You are on page 1of 1

Magpuri at Magpasalamat (Isang awit ng pusong lubusang nagagalak) -Alexis P.

Atienza

Luntiang kabundukan Nalalatagan ng mga umiindak na halaman Sa saliw ng musika na nilikha ng simoy ng hangin Sinasabayan pa ng kumpas ng mga ibong malayang lumilipad sa kalawakan At sa tubig na ma'y bughaw na tubig Na mayroong mga bituing nagkikislapan Tunay na nakagagalak pagmasdan Sadyang kahanga-hanga Kanyang mga ginawa Purihin at sambahin ang D'yos na dakila Siyang nagbibigay ng tunay na biyaya Sa ating lahat na sa Kanya'y nagmula Ano mang tigas ng bato ay madudurog din Sa pamamagitan ng matimyas Niyang pagmamahal Sa mga pusong naliligaw Siya ay lakas at gabay sa paglalakbay Dito sa mundong iginuhit sa iba't-ibang kulay ng buhay Walang ibong makakalipad Walang isdang makalalangoy At walang taong makakalakad Kung hindi dahil sa Kanyang pagpapala Kahit nilikha Nya'y naliligaw ng landas Siya'y handing magbigay liwanag Upang ituro tamang landasin Na ninanais Niya para sa atin Kahit mabigat ang ating pasanin Siya'y handang tumulong at umalalay sa ating tiisin Magalak at magdiwang Sabay-sabay na umawit ng pagpupuri at pasasalamat sa Panginoon Sumabay sa himig ng alpa at plawta Saliwan ng masasayang indak ang tugtog ng tambol Luwalhatiin at dakilain ang Panginoong hari magpakailanman. Amen.

You might also like