You are on page 1of 54

My Fiancis a Cyborg! Chapter One MOMMY! You cant do this to me!

reklamo ni Misha sa kanyang ina habang hinahabol ito palabas ng kanilang malaking bahay. Watch me, my daughter, nakangising sabi ng kanyang ina saka pinasok sa van ang maleta nito. Mommy, paano na kami ni Mitto kung iiwan mo kami nang walang kasama sa bahay? Hindi ko kayang asikasuhin ang lahat nang nag-iisa! naiiyak na sabi niya. Hinarap siya ng kanyang ina at tinanggal ang malaki at itim na sunglasses na suot nito. Really now. Hindi bat nagawa mo nga kaming lokohin ng Daddy mo sa loob ng ilang taon? Inilihim mo sa amin ang pagkuha mo sa kursong hindi namin gusto para sayo. You did that because you wanna prove to us that youre old enough to decide for yourself. You want to be independent now?Fine! Im giving you all the freedom you want! Mommy, thats not true! kaila niya. Hindi ko kayo sinuway para lang patunayang kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa. Its just that I want to live my life the way I want to. Pero hindi naman ibig sabihin non ay binabale-wala ko na kayo ni Daddy. I really want to be a writer kaya Creative Writing ang kinuha kong kurso. Oo. Matagal na niyang pangarap ang makapagsulat ng isang libro na fanstasy and adventure ang genre. Hija naman! Ikaw ang panganay na anak namin. Ikaw ang inaasahan naming magmamana sa kompanya natin. Iyon nga lang ang problema. Pero Mommy! Ito po talaga ang gusto ko. Buong-giting siyang nakipagtitigan sa kanyang ina- hoping that her mother could see the gravity and determination in her eyes. Bumuntong-hininga ang kanyang ina. Bakit sa dinami-daming magagandang genes namin ng Daddy mo, yang katigasan pa ng ulo ang namana mo? iiling-iling na bulong nito. Nabuhayan siya nang pag-asa nang hindi na niya narinig sa boses ng kanyang ina ang galit. Mommy, ibig bang sabihin, hahayaan niyo na akong Hahayaan ko nang si Seth ang magdesisyon kung papayagan ka ba naming ipagpatuloy ang kurso mong yan o hindi, deklara ng kanyang ina.

Sa tass ng tirik ng araw ay nagawa niyang pagpawisan ng malamig nang marinig ang pangalan ni Seth ang kanyang half Filipino-half Japanese fianc. Hindi pa yata siya ipinapanganak ay itinalaga na ng mga magulang niya si Seth Sawada bilang kanyang future husband. Best friend kasi ng kanyang ina si Tita Monta, ang ina naman ng binata. Malayung-malayo sa magandang samahan ng kanilang mga magulang ang pakikitungo nila ni Seth sa isat isa. He was cruel to her. She hated him. And what she hated most was, her parents would always let him control her life. Si Seth ang gumagawa ng lahat ng desisyon na siya lang dapat ang gumagawa. B-bakit naman nasama s-si S-Seth s-sa usapan? At ang masaklap pa, kahit anong galit niya rito, her whole system couldnt deny the fact that she was still afraid of him. After all, she couldnt forget what she had to go through during her high school days because of him. Because he knows whats best for you. Sumimangot siya. I have to go, Misha. Sumakay na ang kanyang ina sa van. Magkikita kami ng Tita Monta mo sa Paris. Magbabakasyon muna kami doon so behave, ha? Kayo na ang bahala ni Seth sa mga bata. Anong ibig niyong sabihin, Mommy? Parang hindi niya gusto ang matamis na ngiting iyon ng kanyang ina. Iniwan ko na kay Seth ang budget at allowance niyo ni Mitto habang wala ako, anito na ang tinutukoy ay ang walong-taong gulang niyang baby brother. And my daughter, makukuha mo lang ang pera kung sa mansyon ng mga Sawada kayo titira. What? bulalas niya. Bye-bye! Mabilis na sinara ng kanyang ina ang pinto ng van at pagkatapos ay humarurot na palayo ang sasakyan. She let out a frustrated sigh. Hindi siya makapaniwala sa kayang gawin ng kanyang ina para lang sa kagustuhan nitong magkalapit sila ni Seth. Hindi ba nakikita ng kanilang mga magulang na wala nang pag-asang magkaayos pa sila? I really hate you, Seth! Pinihit niya ang doorknob ng kanilang bahay pero ayaw non bumukas. Nagtungo siya sa back door, sa garahe pero naka-lock na ang lahat ng pinto sa bahay nila! Pati ang mga bintana! Ate, whats happening?

Nalingunan niya si Mitto, ang kanyang nakababatang kapatid. Mitto? Lumingon siya sa labas ng gate. Nasaan ang kotse natin? Pano ka nakauwi? Sinundo ako ni Mang Karyo sa school tapos umalis agad siya pagkahatid sakin. Ang sabi niya, pinagbakasyon daw sila ni Mommy. What? bulalas niya. Pati ang driver natin, pinaalis ni Mommy? Tinuro ni Mitto ang mga luggage bag na nakasandal sa gate. Nakahanda na raw ang mga gamit natin sa paglipat natin. Kila Kuya Seth na tayo titira, Ate? Biglang nanghina ang mga tuhod niya kaya napaluhod siya sa sementadong lapag. I cant believe this is happening to us Si Seth. Si Seth ang may kasalanan ng lahat ng ito! Tumayo siya at hinila si Mitto sa kamay. Lets go, Mitto. Kailangan kong kausapin ang Seth na yan! Binitbit niya sa kabilang kamay ang mga luggage bag nila. Tinapunan niya ng masamang tingin ang katapat nilang malaking bahay. Oo. Ang pinakamalaking mansyon na iyon sa buong village nila ay pag-aari ng mga Sawada. At oo uli, magkatapat lang sila ng tinitirhan! Pagpasok nilang magkapatid sa mansyon ng mga Sawada ay sinalubong agad sila ng mga kasambahay at kinuha ang mga gamit nila. Sinalubong din sila ni Jirou, ang nakababatang kapatid ni Seth na sing edad ni Mitto. Hello, Ate Misha at Mitto-kun! masiglang bati ni Jirou. Ginulo niya ang buhok nito. Hello rin, Jirou. Maglaro muna kayo ni Mitto, ha? Kakausapin ko lang ang kuya mo. Hai! Maglaro tayo ng computer game, Mitto-kun! Basta huwag ka lang iiyak uli pag natalo na naman kita. Napailing na lang siya sa narinig niyang pagyayabang ng kanyang kapatid habang paakyat siya ng hagdan. Pagdating sa ikalawang palapag ay dumiretso siya sa study room na ginawa nang opisina ni Seth. Tumayo siya sa harap ng pinto niyon habang nag-iipon ng lakas ng loob. Seth was intimidating and sarcastic. Malalamig ang mga mata nito, matalim ang dila, mainitin ang ulo at minsan ay bayolente. He was also a genius kaya sa edad nitong twenty-one ay ito na ang presidente ng kompanya ng pamilya nito ang Moon Corporation. Iyon ang pinakamalaking game company sa bansa ngayon. And because of that, he was already a millionaire at a young age.

Sa kabila ng pagiging genius nito at presidente ng sarili nitong kompanya, naisasabay pa rin nito ang pagiging graduating student sa kursong Business Managemet kahit na tapos na ito ng Software Engineering at crash-course ng Game Console Designing sa game developing school na pag-aari ng Moon. Huminga muna siya ng malalim at umangat na ang kamay para sana kumatok nang marinig niya ang malamig na boses ni Seth mula sa loob ng silid. Dont just stand like an idiot in front of somebody elses door. Pakialam mo? Hindi na siya nag-abalang kumatok at sa halip ay binuksan na lang niya ang pinto at dire-diretsong pumasok sa loob ng opisina nito. Abala si Seth sa pagtitipa sa kaharap nitong laptop computer. His straight brown hair looked messy but it complimented the shape of his face. May kahabaan ang buhok nito at umabot na sa mga mata nito ang bangs nito. Pero kahit ganon ka-complicted ang status ng hairstyle nito, bumagay iyon ng husto sa guwapong mukha nito. No matter how much she hated to admit it, Seth was good-looking with an angelic face, arrogant nose, rosy lips and beautiful almond-shaped eyes. Kung hindi lang sana masama ang ugali nito, baka sakaling Tumikhim siya. Puwede ba tayong mag-usap? Huminto ito sa ginagawa at nag-angat ng tingin sa kanya. His almondshaped eyes were cold as usual. Nagpahanda na ko ng isang kama para kay Mitto sa kuwarto ni Jirou para magkasama ang mga bata. Youll be using the guest room. The guest room that was designed by her Tita Monta specifically for her. And it was damn suspicious. Hindi iyon ang gusto kong pag-usapan. Lumapit siya sa mesa nito. Seth, ibigay mo sakin ang susi ng bahay. Siguradong sayo iniwan ni Mommy yon. Hindi ibinigay sakin ni Tita Sam ang susi. Hindi ako naniniwala Naningkit ang singkit na nitong mga mata kaya napaatras siya. Okay. Okay. Wala na kung wala. Ibigay mo na lang sakin yong perang iniwan ni Mommy para samin ni Mitto. Ako na ang bahalang humawak niyon. Pera niyo ni Mitto? Sumandal ito sa swivel chair nito. Nag-iwan ng pera si Tita Sam for Mitto. Pero wala siyang iniwan para sayo.

What? bulalas niya kasabay ng pagbagsak ng mga kamay niya sa mesa nito. What do you mean na walang iniwan si Mommy para sakin? Bumakas ang inis sa guwapong mukha nito at maingat na nilipat ang laptop computer nito sa ibabaw ng kabilang mesa. Ill be supporting you financially from now on, deklara nito. Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan. Tama ba ang pagkakaintindi niya sa sinabi nito? Dont overreact, stupid. Ganon din naman ang mangyayari kapag ikinasal Lalalalala! sigaw niya habang nakatakip ang mga kamay niya sa kanyang mga tenga. Ayaw niyang marinig ang sasabihin nito. No! No! No! Hindi ako papayag na umarte tayong parang tunay na mag-asawa sa ilalim ng iisang bubong! Parang gusto niyang iumpog ang sarili niya sa pader nang sa bibig din niya nanggaling ang bagay na iniwasan niyang marinig mula kay Seth. Impit na tumili siya sa frustration. Shut up, inis na saway ni Seth sa kanya. Itinikom niya ang kanyang bibig at sumimangot na lang. Ng mga two seconds. Hindi. Hindi ako papayag na ikaw ang magpapa-aral sakin! Dinukot niya ang kanyang cellphone mula sa bulsa niya at tinawagan ang kanyang ama. Pero hindi niya ito ma-contact. Its useless. Alam ni Tito Marco ang nangyayari kaya hindi ka niya tutulungan, anito na ang tinutukoy ay ang kanyang ama. Ah. Isa pa nga pala. Lilipat ka na sa Marusen University. Napasinghap siya. Hindi bat doon ka nag-aaral? Tumango ito. Tuluyan nang bumigay ang mga tuhod niya kaya padausdos na napaupo siya sa sahig. Umupo si Seth sa gilid ng mahogany table at humalukipkip. He literally looked down at her. Tumingala naman siya rito habang nakasimangot. Masama talaga ang loob niya sa kanyang mga magulang. Ganon ba talaga kasama ang ginawa niya sa mga ito? Pakiramdam tuloy niya, isa siyang masamang anak na ipinaubaya na lamang ng mga magulang sa asawa nito. Hindi ko rin gusto ang nangyayari. But I have no choice. Gusto kong manatili ang magandang relasyon ng mga pamilya natin. After all, your father is one of the biggest investors in my company.

Tinapunan niya ito ng masamang tingin. Noon pa ma ay alam na niyang ginagamit lang nito ang engagement nila para sa kapakanan ng kompanya nito. Business ang dahilan kung bakit ayos lang dito ang makasal sila balang-araw. Hindi ko tatanggapin ang pera mo bilang fiance ko, deklara niya. Pero kailangan ko ng pera kaya pagta-trabahuan ko ang ibibigay mo sakin. Marami na kong katulong dito sa mansyon. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamay sa galit. Wala rin akong balak pagsilbihan ka. So how do you plan to pay me? Magbe-babysitter ako ni Jirou! Alam niyang matagal nang namomroblema si Tita Monta sa paghahanap ng puwedeng mag-alaga kay Jirou. Hindi naman gusto ni Seth ang ideyang iyon dahil wala itong tiwala sa ibang tao. Pero kung siya ang magiging babysitter ni Jirou, makakatiyak ito na wala siyang gagawing masama sa paslit na parang kapatid na rin ang turing niya. Do whatever you want, pasya nito mayamaya at saka bumalik sa kinauupuan kanina. Now, out, pagtataboy nito sa kanya. Tumayo na siya at pumihit patungo sa pinto. Hindi na niya kailangang magpaalam dito pagkatapos siya nitong palayasin. Bwisit ka talaga, Seth! NAKATAKIP ng libro ang mukha ni Misha habang panaka-nakang sumisilip sa bintana sa kanyang gilid. Kasalukuyan siyang nasa passengers seat ng kotse ni Seth na siya namang nagda-drive patungong Marusen Universityang bagong eskwelahang nilipatan niya. Gusto ng mga magulang niya na mabantayan ng binata ang pag-aaral niya bilang parusa na rin sa mahabang panahong panloloko niya sa mga ito. My cars heavily tinted, stupid, ani Seth sa malamig na boses. Tsk. Inis na binalik niya ang libro sa kanyang bag. Bakit ba nakalimutan niyang heavily tinted ang kotse ng lalaking to? Nagmukha na naman tuloy siyang tanga sa harap nito. Kung hindi lang siya pagtatawanan nito, sinabunutan na niya ang sarili niya sa sobrang inis. Just so you know, I wont be responsible for your stupidity all the time. Do me a favor and always bring your presence of mind with you. I wont waste my precious time watching over a brat like you. Inis na binalingan niya ito. Why do always treat me like an idiot?

Because you are. Napasinghap siya ng malakas. Im not stupid! And I dont need your guidance! Hinding-hindi ako gagawa ng problema. At kung sakali mang mapasok ako sa isang gulo, huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako lalapit sayo. Whatever. Pinigilan niya ang mga kamay niyang pumalupot sa leeg nito. He was so full of himself! Ang sakit na nga nitong magsalita, parang hari pa kung mag-utos! Bakit ba ito ang napili ng mga magulang niya bilang mapapangasawa niya? Not that she had accepted her fate as this arrogant bastards future bride. Naiinis lang siya dahil sa dinami-dami ng normal na lalaki sa mundo, ito pang kampon ng kadiliman ang napunta sa kanya. Hindi man lang inanunsyo ni Seth ang pagdating nila sa Harusen. Basta na lang nitong inihinto ang kotse. Lets go. Ihahatid na kita sa classroom mo. Palabas na sana ito nang hilahin niya sa dulo ng itim na polo nito pabalik sa upuan nito.Kunot-noong nilingon siya nito. What? Huwag mo na kong ihatid sa classroom ko, nagpa-panic na sabi niya. Seth actually ayoko sanang may makaalam sa ugnayan natin sa isat isa. Will you keep it as a secret? Please? pagmamakaawa niya. She caught a glimpse of anger and rejection in his eyes. You dont need to tell me that. Umibis na ito ng kotse. Napapikit na lang siya dahil padabog nitong isinara ang pinto ng kotse. Napapalataktak na lang siya. Mayabang na, masungit pa. Sumilip muna siya sa labas ng bintana. Nang masigurong walang ibang tao sa parking lot ay saka siya lumabas. Chapter Two HINDI mapakali si Misha habang nakatayo sa harap ng classroom. Unang araw niya sa bagong university niya at wala siyang kilala sa mga kaklase niya. Takot din siyang makipag-usap sa ibang tao kaya hindi niya alam ang gagawin niya. Biglang bumalik sa kanyang isipan ang ala-ala niya noong nasa high school siya. Nasa pinakasulok siya ng classroom. Walang gustong makipag-usap at lumapit man lang sa kanya. Pero kahit nakayuko siya, nararamdaman niyang nakatutok ang lahat ng mga mata sa kanya. Naririnig din niya ang mga bulungan na halata namang sadyang ipinaparinig sa kanya. Siya ang fiancee ni Seth Sawada? Ang pangit naman. Mukhang neneng. Oy! Baka isumbong kayo kay Sawada niyan. Lagot kayo. Mas makakabuti para satin kung

hindi tayo lalapit sa mga bagay o taong may kinalaman kay Sawada. Lalo na sa fiancee niya. Hindi niya alam kung kailan nagsimulang maging miserable ang buhay niya. Pero alam niyang nangyayari ang lahat ng iyon dahil kay Seth. Hindi siya pinapansin ng mga kaklase o kaeskwela niyang lalaki ng dahil sa takot ng mga ito kay Seth. Ang mga babae naman ay parati siyang pinag-iinitan ng dahil sa inggit at selos; inggit dahil milyonaryo si Seth at selos dahil kahit arogante ang binata ay marami pa ring babae ang nagkakagusto dito. Nagulat siya nang may humawak sa kanyang balikat Napasinghap siya nang maramdaman ang mainit na kamay sa kanyang balikat. Jury? Im not Jury, nakangiting sabi ng maganda at singkit na babaeng nalingunan niya. Miss, are you okay? Napansin ko kasi na parang iiyak ka na, eh. Lumayo siya rito at yumuko. A-ayos lang ako Creative Writing student ka? 3-A? Tumango lang siya. Iisa lang naman ang section sa third year so magkaklase tayo. Lets go. Nag-angat siya ng tingin dito. Ha? Transferee ka, di ba? Tumango siya. Ngumiti ito at nilahad ang kamay sa kanya. Im Mami Yamamoto nga pala. Ikaw? Nag-aalangan man ay tinanggap pa rin niya ang pakikipag-kamay nito. Misha Villafuente. Japanese ka? Half lang. Sa classroom na tayo magkuwentuhan. Hinila siya nito sa kamay. Bakit ang lamig ng kamay mo? Kinakabahan ka ba? H-hindi lang kasi ako sanay sa maraming tao. Tumawa ito. Youre funny. Hindi naman por que aspiring writers tayo eh wala na tayong social life. Ah. I know. Lets be friends! Natigilan siya kaya huminto rin ito sa paglalakad. You want me to be your friend? hindi makapaniwalang tanong niya. Oo, natatawang sagot ni Mami. Bakit naman hindi? Magkaklase tayo kaya mas okay kung magiging magkaibigan tayo. Ayos lang ba? Mabilis siyang tumango. Pakiramdam niya, nasa cloud nine na siya sa sobrang saya. Nakatagpo kaagad siya ng kaibigan sa unang araw pa lang ng klase. Thank you, Mami. Wala yon. Kumapit ito sa braso niya. Kung gusto mo nga, isama pa kita sa organization na kinabibilangan ko. A-anong organization yon? Im a staff in FearlessMan Publication; ang pinakamalaking publication sa university natin. Sali ka? Ahm Sumali ka na. Opportunity na rin para sayo yon para naman marami kang taong makilala. Isa pa, kasama mo naman ako. Napangiti siya. Mukhang natapos na ang sumpa sa kanya ni Seth. Ngayong walang nakakaalam ng ugnayan niya sa binata, malaya siyang magkakaroon ng kaibigan. Ito na marahil ang simula ng panibagong kabanata ng buhay niya. Nag-apply siya sa FearlessMan Publication sa tulong na rin ni Mami. Bukas naman ang publikasyon para sa mga bagong miyembro sa semester na iyon. Nakapasa siya. At simula ng mapasok siya sa publikasyon na yon,

nagkaroon na rin ng pagkakataong makakilala at makipagkaibigan sa mga tao sa paligid niya nang walang takot at pangamba. Minsan na siyang nagkaroon ng isang best friend. Pero nawala ito sa kanya dahil pa rin kay Seth Sawada. Kaya ipinapangako niyang sa pagkakataong iyon, she would do everything to protect her friends. SPORTS feature? hindi makapaniwalang tanong ni Misha kay Kai, ang Editor-in-chief ng kanilang university publication: ang FearlessMan Publication o mas kilala bilang FM. May malaanghel itong mukha na siya namang nagpa-guilty sa kanya dahil sa ginawa niyang pagtataas ng boses. Napatingin sa kanya ang tatlong senior writers at ang Sports Editor nilang si Sean na kasalukuyan nilang kasama sa loob ng opisina nila. Mabilis siyang humingi ng paumanhin. Buong semestre na siyang nagsusulat ng tula, essay o kung minsan ay istorya para sa literary page ng mga lathalain nila. Kaya naman nagulat siya sa biglaang pagbabago. Its okay, Misha. And to answer your question, yes. Sports feature, nakangiting sabi ni Kai. Ate Kai, pasensya na sa naging reaksyon ko. Nag-apply ako as a literary writer kaya ang in-e-expect ko ho, sa literature page lang ako magsusulat. Wala akong experience sa pagsulat ng balita. At ano po yong sports feature? nagpa-panic na tanong niya. Misha, marami nang nag-quit na staff this academic year at nakapagtatakang halos lahat ay sports writer Natigilan ito nang tumikhim ang mga kasama nila sa opisina. Ngumiti lang ito at hinawakan siya nito sa balikat. Kaya kailangan ko ang lahat ng available staff na kailangan. Dont worry, ikaw ang nakakuha ng pinakamataas na puntos sa written exam at interview; may tiwala ang buong editorial staff sayo. Kaya mo to, seryong wika nito. Napakunot naman ang noo niya. Pinagsusulat lang siya nito ng sports feature pero parang isasabak siya sa gyera nito sa paraan ng pagkausap nito sa kanya. Akmang magtatanong uli siya nang unahan siya nito. At kung hindi mo to tatanggapin, puwede ka nang magpaalam sa posisyon mo rito sa FearlessMan, nakangiting babala nito. Kinilabutan siya. Mabait na sa kanya ang Ate Kai niya simula pa lang nang pumasok siya sa publikasyon kahit na mas matanda ito sa kanya sadyang nakakatakot lang talaga ito kapag nakangiti. Napatunayan na niya ito base sa mga kahindikhindik na kuwento ng kanyang senior staff writers. Isa pang dahilan kung bakit hindi siya puwedeng maalis sa publikasyon ay dahil bukod sa gustung-gusto niya ang pagsusulat para sa literary page nito ay kailangan din niya ang honorarium na nakukuha niya sa bawat gawa niya na napa-publish. Alam niyang hindi tama ang dahilang iyon pero wala siyang magagawa lalot nangangailangan siya ng pera ngayon. Eksaheradong sumimangot siya at tumango. Sige na nga po. Ginulo nito ang buhok niya. Good girl.

Matanong ko lang, naglalaro ka ba ng tennis? Hindi po pero may alam po ako sa tennis. Talaga? Tumango siya. Marunong maglaro ng tennis si Seth at ilang beses na rin siyang napilit ng mga magulang niyang panuorin ang mga laban nito. Okay, fine. Understatement yon magaling mag-tennis si Seth. Good. I-a-assign kita sa paggawa ng sports feature tungkol sa kasikatan at tagumpay na tinatamo ng Marusen Wolves, ang mens tennis team ng university natin. Lalo na tungkol sa buhay ng team captain nila, paliwanag ni Kai. Sa isang iglap ay biglang tumahimik ang buong silid at napatingin ang lahat sa kanya na may simpatsya sa mga mata. Wala sa oras na napalunok tuloy siya. I-a-assign mo siya sa Marusen Wolves, Kai? saad ni Sean, ang Sports Editor nila. Lumapit ito sa kanila at tumayo sa harap ni Kai. Naningkit din ang singkit na nitong mga mata. Ako ang Sports Editor kaya ako ang magde-desisyon kung sino ang i-a-assign ko sa team ng cyborg na yon at in-a-assign ko ang sarili ko! galit na wika nito. Napakunot naman ang noo niya sa bayolenteng reaksyon ni Sean. May pagka-wild nga ito at bossy ito pero ngayon lang niya ito nakitang magkaganon. Bumuntong-hininga si Kai at ipinatong ang kanang kamay sa kaliwang balikat ni Sean. Hindi pa ko tapos. Hindi ko naman hahayaang isabak ang isang cute na freshman sa tennis team ng cyborg na yon. Cyborg? Kaya nga isa-suggest ko na ikaw ang maging partner niya, wika ni Kaihabang nakangiti sa kanya. Napangiti na lang siya nang alangan. Salamat kung ganon, nakangising tugon ni Sean at tinignan siya. Ikaw, bata, tara na. Huh? Ipinaikot ni Sean ang mga mata at hinila na siya sa kamay palabas ng opisina. Napakurap na lang siya at bago sumara ang pintuan ay narinig pa niya ang usapang lalong nagpakaba sa kanya. Kai, ayos lang ba na freshman ang isabak mo sa cyborg na yon? Dito natin malalaman kung sino ang tatagal at magsu-survive sa FM ngayong taon, kalmadong sagot ni Kai. Napalunok na lang uli siya. KUYA Sean, anong gagawin natin dito? hinihingal na tanong ni Misha sa kanyang Sports Ed nang makalagpas na sila sa gymnasium at narating na nila ang tennis court na kasalukuyang napapaligiran ng mga kababaihan. Huh? bigla itong huminto sa paglalakad dahilan para mabunggo siya sa likuran nito. Napaatras siya habang pinisil-pisil niya ang ilong nasaktan. Nilingon siya ni Sean na magkasalubong ang kilay. Napatingin din ito sa kamay nitong nakahawak pa rin sa kamay niya at bigla itong binitawan. Sino ka nga pala uli? Napakunot ang noo niya. Ang tagal na niya sa publikasyon nila pero hindi pa rin siya nito kilala. Ako po si Misha, new staff sa FearlessMan. Literary writer. Kanina po bigla niyo kong hinila pagkatapos i-announce ni Ate Kai na ako ang naka-assign sa Marusen Wolves. Tumango-tango ito. Ah,

naalala ko na na, namulsa ito. Pasensya ka na sa inasta ko. Ganito lang talaga ako kapag nakakarinig ako tungkol sa tennis team ng cyborg na yon; kumukulo ang dugo ko. Nagsimula na itong maglakad muli at sinenyasan siya nitong maglakad sa tabi niya. Tumalima siya. Kuya Sean, sino ho ba yung cyborg na yon? curious na tanong niya. Ngumisi ito. Freshman ka nga pala kaya hindi mo pa siya kilala. Siya ang aroganteng captain ng mens tennis team. Muntik na niyang sirain ang maganda at malinis na reputasyon ng FM. Arogante? Ano pong ginawa niya? Biglang nalukot ang mukha ni Sean at kung posible nga, mas lalong kumunot ang noo nito. Nangyari yon nung isang taon lang. Freshman pa ko at baguhan sa FM. Ako ang na-assign na mag-cover sa tournament ng tennis team. I-interview-in ko siya dapat kasama ng buong tennis team niya, pero ang mayabang na yon hindi pumayag. Pero dahil trabaho ko yon, nagpursige pa rin akong kulitin siya. Hanggang mangyari ang pambabastos niya. Ang masama pa, sa harap ng buong university at ng ibang student journalists from other campuses niya ginawa yon. Sinabi niyang mababa ang kalidad ng pagsusulat ng FM kaya hindi siya magsasalita para sa mabababang uri ng publication. Nalaglag ang panga niya sa mga narinig. Hindi niya inakalang may ganong uri ng tao na makakagawa ng ganong kasamang bagay sa kapwa niya estudyante. To think na sariling publication ng sarili nitong university ang sinira nito. Napakawalang puso naman nito. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit galit na galit si Sean dito at nakikisimpatya siya sa masamang pangyayaring pinagdaanan ng FM sa mga galamay nito. Bagay nga rito ang tawaging cyborg! Biglang rumehistro sa isipan niya ang mukha ni Seth. Mukhang may makakatapat na ito sa pagiging arogante nito. Sinulyapan niya si Sean. Kagat-kagat nito ang ibabang labi na parang pinipigil ang sariling magalit at mukhang malayo ang iniisip. Ang sama niya. Dapat ay pinatalsik na siya ng university, komento niya. They cant. Binalingan niya ito. Bakit naman? Because hes a money-bag. His family belongs to the top ten wealthiest families in the country. Unfortunately, kailangan ng university ang mga donation na ibinibigay niya. Ah. So hes a millionaire, komento niya. Hindi na siya nagulat pa dahil katulad ng cyborg na ito, milyonaryo na rin si Seth kahit na twentyone pa lang ito. Nagkibit-balikat ito. It turns out that hes a genius an evil genius. Hes taking up Business Management in our university kahit tapos na siya ng Software Engineering at Video Game Console Designing sa game developing school na pag-aari ng Moon Corporation. Just like Seth. Anyway, siguradong narinig mo na ang sikat na role-playing game na Fancy World , di ba? Tumango siya. Siyempre naman alam niya ang

Fancy World dahil si Seth ang creator non. Ang paggawa ng computer games ang patuloy na nagpapayaman sa kompanya ng pamilya nito ang Moon Corporation. Ang cyborg na yon ang gumawa ng role-playing game na yon when he was eighteen. Apparently, sila ang nagmamay-ari ng Moon Corporation at siya ang presidente. Tsk. Natigilan siya. Biglang gumapang ang takot sa buong katawan niya na tiyak niyang gumuhit din sa mukha niya. Mukhang napansin iyon ni Sean dahil tinapik siya nito sa balikat. She released the breath she didnt even realize she was holding until now. Alam kong nakakagulat pero totoo yon. Thats the very reason why I stopped playing that stupid game. Pati yung sikat na online game ngayon na Reborn siya ang creator. Tsk. Umiling-iling ito. That Seth Sawada really annoys the hell out of me. Tuluyan nang bumigay ang mga tuhod niya at napasandal siya sa fence ng tennis court. Nag-aalalang hinawakan naman siya ni Sean sa magkabilang balikat bilang alalay. Teka, ayos ka lang? Nakaka-shock ba yong nalaman mo? nakangiting biro nito. Napangiti na lang siya nang alanganin habang pinupunasan ng likod ng kamay niya ang pawis na namuo sa noo niya. Hindi nila puwedeng malaman ang kaugnayan ko kay Seth!

Chapter Three NAKASANDAL si Misha sa fence ng tennis court habang hinihintay si Sean na nakikipag-usap sa mga tennis players sa loob ng tennis court. Tumingin siya sa suot niyang wrist watch. Alas-tres na ng hapon. Mamayang alas-kuwatro ay kailangan na niyang sunduin sina Jirou at ang kapatid niyang si Mitto sa eskwelahan. Pero ang pinoproblema niya ay si Seth. Hindi sila dapat magkita ngayon dahil baka malaman ni Yuri ang relasyon nila; tiyak na katapusan na yon ng carreer at college life niya. Hey, Misha. Napalingon si Misha sa tumawag sa kanya. Napangiti siya nang sumalubong sa kanya si Mami. Kasama nito ang gay co-writer nilang si Gio. Hi, Mami, Gio! Nakangiting tinapik-tapik ni Mami ang ulo niya. Poor Misha. We just wanted to make sure na buhay ka pa, biro nito. Hay naku Misha. Bakit ba kasi na-assign ka pa sa despicable cyborg na yon. Gwaping sana ang lolo mo pero scary! bulalas ni Gio. Buti na lang kami nitong si Mami, sa super cute SG president natin na-assign mag-interview. Kaya fly away na ko sa court na to. Bye, talumpati nito bago nagmamadaling naglakad palayo. Misha, wag mo nang pansinin ang baklitang yon, nakangiting wika naman ni Mami habang nakatingin sa malayo. Pero alam mo, sa tingin ko naman ay hindi ganon kasama si Seth Sawada. Sana nga sakin na lang na-

assign ang pag-i-interview sa team niya. Its not that I like him or anything. Its just that he looks mysterious. Parang interesado tuloy akong malaman ang totoo niyang pagkatao. Natigilan siya. Tama ba ang nakikita niyang pagkislap ng mga mata ni Mami habang nagkukuwento tungkol kay Seth? At bakit parang may kung anong matulis na bagay ang tumutusok sa puso niya? Mami chuckled. Ano ba tong sinasabi ko? Nakakahiya. Nilingon siya nito. Namumula pa ang mga pisngi nito. Mauna na ko, ha? Susundan ko na ang baklitang si Gio. Kumaway pa si Mami bago tumakbo para habulin ang may kalayuan nang si Gio. Mami seemed to like Seth. Ewan ba niya kung bakit parang sumama ang pakiramdam niya.Marami naman talagang nagkakagusto kay Seth sa kabila ng pag-uugali nito. Hindi na dapat siya naapektuhan. Tama. Ang kailangan mong isipin ay ang paglilihim mo sa ugnayan niyo ni Seth. Bumuntong-hininga siya at pansamantalang kinalimutan ang negatibong nararamdaman niya kanina. Hindi puwedeng malaman ng mga kasamahan niya sa FearlessMan Publication na bukod sa nagta-trabaho siya kay Seth bilang babysitter ng kapatid nito ay fianc pa niya ito. Hindi malayong sipain siya ni Ate Kai hindi, siguradong si Sean ang sisipa sa kanya paalis ng FM sa tindi ng galit nito kay Seth. At iyon ang bagay na iniiwasan niyang mangyari. May problema ba? Natauhan siya nang isara ni Sean ang hawak na notebook sa harap niya. Napakurap siya. Nag-suot lang ito ng salamin sa mata ay biglang naging maaliwalas na ang mukha nito. Hindi na rin kasi ito nakasimangot; lumutang na ang kaguwapuhan nito. I was just thinking about work, nakangiting sagot niya. Kumunot ang noo nito. Youre working? Tumango siya. Madali lang naman ang trabaho ko. Babysitter ako ng kapatid ng kapitbahay ko. Tumangotango ito. I see. Mabuti na lamang at sakto ang maluwag na schedule niya sa trabaho niya kaya pumayag din si Seth. Alas-dos naman ang uwian niya. May dalawang libreng oras pa siyang mailalaan sa FM bago niya sunduin sa eskwelahan sina Jirou at Mitto na alas-kwatro ang oras ng uwian. Puwede ka nang umalis. Ako na muna ang kakausap sa cyborg na yon, wika ni Sean. Talaga po? Sumilay ang ngiti sa labi nito at ginulo ang buhok niya. Hinayaan lang nitong nakapatong ang kamay nito sa kanyang ulo pagkatapos. Ayokong matulad ka sa mga sports writer nating maagang nag-quit. Po? Nagkibit-balikat ito. Apparently, na-assign sa tennis team ni Sawada ang mga batang nag-quit sa FM ngayong taon. At siguradong si Sawada ang dahilan ng pag-quit nila. Tumango siya. Kung ganon po, mauna na ko nya! bulalas niya nang may bagay na biglang lumipad sa direksyon nila at tumama ito sa mismong itaas ng ulo niya. Tumalbog ang bagay na yon at gumulong sa

paanan nila; isa pala iyong tennis ball. Ayos ka lang? nag-aalalang tanong ni Sean na yumuko pa at sinilip ang mukha niya. Kasalukuyan pa rin siyang nakatitig sa tennis ball na nasa paanan niya habang nakahawak ng mahigpit ang mga kamay niya sa kanyang dibdib; hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso niya dahil sa gulat at takot. What a warm welcome, stupid cyborg, mayamaya ay narinig niyang sarkastikong wika ni Sean na nakatingin na sa harapan nila. Natigilan siya. Dumating na ang taong dapat sana ay iwasan niya: si Seth. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin dito na nasa harapan lang nila. Sumalubong sa kanya ang madilim na anyo ni Seth who looked dashingly handsome in his black and gray tennis uniform. Not to mention he was also tall and lean. Nakasukbit sa balikat nito ang overall bag nito at may hawak na raketa. Napakunot ang noo niya. Even though he was scowling, he was still the most gorgeous man she had ever met. Mukhang gano n din ang nasa isip ng mga kababaihang naroon nang impit na mapatili ang mga ito sa pagdating ni Seth. That was immediately silenced by Seths icy glare. Im afraid I dont know how to greet a dog like you, ani Seth sa malamig na boses nang tumingin kay Sean. Napaatras siya nang lumipat ang mga mata ni Seth sa kanya. He looked at her with a scowl. Kumabog muli ang puso niya nang mabilis dahil sa takot. May posibilidad na may gawin na namang hindi maganda si Seth kay Sean na maaaring maging dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan nila ng huli. Hindi siya papayag na mangyari yon. Umangat ang kamay ni Seth at itinuro sa direksyon niya ang hawak nitong raketa. Napalunok siya. Ikaw Natigilan ito sa kung anumang sasabihin nang humarang sa harapan niya si Sean in a somewhat protective way pero hindi niya nakita kung anong ekspresyon ng mukha nito dahil hindi ito humarap sa kanya. Dumako na lang muli ang mga mata niya kay Seth na tinititigan ng masama si Sean. Wag mong i-bully ang new staff namin, banta ni Sean kay Seth. Kumunot ang noo ni Seth. New staff? Saglit itong napaisip. Sa basurang FM? Basura? nanggigigil na pag-uulit ni Sean sa sinabi ni Seth. Nararamdaman niya ang tensyon na namumuo sa pagitan ng dalawa kaya naman nagpasya na siyang pumagitan sa mga ito bago pa lumala ang sitwasyon. Kuya Sean, sa tingin ko dapat bukas na lang ituloy ang interview na to, suhesyon niya kay Sean. Lumiwanag naman ang mukha nito nang tumingin sa kanya.Tama ka, pagsang-ayon nito habang ginugulo ang buhok niya. Lets go. Nauna nang maglakad si Sean at tinapunan ng masamang tingin si Seth bago ito lagpasan. Mabilis na sinundan niya si Sean pero pinigilan siya ni Seth sa braso. Hinila siya nito palapit at yumuko ito sa tapat ng tainga niya. Marami tayong pag-

uusapan, bulong nito. Tumango siya at binitawan na siya nito. Nang sundan niya ito ng tingin ay naglalakad na ito papasok sa loob ng tennis court at napansin niyang lalong lumakas ang tilian ng mga kababaihan sa pagdating ng iba pang miyembro ng Marusen Wolves. Mukhang sikat talaga ang team ni Seth. Napabuntong-hininga na lang siya. NAKASALAMPAK sa carpeted floor ng playroom sa mansyon ng mga Sawada si Misha habang pinapanood maglaro ng video game ang kapatid niyang si Mitto at si Jirou. Magkaklase ang dalawa kaya sabay niyang sinusundo ang mga ito. Kids, enough na sa video games. Pauwi na si Seth, paalala niya sa mga ito. Opo, Ate, tamad na sagot ng kapatid niyang si Mitto. Last game na po, saad naman ni Jirou. Tumingin siya sa wrist watch niya. Quarter to seven na at saktong ala-siete ay darating na si Seth mula sa trabaho nito sa kompanya. Bumuntong-hininga siya. Kahit ayaw niyang aminin ay talagang hanga siya kay Seth dahil napagsasabay nito ang pag-aaral at pagta-trabaho sa Moon Corporation bilang presidente niyon. Hindi lang nito basta napagsasabay yon; he also did excellent job in both aspects. Wala tuloy nagawa ang mommy nito kundi hayaan itong palakarin ang Moon sa sarili nitong kagustuhan. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit noon pa man ay parang may pader na nakapagitan sa kanila ni Seth. Masyado itong abala sa pagta-trabaho para sa kapakanan ng Moon. Nang eighteenth birthday nito ay ginawa na itong presidente ng Moon Corporation ng Tita Monta niya; doon na nagsimula ang panlalamig nila sa isat isa. It wasnt like they were so close back then. Wala rin sila masyadong magandang alaala katulad ng ibang childhood friends. Mahigpit masyado si Seth sa kanya at hindi rin maganda ang pakikitungo nito sa mga nagiging kaibigan niya. It was just that she missed the peaceful days she spent with Seth. Did she just say she miss hanging out with Seth? No! Panalo ako, hayag ni Mitto na nagpabalik sa kanyang huwisyo. Argh! bulalas ni Jirou at inihagis ang katawan sa sofa. Ang daya! Si Kuya ang gumawa ng game na yan pero parati mo kong natatalo! Siguro hindi mo namana ang pagiging genius ng pamilya niyo, komento ni Mitto habang in-a-adjust ang salamin sa mata. Umupo naman si Jirou sa kama at nakangusong hinarap si Mitto. Ano naman ang ibig mong sabihin? Kung ano ang pagkakaintindi mo, yun na yon. Sabay nilang binato ni Jirou ng unan sa mukha si Mitto. Kahit kapatid niya si Mitto ay hindi pa rin niya mapalagpas ang pagiging mayabang nito. Naiisip nga rin niyang baka nagkapalit sila ni Seth ng kapatid. Si Jirou, masayahin at sweet na bata. Si Mitto naman, matalino pero masyadong arogantekatulad ni Seth. Ang yabang mo talaga, Mittokun! reklamo ni Jirou habang patuloy na binabato ng unan si Mitto.

Bakit? Sinabi ko lang naman ang opinyon ko! depensa ni Mitto habang itinatakip ang mga braso sa ulo. Eh yon nga ang problema, hindi mo alam kung kailan dapat isara yang bibig mo! gatong niya at binato niya rito ang nadampot niyang teddy bear. Pero nakayuko si Mitto sa tamang oras kaya naiwasan nito ang binato niya; pero sa kasamaang palad ay hindi nakaiwas dito ang taong namali ng timing sa pagpasok ng silid. Sabay-sabay silang napasinghap nang sumalubong sa kanila ang nakakunot-noong si Seth. Awtomatikong napatayo sila sa kinauupuan nang isa-isa sila nitong pasadahan ng tingin. Who. On. Earth. Threw. That. Stupid. Toy? galit na tanong ni Seth. Wala sa oras na napalunok siya bago humakbang paabante. Naningkit lalo ang mga mata ni Seth sa kanya. Ngumiti siya nang alanganin at itinaas ang isa niyang kamay bago yumuko. Sorry, pabulong na paumanhin niya. Ikaw. Nag-angat siya ng tingin kay Seth. Without a word, he motioned her to follow him using his eyes. Bumuntong-hininga siya at sumunod dito. Mitto-kun, Ate Misha is in trouble, narinig niyang nag-aalalang wika ni Jirou. No, sagot naman ni Mitto. Shes dead meat. Bumagsak ang balikat niya. HINDI kita binigyan ng permisong sumali sa kahit anong organization sa university. Mag-quit ka na dyan. Tumaas ang isang kilay ni Misha sa sinabi ni Seth. Kasalukuyan silang nasa loob ng opisina nito. Nakasandal si Seth sa swivel chair nito habang nakahalukipkip at nakasandal naman siya sa dahon ng nakasarang pinto. Hindi ko kasalanan kung wala kang oras sa tuwing kakausapin kita tungkol don. Ipinaikot niya ang mga mata rito. Saka bakit ako magku-quit? Tinatanong mo kung bakit? hindi makapaniwalang tanong nito. Makakaabala lang yan sa pagbe-baby sit mo kay Jirou. Pano kung may ipagawa sayo ang chipmunk na yon at sumabay yon habang binabantayan mo ang kapatid ko? Napakunot ang noo niya. Sinong chipmunk? Your EIC. Si Ate Kai? Magkakilala kayo? Tumango ito at ipinatong ang isang siko sa mesa at kapagkuwan ay ipinatong naman nito ang baba sa likod ng kamay nito. Kaklase ko siya sa ilang subjects, sagot nito. Kapag may ipinagawa sayo yon, tiyak na ipe-pressure ka non na tapusin yon ng mabilis. At hindi naman ako papayag na mapabayaan mo ang trabaho mo sakin para lang sa chipmunk na yon. Tigilan mo nga ang paggamit ng yon at chipmunk kay Ate Kai! May pangalan si Ate Kai! Yan ang problema sayo eh, hindi mo kayang itrato ng maayos ang mga tao sa paligid mo. Malamig ka pa sa yelo! Para kang para kang Ngumisi ito nang matigilan siya na para bang hinahamon siyang magpatuloy. Para kang human iceberg! bulalas niya. Napakurap siya sa sinabi niya. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang niya itong natawag na human iceberg. Malamig naman

siya makitungo sa lahat ng tao kaya bagay lang sa kanyang tawaging human iceberg! Ngumisi ito. Nong ten years old ka tinawag mo kong dark lord at ngayong nineteen ka na, human iceberg naman, naiiling na wika nito.Binuksan nito ang laptop nito at nagsimula nang magtipa sa keyboard. Kinagat niya ang ibabang labi bago lumapit sa mesa nito. Bigla nitong sinara ang laptop at tinitigan siya ng masama. What? pagdedemand nito. Seth, gusto ko talaga ang ginagawa ko sa FM. I really want to be a writer. Kaya I cant afford to quit FM lalo na ang itigil ang pagsusulat! Gustung-gusto ko talaga to. Narinig ko na yan. Gusto mong maging doktor, aktres at teacher; kinalimutan mo lahat yon after a month. At ngayon pagsusulat naman? Ngumisi ito. Youll quit after this sem. Seth! Seryoso ako ngayon! desperadong wika niya. Ibinagsak pa niya ang mga kamay sa mesa nito. At papatunayan ko yon kina Mommy at Daddy. Pero I need you to support me with this. Alam mo namang malaki ang tiwala sayo ng parents ko. Kaya nga sayo nila ipinaubaya ang pagpapatakbo sa buhay ko! She looked at him long and hard. There was also a silent plead in her eyes as she held his gaze. Pero habang tumatagal, parang unti-unti siyang natutunaw sa tingin nito. And no matter how much she hated to admit it, she liked the feeling of having his full attention on her. Mayamaya ay bumuntong-hininga ito at binuksan na muli ang laptop.Do whatever you want, may pagsuko sa boses nito. Pero sa oras na may mangyaring masama kay Jirou Im dead meat, pagtatapos niya para rito. Tinitigan lang siya nito ng matagal saka nagpatuloy sa ginagawa. He may be a workaholic jerk but he still cared for his litte brother. Hes not that bad. Chapter Four ABALA sa pagbabasa si Misha ng notes niya habang naglalakad sa mini-park ng university. Kakatapos lang ng klase niya at gagamitin niya ang libreng oras niyang gawin ang mga homeworks niya habang hinihintay si Sean. Break ni Sean ng two oclock hanggang four oclock ng hapon kaya ito ang oras na napagkasunduan nilang interviewin si Seth at ang tennis team nito kahit wala pa silang permisong gawin yon. Yo, Misha! Nya! bulalas niya nang biglang may tumapik sa likod niya at sa gulat ay nabitawan niya ang canned juice na hawak niya. Napalundag naman siya nang tumapon ang malamig na likido sa sapatos niya na naging dahilan naman para mapasandal siya sa katawan ng taong gumulat sa kanya. Narinig niyang tumawa ang salarin kaya mabilis siyang humiwalay dito at hinarap ito. Sumalubong sa kanya si Sean na hindi maawat sa pagtawa. Naningkit ang mga mata niya at

namaywang siya. Kuya Sean! saway niya rito. Tinakpan nito ang bibig at unti-unti nang humupa ang pagtawa nito. Tumikhim ito at namulsa. Sorry bout that. Hindi ko lang inakalang Klutz ako? Sumeryoso ang mukha nito at mukhang nasaktan sa sinabi niya.Magugulatin sana ang sasabihin ko. Nakagat niya ang ibabang labi. Nakalimutan niyang nagiisa nga lang pala si Seth pagdating sa pang-iinsulto. Sorry, Kuya Sean. Madalas kasi akong tawaging klutz ni Seth Seth? kunot-noong tanong nito. Gumapang ang panic sa dibdib niya at tinampal ang noo. Syet! Huh? Ang sabi ko Steph! Tama! Tumango-tango siya. Si Steph, yung kapitbahay ko na nagbigay sakin ng trabaho, pagsisinungaling niya. Lumiwanag ang mukha ni Sean na mukhang binili naman ang palusot niya.Ayos lang. At di ba sabi ko sayo Sean na lang dahil isang taon lang naman ang tanda ko sayo. Napaisip siya bago sumagot. Sige na nga, Sean. Ngumiti ito bago nilipat ang tingin sa tumapon niyang inumin. I feel bad for what happened. Sinilip nito ang mukha niya na may apology sa mga mata nito. Ibibili na lang kita ng bagong inumin. Huwag na! Nah. Kailangan mag-set ng magandang example ang mga nakatatandang tulad ko sa mga nakababatang katulad mo. Hintayin mo ko dito, bilin nito habang tumatakbo na palayo. Bumuntong-hininga na lang siya habang pinapanood itong tumakbo palayo. Matigas talaga ang ulo nito. Having a nice time, klutz? Napataas ang mga balikat niya nang tumama ang hininga nang nagsalita sa likod ng kanyang tainga. Hindi na niya kailangang manghula para malaman kung sino yon. Eksaheradong sumimangot siya nang harapin si Seth. Madilim na naman ang aura nito katulad ng suot nito: gray longsleeved shirt, dark pants at black leather shoes. Nakakabilib namang may oras ka pa para makipaglaro sa asong yon gayong nagta-trabaho ka para sakin, sita nito sa kanya. Hindi kami naglalaro, depensa niya sa sarili. Isa pa, wag mo ngang tawaging aso si Sean, dagdag niya. Bakit nakikipagyakapan ka sa asong yon? iritadong tanong nito. Napakunot ang noo niya. Hindi naman siya nakayakap kay Sean; napasandal lang siya rito. Naningkit ang mga mata niya. Hindi niya gustong nagpapaliwanag dito nang dahil lang sa bagay na wala namang katotohanan. Isa pa, hindi niya alam kung bakit siya nito in-i-interrogate. Kung hindi lang ito si Seth Sawada, iisipin niyang nagseselos ito. Seth? Jealous? Impossible. What happened to your shoes? anito habang nakatitig sa mga sapatos niya. Sa isang iglap, iniluhod ni Seth sa sementadong lapag ang isang tuhod at saka pinunasan ang kanyang sapatos gamit ang panyo nito. Nang makuntento sa pagpupunas ay inayos naman nito ang pagkakatali sa mga sintas ng kanyang mga

sapatos. Natigilan naman siya habang pinapanood ito. At aaminin niya, gusto niya ang pag-aasikasong ginagawa nito sa kanya. Nakakakiliti ng puso. Habang tumatayo ito ay tila nag-slow motion ito. Nasundan tuloy niya ang paggalaw nito mula sa paghawi ng buhok nito sa mukha nito hanggang sa pagkunot ng noo nito. What? angil nito sa kanya ng mapansing nakatitig siya rito. W-wala. Akmang aalis na ito nang pigilan niya sa laylayan ng long-sleeved shirt nito. Ano? Binitawan niya ang damit nito na inunat naman agad nito.Magpa-interview ka na samin. Ayoko. Pinagdaop niya ang mga kamay niya sa tapat ng kanyang dibdib. Please? Pag pumayag ka, promise. Hindi ko na uli uubusin yong coffee jelly mo. Inubos mo yong coffee jelly ko? Napasinghap siya. Sorry! Buking! Tumaas ang sulok ng mga labi nito. Natigilan siya. Ngumiti ba ang dakilang Seth Sawada? Hindi ito katulad ng mga nanghahamak nitong ngisi. Ngumiti talaga ito! That was one one of the rare chances when she got to see the humane side of Seth. She was simply dazed. Misha! Nya! bulalas niya nang magulat sa pangalawang pagkakataon. Napalundag muli siya at naapakan niya ang latang nabitawan niya kanina dahilan para mawalan siya ng balanse. Pumikit siya at inihanda na ang sarili sa pakikipaghalikan sa lupa. But instead, her face was buried against something softer and warm. Hindi niya alam kung nananaginip ba siya o kung ano. She couldnt believe that the supposedly-human-iceberg Seth Sawada was actually this warm. And he smelled so damn good! She never thought that The Seth Sawada would actually wrap his arms protectively around her waist just like now. Kumabog nang mabilis ang puso niya. It was the first time Seth held her in his arms like this. And she liked the feeling. She felt so protected and secured, making her whole system calm. Napasinghap siya at mabilis na nag-angat ng tingin kay Seth. Nagulat siya sa nakita niya sa mga mata nito. Tila kumikislap ang mga iyon. Clumsy as usual, pabulong na sabi nito. She tried to release herself from his grip when she was dead sure he tightened his hold on her. Naningkit ang mga mata niya. Release me now, Seth, bulong niya rito nang makitang papalapit na si Sean sa kanila at dumadami na rin ang tao sa mini-park. For a moment, parang dumaan ang magkahalong gulat at pagtataka sa mukha ni Seth pero agad din yong nawala at napalitan ng pamoso nitong ngisi. Stupid, bulong nito at kapagkuwan ay tinulak siya sa direksyon ni Sean. Naramdaman niya ang mga kamay ni Sean sa kanyang mga balikat ng saluhin siya nito. Cyborg, what did you do? galit na tanong ni Sean. I dont owe you an explanation, dog, saad ni Seth. Hindi pinansin ni Sean ang pang-iinsulto ni Seth at nilipat lang nito ang tingin sa kanya na

parang nagtatanong kung ano ang ibig sabihin ng nasaksihan nitong eksena. Kinagat niya ang labi niya bago umiwas ng tingin dito. Kasinungalingan lang naman ang isasagot niya rito. Sorry, Sean. Iinterview-in ko na siya dapat nang makita ko siya then then I tripped when you called me. She looked at Seth who was also looking at her with a knowing look. Pinandilatan niya ito nang mata. Ngumisi lang ito. Walang ginawang masama si Se Sawada. Niligtas pa nga niya ako mula sa pagkikipaghalikan sa lupa. Tumango-tango si Sean at nilipat naman ang tingin kay Seth. Sorry bout that, Sawada, paumanhin ni Sean kay Seth. Malayung-malayo ang kabutihan nito kay Seth na ngumisi lang na parang hinahamak pa si Sean dahil sa pagpapakumbaba nito. Sawada, alam kong hindi ka magpapadala sa pakiusap kaya may naisip akong paraan, nakangiting suhesyon ni Sean. Really now, tamad na sagot ni Seth. Tennis. Maglaban tayo. If I beat you, magpapa-interview ka samin, hamon ni Sean. So the Marusen Wolves ex rookie is challenging me, huh? Gulat na napatingin siya kay Sean. Ex rookie? Ng Marusen Wolves?! Fine. I accept your challenge. Napatingin naman siya kay Seth. Hindi niya inasahang mabilis nitong papatulan ang hamon ni Sean. She was even more surprised to see his not-so-nice grin. You really piss me off right now that I want to see you eat dust, seryosong tugon ni Seth sa paghahamon ni Sean. Kapag nanalo ako, magsusuot ka ng dog costume for a whole week. Napasinghap siya at agad na napalingon kay Sean. Kukumbinsihin sana niya itong kalimutan na lang ang usapang yon. Pero nang makita niya ang determinasyon sa mga mata nito ay napatahimik na lang siya. Mukhang hindi rin naman ito papapigil. Deal, determinadong sagot ni Sean. Ill prepare your costume now, dog, nakangising wika ni Seth at taas-noong dumaan sa pagitan nila ni Sean. Misha, strawberry juice na lang ang mayroon Mabilis na inagaw ni Seth ang hawak ni Sean na canned juice. Ill take this as a compensation for wasting my time, mongrel. Bago pa man din makapagsalita si Sean ay mabilis nang nawala si Seth sa harap nila kaya naman napailing na lang ang una. Nakangusong tinignan niya si Sean nang tumingin ito sa kanya. Hindi na niya kinailangan magsalita dahil naintindihan na nito kung bakit siya nagmamaktol. Pasensya na kung hindi ko agad sinabi sayo ang tungkol don, paumanhin nito. Nagquit ako sa Marusen Wolves dahil sa ginawa ni Sawada sa FM. Tumango-tango siya. Hindi naman siya nagtatampo. Nagulat lang talaga siya sa nalaman.Goodluck, nakangiting wika niya rito. Ang hindi ko maintindihan eh kung bakit kinuha ng isang milyonaryong tulad niya

yong strawberry juice na binili ko para sayo. Wala ba siyang pambili? Baka naman gusto lang niyang makatanggap ng regalo mula sayo, biro niya na umani ng isang karate chop sa kanyang ulo. SETH, magusap nga tayo, demand ni Misha kay Seth sakaniya sinara ang pintuan ng classroom na kinaroroonan nila. Ito na lang ang natitirang tao sa silid gaya ng inaasahan niya. Sinulyapan lang siya nito bago binalik ang atensyon sa kaharap nitong laptop. Iyon ang huling klase ng binata bago ang break time nito kaya inabangan niyang makalabas na ang lahat ng kaklase nito bago siya pumasok sa silid. Alam naman niyang ito ang parating huling lumalabas dahil ayaw nitong nadidikit sa ibang tao. Im busy, sagot ni Seth. Ipinaikot niya ang mga mata. Lumapit siya rito at humila ng isang monobloc chair at umupo sa tabi nito. Saglit na pinasadahan niya ng tingin ang monitor ng laptop nito; nagpa-plano na naman ito ng bagong game base na rin sa graphics na nakita niyang ginagawa nito. Anong binabalak mo? Ang makakita ng asong nakasuot ng dog costume, diretso nitong sagot at saka nag-angat ng tingin sa kanya. Bakit? Wala ka bang tiwala sa kakayahanng alaga mo? Seth, hindi ko kinakampihan si Sean. Yeah right, sarkastikong komento nito bago ibalik ang tingin sa laptop nito. Kahit magkampi pa kayo, hindi na mababago ang katotohanang kakain ng alikabok ang aso mo at magsusuot siya ng dog costume for my own entertainment. Padabog na sinara nito ang laptop at tumayo. Napakurap na lang siya sa ginagawa nitong pagmamaktol? Kung hindi lang si Seth Sawada ang kaharap niya, iisipin niyang nakanguso na ito dahil sa sobrang pagkalukot ng mukha nito. He looked so adorable right now that she couldnt hold back her giggle. But she immediately stopped when he threw her a murderous glare. Sorry. Masama ba ang loob mo dahil feeling mo pinagtutulungan ka namin? Thats cute, Seth! Hindi ito umimik. Naramdaman niyang masama talaga ang mood nito para biruin kaya naman napatayo siya bigla. W-what? kabadong tanong niya nang ngumisi ito. Hindi masama ang loob ko kahit yong aso mo pa ang kampihan mo. Its normal for a master to support his dog, nakangising sabi nito habang umaabante palapit sa kanya. Napapaatras naman siya sa bawat hakbang nito. But most importantly, you shouldnt call a guy cute,stupid. Now, how should I punish you? anito at itinukod ang mga palad sa pader nang tuluyan na siyang mapasandal doon. Napalunok siya nang ma-realize niyang nakakulong na siya sa mga bisig nito. Napakalapit na rin nito sa kanya na para bang pinapaamoy nito sa kanya ang nakakaadik nitong masculine scent. Well, Im sorry, paumanhin niya bago inilipat ang tingin sa pintuan nang may marinig siyang tila

pumihit ng door knob. May tao ba rito? tanong ng pamilyar na boses ng babaeng papasok ng silid. Napasinghap siya nang makilala ang bagong dating ang kanyang Ate Kai! Mabuti na lamang at nasa pinakadulo at sulok sila ng silid. Bukod pa don, nakatalikod si Seth sa kanyang Ate Kai at natatakpan naman siya ng una. Pero tiyak na makikilala sila nito kung lalapit ito sa kanila. Si Ate Kai, bulong niya rito. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Seth na hindi niya nagustuhan. Yumuko ito sa tainga niya at bumulong na lalong nagpabilis ng tibok ng puso niya. I feel like greeting the chipmunk now. Napasinghap siya. No way! Lalong gumapang ang kaba sa dibdib niya nang marinig niyang papalapit na sa kanila ang Ate Kai niya. Excuse me pero gagamitin na namin itong classroom, sita ni Ate Kai. Pinandilatan niya ng mga mata si Seth pero ngumisi lang ito. Mukhang may balak talaga itong harapin ang kanyang Ate Kai bilang ganti na rin sa pang-aasar niya. Hindi naman niya hahayaang ibunyag nito ang pinakaiingatan niyang sekreto. Nang akmang lilingon na si Seth sa direksyon ng kanyang Ate Kai ay ikinulong niya sa kanyang mga palad ang mukha nito. Bago pa ito makapag-react ay pumikit na siya at ipinalupot ang mga braso niya sa leeg nito. She quickly tip-toed and pressed her lips against his. Hindi niya alam kung ilang segundo ang lumipas bago niya naramdaman ang pagpalupot ng mga braso ni Seth sa kanyang baywang. Pagkatapos ay marahan siya nitong itinulak pasandal sa pader anddeepened the kiss.She froze. Seth must have felt her uneasiness because his lips stopped moving against hers and broke the kiss instantly. The magic was gone. My, my. Narinig niyang palabas ng ang yabag ni Ate Kai. Young love, young love. She just stared back at Seth he looked so flustered yet his eyes were somewhat sparkling.She didnt know what exactly happened. But one thing was for sure: she liked the feeling of his soft and warm lips against hers. I didnt know you want me that bad, komento nito. Then it hit her. I just kissed Seth! Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi nang matauhan na siya sa nangyari. Hindi niya rin alam kung magagalit o mapapahiya ba siya sa pagngisi ng binata ngayon sa harap niya. Pero mas matimbang ang nararamdaman niyang pagkainis sa sarili. Sino ba namang tao ang makakalimot na ang pagdidikit ng mga labi ay katumbas ng isang halik? Sino ba namang babae ang hahayaang basta-basta na lang ibigay ang kanyang first kiss sa lalaking kinamumuhian niya dahil sa patuloy nitong pag-kontrol sa buhay niya? At higit sa lahat, sino ba namang nasa matinong kaisipan ang hindi nakakaramdam ng pagsisisi o pandidiri matapos halikan ang lalaking tinuring niyang kaaway at sa halip ay nagustuhan pa to? Siya lang! Youre crazy, Misha! That wasnt a

kiss. Natauhan siya sa sinabi ni Seth. Seryoso na ito ngayon. What do you mean? kunot-noong tanong niya. You just punched me on the lips with your lips. Youre a hundred years too early to kiss me, brat. Sininghalan niya to. Para namang gusto kitang halikan! You just did, nakangisi nitong sagot bago binitbit ang laptop nito at mabilis na lumabas ng silid. Napasinghap siya nang biglang may ma-realize.Akala ko ba hindi yon kiss! Imahinasyon lang ba niya ang narinig niyang pagtawa nito? Seth really let out a hearty laugh! May kung ano namang mainit na bagay ang bumalot sa puso niya hanggang makita na lamang niya ang sarili repleksyon sa salaming bintana ng classroom she was smiling. Chapter Five MILKSHAKE and cookies, right? Nag-angat ng tingin si Misha sa naglapag ng kanilang milkshake at cookies ni Mami sa mesa. Nagulat pa siya na ang nag-serve niyon ay si Thia, ang Literary Editor ng FM at sa pagkakaalam niya ay pinsan ni Ate Kai. Ate Thia, bati niya rito. Ngayon ko lang po nalaman na nagwo-work ka dito. Kasalukuyan silang nasa KopeeBook ang nag-iisang coffee shop sa loob ng Marusen University kung saan bookshop ang second floor kaya hindi na katakatakang nagbabasa ng libro habang nagkakape ang ilan sa mga customers. It was the students haven. In-adjust ni Thia ang Nerd eyeglasses the one that hides the wearer's eyes behind blank white circles, that can be marked either with thin black spiraling lines nito bago sumagot. Our family owns this. Oh. Your new nga pala dito, sabi naman ni Mami. Sina Ate Thia at Ate Kai together with their other two friends ang utak sa likod ng KopeeBook ang paboritong tambayan ng mga taga-Marusen. Tumangu-tango siya. Cozy naman kasi talaga ang ambiance sa KopeeBook kaya hindi na kataka-taka kung maraming estudyante doon ngayon. Thia! Sabay-sabay silang napalingon sa matangkad na lalaking walang sere-seremonyang niyakap si Thia mula sa likuran nito. Spiky Boy, bati ni Thia sa binata. Pagkatapos ay tinapik nito ang mga braso ng lalaki. The tall boy with sleepy eyes sighed. Thia, where were you this morning? Hiding from you. Nakahawak pa rin ang lalaking nagngangalang Spiky Boy sa magkabilang balikat ni Thia habang naglalakad ang mga ito papunta sa counter. She was suddenly reminded of a mother duck followed by its duckling. Thats Spike Menhiz, sabi ni Mami na nakangiti habang nakatingin sa direksyong tinahak ng dalawa. Regular member of Marusen Wolves. He has this strange attachment to Ate Thia. Theyre cute, nangingiting komento

niya. Captain, youre strange today. You seemed to be in a good mood! Pa-kiss nga. Sabay silang napatingin ni Mami sa entrance ng KopeeBook. Kapapasok lang ng tatlo pang miyembro ng Marusen Wolves doon si Seth kasama ang dalawang matangkad at guwapong lalaki na magkamukha. Twins. Spike, have you seen Gelo? tanong ng isa sa kambal iyong nakasalamin bago lumapit kina Thia. Leave me alone, Rash, singhal ni Seth sa kambal na naiwan sa tabi nito. Bago pa kita sakalin dyan. Then, the two occupied the table across them. Nagtama ang mga mata nila ni Seth dahil magkaharap sila. Naramdaman niya ang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso nang maalala niya ang kanilang Kissing Incident kaya bigla siyang napatingin sa kanyang milkshake. Rash and Vash Menhiz the twin members of Marusen Wolves who play doubles. The one with the eyeglasses is Vash and that cheerful guy who seemed to be immuned to Seth Sawadas icy glare is Rash.Pinsan nila si Spike, kuwento ni Mami. Ang kyu-cute nila no? Tumango na lang siya. O-oo. And of course, theres Seth Sawada. Their Alpha, natatawang sabi ni Mami. Napaangat siya ng tingin kay Mami. Ayun na naman ang kakaibang kislap ng mga mata ng dalaga habang nakatingin kay Seth. Mami do you like Se I mean, Sawada? Mami blushed. I-impossible. I heard from a friend who went in the same high school as him that hes already engaged. She froze. Nakalimutan na niya ang napansin niyang pamumula ng mga pisngi nito dahil sa mga sinabi nito. Did she know? K-kilala mo ba kung sino ang fiancee ni Seth Sawada? Umiling ito. Pero sa pagkakaalam ko, na-engage lang sila dahil sa kagustuhan ng mga pamilya nila. Thats why I feel bad for him. Why? Nakatali si Seth Sawada sa engagement na yon. Meaning wala siyang kalayaan makahanap ng babaeng puwede niyang mahalin. Pano siya magpapakasal niyan sa sarili niyang kagustuhan? Natigilan siya. The idea of Seth falling in love with another girl never crossed her mind. Not that she cared but it didnt seem right but why? Hindi naman niya pag-aari si Seth. Tulad niya, napilitan lang din itong sumunod sa kagustuhan ng ina nito na ma-engage sa kanya. Pero bakit kahit kailan, hindi niya naisip ang posibilidad na may babaeng haharap sa altar sa tabi ni Seth na hindi siya? At higit sa lahat, bakit ba siya naapektuhan? He doesnt love her. Sana naman ay pakawalan na siya nong babae. She froze as she felt a twinge in her stomach and a strange prick in her heart. Now that hurts. Pero bakit? NAKATITIG lang si Misha sa plato niya habang naghahapunan sila. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ang naging usapan nila ni Mami.

Partikular na sa dapat niyang pagkansela sa engagement nila ni Seth though hindi naman sa kanya direktang sinabi iyon. May punto ang kanyang kaibigan. Kung ayaw na niya talagang patuloy pa rin patakbuhin ni Seth ang buhay niya, bakit hindi niya putulin ang engagement niya sa binata? Madi-disappoint mo ang parents mo at si Tita Monta na walang ibang ipinakita sayo kundi kabutihan, bulong ng isang bahagi ng isipan niya. Tumango-tango siya. tama. Iyon nga ang pinakamabigat na dahilan kung bakit hindi niya puwedeng gawin yon. Yun nga lang ba ang dahilan? saad naman ng kabilang bahagi ng isip niya. Eh bakit parang hindi mo matanggap na may ibang babaeng puwedeng mahalin si Seth? Hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa kanyang kutsarat tinidor. Higit sa lahat, bakit ka nasaktan nang sabihin ni Mami na hindi ka mahal ni Seth? pagpapatuloy ng maliit na boses sa isipan niya. Hindi naman kayo engaged dahil mahal niyo ang isat isa ginagamit lang iyon ni Seth para sa kompanya niya. Ginagamit ka lang niya! Eh ikaw? Napipilitan lang ako! bulalas niya. Sabay-sabay napatingin sa kanya sina Seth, Mitto at Jirou na tinignan siya na parang nababaliw na siya. Ngumiti siya nang pilit. Huwag niyo kong intindihin; may naisip lang ako. Ang weird mo talaga, Ate, naiiling na komento ni Mitto. Thats her charm, Mitto-kun, nakangiting saad naman ni Jirou. Nagkibit-balikat lang si Mitto at nagpatuloy na sa pagkain at ganon din si Jirou. Nilipat niya ang tingin kay Seth na nasa katapat niyang dulo ng mesa at kunot-noong nakatingin sa kanya. Pinag-aralan niya ang guwapong mukha nito para lang madismaya. Habang tinititigan niya ito, mas lalo lang siyang naaakit sa binata. Those thick eyebrows, almond-shaped eyes, arrogant nose, nice rosy lips, messy brown hair She sighed. She really felt stupid for being attracted to a human iceberg. What? angal ni Seth. What what? Youve been staring at me for the last Tumingin ito sa mamahalin nitong relong pambisig. Five minutes. Nagulat siya sa sinabi nito. Five minutes? Five minutes talaga? Hindi man lang niya namalayang ganon katagal na siyang nakatitig sa mukha nito. Sabagay, she wouldnt get tired of staring at his annoyingly handsome face. Inusad niya ang kanyang plato at sinubsob niya ang mukha niya sa mesa. Is it really possible for a cyborg to be this good-looking? Oy. Nag-angat siya ng tingin dito habang nakapatong ang baba niya sa mesa. Posible nga. Bakit? tamad na tanong niya. Kung ayaw mo ng pagkain, magpaluto ka ng iba. Umayos siya ng upo. Wala akong problema sa pagkain. May iniisip lang ako. Para wala na itong masabi, nagsimula na siyang kumain. Hindi na niya muling kinibo si Seth. And that night, she dreamt of their bitter past. Hello, classmate. Im Jury. Ikaw? nakangiting pagpapakilala nito sa

kanya. Yumuko siya. You shouldnt talk to me. Si Seth. Wala akong pakialam sa lalaking yon. Basta ako, gusto kitang maging kaibigan. She was shocked. Ngayon lang may taong hindi natakot at lumayo sa kanya dahil sa kaugnayan niya kay Seth. Sigurado ka bang gusto mo kong maging kaibigan? nag-aalangang tanong niya. Jury grinned. Oo naman. Naging maganda ang pagkakaibigan nila ni Jury hanggang sa dumating ang araw na sinira iyon ni Seth. I hate you, Misha, buong pait na sambit ni Jury. Kasalukuyan silang nasa kuwarto niya dahil sabay silang nagaaral para sa darating nilang exam. Pabalik na sana siya dala ang inihanda niyang merienda nang naabutan niya itong tumatakbo habang umiiyak palabas ng bahay. Sinundan niya ito at tinanong kung ano ang problema. Jury? May nagawa ba kong mali? Nagsisisi na ko dahil nilapitan pa kita at ginawang kaibigan. Kung hindi dahil sayo, hindi sana ako mapapahamak kay Seth Sawada! galit na sigaw nito saka tumakbo paalis. Naiwan naman siyang naguguluhan sa nangyari. Lalo na at binanggit nito ang pangalan ni Seth. Shes just a walking piece of trash. Napatingala siya sa pinanggalingan ng boses. Nasa second floor si Seth. Nakapatong ang mga braso nito sa railing ng hagdan. He was looking down at her with a disapproving look. Hindi ka dapat nagpapasok ng basura sa bahay niyo, anito sa malamig na boses. Anong ginawa mo kay Jury? Ikinuyom niya ang kanyang mga kamay. Nilagay ko lang siya sa dapat niyang kalagyan. Bumaba ito ng hagdan at tumayo sa harap niya. Sa susunod, pumili ka ng tatawagin mong kaibigan. Nilagpasan na siya nito. NAPUNO ng mga estudyante ang paligid ng tennis court; mababakas ang excitement sa mukha ng bawat isa. Maugong din ang bulungan at pustahan tungkol sa magaganap na tennis match. This is one epic match! Oo nga. Marusen Wolves team captain versus ang ex-rookie player nilang si Sean! Pupusta ako kay Sean! Ako rin! Ako rin! Mas gustong manalo si Sean kaysa sa cyborg na Sawada na yon! Napapailing na lang si Misha sa mga naririnig niyang usapan. Hindi dapat matuloy ang larong iyon. Hinilot niya ang kanyang sentido na kanina pa kumikirot. Misha. Nalingunan niya si Sean. Nagulat siya nang makitang naka-tennis uniform ito. Bumagay ang suot nito rito. You look nice, komento niya. Tumikhim ito. Thanks. Tinapik niya ito sa balikat. Masyado ka namang seryoso. Misha. Nagulat siya sa kaseryosohan ng boses nito. Bakit? Pagkatapos ng match namin ni Seth Sawada, puwede ba tayong mag-

usap? May mahalagang bagay lang sana akong sasabihin sayo. Natigilan siya. Sean was unusually serious and he was looking at her like never before. Pero siguro ay tungkol lang iyon sa article na gagawin namin. Okay. Sean, parang gusto na kitang galangin sa itsura mo ngayon. Sabay silang napalingon ni Sean kay Kai. Kasama nito ang halos buong editorial staff ng FearlessMan Publication. Kumaway sa kanya sina Mami na nginitian niya pabalik. Ate Kai, bati niya rito. Kai, bakit nandito ang buong staff ng FM? gulat na tanong ni Sean. Umangat ang DSLR camera ni Ate Kai sa mga mata nito. Siyempre. Hindi mapapalagpas ng isang mamamahayag ang ganito kalaking event. Sumang-ayon din ang ibang staff ng editorial team nila. Oo nga. Good luck Sean! Huwag kang magpapatalo! Nandito na ang Marusen Wolves! Biglang nagtilian ng malakas ang mga kababaihan. They all turned to the source of the ruckus. Parang Red Sea na nahati sa dalawa ang mga estudyante para magbigay-daan ang pagdating ng Marusen Wolves. Muntik nang malaglag ang panga niya habang pinapanood ang paglapit ng mga ito sa direksyon nila. She couldnt believe all the members of Marusen Wolveswere good-looking. Requirement ba sa team nila ang maging ganon kaguwapo? Natauhan siya nang huminto ang buong mens tennis team sa harap ng editorial staff nila. Dahil mas matangkad, Seth looked down at Sean. Hindi naman makikitaan ng pagka-intimidate ang huli na matalim ang tingin sa kaharap nito. Mukhang gusto mo talagang magsuot ng dog costume, ani Seth sa malamig na boses. Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi pa nagsisimula ang laban, pinag-iinitan na agad ni Seth si Sean. Ang sama talaga ng ugali nito! Tingnan na lang natin, Sean said through gritted teeth. Easy, easy. Pumagitan ang isang lalaking may maamong mukha at nakangiting mga mata kina Seth at Sean. Hindi bat nagkasundo na kayong sa tennis match aayusin ang hindi niyo pagkakaunawaan? awat nito sa kalmadong boses. Nilingon nito si Sean. Hindi ba? Tumango si Sean. Vice captain Shiro. Tinapik ng lalaking nagngangalang Shiro sa balikat si Sean. Good luck, Sean. Salamat, Shiro. Lets go, team, utos ni Seth. Nilagpasan siya nito nang hindi tinatapunan ng tingin kasunod ang buong team nito. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Hindi niya gusto ang lantarang pambabale-wala nito sa kanya. Iyon naman ang gusto niyang mangyari. Ang nakakainis lang, nasasaktan siya ng walang permiso nang dahil don. Seth Sawada looks good in that uniform, di ba? untag ni Mami sa kanya. Nagtatakang nilingon niya ito. Kumikislap na naman ang mga mata nito habang nakatingin sa direksyon ni Seth. Lalong bumigat ang pakiramdam niya. O-oo. Ngumiti lang to. Ilang sandali lang ay

inanunsyo na ang simula ng laban sa pagitan nina Sean at Seth kasabay ng hiyawan ng excited na mga manonood. Si Seth ang unang nag-serve. Nagulat ang lahat nang umikot ang bola sa paanan ni Sean at tumalbog iyon diretso sa mukha nito. Mabuti na lamang at naiiwas ni Sean ang ulo nito sa tamang oras. Fifteen-love! sigaw ng umpire na ang tinutukoy ay ang score na zero. Seth, bakit parang wala ka sa sarili mo? Kakaiba kasi ang ikinikilos nito. Hindi ito ganon kaagresibo kapag naglalaro ng tennis. Himbis tuloy na magalit siya rito sa sunud-sunod na diretsong pag-atake nito kay Sean ay nangibabaw ang pag-aalala niya para rito. Naging mainit ang laban dahil parehong pang-professional ang level nina Seth at Sean sa paglalaro. Lalo tuloy tumaas ang tensyon maging ng mga manonood. Kai! Bawiin mo ang sinulat mo tungkol sakin! Napalingon siya sa lalaking sumigaw. Nakasuot din ito ng uniform ng Marusen Wolves. Nakatayo ito sa harap ni Kai na abala sa pagkuha ng litrato sa nagaganap na tennis match. Sinisira mo ang pangalan ko bilang SG president ng university natin! Nakikinig ka ba, Kai? Hindi masyado , tamad na sagot ni Kai. Kai! Tumahimik ka, Gelo, inis na sabi ni Kai sa lalaking nagngangalang Gelo sabay bato ng tennis ball dito. Hah! Pinalo ni Gelo ang tennis ball at di sinasadyang lumipad sa direksyon ni Spike Boy na kasalukuyang natutulog habang nakatayo. Spike! sigaw naman ng pinakamaliit na miyembro ng team sabay palo sa bola na lumihis na naman ng direksyon. Damn you, Sax! galit na sigaw ng lalaking nakasalamin si Vash yata yon na bagong biktima ng ligaw na bola bago iyon sinalag. Naramdaman na lang niya ang malakas na impact ng pagtama ng kung anong bagay na iyon sa kanyang noo. Marami siyang boses na narinig sa nanlalabong isip niya pero ang malakas at nagaalalang boses ni Seth lang ang na-recognize niya bago siya nawalan ng malay. Misha! Chapter Six IS she all right? Dont worry, Mr. Sawada. Shes going to be fine. Bakit hindi pa siya nagigising hanggang ngayon? Hindi naman malala ang pagkakatama ng bola sa ulo niya pero dahil sa lagnat niya, sinamantala iyon ng katawan niya para makapagpahinga. Dahan-dahang iminulat ni Misha ang kanyang mga mata. Nilingon niya ang direksyon na pinanggagalingan ng mahinang usapan. Halata ang takot sa doktor na biktima ni Seth. Seth, saway niya rito. Seth instantly turned to her. Lumapit ito sa kanya. You need something? Umiling siya. Just let the doctor leave this room peacefully. Maayos na ang pakiramdam ko. Kunot-noong binalingan nito ang doktor. You heard her. Thank you,

Doc, habol niya sa paglabas ng doktor. Tumingin siya sa paligid. Nasa kanyang kuwarto na siya sa Sawada Mansion. Paanong Inuwi kita sa bahay matapos mong mawalan ng malay. Nagpatawag ako ng doktor para tingnan ka. Maang na napatingin siya rito. Sana sa school clinic mo na lang ako iniwan. Wala akong tiwala sa nurse doon. Seth, tinamaan lang ako ng bola. Hindi naman malala ang nangyari sakin. Napahawak siya sa noo niya at napangiwi nang makapa ang nakaumbok na bukol doon. Ouch. Nagulat siya nang sa isang iglap ay nakaupo na si Seth sa gilid ng kama habang hawak ang kamay niya. Dont touch it. Sinalat nito ang noo niya.May lagnat ka pa.Ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito. Then, he kissed her forehead. Magpahinga ka na lang. Ako na ang susundo sa mga bata sa eskwelahan. Napatango na lang siya. She couldnt blame herself for acting so stupid in front of him. He just kissed her! Damang-dama niya sa halik na iyon ang pag-aalala nito. His almondshaped eyes were radiating warmth which made her heart smile. He was so gentle. Salamat sa pag-aalala, nakangiting sabi niya nang makabawi. Marahang itinulak lang siya nito pahiga sa kama at hinila ang comforter hanggang sa kanyang dibdib. Ayoko lang may masabi sina Tita at Tito kapag nalaman nilang naaksidente ka habang nasa poder kita. Kahit ano pa ang sabihin nito, hindi na nito mapagtatakpan ang pagaalalang ipinakita at ipinaramdam nito sa kanya. At hindi na rin mabubura ang ngiti sa kanyang puso. Napasinghap siya nang may maalala. Yong match! Anong nangyari sa laro niyo ni Sean? I lost. What? bulalas niya. I left in the middle of the game. Its the same as forfeit, paliwanag nito. Forfeit? hindi makapaniwalang tanong niya. Kilala niya si Seth. Ayaw na ayaw nitong natatalo kaya imposibleng isuko nito ang match nang walang mabigat na dahilan. Mabigat na dahilan? Umalis ka sa kalagitnaan ng game dahil nawalan ako ng malay Pagkatapos ay dinala mo ko rito Napasinghap siya. You lost because of me! Yeah. Ouch. Inamin talaga? Im sorry Hindi ka ba masaya na hindi na magsusuot ng dog costume yong aso mo? Nag-angat siya ng tingin dito. Siyempre natutuwa ako na hindi na kailangang gawin ni Sean yon pero Bumuntong-hininga siya. Pero hindi ko rin matanggap na natalo ka sa isang laro ng walang kalaban-laban. Should I request for a rematch? Pumusta ka ba sakin? Nag-angat muli siya ng tingin dito. Ha? Kung magsalita ka kasi, parang ang laki ng natalo mo sa pustahan dahil sa pagkakapanalo ng asong yon laban sakin. Binato niya ito ng unan nang maunawaan kung ano ang sinasabi nito. Naiwasan nito iyon. Hindi no! Nag-aalala lang naman ako sayo! Bakit ka naman nag-aalala? tanong nito habang dinadampot ang unan. Himbis na ibato iyon pabalik sa kanya

ay marahan lang nito iyong ipinatong sa kama. Alam ko kung gaano katayog ang pride mo. Sigurado rin akong nabugbog ng husto ang ego mo dahil natalo ka ni Sean, malungkot na sabi niya. Dont stress yourself over something as insignificant as that. Pero You are more important than the stupid match. Then, he went out. Leaving her dumbfounded. Alam niyang mahalaga lang siya rito dahil anak siya ng isa sa pinakamalaking investors ng kompanya nito pero kahit aware siya don, kahit pano ay nakaramdam pa rin siya ng munting tuwa at kilig na lumabas sa bibig nito na mga salitang iyon. She smiled. JIROU, MITTO, bakit hindi pa kayo natutulog? sita ni Misha sa mga bata nang abutan niya ang mga ito sa playroom. Pero himbis na video games ang inaatupag ng mga ito, nakasalampak ang dalawang paslit sa carpeted floor habang namimili ng mga DVD. Manonood kayo ng movie? Opo, Ate. Friday naman ngayon kaya puwede kaming manoodng movie kasi walang pasok bukas, sabi ni Mitto. Umupo siya sa couch. Okay. Panood na rin ako. Ate Misha, bakit hindi mo po ayain si Kuya na manood ng movie with us? suhesyon ni Jirou. Hindi niya iiwan ang pinakamamahal niyang laptop. Mas gugustuhin pa ni Seth na malunod sa work kaysa ang magrelax, katwiran niya. Lumungkot ang mukha ni Jirou. Ganon po ba? Hindi ko na po kasi nakakasama masyado si Kuya kahit na nasa isang bahay lang kami. I miss him so much. She was saddened by Jirous words. Totoo naman kasing hindi na nito nakaka-bonding ang nag-iisa nitong kapatid na subsob sa trabaho. Pagkatapos, si Tita Monta naman, madalas nasa ibang bansa para sa mga business trip nito. Niyakap niya si Jirou. All right. Tatawagin ko lang ang kuya mo. Talaga po? Akong bahala. Kumindat pa siya sa mga ito bago lumabas ng kuwarto. Dumiretso siya sa opisina ni Seth at tulad ng madalas niyang gawin, hindi na siya kumatok bago pumasok. Seth? Lumapit siya sa mesa nito. Nakasandal ito sa upuan nito at nakapatong ang mga paa sa mesa. Nakahalukipkip ito habang natutulog? Ngayon niya lang nakitang matulog si Seth sa kalagitnaan ng pagta-trabaho. His eyes were closed yet he seemed tired and restless. Kahit natutulog ka na, malamang trabaho pa rin ang iniisip mo dahil nakakunot pa rin yang noo mo. She gently brushed away the strands of his brown, silky hair from his eyes. Her fingers ran down from his forehead to his cheek, amazed by the smooth skin underneath her touch. She didnt know if it was just her imagination or did his face really soften just now. Hindi niya alam kung bakit pero habang tinititigan ito ay nakakaramdam siya ng kakaibang pagkapanatag ng kanyang kalooban sa kabila ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso. She didnt know what the thumping of her heart meant, but

she knew she should ignore it for now Misha. Nagulat siya nang banggitin nito ang pangalan niya. When was the last time had he said her name? Muntik na niyang makalimutan kung gaano kasarap iyong pakinggan mula sa bibig nito. Hearing him say her name made her heart flutter. San galing yon? He slowly opened her sleepy eyes. I knew it was you. Tumikhim siya para ibalik sa huwisyo ang kanyang sarili. Gusto ng mga batang manood tayong lahat ng movie. Umayos ito ng upo. May tatapusin pa kong trabaho Tinakpan niya ng kanyang kamay ang bibig nito. Seth, listen. You should spend more time with Jirou. Parating nasa abroad si Tita Monta, tapos, pati ba naman ikaw na kasama na niya sa bahay, hindi pa niya makakasama? Maawa ka naman sa bata. Naiintindihan mo ba? He looked stupefied for a moment. His usually cold eyes were sparkling with amusement. That was when she realized their awkward position. Sorry Inalis niya ang kamay niya sa bibig nito. Tumikhim ito. I understand your sentiments but it is inevitable. You are aware of my commitment to our company. Hindi ko puwedeng pabayaan ang trabaho ko. Pero Misha. Ahh sounds good. I need you. Nagulantang siya sa narinig niya mula rito. Kung ang pagbanggit nito ng pangalan niya ay naghatid sa kanya ng kakaibang saya, ang mga katagang iyon naman ang nagpagulo sa buong sistema niya. Her heart was beating fast, her mind was spinning and her knees were shaking. Sumandal uli ito sa swivel chair nito at humalukipkip. I maybe a genius, but Im just a jerk when it comes to being a brother. However, with you by my side, nakakasiguro ako na magagabayan mo ko ng tama. What Im trying to say is Humugot ito ng malalim na hininga. I want you to stay with me and teach me how to become more... human. She was shocked. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. The sincerity in his voice, his warm gaze, his vulnerability, his gentleness They were enough to melt her heart, to make her head dizzy and to make her smile all together. Nakakalobo ng puso na siya pa ang hiningan nito ng tulong. You're a human being, even if you don't always act like it, nangingiting komento niya. Kaya sa tingin ko, kailangan talaga kitang alalayan. I thought you hate me, magkahalong deklarasyon at tanong nito. She didnt have an answer for that. Totoo ngang may mga pagkakataon gaya ngayon na magaang ang loob niya rito at nagkakasundosila. Pero hindi iyon sapat upang tuluyang mabura ang lahat ng kasalanan nito sa kanya. But then again, did she really hate him? Seth let out a frustrated sigh as he stood up. Lets go. JIROU, MITTO, kung magtatalukbong lang din naman pala kayo ng comforter, sana hindi na horror movie ang pinanood natin, iritadong sita ni Seth sa mga bata. Maging si Misha ay napapailing na

lang habang pinapanood ang mga paslit. Nakasalampak ang mga ito sa carpeted floor ng playroom habang nakatalukbong ng comforter. Kasalukuyan nilang pinapanood sa malaking flat screen television ang isang Japanese horror movie. Sila naman ni Seth, nasa magkabilang dulo ng sofa. Hindi pa sila nagkikibuan matapos ng usapan nila sa opisina nito. G-gusto po namin to, eh! angal ni Jirou sa nanginginig na boses. Oo nga po, Kuya Seth! Hindi po kami takot! gatong pa ni Mitto. O sige. Pero huwag kayong iiyak kapag may nagpakita sa inyo, pananakot ni Seth. Seth, saway niya rito. Nagkibit lang ito ng mga balikat. She turned to the giant television screen again and she almost jumped out of her seat when a bloody ghost suddenly appeared. Pero hindi niya napigilan ang pagtili at mariing pagpikit. Narinig din niya ang takot na sigaw nina Jirou at Mitto. Stupid. She heard a click then everything fell silent. Nang imulat niya ang kanyang mga mata, nakita niya si Seth na nakatayo habang hawak ang remote control. Matulog na kayo, utos nito sa malamig na tinig na nagsasabing wala silang karapatang kumontra. Nangingnig pa ang mga bata dahil sa takot mula sa pinanood nilang movie nang lumapit sa kanila. Magkahawak-kamay pa ang mga ito. A-Ate ani Mitto. Sleep in our room, please? K-Kuya, samahan mo rin po kami sa room namin, ungot ni Jirou kay Seth. Kasi po siguradong matatakot sa iyo ang ghost, Kuya. Bumakas ang iritasyon sa guwapong mukha ni Seth. Hindi na talaga kayo manonood ng horror movie uli. Napayuko ang mga bata. Biglang tumahimik ang buong kuwarto. Nakaramdam tuloy siya ng kakaibang kilabot. Parang mas lumamig pa ang paligid at hindi iyon dulot ng airconditioner. Naalala niya ang ilang eksena sa nakakatakot na palabas na iyon at napakapit siya sa pinakamalapit na bagay sa tabi niya. I couldnt sleep in my room alone as well! Tumikhim si Seth. Napalingon siya rito. Saka niya lang napansing nakayakap pala siya sa braso nito. Kung nasa normal na sitwasyon lang sila, bumitaw na siya rito. But the image of the bloody ghost in the movie kept flashing in her head kaya lalo lang humihigpit ang pagkakayakap niya rito sa takot. Okay, fine. She just like the feeling of holding him. Guilty. S-Seth, I think its a good idea kkung sasamahan natin ang mga bata sa kuwarto nilang matulog suhesyon niya. Parang anytime kasi ay may magpapakita sa kanya kung mag-isa lang siya sa kuwarto. Isa-isa silang pinasadahan ng tingin ni Seth. Then, he let out a frustrated sigh. Ito na ang unat huling beses na mangyayari to. Opo! masiglang sagot ng mga bata. Nakahinga naman siya ng maluwag. Unti-unti na siyang bumitaw sa pagkakahawak dito kaya nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya. A jolt of electricity flowed throughout her body. Napatingin siya sa magkahawak nilang kamay.

Siguro nagulat lang ako dahil ito ang unang pagkakataong siya ang humawak sakin. Walang kahirap-hirap na kinarga ni Seth si Jirou gamit lamang ang isang kamay.Ngayong hawak nito ang kamay niya, saka lang niya napansing nanginginig siya dahil sa takot. But his presence caused her an undeniable feeling of protection, calm and warmth. Nawalan na siya ng dahilan para bitawan ang kamay nito. Dahil kahit isigaw ng isip niya na dapat niyang kamuhian si Seth, her heart was too stubborn to listen. And she liked the feeling of his touch. Ate? Bakit ang red ng face mo? nagtatakang tanong ni Mitto. Kinuha niya ang kamay ng kapatid niya. L-lets go, aya na lang niya rito. Nakakatawang isipin na kung may makakakita sa kanila ngayon, iisipin ng mga taong isa silang pamilya. Magkahawak-kamay sila ni Seth, karga nito Jioru at siya naman ay hawak ang kamay ng kapatid niya. Pero sandali lamang ang itinagal ng litratong iyon dahil pagdating sa kuwarto ng mga bata ay binitawan na siya ni Seth. Walang kahirap-hirap na tinulak nito ang isang kama upang magkatabi ang higaan ng mga bata nang saganon ay magkasya silang apat. Pinagitnaan nila ni Seth ang mga bata na pagkasabi pa lang ng good night ay knockout na agad. She closed and her eyes. But she wasnt really asleep. Kaya naramdaman niya ang pagkilos ng kung sino sa kama. Bahagya niyang iminulat ang mga mata niya upang silipin kung ano ang nangyayari. Nakita niyang nakaupo sa gilid ng kama si Seth habanghinihila pataas ang comforter sa dibdib ng mga bata. He was lovingly staring at Jirous sleeping form as he gently brushed some strands of hair away from his brothers closed eyes. Ito ba talaga ang lalaking tinatawag na cyborg? Hindi. A cyborg couldnt be as gentle as he is. Siya dapat ang nakakaalam ng bagay na iyon. She had been with him all this time. She was aware of his kindness, his gentleness, his warm gaze, his heart as a brother and as a son, his comforting hand His humane side underneath his cold exterior. Siya lang ang nakakakita ng isa pa nitong pagkatao. Pero binale-wala niya iyon dahil mas tinitingnan niya ito gaya ng pagtingin ng ibang tao rito cyborg, devil,human icebreg, dark lord. Bigla siyang bumangon at nag-lotus position paharap dito. I dont hate you, Seth. Chapter Seven HE turned to her with a surprise look. What? I dont hate you, pag-uulit niya. Siguro nga may nagawa ka na ikinagalit ko noon. But that wasnt enough to make me hate you. Hindi pa niya naiintindihan kung bakit hindi niya magawang kamuhian ito pero kung tatakbo siya at tatalikuran ito, hindi na niya kailanman mahahanap ang kasagutan. Ang

malinaw lang sa kanya, she didnt hate him and it was enough to make her realize something. Seth, magsimula uli tayo, deklara niya. For the second time that night, he looked stupefied. Alam kong may hindi magandang nangyari sa pagitan natin sa nakaraan. Gusto kong magsimula tayo sa umpisa dahil guso kitang maintindihan. I want to know you more. Yumuko siya. Ayokong makilala ka lang bilang ang heartless cyborg fiance ko. I want us to be closer. Kumunot ang noo niya. Bakit kung magsalita siya, parang nagtatapat siya ng pag-ibig dito? And to top it all, the thumping of her heart was simply uncontrollable. I-I mean as ffriends, paliwanag niya. Okay. Nag-angat siya ng tingin dito. Nakayuko si Seth kaya hindi niya alam kung anong klase ng ekspresyon mayroon ito. But his voice was low, calm and gentle; almost a whisper. Kung gusto mong magsimula uli tayo, sige. Gawin natin, patuloy nito. Im a jerk. Cold-hearted, hot-tempered, violent and sarcastic. Pero dahil gusto mong magkalapit tayo, susubukan kong maging... okay. And I want to know you more as well. Seth Nag-angat na ito ng tingin sa kanya. Like how come youre friends with a dog and a chipmunk?Seriously, I dont understand you. Hindi niya alam kung matatawa o kukunot ang noo. Well, kung gusto nating magsimula ng maayos, why dont you first treat my friends nicely? Ill try. Nagulat siya sa mabilis na pagsang-ayon nito. Pero nang maka-recover ay napangiti sya. Dont try, do it. I said Ill try. Dont be so demanding. All right. Anyway, simula bukas ay sikapin nating maging mabuti na sa isat isa, huh? Naghikab siya at bumalik sa pagkakahiga. Niyakap niya si Mitto at dahil patagilid ang paghiga niya, nakaharap siya sa direksyon ni Seth. Naka-upo pa rin ito habang nakatitig sa kanya. Good night, Seth. Ipinikit na niya ang kanyang mga mata. Saka niya naramdaman ang pagod sa buong maghapon na iyon kaya naman madali siyang nahila ng antok. Good night, Misha. And thank you. SENORITA, ako na ho ang gagawa niyan. Magagalit ho si Senorito Seth kapag nalaman niyang nagta-trabaho kayo dito sa mansyon, tila nagpa-panic na sabi ni Aling Silia. Itinuloy pa rin ni Misha ang paghihiwa sa mga gulay. Magagalit ho siya? Bakit? Mahigpit na bilin kasi naman ni Senorito na huwag na huwag kayong pababayaan ni Mitto habang narito kayo sa mansiyon. Huwag daw namin kayong hahayaang mapagod o madisgrasya. Kahit nga siguro makagat lang kayo ng lamok, ipapasalvage na kami ni Senorito. Natawa siya. Si Aling Silia naman, ang OA. Pero ng mga sandaling iyon ay umaawit na ang kanyang puso. Kung ganon ay nag-aalala din pala sa kanya ang mokong na yon. Di lang nga halata. At sa sobrang tuwa niya, na-distract na siya sa ginagawa niya. Napasinghap na lang siya nang maramdaman ang hapdi sa kanyang

daliri. Nahiwa siya ng kutsilyo. Ayan na nga ba ang sinasabi ko, Senorita! nagpa-panic na bulalas ni Aling Silia. Halika, hugasan muna natin yan. Whats happening here? Sabay silang napalingon ni Aling Silia kay Seth na kapapasok lang sa kusina. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Siya naman ay napatingin sa wall clock sa dingding. Mag-a-alas onse pa lang ng umaga. Hindi naman lumalabas ng opisina nito si Seth kapag hindi pa tanghalian. Nawala ang atensyon niya sa orasan nang may kung sinong humawak sa kamay niya. Si Seth. Iniinspeksyon na nito ang nasugatan niyang daliri. Napansin naman niya ang pamumutla ni Aling Silia nang balingan ito ng binata. Hindi bat sinabi ko nang hindi puwedeng gumawa ng kahit anong trabaho si Misha Hindi na naituloy ni Seth ang sasabihin nang takpan niya ng kamay niya ang bibig nito. Aling Silia, pakisundo na ho ang mga bata sa kapitbahay, nakangiting utos na lang niya rito. Mabilis namang tumalima si Aling Silia. Inalis niya ang kamay ni Seth at hinarap ito. Seth, hindi naman kasalanan ni Aling Silia ang nangyari. Ako naman ang nagpumilit na tumulong sa kusina. Youre really clumsy. Pagkatapos ay walang kaabug-abog na sinubo nito ang kanyang daliri. She froze. She could feel his hot tongue gently brushing the blood in her finger as he locked gaze with hers. Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mukha kaya mabilis niyang binawi ang kamay niya rito at saka nagtungo sa lababo para hugasan iyon. Pagpihit niya paharap dito habang nagpupunas ng kamay sa tuwalya ay nakita niya itong binabalik ang medical kit sa cabinet. Pagkatapos ay lumapit ito sa kanya at basta na lang kinuha ang kamay niya. Pagkatapos ay nilagyan nito ng Band-aid ang kanyang daliring nasugatan. Siyempre, lumobo na naman ang puso niya. Where were you this morning? mayamaya ay tanong nito. Nagulat siya. Hinahanap siya nito? Sumama ako kay Aling Silia mag-grocery. Hindi na ito nagsalita pa at bumalik na sa opisina nito. Siya naman ay nagpatuloy sa pagluluto habang iniisip ang mga ikinilos ni Seth. He was acting strange in a good way. Nang matapos sa pagluluto ay inakyat niya ito sa study room. Katulad ng nakagawian niya, hindi na siya kumatok at basta na lang pumasok sa loob. Naabutan niya si Seth na nakayukyok ang ulo sa mesa. Nag-alala naman siya. Lumapit siya rito. Seth? Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Matamlay ang itsura nito.Sinalat niya ang noo nito. Wala ka namang lagnat. Headache. You need to rest then. No need. May ginagawa akong bagong game ngayon at kailangan ko yong tapusin bago matapos ang buwan. She stubbornly shook her head. Hindi naman babagsak ang Moon Corporation kung magpapahinga ka sandali. Halika. Hinawakan niya ang kamay nito at hinila papunta sa mahabang sofa

doon. Pinahiga niya ito doon. Masakit nga talaga siguro ang ulo nito dahil mabilis itong tumalima. Nag-panic siya. Seth, anong nangyayari sayo? You seem so submissive today.So out of character. Bumuntong-hininga lang ito. Kapagkuwan ay pumikit ito. Sumusunod lang ako sa napagusapan natin. I said Ill change, didnt I? Napangiti siya. Thats a good start, Seth. Napansin niyang kahit nakapikit na ito at sinusubukang matulog ay nakakunot pa rin ang noo nito na parang may kung anong iniisip. Umupo siya sa gilid nito at masuyong hinaplos niya ang noo nito. The knot on his forehead was gone in an instant. Seth, may problema ba? Hindi ito umimik. She just started to run her fingers through his soft hair.Sandali. Ikukuha kita ng gamot, aniya at saka tumayo. Pero bigla siyang hinila ni Seth. She fell on top of him. Ginamit niyang distansya sa pagitan nila ang kanyang mga braso. His arms snaked around her waist. She froze. But when he started to run his hand through her hair, she relaxed. But her heart was still hammering like crazy! CrossMix Corporation is in doom. And they are asking for my help. Natigilan siya. Alam niya ang istorya nito. CrossMix Corporation was his fathers game company based in Japan. Iyon ang kompanyang inagaw ng tiyuhin ni Seth na Hapon. Nang mamatay ang ama ng binata, naatas kay Tita Monta ang pagpapatakbo ng kompanya. Pero dahil walang alam si Tita Monta sa pagpapatakbo ng ganon kalaking negosyo noon at kapapanganak pa lamang kay Jirou, naloko ito ng mga Sawada. Napapirma ng mga ito si Tita Monta nang dokumentong naglilipat ng CrossMix sa pamamahala ng nakababatang kapatid ng ama ni Seth. Misha, what should I do? I hated my uncle for stealing CrossMix from us that I wanted him to see the downfall of the company. Yet, theres a part of me that wanted to save CrossMix since Dad loved it so much. I dont know what to do. Ramdam na ramdam niya ang paghihirap sa boses nito. Pakiramdam niya ay kailangang-kailangan siya nito ng mga oras na yon kaya naman niyakap niya ito. Gusto kong gumanti sa kanila kaya nga kinumbinsi ko si Mommy na i-take over ang game company na pagaari ng pamilya niya since nag-iisang anak lang naman siya nina Lolo. Maliit pa lang at pabagsak na rin ang Moon Corporation nang mga panahong iyon. Binuhos ko ang oras at talento ko para mapalaki ang Moon dahil gusto ko, balang araw ay ako mismo ang magpapabagsak sa CrossMix. Pero ngayong nangyayari na ang gusto kong mangyari, bigla naman akong hindi makapagdesisyon. Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Kung ganon ay iyon pala ang dahilan kung bakit subsob ito sa trabaho at parang walang tiwala sa mga tao sa paligid nito. He had a painful past. So painful that it turned him into the person he was now

bitter and sad. She didnt know he wanted revenge. Seth I really dont know what to say. Pero isa lang gusto kong gawin mo let go of your anger. Matalino ka. Alam mong wala kang mapapala kung maghihiganti ka. At katulad nga ng sinabi mo, your dad loved the company so much. Im sure he wouldnt want you to let it get destroyed. But my uncle I dont think I can ever forgive him, punung-puno ng pait na sabi nito. She tilted her head to look at him. He looked like a lost child scared and lonely. Kinulong niya ang guwapo nito mukha sa mga palad niya. Of course you can. You just have to open your heart. They are still your family after all. Hindi mo magagawang tuluyang magbago kung hindi mo pakakawalan ang galit mo. Dont let your past destroy you. Ang isipin mo na lang, sayo naman talaga dapat ang CrossMix so you should take care of it. As for your uncle, may iba pa namang paraan para gantihan siya. Ahm Nag-isip siya. Gusto mo ipakulam natin siya? He stared back at her with a blank expression. Sasabunutan na sana niya ang sarili niya dahil sa ka-corny-han niya nang marinig niya itong tumawa. He let out a hearty laugh. Nilukob naman ng kakaibang init at tuwa ang kanyang puso. Ngayon na lang niya uli ito narinig na tumawa. He laughed because of me! Thank you, Misha. You made me feel better. No problem. Natigilan siya. Kakaiba ang tingin nito sa kanya punung-puno ng paghanga. Nailang naman siya. Hindi siya sanay sa mga bagong emosyong nababasa niya sa mga mata nito. Isabay pa ang pagwawala ng kanyang puso. Upang pagtakpan ang nararamdaman niya ay agad siyang tumayo. Hindi naman siya nito pinigilan. Magpahinga ka na. Dadalhan na lang kita ng lunch at gamot. Nasa pinto na siya nang tawagin siya nito. Nilingon niya ito. Hmm? I just want you to know that I want to change not just because I want to be a good brother. Im also doing this for you. SETH watched his teammates as they shifted uncomfortably under his sharp gaze. Tinipon niya ang mga ito sa tennis court para pag-usapan ang kaparusahan ng mga ito sa kapabayaan ng mga ito ang pagkakatama ng bola sa ulo ni Misha. Parang gusto niyang bigyan ng tag-iisang sapak ang mga ito kapag naaalala niya ang nangyaring iyon. Three laps, aniya sa malamig na boses. Nakita niyang nakahinga ang mga ito ng maluwag kahit hindi pa siya tapos magsalita. Sisiw nga naman ang three laps para sa mga kumag na ito na batak sa matinding practice. Three laps around the Philippines. Sabay-sabay na napasinghap ng malakas ang mga ito. Kapansin-pasin din ang biglaang pamumutla ng mga ito knowing that he wouldnt joke about something connected to tennis. Ngangaling ngumisi siya nang tila maghanda na ang mga ito para tumakbo paikot ng bansa. Isa lang naman ang hindi sumeseryoso sa kanya sa mga ganong

pagkakataon. Team, nagbibiro lang si Seth. Hinawakan pa ni Shiro ang balikat. Huwag niyo namang seryosohin ang lahat ng pagbabanta ng captain natin. The team heaved a collected sigh. Tinapunan niya ng masamang tingin si Shiro. Stop meddling with my decisions, Shiro. Ngumiti lang ito. Im the vice-captain here. I have the authority to annoy you, biro pa nito. Iiling-iling na hinarap niyang muli ang mga kasamahan sa team. Fifty laps around Marusen. Sabay-sabay na umungol ang mga ito. Ang lupit mo naman, Captain! Hindi na po namin uulitin! Pakibawasan naman po! Tsk. Hindi naman malala ang tinamong pinsala nong babae para magdusa kami ng ganto Hindi na naituloy ni Enji ang sasabihin nang tapunan niya ito ng masamang tingin. Itinaas nitoang mga kamay bilang tanda ng pagsuko. Geez. Youre being overprotective, Captain. He cursed Enji and his big mouth inwardly. Ngayon ay nasa kanya na ang nanunuksong mga tingin at ngiti ng mga kamiyembro niya. Nawala na nang tuluyan ang takot ng mga ito sa kanya. Sa pangunguna siyempre ni Shiro. Misha is cute, isnt she? And sweet, too. Hindi na ko makapaghintay sa interview session natin mamaya. Parang gusto niyang bumuntong-hininga. Dahil nga natalo siya sa pustahan nila ng aso ni Sean Chua, ay kailangang magpa-interview ng buong Marusen Wolves sa FM. Hinayaan na lang niya. He was too happy to get angry. At iyon ay dahil sa pagkakasundo nila ni Misha. Akala niya ay kinamumuhian siya nito dahil sa kanilang pangit na nakaraan. He was very happy when she said she didnt hate him and she was wanted to start all over again with him. And damn. He was more than willing to do that. If only she could see how important she was to him. Captain, untag muli ni Enji sa kanya. Tiningnan lang niya ito. Sino ba ang Misha na yon sa buhay mo? Nakapagtataka kasi ang ikinilos mo nong tamaan siya ng bola. Hindi na siya nagtataka kung napansin iyon ng mga kasamahan niya. Nang makita niyang tinamaan ng bola si Misha, walang isip-isip na iniwan niya ang laban. Binitawan niya ang raketa niya at agad na tumakbo, just in time to catch Misha before she fell on the ground. He didnt care about the rumours that he knew would eventually spread Misha was the most precious person in his life after all. But he wasnt about to admit that to anyone. Bumuntong-hininga siya. Hindi ko kilala ang babaeng yon. Inako ko lang ang responsibilidad sa aksidenteng ginawa niyo bilang captain ng team. Kahit sino pa ang naging biktima, ganon din ang gagawin ko. Of course it was a lie. Hindi niya puwedeng ipagtapat sa mga ito ang ugnayan nila ni Misha dahil na rin sa pakiusap ng dalaga. Ah. I see! Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita. It was Kai with the rest of the FM Editorial Staff. Agad na dumako ang tingin niya kay Misha. She was

smiling knowingly at him. Kanina lang ay kinukulit namin itong si Misha sa kung ano ba talaga ang relasyon niyo dahil sa pinakita mong concern sa kanya, kuwento ni Kai. Ayun naman pala ay talagang responsible lang ang kataas-taasang kapitan ng Marusen Wolves. What are you doing here, Kai? tanong ni Gelo. Hindi pinansin ni Kai ang binata at dumiretso lang sa kanya. Well, simulan na natin ang interview. Kumunot ang noo niya. Lahat kayo? Anong akala niyo sa team ko He stopped when he saw Mishas expectant eyes. Bumuga siya ng hangin. Doon tayo sa locker room. Sean, halika rito. Tayo ang mag-interview kay Sawada. tawag ni Kai dito. Lumapit si Sean sa kanila na kakaiba ang pagkaseryoso habang nakatingin sa kanya. He scoffed. As if I would understand your launguage, dog Natigilan siya nang lingunin siya ni Misha. Bumalik sa kanyang ala-ala ang pangako nila sa isat isa. I meanChua. Chapter Eight EVERYONE in the court fell silent. The Seth Sawada actually called Sean his unofficial nemesis by his last name for the first time. Not dog, not mongrel or not hoy. Okay, addressing one with his last name was a bit formal, but still, coming from Seth it was something. They were probably too shocked to comment. Samantalang si Misha naman ay lihim na napangiti. Natutuwa siyang makita na nagsisikap at seryoso talaga si Seth na maging okay. And when he said okay, alam niyang ang ibig nitong sabihin ay susubukan nitong maging mabait. Pinipigilan na lang niya ang matawa dahil sa pagkalukot ng mukha ni Seth ngayon his face was full of disgust after he called Sean by his last name. Pagkatapos nilang magkasundo, pakiramdam niya ay nawala na ang pader sa pagitan nila. Lalo na ng magkuwento ito sa kanya tungkol sa isyu ng pamilya nito. May alam na rin naman siya kahit papaano sa pamilya ni Seth dahil naikuwento na iyon ni Tita Monta sa kanya. Pero ang marinig iyon mula mismo sa bibig ng binata, nakakataba ng puso. Nakahanda siyang tulungan itong magbago. Heck, she was even prepared to announce to the whole world that she was his fiancee. Oo, wala na siyang pakialam kung may makaalam sa relasyon nila. Kanina nga nung kinukulit siya ng mga taga-FM kung ano talaga ang koneksyon nila ni Seth habang papunta sila sa tennis court ay muntikan na niyang ipagtapat sa mga ito ang katotohanan. Narinig lang niya ang sinabing iyon ni Seth. Hindi ko kilala ang babaeng yon. Inako ko lang ang responsibilidad sa aksidenteng ginawa niyo bilang captain ng team. Kahit sino pa ang naging biktima, ganon din ang gagawin ko. Aaminin niya,

nasaktan siya sa sinabi nito. Pero anong karapatan niyang mag-inarte? Siya naman ang may gustong ilihim ang relasyon nila sa lahat. Ouch. What? angil ni Seth sa lahat. Niyakap ni Sean ang sarili. Eeww Seth. You acting normal is not normal! Nagtawanan ang lahat na tila nakarecover na sa pagkagulat. Tumikhim ng malakas si Kai. Okay. Simulan na natin ang pag-i-interview. Sean, tayo kay Sawada. Binalingan siya nito. Ikaw, Misha ang sa vice-captain na si Shiro at sa iba pang miyembro ng Marusen Wolves. Yong ibang naki-tsismis lang, bumalik na sa opisina at tapusin ang mga trabaho niyo. Yes, boss, sabay-sabay na sagot nilang mga taga-FM. Ate Kai, sorry Im late! pasigaw na sabi ni Mami habang tumatakbo papunta sa direksyon nila. Impit na napasigaw na lang ang iba sa kanila nang matalisod si Mami. Agad nilang nilapitan ito. Aray daing ni Mami habang hinihilot ang paa nito. Na-sprain yata ang paa mo, Mami, nag-aalalang sabi niya rito. Captain, she injured herself inside our premises, sabi ng isang miyembro ng Marusen Wolves. Sax yata ang pangalan nito. Napatingin siya kay Seth. Nakahalukipkip lang ito at tila nababagot habang ang lahat ng miyembro ng tennis team ay nakatingin dito they were looking at him expectantly. Napansin din iyon ng binata dahil biglang bumakas ang inis sa mukha nito. And much to her surprise, Seth walked towards her and carried Mami like a princess. Then, he started to walk away. For the second time, the crowd fell silent. At sa pagkakataong iyon ay kasama na siya sa mga natigilan. Kakaiba ang pagkislap ng mga mata ni Mami habang titig na titig sa guwapong mukha ni Seth. And by that time, she could already name the emotion in Mamis eyes. Love. HABANG nagta-type sa kanyang laptop ay panakanakang sumisilip si Misha sa salaming bintana ng locker room ng Marusen Wolves. Kasalukuyang kapanayam nina Ate Kai at Sean si Seth. Siya naman ay tapos na rin interview-in ang ibang miyembro ng team. Kaya heto siya at isinusulat na ang kanyang article. Hindi siya makalayo sa tennis court kaya nagpasya siyang tumambay na lang sa bleacher. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maalis sa kanyang isipan ang eksena nina Seth at Mami kanina nang dalhin ito ng binata sa clinic. Nakumpirma na niyang may gusto si Mami kay Seth through intuition. And no matter how much she tries to deny it, she suddenly felt threatened. It was as if she was afraid of losing Seth. Ill lend you my laptop, Shiza. Napalingon siya sa dalawang tao sa kanyang gilid. Si Enji miyembro ng Marusen Wolves ay nakatayo sa harap ng babaeng iyon na nakasubsob ang mukha sa makapal na librong binabasa. Better yet, sayo na lang ang laptop ko. The cute girl with chocolate brown eyes looked up at Enji with a knotted forehead. Bakit ibibigay mo sakin ang

laptop mo? Ako kasi ang nahihirapan kapag nakikita kitang nakasubsob sa makakapal na libro. Ikaw na lang yata ang kilala kong sinusuyod ang library para mag-research kaysa ang mag-surf sa net. Napangiti siya. Bigla siyang may naalala. Laptop. He gave me a laptop for Valentines Day, hindi makapaniwalang sambit niya habang nakatitig sa regalong ipinadala sa kanya ni Seth sa ibabaw ng kanyang kama.Hindi lang bastabastang laptop iyon because it was the most expensive and the newest model. Kasalukuyan itong nasa Japan kasama si Tita Monta at Jirou para bisitahin ang mga kaanak ng namayapa nitong ama kaya ipinadala na lamang nito ang regalo nito sa kanya. Naging customary na sa kanilang dalawa ang magpalitan ng regalo kapag may espesyal na okasyon ayon na rin sa udyok at pamimilit ng kani-kanilang mga magulang. Pero laptop? Ano naman ang maibibigay ng isang tulad kong thirrteen year-old student para tumbasan ang ganito kamahal na regalo? Inihagis niya ang katawan niya sa kanyang malambot na kama. Saka bakit laptop? Noon naman, chocolates and flowers lang ang binibigay niya. Kinapa niya sa ilalim ng unan niya ang isang velvet box at binuksan iyon. Napasimangot siya. A navy blue handkerchief was laying comfortably there. Panyo na tinahian niya ng pangalan nito ang balak niyang ibigay dito. The hankie maybe a bit expensive but it couldnt par with his gift. Eh, anong magagawa niya? Iyon lang ang kaya niyang ibigay dito mula sa natira niyang allowance. Sinubsob niya ang mukha niya sa unan. Theres no way Id give this to him Kahit pa iyon ang unang pagkakataong bibigyan niya ito ng regalo. Wala naman ito sa bansa. Magdadahilan na lang siya kung bakit wala siyang regalo rito. Tutal, ilang minuto na lang din naman ay hindi na Valentines Day. Matutulog na lang siya. Oy. Pupungas-pungas siya nang may marahang tumapik sa kanyang balikat. Hmm? Wake up. Seth? Bigla siyang napabangon at maang na napatingin sa binatilyo. Nakatayo ito sa harap niya habang may bitbit na isang bouquet ng pulang rosas at isang basket ng chocolates? He looked dashing in his red polo with the first three buttons undone. His brown hair looked messier than usual but it still suited him. And he looked so wasted yet cute. Panong Di ba nasa Japan ka? Pinatong nito ang mga dala nito sa side table. Obviously, Im not. Tinabig nito ang paa niya at umupo sa gilid ng kanyang kama. Sinulyapan nito ang relong-pambisig nito. I made it in time. He turned to her. Happy Valentines Day. Nahihiya man ay inabot na din niya ang regalong hinanda niya ito. Yumuko siya. Alam niyang hindi siya magaling manahi. Ang baba nga ng grade niya sa Home Economics class nila. Siguradong siyang pipintasan nito ang regalo niya, lalaitin ang sewing skills niya, pagtatawanan Thank

you, Misha. Then, he smiled Wasnt it the night when she realized she was in love with Seth? Thats Enji and his beloved best friend Shiza. Natauhan siya ng umupo sa kanyang tabi si Gelo yong member ng Marusen Wolves na parang alikabok sa paningin ni Ate Kai. Nilingon siya nito. Napansin ko kasi na kanina ka pa nakatingin don sa mag-best friend. Napayuko siya. May naalala lang kasi ako sa kanila. Oh. Tumangu-tango ito.Anyway, gusto kong personal na humingi ng apology sayo. Ako ang nagsimula ng gulo kaya ka tinamaan ng bola. Kahit si Kai ang naghagis ng bola, ako pa rin ang dahilan niyon kaya wag ka sanang magalit sa kanya. Pasensya na. Okay. Ngumiti siya. Ganyang-ganyan din ang sinabi ni Ate Kai. Na huwag kitang sisisihin, makahulugang sabi niya. Nagkibit-balikat lang ito. Mayamaya ay pumatak ang ulan. Misha, sumilong muna tayo sa locker room, aya ni Gelo sa kanya. Tumalima siya. Nakasabay nila sa pagtakbo sina Enji na isinaklob pa ang jacket nito sa ulo ni Shiza. Pagdating sa locker room ay nagtama ang mga mata nila ni Seth. Kumabog na naman ng mabilis ang puso niya kaya nag-iwas agad siya ng tingin. Naroon din sa kuwarto ang ibang miyembro ng Marusen Wolves. Lumapit siya kina Ate Kai at Sean at nakipagkuwentuhan muna sa mga ito. Nakaupo sila sa monobloc chair na malapit kay Seth. Nararamdaman niyang nakatingin sa kanya ang binata kaya hindi siya lumilingon sa direksyon nito. Mukhang ayaw namang makisama ng panahon sa kanya. Lalong lumakas ang ulan sa labas, dahilan para manatili sila doon ng mas matagal. Napakadilim ng kalangitan indikasyon na hindi agad matatapos ang ulan. Napapapiksi na lang siya kapag gumuguhit ang kidlat sa kalangitan at dumadagundong ang kulog. Takot siya sa mga iyon. Then suddenly, the lights went off. Nagkagulo nang biglang pabirong magtilian ang ilang miyembro ng Marusen Wolves. Nagkantiyawan ang mga ito. Habang siya naman ay nanigas sa kinauupuan niya. Bigla kasi niyang naalala ang horror movie na pinanood nila nina Mitto. Until a warm hand enveloped hers. Nilingon niya ito si Seth. Kahit madilim ay naaaninag pa rin niya ang guwapong mukha nito. And damn, the darkness of the room gave him a mysterious aura which made him look sexier. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa kanya. He probably went to her side because he knew she was afraid of lightning and thunder plus the dark. But not anymore. She felt so safe now that he was holding her hand. Mayamaya ay naramdaman niya ang pagsusulat nito sa kanyang palad gamit ang isang daliri nito. Naintindihan niya agad ang unang salitang nabuo sa mga letrang iginuhit nito. Scared? Ginaya niya ang ginawa nito nagsulat din siya sa palad nito gamit ang kanyang daliri. No. Gelo. Marahil ay

tinatanong nito kung bakit sabay silang pumasok ni Gelo sa loob ng locker room kanina. Apologize. Matalino si Seth kaya sigurado siyang maiintindihan nito na lumapit sa kanya si Gelo para mag-apologize. Mayamaya lang ay nagkaroon na sila ng sariling mundo. Panaka-naka naman ay sumasagot pa rin siya sa kuwentuhan nina Ate Kai at Sean pero mas na kay Seth pa rin ang atensyon niya. Dinner.Out. Natigilan siya. Was he asking her out? Nagrigodon naman ang puso niya. Muli niyang naramdaman ang pagsusulat nito sa kanyang palad. Kids. Oh. So kasama nila sina Mitto at Jirou. Hala. Ano ba ang inaasahan niya? Libre? Nagulat siya sa sunod na ginawa ni Seth. Binitawan nito at kamay niya at itinapat nito ang bibig sa kanyang tainga at bumulong. Of course. Tumaas ang balahibo ng kanyang leeg na tinamaan ng mainit nitong hininga. And she hitched her breath when she felt his soft and warm lips against her cheek. He kissed her! Bago pa siya makapag-react ay bumukas na ang mga ilaw kasabay ng palakpakan ng makukulit na miyembro ng Marusen Wolves. Maang na napatingin siya kay Seth. Ngayong maliwanag na ay nakikita niya ang kakaibang kislap sa mga mata nito. Binigyan siya nito ng tipid na ngiti. At ganon-ganon lang, sumuko na ang puso niya. She had been trying to hate him for years after what he had done to her but still, she ended up loving him more. Dahil kahit kailan naman ay hindi nawala ang pagmamahal niya para sa binata. Pilit lang niyang itinago sa kasuluk-sulukan ng kanyang puso. But now, she could no longer hold it back. Mahal niya si Seth. NAPAPIKSI si Misha nang pasalampak na umupo si Sean sa kanyang tabi. Kasalukuyan silang nasa opisina ng FearlessMan. Pagsasamahin na kasi nila ni Sean ang mga articles na ginawa nila para sa kanilang sports feature tungkol sa Marusen Wolves. Sean. Anong nangyari sayo? Kasalanan ito ni Sawada, paungol na sabi nito. He greeted me this morning! At bukod sa tinanguan na niya ko, tinawag pa niya ko sa apelyido ko bilang pagbati. Whats wrong with that? Its creeping me out! Hindi ako sanay na umaasta siya bilang normal na tao. Wala tuloy akong maipintas sa kanya. Nangalumbaba ito. Kung hindi niya lang ibubuka ang bibig niya, madali naman siyang pakisamahan. So have you fallen in love with him? biro niya rito. Naningkit ang singkit na nitong mga mata. Funny. Tumitig ito sa kanya at biglang sumeryoso. Misha, about don sa sasabihin ko sana after the match Napasinghap siya nang mapatingin sa kanyang relong-pambisig. Tumayo siya at agad niyang niligpit ang mga gamit niya. Oh no. Male-late na ko. Susunduin ko pa ang kapatid ko, eh. Binalingan niya si Sean. Ano nga pala yong sasabihin mo mo? Umiling ito. Next time na lang. Okay. Ah, naipasa ko na nga pala sa e-mail mo

yong article ko. Sabi mo naman ikaw na ang mag-e-edit non, di ba? Pakitawagan na lang ako kung may tanong ka. Bye. Okay. Ang totoo niyan, kaya siya nagmamadali ay dahil kasama niya si Seth sa pagsundo sa mga bata. At mamamasyal pa sila sa mall pagkatapos. Hinayaan na niya ang sarili niyang mahalin si Seth. Tutal naman ay wala nang dahilan para pigila ang damdamin niya. Katulad ng sinabi niya noon kay Seth, hindi siya dapat makulong sa nakaraan. Pinatawad na niya ang binata sa mga nagawa nitong kasalanan. Sana lang ay magtuluy-tuloy na ang mga magandang pagbabagong nakikita niya rito Stay away from Misha, witch. Natigilan siya nang marinig ang malamig na boses ni Seth. At tila nanigas siya nang makita ang eksenang iyon Seth had pinned Mami on the wall. Bakas ang matinding takot sa mukha ni Mami habang umiiyak. I dont want to see you near her again. Better yet, dont you show your face here again, pagbabanta ni Seth sa galit na boses. Let her go, Seth! Chapter Nine SABAY napalingon sina Seth at Mami kay Misha. Ang sabi ko, pakawalan mo si Mami! galit na utos niya kay Seth. Tumalima si Seth. But his face was once again void of emotions. Agad namang tumakbo ang lumuluhang si Mami. Sinubukan niya itong pigilan pero natigilan siya sa mga sinabi nito nang mapadaan sa kanyang harapan. I hate you, Misha. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Muling bumalik sa kanyang ala-ala si Jury. Naulit na naman ang nangyari noon at muli ay kagagawan iyon ni Seth. Misha Anong nangyari Seth? Akala ko ba nagbago ka na? sansala niya sa sasabihin nito. Naniwala ako na kaya mong magbago. Pinatawad na nga kita sa mga kasalanan mo noon kahit na hindi ka pa humihingi ng tawad. Pero anong ginawa mo? Niloko mo lang ba ko para muling saktan? Nanatili lang itong walang imik. May isang parte ng isip niya na naghihintay ng paliwanag nito. Dahil alam niya, may isa ring bahagi ng isip niya ang hindi naniniwalang magagawa ni Seth na lokohin siya at sirain ang pangako nito. Pero ang pananahimik ba nito at tila kawalan ng interes para magpaliwanag ang nagpapatunay na ang nakita at mga narinig niya ang katotohanan? Naramdaman niya ang pangingilid ng kanyang mga luha. Are you even human, Seth? Paano mo nagagawang manakit ng ibang tao? Siguro nga hindi dapat ako naniwalang kaya mong magbago. Dahil cyborg ka na naka-program para paulit-ulit akong saktan. Come on, Seth! Magsalita ka naman! Sabihin mong mali ako! Sabihin mo lang na mali ang pagkakaintindi ko sa nakita ko, makikinig ako. Still the same reaction cold eyes, blank look, painful silence. And she felt like she was already

losing him. "What happened? Bakit hindi ka nagsasalita? she asked in frustration. Did I touch a nerve? Oh sorry. Insensitive robots don't have nerves; they have circuits and all these connecting wires. So, did I grill a circuit?" Its exactly as it looks like, Misha. Then he started to walk away. Parang nadurog ang puso niya sa mga sinabi nito. Itinakip na lang siya ang mga kamay sa kanyang mukha nang maramdaman ang pagpatak ng kanyang mga luha. This was the prize of falling in love with a cyborg. AH! Home sweet home! Isang matipid na ngiti lang ang ibinigay ni Misha sa kanyang ina. Kauuwi lang nitong galing Paris at nakauwi na rin sila sa kanilang sariling bahay. Baby, I missed you so much! masayang sabi ng kanyang ina habang yakap-yakap ng mahigpit si Mitto. I missed you, too, Mom. Siya naman ang binalingan ng kanyang ina. Halika nga rito, Misha. Lumapit siya rito. Pagkatapos ay mahigpit siya nitong niyakap. What happened, princess? Bakit malungkot ka? May nang-away ba sayo? Nagugtom ka ba? Nag-break na ba kayo ni Seth? Mommy naman, paungol na saway niya rito. Lets not talk about him, okay? Ay, ganyang-ganyan din ang drama ni Seth. Hinawakan siya ng kanyang ina sa magkabilang balikat niya at pinag-aralan ang kanyang mukha. Nagaway ba kayo? Ang sabi ng Tita Monta mo, nagpunta daw si Seth sa Japan. Natigilan siya. Kaya pala nitong nakaraan ay hindi niya napagkikita si Seth ay dahil nagpunta pala ito ng Japan. Hindi man lang nagpaalam sa kanya. Lalo tuloy sumama ang loob niya sa binata. Okay. Change topic na lang tayo. Im so proud of you, my daughter. Masuyong hinalikan pa siya ng kanyang ina. Nabasa ko ang mga literary works mo na inilalathala sa university niyo. Ang galing mo, anak. Kaya huwag kang mag-alala, simula ngayon, hinding-hindi ka na namin pipiliting i-take over ang negosyo natin. Binalingan nito si Mitto na kasalukuyang umiinom ng strawberry juice habang nanonood ng TV. Si Mitto na lang ang ite-train namin ng daddy mo. Parang gusto niyang maiyak sa sobrang saya. Thank you Mommy. Pero pano niyo po nabasa ang mga gawa ko? Pinadala samin ni Seth. Napasinghap siya. You heard me right, Misha. Habang nasa Paris ako, pinapadala niya sakin ang kopya ng mga literary works mo. At bukod don, parati rin niya binabanggit sa mga e-mails at text niya sakin kung gaano ka kaseryoso sa pagsusulat ngayon. Kaya nakumbinsi niya kami ng daddy mo para hayaan ka na namin sa gusto mo. And at the same time, na-realize din naman ng ama mo na mali ang ginawa naming pamimilit sayo. Were really sorry, anak. Niyakap lang niya nang mahigpit ang kanyang ina. Nagbabadya na namang pumatak ang kanyang mga luha. Bakit ba nadadagdagan pa ng dahilan para lalong mahulog ang loob niya kay Seth gayong gusto na niya itong kalimutan?

Sige, Mommy. Papasok na pa ko sa school. Humalik siya sa pisngi ng kanyang ina. Pagkatapos ay kay Mitto naman siya nagpaalam. Paalis na siya nang makaramdam ng uhaw. Painom nga, Mitto. Akmang iinumin na niya ang strawberry juice nito nang pigilan siya nito. Ate, nakalimutan mo na namang allergic ka sa strawberry. Natigilan siya. oo nga pala. Allergic siya sa stwaberries. Isang ala-ala ang nagbalik sa kanya. Misha, strawberry juice na lang ang mayroon Mabilis na inagaw ni Seth ang hawak ni Sean na canned juice. Ill take this as a compensation for wasting my time, mongrel. Posible kayang alam ni Seth na allergic siya sa strawberry kaya nito inagaw non ang juice na binili ni Sean para sa kanya? Nakakainis ka naman, Seth. Bakit wala ka dito para kumpirmahin ang lahat ng to? Hindi niya inaasahan kung sino ang sumalubong sa kanya sa gate ng Harusen University si Mami. Agad niya itong nilapitan. Isang linggo rin itong hindi pumasok sa eskwelahan kaya nag-aalala talaga siya para rito. Mami, how are you? agad na tanong niya rito. Tipid na ngumiti ito. Im fine, Misha. Mami, gusto kong magtapat ka sakin. Humugot siya ng malalim na hininga. Ano ba talaga ang nangyari sa pagitan niyo ni Seth? Nararamdaman ko kasi na may dahilan kung bakit ganon ang naabutan kong eksena sa pagitan niyo. Pasensya ka na sa tanong ko. Its just that Its okay, Misha, sansala nito sa kanya. Iyon din naman ang dahilan kung bakit ako nandito sa harap mo. Ang magpaliwanag. Iginiya siya nito sa KopeeBook. Doon ito nagsimulang magkuwento. Misha, the truth is matagal ko nang alam na fiancee ka ni Seth. At iyon ay dahil matagal na kong may gusto sa kanya. Siya ang dahilan kung bakit dito ako nandito sa Marusen University. Noong nasa high school kasi ako, iniligtas niya ko mula sa mga bully. I realized he was a good person despite his tough exterior. I fell in love with him after he saved me. Nasaktan ako nang malaman ko ang tungkol sayo. Nagalit din ako nang nalaman kong nag-transfer ka dito sa Marusen. Pakiramdam ko kasi, inagaw mo sakin ang pagkakataon para mapalapit kay Seth. Kaya ginamit kita. Yumuko ito para marahil maitago ang pamumuo ng luha sa mga mata. Nakipagkaibigan lang ako sayo para mapalapit ako kay Seth. Inakala kong nagtagumpay ang plano ko nang buhatin ako ni Seth papuntang clinic. Akala ko, napapansin na niya ko. Iyon pala ay ginawa niya yon para sayo dahil daw nangako siyang tatratuhin na niya ng maayos ang mga kaibigan mo. Atnang magtapat ako sa kanya, he immediately rejected me. Nagalit ako. Pinagbantaan ko siya na sisirain kita sa buong university at ipagkakalat ko ang tungkol sa relasyon niyo. Iyon ang dahilan kung bakit nasabi niya ang mga bagay na narinig mo nang araw na yon. Napasinghap siya. Kung ganon ay tama ang hinala

niyang walang masamang balak si Seth kay Mami. Baka nga may dahilan din ang binata kung bakit nagawa nito ang bagay na iyon kay Jury noon. Ang tanga-tanga niya. Ni minsan ay hindi niya tinanong ang side ni Seth. Katulad lang siya ng ibang tao na hinuhusgahan ito. Im sorry, Misha. Im really sorry. Tumayo na siya. Mami, kaya kong tanggapin ang apology mo. Pero sa ngayon, hayaan mo muna kong ayusin ang sarili kong problema. Misha! Nilingon niya ito. Puwede ba tayong maging magkaibigan uli? And this time, yong totoo na. Id love to, nakangiting sagot niya. Paglabas niya ng KopeeBook ay nasubsob naman siya sa dibdib ng kung sino. Misha? Nag-angat siya ng tingin. Sean. Sorry, hindi kita nakita. Nagmamadali kasi ako. Oh. Pupuntahan mo ba si Seth? Nakabalik na ba siya ng bansa? Napasinghap siya. Sean alam mo ang tungkol samin ni Seth? Nagkibit-balikat ito. I think everyone knows it. Wala lang naglalakas-loob magsalita. I mean, anyone can tell that Seths face always softenswhenever he looks at you. At sino namang tanga ang maniniwala sa pathetic excuse niya kung bakit ka niya binuhat at itinakas sa kalagitnaan ng match namin? Halos bumuga kaya siya ng apoy nong singhalan niya ang mga teammates niya non. Napakurap siya. Nahihilo na siya sa mga nalalaman niya tungkol kay Seth. Bumuntong-hininga si Sean. You know what? Sa interview namin sa kanya ni Kai, isang personal na tanong lang ang sinagot niya ang kanyang relationship status. Kumabog ng mabilis ang puso niya. And he said hes already engaged Misha! Where are you going? AGAD na nasamyo ni Misha ang bango ng kuwarto ni Seth pagpasok pa lamang niya doon. Malinis ang kabuuan ng silid. Halatang ilang araw na ring hindi nagagamit. Nagpunta siya doon dahil gusto niyang makahanap ng mga bagay na maaaring makapagsabi sa kanya ng tunay na nararamdaman ng binata habang wala pa ito para komprontahin niya. Nagulat siya nang makitang nasa ibabaw ng nightstand nito ang pinakamamahal nitong laptop computer. Ang alam kasi niya, bitbit nito iyon saan man ito magpunta. May kung anong malakas na puwersang nagtulak sa kanya para pakialamanan iyon. Habang hinihintay ang pagbukas ng laptop ay iginala niya ang tingin sa kabuuan ng kuwarto. Nahagip naman ng mga mata niya ang pamilyar na velvet box na iyon sa ilalim ng unan nito. Hindi nga siya nagkamali ng hinala sa kung ano ang laman niyon nang buksan niya it was the hankie she gave to him. Bakit hindi nito iyon ginagamit? Was it because he treasured it so much? Nasagot niya ang sarili niyang mga katanungan nang mabasa niya ang nakasulat sa maliit na papel na nakaipit sa panyo. The note said: This is the first gift Ive received from Misha. Damn. Im gonna keep this forever. Napangiti siya. If it wouldnt be

considered creepy, she had a feeling Seth would have probably had the handkerchief framed and hanged in his room. Hindi niya akalain na pahahalagan nito ang simpleng regalo niyang iyon. Maingat na ibinalik niya iyon sa ilalim ng mga unan. Then, everything seemed to stop when she saw the screensaver in Seths laptop it was a slide show composed of her pictures! Naitakip niya ang mga kamay sa kanyang bibig nang mapasinghap siya. Iyon ba ang dahilan kung bakit parating kasama ng binata ang laptop nito? Because it had her pictures? Naramdaman niya ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata. Mukhang ngayon pa lang ay nararamdaman na niya kung gaano siya kahalaga para kay Seth. Samantalang siya, inuna pa niyang intindihin ang galit ng ibang tao para rito kaysa ang subukin itong kilalanin. And worst of all, she pushed him away. Hindi bat parati siyang nakikiusap dito na itago ang relasyon nila? Ni hindi man lang niya naisip na maaaring nasasaktan na niya ito kapag halos itanggi na niya sa buong mundo ang relasyon nila. Parati niya itong iniiwanan. Kung iisipin, may kasalanan din siya kung bakit ito nagkaganon. Dahil isa siya sa mga taong nagpaparamdam dito na walang nagmamahal dito. She was so selfish. Misha, hija. Si Tita Monta yon. Naramdaman na lang niya ang pagyakap nito sa kanya ang marahang paghagod sa kanyang likod. Dont cry. Napahikbi siya. Tita Monta, ang sama ko po. Nasasaktan ko na po pala si Seth, ako pa ang may ganang magalit sa kanya. Its not your entire fault, Misha. Seths way of showing his affection towards you was way too subtle. Hindi mo kasalanan kung nami-misinterpret mo ang mga bagay na ginagawa niya para sayo. Tita do you know how Seth feels about me from the start? Tita Monta chuckled. Of course. Im his mother after all. Well, Ill tell you a little secret. Iginiya siya nitong maupo sa kama. Pagkatapos ay hinawakan nito ang kanyang mga kamay. Hindi totoo ang engagement niyo ni Seth. Biru-biruan lang namin iyon ni Sam. Hilig lang talaga naming tuksuhin kayo ni Seth noong mga bata pa kayo. But none of us took the engagement thing seriously. Napasinghap siya. At lalong humagulgol. Kung ganon, nong umpisa pa lang pala ay wala na talaga silang ugnayan sa isat isa. Was she really going to lose him? But you know what? When I gave Seth a position in our company, he declared to me and to your parents that he would marry you someday. Tumawa lang kami. But we can never forget the determination and sincerity we saw in his eyes when he said that. Masuyo nitong idinampi ang kamay sa kanyang pisngi para pahirin ang mga luha niya. Kaya nga namin tinutulugan si Seth na mapalapit sayo. But dont worry, malaya ka pa ring magdesisyon kung tatanggapin mo ang engagement niyo o hindi sa huli.

Were sorry for being nosy. Pinunasan niya ang kanyang mga luha. No, Tita. I should be thankful pa nga. Nang dahil sa mga natuklasan niya, nagkaroon siya ng panibagong lakas ng loob. Wala na ring saysay kung iiyakan niya ang mga naging pagkakamali niya. Ang kailangan niyang gawin ngayon ay ang bumawi. Just you wait, Seth. Chapter Ten TEAM, naiintindihan niyo na ba ang dapat niyong gawin? Yes, vice-captain! Naiiling na lang si Seth habang pinapanood ang lahat ng miyembro ng Marusen Wolves na kasalukuyang in-instruct ng vicecaptain niyang si Shiro. He knew it. He should have not asked for his teammates help. They were exaggerating every damn thing. All he wanted to do was to properly apologize to Misha. Kauuwi niya lang ng bansa. Nagpunta siya sa Japan para kausapin ang kanyang tito na umangkin sa CrossMix Corporation na pamana sa kanya ng kanyang ama. Nakipagkasundo siya rito na tutulungan niyang makabangon ang CrossMix it would merge with Moon Corporation. Iyon na lamang ang tanging paraan para maisalba iyon. Pero siyempre, sila ng kanyang ina ang mamamahala niyon. Bukod sa negosyo, nagkaayos na rin sila ng kanyang tiyuhin. Humingi ito ng tawad sa kanya. Wala na siyang nakapang kahit kaunting galit para dito kung kaya madali niya itong napatawad. And yes, he had regained his trust to other people. And it was all thanks to a certain girl. Kung hindi niya kinausap si Misha tungkol sa kanyang problema, hindi siya maliliwanagan. Malamang ay kinakain pa rin siya ng galit niya hanggang ngayon. At kung hindi rin dahil sa dalaga, hindi niya maiisipang magbago. Damn, how he loved that girl! Yeah. He was in love with Misha. Hindi nga lang siya nagkakaroon ng pagkakataong ipakita o sabihin iyon dahil na rin sa pakiusap nitong ilihim sa lahat na may ugnayan sila that he was his fiance, that she was his. But for the mean time, he needed to gain her forgiveness first. Alam niyang nasaktan niya ito dahil sa nakita at narinig nitong usapan nila ng kaibigan nito. Hindi niya makakayang hindi siya nito patawarin. Relax, Seth. Tinapik ni Shiro ang balikat niya. Misha will forgive you. Kami na ang bahala don. Tumango lang siya. You love her, dont you? Kunotnoong nilingon niya ito. You know? Ngumiti ito. We all know. Tumangotango siya. Is it that obvious? Weve never seen you this desperate before. Desperate enough to seek our help. Kahit naman siguro ang pinakamanhid na tao sa mundo ay mahahalatang espesyal sayo si Misha. Bumuntong-hininga na lang siya. Ayaw niyang pag-usapan ang nararamdaman niya para kay Misha gayong hindi pa nga niya iyon

nasasabi sa dalaga kung magkakaroon pa nga siya ng pagkakataong masabi iyon. She hated him after all. Pero kahit hindi na siya nito mahalin, matatanggap niya. Ang gusto na lang niya ay mapatawad siya nito. Sawada! Nalingunan niya si Kai kasama si Chua. Tinanguan niya ang mga ito bilang pagbati. Here. Inabot ni Kai sa kanya ang isang magazine. Their team was in the front cover. Salamat sa pagpayag na ifeature ng FearlessMan ang history ng Marusen Wolves. Though you really had to make it difficult, pabulong na reklamo ni Sean. Nagpalipatlipat siya ng tingin sa dalawa. Naalala niya ang ginawa niya sa FM noon. Kai, Sean, I apologize for insulting FM before. Im taking back my words. Your publication is great. Kai and Sean looked so shock. Maging ang mga kasamahan niya ay natigilan. Nagkibit-balikat na lang siya. Anyway, everyone, thank you for lending me a hand. I owe you all. Ni sa hinagap noon ay hindi niya naisip na darating ang araw na hihingi siya ng tulong sa ibang tao. Him, the renowned genius. Misha had really changed him in a good way. And everyone seemed to find it hard to believe. Nakakatawa ang pagkagulat sa mukha ng mga ito. Mamaya ay sabay-sabay umarte ang mga ito na parang naiiyak. May ilan pa ngang nagpunas ng imaginary na luha sa mga mata gamit ang panyo. Im so touched, Captain! Tao ka pala, Sawada. Captain, pa-kiss naman! Ten laps around the court! he barked at them. Tatawa-tawang nagsipulasan lang ang mga ito. Halatang hindi siya balak seryosohin. Akmang sisinghalan niya uli ang mga ito nang tumunog ang cell phone niya. Misha was calling him. Misha? Seth. Narinig niyang humugot ito ng malalim na hininga. I have questions for you. Can you answer them honestly? You didnt have to ask Ill do everything for you. Okay. About Jury what did she do? Nagulat siya sa tanong nito. Misha He heard her groan in frustration. Seth, please. I want to know the truth. Bumuntong-hininga siya. All right. That Jury girl the day you brought her to your house I caught her in act of stealing your jewelries.I confronted her. She told me everything that she only befriended you because she knew you came from a wealthy family. And because she knew you could give her anything she would ask of you if you were friends. I got really angry because she used you. She even tried to steal your things. I threatened her. Sinabi ko na kung hindi siya lalayo sayo kung hindi siya lilipat ng school ay patatalsikin ko ang ama niya na empleyado ng kompanya namin. Nanatili itong walang imik. But he could hear her tiny sobs. Damn. Of course she would cry! The truth was simply hurtful. Seth why didnt you tell me the truth? Dahil ba inakala mong hindi kita paniniwalaan? No! mabilis na tanggi niya. He could feel the pain in her voice. Mukhang iniisip nitong wala siyang tiwala

dito. Its just that I dont want you to feel the pain of your friends betrayal. Ayokong makita kang masaktan nang dahil nasira ang tiwala mo sa kaibigan mo. I dont want you to end up like me cynical and bitter. Sa pagkakataong iyon ay narinig na niya ang paghikbi nito. Is that the reason why you play the role of the villain? Para ikaw ang sisihin ko at hindi ako masaktan dahil sa pagtataksil ng mga taong tinuring kong kaibigan? Iyon din ba ang dahilan mo kung bakit hindi mo sinabi sakin ang nalaman mo tungkol kay Mami? Im sorry. Then why? Why did you have to do that, Seth? Bakit ginusto mong kamuhian kita kaysa ang maramdaman ko ang sakit ng mapagtaksilan? I want to protect you. Why would you want to protect someone like me? Lalong lumakas ang paghagulgol nito. Seth, Ive hurt you. Hinusgahan agad kita. Im just like everyone else. Thats not true, Misha. Kung nahusgahan mo man ako, kasalanan ko yon dahil sinadya kong lumabas na masama sa paningin mo. At hindi ka katulad ng ibang tao. Hindi totoo yan Hindi mo ko iniwan, Misha. And that alone proves that you are not like them. Natahimik ito. Nagpatuloy siya. When we were kids, I was really cold and distant to you. Naka-focus ako sa paghihiganti non. Madalas kitang nasusungitan. Alam kong natatakot ka na sakin pero hindi yon naging dahilan para lumayo ka sakin. Lalo ka pa ngang lumapit, eh. Parati mong sinasabi na galit ka sakin, but you still choose to stay by my side. And do you remember what you did during my fifteenth birthday? Of course I remember! You made me wait outside your room for one whole day! He chuckled. Yeah. And you were fucking sick that time, Misha. Ang taas taas ng lagnat mo pero hinintay mo pa rin akong lumabas ng kuwarto ko. Ni hindi mo man lang naisip na kumatok. Thats because I know you were busy with the game you were creating that time. Saka nasa ibang bansa sina Tita Monta at Jirou non at alam kong malungkot ka kaya nagtiis na ko. Tumangu-tango siya. When I saw you shivering while sitting on the floor and hugging yourself tight, I shouted at you for being stupid. But you just smiled at me and greeted me Happy birthday. And you know what? Something warm surrounded my heart that time. Thank you. Thank you for the warmth youve given me. Seth I want to see you smile no, I want to make you smile because you give me happiness, Misha. Thats the only reason why Im ready to do everything for you, or why I can be anything you want me to be. Hindi ito nagsalita at ang sumunod na narinig niya ay busy tone na lang. Pinagbabaan siya nito. Well, it was expected. He practically confessed to her! He probably scared her off. Damn! Ilang laps kaya ang magandang iparusa sa mga ka-team niya? Then suddenly, he felt slender arms snaked around his waist. The

warmth and the sweet scent were all too familiar. And his erratic heartbeat was enough to tell him who the person hugging him from behind was. Misha MAS hinigpitan ni Misha ang pagkakayakap niya kay Seth. Pagkatapos niyang marinig ang lahat ng sinabi nito sa cell phone, pakiramdam niya ay sasabog na ang puso niya sa sobra-sobrang pagmamahal na nararamdaman niya para sa binata ng mga sandaling iyon. She didnt know what she had done to deserve a man like Seth. His desire to protect her had pushed him to be a cyborg so he could just make sure no one would hurt her. He became the villain just to protect her, to protect her heart. Hindi nito ginustong maligaw siya ng landas tulad nito noon kaya mas pinili nito ang maging masama sa paningin niya. At base na rin sa matatamis na salitang binitawan nito kanina, nararamdaman niyang mahal din siya nito. Misha, everyone is looking at us. Ayos lang ba sayo na makita ka nilang nakayakap sa isang cyborg? True. All eyes were on them now. Umuugong na rin ang malakas na bulungan sa paligid. Nag-aalala ba si Seth na mangyari uli ang nangyari nong high school siya? She felt a prick in her heart. Kumalas siya rito. Seth, turn around. He did. She looked up at him. She saw pain and sadness in his beautiful almond-shaped eyes. Ganito ba parati ang mga mata nito sa tuwing sasabihin niyang huwag ipapaalam sa ibang tao ang ugnayan nila sa isat isa? Damn. She was so heartless. She cupped his handsome face in her small hands. Wala na kong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Mali ako na itago sa lahat ang relasyon ko sayo na para bang ikinakahiya kita. Im sorry, Seth. Im really sorry for being so insensitive. Hinawakan nito ang mga kamay niyang nakapataong sa magkabilang pisngi nito. Misha, I should be the one saying sorry here. May kung sino itong tinanguan sa kanyang likuran. Mayamaya ay lumapit sa kanya ang vice-captain na si Shiro na may dalang isang bungkos ng pulang rosas. Nakangiting inabot nito sa kanya iyon. Just so you know, si Seth mismo ang pumili ng mga bulaklak na yan, bulong nito bago bumalik sa mga kasamahan nito sa team. She turned to Seth. Nag-iwas ito ng tingin sa kanya pero hindi nakaligtas sa matalas niyang mga mata ang bahagyang pamumula ng mga pisngi nito. Thank you, Seth. Tumango lang ito. Marusen Wolves, fight! Fight! Fight! Nagulat siya nang marinig ang malakas na pagtsi-cheer na iyon ng mga miyembro ng Marusen Wolves. Mayamaya lang ay nakapila ang walong regular members ng tennis team na nakasuot ng pulang T-shirt. Ang iba ay malapad ang ngiti, ang iba naman ay seryoso pero kumikislap ang mga mata. Misha. Our captain here has something to tell you. Si Sax iyon, ang pinakamaliit sa team. Ready, team? Ready! I! sigaw ni Sax

sabay talikod habang nakapamaywang. Nagtaka siya nang makita ang malaking letrang I na nakasulat sa likod ng T-shirt nito. Ganon din ang ginawa ng mga sumunod isisigaw ang letrang nakasulat sa likod ng mga ito baka tumalikod. L! O! V! E! Y! O! U! Napasinghap siya nang tuluyan nang nakatalikod ang lahat ng regular members ng Marusen Wolves. Ngayon ay malinaw na ang mensahe. I love you. Damn you, guys! I asked for your cooperation so I could apologize here, not to confess! galit na sigaw ni Seth. Tatawa-tawang nagsipulasan lang ang mga Marusen Wolves na pinaulanan pa sila ng mga tukso habang tumatakas. Uuy si Captain, lumalablayp! May hormones ka pala, Captain? Im rest assured now. I thought you were gay, Seth, biro ni Shiro habang kinukuha mula sa kanya ang mga bulaklakbaka daw makasira sa moment nila. Tinapunan ito ng masamang tingin ni Seth. And I even thought you like me. Isang malutong na mura ang isinagot ni Seth sa pang-aasar ng vice-captain nito na tinawanan lang ng lahat ng miyembro ng Marusen Wolves nanonood pa rin ang mga ito, sa bleacher nga lang para hindi maabot ng galit ni Seth kasama ang ilang writers ng FM. Siya naman ay natawa na lang. Doon siya binalingan ni Seth. At sa pagkakataong iyon, hindi na nito naitago ang pamumula ng mga pisngi nito. He really looked so adorable. Hindi tuloy niya napigilang kurutin ang mga pisngi nito. Relax, Seth. I forgive you, okay? natatawang sabi niya. Thank you. And about that Hmm? Hinawakan nito ang mga kamay niyang nakikialam sa mukha nito. Hindi ko alam kung ay lugar ako sa puso mo. And I don't even know what I mean to you. All I know is every time I think of you, I want to be with you. Aisheteru, Misha. She smiled lovingly at him. I know. And I love you, too. Bumakas ang gulat sa guwapong mukha nito. Then he smiled as his almondshaped eyes sparkled with all the love he had for her. Hindi totoong engaged tayo but I want us to be an official couple. He hugged her tight and carried her up which made her squeal in surprise. So will you be my girlfriend? Her hearts heartbeat skyrocketed. Id love to! Tumawa ito marahil sa sobrang tuwa. While laughing, he suddenly swinged her around as she giggled with him. Misha, puwede bang wag kang masyadong malapit kay Chua? tanong nito nang ibaba na siya sa lupa. Hindi niya alam kung matatawa o kukunot ang noo. Wait. Are you jealous of Sean? Kaya ba madalas mo siyang pag-initan? Cant help it. He was openly showing his affection towards you while I cant. Pabirong pinalo niya ito sa dibdib. Para lang kaming magkapatid, no! She giggled. I didnt know logical people like you could get jeaolus. Jealousy functions best without the interference of reason. Of course. Youre a genius and if

you justified something, then youre right. Ngumiti lang ito. Misha, hindi ko matanggap yong sinabi mong cyborg ako na naka-program para paulit-ulit kang saktan, he said while gently tucking her haid behind her ear. Im a cyborg programmed to love you even after all the circuits and the connecting wires inside me were grilled. Natawa na lang siya habang pinipigilan ang maluha sa sobrang saya. Sa lahat naman ng cyborg, ikaw ang pinakaguwapo at pinaka-sweet, pakikisakay niya sa kalokohan nito. Suddenly, she became aware of the intensity of his gaze. His face descended towards hers. She was about to close her eyes and accept his kiss when their audience suddenly decided to interrupt them. Oy! May mga bata dito! Siguradong trending to sa Marusen World! May bagong banner na ang magazine ng FM! Everyone, five laps around the globe! Now! -WAKAS-

You might also like