat.

Mabilis akong tumakbo pabalik.

"Ayun!" pinulot ko ang bracelette. Kahit kelan talaga, ang tanga ko. Pati ito muntik ko ng mawala." sabi ko sabay suot sa bracelette.

Babalik na sana ako sa grupo ng biglang may maulinigan ako.

"Meow.."

Napa-pause ako sa paglalakad. "Meow.."

Iniikot ko ang paningin ko. May pusa ba dito?

Paglingon ko, may nahagip ang mga mata ko. Pusa! Tumatakbo! Nasabi ko na ba sa inyong mahilig ako sa pusa? Kaya syempre, hinabol ko ito. Malay niyo may makita pa akong clue dun. Oh, di parang hitting two birds with one stone ang drama ko nun.

"Asan na ba yung pusang yon?"

"Ay, ayun!" lumapit ako. Unti-unti hanggang abot ko na siya. Nang hawakan ko ay biglang lumupaypay ito.

"Ay? Laruang pusa lang pala! Pero baket parang gumalaw yun kanina? O baka guni-guni ko lang?"

Tumayo ako at babalik na sana sa pinanggalingan kong daan ng biglang may humawak sa paa ko. Dahil sa bigla ko ay napatalon ako at nadulas. Nagpagulong-gulong ako. Pinikit ko na lang ang mga mata ko.

Mamamatay ba ako ng ganito ka-aga??

"A-aray!" Tumama sa bato ang tuhod ko. Pagtingin ko..

"..Dugo.." Nanginig ang buo kong katawan.

"AAAAAAAAAAAAAAHHHHH!" impit kong sigaw.

-------------------------

[[Dylan's POV:]]

Napatigil ako sa paglalakad.

Ako lang ba o may sumigaw talaga? At ako lang ba ulit, o talagang kaboses ni Rash ang sigaw na narinig ko?

"Anong problema Dylan?" tanong ni Jeff.

"Bumalik na ba si Rash mula kanina?"

"Hindi pa ata eh. Nagtataka nga ako."

Napakunot-noo ako. Di kaya may nangyari sa kanya. Mas lalo akong nabigla dahil biglang binundol ng kaba ang dibdib ko.

Don't tell me..

"I'll be back" tapos mabilis kong tinunton ang dinaanan kanina ni Rash.

------------------------

Ilang beses na akong nagpabalik-balik sa lugar kung saan humiwalay sa amin si Rash pero di ko siya makita. Nasaan na ba yung babaeng yun? May pagka-clumsy pa naman yun.

"Where are you Rash?"

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko. Nang magsimula itong mag-ring may narinig rin akong tunog mula sa di kalayuan.

Sinundan ko ang pinagmumulan ng tunog. Hanggang umabot ako sa parte na malapit sa gilid ng bangin.

Yung cellphone niya.. katabi ng isang laruang pusa. Hinawakan ko ang laruang pusa.

"Someone sabotaged her."

Iniikot ko ang paningin ko. Where is she?

Dumako ang tingin ko sa gilid ng bangin. I hate to think about it pero..

Tinignan ko ang gilid ng bangin.. Please, sana walang nangyaring masama kay Rash. For if something bad happens to her. Di ko mapapatawad ang sarili ko for not being able to protect her.

Pero natigil ako sa pag-iisip ng makarinig ako ng mahihinang hikbi. Automatic akong napalingon.

There she is.. lying near a rock.. Halos madurog ang cellphone ko sa higpit ng pagkakahawak ko.. Lumapit ako at hinawakan siya sa balikat.

Minulat niya ang mata niya. I felt her jolt. She was about to cry harder.

On instict ay niyakap ko siya and whispered.. "It's okay.. I'm here.. I won't leave you.. ever.."

Naramdaman kong medyo humupa ang panginginig niya.

Humiwalay ako at tinignan siya. Pinunasan ko ang luha niya.

"Anong nangyari?"

Kinwento niya sakin lahat-lahat.. After, I just felt like killing someone. Makaalis lang kami rito, I'll make sure that the person behind this would be very sorry.

Ginamot ko lang ang sugat niya sa tuhod. I know she has hemophobia. Kaya siguro siya sobrang natakot.

I looked at her closely, I wouldn't know what would happen to me kung may nangyari sa kanyang mas masama pa rito. I can't take it.

Yes, matapang siya. Kinaya niyang tiisin ang ugali ko. Pero alam ko, ngayon, hindi kaya ng tapang niya ang mag-isang harapin to.

She needs me.

---------------------------

[[Rash' POV:]]

After what hapenned, hindi parin ganon ka humuhupa ang takot ko. Thank God, Dylan found me. Napatingin ako sa kanya. Nakasandal lang siya sa bato.

Hindi na ganon kasakit ang sugat ko. Pero napansin ko, sobrang tahimik. Wala ni isang nagsasalita. At dahil likas akong maingay, nagsimula na akong dumaldal.

"Hayy, nanalo kaya tayo sa Amazing Race?"

Hindi sumagot si Dylan.

Kinalabit ko siya. "Hoy, sagutin mo naman ako!"

Tinignan niya ako. "How can you think about the Amazing Race despite everything that happened to you? Are you nuts?!" galit niyang sabi sa akin.

Natigilan ako. Sabay yuko. "I'm sorry.."

Nakita kong medyo nag-soften ang expression niya. "No. I'm sorry.."

-- Silence --

"Ano, tungkol pala dun sa kamukha ko, sino ba yun?" tanong ko. Curious talaga ako!

Pero biglang nag-iba ang expression niya.

"Ay, sorry. Okay lang.. wag mo na sagutin. Hehe.." sabi ko sabay kamot sa ulo ko. Grabe, ang tanga ko talaga!

"She was my playmate.." si Dylan. Natigilan ako.. Magkukwento siya?

"We met each other at the park. She is just so funny, I can't help but notice and adore her.."

Park? Ba't parang may naaalala ako sa sinasabi niya?

"Hindi ko siya nakita for almost 2 years after that one day. After her birthday.." this time, halos pabulong na lang na sabi ni Dylan.

"But, one day, nagkita ulit kami.. on that same park.. after that, we've been friends."

Nakakunot na ang noo ko.. may naaalala talaga ako.

"But everything just vanished when she decided to leave and pursue her dream. Modelling.. nasa USA siya ngayon." pagpapatuloy niya.

"I felt really bad nang umalis siya without telling me, I hated her.. but it would never change the fact that I like her."

He likes her..

Napayuko ako. Parang naninikip ang dibdib ko..

"Mula nung maliit pa kami, magaan na ang loob ko kay Kara."

Kara.. So Kara ang pangalan ng babaeng kamukha ko..

-------------------------------------

Nang malaman ko ang storya mula kay Dylan, naliwanagan ako pero at the same time nalito rin. He's story was kinda' similar to mine.

May kalaro rin ako noon.. sa park rin.. at huli rin kaming nagkita nung araw ng birthday ko. Ang pinagkaiba lang eh, nakita na ni Dylan ang kalaro niya noon. Pero ako, hindi na rin ako nakabalik sa park noon dahil sa lumipat ako sa tirahan ni Auntie, kahit kelan ay di ko pa nakikita ulit si Lan.

Nung nagsimulang magkwento si Dylan kanina, di na ako magkakaila pa, di ko naiwasang isipin na sana si Dylan nga yung kalaro ko..

Pero knowing na nakita niya ang kalaro niyang si Kara.. Imposibleng siya nga ang Lan na kalaro ko noon.

Marami pa talaga akong hindi alam tungkol sa alaga ko. Maraming-marami pa.

Pero may tanong na naiwan sa isipan ko..

"Nakisalamuha ba siya sa akin dahil ako si Rash o nilapitan lang ba ako ni Dylan dahil sa nakikita niya si Kara sa akin?"

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x

A/N: Whoo! Akala ko talaga, di na naman ako makakapagsulat ng pang-UD. Pano eh, since lumipat ako sa dorm lagi na lang akong walang maisip na isulat. Ang saklap ng buhay ko mga Dashers! Pero wait! Sorry kung medyo panget tong chapter na to ah. Ginawa ko lang to after ng JES Orientation nmin. Huhu T^T Please leave your comments and reactions po.

And also, please don't forget to visit the BTYM FB Page :) Nandon lang lagi ang mga super admins naten para asikasuhin kayo! :)))) Yun lang. Thank you for reading this chapter! ^___^V - Author :)

******************************************* [32] Chapter 31 :) - Hold You So Close ******************************************* Chapter 31 :) - Hold You So Close

[[Rash' POV:]]

Ilang minuto rin akong nanatiling nakayuko.

Akalain mong sasagutin niya ang tanong ko ng walang alinlangan. He openned up. Pero.. di ko akalaing, masasaktan rin ako.

Pero mali, dahil ni katiting na karapatan, wala ako. Babysitter lang ako. Nothing more nothing less.

Act normal Rash!

"A-ahh. So di mo ba siya namimiss? I bet mahal na maha--"

"I already answered your question. Siguro naman sapat na yun as prize for winning the Club Object Relay." putol niya sa sinasabi ko. Ako lang ba o umiiwas siya sa tanong ko kanina lang?

"A-ah.. Hehe.. Teka? Anong prize?" taka kong tanong.

Humarap siya sakin sabay pitik sa noo ko.

"Ulyanin. Diba sinabi ko sayong kung mananalo ka, I'll give you whatever you want and answer whatever question you have in your mind."

Ay! Oo nga pala.

Napakamot ako sa ulo ko. I totally forgot about it. >/< Yun pa talaga sana ang dahilan kung baket buhis buhay akong tumakbo kanina!

Masyadong tahimik! Di na nagsalita after non si Dylan. Naririnig ko na ang mga kulisap sa paligid. Pati yung mga tunog ng insektong alam kong lumalabas pag gabi na.

LUMALABAS PAG GABI NA!

Nanlaki ang mag mata ko. PAGABI NA at NASA GITNA KAMI NG MASUKAL NG GUBAT!

Napatayo ako bigla pero sumakit ang tuhod ko kaya natumba naman ako pabalik. Inalalayan naman ako ng Dylan.

"Tumigil ka nga. Sa ginagawa mo, sarili mo lang ang sinasaktan mo."

"Dylan.. pagabi na. Nasa gitna tayo ng kagubatan. Tara, alis na tayo dito. Shadap na!"

"Shadap?" tanong ni Dylan na nakakunot ang noo.

"Ahh! Basta! Alis na tayo rito!"

Tumayo siya at inabot ang kamay niya pero sumenyas ako na wag na.

"Wag na. Kaya ko sarili ko." Nakakahiya na kay Dylan kung hanggang dito magiging pabigat ako.

Hinay-hinay akong tumayo. At unti-unting humakbang. Pero sa bawat hakbang ko, feeling ko matatanggal ang paa ko sa sakit.

"C'mon, I'll help you out." sabi ni Dylan.

"Wag na kasi. Okay pa ako."

Nakita kong naiinis na si Dylan.

"Promise, okay lang ako."

Tumalikod si Dylan at nagsimulang maglakad. Teka! Ang bilis naman niyang maglakad! Alam niyang hirap na hirap na ako eh..

Isang hakbang ulit..Aray!

Kaya ko pa..

Kaya ko pa to..

Kaya ko pa..

Kaya ko p-- HINDI KO NA KAYA!

"D-dylan.." mahina kong tawag. Walang sumasagot.

"Oy, Dylan.." wala parin. Wag mong sabihing.. INIWAN NIYA A--

Niglang may humawak sa balikat ko kaya napatalon ako. Sumakit na naman ang tuhod ko. >/<

"Shhhh. It's me. C'mon."

Nakita kong parang pumusisyon siyang nakaupo.

Halos magquestion-mark ang buong mukha ko.

"Uhm.. anong ginagawa mo Dylan? Di oras ngayon para maupo ka diyan. Nasa gubat tayo! Baka may mga hayop ditong nanlalapa ng tao!" taranta kong sabi.

"Tsk. Silly, Piggyback-ride." sabi niya ng hindi nakatingin sa akin.

"Ahh.." at dahil nga masakit na ang paa ko. Umu-oo na ako.

--------------------------

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng gubat. Ay MALI! Siya lang pala!

Gumagabi na kaya walang liwanag maliban sa ilaw na nagmumula sa buwan at cellphone namin.

Tumigil si Dylan sa paglalakad.

"Baket?"

"We've been here already."

Natigilan ako. Oo nga no? Nandito yung malaking bato na sinandalan ko kanina! Ibig sabihin.. sa tagaltagal ng nilakad, bumalik lang din kami sa pinanggalingan namin!0.0

"Dylan.. anong gagawin natin?" tanong ko.

"Upo ka muna diyan." ibinaba niya ako at tinignan ang cellphone niya.

Pero ilang sandali lang din ay inis niyang ibinulsa ito.

"Oh, baket?"

"No Signal."

Kinuha ko ang cellphone ko. "Ay, Eto sakin meron."

Agad kong dinial ang number ni Claudette.. habang nagdadasal na sana matulungan nila ka--

You don't have enough balance left in your account, please reload immediately..

You don't have enough balance left in your account, please reload immediately..

You don't have enough balance left in your account, please reload immediately..

Naghihinang ibinaba ko ang cellphone ko.

"Oh, what happened?" it's now Dylan's turn to ask.

"A-ah.. Hehe.." sabi ko sabay kamot.

"What?" tanong ni Dylan.

"Wala na pala akong load." sabi kong nakapikit ang isang mata.

"Tsk. Eh, anong gamit ng phone mo kung wala kang load?" inis na tanong ni Dylan.

"Eh, sayang naman kasi kung magpapaload ako lagi tapos di rin magagamit. Mabuti pang ipang-kain ko na lang yun." sabi kong naka-pout.

"Tsk. You're unbelievable."

"Anong unbelievable dun aber? Kung ikaw, mahirap mas pipiliin mo ba ang load kesa sa food? Sige nga?" paghahamon ko.

"Not applicable to me. Tara na."

Question Mark ulit.

"San tayo?" tanong ko.

"Are you really the school's top 1 or nagkamali ang Academy?" inis niyang tanong.

"San nga kasi tayo?"

"Obviously, we can't get out of here tonight so we might as well, find a place more comfortable to stay."

"Ah.." napatango-tango ako. Oo nga naman no?

Binuhat niya ulit ako at walang imik na naglakad.

Hindi ko masyadong makita ang daan. Pero baket parang si Dylan ang bilis maglakad?

"We're here."

Napatingin ako sa harap.

"WOW!"

May di kalakihang puno sa gilid tapos may.. may parang falls sa side!

"Paano mo alam to??"

"I heard the sound of the water."

Narinig niya? Eh, ba't parang wala akong narinig?

"Because you weren't paying attention."

HA? Mind reader ang ungas! 0.0

Ibinaba niya ako sa tabi ng puno. Tapos walang imik na umalis.

Asan yun papunta??

Pero ilang sandali rin ay nakita ko siyang palapit na rin. May bitbit siyang.. Kahoy?

"Aanhin mo yan?"

"Ihahampas ko sayo." sabi niya. Ouch ah. Natututo narin siyang mambara ngayon.

"Obviously, gagawa ng apoy."

"Marunong ka?"

"Baket? Di ka makapaniwala?"

At ilang sandali lang ay may apoy na sa kahoy! Ang galing! Napapalakpak ako! May alam rin palang gawin tong ungas nato eh.

Umupo siya ng medyo malayo sa akin.

"You sleep now, maaga tayong aalis bukas." sabi niya.

Tumango ako at ipinikit na ang mga mata ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagising ako dahil sa isang pagsabog. Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko only to see my parents na nakayakap sa akin.

"M-ma.. a-anong nangyari??"

"A-anak.. lagi m-mong t-tatandaang m-mahal n-na m-mahal k-ka n-namin.." sa musmos kong pag-iisip, alam kong nahihirapan si mama. Maraming dugo.. kahit si mama, nagsusuka na rin noon. Nanginig ang buo kong katawan..

"M-ma.. w-wag niyo akong iiwan.."

"A-anak.. m-masaya ako kasi ikaw ang anak ko.. m-mahal na mahal k-kita." tapos nakita kong hinahabol ni mama ang hininga niya.

Tapos hinawakan niya ang pisngi ko.

"A-anak.. s-sakali pag lumaki ka na.. m-mapatawad m-mo s-sana a-ako.. kailanman, h-hindi ko g-ginusto ang n-nangyari..

"M-ma? H-hindi kita maintindihan.."

Pilit na ngumiti si Mama. Tapos may pilit siyang inaabot sa akin.. tinanggap ko naman. Hindi ko naiintindihan..

"H-hanapin mo ang taong nagmamay-ari ng kalahati niyan..siya ang sasagot sa lahat ng mga tanong mo.."

Niyakap ko ng mahigpit si mama. Nakita kong pilit siyang ngumiti tapos ang huli kong alam.. may dugong tumulo sa pisngi ko.

Dugo ni Mama..

"M-ma.. Miss na miss ko na kayo.. Baket niyo ako iniwan?"

"AAAAHHHHHHHH!"

Napabalikwas ako nga bangon. Tagaktak ang pawis ko at walang tigil sa pagtulo ang luha sa mga mata ko. Nanginginig ang buo kong katawan.

"What happened?" takang tanong ni Dylan.

I shook my head.

"Ayoko nang maalala." niyakap ko ang mga tuhod ko.

Naramdaman kong niyakap niya ako.

"Shhhhh.. It was just a nightmare. I'm here. You'll be alright.." he whispered.

Hindi parin tumitigil ang luha ko sa pagpatak.

He held my chin up.

"Look at me. Don't be afraid. Di kita iiwan okay." tapos pinunasan niya ang luha sa pisngi ko.

Tumango ako. Right in front of me is the Dylan who would always be here for me kahit na away-bati kami. Ang Dylan na may mahal ng iba.

Napayuko ako.

Humiwalay ako sa kanya at niyakap ang sarili ko.

"Susubukan kong matulog ulit." mahina kong sabi.

Pero matagal na akong nakapikit pero wala parin. Nabigla ako ng may biglang humawak sa isa kong kamay. Paglingon ko si Dylan.

Marahan niya akong hinila palapit.

I ended up lying on his arm.

Nagsimula siyang kumanta ng mahina.

Here I am waiting, I'll have to leave soon Why am I, holding on? We knew this day would come, we knew it all along How did it, come so fast? This is our last night but it's late And I'm trying not to sleep Cause I know, when I wake, I will have to slip away And when the daylight comes I'll have to go But tonight I'm gonna hold you so close Cause in the daylight we'll be on our own But tonight I need to hold you so close Oh-woah, oh-woah, oh-woah Oh-woah, oh-woah, oh-woah

Tama.. Ngayon lang to. Baka bukas, hindi maaring mamaya. Bumalik si Kara at mawalan na ako ng saysay. Mawalan na ako ng halaga. At tuluyang kalimutan ni Dylan. Here I am staring at your perfection In my arms, so beautiful The sky is getting bright the stars are burning out Somebody slow it down This is way too hard, cause I know When the sun comes up, I will leave This is my last glance that will soon be memory And when the daylight comes I'll have to go But tonight I'm gonna hold you so close Cause in the daylight we'll be on our own But tonight I need to hold you so close Oh-woah, oh-woah, oh-woah Oh-woah, oh-woah, oh-woah

I never wanted to stop because I don't wanna start all over, start all over I was afraid of the dark but now it's all that I want, all that I want, all that I want And when the daylight comes I'll have to go But tonight I'm gonna hold you so close Cause in the daylight we'll be on our own But tonight I need to hold you so close And when the daylight comes I'll have to go But tonight I'm gonna hold you so close Cause in the daylight we'll be on our own But tonight I need to hold you so close Oh-woah, oh-woah, oh-woah Oh-woah, oh-woah, oh-woah Oh-woah (yeah), oh-woah (yeah), oh-woah (yeah) Oh-woah (yeah), oh-woah (yeah), oh-woah!

"Thank you Dylan.." I whispered.

He kissed the tip of my nose.

"Sleep Rash.. I'll be here to look after you."

----------------------------

**FLASH**

**FLASH**

Pilit kong ibinubuka ang mga mata ko. Medyo mahapdi pa nga.

Sa nanlalabong paningin ay inaninag ko ang mga tao sa harapan ko.

Ako lang ba o nakikita ko talaga ang mga club members?

. . . . . . .

Napabalikwas ako ng bangon.

"A-anong! Oy, tigilan niyo yang pagpicture niyo! Nakakahiya!" sabi ko sabay takip sa mukha ko.

Sina Claudette! Pinipicturan kami! 0.0

Ilang sandali lang ay naramdaman kong gumalaw si Dylan tapos bumangon ng nakapikit pa ang mga mata.

"What's the matter here?"

Tumayo si Dylan ng parang wala lang at pinagpag ang damit niya. Habang ako ay di parin maka get-over sa kahihiyan! 0.0

Taranta akong tumayo.

"Tara, alis na tayo dito. Ayaw ko na dito sa gubat!" sabi ko.

"Ayee, baket nagmamadali? May nangyari ba?"

Namula ako. "W-wala ah!" sabi ko.

"Wala nga ba?" pangungulit ng Jeff.

"W-WALA!" tapos pinilit kong maglakad.

"Eto naman di mabiro. Halika, tulungan ka na namin." sabi ni Patricia.

"Bilisan natin. Baka makahabol pa tayo sa Amazing Race!" sabi ko.

Nagtinginan sila at sabay-sabay na tumawa. ?.?

Ano na naman??

"Tapos na ang Amazing Race Rash. At panalo tayo!"

"P-panalo tayo??"

"Oo. Disqualified ang track team."

"Baket? Anyare?"

"May nagsumbong na nandadaya sila. At sila ang tinurong dahilan ng pagkawala mo." sabi ni Angelo.

Nakita kong ikinuyom ni Dylan ang kamay niya. Tsk, masama to.

"Sino ang nagsumbong?" taka kong tanong.

-----------------------------------------

[[Kriscelle's POV:]]

Sa lahat ng taong tatraydor sa akin, di ko inasahang ikaw pa.

I picked up my phone and dialed his number.

(Hello?)

"What's wrong with you?"

(What?)

"Don't what me. Baket ka nagsumbong? Ikaw ang dahilan kung baket na-disqualify ang track team!" I raised my voice.

(Ayaw mo nun? Nanalo ang Club mo?)

"Wag mong iniiba ang usapan."

(I'm not)

"Tinatraydor mo ba ako?"

(You're going way too far Kriscelle. Di ko akalaing aabot ka sa puntong kakayanin mong mapahamak ng totoohan si Rash.)

"Look who's talking? Diba ikaw rin naman nung una?"

(Noon yun.)

"Anong noon yon? Don't give me that nonsense Red."

"What happened to you?"

(Wala. I'm just being human.)

"Hah! Don't talk to me as if, malinis ka."

"Answer me, anong nakain mo't gusto mo na siyang protektahan ngayon?"

(I told you. You're going way too far.)

"Is that really the reason why? Or.."

"..dont tell me, you're falling for her?"

Hindi siya sumagot.

".. I guess I'm right. You're falling for her.. aren't you, Kian Red del Valle?"

VOTE, COMMENT, REVIEW :">

x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x A/N: Happy 150 K DASHERS! Thank you ng sobra. The best kayo. :) Nakakatuwang basahin ang mga comments niyo. I'm overwhelmed that you're all spending your precious time reading this story and trying to guess the story behind it. :3 Yey! Dahil don, Party Party! XD Thank you for reading! Please leave your comments and reactions! <3 Gorabells na ako! Jaaa ne! ^___^V

-Tsunlukaret :) P.S. Sino po sa inyo ang marunong gumawa ng wattpad story teaser? Please message me or post on my message board. :3 Thank you!

******************************************* [33] Chapter 32 :) - The Guy in the Unit *******************************************

Chapter 32 :) - The Guy in My Unit

"Katiiiiiiii!"

"Teka! Andyan na! Antay-antay din pag may time!" ganti kong sigaw.

Eto na naman kami sa mansion ni Dylandan the Fish. Dalawang araw na mula ng umalis kami mula sa camp site. Yes, kami ang over-all champion. Kahit sa dinami-rami ng kamalasang inabot ko sa camp, naka-survive naman ako. Umuwi kaming panalo. Sabi ko sa inyo eh, ipinanganak akong swerte. Pero chos lang.

"10 seconds. And if you're not coming here, trust me.. iiwan kita."

Che. As if, makakaya mokong iwan. Sa isip-isip ko.

"1.."

"2.."

"3.."

What?! Nag-bibilang talaga siya! Anakng!

Patakbo akong lumabas ng kwarto. Kainis naman tong si Dylan! Ang hirap kaya tumakbo pababa ng hagdan nilang parang singhaba ng buhok ni Rapunzel.

"Saglit lang!"

Bahala na! Tinakbo ko na lang yung hagdan. Pag namatay talaga ako dito, humanda kang Dylan ka. Mahal na magpalibing ngayon no!

"9.."

Ang bilis naman ah! Ang daya!

Eksaktong pagbungad ko sa parking lot eh, magsasalita na sana si Dylan pero tinakbo ko siya sabay takip sa bibig niya.

"Sige.. sabihin mong 10. Humanda ka sakin."

Tinanggal niya ang kamay ko sabay hila sa akin.

"Pasok na. Late na tayo. Ang kupad mo kasi."

"Anong makupad? Kasalanan mo to no. Ang tagal mo kasi gisingin!" reklamo ko.

"Baket? Amo ako kaya gagawin ko lahat ng gusto ko."

"Eh baket? Babysitter ako, kaya ako ang susundin mo." ganti ko naman.

Nagsukatan kami ng tingin. Akala mo ah!

"Tss. Childish."

"Anong childish! Eh, ikaw! tigas ulo!" sabi ko sabay pamaywang.

He just smirked.

Sobrang nainis ako sa ginawa niya kaya binuksan ko ang pintuan ng car niya at bumaba.

"Sige. Pumunta kang school mag-isa mo."

"Are you sure?" sabi niya.

"Baket? Mukha ba akong nagbibiro?" inis kong sabi. Alam ko, maya-maya, susuyuin ako neto. Pipilitin ako nitong sumabay papuntang scho--

"Okay." tapos pinatakbo na niya ang car.

WHAT?! Yun lang?? Aalis talaga siyang wala ako! Ang sama naman nito! 0.0 Akala ko pa naman, kukulitin niya akong sumama! Akala ko pa naman, hindi niya ako hahayaang maglakad! Akala ko pa naman..! Argggh! Kainis ka Dylan!

"Kainis ka!" Mabilis akong tumalikod at lumabas ng gate na malalaki ang hakbang. Darating ako ng school ng mag-isa. Di kita kelangan Dylan!

Medyo mabilis pa ang lakad ko ng bago pa, pero parang 30 minutes na akong naglalakad, pero ang layo ko parin sa school! Ang saklap!

"Roooooo. Ang layo pa! Mauubusan ako ng red blood cells, white blood cells at platelets neto!" pagod kong sabi.

Deretso na sana ang lakad ko ng biglang makakita ako ng eskinita.

Hmmmm, kung mag-shortcut kaya ako?

Lumiko ako at binaybay ang eskinita. Baka pag dito ako dumaan, eh mabawasan kahit ng 10 minutes man lang ang lalakarin ko pa. Eh kasi pag sa natural na route ako dumaan, siguradong malelate ako. >/<

I ended up standing in front of a fork in the road. Di ko alam anong daan ang dadaanan ko. Kaliwa o kanan?

Eh kung hula-hula na lang kaya?

Eh pano kung maligaw naman ako?!

Ah-ha! Makapagtanong nga muna.

Iniikot ko ang paningin ko at naghanap ng mapagtatanungan.

Ayun si Kuya.

Lumapit ako at nakangiting nagtanong.

"Kuya, san po ba dito papuntang daan malapit sa Topline Academy?"

Tumingin siya sa akin. Mula ulo hanggang paa? Oh baka mas tamang sabihing mula ulo hanggang DIBDIB! Medyo tumaas naman ang kilay ko. Tarantado to ah!

Pero kalma lang Rash, nagtatanong ka pa eh.

"Kuya, san po ba?" ulit ko. Pinipigilan ko lang ang sarili ko.

"Ah, yun ba kamo? Diyan sa may kaliwa ka dumaan." sabi niya sabay titig sa akin ng malagkit. Tsk.

Tumalikod na ako ng hindi nagpapasalamat. Pasalamat ka, nakapagtimpi pa ako!

Dumeretso na akong papuntang kaliwa. Siguro naman makakarating na akong school neto no?

Tuloy-tuloy parin ang lakad ko ng biglang may humawak sa kamay ko.

Paglingon ko..

"Baket? Anong kelangan mo?" seryoso kong tanong.

"Nakalimutan mong magpasamalat ganda. Di tama yun." sabi ni kuyang manyak kanina.

Nainis na talaga ako.

"Bitiwan mo nga ako. Manyak ka!" sabi ko.

Pero lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Pilit kong hinihila ito pero bigla niya akong hinila tapos binalya ng malakas.

"Sh*t!"

------------------------------------------

[[Dylan's POV:]]

I cant believe her. Talagang sa inis niya eh, naglakad siya papuntang school. Malayo yun at matagal kung lalakarin. Sobra pa namang init ngayon. Nakakalito talaga yung babaeng yun. Biglang nagmu-mood swing.

Imbis na dumeretsong school eh, tumigil muna ako sa isang di masyadong kitang kalye at inantay na lumagpas si Rash. Nang makalampas na siya ay sinundan ko siya. It's better this way. Ayoko namang pilitin siya pero di ko rin kayang hayaan siyang naglalakad. Nakakalito!

Mahina lang ang takbo ko para di niya mapansing sinusundan ko siya. Itinaas ko na lang ang salamin ng sasakyan ko.

Look at her. Parang pagod na pagod na siya sa paglalakad. Palibhasa mga 30 minutes na rin siyang lakad ng lakad papuntang school.

Pero napahinto ako sa pagdadrive ng huminto rin si Rash at humarap sa isang eskinita.

"Anong gagawin niya diyan?"

Ilang sandali lang ay pumasok na siya at tuloy na naglakad.

Dahil sa maliit ang eskinita, pinark ko na lang ang kotse ko sa gilid ng daan at sinundan siya.

Asan na ba yun? Ang bilis naman niyang maglakad?

Teka.. napatingin ako sa karatulang nasa taas ng kalye.

"Shit! Lugar to ng mga rapist!"

Mabilis akong napatakbo para sundan si Rash. Napunta ako sa daang magkahiwalay.

Ano na Dylan? Kaliwa o Kanan?

"Rash.."

Kaliwa.

Mabilis akong tumakbo and I saw Rash..

Hawak-hawak nung lalakeng mukhang addict sa kamay. Nag-init ang ulo ko. Damn this.

Susunggaban ko na sana yung lalake ng biglang tuhurin ito ni Rash tapos sinutok ng malakas sa mukha at tiyan.

Tumba ang lalake. Nabigla ako. Rash defended herself just now.

I knew it.. she's strong.

[[Rash' POV:]]

"Pwe. Wala ka pala eh! Wag mokong mahawak-hawakan ah! Babasagin ko yang mukha mo!" sabi ko sa manyak na lalake. Walangya, binalya ba naman ako kanina tapos sinubukan akong halikan!

Inis na inis ako kaya di ko namalayang may lumapit na pala sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at mabilis akong kinaladkad palabas ng eskinita papunta sa kotse niya.

"What do you think are you doing here?!"

Nabigla ako sa reaction niya. Galit ba siya?

"Eh, baket ka nakasigaw?!"

"Don't answer my question with another question! Di mo ba alam na maraming rapist dito?"

"Eh, pakialam mo ba?!" inis kong sabi.

"Of course! I'm your boyfriend for Pete's sake!"

"Talaga lang ah! Fake boyfriend siguro Dylan, oo! May Kara ka na! Kaya wag kang umasta ng parang wala lang! Alam mo! Tigilan mo ko sa pagpapa-asa mo dahil kahit kelan wala akong binatbat sa babaeng mahal mo--"

Nabigla ako sa mga sinabi ko. Nakita kong pati rin si Dylan.

"W-wala.." sabi ko sabay talikod. Maglalakad na lang ako ulit papuntang school.

Pero hinawakan niya ako sa braso tapos giniya papasok sa kotse.

"Sasabay ka sakin.. no ifs no buts."

----------------------

Natapos rin ang nakakapagod na araw sa school. Nakauwi na ako kasabay ni Dylan. Ang akward nga eh, walang imikan. Kung pwede pa sigurong batukan na kami ng kotse ni Dylan dahil sobrang tahimik ng buong byahe.

Nakasalampak lang ako sa kama ko. Hinahayaang lumutang ang utak ko kahit ngayon lang. Tutal maaga pa naman. Maya-maya ko pa ihahanda ang dinner ni Dylan.

Pero nagising ang gunita ko sa biglang tunog ng katok sa kwarto ko.

Tinatamad na tumayo ako at pinagbuksan ang kumakatok. Yung isang maid.

"Rash, pinapatawag ka ni Madamme sa special room. Ngayon na."

Tumango na lang ako.

Matagal-tagal na rin mula nung huli kaming nagkausap ng mama ni Dylan. Ano kaya ang meron ngayon?

Inayos ko lang ng onti ang sarili ko bago bumaba at pumunta sa room. The same room kung san una kaming nagkausap ng mama ni Dylan.

Marahan kong binuksan ang pinto at tahimik na naglakad palapit sa big screen.

Bigla na naman itong umilaw at nakita ko na si Ma'am.

"Kamusta na Rash?"

Nag-bow ako tapos nakangiting sumagot. "Okay lang po ma'am."

"Mabuti naman kung ganon."

"Opo. At si Dylan rin po, okay lang p--"

"No need to tell me that. I know he's fine. And he's happy, I can see it," then Ma'am Deevan smiled.

Ngumiti na lang din ako.

"Pinatawag kita rito Rash para sabihin sayong, lilipat ka na."

"L-lilipat?? Sesante na po ba ako? May nagawa po ba akong mali?" taranta kong tanong.

Parang matatawang-ewan si Ma'am Deevan. "Hindi Rash. Masyado ngang magaling ang trabaho mo eh.What I'm saying is, lilipat ka ng tirahan."

"Tirahan??"

"Yan lang muna ang masasabi ko sa ngayon sa iyo. Basta just prepare, ipapahatid kita mamaya dun sa lilipatan mo."

Tumango na lang ako. Baka masisante pa ako kung tanong ako ng tanong.

----------------------------------

** Kinabukasan

Saktong pagtigil ng sasakyan nina Ma'am Deevan na kasalukuyang dinadrive ng driver ng mansion na si Manong Lito eh, dumungaw agad ako sa labas. Mabilis akong umibis sa kotse at nanlaki ang mga mata ko.

"Waaaaaaaaaaaaw! Serysoso! Dito ako lilipat?!"

Nakangiting tumango si Manong Lito sabay abot sa akin ng susi.

"Eto na yung susi." Tinanggap ko tapos nakangiting nagpasalamat.

Ilang sandali lang ay umalis na rin si Manong Lito.

Seryoso talaga! Kung di ko nagkakamali! CONDO to!

Pero baket andito ako? Pano ko na maaalagaan si Dylan kung andito ako tapos andon siya sa mansion??

Pero mamaya ko na iisipin yun. Excited akong pumasok sa malaking building at sumakay ng elevator. Ang instructions sa akin ang pinakaunang pinto ang papasukin ko. I inserted the key at ayun, TADAAAAAA!

Namilog ang mga mata ko sa nakita ko. Ang grandyoso naman neto!

Iniikot ko ang paningin ko. Waw :D yung kama oh!

Umupo ako sa kama tapos nagpagulong-gulong at talun-talon. Sobrang lambot! Di ko ma-explain! Sige! Tawagin niyo na akong ignorante! Basta natuwa lang ako! XDD

Pero napatigil ako sa paglilibot sa unit ng may maulinigan akong tunog ng piano sa may isang bedroom.

MAY TAO?!

Hinay-hinay akong naglakad palapit sa bedroom. Bukas yung pinto. Lumapit pa ako ng onti. By the way, may bitbit pala akong vase

Pero biglang bumukas ng tuluyan ang pinto. Nahulog ko ang vase kaya nabasag at may lalaking matangkad at chinito na sumulpot sa harapan ko. Bigla niya akong kinorner.

"S-sino ka?!" taranta kong tanong.

"Ikaw, sino ka? At anong ginagawa mo sa unit ko?"

Nanlaki ang mga mata ko.

Pano nangyari yun? Tama naman yung key na gamit ko ah! Don't tell me, naligaw ako ng unit? 0.0

---------------------------

[[Kriscelle's POV:]]

Ngayong, trinaydor na ako ng isang taong pinagkatiwalaan ko noon, I have no other choice but to do it on my own. Kung ayaw na akong tulungan ni Kian, wala akong magagawa pero sinisiguro kong pagsisisihan niyang trinaydor niya ako. Magsama sila ng Rash na yon.

At sisimulan ko yun soon.

"Yaya!" tawag ko.

"Po?" maagap niyang sabi.

"Please tell dad, I want to have a victory party for winning the Camp Outing. Tell him, I'll be inviting Rash Yu."

"Opo ma'am."

Tumalikod ako and picked up my phone.

(Hello?)

"Hello.."

(Oh my God! Is this you, Kriscelle?)

"Oo. Ako nga."

(Napatawag ka?)

"Well, gusto lang sana kitang imbitahan, may victory party kami."

( I still have a contract here..Uhm.. I'm not really that sure if I ca--)

"Oh, I know you would,one more thing, maybe it's time for you to come home after 5 long years."

I gave out a lope-sided smile. I'll be using my strongest card Rash, pag nagkataon, sa kangkungan ka pupulutin.

"..He missed you. And I bet, Dylan would be so happy, to see you again."

VOTE, COMMENT, REVIEW :">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

A/N:

Hello, Dashers! Sorry if medyo natagalan ang UD. Pasukan na rin kasi plus, medyo loaded ako. Dahil don, sad to say, mukhang di na ako ganon kabilis makakapag-UD lagi. Pero yaan niyo, gagawin ko parin ang makakaya ko to update whenever I can. Salamat po sa support. Sana di po kayo magsawa. :3

-Author :3

** Nga pala, sa mga marunong po gumawa ng book cover, kung pwede pagawa po ako ng bagong for BTYM. Ang mapipili ko po eh, siyang gagawin kong newest book cover ng BTYM plus i-dedicate ko po ang chapters sa kanya. Just post the covers on the BTYM Facebook page. :) Thank you! :3

~Let your imagination soar <3

******************************************* [34] Chapter 33 :) - 2nd Rival ******************************************* Chapter 33 :) - 2nd Rival

[[Rash' POV:]]

Ang ganda ng condo unit! Gerd, baket kaya ako dito pinatitira ni Ma'am Deevan? Utang ba to na kelangan kong bayaran? Nakuuu!Kasi kung ganon! Mababaon ako sa utang!

Iniikot ko ang paningin ko. Ang elegante ng kwarto!

"Hmmm.. makapasok nga sa kitchen."

Nagsimula na akong maglakad papunta ng kitchen nang may maulinigan akong tunog.

Teka, tunog ng piano??

Biglang nanindig ang balahibo ko. May tumutugtog ng piano?!

Ayaw kong isipin na totoo ang hinala ko. Diyos ko. Ayokong tinatakot ako. Wala naman sigurong may gusto diba?

Pero dahil nga sa pinanganak akong matapang "daw" ay naglakas-loob akong lumapit sa may bedroom.

Wag naman sanang biglang may sumulpot na Sadako o kabayong may bangs dito sa kwarto niya.

Lumapit ako sa may pinto pero bago ako pumunta eh, pumulot muna ako ng vase. Baka naman kasi hindi multo to, baka magnanakaw.

Pero, magnanakaw na nagpa-piano?? Sosyal ah! Eh ako ngang marangal "kuno" eh ni hindi marunong mag-piano.

Isang-isang hakbang lang ang ginawa ko. Bahagyang naka-awang ang pinto kaya malaya akong nakasilip.

Wala namang tao sa may bed. Sino kaya yun?

Nanindig na naman ang mga balahibo ko. Jusme lang. Baka multo nga! 0.0

Isang hakbang ulit. Whooooo, keri ko to. Keri ko to!

Hakbang ulit. Hanggang nasa loob na ako.

Iniikot ko ang paningin ko. Nasan na y--

Biglang may humila sa akin sabay corner sa akin sa may wall. Namilog ang mga mata ko.

"S-sino ka?" kabado kong tanong.

"Ikaw sino ka? At anong ginagawa mo sa unit ko?" deretsong tanong ng lalakeng matangkad at chinito.

Teka? naligaw ba ako at talagang nagtanong siya sa akin kung sino ako?

"Teka, condo unit mo ba to?"

Tinitigan niya ako.

"Who are you?"

Pft. May kaugali siya ah. Sinasagot ng tanong ang tanong rin. Waw lang >/<

"Ako si Rash. At ako ang may hawak ng key ng unit na to." deretso kong sagot.

He smirked. "Oh, really, apparently this is my condo unit. I own this place and I own this room."

"Paano nangyari yun? Eh, eto yung key na binigay sa akin."

"Who gave you that?"

"Ma'am Deevan."

Parang nag-iba ang expression niya.

"I see..then welcome to your new home."

"A-ano??"

He smiled. "Yeah. Welcome to your new home."

-------------------------

[[Dylan's POV:]]

Umuwi ako at nadatnan ang bahay na sobrang tahimik ang paligid.

Now..

"Where the hell is Rash?"

Nagderetso ako sa kwarto ko. Bago ako pumasok sa kwarto ko napatingin ako sa kwarto ni Rash.

Fine, I'll just check on her. Nothing serious.

I walked slowly. Inabot ko ang seradura at pinihit ito.

I pushed the door open then on instict searched for any mark of Rash.

Pero wala.

"Where is she?"

Baka nasa mall lang. I'm trying to make excuses.

Yeah.. Trying.

Lumabas ako ng kwarto at pumasok sa kwarto ko.

I took of my shoes at niluwagan ang kwelyo ko. This feels so different. Masyadong tahimik sa paligid.

The silence is killing me.

Baka alam ni manang kung nasan ang kating yun. Ayoko namang tawagan siya. Baka magpilireng yung hinahanap ko siya.

Lalabas na sana ako ng kwarto ng biglang may mahagip ang paningin ko.

It's a small note on top of my study table.

Dylan, Alis na ako. Sabi pala ni Ma'am Deevan na tawagan mo siya pagdating mo.

- Rash

Aalis? San siya pupunta?

I picked up my phone and dialed my Mom's number.

Ilang sandali lang ay sumagot siya.

"Hello Mom."

"Oh, hello baby boy."

"What now Mom?"

"Di mo ba ako namimiss?"

Napakunot ang noo ko.

"Of course I do Mom, wait.. by the way, nasan pala si Rash?"

"Himala. Hinahanap mo na siya ngayon?" tatawa-tawang sabi ni Mommy.

"Tsk. Stop it mom. She's my babysitter and I need her to fix things for me."

"And since when did you acknowledge her as your babysitter?" nang-iinis na sabi ni Mommy.

"Isn't this your idea?" napipikon kong sabi.

"C'mon anak, admit it."

"What?"

"That you like her."

"Wha-- stop it." pikon kong sabi.

"Ang pikon ng anak ko."

"Tss. Sagutin mo na lang ako, do you know where Rash is?"

"Well, she's out."

"Specifically where?" naiinip kong tanong.

"In a building."

"What are you talking about?" nalilito kong tanong.

"Geo's."

Ano? Di ko naintindihan.

"Sige na anak. I have to hang up. Work is calling for me."

"Wai--"

"Bye anak! I love you!"

"Mom--"

"And oh, admit it, you have 5 minutes left."

*Toooooooot* *Toooooooooot*

Shit. What was that?!

5 minutes? What's that about?

Ibinulsa ko ang cellphone ko at pumasok sa kwarto ni Rash. Now, I need every little clue. Where is she?

Napadako ang tingin ko sa cabinet.

I opened it.

IT's EMPTY.

Damn it! Don't tell me..

Tinakbo ko pababa ang mahabang hagdan. I got my car keys and rushed to the garage.

"I need to get there before my time runs out."

Pinaharurot ko ang sasakyan ko.

She's in Geo's Building. She's in my condo unit.

Binili ni Mama yun para sa akin. Pero hindi ako tumira don since nandon si Geo.

Geo Eizen Lautner. Yes. Lautner.

My Cousin.

Why am I in u hurry? Well, because Geo considers everything and "EVERYONE" who stays in one of his units more than 5 minutes ALONE his. One more thing, he's a certified chickboy. Sino man ang kumausap sa kanya at sagutin ng matino ang pagtatanong niya ng pangalan ay hindi na niya tatantanan.

And knowing Rash..

Damn it.

The moment I reached the front of the famous Lautner Condominium, I stepped out of my car. Malalaking hakbang na tinungo ko ang room 305.

I'm taking my girl back.

Tama na ang isang kaagaw. Tama na ang isang Kian.

-----------------------------

[[Rash' POV:]]

"Eh teka.. sino ka ba?"

"Is that important?" sabi niya looking into my eyes.

Kumalas ako. Sabay pamaywang.

"Oo naman. Hello? I don't talk to strangers." sabi ko sabay simnagot.

"Tama nga sila."

"Ano?"

"No. Nothing."

"Eh, sino ka ba?"

He smiled.

"I'm Geo. Nice meeting you."

Nabigla ako dahil hinawakan niya ang kamay ko tapos unti-unting inangat. Nagtaka naman ako.

Hanggang sa.. palapit na sa labi niya. 0.0

"Let her go."

Nag-freeze mid air ang kamay ko na hawak parin nung nagpakilalang Geo.

Nakita kong umayos ng tayo si Geo. Nasa gilid na namin ngayon si Dylan. Pano siya napunta rito?

"Why would I do that?"

"I said Let-My-Girlfried-Go."

Ngumisi si Geo. Ako naman litong-lito. Magkakilala sila?

"5 minutes na."

Lalo akong nalito. Anong meron sa five minutes?

"Dumating ako 2 seconds before 5 minutes."

Binitiwan ni Geo ang kamay ko at humarap kay Dylan.

"Good thing mabilis kang magdrive. Or should I say, pinalipad mo ang kotse mo, dumating ka lang agad dito?"

Nag-tss si Dylan sabay hila sa akin palapit.

"Ayaw mo lang mag-admit. Gay." tapos tumawa ng pauyam si Geo.

Si Dylan naman humigpit ang hawak sa kamay ko.

----------------------------

Mag-iisang oras na mula ng ikwentro namin kanina. Hanggang ngayon, wala paring binabanggit sa akin si Dylan kung ano yung nangyari kanina. At kung sino si Geo.

"Ano.. tungkol kanina.."

"That's nothing. Don't mind it. Just anwer my question. Anong ginagawa mo rito?"

"Sabi kasi ni Ma'am Deevan--"

"Ah, so Mommy did this."

Ano? Di ko gets. Ang slow ko ngayon. Sorry naman.

Nevermind. "Ay. Eto pala oh, sabi ni Tita, ibigay ko raw sayo pag nagkita tayo." sabi ko.

Kinuha niya ang sobre at pinilas ang isang gilid nito.

After niya basahin. Nakita kong nangunot ng sobra ang noo niya.

"This was planned."

"Ano?"

"Where staying here for two weeks."

Napanganga ako. Ibig sabihin.. kasama ko si Dylan? Dito sa iisang unit?! Okay sa iisang unit. Ano bang plano ni Ma'am Deevan?

----------------------------------

** Living Room

Halos dalawang oras na akong nakaharap sa TV. Kayamot na ah. Wala na bang ibang pwedeng gawin?

Si Dylan naman kasi nasa kwarto lang, ewan ko kung anong trip. >/<

Hmmmmmm.. Ah-ha! Makapagluto nga!

Nakangiting pumasok ako sa kitchen at inihanda ang mga ingredients. Magbebake ako ng chocolate cake! Yey! :P

After kong ihanda ang lahat tapos maghalu-halo, hinanap ko na yung oven.

Asan ba dito? May nakita ako sa isang gilid.

ITO BA?? Oo, baka ito nga.

Inilagay ko na yun sa loob tapos nagpindot-pindot. Lumabas muna ako. Tama pa naman eh, babalikan ko na lang mamaya. Umupo muna ako sa sofa at nagsuot ng headset.

Now Playing: The Only Exception When I was younger I saw my daddy cry And curse at the wind. He broke his own heart and I watched As he tried to reassemble it. And my momma swore That she would never let herself forget. And that was the day that I promised I'd never sing of love if it does not exist. But darling, You are the only exception. You are the only exception. You are the only exception. You are the only exception. Maybe I know somewhere Deep in my soul That love never lasts. And we've got to find other ways To make it alone. Or keep a straight face. And I've always lived like this Keeping at comfortable distance. And up until now I've sworn to myself That I'm content with loneliness.

Because none of it was ever worth the risk. Well you are the only exception. You are the only exception. You are the only exception. You are the only exception. I've got a tight grip on reality, But I can't let go of what's in front of me here. I know you're leaving in the morning When you wake up. Leave me with some kind of proof it's not a dream. Oh-oh-oh-ohhh. You are the only exception. [x4] You are the only exception. [x4] And I'm on my way to believing. Oh, and I'm on my way to believing.

"Hmmmmmm..mm" Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Napasarap ang tulog ko ah..

Teka.. ano yung naaamoy ko??

Napabalikwas ako ng bangon.

Nanlalabo pa ang paningin ko.

Ano yun, parang amoy sunog, Oo nga amoy su--

AMOY SUNOG!

Napatili ako sabay takbo at hanap ng tubig. Diyos ko. Wag naman. Ayokong matupok ng buhay!

Natataranta na ako! Pero biglang nakita kong lumabas ng kwarto si Dylan. May binasag siya tapos binitbit. pumasok siya sa kitchen at nag-spray.

Patakbong sumunod naman ako sa kanya.

Nawawala na ang apoy. Medyo nawala narin ang kaba ko.

"S-salamat naman.." hinang-hina kong sabi.

Nilapag niya ang bitbit niya tapos lumapit sa akin.

"Plano mo bang sunugin ang unit ko?!" "S-sorry .." sabi kong nakayuko. Namumuo na ang luha sa mga mata ko.

Tumayo siya sa harap ko.

"Di lahat nakukuha sa sorry Rash." then he walked away.

Napayuko ako. Ang laki ng kasalanan ko. ULIT.

--------------------------

[[Dylan's POV:]]

Inaamin ko wala talaga ako sa mood. Dagdag pa nung muntik ng masunog ang unit ko. Sino ba naman ang magluluto tapos tutulugan ang binebake na cake?

Sa inis ko lumabas ako ng unit ko para magpahangin.

"So she's Rash."

Napalingon ako. Si Geo.

"What do you want?"

"Wala ba akong kumusta galing sa pinsan ko?"

"Don't act as if magkasundo tayo Geo."

"C'mon Dylan. We're cousins."

Hindi ako sumagot.

"Okay, I get it. You hate me, I know. Isa lang ang payo ko Dylan.."

"..You're lucky you have Rash. Siguro naman alam mong iba talaga siya. I was amazed at how she was able to resist my charm at nagawang tanungin ako ng pangalan ko kahit nginitian ko na siya."

"Ibahin mo siya." I answered.

"That's my point. She's different. That's why you must take care of her. Kilala mo ako. I'll give way, tutal pinsan kita.. pero once sayangin mo ang pagkakataon.. Kukunin ko siya sayo." he patted my back and went back to his room.

****

Hindi parin bumabalik si Dylan mula kanina. Gusto ko ng mag-sorry. Ang pasaway ko na kasi eh. >/<

Sige na nga, lalabasin ko na siya. Lunukan na ng pride to!

Lumabas ako ng kwarto pero nabigla ako kasi may nakita akong maliit na sobre sa harap ng pinto ng unit.

May nakasulat na pangalan ko sa likod.

Binuksan ko to at binasa.

Dear Rash, You are invited to the victory party for the Gold Club. Wear something princess-like.

P.S. We have a surprise for you.

- Gold Club

Suprise? Anong surprise?

VOTE, COMMENT, REVIEW :'>

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~~X~X~X

A/N: Happy 200K reads BTYM & Dashers! Thank you sa inyong all time support :)

P.S. Sino po sa inyo ang currently residing or staying at Iloilo City? Comment po kayo. ^^

Thank you for reading this chapter! :))

-Author

******************************************* [35] Chapter 34 :) - Changes ******************************************* Chapter 34 :) - Changes

Tinanggal ko ang earphones mula sa tenga ko. Dalawang oras na. Dalawang oras na akong nakasalampak sa may damuhan habang nakikinig sa iisang kanta. Paulit-ulit lang. Baket? Wala eh. Ang ganda lang sa tenga pakinggan nung kanta.

Yumuko ako at tumitig sa mga damo sa paananan ko. Buti pa kayong mga damo no? Chill lang kayo. Eh ako, hanggang ngayon, di parin nakakapag-sorry sa alaga ko.

Kahapon, di ko na nakita si Dylan. Inantay ko siyang umuwi pero inantok na lang ako kakaantay. Pagising ko ng 4:30 kanina, tupi na at maayos ang kama ni Dylan. Alam ko, natulog siya sa kwarto niya sa unit, pero di ko siya nakita mula kahapon ng hapon.

Nagalit talaga siya. Dahil ba sa muntik ko ng sunugin ang unit niya..

..o may iba pang dahilan?

Napabuntung-hininga ako.

Mula kaninang pumasok ako ng school, hindi ko pa nakikita ni dulo ng buhok ni Dylan. Di rin niya sinasagot ang mga text ko. Imposibleng walang load yun, kaya isa lang ang ibig sabihin non..

Ayaw niya lang talaga akong replyan.

Alam niyo yung feeling na ganon? Oo, sobrang nakakalungkot. Sobra.

"Kamusta na ang kusina ni Dylan?"

Napatingala ako.

"Kamusta na Rash?"

Tumaas ng onti ang isa kong kilay. Teka...

"Sino ka po pala?" taka kong tanong. Familiar ang mukha niya oo. Pero, san ko nga ba siya nakita?

Nakita kong medyo nagusot ang noo niya. Tapos unti-unti siyang lumapit.

Atras naman ako ng atras. Sino ba to?

Lapit parin siya ng lapit. Kaya sa inis ko, tumayo ako at tinuhod ko siya.

Nasapo niya ang hinaharap niya sabay upo sa damuhan.

"Oh, ano?! Lalapit ka pa?!" galit kong sabi.

Pero natigagal ako ng bigla niyang tinanggal ang dark shades niya! Wait...

"G-Geo?!"

Sapo parin ang harapan na unti-unti siyang tumango.

"Iba ka talaga Rash. Akalain mong ikaw pa lang ang babaeng di naka-recognize sa akin. At tinuhod mo pa ako!"

"N-nakuu.. sorry talaga Geo! Ikaw naman kasi, di ka naman nagpakilala agad! Kung nagsabi ka, di ka na sana nasaktan." taranta kong sabi sabay alalay sa kanya patayo.

Nang makatayo si Geo ay inasahan kong magagalit siya sa akin kaya ready na akong mamatay! Tinaas niya ang kamay niya.. napapikit naman ako..

Tapos, bigla niyang pinitik ang ilong ko.

"That's okay. You really are different. Dylan must be very lucky."

Taka naman akong napatingin sa kanya.

"Ano ibig mong sabihin?"

"It's nothing. How about coffee?" alok niya.

"Ay, nakuu, baka sa susunod na lang. Sorry Geo ah. May importante lang kasi akong kelangan gawin ngayon." sabi ko. Kelangan ko pang mag-sorry sa alaga ko.

He smiled. "That must be really important since nagawa mong tanggihan ang offer ko. But that's fine. Basta ba magpromise kang next time, totoong sasama ka na sa akin."

Hinampas ko siya ng pabiro. "Oo na. Sige na!"

"Yes!" tapos ginulo niya ang buhok ko.

Sumimangot naman ako. "Ang sama mo, mukha na akong tanga sa buhok ko!" padabog kong sabi.

"Don't worry, you're still look awesome. Sige na alis na ako.." paalam niya. Tumango naman ako.

Pero bago siya mawala ng tuluyan sa paningin ko, lumingon siya ulit sabay sabing..

"Tell Dylan na seryoso ako sa sinabi ko. Sayangin niya ang pagkakataon, I swear, I'll make my move." tapos umalis na siya.

Taka naman akong napatingin.

Sayangin ang pagkakataon? Pagkakataon sa ano?

--------------------------------

[[Dylan's POV:]]

"Damn." I said while resting my back on the wall. I am damn sleepy. I went home late making sure na tulog na si Rash pag-uwi ko, and woke up earlier than usual so I can get out of my unit and not see Rash.

Baka kasi pag nakita ko siya, makalimutan kong nagtatampo pa ako sa kanya. I feel bad..

Not because she almost burned my unit but because, she was way too careless. Pano kung di ako nagising nun? Paano kung wala ako that time?

Paano kung may nangyari sa kanyang masama? I've had enough. Tama na yung nangyari sa kanya sa camp. She was hurt.

I can't take the risk of seeing her hurt again.

"Now, where is she?" Nasa campus na ako ngayon. Looking for her. I don't have to talk to her, I just have to see her. even if it's just from afar.

I checked every room na pwede kong mahanapan kay Rash. She might be studying right now.

Pero wala eh. So I trusted my instinct.

"Garden." I said to myself.

I walked towards the garden. Iniikot ko ang paningin ko, looking for the familiar figure I've been wanting to see since last night.

Then I saw her. Standing in that same place where she usually stays.

Pero naikuyom ko ang palad ko sa sunod kong nakita.

Rash holding Geo's hand.

"Hell."

I turned my back from them and started walking away.

-------------------------------

[[Rash' POV:]]

Nakaupo ako ngayon sa seat ko. Vacant time. Si Sir may meeting daw. Nginudngod ko ang ulo ko sa lamesa. Gurrrrruuuuuuu ~ naloka na ako. Hanggang ngayon, wala parin akong Dylang nakikita.

Natigil ako sa pag-iisip kung paanong wala parin si Dylan ng biglang tumunog ang phone ko.

"Hello?"

"Nasan ka?"

"Room ako. Dyl--"

"Stay there."

"Te--"

*Tooooooot* *Toooooooot*

Ano ba naman yun!

Tumingin ako sa labas at viola! Ayun si Dylan! Papalapit na!

Sa wakas! Makakapag-sorry na rin ako! Ye--

Teka! Ba't parang galit na galit?

Bigla akong kinabahan sa expression ni Dylan.

Kaya naman napatago ako sa ilalim ng mesa ko sa room. Geeeeerd, katapusan ko na ba? Sesante naba ako?

Biglang tumahimik ang room! Ayan na, mukhang andito na siya.

Nakayuko ako sa ilalim ng mesa habang nagdadasal na di ako makita ni Dylan. Pero.. nakita kong tumigil siya sa tapat ng mesa ko.

Shit. Help. Help.

"Out." sabi ni Dylan. Di ako sumagot. Nakakatakot ang boses ni Dylan!

Pero nabigla lahat ng fats ko sa katawan sa sunod niyang ginawa.

SINIPA NIYA ANG TABLE KO!

Natumba ang mesa ko kaya nakita niya akong nakatalungko sa sahig!

This time, napatingin na ako sa kanya at sa pangalawang beses, na-shock ako sa ginawa niya.

Hinawakan niya ako tapos binuhat na parang sako palabas ng room!

Dinig ko pa ang malalakas na singhap ng classmates kong di ata makapaniwalang pumasok ang isang DYLAN LAUTNER sa room nila.

"A-ano ba Dylan! Ibaba mo ako!"

"Shut up."

"Dylan! Maawa ka naman sakin!"

Di siya sumagot. Deretso siya sa sasakyan niya. Di alintana ang bulungan ng mga taong nadadaanan namin. >///<

Pinasok niya ako sa kotse niya tapos mabilis na lumipat sa driver's seat. Ang lapit lang ng condo unit niya sa school kaya parang ang dali lang naming nakarating. Walang imik siyang bumaba at hinila ako paakyat ng unit niya.

"Dylan.." sabi ko. Pero wala akong sagot na nakuha mula sa kanya.

Saktong pasok namin sa unit ay binitiwan niya ako.

"Look Dylan. Sorry kung muntik ko ng masunog ang unit mo. Di ko naman sinasad--"

"Damn the unit. I don't care!"

Natahimik ako. Pinagtaasan niya ako ng boses. Nabigla lang ako. Di ako nakahuma agad.

"Dy--"

Hinila niya ako sa isang kamay sabay salubong sa akin ng yakap na ikinagulat ko.

"Burn everything. I don't care. Just make sure that you'll be fine. I don't want to see you hurt. Protect yourself. If you can't do so. Tell me, I'll take care of you." he said straight.

Di ako makasagot. Di ko alam ang sasabihin ko. Ang higpit ng yakap niya sa akin.Yung tipong parang ayaw na akong pakawalan.

Nanatili lang kami sa ganong posisyon hanggang sa biglang tumunog ang doorbell. Automatic akong napahiwalay mula sa yakap ni Dylan.

"Ah.. Hehe. Ako na." sabi ko sabay talikod at takbo papuntang pinto. Pagbukas ko, wala namang tao pero may sobre sa may sahig katabi ng isang box. Pinulot ko ito at binuksan.

Rash,

Don't forget about the party later. Your dress is here. Don't tell Dylan about this. This is a top secret. See you!

-Gold Club :)

Pinulot ko ang kahon. Ano kayang klaseng dress to?

Pumasok ako sa unit ulit na parang wala lang.

"Oh, ano yan?" tanong ni Dylan. Mukhang balik na kami sa normal. Okay na kami. Yeys!

"Ah. Wala. Para sa group project namin. Costume nung isa kong member."

Tumango si Dylan.

"Nasan ang lunch ko?" tanong ni Dylan. Napasinghap naman ako sabay tingin sa wall clock. Syet! 12 na! Nataranta ako bigla.

"Naku. Di pa pala ako nakakapagluto!"

"Tsk. Hanggang ngayon ang isip-bata mo. Stay here. Oorder na lang ako. Padeliver na lang natin."

"Di wag na. Magluluto ako." tanggi ko.

"No. Baka mamaya, matupok na talaga ang unit ko." sabi niya sabay tayo at lapit sa wireless phone.

"Ang sama mo." inirapan ko siya.

He just smirked. Ayan.. balik asaran na naman kami. Mas mabuti nato kesa dun sa kanina.

---------------------------

** Dylan's POV:

Pumasok si Rash na may bitbit na kahon. I was really curious about what is inside. Malay mo kung regalo pala mula kay Geo. Baka pinopormahan na niya si Rash. Tsk lang. Pero since sabi ni Rash na groupwork daw, medyo nakahinga naman ako ng maluwag.

Tumunog bigla ang phone ko. Common number ng Gold Club

**Victory party later, wear something appropriate for POOL PARTY. We have a surprise for you.

-Gold Club

Since wala naman akong gagawin pupunta na lang ako. I'm just wondering, is Rash coming too?

------------------------------

[[Rash' POV:]]

6:30 PM na. Nakaharap ako sa malaking salamin sa kwarto ko. Di makapaniwala sa mukha ko ngayon.

"A-ang ganda ng damit.." mangha kong sabi.

7 PM kelangan nasa venue na raw. Pero nahihiya naman akong lumabas. Ang ganda talaga ng gown. Feeling ko, kahit dalawang taon pa bago mangyari yun, parang debut ko na! Sige ako na ang feeler! Walang pakialaman! >//<

Wala si Dylan. Umalis. Di niya alam ang tungkol dito. Sabi kasi, bawal sabihin kasi top secret. Ewan ko ba. Winaksi ko na ang maraming tanong sa utak ko at lumabas ng unit. Pagdating ko sa ground floor. Pinagtinginan na agad ako ng mga tao.

Syet lang. Nakakahiya! Feeling ko, pati kaluluwa ko, iniispeksyon nila! Bumilis ang lakad ko. Pumara ako ng taxi at mabilis na sumakay.

Sinabi ko sa driver kung saan ako magpapababa. This is it!

Eksaktong tigil ng driver ay nagbayad ako at bumaba na. Hingang malalim Rash. Partyng pangmayaman to. Kalma lang! Kanina ko pa kinakausap ang sarili ko.

Walang dahilan para kabahan. Tutal, sasaglit lang naman ako, tapos uuwi lang din ako agad. Di ako nakapagpaalam kay Dylan. Kakayos lang namin, baka mag-away na naman kami nun. Ang hirap magalaga ng enemy mo no.

Huminga muna akong malalim tyaka taas noong pumasok ng hall.

----------------------------

Habang papasok ako ng hall, napapansin ko na nagtitinginan ang mga tao. May ibang nangingiti parang may matatawa na nga. Baket ba? Ngayon lang kayo nakakita ng naka-gown?

Teka, asan na ba yung venue. Nalilito ako kung saan ako pupunta kaya nagtanong ako sa isang babaeng naka-mini skirt tube tops at boots.

"A-ano, excuse me, san ba dito yung event na hinost ng Gold Club?"

Tinignan niya ako ng mula ulo hanggang paa.

"Are you sure na yun ang pupuntahan mo? Or you're lost?" sabi niyang nakataas ang isang kilay.

"Oo. Doon ako pupunta."

"Baka naman naliligaw ka. Hindi naman--" natigil sa pagsasalita ang babae ng may isa pang naka miniskirt na babae ang lumapit sa kanya at siniko siya sabay bulong.

After nun, nagsalita siya ulit ng nakangiti. Ngiting aso. Pero dahil sa nagtatanong ako, di ko na pinairal ang pagkamaldita ko.

"Ah, yun ba? Deretso ka lang tapos pasok ka sa pinakaunang door na makikita mo." she said then she smirked.

"Ah, sige. Salamat." tapos nagsimula na akong maglakad. Ang hirap naman nito.

Kanina ko pa napapansin, parang ako lang ang naka-gown. O baka, sobrang aga ko lang at di pa dumadating yung iba?

Kaya ayun, tuloy-tuloy akong naglakad hanggang umabot ako sa malaking pinto. Kinakabahang tinulak ko ito pabukas.

..At tumambad sa akin ang isang malaking..

SWIMMING POOL!

at mga taong naka two piece at one piece!

Natigagal ako. Mali ba ang pinasukan kong pinto?!

Tahimik na sana akong lalabas ng biglang may mahagip ang mga mata ko.

Si Cheska! Si Claudette at si Chinette! Teka! Don't tell me, nasa tamang venue ako?! Eh ba't ganyan ang suot nila.

Pero mas lalo akong nabigla sa isa ko pang nakita.

"..Dylan.."

Napahakbang ako.

Napatingin naman siya sa akin. Kumunot ang noo niya. Medyo madilim ang lugar pero sigurado akong si Dylan yun. Anong ginagwa ni Dylan dito? Akala ko ba di dapat malaman to ni Dylan?

Lalapit na sana ako kay Dylan ng biglang may nagsalita sa stage. Napatigil ako.

"Goodevening Ladies ang Gentlemen!" s-si Kriscelle!

Ibig sabihin, nasa tamang venue ako. Pero baket parang ako lang ang nakaganito?!

"Calling Dylan Lautner, Dylan Lautner on stage please!"

Tumayo si Dylan at umakyat ng stage.

Eksaktong upo ni Dylan ay nagsalita ulit si Kriscelle. Di ako nagkakamali, tumingin sa akin si Kriscelle bago siya nag-smirk. "We have a surprise for you.."

"Welcome her back Dylan."

Her? Sinong her?

Mukhang oras na ngang masagot ang lahat ng tanong ko. Di ko akalaing, ngayon gabi, iiba ang takbo ng buhay ko. Magbabago na. Magiging ibang-iba.

May babaeng matangkad at mestiza na umakyat ng stage at nakangiting lumapit kay Dylan mula sa likod. She covered Dylan's eyes with her hands.

Biglang kumabog ng malakas ng dibdib ko. Don't tell me..

May hawak ng microphone si Dylan kaya dinig na dinig ko ng bigkasin niya ang pangalang nagkumpirma sa hinala ko.

Nung bumitaw ang babae sa pagkakahawak sa mata ni Dylan, lumingon si Dylan at kitang-kita ko kung paano nag-iba nag expression niya..

Then he spoke the name..

he mentioned HER name..

"..Kara"

Nanginig bigla ang mga kamay ko. She's back.. Kara's back..

Napaatras ako. Pero nanlaki ang mga mata ko sa sunod kong nakita.

She kissed him.

Kara kissed him full.

Napapikit ako. I stepped back. Hindi ko na kaya.

Tumakbo ako papunta sa main door. Pero di sinadyang natapilok ako. Nalipat sa akin ang atensyon.

"Diba siya yung girlfriend raw ni Dylan?"

"Yeah. But Dylan kissed the pretty girl on stage!"

"C'mon, mas bagay naman sila ni Kara kesa sa basurang yan."

Lalong nanikip ang dibdib ko. Pinilit kong tumayo pero may tumapak sa gown ko.

"Oh, sorry." sabi niya sabay tawa. Pero huli na ang lahat.

Nawalan ako ng balanse at natumba papunta sa cake. Punong-puno ng cake ang damit ko. Pero pinilit ko paring tumayo. Kelangan ko ng umalis dito. This is too much.

Pero may humawak sa braso ko sabay alalay sa akin patayo.

Pagtingin ko si Kian.

"K-kian.."

"C'mon. Let's get the hell out of here."

-----------------------------------

Dinala niya ako sa pinagparkingan niya ng kotse niya. Nakayuko lang ako. Di ko magawang tumingin kay Kian ng deretso. Nakakahiya ang itsura ko. Actually, hiyang-hiya ako ngayon.

"A-ano ba naman yan. A-ang dumu ko na." sabi ko sabay tawa ng hilaw.

Pero nabigla ako ng punasan ni Kian ang damit ko pati ang pisngi ko.

"Wag na Kian. Okay lang yan." sabi ko at ngumiti ako ng pilit.

But Kian pulled me into a hug.

"It's okay to cry. If it makes you feel better, cry Rash. Cry.Please." he pleaded.

Kumawala na ang lahat ng nararamdaman ko.

I feel so misserable.

So betrayed.

It's making me sick.

Nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi ko na kayang pigilan..

"H-hindi k-ko na kaya..." sabi ko sabay baon ng ulo ko sa dibdib ni Kian.

Oo. Pumunta ako rito, nagmukhang tanga, napahiya,napintasan, lumabas ng may cake sa damit at mukha. But more than anything that happened here tonight. Wala ng mas masakit pa.

Wala ng mas sasakit pa sa katotohanang, mula bukas, di na tulad ng dati.

Masakit man, makakalimutan na niya ako.

Hinayaan kong mag-unahan sa pagtulo ang mga traydor kung luha.

"..B-bumalik na si Kara. Bumalik na ang babaeng mahal niya."

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X a/n: Sorry for the late update ^^

******************************************* [36] Chapter 35 ;) - Realizations ******************************************* I dedicate this chapter to my boss @iamnashix22. The best ever :)) Please read her completed story: My Anonymous Caller ^_^ http://www.wattpad.com/story/3398509-my-anonymous-caller-complete :)) Hope you'll like this chapter, Leave your comments! :)) ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 35 ;) - Realizations

[[Rash' POV:]]

"Tignan mo siya, she looks like she cried pales last night. Good for her, ganyan ang napapala ng mga ambisyosa." "As if, papatol talaga sa kanya si Dylan. She's such a gold-diger. Going for someone who's totally on a different level. Serves her right."

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Nakayuko habang pinipilit na hindi pansinin ang usap-usapan sa bawat madadaanan. I can feel every pair of eyes staring at me, as if pati kaluluwa ko ay iniispeksyon nila. I hated this. Nasanay akong di natutuunan ng atensyon. Siguro, kung sa iba nakakatuwa ang may makapansin sayo, ibahin mo ako. This is way to far. Bawat hakbang ko, parang gusto kong lamunin na lang ako ng lupa dahil sa sakit at kahihiyang nararamdaman ko.

Every single person in this school knew that I am Dylan's "Girlfriend". Consolation na lang sa akin na hindi nila alam na babysitter lang talaga ako ni Dylan. Kung yun mabunyag, di lang panglalait ang aabutin ko. I might even end up being kicked out of this school. Masyadong judgemental ang mga tao rito. Once nadikit ang pangalan mo sa pangalang Dylan, bunyag ka na.

All of this ranged since last night. Tama, kagabi nung nagdesisyon akong pumunta sa party, kagabi nung nagmukha akong tanga sa mata ng lahat ng bisita.

Last night when I saw Dylan's love come back.

Napapikit ako. Pinipilit na pigilan ang pamumuo ng luha sa mga mata kong hanggang ngayon ay sobrang pula pa. Mukha na akong zombie. I look like a fool last night. Acting tough and strong, but ending up crying like hell. Nakakahiya. Buti sana kung walang nakakita, buti sana kung ako lang, at least sarili ko lang ang pwedeng magtawa sa katangahan ko kagabi, pero Kian was there. Patuloy ako sa paglalakad ng hindi nakatingin sa harapan ko ng biglang may makabangga ako. Natumba ako at napaupo sa sahig. Pagtingala ko, estudyanteng naka mini-skirt. "Oh, look at these. Aren't you the girl who looked like a fool last night? Oh, let me rephrase it, aren't you the squishy girl who always looked like a fool? Masarap ba ang cake?" she said while she smirked.

Hindi ako sumagot. Sa halip, tumayo ako sabay lakad ng deretso. "Look at her, mukhang hiyang-hiya na siya. Di rin naman nakapagtataka, sino ba naman ang hindi kung makikita mo ang boyfriend mong may kahalikan na iba? Oops, not his boyfriend, actually ang inaakit niya." sabi niya sabay tawa ng pauyam.

"Excuse me. Wala akong planong aksayahin ang oras ko." sabi ko. Tumawa siya ng pauyam. "I don't even like talking to you. Get out of my face before I slap you." Nainis na ako. "Pwede ba tigilan mo na ako!" sabi ko sabay kunot noo. "Yeah sure! Pero bago ko gawin yan, I have a show for you." tapos bigla siyang humarap sa maraming tao.

"Attention ladies and gentlemen, apparently this girl right here is so poor. And oh, alam niyo bang nagmukha siyang MAS tanga kagabi? Why? because --"

Di ko na siya pinatapos sa pagsasalita, tumakbo ako, wiping these damn tears. ------------------------------

[[Kriscelle's POv:]]

Nobody's gonna' get away from my grasp. Not the wisest person, not even Rash. Kagabi, nung nasiguro kong nakarating na siya sa venue, I readed everything. Actually, it was not a royal ball, it was a freaking POOL Party.

At sino ang tangang magsusuot ng ball gown sa isang pool party? Wala siguro. No, meron. Si Rash. She's too naive and annoying. Kung akala niyang ligtas na siya, then she thought wrong. Kakasimula ko pa lang. Kara did came home. Of course, nobody can say no to Kriscelle. There's no way Kara would say no to the person who gave her everything she needed. She would always follow me for I am the reason why she is Kara today. Without me, she's nothing.

I gave her everything she needed. I even gave her MUCH MORE. MUCH MUCH more than she can ever imagined she can have. I gave her the love of her life.

Pinulot ko ang baso ng alak mula sa side table ng private office ko. Gaya ng plano ko, nakita ng tangang Rash ang lahat. Mula sa pag-akyat ni Dylan sa stage hanggang sa paghalik ni Kara kay Dylan. Well, I need not script the last part, I knew Kara's craving for Dylan. It has been quite long. I saw her, step back and slowly walk away. As planned, one girl stepped on her epic ball gown causing her to land at the cake, face-first.

How pathetic. But there's no way that I'll show mercy. Ako lang ang dapat tinitingala ng lahat. Ako lang.

Nilapag ko ang wala ng lamang baso so mesa at pinulot ang bag ko. It's time to show myself to the public. Today is going to be a great day for me. No useless people in the way, NO RASH to worry about.

Before I finally leave my private room, I left one glance at the picture rested on my table.

"Ate, I promise to get rid of that girl. Di kita tinuturing na kaaway, sa ngayon mas pipiliin ko pang andito ka kesa, aaligid-aligid ang kating yan dito." ----------------------------------

I walked confidently on the hallway. I can see how every student would look at me as if they would give all their wealth just to be in my shoes. I gave out a lope-sided smile. Now, this is what I usually feel. Binaybay ko ang daan papunta sa Club Room. Gotta' check the club. Pagbukas ng elevator sa 4th floor, I stepped out and fixed my hair.

Ang tanging maririnig lang mula sa hallway ay ang tunog ng sapatos ko habang papalapit ako sa Club Room. I stopped and eyed the door. Itutulak ko na sana pabukas ang pinto ng may maulinigan akong usapan mula sa loob. Tutuloy na sana ako sa pagpasok ng marinig ko bigla ang pangalang sinumpa ko. RASH.

Now, I smell something fishy here..

Dinikit ko ang tenga ko sa pinto. Well, I believe that I deserve to know. I gave out a sly-smile.

Ilang sandali lang ay mauulinigan na ang pag-uusap ng dalawang tao mula sa loob.

I can't be wrong. Si Claudette nga at Patricia ang nasa loob.

"I never saw this coming Pat." boses ni Claudette. "Me either. Akala ko, magiging okay na ang lahat." sagot ni Patricia.

"Ngayong nakabalik na si Kara, things became too complicated for Rash. She can't even admit it to herself yet."

I raised one eyebrow. Now this is getting interesting.

"Ngayong bunyag na na hindi talaga sila, I can't imagine what would happen if they found out that Rash is Dylan's babysitter." giit ni Claudette.

Babysitter.. Wait, babysitter?!

Tumindig ako mula sa pakikinig sa pinto.

I finally had my puzzle completed. Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko. It would be a lot easier right now.

"Hello? Yeah. It's me. I believe it's time to visit Dylan's home." I said with a smile.

-------------------------------------------

[[Rash' POV:]]

Tumakbo ako palabas ng gate ng school. Ayoko na munang pumasok. Di rin naman ako makakapag-isip ng maayos. Sumakay ako ng taxi papunta sa lugar namin noon. Saktong pagbaba ko, nakita kong nasa labas ng bahay ang mama ni Kadness at nagwawalis.

Huminga ako ng malalim.

Kailangan ko ng makakausap. At alam kong Kadness won't fail me.

"Raaaaaaaaaash!" tili ni Kadness habang yakap-yakap ako. "Oo, ako nga to. Luwag-luwagan mo ng koti pag may time ah. Di na ako makahinga." sabi ko.

Bumitaw naman siya sabay tawa ng pakikay. "Oh, kamusta na ang bestfriend ko?"

"Okay naman." sabi ko sabay yuko.

Nabigla ako dahil hinawakan ni Kadness ang kamay ko. "Tingin ko hindi." Napaiwas ako ng tingin. Ayokong salubungin ang mga mata ni Kadness. Alam kong mababasa niya na mabigat ang dinadala ko ngayon.

"Halos sabay tayong pinanganak, at halos magkasabay rin tayong lumaki Rash, kaya walang rason para magdalawang-isip kang magkwento sa akin." seryosong sabi ni Kadness. Doon na ako napatingin kay Kadness. Kahit kelan talaga, di ako nagkamali sa pagpili ng kaibigan.

"Well, she's back.." "Sino? at baka naman may plano ka ring ikwento sa akin ang dahilan kung baket maga yang mga mata mo ngayon? Ano? May nang-away ba sayo? Tara, resbakan natin!" sabi ni Kadness sabay pose ng parang boxer. Napatawa ako ng mahina. "Wala. Minalas lang ako."

"Grabeng malas naman yan." sabi ni Kadness. "Pero Rash, aminin mo sakin, umiyak ka ba dahil kay Dylan?" Pinilit kong tumawa kahit halatang peke lang. "H-hindi ah.Yun iiyakan ko.. imopsible, magsasayang lang ako ng luha at lalaki pa ang eyebags ko kung iiyan ko si--" pero biglang may tumulong luha mula sa mga mata ko. Napatigil ako sa pagsasalita.

Mabilis kong pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata ko. "Wala yun. Baka may tubig lang mula sa taas." sabi ko sabay ngiting alanganin.

Pabiro akong tinampal ni Kadness sa noo. "Stop lying to me Rash. Di ka magaling." Napayuko na ako. "B-bumalik na siya.." sabi ko sa mahinang boses.

"Siya ba? Yung napag-usapan sa camp? Yung kamukha mo raw?"

Marahan akong tumango. "Kagabi, nagkita uli sila. Mukhang miss na miss nga nila ang isa't-isa." matapos kong sabihin yun ay gumuhit sa labi ko ang mapait na ngiti. "I bet masaya na si Dylan." "Then why so sad?" tanong ni Kadness. Natigilan ako. "H-hindi ah.. Masaya nga ako kasi masaya si Dylan. Chaka, kasama na niya ang mahal niya. Yung amin, wala lang yun." sabi ko. "Wala lang nga ba?"

Natahimik ako sa tanong ni Kadness, kahit kelan talaga, alam ni Kadness ang mga tanong na mabibigla ka.

"Oo naman. Tyaka, di ko naman yun gusto eh.." sabi ko ng hindi nakatingin kay Kadness. "Hindi mo siya gusto? Baket Rash.."

"..dahil ba MAHAL MO SIYA?" nabigla ako sa sinabi ni Kadness. "H-hin-- Imposible." sabi ko.

"Walang imposible Rash. Kilala kita, bawat hinga mo, alam ko. At alam kong mahal mo si Dylan. Ayaw mo lang aminin o mas tamang sabihing natatakot kang aminin."

Mahal ko nga ba si Dylan? Pumikit ako at unti-unting nagbalik sa isip ko ang mga nangyari noon. How we started as the worse enemies. How I would feel so amazing tuwing naiinis ko siya. How I took the habit of taking care of him. How I got used to seeing him every morning and everynight. The feel of his hand enveloping mine. Those sweet stolen kisses. Napangiti ako ng marahan. Pero nawala rin ito ng maalala ko ang nangyari kagabi. I remembered how shattered and broken I felt last night. When I saw that girl stand right behind Dylan. Yeah, she really looks like me. Kaya hindi imposibleng kaya lang ako nagkaron ng parte sa buhay ni Dylan ay dahil sa kamukha ko si Kara. I was nothing but a mere replacement.

"Now, sabihin mo sakin Rash.. kung mali ba ako. I've never seen you laugh like you did when you're with hime, at mas lalong di kita nakikitang iniiyakan ang isang bagay na hindi importante sa kanya. Ngayon Rash, sabihin mo saking hindi mo mahal si Dylan." Kadness said. I looked at her then spoke.

"If this is how it feels to fall inlove, then maybe you're right. Mahal ko nga si Dylan."

---------------------------------------

NP: "Sort Of" Baby you've got the sort of hands to rip me apart And baby you've got the sort of face to start this old heart But your eyes are warning me this early morning That my love's too big for you my love Baby you've got the sort of laugh that waters me And makes me grow tall and strong and proud and flattens me I find you stunning, but you are running me down My love's too big for you my love My love's too big for you my love And if I was stronger then I would tell you no And if I was stronger then I will leave this show And if I was stronger then I would up and go But here I am and here we go again Baby you've got the sort of eyes that tell me tales That your sort of mouth just will not say, the truth impales That you don't need me, but you won't leave me My love's too big for you my love My love's too big for you my love And if I was stronger then I would tell you no And if I was stronger then I will leave this show And if I was stronger then I would up and go But here I am and here we go again Tell me what to do to take away the you? And if I was stronger then I would tell you no. And if I was stronger then I will leave this show And if I was stronger then I would up and go But here I am and here we go again

Nasa unit na ako ngayon. Back to normal ika nga. I will stay here hindi dahil sa realisasyong nakuha ko kanina back when Kadness made me realize what I trully felt inside kundi dahil sa ito ang trabaho ko. Mula sa pagkakaupo sa kama ko ay nagtungo ako sa pinto para ipaghanda ng dinner si Dylan. Mayamaya ay uuwi na yon. Back to zero lang Rash. I would act as if nothing happened. Pero di ko kakalimutang wala na lang ako sa buhay ni Dylan. I would be the same Rash back when I entered here.All serious work. Nothing more nothing less. I've figured out that this is the best way to protect myself.

Biglang tumunog ang doorbell. Baka si Dylan. Pero kelan pa nag-doorbell si Dylan? Eh siya nga may-ari ng unit na to eh. Pero baka naman tinatry lang niya. Malay naten diba? So I removed my aprons at naglakad palapit sa pinto. "Saglit lang, andyan na." sabi ko.

Huminga muna ako ng malalim. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko! Kalma Rash, umayos ka. Hindi ikaw ang gusto ng taong mahal mo! Kausap ko sa sarili ko. Pinihit ko ang doorknob at hinila ito pabukas.

"Oh, kamustang scho--" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang taong nasa harap ko ngayon.

"Oh, hello, is Dylan around?"

Para lang akong nanalamin. Mas matangkad nga lang siya sa akin. Ngayon, naalala ko na namang imposibleng maging prioity ako ni Dylan. I would never be his first love. Babysitter lang ako, nothing more nothing less.

At alam kong kahit kelan, di ako titignan ni Dylan gaya ng kung paano niya tignan ang babaeng nasa harap ko ngayon.

Hindi kahit kelan.

VOTE, COMMENT, REVIEW ;"> x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x A/N: Hey guys! ^^ Sorry sa late UD. Medyo maikli lang to. Nagpilit lang ako magsulat kahit halos itali na ako sa kama ni ":)" para magpahinga lang. Hakot-sakit awardee eh. >_< Pero okslg :)))) Malapit na tayo mag-300K reads! Ang saya! Yey! :)) Thank you sa support niyo! :P - Author :3 *******************************************

[37] Chapter 36 :) - Bridge to the Past ******************************************* Chapter 36 :) - Bridge to the Past

"Hello, is Dylan around?" nakangiti niyang tanong.

Matangkad siya, maputi, maganda, sobrang ganda. she stood in front of me looking really stunning without the effort.

"Is Dylan around?" ulit niya.

Napakurap-kurap ako. Tapos narealize kong di ko pa pala nasasagot ang tanong niya.

"Ah.. wala pa eh. Baka nasa school pa yun." sagot ko.

"Oh, I see.. uhm, could you do me a favor? Can you please let him know that I came?" she said with a smile.

Marahan akong tumango. Lumapad naman ang ngiti niya.

"Thank you. By the way, kaanu-ano ka pala ni Dylan?"

I was silent. Di ko alam ang isasagot ko. Di ko a--

Pero biglang nagring ang phone niya.

"Excuse me, I have to take this." tapos medyo lumayo siya ng onti. Pagbalik niya, nakangiti na naman. Ang ganda niya lalo, para tuloy akong nanliliit. Anong laban ko sa kanya? Bukod sa maganda talaga si Kara, siya pa ang mahal ni Dylan.

"Sorry, I can't take long. Anyway, I guess, I'll be back. Thank you." then she turned her back and walked chin-up palayo sa unit.

Naiwan akong nakabungad sa may pinto ng unit. There, I finally saw the girl Dylan loves up-close. At walang rason para hindi siya magustuhan ni Dylan.

Nanghihinang bumalik ako sa loob ng unit at naupo sa sofa. Idinantay ko ang leeg ko sa gilid at ipinikit ang mga mata ko.

This may really be the consequence of falling inlove. Knowing pain and living in it.

-----------------------------

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Sa nanlalabong paningin ay inaninag ko ang taong nakaharap sa akin ngayon.

Nakaidlip pala ako. Ang alam ko, parang may tao na nakatingin sa akin ngayon. At parang kamukha nga siya ni Dylan.

Kinurap-kurap ko ang mga mata ko..

Teka.. hindi kamukha.. SI DYLAN NGA! Parang binundol sa kaba ang dibdib ko. Dios ko, ganito pala yun? Makita ko lang siya, feeling ko, tumatakbo sa marathon ang puso ko sa bilis.

Napabalikwas ako ng bangon, at dahil sa kaba ay natulak ko siya. Nawalan siya ng balanse at naglanding sa sahig.

Nataranta naman ako this time. Napatalon ako ng mabilis mula sa sofa at inalalayan siya patayo.

"O-okay ka lang??"

Nakangiwi si Dylan. Mukhang hindi nga.

Tumayo ako para kumuha ng medicine kit pero bago paman ako makalayo, bumalik na naman ako sa pag-upo. Narealize ko na kelangan ko pa munang tulungan si Dylan para maiupo siya. Ang tanga ko talaga >___<

"Sorry talaga. Nabigla lang ako. Tapos pumasok ako sa isa sa mga kwarto para kunin ang medicine kit. Baka kasi may masakit kay Dylan.

Pagbalik ko, nakaupo lang siya sa sofa habang nakapikit ang mga mata.

"San ang masakit sayo?"

"Wala."

"Dylan naman eh, nakangiwi ka, tapos okay lang?" sabi ko tapos marahas kong hinablot ang isa niyang kamay. Napangiwi siya. Nang chineck ko ay namumula na ang sa may parteng siko niya.

Napapikit ako. Ang tanga ko. Kasalanan ko kaya to. Walang-imik na ginamot ko ang sugat. Buti na lang at walang dugo, kundi mas nauna pa siguro akong mahimatay kaysa sa may pasa na si Dylan.

"Sorry talaga kung natulak kita ah? Nabigla lang ako. Sino ba naman kasi ang may sabi sayong tumambay ka sa harapan ko. Naalimpungatan ako kaya syempre na---"

Pero bigla niyang pinitik ang ilong ko ng marahan.

Napahawak ako sa ilong ko.

"Ano ba? Ba't ka namimitik ng ilong?!" reklamo ko.

He just smirked. "Ikaw na nga may kasalanan, ikaw pa nagagalit?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Baket? Ako ba nag-utos na tignan ako habang natutulog?" ganti ko naman.

"Sino nagsabi sayong tinitignan kita? I just took a glance kasi ang pangit mo tignan matulog. Tulo laway." he answered then gave me a knowing smile.

Namula ako. "Shit ka!" tapos diniinan ko ang pagdantay ng bimpong may mainit na tubig sa siko niya.

Napigtad siya sa sakit. Ngumisi naman ako. Pero bigla niya akong kinurot.

Ang sakit ng pisngi ko!

Tinampal ko ang kamay niya. Pero ayaw niyang tumigil.

"A-ano ba Dylandan! Bitiwan mo pisngi ko.." sabi ko ng nakapikit.

"I won't."

"Bitaw sabi eh." sabi ko ulit.

"I said I won't."

I'm trying to pull back. Napasobra ata ang lakas ko kaya natumba ako sa sahig.. at..

KASAMA SIYA!

Nakapangibabaw siya sa akin, samantalang ako, namimilog ang mga mata sa bigla.

Napatitig ako sa mga mata niya. Parang nalulunod ako sa titig niya. I'm starting to feel breathless..

Nakita kong lumipat ang tingin niya sa labi ko, lalong lumakas ang pintig ng puso ko. Syet lang, traydor na puso!

Unti-unting lumiit ang espasyo sa pagitan namin hanggang gasinulid na lang. Nabibingi na ako sa malakas ng tibok ng puso ko.

Biglang tumunog ang buzzer. Napatigil siya. Parang nagising rin ako. Pulang-pula akong lumayo at nagkunwaring walang nangyari.

"A-ah.. ako na magbubukas."

Tinungo ko ang pinto at binuksan ito, pero parang tumakas ang malakas na pintig ng puso ko ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

..Si Kara.

"Ah.. ikaw pala, Dylan.. may bisita ka." sabi ko sabay iwas ng tingin. Parang binigyan lang nga ako ng konting panahon para sumaya.

Tumayo si Dylan at lumapit sa pinto, I saw how his emotions changed nang makita niya ang bisita niya. And I felt a tingling pain inside.

Pinatuloy niya si Kara at pinaupo. I offered to prepare food for them at tumango naman si Dylan. Mas mabuti nang ganito na may ginagawa ako kasa hayaang malunod ang sarili ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Bago ako tumalikod para pumasok sa kitchen, the last thing I saw was Kara holding Dylan's hand.

Pinikit ko ang mga mata ko, darating kaya ang panahon na masanay ako sa sakit?

---------------------------

[[Dylan's POV:]]

Napapansin kong these past few days, nawawalan na ng imik si Rash. Alam nating lahat na mas maingay pa yan sa limampung-taong dumdakdak ng sabay-sabay kaya hindi ako sanay na walang imik si Rash. It started 3 days ago.. the day after nung akala kong nakita ko siya sa victory party. Hindi ko alam kung siya ba talaga yun o guni-guni ko lang ba. I thought I just saw her standing right next to a mini-tree.

But when I asked her if she was really there, she answered that she wasn't.

Pero iba parin ang pakiramdam ko. It's as if, I really did saw her. And was she crying?

"Dylan, you see, I'm sorry for what I did that night. I just missed you." boses ni Kara.

Bumalik ang lumilipad kong gunita sa kausap ko ngayon. Oo nga pala no? Andito na si Kara. And she's apologizing for just kissing me right therer and then back at the victory party.

I openly told her that I'm not okay with what she did. Because I believe hindi naman tama ang maghalikan sa harap ng maraming tao.. and yeah, partly for I thought Rash was there. It's like she was looking at us when Kara kissed me. Di ko alam kong nag-iimagine lang ba ako.

"Let's forget about that, just don't do things without thinking about it okay?" I said calmly. I can't raise my voice on her.Kahit papano ay siya si Kara.

Yeah, I was overly shocked to see her at the victory party. What I knew is that matagal pa bago siya bumalik. Matagal-tagal na rin kaming walang contact. Then what? She would just come back that sudden.

Pero nakakatuwang makita siya.

I looked at her, this is the girl whom I fell inlove with and she's back. But.. why is it that I don't feel the same beating like before? Or maybe di ko parin ma-absorb na bumalik na talaga siya.

I'm still not sure.. Isa lang ang alam ko, na-miss ko rin naman si Kara.

I closed my eyes for a little while. Then flashes of Rash' face appeared. Nabigla ako. Now, what about that?

She doesn't hate me, pero di rin naman niya ako gusto.

I looked at Kara, what now Dylan? Bumalik na si Kara, pero baket parang iba na ngayon?

-------------------------------------

[[Rash' POV:]]

Huminga muna ako ng malalim bago ako lumabas ng ktchen dala ang tray ng pagkain para kina Kara. Naabutan kong nagtatawanan silang dalawa. Iniiwas ko ang tingin ko. Nakayukong pinatong ko ang tray sa center table at akmang tatalikod na sana ng biglang magsalita si Kara.

"Oh, by the way, nakakainis ka Dylan, kanina pa ako dito pero baket di mo man lang kami pinakilala sa isa't isa."

Napatigil ako. Shet, di ko kaya to.

"Oh, sorry. Rash, halika muna."

Humarap naman ako. Syempre, ang pangit naman kung di ako haharap.

Nakayuko parin naman ako.

"Rash, this is Kara.. Kara, this is Rash." Dylan said.

Namaywang si Kara, "Yun na yon? Ikaw talaga Dylan" sabi niya sabay tampal sa balikat ni Dylan. Sige, kayo na sweet. Sabi ko sa isip ko.

"So, how are you two related to each other Rash?"

Parang nanigas ang katawan ko. Ano na? Ano na ngayon ang isasagot ko?

"A-ano.. I'm hi--"

"She's my personal assistant. Mom hired her." deretsong sagot ni Dylan. Daig ko pa ang nasampal don.

Nakita kong ngumiti si Kara. "Now, I'm relieved. At least I know, I don't have anything to worry about, right Rash?" Kara asked me while smiling.

Ngumiti naman ako. Kahit pilit lang.

"Excuse me, papasok muna ako sa room ko, kaylangan ko pa kasing mag-aral. May exam kami bukas." palusot ko. Wala naman talaga kaming exam. I just felt the need to get the hell out of here. Tama na muna to lahat.

Tumango si Dylan, while Kara waved goodbye. "Don't worry Rash, ako na muna mag-aalaga kay Dylan." then she gave Dylan one slice of cake.

I turned my back at pumasok na sa kwarto ko. Pagdating ko sa loob, humiga ako sa kama at tumitig sa kisame.

Nang dumating si Kara, nagbago na ang lahat, kung noon halos ipagsigawan ni Dylan sa buong mundo na "girlfriend" niya ako, ngayon iba na. Di niya magawang sabihin yon sa harap ng iisang tao. Sa harap ni Kara. Eh sino ba namang tanga ang gagawa nun diba?

Let's face it. everytrhing's gonna change little by little. It pains me, but I can't do anything about it.

----------------------------------

**Kinabukasan

Lutang ang isip na pumasok ako sa school. Mas lalo pa akong namroblema ng malaman kong prelem na namin next week. Ang bilis naman. >__<

Bitbit ang apat na makakapal na libro, naglakad ako papunta sa comm. room para isauli ang mga libro. Ang dudugas ng classmate ko eh, ako ba naman pinadala lahat. T___T

Pero mas mabuti na to, kesa tumunganga na naman.

Naglalakad ako sa hallway ngayon nang bigla ko na namang maaalala si Dylan. Parang biglang gusto ko siyang makita ulit.

Pero bigla ko ring inalog-alog ang utak ko, ano ba naman yan Rash, kahit hanggang dito Dylan parin. Nakakaloka na to. Nakaka--

"Ay! Palaka!" sabi ko, may nabangga ako kaya nahulog lahat ng libro kong dala.

Hindi ko pa nakikita kung sino ang nabangga ko ay nagsorry na ako agad habang pinupulot ang mga libro at iba ko pang dala.

"Naku, sorry po. Medyo lutang po kasi ako tapos nakaka-ewan pa. Sorry po talaga." sabi ko ng hindi tumitingin.

Napansin kong parang tumahimik bigla ang hallway. Ramdam ko ang tensyon.

Kaya naman, unti-unti kong inangat ang paningin ko.. nanlaki ang mga mata ko, Si.. Si Dr. Suarez! Ang may-ari ng school!

Napatayo naman ako agad sabay bow.

"Naku, sorry po talaga sir. Di ko po sinasadya, kung gusto niyo po akong parusahan, okay lang po. Malugod ko pong tatanggapin ang parusa ko. Si ko p--"

Pero narinig kong tumawa si Dr. Suarez. Kaya natigilan naman ako.

"Calm down, hija. It was an accident."

Natahimik naman ako.

"That was okay."

Ngumiti na lang ako habang nilalaro-lari ang mga daliri ko. "Sorry po talaga."

"No worries, I'm going ahead." he said. Pero tumigil rin siya tapos humarap uli sa akin ng nakangiti.

"You know, you really remind me of someone." then he started walking away.

Naiwan akong nagtataka. Sino na naman??

-------------------------

[[3rd Person's POV:]]

Ilang sandali ay makikitang papasok sa mansion ang kotse ng Dr. Suarez. May-ari ng Topline Academy at ama ni Kriscelle Suarez. Bumaba siya at nagderetso sa library.

Lumapit siya sa isang parte ng library na kinalalagyan ng mga libro. May tinulak lang siya at may nakitang secret lock. Binuksan niya ito at kinuha ang isang kahong di kalakihan.

Nakatingin siya sa isang picture mula sa loob ng kahon.

"You see, I met someone who reminds me about you. May ugali siyang tulad mo. She talks as fast as you do." napangiti si Dr. Suarez ng maalala niya ang estudyanteng nakabangga niya kanina.

"Pinapangako ko sayo, di ako titigil na hanapin si Sheeqa. Hanggat di ko pa siya nakikita, di ako susuko. Tama na ang siyam na taon na pagkakahiwalay namin. I wan't to have my two daughters with me. Alam kong matutuwa si Kriscelle kung makikita niya ang ate niya. I promise." giit niya.

Kinuha rin niya ang bagay na pinanghahawakan niyang maging susi para makita niya uli ang isa niyang anak.

Mr. Suarez closed his eyes. Holding the thing that connects him and his lost daughter.

A half-moon shaped necklace.

VOTE, COMMENT, REVIEW :">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X A/N: Hello dashers! A couple of chapters to go and we'll be saying goodbye to BTYM. more power! :)) P.S. Dashers, pa-follow naman sa twitter oh, pa-follow back ako ^^ @TsunTsunThei

******************************************* [38] Chapter 37 :) - Her Saviors *******************************************

A/N:

Nangangati na talaga ang kamay ko na matapos ang BTYM. I have another story in mind. XD Haha :3 Pasuyo naman, kung pwede pabasa nung isa kong story, Yung The Monster Who Stole My Heart. :3 Yenyuuuu. ^_^V Here's the next chapter. Hope you'll like it :)))

---------------------------------------------------------------------

Chapter 37 :) - Her Saviors

"Dylaaaaaan, breakfast mo. Bangon na." tawag ko sa alaga ko mula sa dining hall. Wala kaming pasok ngayon kaya hindi ko na ginising si Dylan ng maaga.

Unti-unti na rin naman akong nakaka-adjust sa katotohanang bumalik na si Kara. Paanong hindi? Eh, halos araw-araw eh, andito yun sa unit at binibisita si Dylan. I can see that Dylan is happy at kahit papano ay natutuwa na rin ako. Bahala na lang ang nararamdaman ko.

Ilang minuto na akong nakatayo malapit sa mesa at inaantay na bumaba si Dylan. Nababanas na ako, pero wala parin siya. Kaya nagmartsa ako papunta sa kwarto niya. Walang katok-katok, pumasok ako.

"Gising na, lalamig na yung pag--" Nanlaki ang mga mata ko bigla. He stood there, topless while drying his hair with a towel. Naaamoy ko pa ang aftershave niya.

"You're red.May lagnat ka ba?" he said.

I snapped out. "W-wala. Bumaba ka na. Lalamig na yung pagkain." sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Yeah. I will." tapos nagsuot siya ng shirt at humakbang papunta sa akin.. napaatras ako. Tuloloy parin ang lakad niya hanggang tumigil siya sa harapan ko.

Kung pwede pa lang matanggal ang puso ko sa kaba. Grabe, ayoko na sa ganitong pakiramdam.

"Kati, pwede usog ng konti. I can't get out kung nasa gitna ka ng daan." sabi niya then he pinched my nose.

Parang natauhan naman ako. Ay, hehe.. nasa gitna nga pala ako ng daan. Ang tanga ko talaga.

Namumulang umusog ako ng konti.

I heard him laugh. "Tara, sabay ka na sakin magbreakfast."

"Ay, hindi na. Okay lang ako, mamaya na lang ako kakain." Pagtanggi ko, baka kasi di na naman ako makakain ng maayos sa kaba. Presensya lang ni Dylan eh, parang natataranta na ako. >_<

"Tss, c'mon. Sumabay ka na." tapos hinawakan niya ako sa ulo at iginaya papuntang dining table. Nakayuko ako. Baka kasi may mabasa siyang kung ano sa mga mata ko.

Naupo kami sa magkabilang silya. Pero tumayo ulit ako para iabot sa kanya ang kanin. Trabaho ko parin to.

"You sit down Rash. Kaya ko na." sabi niya.

Ngumiti na lang ako. Ang akward, di ko alam kung paano magsisimula sa usapan. Tahimik lang akong kumakain.

"You seem to be really quiet Rash, may problema ba?" tanong ni Dylan.

Hayyyy.. ang hirap ng buhay. Di ko na alam kung ano gagawin ko. Bumuntong-hininga ako.

"Rash.."

Napaigtad ako. "Ano yun? May tinatanong ka?"

"You weren't listening to me are you?"

Hindi ako sumagot.

"Kanina pa ako salita ng salita dito." sabi niya.

Nagkamot ako ng batok. "Sorry, ang sarap kasi ng pagkain." sabi ko sabay ngiting pilit.

"Ang takaw mo kahit kelan kati, balyena ka na." sabi niya sabay bato sa akin ng parang bolang maliit.

Sumimangot ako. "Grabe ka! Anong balyena! Makapamintas to! Parang kung sinong macho, ang payatot mo nga eh. Bakla ka pa, baby. Bleah!" ganti ko naman.

Pero bigla siyang tumayo at malalaki ang hakbang na lumapit sa akin.

He held my chin at stared right into my eyes.

Nabigla naman ako. Eto na naman ang pamilyar ng tibok ng puso ko.

"Sinong bakla?" seryoso niyang tanong.

Pero sa kabila ng kaba eh, umiral parin ang pagka-tigasin ko. Sinalubong ko ang tingin niya at sumagot.

"I-KAW. Capslock para intense." sabi ko.

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Dumadagundong na ang dibdib ko dahil sa kaba. Syet, help!

Ang lapit na! Nang biglang napaigtad ako dahilan para mahulog ako sa silya at bumagsak ng paupo sa sahig. BAKET?

Hinipan niya ang tenga ko! Naninindig ang lahat ng balahibong tinignan ko siya ng matalim. Habang siya naman halatang pinipigilan lang ang sariling matawa sa posisyon ko.

"Sige, tawa pa Dylan. Pag ako nakabawi sayo, pagsisisihan mo!" sabi ko sabay simangot. Ang sakit ng balakang ko!

Inirapan ko siya. Pero tinawanan niya lang ako.

"Damuho ka!" sabi ko.

Inabot niya ang kamay niya at hinila ako patayo. "That's what you get for calling me gay." then he gave out a grin.

"Pero seryoso, I missed this." then he went back to eating.

ANO YON?

Biglang tumunog ang buzzer. Lumipad ang tingin namin sa pinto. Ako ang tumayo. Malamang, siya ang amo rito.

Pagbukas ko, sino pa nga ba? Eh di si Kara. May dalang kahon may ribbon pa. Cake ata.

"Goodmorning Rash."

Ngumiti lang ako at niluwangan ang bukas ng pinto.

Pumasok siya at nagderetso sa dining area. I saw her kiss Dylan's cheek. Umiwas ako ng tingin. Mukhang ako na talaga ang dakilang martyr. Nagmumukha na akong masokista.

Niligpit ko ang mga pinagkainan.

"By the way Rash, plano naming mag-mall ngayon ni Dylan. May lakad ka ba?"

"Wala naman." tipid kong sagot. Kahit naman di ako inaaway ni Kara, medyo uncomfortable parin ako sa kanya.

"Oh, that's good. Why don't you join us?"

Para ano? Para magmukhang chaperone ninyo? Wag na oi. Pero sa isip-isip ko lang naman. Walang imik si Dylan.

"Ah, hindi na muna siguro. Pero salamat sa offer." ganti ko.

"Pero akala ko ba wala kang gagawin. Deserve mo naman siguro ang mag-day off muna, diba Dylan?" sabi niya sabay baling kay Dylan ng nakangiti.

Tumango lang si Dylan.

"So, tara.. sama ka na samin."

Naku, isip ng palusot Rash!

"Ay, nakalimutan ko.. may lakad pala ako ngayon." palusot ko. Sana wag na siyang mangulit.

"Saan?"

"Sa-- bahay ng classmate ko, oo tama."

"Aww, I see. Sige, kung ganon.. next time na lang."

Ngumiti na lang ako kahit medyo pilit. It's better to not see them together. Parang sugat lang, hindi pa nga humihilom eh, masusugatan na naman.

-------------------------------

Mga 10 minutes na mula ng umalis sina Dylan. Habang ako, nagdahilang maya-maya pa ang alis ko. Buti na lang at naniwala sila.

Tutal, sinabi ko na rin lang na may lakad ako, aalis na rin lang ako. Magpapahangin. Sa dinami-dami ng mall rito, di rin naman siguro kami magpapang-abot no.

Kaya, nagbihis ako ng simpleng daamit at nagtaxi papuntang pinakamalapit na mall, mag-iikot ikot na lang ako don hanggang mapagod ang mga paa ko.

Pagkababa ko, eh pumasok ako sa NBS at nagsimulang magtingin-tingin sa mga libro doon.

Ang dami kong gustong basahin dito.

Kaya lang, baka kulangin ang pera ko kaya wag na lang.

Lumabas ako ng NBS at naglakad-lakad na naman. Hayyy, mukhang mahihilo na ako kakaikot dito ah. >_<

Ay, ayun may Zagu! Mabilis akong lumapit doon at pumila. Habang nakapila ako, ay iniikot ko ang paningin ko, medyo maraming tao ngayon kasi walang pasok nga naman.

Patingin-tingin parin ako sa paligid ng may mahagip ng mata ko ang isang pamilyar ng bulto na nakasandal sa wall ng isang botique.

Sinipat ko ng mabuti since he really looks familiar. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko, confirming the thing na kinakatakutan ko ngayon.

"Syete, si Dylan!" taranta kong sabi. Kaya mabilis kong iniba ang posisyon ko at nilugay ang buhok ko, matatabunan naman siguro ng buhok ko ang mukha ko no?

Ako na rin naman ang susunod rito sa Zagu eh, pagkabili ko, aalis na ako dito sa mall pramis!

"Here's your Zagu Ma'am, thank you." sabi nung babae sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Teka, pamilyar yung buhok niya. Pero bago pa man ako makapag-isip ay pumihit paharap ang babae at tumambad sa akin ang taong huli kong gugutustuhing makita.

"Oh, ikaw pala Rash. Akala ko ba, pupunta kang bahay ng classmate mo ngayon?"

Napipi ako bigla. Syete, paano ako lulusot ngayon?? Paano?

"Ah, hindi na kasi natuloy eh, kaya nag-mall na lang ako." palusot ko.

"Ganon ba? Mukhang wala kang kasama ngayon. Sabay ka na lang sa amin."

"Ah.. M--Meron akong kasama sabi ko."

"Oh? Where are they?" tanong niya ulit. Ang kulit naman neto!

"Ah.. ano.." sabi ko, Sino ang ituturo kong kasama ko??

Pinipilit kong mag-isip ng palusot ng biglang may dalawang taong tumabi sa akin sa magkabilang gilid ko at halos sabay na nagsabing..

"She's with me/ She's with me"

Napalingon ako sa magkabilang gilid ko.

Si Geo sa kanan at si Kian sa kaliwa! Nakita kong pati sila ay nabigla rin sa pagkakasabay nila ng pagsasalita. Bahagyang nagsukatan ng tingin.

"Uhm, sino ba talaga ang kasama mo?" naka-angat ang isang gilid ng labi na tanong ni Kara.

"Ahh.."

Tapos, sabay na namang nagsalita ang dalawa.

"SHE'S WITH US."

"Ah, so kayong tatlo pala ang magkakasama. Sige, kung ganon, maiwan ko na kayong tatlo, Dylan's waiting for me." then she waved goodbye.

Napayuko ako. Oo nga, Inaantay siya ni Dylan. Matagal na siyang inaantay ni Dylan actually.

"So, san tayo?" tanong ni Kian.

Lito naman akong tumingin sa kanya.

"No, Rash is going with me tol." tutol ni Geo.

"No, sakin siya sasama." sabat naman ni Kian.

Nagsukatan na naman sila ng tingin kaya pumagitna ako.

"Hep!Hep! Teka nga! Ba't kayo nag-aaway diyan? Sinabi ko bang sasama ako?"

Sabay silang nag-pout! Nashock naman ako kasi marunong pala silang gumanon! It's kinda' unusual!

"C'mon Rash, matagal na tayong di nagkikita." sabi naman ni Kian.

"And, you said yes nung inaya kitang lumabas diba?" sabi ni Geo. Biglang sumakit ang ulo ko. Medyo nawala rin sa isip ko ang mag-emo dahil kay Dylan.

Napabuntung-hininga ako. "Gusto niyong magliwaliw diba?"

Tango sila.

"Tara, hindi ako mamimili. Sabay tayong tatlo." sabi ko ng nakangiti.

--------------------------------

Nasa GameWorld kami ngayon. Naglalaro ng basketball.

"Ang daya niyo! Magaling kayo dito eh." reklamo ko. Tumawa naman silang dalawa.

"Tara, videoke tayo!"

Kaya ayun, nagkantahan na lang kami.

Pero natigilan na lang ako ng biglang tumugtog ang kantang pamilyar na pamilyar sa akin.

NP: A Thousand Years

Heart beats fast Colors and promises How to be brave? How can I love when I'm afraid to fall But watching you stand alone? All of my doubt suddenly goes away somehow One step closer [Chorus:] I have died everyday waiting for you Darling don't be afraid I have loved you For a thousand years I'll love you for a thousand more Time stands still Beauty in all she is

I will be brave I will not let anything take away What's standing in front of me Every breath Every hour has come to this One step closer [Chorus:] I have died everyday waiting for you Darling don't be afraid I have loved you For a thousand years I'll love you for a thousand more And all along I believed I would find you Time has brought your heart to me I have loved you for a thousand years I'll love you for a thousand more One step closer One step closer [Chorus:] I have died everyday waiting for you Darling don't be afraid I have loved you For a thousand years I'll love you for a thousand more And all along I believed I would find you Time has brought your heart to me I have loved you for a thousand years I'll love you for a thousand more

This song brings back memories. Back when everything was kinda' fine.. back when Kara wasn't here yet..

Noong di pa ganito kagulo ang nararamdaman ko.

Napayuko ako.

Napansin ata nina Kian at Geo ang pananahimik ko kaya, kaya pinatay nila ang tugtog at lumapit sa akin.

"Tara, kain tayo Frenchfries."

Ngumiti na lang ako. Salamat rito sa kanila. At least, alam nila kung pano mapapagaan ang loob ko.

Tumango ako.

Medyo padilim na, kaya nagdesisyon na akong magpaalam.

"Thank you talaga sa inyo ah." sabi ko.

Tumango naman sila.

"Ako na maghahatid kay Rash." sabi ni Kian.

"Deh, ako na."

"Ako sabi eh."

"Di nga ako nga eh."

"Walang maghahatid sa akin okay? Ayan na naman kayo, mag-tataxi na lang ako. I'll be fine." sabi ko.

Sabay pa silang bumuntong-hininga.

Natawa ako medyo sa naisip ko kaya di ko napigilang sabihin to sa kanila.

"Alam niyo, kanina ko pa napapansing lagi kayong sabay. Magbestfriends ba kayo or what? Pabiro kong sabi.

"Yeah. We actually are." sabi nila ng sabay tapos sinuntok ng pabiro ni Kian si Geo sa braso. Gumanti naman si Geo.

ANO?! "Ibig sabihin, magkakilala kayo?" mangha kong sabi.

"Yeah. Tropa ko to mula high school pero tingin ko, medyo magkakaproblema kami ngayon."

"Talaga? Baket?" taka kong tanong.

"Eh, pareho rin kami ng babaeng gusto." nakatawang sabi ni Geo.

"Ha?! Talaga?! Sino??" curious kong tanong.

Napatawa naman silang dalawa tapos sabay pang kinurot ang cheeks ko. "You're too clueless, kaya ka namin gusto eh." sabi naman ni Kian.

Lalo naman akong nalito.

"Ewan ko sa inyo. Sige, alis na ako, salamat talaga!" tapos pumara ako ng taxi at sumakay na.

Salamat. Kahit papano, medyo gumaan ang loob ko.

---------------------------------------

[[Dylan's POV:]]

Nakita kong papalapit na si Kara sa kinatatayuan ko, dito ko lang siya inantay since bumili siya ng Zagu.

"I'm back." masigla niyang sabi sabay abot sa akin ng isa pang Zagu. Tinanggap ko naman ito.

Nagsimula kaming maglakad-lakad ni Kara, hanggang ngayon ay hindi parin malinaw kung ano kami, parang ganito lang. Magkasama kami pero hindi rin naman kami officially. She's not opening up at parang ayoko pa rin namang buksan ang topic sa kanya. Pero alam ko namang mahalaga parin siya sakin. She's the girl I promised to spend my life with.

Napatingin ako kay Kara. Nakatutok ang paningin niya sa phone niya. Then I saw her smile.

"Sino yan?" tanong ko.

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Just a friend. Sabi niya.. uhm, shopping daw kami." then she immediately held my hand. Parang nanibago naman ako, her hand still fits to mine.. Pero, I really have this feeling na mas sakto parin ang kamay ni Rash sa kamay ko. Napatigil ako. Now, what about Rash?

Napabuntung-hininga ako. May nakasalubong kaming babaeng may dalang frenchfries at sundae. Napatigil na naman ako.Naalala ko tuloy noon nang pinakain ko siya sa isang fast-food chain, she really love frenchfries. Like she would die just to be able to eat one. Napangiti ako.

"What's wrong Dylan?" biglang sabi ni Kara.

"Aah.Nothing. May naalala lang ako bigla."

Tuloy parin kami sa paglalakad ng mapadaan kami sa Jollibee, may nahagip ang mga mata ko.

Si Rash. Nakangiti habang kumakain ng frenchfries. Akala ko ba pupunta siyang bahay ng classmate niya ngayon?

Pero lalo akong nabigla ng may kumurot sa pisngi niya..

Kian..

Naikuyom ko ang isa ko pang kamay. Now, my mood is totally ruined.

"Let's go home Kara." I said in a serious tone.

"Huh? Baket? Maaga pa nama--"

"I said, let's go."

Tapos nagpatiuna akong lumabas.

I don't care kung nandito man siya, what made me feel so damn bad is seeing her with Kian. Si Kian na naman. Fvck.

Saktong pagkasakay ni Kara sa kotse, ay pinaharurot ko ito.

----------------------------------

[[Rash' POV:]]

Haaaaay, birthday ko na pala sunod bukas no? Tatanda na naman ako ng isang taon. Pero parang ayaw kong mag-celebrate ng birthday ko, kasi kung kelan ang birthday ko, dun din binawi sa akin ang dalawang taong pinakamahahalaga sa akin. Si Mama at si Papa.

Di lang yun, mula nong araw na yon, di ko narin nakita ang nag-iisang taong kalaro ko. Si Lan.

Kaya naman, gaya ng dati, bibisitahin ko na naman ang lugar kung san kami naglalaro noon.

Baka sakaling makita ko ang taong halos siyam na taon ko ng inaantay.

VOTE, COMMENT, REVIEW :">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

******************************************* [39] Chapter 38 :) - Pinky Promise *******************************************

Chapter 38 :) - Pinky Promise

"Happy Birthday anak. Mahal ka namin." Mom said while hugging me. Ngumiti ako. Isa ito sa pinakamasasayang birthday ko sa buong buhay ko.

May inabot si Papa sa aking regalo. Nakangiti ng ubod ng tamis ko itong tinanggap.

"Salamat po. Mahal ko rin po kayo."

Lumapit silang dalawa sa akin at niyakap nila ako ng mahigpit. Tipong yakap na kahit kelan ay di ko gugustuhing matapos

---------------------------------

Nagising ako dahil sa isang pagsabog.

Kahit hirap, pinilit kong aninagin ang paligid. Madilim pa non, kaya hirap akong makakita. Pero kahit ganon, malinaw sa akin ang hirap-na hirap na itsura ng mga magulang ko habang yakap-yakap nila ako na tila pinoprotektahan mula sa panganib.

Hindi ko pa man lubusang maunawaan kung pano nangyari ang bagay na yon, kusang tumulo ang luha sa mga mata ko.

"M-ma.. a-anong nangyari??"

"A-anak.. lagi m-mong t-tatandaang m-mahal n-na m-mahal k-ka n-namin.." sa musmos kong pag-iisip, alam kong nahihirapan si mama. Maraming dugo.. kahit si mama, nagsusuka na rin noon. Nanginig ang buo kong katawan..

"M-ma.. w-wag niyo akong iiwan.."

"A-anak.. m-masaya ako kasi ikaw ang anak ko.. m-mahal na mahal k-kita." tapos nakita kong hinahabol ni mama ang hininga niya.

Tapos hinawakan niya ang pisngi ko.

"A-anak.. s-sakali pag lumaki ka na.. m-mapatawad m-mo s-sana a-ako.. kailanman, h-hindi ko g-ginusto ang n-nangyari..

"M-ma? H-hindi kita maintindihan.."

Pilit na ngumiti si Mama. Tapos may pilit siyang inaabot sa akin.. tinanggap ko naman. Hindi ko naiintindihan..

"H-hanapin mo ang taong nagmamay-ari ng kalahati niyan..siya ang sasagot sa lahat ng mga tanong mo.."

Niyakap ko ng mahigpit si mama. Nakita kong pilit siyang ngumiti tapos ang huli kong alam.. may dugong tumulo sa pisngi ko.

Dugo ni Mama..

Napabalikwas ako ng bangon. Pawisan ako habang hinahabol ko ang hininga ko. Napanaginipan ko na naman..

Gumalaw ako para bumaba ng kama ko.

"I guess, that wasn't the best birthday I've ever had.. binawi ng araw na to ang lahat ng meron ako."

Tumayo ako at marahang naglakad papunta sa banyo.

17 na ako ngayon, pero halos sampung taon ko na ring hindi sinicelebrate ang birthday ko. Para ano pa? Maaalala ko lang kung paano ninakaw sa akin ang araw na dapat masaya kaming magkasama. Kung panong sa pagtatapos ng araw ng birthday ko, ay siya ring pagsisimula ng buhay ko na wala na sila mama.

Bumuntong-hininga ako.

"Ngiti Rash! You just have to make yourself busy today." I smiled.

Pagkatapos ko maligo ay bumaba na ako para ihanda ang breakfast ng alaga ko. Tamang-tama, maaga pa, mukhang tulog pa yun ngayon.

I was humming habang patungo ako sa kusina. What to cook for today?

Omelet na lang siguro. Madali lang eh.

Sinaksak ko ang earphone ko sa magkabila kong tenga at sinimulan ko ng magluto.

NP: Fireflies You would not believe your eyes If ten million fireflies Lit up the world as I fell asleep 'Cause they'd fill the open air And leave tear drops everywhere You'd think me rude But I would just stand and stare I'd like to make myself believe That planet Earth turns slowly It's hard to say that I'd rather stay awake when I'm asleep 'Cause everything is never as it seems 'Cause I'd get a thousand hugs From ten thousand lightning bugs As they tried to teach me how to dance A foxtrot above my head A sock hop beneath my bed The disco ball is just hanging by a thread (Thread, thread...) I'd like to make myself believe That planet Earth turns slowly

It's hard to say that I'd rather stay awake when I'm asleep 'Cause everything is never as it seems (When I fall asleep) Leave my door open just a crack (Please take me away from here) 'Cause I feel like such an insomniac (Please take me away from here) Why do I tire of counting sheep? (Please take me away from here) When I'm far too tired to fall asleep (Ha-ha) To ten million fireflies I'm weird 'cause I hate goodbyes I got misty eyes as they said farewell (Said farewell) But I'll know where several are If my dreams get real bizarre 'Cause I saved a few and I keep them in a jar (Jar, jar, jar...) [2x] I'd like to make myself believe That planet Earth turns slowly It's hard to say that I'd rather stay awake when I'm asleep 'Cause everything is never as it seems (When I fall asleep) I'd like to make myself believe That planet Earth turns slowly It's hard to say that I'd rather stay awake when I'm asleep Because my dreams are bursting at the seams

-------------------------------------------------------

Napangiti ako sa kanta, nakakagaan ng pakiramdam. Ilang sandali lang ay sumasabay na ako sa kanta habang nagluluto.

Eksaktong natapos ko ang kanta ay hinanda ko na ang lahat. Inayos ko na ang mesa at tatawagin na sana si Dylan ng makita ko siyang nagmamadaling bumaba ng hagdan.

Pinulot niya ang bag niya at sinukbit ito sa isang balikat.

"Gotta' go." he said.

"Teka, kumain ka muna." tawag ko sa kanya.

Pumihit siya at lumapit sa dining table, sumubo lang siya ng konti at uminom ng juice.

"Salamat sa pagkain." He said then started walking away.

"Nagmamadali ka ata?" pahabol ko.

"It's Kara's birthday." her said while smiling from ear to ear.

Napatango na lang ako. Eksaktong labas niya ay napayuko ako.

"Tama, kabirthday ko nga pala si Kara." Inaamin kong I was half-expecting na kahit bati man lang ay may matanggap ako mula kay Dylan, pero I guess sa huli, mali parin ang mag-assume ng sobra sobra.

Ngumiti ako ng pilit.

"Sayang naman tong niluto ko, kakainin ko na lang." umupo ako sa mesa at nagsimulang sumubo. I guess, this is another year alone huh?

----------------------------------

[[Dylan's POV:]]

I woke up quite earlier than my usual time of waking up. Kelangan ko kasing pumunta kina Kara, you see birthday niya ngayon. I'll just surprise her.

Pagbaba ko, napansin kong nakatingin sa akin si Rash. Magpapaalam na sana ako ng bigla siyang magsalita.

"Kumain ka muna."

Nabaling ang atensyon ko sa inihanda niyang pagkain.

Lumapit ako at sumubo ng konti. It would be an offensive thing if hindi ko titkman man lang ang inihanda ni Rash. Ayokong magtampo siya sa akin.

Napangiti ako. Ang sarap talaga magluto ni Rash. Naalala ko sa kanya si Kara, back when we were still playmates at the park, lagi niyang sinasabi sa akin na gusto niyang magluto. Nakapagtataka lang ngayon na parang ni konti eh, walang alam si Kara sa pagluluto.

After non eh, umalis na ako. I would be late.

Pagdating ko sa bahay nina Kara, ay pinagbuksan kaagad ako ng gate ng mga katulong nila. They knew me to be Kara's chilhood friend.

Bumati lang ako sa mga nakakasalubong ko at nagtanong kung asan si Kara. They told me she was still in her room.

Nakapagtataka, birthday na birthday niya eh, tulog siya ng tulog. Kaya, nag-decide akong gisingin na siya. Magbebreakfast kami together.

Kumatok ako ng ilang beses pero walang sumasagot. Nakapagtataka. Sinubukan kong pihitin ang seradura only to discover that it is not locked. I gently openned the door.

Nakita kong natutulog pa si Kara. Lumapit ako at tinignan ang mukha niya. Parang may iba sa mukha niya. Di ba maayos ang tulog niya at parang worried ang expression niya?

Isinantabi ko ang ideyang yon at marahang tinapik sa pisngi si Kara.

Umungol siya at unti-unting binuksan ang mga mata niya.

Realizing na nasa harapan niya ako, ay napalikwas siya ng bangon.

"D-dylan.. anong ginagawa mo rito?"

"Well, masama na bang bisitahin ang birthday girl?" sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "What are you talking about? Today is not my--" tapos napatigil siya. Ako naman ang nalito.

"what?"

"W-wala. I mean, thank you for coming. Ang saya ng simula ng birthday ko." Then she hugged me.

Ngumiti lang ako.

"Tara, breakfast tayo?"

Tumango siya sabay ngiti.

Sabay kaming bumaba at nagtungo sa dining area. May nakahanda ng breakfast para sa amin.

Pero nagtataka lang ako kung baket tila hindi alam ng mga katulong niya na birthday niya ngayon.

Kaya naman nagsalita ako, "Why don't you greet you're Ma'am Kara, it's her birthday today." I said while smiling. Pero nagtaka ako ng makita kong parang nalito sila.

"eh, hindi naman po ngayon--"

"Oh, I guess she forgot, Ana, ikuha mo muna kami ng tubig." then she eyed her. Nakita kong tila nanginig ang isa nilang maid. Pero di ko nalang pinansin.

"Uhm, so what do you want to do today?" I asked her.

"Actually, di ko rin alam." she answered.

"How about dinner?"

Tumango siya.

After naming magkwentuhan ay nagpaalam muna ako saglit.

"See you later Kara, may pupuntuhan muna ako." I said.

"Where?"

"I'm gonna visit an important place."

---------------------------------

[[Rash' POV:]]

As planned, eh nagbibihis na ako. Ngayon, after 10 long years ay bibisitahin ko ang lugar kung saan ako madalas maglaro noon. Nalaman ko nung isang araw na malapit ang park na yun rito sa condo nina Dylan. I was really happy. Dahil matapos ang mahabang panahon, makikita ko na uli ang playground.

Nang matapos na ako ay nakangiting lumabas ako ng unit. Huminga ako ng malalim. Gagawin kong masaya itong araw na to!

"Morning."

Napalingon ako. Si Geo sabog ang buhok at halatang bagong gising pa. Nasa katabing unit lang ang unit niya.

Nakangiting bumati ako. "Morning rin Geo."

"May lakad ka?"

"Oo eh, may bibisitahin lang ako."

"Gusto mong samahan kita?" anyaya niya.

I shook my head.

"Wag na. Saglit lang din naman ako."

Nagpaalam na ako at sasakay na sana sa elevator ng biglang tawagin ako ni Geo.

"Bye Ganda, Ingat ka, baka matapilok ka."

Kumunot naman ang noo ko. "Ano?"

"Baka kasi, matapilok ka't mahulog ka sa puso ko."

I stucked my tongue out, kahit kelan talaga, puro kalokohan lang ang alam gawin nitong si Geo.

Nang makalabas ng ako ng building ay pumara ako ng taxi at tinuro sa driver kung saan ang park.

Sa wakas, makikita ko na rin ang park after 10 years. Di ko mapigilang ma-excite!

Eksaktong pagkababa ko ay ngumiti agad ako. Haaaay, nakakamiss rin maging bata.

Iniikot ko ang paningin ko, teka.. asan na nga ba yung lugar kung san kami naglalaro?

Naglakad-lakad lang ako. Marami na ring pagbabago sa paligid. Nadagdagan na ang mga palaruan, at medyo kumonti ang mga puno.

Haaaay, sa di kalayuan ay may nakita akong mga batang naglalaro ng buhangin. Napangiti ako, I can see myself in them. Nakaka-miss yung mga panahong wala akong iniisip kundi ang paglalaro. Nung hindi pa ako nawalan ng mga bagay na mahalaga sa akin. The good old times.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hanggang umabot ako sa swing. Hinawakan ko ang isa at umupo roon. Ipinilig ko ang ulo ko at inalala ang mga pangyayari noon.

Pero napukaw ako sa pag-iisip ng makarinig ako ng boses na nagpakabog ng dibdib ko kahit na nakapikit parin ako.

Kinakabahang binuksan ko ang mga mata ko at bahagyang sinundan ang pinanggagalingan ng boses.

At lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makita ko kung sino ang nagsalita.

"Dylan.."

Mabilis akong yumuko at umalis sa swing. Pinilit kong itago ang mukha ko.Nakayukong nagkubli sa parteng hidni ako makikita ni Dylan.

"Anong ginagawa niya rito?" tanong ko.

Nakita kong lumapit siya sa mga bata at may inabot na malalaking supot. Mga laruan ang laman.

Patuloy lang ako sa pagmamasid, hanggang makita kong dumakot siya ng buhangin at unti-unting pinakawalan ito.

Bigla akong napatigil. Gaya nung ginagawa namin ni Lan noon.

Pero ang dalawang salitang sinulat niya sa buhangin ang talagang nagpatigagagal sa akin.

Unti-unti niyang sinulat ang dalawang salitang minsan ko na ring sinulat kasama si Lan..

PINKY PROMISE

"Basta, promise ko sayo, paglaki natin.. hahanapin kita and I'll marry you."

Ngumiti lang ako. "PInky Promise?"

"Pinky Promise." Dylan said.

"I-it can't be.." bulong ko sa sarili ko. Nagsisimula ng manginig ang mga kamay ko.

Tumayo si Dylan ng nakangiti at naglakad papunta sa..

Sa direksyon ko! o0o

Feeling ko tinakasan ako ng lakas. Mabilis akong nagkubli sa likod ng isa pang malaking puno.

Nakita kong tumigil si Dylan sa tapat ng isang puno na halos katapat lang ng punong pinagtataguan ko.

May hinawakan siya at titig na titig siya sa punong iyon. Nakamasid parin ako.

Ngunit ng marinig ko ang sinabi niya ay parang mabibingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Nandito na naman ako. Kahit naman na magkasama na tayo ngayon, I'll always treasure this place. That's a promise. Happy, Happy Birthday."

Then he placed a rose on the foot of the tree, turned his back and started walking away.

Unti-unti na siyang nawawala sa paningin ko, pero ang malakas na tibok ng puso ko ay hindi parin humuhupa hanggang ngayon.

Nang masigurong wala na si Dylan, unti-unti akong lumapit sa punong pinanggalingan ni Dylan.

"Nandito parin pala ang punong to. Naalala ko nung inukitan to ni Dylan." hinawakan ko ang puno.

Hindi ako makapaniwalang ang taong akala ko'y sampung taon ko nang hindi nakikita ay siya ring taong una kong nakikita sa umaga.

Pumara ako ng taxi.

Kaylangan ko ng makakausap.

-------------------------------

"Oh, bhest? Kamusta na? Di ka na ba depressed?" nakangiti na tanong ni Kadness.

Napabuntung-hininga ako.

"Oh? May problema ka na naman?" takang tanong ni Kadness.

"N-nakita ko na siya.." halos pabulong kong sabi.

"Ano? Sinong nakita mo?" litong tanong ni Kadness.

"S-si Lan.."

"Si Lan? Sino yan?"

"Yung sinabi ko sayong kalaro ko noon."

"Ah! Yung sampung taon mo ng hinahanap??" tanong ni Kadness sabay pukpok sa kamay niya.

Tumango ako ng marahan.

"Oh? Eh baket parang binagsakan ka ng langit at lupa?"

"Kasi.. siya si Dylan."

"Eh, yun lang naman pala .. si Dy--- WHAT?!?! Pano nangyari yun?!"

"Siya talaga Kadness, alam ko.."

"So anong plano mo ngayon?"

"H-hindi ko alam.."

"Eh, kung ganon sino si Kara?"

"Yan rin ang bagay na di ko alam sa ngayon." nakayuko kong sabi.

"So?"

"Hindi ko pa alam kung pano Kadness.."

"..Di ko alam kung pano ko sasabihin kay Dylan na ang impostor si Kara.. at ako, ako ang kalaro niya noon.."

Niyakap ako ni Kadness. "Alalahanin mo Rash, lahat ng mali dapat itama, at mas mabuting ngayon mo na gawin yan."

Tahimik lang akong nakatingin sa kanya.

Kung sabihin ko to kay Dylan, papaniwalaan niya kaya ako? VOTE, COMMENT, REVIEW :"> X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

A/N: Sorry if it's kinda' short. thank you for reading :) Kindly leave your comments! ^^

******************************************* [40] Chapter 39 :) - Little Hide-and-seek Game ******************************************* Chapter 39 :) - Little Hide-and-seek Game

Litung-lito ako habang papauwi, sinusubukan kong buuin sa isipan ko kung paano ko sasabihin kay Dylan ang totoo.

Ang daming tanong ang umiikot sa isipan ko.

Kung kaya ko bang sabihin..

Kung kaya ko ba siyang harapin..

At higit sa lahat, paniniwalaan ba ako ni Dylan?

I took a deep breath, kaylangan kong lakasan ang loob ko.

May isa pang bagay na gumugulo sa isipan ko.. ngayong alam ko ng si Dylan ay si Lan, ano ang motibo ni Kara para magpanggap?

May atraso ba ako sa kanya? O si Dylan ang meron?

Umibis na ako mula sa taxi. Nasa harapan na ako ng building. Abot-abot ang kaba ko. Halos hindi ko maiangat ang mga paa ko. Pero sa kagustuhang masabi ang totoo ay nilakasan ko ang loob ko.

"Kaya mo to Rash!" I cheered for myself.

Pumasok na ako at sumakay ng elevator.

Pagbukas nito ay nagderetso na ako sa unit ni Dylan. Kinuha ko ang susi at binuksan ang pinto. Nanginginig ang mga kamay ko.

Hingang malalim Rash!

Pinihit ko ang seradura at dahan-dahang tinulak pabukas ang pinto.

Tumambad sa akin ang tahimik na sala.

Wala pa ba si Dylan?

Ilang minuto rin akong nakiramdam kung may tao ba sa kwarto ni Dylan. Pero parang wala eh..

"Mukhang di ko masasabi ngayon--"

"Ang alin Rash?"

Halos mapatalon ako sa kaba. Di ko napansing nakalapit na pala sa akin si Dylan at ngayo'y nakatingin sa akin ng may pagtataka?

"Ano ang sasabihin mo? At teka.." lumapit siya sa akin. Ako naman napaatras ng bahagya.

"Okay ka lang ba? Ba't parang namumutla ka?" tanong niya ulit sa akin.

Nataranta naman ako bigla. Patay, baka mahalata niyang kinakabahan ako ng sobra. Napahawak ako sa dibdib ko habang iniiwasang makita niya ang nangingig kong mga kamay.

"A-ah.. Ano kasi.."

"What?"

"Ahm.. W-wala, wala akong sakit, medyo napagod lang siguro ako."

"Ganon ba? Ah, sige.. maiwan muna kita rito. May pupuntahan lang ako saglit." paalam ni Dylan.

Bigla akong nag-panic kaya napahawak ako sa laylayan ng polo niyang soot. Taka namang napatingin sa akin si Dylan.

"Do you need anything?"

"A-ah.." hinay-hinay akong napabitaw sa polo ni Dylan. Sabay yuko.

Nakatingin lang sa akin si Dylan.

"P-pano mo nalaman na si Kara ang nawawala mong kalaro?"

Nakita kong tila nagtaka siya sa tanong ko.

"Well, I saw her there, at kahit naman siguro ilang taon kaming hindi magkita, I'll still recognize her.. and I told her, she told me sher is my playmate back when I was 9." simpleng sagot ni Dylan.

"Pero, pano kung mali pala ang akala mo?"

Kumunot ang noo niya.

"What do you mean?"

"p-pano kung hindi pala talaga si Kara ang nawawala mong kalaro noon? Pano kung--"

"That's impossible Rash." nakangiting sagot ni Dylan. "Si Kara ang kalaro ko noon."

"Sig--"

"Yeah, I'm sure. Sige na, I need to go. Don't wait for me, kakain kami sa labas okay?" then he waved goobye sabay pinid sa pinto.

Napatingin na lang ako sa nakasarang pinto. Nung oras na sinara ito ni Dylan, parang nabawasan din ang pag-asa kong pakikinggan niya ako.

----------------------------------

[[Kriscelle's POV:]]

Unti-unti ng nagtatagumpay ang mga plano ko. Kung noon, di ko magawang matalo yang Rash na yan sa mga simpleng paraan, ngayon, lugmok na siya. Konting push nalang, tiwala akong mawawala yan sa landas ko.

Lihim akong napangiti. Wala paring taong kaya akong kalabanin. At hindi ako papayag na magkaron man ni isang may kaya.

Lumapit ako sa mini table ko. Nandun, nakahilera ang mga framed pictures. Napadako ang tingin ko sa picture ng kapatid ko. This was taken when she was 2 years old according to dad. Ito lang ang tanging alam ko tungkol sa kanya. Pero di ko maipagkakailang, gusto ko rin siyang makita one of these days. Sana lang ay magkita na kami. Bagama't di kami nagkasama, pinalaki ako ni Daddy na hindi nagtatanim ng sama ng loob kay ate. And why would I?

Ngayon naman, nahagip ko ng paningin ko ang picture na nakataob. Pinulot ko ito at tinitigan.

Pinture to ng dalawang batang masayang naglalaro. Ang batang lalake, si Dylan.. at isang batang babaeng di ko kilala at kahit kelan ay di ko gustong kilalanin.

Kababata ko si Dylan, we grew up almost together, I've developed a likeness in him. Mabait naman kasi siya, bagamat sobrang tahimik. He would patiently help me learn how to ride the bycicle back then. But, everything changed when he met that girl in the park. Mula non, nabawasan na ang oras ni Dylan sa akin. Lagi niyang bukambibig ang batang yon. I don't know that kid. Don ko lang siya nakikita. At first, I tried to ignore the fact that Dylan is slowly fading away from me, pero umabot ang time na naubos ang pasensya ko. I started hating that girl.

Then this one day came, Dylan came home looking so messed up. Malungkot ang mukha niya. Kaya di ko naiwasang magtanong.

He told me, hindi na raw bumalik ang batang kalaro niya. He mentioned that they promised to each other na magkikita sila the say after her birthday, but then hindi na bumalik ang batang babae.

My hatred grew, anong karapatan niyang saktan si Dylan? I tried comforting him, but he started to change. Lalo na siyang naging tahimik at minsan na lang lumalabas ng bahay. Dumaan ang isang taon at tuluyan na nga kaming nagkalayuan ng loob ni Dylan, I don't see him always. Pero alam kong hanggang ngayon ay malungkot parin siya.

One time, I went strolling sa labas ng bahay. Naglalakad-lakad lang ako non. Then a girl with a long wavy hair caught my attention. Nakaupo siya sa gilid ng daan habang umiiyak. Nilapitan ko siya.

"Bata, anong pangalan mo?"

Dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya. "Kara."

That day, I decided to do the thing that most people may think as horrible.

Para lang sumaya si Dylan..

"Ibibigay ko sayo ang lahat ng gusto mo, sa isang kondisyon.."

"Go to the park tomorrow, look for a guy named Dylan.. and forget your identity. Mula ngayon, mabubuhay ka bilang kalaro ni Dylan, You'll be the Kara that Dylan would be happy to see."

Nilapag ko ang picture. I created the Kara of today para pasayahin si Dylan at para kalimutan niya ang batang babaeng yon. Pero di ko akalaing magagamit ko rin ito para tuluyang mawala sa landas ko ang babaeng kinamumuhian ko ngayon. Hitting two birds with one stone I guess.

"Mawawala ka rin sa landas ko Rash. Pangako yan."

Naputol ang pag-alala ko sa nakaraang ng biglang bumukas ang pinto at iluwa nito ang babaeng tumatayo bilang alas ko ngayon.

"Have you become so uncivilized na hindi ka na marunong kumatok?" I said with one eyebrow up.

She just smirked. "Hi Kriscelle, kamusta na?"

"I feel awesome. At ikaw? Kamusta na ang utos ko sayo?" Is ask.

I saw her roll her eyes. "Give me a little more time, lalayas rin yang Rash Yu na yan."

"Siguraduhin mo yan Kara, or else sa kangkungan ka uli pupulutin."

"Calm down a bit Kriscelle, don't you trust me? Nagawa ko ngang papaniwalain si Dylan na ako talaga ang batang kalaro niya, eto pa kaya? At isa pa, hindi ako papayag na maaagaw ng babaeng yan si Dylan dahil lang sa kamukha niya ako."

"Good. Because I believe, nagsisimula ng mahulog si Dylan sa Rsah na yon."

Umirap si Kara.

"Oh, by the way.. di mo ba babatiin ang birthday girl?" sabi ni Kara ng naka-smirk.

"Shut up Kara, as if birthday mo talaga. Malayo pa ang birthday mo, wag kang feeler."

"You're such a killjoy. Ineenjoy ko lang naman ang birthday nung kalaro noon ni Dylan eh."

"Whatever. Now, go get rid of the girl who looks like you."

Tumalikod ni si Kara pero humarap uli. "Pumasok lang sa isip ko bigla, what if kaya ko siya kamukha eh dahil sa siya nga ang batang kalaro ni Dylan noon?"

Naikuyom ko ang mga palad ko. "That's impossible. Get the hell out of my face and do your work."

Tumawa lang si Kara.

Tinungga ko ang laman ng baso..

"I never really thought about that.."

-------------------------------------

** Kinabukasan

Mag-isa akong pumasok sa school, sabi ni Dylan may dadaanan pa raw siya.

Pagpasok ko, tahimik na ang school. Wala na ang malalakas na bulungan tungkol sa nangyari sa victory party. Mukhang nagsawa na sila na tirahin ako mula sa lahat ng direksyon.

Dahil don, ay nakahinga na ako ng maluwag.

Bitbit ang mga librong pumasok ako sa klase. Tahimik ang buong room, anyare?

Nakita kong nakatingin ang lahat sa may parteng likod. Nang sundan ko ng tingin yon ay halos malaglag ang mga libro kong dala.

"A-anong ginagawa ni Kara dito?"

Tapos biglang lumipat ang tingin nila sa akin.

Napaturo ako sa sarili ko.

"Uhm, Hi Rash.. I'm looking for Dylan, I bought lunch for him." she said then smiled.

Napipi ako, lumakas naman ang bulung-bulungan sa room.

Mabilis ako lumabas at tinawag si Kara.

"Ah, hindi kasi kami sabay pumasok ngayon eh.." sabi ko.

"Ganon ba? I'll just wait for him if it's okay. Gusto ko kasing ako na mismo ang magbigay sa kanya nitong lunch." she said then smiled.

Tumango na lang ako sabay tago sa paper bag kong dala.

Nagpaalam ako kay Kara, pumunta ako sa canteen,

"Mukhang di na to kailangan ni Dylan.. ipapakain ko na lang to sa pusa dito." I said pero biglang may humablot sa dala kong paper bag. Paglingon ko si Kian..

"Ako na."

"Huh?" taka akong napatingin kay Kian.

"Ako na lang ang kakain, pinaghirapan mo to eh."

Napatitig ako kay Kian.

"S-salamat." sabay yuko.

"No. Thank you Rash sa lunch." then he smiled.

Gumanti na lang din ako ng ngiti.

"Basta, kung may problema ka, andito lang ako.. malapad ang balikat ko, pwede mong iyakan." he said.

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Ang corny mo."

Tumawa lang si Kian.

"Tara, sabay na tayong maglunch."

-------------------------------

Nang hapong yon ay nakita ko si Dylan na nakatayo sa tabi ng kotse niya.

"Tara, sabay na tayong umuwi."

"Si K-kara?" nauutal kong tanong.

"Umuwi na kanina pa."

"Ah.."

"Tara." then he opened the door of his car.

~~~

Ilang sandali lang ay dumating na kami sa condo. Tahimik lang kami habang papaakyat.

"Ba't wala akong lunch kanina galing sayo."

"A-ah.. ano kasi, diba dinalhan ka na ni Kara." I said

"Okay lang. Sana binigay mo parin. San na?"

"Ah, wala na eh.. Binigay ko kay--"

"Kanino?" seryoso niyang tanong.

"Kay.. Sa pusa! Oo, sa pusa."

Hindi na rin umimik si Dylan kaya lihim akong nagpasalamat.

Pagdating namin sa harap ng unit ay naantala ang paglapit ko sa pinto. Nakatayo si Kara ron, nakangiti. Malamang, inaantay si Dylan.

Imbis na tumuloy ay gumawa na lang ako ng aliby.

"Ah.. Sandali, may bibilhin pala ako. Babalik ako, agad." walang lingon-likod akong pumasok ulit sa elevator. Pero bago pa lang sumara ang pinto ng elevator ay nahagip pa ng mga mata ko ng yakapin ni Kara si Dylan.

Pumikit na lang ako. Baka sakaling, mas mabuti pa ang dilim kesa makita silang dalawa.

------------------------------

Pumunta akong 7/11. Tatambay muna ako ron. At least don, wala akong dapat alalahanin. Babalik na lang akong condo pag tingin ko'y nakaalis na si Kara.

Bumili ako ng cupped noodles. Di pa ako nakakapag--dinner tapos, puro barya lang ang nasa bulsa ko. Alam niyo namang dukha.

Kumakain na ako ng biglang may umupo sa tapat kong table at halos maibuga ko ang kinakain ko.

Si Kadness at si Ken!

Sila na ba?

Biglang napatingin sa direksyon ko si Ken tapos tumayo sila at lumapit sa akin.

"Oh, mag-isa ka Rash?"

"Ano eh, natutulog si Dylan, tama! Natutulog." then I looked down.

Umupo sa tapat ko si Ken at sa tabi niya si Kadness. "You're not good at lying."

Napaangat ang ulo ko. "Umiiwas ka no?" Ken said.

"A-alam mo--"

"Kadness told me."

Tinapunan ko ng masamang tingin si Kadness, nagkamot lang siya ng batok.

"Don't worry, you're secret is safe with me." then Ken tapped my shoulder.

"Listen Rash, I've known Dylan for quite a long time now, minsan hindi niya kayang sabihin ang nararamdaman niya. Pero trust me, marami siyang gustong sabihin. At alam kong dapat na kayong magusap. Di to matatapos kung puro lang kayo iwasan. Stop you're little hide and seek game. Take him back. Dahil mula sa simula, sayo siya Rash. Sayo si Dylan."

Parang natamaan naman ako sa sinabi niya kaya nakangiting tumayo ako. I waved at halos patakbong bumalik sa condo. Kailangan ko ng kausapin si Dylan.

Paglabas ko ng elevator, bubuksan ko na sana ang pinto ng marinig kong nagsalita si Kara.

"Tell me Dylan? Sa lakat ng i-hahire ng Mommy mo, baket kamukha ko pa?"

"That's unintentional Kara." Dylan said.

"Talaga lang? Dahil para sabihin ko sayo, nagseselos ako."

Nag-freeze ang kamay ko sa seradura. Alam kong masama ang makinig sa usapan ng iba pero di ko maiwasan.

"C'mon Kara--"

"If you really want me back, then get rid of her."

Lalo akong nabigla.

"Pero--"

"Tell me Dylan, ginamit mo lang ba si Rash?"

Hindi nakasagot si Dylan. Don na naghina ang tuhod ko, parang nanginig ang buo kong katawan. I stepped back and started walking away.

Ginamit lang nga siguro ako ni Dylan. Ginamit lang..

Bukas, sasabihin ko sa kanya ang totoo, ano man ang maging sagot niya wala na akong pakialam. Karapatan niyang malaman ang totoo, may pag-asa man ako o wala, sasabihin ko kay Dylan ang totoo.

Kung sakali, kung san masaya si Dylan, dun na rin lang ako. Martyr na kung martyr. Nagmahal lang ako.

VOTE, COMMENT, REVIEW :">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

A/N: Sorry for the short update. Wala pa akong tulog x___x Anyway, just to clear things out, we still have a couple of chapters left before the ending. I'm carefully weighing things out. Sana di ko kayo madissapoint. I'm really doing my best. Until next time. -Author :)

******************************************* [41] Chapter 40 :) - Losing My Other Half ******************************************* Chapter 40 :) - Losing My Other Half

"Ate, ate, bakit ka po umiiyak?"

Napaangat ang ulo ko mula sa pagtitig sa dalawang salitang kanina lang ay sinusulat ko sa buhanginan. Nakita kong nakatalungko sa harap ko ang isang batang tingin ko'y nasa pitong taong gulang na.

Agad kong pinunasan ang namamasa ko pang mga mata. "Hindi naman ako umiiyak." sabi ko sabay ngiti.

"Pero, kanina po, nakita kong may pumatak."

Natigilan ako. Kanina lang pala ako pinagmamasdan nung bata.

"Ikaw lang ba mag-isa?" pag-iiba ko sa usapan.

The little girl shook her head. "Kasama ko po si Lance."

Lance. Parang Lan lang din. Tadhana nga naman. Ngumiti uli ako.

"Siya ba kalaro mo ngayon?"

"Opo. Tyaka, wala naman po akong ibang kalaro eh. Si Lance lang po."

Tumango ako. "Ah, ibig sabihin, magkasundo talaga kayo?"

Akmang sumimangot ang bata. "Hmp! Minsan lang ate, medyo pilyo po kasi si Lance, wala nang ibang gawin kundi asarin ako. Minsan ang sarap niya suntukin."

Parang kami lang din, away-bati. Away-bati.

"Ate, baket ka po parang natatawa?"

Natigilan ako sabay kamot sa ulo ko. "Ah, wala.. may naalala lang ako."

"Sino po? Boyfriend niyo po ba? Iniinis ka rin po ba niya?"

I patted the girls head. "Oo, ganon rin. Kaya lang.. hindi ko naman siya boyfriend, ayaw niya sakin." halos pabulong kong sabi.

"Ha? Bakit naman po?"

"Kasi, may mahal siyang iba. Kamukha ko."

"KAMUKHA MO?! Kambal niyo po?"

"Hindi. Nagkataong kamukha ko lang siya. At ang masama pa, siya ako.. pero hindi ako kailanman magiging katulad niya.My identity was taken away." sabi ko ng nakayuko.

Pagtingin ko uli sa bata, nakakunot ang noo niya. Don ko narealize kung gaano ako kahibang na ikwento sa isang pitong-taong bata ang problema ko! Pano niya ako magegets?!

Napasampal ako sa sarili ko. "Ano ba naman to. Wag mo na ako pansinin ah. Haha. Medyo natatanga lang ako. Ba't ko naman yun kinwento sayo, di mo naman ako maiintindihan." sabi ko ng nakatawa ng pilit.

Siguro sa wala na akong ibang mapagsabihan ay pati bata dinamay ko. Nakaka-ewan lang.

Nabigla ako dahil biglang tumayo ang bata mula sa pagkakatalungko at humakbang palapit sa akin. Inangat niya ang maliit niyang kamay. Hanggang nag-landing sa noo ko ang hintuturo niya. Marahan niyang pinatong ang maliit niyang daliri sa noo ko tapos sa ilong naman. Tapos, pinitik niya ang ilong ko.

Nagtatakang napatingin ako sa bata.

"Yan po kasi lagi ang ginagawa ni Lance sa akin tuwing halos sumayad na ang nguso ko sa sahig sa inis at lungkot. Sabi niya po, walang kwenta daw ang maging malungkot. Ngumiti ka daw po, libre lang."

Unti-unti akong napangiti sa sinabi ng bata.

"Salamat." I sincerely said.

"Nandito ka lang pala. Tara, may ipapakita ako sayo." boses ng isang lalake. Sabay kaming napalingon. Nakita kong medyo nagliwanag ang mukha nung batang babae. She may know him, I guess.

"Ano?" sagot nung batang babae. That confirms it. Magkakilala nga sila.

"Ate, si Lance po."

Ah, ito si Lance. Bahagyang mas matangkad siya sa batang babae, may biloy siya sa magkaliwang pisngi.

Nginitian ko siya. Ngumiti din siya tapos biglang hinawakan ang kamay nung batang babae.

Napatingin ako sa kamay nilang magkasugpong.

"Ate, hihiramin ko po muna siya. May ipapakita lang po ako." paalam ni Lance.

Nakangiting tumango ako. After non, hinila na ni Lance yung batang babae, lumingon uli yung bata.

"Ate, wag ka pong susuko kay kuya. Di ko man po masyadong naiintindihan pa ang kinwento mo sakin kanina, alam ko pong mahal niyo po si kuya. Ako po pala si Lara!" then she waved.

Tumango ako at kumaway rin. "Salamat Lara!"

Tumayo ako tumalikod na. Pero bago pa ako tuluyang makaalis, narinig ko pa nung nagsalita si Lance,

"Tara, Lara, papakita ko sayo yung kahoy na nakita ko kanina. May nakaukit na puso."

Napatigil ako. I remember, nung panahong kasama ko pa si Dylan. That tree was our home. It is where we find comfort by each other's mere presence.

Pumara ako ng taxi.

I need to face him. It's now or never.

------------------------------------

[[Dylan's POV:]]

"Shit." I throwed my phone on the floor dahilan para magkahiwa-hiwalay ito. I can't understand myself anymore.

Lumapit ako sa counter at nag-order ng pinakamatapang na inumin.

Nakita kong nagtaka yung bartender. Yeah, I know him. Dito ako tumatambay kasama nina Jeff minsan, pero kahit kelan di niya pa akong nakitang uminom ng sobrang dami. Kaya siguro nakakunot na ang noo niya.

"Sir, sigurado po ba kayo?"

I eyed him. "Yeah. Now, give me your best. Damnit!"

Napaigtad siya sa pagmumura ko.

This is so messed up!

Napasabunot ako sa buhok ko.

"Sagutin mo ako Dylan, ginamit mo lang ba si Rash?"

Naikuyom ko ang mga palad ko. Mula kagabi, di parin maalis sa utak ko ang tanong ni Kara.

I don't know how to answer that. I felt like some old jerk.

Ginamit ko lang nga ba si Rash??

At baket parang kagabi, gusto kong magalit kay Kara for trying to make me avoid Rash. But then I realized, I can't. Diba mahal ko nga si Kara?

Mahal ko siya..

"Mahal ko si R--.."

Shit. Eksaktong lapag nung basong may lamang alak eh, deretso ko itong tinungga. Inom lang ako ng inom hanggang pakiramdam ko ay nanlalabo na ang paligid. Yung tipong ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko eh, di ko na makapa. Kahit ngayon lang eh, makahinga ako.

I can't understand myself anymore.. I don't get it! I just can't!

I stood up and payed. Deretso ako sa kotse ko. Maybe I just need some time to rest. Maybe.. just maybe.

****

Pagdating ko sa unit ko eh, pinilit kong hagilapin ang susi mula sa bulsa ko. Sh*t, ang sakit ng ulo ko. Ilang sandali lang ay nakapa ko na ito. Nang bubuksan ko na sana ang pinto ay napatigil ako dahil sa boses na naririnig ko mula sa loob.

"D-dylan.. kasi.. ganito kasi yun.. si.. si Kara, hindi si Kara ang kalaro mo.."

Naguluhan ako. Dylan? Binanggit niya ang pangalan ko. Alam ba niya na andito na ako?

"Rash naman, kalma lang. Pano mo masasabi kay Dylan ang totoo??"

Anong totoo?

Itinatapat ko ang tenga ko sa pinto. And then I heard her.

"Nagpanggap lang si Kara, hindi siya ang kalaro mo kundi--"

I opened the door and confronted her face to face.

"Sino Rash?"

-----------------------------

[[Rash' POV:]]

"Nagpanggap lang si Kara, hindi siya ang kalaro mo kundi--"

"Sino Rash?"

Napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Natigil ako sa kakalakad ng pabalik-balik kanina. S-si Dylan!

Hindi ko magawang magsalita. Parang nanigas ang buo kong katawan! He heard it.. Narinig niya akong nagsasalita kanina!

Parang nanlalambot ang mga tuhod ko sa kaba.

"Answer me Rash." he said as he stepped a few steps closer.

Hindi ako magalaw. Gusto kong umiwas pero parang gusto ko rin siyang harapin at ipamukha sa kanya na ako, ako ang totoo.. peke si Kara.

Tuluyan na nga siyang nakalapit sa akin. Amoy alak. Automatic akong napatingin sa mukha niya. He's red.

"Nakainom kaba?" I seriously asked.

Tinignan niya lang ako.

"Dylan naman eh, baket ka naglasing? Ano na lang ang sasabihin ng Ma'am? Tapos, nag-drive ka pa? Anong nakain mo at nagla--"

"Why do you even care? Answer me Rash. Sino? Sino ang kalaro ko?!"

Parang nagpanting ang tenga ko. "Di mo ako kailangan sigawan!"

"Then damnit! Answer me! Who is it?! Shit! Si--"

"AKO!" I yelled at his face. Natahimik siya.

"How can you even say that Rash? Baket mo pinagmumukhang sinungaling si Kara?" he said seriously.

Para akong sinampal nung ng magkabilaan. Hindi naniniwala sa akin si Dylan.. nabalikatad na ang lahat.

I tried looking at his eyes.

"Pero Dylan.. yun ang totoo. Peke si Kara, ako, ako ang batang kalaro mo noon. Lan.. I'm telling the truth.." halos pabulong kong sabi. "Baket di mo ako kayang paniwalaan, baki--"

Pero bigla niya akong hinila at sinalubong ng halik ang labi ko. Namilog ang mga mata ko. He's kissing me like crazy. Hindi rin ako magalaw. Parang di ko magets ang mga nangyari.

Hinapit niya pa ako palapit and started to deepen the kiss. Nasasaktan na ako sa higpit ng yakap niya sakin, even his kisses hurt, It damn hurts.

Inipon ko ang lahat ng natitira ko pang lakas at tinulak ko siya. Nang makawala ako, nanginginig parin ako. I can't believe what Dylan just did.

"B-baket Dylan.." I said in a shaking voice. My voice started to crack. Namumuo na ang mga luha ko. Kanina lang, nakita ko ang Dylang kailanman ay di ko gugustuhing matuklasan.

"Gusto mo to diba? Pinagpipilitan mong ikaw ang babaeng matagal kong inantay. Ang batang kalaro ko noon. You kept on saying that Kara is fake, why because you look like her? Diba Rash? Don't tell me I'm wrong, that's how I understood it, Right R--"

Hindi ko na kinaya pa, I slapped him real hard dahilan para mapatigil siya. Nakahawak siya ngayon sa pisngi niyang namumula pa.

"Wala na akong pakialam kung di ka man maniwala. D-di mo naman kailangang ipamukha sa akin kung gaano ako kakawawa. You don't have to stress the obvious Dylan.. I only want to tell you the truth.."

"You dont have to slap ng truth in my face.. na kahit kailan, ako man ang kababata mo, si Kara parin ang pipiliin mo. Tama na Dylan.. ang sakit sakit na.." I started to step back though my knees are shaking.

Tumalikod ako. I waited for him to stop me from going aywhere else, but he remained quite. That's it. Tama na..

I walked away because that exact moment, I believe it is the best thing to do.

------------------------------

[[ Kriscelle's POV:]]

Nagising ako na naliligo sa pawis. I just had a bad dream. I checked out the time, 7 PM pa lang. Nakatulog na pala ako sa kakaisip kung paano mawawala si Rash sa landas ko. Tsh. Masamang damo eh.

I stood up. Why do I get this feeling that I just saw a part of my sister in my dream. Masyadong malabo para maalala ko yun. Pero alam ko, the girl there is my sister.

She was crying and I can feel how hurt she is. It's strange.

It's so strange how the image of the girl crying near a tree is so familiar to me. Na parang nakita ko na ang babaeng yun. But how can that be possible if I haven't seen my sister yet?

Napahawak ako sa sentido ko, it's making my head ache.

Bumaba ako para uminom ng tubig. May nakasalubong akong maid namin.

"Ma'am, pinapatawag po pala kayo ni Sir sa library."

I nodded.

Pagkatapos kong uminom ng tubig ay dumeretso na ako sa library. Dad was reading a book.

"Dad."

Umangat ang tingin niya.

"I'm going to visit the grave of you're Tita tomorrow. Gusto mo bang sumama?"

"Pag-iisipan ko po."

Tumango siya.

Aalis na sana ako ng biglang magsalita si Dad.

"Do you miss your sister?"

Napatigil ako at ilang saglit lang din ay tumango.

"I do Dad. I want to see her. I want to know how it feels to have a sister." I said.

Tumango siya and smiled faintly.

"Good. I can feel it, malapit na natin siya mahanap."

Ngumiti rin ako.

"Thank you dad. I'll go ahead."

Tumango siya.

Maybe I'll sleep again, I know it's a rather crazy idea, but I'd like to see my sister again, kahit sa panaginip lang.

--------------------------- NP: A Thousand Years PII

The day we met, Frozen I held my breath Right from the start I knew that I'd found a home for my heart... ... beats fast Colors and promises How to be brave? How can I love when I'm afraid to fall? But watching you stand alone All of my doubt suddenly goes away somehow One step closer [Chorus:] I have died everyday waiting for you Darling don't be afraid I have loved you For a thousand years I'll love you for a thousand more Pinatay ko ang cellphone ko, wala akong lakas para mag-explain kay Kadness. Sorry..

Walang direksyon ang lakad ko. I don't know where to go. Tuloy-tuloy lang ako sa paghakbang hanggang umabot ako sa isang mini park na nasa medyo elevated na lugar. Matatanaw mo ang buong lungsod mula rito. I took one deep breath and then forced a weak smile.

"Atleast, nasabi ko na sa kanya."

Pero biglang tumulo na naman ang luha ko. "Too bad, di siya naniniwala."

Kinuha ko ang kwintas ko na laging nakatago sa suot kong damit.

"Nay, nasaktan na naman ako.. ang hina ng anak mo.." this time, bumuhos na ang luha ko. Wala eh, mahina na naman ako. Feeling ko tuloy, pinapatay ang dating Rash na mas matibay pa sa semento. Ang dating walang pakialam sa lovelife na Rash, ang dating masayahing ako..

All because I met Dylan.. All because I fell inlove.

I closed my eyes. Maybe, I would have to leave now. Maybe, it's the best thing to do. For I just lost my other half and would never be whole again.

VOTE, COMMENT, REVIEW ;'>

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

a/n: Sorry for the late update. I hope you liked this chapter. Please leave your comments! :))) -author

******************************************* [42] Chapter 41 ;) - The Lost Pair *******************************************

N/A: Hi Dashers! I dedicate this chapter to Aceholder. :) Baket sa kanya? Kasi ang awesome niya at ang bait lagi sa akin. ^^ Thank you po sa walang sawang assistance lalo na sa book covers ng story ko :)) Sa mga readers ko naman, sorry, sobrang sorry po kung matagal akong nakapag-UD. Kakatapos lang ng long exam namin at medyo bangag pa ang utak ko. Pero anyway, eto na! I know bitin. Kaya, sorry in advance >_< Kindly leave your comments! <3 ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 41 ;) - The Lost Pair I woke of with the familiar aroma of her cookings. Pikit pa ang mga matang bumangon ako. Arggh, ang sakit ng ulo ko. Hangover maybe?

Tumayo na ako at pumasok sa banyo para maligo. May pasok pa kami ngayon.

Pagkatapos kong maligo ay nakapagtatakang naka-hanger lang ang uniform ko. Kalimitan kasi eh, nakalatag na sa isang gilid ito. Pati ang vitamins ko ay wala sa dating lugar.

Nagbihis na lang ako at bitbit ang bag na nagtungo sa kitchen. Pagpasok ko pa lang ay sinalubong na ako ng mabangong luto ni Rash. Lihim akong napangiti.

Nasa mesa ang niluto niya. Iniikot ko ang paningin ko. Nasan ba si Rash? Imbes na dumeretso sa pagkain, ay lumabas ako at hinanap si Rash. Pumunta rin ako sa kwarto ko para i-check kung andun ba siya. Pero her room is empty.

Bumalik ako sa kitchen at tinitigan ang nakahandang pagkain. Then something just hit me. I closed my eyes.

"B-baket Dylan.." she said in a shaking voice. I can hear her voice cracking. Namumuo na ang mga luha sa mga mata niya. I was taken aback for a while upon seeing her face. She was looking at me as if, I was a monster.

"Gusto mo to diba? Pinagpipilitan mong ikaw ang babaeng matagal kong inantay. Ang batang kalaro ko noon. You kept on saying that Kara is fake, why because you look like her? Diba Rash? Don't tell me I'm wrong, that's how I understood it, Right R--"

She slapped me. Tapos nakita ko na lang na nag-uunahan na ang mga luha niya sa pagtulo. I suddenly got the urge to hug her. But I can't get myself to do so. Litong-lito ako. Di ko alam kung baket ako galit na galit.

"Wala na akong pakialam kung di ka man maniwala. D-di mo naman kailangang ipamukha sa akin kung gaano ako kakawawa. You don't have to stress the obvious Dylan.. I only want to tell you the truth.."

"You dont have to slap ng truth in my face.. na kahit kailan, ako man ang kababata mo, si Kara parin ang pipiliin mo. Tama na Dylan.. ang sakit sakit na.." She started to step back. Then turned away locking herself up in her room.

Naikuyom ko ang mga palad ko. What have I done? Did I just pushed her away? Baket niya sinabing siya ang kababata ko? What's the truth? Damn it!

I was taken by so many thoughts that I was totally unaware of my environment until I heard the door open up. Automatic akong napalingon.

"Ra-- Ah, ikaw pala Ken. Akala ko.."

"Are you expecting other people pare?"

I shook my head. "No. I just mistook you for somebody else." I said. Humarap uli ako sa mesa at naupo.

"Halika, sumabay ka na saking mag-breakfast."

Ken walked towards the table and occupied the opposite seat. Pinagsalikop niya ang mga palad niya at pinatong ang mukha niya rito habang nakatukod ang dalawang siko sa mesa.

Mula sa pagkain ay inangat ko ang tingin ko.

"Don't look at me like I'm a suspect waiting to ber interrogated. Kumakain ako tol." I said sabay inom ng tubig.

He gave out a chaste laugh.

"What?" I asked.

"What happened?" Ken asked.

I looked at him and frowned. "What are you talking about?"

"Don't what me. Where is Rash?"

I swallowed my food then spoke. "Di ko alam. Baka umalis ng maaga. Wala na siya ng bumaba ako."

"At bakit siya aalis ng maaga?"

"Don't have any idea." I answered.

"Okay. I believe, you're not going to spit anything out. Di kita pipilitin."

Uminom uli ako ng tubig. "Seryoso ka masyado tol, nakakapanibago." I tried to joke. But Ken just looked at me. What's wrong with this guy?

"Since when did you developed humor?" he asked.

"People change."

He gave out a sly-smile then stood up.

"Mauna na ako sayo tol."

"Aalis na rin ako. Sumabay ka na sakin."

"Salamat tol, but I have my car. Mayaman ako sa gas. Plus, susunduin ko pa si Kadness." Ken said.

"I feel sorry for Kadness."

Sinuntok niya lang ako sa balikat. Gumanti naman ako.

"Dylan."

"Hm?"

"If I were you, lalawakan ko ang pag-unawa ko. Di natin alam kung sino ang nagsasabi ng totoo. It may be Rash, it may be Kara."

"But what if Rash is just messing things up and is lying around?" I asked on impulse.

Ken stared at me and patted my back. "But what if she's not?"

------------------------------------

[[Rash' POV:]]

Pagkatapos kong ihanda ang kakainin ni Dylan ay umalis na ako agad. Ayokong abutan niya pa ako. Di ko alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng nangyari kagabi.

Napahawak ako sa labi ko. That was the first time he kissed me that way. Sinampal-sampal ko ang sarili ko. Stop it Rash. Masokista ka na talaga!

Mabilis akong pumara ng taxi at nagpahatid sa mansion ng mga Lautners. Kailangan kong makausap si Ma'am Deevan.

Pagpasok ko palang sa dambuhala nilang gate ay natanaw ko na agad si Manang Ancy na nagdidilig ng mga tanim sa garden. Tahimik akong lumapit at kinalabit si Manang. Pero nagsisi rin ako sa huli dahil mukhang tinakot ko ata si Manang. Sobrang namutla eh.

"Diyos ko namang bata ka! Tinatakot mo ako! Tataas ang presyon ko dahil sayo Rash."

Nagkamot lang ako ng ulo. Eh, sa nakalimutan ko eh. "Hehe.. Sorry po talaga Manang, di ko po sinasadya."

"Oh, napadalaw ka? Kasama mo ba si Dylan?"

Marahan akong tumanggi. "Wala po. Ako lang po."

"Oh, baket? May pinag-awayan na naman ba kayo? Kayo talagang mga bata kayo oh. Alam ko namang nagkakaigi--"

"A-ah.. wala po. Di po kami nag-away." putol ko sa sasabihin ni Manang.

"Ganon ba? Tara, mag-almusal ka muna. Ang aga mo naman.Nagpasabi ka sana para naipagpahanda kita ng pagkain."

Humagikhik ako. "Naku Manang, nakakahiya naman po. Sorry po pala sa pambubulabog ko."

"Wala ka bang pasok ngayon?"

"Meron po. Pero dumaan lang po ako saglit. Gusto ko po sanang makausap si Ma'am Deevan."

Tinignan ako ni Manang na parang tila inaaral ang expresyon ko. Nais siguro niyang malaman kung baket gusto kong makausap si Ma'am.

"Oh, sige hija. Pasok ka. Kausapin mo muna si Ma'am. Tapos, bago ka tumungong paaralan niyo, magalmusal ka muna. Baka kasi hindi kapa kumakain."

Tumango ako. "Maraming salamat po!"

Gumanti naman ng ngiti si Manang at giniya ako papasok hanggang sa private room.

*******

"Oh, hija. Gusto mo raw akong makausap?" si Ma'am Deevan. Nakaharap ako ngayon sa malaking screen sa loob ng private room. Nakakapanibago nga eh. Dahil mula nung paglipat namin sa condo ni Dylan ay di ko na nakausap pa si Ma'am Deevan.

Ngumiti ako at nag-bow bilang paggalang. "Gusto ko lang po sanang magpaalam sa in--"

"Why? What's wrong?"

"A-ah--"

"May pinag-awayan ba kayo ni Dylan?"

"Wala naman p--"

"Oh? Baket ka aalis? May ginawa ba siya?"

"W-wala naman po." nakayuko ng bahagya kong sabi.

"Tyaka po.. hindi rin naman po ako aalis--"

"Good. Kinabahan naman ako sayo hija. Ano ba ang ipagpapaalam mo?"

"Ah.. kung pwede po bang mag-take ng kahit tatlong linggong leave?"

Nakita kong parang nabigla si Ma'am Deevan.

"Okay lang po kung bawasan niyo po ang sweldo niyo o kahit di niyo na po muna ako paswelduhan mula ngayon, kailangan ko lang po kasi ng leave." nakatungo kong sabi.

Narinig ko ang malalim na paghinga ni Ma'am Deevan.

"Oh, sige. Pinapayagan na kita."

Nag-angat ako ng ulo sabay pasalamat.

"Don't worry, intact parin ang sweldo mo. Basta ba pangako mo sakin ay mag-leleave ka lang pero hindi ka mag-reresign.

Nag-aalangan man ay tumango na lang ako.

"Okay. I guess, nagkakaintindihan na tayo. You may go now."

"Salamat po." At nag-bow muli ako bago tuluyang nawala sa harap ko si Ma'am Deevan.

** Topline Academy // Lunch Break

Nakakunot ang noong nakatitig ako sa bulletin board sa may bandang canteen. Ano naman tong teambuilding activity ngayong hapon? At kailangang kasama talaga kami ha?

"Pst, Rash!"

Lingon ako. Si Claudette at Cheska.

Pero teka, parang may bago. A-anong..

"Magugunaw na ba ang mundo?" tanong ko on instict.

They both rolled their eyes. At nagmartsa papunta sa lugar ko.

Namaywang pa sila ng sabay. Nakakunot parin ang noo ko.

Pano bang hindi kung ang totomboy-tomboy na si Cheska ay naka mini-skirt habang ang mas babae pa sa babaeng si Claudette ay naka jogging pants! Mahabaging langit!

"Anong nangyari sa inyo?" tanong ko.

Aba't nagblush ang dalawang loka. Nalaman ko na lang na may mga crush pala sila. Eh ganon daw ang trip sa babae. Baliktaran ng mundo. Umiling na lang ako. Buti pa sila, walang problemang pasan. Crush lang nila ang nagpapasakit sa ulo nila. Eh ako? Laslas na friend.

Napabuntung-hininga ako ng di oras at pagharap ko ay nabigla ako ng hawakan nilang dalawa ang magkabila kong kamay at hinila ako sa kung saan. Only to find out na sa cafeteria pala nila kinaladkad. Sapilitan nila akong pinaupo at biglang pumunta sa counter.Ilang sandali ay halos hirap silang bitbitin ang dala nilang kung anu-ano.

"Ano yan?" taka kong tanong.

"Eh di pagkain, like duh! Rank 1 ka ba talaga?" pang-iinis ni Claudette.

"Oh, ayan. You eat."

"Ha? Baket?" lito kong tanong. wala akong naalalang time na nagbanggit ako na gutom ako.

"Don't HA us. You need this. Ang gamot sa taong stressed ay Desserts!" masiglang sabi ni Cheska sabay pahawak sa akin nung ice cream. "Dali, let's dig in. May 30 minutes pa bago mag-start ang Team Building Activity. Baka gutumin tayo mamaya."

Tumango na lang ako at tahimik na sumubo.

"Rash! Smile!" sabi ni Claudette.

I did. The only difference is that what I gave just now is a weak smile.

Kung totoong nagagamot ng desserts ang lungkot ng tao, siguro magkaka-diabetes na lang ako, malungkot parin ako.

*********

"Good Afternoon Students!"

Sabay-sabay kaming nag-respond sa pagbati ng organizer. Sa kasamaang palad nasa pinakunahan ako. At sa mas kasamaang palad ko uli, nasa katapat ko na upuan sa kaliwa si Dylan. Tama. Si Dylan nga.

Kaya naman, kahit feeling ko, magkaka-stiff neck na ako atr konti na lang ay pwede na ipasemento ang leeg ko ay hindi ako lumilingon. Ayokong magsuffer sa consequences ng paglingon sa kanya.

Siniko ako ni Cheska na katabi ko lang. Mahirap naman kasi kung sisikuhin niya ako kung nasa likod siya at nasa harap naman ako. Syempre, lumingon ako with this "baket-na-naman look"

"Anong problema mo't para kang poste ng kuryente diyan?"

"Wa--"

"oh, baka ang tamang tanong ay, anong problema niyo ni Dylan bebe mo?"

Kung may kinakain siguro ako ay kanina pa ako nabilaukan. Walangyang babae to oh.

"W-wala ah!" sabi ko tapos deretso na ang tingin ko sa harap kahit di ko naman masyadong ma-absorb ang nginangawa ng organizer.

"So, to start our activity we would have a game.. blah, blah, blah, tsug, tsug, tsug.. choose your partners in the count of 10!"

Natanga pa ako kasi biglang nagsitayuan ang mga kasama ko sa venue. Anong meron? Magugunaw na ba ang mundo?

Hanggang matapos na magbilang si organizer ay nakatayo parin ako sa may bandang upuan ko since kanina. May kanya-kanya ng grupo ang mga tao at guess what? Ako lang ang naiwang walang pair. Iniikot ko ang paningin ko para tignan kung sino pa ang walang partner. Pero, One big wrong move.

Di lang pala ako ang walang partner.. si Dylan rin.

"Oh, so sino pa ang walang partners?"

Unconsciously ay nagtaas ako ng kamay. Sana hindi na magtaas ng kamay si Dylan.. Please.. Sa--

"Okay, kayo na lang ang partner. Let's start!"

Lalo akong natanga sa sinabi nung organizer. I mean, baket? Wala ba kayong awa sa akin?

Walang gumagalaw sa amin, until naglakad palapit as kinatatayuan ko si Dylan. I was rooted on the floor. Hand sweating and heart pumping like hell.

"Okay. This game would test how well you can cooperate and trust your partner."

Wow. Tama ba narinig ko. Trust? Ni ayaw nga ako pakinggan ng partner ko eh. Irony of life.

"Okay! Instructions is, follow the position na ibibigay namin. Ang hindi makagawa ay may consequence!"

Naghuntahan kaagad ang bawat grupo maliban sa amin syempre. Ang akward lang. Parang may wall sa pagitan naming dalawa.

"Let's start! Mouth on ears, hand on back!"

Parang nalito ako sa instructions kaya hindi ako nag-dare na gumalaw. Kami na lang ang wala pa sa porma. Malapit ng matapos ang countdown!

Then Dylan suddenly held my hand, placed it in his back and lowered his face enough to let his mouth level my ears. I was stunned.

Daig ko pa ang naestatwa sa posisyon namin.

"Now, whisper this to your partners! Say, I trust you."

Lalong namanhid ang buo kong katawan. This is too much. Pano na lang kung marinig na ni Dylan ang halos nagsusumigaw sa lakas ng pintig ng puso ko??

Naramdaman kong huminga si Dylan. Nanindig bigla ang balahibo ko sa batok. Ang lapit niya!

Then he spoke,

"I'm sorry.."

He said he was sorry instead of telling me that he trust me, baket siya nag-sosorry? Dahil ba sa ginawa niya kagabi? O dahil sa kay Kara siya naniniwala?

Apparently, nothing can go beyond the consiquences of falling inlove. Not just to some random man but to Dylan.

**3rd Person's POV:

Pagkatapos ng pagka-hirap hirap na Team Building Activity ay lumabas na agad si Rash sa campus. Kailangan niyang umabot sa pinakamaagang byahe ng bus ngayon. Bibisitahin niya ang nanay niya.

Halos isang oras rin ang byahe. Bumaba si Rash sa harap ng San Dapan Cemetery. Bitbit ang bulaklak at tipid na ngiti ay tinunton niya ang puntod ng mahal niyang nanay.

She stopped upon seeing it. Ma.Margarita Yu. Napangiti siya. Kahit kailan talaga ay nakakagaan ng loob pakinggan ang pangalan ng nanay niya.

Nilapag niya ang bulaklak at pumwesto ng upo sa gilid ng puntod.

"Nay, ako po to.. si Rash. Sorry po kung ngayon na lang po ako nakadalaw sa inyo. Medyo marami lang pong mga bagay na nangyari."

"Nay, alam ko pong pinanganak niyo po akong matapang, pero nay.. p-pwede po bang ngayon eh, uumiyak ako.."

Alam niya namang kahit anong gawin niyang ngawa ay hindi sasagot ang puntod ng nanay niya kaya tinitigan na lang niya ito. Hanggang tumulo ang luha niyang kanina niya pa pinipigil.

"Nay, A-ang tanga ko lang no? Alam ko na ngang may mahal ng iba, tumuloy parin ako.."

Pinunasan niya ang luha niya, "Ang iyakin ko. Ang laswa!"

Hinubad niya ang kwintas na laging suot at niyakap ito. "Miss na po kita." nilapag niya ito sa puntod at nakangiting tinignan ang puntod ng nanay.

"Nay, promise.. matapang ang anak niyo."

Tumayo na siya at pinagpag ang damit.

"Sige nay, mauna na po ako. Promise, dadalaw po uli ako sa inyo."

Pagkatapos ng huling sulyap ay naglakad na palayo si Rash.

Samantalang sa kabilang gate naman ng sementeryo ay siyang pag-park ng sasakyan ni Dr. Suarez. May dala-dala siyang bulaklak. Tumuloy na siya sa loob at hinanap ang puntod ni Margarita.

Nang matunton niya ito ay di niya naiwasang kumunot ang noo. May mga bulaklak kasing nakalatag sa puntod. And by the looks of it, bagong lagay lang.

"May bumisita pala sa iyo kanina lang."

Nilapag niya na rin ang bulaklak sa tabi ng naunang bulaklak na nasa puntod.

"Amelia, andito ulit ako."

"Hindi ko alam pero malakas ang pakiramdam kong malapit ko ng makita ang anak ko." sabi ni Dr. Suarez ng nakangiti.

Inayos niya ng pagkakalagay ng bulaklak pero may nahagip ang mga mata niya na nakakuha ng sobra sa kanyang atensyon.

Ang bagay na matagal na niyang gustong makita na suot ng isang labing-pitong taong gulang na babae.

Sa nanginginig na kamay ay pinulot niya ito at mariing tinitigan. Hindi siya maaaring magkamali. Ito nga! Ito ang nawawalang kalahati ng kwintas na hawak niya.

****

"Ay, hala! Yung kwintas, naiwan ko!" tarantang sabi ni Rash. Nasa may bukana na siya ng gate ng sementeryo at pasakay na sana ng traysikel nang mapansing wala sa leeg niya ang nasabing kwintas.

"Naku, saglit lang po manong. Babalikan ko lang po sa loob." mabilis siyang tumakbo para balikan ang kwintas. Nang dumating siya sa puntod ng ina may nakita siyang lalakeng medyo nasa mid 60's na nakatayo sa gilid ng puntod ng nanay niya. Tuloy-tuloy lang siya sa paghahanap.

"Asan na ba yun?" kakamot-kamot niyang tanong sa sarili. Kailangan niyang makita yun dahil bigay yun ng nanay niya. Parang kalahati niya na rrin yun.

****

Abalang-abala sa paghahanap ang batang-babaeng nasa harapan ko ngayon. Kung di ako nagkakamali ay ito si Rash. Yung batang sobrang naaaliw ako. Kaya naman abut-abot ang kaba ko sa ideyang pumasok sa isipan ko.

Hindi kaya siya ang anak ko?

"San na ba yon??" taranta niyang tanong sa sarili.

Di na ako nakatiis pa. Nagtanong ako.

"Hija.. ito ba ang hinahanap mo?"

Unti-unting tumingala si Rash at tila nakita ni Dr. Suarez ang mga matang noo'y pamilyar na pamilyar sa kanya. Ang mga matang katulad ng kay Margarita. Parang namuo ang mga luha sa mata niya.

Nang makita siya ng bata ay nanlaki ang mga mata niya.

"D-Dr. Suarez? Naku po, magandang hapon po!" sabi ni Rash sabay yuko.

Tumango lang ako.

"Ito ba ang hinahanap mo?" tanong kong muli. This would confirm it.

Nakita kong nagliwanag ang mukha niya.

"Opo. Yan nga po."

Parang bigla akong pinagpawisan ng malamig. Siya ba? Siya ba ang anak ko Margarita?

"S-sayo ba to hija? Mukhang mahalang-mahalaga sayo ah." tanong ko uli.

Masiglang tumango ang bata at ngumiti. "Opo. Bigay po to sa akin ni Mama Margarita."

Don na ako tuluyang napangiti. Di ko mapigilang magdiwang sa loob-loob ko. Sa wakas nakita ko na ang anak ko.

"Maraming salamat po at pasensya narin po sa abala." sabi niya.

Tuumango ako. Pinigilan ko ang sarili kong yakapin ang anak kong siyam na taon kong di ko nakita. Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman niya. Ipapaliliwanag ko sa kanya ang totoo.. darating ang tamang panahon.

"Mukhang may kalahati yang kwintas mo hija?" tanong ko.

Tumango siyang muli at nagsalita, "Opo, yun po ang patuloy kong hinahanap."

"Wag kang mag-alala hija, alam ko..malapit nang matapos ang paghahanap mo."

Bahagyang kumunot ang noo ng anak ko pero ngumiti lang rin.

"Mauna na po ako Dr. Suarez. Ingat ka po!" tapos kumaway siya sa akin.

****

Humarap akong muli sa puntod ni Margarita.

"Siya nga ang anak ko. Ang anak natin. Di ko pa man masabi sa kanya na ako ang ama niya pagkat batid kong di pa ito ang tamang panahon, pangako sayo Margarita.. babawi ako.. Babawi ako sa anak natin."

*****Rash//

Tinitigan ko ang kwintas. Phew, akala ko nawala ko na. Baka maiyak na lang ako sa kanal pag nawala talaga to. Nakangiting isinuot ko uli ito.

"Sino kaya ang may hawak ng kabila nito?"

VOTE, COMMENT, REVIEW :")

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

******************************************* [43] Chapter 42 :) - Illuminated ******************************************* Here's a short UD. Sorry po. Medyo busy lang sa school. Dedicated to her. Kindly leave your comments :) ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Chapter 42 :) - Illuminated Here I am waiting, I'll have to leave soon Why am I, holding on? We knew this day would come, we knew it all along How did it, come so fast? This is our last night but it's late And I'm trying not to sleep Cause I know, when I wake, I will have to slip away And when the daylight comes I'll have to go But tonight I'm gonna hold you so close Cause in the daylight we'll be on our own But tonight I need to hold you so close Oh-woah, oh-woah, oh-woah Oh-woah, oh-woah, oh-woah Here I am staring at your perfection In my arms, so beautiful The sky is getting bright the stars are burning out Somebody slow it down This is way too hard, cause I know

When the sun comes up, I will leave This is my last glance that will soon be memory And when the daylight comes I'll have to go But tonight I'm gonna hold you so close Cause in the daylight we'll be on our own But tonight I ne----

"Tss.." nilapag niya sa mini-table ang gitarang kanina niya pang kalong-kalong. Naputol ang isang string. Minasahe niya na lang ang nanakit niyang leeg. Kanina pa siya di nag-iiba ng posisyon. Nakaligtaan na niya ang oras.

Tumayo siya at uminom ng tubig. It's too silent here. It's making him sick. Sino ba naman ang taong gugustuhing manatili sa isang condo unit ng mag-isa lang?

He walked slowly towards the bathroom. Staring like a day-dreaming kid into the water. Unti-unting tinanggal ng binata ang kanyang sweat-shirt, he turned the shower open. Ngayon, unti-unti ng nababasa ng tumutulong tubig ang binata.

He planted both of his palm into the wall of the shower room and closed his eyes, then he started to realize,

"It's been quite long since I allowed myself to think many things over."

Hinayaan lang niyang bumubuhos ang tubig.

With his tired eyes shut, he allowed the water to flow over him, just like how the memories of what happened before flowed back to him.

**Flashback

"Ayun na naman yung batang parang pulubi ohh.." Kriscelle said while standing right next to Dylan. Nanatiling tahimik lamang ang batang lalake.

"Tara na, let's play na.." the little girl said.

Tahimik na tumango ang batang lalake at walang imik na sumunod na lang sa tuwang-tuwang batang babae.

He grew up with Kriscelle, they were friends since he can't remember any more. Why? Well, because her mom and Kriscelle's parents were friends and business partners too. What would he expect right?

Being the boy, he would always bring the responsibility of helping Kriscelle out. May it be in learning how to ride a bike or pati na rin ang simpleng pagbabalat ng favorite lolipop niyang color yellow.

In some unknown reason, Dylan would find happiness on being able to help Kriscelle. They were friends after all.

"Hello? Earth to Dylan??" she waved her small hands in front of his face.

Dylan's attention transferred from the girl playing alone in the playground right next to a medium-sized tree to Kriscelle who was already showing him her infamous stubborn girl stare.

"Sorry." tipid niyang sabi.

Umirap si Kriscelle. "Tara na, bike lessons again, please?" she pleaded. And he just agreed.

After teaching Kriscelle how to ride her bike, nagpaalam na sila sa isa't isa. They weren't neighbors at nasa kabilang subdibisyon ang bahay nina Dylan. So they have to go separate ways.

Nag-inat siya bahagya, namulsa at nagsimulang maglakad when he suddenly saw this girl walking with her head slightly tilted and face covered with her long wavy hair. Dylan unintentionally stopped from walking home. Without knowing it, he was already walking towards the girl.

"La..La..La.."

He stopped when he was a few meters away from where the little girl sat while playing with the sand gradually falling from her tiny closed hands.

"Ano kaya ang pakiramdam ng may kalaro talaga?" the girl said almost whispering. But Dylan heard it, clearer than his drinking water.

And so he allowed his curiousity to take over. "Do you me want to let you know how it feels?" Dylan said.

Umangat ang kaninay nakayukong ulo ng batang babae. Her long wavy hair seemed to shimmer as she slowly looked at him. Illuminated by the setting sun's raise, he saw her face. Really adorable.

For a while he thought that he saw something in her eyes. Then she looked at him as if asking who he was.

Humakbang uli siya at tumalungko ng mas malapit sa batang babae.

"I'm Lan, and you are?"

She eyed him from the tip of his hair upto his nails. Then spoke, "Sheeqa."

Dylan smiled at her. "Okay. Let's play."

Mula non, halos araw-araw nang napapadako sa park si Dylan, they would play until magsawa sila then run towards the tree in the park.

"Halika, may ipapakita ako sayo." Hinila ng batang lalake si Sheeqa sabay pakita sa puno.

"Wow. Ikaw ang may gawa?"

Tumango si Dylan.

"In front of this tree, I promise to marry you when we grow."

Her eyes widened upon hearing him say this.

Tumalungko muli si Dylan at nagsulat sa buhangin.

"Pinky promise."

--------------

"Promise me we'll see each other after your birthday Sheek." sabi ng binata. Over the months, he developed a unique name for her. Pangalang tanging siya lang at si Sheeqa ang may alam.

Tumango ang batang babae sabay kaway.

And so he went to the park the day after her birthday, bringing over a cake he personally asked her yaya to bake for Sheek. He waited for an hour, 2 hours, 4 hours, the whole morning, ngayon papalubog na ang araw ngunit wala paring Sheek na dumating.

He took one deep breath and left the cake under their tree. Frustrated, umuwing malungkot si Dylan.This is surely the worst day ever.

Everyday he would come back to check if Sheek came back to for him. It's been two years mula ng huli silang nagkita. Bukod sa pagpunta sa park ay bihira nang lumabas ang binatilyo ng bahay.

"C'mon, Dylan.. it's been two years.. can't you just..forget about her.." Kriscelle said to him one lazy afternoon.

He jolted upon hearing her say that. "Pagod ako Kriscelle, can you please leave me.." Dylan said.

Bagsak ang mga balikat na umalis si Kriscelle sa bahay ng Lautner.

Sa isip-isip niya ay dapat ng sumaya si Dylan. She won't let him feel like this..

And so that afternoon, Dylan saw a figure of a girl standing in front of the tree. Shimmering wavy hair in the sunset. He held his breath as he walked towards the girl.

Lumingon ang ngayo'y bahagyang matangkad ng dalagita.

"D-dylan.."

Without saying anything, he hugged her tightly, she has come back for him. She did.

******************

But then again, for the second time, umalis ang dalagita. Now, to pursue her dream of modelling.. and it broke me.. but still, may parte parin sa binata ang handang hintayin ito.

And now, she's back. He don't call her Sheek. Actually, eversince she came back nung sa park, she would insist on him calling her Kara, and so he did. Her hair is still wavy, but many things have changed. Many did.

Minulat ng binata ang kanyang mga mata. Pinatay ang shower at inabot ang tuwalya. Lumabas na siya.

"If I were you, lalawakan ko ang pag-unawa ko. Di natin alam kung sino ang nagsasabi ng totoo. It may be Rash, it may be Kara."

"But what if Rash is just messing things up and is lying around?" I asked on impulse.

Ken stared at me and patted my back. "But what if she's not?"

He took one deep breathe,

Ano ba ang rason ni Rash, why is she telling me that she's Sheeqa?

"What's your reason Rash?"

Bago condo ang binata, he was left with an important question in mind.

"Who is real? Is it you Kara? or I'm totally wrong for pushing Rash away?"

------------------------------

[[Kriscelle's POV:]]

"Hello dad." I kissed dad on his cheek.

"Hello baby."

"You seem to be really happy?" I asked him.

"Well, life is good."

I smiled. Kahit papano, makita ko lang na masaya si Dad, masaya na rin ako. Eversince my mom died, si Dad na ang nag-alaga sakin. Though, wala na akong mommy, I never felt really lonely, Dad, he never made me feel like I don't have a mom anymore.

One thing is still making me ache now, I really want to see my sister.

"Dad, una na po ako. Lalabas po kami ng friends."

Tumango si Dad. But when I was already in the door, he called my name. Lumingon ako on impulse.

"Would you be happy kung nakita ko na ang kapatid mo?"

Namilog ang mga mata ko. "Baket po Dad?"

He shook his head. "Nothing. Just asking."

Though nalilito pa ako, I just smiled back. What does that mean? I really don't know yet..

-----------------------------------

Nag-park ng kotse si Dylan sa harap ng mansion nina Kara. Umibis na siya at nakapamulsang naglakad papasok. He saw her swimming back and fort sa pool.

Umupo lang ang binata sa isa sa mga upuan roon at tahimik na pinagmasdan si Kara habang naliligo ito. Nang mapansin ng dalaga na may nakatingin sa kanya ay lumingon siya. When she saw Dylan, she smiled at agad na umahon sa tubig.

"You didn't told me you're coming." sabay halik sa pisngi nito.

"That's not important anymore. I'm here anyway."

Ngumiti si Kara at inabot ang tuwalya sa isa sa mga upuan.

"Wait for me inside. Magbibihis lang ako."

Tumango ang binata.

Nang makababa na si Kara ay nakasunod lang si Dylan ng pumasok ito sa kitchen.

"Manang, ipaghanda mo kami ng food." she ordered.

Tumango naman ang kanyang maid.

"Pansin ko, hindi ka nagluluto." Dylan said.

"I don't know how to, and I never really liked cooking ever since." she answered.

Bahagyang kumunot ang noo ni Dylan sa narinig.

"I thought you really want to cook. You told me that when we were still kids back in the park." Dylan said.

Napansin ng binatang medyo nanigas ang balikat ng dalaga.

"W-well, sinabi ko ba yun? Hehe.. maybe I just forgot." sabi ni Kara ng hindi tumitingin kay Dylan.

"You know, I really missed you calling me by my nickname.." Dylan said.

"What nickname?" Kara asked.

"You forgot?"

Nagkamot ng ulo si Kara. "Well, hehe.. sorry, medyo pre-occupied lang ako this past few days." she said.

Tumango lang si Dylan.

"I can still remember your nickname Kara." he said. Hindi tumugon ang dalaga. Nakatutok lang ang mata niya sa magazine na binabasa niya. She's the cover.

"Sheek."

"Sino yan?" Kara asked.

Lalong nagtaka si Dylan. "That's you. I gave you that nickname."

Biglang umilap ang paningin ni Kara. "A-ah, ganon ba. Yeah! Tama! I remember now!"

Tumango na lang si Dylan.

Buong araw na tumambay si Dylan in Kara's place. Nagkwentuhan lang sila, tapos nag-swimming until napagod na silang dalawa.

Nakaupo lang si Dylan sa sofa. Nasa taas si Kara at may kukunin raw.

Pagod na si Dylan kaya ipinikit niya ang kanyang mga mata. Hanggang unti-unti siyang hinila ng antok.

"You dont have to slap ng truth in my face.. na kahit kailan, ako man ang kababata mo, si Kara parin ang pipiliin mo. Tama na Dylan.. ang sakit sakit na.."

"..Rash, I'm sorry.."

--------------------------------------

Nagdesisiyon na rin akong maligo. Tutal nasa kwarto na rin lang ako.. Phew, good thing I was able to change the topic. Baka, maghinala si Dylan na hindi ko alam ang mga bagay na sinasabi niya. I agreed to pretend that I was the girl Dylan waited for. I gave it my all, at first for a better life, then now I'm doing it for love. Akin lang si Dylan. I'm not giving him up without a goddamn fight. Kahit hindi ako utusan ni Kriscelle, natural na wawalisin ko sa landas ko yang Rash na yan. I don't care kung paano, well if I would have to hurt her just to get rid of her,

I'll gladly do it. Akin lang si Dylan. Nag-shower lang ako saglit. After ko magbihis. I automatically changed my expression from being pissed off to a smile.

Pagbaba ko ng hagdan, tanaw ko ang bulto ni Dylan sa sofa.

"Dy-- Oh, he's sleeping." Lumapit ako para makita pa ng mas malapitan ang mukha ni Dylan. Mukhang napagod siya sa kaka-swimming namin kanina.

May guest room naman kami, I can't let him sleep here. Baka nga tabihan ko pa siya. Haha. I'm really so silly today.

Marahan kong niyugyog si Dylan para gisingin siya at nang makalipat na siya sa guest room.

"Dylan.."

"Wake up Dy--"

"..Rash.. Rash, I'm sorry.."

Napatigil ako. What is this.

Naikuyom ko ang mga palad ko.

"Damn you Rash. Mang-aagaw ka."

Imbis na tuluyang gisingin si Dylan ay lumabas ako ng bahay na dala ang car key ko.

"Hello? Diba gusto niyong makaganti kina Dylan at Rash for defeating you sa camp, yeah I know. I'm making it easier for all of you."

"Yeah.. All you have to do is takutin sila."

"Good. Meet me at the old building near the town. We're gonna' talk about it."

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

******************************************* [44] Chapter 43 :) - Am I Late? *******************************************

A/N: Isang maikling UD lang po. But trust me, ito na ang simula. Mwahahaha! Lels, Sorry ah. Medyo sabog at bangag pa ako. May exams pa ako bukas. Siningit ko lang talaga ang pag-update. So eto na :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A lie gets halfway around the world before the truth has a chance to get its pants on. -- Winston Churchill

Chapter 43 :) - Am I Late?

[[Kara's POV:]]

"This proves it. Bukod sa amin ni Kriscelle, may mas galit pa sa babaeng yun." I said.

"Oh, andito ka na pala Krisc-- Rash?!"

I rolled my eyes then eyed them as if they said the most absurd thing in the world.

"I'm not Rash. At kahit kelan wag niyo akong ikukumpara sa babaeng basurang yun." I said with a smirk.

I saw their faces, still in shock. They can't seem to believe the fact that I almost look like that b_tch. Lumapit ako confidently at umupo crossed-legged sa isa sa mga upuan roon.

"What now? Are you just gonna' stare at me like abnormal kids forever?"

Napakurap-kurap sila.

"Akala namin--"

"Urusai. Stop mentioning that girl's name. It's irritating."

Tumahimik naman sila.

"So, I guess.. oras na para maghiganti kayo."

"We don't think that's a wise thi--"

"Huh! Don't tell me na binaon niyo na talaga sa limot kung paano kayo napahiya, naparusahan, nasuspend, at kung paano nawala ng parang bula ang pinaghirapan niyong itayong club dahil sa babaeng yun? Not to mention, na-kick out pa kayo. Ang dali niyo namang magpatawad sa mga may kasalanan sa inyo."

Natahimik sila.

"H-how did you know about that?" takang tanong ng isang babaeng may mahabang buhok.

I rolled my eyes. "I'm not stupid. I have sources. And wait, di na rin importante yan, what's important here is you're revenge.

"Then why are you helping us?"

"It's not help my dear, it's called, hitting two birds with one stone."

"P-pero--"

"Remember, dahil sa babaeng yun natanggal kayo sa school at nawalan kayo ng track n' field club. Think about it, I believe, you must get even. Hahayaan niyo bang magsaya yung babaeng yun, habang kayo nagdudusa because you were destroyed. Don't tell me, habang-buhay na lang kayong magtatago?" I asked with one eyebrow up.

Napayuko sila habang nakakuyom ang mga palad. And when they held up their heads with this strange look,I knew I won.

"Anong kailangan naming gawin?" they asked.

"You just have to let me control the first part of the game, pagkatapos, takutin niyo sila."

They looked at me as I gave out a lope-sided grin. Kung di ka lang sana nakialam Rash, wala ka sanang problema ngayon. This is what you'll end up getting for prying into our life.

"No one can take away Dylan from me."

[[Dylan's POV:]]

Nagising ako kanina sa sofa nina Kara. But they told me, umalis raw ang amo nila. Nagmamadali. What's wrong? Di man lang niya ako ginising.

Nagbilin lang ako na aalis na. Kung sakaling may kailangan si Kara ay patawagan na lang nila ako. I'm going straight home. Masakit ang ulo ko at nahihilo pa ako. I don't know what's wrong with me..

And actually, I also want to check it out if Rash is home.

Home. Yes. We share a common home. Why? Maybe because, my condo unit could have been as dull as gray if she wasn't with me. Ang simpleng ingay niya, parang ang sarap sa tenga. And now, since that activity in school, hindi na kami nagpapang-abot. I really don't know why, maybe di lang talaga kami nagkakasabay o iniiwasan niya nga talaga ako. The later reason, is what I actually fear.

I parked my car tapos halos papikit na ng sumakay ako ng elevator. I'm praying na mabilis lang tong dumating. I badly need to sleep. My head damn hurts.

Saktong pagbukas ng elevator ay mabilis akong lumabas at kinapa ang susi sa bulsa ng pantalon ko. I was about to open the door nang makalanghap ako ng amoy ng adobo. Ewan ko, pero ang una kong naisip ay si Rash.

I immediately opened the door.

"Ras--Hell." napatigil ako sa paglalakad.

"Welcome home! Son!"

Nawala lahat ng antok ko. Parang mas gising pa ako sa salitang gising. What is she doing here?!

"Mom.."

Nakangiting lumapit si Mommy sa akin at niyakap ako. "I miss you son."

Sa kabila ng pagkabigla ko ay niyakap ko parin si Mommy. "I miss you too."

Bigla siyang humiwalay sa akin at kinurot ang pisngi ko.

"A-a-aray! Shi-- Aray! That hurts Mom. Let go!" nakapikit ang isang matang nagpipilit akong makawala sa kurot sa akin ni Mommy.

"Ang laki mo na ng baby ko! Pwede na ngang gumawa ng baby!" nakangising sabi ni Mom.

I stepped backward. "Stop it Mom! Baket ka nga pala napauwi bigla? Di mo man lang ako sinabihan?"

"I wanted to surprise you, and well, I just did! Plus, I think, panahon na rin para ako naman ang makasama mo, you know, I'm guilty for leaving you here."

"Mom, stop sounding like you're gonna' cry anytime. Ang ewan lang." Sabi kong nagkakamot ng batok.

"You've been such a bad boy son." Mom said after letting go of me.

Binigyan ko siya ng nalilitong tingin.

"What?"

"Don't what me Dylan. We all know na hindi mere na rason ang dahilan kung bakit nag-leave si Rash from work."

"Naglea-- WHAT?!" nabigla ako. Since when?? Bakit di ko alam yun?

"anong what?? Don't tell me, hindi mo alam na humingi sa akin si Rash ng tatlong linggong leave?"

Hindi makapaniwalang tumanggi ako. "She.. She didn't tell me."

Humalukipkip lang si Mommy. "Now, tell me.. what happened?"

I was silent for a few second.

"I..I don't know.." I said almost whispering as if I'm more like talking to myself than to my mom.

"That's impossible. May nangyari Dylan, go ask yourself."

Then she pushed me papunta sa hagdan.

"Go get some rest son, you need one.."

Tumango na lang ako.

"And oh, hanggat maaga pa, ayusin niyo na to. Dahil habang tumatagal, lalong lalala. Binigyan ka ng Panginoon ng dalawang mata, so don't be blind. Open up your ears for unheard feelings bago pa tuluyang maglaho lahat ng yon." she silently went back to the kitchen leaving me and my troubled heart and mind behind.

Hinayaan ko lang ang pagod at nahahapo kong katawan na malunod sa kama ko. Ang daming tanong sa utak ko. Una, bakit umalis si Rash. Pangalawa, ano ang rason niya para sabihin na siya ang kalaro ko noon at peke si Kara. Pangatlo, what do I really feel inside. This is making me tired.

I closed my eyes. Ganito ba kadilim pag wala si Rash?

"Lan..Pinky Promise." a little voice said. This voice is so familiar.

"Lan.. I'm sorry.." Rash? Boses ni Rash yun ah.

"You dont have to slap ng truth in my face.. na kahit kailan, ako man ang kababata mo, si Kara parin ang pipiliin mo. Tama na Dylan.. ang sakit sakit na.."

"Lan.."

"Lan.."

I can see Rash smiling at me, and then a tear fell down on her cheek.

"Lan.." she mouthed. "It's me.. Sheek."

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

"RASH!" Napabalikwas ako ng bangon. What was that??

"Lan.." bulong ko sa sarili ko. "Lan.." ipinikit ko muli ang mga nahahapo kong mata.

"Pinky promise.. and Lan.." "S-si Rash??"

Mabilis akong tumayo at lumabas ng kwarto ko. I oppened Rash' room at si di ko alam na dahilan ay napatingin ako sa table sa gilid ng kama niya. Naglakad ako palapit ron. I unconsciously opened the drawer, may box na maliit.

Di man sigurado ay kinuha ko ito at hinay-hinay na binuksan.

At parang dinukot ang puso ko sa nakita ko.

Pictures ni Rash nung bata pa siya.

"S-sheek.."

Napasabunot ako sa sarili ko. I cupped my face with my two hands.

"Damnit Dylan.. baket di mo napansin agad?" Kara.. she never called me "Lan" before.. as far as I can remember, he called me by my real name when we met. At di ko maalalang sinabi ko sa kanya ang totoo kong pangalan.

Naikuyom ko ang mga palad ko. I even told Rash she's a lier. All this time pala, nasa tabi ko na ang hinahanap ko. I'm just being too blind.

Tumayo ako at sinuntok ang pader ng kwarto ni Rash. "Damn it! Kung naniwala lang ako sa kanya.. Goddamnit!"

Tinitigan kong muli ang mga pictures at mabilis na lumabas ng unit ko dala ang car keys ko. I'm taking her back.

I don't care kung galit na galit siya sa akin. I'm definitely going to win her back this time.

Pinaandar ko ang sasakyan ko. Hahanapin kita Rash. I'm sorry for not believing my heart.

And then I realized, even without knowing who she really is, inunahan na ako ng puso ko. I fell inlove with the my babysitter. I love her. I love Rash.

[[Rash' POV:]]

8:00 PM. Napatingala ako sa langit. Ang daming bituin. Kaninang alas siyete pa ako paikot-ikot malapit rito sa park. Parang ayoko pa bumalik don sa bahay nina Kadness. Pansamantala kasing doon muna ako tumitira mula nang umalis ako kina Dylan.

Tama, ngayon.. Di na niya ako babysitter. Parang nakakapanibago lang. May miminsan ngang, nagigising ako ng 4 AM. Unconsciously ay tatayo ako at lalabas ng tinutulugan kong kwarto which is kwarto ni Kadness. Tatanungin niya ako kung san ako pupunta and then I would answer. "Gigisingin ko lang si Dylan."

Pero kapag narerealize kong wala na nga pala ako sa unit ay madedepress na naman ako ng paulit-ulit na lang. Haaaaaaaay, buhay nakaka-stress.

Kanina, nakipaglaro uli ako sa mga bata. Nakakatuwa sila pagmasdan, mga paslit na walang ibang pinoproblema kundi pano nila malalaro lahat ng laro. Di ko tuloy maiwasang isipin na sana naging bata na lang ulit ako. Masyadong kumplikado ang paglaki.Ang daming problema, yung tipong mababagot ka na lang at mapapagod ay di mo parin nagagawan ng sulosyon.

Bitbit ko ang plastic ng junk food na binili ko kanina bago ako pumunta sa parke. Naubos ko na lang siya, hindi parin ako nakakaramdam ng kagustuhang umuwi. Dito na lang kaya ako matulog? Pero bawal eh. Madampot pa ako, or worse marape. Pansinin pa naman ang alindog ko. Oh, wag na aangal.

Napabuntung-hininga na naman ako. Di ko na alam kung pang-ilang buntung-hininga ko na to. Pero siguro pag binilang ko, sa next planetary alignment pa ako matatapos. Nakakayamot kaya wag na lang.

Pero siguro tama na rin ang desisyon kong isuko na lang ang nararamdaman ko, mahirap ang umasa lalo na sa wala. Nakaka-shamoy yun. Sobra. Tingin ko naman, mukhang di na nagmamatter kung sino ang totoo, ang importante, sino ang mahal. Awts nga lang kasi hindi ako.

Napatawa ako ng pagak. Kung may makakita siguro sa akin dito eh, aakalaing nababaliw na ako. Haayyyyy talaga! Ang AMP lang!

Pumikit ako sabay replay sa mga kakulitan at awayan namin noon ni Dylan then I just suddenly felt my eyes go heavy. Only to find out na umiiyak na naman ako. Tsk, ang saklap maging iyakin!

Agad kong pinunasan ang luha ko at ngumiti. Awts, tanga lang!

"Meow.."

Napatigil ako. Pusa? Ay hindi, kalabaw yan. Tanga lang Rash? MEOW nga diba? So malamang PUSA!

Lumingon ako. Ay, ayun.. nakapuso sa may gilid ko. Parang nakatingin siya sa akin kaya naman, tumayo ako lumapit sa kanya.

Tumalungko ako at hinimas ang likod ng pusa.

"Hello.. kamusta ka?"

Nag-meow lang ang pusa.

"Mag-isa ka lang din ba? Ako rin. Ang saklao ng buhay natin no??" sabi ko sabay tawa ng peke.

"Meow.."

Hinihimas ko lang ang pusa ng bigla itong tumayo at nagsimulang maglakad palayo.

Tumayo na rin ako at naglakad palapit sa kalapit na kalsada. Mukhang oras na rin para umuwi. Nasobrahan na ako sa emote ngayon. Shamoy na.

Nagsisimula na akong maglakad ng biglang may parang sumigaw.

"SHEEK!" Ewan ko pero auntomatic akong napalingon. At nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang nakaharap sa akin ngayon, nakangiti habang nakatitig deretso sa mga mata ko.

"La--" Pero nabigla ako ng may biglang tumigil na van sa likod ko. May humawak sa isa kong kamay kaya napalingon ako. Pero isang panyo ang sumalubong sa bibig ko. Nakamaskara yung lalake!

Ano to?!

Nagawa ko pang lumingon kay Dylan. I saw him running towards me. Shit! Ayokong madamay si Dylan kaya pinilit kong sumenyas para tumakbo na siya.

Dumiin pa ang panyo sa may mukha ko kaya unti-unti ng nanlalabo ang aking paningin. B-baket??

Narinig ko pa ng isigaw ni Dylan ang pangalan ko.

"Rash! Let her go! RAAAAAASH!"

Inangat ko ang nanghihina kong kamay sa direksyon ni Dylan hoping to reach him. But everything went black..

"..Lan.."

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

******************************************* [45] Chapter 44 ;) - Never Let Go *******************************************

"Love isn't always perfect. It isn't a fairytale or a storybook and it doesn't always come easy. Love is overcoming obstacles, facing challenges, fighting to be together, holding on and never letting go. It is a short word, easy to spell, difficult to define, and impossible to live without. Love is work, but most of all, love is realizing that every hour, every minute, every second of it was worth it because you did it together." -- Ritu Ghatourey

-------------------------------------------------------------------------------------------------

--xx Dedicated to ate aLexisse_rOse, bakit sa kanya? Kasi idol ko siya. Ang galing niya. At dahil din sa kanya, nagkalakas-loob akong tapusin ang aning-aning kong story. Hahaha. :)) Pero huwayt, hindi pa ito ang ending. Baka nga, mayamot na kayo. Pero okay lang, salamat parin sa support! -xx ---------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 44 ;) - Never Let Go

"Gago ka ba?! Baket mo yan dinala rito?!"

"Gago ka rin! Nakita niya mukha natin!"

"T@ngina! Pano mangyayari yun eh, nakamaskara ako?!"

"Ikaw lang! Wala akong maskara!"

"Eh, gago ka pala talaga eh! ba't di mo sinuot ang maskara mo?!"

"Tumahimik nga kayong dalawa! Ang iingay niyo!" boses ng isang babae.

Naririnig ko sila pero di ko sila nakikita. Nakapiring sa sobrang kapal na tela ang mga mata ko. Sino kaya ang tinuturing nilang di dapat isinama?

Abot-abot ang kaba ko sa nangyari. Baket? Baket ako andito?

Ginalaw-galaw ko ang mga kamay ko pero mahigpit itong nakatali sa likod ng upuan. Nakaupo ako habang nakatali ang dalawang kamay at paa kaya hirap na hirap ako. Ang hapdi na rin ng kamay ko dahil sobrang higpit ng pagkakatali. Takte, mamamatay na ba ako?

"Tsk! Nagkaleche-leche na to. Anong gagawin natin ngayon eh dinala mo yang Dylan na yan dito? Alalahanin mo, yang Rash lang yan ang pakay natin."

Muntik na akong mapasinghap sa sinabi niya. N-nandito rin si Dylan?

Anong kailangan nila sa amin??

"Eh, kung itumba na lang natin yang pakialamerong yan?"

Napaigtad ako sa sinabi niya pero pinilit kong itikom ang bibig ko.

"Ano?!"

"Itumba na lang natin yan. Dahil pag yan nakawala, ikanta pa tayo. Patayin na natin yan."

Dun ko na di napigil ang mapasinghap ng malakas, dahil sa bigla ay malakas akong napagalaw dahilan para matumab ang upuan kinaroroonan ko, dahil sa nakatali ako kasama akong nabuwal nito.

Sobrang sakit ng bagsak ko, parang napuruhan ang isa kong balikat.

Kasabay ng pagbagsak ko ang pagkakatanggal ng piring ko. Pero parang binundol sa sobrang kaba at takot ang buo kong pagkatao ng makita ko ang nasa harapan ko.

"D-dylan.."

Nakatali siya sa isang poste habang nakayuko ang ulo, hula ko ay walang malay.. bakas ang mga pasa sa buo niyang katawan.

"A-anong---"

"Oh? gising na pala si pakialamerang sleeping beauty."

Napaangat ang paningin ko, sobrang hirap na hirap ako sa posisyon ko ngayon. Pero di ko alintana yun.

"A-anong ginawa niyo sa kanya?!" pilit kong tanong.

The girl just smirked then gave out a chaste laugh. "Tingin mo?"

"Pakawalan niyo siya.." halos pabulong ko ng sabi.

Naglakad palapit sa akin yung babae, habang palapit siya ng palapit, nakikita ko na ng maayos ang mukha niya.

Y-yung babae sa track team!

"Baket niyo to ginagawa? Wala naman kaming ginawa sa in---A-aray!"

Bigla niyang hinila ang buhok ko, dahilan para umangat ang katawan ko ng konti. Ang sakit ng anit ko.

"Wala? Sigurado ka ba??" malumanay niyang tanong.

Nakatitig lang ako sa kanya habang nakapikit ang isang mata. Ang sakit ng hawak niya sa akin.

"Tinatanong kita, KAYA SUMAGOT KA!" sabay sampal sa akin ng malakas.

Nabigla ako dun, kaya ang sakit ng pisngi ko.Ilang minuto rin akong nakapikit lang.

"B-bakit niyo dinamay si Dylan dito?" pautal-utal kong tanong.

Tumawa yung babae, "Baket? Eh pakialamero kayo eh! Mga basura!" tapos, bigla niyang hinila ang upuan ko patayo ulit. Hinawakan niya ang pisngi ko at itinaas ang mukha ko.

"Wala kayong ginawa sa amin? Sigurado ka?"

Tahimik lang ako..

"T_NGINA MO! DAHIL LANG NAMAN SA INYO, NA-KICK OUT KAMI, NASIRA KAMI, NAWALA ANG TRACK TEAM SA AMIN!" tapos hinawakan niya ang mukha ko. Halos bumaon ang mga kuko niya sa pisgi ko.

"A--ra--y.."

"Ang sarap pakinggan ng aray mo Rash. Pero wag mong isipin tama lang yan para sayo, dahil nagsisimula pa lang kami!" marahas niyang tinulak ang pisngi ko.

Ginalaw-galaw ko ang kamay ko, lumuluwag na ng bahagya ang tali..

"Don't even think about it bitch. Pag ikaw, kumawala diyan, I'll kill Dylan sa harap mo mismo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ang laki ng galit niya sa akin..

"Itali niyo siya uli!" she commanded. Tumalima naman ang dalawang lalake, pamilyar sila sa akin.. galing rin sila sa track team.

Lumapit ang dalawa sa akin, hinawakan ang kamay ko at tinali ito ng sobrang higpit.

Napapikit ako. Bumabaon na ang tali sa pulso ko.

Pero mas natigagal ako sa sunod nilang ginawa, dinaklot nila ang isang butones ng suot kong damit, dahilan para matanggal ito. Nanlaki ang mga mata ko..

"W-wag!" impit kong sigaw. Nanginginig na ako sa takot.

"How pathetic, Ra--"

"How dare you touch her." napamulat ako ng aking mga mata. D-DYLAN!

Nalipat ang atensyon naming lahat kay Dylan na nakatali parin sa poste pero ngayon ay gising na at sobrang talim ng tingin sa amin.

Pero imbis na masindak ay ngumisi pa ang dalawang lalake.

"Oh, gising na ang isa pang pakialamero."

Lumapit sila sa pinagtalian nila kay Dylan at akmang susuntukin na sana ito ng biglang may nagsalita.

"Don't hurt him."

Napalingon kaming lahat.

Pero lalo akong naguluhan at sobrang nabigla, "K-kara.. a-anong ginagawa mo rito?"

Tinapunan niya ako ng tingin sabay lakad papunta sa akin.

"Anong pakialam ng isang mag-aagaw na tulad mo?"

"K-kara.." nanghihina kong sabi.

"SHUT THE F*CK UP BITCH!"

"KARA!" biglang angil ni Dylan.

Napatigil naman si Kara sa pagmura sa akin, biglang umamo ang itsura niya at lumapit kay Dylan.

"Dylan, andito ako para iligtas ka.. let's go back." malambing na sabi ni Kara kay Dylan.

Matagal ang katahimikan, nakakabingi. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Alam ko, sasama si Dylan kay Kara, iiwan niya ako rito. Bakit hindi? Eh, si Kara ang mahal ni--"

"tigilan mo na to Kara. Tama na." matatag na sabi ni Dylan. Napamulat ako. A-ano?

"Baket dylan? Diba, mahal mo ako? Ako ang kalaro mo noon? C'mon, umalis na tayo rito.. Let's g--"

"Stop lying in my face Kara. Sinungaling ka. Anong karapatan mong lokohin ako?!" paangil na sabat ni Dylan sa sinasabi ni Kara.

"C'mon, Dylan.. alam kong nalilito ka lang, pero andito na ako. Bumalik ako para sayo.."

"No. Kara, hindi ka bumalik, dahil wala ka na ring babalikan."

"Dy--"

"Hindi kita mahal."

Biglang kumuyom ang palad ni Kara sabay talim ng tingin. Lumapit siya kay Dylan at nagtanong.

"I'm giving you your last chance Dylan, mamili ka.. ako, o si Rash?"

Hindi sumagot si Dylan. Sa halip ay tumingin si Dylan sa akin at.. at ngumiti.

Nabigla ako pero nawala rin ng biglang sinugod ni Kara ng sampal si Dylan.

"I swear, you'll curse this day Dylan! Nagkamali kang hindi ako ang pinili mo, magsama kayong dalawa."

Then she walked out of the building.

"Kayo ng bahala sa kanila."

Nakangising pumasok uli sa kwarto ang babae kasama ang isang lalake.

"Tsk, wrong choice Dylan. That would cost not just your life.."

Binubundol sa sobrang kaba ang dibdib ko. Hindi parin ako makagalaw sa upuan ko. Habang si Dylan nakapikit na ang isang mata, marami na siyang galos at namumula pa ang isang pisngi dulot ng pagkakasampal sa kanya ni Kara.

"Huh, sige.. magtitigan muna kayo, baket? Dahil malay niyo, huli niyo na to."

Tumiim ang bagang ni Dylan then she looked sharply at the guy.

Sinuntok naman nito si Dylan ng malakas sa sikmura.

"T-tama na! Tama na!" taranta kong sigaw.

"Ano Rash?! DI KITA MARINIG!" sigaw nung babaeng kilala ko sa pangalang Vanessa. Sinuntok na naman ng lalake uli si Dylan.

"T-tama na.." napahagulgol na naman ako.

"Okay. Ganon ba Rash? Sige, papakawalan namin si Dylan, sa isang kondisyon."

"A-ano??"

"Lumuhod ka, at iwanan mo si Dylan. Make sure to not see him again, because if you do.. Papatayin namin siya."

Nanlaki ang mga mata ko, pero ilang sandali lang ay,

Unti-unti na akong lumuluhod.

"RASH! No, don't do this! You don't have to do this! Makakaligtas tayo, I promise.. we'll get out of her together." Dylan said.

Biglang binuhusan ng malamig na tubig ng lalake si Dylan. Dahilan para mapasigaw sa sakit si Dylan.

Tumulo na ng tuluyan ang luha ko.

"TAMA NA!" sabi ko. Paluhod na ako ng biglang tinulak ako ni Vanessa.

"Wag na. I've changed my mind. Ang kupad mo kasi gumalaw!" lumapit siya sa isa niyang kasamahan at bumulong rito.

Bago ko siya nakitang tuluyang lumabas ay nakita kong ngumisi ang kasama niya sabay hakbang palapit sa akin.

Ang huli kong narinig ay ang pag-andar ng isang sasakyan at ang tunog nito habang papaalis. Mukhang itong lalake na lang ang natitira rito.

Ang dami kong dugong nakikita, nanginginig ang buo kong katawan.. Ang daming dugo..

Lumapit siya sa akin at tumalungko. May kinuha siya sa bulsa niya. Nang makita ko ito, sobrang nanghilakbot ako.

"Konting tiis lang ganda.. pagkatapos nito, promise, sasaya ka.." tapos ngumisi siya ng mala-demonyo.

Nahintakutan ako sa nakita kong ngisi niya. Lalo akong nanginig.

Habang unti-unti niyang nilalapit ang injection ay napapapikit ako.

"W-wag.."

"GAGO KA! BITIWAN MO SIYA!" sigaw ni Dylan.

Pero huli na.. bumaon ang karayom sa braso ko. Ang diin!

"AAA-AAHHH! T-tama na!" impit kong sigaw. Nakita kong nagwawala na si Dylan.

Nang matapos ay nanghina ako kaagad. Ngumisi ito at humarap sa direksyon ni Dylan.

"Narinig kong sinabi mo sa babaeng to, na sinungaling siya. Diba hindi mo mahal si Rash Dylan? Pwes, akin na lang to. Para mapakinabangan naman."

Nanindig ang mga balahibo ko. Wag po..

Hinawakan niya ako sa braso at hinablot ako palapit.

Nakawala na ako mula sa tali ko, kaya pinilit kong takpan ang sarili ko.

"Damn you! Wag mo siyang hahawakan!" sigaw ni Dylan.

Tumawa lang ang lalake at biglang dinaklot ang natitira pang butones ng damit ko. Napayakap ako sa sarili ko. Napapahagulgol na ako. Wag.. Tama na please..

Ngumisi ito bigla akong niyakap pero nabigla ako ng makitang nabalibag palayo ang lalake.

Sa namimilog na mga mata ay napatingin ako sa taong nasa harap ko ngayon.

"Dy--- lan.." mahina kong bulong. Namimigat na ang mga talukap ng mata ko.

"Shit.. pampatulog to ah.."

Bigla akong hinapit ni Dylan sa bewang sabay salubong sa akin ng mahigpit na yakap.

"God, I don't know what to do kung mawala kapa sa akin.. I can't take it. Rash, mahal na mahal kita."

Nabigla naman ako. "D-dylan..--"

"Shhhh.."

Agad niya akong binuhat ang mabilis. Nakita kong nawalan ng malay ang lalake kanina. Ang lakas ni Dylan.

Umabot kami sa labas.

Pinasok ako ni Dylan sa isang sasakyan. Nandun lang ang susi kaya mabilis itong pinaandar ni Dylan.

Nakasandal lang ako sa upuan, hinang-hina.

"Dylan.. ang sakit ng ulo ko.." bulong ko na hinang-hina.

Hinawakan ni Dylan ang kamay ko, at pinagsalikop ito.

"Hang on Rash, please.. don't give up."

Pero sobrang bigat ng mata ko, pinipigilan ko lang na makatulog.

"Tingin ko, nakalayo na tayo.. we'll find a safer pla--- SHIT! THE BREAK!"

What break?

Napapansin ko na lang na pagewang-gewang ang sasakyan. A-anong..

Hinawakan niya ako sabay hila sa akin, he hugged me as if he's protecting me and said,

"Mahal na mahal kita.."

Pinilit kong buksan ang mga mata ko.. only to see na malapit na kami sa isang malaking kahoy.

At ang huling maririnig na lang ay malakas ng tunog ng wasak na sasakyan.

"Dy--lan.."

VOTE, COMMENT, REVIEW :'>

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

******************************************* [46] Chapter 45 :) - Void ******************************************* If I go away What would still remain of me? The ghost within your eyes? The whisper in your sighs? You see... Believe And I'm always there.

---

Jon Oliva

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------- xx Chapter 45 :) - Void

[[3rd Person's POV:]]

"Tita! Kamusta na po? Ang tagal na po nating di nagkikita ah!" masiglang bati ni Claudette sa Mommy ni Dylan.

Agad naman siyang niyakap nito.

"Naku, hija! Ang laki mo na. May boyfriend ka na siguro no?" nakangising tukso ng Mommy ni Dylan.

Bakas naman ang pamumula ng dalaga sa sinabi nito.

"Eh, tita naman eh. Wala po." nakayukong sabi ni Claudette.

Tumawa lamang ang Mommy ni Dylan at niluwangan ang bukas ng pinto ng condo unit.

"Halika hija. Tuloy, at nang makapagkwentuhan tayo. Namiss kita. Nung huli kong punta rito, sipunin ka pa, ngayon ang ganda mo na. Ang gaganda talaga ng lahi natin." tatawa-tawang sabi ng ginang.

Nagkamot lang si Claudette ng batok sabay pasok sa unit.

"Upo ka muna diyan. Ipaghahanda kita. Anong gusto mo? Juice or anything?" nakangiting tanong nito.

"Kahit ano na lang po Tita. Busog pa rin po naman ako. Lumabas rin po kasi kami ni Neo kanina lang."

"Ganun ba-- Sino si Neo??" namimilog ang mga matang usisa ng ginang.

"H-ha?? M-may sinabi po ba akong Neo?"

"Claudette, hindi bingi ang tita mo. Ayaw mo pa kasing aminin na may boyfriend ka na." nakangiting sabi ng mommy ni Dylan.

Napayuko ang dalaga, "E-eh.. hindi ko pa naman po siya boyfriend eh.."

Napahagalpak ng tawa ang ginang, "God, you really are inlove. Look at you.. you're red!"

Napatakip naman sa mukha nito si Claudette sabay ngawa. "Tita naman eh.."

Tumalikod na ang huli at tatawa-tawang pumasok sa kusina.

"Ang tahimik po yata. Si Dylan po?"

"Wala siya eh.. hindi pa siya umuuwi mula kagabi. Medyo nag-aalala na nga ako, pero ang alam ko, hinanap niya si Rash."

"Si Rash po?"

"Oo. Kasi naman, itong torpe at lito kong anak, ang tagal narealize na mahal niya si Rash."

"Diba po? Bumalik na si Kara?"

Tumango ang ginang. "But I don't think that matters, I know si Rash ang mahal niya that's why I'm here to support him. It's not everyday that we'll meet a person who's strong enough to let my son smile and cry. She must be really genuine. Rash, she is definitely a rare gem."

Napangiti si Claudette. "Mukhang tama nga po ang sinabi ko sa inyo noon Tita. Si Rash na nga ang tatapat sa suplado niyong anak."

"Oo nga. At honestly, when I saw Rash for the first time.. I thought she was really Kara, but there is something too different in her. It's like I've seen her before. Naalala ko sa kanya yung kalaro dati ni Dylan. Medyo pareho sila ng features."

Ngumiti lang ako. "Eh, diba po si Kara yun?"

"Kaya nga. Anyways, ang importante nagising na ang anak ko. They both deserve to be happy."

"Oh, hija.. eto na ang jui---Ayy!"

Nabigla silang dalawa ng tuloy-tuloy na mahulog ang baso at nabasag ito. Walang gumagalaw. Nang makahuma na sila ay nagkatinginan sila.

"what had just happened?"

Biglang nag-ring ang cellphone ni Claudette.

"Excuse me po. I'll just take this."

"Hello?"

"Baket? What?! A-anong.."

Nanghihinang napaupo ang dalaga. Nagtaka naman ang Mommy ni Dylan.

"T-tita.. Si Dylan at si Rash.."

---xx

"Oh, napadalaw ka?" nakataas-ang isang sulok ng labi na tanong ni Kriscelle kay Kian.

"I'm not here to visit you."

"Then what are you doing here?" nakataas-kilay na tanong nito uli.

"I cant believe you Kriscelle."

"Then no one's forcing you to do so."

"Di ko akalaing aabot ka sa punto na papatay ka."

"Papatay?! What the heck are you talking about?!"

"Stop playing dumb Kriscelle! Dahil sayo, nasa ospital ngayon si Dylan at Rash!"

"W-what?! Wala akong alam!"

"Stop it Kriscelle! nang dahil sayo, nag-aagaw buhay silang dalawa ngayon. Masaya ka na ba?" galit na galit na tanong ni Kian sa dalaga.

"N-nasa ospital si Dylan?"

"Stop it Kriscelle, kahit na tumalon ka pa, di ako maniniwalang wala kang kinalaman rito. Makatulog ka sana ng mahimbing."

Then Kian walked out of Kriscelle's house.

Pero bago pa tuluyang sumakay si Kian sa kotse niya lumingon siya sa direksyon ni Kriscelle.

"If anything bad happens to Rash, I promise, you'll regret it for the rest of your life."

----xx

Walang nagtatangkang magsalita o umimik man lang. Ramdam ng lahat ang bigat ng paligid sa lugar. The club was there, Dylan's mom is silently crying while Claudette sat right next to her trying to give her comfort.

Ang tanging naririnig lang nila ay ang tunog ng pagtakbo ng oras sa kinauupuan nila.

"Sino ang direct relative ng pasyente?"

Sabay-sabay na napatayo ang lahat.

Lumapit ang Mommy ni Dylan.

"Himalang di grabe ang nakuha niyang damage. Tapos na po ang operasyon, oobserbahan pa muna siya. We'll inform you kung may mga improvements."

Tumango ang mommy ni Dylan. "Yung.. yung babaeng pasyente ho Doc?"

"She's still under operation. Siya ang napuruhan. Mukhang siya ang tumalsik ng malayo ng tumalon sila sa pabanggang sasakyan."

Napasinghap silang lahat.

"Sige ho. Mauna no ho ako." giit ng doctor sabay alis.

Naiwang bigla at lito ang lahat.

"This is all her fault." giit ng isang boses.

"K-kriscelle.. walang kasalanan si Rash rito." mahinahong sabi ni Patricia.

"Why are you defending her?!" medyo tumaas na ang boses ni Kriscelle.

"Wala naman talaga siyang kasalanan, pareho silang biktima rito."

"Don't give me that nonsense. Kung di dahil sa babaeng yan, hindi mapapahamak si Dylan!"

"Stop it Kriscelle!" Pigil ni Angelo sa kanya.

"No. I won't stop! Kung di dikit-dikit yang babaeng yan kay Dylan, wala sana sa loob si Dylan at nagaagaw buhay! It's all her fault!"

"I said stop it Kriscelle!"

"No! I'll make sure na makukulong yang babaeng yan! Siya ang dahilan! Kung di lang siya parang uod na dikit ng dikit wala si Dylan dito, wala tayo dito!"

"..How I wish mamatay na lang yang Ra--ahh!"

Nabigla ang lahat. Sapo ni Kriscelle ang namumula niyang pisngi habang di makapaniwalang nakatingin sa taong nakatayo ngayon sa harapan niya.

"D-dad.. why?"

"How dare you say something like that to her."

"P-pero dad! Tama ako.."

"Hindi kita pinalaki na ganyan Kriscelle!"

"I don't care! Rash..that bitch! Dapat siya na lang ang mamata-- ah!"

Isang sampal uli.

"D-dad.."

"Hindi na kita kilala anak. How could you?"

"Hindi mo ba alam na ang babaeng gusto mong mamatay ngayon, ang babaeng nag-aagaw buhay ay ang babaeng matagal mo ng gustong makita?!"

"W-what.. I-I don't understand.."

"Rash.. she's your sister."

Napasinghap ang lahat. Napatigil si Kriscelle..

"T-that's not a funny joke dad.." halos pabulong na sabi ni Kriscelle.

"Who told you I'm joking. Rash is your sister." May kinuha sa bulsa nito si Dr. Suarez.

Nang ilabas niya ito ay namilog ang mga mata ni Kriscelle.

Dalawang moon-shaped necklace..

"Dad.."

"You know I own the other one.. but the other half.. si Rash ang may ari ng kalahati."

Unti-unting napaluhod si Kriscelle..

She shook her head.

"K-kapatid ko siya.. K-kapatid ko si Rash.."

Tila hindi makapaniwala ang lahat ng nakarinig. Who could have thought that Rash and Kriscelle were sisters?

Biglang tumakbo si Kriscelle palabas ng ospital. Naiwang hapung-hapo ang ama nito.

"Baket? Baket kung kelan nakita ko na ang anak ko, diyan pa siya kukunin sa akin.." nakayukong sabi ng Ginoo. Unti-unting yumugyog ang balikat nito dahil sa mahinang pag-iyak.

"Sir, mawalang-galang na po, pero kilala po namin si Rash.. hindi siya basta-basta susuko.."

Yumuko lang uli ang Ginoo at ipinikit ang nahahapong mga mata.

"Rasheeqa.."

----- xx

[[Kriscelle's POV:]]

"I want you to get rid of her.."

"Welcome to hell, Rash."

"Damn you Rash, mang-aagaw ka."

"Kung akala mo mas matalino ka sakin, dream on Rash."

"Nakaka-awa ka Rash, you'll forever be a damsell in distress."

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang di ko na alam kung asan ako. H-hindi ko maintindihan..

Kapatid ko si Rash? Pero.. matagal ko na siyang sinasaktan.

Parang gusto kong sampalin ang sarili ko for being so dumb. Sinaktan ko ang sarili kong kapatid. I hatred her all this time..

I remembered how angry I am nung naungusan niya ako sa ranking, how I planted schemes just to get rid of her, how I humiliated her in front of the crowd, how I called Kara back just to see Rash hurting for her losing Dylan.. and how I wished that she'll die instead of Dylan.

Nasapo ko ang mukha ko. Di ko akalaing magagawa ko yun sa sarili kong kapatid.

"Rash.. I'm sorry.."

I allowed myself to just sit and cry there like nobody's watching me. Ang alam ko lang ngayon, nasa panganib ang kapatid ko.

And I'm starting to hate myself for doing all those things to her.. If only God would give me the chance to ask for her forgiveness. If only..

----xx

**Three Days Later

"I think nakalayo na tayo. We'll find a safe-- Shit the Breaks!"

Damn it! Bakit walang break to?

Napalingon ako kay Rash. She was trying to keep her eyes open. Mukhang ummepekto na ang tinurok sa kanya pampatulog. f_ck this! Baket? Baket kung kelan pwede ko nang sabihin kay Rash kung gano ko siya kamahal. Damn it!

I tried to control the wheel pero gumegewang-gewang na ang kotse. And so I hugged Rash tightly and whispered sweet nothings to her.

God knows how much I love this girl.

Nang malapit na kaming bumangga, ginawa ko ang lahat para mabuksan ang pinto sa tabi ni Rash, when it finally opened, I held Rash and jumped out of the car.

Ang huli ko lang na naalala ay kung paano ako bumagsak at kung paano tumalsik palayo ang babaeng mahal ko.

"R-rash.."pinipilit kong abutin ang kamay niya pero parang tinatakasan na ako ng lakas. I felt like every drop of energy was slowly sucked out of my whole being. I hated the fact that i wasn't able to protect her..

I was too weak..

----xx

I stood in front of a grave. I don't know why I'm here.. Pinipilit kong makita ang pangalang naka-ukit sa libingan pero masyadong maliwanag na sumasakit na ang mga mata ko. Wala akong makita bukod sa libingang nasa harapan ko ngayon.

Di ko maintindihan ang nararamdaman ko, As i stared at the grave, i felt a tingling sensation inside. Lalo akong nahiwagaan.

Then I heard someone spoke..

"Dylan.."

Boses ni Rash.. di ako pwedeng magkamali..

"Mahal na mahal kita.."

"Rash?! Nasan ka?? Show yourself to me.. wag mokong biruin ng ganito!" I almost begged for me to see her.. pero wala.

"Dylan.."

Napalingon ako. There she is, nakatayo habang nakangiti. Tinakbo ko siya, and when I was about to reach her hand, she vanished.

---- xx

I slowly openned my eyes.. sumalubong sa mabibigat ko pang mga mata ang puting paligid. Where am I?

Was that a dream?

"Look, gising na si Dylan!" sabi ng isang boses.

Iniikot ko ang paningin ko, mom suddenly hugged me.

"A-anak.. you scared the hell out of me.." she said in between sobs.

"Mom, calm down.. Okay na ako." I whispered.

"Ang lakas talaga ng utol namin. Tatlong araw kang tulog lang." sabi naman ni Ken.

I gave out a weak smile.

They were all smiling. Maybe because finally, nakahinga na sila, the moment i woke up..

But then something hit me. Iniikot ko muli ang paningin ko, only to realize that someone so important is not here..

"W-where is she?"

Biglang nag-iba ang expression nila.

"Where is she? Where is Rash?"

No one dared to answer.

And I hated how heavy I felt inside..

"Rash.."

VOTE, COMMENT, REVIEW ;'>

X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X A/N: Anong sabi ng umaapaw na comments sa nakaraang update? Salamat talaga Dashers! Kaya mahal na mahal ko kayo eh. <3 Eto na sunod! :)) Leave your comments. ^^

******************************************* [47] Chapter 46 ;) - Echo *******************************************

He had to deal all at once with the packed regrets and stifled memories of an inarticulate lifetime. -- Edith Wharton -------------------------------------------------------------------------------------------------- xx

Chapter 46 ;) - Echo "Alam mo, I've started to learn how to cook. Hindi ko pa rin naman matatapatan ang galing mo sa pagluluto ng adobo, pero I'm trying."

"Palagi ko ring binibisita yung park natin. That's our sanctuary right?"

"And oh, I bought you frenchfries and sundae. I know matagal mo ng gustong kumain nito."

"I'll do anything.. just.. just please come back to me Rash.."

Walang sagot. Pawang tunog lang ng mga makina at aparato ang nagbibingay-ingay sa kwartong kinaroroonan ng binata ngayon. It has been three weeks since that faithful day. Three weeks may sound too short for others, but it felt like years longer for Dylan. Isang linggo rin siyang nagstay lang sa hospital bed niya. Asking and almost pleading for them to let him see her. He was heartbroken, knowing that he survived the accident yet Rash is still fighting for her life. It broke his heart that he can't seem to accept what has happened.

He tried to even fool himself. Minsan rin niyang inisip na panaginip lang ang lahat pero he was still caught up. Living in pain, as he watch the love of his life lie unconcious on her hospital bed.

"Wake up.. please, let me see your lovely eyes again.." he pleaded silently enough for him to consume.

Oo, maraming beses na ginusto niyang mapag-isa sila ni Rash. Yung sila lang talaga. But not this way, definitely not like this, oo nga't sila lang pero parang dinudurog ang puso niya habang naririnig ang

bawat tunog ng aparato. Knowing that anytime, this may stop.. knowing that any time, he might lose her completely.

He burried his face on the side of her hospital bed. Right next to where her hand lie.

This way, he might get the feeling of still being with her though he would not get any response.

"Rash.. please.. wag mokong iiwan.."

He can't take it kung mawawala si Rash sa kanya. Wala na ba talaga silang karapatang sumaya?

"Parusa na ba to? Did I just waste all those moments that I could have spent with her? Ganon ko ba siya ka-nasaktan?"

Marahang yumuyugyog ang balikat ng binata habang nakabaon parin ang ulo sa gilid ng kama ng dalaga. Di alintana kung nababasa na ang kama maging ang kamay ng dalaga.

Umangat ang ulo ng binata.

"Kung naririnig mo ako ngayon, pinagsisisihan mo bang nakilala mo ako?" bulong ni Dylan sa may tenga ng dalaga. Bagama't batid niyang hindi rin naman ito sasagot, nagpatuloy parin siya.

"Siguro maaaring nagsisisi ka na.. kung di mo siguro ako nakilala, di tayo nagkalapit, kung di lang sana tayo nagkagaanan ng loob, wala ka ngayon dito.."

Tumulo na naman ang pinipigil ng luha ng binata.

"Kasalanan ko to..."

"Kung may tao mang may kasalanan rito, hindi ikaw yun."

Napatigil ang binata at dahan-dahang umangat ang ulo nito.

"Geo."

"Ang bakla mo tignan."

Nainis si Dylan. Sino ba siya para magbiro sa ganitong sitwasyon?

Malalaki ang hakbang na lumapit si Dylan kay Geo at walang anu-anong kinwelyuhan ito.

"Ang lakas ng loob mong tumawa na parang wala lang. Di ba mahalaga sayo si Rash?" galit na tanong ni Dylan.

Sa halip na masindak ay ngumiti si Geo. Kinalas niya ang pagkakahawak ni Dylan sa kwelyo niya.

"Kaya nga ako nakangiti ay dahil mahalaga siya sa akin."

"Gago ka pala eh."

"Dylan, sa ating dalawa, ikaw ang mas matagal nakasama ni Rash. Kaya dapat alam mong sa ganitong sitwasyon, hindi gugustuhin ni Rash na makita kang nagpapatalo sa kahinaan mo. Matapang si Rash Dylan, kaya ikaw, maging matapang ka rin."

Hindi nakasagot si Dylan. Bakit ngayon lang niya yun naalala? Napatungo na lang ang binata.

"Hindi ko na itutuloy ang panliligaw kay Rash. Andyan ka naman, at anong laban ko sa taong mahal niya? Kaya ikaw, wag mo akong ginagago. Di ko ipinaubaya si Rash sayo para lang isuko siya kay kamatayan. Dahil kung ako sayo, hindi ako bibitaw. Hindi bumibitaw si Rash dahil alam niyang andito ka, kaya ikaw, wag mo siyang biguin."

Matapos sabihin ito, ay tumalikod na si Geo.

"Sige, mauna na ako. Ayusin mo yang sarili mo."

Pero bago pa man makalabas ng tuluyan si Geo ay tinawag ito ng Dylan. "Tol, salamat."

Tumango lang si Geo at nagpatuloy na sa pag-alis. Atleast ngayon, nasabi na niya ang dapat niyang masabi.

--- xx

"I'll do anything.. just.. just please come back to me Rash.."

"Wake up.. please, let me see your lovely eyes again.."

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Puti ang paaligid. I don't know this place.

"I'll do anything.. just.. just please come back to me Rash.."

Boses ni Dylan! Agad akong tumingin sa paligid. Pero walang bakas ng ibang tao. Puti lang lahat.

"Kung naririnig mo ako ngayon, pinagsisisihan mo bang nakilala mo ako?"

Naalarma ako sa tono ng boses ni Dylan.. was he regretting knowing me in the first place? Nagsisi ba siyang nagkakilala kami?

"Siguro maaaring nagsisisi ka na.. kung di mo siguro ako nakilala, di tayo nagkalapit, kung di lang sana tayo nagkagaanan ng loob, wala ka ngayon dito.." boses muli ni Dylan.

H-hindi Dylan! Nang makilala kita, don ko nalaman kung pano talaga sumaya. Kahit kelan, di ko pagsisisihang nakilala kita.. Kahit kelan..

"Rash.."

Sumasagot ako sa bawat tawag ni Dylan, pero tila hindi niya ako naririnig.

This might be the primordial void.. for not having him would make everything worthless.

Tinawag ko uli ang pangalan ni Dylan.. only to hear echoes of my own voice.

Umupo ako ng unti-unti.."Hindi ko na ba talaga siya maabot?"

Biglang bumuka ang kinauupuan ko. Ramdam ko ang unti-unti kong pagkahulog.. I screamed Dylan's name, but no voice came out.

He would never hear me I guess.

-- xx

Kriscelle's POV:

"A-ate.. sorry sa lahat ng ginawa ko sayo." mahina kong bulong. I'm here, talking to an unconscious girl whom at first I hated without knowing that she is my sister. Ang ate kong mahal na mahal ko.

"Maaaring hindi mo na ako mapatawad sa lahat ng nagawa ko, I made your life a living hell. Kahit ako, hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko. Kung mabibigyan lang ako ng pagkakataon.. kung may pagkakataon lang sana ako..

Hinawakan ko ang kamay ng ate ko. "Ate, diba malakas ka? Nakaya mo nga lahat ng pang-aalipusta ko. Kaya mo to ate diba? Di ka susuko diba?"

Halos napapahagulgol na rin ako sa sama ng loob. Galit ako hindi kay ate.. Galit na galit ako sa sarili ko. Ang tanga ko. Ang sama sama ko.

Umupo ako sa tabi ng kama ni Ate at unti-unting kumanta..

"I hope you can hear me."

I wish I knew you Way back when Before you were part of my plans I think that we would have been friends There's only time to live our lives And you'll be the one who's by my side And I can promise you then You'll always be my best...

There's only time to live our lives And you'll be the one who's by my side And I can promise you then

You'll always be my best...

-- xx

3rd Person's POV:

Bakas sa nangingitim na paligid ng mata ng binata na ilang gabi na rin siyang walang tulog ni pahinga man lang. For him, hindi tulog ang kailangan niya. Si Rash. Mabuhay lang si Rash, he would give anything.

Hindi man siya ang mahal ng babaeng mahal niya, mas sasaya siya kung masaya ito.

But how could that happen if she's lying unconscious in a hospital bed. How can she be happy if she can't even open her eyes to see how beautiful the world is.

Nang malaman niya ang aksidente, hindi niya maintindihan kung ano ang mararamdaman ko. He cursed the world. Baket? Baket si Rash pa?

Tinungga niya ang natitirang laman ng baso. Ang laki ng pagsisi niya. Kung bakit kelan hindi siya naririnig ng babaeng mahal niya, eh dun pa niya naipon lahat ng lakas ng loob para sabihin ang totoo.

Oo, noong una. Dumating lang siya sa buhay ni Rash para saktan ito. Just like how Kriscelle told him to do. But then, ittle by litte, habang nakikilala niya si Rash, di niya mapigilan ang sariling mahalin ito. Every drop of her is mystery. Even her crazy and boyish laugh makes his heart race a hundred times faster.

Tumayo siya at pinulot ang car keys niya.

It's now or never.

"Rash, naalala mo pa nung nasa bookstore ka? Nanginginig sa takot at kaba dahil sa lalaking sumusunod sayo? I'm sorry.. hindi ko sinasadyang takutin ka noon."

"I swear, hindi ko pakay na saktan ko. Oo, nung una, maaaring kasama ako sa mga matatawag na masasamang tao. But believe me, binago mo ako. Binago mo ako without doing anything."

"Pinagsisisihan ko ang lahat ng pagsisinungaling ko. Rash, please.. open you're eyes.. Ra--"

Tumalsik sa isang sulok ng kwarto ng dalaga si Kian. Nakatayo sa paanan nito ang galit na galit na si Dylan.

"Damn you for scaring Rash! Anong pakay mo at kailangan mo pang ilapit ang sarili mo sa kanya?!"

Sa malalaking hakbang ay lumapit si Dylan ay kinwelyuhan ang binata.

"Anong karapatan mong paglaruan ang damdamin ng babaeng mahal ko."

"Tsk. Wag kang magsalita as if, ikaw lang ang nagmamhal kay Rash. Manhid ko pa naman."

"Gago ka!" susuntukin na sana ni Dylan ang binata ng biglang ..

"Tss.. A-ano ba yaaaaan, ang ingay niyo." sabi ng isang mahinang boses.

Unti-unting lumingon si Dylan. Her eyes filled with unexplainable happiness.

He ran towards her bed at walang anu-anong niyakap ang dalaga ng mahigpit. Halatang bigla naman ang dalaga base sa reaksyon nito.

"A-anong nang-- mmmpp!"

He didn't allow her to finish, he claimed her lips and gave her the deepest, most passionate kiss one can ever imagine.

---- xx

Now that she's awake, will everything be settled or another problem will go gate-crashing?

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x

******************************************* [48] Chapter 47 ; ) - Healed Wounds *******************************************

"What happens when people open their hearts?"... "They get better."

Haruki Murakami, Norwegian Wood ---------------------------------------------------------- xxx

Chapter 47 :) - Healed Wounds

Mga ilang sandali rin kaming nanatili sa ganoong posisyon. Namimilog parin ang mga mata ko. What was that? Habol ko ang hininga ko ng pakawalan niya ako.

"Baki-- Teka!"

Pero bigla na naman niya akong niyakap at ibinaon ang ulo niya sa leeg ko. Nagtataka na talaga ako sa ginagawa ng lalakeng to.

"Thank God.. thank God you're safe." sobrang higpit ng yakap niya sa akin na halos hirap na akong igalaw ang dalawa kong kamay.

Pero nabigla ako ng yumugyog ng hinay-hinay ang kanyang balikat, at ilang sandali lang ay dama kong nababasa na ang leeg ko.

"B-baket ka umiiyak?" taka kong tanong.

Hindi parin niya inaalis ang ulo niya sa leeg ko. "I look so gay right now.." he whispered while he burried his face on my neck. It sent chills to my spine dahilan para manindig ang mga balahibo ko sa batok. Pigil ko ang hininga ko. "I don't care, I'm just too happy.. too happy you made it.."

Hindi na ako nakaimik pa. Halos malunod ang puso ko sa naghahalong damdamin ngayon. Ramdam ko kung gaano ako pinahahalagahan ng lalakeng to.

Humiwalay siya sa akin as he stared at me, as if I was an open book. Ngumiti siya.

"Mawalang-galang na, pero sino ka?" tanong ko.

Nakita ko kung pano nawala ng unti-unti ang ngiti niya kanina lang. Bigla niya akong hinawakan sa balikat at inilapit ng sobra ang mukha niya.

"Stop joking around Rash.. ako to.." sabi niya, nakita kong namamasa na naman ang mga mata niya. "Ako to Rash.. si--"

"Dylandan." I interrupted him.

Namilog ang mga mata niya sabay unti-unting simangot. Napahagalpak naman ako ng tawa. Ang sarap talaga pagtripan nitong lalakeng to.

"I thought.."

"Hindi no. Pano naman kita makakalimutan eh, salot ka sa buhay ko." sabi ko.

"Ganon ah!" sabi niya sabay lapit sa mukha niya.

"Op! Layo ka nga. Biniro ka lang eh, tapos ang OA!" sabi kong naka-pout.

Nakapout parin ako. "Ang OA naman, anong tingin mo sakin mamatay lang ng agad-agad? Masamang da-- hmmmp!"

Ptch! Nagnakaw na naman ang kiss!

"Ang dayaaaaa! Alis ka nga--- Kian? Anong ginagawa mo diyan sa sahig? Hoy, Dylan.. tulungan mong tumayo si Kian." utos ko.

Ang lakas ng loob kong mag-utos ngayon, wala eh.. pasyente ako.

"What? Are you insane? I'm not helping that guy! Eh, tarantado to eh! Siya yung sumusunod sayo sa may book--" Tinignan ko si Dylan ng masama sabay taas ng kilay. "Oh, eto na.. tutulungan na." sabi naman niya.

Nang makatayo si Kian ay pinaupo ko siya sa may upuan katabi ng bed ko.

"Dylan, pwede mo ba kaming iwan saglit, mag-uusap lang kami."

"But--"

"We'll just talk, promise." I said.

Tumango na lang si Dylan at lumabas na ng room ko. ---- xx

"Rash.. look, I'm sorry for not telling it to you. Kung gusto mo akong parusahan, tatanggapin ko, please wag ka lang--"

"Hindi naman ako galit sayo eh." mahinahon kong sabi. Halatang nabigla siya sa sinabi ko kaya naman, napanganga siya.

"I was never angry, alam ko namang ikaw yun. Pero I know, hindi ka masama." I said ng nakangiti.

"P-pano mo alam?"

"Remember nung isang beses na niligtas mo ako? Nakita ko ang balat mo sa likod. Moon shaped birthmark in your neck. The guy who followed me has that birthmark too. Same shape, same place. Kaya nung nakita ko.. alam kong ikaw nga."

"Nung una, inaamin kong natakot akong baka nga may kailangan ka sakin. But then eventually, I trusted you. In the first place, hindi ka papasang antagonist! Ang bait mo kaya!" sabi kong nakatawa. "Salamat naman kung ganon. At sorry rin ah."

"C'mon, enough with that." ibinuka ko ang dalawa kong kamay. Kian understanding it stood up and hugged me. "I'm gald your okay now."

Ngumiti lang ako. "Thank you Kian."

"Akala ko ba mag-uusap lang?" sabi ng isang boses. Humiwalay si Kian sa akin and teasingly said, "Ang seloso naman, hindi naman kayo."

"Pakiulit nga." "Ops! Tigilan niyo yan! Ma-oospital ako uli sa kunsomisyon sa inyong dalawa! Para kayong mga bata." litanya ko. Nagkamot lang ng ulo si Dylan.

"Rash, mauuna na ako. Thank you." tumango na lang ako. Pero bago siya umalis, may sinabi siya. me, if he hurts you, kukunin kita mula sa kanya."

"Tell

Sasagot na sana ako ng biglang magsalita si Dylan.

"No chance. This time, you would never see her cry again."

Tuluyan ng lumabas si Kian ng kwarto

--- xx

Dylan held my hand and locked our hands together.

"It's bad to stare."

I said sabay tingin sa ibang direksyon. Nag-iinit ang pisngi ko kapag napapatingin ako kay Dylan.

"I can't help it. I can't seem to take my eyes off of you." Daig ko pa ang kamatis na biglang nahinog dahil sa sinabi niya. Nakasandal na ako ngayon sa headboard ng kama ko. Tumayo si Dylan at niyakap ako ng mahigpit.

"Ayan ka na naman eh.." reklamo ko. "Ayaw mo ba?" akma niyang tatanggalin ang kamay niya pero pinigilan ko yun.

And with that, he grinned. Lalo naman akong namula! Syete! Ang obvious ko dun ah.

"I love you.." bulong niya.

"M-maha--"

"RAAAAAAAAASH!!!"

Automatic akong napalingon sa may pinto. Ang buong club! Lumapad ang ngiti ko. Na-miss ko sila sobra, kasama nila si Kadness, na parang kakagaling lang sa pag-iyak habang inaalo ni Ken sabay sabing, "Tahan na.. gising na si Rash.."

Natawa na lang ako sa mga mukha nila. Tipong parang nabunutan ng tinik.

"Nakakainis tong si Dylan! Gusto ka lang yatang solohin!" nakaingos na sabi ng Patricia, tumango naman si Claudette.

Kunwari deadma lang din si Dylan. Bago ito tumayo ay pinisil niya ang kamay ko sabay lipat ng upuan. Kinakantyawan na siya dahil sa halos ilang oras rin daw kaming nagkulong sa hospital room ko. Dyahe! Pero si Dylan, laking gulat ko ay nagbukas ng libro! Kung alam niyo lang! Hindi nagbabasa yan noon! Parang wala lang itong naririnig. Pokerfaced ulit. Ako lang ba, o talagang lumalabas ang pagiging isip bata ni Dylan basta kami lang? Namula naman ako sa naisip ko.

"Whoa! Si Rash, namumula!" kantyaw ni Chinette. Bigla akong napatakip sa mukha ko." Ilang sandali ay lumapit silang lahat sa akin at sabay-sabay akong niyakap. "We're happy your safe." Ngumiti ako sabay pasalamat.

Biglang bumukas ang pinto at may sumilip, hindi ko masyadong makita ang tao dahil natatakpan ako ng club members. Pero nabigla ako ng biglang parang napapasong lumayo ang club members sa akin.

"Rash, labas muna kami sgalit ah. Tapos, hinila nila patayo si Dylan."

Nagtataka ay tumango na lang din ako.

---- xx

"D-Dr. Suarez?!" bigla kong tanong.

Anong ginagawa ng may-ari ng school namin dito sa ospital? Naospital ba si Kriscelle? Nahulog ba sa mesa ang pusa nila?

"s-sir.."taranta kong sabi. Pero sinenyasan niya akong umupo lang ng prente. Lumapit siya at nakangiting inabot sa akin ang bulaklak. "Mabuti't nagising ka na hija.." sabi niya.

Tumango ako bagama't nagtataka parin.

"Ano po palang tinungo niyo rito?" tanong ko.

"Binibisita ko lang ang anak ko." sagot niya.

Sa pagkakaalam ko, isa lang ang anak niya. Si Kriscelle yun.

"M-may nangyari kay Kriscelle?! Naku, anong nangyari sa kanya?" taranta kong tanong. namang nangyari sa kanya.. sayo meron." deretsong sagot ni Dr. Suarez.

"Wala

"Ho?"

"Anak.." mahinang sabi niya.

"Sino po?"

"Ikaw."

Halos malunok ko ang buo kong existence.

"Hahaaha! Ang hilig niyo po palang magbiro Sir." pilit kong tawa.

Pero hindi natawa o nangiti man lang si Dr. Suarez, sa halip lalo pa itong sumeryoso, kaya naman untiunting nawala ang tawa ko.

"Maniwala ka, ako ang ama mo."

"P-pano naman po mangyayari yun, eh ni hin--"

"Anak ka namin ni Margarita."

Napipi ako sa sinabi niya. Papano niya kilala si Nanay? Anak nila ako?

Oo, alam kong hindi ko totoong tatay si Tatay ALfred pero ang alam ko, patay na ang tatay ko. "Pero patay na po ang tatay ko."

"sinabi lang yun ng nanay mo para hindi ka na maghanap pa, but then alam kong kahit anong mangyari, magkikita parin tayo." Nagsimulang tumibok ng sobrang bilis ang puso ko dahil sa tensyon at kaba..

"Your true name is Rasheeqa Yu Suarez. Iniba lang para maiwasang malito ka paglaki mo." Parang nagitla ako sa narinig ko..

"Anak.." May inilabas siyang kwintas, yung kwintas na bigay ni nanay. Kinuha ko ito at niyakap. "Akala ko nawala na to sakin, kailangan ko pa namang hanapin--"

"Then your search is over." napa-angat ang ulo ko ng unti-unting hugutin ni Dr. Suarez ang isang bagay mula sa bulsa niya. At nang tumambad ito sa akin, hindi ko maiwasang, tumulo ang kanina ko pang pinipigil na mga luha..

"Y-yung kalahati.. yung nawawalang kaparis ng kwintas ko."

Kailanman ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa totoo kong ama. Pinalaki ako ni nanay at lumaking mahal ang totoo kong tatay kahit sa pag-aakala kong wala na siya. At ngayon, ngayon.. nasa harap ko siya.. nasa harap ko ang papa ko.. Nang tignan ko ang mukha ni Dr. Suarez, tumutulo na rin ang mga luha niya. At hindi na ako nagtanong, niyakap ko si Dr Suarez ng mahigpit. Ang kwintas, at ang puso ko.. sinasabing siya nga ang ama ko.

"Pa..pa.."

---- xx

Puno ng tensyon ang kwarto, walang nagsasalita. Nakayuko lang si Kriscelle.. samantalang ako, tahimik lang na nilalaro ang mga daliri ko. K-kapatid ko si Kriscelle.. kapatid ko siya.. "Ako.." basag niya sa katahimikan.

"It's funny how much I hated you.. pero.. pero kapatid pala kita.." halos pabulong niyang sabi. "I made your life miserable, pati si Kian, dinamay ko..pinahiya kita sa maraming tao, pinabalik ko si Kara.. ako, ako lahat ang may gawa.. p-patawarin mo ako Rash.. patawarin moko ate.." sabi niya sabay takip ng kamay sa mukha niya.

Siya.. siya ang may gawa ng lahat ng yon, ng mga bagay na akala ko'y resulta lang ng kamalasan at kalokohan ng buhay ko.. but then, little did I know that that were all planted. Schemes. Naalala ko noon, kung paano ako napahiya at nasaktan.. lalo na nung hindi ako pinaniwalaan ng taong mahal ko. Naikuyom ko ang mga palad ko.

"R-rash.. Sorry, hindi ko sinasadya, nabulag lang ako ng galit ko.. ng inggit, ng takot na matalo mo ako.. nasaktan ang pride ko, kaya ko nagawa yon.. " "Kung gusto mo akong parusahan tatangga-- ahh!"

Sinampal ko siya. oo, sinampal ko si Kriscelle.

Kita ang matinding pagkabigla sa mukha niya.

Pero ilang sandali lang ay napayuko siya sabay tulo ng luha. "I- I'm so sorry.." Ilang sandali siyang nanatiling nakayuko lang, marahil inaantay na murahin at ipamukha sa kanya kung gaano ko siya kinamumuhian.

Pero, lumapit ako at hinawakan siya sa kamay. Pinatayo ko siya..

And then, I hugged her..

"Oo, nainis ako sayo.. pero sino ba namang ate ang magagawang magalit sa kapatid niya." Napahulgol si Kriscelle.

"A-ate.. ang laki ng kasalanan ko sayo.. sorry.."

"Shhh, tahan na.. magiging okay ang lahat."

I hugged her tightly. It's good to have a sister.. It really is.

And I'm hoping, wala ng magiging problema pa.

--- xx

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, it has been two weeks since nakalabas ako ng ospital. Kung inaakala niyong nasa bahay na ako nina papa, eh nagkakamali kayo. Nakidnap ako uli. Ay mali pala, sinangla ako ni Papa! Nakakaiyak. Dito tuloy ako nagstay sa bahay nina Dylan dahil nakiusap rin sakin si Ma'am Deevan.

Ang bango ng paligid. It's good to be back..

Pero nabigla ako ng tumambad sa akin ang mukha ni Dylan na sobrang lapit.

Hindi na ako nakahuma when he planted soft kisses on my shoulder, on my neck, on my forehead, on my nose and finally on my lips.

Halos, mamula ako ng sobra sa ginawa niya. Nakikiliti na rin ako. Nang, bumitaw siya ay dinikit niya ang noo niya sa noo ko.

"Goodmorning Sheek.." his husky voice sent shivers through my spine and beyond. Parang malulunod ako sa titig niya.

"Prepare yourself princess, we're going somewhere."

VOTE, COMMENT, REVIEW ;"> X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X

******************************************* [49] Chapter 48 ;) - Everything Happens For A Reason *******************************************

Everything happens for a reason. That reason causes change. Sometimes the change hurts. Sometimes the change is hard. But in the end its all for the best.

-- Ritu Ghatourey

------------------------------------------------------------------------------------------------- xxx

Chapter 48 ;) - Everything Happens For A Reason

I walked almost tiptoed. How I missed this room.

Bago pa man ako magbihis, hinayaan ko munang lumipad ang isip ko. Paano kaya kung hindi ako tumuloy sa pagpasok sa Topline Academy? Pano kung di ko nakilala si Dylan?

Then I guess, I wouldn't be here right now.

Is it really true that, everything happens for a reason?

Huminga ako ng malalim, openned my cabinet at namili ng susuotin. I wonder where we're going. Baka may plano na namang tung Dylan na to.

Pinili ko na lang ang damit na pinaka-kumportable ako.

Before I came out, I checked myself at the mirror.

Lalabas na sana ako ng biglang may mahagip ang mga mata ko. I walked towards the mini table right next to the window. Maganda ang panahon, pero hindi yun ang nakaagaw sa atensyon ko. It was a picture frame na nakataob.

I allowed my curiousity take over. I ended up picking it up and staring at it.

"Paano kaya kung di ko nakilala si Kara? What if nanatili lang siya rito sa Pilipinas, then I guess.. hindi ko makikita uli si Dylan."

I placed it back at the table and silently headed to the door.

"Well, I guess.. everything really happens for a reason."

Paglabas ko, I saw him standing at the front of my door. Hands on his pocket and eyes on me.

"Oh, baket di ka pumasok?"

"That would sound so improper. This is your room." he answered.

"That's suprising, hearing it from you na mahilig pumasok sa kwarto ng iba ng hindi kumakatok." I said with one eyebrow up.

Nagkamot lang siya ng batok.

"You ready?" he asked as he laced his fingers through mine.

"Well..may ipapakiusap sana ako."

"What?" tanong niya.

"Pwede bang may bisitahin muna tayo?"

------ xx

"What are we doing here?" tanong niya na nakakunot. Tumingala ako para salubungin ang tingin niya. Nakasuot lang ako ng flats kaya sobrang liit ko kung ikukumpara sa kanya.

"May bibistihan lang tayo." I answered.

Umupo kami sa isa sa mga upuan ron na para sa bisita.

Sabay na napaangat ang ulo namin ng marinig namin ang pamilyar na boses.

"Anong ginagawa niyo rito?"

"Kamusta na.. Kara?"

Nakita ko kung paano niya kagatin ang pang-ibabang labi niya.

"May dala kaming pagkain para sayo." I said while smiling.

"Anong ginagawa niyo rito?!" sigaw niya. Maagap na pinigilan siya ng mga pulis na nakabantay lang sa gilid. Nangingilid na ang mga luha ni Kara habang nakatingin sa amin. Habang si Dylan naman, sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ko.

Nilingon ko si Dylan and gave him and assuring look.

"Gusto ka lang namin makita."

"Para ano? Para makita niyo kung gaano ako kamiserable dito?"

Dylan kept his calm. Ni hindi niya tinapunan ng tingin si Kara.

Nanatali rin akong tahimik. I can see how difficult it is for Kara to accept na nakulong siya. Kasama ng iba pang track team members. Nung nasa ospital pa ako, nalaman ko na kinasuhan at nakulong sila.. sa tulong na rin ni Dylan.

"Umalis na kayo rito." she said angrily.

Dylan stood up pero pinigilan ko siya.

I smiled at Kara, and I can see how shocked she is.

"P-paano.. paano mo nagagawang ngumiti sa akin ng ganyan sa halip ng lahat ng ginawa ko sayo?!"

"Wala rin namang magbabago kung magagalit ako sayo. Hindi na natin maibabalik pa ang nangyari na." I answered.

"Let's go." Dylan said. Pero hindi ako gumalaw.

Ilang sandali ay nagulat ako sa ginawa ni Kara, she kneeled down while crying.

"R-rash.. patawarin mo ako."

Hinawakan ko siya sa balikat dahilan para mapaigtad siya.

"Hindi ka sa akin dapat humingi ng tawad."

Tumingala si Kara at unti-unting tumingin kay Dylan, but he avoided her.

Napahagulgol si Kara.

"I'll wait at the car." Dylan said.

Umupo ako para mapantayan si Kara. Tapos niyakap ko siya ng mahigpit.

"Maaring ngayon, hindi ka niya magawang pakinggan.. pero may tiwala ako, darating ang araw na maayos ang lahat."

"How can you be so positive?" Kara said in between sobs.

"Dahil wala naman tayong makukuhang maganda sa pagiging negatibo. Nothing but the feeling of defeat and solitude" sagot ko habang hinahagod ang likod niya.

"Thank you Kara.." I whispered.

Napatingin siya sa akin sa namimilog na mga mata. "B-bakit?"

"thank you for making Dylan happy while I'm away.. atleast, napunan mo ang pagkukulang ko." I said while smiling.

"I- I'm sorry Rash.." she said.

I shook my head. and then I smiled.

"I know darating ang panahon na mapapatawad ka ni Dylan. But for now, let time heal all the wounds."

Nakita kong itinayo siya ng mga pulis at inakay papasok sa selda niya.

Huminga ako ng malalim bago ako lumabas ng police station.

Nasa ayos na nga ba ang lahat?

--- xx

"I don't know what I did, to deserve someone as kind, loving and awesome as you." he whispered in my neck. Bigla na lang niya akong niyakap mula sa likod saktong pagdating ko sa tapat ng kotse niya.

Nanindig bigla ang mga balahibo. Siniko ko siya kaya napahiwalay siya sa akin.

"A-ano b-ba! Nanggugulat ka eh." sabi ko na nauutal.

He gave out a teasing laugh, "Now, look at how cute my girl is." sabi niya sabay pamulsa. Feeling ko, umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko.

"S-shut up!"

Tumawa uli siya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya.

"Kelan ka pa naging gentleman Dylandan?" I eyed him. Tumawa lang siya sabay pitik sa ilong ko. Nakasimangot ako ng sumakay sa kotse niya.

Pinaandar niya ito, at nagsimula kaming baybayin ang daan.

"San ba kasi tayo?"

"Secret."

"San ba yang secret na yan?" sabi kong nakanguso.

"That wouldn't be a secret anymore if I tell you." he said and then he winked. Umiwas naman ako ng tingin. Nakakainis siya, buong linggo na niyang pinapagod ang puso ko kakatibok nito ng sobrang bilis.

"Eh di wag!" sabi ko sabay tingin sa bintana.

Tumawa lang siya at promise, naiirita ako to the nth power.

Bigla niyang intinigil ang kotse at napatingin ako sa tapat.

"Ice land?"

Nakataas ang isa kong kilay habang sinasabi yun.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papasok, pero napatigil ako ng biglang sumakit ang ulo ko, umikot ang paligid kaya napakapit ako sa braso ni Dylan.

Agad naman niya akong inalalayan.

"What's the matter?"

"W-wala.. medyo sumakit lang ang ulo ko."

"Sigurado ka? Do you want me to take you to the hospital. We can always do this next time." he said.

I shook my head. "Wag na. Okay lang ako, promise." I gave him an assuring smile. Tumango na rin lang siya.

Namangha ako pagpasok namin! Wow! Just wow!

"Isara mo bibig mo, baka pasukan ng langaw."

Tinignan ko siya ng masama. "Dinala mo lang ba ako rito para may mapagtawanan ka?"

Bigla siyang napatigil sa pagtawa. "Of course not! Sorry na!"

"Che! Lumayo ka nga."

"Sheek.."

Namaywang ako. "Stop calling me that! Ang daya mo, porke't weakness ko pag tinatawag mo akong ganyan, babangasan talaga kita." banta ko.

Napatigil ako ng may marinig akong tumatawa. Isang ginang, tingin ko ay tuwang-tuwa siya habang tinitignan kaming nag-aaway ni Dylan.

"Talagang ang sarap magmahal.. naaalala ko tuloy nung kabataan ko." tapos naglakad siya palayo.

Napa-pout ako. Inakbayan naman ako ni Dylan.

"Tama na. Tara."

Sumusunod lang din ako habang naglalakad si Dylan.

Bigla siyang tumigil kaya bumangga ako sa likod niya.

Sapu-sapo ko ang ilong ko nang humarap siya sa akin.

"Here." sabi niya sabay abot sa akin nung parang sapatos na may churva sa ilalim.

"Ano yan?"

"Mag-se-skating tayo." he said while smiling.

------- xx

"A-aray! Waaaaaaoaaoooah-- Aray!" Tsk! Pang-isang milyong bagsak ko na to. Napasimangot na lang ako. Hinagilap ko si Dylan.

Ayun, parang ang dali lang ang magskating para sa kanya. Ang daya.

Sa halip na tumayo ay sumalampak na lang ako sa gilid habang yakap-yakap ang tuhod ko.

"Oh, anong problema?"

Tumingala ako. "Wala eh. Di ako marunong." sabi ko at yumuko uli.

"Wala akong kilalang Rash na sumusuko agad." he said.

Pagtingin ko sa harap ko, nakaabot ang kamay niya. Tinanggap ko ito at inalalayan niya akong tumayo.

"C'mon, I'll teach you."

Hawak-hawak niya ang kamay ko habang unti-unti kaming nagskate. Pagewang-gewang parin ako. Ang hirap!

"Hindi ko talaga kaya.." suko ko.

Pero bigla niyang hinawakan ang mukha ko at hinarap ako ng deretso sa kanya.

"Listen to me, you can" then he pulled me and shifted his position. Nasa likod ko na siya ngayon, niyakap niya ako at nagsimulang magskate.

Baket ang gaan ata ng tulin namin? Ilang sandali lang ay nakailang ikot na kami. Nag-eenjoy na ako dahil parang nakakaya ko na.

Nawala ang tulin namin at biglang humigpit ang yakap niya.

"I don't deserve you.. but I'm really glad I have you right now. I'm so glad."

Ako naman ang humarap ngayon sa kanya.

"Ako rin."

Tinitigan lang niya ako and then without noticing, we forgot the rest of the world.. all I can see is him.. leaning closer to me, and slowly getting rid of the gap between us.

He kissed me senseless.. and I was more than happy to have him.

------ xx

"So that was your secret." I said smiling.

"What secret? Of course not." he said.

Napasimangot naman ako, "May iba pa?"

Ngumiti lang siya. "There would always be."

"Baket?"

"Because I want you to be happy."

Ngumiti na lang ako.

Nag-park siya sa may parking lot ng SM.

"Ano meron?"

"May bibilhin lang ako."

Bumaba na rin lang ako at pumasok.

Nag-ikot ikot lang ako. Sabi niya kasi kanina, may bibilhin siya pero sabi niya naman ngayon, naiihi pala siya. Nakakalito lang te?

Nakatingin ako sa mga cakes na nasa isang parte ng mall ng biglang tumunog ang phone ko.

Kinuha ko to sa bag ko at tinignan. At halos, makapatay ako ng tao ng mabasa ko ang text ni Dylan.

"Sheek, kung pwede mag-commute ka na muna pauwi, may emergency lang talaga. Promise, I'll meet you when I get home."

Halos pumutok ang butse ko sa inis. Anong.. nakakainis ka Dylan! Akala ko pa naman, totohanan na to!

Nagdadabog na sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa bahay nina Dylan.

Malalaki ang hakbang na pumasok ako sa dambuhalang gate, bahala siya. Di ko na siya kakausapin! Sinong matinong lalake ang iiwan sa mall ang isang babae at sasabihang mag-commute! Kainin niya ang emergency niya!

Medyo madilim na rin nun, gabi na eh. Nakabusangot na naglakad ako papasok.

"NAKAKAINIS KA DY--lan.. A-ano to?"

Ang daming dahon sa daan.. at hindi lang basta dahon..kung di ako nagkakamli, sa cherry blossom to. Nanlaki ang mga mata ko, san ka kukuha ng cherry blossom dito sa Pinas?

Tumayo ako at sinundan ang daan ng cherry blossom.

Pero napatigil ako ng may nagbigay sa akin ng isang rose. Batang lalake na naka-polo.. kung di ako nagkakamali, sila yung nasa orphanage.

"Happy 8th birthday ate Rash.."

8th? Anong 8th? Kahit nalilito eh, nagpatuloy parin ako. Bawat stop ay may magbibigay sa akin ng bulaklak.

At igegreet ako, 9th, 10th, 11th, 12th, 13th, 14th, 15th, at 16th birthday greeting.. A-anong meron?

Daig ko pa ang nabato ng dumating ako sa dulo.

A-ang ganda..

Umuulan ng cheery blossom..

And then someone spoke..

"Happy 17th birthday Sheek."

Bigla na lang tumulo ang mga luha ko.

"Dylan.."

Binigay niya sa akin ang pang-sampung bulaklak. Nangingilid na ang luha sa mga mata ko. Hindi ko mapigilan.

"I didn't miss anything right? I'm sorry kung di natin na-celebrate ang birthday mo sa exact date.. alam mo nama--"

Hindi ko na siya pinatapos. I hugged him real tight.

"This is more than enough. Salamat Dylan."

Niyakap niya ako pabalik. "Sorry, kung iniwan kita sa mall. Kasama kasi sa plano yun eh.." sabi niyang nagkakamot.

Kinurot ko siya. Then faced the kids.

"thank you babies."

Ngumiti lang sila.

Tumingala ako sa langit. The stars are screaming their brightness.

"Thank you for giving him to me.." I tear fell from my eye pero pinunasan ito ni Dylan.. with his kisses.

----- xx

DYLAN'S POV:

"Rash!"

Napabalikwas ako ng bangon. What was that.. habol ko ang hininga ko.

Masamang panaginip..

Tumayo ako. I just can't help myself. Lumabas ako ng kwarto at kabadong pumasok sa kwarto ni Rash.

Kinabahan ako sa panaginip ko.. it's as if, another bad thing will happen.

Nakita kong nakahiga na siya sa kama niya. Tulog na ata.

Umupo ako sa tabi niya and brushed away the strands of hair covering her face.

I traced her jaws, her eyes, her nose, and her lips.. how beautiful she is.. nagulat ako ng biglang nagmulat siya ng mga mata.

"O-oh.. Dylan.. anong ginagawa mo rito.."

"I- I just checked on you.."

"It's late, di ka pa matutulog?" tanong niya.

"I can't go back to sleep. I had this really bad thing."

Nagtaka ako dahil bigla siyang nag-blush tapos biglang nawala rin.

"U-uhmm.. you can stay here, kung gusto mo." she said almost whispering.

Bagama't nabigla ako ay ngumiti na rin lang ako.

Humiga ako sa tabi niya.

"Don't worry, I'm not gonna' do anything weird."

"Dapat lang. Kung ayaw mong mamatay."

"Ang sadista mo talaga." I said, then I hugged her from the back.

"Goodnight.." she said.

I kissed her earlobe. "Goodnight Sheek.."

Anyway, I don't think i can sleep tonight. I'm willing to sacrifice sleep, for I'd rather look at her sleeping. Until now, di parin ako makapaniwala na nasa tabi ko na nga siya.

--------- xx

Nagising akong wala na sa tabi ko si Rash. I can hear the water from the shower. Naliligo siya? Bigla akong nakaramdam ng sobrang init kaya nilakasan ko pa aircon. Tsssh, stop it Dylan.

Hindi na muna ako tumayo, humiga lang ako ng prente habang nakatitig sa kisame. I can still smell Rash from her pillow. Actually, the whole room smells like her. She smells so good.

Napapikit ako..

Pero biglang may kumalabog, napadilat ako. Ano yun?

"Rash?" Walang sagot. Kinabahan na ako.

Tuloy-tuloy lang sa pagbuhos ang shower. What happened?

Nag-aalangan akong pumasok, baka ano pa ang makita ko pero nang tawagin ko si Rash at wala paring sumasagot, kinalimutan ko na ang lahat ng pag-aalangan ko.

I pushed the shower door open. Halos, mapamura ako sa nakita ko.

"Rash!"

There she is, nakaupo sa sulok habang hinang-hina.. Bagama't basa pa siya mula sa paliligo ay kita ko ang bakas ng pag-iyak. Mabilis ko siyang binalot sa tuwalya at binuhat palabas. Sobrang bilis ng kabok ng dibdib ko.

Damn, what happened.

Hinang-hina si Rash. This is f_cked up!

"Dylan.. my.. my head hurts.. Ang paa ko, namamanhid, I CAN'T FEEL MY LEGS!"

Napamura ako. Shit! Just shit!

----------------- xx

"Doc, what the hell happened?" halos paangil ko ng tanong.

"I'm sorry, but I'm afraid, temporarily.. or it may be permanently..--

"She might not be able to walk."

VOTE,COMMENT, REVIEW ;">

******************************************* [50] Chapter 49 ;) - Darkest Dreams *******************************************

"Your nightmares follow you like a shadow, forever. " Aleksandar Hemon, The Lazarus Project ----------------------------------------------------------------------------------- xxx

Chapter 49 ;) - Darkest Dreams

I woke up with the feeling of someone caressing my hair. Unti-unti kong iminulat ang pagod kong mga mata.

Nang, makita ko ang babaeng nasa harap ko, nawala ang lahat ng antok ko.

"Rash.." I said almost whispering.

"A-alam mo.. sobrang kakaiba yung panaginip ko Dylan." she answered.

Napakunot ang noo ko, only to realize what she really ment after a while.

"K-kasi.. sumakit daw ang ulo ko habang naliligo ako.. ta-tapos.. naramdaman ko na lang na nanghihina ang dalawa kong paa. Na.. na hindi ko na ako makatayo.. na hindi ko na maigalaw ang mga paa ko.." nagsisimula na siyang manginig. Gusto ko siyang yakapin para mabawasan ang takot niya pero hindi ko magawa.

"P-pero.. panaginip.. panaginip lang naman yun diba? Diba Dylan?" she asked but it sounded to me like she was pleading. It's more like she's trying to convince herself than convince me.

"B-bakit ayaw mong sumagot Dylan.. d-diba? Diba panaginip lang? Makakalakad pa naman ako diba? I mean, bakit hindi? Eh wala naman akong bali sa paa.. wala namang problema.." she murmured while shaking.

Lmapit ako sa kanya..

"You need to rest Rash.."

"P-pero.. Dylan.. makakalakad pa naman ako diba? Baka naman napagod lang ako o nagka-cramps lang."

Sana nga. Sana nga ganon lang ang nangyari..

"Magpahinga ka muna Rash.. mag-uusap tayo when you wake up later." I said. Pero tingin ko'y lalo lamang tumibay ang loob niyang alamin ang totoo. Ang totoo, sa loob loob ko.. takot ako. Takot na takot..

Bigla niyang hinablot ang kumot na tumatabing sa kanya, exposing her legs.

Nagtangka siyang igalaw ang dalawang paa pero walang nangyari. It's as if, hiwalay na ang taas niyang katawan sa pang-ibaba.

Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata niya.

"B-bakit.. Bakit.. BAKIT DI KO MAIGALAW ANG MGA PAA KO!" sigaw niya.

Napahagulgol siya sabay sapo ng dalawang kamay sa mukha.

"A-anong nangyari.."

Lumapit ako at niyakap siya.

"Rash.. Calm down.. Pangako.. magiging maayos ang lahat.. just please.. stop forcing yourself.. stop.. stop crying.. nasasaktan ako.." I whispered.

Ang higpit ng hawak niya sa damit ko. Tila ba doon siya kumukuha ng lakas para hindi siya tuluyang bumagsak.

Unti-unting humupa ang pag-iyak niya. Until there's nothing left but soft sobs. I kissed her forehead.

"We'll get through these.. together."

-------- xxx

**Flashback

Halos paliparin ko na ang sasakyan papuntang pinakamalapit na ospital. I don't care about the world.. Si Rash.. Si Rash ang mundo ko.

Palakad-lakad lang ako sa labas ng emergency room. Nasa loob, ang mahal ko. Hindi ko magawang kumalma na lang.

May biglang humawak sa balikat ko kaya napaigtad ako.

"W-what happened? Anong nangyari kay Ate??"

Hindi ako makasagot. Ang tanging nagawa ko lang ay ang yumuko at titigan ang sahig.

Nagsidatingan ang ibang club members, si Mommy at ang Daddy ni Rash. Halata ang tensyon sa paligid.

Sinong mag-aakalang matapos lamang ang dalawang linggo ay babalik kami rito sa ospital and experience the same tension we exprerienced back when Rash was still unconcious.

Hindi pa ba sapat? Kulang pa ba lahat ng sakit at pag-aalalang dinanas namin nung walang malay ang babaeng mahal na mahal ko?

Naikuyom ko ang mga palad ko. Damn it. Why does it have to be Rash?

Bumukas ang pinto ng emergency room at iniluwa ang doctor. Sabay-sabay kaming napatayo.

Mabilis pa sa alas-kwatrong nakalapit ako sa doktor.

"Doc.. what the hell happened?!"

"This case is so unusual. Pero after undergoing her in tests, we found out na may itinurok pala sa kanyang sedative when you were both kidnapped."

Napatigil ako. Tama. Yung p_tang-in_ang lalake ang may gawa.

"Usually, that sedative would induce sleep and alter the memory of the girl sa mga bagay na nangyari within that time. Ibig sabihin, makakalimutan niya ang mga nangyari within that day. That sedative is banned here."

I clenched my fist. Damn them.

"Anong kinalaman nun sa nangyari sa kanya?"

"Because of the trauma and the effect she got when you met the car accident, the effect of the sedative shifted. At mukhang tumama rin ang ulo niya sa isang matigas na bagay nang tumalsik siya."

"W-what do you mean?"

"It affected her brain.. specifically, the part responsible for a human's balance."

"She.."

"Yes. I'm sorry to say but.."

"I'm afraid, temporarily.. or it may be permanently..--

"She might not be able to walk."

-------- xx

Sinuntok ko ang pader. Dumudugo na ang kamay ko. Pero manhid ako sa sakit. How did I not notice? Bakit di ko napansing this past few days, lagi na lang sumasakit ang ulo niya?

Damn it. Ang tanga ko. Kung nadala ko lang siya agad sa ospital.. If only I was paying attention..

"Dylan.. tama na yan.."

Lumingon ako.

"Natanong na namin ang doktor, sabi niya.. may paraan pa raw.."

Nanatili lang akong tahimik.

"She can undergo therapy.."

Therapy.. pero ilang porsyento lang ba ang pagkakataong makalakad siya uli? Kanina lang.. I saw how Rash struggled. Pero ni di nga niya maigalaw kahit katiting ang mga paa niya.

I slowly walked away.

"Kailangan kong magpahangin."

-------- xx

"Fancy meeting you here."

I looked at the person seated next to me in the bar.

"Tell me, how can I be strong at a time like this."

Tumawa ng pagak si Kian. "I'm suprised na umamin kang mahina ka."

Tinungga ko ang laman ng baso. "Si Rash.."

Napalingon sa akin si Kian. "What about her?"

"She's at the hospital right now."

Ang huli kong narinig ay ang tunog ng natumbang baso.

"What happened to her?"

Sinalubong ko ang seryosong tingin ni Kian.

"She can't walk any longer."

--------

Hinawakan ako sa kwelyo ni Kian. "Nasa ospital si Rash habang ikaw andito? She needs you!"

Nakayuko lang ako. "I.. I don't know what to feel right now."

Binitawan niya ako.

"That's not important anymore. Tingin mo ba, susuko agad si Rash? You know, she not weak. At ano? May gana kang ipakita kay Rash na mahina ka? How can she be strong if ikaw mismo, nakikitaan niya ng pagsuko. He needs you Dylan."

Tumayo ako and stared at Kian. "Who told you I'm leaving her? If I have to endure the pain. I would."

"At kahit pa nakahiga na lang siya habang-buhay, nothing would change. She's still the same Rash I loved. She still the girl I'm determined to spend my life with."

I saw Kian gave out a sly smile. "Yan, yan ang Dylan na kilala ko. Go, and stay at her side. She needs you right now, more than aything else.. more than anyone else."

Mabilis akong sumakay sa kotse ko at nagmaneho pabalik ng ospital.

"Rash.. I'm not going to give up. I'm not going to give you up."

------- xx

[[Rash POV:]]

Nasa tapat ako ng shower noon. Naliligo lang when suddenly, kumirot ng sobra ang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit ang sakit niya,. Napahawak ako sa dingding ng shower room para kumuha ng suporta pero nahilo ako. Biglang nanghina ang mga tuhod ko kaya napadausdos ako pababa. Nang subukan kong tumayo ay hindi ko na maigalaw ang mga paa ko.

"T-ulong.." mahina kong sabi. Gusto kong sumigaw para humingi ng tulong pero parang hinihigop lahat ng lakas ko. Napapikit na lang ako.

"Dylan.."

--------- xxx

I tried to move my feet but.. I just can't. Ilang gabing nakakatulog na lang ako sa pag-iyak. I don't know what I did wrong.

I looked at the man at my side. Pinagtatalop niya ako ngayon ng mansanas.

Higit sa lahat ng sakit ng dama ko ngayon.. I feel so sad and guilty inside.

Dahil sa akin, ilang araw ng walang pahinga si Dylan.. nang dahil sa akin.. may sugat siya sa kamay.. at di man niya ipakita sa akin, alam kong nasasaktan siya.

Bigla siyang tumingala kaya napaiwas ako ng tingin.

"Staring is bad." he said.

Sumimangot ako. "Linya ko yan.Gaya-gaya."

Tumawa lang siya. Yeah. He laughed. Pero kahit na anong ngiti niya, iba na ngayon. Di na abot sa mata ang tawa niya, di na tulad nung dati. dahil alam kong gaya ko, may mabigat rin siyang dinadala.

"Say ah." Napukaw ako sa pag-iisip dahil sa sinabi niyang yun.

Sumimangot ako uli.

"Akin na nga yan. Ako na."

"No. Ako na." he insisted.

"Dylan, akin na sabi. Pilay lang ako, hindi ako na-strok--"

Pareho kaming natigilan sa sinabi ko. "I..I'm sorry.." halos pabulong kong sabi.

Ang tahimik. Wala ng nagtangkang magsalita pagkatapos non.

Pero ilang saglit lang ay nakapagtatakang ngumiti si Dylan.

"C'mon, say ah."

Lito man ay sumunod na lang din ako. Alam kong tulad ko, nasasaktan rin si Dylan.

Napatigil kaming dalawa ng biglang may kumatok. Nagkatinginan kami then Dylan spoke.

"Pasok."

Hindi ko inaasahan ang sunod kong nakita.

Isang babaeng cute na cute sa suot na oversized shirt at short shorts ang pumasok. May dala siyang bulaklak at prutas.

"Kamusta na po kayo?"

Sinusubukan kong kalkalin sa utak ko kung sino ang babaeng nasa harap ko ngayon ng biglang magsalita si Dylan.

"Raven?"

Doon ako nabigla. Si Raven nga. Alala ko pa nung sa camp. Siya yung tanging babaeng nginitian ni Dylan ng ganon. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib kaya napayuko ako.

"Anong ginagawa mo rito Ravy?" Tumayo si Dylan at sinalubong si Raven.

Umiwas ako ng tingin. Ravy huh? See? Meron pa silang term of endearment. Ang saklap ng buhay. Pilay ka na nga, may kangitian pa ang mahal mo. Napabusangot ako bigla.

"B-bibisitahin ko sana si Rash.." Raven said.

"Pano mo alam na nandito ako?" tanong ko.

"Kuya mentioned it over dinner."

"Kuya?" sabay naming tanong ni Dylan.

"Si Kuya Kian."

"Kian?! Kapatid mo si Kian?" tanong ni Dylan.

Nakangiting tumango si Raven. "Oo, pareho kaming del Valle. We came from the same womb."

Napanganga na lang kami ng Dylan. Akalain mong magkapatid pala sila?

Pero nawala rin ang pagkamangha ko ng makitang sobrang lapit nila sa isa't isa. Ang landi talaga nitong si Dylan. Nainis ako lalo.

"K-kuya Dylan.. pwede po ba niyo kaming iwan saglit?"

KUYA?! So ibig sabihin?

Tumango si Dylan and silently went out of the room.

Naglakad palapit sa bed ko si Raven.

"Ate.. wag kang mag-alala, wala po akong gusto kay Kuya.." sabi niyang nakatawa.

Napanganga ako. Akala ko..

"Tyaka, ikaw po ang mahal nun. Ilang beses na yung humingi ng advice s-sa akin.. hehe.."

Napangiti ako. Advice pala ah?

"Ate, wag ka sanang mawawalan ng pag-asa. Tiwala akong magiging maayos rin ang lahat." she said softly. "At isa pa po.. alam ko pong di kayo susukuan ni kuya Dylan." Napangiti ako.

"Thank you Raven.. Thank you."

-------- xx

Tatlong linggo na rin mula ng makalabas ako sa ospital. I'm back at Dylan's place, same room, same comfort zone.. the only difference is.. hindi na ako makalakad.

Ibang-iba na ngayon. I'm used to waking up early and preparing for Dylan pero ngayon.. it's funny how I can't even stand up and take care of myself. I'm so pathetic.

"Breakfast in bed.."

Napamulat ako ng mata. Si Dylan. Nakangiti habang may bitbit ng tray na may umuusok pang pagkain. Nakakahiya man sa kanya, he volunteered to take care of me. Completely rejecting any help from his maids.Bagama't inaalagaan at binibisita ako nina Daddy at Kriscelle, si Dylan ang full time na nag-aalaga sa akin.

Ngumiti ako. "Salamat.."

He smiled back at sinimulang subuan ako.

"You know, you're so pretty.." napatigil ako sa pagkain at namula ng sobra.

"T-tigilan mo nga ako Dylan!"

"I'm not joking."

Huminga ako ng malalim. "Paano magiging maganda ang pilay?" I said, whispering. Pero mukhang umabot sa pandinig ni Dylan iyon kaya bigla niya akong hinawakan sa kamay.

"Why are you saying something like that?"

Nakayuko lang ako. "Totoo naman diba? I'm so useless.. Ni hindi na kita maipaghanda ng pagkain, ni hindi na kita masamahan sa pamamasyal.. I can't even walk right next to you every morning.. I can't.. kaya.. hindi kita masisi if ever magsawa ka na-- hmmmmp!"

He suddenly kissed me, nibbling the side of my lips with his lips. He kissed my upper lip and then showered my face with soft kisses. Bawat patak ng luha ko ay tinuyo niya.

When he let go of me.. nakatitig lang ako sa kanya.

"Never ever say that.. alam mong kahit kailan, hindi kita susukuan.." he whispered as he kiss my nose. "If have to stay here and carry you around forever, I would.."

Napaiyak na ako ng tuluyan. Oh, God. What have I done to deserve this man.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"I love you so much.."

"And I love you too." he whispered.

-------- xxx

Napahawak ako sa dingding. Hindi ko kayang nakikitang ganito si Rash.

"Ayokong nakikita kang nasasaktan Rash.." lumapit ako sa kanya at hinawakan ang pisngi niya."

Natutulog na ngayon si Rash. I can see that even in her sleep, ay bakas ang lungkot niya.

"I'm sorry Rash.. but please, wag mo ng pahirapan ang sarili mo.. nahihirapan rin ako.." I whispered.

"I want you to smile the way you smile before.."

I kissed her forehead and stood up.

"Goodnight Sheek.."

-------- xxx

Nang makalabas si Dylan, binuksan ko ang mga mata ko. Yes, I was awake the whole time. Narinig ko yun lahat..

Kahit hirap ay pinilit kong tumagilid. Nangingilid na naman ang mga luha ko.

"Dylan.. mahal na mahal kita.. sorry kung nahihirapan ka dahil sa akin.."

"Pero.. nagiging pabigat na nga ba ako kay Dylan?"

VOTE, COMMENT, REVIEW ;'> ******************************************* [51] Chapter 50// Part I :) - The Second Time *******************************************

Someday, after mastering winds, waves, tides and gravity, we shall harness the energy of love; and for the second time in the history of the world, man will have discovered fire.

-- Pierre Teilhard De Chardin ----------------------------------------------------------------------------------------xxxx Chapter 50// Part I :) - The Second Time [Dylan's POV:]

Mag-iisang buwan na rin simula nang sumailalim sa therapy si Rash. Hindi ko alam kung kahit papano ay may naitutulong ba ito sa kanya o baka lalo lang nitong pinapalala ang lungkot ni Rash.

Napabuntung-hininga ako. Will the therapy work somehow?

Maaaring oo.. maaaring hindi. Pero isa lang ang sigurado ako, umaasa ako ngayon na hindi maging ganito na lang habambuhay.

This past few days, mukhang unti-unti ng natatanggap ni Rash ang kalagayan niya. Though I know she's still sad. I mean, who wouldn't? I even see her crying silently seeking comfort in her pillows every night. May mga gabing nakakatulog siya ng may bakas pa ng luha sa mga mata.

Every night I would check on her, every night I felt like I was stabbed seeing the girl I love hurt.

Is this.. pure guilt? Guilt for not being able to protect her?

"Help me bro, I'm drowning!"

Napukaw ang naglalakbay kong isip sa boses ni Jeff. Nakangisi siya sa gilid habang nakasandal sa gilid ng pool nila. Nagkasalubong ang kilay ko dahil parang tawang-tawa siya.

"May dumi ba ako sa mukha?" seryoso kong tanong.

Biglang nagtawanan si Kian, Angelo, at Jeff.

"Man, what Jeff means is masyadong malalim ang iniisip mo, nakakalunod."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Oops, oops, calm down."

Tumingin na lang ako sa tubig sa pool. Tapos, napabuntung-hininga na naman ako.

"How's Rash?" tanong ni Angelo.

"She's... fine." halos pabulong na ang pagkakasabi ko sa huling salita.

"It must be really hard for the both of you." sabi naman ni Ken.

Tumango ako ng hindi tumitingin sa kanila.

Tinungga ko ang natitirang laman ng baso kong hawak at inilapag ito sa gilid.

"But there's no way I'm giving up."

"We know. Because if you do, magkalimutan na tayo. Wala kaming kaibigang nang-iiwan ng babaeng mahal dahil lang sa hindi na to makalakad."

Sinalinan uli ni Ken ang baso ko at inabot ito sa akin.

"So it's the day after tomorrow huh? he asked as he hand me the filled glass.

Huminga muna ako ng malalim.

"So itutuloy mo ang plano mo?" Angelo asked.

"Okay lang ba kung ngayon mo to gagawin? Everything's kinda different now. We didn't saw this coming." Jeff said.

"I don't think na may nag-iba. It's still the same day, the same girl, the same feelings.. whether she can walk or not, I'll never change my mind." I said in a stable tone. There's no way I would change my mind.

Tumayo silang tatlo pati na ang kakagaling lang sa pool na si Jeff at sabay-sabay na lumapit sa akin.

"If you need our help, andito lang kami. And I think sa gagawin mo, you would need us."

Tumango ako. "Thanks bro."

---------- xx

[Rash' POV:]

Ginalaw-galaw ko ang mga paa ko. After one month of therapy, naigagalaw ko na ng konting-konti ang mga paa ko. But still, there's no way I can walk again.

Napayuko ako. Kung alam ko lang na mapipilay pala ako, I could have enjoyed the past years walking and doing all things. Ngayon, ni pagtayo di ko magawa.

Napatingin ako sa screen ng laptop na nasa harap ko ngayon. Nakakaiyak naman tong anime na to. Mula ng mapilay ako, wala na lang akong ginawa kundi magmukmok sa kwarto ko.. at manuod ng anime.

Tungkol to sa isang babaeng pilay pero still, minahal parin siya ng lalake. Napabuntung-hininga ako. Parang ganito rin ang nangyari sa akin. Sa amin ni Dylan. They started as two totally different individuals arguing at almost every single thing, but then.. they ended up inlove. The boy who promised to give his all to a girl in a wheelchair.

Nakakatawang isipin na ang isang tulad ni Dylan na anak mayaman, arogante, pilosopo, suplado at isipbata ay gugustuhing alagaan ang isang tulad ko na lumaki sa hirap at ngayon ay pilay na.

Minsan di ko maiwasang maisip na maaaring nabibigatan na si Dylan sa akin. Na baka, sawang-sawa na siyang alagaan ako, only wala lang siyang choice kundi gawin yun. Pero.. lagi lang ding sinasabi at pinararamdam sa akin ni Dylan na mali ako.

I smiled at the thought of Dylan.

Napatingin ako sa picture frame na nasa mini table ko. Kukunin ko na sana ito ng di sinasadyang natabig ko ito at deretso itong nahulog sa sahig. Medyo tumalsik pa ito. Napasinghap ako. Pinapahalagahan ko yung picture na yun!

"Dy--"

Tatawagin ko na sana si Dylan pero napatigil ako sabay tingin sa paa ko. Lagi na lang ba akong aasa kay Dylan kahit sa mga ganito kaliit na bagay?

Huminga ako ng malalim at unti-unting umisod pababa ng kama,

"K-konti na lang Rash.." napapagod na ako. Ang hirap bumaba ng kama.

Naibaba ko na ang kalahati ng katawan ko nang bigla na lang nadulas ang kamay ko sa pagkakahawak sa gilid kaya tuluy-tuloy akong nahulog sa sahig. Dahilan para kumalabog ng sobrang lakas.

Napahawak ako sa kamay ko.

Ang sakit ng bagsak ko..

Biglang bumukas ang pinto. Humihingal na pumasok si Dylan.

"Anong nangyari??"

Tumingala ako. "Wala. Nahulog lang a--"

"LANG?! Damn it Rash! You scared me. Nila-lang mo lang yun?!"

Nabigla ako sa sudden outburst ni Dylan.

"I didn't mean it--"

"Rash! You could have called me! Damn it!"

Nainis na ako sa pagsigaw niya kaya di ko na rin napigilang sumigaw.

"BAKIT KA BA GALIT?! GUSTO KO LANG NAMANG MARAMDAMANG KAHIT NGAYON LANG, MAY MAGAWA AKO NG AKO LANG!" tumulo na ang mga luha ko. Ang sakit na nito.

Nakita kong nabigla si Dylan.

"G-gusto ko lang namang may magawa man lang para sa sarili ko.. a-ayokong inaasa na lang lahat sa iba.. sayo.."

"R-rash.."

Tinakpan ko ng mga palad ko ang mukha ko.

"Di ko naman s-sinasadya k-kung pilay ako eh.."

Nabigla ako ng may yumakap sa akin.

"Im sorry baby.. di ko sinasadyang sigawan ka.."

"I.. I'm sorry Dylan.."

"Sssshh.. No need to be sorry."

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at hinalikan ang kamay ko.

"Please.. stop crying."

Pinilit ko namang tumahan. Niyakap niya ako uli. This time nakasubsob lang ako sa dibdib niya.

"I don't care if you order me around.. just let me take care of you. You don't have to bear all the pain."

Marahan akong tumango. "Thank you Dylan."

"Here, take this." may inilagay siya sa kamay ko. Isang cute na cute na maliit na teddy bear.

Binuhat niya ako at binalik sa kama ko.

"Ano to?"

"Gift mo. Nakaligtaan kong ibigay sayo noon."

"Pero ang dami mo na atang regalo sa akin."

He shook his head.

"Wala pa yan sa regalong natanggap ko ng binigay ka ng Diyos sakin."

Parang gusto ko na namang umiyak. Pero ng ngumiti si Dylan ay napangiti na lang din ako.

Pero ilang sandali lang ay napahawak ako sa laylayan ng damit ni Dylan.

He gave me a worried look.

"D-dylan.. I.." hindi ako makatingin sa kanya ng deretso. "N-naiihi ako.."

Bigla na lang tumawa si Dylan. At walang kahirap-hirap na binuhat ako papunta sa banyo.

"WAG KANG SISILIP! SISIPAIN KITA!" banta ko.

Tumawa lang si Dylan. Nang marealize ko kung ano ang sinabi ko, nahiya ako bigla. Pano ko gagawin yun kung pilay ako?

"BASTA WAG KANG TITINGIN!" inis kong sabi.

"Promise I won't." he answered smiling.

------------------- xxxx

NP: A Thousand Years Heart beats fast Colors and promises How to be brave? How can I love when I'm afraid to fall But watching you stand alone? All of my doubt suddenly goes away somehow One step closer [Chorus:] I have died everyday waiting for you Darling don't be afraid I have loved you For a thousand years I'll love you for a thousand more Time stands still Beauty in all she is I will be brave I will not let anything take away What's standing in front of me Every breath Every hour has come to this One step closer "Hmmmmmmm.." unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Kinapa ko ang cellphone kong nasa may unan ko.

Sasagutin ko na sana ng bigla namang naputol ang tawag. Si Kadness. Ano na naman kayang trip nitong babaeng to?

Babalik na sana ako sa pagtulog ng biglang may pamansin akong kakaiba.

Napadako ang tingin ko sa paa ko. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko.

Nangingig ang kamay na dinial ko ang number ng doctor.

"H-hello Doc.."

"Di po ako sigurado.. pero parang.. parang may iba po sa paa ko."

--------------- xx

Nakatitig lang ako sa kisame ngayon. Nagalit kaya si Dylan sa akin kanina nung nahulog ako? Ang tanga ko naman kasi.

Napakamot-kamot ako sa ulo ko. Ay naku Rash!

"Hi princess."

"AY PALAKANG MAY BANGS!" napasigaw ako sa gulat. Bigla ba namang pumasok habang nakatulala lang ako?

"Did I scare you?"

Sumimangot ako.

"Ba't ba kasi bigla ka na lang pumasok?"

Ngumiti lang si Dylan kaya nawala na naman lahat ng inis ko. Bakit ba ang gwapo niya?

Hinawakan niya ako bigla sa kamay.

"Tara, ipapasyal kita."

----------------- xxx

"Wow!" ang ganda naman ng lugar na to!

Nakangiti lang si Dylan habang marahang tinutulak ang wheelchair ko. Nasa may parang town garden kami ngayon. Ewan ko ba kung pano alam ni Dylan to.

"Dinala kita rito kasi alam ko, gusto mo pag ganito ang hangin."

Tumango ako. "Kilala mo na talaga ako ah."

Tumawa lang si Dylan.

Hawak-hawak ko ngayon yung teddy bear na bigay niya kanina. Ewan kung bakit parang di ko magawang ihiwalay to mula pa kanina.

Tuloy-tuloy lang siya sa pagtulak sa wheelchair ko.

"Thank you Dylan.."

"For what?"

"For loving me."

Biglang tumigil si Dylan sa pagtulak sa wheelchair ko at lumipat sa harapan ko.

"And thank you for not giving up on me." I said.

Nabigla ako ng kiniss niya ako bigla sa labi.

"Walang anuman."

Namula na naman ako.

"A-ah.. Ay, ang ganda dun oh!" kunwari ko. Ay nakuuu!

Ngumiti si Dylan at bumalik sa pagtulak ng wheelchair ko.

Pero bigla na lang may humablot sa dala kong teddy bear sabay takbo.

"S-sino yon?! Hoy!" sigaw ko. Bigla namang tumakbo si Dylan para habulin yung lalakeng kumuha sa teddy bear ko.

Bigla na naman akong kinabahan. baka kung anong mangyari kay Dylan!

Kahit papano ay nasasanay na akong gumamit ng wheelchair kaya unti-unti kong binaybay ang daang dinaanan ni Dylan ng hanulin niya ang magnanakaw.

"Lord.. wag naman po sanang may mangyaring masama kay Dylan.." abot abot ang dasal ko. Dahil kung may mangyari kay Dylan, baka di ko kayanin.

Tuloy-tuloy lang ako sa pagtahak sa daan ng may marinig akong parang sigaw ng lalake. Parang matatanggal ang puso ko sa kaba.

Habang papalapit ako ng papalapit sa pinanggagalingan ng sigaw ay palakas ng palakas ang tibok ng puso ko.

"Let me see him safe.. bahala na yung teddy bear."

Nang tuluyan akong makasuot sa makipot na daan na napapalibutan ng bulaklak ay napasigaw ako ng pangalan ni Dylan.

"WAG NIYO SIYANG SASAKTAN!" nakapikit kong sabi. Pero nang magmulat ako ng mata..

"Dy-- A-ano to??"

A-ang liwanag ng paligid. At bakit.. bakit may lamesa sa gitna?

May mga nakalatag na bulaklak sa daan papunta sa gitna.

He stood in the middle. With a smile I've never seen before.

(Hearbeats fast.. Colors and promises..)

Ang kabang kanina'y bumabayo sa dibdib ko sa pag-aalala sa kung ano ng nangyari kay Dylan ay napalitan ng ibang klase ng kaba.

"Dylan.."

Humakbang siya sa palapit sa akin.

Lalo akong nalito.

(How to be brave.. How can I love when I'm afraid to fall?)

Nang nakatayo na siya sa harap ko ay inabot niya ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan.

"A-ano to?"

"Rash.."

sinalubong ko ang tingin niya. He looked at me as if he can read me like an open book. I can almost feel myself drowning in his eyes. And my heart almost stopped when he spoke, "Anong petsa ngayon?" "July 27." I answered still feeling my fast heartbeat. He squeezed my hand then spoke, "27th of July.. can you still remember what happened a year ago?"

July 27. Little did I know that this same date would change my life for the second time.

VOTE, COMMENT, REVIEW ;">

--------------- xxx A/N: May Part II pa kaya, breathe in breathe out din pag may time. XD Gahahaha. Leave your comments! Note: I'll be giving away softcopies of "The Monster Who Stole My Heart" -- Edited Version in .pdf. Those interested, please PM me here or in my FB Acc. :)

******************************************* [52] Chapter 50// Part II ;) - Lovely Kisses ******************************************* "Forty thousand brothers can not, with their quantity of love, make up my sum." ---- Yoshino [Zetsuen no Tempest] ----------------------------------------------------------------------------- xxxx

Chapter 50// Part II ;) - Lovely Kisses

"27th of July.. can you still remember what happened a year ago?" Pigil ang hiningang sinariwa ko kung ano ang maaaring nangyari isang taon lang ang nakakaraan. July 27?

"I consider that day as one of the most faithful days I had." he said.

He was looking at me, with an expression full of pride and love. July 27?

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING IN MY HOUSE?!" "Anong ginagawa mo dito ha?!" sigaw ko. "I guess I should be the one asking you that.. What are you doing in MY house?" nakakunot ang noong tanong niya.. MY HOUSE.. MY HOUSE.. MY HOUSE..

"B-bahay mo to?" tanong ko. 0___0 Srsly, bahay niya to?! "Kakasabi ko lang diba? Bingi ka?!" angil naman niya.

Napikon ako. Tawagin ba naman akong bingi. Napatayo ako bigla. (Remember nakaupo ako sa toilet bowl) "Nagtatanong lang ako. At mas lalong hindi ako bingi!" sigaw ko sa kanya. Pero nagtaka ako sa mukha niya. He was shocked pero hindi sa mukha ko nakatingin. Sinundan ko ang tingin niya at dumako ako sa.... sa...

Nahila ko naman ang maluwag kong t-shirt pababa. Ngayon ko lang naalala na naka shirt lang ako na maluwag at undies! Kasi dapat maliligo ako pero dahil sa ganda ng banyo eh nakalimutan ko na yun ang gagawin ko.

"B-BASTOS!" sigaw ko sa kanya. --------- xxxx Napasinghap ako ng makapa ko sa utak ko ang pamilyar na alaala noong isang taon. Tama, that was ..

"The day I first saw you in my comfort room." he said smiling. Tama, nakita niya ako noon dun.. nakaupo sa bowl at.. at.. Bigla akong napahumindik sa naalala ko. He.. he saw me na naka-underwear lang! Namula ako bigla and turned to him with eyes full of anger and shame.

"Don't worry, I'm trying to forget the color of your undies-- well, I guess the color was pi--" "SHUT UP!" bigla kong tili. Tumawa lang siya. Napansin ko, gumaan na ang pakiramdam ko, kanina lang ay sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Walang-hiya kasi tong si Dylan!

Nasa wheelchair lang ako. Nakatingala sa kanya. He hair seemed to sway as the night wind blew. Pansin kong medyo humaba na ito sa nakasanayang haba ng buhok ni Dylan but eitherway, he looked more adorable with it. Nakapagtatakang hindi siya nakabonet ngayon.

"You know, why I love this day?" I shook my head. Kahit ako ay muntik ko ng makalimutan ang unang "madugo" naming ingkwentro ni Dylan sa bahay nila.

"Because that was the first time I saw you.. in my house." Kumunot ang noo ko. "Eh? Ano bang meron dun? Diba nga inis ka sakin?" "That would be everybody else's initial reaction and reason. I was trying to hide my true reactions by getting angry at you."

Medyo nalito naman ako. Bigla siyang tumalungko sa harap ko dahilan para maging bahagyang makapantay ang mga mukha namin. Medyo naasiwa naman ako sa seryoso niyang titig sa akin.

"There's no point in hiding my true feelings anyway.." he started. "The truth is, when I first saw you.. I thought you were.. Kara." Nanatili lang akong tahimik.

"But then as I spend time with you.. I realized you were different. Way too diferrent." He took one deep breath. "And the last thing I knew.. though I try to fight it. I fell inlove.."

Napaawang ang bibig ko.. Ibig sabihin.. noon paman din mahal niya na rin ako? When all this time, I thought na ginagawa niya lang akong replacement.. mahal niya ako?

"P-pero.." "Alam ko, mahirap paniwalaan.. I mean, you would think like I don't like you. When actually deep inside, my heart is telling me the exact opposite."

"Remember, when I asked you to help me play a game?"

Tumango ako. "Play-house Version 2.0" Ngumiti siya ng parang guilty. "Ang totoo.. palusot lang yun.. I just wanted you to become my girlfriend." he said while scratching the back of his neck. Napasinghap ako. "So? So loko-loko lang pala yun?" "Well.. atleast, naging tayo naman diba?"

Sumimangot ako. "Ang dami mong kalokohan." "Well, that was because I badly wanted to spend time with you. Na di ko man lang napansin na unti-unti, hinahayaan kong manalo ang puso ko over what my brain is telling me to do."

"You don't know how much i'm itching to just hold your hand the whole day so that nobody else would dare to get near you. Damn it! I felt like breaking someone's head everytime I hear about you being near to Kian or you getting my cousin's attention."

Napapangiti ako sa mga rebelasyon niya. This was something that I would only hear once in a lifetime.

"Then faith played with our hearts. Ikaw pala ang kalaro ko noon. The one I've always wanted to see. The one that made me smile out of ordinary reasons. The one I promised to marry." he said. Sa di ko alam na dahilan, biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Anong nangyayari sa akin.

"Rash.. I know, it's too early for this things.. but.. I just felt like I should ask you this."

Napalunok ako. Nanunuyo na dahil sa kaba ang lalamunan ko. "I'm sorry for all the pain that I've caused you. If only I can take all of that back.. if only I wasn't that stupid, everything could have been fine." He squeezed my hand. His hand is so warm enveloping mine. "If only I wasn't too careless. Hindi sana nangyari to lahat. Wala ka sana sa ganitong sitwasyon." nakayuko lang siya.

I held his chin up and looked at him. "Wala ka namang kasalanan. Wag mong sisihin ang sarili mo." I said. Ngumiti siya ng tipid. "Di mo maiwawala yan sakin. I am somewhat responsible for this."

I smiled at him faintly. "I would never be mad at you. Sa lahat ng ginawa mo sakin, there's no way I can do that."

Nagsisimula ng mamigat ang mga mata ko. Eto talaga ang problema pag nagiging iyakin.

"Rash.." he said almost whispering. "If I'll ask you to spend forever with me, will you say yes?" Dahil sa bigla ko, napa-awang ang bibig ko.

"A-ano?"

"will you spend forever with me Rash?" Namasa bigla ang mga mata ko. How can a very loving man choose to spend his life with a girl who can't walk?

"P-pero.. bakit?" taka kong tanong. Nakita kong kumunot ang noo niya. "Why not?"

"Kasi.." napayuko ako. "I don't deserve you." I said in a trembling voice. He held my chin and made me look at him.

"That's supposed to be my line." he said with eyes full of determination. Parang gusto ko tuloy siyang yakapin.

Umiwas ako ng tingin. "Pero bakit.. baka naman nabibigla ka lang?"

"I won't ask if I wasn't sure Rash.." "Pero.. bakit? Bakit ako?"

"Why not you?" "Kasi.. kasi, hindi naman ako maganda."

"You're the prettiest girl I've ever seen." he answered. "Hindi ako matalino."

"You ranked 1st at our school." he answered back.

Huminga ako ng malalim.

"I.. I can't walk.." pabulong kong sabi. But he suddenly smiled at me.

"What's wrong with that?"

"Everything's wrong with that.." I answered without looking at him.

"I can see no difference." he said. "It is true that I fell inlove with you when you can still walk.. but Rash, I fell inlove with you. Not with your legs."

Tuluyan ng pumatak ang kanina ko pang pinipigil na luha. Pinunasan naman niya ito gamit ang isa niyang daliri.

"I hate to see you crying."

Pinilit ko namang tumahan. "Pero.. dahil dito.. baka di ko na magawa lahat ng dapat gawin sa future para sayo." nakabusangot kong sabi. "I don't care if I have to take care and carry you around forever. It's better than not having you by my side."

Napasinghot na naman ako. "Nakakainis ka, pinapaiyak mo ako." sabi kong pinupunasan ang luha.

He laughed. Oh, how I love his laughs. Parang sa bawat tawa niya, nakikiliti ang puso ko.

Pero bigla rin siyang sumeryoso. "Rash.. I'll ask you again.. will you spend forever with me?"

"What if, maging pabigat na ako sayo. Na hindi ka na sumaya sakin, Panu kung.. sobrang dami ko nang pasakit na binibigay sayo.. iiwan mo ba a--"

"Hinata married Yui without hesitations. If he can do it, I'm sure I can too. Lalo na kung ikaw ang pinaguusapan. I'm willing to accept everything. If it means having you."

Napangiti ako.. how lucky I am to have him. Di ko akalaing sa likod ng sobrang supladong Dylan na kilala ko noon, nagtatago ang lalakeng gugustuhin ng kahit sinong babae at mga binabae. Feeling ko ang haba ng bangs ko kahit pilay ako.

"Kahit na mukha kang tanga pag pilay ang kasama mo?"

"Who told you that?" Ngumiti lang ako.

But then he planted his forehead on mine.

"Listen, I would borrow this line. But please, believe me, I mean it.." he said.

"Even if you can't walk, even if you can't have kids.. I'll still marry you." Biglang tumulo ang luha ko. Hindi ko na kaya..Napahagulgol ako.

"If I meet you again, against the 6 to 1 billion odds, I'll still marry you." he continued.

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi.

"Rash.. I'm willing to go against anything. I'll be your feet." he said. Pinunasan ko ang mga luha ko. This man deserves a price for being too lovable.

I pushed my wheelchair a little and asked him to stand. Sumunod naman siya.

"Please, hold my hand."And he did. Nakangiting ginalaw ko ang mga paa ko. And slowly, as if the time stopped at that very moment, I stood up from my wheelchair.

I saw how suprised he is as I stand up. "You.." Tumango ako. Miracles do happen. Kanina nang magising ako, napansin ko ang kakaibang pakiramdam sa paa ko. And when I was able to gather all the guts to try my luck and find out if makakalakad na nga ba ako, I was able to. Halos umapaw ang puso ko sa tuwa.

Nakita ko ang pamamasa ng mga mata ni Dylan. Bigla niya akong niyakap.

"This time, I can now ask it right." Lumuhod siya at hinawakan ang isa kong kamay.

"Rash, will you face and spend the future with me?"

Sumimangot ako. "Forget about being my feet. Ang kailangan ko ay asawa, hindi paa." Parang nung una, nalito pa si Dylan pero ilang sandali lang ay ngumiti siya.

"Yes Dylan."

Nakangiting niyakap ako ni Dylan. "Thank you Sheek. Thank you."

Humiwalay siya sakin and showered me loving kisses. And when we were about to bridge the gap between our lips, someone shouted.

"CHEERS!" Napahiwalay ako kay Dylan.

"D-dad?!" "Congratulations anak!"

Sa bigla ko ay biglang lumabas ang lahat ng mga kakilala ko, mula sa club members, sila Kadness at Ken, ang kapatid ko, si Geo at iba pang schoolmates ko. They are all smiling. But Dylan had the best smile. "Is.. is this?"

"Yes. I planned this, nung nakakalakad ka pa." "And.. and you still continued kahit na hindi na ako makalakad?" Niyakap niya ako. "I told you baby, there would be no difference. I love you. Whether you can walk or not."

I hugged him back. "Thank you for loving me."

He held my hand in his. I love how my hand fit perfecly in his hand. I just felt like I found my true home.

"I love you more than all the stars and planets combined." i said. "I love you even more." he answered. "No. I love you moooooooore." I said, grinning from ear to ear.

"No. I---"

"Fine! Kayo na ang inlove! But for now, Dylan! Give me the painting!" sabi ni Claudette. Sumimangot si Dylan. Pero ilang sandali lang ay humarap na naman sa akin.

"I love you babysitter." I smiled. "I love you too boyfriend."

He leaned over to kiss me. And yes, I responded with all my heart. Though everything started to be difficult and messed up, we still ended up together.

Dylan is my other half. Spending life without him, would mean living an incomplete life. Bali-baliktarin man natin ang mundo, he would always be the Dylan I would want to spend my life with. The Dylan whom I entrusted my whole being.

The end is just the beginning. For I and Dylan, would always be two halves of one whole.

VOTE, COMMENT, REVIEW ;"> -------------------------------------- xxx It was a long but nice journey, i love you! :) Epilogue soon! P.S. See you @ the BTYM FB Page! :)

******************************************* [53] Babysitting the Young Master Bids Goodbye -- Epilogue :) ******************************************* --EPILOGUE--

I watch the man I love as he lovingly smile at the girl standing before him. Dylan lowered himself as the girl stood on tiptoes. She kissed his cheek and with all hapiness took his hand. I was rooted on the floor.

This was the only time I saw him smile like that, he never looked at me that way. I stood right next to a red car. Seemingly unable to move due to unknown reasons, my eyes was locked on them.

Hair as black as the night and a smile nobody can resist, the girl is surely one of the best.

Hindi ko kailanman naisip na maaaring mangyari ang nangyayari ngayon. Kung san, nakatayo ako rito at pinagmamasdan ang lalakeng mahal ko habang hawak ang kamay ng isang babae.

They walked hand in hand and one thing is for sure. They are walking towards me. Without feeling the need to bat my eyelids, I stared directly at Dylan's eyes, today I know he is one of the happiest men.

Distance slowly vanished. And they now stood a step away from where I am.

The girl smiled, pulled Dylan a little, held my other hand and spoke with the cutest voice I've ever heard.

"Hi mommy!"

--------------- xxx

It has been 2 years since that faithful day. The day I and Dylan gave our hearts completely to each other. 5 years of engagement and we finally tied the knot. That was my happiest day. And for the third time, that date changed my life -- July 27.

"A penny for your thought?"

I blinked a couple of times. Dylan squeezed my hand.

"Wala. May naalala lang ako."

Ngumiti siya. "Pinagpapantasyahan na naman ako ng asawa ko."

Sinuntok ko siya ng mahina. "Kahit kailan talaga, ang daming hangin diyan sa utak mo. Ewan ko ba kung bakit kita pinakasalan."

Nagkunwaring nagtatampo si Dylan. I stucked my tounge out. "You won't get me with that."

"Sabby, inaaway ako ng mommy mo."

I heard Sabby chuckle. "Stop it dad. You look like your about to cry."

Inirapan ko si Dylan. "See? Pati anak mo, ayaw maniwala sayo."

"Life's too unfair. Ang hirap talaga pag babae lahat ang kasama mo."

"Babae ka rin naman ah." I said with a smirk.

Suddenly Sabby gasped. Napatingin ako sa anak ko.

"You mean, daddy's gay?!" eksaheradang tanong ng bata.

Ngumisi ako. "Yes. Your dad's a gay. A closet gay."

Suminghap uli si Sabby. Habang ako pinipigilan ang tawa kong kanina pa gustong umalpas sa lalamunan ko.

Sinamaan ako ng tingin ni Dylan. "Bakla pala ah. Tignan natin mamaya."

Napanganga ako. Ang salbahe talaga nitong asawa ko.

Nag-smirk lang si Dylan. Habang si Sabby, nagsimulang kumanta ng ABC ng paulit-ulit.

"Ang cute talaga ng anak ko." I said almost whispering.

"Ng anak natin. Remember, hindi lang ikaw ang dahilan bakit maganda yan. There's nothing we can do, ang gwapo ng asawa mo." he said as he held the steering wheel with one hand and the other unconsciously got rid of the strands of hair on my forehead.

"Fine. Sige, ikaw na gwapo."

Tumawa ng malakas si Dylan.

"Yanu.." lumingon ako sa kanya.

He had been calling me that since the morning after our wedding. Nung hiyang-hiya akong tinatakpan ang sarili ko. That was so humiliating.

"Thank you."

I smiled back. "No, thank you."

Eksaktong pasok namin sa gate ay may nakita akong dalawang taong nakatayo sa gilid ng garahe.

Kumakanta parin si Sabby. Kinarga ko na siya habang si Dylan ay umikot sa kabila para pagbuksan kami ng pinto ng kotse.

Pagbaba ko, may nagsalita.

"So, the happy family is back."

Paglingon ko, di pa nga ako nakakahuma, tumalon na si Sabby papunta sa nagsalita.

"Tito Kiaaaaaaaaaan!"

Sumimangot ako. Pag nakikita talaga ni Sabby si Kian, tuwang-tuwa ito. Ewan ko ba kung bakit.

Kian held Sabby at walang kahirap-hirap itong iniikot sa ere. Namilog naman ang mga mata ko.

"Kian! Yung anak ko, baka mabitawan mo." worried kong sabi.

Inakbayan ako ni Dylan habang tumatawa, "Stop worrying a lot about little things Yanu."

"Eh, kasi sobra namang makaikot si Kian." dahilan ko.

Dylan smiled at me.

"Oh, tama na ang loving-loving." nakatawang sabi ni Kriscelle."

Ngumiti ako at bineso siya. "Kamusta na ang kapatid ko?"

"Okay lang. Bored sa buhay. Ito kasing si Kian. Kung san san na lang ako hinihila basta trip niya. Parang ginagawa na lang ako nitong tour guide eh." Kriscelle said while pouting.

Ngumisi ako. "Talaga lang ah. Wag mong sabihing nagkakamabutihan na kayo?" tukso ko.

Namula bigla si Kriscelle.

"A-ate naman eh! Wag kang ganyan."

Tumawa lang ako. Paglingon ko, si Sabby, nasa baba na at nilalaro laro ang buhok ni Kian habang si Dylan naman ay nakatayo sa gilid nila. Nakita ko pang nag-bump fist pa ang dalawang mokong.

Akalain mong after everything that happened, magiging ganito ka close ang dalawang yun. Akala ko noon, forever enemies na to sila.

"Rash, sabihin mo sakin pag ito nambabae ah. Aagawin kita sa kanya."

Pabirong sinuntok naman ni Dylan si Kian. "Gago! May Kriscelle ka na tol."

Nagkamot lang ang batok si Kian. At ilang sandali lang ay napapa-aray na dahil, hinahablot na ni Sabby ang buhok niya.

Nagtawanan kami.

Biglang lumapit samin si Kriscelle.

"I think you two need some quality time. Kami na muna ang bahala kay Baby Sabby niyo." nakingising sabi ni Kriscelle.

Namula naman ako. "Tigilan mo ako Kriscelle."

Tumawa lang si Kriscelle sabay takbo sa lugar nina Kian.

"Sabby, dali..let's put some make-up on your tito Kian's ugly face."

Masiglang tumango naman ang anak ko habang si Kian ay halos tumakbo na palayo.

Nakangiting pumasok ako sa bahay. Tumunog ang phone ko. Si Claudette. Rash! Punta kayo rito mamaya, kumpleto ang buong barkada! And oh, I'll introduce my boyfriend sa inyo. Kasama na rin ang celebration sa engagement nina Ken at Kadness. See you! Naopangiti ako. I sat down at the sofa at marahang ipinikit ang mga mata ko. I'm a bit tired.

------------ xxx

Nagising ako na nasa kama na ako. Hinay-hinay akong tumayo. Pano ako umabot dito? Nasa sofa lang ako kanina ah.

Bumaba ako ng kama at lumapit sa may bintana. Mula dito ay kita mo sina Sabby, Kriscelle at Kian na naghahabulan sa may garden.

Napangiti ako.

Biglang may dalawang kamay na yumakap sa akin mula sa likod. He planted his chin on my shoulders.

"Goodmorning Yanu." he whispered.

Nilalaro-laro niya ang earlobe ko kaya napapaigtad ako.

"Nakikiliti ako Dylan." reklamo ko. Dylan gave out a chaste laugh.

"I love how you can melt in my arms."

Automatic akong namula. Sino ba naman ang hindi? Naalala ko tuloy nung.. nung.. Aaaaaaaah!

Lumipat ang tingin ko sa naglalaro kong anak sa may garden. I'm happy we have Sabrina as our daughter.

Huminga ako ng malalim.

"Can you still remember what happened almost 2 years ago?" I said almost whispering.

Humigpit ang yakap ni Dylan sa akin.

"How can I forget?" he answered.

Nasa banyo ako nun, naliligo. Ang hirap gumalaw-galaw lalo na pag kabuwanan mo na.

Nasa kama lang si Dylan, nakatihayang parang starfish habang nanunuod ng Angel Beats. Ilang beses na niyang inulit yan pero hindi parin siya nagsasawa.

Nakabihis na ako at palabas na ng biglang humilab ang tiyan ko. Napasapo ako sa tiyan ko.

Humilab na naman. Napahawak ako sa may pinto.

"D-dy-lan.. ang sakit.."

Napabalikwas siya at halos talunin ang distansya namin.

"What happened?"

"Ang---Ang sakit ng tiyan ko."

Mabilis akong binuhat ni Dylan at tinakbo ang sasakyan.

---------- xx

"Doc.. magiging okay po ba ang asawa ko?" kabado kong tanong, Para akong maiihi habang nag-aantay sa labas ng delivery room. Ganito pala ang pakiramdam ng mga malapit ng maging tatay. Parang aatakihin ako sa puso.

"We'll do our best Mr. Lautner."

Pumasok uli ang doctor. Tensyunado kaming lahat. Pati ang buong club. Please keep my child and wife safe. Please..

Biglang lumabas ang doctor. Napatayo ako.

"Mr. Launter.. we're afraid that you would have to choose."

Nagitla ako. Choose? Anong problema?

"Masyadong maselan ang pagbubuntis ng asawa niyo. Maaring on the process of saving your child, we'll lose your wife.

Nanghihinang napasandal ako sa dingding.

B-bakit..

Inabot niya sa akin ang isang papel. Tinitigan ko ito.

"Yanu.. anong gagawin ko.."

Bigla kong naalala ang huling sinabi ni Rash bago siya mawalan ng malay.

"Kahit anong mangyari Dylan.. wag mong isusuko ang anak natin.."

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa ballpen. Pumikit ako.

"Doc, I'm not going to sign this. Please do whatever you can to save both of them." matatag kong sabi.

Tumango ang doctor.

Nanghihinang naupo ako. Hinawakan ako sa balikat ni Mama.

"Anak, kakayanin natin to."

Nakayuko lang ako. Bakit? Bakit ang tagal naman ata..

Bumukas ang pinto ng delivery room.

Tumayo ako at tensyonadong lumapit sa doctor.

"Doc.."

"Congratulations Mr. Lautner, it's a girl."

"Si.. Yung asawa ko po."

Ngumiti ang doctor. "She is strong. Nakaya niya."

Halos umapaw ang tuwa ko dahil sa nangyari.

Nang okay na, pumasok na ako.

Binigay ng nurse sa akin ang anak ko. I held the cute baby in my hands. This is my daughter.. this is our daughter.

"Yanu.. thank you. I love you so much." I planted a soft kiss on her lips. Thank you for making me the happiest man.

------------------ xxxx

"You don't know how terrified I am nung nalaman kong kailangan kong mamili." he said while he kissed my shoulder.

Ngumiti lang ako.

"I suddenly remembered my first love." Dylan said. Napatigil ako. First love niya? May iba pala? Sumimangot ako. Akala ko pa naman ako.

"Tsk." I said.

"Gusto mo bang malaman kung sino ang first love ko?" he asked. Medyo naiinis na ako sa kanya.

Humiwalay siya bahagya at hinarap ako sa kanya.

"My first love is my fated spirit."

Fated Spirit?

"My fated spirit is the girl who I met 17 years ago."

"The girl who took care of me for as long as I can remember."

"The girl I married 2 years ago."

"The girl who bore my child."

Hinawakan niya ako at iniikot paharap sa kabilang direksyon.

Ngayon, nakaharap ako sa isang babaeng kasing-tangkad ko, she looks exactly like me..

He planted his mouth on my ear and then spoke,

"My fated spirit is, YOU."

I can't contain all the feelings I have inside as i stare at my reflection in the mirror.

Dylan and Sabby.. they are my life. At ngayon, I can't even imagine my life without them. At ngayon, sigurado ako sa isang bagay.

Humarap ako kay Dylan and stood on tiptoes to kiss him full.

He hugged me so close and responded with all his heart.

I love him too much. Too much that I don't know how to contain all my love for him. And If i'll be asked a million times, my answer would still be the same.

Yes, I'd be willing to babysit this man not just for today..

But for forever and a day.

-- END :)

"Ends are not bad things, they just mean that something else is about to begin. And there are many things that don't really end, anyway, they just begin again in a new way. Ends are not bad and many ends aren't really an ending; some things are never-ending." C. JoyBell C.

******************************************* [54] Author's [Medyo Mahaba at Nakakatamad Basahing] Note >_< ******************************************* [Author's Note:]

March 23, 2013 -- Babysitting the Young Master's Birthday. I can still remember how I decided to start writing this crazy story out of pure boredom. Nung kakasimula palang nito, to be specific at the 4th chapter, kinonsider ko na itigil na lang ang pagsulat. Why? Because nung una, na-isip ko na parang walang direksyon ang storya. I was never after the reads and votes but seeing that I made several people happy [I hope so?] made me a hundred times happier. May mga times pa na hirap na hirap akong magsulat ng update dahil una, hindi naman ako talaga magaling sa ganito. Pangawala, sobrang daming times na puro hangin lang ang laman ng utak ko. Pangatlo, sobrang hirap akong pagkasyahin ang oras ko. Sinimulan ko to ng summer pa kaya at first, mas mabilis pa ata ako sa alas-kwatro mag-UD dahil wala naman akong magawang matino sa buhay ko nung summer. Pero, nung palapit na ang pasukan, I felt somewhat guilty for making you wait. Kung baga, story ko na nga ang pinag-eefortan niyong basahin, ang tagal kong mag-UD. Pero wala akong magagawa eh, ang hirap lalo na ngayon. Haha. :DD

Anyways, sobrang thankful ako sa inyong lahat. Mapa-silent reader o loud reader ka man. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal [ay sobra?] ko kayo! Kayo ang talagang nagbigay-buhay kina Dylan at Rash. Kung wala kayo, parang wala lang din sila.

Gusto ko lang ipaabot ang pasasalamat ko kina:

1.) @IamNashix22, ang pinakaunang read, vote, at comment ko. Sobrang mahal ko yan. Kasi kahit na nagsisimula pa lang ako nun, naging parang ate ko na siya.

2.) @Aceholder, para sa mga sobrang cute na cute na covers ng stories ko. Thank you po!

Important: Wala na pong Book II. Pero I'll be writing my Third Story anytime soon. Sana po kahit na hindi na po sina Dylan at Rash ang bida, suportahan niyo parin po ako. Kahit po hindi ko narereplyan ang lahat ng comments at messages niyo gusto ko pong malaman niyo na binabasa ko po yan lahat. Mula sa nakakakilig at nakakahaba ng bangs na comments hanggang sa cute na cute na smileys at "KYAAAAAAA!" ninyong lahat. Sorry po kung di na po ako nakakareply.

Alam ko po mismo sa sarili ko na kung bubusisiin, maraming imperfections ang story ko. Mula sa plot hanggang sa typo-errors. Humihingi po ako ng kapatawaran kung minsan [o palagi] kayong naiinis sa sobrang ka-cornihan at kasablayan ng story ko. Bago pa lang po ako at ginagawa ko po ang lahat para kahit papano ay di kayo madisappoint.

Kahit na magpapaalam na ang BTYM, nawa'y di niyo po kalimutan na minsan, may Dylan at Rash ring nagpangiti, nagpaiyak, nagpaihi [sana lang] sa inyo. Nawa'y kahit papano ay natuwa kayo sa kashungahan ni Rash at kagwapuhan ni Dylan. Maaaring tumigil po ako sa pagsusulat o magpatuloy, sana po ay di pa rin po kayo magsawang basahin at gawing parte ng buhay niyo ang bawat isusulat ko. Maraming-maraming salamat po.

Dylan and Rash love you! <3

Babysitting the Young Master says ARIGATO, SAYONARA :)

Visit them at the BTYM FB Page. See you there! :)

******************************************* [55] DASHERS! Please READ! ******************************************* Hello! So, Eto naaaa! May special story na si Sabrinang inyong minamahal! Basa-basa na! To read the story click on the external link! Kindly leave your comments! :)

-- Lukaret ^^ ************************************************ STORY END ******************************************* *******************************************

You might also like