You are on page 1of 633

DO NOT PLAGIARIZE. PROPERTY OF SHUPERSHIMMER @ WATTPAD.COM Dedicated to all my readers and friends here on watty.

Have a nice reading, darling!

www.shupershimmer.weebly.com www.facebook.com/shupershimmer ALL RIGHTS RESERVED (c) 2013

PROLOGUE

"Wag... wag ka munang bumitaw, please." Naramdaman kong bigla ang pagtulo ng luha niya sa damit na suot ko. Hinigpitan niyang lalo ang pagkakayap at ibinaon niyang maigi ang mukha sa dibdib ko.

"...."

"You promised me, right? You promised me that you'll always stay at gagawin mo ang lahat. You proved it to me... maraming beses na. You almost waste your life nang dahil lang sakin. Then you'll leave? Nakapa-unfair mo... How co---could you? You're the only person who brought hope into my life. Kung iiwan mo ko... baka... baka..."

"No, I'll never do that... never. Dahil iiwan lang kita, pag sinabi mong iwan na kita. Lalayo lang ako pag sinabi mong layuan kita. At kahit pa di mo sabihin sakin na manatili ako sa tabi mo, magkukusa ako na gawin iyon. Kahit sabihin nilang ikaw ang pinaka-stupid na tao, it's alright. Dumb, stupid, idiot, damn... or whatever na itawag nila sakin dahil sa nararamdaman ko sayo, I'll accept it. Cause I know... you're the best damn thing... na nangyari sa buhay ko."

Sa tanang buhay ko, ito na yata yung first time na maka-encounter ako ng kakaibang klase ng babae. Well, not literally kakaiba like aliens or whatsoever.

It's just that, she puzzles me. Everything about her is sort of, puzzling.

She was rude. She didn't care what other people say as long as she lived her life the way she wanted. Walang paki sa nangyayari at walang concern sa earth. Rude, right?

She was fierce. Oo, palaban in other word! Maski ako nakatikim ng pagka-fierce niya. She was a bit threatening to many.

She was a black sheep. Let us say, kinahihiya siya ng family niya due to her weird actions. Masakit yun, right? To be treated like a dump? But like I said, she didn't care!

Somehow, she still has a heart but the problem is, she doesn't know how to use it. Hindi niya alam kung ano ang tama sa mali dahil akala niya, wala na siyang nagawang tama. She didn't dare to use it though. Ang tanging alam niya lang ay...

Nasasaktan siya.

Nanghihina. At Umiiyak.

Dahil hindi naman kasi lahat ng nakikita niyo ay totoo. She used to be like that just to hide the pains, mistakes and fears she couldn't bare.

BUT THAT WAS HER PAST.

Gusto ko siyang magbago. Gusto ko siyang pasayahin. Gusto ko lagi ko siyang kasama. Gusto ko siyang makita na nakangiti. Pero ang totoo, hindi ko matukoy kung bakit ba gustong-gusto kong gawin ang mga yan sa kanya. Siguro kasi, unang beses palang, iba na. Argh! Ang labo. Nakakabakla naman yung mga sinasabi ko! >_< But...

Can I possibly change her? Can I make her smile? Can I give her a purpose in her miserable life? Can I... Can I change her anger into love? Siguro? Baka? Ewan!

Dahil sa tingin ko, habang tumatagal na nakakasama ko ang tulad niya, at tinutulungan siya, I feel

something weird in my upper left chest, you know? That's more weird! Di ko na maintindihan ang nagyayari eh! Sabihin niyo nga sakin! Bakit daig pa ng puso ko ang kabayo sa sobrang bilis ng tibok?

I'm afraid but I can't help it, really. Maybe I am emotionally FALLING?

I don't know. But this girl... is the BEST DAMN THING:

That my eyes have ever seen. That my ears have ever heard. That my arms have ever touched. That my lips have ever kissed. That my life has ever lived with.

HBDT//Kabanata 1

Pumara yung kaklase ko ng isang jeep at doon sumakay. Actually kagagaling ko lang sa group practice. Naglakad na ako mag-isa since malapit na lang ang bahay ko rito. Tumingin ako sa relo, 10:15 PM na pala, for sure lagot na naman ako kay mama! Worried yun lagi pag ginagabi ako eh, as if naman na grade school parin ako? Tch.

Kalmado lang akong nakikinig ng music gamit yung headset na nakakabit sa ulo ko habang nakapamulsa at naglalakad sa isang strreet. Actually, may isang situation na kumuha ng attention ko while walking. It was a girl and 2 boys tapos ay para bang hinihigit nila yung babae at more on pinipilit nila. Mga mukhang chonggo yung guys, at ooops, kawawa yung babae.

I removed my headset to listen to their argue. Medyo malayo naman ako eh at nagtago ako sa gilid ng isang van.

"I said let go of me! Kulit ng lahi niyo ah!" boses nung babae yung narinig ko. Dagdagan niyo pa ng pananakot sa boses niya. *HBDTbyShupershimmer*

"Wag ka ng makulit sabe! Gusto kang makita ni boss!" sabi nung isa.

"I dont fcking care about it. Get lost kung ayaw niyong masapak ko kayo isa-isa!" Feeling ko kinilabutan ako sa boses nung babae. Akala mo nanumpa talaga eh, kulang nalang kulog at kidlat para may effects. Nakakatakot naman siya magbanta.

"Sumama ka na sabi eh!"

"Ayaw sabi!"

Nakita kong pinagtulungan na nila yung babae na buhatin at dahil pakiramdam ko ay tinatawag ako ng konsensya ko, nagpakita ako sa kanila. Hinawakan ko yung braso nung isang lalaki tsaka inalis sa kamay nung babae. Ayoko ng gulo, swear.

"Sinabi niyang ayaw, diba?" sabi ko sa kanila.

"Aba, sino ka naman?"

"No need to know my name, okay? Pakawalan niyo siya, inaano ba kayo at nananakit kayo ng babae?" sabi ko sa kanila pero pinagtawanan ako. Mga loko to ah! Naku, sawsaw ko kayo sa suka e!

"Hoy bata, kung ayaw mo masaktan lumayo ka. Kilala kami ng babaeng to kaya wag kang magalala, hinahanap lang siya ng boyfriend niyang si boss!"

Nagulat ako nang sinapak nung babae yung lalaking kasasalita lang. *HBDTbyShupershimmer* What the!? Grabe naman tong mga nakikita ko ngayon! Katapusan na ba? Bumaligtad na ba talaga ang Earth at babae na ang nanununtok? Jesus!"

"Aray naman!" sabi nung sinuntok na lalaki. Dapat ko pa yatang kaawaan yung sinuntok e, imbes na yung babae? Tss!

"Layas! Kung ayaw mong madagdagan yan!" tapos she pointed at the other guy, "Ano?! Gusto mo ring makatikim!?"

Parang mga dagang nakakita ng malaking pusa yung mga kupal kaya nagsitakbuhan. Haha! Duwag! Nung makalayo sila ay ako naman ang tinignan nung babae. Tinindigan ako ng balahibo. Jusko po! Nakakakilabot naman siya! Wag naman sana niya akong suntukin! I'm the one who's such a good Samaritan here!

Her eyes are fearless. So fiercenakikita kong malungkot siya. Bakit kaya?

Tumalikod siya at naglakad. Pinagmamasdan ko lang siya habang papalayo pero naalala ko, gabi na ngayon. Delikado sa isang babae ang naglalakad mag-isa nang ganitong oras. Pero mas delikado yata kung may makasalubong kang ganyang babae sa kalye.

Hinabol ko siya tapos tinawag ko, "Miss..."

*HBDTbyShupershimmer* Huminto siya pero hindi lumingon, "If... if you don't mind, hahatid na lang kita sa bahay ninyo. Saan ka ba nakatira? I'll just get my Dad's car tutal malapit lang naman yung baha---"

"Di ko kailangan ng driver." sabi ko nga eh. She's so prank!

Naglakad siya pero ewan ba! Nag-aalala ako baka kung ano mangyari sa babaeng ito kaya pinigilan ko ulit siya. O sige! Ako na makulet. Pero concerned handsome lang naman ako.

"Ano ba!" Humarap siya, galit na galit. Napalunok naman agad ako ng laway dahil dun! Kalalaki kong tao, takot sa babae, yuck. Kakaiba kasi to, parang nangangain.

"Woah~ Sorry to disturb pero

Di ko naituloy yung sasabihin ko kasi biglang tumulo ang mga luha sa mata niya na parang kanina lang ay galit. Humarap siya sa kabilang side at pinipilit pigilan yung luha.

She's so weird!

"Teka, bakit ka umiiyak?" She didn't answer. Para naman akong nakikipag-usap sa ewan!

She looks so pale tapos medyo magulo ang buhok niya. *HBDTbyShupershimmer* Mahangin siguro kanina? Nabigla ako nung humawak siya sa dibdib ko, shet! Tinayuan ako ng balahibo dun ah. Parang kinuryenta ang nerves ko! Maya-maya humigpit yung hawak niya sa uniform ko... pababa... tapos napapikit siya at laking gulat ko nung nawalan sya ng malay!

HALA!

Ang lakas naman ng kamandag ko, de joke! >:D

"Miss! Miss?! Hala! Uy! Ano nangyari sayo?" Sinalo ko siya gamit yung isa kong kamay tapos tinapik-tapik ko ang pisngi niya. Lagot! Yari naman ako dito!

Naghanap ako ng place na paglalagyan tapos nakakita ako sa di kalayuan ng isang pavement tapos binuhat ko siya at nilapag doon. Natataranta naman ako rito! Baka sisihin ako ng mga pulis na ako ang may kasalanan dito?! Ayoko makulong!

Alam ko na... tatawagan ko yung kaibigan ko... tama!

*Calling....*

"Oh, napatawag ka? Gabi na ah." sagot nung tinawagan ko. Natataranta ako!

"Gab, pa--paano ba gagawin pag may nahimatay?! Dali! Sagot agad!" tanong ko.

"Teka! Teka! Bat mo natanong? May nahimatay ba sa inyo?" HINDE. WALA. Tsk!

"Pwede ba sagutin mo tanong ko! Magaling ka naman sa Science diba!? Kaya dapat alam mo 'to!" Sobrang nagpa-pant na ako. Hanggang ngayon kasi di pa siya nagigising. Pawis na pawis pa siya. Pero ang ganda ng pilik mata niya, at ang haba ng leeg. Shet, ayokong titigan! >.<

"Eh, i-make sure mo na nasa wide area kayo. Yung makakalanghap siya ng hangin." sabi ni Gab. Mukha naman akong tanga na tumingin sa paligid namin.

"Oh tapos?" nasa wide area naman kami eh.

"Kapain mo yung pulso niya, try mo kung may beat pare." Ginawa ko naman yung sinasabi niya. Hinawakan ko yung wrist niya at taimtim na dinamdam yung pulso. Ang lambot ng kamay-- erase! erase! May beat naman kahit paano.

"Okay na, may beat naman eh, ano na gagawin ko? Pawis na pawis siya eh, parang may sakit."

"Hubaran mo, pare."

Halos mabitawan ko yung cellphone ko sa sinabi ni Gab. Langya! Nagloloko ba siya? Pwes, hindi nakakatawa. *HBDTbyShupershimmer*

"Hubaran!?" Pasigaw na tanong ko. Eh sa nakakagulat eh!

"Slow lang pre? May iba bang meaning ang 'hubaran' hah?" sagot naman niya.

"Gago ka ba? Anong hubaran? Babae itong nahimatay, Gab! Babae! Respeto naman sana, ano? Pwede ba, seryoso ako pre."

"Seryoso ako! Ganun ang ginagawa pag sobrang di makahinga, hinuhubaran ang victim para maloose sa katawan ang shirt na nagpapasikip sa lungs. Maganda ba? Hehe! Tsansing tsansing din!" narinig ko pang nag-giggle siya, tsk. Loko-loko talaga! Wala akong mapapala rito!

"Bahala ka nga!"

Binaba ko yung tawag at tinignan yung babae na nakahiga sa pavement na walang malay. Tinignan ko yung damit niya. T-shirt tapos may suot na blazer, siguro naman kahit yung blazer

lang yung tanggalin ko, ok na. Para naman makahinga siya nang maluwag? Blazer lang naman e,

*gulp*

Napalunok muna ako bago ko hinawakan yung butones nung blazer niya. Pati ako pinapawisan. Jusmiyo naman! Di naman masama yung gagawin ko diba? Walang masama sa paghubad ng blazer... tama. Wala! Imaginin ko na lang na nagbabalat ako ng saging. What the fvck? Nagbabalat ng saging?

First time in my life na gagawin ko ito sa di ko kaano-ano. Nakaka-ano naman! Putek.

"Uhhhh..." Nabigla ako nang dumilat nang dahan-dahan yung babae at lalong lumaki ang mga mata niya nung nakita niyang nasa blazer niya ang mga kamay ko. Nak ng tokwa! Lagot tayo dyan!

Napahangos siya at napaupo sabay tulak sakin kaya napaupo ako sa semento, I looked at her like 'mali-ang-iniisip-mo'. Tumayo siya at kinabit yung dalawang butones ng blazer niya, kinuwelyuhan ba naman ako bigla! Ito na nga ba sinasabi ko eh! Delikado talaga siya! Imba.

*BOOOG*

Shit. Ang sakit nung pagsapak niya! Ouch! Ngayon lang ako nasuntok ng babae ah. Putek, ang sakit! Napakasadista naman nito! Highblood agad! Nalalasahan ko yung dugo sa labi ko na pumutok. Taena, ang sakit.

"Wait, i, i, i dont have bad intention kanina... you... you lost your sense kaya i'm just trying... to help.." *gulp* Nakakatakot kasi yung pagtitig niya na kala mo kakainin ako tapos ang higpit ng pagkakuwelyo niya.

"Tch, RAPIST ka ba?!" Ano daw!?

"HA?! H-hinde ah!"

"Mali ka ng napiling babae na gagahasain mo!" Sinabi ng hindi ako rapist eh!

Binitawan niya ako kaso napalakas yata kaya napaurong ako. Naglakad siya at binunggo yung balikat ko. *HBDTbyShupershimmer* Habang nakatalikod siya ay nakita kong pinapahid niya yung mukha niya, siguro umiiyak yun. Tapos hindi ko na nakita. Ano na ba nangyayari sa mga tao ngayon?! Weird!

Lord, iligtas niyo po ang mga taong makakasalubong niya. Nakakatakot po siya eh.

So after umalis nung nakakatakot na babae, naglakad na ako ulit pauwi.

*Sa bahay*

"I'm home." Lumapit ako kay Mommy sabay kiss sa cheeks.

"Oh, Kleinder? Late ka na ah. San ka galing?" tanong ni Mommy habang nagva-vacuum.

"Practice."

"Bat ganyan itsura mo? Haggard much! May sugat pa! Nakipag-away ka ba? Nawawala ang kagwapuhan mo!" gusto ko matawa kay mommy pero hindi ako makatawa. Sakit pa kasi nung labi ko.

"Wala... may nasalubong lang ako."

"Sino? Sinaktan ka ba? Sabihin mo sakin at ipapademanda ko! Aba, walang dapat umapi sa anak ko ah. Sino yun?!" Sabi ni mommy nang nakapamewang pa. Hay, si mama talaga!

"Isang disaster."

Di ko na siya hinintay magsalita kasi pagod na rin ako at hassle masyado! Umakyat na ako sa

kwarto ko tapos nilapag ang gamit sa table at naghubad ng damit. Nagpahinga lang saglit then i took a shower.

Sino kaya yung babaeng yun at napadpad dito sa lugar namin? Tch, such a disaster! She's a disaster. Disaster talaga!!! *HBDTbyShupershimmer*

HBDT//Kabanata 2 KLEINDER'S POV

"Oo na! Eto na nga eh, nagmamadali na nga diba!" sabi ko sa kausap ko sa cellphone na leader ng group namin sa English.

"Loko ka! Pag ikaw di nakapasok ng English! Makikita mo! 70 ka sa group grade!" pananakot pa niya. Kaasar! Bat ba kasi late ako ng gising!

"Edi i-75 mo! Nasa akin naman visual niyo." *evil smile*

"Argh!!! Bilisan mo na nga!"

*TOOOT*

Binabaan ako? Bastusan ba? Hinagis ko yung cellphone sa loob ng nakabukas kong bag tapos dumampot ng sliced bread sa mesa. Dadampot pa sana ako nang biglang may humampas ng kamay ko.

"Aray naman!" sigaw ko.

"Pwede ba? Matuto ka namang gumawa ng sarili mong kakainin. Hindi yung nakikinabang ka sa iba." Sabi niya with folded arms. Sungit nito!

"Oy, Kristina! Kuya mo parin ako." Sabi ko sa kanya.

"So?" aba!

"Wala... sinabi ko lang na kuya mo ko. Problema mo?!" kumuha na lang ako ng tinapay sa ref. Baka sapukin pa ako ng kapatid ko e. Mahirap na.

"Problema ko? Ikaw. Alis ka na nga. Naaalibadbaran ako sayo." Tumalikod siya at dala-dala yung tinapay at gatas. Di man lang ako matawag na kuya! Magaling lang pag may kailangan. *HBDTbyShupershimmer*

Napangiti ako nung tumalikod siya. Sus, kaya naman pala iritable sa buhay niya. "Hoy. Kristina!"

"Ano!?" mataray na tanong niya.

"May tagos ka." I smirked.

"Argh!!! MAMA! SI KUYA!!! NAKAKAINIS!!!" she shouted.

"KLEIN! PUMASOK KA NA NGA! LATE KA NA DIBA!?" rinig kong sigaw ni mama mula sa kwarto nila ni papa.

"Ito na!" binuhat ko na yung bag ko at sinara ang zipper nun. Sinuot sa likod at nagsuot ng medyas at sapatos.

"Ma, bye!" sigaw ko.

"Bye, Kristina." Sabi ko with an insulting tone. Ang sungit kasi.

"Ba-bye your face." Lumapit ako sa kapatid ko then I kissed her forehead tapos tumakbo na palabas ng bahay. Dahil minor pa ako, bawal pa akong mag-car. Kainis kasi si papa. Tsaka na daw ako magkotse kapag college na! Yan tuloy, commute-commute pa.

Pagpasok ko sa school grounds, narinig ko ang bell. Hudyat na time na for the third subject.

Patay! English namin yun! Kailangan ko ng lumipad! Badtrip. Sa loob pa building namin at 3rd floor! Kung diba naman nagbibiro ang tadhana oh!

*Booogsh*

Tinulak ko yung pinto sa sobrang pagmamadali. Napahawak ako sa tuhod ko sa sobrang hingal. First time ko yatang tinakbo ang hagdan ng ganun kabilis?

"Late na ba ako?" I asked to my classmates.

"Relax." Sabi nung classmate kong isa.

"Absent teacher natin sa English." Halos bumagsak ako sa kinatatayuan ko. Nak ng tokwa! Nagpagod ako sa wala! Laslas pulso!

"Ui, aminin! Kinabahan! Hahaha!" Asar sakin ni Czarina. Yung leader ng group ko sa English. Aish! Kalbuhin ko bangs niya eh. *HBDTbyShupershimmer*

"Psh."

Yun na lang ang na-irespond ko tapos umupo ako sa bangko ko. Wala na naman akong katabi! Saan na kaya yung nerd na katabi ko? Ilang linggo nang di pumapasok yun eh. Well, I don't care. Nagsuot lang ako ng earphone sa tenga at nakinig ng music. Pampalipas oras na rin!

"Hoy!" nakaramdam ako ng malakas na tapik sa balikat ko. Baluga talaga tong si Gab!

"Ano!?" sigaw ko sabay tanggal ng headset. Epal talaga.

"Anyare?"

"Saan?"

"Kagabi!"

"Anong kagabi!?"

"Yung nahimatay kamo." Umupo siya sa tabi ko. Tapos bigla kong naalala yung babae na nahimatay nga. Kinikilabutan ako dun!

"Ah, wala." Kinabit ko ulit sa tenga ko pero inalis ni Gab.

"Ano ba! Masira naman yung headset!" I shouted.

"Ang hina mo naman Klein! Weak!" he teased. Ibitin ko to patiwarik eh.

"Hoy, wag mo ko itulad sayo ok? Hindi ako nagte-take for granted sa weakness ng tao!"

"Sus. Ang sabihin mo, di ka naka-score." He laughed. Ay naku. Bakit ba nasa section 1 itong buang na to? Porket magaling kasi sa Physics. Tch.

"Tantanan mo nga ako Gab!" sabi ko sa kanya tapos natahimik nga siya habang ngumunguya ng chewing gum. Mukha siyang kambing.

After several minutes

"Ui! Nandyan na si Sir!" sabi ng isa ko pang classmate na galing sa labas at dali-dali silang bumalik sa mga kinauupuan nila at inayos ang arrangement ng upuan. Nakakatawa sila panoorin. Kala mo mga santo pag may teacher! Haahahaha! Muntik pa ngang madapa sa Gab habang pabalik siya sa upuan niya eh. Sayang! Di pa nasubsob!

"Good morning class." Bati ni Sir Blas. Teacher namin sa Physics and at the same time, adviser. *HBDTbyShupershimmer*

"Good morning sir! It's nice to see you." We greeted tapos pinaupo niya kami.

"Class, I have a good news and a bad news. Which do you prefer first?" he asked.

"BAD!" majority ang sinabi nila. Ako naman nakikinig lang.

"Kinausap na ako ng mother ni Gillian..." Eh yun yung nerd na katabi ko ah? "She said that magttransfer na si Gillian sa Saudi dahil doon sya pag-aaralin ng father niyang OFW."

"Ah, kaya naman pala ilang linggo nang wala." Sabi nung nasa likod ko.

"Eh yung good?" I asked.

"Well, the good news here is that---"

Natigilian sa pagsasalita si sir kasi biglang nagbukas ang pinto at kumalabog. We were shocked dun sa taong nasa labas. She's wearing our uniform at may bitbit na knapsack. *HBDTbyShupershimmer*

"Oh... there's the good news." Sabi na lang ni Sir.

"Class, bagong transferee. Siya si---"

"Hikari Shane Oda."

Diretsang sabi nung babae sa klase. Diretsong-diretso ang pagkakasabi niya. Hindi pa-sweet at hindi pa-cute. Stiff ang voice while she was introducing herself. Naaawa ako sa teacher ko. Ayaw niya pagsalitain.

"Ah, sabi ko nga." Sabi ni Sir.

"Ano daw? Hika-ano?" bulungan ng iba.

Dumampot ng chalk ang babae tapos sinulat sa blackboard ang spelling ng name niya. All caps pa talaga! Siguro para maintindihan nung mga hindi makaintindi. All of us remained silent then humarap ulit siya, glaring at us.

"Hikari? Japanese ka?" tanong ng babae sa harap. Palibhasa mahilig siya sa animes at otaku addict ang babaeng nasa harapan na yun.

"Ay hinde! Mexican siya! Mexican!" tawanan yung iba sa sinabi ng bakla kong kaklase na si Rex, Roxanne pag gabi. Haha! Pati ako natawa. Pero ang weird nung Hikari kasi di siya natawa. Poker face lang. Eh?

"So... you may take your sit." Sabi ni Sir tapos habang nakatayo ang babae sa harap ay inayos niya yung buhok niya. Habang naghahanap siya ng uupuan, nagtama yung mata namin.

Teka!

"I want that seat." Turo niya sa tabi ko. Bigla akong nanlamig.

Naglakad siya palapit tapos nakakatakot ang mata niya. Parang may lalabas na pokemon! Joke. Ano ba yan! Bakit siya pa ang transferee? Sa dinami-dami ng gustong mapunta sa cream section, bakit itong babae pa na sobrang.... Argh! *HBDTbyShupershimmer*

"Hi." Bati sa kanya nung mga kalapit samin. Umupo na siya tapos tinignan muna ako nang masama. *gulp* Hindi man lang niya binati ang mga nag-hi sa kanya. Weird!

Sa kalagitnaan ng klase, bigla siyang nagtanong, "Pangalan mo?" sasabihin ko ba? Baka ipa-hanap niya ako sa mga black ninja at ipapatay. Sorry, epekto ng panunuod ng tv.

"Kleinder... K-kleinder Jake." Sabi ko.

"Ano? Reindeer?" mahinang tanong niya pero hindi nakatingin sakin. Aba! Nakaka-intimidate naman yata ang paglapastangan niya sa gwapo kong pangalan!

"Hindi!" napalakas ata ang sabi ko kaya nagtinginan sila sakin.

"Kleinder, what's that for?" Sir Blas asked.

"Nothing."

Pinagpatuloy ni sir ang pagsusulat sa board tapos kami kumukopya lang. Napansin ko, hindi nagsusulat yung katabi ko. Nakatunganga lang siya tapos nagta-tap ng fingers sa table. Dito ba talaga yan? Baka mamaya nagkamali lang ng napasukang kwarto? Parang walang laman yung bag eh. Baka puro pagkain lang laman? Baka naman puro make-up? Pero kung titignan, she's not the type of girl na nagme-make up. She's more like a cowgirl!

"Aish." Na-bored ata siya kaya inub-ob niya ang mukha niya sa table at natulog. Buti na lang di siya nahuli ni sir. *HBDTbyShupershimmer*

*Krrrrriiiinggg*

Yes! Break na! Whooo! Kaboring yung subject na to! Puro sulat! Saktong gumising din ang katabi ko. Dinampot niya yung bag niya sabay labas. Nye? Inunahan pa kami? Pag-alis niya ay nagbulungan sila. Ewan kung ano pero sure akong si Hikari ang pinag-usapan nila.

"Naks pare! Magnet ka talaga!" sabi ni Gab na may kasamang tapik habang pababa kami ng hagdan. Ang hilig nito sa tapik! Tsk!

"Magnet?" slow ko.

"Chick magnet! Akalain mong nagkamali ng pili sayo si ano... ano nga name nung transferee?"

"Hikari yun. Bobo!"

"Huwaw. Maka-bobo ah."

"Hindi naman chick yun eh!" sabi ko.

"Hah? Bakit? Bakla ba? Eh ang seksi nga eh!" malumot talaga utak nito. Sarap ihulog sa hagdan para maalog utak!

"Tanga! Hindi yun ang ibig kong sabihin." *HBDTbyShupershimmer*

"Eh ano?"

"Isa siyang rooster. Hindi chick."

"Ano daw?" hindi lang pala ako ang slow dito. Pambihira!

"Naaalala mo ba yung babae kagabi, Gab? Yung nahimatay?" sabi ko sa kanya nung naglalakad na kami papasok ng cafeteria.

"Oo. Bakit?"

"Siya yun."

"What?!"

"Siya yun!" I said again.

"ANO ULIT?!"

"Sarap mong murahin, Gab! Alam mo yun!?" binatukan ko nga. Lakas ng topak eh! Badtrip >.<

"You mean, si Hikari yung babae tinutukoy mo?" I nodded. "Huwaw! Di ko inimagine na ganun ang makaka-encounter mo! Kaya pala tumabi sayo e. Trip ka yata."

"Hinde ah. Kung alam mo lang ang nangyari kagabi." I murmured.

"NANGYARE?

"Baka malakas?" sabi ko sarcastically. "She's not a typical girl. I'm telling you."

"Bat naman?"

"Nananapak siya ng lalaki. Walang sinasanto." I said with scary voice. Pero binigyan lang ako ni Gab ng isang 'what-the-fuck-look'. *HBDTbyShupershimmer*

"Don't tell me nagpasuntok ka? HAHAHAHA!!!" Lord, kunin niyo na si Gab. Argh!

"Eh kung di ka ba naman nag-suggest ng kabulastugan, edi sana di nya bibigyan ng kahulugan yung ginawa ko!" I said to him habang nanlalaki mga mata ko.

"Did I say anything na kabulastugan?" napaisip siya kunyare at nilagay ang tip of his fingers sa baba, "Ang alam ko... puro words of wisdom ang sinabi ko..."

"Loko! May pahubad-hubad ka pang nalalaman ah!? Effective daw. Tss! Inakala niya tuloy na rapist ako! Kaya ayun! Sinapak ako sa mukha! Loko ka kasi eh." Pagrereklamo ko kay Gab habang natatawa siyang kumakagat ng burger.

"Dapat ki-niss mo!"

"Bakit di ikaw gumawa? Ikaw nag-suggest!?" sabi ko sa kanya, "Tsaka baka pag nagkataon, pinagtitirikan mo na ako siguro ngayon ng kandila."

"Grabe pare, OA ha?" I just glared at him.

"Oy! Mga pogi." Tawag samin ni Czarina tapos umupo siya sa table na kinakainan namin.

"Yes?" nakangiting tanong ni Gab.

"Ay taray! Included ka na pala!?" asar sa kanya ni Czarina.

"Matagal na!"

"Uy, ang cute nung Hikari noh?" sabi ni Czarina out of nowhere. Daming na-cu-cutan sa babaeng yun pero di nila alam na isa siyang mapanganib. *HBDTbyShupershimmer*

"Sus, suplada naman eh!" sabi ni Gab.

"Panget ka kase!" Okay. Sila na nag-aaway!

"Huwaw ah. Nahiya naman ako sayo!"

"Whatever!" natahimik ulit sila saglit, "Pero kanina nakita kong lumabas siyang school. Eh diba bawal lumabas nang ganun kadali?" Czarina asked.

"Maybe she has a purpose?" sabi ko.

"Hinde ah. Pagka-bell kasi, diba nauna siya then I saw her na lumabas ng gate." Wow. And now may kakayahan siyang mag-ditch ng class? Usually kasi hihingi pa ng authorization para makalabas eh.

She's kind of weird for me.

First, I saw her last night with some gang at nakipagsuntukan pa. Secondly, she is now my new classmate and the worse is, my seatmate. Tapos ngayon, she can do whatever she wants?

This girl is interesting. I guess?

HBDT//Kabanata 3

It's been 4 days na magkatabi kami ni Hikari but she didn't even bother to talk to me. Di ba siya natutuyuan ng laway? Di ba sya naboboring? Ako kasi may pagkamadaldal ako kaya yung iba inaakalang bakla ako dahil marami akong naging close na babae at madaldal ako. Kaya nga inis sakin si Kristina eh. Ayaw niya sa maingay!

Sabi naman ni Dad, mana daw ako kay mama. I think so.

*HBDTbyShupershimmer* Maririnig ko lang ang boses ni Hikari kapag sasabihing, "Ano oras na?" "Time na ba?" Yun at yun lang. Paulit-ulit. Wala rin akong napapansin na kaklase naming naging close niya. Wala as in. Loner? But she doesn't look like emo or whatsoever.

"Bring out your journal booklet." Mrs. Rios commanded. Siya yung teacher namin sa English.

As what she have said, nilabas ko sa bag yung filler ko at pinatong sa table. Lahat kami, sanay na sa teacher na to. Pag may gamit siyang pinadadala, you must bring it! Or else, may parusa. I was once punished but I never did that again.

"So, did all of you bring your journal?" Mataray niyang tanong with folded arms. Naglakad siya sa kabilang row. Pansin ko lang, halos lahat kami, may filler sa ibabaw ng table... pero si Hikari, wala.

"Uy, ilabas mo na journal mo. Masungit yan." I whispered to her pero sinamaan lang ako ng tingin! Parang nangusap ang mata niya na 'like-i-care' look.

"Girl with a pony tailed hair at the back." Sabi ni ma'am. Is she referring to Hikari? Siya lang naman ang nakatali ang buhok sa likuran e. Imposibleng ako!

"You!" she pointed at her. "Stand up."

Tumayo naman siya. *HBDTbyShupershimmer*

"Where's your filler?"

"Wala." She said straightly. Kakaiba talaga to!

"I'm an English teacher so talk to me in English! Now, where's your filler?"

"I don't have it."

"You don't have it? Maybe you also forgot wearing underwear?!" Natawa yung iba sa sinabi mam.

"How about you? Did anybody see you together with someone else? You know... It's better to be safe." Nabigla kaming lahat. Lalo na si Mam Rios. Paano niya nasasabi yung mga ganung bagay? Isa pa, may asawa si ma'am eh...

"Bastos..." I heard Mrs. Rios' whisper. "Wow. Just great! You're new here then you're acting like a boss? From what school did you come from? Yan ba natutunan mo?"

"It's none of your business."

Napakurap kaming lahat sa sinabi ni Hikari. Why is she like that? Is she mocking around? Hello? Teacher yung kausap niya eh. Pero infairness to her, she's the first student that ever said that words to her.

"Oh well, sit down!" she walked back to the front, "Due to your so-kind manner. I'm giving you a 75 to your assignment." She paused, "And a punishment."

May kinuha si ma'am na isang libro sa table niya then lumapit ulit sa pwesto ni Hikari, "There!" inilapag niya ang makapal na libro sa ibabaw ng table namin. Teka, novel yun ah?

*HBDTbyShupershimmer*

"I want you to do a book report." Sabi ni ma'am. Ano daw!? Eh ang kapal kapal niyan eh! "Next week is your deadline." She's dead.

Umupo na si Hikari and parang walang nangyari. Yun bang parang okay na okay lang sa kanyang 75 siya? Naku, kung ganyan mangyayari sa iba kong kaklase, baka nagmakaawa na sila. Nakakagulat lang!

"Sabi sayo e." I mumbled to her as our teacher spoke in front of our class.

"I don't care." Sabi niya nang nakatingin sa harap. "She's just a senseless woman acting like a genius but worse than a call girl."

Napatingin lang ako sa sinabi niya. Grabe, kakaiba to. Napakatapang niya masyado. Siguro spoiled to? Sino kayang mga magulang nito? And to think na bago lang siya, bakit parang kilala niya ang teacher namin? Hay! Ang kumplikado! Badtrip. Malala pa yata to sa kapatid ko.

*P.E Class*

Busing-busy ang section namin sa paglalaro ng basketball. Boys versus boys ang labanan pero syempre friendly game lang. Tinatamad yata magturo ang teacher namin kaya ganito ang pinagagawa eh! Di ako marunong nito, actually. Siguro kung tennis or badminton, maasahan mo ko dyan! Ako kaya ang representative ng school namin nung grade 6!

"Uy, Klein! Dun ka sa harap!" sigaw ng kasama ko. Si Gab kasi nasa kabilang group, so we're opponents! *HBDTbyShupershimmer*

"Okay." Nakakapawis din pala to. Sakit pa sa paa.

Ipinasa na ng ka-team ko then umere ang bola pakabila. Nakakatawa lang kasi magagaling ang nasa kabila tapos kami, nganga. Eh kasi may bakla sa team namin! Eh diba pag bakla, malambot, makupad tsaka ang alam ko sa volleyball sila magaling eh, hindi sa ganyan? Mas mukha pa ngang nananantsing si Rex kesa maglaro eh!

Sumakto naman na papunta ang bola sakin kaya inihanda ko yung pagsalo ko. Fortunately, natira ko siya pero... pero...

"Ay shit." I whispered habang nakikita kong tumama ang bola kay ano... kay Hikari! Patay.

Naglalakad kasi siya sa gilid ng court with a juice then suddenly, natamaan ko siya nang di sinasadya. Natapon tuloy ang iniinom niya. Usually, pag may classmate kaming nasasapok ng bola, tatawanan namin... pero yung sa kanya, iba. Nobody dares to laugh at her. *HBDTbyShupershimmer*

"Huy! Pare. Lagot ka. Hehehe!" Panunukso ni Gab na nasa tabi ko lang. I know! I'm effin dead!

Gulp. Tumakbo ako sa kabila then naglakad palapit para sana kunin yung bola at mag-sosorry na rin. Pagkalapit ko, nakita kong pinulot niya ang bola na nasa paanan niya lang. Hinawakan niya ito and tumingin sakin. Napaurong ako bigla.

"Gago pare. Ikaw na lang." I said to Gab then tinulak ko siya. Taena, bakit ba natatakot ako sa babaeng to!?

"Ayoko nga! Ikaw may kasalanan eh! Mamaya sapukin pa ako ng bola." Ako naman ngayon ang tinulak ni Gab. Sige, masaya to. Tulakan!

"Ikaw na."

"Ayoko nga!"

Natigilian lang kami sa pag-uusap nung pinatalbog na ni Hikari yung bola. Siguro napansin niyang walang gustong lumapit dahil sa nerbyos? Fvcking funny, right? Gamit ang free hand niya ay inihagis niya ang bola sa ere at sinundan ko naman iyon.

"Wow."

Yun na lang nasabi ko kasi na-shoot ang bola sa ring. And to think na one-hand lang ang gamit niya at babae siya. Ang lupet! Bigyan ng jacket!

Pagtingin ko sa kanya, wala na. Naglakad na pala palayo. She left everyone who were amazingly shocked.

After ng PE ay nagpalit na kami ng uniform sa boys' cr tapos nilagay ko yung PE sa locker ko. Nakaabang agad si Gab sa gilid ko para makauwi na agad kami. Ewan ko? Baka may balak pa itong maglakwatsa. Di naman kasi yan marunong umuwi ng maaga e! Palibhasa spoiled.

"Pre..." he tapped my shoulder, paulit-ulit. "Pre! Pre!" mahinang sabi niya. *HBDTbyShupershimmer*

Istorbo naman! "Ano ba?" I said habang inaayos yung gamit ko sa locker.

"May paparating!"

"Chicks na naman ba yan?" I sounded like bored. Eh kasi gawain niya yan! Tatapikin ako pag may nakitang babae lalo na pag seksi.

"Hindi to chicks Klein. Rooster to! Rooster!"

ROOSTER?!

And with that, natigilan ako sa ginagawa ko. Lumingon sa kabilang side and there, nakita ko si Hikari na nag-aayos ng bag galing sa girls' cr tapos naglalakad without even noticing us.

Pag-angat ng ulo niya, right in front of us, napatigil siya tapos tinignan ako mula ulo hanggang paa. Para naman akong hinuhubaran nito! Siguro masama loob nito sa pagtama ng bola kanina. Ambayan!

"S-sorry nga pala." I said. Wow! Nasabi ko ba yun? *HBDTbyShupershimmer*

"Para san?" she said firmly habang pinapagpag niya yung kwelyo niya.

I scratched my nape, "Ah, dun sa court. Yung ano... yung natamaan kitang bola. Sorry, di ko sadya."

"Okay."

"Seryoso? Di ka galit?" napakunot ang noo niya sa tanong ko. Binatukan ako bigla ni Gab, teka? Para san ang batok?

"Hah?"

"Ah, wala. Wag mo pansinin tong Klein na to! May toyo eh." Saad ni Gab sabay akbay sa balikat ko.

Nagtataka lang ako kasi hindi pa siya humahakbang palayo samin. Looks like she wants to say something but she's hesitating.

"Rapist ka diba? Paano ka napunta sa school na to?" sabi niya bigla. Yan na nga ba sinasabi ko eh.

"Pfffffffft!" nakita kong halos magpigil ng tawa si Gab. Aish! Kasalanan niya to eh!!!

"Di ako rapist. Baka yung katabi ko, mapagdududahan pa." I glared at him.

"Makaalis na nga." Sabi niya sabay daan sa gitna naming dalawa ni Gab. Naiwan akong nakatungo sa kinatatayuan ko pero ilang hakbang palang ang nagagawa niya, huminto siya.

"By the way..." lumingon kami tapos nakita kong nakatalikod siya bitbit yung bag.

She faced me then smirked, "Bukas zipper mo." At tumakbo na siya paalis.

"Pfffffft!!!! BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" -Gab.

Napatingin tuloy ako bigla sa pants ko. Tinignan ko pa talagang mabuti! Bukas daw? Nakakahiya naman! *HBDTbyShupershimmer*

"Shit!" Sambit ko pero pagtingin ko, "Hindi naman bukas e." I looked at Gab na nakahawak sa tiyan at tumatawa.

"HAHAHAHA! GRABE!!! HAHAHAH! YUNG ZIP--- HAHAHAHHA! SAKIT SA TIYAN PARE! BUKAS DAW ANO MO! HAHAHAHA!!!! HAHAHAHAH!!! GUSTO YATANG SUMILIP NUNG ALAGA MO! HAHAHAHAHAHA!!!" mangiyak-ngiyak na siya. Grrr!

"Tanga! Hindi naman bukas!" sabi ko pa. Feeling ko nga pulang-pula na ako sa hiya. Eh kasi hindi naman talaga! Argh! Ano bang nasa kokote nung babaeng yun?

"Talaga? HAHAHAH! Malay mo, sa imagination niya, nabuksan niya zipper mo! Hahahahahha!" Hahambalusin ko na sana siya kaso humarurot ang loko!

"Humanda ka sakin Gabriel Sinco!

HBDT// Kabanata 4

Guess what? Nasa mall ako ngayon! At sinong kasama ko? Well, si Kristina lang naman. Sa totoo lang, ayaw niya akong kasama ngayon eh! *HBDTbyShupershimmer* Pero since pinilit ako ni mama na samahan ko daw ang prinsesa namin at sabayan pa ng boredom ko, pumayag ako. Weekend naman kasi eh.

"Kris! Ito oh, bagay sayo." Inabot ko sa kanya yung isang t-shirt.

"Eww. Di ako tulad mong mahilig sa blue, noh." She turned her back at naghanap pa ng damit.

"Bakit!? Cute naman ah! Cute nga si squidward sa print nung shirt eh."

"Whatever."

"Ang sungit mo ah!" lumingon siya after kong sabihin yon at sinamaan ako ng tingin.

"Paki mo ba."

"Baka mamaya di ka makahanap ng boyfriend kasi lahat ng lalaki sinusungitan mo." I grinned.

"Wala akong paki."

"Tomboy ka ba Kristina!?" I asked out of the blue. Eh kasi.

"Kuya! I hate you!" Lumayo siya sa akin then nagpuntang fitting room. Labo nun ah?

Habang busy siya sa mga ginagawa niya at mukhang gustong magsolo nung kapatid ko, nagtext ako sa kanya na pupunta muna akong Penshoppe. Puro kasi pambabae ang nakikita ko sa store na to. Psh. Mamaya mapagkamalan pa ako! Wag na noh. *HBDTbyShupershimmer*

Papasok na sana ako sa loob ng store na yun nang biglang may nahagip ang mata ko. Agad ko namang tinanggal ang shades ko at naningkit ang mga mata.

"Hikari?" bulong ko. Di ako sure kung siya yun kasi nakapusod ang buhok tapos medyo malayo pa. Maya-maya tumakbo na siya palapit sa pwesto ko. Di niya yata ako nakita? Lumagpas siya sakin then sinundan ko ng tingin.

"Hikari!" I shouted. Napalingon siya. Siya nga! I was about to go to her pero may nakabunggo sa likuran ko. Dalawang lalaki! Argh! Tumakbo rin sila papunta kay Hikari.

"Mag-ingat ka nga sa dinadaanan mo!" Sabi nung isa sabay takbo. Teka! Sila yung mga lalaki nung last night na gustong kumuha kay Hikari ah? Hinahabol na naman nila!?

"Tsk!" tumakbo na rin ako. Kinutuban kasi ako na may hindi magandang mangyayari eh!

Bakit ba lagi siyang hinahabol ng mga yun? Does she have a fault or something? Nakakagulo talaga ng utak ang mga ganyang bagay! Pakinshet.

Hiningal ako sa katatakbo tapos hindi ko na sila naabutan. *HBDTbyShupershimmer* Sumandal muna ako sa may dingding at lumanghap ng hangin. Laking gulat ko nang sa kabilang side ko, lumabas si Hikari at napatigil sa pagtakbo.

"Hin-" She cut me off. Kinaladkad niya lang naman kasi ako! Hello! Kakapahinga ko lang at tumatakbo na naman ako! Lumingon kami sa likod namin, medyo malayo pa yung mga tsonggo!

"Sa CR tayo!" sabi ko. Baka good idea diba? Kasi dun, makakapagtago siya.

She just glared. "Manyak ka talaga, noh?" Tae! Na-misnterpret na naman ang sinabi ko!

Sumakay kaming escalator at tumakbo papuntang 5th floor. Ito na yung pinakahuling floor ng mall at konti lang ang mga stall. Nakakapagod!

"Saan na tayo?" sabi ko. Huminto siya then lumingon-lingon sa paligid.

Without a word, kinaladkad niya na naman ako sa may isang sulok. Walang tao, walang stall at mukhang safe naman? I think so.

"Ssssh!" naghand-gesture siya. Tapos pinakinggang mabuti ang paligid. Tae! Hinihingal padin ako!

"Saan na yun?" narinig ko mula sa di kalayuan. If im not wrong, yun yung isang humahabol sa amin... ay mali, sa kanya pala.

"Tanga mo kasi e!"

"Baka dun!" Kumabog bigla puso ko. Feeling ko kasi yung pwestong pinagtataguan namin ang tinutukoy nila?

Nagtaka ako nung biglang hinubad ni Hikari yung jacket niya sa harapan ko kaya naka-sando na lang siya. *HBDTbyShupershimmer* Napaiwas tuloy ako ng tingin sa kanya. Tapos sumandal siya sa pader at pinapwesto ako sa harap niya. Di ko magets ang plano niya? I-cocover ko ba siya? Tatakpan? Hirap naman! O baka magtatransform siya into wonderwoman?

Tinanggal niya rin ang pagkakatali ng buhok niya kaya nag-mess yung hair niya above her shoulders but she definitely looks hot. But I don't get her purpose! Baka para di siya marecognize?

Hanggang sa nakarinig ako ng mga yapak palapit!

"Akin na." she commanded tapos kinuha niya ang dalawang kamay ko at nilagay iyon sa magkabilang bewang niya.

"Ano bang ga

Why did... Oh shit.

Di ko natapos yung itatanong ko sana when she started to cling her arms around my neck at tumingkayad. She closed her eyes and my innocent lips met hers. Tokwa! Tokwa!

Naramdaman kong ang dalawang lalaki na naghahanap sa kanya ay nakikita kami. Ano ba ang ginagawa niya? Obviously, she's kissing me! Pero kasi... may ibang tao! I'm about to let go kasi

nahihiya na ako at higit sa lahat nabigla ako.

But I failed. Hinigit niyang lalo yung batok ko and she buried her hands around my nape. Her lips grabbed my lower lip. By that, our kiss went rough and... intense? Holy fish! I hate what I'm feeling right now! Ayoko nito.

"Aba'y may live show pala rito?" bulong nung isa.

*HBDTbyShupershimmer* "Gago. Mamaya na yan. Hanapin muna natin si Hikari! Baka nakalayo na yun. Yari tayo kay boss!" nakita ng peripheral vision kong hinigit na nung isa yung kasama niya at umalis na sila.

*Exhale*

She pushed me palayo sa kanya and nakita kong nakatingin siya sakin at ako naman! Gulat na gulat parin! Why did she do that? Talaga bang kailangan niyang pagtaguan ang mga yun to the point na kailangang mang-halik? Napaiwas tuloy yung mga mata ko.

I saw that she wore her jacket back. "Pasensya na." narinig ko mula sa bibig niya, halatang di naman sincere. Ano nga tawag nila dun? Labas sa ilong? Ah, ganun nga.

Naglalakad na siya palabas pero pinigilan ko, "Sila yung nakita kong kasama mo nung isang gabi, diba? Why do they keep on chasing you?" I asked due to curiosity.

She changed her facial expression. "Basta."

"Tell me..." sabi ko. Naguguluhan kasi ako! "Baka pwede natin silang i-report."

"Wanted ka ba?" dugtong ko pa. *HBDTbyShupershimmer* Malay ko ba kung masamang tao pala siya, diba?

"Wag na wag kang makikielam sa buhay ko... Malalaman mo rin. Sa tamang oras." Inalis niya yung pagkakahawak ko tapos naglakad na pero lumingon ulit siya.

"First kiss ba?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya while she's grinning. "Halatang kulang sa experience eh."

Yun lang ang sinabi niya then umalis na siya. Naiwan akong nakatulala sa pagkakatayo ko tapos di ko namalayang napahawak na lang ako sa mga labi ko...

*rrriiing*

Calling... Kristina

I answered her call while spacing out.

"Kuya? Saan ka na ba?"

"...."

"Ugh. Hello! Kuya!"

"Ah, bakit?"

"Uuwi na tayo! Saan ka na ba?!"

"Pa-pababa na ako, saan ka?"

"Sa tapat ng Max's."

*toot*

Habang nasa escalator ako... di ko parin maiwasang maalala yung sa ginawa ni Hikari. Yung kiss! Amp. *HBDTbyShupershimmer*

HBDT// Kabanata 5

HIKARI's POV

"Kayo na naman?!" bulyaw ko sa dalawang kupal na biglang sumulpot sa dinadaanan ko.

"Kulit mo kasi Hikari! Sumama ka na kasi! Hinahanap ka ni boss!"

"Ayoko." Naglakad ako't nilagpasan sila pero may naramdaman akong pumigil sa kamay ko.

"Wag na makulit... baka mag-init ulo ko..." sabi nung isa.

Sinamaan ko siya ng tingin tapos bago pa siya makapagsalita, inikot ko ang braso niya kaya nabitawan niya ako. I grabbed the chance na makatakbo. Bwiset kasi tong mga to! Nakakaasar!!!

"Hoy!!! Bumalik ka!!! Pinapahanap ka ni Nylan!!!"

Tumakbo ako palayo. Tsk! Si Nylan na naman ang nag-utos! Palagi na lang ako piapasundan ah? Naiirita na ako! Napunta ako sa isang mall at mukhang no choice na naman kaya pumasok ako sa loob. I ran as fast as I could pero pinaglihi yata sa pinya ang dalawang humahabol sakin dahil

nakita nila agad ako!

"Hikari!"

Napalingon ako sa pamilyar na boses. Tsh! Si Rapist! Akalain mong nandito yan? I ignored him at tumakbo pa lalo. Nagtago ako sa isang wall malapit sa girl's cr tapos nakita ko si rapist! Tsk, hindi ko kasi matandaan ang pangalan nito. Ano nga yun?!

"Hin-" I cut him. Hinila ko siya palayo dahil pakiramdam ko, nasundan kami. Kaasar! Bakit pa kasi sumunod-sunod ito! Yan tuloy! Pabigat!

"Sa CR tayo!" I glared. Wow? What idea was that?

"Manyak ka talaga, noh?"

Narating namin ang 5th floor. Ano na! Ano na! Grr! Nagtago kami sa isang side kung saan walang tao, walang stall at walang makakakita. Eto namang kasama ko, hingal na hingal. Psh.

"Ssssh!" sabi ko. Ang ingay kasi ng gasps niya. Baka marinig!

"Saan na yun?" boses yun ng isang humahabol sakin eh. Patay na! *HBDTbyShupershimmer*

"Tanga mo kasi eh!" sabi nung isa.

"Baka dun!" Kinutuban na ako. Sigurado akong itong kinatatayuan namin ang tinutukoy niya!

Wala na akong ibang maisip kundi... ay bahala na! Hinubad ko ang jacket na suot ko at kahit naaasar akong magsando sa harap ng rapist na to, ginawa ko pa rin. No choice eh! Hindi naman halatang gulat siya kasi kita kong namula siya. I even took off my pony tail para di nila ako marecognize. Sumandal ako sa wall hanggang sa makarinig ako ng mga hakbang palapit...

"Akin na." I said sabay hablot sa magkabilang kamay niya at hinawak iyon sa bewang ko. Nagulat na naman siya! Ano ba yan! Parang ngayon lang nakahawak ng babae! Rapist to diba!? Dapat sanay na to! Psh.

"Ano bang ga---"

I kissed him.

I kissed him in order to keep me from those bandits. Syempre, hindi nila makikita yung mukha ko tsaka ang kapal ng apog nila kung manunuod sila sa dalawang taong naghahalikan diba!? You know, that's very awkward sa part nila.

Naramdaman ko agad yung dalawang naghahanap sakin sa di kalayuan. Badtrip! Ayaw yatang makipagsundo ng rapist na to! He's almost to let go of my kiss but I insisted. I buried my lips onto his. For Pete's Sake! F@ck! I hate it. Di yata rapist to eh? He doesn't even know how to kiss?

"Aba'y may live show pala rito?" bulong nung isa. *HBDTbyShupershimmer*

"Gago. Mamaya na yan. Hanapin muna natin si Hikari! Baka nakalayo na yun. Yari tayo kay boss!" Go! Shupi! Then they're gone.

I pushed the guy in front of me.

Di siya nagsalita. Mukhang gulat na gulat sa ginawa ko. Feeling niya naman ginusto ko yun? Psh. Wala lang talagang choice. Mas mabuti na yatang gawin ko yun kesa makipagkita sa Nylan na yun noh. Tatamaan muna ako ng kidlat!

"Pasensya na." Sabi ko while wearing my jacket.

***

"Ouch." I whispered nung maramdaman kong may bumato sa ulo ko. Nilingon ko kung sino yun.

"Hoy! Mga bwiset kayo ah!" I pointed at them. THEM kasi marami sila, mga tatlo. Actually mga batang edad 8-10 tapos parang nantitrip lang! At ako pa ang natripan ah? Eh samantalang naglalakad lang ako dito eh!

"Hahahahaha!!! Mukha kang asong ul*l!" Sabi nung isa? Ako!? WTH.

"Hoy. Pumapatol ako sa bata! Baka gusto niyong manghiram ng mukha sa aso?" Pananakot ko pa. Napalunok yung isang nagsalita kanina. Ha!

"Susumbong kita kay kuya!"

"Edi magsumbong ka! Suntukin ko pa kuya mo eh!" Childishly, I said. Sarap mang-asar ng bata. Anubayan. I feel like I'm wasting my time here! *HBDTbyShupershimmer*

"BLEH!" Sabi nung batang isa.

"Aba!" dadambain ko na sana ng sapak yung isa pero syempre joke lang. May konsensya pa naman ako noh, kahit konti.

"Kuya!!! Sabay-sabay nilang sigaw. Kala mo nanghihingi ng saklolo. Sino ba yang kuya na yan!?

I turned my back para makita ang pinagmamalaki nilang kuya.

"Pati ba naman bata, papatulan mo?" sabi niya habang naglalakad palapit at nakapamulsa pa. He looked at these kids tapos tumingin ulet sakin. "Inaano ka ba?"

Aba. Isa pa itong rapist na to eh. "Hoy Reindeer-"

"Sinabi ng hindi ako Reindeer eh! Kleinder! Kleinder! Gets?!"

"Whatever! Hoy! Sabihin mo sa mga kapatid mo, huwag nambabato ng kung sino-sino!"

"Di ko sila kapatid." Nyak? Kung ganun bakit tinawag siyang kuya?

He bent his body para maabot niya yung level ng height nung mga bata. "Bat kayo andito? Dapat nasa orphanage kayo ah?"

Napayuko sila. Silang mga bata. Ano daw? Orphanage? Mga ulila tong mga to? Kala ko takas sa mental eh.

"Sige, balik na kayo." Utos niya sa mga bata tapos umalis na ang mga iyon.

Tumayo ulit siya at hinarap ako. Kaso parang tanga lang kasi nakita ko ang pagkailang sa mata niya. Duh! Kung dahil sa halik yon, my gosh! That's so last day!!! Tapos umalis na siya at naglakad. Wow. Gentlemaeste gentledog!

"Hoy. San ka pupunta?!" I asked.

"School." Sabi niya habang naglalakad.

Since sa school na rin ako papunta, sumabay na ako. Tsaka I need to clear something lalo na yung ginawa ko. *HBDTbyShupershimmer*

"Nga pala, pasensya na sa nangyari sa mall." I said habang nakatingin sa kalsada. Syempre hindi masyadong sincere. Asa pang magso-sorry ako sincerely, noh. "It's a matter of life and death kaya kailangan kong gawin yon. Just forget about that and--"

Napatigil ako sa pagsasalita dahil nung paglingon ko sa kausap ko, kumakanta pa! Tae! Nakapasak pa talaga yung earphone sa tenga! Ay putres. Sarap sapukin nito eh.

"Baluga." I glared at him at mukhang napansin naman niya.

"Oh?" sabi niya sabay tanggal ng earphone sa tenga. "May sinasabi ka?" I rolled my eyes.

"Huwag mo sabihing naiinlove ka na sakin?" Napanganga ako sa sinabi nya. Nagpapatawa ba siya? Anak ng teteng!

"Inlove? Ha! Wag ka nga magmura dyan! Baka tamaan ka ng kidlat."

"Nagmura ba ko?" Inosente niyang tanong. Hay slow. Naglakad na ako at nilagpasan siya tapos napahinto ako nang humarang siya at nakapamulsa na naman.

"Teka nga, bakit mo ko hinalikan, ha?" Tinaasan ko siya ng kilay. "May crush ka ba saken? Hay naku, Hikari... That's a no-no!" Nang-aasar pa ang ngisi niya.

"Ha-ha-ha!" I laughed sarcastically, then I stopped and glared. "Kapal mo rin, noh?"

"Alam mo bang hindi tama ang basta bastang nanghahalik ng ibang tao? Pwede kang kasuhan ng sexual harassment pag nagkataon. Pero dahil mabait naman ako... palalampasin ko muna. Siguro next time na lang pag ginawa mo ulit." Sabay hawak sa baba niya. Aba!

"Ilang electric fan ba nalunok mo, ha? Ang hangin."

"Hm... wala pa naman."

"Ang yabang mo. May kaso-kaso ka pang nalalaman. Ako? Kakasuhan dahil sa paghalik sayo? Patawa ka?" I said sarcastically pero ang firm lang ng mukha niya.

He stepped closer to me then his eyes ran down to my lips up to my nose hanggang sa magtama yung mga titig namin. Syempre, di ako pa-affect. Di ako matitinag ng Kleinder na to noh!

"Want to take two?" Matuksong sabi niya. I gritted my teeth tapos ngumisi lang siya. *HBDTbyShupershimmer*

Inangat ko yung right hand ko para sapakin sana yung makapal niyang pagmumukha kaso malakas ang stimuli ng isang to kaya napigilan niya ang kamay ko. Argh.

"Alam mo, di ka dapat nanununtok basta basta." He looked at my arm na hawak niya.

"Baka patulan na kita." Dagdag pa niya. Wait, was that literal or idiomatic? Ang labo! Binitiwan niya na ako sabay talikod at nagsuksok ng earphone sa tenga niya.

"Malapit na mag-time. Male-late na tayo sa first period!" Sigaw niya tapos natawa na lang ako at sumunod.

***

KLEINDER's POV

Nakakatawa rin pala kausap si Hikari. Di marunong sumakay sa biro. Short-tempered na tao tapos nagawa pang patulan yung mga bata. Actually habang naglalakad si Hikari, nasa likuran niya na talaga ako. Teka, don't get me wrong! Di ako stalker.

Nagkataon lang na magkasunod kami. Well, mga 5 meters away naman. Nakita kong binato siya nung bata. Lalapit na nga sana ako eh! Kaso sinigawan niya yung bumato at tinakot pa. Para siyang bata na nakikipag-away sa kapwa bata. Then they called me kuya.

Sila kasi yung mga nasa orphanage na malapit dito. Dun kasi madalas mag-donate sila mama. Oh diba, ang bait? Ewan ko nga kung bakit sila nakalabas e!

Teka nga. Bakit ko ba iniisip yan. Eh may groupwork kami eh!

"Hoy Klein! Ayusin mo nga to. Nagloloko laptop mo!" sabi ni Gab. Gumagawa kasi kami ng project sa school eh. Kanina pa dapat uwi ko e kaso dahil sa pesteng powerpoint na pinagagawa samin, ayan! Nagpagabi na! *HBDTbyShupershimmer*

Apat kaming naiwan sa school. Puro lalaki at andito banda sa principal's office kasi dun malakas ang wi-fi! Kailangan din kasi namin ng net eh.

"Yes! Tapos na!" Sabi ni Gab na mukhang di naman masaya. Sarcasm.

"Tara! Ligpit mo na yan! Uwing-uwi na aketch!" Nakalimutan ko bang sabihin na tatlo't kalahati lang pala ang lalaki samen? Yung kalahati kasi babae.

"Itong si Rex kala mo naman may natulong." Sabi ni Mike. Yung isa kong kasama.

"Eh haggardness na me!" Sabi ni Rex.

"Tara na. Tara na. Uwian na ng last shift oh." Yaya ko.

We were walking along the corridor nang masalubong namin ang teacher namin sa English! Napamura pa nga si Gab eh. Palibhasa napagalitan kanina.

"Klein, can you please bring these to the English Department?" Ay tae. Ako pa nakita! Bakit di si Rex? Si Gab? Si Mike? Ako talaga!?

"Ok mam." Binigay niya sakin yung mga libro. *HBDTbyShupershimmer* Then tinapik ako sa balikat nila Gab sabay sabing:

"Pre, hintayin ka namin sa shed."

"Ge."

Inakyat ko yung building kung saan nadun ang department. Medyo madilim na kasi gabi na eh. Tapos wala ng students kasi nag-uwian na lahat. Ha! Akala niyo siguro duwag ako noh? Hell no!

Naabot ko rin yung floor at ang room ng Department. Nakasara na rin pala to eh pero nakaawang siya kaya in-open ko. I looked for Ma'am's table para ipatong ang libro. Then nakarinig ako ng kaluskos.

Napalingon ako sa buong paligid.

"Sino yan?" I said. Pero mahina... wala yatang nakarinig.

Pinakiramdaman ko yung kaluskos then naulinigan kong doon yun banda sa mga locker ng teacher. Nilakad ko yun palapit. Lalong nanlaki ang mga mata ko nung makita ko kung sino ang kumakalkal sa locker ng teacher namin!

"Hikari?" I whispered...

HBDT//Kabanata 6

HIKARI's POV

To tell you honestly, nandito ako ngayon sa loob ng English Department. Hinintay kong maguwian ang lahat bago ko to pinasok syempre! Well, naghahanap ako dito ng book report! Remember nung naparusahan ako na gumawa nun? Tinatamad kasi akong gumawa tsaka mahirap humanap ng book report sa Recto na gaya nung binigay sakin nuh!

Pamibihira. Ang dilim! Wala tuloy ako masyadong makita. Nakielam na ako ng locker ng may locker! Asa pa kasing gagawa ako ng isang book report. Duh. Paputiin niyo muna ang uwak!

"Sh*t. Magpakita ka na." I murmured. Tanging cellphone ko lang ang source of light ko.

Narinig kong bumukas ang pinto ng department. Pero di na ako nagpatumpik pa na hanapin yung kung ano man ang hinahanap ko as soon as possible. Wala pang tatlong minuto, may nagbukas na naman ng pinto!

Natigilan na ako lalo na nung may nagsalita.

"Actually, naipasa ko na sa office blah blah." Teka! If im not mistaken, boses yun ng isang teacher! May kausap siya. Takte! Kala ko ba umuwi na sila? Bat may istorbo pa? *HBDTbyShupershimmer*

Naglakad siya palapit sa pwesto kung saan nandun ako. *badump badump*

"Hmp

Nabigla ako nung may isang kamay na tumakip sa bibig ko at hinablot lang naman ako papunta sa gilid ng isa pang cabinet! Napasubsob kami halos para lang makaupo kasi mababa lang yung pinagtaguan namin! Magsasalita sana ako kaso habang nakatakip ang palad niya sa labi ko, nakasign siya ng 'silence'.

Lumapit siyang lalo sa tenga ko pero I tried na umiwas. Ang lapit niya kasi masyado! Pero walang kwenta ang pag-iwas ng ulo ko kasi hinawakan niya ang batok ko sabay bulong, "Ssh. Baka makita tayo."

Nilayo niya ang kanyang ulo tapos nakiramdam kami dun sa teacher na naglalagay ng gamit sa locker. Pagtapos ay lumabas siya kasama ang kausap niya at nakarinig kami ng kalabog ng pinto. Hindi siya sinara lang! Parang kinandado na yata!

Tumayo kami at dumungaw pa siya kung wala na ngang tao.

"Ano bang ginagawa mo dito?" We both asked in unison.

I sighed. "Ikaw, bat andito ka? Kanina pa uwian natin ah?" Tanong ko sa kanya tapos tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. *HBDTbyShupershimmer*

"Kaw nga tong dapat tanungin niyan e! Gabi na, ah? Bakit nandito ka sa faculty? Tsaka anong kinakalkal mo? Nagnanakaw ka ba?" Natawa ako sa tanong niya. Kahit kelan patawa tong Kleinder na to. Kaasar.

"Tss. Ako? Haha! Oo! Nagnanakaw ako ng project ng may project! Angal ka?" Sabi ko ng nakataas pa ang kilay. Umalis ako sa harap niya at naghalughog sa locker nung teacher namin. Palibhasa di kasi nila ni-lo-lock to knowing na puro papel lang naman laman nito!

"Ako naman magtatanong. Bakit ka napadpad dito?!" sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya. "Stalker ba kita?"

"Asa ka pa." sabi niya tapos naramdaman ko bigla na nasa likuran ko siya. Siguro tinitignan niya ang kung ano ba yung hinahanap ko.

"Jackpot!" I shouted nung makakita na ako nung book report.

"Sus. Yan lang pala e. Bakit di mo gawin mag-isa? Ipapasa mo yan eh hindi naman ikaw may gawa?" Teka nga! Nangongonsensya ba sya?!

"O sige, gawa mo ko!" I challenged pero binelatan niya ako bilang sagot.

I rolled my eyes then umalis sa harap niya. Lumapit ako sa door tapos naramdaman kong sumunod sakin si Kleinder. Eh sa madilim eh! Kaya wala akong masyadong makita! Yung liwanag lang galing sa bintana ang source of light!

"Tamo, napagsaraduhan tuloy ako!" He whined then hinawakan niya yung door knob at iniikot ikot yun eh samantalang nandun din ang kamay ko. Aba! Libreng tsansing to ah.

Napangiwi na ako sa ginawa niya. Nakakatawa nga lang kasi tinapik niya na yung kamay ko na hawak niya! Buti naman narealize niyang andun ang kamay ko. My goodness!

*HBDTbyShupershimmer* Umalis siya sa side ko then may kinuha siyang upuan at pinatong sa isang table. Dinikit niya yon malapit sa dingding. Napatingin tuloy ako sa taas! Wow! May utak din pala ang isang to eh. May maliliit kasing window sa pinakataas ng kwarto. Yung tipong mas mataas pa sa pintuan! Siguro 3 feet lang ang length kada bintana. Ang liit!

Tumingin siya sakin, "Akyat."

"Ako?"

"Hinde, yung katabi mo." Teka, wala naman akong katabi e. Loko to!

"Ako? Aakyat dyan? Yoko nga." Ang taas kasi!

"Ang arte mo!" Eh bakit mukha pa siyang badtrip kesa sakin? Kasalanan ko bang nakulong kami dito? Sinabi ko bang pumasok din siya sa Department? Sipain ko mukha nito eh!

Nagtaka ako nung siya mismo ang unang tumungtong sa upuan tapos naaabot niya na yung

bintanang pagkataas-taas! Hmp!

"Hoy! Ano to!? Iwanan?! Ganon?" Sabi ko with folded arms.

"Ako na mauuna. Ang arte mo eh." Tigil-tigilan niya nga ako sa word na maarte! Yuck.

Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa nakalusot na siya palabas. Akala ko masusubsob siya? Akala ko mauuna mukha niya! May lahing ewan ata yung kasama ko?! Psh.

"Ikaw naman." Narinig kong sabi niya kaya tumungtong na ako sa upuan kahit nag-aalangan ako sa balance. Inabot ko ang level ng bintana tapos nailabas ko na yung ulo ko. *HBDTbyShupershimmer* Nakita kong nakatanaw lang siya sakin tapos naalala ko, nakapalda pala ako!

"Hoy. Pikit ka muna!" I commanded. Kumunot tuloy ang noo niya.

"Ha? Bakit pipikit?" Ang tanga naman nito. Ugh!

"Basta!"

"Paano kita masasalo kung pipikit ako, sira ka ba?!" Ano daw? Sasaluhin ako? Nasisiraan ba to ng brain cells?!

"Anong sasaluhin? Sino may sabing sasaluhin mo ko, aber?!"

Pinasok niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa ng pants niya at tumingin sa hallway habang nagsasalita,

"Ok sige, 15 feet din ang taas ng bintana na yan mula sa sahig. Di na ako magtataka kung maoospital ka dahil sa fracture o kaya naman masubsob yang muk---"

"O sya! Saluhin mo ko. Siguraduhin mo lang na di ka papalpak." Nakuha pa niyang mag-grin ah? Nilahad niya ang braso niya habang nagdadalwang isip ako kung tatalon ba ako or hinde.

"Dalian mo, may makahuli pa satin nito e!" Sabi niya.

"Pikit sabi." *HBDTbyShupershimmer*

"O ayan." He tilted his head sa left side pero dilat pa rin siya. Bumulong pa nga siya eh! Kaso di ko man lang narinig.

"1... 2... 3..." I whispered. Syempre! Bumibwelo lang! "Jump!" Tumalon ako pababa tapos... tapos... napapikit na lang ako kasi ayokong makita ang susunod na mangyayari sakin!

GAB's POV

"Ano ba yaaan! Waley pa ba si Klein? I wanna go home naa!" Ang ingay naman ng baklang Rex na to. Kanina pa inip na inip.

"Saan na ba kasi yun?" Tanong pa ulet ni Mike.

Saan na nga ba yun? Parang pinagdala lang ng gamit paakyat sa Department, naglaho na! *HBDTbyShupershimmer* Nadaganan na yata nung mga librong yun e! Hindi naman pwedeng

umuwi kami kasi nasa amin ang gamit niya pati yung laptop!

Tinawagan ko na rin siya pero cannot be reached. Nakngtae naman tong si Klein! Pinaghihintay ang gwapong tulad ko?

"Tara." Sabi ko sa dalawang kasama ko at naglakad.

"Ano gagawin natin?" -Rex

"Puntahan natin yun sa Department. Baka may pinagagawa sa kanya tapos iwan na lang natin yung gamit niya sa kanya para makauwi na tayo." Sabi ko. Magdodota pa kasi ako!

Naglakad na kami sa corridor na medyo madilim na kasi nakapatay na ang ilaw pero may maaaninag pa naman kasi maliwanag yung langit e.

"Scary naman..." Sabi ni Rex sabay pulupot ng braso kay Mike. Napangiwi ako sa nakita kong kababalaghan tapos nairita si Mike kaya inalis niya ang braso.

"Lumayo ka. Kinikilabutan ako sayo." Natawa ako kay Mike dun! Haha!

*HBDTbyShupershimmer* Palapit na kami sa Department kaso natigilan kami ng nakita namin si Kleinder na nakatingin sa other side tapos nakalahad ang mga braso. What the fudge is he doing?

"Anong ginagawa niya?" Pabulong na tanong ni Mike. I shrugged my shoulders kasi di ko alam kung ano pinaggagagawa ng kaibigan ko? Kanina pa ba siya dyan?

"Baka naman may pagka-illuminati si Klein? See? Nagsasalita siya mag-isa. Feeling ko orasyon yan! Guys! Pigilan natin bago pa siya maging demon! Bago niya pa isuko ang sarili sa kasamaan!" Bulong pa ni Rex samin. Ano ba yang pinagsasabi niya? Parang baliw.

Lalapit na kami kaso pagkahakbang namin ng tatlong beses, biglang nalaglag yung panga naming lahat!

"A-aray..." Sabi nung babaeng tumalon mula sa kung saan na sinalo ata ni Klein pero ang awkward nga lang kasi na-out of balance sila kaya pumaibabaw yung babae. Anak ka ng tokwa! Hanep.

"Gosh... sino yan?" Tanong ni Rex kasi hindi namin makita ang mukha nung babae, eh nakatakip ang buhok sa side ng mukha niya e. Nasa gilid kasi nila kami.

Nagulat sila Klein at yung babae sabay tingin saming tatlo. This time, hindi na panga ang nalaglag! Mata na! *HBDTbyShupershimmer*

"Hikari!? Sabay sabay naming sinabi.

Nagkatinginan silang dalawa. Mga 3 seconds yata tapos tinulak ni Klein si Hikari. Ay, ang salbahe ng kaibigan ko. Parang pinaibabawan lang ng babae? Laftrip naman to!

Tumayo silang pareho at nagpagpag ng mga damit nila. May dinampot si Hikari na folder tapos tumakbo na paalis. Cute. Pagtapos naming sundan ng tingin si Hikari, binalik namin ang mata namin kay Klein.

Ako--> (o__O) Rex--> (^__^) Mike--> (@_@) Kleinder--> (-__- )7

"Teka!" Nagulat siya bigla. "Wag kayong mag-isip ng something, okay?" *HBDTbyShupershimmer*

"O sige, kunyare waley kaming na-sight! Kunyare imagination lang namin na umibabaw sayo si Hikari! Nyahaha!" Pang-aasar pa ni Rex.

"Naks. Binata na ang pare ko!" umakbay ako kay Klein tapos naglakad na kami. Lokong to! Binatukan ako!

Pasalamat siya at lamang siya ng isang paligo sakin!

HBDT//Kabanata 7

KLEINDER's POV

Pakinshet to the highest level. Nakakahiya yung nangyari kanina! Kaasar! Dapat pala talaga di ko nalang sinalo ang babaeng yun e. Takot ko lang kung madisgrasya yun. Baka ako pa masisi. Buti nga at di kami nahuli nun ng teacher eh, kundi patay kami. Baka na-suspend na kaming dalawa at nadamay ako. Imba rin yung babaeng yun e. Nagnakaw ng ibang project!

Tanong ng tanong si Gab hanggang sa byahe pauwi kung bakit daw ang tagal ko. Bakit daw nasa loob kami pareho ni Hikari eh samantalang ako lang daw ang nautusan. Bakit DAW ang TAGAL namin! Ano daw ang ginawa namin! Sarap sapukin ni Gab kaso nakakahiya sa mga makakakita.

*HBDTbyShupershimmer*

"Wala nga." I insisted. Kulit kasi.

"Huuu! Wala daw." Pagtapos ay bumulong siya kaso di ko narinig.

"Ano?!" I asked.

"Wala. 20 minutes din yung tagal niyo dun ah. Nag-enjoy kayo masyado pre. Hahaha!" He laughed as he tapped my shoulders. Ugh.

Kinotongan ko nga! Yung malakas!

"Gago ka talaga." Ayan. Nakapagmura ako ng di oras. Loko kasi! *HBDTbyShupershimmer*

"Oh bakit?! Ang ibig kong sabihin, 2O MINUTES KAYONG NAGBASA NG LIBRO DUN! DIBA? NAGBASA LANG NAMAN KAYO NG LIBRO SA LOOB NG MADILIM NA ENGLISH DEPARTMENT? DIBA? ANO BANG MASAMA SA PAGBABASA? NAKAKA-ENJOY NGA NAMAN YUN!" Nagpipigil lang ako ng inis while he tries to emphasize each of his words.

"Ewan ko sayo." Hindi ko na lang siya kinausap. Kung pwede ko lang sabihin na kaya nandun si Hikari is because she was stealing a book report! Kaso ayoko. Baka sabihin chismoso ako at nagkakalat ng masamang balita. Ayokong masapak ulit. Ayoko lang talagang manghimasok!

"Para." Bumaba na ako sa bus tapos naiwan na si Gab dun.

Naglakad na ako pauwi sa village na tinitirhan namin. Gusto ko na talagang magkakotse. Di bale, gagraduate na ako! Konting tiis. Pag-uwi ko, nabigla ako sa sumalubong sakin ng hug.

"Kuya!" I smiled when I heard his voice at lumundag para yakapin ako.

"Wow! Drake!" I hugged him back.

"Hahaha! Di ka naman na-miss ng kapatid mo noh?" Sabi ni mommy na nakatanaw samin from the door.

Bumitaw si Drake ng yakap tapos hinila ako paloob. "Kelan pa siya umuwi, ma?" I asked.

"Kani-kanina lang e. Nagulat nga kami ng Papa mo kasi wala man lang pasabi!"

Ah, si Drake Ramirez nga pala. Youngest brother ko. 10 years old siya. Two weeks din kasi siyang wala sa bahay dahil sinama siya ni Tita Cassandra sa Cebu kasama yung cousin kong si Clifford na may photoshoot doon. Oh diba. May model akong relative! Ang daya nga e! Sya lang sinama. Palibhasa daw nag-aaral kami ni Kristina ng high school. Eh porket elementary pala si Drake, pwede pa? Ang gara!

*HBDTbyShupershimmer* "Kuya, for you." He gave me a shirt na may print na I heart Cebu.

"Thanks." Nakangiting sabi ko. Ayos tong kapatid ko, dinaig kami ng ate niya.

"Ang daya mo Drake! Bakit si kuya meron niyan? Ako wala?" Pagmamaktol ni Kristina na

kalalabas lang galing kusina at ngumunguya ng kung ano.

"Ah, wait." Dumukot si Drake sa bag niyang nakapatong sa sofa at inabot kay Kristina ang shirt.

"Thank you bunso!" Kiniss siya ni Kristina sa pisnge na agad din naman nitong pinahid. Haha! Ayaw kasi niya ng kini-kiss siya. Di na daw sya baby.

Umakyat muna ako sa kwarto ko para magpalit ng damit at maghilamos na rin. Pagbaba ko, sakto at kauuwi lang din ni Dad. We ate our dinner later on tapos itong si Drake, niyaya akong maglakad-lakad sa village at maglaro daw kami sa park. Geez. Tatanggi sana ako pero pinilit ako ni Mom. Pagod na kaya ako! I want to sleep!

**

We're actually here sa park at naglalakad. Hila-hila pa ni Drake ang skate board niya at ganun din ako. Well, matagal na rin akong di nakakapag-skate board!

Paikot-ikot lang kami sa village nang mga isang oras tapos paunahan pa kami. Nung medyo napagod na ako, I rest for awhile at naupo sa may bato while Drake is doing his simple stunts. Nag-i-scroll lang ako sa cellphone noon while reading a lot of messages from different people whom I don't even know nang biglang...

"Gabi na, nasa labas pa kayo?" The voice gave me a sudden goosebumps. *HBDTbyShupershimmer*

Napalingon ako sa kanan ko at nakita ko ang matandang babae na nakaupo rin sa tabi ko. She has many wrinkles on her face at parang hindi taga dito? Binalik ko ang tingin sa cellphone ko since di ako nakikipag-usap masyado sa stranger, tsaka she's kind of creepy.

"Natatakot ka ba?"

"Huh?"

Nagkatinginan kami tapos ini-scan nya ata mukha ko? Tapos nangiti pa. Nakakatakot naman sya? Parang yung sa mga nakikita ko sa horror!

"Mag-ingat ka sa taong naka-violet, iho."

"Po?" Napakunot ang noo ko bigla.

"Mag-ingat ka sa taong naka-violet dahil sya ang sisira sayo... dito." Sabay point nya sa dibdib ko.

Napatayo ako bigla! Hala grabe. Ke-tanda-tanda na, nangmomolestya pa ng tulad ko. Grabe naman ang lola na to. Desperate ba sya masyado? Umalis ako sa pwesto ko at umangkas sa skateboard then rode it. Sinundan ko na lang kung saan papunta si Drake. When I feel like I am 7 meters away, I turned my head to see kung andun pa ba sya.

She's gone. Violet? Tss. Kabaliwan.

"Kuya!" Napalingon agad ako kay bunso.

"Oh?" *HBDTbyShupershimmer*

"Tambay muna tayo dun." Hinila niya naman ako papuntang park at umupo kami sa bench. Bumili si Drake ng pagkain niya habang ako, iniintay lang sya maubos yon. Di man lang ako nilibre! Wala kasi akong wallet dito! Psh.

"Ay tae!" Pagulat na sabi ko nang may naramdaman akong something hairy sa binti ko. Pagtingin ko, dumungaw mula sa ilalim ng bench ang isang tuta! Super liit pa.

I smiled. "Ba, ang cute mo naman! Sino may-ari sayo?" I lifted it.

"Cute cute cute cu-"

"Akin na nga si Twinkle!" Nagulat naman ako sa babaeng umagaw sa tuta. Pagtingin ko sa mukha nung babae, nanlaki pareho ang mga mata namin.

"Hikari?" Natahimik naman siya bigla.

You know what's funny? Napatingin ako bigla sa damit niya. Hmm... she's wearing a jacket again? And uh, maong shorts at sneakers.

"Mag-ingat ka sa taong naka-violet, iho."

Buti naka-blue jacket siya. Hay! Bakit ko ba iniisip yung sinabe ng matandang yun? Bigla-bigla na lang nagpa-pop sa ulo ko ah? Paki ko kung sakaling naka-violet nga siya ngayon? Whatever. The point is, she is wearing blue! Hindi violet. *HBDTbyShupershimmer*

"Girlfriend mo kuya?" Drake asked.

"Hoy! Anong girlfriend? Ingudngod ko sayo yang ice cream eh," natahimik bigla si Drake at kumain ulet.

I stood up. "Gawa mo?"

"Ano?"

"Bat andito ka sabi?" Stalker ba kita? I want to say.

"Masama?" Tumingin siya sa paligid. "Binili mo ba? May pirma mo? I haven t seen any."

May pagka-maldita pala sya noh? Ngayon lang nag-sink in sakin. Siguro alaga niya ang tuta na yan. Sayang. Gusto kong arborin. Kaso, baka mansakmal ang amo! Wag na lang. *HBDTbyShupershimmer*

"Tara na nga Twinkle." Twinkle? Pa-girl ang name ng pet ah? Buhat-buhat nya ang tuta niya nang biglang pagtalikod nya sakin ay may nakabunggo sa kanyang bata na may bitbit na mineral water.

"Aish!" NANGITIM BIGLA YUNG BATA SA TAKOT! Dejoke, nagulat lang yung bata. Eh kasi, nakakatakot ang sigaw nya.

"Sorry." Sabay takbo nung may hawak ng tubig. Kinilabutan!

She glared at me when she found out that I couldntt help but smirk on what just happened. Siguro yan ang tinatawag nilang karma raw?

Pinahawak niya ang tuta niya sakin at kita kong basang-basa ang jacket niya. She unzipped it. Pero, hindi sa harap ko! Wag kayong mag-isip ng kung ano, ok? Naka-side view lang siya at hinubad ang suot niya na blue jacket habang nag-tsk-tsk pa sya. This time, hindi na siya nakasando. *HBDTbyShupershimmer*

Naka-RED shirt na sya.

"Akin na. Magka-virus pa yan." Kinuha niya si Twinkle sakin tapos bitbit ang jacket ay umalis na sa harap ko si Hikari.

"Kuya! Is she your enemy? She's so angry at you. Break na ba kayo?" I glared at Drake na kala mo may alam! Psh.

"Eh kung ihampas ko sayo tong skateboard?" He giggled at tumayo na. After eating his food, umuwi na rin kami since malalim na rin yung gabi at for sure, mom's looking for us.

Pagdating naming sa bahay, saktong naabutan namin si Kristina na gumagawa ng project nya ata? I think so. Di ko naman na tinanong kasi naupo lang ako sa sofa at naglalaro sa laptop ko. Pampaantok mehn! Tapos si Drake, umakyat na sa kwarto niya.

"Tsk. Shit naman." She mumbled but I ignored.

"Ah, kaasar! Bakit ka naubos!" I got distracted nung sumigaw siya. Ayan! Natalo tuloy ako ng

kalaban! *HBDTbyShupershimmer*

"Hoy! Ingay mo! Gabi na baka makaistorbo ka ng kapitbahay!" She just glared.

"Problema mo?" I asked.

"May paint ka pa ba dyan kuya?" Tinaas niya ang isang bote ng paint. "Ubos na kasi yung violet."

"Mag-ingat ka sa taong naka-violet, iho."

There goes that violet stuff again! Bakit ba na-eencounter ko lagi ang bayolet na yan? What's wrong with the world, huh?

"Hello? Kuya? I'm asking you." Di ko namalayang napatulala pala ako dun.

"Huh? Violet paint? W-wala." I tilted my head on my laptop's screen and started playing.

"Wala ka ng violet?" I heard Dad's voice as he walked paakyat ng hagdan.

"Yes Dad. Can you buy for me?" *HBDTbyShupershimmer*

"Wala ng mabibilhan ng gantong oras. Well, if you want... you can mix colors." Suggest ni Papa kay Kristina.

"Mix?" -Kristina

"Well, anong color ba ang mabubuo pag pinagsama ang BLUE at RED?" Sabi ni Papa. Napatigil na naman ako sa pagpindot sa laptop. Napatigil na naman ako! Ay pakinshet. No way =__=

"Violet! Wow! Nice idea. Thanks Pa!" Sabi ni Kristina tapos ginawa nga niya sa isang maliit na bote. She mixed the blue and red paints. Ako naman si tanga na parang nagdadasal sa harap niya na sana, hindi violet ang lumabas na kulay! ...and viola! Bayolet nga.

BAYOLET? PAMBIHIRANG BAYOLET YAN. KANINA PA YANG BAYOLET NA YAN. BAKIT BA KASI BLUE AT RED ANG SUOT NIYA KANINA! ARGH. That's creepy.

HBDT// Kabanata 8

HIKARI'S POV

2 weeks later. Well, hindi ko naman na kailangang idetalye sa inyo ang eksaktong mga pangyayare eh cause everything's a mess. *HBDTbyShupershimmer* I mean, wala... boring. Ewan ko? Boring lang talaga siguro ang mga araw ma dumaan sakin. O baka boring talaga buhay ko!

Nakaupo lang ako ngayon sa klase katabi si Kleinder Jake. Nubayun? Ang haba ng name? Pwede bang KJ na lang? Actually, Im playing the temple run sa Iphone ko. Boring nga kasi yung subject! English? Duh.

"Quit playing, will you?" He whispered tapos napahinto ako sa pagtatap ng screen ko. Nakatago kasi yung cellphone sa ilalim ng table ko.

"What? Di naman kita inaano eh."

"Basta. Kitang nagkaklase eh. Nakakadistract kaya."

Hay. Ang grade conscious naman niya. Matigil na nga! Baka ikamatay niya pa eh. "Ito na. Happy?" Sarcastic akong tumingin sa mukha niya.

"Good." Tapos ngumiti pa ang loko. Feeling ah?

Dumukot na lang ako ng chewing gum sa bulsa tapos binalatan. Napatingin na naman si KJ sa ginagawa ko! Damn. Cant he just do whatever he's doing at pabayaan ako?

"Fine!" I rolled my eyes at binalik sa bulsa ng blazer ko ang gum. I inserted my hands inside my pockets habang lumulutang ang kokote ko. *HBDTbyShupershimmer*

"Huy, journal daw." Nabalik ako sa ulirat ko nung marinig kong bumulong ang katabi ko.

"Okay."

Nilabas niya yung kanya pero di ko dala yung akin eh. Psh. Like duh, di mo ko maaasahan sa ganyang bagay. Ewan ko ba kung bakit dito ako nilipat ng mabait kong tatay! Kung tutuusin, pangatlong lipat ko na to ngayong high school eh. I dropped out when I was in second year dahil puro bagsak ang academics. This time, na-kick out naman ako. At ngayon, napadpad ako sa school na to which is pagmamay-ari ng ninong ko with matching weird people at weird section! Yeah right, kababae kong tao pero pariwara. Psh.

"Wala kang dala?" he asked.

Tumango ako sa kanya. His face was like 'ano? Wala kang dala? Patay kang bata ka!' but I don't bother. Okay lang na pagawain nya ulit ako ng project. Nakapag-pasa na kasi ako ng book report Madali lang yan mehn. *HBDTbyShupershimmer*

I'm straightly looking. Tapos nagulat na lang ako nung pinatayo ng teacher yung katabi kong si Kleinder...

Why?! May hawak siyang filler kanina ah?

Napatingin ako sa ibabaw ng mesa ko.

Nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko ang isang journal sa table ko. Imposibleng akin to! Imposible talaga! Fudge.

"All of you! I'm giving you 70 in your assignment!" She's referring to Kleinder and ugh... dun sa isa. I don't know him.

"And as a punishment, clean the boy's cr for this week!" Grabe naman to! Napaka-brutal na teacher! Dapat dito binibigti e. Siya kaya paglinisin ng cr.

Pero ang weird! Bakit may napuntang journal sa mesa ko! Was I saved? Umupo na yung dalawa tapos tumingin ako sa katabi ko, unintentionally. Napa-sigh lang siya tapos binalik ko ang tingin sa journal na blue na may sticker ng mukha ni squidward sa ibabaw ng table ko. How childish.

I opened it.

ENGLISH JOURNAL

Personal property of: Kleinder Jake L. Ramirez IV-1

Sinara ko ito kaagad at napapikit. Na-i-stress na talaga ako sa katabi ko! Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya!? *HBDTbyShupershimmer* Bakit niya binigay sakin yung filler niya!? Yan tuloy! Siya ang napagalitan. Psh. I don't wanna owe anybody!

"Anong ginawa mo?" pagalit kong tanong habang pinapasa sa kanya yung filler niya. I keep looking at the blackboard while talking.

"Eh..." napakamot siya sa ulo niya. I started to glare at him. Ugh!

"Kala mo ba natutuwa ako sayo?"

"Hayaan mo na, maglilinis lang naman ng cr e." napangiwe siya sa sinabi niya tapos napayuko.

"Kahit na! It's not your damn business para saluhin ang punishment ko." I rolled my eyes. Badtrip. Kinokonsensya niya ba ako? Naaawa?

Ayoko kasi yung kinakaawaan ako. I'm even strong! Totally pissed off.

I stood up. "Yes? Miss Oda?"

"I'll go out." Naglakad na ako palabas without waiting for her to say 'okay'.

Parang baliw naman kasi yun! Bakit niya nilagay sakin yung journal niya? Para magkaraoon ng utang na loob? Ha! Laos na yan. Baka akala niya close na kami? *HBDTbyShupershimmer*

I am walking in school corridor at mukhang ako lang ang tao. Oras pa kasi para sa 3rd subject. Pero wala na akong ganang bumalik sa ulupong na teacher na yun. Dahil bukod sa boring siya... at boring ang subject niya... boring ang pagmumukha niya! Psh.

Suddenly, napahinto ako sa isang malaking bulletin. Isang freedom wall na parang pakana ng isang major club dito. I stopped and read some shoutouts and talkshits.

"Ang tanga ko... na-inlove ako sayo." -anonymous

"Mahal ko si Paolo! Love you! Muah muah tsup tsup!!!" - Robert. Yuck! Bading ang nagsulat

nito?!

"Mahal kita maging sino ka man! :D" -secret!

"Di ko alam pangalan mong banal... pwede ba, ang tawag ko na lang sayo'y MAHAL?" -Mark

"Nagseselos ako! T___T" -- blank

Psh. Isa lang masasabi ko. Ang kokorni nung mga nagsusulat dito. Halos lahat kasi tungkol sa lovelife nila! Buti pa sila yun lang ang iniintindi sa buhay. Mga hopeless romantic. Mga pathetic na tao. Kinuha ko yung pentel na nasa lagayan then nagsulat ako.

"PURO KAYO PAG-IBIG! NYEMAS. LOVE MY @SS" - Shane

ALL CAPS. Para mabasa nila. Tsaka sinulat ko sa gitna. I even used my second name para common. Like duh! Ilang libo kaya ang may Shane sa campus na to?

Tapos naglakad pa ulit ako hanggang sa may nalikuan akong isa pang corridor. Nakakatawa nga lang. Siguro nang-aasara talaga yung tadhana. Akalain mong Bulletin ng Values ang nahintuan ko? Paglingon ko, imbes na maasar ako, nakaramdam ako ng kirot sa puso.

"A Happy Family can conquer every trials. No matter how hard it is. No matter how far. As long as they are together... a family is always a family."

"Tch. Hindi din." I whispered.

Hindi porket malaki ang bahay ng isang pamilya at mayaman or sabihin na nating nakakaangat, it does not necessarily mean na masaya rin yung mga nakatira dun. Minsan nga mas miserable pa sa iniisip ng ibang tao. Psh.

Why am I thinking of my family anyway? As if they bother to even think of me, too. As if they understand what I really feel. Di ko nga rin alam kung alam ba ng Dad kong may anak siyang Hikari ang pangalan eh? WTF.

Sino nga bang iintindi sa isang hamak na blakcsheep? What a life. HA-HA-HA

I left that bulletin. Nakayuko ako nun nang may maaninag akong mga paa na nakatayo sa harap ko. I looked up. *HBDTbyShupershimmer*

"Nylan?" I said in a shocked tone. What the fudge is he doing here?

"Haaay. Sinabi ko na nga ba't makikita kita dito eh. Pinahirapan mo na naman ang mga tropa ko e." Sabi niya sabay akbay sakin. Pinipilit kong tanggalin yung kamay niya. Grr!

"Oh? Why angry honey?" Nang-iinsulto niyang tanong. Paano siya nakapasok dito!? Bawal outsider ah?

"Kadiri. Wag mo kong tatawagin na ganyan." Seryosong sabi ko at tinapik ang kamay niya. I gave him a disgusted look bago umalis sa paningin niya.

Nakaramdam ako na may pumigil sa braso ako then I found myself na kinakaladkad ng kumag na to. Dammit!

"Ano ba! Di ka ba titigil! Nylan naman!!!" sigaw ko pero inignore niya ang pakiusap ko. Kainis!

"Ako ang boyfriend mo. Kaya may date tayo ngayon."

Nag-iba yung boses niya habang sinasabi yun. He's like scaring me. But I'm not scared! Ang kapal ng mukha niya. *HBDTbyShupershimmer*

Date your face."

Bigla-bigla ay nandito na pala kami sa parking lot ng school. Binuksan niya ang passenger's seat ng sasakyan niya.

"Ayoko. May klase ako." Diretsong sabi ko.

"Mag-cut ka."

"What!?"

"Ditch in your class. Sus, parang di mo gawain?" Hinila niya ang braso ko papasok sa kotse at agad na kinabit ang seatbelt. Bwiset. Bwiset. Bwiset.

Wait. Let me explain. Yung lalaking to, siya si Nylan Medina. Siya yung kinakapatid ko or in short, anak ng ninong ko na may-ari ng School na to, okay? Nag-aaral na to ng college sa San Sebastian eh! Pero ewan ko kung bakit napadpad dito ang lecheng to eh iniiwasan ko nga ng bonggang bongga dahil kung umasta, parang boyfriend ko!

Totoo. Self-proclaimed niya na kami daw. Kaya nga lately, tinatakasan ko yung mga inuutusan niyang high school students din na hanapin ako e! Para masampal sa kanya yung katotohanang walang kami. At never magkaroon ng kami.

And...

Nylan is one of the fraternity leader.

Wait, satin-satin lang to ah. Someone adopted me sa grupo nila eh kaya I joined. Pero first year pa ako nang maging member nila! But I never meant to hurt anybody. Sila yung palaging nananakit ng tao without a reasonable excuse. That's why my Dad is very angry sa mga nakabarkada ko.

That's why naging masama akong tao. Influence? Maybe.

*HBDTbyShupershimmer* So much for the info. Teka, san na ba kami? Don't tell me dadalhin niya na naman ako sa clubhouse nila? Shet. Dito nga! Bahala na. Wala ring magawa sa school eh.

Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto dahil nauna na ako. Poker face.

"Let's go." Hinawakan niya ang kamay ko pero syempre, inalis ko at tinignan ko siya nang masama.

"Kaya ko maglakad mag-isa."

I stepped my feet at nagtungo sa clubhouse na malapit sa bahay ni Nylan. Pagpasok ko, puro usok at amoy alak. I covered my nose at nabigla silang lahat nang makita ako.

"Wow! Shane! You're back." Tumayo si Eya at bineso ako. Nakita ko pa yung hawak niyang sigarilyo. I tried to smile na lang tapos binati na rin ako ng ibang nandito.

Tae! Nag-cutting lahat ng to?! Di na nagbago!

Umupo na ako sa vacant seat at tumungga ng one shot. "Oh, chill lang Shane!" Awat ni Lourd pero di ko siya pinansin. Somehow, I miss this atmosphere. Yung free ako. Yung nagagawa ko yung gusto ko without hesitations. Kahit na sabihan ako ng ibang tao na 'walang kwentang tao' I know. I feel it na parang wala na talagang patutunguhan ang buhay ko. Sila lang kasi yung mga taong nakakasama ko at nakakaintindi sakin. Should I say more?

"Tabi!" Tinulak ni Nylan ang lalaking katabi ko at umupo siya sabay akbay sakin. *HBDTbyShupershimmer*

"Get off me." I glared at mukhang nadaan naman siya sa sinabi ko kaya inalis niya ang kamay niya sa balikat ko.

Dumukot siya ng yosi, "You want?"

"No, thanks."

Actually hindi talaga ako natutong manigarilyo kahit pa todo ang pang-iimpluwensya nila. Hanggang alak lang talaga ako. Ayoko kasi gayahin ang mama ko who died because of smoking. Tsaka, babae parin naman ako. I have my limits. Somehow, may respeto pa naman ako sa sarili ko. Siguro yun na lang ang bagay na meron ako, ang pakababae ko.

Maghapon ako na nakatambay kasama sila. Kwentuhan. Drinks. Kantahan. Pero syempre di ako kasama sa kumanta. Sipain ko mukha nila pag pinilit ako! 7 pm na ako nakauwi sa bahay kahit medyo may tama na.

"Salamat sa hatid." Sabi ko sabay labas ng kotse ni Nylan.

"Wait." Lumabas din siya bago pa ako makapag-doorbell sa bahay.

Na-feel ko na tumitig siya sakin and he's about to land his lips onto mine but I avoided it. Minsan gago rin tong Nylan na to e. *HBDTbyShupershimmer* Teka, minsan? Palagi kaya! Kahit sabihan kong ayokong magboyfriend at siya pa, wala pa rin. Matigas ulo.

Umalis na siya at nagdoorbell ako. *HBDTbyShupershimmer* Pagbukas ng gate, bumalandra sakin si Tita Gene, stepmother ko.

"Good you're here. Kanina ka pa hinahanap ng Dad mo."

I didn't mind what she was saying at dumiretso ako sa pinto. Pagpasok ko ng bahay, I neither

received a hug nor a kiss from a father. Instead, he slapped me.

What was that for? The heck!

HBDT//Kabanata 9

"Saan ka galing?" He asked.

"Dad, bukas na to please? I'm tired." I stepped pero natigilan ako.

"Amoy alak ka. Are you drunk?" *HBDTbyShupershimmer*

I faintedly smirked, "No dad. I'm physically okay! Look!" I stretched my arms and tried to smile.

Napahilamos si Papa ng mukha niya gait ang palad niya. "Wag kang mag-alala Pa. Im... okay."

Then, I left him. Pumasok ako ng kwarto ko at nag-shower agad. Naisip ko na naman yung sampal niya kanina lang. That was for the nth time. Kaya ewan ko ba, parang nasanay na ako. Bakit ganun? Ang init ng dumadaloy na tubig sa pisnge ko? I faced the mirror at kitang-kita ko ang pamumula ng mga mata ko.

Bumaba ulit ako para sa dinner. Nakakabingi naman yung katahimikan! Kaasar! Puro kiskisan ng kutsara at tinidor ang naririnig ko. Nakakangilo.

"Have you ditched your class?" Dad asked.

"Bakit naman ganyan ang tanong mo sakin?" I replied without looking.

"Hinanap kita sa school ninyo pero wala ka. Umalis ka daw? Sinong kasama mo? Yung childish peers mo na walang ginawa kundi magpariwara ng buhay?" My ghad. Kumakain kaya kami? Cant he just shut it up at next time na pag-usapan?

"Basta."

"Anong basta?"

Sasagot na sana ako nang magsalita yung step sister ko na si Megumi. Meg for short! Mas bata sakin ng dalawang taon. *HBDTbyShupershimmer*

"Ugh, dad. I have a good news nga po pala." My Dad changed his mood.

"What, iha?"

"I was chosen as the lead role sa stage play naming Florante at Laura sa school! Isn t that great?" If I know, pasikat na naman tong kapatid ko. Kaya naiinis ako pag kinukumpara sakin to eh!

"Really? That's great. I will surely watch that."

Silence again. "Buti ka pa may nagagawang matino. Samantalang yung iba dyan, walang ginawa kundi magloko." Poof. Ako ba yun? Ha-ha-ha.

Nadiinan ko tuloy yung paghihiwa ng karne! Ano ba yan. Nakakawalang gana. Nakakaurat!

*** KLEINDER's POV

Yuck. That's all I can say. For all of my life, ngayon lang ako maglilinis ng banyo. Eww. Kasama ko ang isa ko pang classmate ko na naparusahan din. Remember nung binigyan akong punishment sa English?

*HBDTbyShupershimmer* Eh kasi. Ewan! Nagulat kasi ako nun nang sinabi niya sakin na wala siyang dalang journal. Sa bigla ko, nailagay ko yung akin sa kanya. Minsan lang naman ako maparusahan eh. Pagbigyan!

Kaso, nakakapagtaka lang. Bakit di na bumalik sa klase si Hikari? Nag-cut na naman? Ugali niya na bang mag-cut ng klase anytime na gusto niya? Ba, di yata maganda yun?

"Pre, kadiri naman tong parusa natin. Laslas pulso!" Sabi ng kasama ko while wearing his mask. Then, pumasok na kami sa loob.

May mga boys na gumagamit ng banyo but we just started cleaning. Amp. I hate this.

Natigilan kami nang magbukas ang pinto ng CR at mas nagulat ako sa nakita ko! Si Hikari na may hawak ng mop! What the hell!? Boys CR to. Talk about... privacy?

"Shit!" Napasigaw nang mahina yung mga tao sa loob at sabay-sabay na nagsara ng mga zipper nila. If you could see them all! Nakakatawa naman yung eksena na yon. Laughtrip pre! Namutla sila pare-pareho!

Naglakad siya palapit saming dalawa ng kasama ko without even looking sa mga nagulat na lalaki sa kanya.

"Huy. Ano bang ginagawa mo? Banyo ng mga lalaki to!" I whispered to her.

"Ano naman kung lalaki? Anong masama?" I gave her a disgusted look at tinawanan lang niya ako. *HBDTbyShupershimmer*

"Anong masama? Syempre... lam mo na." sabi nung katabi ko at binatukan ko naman agad.

"What are you doing here?"

"Maglilinis." She raised the mop at ngumisi pa. "Kadiri pala kayong mga boys pag gumamit ng CR. Eww."

"Seryoso? Maglilinis ka?" I asked.

"Hindi ba halata? Shunga ka?" Why? May kasalanan din ba sya? Kaya naparusahan na naman? Nakakaloko naman ang babaeng to. Parang hindi tao eh!

After 30 minutes, we ended our duty. Grabe lang yung paglinis ko sa kamay ko kahit naka-gloves ako. Natatawa nga ako kasi halos walang lalaking nag-dare na magbanyo dahil kay Hikari eh. I told you guys. She's scary.

"Here." Inabot ko yung canned coke sa kanya tapos napakunot noo niya.

"Ano yan?"

"Coke, malamang!" She just rolled her eyes then kinuha yung inaabot ko.

I sat beside her at ininom ang Royal na hawak ko. "Bakit ka naman naglinis ng banyo? Pinarusaha

"Ayoko kase ng utang na loob." She looked pero binawi niya agad ang tingin niya at ininom ang coke.

"Utang na loob?" I laughed, "Pinautang ba kita?"

"Hindi. Well, hindi naman directly. Ah! Basta!" Napakamot na siya ng ulo niya. *HBDTbyShupershimmer*

"Bilib din ako sayo e." Sabi ko.

Napatingin lang siya sakin after kong magsalita. "Eh kasi naman, naglinis ka ng banyo ng lalaki. Tomboy ka ba?" She laughed.

"Oh? Anong nakakatawa?"

"Wala... tomboy? Haha! Ikaw pa lang ang nagsasabi niyan sakin, KJ." Nabulunan ako bigla sa paginom ko! Ano daw?!

"KJ?" she nodded.

"Yep. KJ nalang tawag ko sayo. Ang haba ng name mo eh at tutal, KJ ka naman talaga!" Sarcastic nya pang sinabe. Argh!

"Hoy! Anong KJ?! Ha! No way!!!" Tinuro ko pa sarili ko. Hindi naman ako KJ! Ang panget ng tawag nya!

"KJ ka kaya! Nung nagtetemple run ako! Remember?"

"Eh kasi may klase tayo nun!"

"Basta. KJ ka parin. KJ! KJ! KJ!" Ba, binelatan pa ako! Sarap batukan ng babaeng to ah!

Natahimik kami saglit ng five minutes. Nanonood kasi kami ng PE Class ng mga freshmen.

"Bakit ka nga pala biglang nawala kahapon?" I suddenly asked.

*HBDTbyShupershimmer* She smiled. "Na-miss mo ko, noh?" Kinilabutan naman ako dun. Bihirang-bihira siya ngumiti ng ganun ah. Something weird.

"Ha! Patawa ka Shae-neh? Hahahah! Sakit mo sa tiyan." Talk about sarcasm guys!

"Sha-neh? What the fck is that?"

"Tawag ko sayo. Sha-neh! Bagay diba?" Kung nakikita niyo lang ang pagkairita sa mukha niya.

"Eww."

I poked her forehead, "Hoy! Anong eew? Ikaw nga tong KJ ng KJ dyan eh."

"Hoy Lovebirds!" napalingon naman ako sa paparating. Oh! Ladies and gentlemen! Palakpakan para kay Gabriel!

"Loverbirds? we said in unison.

"Oo. Lovebirds. Bingi lang?" Umupo siya sa tabi ko. Kasunod niya pala si Rex na nagtetext ata sa cellphone nya. Vacant pa kasi namin kaya inuubos ang oras.

"Wag mo nga kaming matawag-tawag na lovebirds," Inirapan tuloy siya ni Sha-neh.

"Ikaw kasi! Ang baho ng pasok mo!" Pang-iinsulto ko.

*HBDTbyShupershimmer* Umupo naman si Rex sa tabi ni Shane. Ang sikip sikip na nga sa pwesto namin eh! Gitgitin daw ba kaming dalawa sa gitna?

"Usog pre." He pushed his butt. Wth!

"Ano ba! Sikip na nga eh."

"Uhmm! Ummm!" Napakunot ang noo ko nung ngumuso si Gab and he's referring sa katabi ko.

"Oh? Ano na namang problema?" naiiritang tanong ko.

"Hehehehe! Tsansing ka ah." Kinaltukan ko ang loko! Napahimas tuloy siya sa ulo niya.

"Gagu."

HIKARI's POV

Friday.

As usual, nasa klase na naman ako. Pero this time, di ko masasabing napakaboring ng buhay ko rito kasi somehow, masaya rin kasama yung mga seatmate ko kahit sinusungitan ko sila madalas. Lalo na si KJ. Napakakulit! Pag walang magawa, ako ang kinukulit! Sulatan daw ba ang kamay ko! Ayun, sulatan kami at padamihan ng iskor!

Laftrip din kasi yung si ano... yung bakla! Si Rex. Or Roxanne! Masyadong madaldal at ang hilig magjoke lalo na ng something green. *HBDTbyShupershimmer* Musta naman si Gabriel noh? Isa pa yun. Malala rin ang toyo kaya sarap buhusan ng suka. Eto naming si Czarina, super serious. Grade conscious eh!

"Haynako Sis. Alam mo ba yang si Klein, sumayaw na yan dati sa room! Sobrang kapal nga ng mukha eh! Di man lang nahiya! Feeling jabowockeez! Hahaha!" Sabi ni Rex na nakaupo sa harapan ko pero natwist yung body nya at kinakausap ako.

"Hoy! Bakit pangalan ko na naman yung naririnig ko ah?" React ni KJ na nasa kabilang row pa. Next subject kasi ang Math.

"Oh? Anong sinayaw? Pole Dance?" Sarcastic kong sabi tapos medyo nilakasan ko pa. Pang-asar lang!

"Hoy! Di ako nagpo-pole dance! Yuck!" -KJ

"Hahaha! Ew! Hindi yun ah. Well, sumayaw lang naman sya ng Nobody, nobody, but you! Hahahah! If you see it, you'll shit brix!" Natawa akong bahagya. *HBDTbyShupershimmer*

Si KJ? Sasayaw ng Nobody? Gross. Nakita kong namula yung mukha nung kanina pa nagrereact at hiyang-hiya na parang gustong suntukin si Rex ngayon mismo.

"Hoy Rex! Isa pa! Baka di kita masanto!" Banta niya. Nakakatuwa naman yun! Sinong tinakot nya?

"Talaga! Isa pa!" nabigla akong nung bumulong si Rex sakin at sinabing...

"Alam mo bang crush ng bayan ang pogitang yan? Maraming babae ang nagkakandarapa dyan! Isa na ko dun." Humiwalay na si Rex sakin at binigyan ko sya ng shocked na reaction.

"Hihihihih! Joke lang yung last part! Pero totoo yung sinabi ko, ah! Swear!" tinaas nya pa ang right hand nya.

"Hoy! Ano na naman yun ha? Ano yung binulong mong bakla ka?" Asar na sabi ni KJ.

"Talaga? Di ko inaakalang ganun si Kleinder. Nakaka... disappoint naman!" sabi ko sabay kindat kunyare kay Rex.

"Aba oo! Kadiri talaga ang sikreto nyang yun! As in eeeww!" *insert maarteng boses here*Buti marunong sumakay tong Rex na to. *HBDTbyShupershimmer*

Punung-puno na si KJ! Lalo akong natuwa sa eksena nung lumukos ng papel si Klein at binato kay Rex. Sapul sa mukha! 3 points mehn!

"Wag ka ngang maniwala dyan!" sabi niya sakin.

"Tsk tsk tsk!" I looked at him na parang nandidiri ako.

Natapos na yung Math at English na naman. Basa-basa lang naman ang ginawa eh. Si KJ, kanina pa ako kinukulit! Ano daw yung binulong sakin ni Rex at mukhang diring-diri kami. Kulang na nga lang, lumuhod sya sa harap ko eh. Pero syempre, inasar ko muna.

"Class, You'll be presenting a duo report on Monday... uhm, about the story that we just read today." Sabi nung teacher.

"Ma'am, what kind of presentation?" Tanong ni Czarina. GC talaga toh!

"Uhm... we'll do it by partners since it's kind of hard if you'll do it individually. Just make a Powerpoint about the story and realizations. To make it easier, your seatmate is automatically your partner." Sabe nung teacher. *HBDTbyShupershimmer*

"Ay badtrip!" Napatingin na naman ako sa nagreact na si KJ. Badtrip sya kasi partner kami? Sapakin ko to eh!

"Ayaw mo saken?" He just stared.

"Ha?"

"Ano?! Ayaw mo kong partner? Okay lang. Di lang naman ako ang mawawalan ng grade e. Ikaw rin, sige." Pananakot ko pa! Aba, sayang si KJ nuh. Balita ko nasa top sya eh. Syempre pag may mga ganyang project, kakapit dapat sa may alam.

"Pano pag sinabi kong ayoko nga?"

"Fine." Tapos umayos ako ng upo at huminga then, "... grabe, super disappointed ako dun sa nalaman ko." *with matching iling-iling*

I saw his face at naglipbite sya. That was... hot?

"Aish! Bwiset." He mumbled. *HBDTbyShupershimmer*

Then I gave him a smirk. At napakamot sya sa ulo niya.

[Dismissal]

Saktong uwian nung sumabay ako sa paglalakad palabas ng gate kay KJ.

"Oy!" Binatukan ko sya at umaray naman sya dun.

"Anyare sa mukha mo?"

"Wag mo nga akong mahampas-hampas! Ma-bobo ako nyan e." Ah, sungit nito?!

Habang naglalakad siya, nilagpasan ko sya nang konti at humarap. Alam niyo yung naglalakad nang nakatalikod? Ganun ang ginagawa ko tapos kaharap ko sya.

"Ano, gagawin ba natin yung presentation o hinde?" I smirked.

"Presentation ka dyan? Walang partner-partner! Gumawa ka mag-isa mo." Yumuko sya tapos napatigil ako sa paglalakad kaya nabunggo nya ako. He stopped walking, then.

"Ah ganon?"

*HBDTbyShupershimmer*

Napakamot na naman sya ng ulo niya. Tae! May dandruff ba to? Kamot ng kamot!? WTF.

"Kelan ba birthday mo? Reregaluhan kita ng one-year supply Head and Shoulders! Kamot ka ng kamot sa ulo mo eh!"

"Whatever."

"Sige, pag hinayaan mo kong gawin natin yung sa English, sasabihin ko na sayo yung binulong ni Rex. Promise!" Tumingin muna sya sa mukha ko. Nagdadalawang isip ata!?

"Huy! Ano ba!" I waved my hands on his face.

"O... o sige."

"Yes!" Napasuntok ako sa hangin pero below the waist lang naman! May gagawa na ng project ko!

Tumakbo na ako palayo at sumigaw sa kanya, "Sure! Bukas, ah. 2 pm! Sa bahay ninyo! Sunduin mo ko sa 7 eleven!"

Kahit malayo na ako sa kanya, kitang-kita ko na nanlaki pa ang mga mata niya. Nagulat ata sa sinabi ko!

"Ui! Anong sa bahay namin?!" I ran fast towards the gate dahil nakita kong tumakbo na rin sya, "Hoy! Anong samin?! Sha-neh! *HBDTbyShupershimmer*

Nakalayo na ako sa kanya. Nakakahingal ah! Sha-neh? Sucks! Basta ang mahalaga, may pagkakaabalahan ako bukas!

HBDT//Kabanata 10

HIKARI'S POV

*krring krriing!*

Tae naming lalaki to! Bakit ayaw sagutin ang tawag ko?! Pang-limang tawag ko na pero ayaw pa rin sagutin! Ugh. Natutulog ba sya ngayon? Duh. Tanghaling tapat tapos tulog?

Last call. Pag ito di niya sinagot, malilintikan ka sakin KJ!

*Krriing! Kriiing!*

"Answer this!" I murmured. Maybe nagtataka kayo kung bakit may number nya ako? Eh kasi last day, inagaw niya lang naman yung cellphone ko tapos ti-nype nya yung number nya then saved it. Sabi niya, i-contact ko raw sya if needed.

"Uhm... h-hello?" Parang rough pa voice nya, ah? *HBDTbyShupershimmer*

"Hoy!" Sigaw ko. Di siya nakasagot agad.

"Oh? Anong kailangan mo!? Natutulog yung tao eh."

"Hello! May nakalimutan ka yata?" Para akong ewan dito sa loob ng 7 eleven dahil mukhang inaaway ko ang kausap ko! Luh! Late na kaya sya nang 30 minutes!

"Ano naman?" Psh!

"Don't tell me wala kang maalala? Eh kung iumpog ko kaya ulo mo sa pader!? Ha!"

"Wag ka ngang naninigaw, ok? Parang ji-no-joke lang eh." Narinig kong nag-giggle pa siya. Loko! Joke mo mukha mo. *HBDTbyShupershimmer*

"Bilisan mo! Kanina pa ako nga-nga sa 7 eleven eh!"

"Ito na. ito na!"

Bigla niyang binaba yung call. Aish. Wow ah! Napakabait niya para kalimutan yung usapan namin. Ayoko sa lahat ang pinaghihintay ako eh! Pasalamat sya 30 minutes late palang!

Wala pang 5 minutes, may lalaking nagbukas ng pinto sa 7 eleven. Naka-rayban eyeglass tapos tshirt na gray at shorts lang then naka-islander na tsinelas. Pinagtinginan siya ng mga babaeng kumakain sa loob.

Luminga-linga yung lalaki tapos ini-stop nya ang tingin niya sakin. He walked towards me kaya nagtaka ako tapos napatigil ako sa pagsipsip ng slurpee. *HBDTbyShupershimmer*

"Tara na." Sabi niya sakin. Tumingin ako sa likod ko.

"Ako?"

"Oo! Sha-neh!" Inismiran pa ako! Napakunot bigla yung noo ko. KJ, ikaw yan?

"KJ?"

"Oo. Tara na." Nagkamot sya ng ulo nya.

Bakit di ko na-recognize? Eh kasi ang layo ng seat ko sa door tapos ang gulo gulo ng buhok niya pero parang ok sa kanya yung dating. Nagwa-wax ata sya pag pumapasok eh. Tapos naka-shades eyeglass pa! He grabbed my hand patayo.

"Bitiwan mo nga ako, pinagtitinginan tayo." I whispered pero hinila niya parin ako hanggang sa makalabas ng 7 eleven. *HBDTbyShupershimmer*

May kinuha siyang bagay sa bulsa ng short nya at pinindot ito sa tabi ng isang silver na sasakyan.

"Hop in." Sabi niya sabay sakay sa driver's seat. Sasakyan nya to? Weh?

Umismid muna ako bago sumakay. Hindi man lang ako pinagbuksan ng pintuan! Napakabait. Clap! Clap! Clap!

"Kotse mo?" tanong ko habang nag-da-drive na siya.

"Sa Mama ko to. Bawal pa ako magka-auto." Napatango na lang ako.

Mamaya, nagtanong siya, "Hoy Sha-neh."

"Will you stop that crap name?" I rolled my eyes pero ngumisi lang siya.

"Haha! Cute nga eh. Oh ano? Binasa mo ba yung story na sinasabi ni Ma'am? Baka mamaya nganga ka na naman tapos di mo ako matutulungan sa-"

"Hindi ko binasa." I said firmly. Eh sa hindi naman ako nagbabasa eh! Asa pa siya noh!

"What? Nababaliw ka na ba!? Paano tayo gagawa ng project kung wala ka naman palang idea? Haaay!" Napahampas pa siya sa manibela. Haynako! Ang arte!

"Bat ko pa babasahin? If I know, binasa mo na rin yun noh. Ako? Magbabasa ng mahabang story tungkol sa pag-ibig blah blah? Eww."

Pagkaraan ng ilang minute, nandito agad kami sa tapat ng isang bahay. *HBDTbyShupershimmer*

I think ito na yung bahay nila? Lumabas ako ng sasakyan tapos nag-doorbell si KJ sa gate. May isang batang lalaki ang nagbukas ng gate. Ito yung kasama niya last time ah? Yung kapatid niya ata.

"Kuya! Oh, si ate sungit! Hello!" Nag-wave pa siya. Ano daw tawag niya sakin!?

"Si Mama?" KJ asked.

"Nasa loob eh. Halika ate sungit, pasok ka!" hinila niya pa yung kamay ko.

"Don't call me ate sungit!" Sabi ko then I glared.

Aba! Tinawanan lang ako! Wala siyang pinagkaiba sa kuya niya ah! Parehong may topak! Pagpasok ko, nakakita ako ng isang babae na nanunuod sa sala, I think she is his mother. Napatayo siya tapos lumapit samin.

"Ma! Look! Siya yung sinasabi ko sayo before!" Sabi nung bata sa mother niya. Ako? Kinukwento!? WTH!

"Oh? Talaga? Eh di naman siya mukhang masungit eh! Anong pangalan mo, iha?" She asked tapos sinabi ko ang pangalan ko. *HBDTbyShupershimmer*

"Hikari... Shane." I smiled awkwardly. Aish! Bakit ayaw bitiwan ng batang to ang kamay ko? Nakakainis ah. Lalo na yung pagtawag niya sakin!

"Mama! She's masungit. Inaway niya nga si Kuya e!" Natigilan yung mama niya nung nagsalita si KJ na kakapasok lang.

"Pst! Tumigil ka nga dyan Drake! Hambalusin kita dyan eh! Makikita mo!"

"Hay naku, tama na nga yan! Nakakahiya sa maganda nating bisita! Hahaha! Kumain ka na ba?"

Syempre tumanggi ako, "Ah, wag na... busog pa ako."

"Hoy! Klein!" Her mother called him habang paakyat siya.

"Ano?!" Nakasimangot pa ang loko ah. *HBDTbyShupershimmer*

"Di mo man lang ba ipapakilala ang bisita mo?"

Nagkamot siya ng ulo at bumaba ulit sa hagdan. "Sha-neh... I mean, Hikari, si Mama then this one is Drake. Ma, si Hikari po, classmate ko, bagong transfer lang."

"Ah..." Napatango-tango pa ang mother nya tapos biglang ngumiti sakin, "Hi! WELCOME SA BAHAY!" sabay beso. Okay?! Nakakabigla naman!

Tapos nun ay humingi muna ako ng tubig at binigyan naman ako ni KJ.

"Nasaan kwarto mo?" Tanong ko pagkatapos inumin yung tubig. Napatingin bigla sakin yung mama niya. Bakit?!

"H-ha? Bakit mo hinahanap bedroom ko?" Nagtatakang tanong ni KJ. Duh! Ang slow nito oh!

"Jusko! Malamang, kasi doon tayo sa kwarto mo gagawa diba!?" Napaubo bigla yung mama niya sa huling salita na nasabi ko. Teka, kanina pa yan ah! ANO BA ANG MALI SA SINASABI KO, HAH!? SABIHIN NIYO NGA?!?

Napatingin siya saglit sa mama niya at napalunok. Tingin sa mukha ko, aba! Namutla ang loko. Baket? *HBDTbyShupershimmer*

"Ano ka ba..." He glared.

"Oh ano? Eh di ba kadalasang nasa kwarto ang study room? Gagawa tayo ng project diba? Nasaan na ba at nang masimulan na?"

"Aish!" Napakamot siya sa batok niya, "Lika na nga! Ang daldal mo!" Hinablot niya yung kamay ko paakyat nung hagdan. Pag-akyat namin, huminto siya sa isang pintuan at sinusian niya para buksan. Malamang, kwarto niya na to. Eh kasi puro blue.

Dumiretso siya sa isa pang room sa loob. At pagdating namin doon, puro libro na. Computer set, study table at mga pictures nila ng mga kapatid at family niya. Sus, may paganyan-ganyan pa!

"Binabasa mo lahat ng to?" Tanong ko habang tinuturo ang magkakapatong na makakapal na libro sa isang mesa dun. *HBDTbyShupershimmer*

"I'm done reading that."

"Ano!? Nabasa mo na to lahat? Seriously!?" Naku. Ako nga di mo mapapabasa ng paragraph eh! Tapos siya, librong ganito kakapal? Oh my goodness!

Oo. Yung iba nga dyan tatlong beses ko nang nabasa. Bakit? Wanna borrow it?" Lumapit siya tapos may inabot saking libro, waaah! 3 inches lang naman yung kapal! "Basahin mo to, maganda yan."

I looked at him sarcastically. "Nagpapatawa ka ba?! Ako? Magbabasa niyan?" Umalis ako sa harap niya at umupo sa couch na nandun.

"Oh dali! Gawin mo na yung kung ano ang ipi-present!" Lumingon siya at tinignan ako nang masama.

"Oh? Problema mo?" Tanong ko.

"Alam mo, nakakainis ka na, ah! Kaninang-kanina ka pa. Konting-konti na lang pasensya ko sayo, Sha-neh!" Nag-grit pa ang teeth niya.

"Ganun ba?" *smirked*

*HBDTbyShupershimmer*

"Hello? Kaya nga tinawag na duo diba? Kasi dalawahan! Tapos ako lang gagawa? Ang daya mo ah." Nagpout na lang ako after niyang sabihin yun. Dami naming alam nito kahit kalian!

"Arte ah? Akin na laptop mo! Ako na magtatype basta ikaw magsabi kung ano ilalagay!"

Aba. Biglang ngumiti ang buang. Loko! Nakaisa siya ngayon! Sarap sapakin ng mukha ng Klein na to! Kala ko pa naman mauutakan ko na siya. Mas mautak pa rin pala siya!

So ayun, sinulat ni KJ lahat ng mga dapat ilagay sa Powerpoint tapos ako na ang nagtype. 30 minutes ko na ngang ini-edit to eh kasi medyo complicated ang phasing! Si KJ? Ayun, lumabas muna ng kwarto at may bibilhin lang daw sa labas. Daya! Hindi man lang ako tulungan dito. Kaasar.

Tapos dagdag pa tong si Nylan! Nakaka-stress eh! Nakailang vibrate na cellphone ko dahil sa mga tawag niya, eh hindi ko naman sinasagot. Ayoko nga!

"Aish! Nagba-bluff na ang putek!" Sigaw ko bigla kasi naghahung na naman!

"Sheeet! Gumalaw ka naman!" I moved the mouse fast. Pakshet! Pag ito hindi narecover, patay na. *HBDTbyShupershimmer*

Naramdaman kong bumukas yung pinto ng room kaya napatingin ako at nakita ko si KJ na may bitbit na plastic bag ng Jollibee. Wow ah, nagtake out pa talaga.

"Oh? Anyare?" Di ko siya kinibo.

"Bakit?" I suddenly felt na nasa likod ko na pala ang mokong at nakapatong ang dalawang kamay niya sa sandalan ng upuan ko.

"Nag-hung eh! Tang*na! Tapon mo na nga 'yang laptop mo."

"Ano ba kasing ginawa mo!?"

Nagulat naman daw ako nung bigla niyang ipinatong yung kamay niya sa kamay ko na may hawak ng mouse. Ay shet! Bakit parang nag-iba bigla yung aura? Ampoka! He tried to move the mouse but it cannot... or should I say, I cannot! Ewan. Dyahe.

Inalis ko agad-agad yung kamay ko at napatingin naman siya sakin, "Sus. Arte."

"Hindi kaartehan yon KJ! Pauso ka na naman, ah."

May kung ano-ano siyang ginawa sa laptop na nakapatong sa table. Habang nasa mouse yung kabilang kamay niya, nagtatype naman yung isa. Imaginin ninyo, halos ipitin niya ako sa loob ng mga braso niya! Nak ng tokwa! *HBDTbyShupershimmer*

"Ayaw pahawak ng kamay? Eh samantalang nanghahalik ka nga." Ugh! Di maka-move on. ah? I glared at him tapos ngumisi lang siya.

Hinayaan ko na siya na umupo doon tapos kinain ko yung mga dinala niyang pagkain. Iniwan ko siya sa study room tapos ako naman, umiikot sa kwarto niya habang kumakagat ng burger at sumisipsip ng float. Sa totoo lang, malinis ang kwarto niya, kumpara mo naman sakin! Walang mess. Walang bahid ng kababuyan! Parang prinsipe ang may-ari e.

Nakielam na rin ako ng mga drawer niya. Binuksan ko lang naman pero di ko na ginulo. Malay niyo, may Makita akong kasula-sulasok na bagay. If you know what I mean.

Hanggang sa...

"Yun oh! Hahahaha!" Di ko napigilang matawa nung may nakita ako sa loob ng drawer niya. Grabe! Laughtrip naman yung album na to.

"Hoy. Ano na naman yan?" I heard his voice from the room.

"Hahahahaha!!!"

Narinig kong umaalis siya sa bangko then naglakad palapit saken."Hooooooooooyyy!!!" Agad ko namang tinago yung album na hawak ko sa likod ko tapos pinilit niyang kunin. Pero I walked backward tapos binebelatan ko siya. Asa siya. Pagkakalat ko tong mga mukha niya bukas!

"Isa!" -KJ

"Mukha mo." *labas dila, taas kilay*

"Sha-neh!" *HBDTbyShupershimmer*

Sinundot niya yung tagiliran ko kaya napaurong ako and unknowingly, we fell on his bed. Wtf! Hinihigit niya talaga yung album niya sa likod ko! Hindi na tuloy ako makahinga dahil ang bigat niya!

*after 5 seconds*

Natigilan kami. Until, we found na ang awkward na pala ng kalagayan namin dito sa kwarto niya. Nagkatitigan kami saglit...

*krooo krooo*

At ang mas nakakagulat, nakita naming unti-unting bumukas yung pinto ng kwarto niya! Alam niyo ba ang ginawa nung loko? Tumayo siya at tinakpan niya lang naman ako ng kumot! Nak ng tokwa ah!

"Oh? Nasaan yung si Shane?" I heard his mom's voice. Shit! Hindi ako makahinga sa loob ng kumot ah!

"H-ha? Ah... ano... umihe... ayun..." Tanga naman nito magrason!

"Huh? E kagagagaling ko lang ng CR sa baba eh?" Nalintikan na!

"Oh? Talaga? Baka nauhan ka kanina pa. Wag mo alalahanin yon. Baka naihi lang ulit, Ma." *HBDTbyShupershimmer*

"Baka nga. By the way, aalis muna kami ni Drake kaya pinuntahan kita rito. May bibilhin lang kami, yung bahay ah?"

"Yes, ma."

Tapos may narinig akong pagsara ng pinto. Agad kong inalis yung kumot at huminga nang pagkalakas-lakas! Ang hirap non, ah. Potek.

"Akin na nga yan!!!" Tuluyan niyang inagaw yung album at tinago sa drawer then locked it. Hmpf.

"Arte! Psh. Parang album lang eh."

"Kahit na!"

"Pero pramis Kj, laughtrip mukha mo. Hahahahaha! Baby na puno ng icing sa mukha! Hahahaha!!!" Napataas lang ang kilay niya habang inaasar ko siya.

He glared and said, "Hiyang-hiya naman ako sayo."

"Ang sakit nung pagdagan mo sakin ah. Naipit yung katawan ko!"

"Wow ah? Ano'ng maiipit sayo? You don't even have breasts." He chuckled. Shit! *HBDTbyShupershimmer*

"What!?" Unconciously, napahawak ako sa upper part ng body ko. Putragis naman oh!

He grinned, "Wag ka nang mag-bra, Sha-neh. Dagdag lang yan sa labahin ng maids niyo eh." Bigla siyang humagalpak ng tawa sa sarili niyang patawa. Funny.

Binato ko siya ng unan pero nakapasok agad siya sa sudy room! Bwiset! Maswerte siya at di siya natamaan. Ugh.

Laitin daw ba ang dibdib ko. Leche!

HBDT//Kabanata 11

KLEINDER's POV

Tuesday.

Parang tanga lang. Ewan ko ba kay sha-neh! Parang naglalaro lang sa school eh. *HBDTbyShupershimmer* Kasi naman, kahapon, nandito siya, tapos ngayon, wala na naman! Cutting yata ang babaeng yun eh.

Nung nag-vibrate ang phone ko, ewan ko ba pero bigla ko itong kinuha sa bulsa at binasa ang text. Psh. Kala ko naman galing sa kanya. Well, it was just a text from i-dont-know-who.

To: Sha-neh :P Hoy. Pumasok ka! May long test sa Math, wala kang makokopyahan sige >:P

Habang naglelecture si Ma'am, nakapatong lang yung cellphone ko sa table habang hinihintay ang pag-vibrate or pag-ilaw. Baka kasi magreply nuh! Wala lang. Nakakabagabag lang kasi yung ginagawa niya. Cutting!? Tsk!

After ng 10 minutes, nagreply siya!

From: Sha-neh :P Lul. Asa ka pa. Ayoko! Nakakatamad.

To: Sha-neh :P Kelan ka ba sinipag? =__=

Hindi na siya nagreply after nung text ko. Naglalakwatsa siguro yun. Alam niyo, nahihigawaan talaga ako sa babaeng yan e. Biruin ninyo, nakapasok sa school na to nang ganyan ang atittude tapos sa section pa namin. Nakakagulat talaga! Pero alam niyo, kahit ganyan yan, may tinatagong kulit rin si Sha-neh eh.

At ako palang yata ang nakakakita nun sa klase namin.

Flashback

Saturday. Nung time na gumagawa kami ng project.

"Hoy, bago ka umuwi, matuto kang tumupad sa usapan natin!" Sabi ko habang nagddrive. Ihahatid ko na kasi siya pauwi. *HBDTbyShupershimmer*

"Ayoko nga. Ibaba mo ko! Kaya kong umuwi mag-isa." She was about to open the door na nasa side niya pero dahil pogi ako, pinigilan ko ang kamay niya at hinigit iyon. At talagang may koneksyon ang 'pogi' sa ginawa ko?

"Wag!" Sabi ko tapos napatingin ako sa mukha niya. Shet, ang lapit nya pala.

"Get off me." Natigilan ako when i realized na hawak ko na naman ang kamay niya. I let it go at nagdrive ulit! Peste naman.

"Ehem. Yung ano... yung usapan..."

"Ano ba kasing usapan yan!? Kanina pa yan ah! Sakit sa tenga!" Sigaw niya. Grabe naman to! highblood.

"Eh diba, usapan natin that after we do that project, you're going to tell me what the fudge was the secret that Rex had told you!" I exclaimed.

"Ah," she paused tapos... natawa! Ay potek! *HBDTbyShupershimmer* "Ah, hahaha! Yun ba?" She looked and laughed again. Tae! Malaman-laman ko lang kung ano ang binulong ng baklang yon. Lagot sya saken!

"Gusto mo talagang malaman?" She teased. Shit.

"Will you just tell it!?" Pumreno ako dahil traffic pa, then i looked at her intently.

Nabigla naman ako nung nilapit niya yung mukha niya and whispered in my ears. "Di ka na daw virgin." tapos lumayo na sya.

"Totoo ba?" she asked.

"What the fuck!?" Na-start ko yung kotse agad-agad! Tanginang Rex yun ah! Patay sya sakin! Kung ano-ano na naman kinakalat! Nyeta.

"So totoo nga?"

"Ha? You easily believed that gay? Ako? ha! Asa! Wala pa akong ginagalaw 'noh! I respect girls too much!" sabi ko habang nagddrive na. Natawa naman siya sa sinabi ko. Amp.

Kinuha niya yung teddy bear ni Kristina sa backseat at hinampas sakin! Aray ah!

"Hoy, kay Kristina yan. Baka masira mo! Yari ka dun."

"Respect your ass!" She rolled her eyes and returned the stuffed toy. "At may Kristina ka pang nalalaman ah, sino siya? Isa sa mga nabiktima mo?" *HBDTbyShupershimmer*

Victim?

"Baket? Mukha ba akong sex addict, hah? Ayos ka rin, eh noh? Ikaw nga yung first ki---" I stopped. Shit! Dapat di ko nalang sinabi eh! Amp.

"Ano?" Nagtatakang tanong niya. Tangina. Bakit di ako makasagot! Pakiramdam ko pa, uminit lalo yung mukha ko! Nilakasan ko yung aircon. Pampalamig pare!

"--Ne--nevermind." I said firmly.

Tumahimik siya saglit. Tapos natawa na naman! Seriously? May sayad ba si Sha-neh? May topak!? Bipolar ang loko! *HBDTbyShupershimmer*

"Natatawa ka na naman dyan. Uminom ka na ba ng gamot mo? Ng Herbal? Baka tinotopak ka na naman?" I said sarcastically.

"Gagu. *laughs* Eh kasi ang defensive mo sa sinabi ko."

"Syempre hindi totoo kaya i have to defend myself! Teka, diretsahin mo nga ako!?" I looked at her for awhile then she looked away while grinning.

"Eh kasi, di naman talaga yun ang sinabi niya. Hahahaha!" Natawa na lang ako kasi ang exaggerated nung pagtawa niya. First time ko syang nakitang sobrang natawa. Yung nakanganga at nakapikit pa? Cute.

"Eh ano?"

"That you're such a chick magnet. Marami daw babaeng nagkakandarapa sayo sa loob at labas ng school." Nagpanting bigla yung tenga ko.

"Ows? Talaga? Di ko feel." *HBDTbyShupershimmer*

"Ayaw mo ba sa babae? Gusto mo siguro ng lalaki? Haha."

"Lul. Asa ka pa." Binatukan niya na naman ako. Tae! Nawiwili na siya ah! Pang-ilan na yan eh. Pag ito ti-nally ko, baka nakapuno na ako ng isang pad!

End of flashback

"Hoy! Hoy!" Bumalik yung ulirat ko nung may umaalog na sa balikat ko.

"Oh?" Nagulat ako nung nasa tapat ko si Kristina.

Break na kasi namin eh at nakatambay kami sa field. Im just sitting here under the Sampaloc tree with a very very bright sun with flying birds. De, joke nakikinig ako ng music and nakatulog pala ako. And there! Isang witch ang gumising sakin.

Dito kasi siya nag-aaral eh, 3rd year high, oh diba? 3 years agwat namin pero one year na lang, gagraduate na sya! Accelerated kasi eh. *HBDTbyShupershimmer*

She removed my earphone, "Pahiram ng SciCal." Nilahad pa niya yung palad nya.

"Bakit?"

"Malamang gagamitin. Duh~" Taas kilay pa siya. Umismid lang ako at kinuha yung hinihingi niya sa bag ko then gave it to her.

"Oh ayan. Get lost." Sabi ko sabay ngisi. Sarap kasing asarin.

"Thank you." Sarcastic na sagot niya.

Pagkaalis niya, ipapatong ko na sana yung panyo sa mukha ko para walang istorbo nang naligaw yung mata ko sa di kalayuan. I looked clearly at isang babaeng ang palapit sakin. Si Sha-neh! Napaayos ako bigla ng upo at pati ng buhok.

Teka, bat ko naman kailangang mag-ayos? It's just her. Okay

She ran towards me, "KJ!" Pero imbes na ngumiti ako, nag-poker face na lang. Will she stop that! Nakakahiya sa nakakarinig. Sabihin pa nila na endearment namin yan, noh. No way.

Umupo siya sa tabi ko tapos hingal na hingal, "Oh? Anong ginagawa mo dito?" Iritang tanong ko.

"Sabi mo pumasok ako eh, ito na ako." She pouted like a baby begging for something. Damn that! "Uy KJ, sino yung babaeng kausap mo ah? Ano mo?"

"Tangeks, si Kristina yon." *HBDTbyShupershimmer*

"Ah! So siya pala yung babaeng nabiktima mo. Grabe ah, pumapatol ka sa bata?" Tinignan ko siya nang masama. Ano ba yan!

"Oh bakit?" She asked.

"Baliw ka ba? Kapatid ko si Kristina, okay? Will you stop thinking stuff!"

"Okay! Okay! Kalma lang pre."

Tumingin ako sa relo ko, "Wala na. 2 subjects na lang uwian na. Sana di ka na pumasok!" Sabi ko nang di nakaharap sa kanya. Nakasandal lang kami pareho sa puno at nanunuod ng isang PE class.

"Sayang baon eh!" Umismid lang ako sa sinabi niya.

Natahimik na naman kami. Nabored ata sya kaya kinuha niya yung cellphone nya at naglaro ng Kung Fu. Ano ba yun. Bata? Kaya siguro marunong manuntok 'to. Ganyan yata ang mga hilig niya sa buhay.

But something bothered me. *HBDTbyShupershimmer* May gasgas kasi yung isa sa mga daliri niya. It was sort of bleeding pero nahihiya naman akong magtanong kung saan galing yung wound niya. Saan ba kasi galing ang babaeng to!? Hinabol na naman ba sya nung mga lalaki na humahabol sa kanya nung nakaraan?

"Gwapo ni Kleinder, nuh? Kyaa! He's hot." bulong nung isang babae sa kasama niya. They're sitting on a bench at parang kala mo di ko sila naririnig. Psh! Girls nga naman.

"Onga e, kaso sino yung kasama niya? Girlfriend?"

"Bobo! Waley gf yan ateng! Single si Fafa Klein!" Isang kabayo--este bakla ang nagsalita. I just closed my eyes and pretended na tulog. Nakakairita.

"Ows? Ano yan? Nililigawan niya?"

"Asa! Walang nililigawan yan. Ang balita ko, babae pa mismo ang nanliligaw sa kanya. Maybe, that girl courts him." *HBDTbyShupershimmer*

"Hahahaha!" They all laughed.

Saktong nag-bell. Tumayo na ako tapos naglalaro parin siya ng Kung Fu sa cellphone nya. "Wow ah, baka famous?!" she teased then grinned.

"Tss. Tara na." Hinigit ko ang kamay niya tapos napa-ouch siya.

Habang hawak ko yung kamay niya, unti-unting bumungad sakin yung sugat niya sa mga daliri. Di lang isa, basta madami! Puro gasgas.

Hinigit niya ito, "Tara!" She smiled then passed by me.

Natapos na ang klase without asking her kung ano nangyari sa mga kamay ni Hikari. Did she fight with somebody? Are those brats still ruining her? Habang nakatambay kami nina Gab sa labas ng school at naghihintay ng bus, may dumaan na dalawang student galing sa ibang school.

"Ewan ko eh. I just heard na kumakalat yung balitang may gulo mamaya between our group and that bitch. I just wanna watch that!!!" Obviously, girls ang nag-uusap at nagmemake-up pa yung isa.

"Buti nga sa kanya noh! Nakakairita kasi yung babaeng yun eh! Dapat siyang maparusahan!" They both laughed. *HBDTbyShupershimmer*

"Ano nga name non?" She asked sa kasama niya.

"Juma-japan yung name eh? Ahm, asdfdgk..."

Di ko na narinig yung usapan kasi may kumalabit sakin. "Kuya Klein! papiktyur naman po? Pwede? Sige na pleeassse!!!" sabi nung freshmen na mga babae. Hay.

"O..okay." I gave them a timid smile at nakipagpicture sa kanila. After nun, nakita ko si Gab na nakatungo sa way nung dalawang babae na nag-uusap kanina at nakalayo na.

"Oy!" I tapped his back at napaubo siya. "Langya ka, halos maluwa na mga mata mo sa chiks ah." Sabay tawa ko pa.

"Sikat ba si Hikari sa ibang school?" Napakunot yung noo ko sa sinabi niya.

"What?"

"Eh kasi binanggit ng babae yung name niya eh. Hikari daw." Napakurap ako bigla sa mga sinabi ni Gab. Dafuq is that!

***

"Buti nga sa kanya noh! Nakakairita kasi yung babaeng yun eh! Dapat siyang maparusahan!" They both laughed.

"Ano nga name non?" She asked sa kasama niya.

"Juma-japan ata name eh? Ahm, asdfdgk..."

***

"No way..." I mumbled.

"Yaan mo na nga yung sinabi ko! Baka ibang Hikari yun -- Teka! Saan ka pupunta?!"

"Mauna ka na Gab!" *HBDTbyShupershimmer*

Tumakbo ako as fast as i can. Praning na kung praning pero kasi, kung pagsasama-samahin yung mga nangyari simula nung may nakita akong sugat kay Hikari tapos ito... it's impossible na hindi sila connected. What am i gonna do? Where am i going to find her?

Calling... Sha-neh :P

"Ano yon!?" She answered the phone. Something gave me a relief.

*hingal* "Ha... na... nasaan ka?"

"Why? Nasa arcades ako. Are you running? Bat hinihingal ka yata?"

"*hingal* Dont go away from there, okay? Pupunta ako dyan..."

"Teka!..."

*tooot*

Ay shit. Bakit nawala siya sa line? I stopped running at pumara ng tricycle. Im worried about her as of now. Why am i feeling like this, anyway? *HBDTbyShupershimmer*

HBDT//Kabanata 12

HIKARI's POV

After ng dismissal, dumiretso agad ako sa arcades para maglaro, syempre. Wala kasing lakad ngayon eh, nakakabato lang! Nabigla ako nung nag-ring ang phone ko at tinawagan ako ni Kleinder. He was asking me kung nasaan daw ako, at maghintay daw ako dito. Can somebody tell me what's happening here?

Minsan ang labo din nung tao na yon e, di ko maintindihan ang toyo ni KJ! Minsan literally KJ, minsan nakakatuwa, nakakaasar at minsan, nakakabadtrip! *HBDTbyShupershimmer*

*Waaang! Waaaang! Waaaang!*

Nagtaka yung mga taong naglalaro sa loob. Mostly, students. Bakit? Ano meron sa labas at may wang-wang ng pulis? May gyera ba? Away? Ba, saya nito! Gustong gusto kong makakita ng mga nagsasapakan eh. Katuwa kasi.

*Waaang! Waaaang! Waaaang!*

Ayan na naman. Nagsitayuan na sa pwesto nila yung mga naglalaro at dumungaw sa mga bintana ng building. Raid ba to? Di naman illegal yung arcades ah?

"Makinig kayo! Isa itong ambush! Itigil ninyo ang anumang kaguluhan dyan sa loob!" Sabi ng isang boses gamit yung megaphone.

Sumilip na ako sa eksena. Nakakita ako ng isang sasakyan ng pulis at syempre, may police! Yung isa sa apat na lalaking yun ang may hawak ng megaphone.

"Gulo daw?" sabi nung isa.

"Ewan ko. Eh wala namang nangyayari dito!" Sabat nung isa. *HBDTbyShupershimmer*

"Kabaliwan naman yan! Hahaha! Baka nagpapraktis 'yang mga yan tol!"

Nagtawanan silang pareho. Psh. Mga baliw talaga ang mga pulis ngayon! Ang OA. Kala ko pa naman there's something to watch! I turned my back to play a game again but i almost hang my foot on the air when i heard...

"HIKARI!!! HIKARI!!!"

"HIKARI! NANDYAN KA BA? BUHAY KA PA BA!?" Pamilyar yung boses na yan ah! At naka megaphone pa talaga!!! I walked towards the glass window then...

...nalaglag yung panga ko sa nakita ko!

It was Klein! Aish! That crap! Ano bang kalokohan ang ginagawa niya sa labas? At kailangang imention ako? Hello! Nakakahiya siya, diba? Tapos may pulis pa! Anong eksena to KJ!? Pinapainit na naman nito dugo ko eh.

"SHA-NEH!" Nakita niya ako and he rans towards the door and lumapit sakin. Pati mga pulis!

"Hoy, ano to?" I glared at him while whispering. Nakakahiya, pinagtitinginan kami! Lalo naman ako! *HBDTbyShupershimmer*

Hindi niya sinagot yung tanong ko. Instead, he grabbed my arms at parang chi-neck niya ito. Ultimo siko, braso, kuko, at daliri ko, pinagmasdan niya. Ano bang nahithit nito?"

"Ano ba! Nababaliw ka na ba!?" I shouted kaya napatingin siya sakin.

"Are you alright? Did they hurt you much?" Ano daw!?

"What!?" I asked.

Hindi siya nakasagot nung sumingit na yung apat na pulis sa usapan namin. Nakakahiya to, swear! Kill me now! Kill me!

"Hijo, nasaan yung sinasabi mong mambubugbog? Nasaan yung babaeng sinasabi mong kaibigan mo? tumingin sakin ang pulis, Sya ba?" Sabi nung pulis at napatingin sa itsura ko.

"Mukhang di naman binugbog yang kaibigan mo? Ano ba bata, pinagtritripan mo ba kami? Abala kaming mga tao." Sabi pa nung isa.

Napahampas na ako sa noo ko!

"Hikari, sabihin mo nga sakanila ang totoo. Sabihin mo yung mga nambugbog sayo." Inalog-alog

pa niya balikat ko. *HBDTbyShupershimmer*

I rolled my eyes and looked at those policemen na mukhang di na natutuwa. "Sir, wala pong nangyaring bugbugan or whatsoever." Umalis na ako sa harap nila at tumakbo palabas. Nakakahiya kasi!!! Shit lang! Sht ka Klein!

After 5 minutes, he kept on calling me but I did not answer. Badtrip siya!

"What's with your face?" I heard a familiar voice. Nylan again.

"Nothing."

"Nothing means everything." Sabi niya sabay hithit ng yosi. I rolled my eyes. Isang libo't isang kamalasan naman ang natamo ko ngayon!

"Let's go." He grabbed me.

"Teka nga! Ano ako, aso? Kinakaladkad lang?"

Napatingin siya sa kamay ko. Nakayukom kasi yung kamay ko na hawak niya kaya kitang-kita niya yung mga sugat. I pulled it at nabitawan naman niya. Napansin ko na may band-aid sya sa kaliwang pisngi. Nakipagbugbugan na naman siguro 'to.

Hinila niya ulit, "Where'd you get these wounds?"

"Wala."

"Wala? Ano yan? Nagpantal bigla?" Pinipilit kong alisin yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Basta sabi eh!" I shouted.

"Nakipag-away ka?" He asked.

"No!"

"Okay."

*HBDTbyShupershimmer*

Porke ba may sugat ako, nakipag-away agad? Duh. Pero kasi, may ibang dahilan kung bakit ako nagkasugat sa kamay ko. Kaya nga ayaw kong ipakita to kina Klein kasi malamang, magtatanong yun. But he saw it. Actually, the moment na pagkagising ko, I was scolded again by my father.

A very wild scold! Take note! There, sa sobrang galit ko, nasuntok ko ang painting na may frame sa kwarto ko at nasugatan ako dahil sa bubog. It was kinda painful kaya nagpa-late ako ng pasok. Pero teka! Ano ba kasi yung ginawa ni Klein!? Bakit may drama syang ganun?

Naglakad na ako at nakakainis lang dahil sumusunod na naman si Nylan sakin. Wala ba syang klase!?

"I thought you're the one that they're going to hit." Sabi niya bigla kaya napatingin ako.

"Hah?"

"Sabi kasi nung kasamahan ko, may Hikari daw na balak bugbugin ng gang na taga-school nila. I thought it was you."

Wow ah, concern. *HBDTbyShupershimmer*

"Hikari? Tss. Ako lang ba Hikari sa mundo?"

"Hinde. But I was a bit worried when I heard that. Kala ko kailangan mo ng resbak eh. I prepared for that." He grinned after.

"Wow. Salamat sa concern." Sarcastic kong sinabi.

"Ofcourse, I am your boyfriend."

"Shut the hell up. There's no 'us'"

KLEINDER's POV

Kinabukasan.

"Aaaaargh! Ta***na!" Hiyaw ko habang hinahampas-hampas ko pa yung ulo ko sa mesa at naghe-head butt. Nakakahiya yung ginawa ko! Shit.

"Ano ba! Ang ingay mo naman Klein! Kulang na lang sirain mo mukha mo eh." Sabat ni Czarina na kanina pa naiinis sa tantrums ko.

Kaharap ko ngayon sa table sina Czarina at Gab. I told them everything, simula dun sa part na nakarinig ako ng usapan ng dalawang babae na may bubugbugin daw. I told them lahat ng mga kabulastugang pinaggagagawa ko kahapon sa arcades! Lahat ng kahihiyang nangyari! Halos di nga ako nakatulog kagabi eh! Binabangungot ako ng kabaliwan na yun! Takte lang!

Halos masapak ko na nga si Gab kaninang umaga dito sa room nung kami palang tatlo ang tao eh. Sa kanya ko naibunton yung inis ko. *HBDTbyShupershimmer*

"Eh bat naman kasi nagpatawag ka pa ng pulis? Nakakahiya naman talaga yun!" Gab asked.

"Ewan ko! Nataranta lang pre. Kaw kasi eh! Sinabi mo sakin na binanggit ng mga babae kahapon yung Hikari! Eh kala ko kasi sya yung bubugbugin! Pakshet pare. Nakakahiya!!!"

"Ikaw kasi eh, OA! Nag-jump ka agad into conclusion! Grabe imagination mo Klein! Lupet! Bwahahahahaha!!!" Napahawak sa tyan si Gab at si Czarina, natawa na rin.

"Sira ka pala eh!" Hinampas ko sya ng notebook na nakapatong sa table. Maaga pa kasi at wala pa si Shane.

"Aray!"

"Kasalanan mo to eh!"

"Eh totoo namang Hikari narinig ko eh!"

"Pero hindi naman siya eh! Ni wala ngang galos!" Napakamot na naman ako sa tenga ko habang sising-sisi sa ginawa ko. Sobrang bait ko kasi! Ayan, kinarma. *HBDTbyShupershimmer*

Napa-aray ako nang biglang pisilin ni Czarina ang pisngi ko nang madiin! "Suuus! Ang sabihin mo, concern ka lang masyado kay Hikari! Haahahahaha! Ayieee!"

"Wow ah? Ako? Tss, asa mehn!" Dumukmo ako sa mesa ko habang nakapikit pa.

Something flashed back into my mind. Nung time na tumakbo siya palabas ng arcades, nag-sorry ako sa mga police then hinabol ko siya. I called her pero ayaw nya namang sagutin! Malamang, hanggang ngayon black aura pa rin siya. Baka nga i-ninja moves niya pa ako mamaya eh. Nalintikan na!

Pero sino yun? I mean, yung lalaking sumalubong sa kanya na mukhang college student at nagyoyosi? May kuya ba sya? *HBDTbyShupershimmer*

Actually, lalapit na nga sana ako noon pero di ako nakagalaw nung nakita kong hinila si Sha-neh ng lalaki na yon sa kamay at nasigawan niya ito. Psh.

**

Inangat ko ulo ko at humarap kila Gab, "Guys, may boyfriend ba si Sha-neh?"

Their faces became curious. Kung sa bagay, para akong engot na biglang magtatanong ng ganong bagay! Anak ng tutcha!

"I dunno? But I think she has." Czarina looked at me, "One time kasi, ring ng ring ang phone niya and I saw a guy's name on screen."

"Sino?" -Gab.

"I forgot!"

"Bakit mo naman natanong bigla pare? May kras ka ba kay Hikari?" Matuksong tanong ni Gab! Loko.

"Kras? Mukha mo."

Umalis na ako sa harap nilang dalawa dahil na-sense kong aasarin at aasarin ako ng mga 'yan sa babaeng yon. No thanks. I looked at my watch habang pabalik sa table ko, 2 minutes na lang, start na ng first period. *HBDTbyShupershimmer*

Wala akong seatmate. Absent na naman siya.

***

HBDT// Kabanata 13

KLEINDER'S POV

Third subject na nakapasok si Hikari sa klase. Galing nga niya tumayming eh, kasi pagkaalis na pagkaalis nung teacher namin sa 2nd subject, pumasok agad siya.

Napayuko na lang ako, tae, why am I so nervous?

Naramdaman ko na lang ang pag-upo niya sa tabi ko at nilapag ang bag sa likod. Tapos, she used her arms as her pillow at umub-ob sa table. I saw her fingers at gasgas na lang. Wala na yung mga sugat. Siguro nga naging OA lang ako? Malay niyo, trip trip nya lang ang sugat.

Nagulat na lang ako nung bigla niyang inangat yung ulo niya at tumingin nang mata sa mata sakin. Hala! Bakit pa kasi ako tumitig! Nahuli tuloy.

I looked away at dumukot ng cellphone. Kunyare nagbabasa. Palusot!

From: Czarina

Good morning! Keep safe everyone. (= -end-

From: +639********* Hi Jake!

-end-

Psh. Unknown number again.

*options*

*delete* *Are you sure you wan to delete this message?* Teka, *No*

I read that message again from the anonymous alien or whatsoever na tawag. I read it, 5 times? Napatigil ako for a while. "Hi Jake!" yung nakasulat. That's my second name, right?

Siya ba to?!

Isang tao lang ang kilala kong tumatawag saken ng Jake eh. Well, sana mali ang iniisip ko. *HBDTbyShupershimmer*

Break na at hindi pa rin ako kinakausap ni Sha-neh! Ni hindi nga siya kumopya sakin sa quizzes sa mga naunang subject eh. Samantalang dati, kahit di ko inaalok, kinukuha niya na. Galit yata? Langya ka Klein! Malamang pa sa alamang, galit talaga yan. Gawan ka ba naman ng eksena eh.

Natatawa lang ako sa pinayo ni Czarina kasi magbigay daw ako ng bulaklak or chocolate. Haha! Ako? Ang korni naman ng ganung set-up. Ano ako? Boyfriend? Teka, bakit naman napunta dun? Eh magso-sorry lang ako.

Guys, pag nabalitaan ninyong may chop-chop man na pogi at nakitang lumulutang sa Ilog Pasig, ako yon. Hahaha. At alam niyo na kung sino sisisihin ah. Si Shane!

Hindi ko nakasabay sa pag-uwi si Gab coz i still have some duties undone kaya nag-stay pa ako sa school. 6:10 PM na ako natapos kaya pagbaba ko, dali-dali akong naglakad sa quadrangle. But then, I saw Hikari sitting on a bench while listening to her iPod.

Di ko alam kung nakita niya ako, nahihiya naman ako lumapit. Hanggang ngayon kasi sising-sisi pa rin ako. Nakakaurong ng buntot! Malapitan na nga.

HIKARI's POV

Tumambay muna ako sa bench habang nagpapalalim ng gabi. *HBDTbyShupershimmer* Ayoko pa kasing umuwi eh, mababadtrip lang ako sa bahay. Tsaka, wala akong kasamang gumala ngayon! May mga lakad ang mga barkada ko. Ayoko naman lalong itext si Nylan nuh.

Nakikinig lang ako nang music sa IPod ko habang nakaupo. Maya-maya pa, naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Amoy pa lang niya, kilala ko na. Si KJ. Hanggang ngayon di ko pa nakakalimutan yung kasalanan niya. Ugh. Di man lang nagsosorry eh! Hiya naman ako.

I inserted my hand in my skirt's pocket at kinapa yung IPod. I turned it off. Pero, nakapasok sa tenga ko yung earphone. Wala lang! Parang may sasabihin kasi siya.

At di nga ako nagkamali cause he spoke, finally.

"Ummm." Oh diba, ang haba.

Kunyare di ko naririnig, "Shane, sorry." He rubbed his nape na parang nahihiya siya sa ginagawa niya.

"Eh kasi si Gab eh! Sabi niya narinig niya daw pangalan mo na pinag-uusapan na parang may gagawing masama sayo yung mga taong yun," yumuko siya, "I was just worried," He sighed.

I am straightly looking at nowhere pero hindi sakanya. Bakit parang na-touch ako dun? "Pero, worried lang talaga... as a friend. I thought they'll be hitting you kaya sumunod ako with the help of some cops but I was wrong. Katangahan lang talaga ang umiral saken... kahapon."

Inangat niya ulo niya, at nafeel ko ang paglingon niya sakin. Napatingin yata siya sa tenga ko na may earphone. "Ok... it seems like you dont want to hear any of my excuses."

*HBDTbyShupershimmer* May kinuha siya sa bag niya, at nilapag sa tabi ko. "Bye."

Pagtalikod niya, tsaka ko tinignan yung bagay na nilapag niya sa bench. Suddenly, my lips curved halfly when i saw it. It was an origami flower.

I held it and ran towards him habang nakasuksok yung mga kamay sa bulsa niya.

*Boooogsh*

Hinampas ko siya sa ulo at napahawak siya dun, "Aray! Aish!" Humarap siya sakin, sinamaan ko siya ng tingin. "Sha-neh naman!" Nakasimangot pa siya.

"Anong kabaduyan 'to!?" Inangat ko yung origami flower na kulay blue. Ang hilig nya talaga sa blue!

He blushed a bit. "Sorry gift!" He looked away.

I chuckled, "Tae, baduy ah. Haha! Gawa mo?"

"Tsk! Akin na nga yan!"

Inagaw niya sakin yung bulaklak tapos naglakad palayo. Tumakbo ako at humarang sa kanya, "Hinde! Akin na yan. Binigay bigay mo tapos babawiin?" Kinuha ko ulit. *HBDTbyShupershimmer*

"Eh nilalait mo eh." Sabi niya.

"Haha! Kasi first time may magbigay sakin ng origami." I smiled at him, "Na-miss ko kasi to eh, when i was in Japan, my cousin and I used to make oirgamis."

Pagtingin ko sa mata ni KJ, parang nag-spark. Ewan, baka natamaan lang ng sinag ng araw. "Salamat." I said.

*Crooo Crooo*

Natahimik kami saglit tapos nagtawanan. Umakbay ako sa kanya. Yung akbay pang-tropa-tropa tapos ginulo ko buhok niya sabay kutos. As usual, naasar na naman siya.

"Aaaaaah! Ano ba!" Inayos-ayos nya ang kanyang buhok.

"Tara, kain tayo, libre mo." Sabi ko.

"Utot mo." Sabay belat niya pa.

I tightened my arms around his neck, "Aaaccck!" he shouted. "Oo na! O--oo na. Kakain na tayo-aack! Aray!"

"Good Boy!" *HBDTbyShupershimmer*

"Sadista mo talaga, walang mabubuhay sayo! Lahat mapapatay mo, haha!" Babatukan ko na sana siya pero hinarang niya braso niya, "O! Sobra na yan ah. Quota ka na! Last na yun!"

Binaba ko yung isa kong kamay at umakbay ulet habang naglalakad kami.

"Wag mo nga akong akbayan," he removed my hands off his shoulders. "Di dapat ikaw ang umaakbay saken."

Napaismid na lang ako sa sinabi niya at nauna akong maglakad palabas ng gate. Saktong-sakto, paglabas namin, nabigla ako sa kamay na pumatong sa balikat ko. It's his hand.

He pulled me closer then I looked at him. "Ayaw ng akbayan ah? Tapos sya pala gusto rin?!" Sarcastic na sabi ko.

He smirked, "Samatalahin mo na to, Sha-neh. Maraming nagkakandarapa sa haplos at yakap ko. Namnamin mo na ngayon."

"Yuck!" Pfffft! May pagka-joker din siya noh!? Patawa!

Kakalas na sana ako sa akbay niya kasi natatawa ako sa sinabi niya pero pinigilan niya yung kamay ko at diniinan niya ang paghawak sa balikat ko.

"Aray! Masaket ah." Sabi ko.

"Dito ka lang kasi!" *HBDTbyShupershimmer*

Hinila niya na ako na parang tuta palayo sa school tapos nakakahiya na naman kasi pinagtitinginan kami ng mga estudyante sa labas. Lalo na yung mga lower years na mukhang naglalaway sa kanya.

HBDT// Kabanata 14

GAB's POV

Yesss! Sa wakas! *suntok sa hangin* Tapos na rin ang first quarter! Wah, grabe. Nakakapagod yung mga requirements tsaka tests. Nakakabobo... or talagang bobo na ako. Minsan lang naman.

"Yey! Tapos na test! Haggard beauty ko!" Sigaw ni Rex habang inaayos yung shoulder bag niya. Wiw. Haha!

"Oo nga teh, dinugo ako sa math! Nosebleed sa english! Langya!" Gatong pa ni Czarina na di ko alam kung babae ba talaga or bakla. Ewan! Malabo tong babaeng to. Wag niyo na akong tanungin.

"Ikaw Shane, nahirapan ka ba?" Narinig kong tanong ni Kleinder. At talagang SHANE. Siya lang tumatawag ng ganyan kay Hikari! May naaamoy ako...

"Ambaho! amoy utot!" Sigaw ko malapit kila Klein.

"Ako? Tsss. Hinde." Klein's face was like 'weh-di-nga?' *HBDTbyShupershimmer*

Kinuha na ni Hikari yung knapsack niya at naglakad. Pero, pinigilan siya ni Czarina at Rex. "Teka, sis! Wag ka namang excited umuwi!"

"Baket?" She asked boredly.

"Sama ka samin sa overnight!" Czarina looked at us, (Klein and me) "Ano? Sama kayo, dali! Walang tulugan to! Friday naman na eh! Sige na!" Tumalon talon pa siya. Oh diba, abno si Czarina. Muntanga. Hehe, joke. Love ko 'yan, eh. Ooopps?

"Overnight? Gege! Go ako dyan! Basta wag kasama si Rex, baka halayin ako! Gwapo ko pa man din." Sabi ko.

"YUCK! IKAW? PAGNANASAAN KO? EWWW! EWWWW!!!" Maarteng sagot ni Rex with matching pataas-taas kilay at pilantik fingers. Aba! Kala mo kagandahan eh. Palaka. Haha!

"Ano, Hikari? Sama ka na?" Czarina asked persuasively.

"Bat ako kasama?" -Hikari

"Syempre friend ka na namin! 2 months ka nang nandito noh, dapat enjoy enjoy din! Sige na!" Sabi ni Rex habang inaalog-alog pa balikat ni Hikari. *HBDTbyShupershimmer*

"Geh." Simpleng sagot niya. Bilis um-oo. Haha! Hindi yata mahigpit magulang niya, eh. Spoiled?

"Ikaw Klein?" I asked him and everyone's waiting for his answer.

Hindi siya makasagot, "Uhmmm, ewan ko, may gagawin pa kasi ako." alibi niya. I saw how Rex pouted his thick lips. Nyak! Disappointed ang bakla!

"Ayos ah, subukan mo lang na di sumama." May halong banta na sinabi ni Hikari sa kanya.

"Eh di nga ako pwed---"

"Blue rose! Origami! Sige, ano! Baka gusto mong ipagkalat ko pa yung kakorniha---- hmmmp!" Nabigla kami nang tumakbo si Klein palapit kay Hikari sabay takip sa bibig nito using his palm. Nabitawan niya nga yung tumbler niya eh.

"GRABE. AMOY UTOT TALAGA!" Sigaw ko ulit habang nagtatakip ng ilong. Tawanan sila, except Klein coz i think, he's serious and... blushing? I dunno.

"Sige, sige, sabihin mo! Yari ka saken!" Sabi ni Klein nang pabulong pero narinig ko.

Inalis ni Hikari yung palad ni Klein sa bibig niya, "Sumama ka muna. Wala akong mato-torture eh!" She grinned. What the hell! *HBDTbyShupershimmer*

"HIN-DI PWE-DE."

Hikari shouted, "Guys! Alam niyo ba na ---"

"OO NA! OO NA! SASAMA NA 'KO! HAPPY KA NA!?" Sabay kamot ng ulo ni Klein. Hahaha! Kawawa yung kaibigan ko, tino-torture ng isang babae! Baligtad na earth noh?

"Wow! That's nice! So ganito, uwi muna tayo after this then pack your things! Tapos, kita-kita tayo sa tapat ng Shakey's sa kanto. Sa bahay tayo nila Rex! Waaa! Exciting!" Czarina discussed.

JENNIFER's POV

(A/N: Si Jennifer po ay ang mother ni Klein. Character ko siya sa Home Sweet Home. Anyways, maigsi lang 'tong part niya.)

I am currently washing the dishes nang may nagdoorbell. I went to the gate and saw Kleinder. Mukhang galing sa takbo tapos pawis pa. Nag-marathon ba anak ko? Hay.

"Hi, ma." Sabi niya sabay kiss sa cheeks ko. Dali-dali siyang tumakbo papasok ng bahay at naghubad ng bag at sapatos.

"Bakit para ka namang natatae dyan, nak? Nakakahilo ka naman!" Sabi ko sa kanya.

*HBDTbyShupershimmer* Umakyat siya ng hagdan. "Ma, di muna ako matutulog dito ngayon, ah! May overnight kami."

"Overnight? Saan naman? Akala ko ba may gagawin ka sa weekend?" I asked.

"Next time na lang. Kila Rex kami." Hanggang sa pumasok na siya ng kwarto niya tapos I continued what im doing.

Pagbalik ko sa sala, nagulat ako nang bumaba si Klein sa hagdan bitbit ang maraming naka-hung na damit niya.

"Oh! Overnight lang ah, bakit parang maglalayas kang bata ka!?" Tanong ko.

He put the clothes on the couch, "Eh ma, di ko naman to dadalhin lahat eh. Di kasi ako makapili kung ano susuotin. Ano ba mas okay? Itong blue na polo? Blue na checkered? Blue na V-neck? Or blue na sando? Wait, bat may sando... wag na yan."

Naguluhan ako sa kanya, sa totoo lang. "Teka nga. Akala ko ba overnight?"

"Oo nga." he nodded.

"Eh bat hirap ka pumili ng isusuot? Ano 'to? Pupunta ka sa date? Dinaig mo pa daddy mo sa kaartehan sa damit, hah?" Napakamot lang sya sa ulo niya. *HBDTbyShupershimmer*

"Oy, bakit naririnig ko na naman pangalan ko?" Biglang sabat ng gwapong boses. Pati boses ngayon, may mukha na! Ayos!

"Oh James, nandyan ka na pala---"

"Hinde, joke lang to. Imagination mo lang." Aba! Tinatalo ako nito sa kapeloposohan ah! Mamaya ka sakin!

"Ewan ko sayo. Tulungan mo nga yang anak mo mamili ng damit! Eh puro naman blue ang choices! Parang sira." Sabi ko kay James.

"Damit para saan?" He asked Klein.

"Overnight daw." Sabi ko. Kunyare, ako ang tinatanong!

"Overnight lang naman pala. Akala ko, date? Sa date lang naman nahihirapan ang lalaki na mamili ng damit eh. Baka naman may date ka?" -James.

"Dad, Overnight lang po."

"E di mag-pajama ka."

"HAHAHAHAHA!" Tawa ko lang. Loko-loko rin tong si James. *HBDTbyShupershimmer*

"Wow Dad.Thanks." Sarkastikong sabi ni Kleinder. No choice siya dahil yung blue polo na lang ang sinuot niya. Marunong naman pala siya pumili eh.

Bago siya pa siya umalis with his things, halos mabarag na yung salamin sa bahay kakaharap niya at umalingasaw ang bench cologne sa sala! Ano ma, ayos na ba itsura ko?"

"Oo sige, matagal ka nang gwapo."

He smiled, "Alam ko na yun, ma."

Mana sa amahin!

HIKARI's POV

Parang ewan din tong mga kasama ko eh. Magyaya ba daw ng overnight nang biglaan?! Umuwi ako saglit sa bahay tapos nag-impake ng konting damit. Nagpaalam ako sa papa ko na gagawa kaming project kaya sa ibang bahay ako makikitulog. Haha! Malamang, di ako payagan pag sinabe kong overnight to.

Late akong nakarating sa meeting place. Pero hindi pala ako ang pinakalate! Aba, 15 minutes kaming pinaghintay ng Kleinder na 'to! *HBDTbyShupershimmer*

Pagbaba niya ng taxi, (oo, taxi. Mayaman eh) tinawanan siya ni Gab, "Pre! Hahahaha! Saan binyag natin?! At nakapostura ka?" Natawa rin ako. Tae, matutulog ba siya nang nakapolo? But it suits fine.

"Letse. Inggit ka na naman saken Gab, dun ka nga! Shoo." Sabi ni KJ tapos tumingin siya sakin. Sabay simangot.

"Ayyy, nag-iinarte ang hinayupak." bulong ko.

8:20 PM na kami nakapunta sa bahay nina Rex. Medyo malayo rin pala to kumpara sa bahay ko kasi sumakay pa kami ng bus for 1 hour. Wala daw ang magulang niya kaya pwedeng pwede namin gawin ang lahat. No wonder kung bakit ganyan si Rex... este Roxanne! Ew. *HBDTbyShupershimmer*

They are currently playing scrabble and I found it... boring. Hindi nila ako mapapalaro ng bagay na

kailangang pigain ang utak. Sus. Pumunta na lang ako sa terrace at nag-stay doon. Kinuha ko sa bag yung beer-in-can. Grabe, namiss ko to.

*gulp*

It's really nice when you feel that you're alone yet you feel some contentment beneath. Minsan talaga masarap mapag-isa.

"Anong ginagawa mo rito?" Napatingin ako sa may pinto at nakita ko si KJ na papasok. I smiled a bit.

"Wala."

"Ayaw mong manuod sa baba?"

I shook my head, "Nah, ang boring ng scrabble tsaka ang corny ng romantic movies. Ito ba talaga ginagawa pag overnight?" He sat beside me tapos napatingin siya sa hawak ko.

"So... you're drinking alone." Sambit niya without looking at me, "You know what? You creep me out. I'm wondering kung bakit ka ganito, bakit ka ganyan. Seems interesting since then."

Napalingon ako sa kanya, "Ako? Interesting? Tsss. Wow. I never thought that someone would have some interest about me." *HBDTbyShupershimmer*

Natahimik kami saglit tapos puro hininga lang namin ang maririnig! Waah, ang creepy. "Naaalala mo ba nung unang nagkita tayo?" He asked, "Bakit ka ba nila hinahabol?"

"Ah, kasi... may nagpapasunod sakin. Kasamahan ko sa barkada. Possessive nga eh, naaasar ako. Talagang pinapabantayan niya pa ako and it sucks a lot. Tapos ang daming problema sa bahay, family, business, parents, sibling. Ewan!" I exclaimed at huminga nang malalim.

"Napakaganda ko para maka-experience ng ganitong trials, noh?" I mocked and faced him. He just smirked about sa sinabe ko. Ugh.

"You really think so?" He grinned! Gaahd. Nagmomoment ako oh, tapos sisirain niya!

"Yeah! I'm beautiful! Wala ka nang kontra, kay?" Umirap pa ako sa kanya bago ko inumin yung natitira sa lata ng beer. Iinumin ko na sana kaso may umagaw!

"KJ!" Sigaw ko. *HBDTbyShupershimmer*

Ininom niya lahat up to last drop! "Aaaaaaaaah. Ampait!" Sabi niya.

"Akala ko ba good boy ka? Umiinom ka rin pala." Sabi ko.

"Mas mabuti nang makita mo kong inumin to, kesa ipakita mo saking mahina ka at umiinom ng ganito sa harap ko. That's bad, you know."

Napaisip ako saglit tapos ngumiti. "Alam mo, maswerte ka dahil ang bait ng parents mo pati ng kapatid mo. I wish i could have a family like that."

Kinotongan niya lang naman ako sa noo! "Ha! Mabait ka dyan!? Kung alam mo lang... haha! Tsaka, ano ka ba, oks lang yan. Nandito naman ako."

*crroooo crooo*

"I mean, nandito kami. Hehehehe!" He rubbed his nape.

Magsasalita pa sana ako nang may kumalabog sa bandang pinto at bumagsak doon si Rex! Want some specific description? Bumagsak si binibining Rex mula sa pinto papunta sa sahig ng terrace at una ang mukha. Napatayo kami ni KJ sa kinauupuan namin!

"Arrrrouuuccch! Angshaakeeeet!" Sigaw ni Rex sabay hawak sa mukha niya. Ang pangit ng hitsura niya ngayon.

"Ikaw kasi eh!" Bulong ni Gab.

"Anong ako? Ayos ah." sabi ni Czarina. *HBDTbyShupershimmer*

"Anong ginagawa ninyo?" Gulat na tanong ni Kleinder sa kanilang tatlo. Napatayo si Rex tapos yumuko yung dalawa.

"Ah eh... kasi... ano... naglalaro kami ng habul-habulan sa bahay tapos nagtakbuhan kami and then... tinaya ako ni Gab!" Nakangiti pa niyang sagot samin. If i know, they're just listening to us.

"Tinaya? Ganun kalakas???" Tanong ni KJ.

"Oo! Kasama yun sa rules eh! Kailangang sumubsob ang tatayain sa sahig para mataya!" Sagot pa ulit ni Rex. Nagpipigil ako ng tawa pati sila Gab at Czarina.

"Haynako. Tara na nga sa baba! Baka luto na yung midnight snack natin!" Yaya ni Czarina at sabay-sabay na kaming bumaba sa hagdan. *HBDTbyShupershimmer*

HBDT// Kabanata 15

HIKARI's POV

10 am.

Nakaramdamako na may kung ano'ng mabigat na bagay ang dumagan sa binti ko. Since nasira ang mahimbing kong tulog, dumilat ako at nakita ko na nakadantay sa bandang paanan ko yung mukha ni Rex.

"Tsk." Naiiritang sabi ko. Bakit naman napunta yang mukha niya sa binti ko!?

Lintek na yan. Di na nga ako nakatulog nang maayos eh! Paano ba naman, ginawa naming lima na higaan yung master's bedroom na kung tutuusin, pang-tatlong tao lang! Mukha tuloy kaming sardinas magdamag.

Inalis ko yung binti ko at naupo. Napansin kong medyo lumuwag yung kama. Wala si KJ. Baka naman nagising na or nasa banyo na. Sila Czarina naman at Gab, ayun, magkatabi. Kaso, nakadagan yung mga kamay ni Gab sa bewang ni Cza. Nice scene.

Tumayo na ako tapos lumabas ng bedroom. Paglabas ko pa lang, may naaamoy na akong gisa. Dumiretso ako ng kusina tapos nakita ko siya na naka-apron habang nakaharap sa stove.

*clears thoat*

"Good morning." Sabi ko. Napatingin siya sakin tapos ngumiti nang bahagya.

"Good morning."

"Anong ginagawa mo?" I asked then I walked closer.

"Ano ba sa tingin mo? he grinned, Baka naghuhugas ng pinggan?" He said with such sarcasm.

"Ah. Okay." I rolled my eyes.

Walanjo lang. Ang bango ng niluluto niya. Kaso, ayoko naman kumuha, baka sabihin sabik ako sa luto niya which is true! Pero, nagugutom na ako! *HBDTbyShupershimmer*

*Gruuuuuug~*

Napatingin siya sakin then paglingon ko sa mukha niya, ngumisi siya. Inismiran ko nga! "Uyyy, gutom na ang tuta. Haha!" Sabi niya while mixing the food on the pan.

"Utot mo blue! For sure, hindi yan masarap! 'Kaw pa? Tss."

Kumuha siya ng kutsara and dipped it on the pan sabay tikim sa niluluto niya, "Hmmm! *chum chum* Sarap!" Pailing-iling pa siya!

Masyadong bilib naman to sa sarili niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay, "Kapal."

"You want?" Alok niya. Hindi ako sumagot tapos kumuha ulit siya ng kutsara at kumuha ng kapirasong pagkain.

"Aah." tinapat niya yung spoon sa bibig ko. Syempre, di ako ngumanganga! Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"No, thanks. Mahal ko buhay ko, noh. Baka may lason yan."

Ang ganda na eh! Bwiset lang tong KJ na to dahil hinawakan niya yung chin ko at sinubo nang sapilitan yung spoon. Wala na kong nagawa! Kaya kinain ko na lang. Pagtingin ko sa kanya, he's like waiting for a comment.

"Hm, pwede na." Sabi ko. *HBDTbyShupershimmer*

"Yun lang?" Nagpout pa ang mokong!

"Eh anong malalasahan ko kung kapiranggot lang, diba?" Sigaw ko sa kanya. Kumuha naman ulit siya ng pagkain at tinapat na naman sa bibig ko.

"Ayan na."

"Akin na, kaya kong kainin yan mag-isa." Aagawin ko na sana yung spoon pero dali-dali niya itong diniretso sa bibig ko! Aaaaah! Kainis.

Hmm, masarap naman talaga. Actually, super sarap. Bwahahaha! Tapos ayun, napangiti pala ako habang nag-iisip sa harap niya. I saw how his face turned into such a handsome prince when

smiling.

"Ayos!" Sabi ko. Tapos ngumiti siya.

"Sus, di daw gutom! Hahaha!"

"HOY! MGA UTOT, ESTE ALIPIN! MAMAYA NA KAYO MAGSUBUAN DYAN. MAGHAIN MUNA KAYO NG PAGKAIN! MADALI KA!!!" Biglang pasok sa eksena ni Gab kasunod si Czarina na halatang bagong hilamos lang.

Napakagat labi si Klein sabay kuha ng sandok sa gilid at agad na binato papunta kay Gab. Saktongsakto, pagkaiwas ni Gab sa hinagis ay sumapol sa mukha ni Czarina. Awww!

"Aray!" Sigaw niya sabay hawak sa noo niya na natamaan.

"Shit. Sorry! Loko ka Gab!" Sabi ni KJ kay Gab na kala mo tarantang-taranta sa pagpahid ng palad sa noo ni Czarina.

"Masakit ba?"

"Gagu ka ba? Malamang!!! Bullseye kaya!" She scolded. *HBDTbyShupershimmer*

Umalis si Czarina nang padabog tapos pumunta ng sala. "Ikaw kasi eh!" Gab mouthed to KJ who's currently smirking and just shrugged his shoulders.

After naming kumain, naglaro lang kami ng uno cards! Ang ingay nga namin eh! Halos mabasag ang mga salamin sa bahay lalo na pag tumitili si Rex. Ay grabe.

3 PM when we decided to go home. Bitbit namin yung mga gamit namin palabas ng gate. "Bye, Rexona! Este, Roxanne!" Paalam ni Gab kay Rex.

"Ogag ka nuh!" Binatukan siya nito nang malutong. May tunog pa!

"Paano? Sige, una na kami." Czarina.

"Babussssh!" Paalam niya at isa-isa kaming bineso. Ayoko ng mga ganitong batian eh, ang baduy lang kasi, pero no choice.

Naglalakad na kami sa pavement at nasa likuran kaming dalawa ni KJ habang sabay na naglalakad sa unahan yung dalawa.

"Oh, buhatin mo!" Pinabuhat nga ni Czarina yung gamit niya kay Gab. Ito namang loko, binuhat naman. Kawawang alipin.

"Wow! P.A pala ang pormahan mo, Gab eh. Wawa!" Pang-aasar ni Kj sa kanilang dalawa. Katahimikan ulet. Tapos, nagheadset lang si KJ hanggang sa makababa kami ng bus. Nung naglalakad na kami, as in kaming dalawa na lang. Eh kasi nagpapahatid si Czarina kay Gab since may kasalanan ito sa kanya. Hm.

"Baka gusto mo kong tulungan sa bitbitin?" Sabi ko sa katabi ko na parang walang kasabay maglakad! Kumakanta pa ng Thunder! Jusko naman! Baka tamaan siya ng thunder! Tsk.

"Ha?" Tinanggal niya yung isang earphone, "may sinasabi ka?"

*HBDTbyShupershimmer* ko yung gamit ko sa tapat niya, "Nangangawit ako." Firm na sabi ko.

Napataas bigla yung isang kilay niya. "Ano ka, sinuswerte? Sa gwapo kong 'to? Pagdadalhin mo ng gamit? Tss, no way." Nauna siyang maglakad sakin.

Sinimangutan ko nga, pasalamat siya walang bato sa tabi ko at baka napukol ko na! Gentleman ba yan? Psh. There's no human such gentleman, right? Gentledog, meron! Katabi ko nga e.

Binilisan ko yung paglalakad tapos inunahan ko siya. Naririnig ko nga yung pag-chuckle niya eh! Tinatawag niya pa pangalan ko. Kapal ng mukha niya. Hindi kami close. Dire-diretso na akong naglalakad noon tapos di ko namalayan na nasa high-way na pala ako at patawid na.

*SCREEEEEEEEECCCHH!!!*

Nakarinig ako nang malakas na preno. May naramdaman akong humila sakin at napapikit na lang ako. Nakaramdam ako ng malakas na tibok or pulso. Hindi ko alam kung san galing. I opened my eyes and I saw his broad chest that is beating. Tumingala ako at nakita ko si KJ na nakatingin sakin at nakayakap.

Nasa gilid kami ng way at bigla niya akong naitulak, "Aray!" Sabi ko.

"Tanga ka ba? Bat ka tumatawid habang naka-stop ang traffic light? Psh." Eh bakit bigla siyang nagagalit? Naku. Naku!

"Malay ko ba."

"Eh paano kung nasagasaan ka? Eh di konsensya pa kita."

"Eh di wag kang makonsensya, di ko kailangan."

*HBDTbyShupershimmer* Umalis ako sa harap niya at tumayo sa may pedestrian lane para tumawid, kaso, di pa ako nakakahakbang, biglang inagaw ni Klein yung gamit ko!

"Hoy!" Sabi ko pero parang di siya nakarinig, instead, he grabbed my wrist tapos hinila niya na ako patawid. "Bitiwan mo nga ako!"

Imagine this guys, we're walking without talking at each other yet we're holding our hands. Weird! I mean, i felt something weird after I realized na magka-intertwine na ang mga daliri namin. Creepy.

Gusto ko sanang bumitaw kaya lang parang may rugby yung kamay niya, madikit!

"Saan ka ba nakatira?" he suddenly asked. Humarap siya sakin, eh nagkataong nakatitig ako sa kamay naming dalawa na magkahawak.

Bigla siyang bumitaw.

"H--ha?" Tugon ko.

"Address mo. Mukha ba kong google map?" Pelosopo na naman siya. Bipolar mode again! Pakilipat nga! Aish.

Sinabi ko kung saan ang village na tinitirhan ko tapos hindi na kami magkahawak-kamay. Pero, nasa unahan ko parin siya. Nakayuko lang ako nun habang naglalakad pero deep inside, inis na

ako sa taong ito! Nakakapuno lang kasi. Di ko magets ang ugali. Minsan ang korni, minsan ang sweet, minsan ang sungit. Ewan! Dinaig pa ko.

*HBDTbyShupershimmer*

*booog*

Nagitla ako nung bumunggo ako sa likod niya. He stopped walking, why? Pagtingin ko, isang unexpected person ang nasa harap namin.

"Nylan?" Sabi ko. May dalawa siyang kasamang tuta. I mean, mga lalaking nagpapa-uto sa kanya. Halatang mga college kasi naka-uniform pa.

That devilish guy grinned on me and tinapon niya yung kapirasong yosi na hawak niya, "Musta?" Sabi niya, "You're not answering my calls and messages, wala ka rin sa bahay ninyo kagabi. Where have you been?" Cold niyang tanong.

"Paki mo ba?" Napatingin sakin si KJ. Maybe, he's wondering like 'who the hell is this guy?'

Hindi siya sumagot, "So, sino siya?" he pointed at Kleinder, "Baka naman gusto mo kong ipakilala?" he grinned.

"Klein, tara na." Sabi ko. Ako sana ang hihila kay Klein pero mas nabigla ako nung siya mismo ang nag-grab ng kamay ko at humakbang.

"Teka, wala namang bastusan, pre." Sabi ni Nylan sa kanya nung humarang siya sa tapat namin.

"Nylan, will you stop bugging?" Sabi ko with gritted teeth pero hindi niya pinansin.

Inalis niya yung kamay ni Klein sa akin sabay sabing, "Do not touch my girl." Nag-ngisian yung dalawang unggoy na kasama niya tapos kita kong nagtaka si Klein sa narinig niya. *HBDTbyShupershimmer*

"Nylan." -ako

"Bakit? Nagpapakilala lang ako sa kanya." tumingin ulit sya kay Klein, "Ano ka ba ng syota ko? Classmate? Friend? Churchmate? Hahaha! Churchmate? I dont think Hikari will do that or even go to church."

KJ did a plastic smirk on his face, "Kaibigan." Cold nyang sagot. Okay? Di ko gusto 'to.

"Ohhhh... kaibigan pala." Sarcastic na sagot ni Nylan na kala mo eh nag-aasar na. Halata namang nang-aasar na eh.

"Sige na, bata. Uwi ka na. Baka hinahanap ka na ng nanay mo. Hahaha!!!" Sabay-sabay silang nagtawanan.

"Oo, talagang aalis na kami." Hinila niya na naman ako pero nung makita kong nanlilisik na yung mata ni Nylan sa kanya at halatang konting-konti na lang ay mapupuno na siya, ako na mismo ang pumigil.

"Sige na Klein, mauna ka na. Mukhang kailangan ko pang maglampaso ng mukha mamaya, eh." Pinagkadiinan ko talaga yung mga huling salita.

"Shane..." He mumbled.

"Sige na." Sabi ko. Then, kinuha ko yung gamit ko sa kanya.

Naitulak nang mahina ni Nylan si Klein, "Alis na sabi eh." *HBDTbyShupershimmer*

"Nylan! Subukan mong saktan yan at malalagot ka sakin!" Banta ko.

He stopped sabay kuha sa kamay ko at as usual, pinasakay ako sa kotse. Malamang, kung saansaang inuman or hang-out na naman ako dadalhin nitong baliw na 'to. Kung pwede lang, hindi na ako nagpapigil kay KJ pero kasi kilala ko ang sira-ulong to at baka hindi ko lang magustuhan ang kaya niyang gawin kay Klein.

Fast forward.

9 PM na ko nakauwi ng bahay. Nakakabwiset lang kasi si Nylan kaya tinakasan ko na. Kung makahawak sa kamay ko, feeling kami. Nakakairita lang. At puro usok pa sa bar na pinuntahan namin with our friends. Nakakasulasok.

Nakahiga na ko sa kama ko nang bigla itong nag-ring.

Calling... Kleinder Baliw :D (Ako naglagay niyan :P)

"Bakit?" Tanong ko agad.

"Saan ka?"

"Bahay."

"Ah, good to hear that." I heard him sighed. "I thought, you're ---"

"I'm safe. Okay? Wag ka mag-alala. First kiss pa rin kita." I joked then i heard him giggled.

"Loko, wag mo na ngang ipaalala yan, nakakahiya." Sabi niya. Feeling ko kinikilig siya. Feeling ko lang naman.

"Bakit?! Ang first kiss, hindi nalilimutan yon, tanga ka ba?"

"Alam ko, noh." Sagot niya.

"Naks par!"

Natahimik kami saglit tapos, "Boyfriend mo? Baka mahuli ka, yari ako. Haha!"

"Baliw! self-proclaimed lang yung Nylan na yun. Siya lang ang nagsasabing kami." Paliwanag ko. *HBDTbyShupershimmer*

May sinabi siya kaso mahina kaya di ko narinig.

"Huh?"

"Wala, baka pretty? hahahah!"

"Pretty talaga ako. Aminin mo man o hinde."

"Kuyaaaa!!! Para kang tanga dyan! Bakit ka ngumingiti? Sino yang tinatawagan mo?" Narinig kong tanong ng boses babae sa kabilang line. Maybe she's his sister.

"Sssshh! Labas ka na nga!" nakarinig ako ng kalabog ng pinto.

We have talked for atleast 20 min. Different topics! Pero ewan ko kung bakit nag-last siya nang ganun katagal. *HBDTbyShupershimmer*

"Sige, goodnight." Sabi ko.

"Bye, sleepwell."

Then he hung up. Tapos di ko napansing nakapikit na pala ako habang nakangiti. Pambihiraaa! Bakit ganun?

HBDT// Kabanata 16

KLEINDER'S POV

Lunes na lunes, wala kaming first subject. Palibhasa absent yung teacher namin kaya ang ingay ng room. Labas-pasok pa yung iba. Eh ako, nagdu-doodle lang sa pirasong papel. Ha! Kala niyo marunong akong magdrawing nuh? Sus. Asa pa. Di ko nga alam kung tao ba o insekto yung nasa doodle ko. O baka paa ng insekto?

Si Shane naman, tahimik lang sa tabi ko. Naglalaro ng Sperm Defense sa cellphone ko! Oo, siya mismo naglalaro nun. Grabe lang.

Inis nga siya kasi ang bilis daw nung mga sperm. As in ini-speak out niya ang word na yun. Tinatawanan tuloy siya ni Gab na kasalukuyang kumakain ng Potato Chips.

"Tara! Laro na nga lang tayo! Boring eh." Biglang suggest ni Czarina sabay upo sa harapan ko. Bali, magkatapat kami. *HBDTbyShupershimmer*

"Ano ka, bata? naglalaro ka pa sa lagay na yan?" Sabi ko while busy doing my doodle.

"Sige na!" Inagaw niya yung bolpen na hawak ko kaya natigilan ako, "Uy! Gab! Laro tayo, sama ka?" Lumapit naman agad si Gabriel at kumuha ng bangko then pumwesto sa tabi ni Czarina.

"Uyy! Ano yan mga bhe? Sali aketch!" Si Rex, biglang dumating. Lakas ng radar!

"Sino may sabeng kasali ka?" Pabirong sabi ni Gab pero nabatukan siya nito. "Aray ah!"

"Hikari, sali ka samin daliii!" Yaya ni Czarina sa katabi kong parang walang naririnig tapos biglang...

"Tsk! Langya naman! Ang bibilis ng mga sperm!!!" Napahampas si Hikari sa mesa after she lost dun sa laro. Bakit pag ako ang naglalaro niyan, di ako affected masyado?

Natawa si Rex nang napakalakas habang patakip-takip ng bibig. "Ano ba yang words mo teh."

Napatingin siya saming lahat na gulat sa sigaw niya, "O? Anong meron? Bakit nandito kayo?"

"Maglalaro kasi kami! Sali ka na! Para happy." paliwanang ni Czarina na nakasmile pa pero nangisi lang si Shane sa narinig niya.

"Psh. So childish." Nagfocus ulit sya sa cellphone pero ako na mismo ang umagaw nun sa kanya, syempre akin yon, tsaka dapat sumali siya. Bakit? Wala lang. *HBDTbyShupershimmer*

"Ano ba." Kalmado niyang sinabi pero inis. Pinasok ko sa pocket yung cellphone, "Kitang naglalaro!"

"Sali ka nga eh. Para naman di ka mabored at baka mabasag mo cellphone ko sa Sperm Defense!"

Umayos siya ng upo and flipped her hair papunta sa likod niya, "Ano ba yang kabaduyan na yan?" Mataray niyang tanong.

"Eto ah, this is just for fun. This game is called 'Spin the ballpen' Tapos ---" Napahinto si Czarina sa pagsasalita dahil sumingit sa Gab. Epal talaga.

"Hahaha! Ambantot naman ng pangalan! Pauso ka talaga Cza!" Pigil ang tawa ni Gab nun kasi sinamaan na siya ng tingin ni Czarina pero tumigil din siya.

"So, alam nyo naman na to eh. Parang spin the bottle lang pero ballpen gamit natin. Kung sino matatapatan ng point nito, siya ang may parusa." *HBDTbyShupershimmer*

"Ayyy! Gusto ko yan. Ano parusa?!" Rex asked.

"Dare and nothing but a dare." sagot naman ni Czarina sa kanya, teka, diba truth and nothing but the truth yun? Ba yan.

"Pauso talaga! Pfff--- Aray!!!" Hindi natuloy yung pagtawa ni Gab sa kanya kasi isang humahagupit na head butt and natamo niya. 1 point!

"Tsk. Maglalaro ba o mag-aaway? Bagal naman." Inip na sinabi ni Shane with folded arms and serious face.

"Ito na nga eh, ito na." Czarina placed the pen on the table, "Ako una ah."

So ayun, umikot yung ballpen tapos nagdasal ako na sana hindi sakin tumapat at sakto, kay Gab siya natutok kaya tuwang-tuwa siya kasi makakaganti na.

"Kiss mo si Rex. Sa cheeks." Firm na sabi ni Czarina. Natatawa lang ako sa mukha ni Gab kasi parang napangiwi siya at halos maiyak sa pagmamakaawa na iba na lang daw. I could see him crying!

"Wala! Walang palitan!" Sigaw ni Rex na obvious namang gusto yung dare.

"Bilis! Pag di mo ginawa yan, di ko na ilalike ang pictures mo, sige." Banta niya tapos napakamot na lang ng ulo si Gab. *HBDTbyShupershimmer*

Lumapit si Rex at inilahad yung pisngi niya, "Ayan."

"Yuck." Shane's whisper.

At naganap ang isa sa pinakamasaklap na eksena. After nun ay tawanan yung nangibabaw samin eh kasi naman, nanghingi agad si Gab ng alcohol at pinahid sa palad niya at dinampi sa labi. Napapalabas dila pa nga siya kasi diring-diri. Next, si Gab naman nagpaikot. Sakin tumapat!

Sabi niya, sumayaw daw ako ng gangnam sa harap nila. Nung una, ayaw ko talaga pero pilitan daw eh kaya napagawa nila sakin. Promise, hiyang-hiya ako. Parang gusto ko ngang bumagsak sa bangko kasi grabe yung tawa ni Shane.

"KJ, last na yan ah. Wag mo na uulitin! Grabe!"

Ako naman. Sakto, umikot yung pen at tumapat kay Shane. The fate is really nice! I looked at her then grinned. *HBDTbyShupershimmer*

"Pano ba yan?" *Evil smile*

"Oh, sakin ba? Ano ba parusa mo? Umayos ka." She glared after saying it. Actually, wala akong maisip na punishment. Ano ba?

"Sing for us." She just gave me a boring face. "Alam mo yung Cupcake na kanta? Yung may lyrics na, 'You're my honey bunch' sa umpisa. Kantahin mo with feelings!" Utos ko.

"Asa ka." She rolled her eyes.

"Waaah, Kill joy! Ang daya mo teeeh!" Sabi ni Rex.

"Eh sa hindi ako kumakanta ng ganyan eh!"

"Wala! Wala! Madaya..." Sabi ko.

Hindi sya sumagot nun tapos kung sinuswerte nga naman siya, she was saved by the bell. Dinilaan niya lang ako tapos nagbalikan na sila sa pwesto. Tsk! Sayang, I didn t hear her voice.

*** HIKARI's POV

Nung break na namin, pumunta akong clinic. Hindi dahil masama ang pakiramdam ko, kundi gusto ko lang matulog. Siyempre, hindi naman ako papahigain sa kama kung hindi ako magpapanggap na may sakit. Genius!

*HBDTbyShupershimmer*

Nung gumising ako, 2:45 na pala. Di ko tuloy napasukan yung subject namin after lunch. Pagtingin ko sa cellphone ko, puro misscalls ni Klein at 2 texts from him while the rest messages are from you-know-who: Nylan.

Habang nagtatype ako nun while walking, pababa na ako ng hagdan tapos nagulat na lang ako nung biglang may nakabangga sakin tapos nabitawan ko an g cellphone ko kaya bumagsak yon sa sahig. As in sa floor talaga from the stairs.

Wow. That's nice. Very very fuckin' nice.

"Omg. Sorry!"

Dali-daling pinulot ng babae yung cellphone ko at binigay sakin. May crack na. I glared at her then she looked at my cellphone, "Shocks... sorry... Sorry talaga!" She's like begging for forgiveness.

"Anong magagawa ng sorry mo sa cellphone ko?" Cold na sinabi ko sabay hablot ng phone sa kamay niya kaya nagulat siya. *HBDTbyShupershimmer*

"I-if you ddont mind, I'll pay you." Dumukot siya ng wallet.

"Sensya na, di ako mukhang pera eh. Siguro gamitin mo yan pambili ng eyeglass, mas kailangan mo yata." I glared before I leave her.

Sino ba yung babaeng yun at iba ang uniform na suot niya? I mean, she looks familiar but her skirt is different compared sa suot ng mga babae sa school na to. Whatever. I dont care.

Pumunta muna ako ng comfort room at nagrelax saglit. Naghilamos na rin ako since medyo naiirita ako sa nangyari na yun. Paglabas ko, nasalubong ko na si Klein bitbit yung bag niya. Papunta na yata siya sa P.E Class, nilapitan niya ako with a smile pero nawala yun nung magkaharap na kami.

"Oh? Bat ganyan mukha mo?" He asked na takang-taka

"Wala."

"Ano nga?"

"Basta."

Iniwan ko na siya sa pwesto niya tapos pumunta ng court. Dun daw kasi yung P.E and we're going to play volleyball. Biglang sumulpot si Klein sa gilid ko at sumabay sakin. "Saan ka nga pala galing? Bat bigla kang nawala?"

"Clinic." I answered without looking.

"Clinic? Bakit, may sakit ka?" Sabi niya sakin and I smelled his breath. Tae yan. Diba kumain na

siya? Bakit ang bango parin. Amoy mouth wash.

Sasagot pa sana ako nang nilapat niya yung palad niya sa gilid ng leeg ko, "Hindi ka naman mainit." Sabi niya.

Tumingin na ako sa kanya, "Hindi nga. Natulog lang ako, puyat eh."

Natigilan lang siya sa sagot ko tapos inalis niya rin yung palad niya. Thanks. Nakakagulat lang kasi. Sakto, nakarating na kami sa court.

"Kleinder! Halika dali!" Tawag ni Gab sa kanya. Lumapit kami tapos nabigla yung kaluluwa ko nang makita ko yung babae kanina sa hagdan. Nanlaki yung mga mata niya habang ako naman, hindi makapagsalita.

"Franchezka?" Sabi ni Klein nang makita yung babae na medyo natatakot sa titig ko.

Iniwas ng babae yung tingin niya, "Ah, Jake, musta?" Ngumiti pa siya. Wow, Jake. First time akong nakarinig na may tumawag kay KJ sa second name niya.

"Wala." *HBDTbyShupershimmer*

"Ano nga?"

"Basta."

Iniwan ko na siya sa pwesto niya tapos pumunta ng court. Dun daw kasi yung P.E and we're going to play volleyball. Biglang sumulpot si Klein sa gilid ko at sumabay sakin. "Saan ka nga pala galing? Bat bigla kang nawala?"

"Kleinder! Halika dali!" Tawag ni Gab sa kanya. Lumapit kami tapos nabigla yung kaluluwa ko nang makita ko yung babae kanina sa hagdan. Nanlaki yung mga mata niya habang ako naman, hindi makapagsalita.

"Franchezka?" Sabi ni Klein nang makita yung babae na nmedyo natatakot sa titig ko.

Iniwas ng babae yung tingin niya, "Ah, Jake, musta?" Ngumiti pa siya. Wow, Jake. First time akong nakarinig na may tumawag kay KJ sa second name niya.

"Anong ginagawa mo rito?" He asked na akala mo eh gustong-gustong malaman kung bakit. Teka, ano ba nila yan?

"Ah, kasi may training kami sa school ninyo. May contest kami then ito ang venue for the division training kaya nandito ako. Namiss ko na nga kayo eh!" Mas nabigla ako nung niyakap siya nung babae. Teka.

"Ah, oo... we, we missed you too." Sagot ni Klein na medyo ilang sa babae.

Bumitaw yung babae then nagsalita si Gab, "Ayiee, muling ibalik... ang tamis ng pag-ibig!" He looked maliciously sa dalawa. *HBDTbyShupershimmer*

"Baliw. Napadaan ako dito kasi break namin sa training and fortunately, nandito pala kayo." Sabi lang nung babae.

"Nga pala, Hikari, siya si Frachezka, ex-classmate namin nung sophomore, eh kaso natransfer sa iba kaya ayun. Franchezka, siya si Hikari, transferred student din, this year lang." Walang nagsalita sa aming dalawa, siguro kasi takot yung Franchezka at ayoko siyang kausap.

"Shake hands naman dyan?" Singit ni Gab. Maybe he felt the ice between the two of us.

"Hi!" She offerred her hand first. Para hindi naman ako magmukhang rude, kinamayan ko na rin siya. Sa paghawak ko palang sa kanya, di ko na siya gusto. I mean, dama ko agad na di kami magkakasundo.

"Hi."

"Ganyan talaga si Shane sa mga total strangers, medyo mataray at tahimik... pero mataray talaga siya." I glared at Klein then tumigil siya sa pagngiti.

"Shane?" Tanong ng babae sa kanya.

"Ah, second name niya."

Maya-maya, umalis yung mga babae dahil tinawag siya ni Czarina. Naglakad na kami papuntang bleachers dahil nandyan na yung P.E teacher namin. Narinig kong bumulong si Gab kay Klein.

"Nice one, chansing chansing din." Hinampas siya ni Klein ng bag.

Napatingin lang ako sa kanila, out of curiosity, nagtanong na ako, "Ex mo ba yon?"

"What?" Nanlaki mga mata niya sa tanong ko. "EX? Hindi nuh." Sabay iwas niya ng tingin at lumakad nang mabilis. *HBDTbyShupershimmer*

I looked at Gab kasi feeling ko, interested syang sumagot sa tanong ko, "Ano?"

"Hindi sila mag-ex, Hikari. Friends lang, but let's say, na-friendzoned and kumpare natin. Hahahahaha!"

Nagpanting bigla yung tenga ko. Wow. That girl dumped him? Or let's say nafriendzone? The hell is she?! Kapal ng face niya. Ewan. Nag-iinit dugo ko sa kanya. At tama nga yung nasa isip ko kanina pa. I knew her last time. Nung nasa bar ako with Nylan. I saw her with a guy pero malayo siya sakin nun, and they're like... K-I-S-S-I-N-G. Gross.

Nung P.E, unang maglalaro yung mga babae. Dun ako sa kabilang side ng net, kakampi ko si Czarina. Kung mamalasin nga naman, nakaharap ang court ng group namin sa bleachers kung

saan nakaupo yung Franchezka na tumabi kay Kleinder.

Seriously, habang naglalaro ako, di na ako nakapag-focus nang maayos dahil ewan ko ba pero naliligaw yung mata ko sa kanila. Nagpipicturan pa silang dalawa gamit ang cellphone. Yung babae talaga ang may hawak ng cellphone at halata mong komportabe na sila sa isa't isa.

"Hikari! Ikaw naman magserve." Sabi nung teammate ko, tumango lang ako. *HBDTbyShupershimmer*

Pumwesto ako sa bandang dulo ng court namin at inilahad yung bola. Ni-reready ko na yung kamao ko para sa pagserve kaso pagtingin ko sa net, I saw Franchezka na tumayo sa kinauupuan pero parang natapilok siya kaya nasalo siya sa magkabilang kamay ni KJ. Sucks, eh?

I never knew na may nag-eexist na palang taong higad.

Nakita kong nagsalita si Klein at tinanong siya, tumango lang yung babae. "Serve na Hikari!" Sigaw ni Czarina.

So, I served the ball. Napalakas yata yung pagtira ko kasi sumapok sa bubong ng court yung bola at umabot hanggang sa bleachers. Dapat ba akong matuwa sa nakita ko kasi sumapul sa ulo ng

Franchezka na yun ang bola? To make it exaggerated, as in with impact yung pagtama ng bola. May additional pang sound effects.

Somehow, I felt some happiness. Una, dahil nasira niya ang cellphone ko, secondly, wait, I can't identify the second reason.

Patago akong ngumisi. *HBDTbyShupershimmer*

"Ouch!!!" Sigaw nung babaeng at napahawak siya sa ulo niya at napaupo sa pwesto niya. Nagulat naman si Kleinder sa nangyari. May isang babae na kumuha ng bola at pinagulong papunta sa court namin.

"Sorry!" I shouted, pero syempre, labas sa ilong. Why am I so bad?

HBDT// Kabanata 17

Nung natapos na yung P.E namin, lumapit ako kila Klein dahil doon sa upuan nila nakapatong yung bag ko. Pagdating ko, nakita ko si Franchezka kaya naman nginitian ko siya, kunyare.

"Nga pala, pasensya na." Sabi ko.

"O--okay lang ako." Ngumiti rin naman siya tapos binitbit ko na yung bag ko at sabay-sabay kami na lumabas ng gate.

Pag-abot namin sa gate, nagpaalam na yung babae na yun samin dahil may pupuntahan pa raw siya. Pag-alis niya, inasar nila Gab si Klein kung bakit di raw niya hinatid, eh nag-iisa lang si Frachezka sa daan.

"Bakit ko ihahatid?" Tanong niya lang sa kanila habang nagta-type sa cellphone na para bang wala siyang paki.

"Wala. Syempre, babae pa rin siya, diba?" Sagot ni Gab sabay ngisi.

"Malaki na siya, di na siya baby." Sagot lang niya sabay pasok ng earphone sa tenga. *HBDTbyShupershimmer*

Habang naglalakad kami, may kotseng biglang nahinto sa harap naming apat, it looks familiar kaya hinintay ko yung taong lalabas doon. It turned out na driver ni Papa yung nasa harap ko. Binuksan niya yung pinto sa backseat at pinasasakay niya ako.

Sila naman, gulat na gulat, "Wow, kelan ka pa nagkaroon ng service?" takang-taka na tanong niCzarina sakin.

"I dont have any idea." Sabi ko lang. Humakbang ako at lumapit dun sa driver, "Ano 'to?"

"Simula ngayon, assigned na po akong magsundo at maghatid sa iyo, as authorized by your father."

Napasinghal lang ako, "Ano? Anong kalokohan 'to? Kaya ko namang umuwi mag-isa at ako ang magdedesisyon kung anong oras ako uuwi. Hindi ako kinder or prep para ganituhin."

"I'm sorry, pero yun po ang sabi ng Papa mo. Mas mabuti kung sasakay ka na sa loob."

I rolled my eyes for a while. Humarap ulit ako sa kanila tapos si Klein naman, parang wala sa mood kaya nag-wave na lang ako sa kanila. Sumakay ako sa loob kahit pa labag sa loob ko dahil kung tutuusin, gusto ko pa maglakwatsa at maglaro sa arcades, kaya lang wala akong magagawa

ngayon.

Wednesday.

Wala namang special na nangyari sa araw ko ngayon, well, siguro kasi di ko lang na-notice. Dapat ko na bang tawagin na special pag binigyan ka ng chocolate ng isang lalake? I mean, dun sa taong di mo ineexpect na magbibigay?

Well, here's what happened. Nasa corridor kaming lahat dahil inaantay na lang namin yung dismissal time and I was busy playing on Klein's cellphone nung inabot niya sakin ang isang bar ng toblerone, yung medyo mahaba. I looked at him at nagsalubong ang kilay ko, syempre I wondered why. *HBDTbyShupershimmer*

"Ano yan?" I asked.

"Ano ba tawag dito? Wait, iisipin ko muna. Hmmm..." Hinawakan niya pa yung chin niya na parang nag-iisip talaga siya.

"Tatawa na ba ako?"

Ngumiwi lang siya tapos kinuha niya kamay ko at inabot dun ang chocolate, "Pinapabigay ni Drake. Sabi niya kanina bago ako umalis, ibigay ko raw sayo."

"Talaga?" I smiled, "Nice. Pakisabe, salamat." Pinagmasdan ko muna yung toblerone bago ko tinabi sa bag. "Crush ba ako ng kapatid mo?"

I asked then grinned pero nabulunan siya sa tanong ko at napataas lang yung isang kilay niya, tapos maya-maya natawa siya. "Hahahahahahahahaha! No freaking way."

"Why? Age doesn't matter at all, anyway. Isa pa, gwapo yung baby brother mo. Pwede na ring pagtiyagaan." Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Sarap tawanan ng 200 times!

"Just kidding." sabi ko. *HBDTbyShupershimmer*

After ng ilang minuto lang, napadaan yung grupo ng mga babae sa harap namin tapos nagbalikan sa pinanggalingan nila. Nagbubulungan sila na parang kinikilig na ewan na mga mukhang inipit na daga. Nakatingin sila sa katabi ko tapos may hawak silang cam. Sa itsura nila, mukha silang juniors. Nawala sila saglit tapos bumalik na naman at nadagdagan sila ng isa.

"Oy, kuya!" Tawag sa kanya nung babaeng nauna. Yun yata yung kapatid niya eh.

"Bakit?" he asked.

"Pwede bang pagbigyan mo na ng ilang shot ang mga babaeng 'to. Iritang-irita na ako sa kakukulit nila sakin eh, nakakasira ng magandang mood. Bilis." Pinatatayo niya si Klein. Somehow, I like her character, something fierce!

Nagtilian yung mga babae na kala mo naka-jackpot na. "Hoy mga babae, tig-bebenta kayo kada isa, ah. Ginawa niyo pa akong spokeperson!" Sabi nung Kristina at napakamot na lang si Klein sa ulo niya. Parang ayaw niya pa nga eh.

"Tumayo ka na nga, binebenta ka na ng kapatid mo!" bulong ko. Ngumisi lang ako nun tapos umirap siya. *HBDTbyShupershimmer*

Mas nakakagulat nung ako pa ang binigyan nung digicam! "Ate, pa-picture naman po, please."

Syempre, may magagawa pa ba? Kahit naiinis ako at ginawa pa akong photographer, kinuhaan ko sila, well, mga apat lang naman sila. Nagthank you lang sila pagkatapos kay Klein din.

"Grabe, kaya ayokong pumupwesto malapit sa may pintuan eh." Sabi niya sa sarili pero narinig ko. Nakita kong nakaupo nga siya sa tabi ng pinto ng clinic tapos tumingin ako sa kanya.

"Bakit naman?" Saka ko habang iniinom yung bottled water.

"Napagkakamalan kasi akong 'Boy next door'."

Napabuga ako dun sa harap ko at sumabog yung tubig na nasa bibig ko! Buti na lang at walang tao dun! Dali-dali akong kumuha ng panyo at pinahid sa bibig ko. Naubo pa ako nang konti dahil sa sinabi niya.

"Kadiri ka!" Sabi niya.

"Anong pinagsasabe mong boy next door?! Wow ah. Kapal."

"Aminin mo na, Sha-neh. Pogi ako!" Sabi niya sabay point sa sarili niya. Nakalunok yata to ng electric fan eh! Sana maisuka niya!

"Ha! Bakit ---"

"Kuya!!! Kuya!!!" Sigaw na naman ng kapatid niya na palapit samin, napabulong pa nga si Klein ng 'ano na namang kailangan nito?'

"Ano na naman, hah? Ayoko nang magpakuha, ah. Nakakahiya, binebenta mo ko." Sabi niya. At dahil busy naman silang magkapatid, nanahimik na ko.

"Penge nga ako nung chocolate." Sabi nung kapatid niya.

"Anong chocolate?"

"Yung kinuha mo sa ref kaninang umaga! Yung toblerone! Duh."

"Wala akong chocolate na dala." Naiinis na sabi ni Klein.

"Weh? Eh halos agawin mo nga yun kay Drake kasi sabi mo---" di niya natuloy yung sinasabi niya

"Aaaahhh... Y-yung toblerone? Wala na." Napaiwas ng tingin si Klein sa kapatid niya.

"Eh diba, sabi mo, hindi mo siya kakainin? Kaya akin na." Napatingin naman yung Kristina sa skirt ko. Naka-indian sit kasi kami kaya pinatong ko muna dun yung toblerone.

"Ito pala eh!" Sigaw ni Kristina. Napatingin siya sakin at napatingin din siya sa kuya niya. *HBDTbyShupershimmer*

"Teka! Wait ah, pinapaabot yan ni Drake sakin, okay? Wag mo nang agawin, nakakahiya ka Kristina, bumili ka na lang sa labas!" -Klein.

"Ah... ganun ba?" Naningkit yung mata nung kapatid, "Kaya pala, maiyak-iyak si Drake nung

inagaw mo yung toblerone kagabi... gusto pala niyang ipabigay kay ate. Aww, nakaka-touch!" nag-pout pa siya samin. Talk about sarcasm!

"Aish!" He looks pissed but I find it funny.

"Sige na nga, makaalis muna."

Umalis nga siya tapos tinignan ko si Klein, ewan ko kung ako lang ang nakakakita pero namumula talaga yung mukha niya habang naka-lean yung ulo sa wall.

"Ano tinitingin-tingin mo?" Tanong niya habang nakasalubong ang kilay.

Umiling ako sabay inabot ko yun phone niya na hawak ko, "Nakakatuwa si Drake ah, mag-aabot na lang ng chocolate, kailangan pang umiyak... or should I say, pinaiyak?" sarcastic na sabi ko.

Kinuha niya lang yung cellphone, "Tsk, malo-lowbat na naman ako dahil sa'yo. Saan ba cellphone mo? Bakit di yon ang gamitin mo?"

Mukha siyang bad mood bigla, tsk.

"Wala, nasira na."

"Psh, kaya pala..." He turned his face sa kabilang side. Mahina lang yung pagkakasabi niya but I heard it.

"Kaya pala ano?" Napaharap siya ulit.

"Never mind."

"Actually may balak akong bumili ngayon, sama ka?" Yaya ko sa kanya. *HBDTbyShupershimmer*

Di siya tumingin sakin habang sumasagot, "Bakit naman ako sasama? Para yun lang kailangan pa ng kasama? Ilang kilo ba yung cellphone?"

Hindi ko gusto yung tabas ng dila niya ngayon, parang nirereglang babae na ewan eh! Ganyanan ba?

Saktong nagbell para sa dismissal kaya sinabit ko na yung bag ko sa likod at tumayo, "Eh di wag, kaya ko naman pumunta mag-isa."

Naglakad na ako nun nang ilang steps tapos hanggang paglabas ng gate. Nairita naman ako kasi nakaabang na doon yung driver namin. Hindi niya ako nakita kaya dinukot ko yung beanie sa bag ko at sinuot sa ulo para di ako agad ma-recognize.

Tatawid na sana ako but someone stopped me, "Shane!"

Humarap ako kay Klein, "Bakit? Kala ko ba uuwi ka na? Sige na." I turned my back. *HBDTbyShupershimmer*

Sumabay sya sa paglalakad, "'To naman, parang binibiro lang eh, tutal wala naman akong gagawin ngayon. Pwede kitang tulungang mamili ng cellphone."

Tumingin ako sa kanya, then i looked away, "Papilit pa kase, feeling mo naman pipilitin..." I

whispered.

"Ano?"

"Wala."

"Teka, bat nakaganyan ka? Why are you wearing a beanie all of a sudden?" Tanong niya. Ngumuso ako doon sa kabilang way, tumingin naman siya at bumaling ulit sakin. "Ayaw mo ba nun? Atleast may sasakyan tayo papunta."

"Ayoko, tara na, baka makita pa tayo niyan."

Hinila ko na siya palayo para makasakay kami ng taxi at makalayo na dun! Pagpasok namin sa loob ng sasakyan, pareho na kaming nakaupo sa back seat.

*** Sa mall.

"Ito ba?"

"Hm, mas ok 'to... Bagong version, may android na rin."

"Ayoko, ang lapad, mahirap hawakan yan." *HBDTbyShupershimmer*

"Ito na lang... cute ng style."

"Eww, masyadong girly. Yuck."

"Hay, ang arte."

"Teka, sino bang bibili, huh?"

Mataray na tanong ko sa kanya, eh kasi naman, mag-iisang oras na kaming paikot-ikot sa mall,

wala pa rin akong nabibili. Naka-ilang stores na rin kami dahil laging may disagreement whether sa kulay or sa unit or sa brand. Kung gusto ko ng Iphone, mas gusto niya ang Samsung. Kung gusto ko ng qwerty, mas ok daw ang touch screen! Hay.

"Bahala ka nga." Nakasimangot siyang tumalikod at nagtingin na lang ng iba't ibang cellphone. Sinundan ko naman siya, kasi baka may makita rin ako.

"Good afternoon Ma'am and Sir!" Bati nung saleslady samin. Tinignan ko lang siya but i did not smile, pero si Klein, nakuha pang ngumiti.

"Kadiri ka, parang nang-aakit ka ng tao rito." Bulong ko.

"Whatever. I'm just being nice to people, hindi gaya ng iba dyan."

"Ah ganon?"

"Joke." Nung sinabe niyang 'joke' may halong sarcasm yung mukha niya.

After ng sampung taon, nakabili na ako ng cellphone. It turned out na parang sa Klein ang bumili dahil unang-una, sawa na ako maki-argue kaya um-oo na lang ako na touch screen na lang, pero Iphone pa rin yung brand. Umalis na kami tapos kumain sa isang Japanese Restaurant.

Tahimik lang kami na kumakain tapos nakakatawa lang kasi mukha kaming nagdedate na dalawa dahil pang-dalawahang tao ang mesa namin at lalaki siya, babae ako.

Natapos na kami at inuubos na lang namin yung juice, "Wait, rest room muna ko." Paalam niya.

Tumango naman ako bilang sagot at umalis siya. Makalipas yung isang minuto, may dalawang babae na naka-uniporme ng pang-college ang lumapit sa table ko. As in nakatayo sila at naglakad palapit sa akin. *HBDTbyShupershimmer*

"Anong kailangan niyo?" Tanong ko dahil kita kong mukhang meron.

"Ikaw si... Hikari Shane Oda diba? Tama ba 'ko?" Sabi nung isa na may makapal na make-up.

"Bakit?"

"Hmm, we really did not expect na ikaw ang girlfriend na pinagmamalaki ni Nylan." Tumataastaas yung eyebrow niya.

"Anong pinagsasabe ninyo?" Sabi ko. Nakaka-annoy sila, swear.

"Alam mo, Nylan must know this. That his girlfriend is a slut, dating with a guy in a public place like this. Disgusting, eh?" Naka-fold pa yung arm niya habang sinasabi yun.

Napatayo na ako. Bumilog yung kamao ko at hangga't maaari, pinipigilan kong manuntok ng mukhang clown dito!

"Get. Lost." I whispered with gritted teeth.

"Aww, guilty ba? Don't worry, hot din naman yung high school guy mo eh. Nice pick!"

"Didn't you hear her? Get lost daw. Nakarating kayo ng college pero di kayo makaintindi ng simpleng english." Napalingon kaming tatlo sa gilid ko. *HBDTbyShupershimmer*

It's Klein who looks so calm habang nakasuksok pa yung mga kamay niya sa kanyang pockets. These bitches were shocked at nanahimik for a while. Ayaw pa rin talaga nilang umalis.

"Waiter." Klein waved his hand sa isang lalaki.

Lumapit naman yung waiter samin at mas nabigla kaming tatlong babae nung naglabas siya ng one thousand sa wallet niya at sinabing, "Bayad namin. Take the change."

Napakurap tuloy yung waiter. Hanep! Sinong mag-aaral ang may isanlibo sa wallet? I mean, a couple of thousands?! Rich man.

Binitbit ni Klein yung bag niya at bag ko na nakapatong sa seat, "Let's go."

And then, the next thing I know is that he grabbed me again. Parang nag-flashback yung pangyayari nung time na muntik na akong masagasaan nun. Hinila niya ako patawid ng high way hanggang sa nalaman kong magkahawak na pala yung kamay namin nang mahigpit...

Ganitong-ganito rin yung pagkakahawak namin...

Ganitong-ganito rin yung kabog ng puso ko habang naglalakad kami...

HBDT// Kabanata 18

KLEINDER'S POV

Natapos na ang weekend nang ganun kabilis. Nothing's big na nangyari pero I think, big deal na rin yung pagkikita ulit namin ni Franchezka simula last week. I was totally shocked dahil di ko naman ineexpect na magkikita ulit kami in person after a year, kaya medyo nakakailang.

*HBDTbyShupershimmer*

Madalas na nasa school siya para raw sa training sa isang contest kaya nakikisabay siyang maglunch tuwing break o kaya sumasama sa tambay namin. Nakakabadtrip nga lang 'tong mga lokong kasama ko dahil pinuputakte ako ng pang-aasar lalo na ni Gab.

Yes, I admit, I had a crush on her. I HAD. Past na, so wala na. Eh kasi nung sophomore kami, nabuking lang naman ako noon dahil sa madaldal kong mga kaklase eh. Kung di ba naman bumulong nang malakas diba? That time, we're friends pero nung nagkanda-leche-leche na, nagkaroon na ng gap between us. Tapos ayun, nagtransfer siya dahil lumipat sila ng bahay.

Back to the present, lunch break ngayon at kasabay namin si Franchezka pero wala si Sha-neh. Teka, saan na naman 'yung babaeng yun?

Kinuha ko yung phone ko para sana i-text siya, kaso, may nagsalita sa tabi ko, "Wow Jake, ang nice naman ng wallpaper mo. Sino nga ulit siya?" Franchezka asked.

Napatingin ako sa kanya, then doon sa wallpaper ko kung saan kasama ko si Shane, nung time na bumili kami ng cellphone niya at kumakain sa isang resto.

"Ah, ito? Si Shane yan... pero okay na ring tawagin mo siyang Hikari." Napatango lang siya.

"You look sweet there, uhm, gf mo?" napakurap naman daw ako sa tanong niya.

Napaayos ako ng upo, "K-kami? Haha! Hinde ah. Ang gwapo ko kasi sa picture na 'to kaya ginawa kong wallpaper." *HBDTbyShupershimmer*

"Sus, di ka parin nagbabago." Natawa siya nang bahagya. "Bakit sa second name mo sya tinatawag?"

Napaisip ako saglit sabay lunok sa kinakain ko, "Ewan ko, nakakatuwa lang kasi."

Nag-type na ako ulit sa cellphone ko para magtext kay Shane kung nasaan siya eh samantalang magkatabi kami kanina. Kaso, hindi ko siya nakausap eh, mukha kasing wala sa mood. Baka may dalaw? Joke.

Message sent.

"Crush mo?" Napaurong ako sa pwesto ko at nagulat na naman. Buti at mahina ang tanong ni Franchezka at di narinig nila Czarina, Gab at Rex.

Hindi ako nakasagot, kasi natawa lang talaga ako. Mukhang hindi na rin niya gustong marinig yung sagot ko kaya I did not answer that question. Ampoka lang, nakakabading.

"Guys, si Sha-neh?" I asked them.

"Bakit naghahanap ng iba? Eh may malapit na nga." Malisyosong sabi ni Gab kaya inapakan ko yung paa niya sa ilalim.

"Awww! Aaisssh!"

"Bakit pa kasi may mga torpe dyan at ayaw umamin, eh katabi lang naman!" Siya naman ang pinaringgan ko. Magkatabi kasi sila ni Czarina, wala lang, inasar ko lang. But, I guess I hit a punchline. Lol, kasi nanahimik siya eh.

"Nagtext siya, sabi niya nasa labas na siya ng school. Umuwi na yata." Said Rex. Tumango na lang ako bilang sagot. *HBDTbyShupershimmer*

Naalala ko yung chocolate na binigay ko. Loko-loko kasi 'tong si Kristina eh! Ang daldal, eh kung tutuusin, binigay ko naman talaga at hindi pinapabigay ni Drake. Ewan ko, naisip ko lang bigyan siya. Masama ba 'yun?

Kasi kung masama, I'll take the risk na ubusin lahat ng toblerone sa 7/11 just to give it all for her. Di, joke! Nagbibiro lang ako.

HIKARI'S POV

Bago pa man mag-lunch, lumabas na ako ng school. Sinabi ko na may medical check-up ako nang 1 PM and I need to be on time kaya pinalabas ako. Utakan lang yan pre. May nakarating kasi saking balita na may balak pumunta ng school ngayon si Nylan since matagal din niya akong di ginugulo. I don't wonder why.

1 Message Received From: Kleinder Baliw San ka?

I typed his number para matawagan ko. Tatanungin ko na rin kung dumaan ba si Nylan since kilala niya naman na yun sa mukha.

Maya-maya, sinagot niya yung tawag, Hello? Sabi ko.

Hello? Wth? Bakit boses babae?

KJ?

Huh? Sinong KJ?

Kleinder, wheres he?

"Ah, wala eh, pinatawag lang sa faculty."

"Sino 'to?" Firm na tanong ko lang, kasi hindi siya boses ni Czarina at lalong hindi kay Rex!

"Franchezka."

"Okay." Tapos, in-end ko na yung call nang malaman kong siya pala. Tae yun, nandun na naman.

Dapat ko yata siyang isama sa binibilang kong higad eh, pang-anim na siya.

Ang tagal kong tumambay doon hanggang sa nag-3 pm na. That time, uwian na namin kaya malamang, ligtas na ko kay Nylan. I received a couple of messages and missed calls from him pero di ko na pinansin. Uuwi na lang ako, gusto ko magpahinga. Nakakabadtrip kasi.

Naglalakad na ako nun pauwi papunta sa sakayan nang may isang kotse ang huminto sa gilid ko, it was a brown-reddish car at nag-slide yung salamin sa back seat.

"Hi!" Kung mamalasin ka nga naman. Bakit dito ko pa makikita si Franchezka? *HBDTbyShupershimmer*

"Bakit?" I asked.

"Wanna go out for a snack?" Tanong niya, umiwas ako ng tingin at naglakad. Ang kulit nung driver niya dahil sumusunod sila sakin.

"Ayoko, salamat na lang."

"Sige na please, may tatanungin lang ako. Friends naman kayo ni Jake diba?"

Naiirita talaga ako sa ka-je-Jake niya. Nakakarindi ng tenga. Hindi na sana ako sasagot nun at lumakad na ako kaso, sa kabilang highway ay may nakita akong lalaking naka-motor at sa hitsura palang nung sinasakyan niya, na-recognize ko siya agad.

It's Nylan.

Lumapit agad ako sa sasakyan nung Franchezka at sumakay sa loob. Agh, kapit sa patalim. Habang nasa byahe kami, ang daldal niya, kahit ano lang ang masabi. Hindi na nga ako nakikinig eh. Ka-text ko lang si KJ dahil may missed call siya at sinabi kong kasama ko yung 'CRUSH' niya.

Replayan ba naman ako ng: '-__-'

Nasa isang coffee shop kaming dalawa at siya na nagtreat. Sabi niya eh. Tsaka, may kasalanan pa siya sakin kaya okay lang. *HBDTbyShupershimmer*

Kung titignan mo siya, she looks nice, demure, mabait, pero di ko talaga ma-imagine na siya yung

isang babae na nasa bar last night. She doesn't look like that type of girl.

"Ano ba itatanong mo?" Diretsong tanong ko pagkakuha ng order.

She chuckled, "Chill. Gusto ko lang pag-usapan si Jake. Siguro naman may maku-kwento ka diba?"

"Bakit sakin? Diba sabi nga ni Gab sa'yo, transferee lang ako?" Bobo rin neto.

"Eh parang close kasi kayo, maybe you know better." Sagot niya sabay smile. Plastik.

Ngumiti ako gaya ng ginawa niya, "Syempre, I know him better. I know how good he is, when it comes to kissing." Pabulong ko lang sinabi yung last line. Nang-aasar lang.

"What?"

"Never mind." Evil smile.

"So, niligawan ka niya?" Nabulunan ako sa iniinom kong frappe.

"Nagpapatawa ka ba?"

"It looks that way, you know." *HBDTbyShupershimmer*

Teka nga, bakit naliligaw yata yung usapan. Bakit curious na curious siya kay KJ? Akala ko ba friendzoned na niya? Eh bakit parang nagmumukha siyang stalker?

"Hindi." Simpleng sagot ko. Nakita kong gumuhit ang malapad na ngiti sa labi niya.

"Kung makangiti ka naman. May boyfriend ka diba?" Natigilan siya at napatingin sakin nang seryoso.

"Ha? W-wala ah." Napaiwas pa sya.

"So, di mo boyfriend yung kahalikan mo sa bar? Nung nakaraang lingo pa? Ano yun? Nasubsob ka sa kalasingan at aksidente lang pala?" I said with full of sarcasm.

"Ah, break na kami nun." Natawa pa siya. Parang di siya makapaniwalang nakita ko siya nun.

"Wow. Parang nagpalit lang ng panty." Bulong ko but I guess she heard it. *HBDTbyShupershimmer*

Maya-maya, nagpaalam siyang magc-cr lang siya pero naiwan niya yung cellphone niya sa ibabaw ng mesa. Kung minsan, may pagka-tanga rin siya. Actually, di ko naman balak pakielaman yun eh, kaso may tumatawag and it keeps on ringing kaya kinuha ko na.

Calling... Andrew

Ayokong mag-assume pero I think, yung Andrew na kasama sa gang ni Nylan at kasama ni Franchezka sa bar is the same as this Andrew who's calling. I ended the call dahil wala naman akong care na sagutin. Natukso akong pakielaman yung inbox at walang password kaya madali

lang. All of it are crap. Lahat ng nasa inbox ay puro pangalan ng lalaki. Commonly, Andrew, Kleinder (Jake), and Bryan.

Lumakas ang instinct ko na parating na siya kaya binitiwan ko yung cellphone. Lumabas nga siya at bumalik.

"May tumatawag kanina, di ko sinagot." Tiningnan naman niya yung cellphone niya, "Ah, siya pala."

"Akala ko ba break na? Bakit tawag pa ng tawag?" Napatingin na naman siya sakin. "Did I hit it right?"

"Pwedeng favor?" Bigla niyang sinabi.

Di ako tumango at di ako tumanggi, bigla ulit siyang nagsaita, "Tulungan mo kong pumili ng regalo kay Jake, birthday niya na kasi sa Saturday."

*HBDTbyShupershimmer* I stopped. Oh? Birthday niya na pala sa September 15? I acted like I knew that Saturday is KJ's birthday. "Mas kilala mo siya, you can buy a gift alone."

"Ano bang favorite color niya?"

"Ewan ko." Sagot ko kahit alam ko kung ano. Blue.

"Hmm... bahala na nga. Kahit ano naman tinatanggap nun." Itong babaeng 'to, ang galing magpalit ng topic!

"May gusto ka ba sakanya?" Tanong ko frankly. Ngumiti lang siya na parang kinikilig na butete.

"You know what?" Pumangalumbaba siya sa table, "Actually, Jake looks nicer now. Wala namang masama kung magugustuhan ko siya, right? Single siya, single ako." Paki ko?

"Does it mean na bagay agad kayo?" Pabalang na sagot ko.

"Why not? In fact, I have no problem dahil gusto niya na ako, dati pa." Wow. The nerve? *HBDTbyShupershimmer*

That line really sucks. I swear! I've had enough kaya agad kong tinapos yung usapan namin. Nakipagkamay pa nga siya at sinabing, "I hope we can be friends."

"Sure." Plastik ko naman.

Nauna na akong lumabas and the thing that I'm thinking habang naglalakad na ako pauwi is...

What gift am I going to give for KJ?

***

HBDT// Kabanata 19

HIKARI's POV

Wednesday ngayon at katatapos lang ng klase. Actually, nasa Trinoma ako at nag-iikot mag-isa. Gusto nga sanang sumama ng kumag na si KJ eh dahil naboboring daw siya sa bahay nila pero di

ako pumayag this time dahil ayoko...

Bibili kasi ako ng regalo ko sa kanya.

Wow, how sweet of me. Di bale na, bihira lang ako mamigay ng regalo kaya wag sana siyang maginarte sa ibibigay ko.

Naalala ko tuloy yung napag-usapan nilang magbabarkada kanina sa canteen.

"Pre, magsi-sixteen ka na sa Sabado ah! Nakanaks!" Sabi ni Gab.

"So?" -Kleinder

"Wala, share lang."

"Sira. Di ka man lang ba magpapahanda?" Tanong ni Czarina. *HBDTbyShupershimmer*

"Pwede rin. Baka sa bahay lang, unlike last year na sa resort tayo. Basta may regalo, invited!" Napatingin siya sakin nung binanggit niya yung word na regalo, pero umiwas ako.

"Tss, feeling bata naman. Kailangan pa ng gift." I whispered.

"Uy, balita ko naghahanda na ng regalo sayo si Franchezka ah? Uy, eksayted." -Rex.

"Tss. Tigilan niyo nga ako."

Feeling ko lang, nag-eexpect sya ng gift mula sakin kaya hindi ko alam ibibigay ko. Maya-maya pa, habang natatawa ako kakaisip sa nangyari, may nabunggo akong matanda sa loob ng store ng stuffed toys.

"Aray..." sabi nung matandang babae.

Napatingin lang ako sa kanya with no reaction, pasensya na, hindi ko naman kasalanan eh, "Sorry." Simpleng sabi ko.

Tumayo siya nang diretso , "Ikaw..." nawirduhan ako doon sa pagtitig niya sakin mula bunbunan hanggang sa kuko ng mga paa ko, WEIRD!

"Huh?" naguguluhang tanong ko.

"Ikaw, ang babaeng nakasuot ng violet." Napakunot tuloy yung noo ko. Ano daw?

"Ano? Anong babaeng naka-violet? Color blind ka ba? Navy blue ho itong skirt ko." Sabi ko sa kanya. Worse is ngumisi lang siya at napailing. *HBDTbyShupershimmer*

VIOLET? What's that stuff? Creepy.

"Bakit ka nga pala naparito?" She asked.

"Bi-bili ako." I unintentionally answered.

"Para ba sa isang espesyal na tao?" Ngumiti siya, nakakunot na talaga ako, swear!

"May magbibirthday kasi akong... kaibigan..." mabagal na sagot ko.

"Ayun oh," may tinuro siya sa gilid ko, "tiyak magugustuhan niya 'yan."

Napatingin tuloy ako doon sa tinuro niyang stuffed toy at nabigla ako kasi nakapwesto doon yung 15 inches high na kamukha ni squidward. Naalala ko, may sticker yung journal niya noon na mukha ni squidward. Baka nga magustuhan niya, tapos pwede pang mag-record ng message. Hindi naman 'to siguro korni diba? Pero, nakokornihan ako.

Paano nalaman nung matanda na fit ang gift na 'to kay KJ?

"Teka, paanong---" Paglingon ko, wala na yung matanda. Hinanap ko siya sa ibang shelves pero wala na. Napatingin na lang ako sa hawak ko nang mahigpit...

"Miss, I'll buy this."

Nung Thursday, I ditched the class. Hindi ko intensyong mag-cut sa klase pero kasi, si Nylan, papasok pa lang ako nang gate, nakaharang na siya. *HBDTbyShupershimmer* Saktong paalis na yung driver namin kaya di ko nahabol para makasakay ako. Humakbang ako pero hinarangan niya ako at kita ko sa titig niyang wala siya sa mood.

"Baka naman gusto mong mag-hello?" He said in front of me.

I glared, "Hello." Cold kong sinabi at hindi ako tumingin sa kanya.

"Sumama ka sakin."

"Ayoko."

"Ano ba? Ngayon nga lang ulit tayo magde-date eh!"

"MANDIRI KA NGA PWEDE BA. Date? Tss!" Lumakad ako palayo pero lumakad din siya nang mabilis.

Hinabol niya ako kahit sobrang layo ko na sa gate ng school. Pero sa huli, natalo pa rin ako. Sinabi niya kasi sakin na may mga nakarating daw na balita sa kanya na may iba raw akong ka-date or kasama sa mall nung isang araw! Kumakain pa raw kami sa restaurant.

If I'm not mistaken, si Kleinder yung lalaking yun, at yung mga babaeng humarang sakin ang nagsumbong sa kanya. Pathetic! *HBDTbyShupershimmer*

Syempre, I denied. Maling-mali namang kasi yung balita! Pucha, ang tatanga nung mga babaeng yon! Bobo magkwento!

Nagbanta siyang pag di ako sumama ngayon, hahanapin niya ang lalaking 'yon at bubugbugin, dahil naalarma na ko, sumama na lang ako kahit napilitan. Birthday daw kasi ng kaibigan niya kaya pupunta kaming club house.

"Hi Hikari!"

"Hello dear!"

"Yo."

Bati nung mga tao sa loob na iba't iba yung ginagawa. May umiinom, may nagbibilliard, may nangchi-chicks at may mga naglalaro lang.

"Sino ba may birthday sa kanila?" Tanong ko kay Nylan nang hindi nakatingin.

"Halika." Sabay akbay niya sakin at hinigit ako sa isang side na may mga nakaupong college guys and girs at kumakain. Tinanggal ko naman yung kamay niya.

"Tropa, si Hikari. Hikari, sila yung mga bagong tropa." Pakilala niya, binati naman ako nung iba pero wala akong paki kung member sila dahil unang-una, ako ang umayaw sa childish frat na 'to. At pinagsisisihan kong na-involve ako sa mga 'to.

"Guys! Nandito na pala kayo." Sabi ng isang boses sa likuran ko, at pagharap ko, nakita ko yung

Andrew. Yung ex ni Frachezka.

"Yeah, kararating lang namin. Happy birthday pare." -Nylan. So, siya pala yung celebrant?

"Hi Hikari, buti ok na kayo? Alam mo bang sobrang nanggagalaiti yan nung may balitang may kasama ka raw sa mall? Haha!" Sabi ni Andrew hawak ang isang bote ng wine. *HBDTbyShupershimmer*

Hindi na ako sumagot. Ni wala ngang emosyon yung mukha ko eh, kasi never talaga akong magiging okay sa Nylan na 'to. Buset!

"Oh, saan girlfriend mo 'Drew? Yung high school?" Nylan asked him pero napakamot lang sa ilong yung Andrew at umismid. Girlfriend? Akala ko ba mag-ex na sila?

"Si Chezka? Tss, wag mo hanapin yung baliw na yun. Ni hindi nga sinasagot mga tawag ko eh, samantalang dati siya pa unang tumatawag." Kwento niya habang nagsasalin ng wine sa glass.

"Baka naman may pamalit na? Haha!" Asar ni Nylan sa kanya.

Bago sumagot ay inabot sakin ni Andrew yung wine glass at dahan-dahan ko namang ininom, "Psh, bago? Subukan niya. Baka malintikan yung babaeng yun sakin."

Somehow, nakakatakot din ang Andrew na 'to. Iisa lang yata ang bituka ng dalawang 'to eh! Mga halimaw.

"Call ako dyan, pag kailangan mo ng resbak, just call me." Sagot ni Nylan.

Gabi na pero hindi pa tapos yung party dito. Umub-ob na nga lang ako sa mesa eh, dahil sa sobrang antok kaya nakatulog ako kahit maingay. *HBDTbyShupershimmer*

*Riiinggg*

Kinakapa-kapa ko yung cellphone ko sa mesa habang nakadukmo pero di ko makuha. Sino ba yung tumatawag?

"Hello?" Narinig ko ang boses ni Nylan.

Inangat ko agad yung ulo ko at mabilis na inagaw sa tenga niya yung cellphone. Pagtingin ko, si Kleinder pala ang caller.

"Hikari?"

"Oh? Ano? Yung project sa Physics? Haha! Tanga, wag ako ang tanungin mo." Sabi ko habang nakatingin kay Nylan na mukhang may ibang iniisip. Syempre, nag-imbento ako ng usapan namin.

"Teka... anong sinasabi mo? Hindi naman yun ang---" -KJ

"Ah sige, bukas na lang." *HBDTbyShupershimmer*

Sabay end ko nung tawag at tumingin ako kay Nylan, "Pwede ba, wag kang sasagot ng tawag kung di para sayo?"

"Eh tulog ka eh. Sino ba yang Kle-basta, sino yan? Siya ba yung kasama mo sa mall na sinabi nila?" Tumayo ako at binitbit yung bag ko.

"Hindi siya yon, ok? Wag ka ngang OA." Sagot ko.

Napahawak siya sa baba niya, "Aaah, siguro siya yung ala-savior mo last time na sinama kita noon? Yung halos pumigil sakin na bata?" Natawa siya saglit, "Walang kwenta, haha!"

Hindi na ako pumatol, umalis na lang ako at tumakbo palabas. Yari na naman ako kay Papa dahil walang Hikari na naabutan yung driver namin sa school at malamang, itatanong niya kung pumasok ba ako and syempre, irereport na absent ako kaya ang mangyayari, grounded na naman ako.

You know what shocked me? Pag-uwi ko ng bahay, nakarinig ako ng nagtatawanan. May kausap yata si Dad at yung step mother ko sa sala kaya dumaan ako. *HBDTbyShupershimmer*

"I'm home." Sabi ko lang nang nakayuko.

Nahinto sila sa tawanan, "Oh, ayan na pala siya eh. It's good that you are here, your classmate has been waiting for you." Nagulantang ako sa sinabi ni Dad kaya pagkaangat ng ulo ko, nanlaki ang mga mata ko.

"Kleinder???"

Ngumiti lang siya at ni-raise ang isang kamay na parang kumaway siya.

"Nagpunta ako sa school ninyo kanina para mag-donate dun sa pinatatayong building. I looked for you but your teacher said that you're absent. Sabi nitong si Kleinder eh lumabas ka raw ng school para bumili ng materials sa project." Natawa si Daddy. "Bihira lang yata akong makarinig na busy ka sa school at projects, Hikari!"

Ngumiti na lang din ako. Loko 'tong Kleinder na to! Kung ano-ano na naman ang pinagsasabi!

"By the way, tatapusin mo ba yung project ninyo ngayon sa Physics?" napakunot yung noo ko sa sinabi ni Dad, tapos ay tumingin siya sa relos niya, "Mag-aalas nuwebe na. Baka abutin kayo ng madaling araw, iho."

"Ok lang ho, tatapusin na lang namin, madali lang naman yun." Sabi ni Kleinder at ako naman ay nakaglare na sa kanya. Ugh! Palpak naman 'to maging savior!

"Tutal, narito ka na rin lang, ipapaalam kita sa mga magulang mo na kung pwede, mag-overnight ka na rito dahil gagawa kayo ng project ni Hikari." Sabi ni Dad. *HBDTbyShupershimmer*

"Dad naman!!!" Angal ko.

"Bakit?! May reklamo ka? Dalawa ang bed sa kwarto ninyo ng kapatid mo diba?" Tumingin naman siya kay Kleinder, "Tutal nasa field trip si Megumi na kapatid nya, dun ka muna sa isang bed. You can sleep there pagtapos ng project ninyo."

ASDFGHJKL!!! ASDFGHJKL!!! MALALAGOT KA SAKIN KLEINDER!

"Ah, eh okay na ho kahit uuwi na lang ako, pagkatapos-" hindi natuloy si Kleinder sa sasabihin niya nang magsalita si Step mom.

"Ay naku iho, hindi pwede. Delikado ngayon lalo na't hatinggabi. Di namin hahayaang madisgrasya ka sa labas. Mas safe kung dito ka magstay."

"Paano? Una na ko sa kwarto dahil may tatapusin pa ako, okay? Kayo na bahala. Mommy, ipaghanda mo ako ng coffee." Sabi ni Dad. *HBDTbyShupershimmer*

Tumayo si Step mom at pumuntang kusina. Kaming dalawa na lang ni Kleinder ang naiwan at habang masama ang tingin ko sa kanya, nagawa niya pang mag-peace sign gaya nito: ^__^V

Umakyat ako sa kwarto namin ni Megumi, bwiset! Bakit kasi wala yung babaeng yun ngayon! Napapahamak ako lagi sa babaeng yun e! Nagulat na lang ako nung humabol si Kleinder sa loob.

"Oy! Oy! Oy! Bakit nandito ka sa loob! Ano ba! Nakakainis!" Sigaw ko.

"Eh hindi ko naman sinasadya! Ni hindi ko nga alam na aabot sa ganito e!" Napakamot sya sa ulo niya, "Sino ba kasing nagka-cutting dito?" Sarkastikong sabi niya.

"Ah, ganon? Utang na loob ko pa? Sino ba kasing may sabi na mag-imbento ka ng storya? Yan tuloy!" Sabi ko habang nakaupo sa bed at naghuhubad ng medyas. Sya naman, nakatayo lang sa may bandang pinto.

"Pasalamat ka nga tinulungan ka eh, kung hindi, baka nalintikan ka na ng Daddy mo," inirapan ko lang siya pero narinig kong bumulong si Kleinder, "Ang hilig kasing sumama sa ibang lalake."

"Hoy, narinig ko yon! Bubulong na lang, nilakasan pa. Tsaka, di ako sumama noh, sapilitan yon! Ikaw ang magpasalamat sakin!" Sabi ko sa kanya.

"At bakit?" Nakataas ang isang kilay niya.

Nagdalawang isip ako kung sasabihin ko bang may balak siyang ipabugbog ni Nylan kung sakaling hindi ako sumama sa mokong na yun. Hwag na nga. *HBDTbyShupershimmer*

"Dahil... makakasama mo ko sa kwartong 'to." Alibi ko na lang, but I think, napaka-makulay nung reason ko. Dyahe!

Nakita kong namutla si Kleinder sa sinabi ko. Sa sobrang hiya ko, at talagang nakaramdam ako ng hiya ah? Dumiretso ako sa banyo para mag-shower at magbihis. Paglabas ko nakadapa na siya sa kama ni Megumi nang walang medyas pero nakauniporme.

"Tulog mantika agad?" Bulong ko.

Nagblower lang ako ng buhok tapos ay humiga sa bed ko. Bale, katapat ko yung bed niya and he's facing me. Nakapikit pa nga siya eh.

"Psh. Ang kapal ng mukha, ni hindi man lang tumanggi na dito sa kwartong 'to matulog. Feel na feel talagang makasama ako." Pabirong binulong ko sa sarili ko. Tulog naman yan eh!

"Bubulong na lang, malakas pa." Oh no! Did he say that? Nag-curve ang lips niya at unti-unting nag-smile nang nakapikit tapos ay dinilat niya ang isang mata.

"Good night." mahinang sabi niya sabay kindat. *HBDTbyShupershimmer*

Humiga ako at nagtaklob ng kumot. WALANG HIYA! ANG GANDANG PROJECT NITO AH! BWISET.

HBDT// Kabanata 20

*inat*

"Huwaaaaa~" Tinaklob ko sa mukha ko yung yakap kong pillow.

Maya-maya, may naulinigan akong ngisi, baka nananaginip pa ako? "Cute mo matulog, haha."

"Megumi..." sambit ko. Sya ba yung nagsalita? "Wag ka maingay, buset..." medyo husky pa voice ko. Inaantok pa kasi ako!

Ngumisi na naman yung boses. "Megumi raw. Tss."

Teka, ang manly naman yata ng boses ng step sister ko? Dumilat ako.

-___o

O___-

O___O"

Shemay. Oo nga pala! May mabait palang nakitulog sa kwarto ng may kwarto! Napaupo agad ako sa hinihigaan kong kama at tinaklob ang kumot sa buong katawan ko. Ewan kung bakit yun ang ginawa ko. Basta bigla akong nagreact ng ganun.

"Kung maka-cover naman. Feeling may nakikita ako?" Pang-aasar pa ng kumag na 'to na kasalukuyang naka-indian sit sa other bed at nakaharap sakin. *HBDTbyShupershimmer*

Napatingin ako sa relo, quarter to 6 pa lang. Kaya pala inaantok pa ako!

"Bakit nandito ka pa?! Bakit mo ko pinapanuod matulog?! May masama kang balak noh?" Sabi ko sabay ayos ng magulong buhok.

Napataas lang yung kilay niya tapos kitang-kita ko na nag-grin siya.

"Dapat talaga may balak ako eh, kaso pinag-iisipan ko pa." *evil smile*

I glared at him for a while, "Subukan mo langaahh!

Napasigaw ako nang di ko inaasahan at di ko talaga gawaing sumigaw or tumili pero kasi nabigla ako nang tumayo siyang mabilis at nag-rush palapit sakin! Lord!

"Ah, andyan na po pala kayo." Bigang sinabi ni Kleinder dun sa likuran ko.

Paglingon ko, si step mom pala. "Bakit ka sumisigaw?"

"Ah? Ano..." Teka, paano ko ba sasabihin?

"Nabangungot po siya eh, buti nagising ko." Sagot ni Kleinder nang nakangiti at nakahawak pa sa balikat ko at kunyare, nira-rub niya yon. Argh!

"Ganun ba? Sige, breakfast is ready... kumain na kayo at baka ma-late kayo."

"Okay." Sagot ko.

Nagsara ulit yung pinto. Grabe, bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko bigla? Lalo na dun sa ginawa niya. Akala ko... muntik na! Haist. Lintek! *HBDTbyShupershimmer*

"Uy... feeling." Bulong niya. Nabigla ako kasi katabi ko na pala siya. Kaya siya halos tumalon kanina ay para umupo. Yeah, uupo lang... Phew.

Tumayo na ako at lumayo sa lalaking yon. Baka sakaling mabawasan yung kabog na to. "Lumabas ka na." Sabi ko.

"Di mo siya tinatawag na mommy? Ma? Nay? Mom? Or whatsoever na tawag sa mother?" He suddenly asked, natigilan ako saglit.

"Di ko siya nanay. Step mother ko siya. My mom's dead."

Natahimik siya nang ilang segundo, "Aah, sorry to hear that. Eh pano mo siya tinatawag?"

"Pag mabait ako, tita. Pag wala sa mood, pangalan lang."

"Ang bait mo naman." Sarkastikong sagot niya. Nilingon ko lang siya at pumunta na ako sa may pinto para buksan ito.

"Kung pwede, lumabas ka na, baka gusto mong ikulong kita rito sa loob forever?" Banta ko sa kanya.

Tinignan ako ni Kleinder nang meaningful na titig at ayoko yung paraan niya ng pagtitig kasi nakakaasar! "Ayos lang. Ikulong mo ko, basta ba kasama rin kita dito." He grinned.

Imagine that! Ugh. Ano ba yang ugali niyang yan! Nakakakilabot naman. *HBDTbyShupershimmer*

"Ah ganon ah?!" Dali-dali akong lumabas at kita kong tumakbo siya papunta sa pinto pero agad kong sinara ito.

"AA-ARAYYYY!!! DALIRI KOOO!!!" Narinig kong sigaw niya mula sa loob.

I quickly opened it. Then, nakita ko siyang nakangiting wagas! Oo, wagas talaga!

"Joke." Sabi niya.

Nagpoker face na lang ako at umalis na doon. Dumiretso sa kusina at sabay na kumain. Syempre, nagtanong sila kung ok na daw ba ung project at oo na lang kami ng oo kahit puro tulog lang ang ginawa namin. Bago ako mag-shower ay nagpaalam si Kleinder na uuwi na daw muna siya para maligo.

Wala namang masyadong nangyare sa school. In fact, dalawang teacher ang absent kaya super celebrate ang klase. Katulad ng parati kong ginagawa, hiniram ko yung cellphone ni Kleinder para maglaro. Pagkabigay niya, nakita ko ang wallpaper.

Wow. Kaming dalawa 'to ah? Bakit naman niya ginawang wallpaper 'to. Kakahiya.

"Palitan mo wallpaper mo. Ang panget." Sabi ko lang habang naghahanap ng laro.

"Ayoko nga. Ang gwapo ko nga dyan eh." Conceited much.

"Ayoko, ang panget ko rito."

"Ok lang yan, maganda ka naman sa paningin ko..." I glared at him, again! Lately, nawiwirduhan na ako sa buang na to ah! *HBDTbyShupershimmer*

Nagtaka siya nung tumingin ako and he continued what he was saying. "...at sa paningin ng Diyos. HIHI!" Ngumiti pa siya!

"Utot mo blue." I rolled my eyes. Binaling ko na ulit yung ulo ko sa screen. "Baka mamaya magselos 'yung jowa mo." Mahinang sabi ko.

"Jowa?" Natatawang tanong niya, "Sino?"

"Franchezka." Ambayan. Na-disturb tuloy ako sa laro ko nung nabanggit ko ang babaeng 'yan.

"Ah, tsss. Hindi ko girlfriend yun." Simpleng sagot niya.

"Magiging gf palang ba?" simpleng tanong ko rin.

"Hinde."

"Eh ano? Naging girlfriend mo na?"

"Aish. Hindi nga sabi. Kulet ng lahi mo ah." Umub-ob siya sa table at nanahimik na rin ako. Nawili kasi ako sa nilalaro ko eh.

Nung mag-uuwian na, magkakasama kami nina Gab, Czarina at Rex, syempre si KJ narito rin. Wag niyo hanapin si Franchezka dahil tapos na raw ang training nila rito kaya mananahimik na ang kaluluwa ko. Amen. *HBDTbyShupershimmer*

"Guys, don't forget tomorrow. Ini-invite ko na kayo sa bahay." Sabi ni Kleinder samin.

"Yan naman ang gusto ko sa'yo eh! O sige, ano oras?" Sabi ni Gab. Oo nga pala. Birthday na ng lalaking 'yan sa sabado.

"5 pm. Basta, sa bahay na lang kayo." -Kleinder.

"Kasama si Chezka?" tanong ni Rex.

"Sabi niya sasama raw siya bukas eh."

Ambayan. Akala ko huli na yung nakaraan, di pa pala. Magkikita pa pala kami at sa birthday pa ni Kleinder? Wow. Amazing.

Siniko ako ni Klein, "Oy ikaw, pumunta ka."

Kunyare, nag-isip ako, "Ayoko."

"Tsk. Bat naman?"

"Nakakatamad. Sabado pa. Mas masarap matulog."

Tumingin sya sakin nang masama, "Pag di ko nakita ang anino mo sa Sabado, yari ka saken." Banta niya pa. Hoooo, katakot.

"Okay. Papapuntahin ko na lang yung anino ko as representative, happy ka na?" Pabalang na sagot ko. Narinig kong natawa sila sa sinabi ko. Except him.

"HA.HA. FUNNY." -Kleinder.

SATURDAY, 5:25 PM

"Manong, wala na bang ibibilis yan?" Sabi ko sa driver. *HBDTbyShupershimmer*

"Eh ma'am baka mahuli tayo kapag sumobra sa speed limit." Napakamot na lang ako sa ulo ko.

Nakakaasar. Bakit pa kasi ako nakatulog nang hapon eh. 'Yan tuloy, gahol ako at hindi ako nakapili ng maayos na damit. Eh naka-pants above the knee lang ako, T-shirt na blue at sneakers. How nice.

1 message received

From: Kleinder Baliw Oy. Asan ung anino mo?

Nagreply ako sa text niya:

To: Kleinder Baliw Wg kang atat pwde? Papunta na siya.

From: Kleinder Baliw

Blisan niya kamo, gusto ko na syang mkita.

Napangiti ako na ewan nung nabasa ko yun. Muntanga 'to magreply.

After ng kalahating oras, natunton rin naming yung village nila Kleinder kaya madali kong nahanap yung bahay nila. Enough for a family, hindi mansion at hindi ganoon kabongga gaya ng iba. Simple but it looks happier than our house which is big pero lagi naman walang tao. *HBDTbyShupershimmer*

Last time kasi na pumunta ako rito for our presentation, di ko masyadong napansin ang structure ng bahay. Basta lang yata akong pumasok nun?

Pagka-doorbell ko, mama niya ang nagbukas. Nakangiti pa nga eh, "Hi, iha! Pasok ka dali. Kanina pa sila rito eh."

"Sorry po kung late."

Pagdating ko doon, nagkakasiyahan na rin sila. Bitbit ko yung bag pack ko kung saan nakalagay

yung gift ko. Syempre, di ko hinuhubad at baka may makakita. Sabi ni Kleinder, ang tagal ko raw dumating. Atleast nag-effort akong pumunta. Di niya ba kayang i-appreciate yun? Naku.

Pumunta akong kusina at saktong-sakto, nakita ko si Franchezka na umiinom ng tubig.

"Ah... hi." Sabi niya.

Dinaan ko lang siya sabay lapit sa lababo at naghugas ng kamay, "Sayang, akala ko hindi ka na makakapunta. Akala ko masosolo ko si Jake." Narinig kong ngumisi siya. Ano bang pinagsasabe nito?

Tinignan ko siya sabay smile, "Ano ka ba... wala namang umaagaw sayo kay Jake mo e. Ang point lang naman dito is kung papatol ba siya, you know." I grinned.

PAGANTI!

Tumaas tuloy yung kilay niya. Ba 'yan. Wala pala 'to eh. Akala ko macha-challenge ako ng bongga. Hanggang dun lang pala siya. Tss. Walang kwenta. Ganda lang pala meron 'tong Franchezka na 'to. *HBDTbyShupershimmer*

Umalis na ko sa harap niya at naupo sa sala kasama sina Gab. Pumapapak lang ako dun ng nachos kesa makipagtalo sa babaeng 'to.

Ayoko ko pa namang sirain ang birthday ng kumag na 'to. Tsaka, may gift ako noh. Teka, paano ko ba ibibigay?

HBDT// Kabanata 21

HIKARI's POV

"I don't wanna close my eyes!!! I don't wanna fall asleep cause I miss ya babe, and I don't wanna miss a thiiing!!!" Napapikit na lang ako habang bumibirit si Rex. Patili kasi yung kanta niya kaya super abused and tenga namin.

"Boooog!!!" Kinalampag ni Gab yung mesa, lahat sila nagtawanan.

Nasa attic kasi kami eh. Solo lang namin ang place kaya nagagawa namin lahat. Nakakahiya naman kasi kung sa sala kami magkakagulo, diba? May mga iba pa kasing bisita si Kleinder. Bandang 8 dumating yung pinsan niya, Clifford daw pangalan. Palibhasa, maitsura at model daw, ayun, hanggang ngayon ay topic parin nila Czarina at Rex. Kulang na lang, may lumabas na laway sa bibig nila.

Habang kumakanta si Rex, ako naman ang kinausap ni Czarina, "Grabe talaga Hikari! Ang gwapo nung pinsan niya. Shocks! Kinikilig ako, hahaha!"

Umismid lang ako.

"Ano ba yang reaction na yan???" tanong niya sa akin. "Di ka ba napo-pogian? Wala ka bang taste?"

"Ok lang naman siya." Simpleng sagot ko.

"Mas gwapo ako dun." Confident na sabi ni Gab na ikinasimangot ni Czarina.

"Weh? May nagtanong?"

"=___="

Bumirit na naman si Rex. "I don't wanna close my eyesss!!! I don't wanna fall asleep cause I miss you babe, and I don't wannajusko po!

Nagulat kami kung bakit nag-iba lyrics. Langya, kaya naman pala eh. Kasi pumasok sa attic yung pinsan ni Kleinder at may dalang dalawang bote ng wine. *HBDTbyShupershimmer* Natigilan sya sa pagkanta at umupo agad. Buti naman may hiya siya. Lahat ng sila nagsipag-ayusan ng upo, syempre bukod sakin.

"I'l l leave this to all of you guys." Sabi niya. Lahat sila nangiti lang. Si Gab nakapoker face.

"Sure!" -Czarina.

"Kleinder," tawag niya sa katabi ko, "I have to go. I'll be having a photoshoot in Thailand so mauuna na ko, by the way, Happy birthday, dude." Tinapik nya ito sa balikat.

Mukha siyang may lahi kasi maputi at may kulay ang mata. Brownish pa yung buhok at may highlights. "Guys, goodbye!" nakipag-appear siya sa lahat.

Nang makalabas na siya, inamoy-amoy nila Rex yung palad nila na nakipag-appear sa pinsan ni Kleinder, "Hmmmm! Yummy! Hahahahaha!!!"

"YUCK!"

"Ambayan, umalis agad." Sabi ni Czarina. "Di man lang ako nakapag-pa-autograph!

Natawa na lang kami sa kanila. Maya-maya pa, hinanap nila si Franchezka kasi biglang nawala. Natahimik kami nung umakyat siya at may dala-dalang bowl at may potholder pa ang magkabilang kamay niya. *HBDTbyShupershimmer*

"Happy birthday Kleinder!" Sabi niya pagpasok.

Nilapag ni Franchezka yung dala niya sa mesa. Kung di ako nagkakamali, sinigang na hipon ang tawag dun. Eh kasi may shrimp.

"Wow! Mukhang masarap ah?" Sabi ni Kleinder. "Niluto mo 'to?" He asked.

She nodded. Napangiti naman si Klein doon.

"Sabi kasi ni tita, favorite mo raw 'yan kaya niluto ko, regalo ko na rin yan. Haha!"

"Wow, thanks a lot! Favorite ko talaga 'to!" Kinain niya mag-isa yung niluto ni Franchezka. Nanghihingi nga si Gab eh, kaso di niya binigyan.

Nabigla ako kasi tumalim yung tingin ni Franchezka sakin, parang ano-ka-ngayon-look. Nanahimik lang ako magdamag at kahit nagkakasiyahan sila, di ako involve. Lumabas ako at pumunta sa terrace dala-dala yung bote ng wine na may tira pang kalahati.

Habang nakaupo ako doon sa parang bench, ininom ko nang paunti-unti yung wine. Medyo masakit na nga ulo ko eh and I feel sleepy. Di ko alam kung anong oras na but I think, 10 na. Ayos lang, wala namang tao sa bahay. Magkasama sina Dad at yung step mom ko sa Batangas for some reason at si Megumi, bukas pa ang uwi from her trip.

"Tsss." Sabi ko habang nakatitig sa bote na ubos na pala.

"Nandito ka lang pala." Nabigla ako sa boses na narinig ko, paglingon ko, nakita ko si Kleinder na nakapamulsa at naglalakad palapit sakin.

KLEINDER's POV

Medyo nagkakasiyahan sa loob at nagpaalam na si Franchezka sakin since sobrang lalim na ng gabi. Nagpasundo lang siya sa driver nila kaya hindi ko na hinatid sa labas ng village. Si Rex naman, umuwi na rin dahil walang tao sa bahay nila. Yung dalawa naman, nahuli pero later on umuwi na rin. Sinabi ko kay Gab na ihatid niya si Czarina sa bahay nito dahil gabi na at delikado.

"Oo, hahatid ko 'to. Gusto mo hanggang kwarto pa eh." Tusong sagot ni Gab sakin kaya nakatanggap siya ng malakas na batok kay Czarina. *HBDTbyShupershimmer*

"Aray ah! Parang biro lang."

"Sige na, umuwi na kayo." Sabi ko.

"Bye! Happy birthday!"

Umalis sila. Yung mga regalo eh iniwan na nila dun sa may attic. Nagtaka lang ako, kasi parang may kulang. Di pa nagpapaalam na uuwi si Shane diba? Don't tell me umuwi yun nang walang pasabi? Pagkakita ko, bukas yung pinto sa terrace kaya isasara ko na sana pero nakita ko siyang nakatitig sa bote nung wine. Inubos niya yun?!

"Nandito ka lang pala." Sabi ko tapos lumapit ako sa kanya at umupo. Sumandal lang siya sa upuan at bumuntunghininga.

"Haaaaaay. Nahihilo na ako..." Sabi niya.

"Eh paano ba naman, inubos mo 'to." Kinuha ko sa kanya yung bote at tinabi. Nakapikit na siya, but I guess she's not sleeping.

"Gusto mo bang ihatid na kita? Baka hinahanap ka na ng Daddy mo?" Sabi ko.

Natawa siya nang bahagya, "Ako? Hahanapin nun? Tsss. Gusto na nga akong palayasin nun eh."

"Ano'ng sinasabi mo?" Umupo ako nang mas malapit sa kanya.

"Nagulat nga ako nung pumunta ka sa bahay eh... tapos sinabi niyang natutuwa siya dahil may pinagkakaabalahan ako sa school... Haha." She laughed bitterly. "Alam mo bang doon ko lang naramdamang nag-e-exist ako sa paningin ng Dad ko?"

She opened her eyes at tumingin siya sakin. *HBDTbyShupershimmer*

"Thanks..." Then a tear fell down from her eye.

Actually di ako nakapagsalita nung makita ko 'yun. I think unti-unti ko na rin siyang nakikilala. Mahina pala talaga siya sa mga ganyang bagay, pero aakalain mong napakatapang niyang tao. Palagi kasi siyang mukhang galit. Palaging tahimik at hindi siya mahilig mag-share about her life. Ang alam ko lang ay wala na siyang biological mother and she has a step sister then yung Nylan na stalker niya whose a gang leader and I think that's kinda dangerous.

Tumayo siya at ganun din ako, "U-uwi na ako. Happy birthday pala."

Mahinang sabi niya pero di pa siya nakakahakbang ng isa, tumumba siya papunta sa akin. Safely, nasalo ko siya and I'm like embracing her.

Naramdaman ko ang paghinga niya sa bandang leegan ko and it gives me a different feeling. I felt that she moved her hand at my back. Yumakap siya nang mahigpit which gives me more of that 'weird feeling' and sudden heart beat.

"Kuya! Ang messy naman ng att--- OMG." Nabigla ako nang sumulpot si Kristina. Anak ka ng nanay mo oh! Naitulak ko tuloy nang di oras si Shane at bute, nahila ko yung braso niya kaya nakatayo parin siya.

"A-ano ba yun?" Tanong ko.

"A-ano... yung attic kasi... medyo makalat."

"Leave that to me."

Natahimik kami. Nakatitig ang siya kay Shane at ang awkward!

"Will you help me to bring her in the car?" *HBDTbyShupershimmer*

***

Naisakay na namin siya sa kotse ng mom ko at mukhang tulog na nga siya.

"Kristina, pakisabi kay Mama, ihahatid ko lang 'to." Tumango lang siya sakin at pumasok na ako ng kotse tsaka nag-drive.

Sana lang talaga ay walang sumita sakin dahil minor palang ako. Bakit kasi niya ininom yung pagkadami-daming wine. Di man lang nagyaya para naman konti lang nainom nito. Obligasyon ko pa tuloy na ihatid siya. Tsaka, di ko masyadong naramdaman ang presence niya sa celebration kanina, ang tahimik niya kasi. Parang wala sa mood.

Pagdating naming doon sa gate nila, may maid na nagbukas. When I asked kung nasaan yung parents ni Shane, sinabi nung maid na umalis daw. Ako na ang bumuhat sa kanya papasok sa bahay nila. Argh, medyo mabigat pala 'to pero parang ang payat niya tignan.

Inihatid ko siya doon sa kwarto nila ng kapatid niya. Parang nung isang gabi lang, galing ako rito. Inihiga ko siya agad sa kama niya pero napansin kong nakakabit pa yung bag niya sa likod. Nang nakahiga na siya nang tuluyan... one thing got my attention.

"Kleinder... "

Patayo na sana ako nun nang may narinig akong tunog. Napatingin ako sa kanya, mukhang hindi naman siya yung nagsalita. Sino yun?

"Kleinder, happy happy birthday!" Lumapit ako at sinundan kung saan galing yung tunog. Nilapit ko ang tenga ko sa kanya.

"Im sorry if this is the only thing that I could give, eh kasi hindi naman ako expert when it comes to gifts tsaka... "

Kung di ako nagkakamali, galing yung tunog na yun sa bag niya. Dali-dali ko siyang inangat at kinuha yung bag. *HBDTbyShupershimmer*

"tsaka... first time ko kasing magbibigay ng regalo sa isang tao. *laughs*"

Pagkabukas ko ng zipper, nakita ko yung isang stuffed toy na kamukha ni Squidward. Na-press ata yung button kaya tumunog yung record. Natawa ako nang bahagya, ewan ko kung bakit. Umupo lang ako sa edge ng bed niya habang pinakikinggan yung boses niya.

"Nung nabili ko 'to, naisip kong mas ok na yung irerecord ko ang gusto kong sabihin kesa idaan sa letter. Ang korni kasi nun! Well, dahil it's better said, gagawin ko na..."

Narinig kong bumutunghininga siya doon.

"KJ! I HATE YOU haha!" Pati tuloy ako natawa, "I HATE YOU. Super. Eh kasi walang araw na hindi mo sinisira yung mood ko. Habit mo ba yun? Manira ng mood? *giggles* O baka sinasadya mong sirain lang talaga ang araw ko?"

"Pwede rin, haha." Sagot ko nang mahina.

"Tapos... ang awkward pa nung una nating pagkikita dahil hinuhubaran mo 'ko nun kahit unconscious ako. Nagtetake advantage ka ah! De joke, alam ko namang hot ako. *laughs*"

Adik nito. Hanggang ngayon pala yun parin ang naiisip niya na kaya ko siya huhubaran noon ay dahil may masama akong balak. Eh kung tutuusin inutusan lang ako ni Gab noon dahil hindi nga nahimatay siya. *HBDTbyShupershimmer*

"Ano pa ba? Hmmm... Ah! Yung mga fans mo, inaaway ako. Lagi raw kasi tayong magkasama, magkausap. Ok lang sakin! Gusto ko nga yung naiinggit sila eh, hahaha! Ang gwapo mo kasi. PWE!!!"

Dun na ako natawa nang may tunog. Ang kulit lang kasi, natutuwa ako sa message niya. Nakaka...loko.

"Ang korni ko magmessage noh? ano ba yan! Feeling ko mamatay na ko. Eto, serious na KJ. Seriously, I didn't expect na magiging close tayo like what we are, now. I never knew that I'll have friends here. Lahat kasi ng taong nakikilala ko, magaling lang pag may kailangan then lalayo sila. Maraming tao ang takot sakin nun and I also experienced being bullied." Her tone became a bit serious.

"Kaya during that time, I got involved into a frat, well you know that so ayoko ng pag-usapan. Akala ko kasi sasaya ako dun dahil may mga magiging friends but I was wrong. I got influenced kaya nasira na ako. But, when I met you... guys... you gave me a reason to wake up everyday."

Natahimik siya sandali. Parang sumisinghot pa nga siya, I think naiiyak na naman siya.

"Yuck! Ang korni ko na! *laughs*" *HBDTbyShupershimmer*

"Go on... it's... okay." I whispered.

"KJ, thanks for always being there. I wish you all the very very best!!! Take the risk if you really want a thing. Stay as you are, cause it makes you unique. Salamat sa toblerone na binigay mo! Hahaha! Kahit ginamit mo pa si Drake. Adik ka! Nahiya pa eh!"

Namula yata ako dun. Agh, nakakahiya. Alam niya pala, akala ko di niya maiisip.

"Gab told me that you like Franchezka. Ako na nagsasabi sayo... DI KAYO BAGAY. Someone deserves you better. You may think that you already know her but... well, just decide carefully. Hindi naman sa sinisira ko siya sayo. I just want something good for my friend. For you."

Kaya pala ang itim ng aura niya pag kay Franchezka eh. Bakit kaya? *HBDTbyShupershimmer*

"Itabi mo 'tong kamukha mo na si Squidward ah! Pag ito pinabayaan mo, magkalimutan na tayo! If you're wondering how did I find this gift, ako rin nagulat. Actually may isang matanda ang nagsabing ibigay ko raw 'to sayo dahil magugustuhan mo... nagustuhan mo ba?"

Napakunot yung noo ko sa sinabi niya.

"Ang weird nga eh! Tinawag niya akong babaeng naka-violet. Hahaha! Maluwag ata ang turnilyo nung matandang babae na yun. *chuckles*

Tatawa na sana ako but something flashed back. Babaeng naka-violet?

May naalala ako nun. Nung time na nag-i-skateboard kami ng kapatid ko, may matandang lumapit at sinabing mag-ingat sa babaeng nakaviolet. Yung tao raw na yun ang magpapahirap sakin. Does it mean na iisang tao lang yung nakita namin?

"Kleinder... arigato... tan joubi omedetou." (Thanks... Happy birthday. )

Natapos na yung record. Lumakas tuloy bigla yung kabog ng dibdib ko at habang nakatitig ako sa kanya ngayon, feeling ko hindi ako makahinga. I don't want to believe dun sa matandang nakilala ko before but when she said it... that she met that old lady, I was a bit puzzled. *HBDTbyShupershimmer*

"Ikaw ba talaga 'yun?" I whispered.

"Ah, Forget it Klein." Shi-nake ko yung ulo ko to forget it. I smiled to her and inayos ko yung buhok niya na halos natakpan yung mukha.

"Salamat sa gift."

Then the next thing I knew,

My lips touched her forehead, unintentionally.

HBDT// Kabanata 22

HIKARI's POV

"Arf! Arf!" Naramdaman kong may kumukuskos sa bandang braso ko at bumababa yung kumot. Hinila ko iyon pabalik at umikot pakabila. *HBDTbyShupershimmer*

"Hmmm? Ayoko pa, I'm sleepy, Twinkle."

Later on, lumakas yung tahol ng tuta ko. Ano ba yan! Ang sakit sakit ng ulo ko eh! Dahan-dahan kong dinilat yung mata ko then nagulat ako nang nag-jump si Twinkle sa chest ko.

"Kulit mong tuta ka."

Ano oras na ba? Pagtingin ko sa cellphone ko sa screen, 11 am na pala. Kaya pala medyo masakit na ulo kasi malamang gutom na ako. Teka, anong oras ba ako nakauwi? Paano ba ko nakapunta sa kwarto ko? The last thing I remember is that I am sitting tapos iniinom yung wine. Ugh, remembering things you can't even remember really sucks.

Tumayo ako para maghilamos, itong tuta, sumunod naman. Nagponytail ako at bumaba sa kusina. Nagugutom ako! Ininit ko lang sa microwave yung nakita kong pagkain sa ref then nanood

sa sala. Tae, nakakabagot naman tong ginagawa ko.

"Oh, andito ka pala?" Sabi ni Meg na kagagaling lang yata sa shower. Malamang bahay ko 'to, Tsss. "Wala kasing sumasagot nung kumatok ako sa kwarto natin kanina."

"Ba't ka kumatok?" boring na sabi ko.

"Wala naman. Dapat kasi matutulog na ako sa kwarto, kaso walang nagbubukas kaya sa bedroom nalang ako nila Mama natulog."

"K."

After kong kumain, hinawakan ko ulit cellphone ko. Ang dami kong unread SMS, 33 lahat and 10 doon ay galing kay Nylan. Eh mayaman sa load eh. Nakalagay sa message niya puro, 'Nasaan ka?' eh kagabi pa yung text niya.

Tapos may text si Kleinder.

From: Kleinder Baliw Thank you Sha-neh. :)

Nakita kong kanina pang 2 am lang yung text niya. Napatayo ako at pumunta ulit sa kusina, pero wala yung taong hinahanap ko kaya nagpunta ako sa graden. Nakita ko yung maid namin na naglilinis.

"Naglakad ba ako pauwi?" I asked. Psh. Ano ba namang klaseng tanong yan Hikari, bobo. *HBDTbyShupershimmer*

"Ho?"

"Ang sabi ko, umuwi ba ako nang mag-isa kagabi?" Napaisip yung maid, bagal naman nito magresponse.

"Ah, hindi ho. May naghatid sa inyong lalake, tulog na kayo nun eh."

"Aaah." Sabi ko habang tumatango. I was about to turn my back pero nagtanong ulit ako. "Ano'ng hitsura?"

"Maputi... tapos matangkad. Parang siya yata yung galing dito nung nakaraan."

Napaisip ako, si Kleinder pala naghatid sakin. Wala man lang iniwang bakas or pasabi, diba. Tsk. Umalis na ako sa garden at bumalik sa sala.

"Teka... yung regalo!" Hala, di ko pa pala nabibigay sa kanya yung gift ko. Tsk, bakit ba kasi ako nalasing nun. Anak ng tokwa naman talaga.

Pagpasok ko ng kwarto, nakapatong lang yung bag ko sa couch pero pagbukas ko nun, wala na yung regalo ko. Sinong kumuha?!

"MEGGGG!!!"

"Bakit?!" pagulat na tanong niya sa may pinto ng kwarto.

"PINAKELAMAN MO BA 'TO!?!" Inangat ko yung bag ko at nakasimangot na ako. Nasaan yun?!

"No! Di nga ako nakapasok dito diba?" I rolled my eyes at lumabas na lang ng kwarto, maya-maya nag-ring yung cellphone ko. Si Kleinder, tumatawag. *HBDTbyShupershimmer*

"Ano kailangan mo?" Naiinis na tanong ko. Eh kasi nawawala yung gift! Di ko pa nabibigay!

"Wala naman, kagigising mo lang 'noh?"

"Oh, paki mo? Aga-aga nanggugulo ka."

"Maaga pa ba? *giggles* mag-aalas dose na nga eh, haha! Baliw." Tumawa pa siya. Ugh.

"Anyway, thank you sa regalo mo, nakakatawa." Halos mabitawan ko yung cellphone ko nung sinabi niya 'yon. Ano daw!?

"H-ha?"

"Yung regalo mo. Si Squidward, haha! Di ko alam na gumaganun ka rin pala!" Aish, bakit feeling ko namula ako, nakakahiya!

"Argh! Buset, itapon mo yan."

"Bakit ko itatapon? Cute nga eh, sweet." Sandali nga lang. Nag-iinit na talaga mukha ko sa buang na 'to eh. Binaba ko saglit yung phone at naghimas ng mukha.

"Basta itapon mo."

"Ayoko."

"Bakit ayaw mo?! Kumain ka na lang ng sinigang na shrimp! Tss. Paluto-luto pang nalalaman." Pabulong kong sinabi yung last sentence.

Narinig kong nag-giggle na naman siya. Amp! Bakit ang swabe ng boses niya bigla? Uminom ba siya ng mouthwash? Lintek.

"Syempre, iba parin pag ikaw nagbigay, haha." Okay

"Sha-neh!" tawag niya ulit dahil hindi ako nakapagsalita agad.

"Bakit na naman?!" *HBDTbyShupershimmer*

"Aww, sakit nun ah! Pupunta ako dyan ah. Mga 3." Nagsalubong na naman yung kilay ko, anong gagawin niya? Why did he suddenly say that?

"Bakit!?"

"Wala, pasyal tayo. Nakakaboring dito eh." Tapos may binulong pa siya but I wasn't able to hear it so why bother.

"K, fine." Binaba ko na yung tawag. Nilingon ko agad si Meg, "Oy, aalis ako mamaya ah." Yun lang yung sinabi ko bago umakyat ng hagdan.

"Why? Date day ba?" She said, natigilan tuloy ako sa paghakbang sa hagdan then glared at her.

"Shut the f up, okay? It's none of your business."

"You know what, you should not shout at your bf while talking to him thru phone. You know, many guys don't like naggers. Calm down, okay!" Nagsalubong talaga kilay ko sa sinabi ng step sister ko. Teka nga, ano bang paki niya?! Boyrfriend? Pwede ba!

"I can shout whenever I want! And lastly, I don't have bf or whatsoever! Hwag mo kong itulad sayo'ng papalit-palit ng lalake." Natahimik siya at nag-pout lang sakin. Psh, arte. Pumasok ako sa kwarto at kinalabog yung pinto. *HBDTbyShupershimmer*

"Date day, tss. Asa." I mumbled.

I took my shower and I opened my cabinet. What clothes shall I wear, huh? I don't really like

dresses, not even heels. I hate being such girly, mukha kasing ewan. Hay ewan! Labo ko talaga. I ended up wearing off-shoulder printed shirt then short (not so short) and I wore my Vans shoes.

Pagbaba ko, nagulat ako kasi habang nagtatali ako ng buhok, may lalaking nakaupo sa sofa namin, naka-beanie pa kaya di ko makita yung mukha. Maya-maya, lumingon siya tapos tumayo. Natulala ako ng mga ilang segundo. Segundo lang naman so that doesn't matter! I guess?

"Aba... ganda ah." Kleinder carelessly said. Damn, will he stop smiling that way!? Ang creepy kasi.

"Tigilan mo ko." I folded my arms.

"Swear, mukha kang babae." Tatawa na sana siya pero bago pa man ako nag-glare sa kanya, tumigil na siya sa pagtawa. Buti naman!

"Umalis na tayo." Sabi ko sa kanya tapos nauna na akong lumabas, palabas na kami ng gate kaso tumahol-tahol si Twinkle. Aish! Don't tell me sasama 'to?

"No! Stay here, twinkee, okay?" I patted it's head pero tumahol lang siya ulit. Pakinshet.

Inagaw ni Kleinder yung tuta at binuhat, "No way. Sasama natin siya," tumingin siya sa tuta, "Hayy, so cute! Paano ka nagagawang tiisin ng amo mo, huh?" Lumabas na siya at in-open yung car sa tapat ng gate. Wow! May car siyang dala.

Nakarating na kami sa SM North. Madami na ring tao dahil hapon na tapos nung una, sa quantum lang kami. Naglaban pa nga kaming dalawa sa basketball eh, syempre... he's lost. Pero nung second round na namin, bumawi siya. Masyadong sineryoso! Buti nga tahimik lang si Twinkle eh, kaya di kami nahirapan. *HBDTbyShupershimmer*

"Next, Dance Revo!" Nanlaki mata ko sa sinabi ni Klein. Ano 'kamo!? Ayoko niyan! Nababaliw na ba siya?

"Ayoko! Sumayaw ka mag-isa mo!" hinila niya kamay ko papunta doon. Aish!!! Ang kulit! Binuhat niya si Twinkle sa kabilang kamay tapos nilapag doon sa tabi ng Dance Revo. Hmp.

Nakakahiya sa iba oh, "No way, walang challenge pag mag-isa. I wanna see you dancing, haha!"

"Ayoko nga!!! Kulit mo naman KJ!" Hinihila ko na yung kamay ko but he insisted! Bwiset! Bwiset!

Nakakahiya na talaga kami. Ang daming nakatingin tapos mukha kaming mag-bf-gf na nag-aaway, yung away bata pa! Shameful! Kaya, para di na kami mapahiya, um-oo na lang ako. Walanghiya ka, impakto!

Sumayaw kami sa Dance Revo with a Korean pop song. Yun kasi ang nasa choices eh, Ugh, I suck at dancing. Puro naman mali yung naapakan ko eh! Nakakalito naman kasi, bwiset. Pawis na nga ako eh, tapos ang dami ng nanonood! Nakakahiya na kami. If I know, all of the girls who are here are watching us because Kleinder is so damn hot. *HBDTbyShupershimmer*

Wait, erase. Halata naman kasing siya ang pakay ng mga babaeng yan eh, kumukuha pa nga sila ng picture eh. Di na nahiya ang mga 'yon. Psh.

Pagtapos ng tugtog, bumaba na ako dun sa parang stage na sinasayawan, nabigla ako nang pinisil niya yung ilong ko, in front of everyone!

"Iba ang right foot sa left foot, okay? Stupid." Napakurap tuloy mata ko sa ginawa niya. Ano ba yan! Lately, palaging ganito ang nafi-feel ko everytime he does something weird. Kilig ba tawag don? Yuck. Did I say that?!

"Hala, bf pala niya 'yan. Kala ko kaibigan lang, sayang." Sabi nung lalaki sa kausap niya at nakapwesto sila sa likuran ko. Mukhang mga 14-15 years old sila at narinig ni Kleinder lahat ang sinabi nila.

"Di 'yan mag-gf. Wala ngang any sign na in a relationship sila eh."

ANG TANGA NAMAN NILA BUMULONG, DIBA? Sana di na lang bumulong! I glared at them then natahimik sila. Tapos, paharap palang sana ako kay Kleinder nang bigla siyang umakbay. What the heck!

"Halika na nga bee, masyado akong napagod eh! I want to eat something now!" Okay. Don't tell me nilakasan niya talaga yon!? Bee?! Is he insane?! Jesus. *HBDTbyShupershimmer*

Sinamaan ko siya ng tingin tapos habang palabas na kami ng Quantum, tsaka niya lang nakita yung itsura ko na mukhang kakainin ko na siya.

He looked away then laughed, "Grabe, hahaha! Sarap mong tawaging 'bee'! Gumaganda ka lalo! Hahahaha!"

"Get off me." Sabi ko then inalis niya since seryoso yung mukha ko. Mamaya may makakita pa sa'min rito at makarating kay Nylan. Talagang lagot siya dun.

Pumunta kaming food court at umorder ng RBX. Since siya ang may pakana ng lakad na 'to, siya ang nag-treat. Si twinkle nga behave pa rin eh at kung titignan mo, mas mukha nga silang magamo kesa sa amin eh. Sige twinkle, sa kanya ka na! Shoo.

*ring*

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa pocket kaya tinignan ko. Nylan's calling. Ano na naman ba ang kailangan nito? Istorbo eh!

"Ano!?" Mataray na tanong ko kaya napatingin sakin si Kleinder na kasalukuyang nilalaro yung tuta ko.

"Nasaan ka?" Sasabihin ko ba?

Napatingin ako kina Kleinder tapos nag-sign ako na huwag maingay baka kasi marinig sila eh, well, wag sanang marinig si Klein. *HBDTbyShupershimmer*

"Bahay."

"Punta ka rito, dali."

Aba, kung makapagdemand ah! "Ang kapal din naman ng mukha mo noh! Busy ako, wag kang istorbo, okay!" Nakikinig na sa'kin si Kleinder kasi nahalata niyang sumisigaw ako. Ito namang kausap ko, tumawa lang.

"Nasa SM North ako ngayon, pumunta ka, asap."

Dali-dali kong in-end yung tawag. Ano raw? Narito rin siya!? Anak ng tuta naman! Lumakas yung heart beat ko sa sobrang kaba. Napatayo ako tapos binitbit ko yung sling bag ko pero pinigilan ni Kleinder yung wrist ko, "Bakit? Ano nangyari?"

"Umalis na tayo..." Sabi ko sa kanya.

"Si Nylan ba yan?" Tumayo na rin siya buhat si Twinkle. Tumango lang ako at naglakad kami nang mabilis. *HBDTbyShupershimmer*

"Si Nylan, nandito raw siya, di niya tayo pwedeng makita! Malilintikan ka talaga..." Sabi ko.

"Bakit ka naman natatakot? Wala naman tayong ginagawang masama sa kanya, ah. Besides, you have your own freedom to do anything. Ikaw na mismo nagsabi na hindi kayo, diba? Bakit masyado ka naman yatang naiipit sa lalaking yun?" Sunud-sunod niya tanong while we're walking fast.

I faced him for a while, "You don't know him, KJ. At isa pa, I'm not afraid of being caught." Pagdidiinan ko.

"Then what?"

I looked away habang naglalakad, sumunod naman siya, "I'm not afraid but I'm more of worried, for you." Nilingon ko siya, "Nag-aalala akong saktan ka niya."

Napahinto siya pero dire-diretso lang ako at na-shock ako nang hinablot niya yung braso ko at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Umikot yata siya tapos niyakap ako. Hinawakan niya yung ulo ko at ibinaon 'yon sa balikat niya.

Si Twinkle, nasa pagitan ng paa naming dalawa. Heart beat again!

I was about to let go, dahil feeling ko, sasabog yung dibdib ko pero pinigilan niya ang ulo ko sa pag-angat, "Don't move, Shane. Let me do this for a while." He sighed deeply tapos tinuloy niya yung sinasabi niya.

"He's here. Just right behind me..." He whispered. *HBDTbyShupershimmer*

"Oh pre! Ano? Nacontact mo na chick mo?" Narinig ko ang boses ng isang lalake sa likuran lang ni KJ.

"Oo, ayaw eh, pakipot pa." Si Nylan.

"Sabi sayo eh, bitawan mo na kasi! Dami dyan oh." Sabi pa nung isa.

"Psh, tara na nga. Dun tayo!"

Maybe that's why he turned around at niyakap ako ay dahil itinago niya ako gamit ang katawan niya para di makita ni Nylan na naglalakad lang sa mall na 'to. Napapikit ako, delikado 'to! Paano pag nakita kami ni Nylan na magkayakap!? Lalong masama. Pero, sana effective 'tong naisip niya. Sana.

I felt that he tilted his head, pati ako, inangat ko yung ulo ko, nakita kong malayo na si Nylan and he's with other friends na member rin ng frat niya. I really felt some relief.

Napayuko ako, meaning, naibaon ko ulit yung ulo ko sa balikat ni Kleinder, I sighed. That was close! Tapos, nag-sink in sakin na nasa public place pala kami to hug each other like this!

Naitulak ko siya, "Sorry." Ay lintek naman talaga!

"It's... okay... I guess we're safe now."

Habang sinasabi niya yun, binuhat ko si Twinkle, "KJ, let's go home. Baka makita niya tayo mamaya eh." Naglakad na ako pero napansin kong di siya humakbang ni isa.

I looked at him, "Aren't you going?"

Hindi siya sumagot, instead, inilahad niya yung palad niya sa harap ko. Bakit bigla siyang nag-offer ng kamay? Napakunot noo ko tapos nung tinignan ko siya, he gave me a timid smile.

Inangat ko yung isa kong kamay pero bago ko pa mahawakan yung palad niya, iniwas niya bigla. What's with this guy?!

"Akin na si Twinkle." He looked away. I saw that he grinned! Argh! How could he!

Napakurap ako nang saglit, "H-ha?"

"Si Twinkle, akin na." Since nagpupumilit siya, inabot ko na. Padabog pa nga eh! Walanghya talaga. Akala ko kung ano na tapos yung tuta lang pala. Amp. Nakakahiya. *HBDTbyShupershimmer*

Nasa kotse na kami noon tapos ewan ko ba pero iba yata yung dinadaanan namin. Nagulat na lang ako nang nag-stop yung car namin sa tapat ng Manila Bay. "Di pa ba tayo uuwi?" I asked him habang tinatanggal niya yung seatbelt niya.

"I think so."

Lumabas siya mag-isa. Sumunod na rin ako since medyo nakalayo na siya samin.

"Bakit nandito tayo!?" Sabi ko habang hinahabol ko pa siya, later on nahabol ko rin siya. Hay, lumalabas ang pagka-ungentleman niya ah!

He smiled, "Sabi ni mama, maganda raw manood ng sunset."

Sus. Parang ito lang! Akala ko pa naman makakauwi na 'ko. Tsaka mamaya dumihan pa ako ng tuta na 'to eh! Yari talaga siya sakin pag nagkataon!

"Para yun lang, inaabangan pa? Sunset lang yan. Palagi naman yang nakikita." Sabi ko habang naglalakad kami.

"Yeah, a simple sunset. But only few people can appreciate it." He smiled again but I looked away, namimihasa na kasi akong tumitig sa tuwing ngumingiti siya! Badtrip.

Pansin ko lang, puro magkakaholding hands at magkaka-akbay ang mga naglalakad dito sa Manila Bay. Yung mga nakaupo, puro magkakayakap. Ano ba naman yan. PDA?! *HBDTbyShupershimmer*

"Inggit ka lang eh." He giggled. What?! Paano niya nalaman yung nasa isip ko?!

"Tch. Ako maiinggit? Kadiri." I rolled my eyes. I'm playing Twinkle's hair while we are walking but he stopped, syempre huminto rin ako. Nakatapat kami dun sa palubog na raw. I don't really feel like watching it. Ewan ko ba.

"Akala ko sa drama lang pinapanood ng mga lead characters ang sunset, pati pala sa reality." Sabi ko lang.

He sighed, then chuckled, "Masarap daw kasi abangan ang sunset, lalo na kung..." Napatungo siya. Ano ba yun, cliff hanger! Pati tuloy ako inabangan yung sunod na sasabihin niya!

"Kung?"

He breathed out, "Nevermind."

"Psh. Wala ka lang masabi eh." We stayed for atleast 10 minutes when he finally spoke up, "Hay naku, tara na nga."

7:30 ng gabi niya na ako naihatid sa tapat ng gate. This time, siya mismo ang nagbukas ng pinto ng kotse. Tumalon naman agad si Twinkle palabas at pumasok sa loob ng bahay. Ako rin, bumaba na then I faced him.

"Kleinder... I've enjoyed this day, salamat." I smiled tapos napakamot siya sa batok niya. Bakit nagkamot bigla!?

"Good to hear. Pumasok ka na sa loob, baka mahuli tayo ng boyfriend mo." Sinimangutan ko siya.

Hinampas ko sa kanya yung bag ko, "BAKA!" I pouted. Napaisip siya sa sinabi ko. Hala, alam niya kamay ang ibig sabihin ng Japanese word na yun? *HBDTbyShupershimmer*

"Oy, alam ko yang 'baka' na yan ah. Bad word yan sa Japanese ah! Minumura mo ba ako?!" He poked my head. Aish. Bakit niya alam yun! Nag-aral ba 'to ng nihonggo?

"Baka! Baka! Baka!" I stuck out my tongue. He was about to hit me when his phone rang. He looked at it for a while tapos tumingin sakin at ngumiti.

"You should go home, now." Sabi niya.

Tumango ako tapos tumalikod na, napaisip ako then humarap ako sa kanya, "Kleinder," Napatingin siya, "Salamat kanina, If it wasn't for you, baka nayari na tayo sa lalaking yon."

He nodded as he smiled tapos nag-wave na ako bago pumasok ng gate.

HBDT// Kabanata 23

KLEINDER's POV

I guess, it was a very tiring but a valuable day for me... or us, rather. I never expected na ang boring na araw na 'to would be this great. Nakakatuwa lang kasi. Akalain mong napasayaw ko si Shane sa Dance Revo?! Pero, obviously, hirap siya.

And I found that she's really cute, at that time.

Ewan! Ang cute ng mukha niya nung naaasar siya kanina. Fortunately, di kami nakita nung Nylan. I want to ask more about that gangster guy pero ayoko namang magpaka-nosy. Why is she so bothered by him? Napaka-desperate naman yata nun? Well, for a man, na hindi gusto ng babaeng gusto niya, medyo kakaiba yung act nung Nylan.

At bakit ba ako naiinis sa lalaking 'yon? Psh. *HBDTbyShupershimmer*

Papasok pa lang si Shane sa gate nila nang mag-ring yung cellphone ko, pagkakita ko, si Franchezka ang tumatawag pero ewan ko kasi hindi ko sinagot yung tawag. Hanggang sa naging missed call na lang siya.

I looked at Shane, "You should go home, now."

She nodded at tumalikod na, pero humarap ulit siya sabay sabing, "Kleinder," Napatingin ako, "Salamat kanina. If it wasn't for you, baka nayari na tayo sa lalaking yon." Is she referring to Nylan? Ah.

Tumango lang ako habang nakangiti then nag-wave na siya bago pumasok sa gate. Suddenly, habang papalayo siya, I'm still wearing a smile on my face. Ewan ko ba! Di ko maexplain. Siguro kasi sobrang saya ko ngayon. 'Nak ng!

Dali-dali ko namang sinampal yung mukha ko. Baka akalain ng makakakita saking baliw ako na nakangiti sa harap ng walang malay na gate. Tsss.

Pagkasakay ko ng kotse pauwi,nag-ring ulit yung phone ko.

Franchezka Calling...

I touched the answer button, "Jake..." Her voice is trembling at rinig ko ang malalim na hinga niya. Para bang yung tono nya eh nagmamakaawa.

Napatigil ako sa drive, "Franchezka?"

She sobbed, "Jake..." umiiyak ba siya?

"Bakit? Ano'ng nangyari sayo? May problema ba?" I worriedly said. Kung alam ko lang, dapat pala

sinagot ko 'to kanina. Feels like important yung call.

"Jake, tulungan mo 'ko... Please... I need you here... Natatakot na ako... *sob*" Nanginginig pa yung boses niya.

"Teka, nasaan ka ba?"

Matagal siya bago nakasagot, "Sa parking lot ng Vmall." Nanginginig na sagot nito tapos nag-end yung call. Dali-daling akong nagdrive papunta sa lugar na sinabi ni Franchezka. *HBDTbyShupershimmer*

I worry not because I have a feeling for her but I care, as a friend. No, I don't feel any towards Franchezka, anymore. Ewan ko. Wala na eh, may magagawa pa ba? Tsaka these past few days, I'm feeling something weird whenever I'm with-- aaah, nevermind.

Pagdating ko sa parking lot, lumabas ako ng kotse at tinawag ko siya pero walang sumasagot. "Chezka!" Suddenly, may narinig akong sobs sa isang SUV.

Pagtingin ko, nakaupo siya sa likod ng sasakyan na yon at nakayuko. Magulo ang buhok, madumi yung damit at... may sugat sa binti. What the hell happened to her? Sa ganitong oras?!

Nilapitan ko siya then I kneeled down para maka-level ko siya, "Franchezka... anong nangyari?" Inangat niya ang kanyang ulo.

Bakas sa mukha niyang galing siya sa matinding iyak. Bakit puro pasa ang mukha niya? May sugat pa. Ano ba talaga?

"J-jake!" Nagulat ako nang yumakap siya.

Bumitaw ako sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat, "Bat ganyan hitsura mo? Tell me what happened..."

Napatungo siya, tapos naiyak na naman. Yung parang may naalala siyang kung ano. Di ko na yata dapat tinanong! Argh.

"Jake... may mga lalaking nanakit sakin... Jake, sinaktan nila ako!" She cried.

Mga lalaki?! "Teka, sinaktan ka nila? Wala ba silang ginawang masama sa'yo?" Malamang meron Kleinder! Bobo ko talaga. Well, I mean, hindi ba siya ginalaw? You know, we, boys are definitely boys.

Umiling siya, "Hindi... sinaktan lang nila ako... physically." Napatingin ako sa mga sugat niya all over her body.

"Kilala mo ba sila?" I asked.

Umiling siya. "No... I don't know any of them... bigla nila akong hinarang at sinaktan without saying anything." Humawak siya sa kamay ko, "Jake... natatakot ako..." She shook my hands.

Bumitaw ako sa kamay niya, "Tara, dadalhin muna kita sa hospital. Kailangang magamot ka, ang dami mong sugat." *HBDTbyShupershimmer*

Inalalayan ko siyang tumayo pero di niya ata kaya, "Jake, hindi ko kaya, nanghihina ako..."

So, no choice kaya binuhat ko siya pasakay ng kotse. Habang nasa byahe, nagtext ako kina mama na may dinaanan lang ako kaya gagabihin ako. Magna-9 na rin kasi at for sure, pagagalitan ako ni

Papa dahil ginamit ko na naman yung kotse ni mama nang ganun-ganun lang. Tinanong ko si Franchezka kung naaalala niya ba yung mukha ng mga lalaking yon para pwedeng ipahanap sa police. Sabi niya, di daw niya natatandaan.

She even called her parents to tell them where we are. Sabi niya pa, umuwi na raw ako at magtataxi na lang daw siya... but I insisted.

"Pero... may narinig ako sa pag-uusap nila..." Sabi niya habang nakatanaw sa bintana. Napatingin ako sakanya then dun sa high way.

"Ano?"

"Wag na... it might be wrong."

"Ano? Tell me."

She sighed, "Yung isang lalaki kasi... nabanggit si Hikari." Nakita kong napalingon pa siya sakin right after saying Hikari's name. I was shocked. Bakit naman nila nabanggit? *HBDTbyShupershimmer*

Dire-diretso lang ako sa pagmamaneho ko dahil ayokong harapin siya. Baka mag-alangan kasi siya na sabihin pa.

"Sabi niya, 'oo, siya yung pinahahanap ni Hikari.' Well, baka mali ako ng dinig. Nevermind it..." Umiwas siya ng tingin sa mga mata ko. Bigla akong nanlamig.

"But they clearly said it... Hikari talaga yun." She mumbled.

Nawala ako sa senses ko after kong marinig yung sinabi niya. Ni hindi ko nga namalayang nasa tapat na pala kami ng Medical Center, buti na lang pinahinto niya ako. Habang ginagamot siya, nakatulala ako, nag-iisip.

"Yung isang lalaki kasi... nabanggit si Hikari. Sabi niya, 'oo, siya yung pinahahanap ni Hikari.' Well, baka mali ako ng dinig."

Si Hikari? Siya ba may pakana nito? Naalala ko na sinabi niya dun sa record na hindi niya raw gusto si Franchezka para sakin. Could it be? Pero ewan, parang naguguluhan ako...

She can't do this, right? I'm desperately hoping she's not the mastermind here.

***

"Paupo ako rito ah? Wala ka namang katabi eh!" I heard Gab's voice beside me. Di ako nakasagot pero umupo siya sa tabi ng upuan ko sa klase.

I'm actually dumbfounded. Ewan ko ba!

"Pre, may one-fourth ka ba?"

"...."

"Yoooohooo!? May kausap ba ko?" He waved his hand on my face. Dun ko lang nalamang nasa klase pala ako. Third subject na pala namin!

"H-ha?" Nilingon ko siya. *HBDTbyShupershimmer*

"Sabi ko, pengeng wanport. Pinapapasa ng teacher natin." Nakatingin lang siya sakin nung marealize niya atang wala akong idea sa pinapagawa ng teacher. I looked away from him.

"Haaay. Para kang multo! Kanina ka pa tulala, naka-shabu ka ba pre?" Sinamaan ko lang siya ng tingin. Baka siya!

"Wala akong one-fourth. Manghingi ka sa iba!" Sabi ko. Tumayo naman siya agad.

"Hay! Naturingang estudyante, walang papel!" Parinig niya sakin. Aba! Hiyang-hiya naman ako sa kanya. Grabe! Super hiya ako.

"Oy! Ihingi mo ko." Sabi ko tapos nainis naman siya pero in the end, bumalik siya sa pwesto sa tabi ko at binigyan ako ng papel.

Habang nagsusulat kami ng name, nagsalita siya.

"So, kinontak ka na ba ni Hikari pre?" Napahinto ako sa pagsusulat tapos siya naman, diretso lang na parang wala lang yung sinabe niya.

"Hindi." Tipid na sagot ko.

"Ah, all of a sudden, bakit siya biglang umabsent? Pang-apat na 'to diba? Mag-wa-one week na. Ano kaya nangyari dun?" Tanong niya habang nagsusulat parin. Ako naman, di ko alam ang isasagot kasi wala akong idea!

You heard it right. She has been absent for four days since Monday. We don't even know why or kung ano nangyari sa kanya. She's not answering our calls and messages. Sabi pa nga nila, puntahan daw namin at since ako lang ang nakaaalam ng way sa bahay niya, pinilit nila ako. Pero di ako pumayag. I felt like I don't want to see her that time. I don't know. *HBDTbyShupershimmer*

"Sure ka bang ayaw mong pumunta sa kanila? Malay ba natin kung nagkasakit siya..." this time, napatingin na ako kay Gab at huminga ako nang malalim.

"Kung gusto niya tayong kausapin, she'll do it her way." I continued writing.

Siya naman ang napaangat ng ulo at kala mo shock na shock. "Woah. Hindi mo man lang ba namimiss si Hikari?" I did not answer him kahit halatang naghintay siya ng sagot ko. "Wala na kasi akong maasar at walang naiinis sakin! Well, it's good that Czarina's still there na maaasar ko. Hahaha!" He chuckled.

Naipasa na namin yung papel forward.

"Kleinder, musta naman na si Franchezka? Under medication pa rin ba?" he asked.

"Mm-hmm."

"Aaah..." Patango-tango pa siya, "Grabe naman kasi yung nangyari sakanya. Napakasama ng taong gumawa nun! Ano bang kasalanan ni Chezka para ganunin? Nagsa-suffer tuloy yung tao."

Hindi na ako sumagot. Oo, napakasama nga talaga nung gumawa nun sa kanya. Kasi, until now, inoospital parin siya due to some problem. Medyo na-trauma raw siya sa nangyaring yun kaya di niya namamalayang umiiyak na siya sa gabi at nagbabasag siya ng mga gamit, unintentionally. She even fainted for a couple of times. I think naapektuhan yung mentality niya after it. I guess.

"Sa tingin mo ba, masama si Shane?" I carelessly asked. Bigla kasing lumabas sa bibig ko eh! Nagtaka naman siya sa tanong ko tapos dahan-dahan siyang umiling. *HBDTbyShupershimmer*

"Syempre p're, hinde." Nagkamot siya ng pisngi niya habang nag-iisip ng sunod na sasabihin. "Kahit mukha siyang kakain ng tao, at monster, laging galit, laging nakasimangot... for sure, di siya masamang tao. You know, hehe."

I slightly smiled. "Right... she's not that bad... tama ka..."

After ng klase, sumama sakin sina Gab, Czarina at Rex sa hospital na pinuntahan ni Franchezka for check-up. Dumalaw lang kami sa kanya since she told us to do so. Hinanap niya pa nga si Hikari eh, but we told her that she's not around.

Maya-maya, umalis silang tatlo para bumili ng pagkain sa labas. Nakaupo lang ako sa couch ng room niya nang marinig ko siyang magsalita.

"Jake... kung sakaling si Hikari nga yung..." Nag-alangan pa siya. "Kung sakali ngang siya may kagagawan nito sakin... sa tingin mo, anong dahilan?"

I faced her, "Naniniwala ka bang siya nga?" Kasi ako hinde.

Napatingin siya sa kisame, "I really don't get it. Bakit ako? Of all people. Hindi kaya galit siya sakin? Dahil kaya nabasag ko unexpectedly yung cellphone niya?" *HBDTbyShupershimmer*

Nangyari ba yun? Bakit di ko alam? Kaya pala bumili ulit ng panibagong cellphone si Shane nun.

"Hindi naman siya ganun kababaw para gawin yun."

Recently, I've been thinking kung siya nga 'yon. Pero, sa tuwing tatawagan ko siya, unattended palagi kaya di ko ma-confirm kung siya ba or hindi. I believe her, but somehow... parang... siya. Ewan! Ang labo!

"Baka dahil sa'yo?"

Napatigil ako sa ginagawa kong pag-tap ng fingers sa couch nang nasabi ni Franchezka yun. Ha! Ano daw? Ako? Bakit naman dahil sakin? Tinignan ko siya as if I'm asking her why.

"Kasi... nakapag-usap kami dati sa isang resto. We talked about you... tapos, ewan ko ba, parang galit yung aura niya. Una palang kaming nagkita, she looked so pissed. Does she like you, Jake?"

Tumingin siya na parang naghihintay sa sagot ko. Malay ko ba kung ano'ng isasagot ko!

Ayoko sanang pakinggan lahat ng sinasabi niya, ayoko talaga. Dahil hindi ako naniniwala. Ayokong maniwala. Shane's innocent. She's not involved here... I can feel it.

Nagsalita ulit siya. "Sabi niya pa nga-"

"Gusto mo bang prutas?" tumayo ako at inabutan ko siya ng apple. Ngumiti siya tapos tinanggap niya naman.

Pagkaabot ko, nabigla ako nang hinawakan niya yung kamay ko, pero di ko naman magawang alisin dahil nakakahiya naman. Basta, ang awkward! *HBDTbyShupershimmer*

"Jake... thanks a lot." She became teary eyed. "You saved me and utang ko sayo 'to."

"Don't think of it as-"

"Jake... why don't we try to go on a date?" Cheerful pa yung pagkakasabi niya. Unknowingly, naalis ko yung kamay ko na kinabigla niya. Why so sudden?! Tsaka gusto niyang ba ng date dahil lang sa niligtas ko siya? Parang di naman tama yung rason.

"Tss..." I poked her head. "Kumain ka na nga lang d'yan ok? Dami mong alam." I joked. Eh kasi ang seyoso ng topic tapos biglang ganun. Ampangit lang!

"Hey! I'm serious. Stupid." Sumimangot na siya. "Ano? Date tayo?" Ngumiti na naman siya pero umiwas ako.

"I can't." Straightly said.

Para bang sobrang mali nung nasabi ko kaya nagawa niyang humiga at magtaklob sa kumot. Hanggang sa dumating sila Gab, di niya ako kinakausap. Just because of that date?! Oh c'mon!

Boys should be the one to ask first. I mean, I think ganun dapat. 'Di ba?

Kinabukasan, pumasok na ulit ako. Surprisingly, wala na naman si Hikari. Teka nga! Bakit ko ba hinahanap? Magpapakita naman yun kung gusto niya ah! Tsss.

"Si Hikari oh!" I heard Gab's voice.

Dali-dali kong inangat yung ulo ko at tumingin sa paligid ng field na tinatambayan namin during this vacant period. After 3-4 seconds, nagtawanan silang tatlo. Aaaargh! Wala naman pala eh. Lakas ng mga tama ng mga 'to! Buset!

"Uyyy, namimiss!" Tukso ni Rex habang tinuturo-turo pa yung bolpen sa muka ko at iniiwasan ko naman. Mamaya matusok pa ko! Wag na! *HBDTbyShupershimmer*

"Psh." I looked annoyed. Ikaw ba naman yung pagtripan! Suddenly, naligaw yung mata ko sa di kalayuan at nakita ko siya... si Shane. The f*ck?! Kanina lang pinag-uusapan nila tapos...

"Gab! Rex! Czarina! KJ!!!" Tumakbo pa siya holding her backpack. As if sobrang saya niya na makita kami. Parang sumaya ako by that moment kaso may naalala ako, then biglang nawala yung ngiti ko.

Napatayo silang lahat. Isa-isang niyakap si Shane tapos tinanong kung kamusta or ano nangyari sa kanya. Badly, I also want to hug her pero di ko nagawa. Nakiupo siya sa pwesto namin na parang usual lang. Hindi ako sumagot at hindi rin ako nagsalita. Pansin kong tumitingin siya sakin na parang gusto nya akong kamustahin sya but everytime she does it, umiiwas ako ng tingin. Nakakailang lang bigla! Ugh.

Bakit ngayon lang sya pumasok? Ano nangyari sa kanya? I want to ask her a lot of things. Everything. I do felt happiness now, but I don't feel like talking to her as much as possible.

HIKARI's POV

Right after pagkababa ko galing airport, nagpalit lang ako ng damit at pumasok sa school nung 12 o'clock. Well, siguro excited lang akong makita sila. Actually ngayon lang ako naexcite ng ganito pagkauwi ko ng Manila! *HBDTbyShupershimmer*

Pagdating ko ng school, nahanap ko sila sa field. Tumakbo at nang makita ko si KJ,something in my heart became strange. Nang makalapit ako sa kanila, kinakamusta nila ako. Except him. I think I expected too much, huh? Ang tahimik niya kasi!

"So, ano ba nangyari? Bakit bigla kang nawala teh?!" Si Rex na kanina pa tanong ng tanong.

Tumingin muna ako kay Klein na busy sa cellphone niya then kay Rex, "Ah. Kagagaling ko lang kasi ng Japan. Sorry kung di ko kayo nasabihan."

"WOW!!!" Sabay-sabay nilang nasabi habang nakangiti pa.

"Aaaah! Nakakainggit! Buti ka pa pwedeng maglabas-masok ng bansa! I wish I'm as rich as your family! Para araw-araw dadalawin ko yung Disneyland!" Sabi naman ni Czarina na hinampas sa ulo ni Gab.

"Asa ka pa!" Nagtawanan naman kami. Siyempre si Klein tahimik na naman! Sarap nitong sapakin! Nakakainis! After what he did last Sunday, ganon na lang? Ano yun, trip lang?

"Bakit naman napadpad kang Japan?" Gab asked.

"Namatay kasi yung lola ko." Natahimik sila saglit tapos napa-aah na lang sila nang malaman nilang namatayan ako. Well, sinama lang ako nila Papa since kailangan kami. Di ko naman masyadong close yung lola ko na yun dahil sa Japan siya nakatira.

"Ganun ba... condolence..." Sabi ni Czarina then I smiled.

"So, how've you been all this week?" Tanong ko.

"Wala naman masyado... maliban lang sa pagbisita sa hospital." Sabi naman ni Gab habang nagbubukas ng bottled water at ininom 'yon. Nagtaka naman ako bigla. Hospital?! *HBDTbyShupershimmer*

"Hospital?"

Tumango silang tatlo pero si Gab lang ang sumagot. "Si Franchezka kasi... napagtripan daw ng mga goons kaya ayun, sugatan tapos na-trauma pa. Kung kilala ko lang mga gumawa nun, baka nabugbog ko na."

Halatang seryoso si Gab sa sinabi niya. Naospital si Franchezka? Napatingin ako kay Kleinder at nakita kong nakatingin rin siya sakin. I guess I know kung bakit siya mukhang may topak. Gusto niya pa siguro yung babaeng yun. Psh.

"T-talaga?" I looked at Gab, "I'm sorry, di ko man lang nalaman." Sabi ko.

"Samahan niyo naman akong bumisita." Nakangiti ko pang sinabi sa kanila. Especially to Kleinder. Kahit naman ayaw ko sa babaeng yun, kahit papaano, concern ako sa kaibigan ng mga taong mahalaga sakin.

Nabigla ako nang biglang tumayo si Kleinder bitbit yung bag niya sa isang kamay tapos lumakad palayo sa amin.

May nasabi ba akong mali? *HBDTbyShupershimmer*

HBDT// Kabanata 24

That's it. Simula nung umalis si Kleinder sa field, wala na, di na siya nagpakita. I guess, nag-cut siya ng last two subjects namin. Siya na ba ang pumalit sa position ko bilang class-cutter?

After ng klase, kaming apat ang magkakasabay papunta sa hospital. Sinabay ko sila sa kotse naming na nagsusundo sakin at sinabi ko sa driver na 'kaibigan' yung dadalawin though parang gusto kong mag-throw up nung sinabe kong 'kaibigan'. Aish.

"Saan na ba yung damuhong na yun! Umaalis di nagpapaalam!" As usual, si Czarina.

Walang sumagot kasi malamang, walang may idea. Ako naman, busy sa kakaisip. !$%#^! Ano bang problema nun at mukhang ayaw akong kausapin kanina! Samantalang dati, di siya nauubusan ng sasabihin! Ano'ng nakain nun!?

Nakarating kami sa hospital na yun. Nauna silang maglakad, at sumusunod lang ako. Until, matapat kami sa isang room, eto na yata.

Pumasok kami sa loob and there, we were all shocked kasi nandun na pala si Kleinder at nakaupo sila ni Franchezka sa bed at nag-uusap-- nagtatawanan pa.

Nang mapansin nila kami, tumigil sila. I saw how Kleinder looked at me in a different way. Somehow, I felt something inside me hurt when I saw them... together. How pathetic I am. Hikari, ikaw ba 'yan?!

"Oh, kayo pala..." She said tapos ngumiti. *HBDTbyShupershimmer*

Lumapit naman kami at medyo mabagal pa yung lakad ko. Nakaupo lang ako dun na para bang hinatid ko lang sila papunta rito tapos wala na... yun lang ang role ko. Kanina pa lumabas si Kleinder pero di pa bumabalik. I don't know where he is.

"Labas muna ako." Nagpaalam muna ako sa kanila then I went to the comfort room.

Umakyat ulit ako sa floor na yun tapos, nagpass sa peripheral vision ko ang isang lalaki na nakasandal sa veranda/ terrace ng floor na yun. I stopped tapos lumapit sa kanya.

"Hey." Tinapik ko siya sa balikat as if nothing's awkward.

Tumango lang siya bilang bati. Oh c'mon! Napupuno na ako sa taong to ah! Bakit ba siya ganito?! Dahil kay Franchezka? Sobrang sympathy naman yata 'yon if ever. I mean, di naman mamatay ang

babaeng yun para gumanyan siya. Napaka-emo!

One minute na kaming nakasandal sa veranda pero walang nagsasalita kaya may kinuha ako sa bag ko then gave it to him.

"Souvenir, fresh from Japan."

Sabi ko lang habang inaabot ko sa kanya. Actually, key chain lang ito na may nakasulat na Japanese word. Tumingin siya sa hawak ko. Ganun lang! As in nakatingin lang! Dahil ayoko ng pinaghihintay ako, ako na mismo ang nagpasok ng inabot ko sa bulsa ng polo niya.

I sighed, "Wag kang mag-alala, makakarecover din si Franchezka noh. Don't feel like you're the loser here, man." Nakangiti ko pang sabi tapos kita kong nag-smirk siya. For what?

"Ano daw bang atraso niya sa mga nanakita sa kanya?" I asked.

"Nothing. She doesn't know any para gawin yun." I slightly nodded nung sumagot siya. SA WAKAS. Nagsalita siya.

"Baka naman napagtripan lang talaga, alam mo naman---"

"Are you still involve dun sa fraternity na nasabi mo saken dati?"

Napakunot naman yung noo ko. Para kasing biglang pasok ng topic! Diba? From that girl to my sochildish-group? Wala namang koneksyon eh! *HBDTbyShupershimmer*

"Ha?"

"I mean, do you still live that way? Hurting people... screaming... abusing... bullying. Stuff like that." Lalong nalito yung mukha ko. Ano daw?! Tumingin siya sakin. "Diba yun ang mga activities ng isang frat?"

Napasinghal ako nang di oras. That's kinda absurd.

"Ano ka ba!" I laughed as If I could. "Kahit sumali ako dun dati... di ako ganun noh! Well, dati, oo. I've done that a lot of times... pag umiinit yung ulo ko sa isang bagay. Pero hindi na ako sumasama sa ngayon. Naisip ko kasing napaka-immature ng ganun tsaka-"

"So, is it true na may kinalaman ka rito?"

Ha?! Feeling ko nasisira na yung mukha ko sa sobrang shock. Ano 'tong mga tanong niya!? What is what!? And who is what?!

"Kinalaman? Saan?"

"Sa nangyari sa kanya." I guess tinutukoy niya si Franchezka. Nagulat naman ako lalo! Bakit naman ako madadamay? Aba, ang tahi-tahimik kong nakikilamay sa Japan tapos ito pa malalaman ko?

"Patawa ka ba? Di ba nga four days akong wala sa Pilipinas? Sabihin mo nga, how was I able to hurt her? Aber?" Tanong ko. Omfg.

"I didn't mean na nandoon ka sa pangyayaring 'yon, physically." Hinintay ko yung sunod na sasabihin niya pero mukhang nag-aalangan siya. "But it's possible na may inutusan ka."

Im so damn speechless especially nung nagsalita pa siya. *HBDTbyShupershimmer*

"I know, umpisa pa lang, hindi na talaga maganda ang aura between sa inyong dalawa. You even told me you don't like her kasi siguro, you're different. You guys are totally opposite. Pero, hindi pumasok sa isip ko na aabot sa ganito..."

Yung tono niya sa huling sinabi niya was like... sad or mad? Ano na naman 'to!? Naiinis na ako! This time, pumitik na talaga ako. It's getting on my nerves and I think, sobra-sobra pa!

"Ha! So sinasabi mo bang ako yung bad girl dito?! Simple lang naman sabihin yun sa harap ko ah? Bakit ang dami mo pang sinabe?! 'Hikari, sinaktan mo ba siya?' Bakit di na lang yun ang sinabe mo?" I sighed to fight back my feeling of anger to him.

"Di ko masabi sa'yo, kasi hindi ako naniniwala!"

Mukhang siya rin, di na nakapagpigil. "Sa tingin mo ba naniwala ako agad?! I don't know what really happened, she just said na nabanggit ng mga lalaki ang pangalan mo! That's it!"

I looked at my side. How could she!? Wala akong ginagawa sa kanya! Nothing! Di ko siya inaano at wala akong inutusang kung sino man para saktan siya! Kung gagawin ko man yun, GUSTO KO AKO MISMO! Pero nasa tamang utak naman ako para kontrolin ang sarili ko noh! I cant believe this.

Really.

"Sinabe niya sayo...?" I gulped. "Do you believe her?" I looked at his eyes. "Sa tingin mo ba, hanggang ngayon, ganun parin ako? Didn't I tell you na unti-unti kong binabago ang sarili ko?! Atsaka... bakit ko siya sasaktan? Give me a reasonable reason Kleinder Jake!"

Umiwas siya. See. Di siya makasagot. Masyadong napaniwala ng babaeng yun, pero di ko ipupush ang sarili ko. Kung galit siya, bahala siya. I've defended my part. *HBDTbyShupershimmer*

IT WASN'T MY FAULT. WHAT THE HELL!

"Let's drop this." After niyang sinabe yun, umalis siya sa harap ko at naglakad papunta sa way ng room ni Franchezka habang ako, nakatulala.

Umuwi lang pala ako ng Manila para mapagbintangan! How I wish, di ako nagpumilit na bumalik agad. Dapat pala hinayaan kong mag-stay muna ako ng isang week doon, atleast, payapa. Walanghiya naman!

Pumasok ako sa kwarto na yun at kinuha yung bag ko.

"Oh, saan ka?" Tanong ni Rex.

Palabas na ako ng room bago sumagot, "Aalis na 'ko. Franchezka, get well soon."

Lumabas na ako nang tuluyan at sinara yung pinto without waiting for them to say anything. Wala

ako sa mood na umuwi ng bahay. Sinabi ko sa driver na mauna na siya sa bahay at since ako palang sa family namin ang umuwi ng Manila, okay lang na 'wag niya akong sunduin dahil wala namang maghahanap sakin.

Pumunta akong arcades to amuse myself. Naglaro, nanuod, naglaro. Paulit-ulit lang yung ginagawa ko at ang dami ko ng nagastos na pera para sa token. Naalala ko sa lugar na 'to yung naging kabaliwan ni Klein before. Yung akala niya may nangyaring masama sakin at talagang nagpatawag siya ng pulis. I couldn't help but smile. That jerk!

Until, naalala ko yung kanina.

'YOU LOST!' sabi ng nilalaro ko. Nahampas ko tuloy yung buttons ng game sa sobrang batdrip. Nagulat pa nga yung katabi kong naglalaro eh, at nagawa pang tignan ako. *HBDTbyShupershimmer*

"Ano'ng tinitingin-tingin mo?! Ha?!" I screamed. Umiling naman siya pero I kept on glaring at him kaya napatayo siya at napaurong. Nag-step back siya at iniwan yung nilalaro niya.

"Stupid." I mumbled angrily.

Pagdating ng alas-7, umalis na ako dun dahil tinamad na akong maglaro. I went to the clubhouse na dati kong tinatambayan. How I wish wala si Nylan!

"Uy Hikari!" Ni-raise ng isang lalaki yung kamay niya na parang makikipag-appear siya. Tumingin ako sa kanya, parang siya yung inuutusan lagi ni Nylan na hanapin ako.

I smirked tapos nilagpasan ko siya.

Nagtawanan naman yung mga kasama niya dahil mukhang napahiya siya sa ginawa ko. Mayamaya, humarang siya sa dinadaanan ko.

"Snob ka na ngayon, ha?" He said mukhang annoyed siya.

"Sensya na, wala kasi akong time na makipaglaro sa aso." Nagtawanan uli yung iba sa narinig nila. Napakagat-labi yung kaharap kong mukhang aso tapos umamba na yung kamao niya pero natulak ko siya agad nang malakas at dumausdos siya sa ibabaw ng billiard.

*HBDTbyShupershimmer*

"T*ng *na mo aaah!" Sabi pa niya habang tinuturo-turo ako. He was about to fight back pero inawat na siya nung dalawa. Kasi daw mayayari siya kay Nylan pag sinaktan ako. Kasi daw, girlfriend ako. Putek.

Luckily, wala siya. Phew.

"Wow, angas ah. You came back!" Bati agad ni Andrew na kala mo ang tagal tagal naming di nagkita.

"Yeah, it's been a while." Sabi ko.

Umupo ako sa tabi niya since siya lang ang kakilala ko rito sa loob. Yung iba kasi, mga bago na. Di ko na kilala tapos may mga circle of friends sila. Alangan naman sasali ako.

Nakihati ako sa vodka na iniinom niya. "Saan ka galing? Nylan has been looking for you. That bastard!" Sabi niya habang natatawa.

"Japan."

"Ah."

"Do you have... you know... do you mind Nylan as your boyfriend?" Natawa ako dun. Somehow, may pagkainosente rin pala 'to.

"No. Never." Plain lang yung sagot ko.

"Aww, kawawang Nylan."

"Hoy. Kinokonsensya mo ba ako?!" Sabi ko sa kanya. "Eh sa hindi ko siya trip eh. Siya lang naman nagpupumilit. Tsaka, masyado na siyang possessive eh hindi niya naman ako pag-aari."

Tumango lang siya habang nakatingin sa iniinom niya. *HBDTbyShupershimmer* Wala ulit nagsalita tapos naalala ko si Franchezka na na-ospital. Alam kaya ni Andrew? Kasi diba, ang pagkakaalam ko, girlfriend niya yun.

"Si Franchezka? Kamusta na kayo?" I asked.

He shot one glass. "Wala na kami nun 'dre." Nilagay niya yung thumb niya sa leegan niya at nag-

gesture siya ng pagpugot sa ulo with matching freaky sound.

I was taken aback. "Bakit?!"

"Wala lang. Ayoko na. Hehe!" Uminom ulit siya sabay lunok. "Timer ang puta."

Tama naman siya. He has a point there. He has been played and to think na napaglaruan ng isang babae ang isang gangster tulad niya... that was a bit painful, sa ego, as a man.

"When did you break up? Paano mo hiniwalayan?"

Ang tagal niya bago makasagot. Parang nagdadalawang isip siya yung sasabihin niya ba. Bigla siyang nag-grin at lalo akong na-curios dahil sa pag-grin niya! It has something.

"Nung Sunday night."

"Paano?" Tanong ko naman. *HBDTbyShupershimmer*

Natawa siya nang bahagya tapos pinatong niya yung kamay niya sa balikat ko, "Sa tingin mo, paano ba makipag-break ang isang gangster na niloko ng girlfriend niya?"

Bumitaw siya. Ako naman, napalunok nang grabe. Paano ba makipag-break ang isang gangster lalo na kung niloko siya?

Patayo na sana siya pero pinigilan ko, "Teka!"

"Hm?"

"You meant, sinaktan mo si Franchezka?"

He smirked, "You finally got it. I guess she deserved it."

Then he left. Naibagsak ko naman yung ulo ko sa table sa sobrang stress. Andrew and Franchezka broke up kaya sinaktan siya... tapos she's trying to put the blame on me?! Ano bang purpose ng babaeng 'yon? Para ba makuha ang loob ni Kleinder?

SABIHIN NIYO NGA SAKIN KUNG GAANO SIYA KADESPERADA. HA!

HBDT// Kabanata 25

During this weekend, wala akong narereceive na calls or messages from Klein. Sus, asa pang magtetext yun! Kulang na nga lang mag-spent sila together ni Franchezka ng overnight sa hospital! The only person who keeps on bugging me is Nylan. Halos mapuno ba naman inbox ko eh.

By 3 PM, umalis ako sa bahay dahil may kailangan akong linawin sa babaeng 'yon. Gusto ko lang sanang tapusin yung kabaliwan niya. *HBDTbyShupershimmer*

"Oh." Nagulat ata siya nung dumating ako. Napansin ko, wala si Kleinder ngayon. Atleast, makakausap ko siya nang maayos.

I swallowed hard bago magsalita. "Kinausap ako ni Kleinder nung Friday. Sabi niya, sinabi mo raw na may kinalaman ako sa nangyari sayo."

Obviously, umiiwas siya. "Hikari, I want to rest." Sabi niya.

"Nagsinungaling ka, diba? Hindi ako ang may kasalanan sayo. Wala akong inutusan at hindi grupo ng mga lalake ang nanakit sayo. Tama ba ako?!?"

Na-corner ko siya. Hindi na siya makasagot at namutla na siya.

"Ano ka ba... limang lalake sila, tsaka totoong nabanggit nila ang pangalan mo. Galit ka sakin diba?! Dahil kay Kleinder!?"

"Napakasinungaling mo!" Sigaw ko tapos naitulak ko siya nang konti sa balikat.

"Ano ba! Lumabas ka na nga!"

"Hindi ako lalabas hangga't di ka umaamin kay Kleinder! Dahil ang totoo, si Andrew ang may gawa niyan sayo, diba!? Ano!? Akala mo di ko alam!?" *HBDTbyShupershimmer*

She's trying hard to push me while shouting.

Maya-maya pa, nagbukas ang pinto at may pumigil sa kanya sa pagtulak sakin. Si Kleinder. Nakuha pang umiyak ni Franchezka habang pinapakalma siya. Grabe! Pang-award winning ang arte niya! Nakakasira talaga ng ulo! Pwede ng pang-Grammy's shit!

"Hikari... lumabas ka na." Sabi ni Kleinder with a calm tone.

"Franchezka, sabihin mo yung totoo sakanya!" Sigaw ko.

"Ano ba! Labas na sabi!!!" He snapped. Kita kong galit na galit siya. Wala na akong nagawa kundi lumabas at malakas kong kinalabog ang pinto.

Napasandal ako sa pader atsaka huminga nang malalim. Di ako makapaniwala sa ginagawa niya! Kinakampihan niya yung sinungaling na 'yon. Seriously!?!

Bumaba muna ako at naupo sa mga chairs doon. After 15 minutes, bumaba na rin akong ground floor ng ospital at ang dami ko pang nabunggong nurses at mga civilian kasi wala ako sa sense ko nung time na yun. At kung mamalasin ka nga naman! Isang demonyo ang nag-appear sa harap ko right after kong lumabas sa ospital!

"N-nylan?" Medyo nagtaka pa ako kung bakit siya nandito.

Umalis siya sa pagkakasandal niya sa kotse, "Tara."

Hinampas ko yung kamay niya, "Ano ba! Bakit ka nandito?! Sinundan mo ba ako?!"

"So? Ni hindi mo nga sinasagot tawag ko eh. Sino bang pinuntahan mo rito?"

Ewan ko kung sasabihin ko ba eh hindi naman sila magkakilala ni Franchezka. Tumingin lang ako sa side ko tapos nafeel ko na naman ang paghila niya sa kamay ko.

"Ano ba Nylan! Wala ako sa mood, pwede!?" Pinanlakihan ko na siya ng mata and I think, we caught an attention.

"Ako rin, wala sa mood na makipaglaro sayo kaya bago ako mapuno, sumakay ka na." He whispered na mukhang galit siya. *HBDTbyShupershimmer*

I smirked, "Bye."

Tsaka ko siya tinalikuran at nagkunwaring papasok ulit ng hospital kaya lang, nakakailang hakbang palang ako, nakita ko si Kleinder. Maya-maya pa, napatingin siya sa way ko. Hindi ko alam kung bakit ganun yung pagtama ng mata namin. Parang may gustong sabihin sa isa't isa.

"Hikari." I heard Nylan.

Nakatalikod parin ako sa kanya tapos napansin kong nakita ni Kleinder si Nylan na nandoon. Maybe, nagtataka siya kung bakit narito ang lalaking ito.

Humarap ako kay Nylan at ngumiti. "Sige, gala tayo. Wala ako sa mood e."

Yun lang ang sinabi ko tapos akala mo naka-jackpot si Nylan at dali-daling lumapit sakin para ihatid ako sa other side ng kotse niya. Nakahawak pa siya sa likuran ko hanggang sa makasakay ako. Siya rin ang nagkabit ng seatbelt.

Habang ginagawa niya yun, nakatanaw ako kay Kleinder na di naman kalayuan. Kita ko sa salamin ng kotse that he's still there, standing at mukhang gulat siya na makitang magkasama kami. Something inside me ang nagsasabing... 'makaramdam ka naman sana ng sakit.'

Later on, yumuko siya at umalis nang tuluyan. Kung di lang dahil sa kagustuhan kong makaganti kay Kleinder, di na sana ako sumama kay Nylan. Nakakainis! Hanggang ngayon siya pa rin yung naiisip ko...

Why him?! Of all people?!

KLEINDER's POV

Sumaglit lang ako sa hospital tapos naabutan ko pa na nag-aaway sina Franchezka at Shane. *HBDTbyShupershimmer* So, to make things at ease, pinalabas ko na muna si Shane. Baka kasi mag-faint na naman 'tong isa pag nagkataon. Sa totoo lang, hinanap ko si Shane sa loob ng hospital pero di ko siya makita sa mga floors.

Pagkababa ko ng ground floor, nakita ko siyang palabas kaya hinabol ko. Kaso, napatigil ako nang humarap siya at nakita niya ako. I saw Nylan at her back and I was a bit... frightened. Ewan ko ba!

Kita kong humarap si Hikari kay Nylan tapos ngumiti siya. I haven't seen that, so far. Tapos,

sumakay sila ng kotse at hindi ko na siya nagawang makausap pa. Napayuko na lang ako at umalis sa kinatatayuan ko. I felt some disappointment. Bakit?

Something's aching. Yet, my heart keeps on beating na para bang lalabas na siya sa katawan ko.

Pagbalik ko sa room ni Franchezka, umalis din ako agad. Nagpunta lang ako sa malapit na internet cafe at winili ko yung sarili ko sa paglalaro. Ni-hindi ko nga namalayang gabi na pala eh! Nalaman ko lang nung tumawag si Mommy at kung bakit lagpas sa kalahating araw na daw akong wala sa bahay.

So, nag-time out na ako at umuwi. Kaso, pagkababa ko ng sasakyan at naglalakad sa street namin, may isang lalaking humarang sakin. Di ko sana siya papansinin at lalagpasan ko pero kung saang way ako dumaan, nandoon din siya. *HBDTbyShupershimmer*

"Finally, nagkita rin tayo." Sabi niya habang humihithit pa ng yosi. Akala ko nga siya si Nylan kasi may pagkakahawig pero na-distinguish ko na hindi siya... who's this punk?

"Sino ka?" I asked tapos hinagis niya sa tabi yung yosi at tinapakan.

Nagulat ako nang tinulak niya ako na parang naghahamon ng away, "Di mo ako kilala?" he smirked, "Ganyan ka ba ka-gago, ha?"

Kinalma ko yung sarili ko, eh lasing yata to eh! Amoy alak kasi at kung sino-sinong hinahamon. Baka nakakalimutan niyang nasa village siya at pwede ko siyang ipahuli!

"Hindi kita kilala." Sabi ko.

Kinuwelyuhan niya na ako, "Ako lang naman ang boyfriend ni Franchezka!" Sigaw niya sa harap ko which made me shocked. Sabi niya, wala siyang boyfriend... tapos may susulpot sa harap ko na lalaki at sinasabing bf niya?

Hinawakan ko yung kamay niyang nakahawak sa kwelyo ko, "Pare, umuwi ka na. Amoy alak ka eh."

Then by that, he punched my face hardly kaya napabagsak ako sa sahig. Hinugot niya ulit yung kwelyo ko. Sinapak niya naman ako at naramdaman kong nagsugat ang labi at pisngi ko. This time, it's my turn na gumanti. I punched him back like what he did.

I'm Kleinder Jake. Hindi ko yata hahayaang may sumira sa gwapong mukha na 'to! Wait, di ako nagbubuhat ng bangko ah.

"Ano bang problema mo saken hah!" I managed to say habang sinuntok ko siya. *HBDTbyShupershimmer*

"Dahil sayo, wala na kami. Gago ka ba!? Pumapatol ka sa girlfriend ng may girlfriend!"

Sinipa niya ako sa sikmura kaya medyo nasusuka ako sa sobrang sakit. Nararamdaman ko rin yung paghapdi ng mga sugat ko sa braso dahil dun sa mga gasgas.

"A-anong ibig mong sabihin!?" tanong ko naman. Inangat niya yung mukha ko nang mabilis at naggi-grit yung teeth niya at alam kong gigil na gigil siya.

"Baka akala mo, hindi ko alam ang pinaggagagawa ninyo ng pokpok na 'yon!? Girl-stealer ka ba, ha?!" WTH?! Tinawag niyang pokpok ang ex niya?

Baliw na yata to eh! Si Franchezka pala ang nakipaghiwalay tapos ako sinisisi?! Ano daw? Inagaw ko raw sa kanya ang babaeng yon? Nak namputa!

I smirked to annoy him, "Psh, naaawa ako sayo." I pushed him, "Nakakaawa ka dahil kung sinosinong sinisisi mo!" tumayo ako nang maayos habang nakahawak sa sikmura ko.

Sumuntok na naman siya. Pucha! Ang sakit ah!

"Listen brad, hindi ko inagaw sayo si Franchezka at hindi ko kasalanan kung bakit siya nakipagbreak sayo. WALA AKONG PAKIALAM SA RELASYON NINYO!" I pointed at him.

"Sinungaling." Nakuha pa niyang ngumisi, "I guess nararapat lang sa kanya yung ginawa ko. Dapat lang siguro yung ginawa ko kay Franchezka," yumuko siya tapos tumatawa pa.

Napaisip ako... nararapat lang ang ginawa niya kay Franchezka? Ang alin?

Something popped out in my mind, "Anong ginawa mo sa kanya?" Lumapit ako at kinuwelyuhan ko siya nang mahigpit. Kahit medyo masakit na yung katawan ko, I tried to hold him with all my might. *HBDTbyShupershimmer*

"Ikaw ba ang nanakit sa kanya!? Magsalita ka!" I shook him pero mukhang di man lang siya natakot.

The next thing I knew, he pushed me at may dinukot siya sa tagiliran niya. I guess it's a knife.

"So? Ano naman sayo kung ako nga ang may gawa? A kind of girl like her doesn't deserve to be respected."

So, hindi si Shane?

Tama ba ako? All this time... nagdadoubt ako kung may kinalaman ba siya rito. Hindi sya? The f*ck Kleinder! You must kill yourself now! Hindi na klaro yung nakikita ng mga mata ko. Medyo nahihilo ako sa mga suntok nito eh...

Dali-dali siyang lumapit sakin as if he is really going to point that knife at me. I guess, my life ends here. Di ko man lang magawang makatakbo dahil hirap akong makatayo. Kaya, ang ginawa ko lang ay pumikit... Tapos, nagulat na lang ako nang may yumakap sakin... at bumagsak kami.

Inangat ko yung katawan nung taong dumagan sa harap ko. I want to make sure kung nakapikit na ba siya or she's okay. Baka kasi... nasaksak siya. Most of all, I want to know kung sino 'to.

Napansin kong nagulat din yung lalaki. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin siya sa aming dalawa. But, what shocked me more ay nung makita ko ang mukha ng yumakap sakin, biglang may tumulong luha sa mata niya.

"S-Shane?" *HBDTbyShupershimmer*

She kneeled down at hinawakan ang mukha ko na parang nag-aalala, "Walanghiya. Ayos ka lang ba!?"

I wasn't able to answer her dahil sa gulat at dahil na rin siguro sa sitwasyon ko. Naramdaman ko na lang na tumayo siya at humarap dun sa lalaki.

"Andrew! Ano ba!" Tinulak niya yung lalake. Magkakilala sila? "Wala siyang kinalaman! Hindi niya inagaw sayo si Franchezka, pwede ba!"

"Pinagtatanggol mo ba yung gagong 'yan Hikari!?"

Nakita kong kinuwelyuhan ni Shane yung lalaki, "Oo! At wala kang karapatang gawin sakanya yon!" finally, nakatikim siya ng suntok mula sa babae.

Hindi na lumaban pa sa kanya yung lalaki, basta ang sumunod na alam ko, magkausap na sila, "Alam mo ba kung anong pwedeng mangyari pag nalaman ni Nylan na pinagtanggol mo 'yan?"

"Magsumbong ka. Wala akong pakielam! Subukan mo lang na ulitin yan sa kaibigan ko... malilintikan ka."

She turned her back at tinulungan niya akong tumayo. Pinaakbay niya ako sa balikat niya at naglakad. Kita ko yung galit sa mga mata niya habang nakatitig dun sa lalake. Paglagpas namin sakanya, biglang nagsalita si Shane.

"Sa oras na sinabi ko kay Nylan na muntik mo na akong masaksak... sa tingin mo ba, mapapatawad ka nya?" She smirked, "Magdalawang-isip ka na."

Ayun, umalis na kami sa lugar na yun. I was speechless dahil unang-una, siya pa mismo ang nagligtas sakin. Pangalawa, akala ko talaga katapusan ko na kanina... at pangatlo... sobrang saya ko kasi... sa di ko malamang dahilan. *HBDTbyShupershimmer*

Pagdating sa bahay, unang nakakita sa amin ay si Kristina. Obviously, nagulat siya sa hitsura kong bugbog sarado. Buti na lang at nasa kwarto si Mama at wala pa si Papa nun. Si Drake, tulog na. Hinatid ako ni Shane hanggang sa kwarto ko. Pinaupo niya ako sa bed then inutusan niya si Kristina na kumuha ng first aid kit.

"Kaya naman siguro ng kapatid mo na gamutin ka." Humakbang siya paatras, "Uuwi na ako."

Habang nakaupo ako nun sa edge ng kama ko, at sobrang sakit ng katawan ko, all I can do is grab her and embrace. Bale, nakatapat yung mukha ko sa bandang stomach niya habang yakap-yakap ko siya. I feel like doing this... kahit ngayon lang.

"Sorry..."

Yun na lang ang nasabe ko. *HBDTbyShupershimmer* Hinayaan niya naman ako pero she didn't hug me back. Narinig kong nagbukas ang pinto at bumitaw na ako. Mamaya kung ano pa isipin nila...

"Naku!!! Kleinder!!! Anong ginawa mo sa mukha mo!!!" Si mama, alalang-alala pa. Di na ako sumagot. Tapos, umalis na lang si Shane at lumabas ng kwarto.

HBDT// Kabanata 26

HIKARI's POV

Gumising na ako since ang ingay ni Twinkle, kauuwi lang din nila Meg kagabi. I guess, late na naman ako sa isang subject! Whatever. I took a bath then wore clothes. After nung nangyari kay Klein nung Sunday, wala na akong balita. Absent kasi sya kahapon. Malamang! Baka di siya makatayo sa sakit ng katawan.

Ayoko na rin alalahanin yung nangyari after that night, actually plano ko talagang sabihin na ang totoo sa kanya nung gabing 'yon. It turned out na naabutan kong sasaksakin na siya ni Andrew. Dammit!

Tapos... anong sinabi ni Kleinder? 'Sorry'? I was speechless kaya umalis din ako sa bahay nila. Ewan ko nga kung bakit ako naiyak after kong lumabas ng gate nila eh. Did it mean, naiyak ako dahil sa 'Sorry'? Amp. It's not me!

"Ano ka bang bata ka!? Wala ka nang nagawang matino! Late ka na naman!" Obviously, si Papa.

"Umagang-umaga, ako na naman ang pinagagalitan ninyo."

"Do you think you can fool me? Alam kong napakarami mong absent sa ilang klase mo, lalo na ang morning classes! Kung hindi dalawa, tatlo! I can't believe na pinalaki kitang ganyan, Hikari." Sabi pa niya ng naiiling.

Di na ako sumagot. Pointless na naman kasi 'to!

Kumain lang ako ng breakfast tsaka umalis. Kung kalian kailangan ko ng driver dahil late na ako, tsaka pa yun nag-leave! Bwiset. Lumabas ako ng gate tapos naglakad papuntang sakayan ng bus. Eh sa ayokong mag-jeep eh. Ba't ba?! *HBDTbyShupershimmer*

Kada babaeng dadaanan ko sa kalye, napapatingin sakin. Bakit naman!? May dumi ba ako sa mukha? Yung iba eh kung makangisi parang kinikilig na tuko. Yuck!

Naghintay ako ng bus tapos wala pang 5 minutes, may huminto kaya pumasok ako sa loob. Buti at maluwag kaya umupo ako dun sa pandalawahan, malapit sa bintana. Ilalapag ko pa lang sana yung bag ko sa tabi ko nang may biglang umupong lalake. Oh c'mon!

"Tsk." I mumbled.

"Hindi naman kasama sa bayad mo ang bag, ah?"

Nagsalubong agad kilay ko. Bakit nandito si Kleinder?! Ang layo ng bahay niya sa street na 'to ah? Other way siya eh... don't tell me siya ang tinitignan ng mga babae kanina? Is he following me since then?

Tatayo sana ako para lumipat ng bangko pero inangat niya yung paa niya at nakuha pang mag-dekwatro! Kung di ba naman buang!

"Tumabi ka. Lilipat ako." Sabi ko.

Parang wala siyang narinig! Nagkabit pa siya ng earphone sa tenga at habang nakatayo ako doon, biglang umandar yung bus kaya na-out balance ako. Ang outcome!? Napahawak ako sa dalawang balikat niya at magkatapat ang mukha namin. *HBDTbyShupershimmer*

I saw how hard he gulped. May band-aid pa nga siya sa pisngi eh. Well, he looks... cool? Nagmukha siyang bad boy.

Umupo na ako nang tuluyan. Syempre may space! Ewan ko, di ko feel ang ambience or should I say, naiilang ako? Weird thing is, siya pa nagbayad ng pamasahe ko. Wala kasing barya yung kundoktor sa 100 pesos ko! Maaga pa daw kasi!

Hanggang sa pagbaba at papuntang gate ng school, nasa likuran ko siya. Parang bata!

I faced him, Tinignan ko siya nang masama pero huminto lang siya sa paglalakad at sumipol-sipol pa. Parang nung nakaraan lang, ayaw niya akong kausapin, tapos ngayonmas nakakatakot siya pag ganyan!

"Ba't ka ba sunod nang sunod!?" Sigaw ko. 3 meters away kasi kami.

"Bakit? Dito rin ako nag-aaral eh. Ito yung main gate kaya rito rin ako dadaan." Nag-smirk lang siya pero may lumapit sa kanyang mga freshmen at nagpapicture. Psh.

Syempre, tinakbuhan ko na siya. Pagdating ko ng second subject, hingal na hingal ako. Buti na lang at nag-cr daw ang teacher namin kaya wala siya. Hooo! Saved. After 1 minute, si Kleinder naman ang dumating. Umupo siya sa tabi ko na pa-cool effect pa.

Ang bango niya ata ngayon?

Swear. May topak siya ngayon! Hindi ko nga siya kinakausap eh. Pagkatapos ng ginawa niya sakin na pag-accuse sa nangyari kay Franchezka, ganito bigla? Parang nambubully siya na ewan... Maghapon lang siyang nambadtrip!

Nung P.E time na namin, nagpalit ako ng uniform tapos nilagay ko ang mga istorbong gamit sa locker. Pagbukas ko, nalaglag ang isang papel na kulay blue. Pero, it's not just a simple paper.

It was an origami... and heart shape. Woah.

Wala namang nakasulat kung sino nagbigay pero I have one idea. Him. Eh kasi nakasulat sa gitna ng heart yung word na 'sorry.' At kilala ko ang handwriting ng mokong na yun noh!

"Psh..." Sabi ko nang natatawa. Ewan, parang baliw ako! *HBDTbyShupershimmer*

Tinabi ko muna yun tapos dumiretso sa gym. Doon daw ang P.E namin for today since hindi namin kailangang gumamit ng field.

Lesson? Physical fitness. Nakakatawa nga kasi nag-warm-up pa kami! Yung may sayaw-sayaw part na ang korni ng steps. Kaso, di naman pwedeng di ako gumalaw dahil kita ako. Bwiset pa 'tong katabi ko na nananadya dahil tinatama niya yung kamay niya sa tuwing mag-i-stretch! Argggh!

This time, tatama na sana yung kamay niya sa mukha ko pero pinigilan ko ng kamay ko.

"Konting-konti na lang ah. Namumuro ka na." Sabi ko kay Kleinder.

Binitawan ko na siya tapos yumuko siya... ngumiti... at nag-blush? Wait, don't get me wrong here. He really did! For what? Abnormal din ito eh.

After 1 hour...

"Okay. Class dismissed!" Sabi ng teacher namin then nagsialisan na yung iba. "Wait, Kleinder, absent ka kahapon diba?"

"Yes sir."

"Community service." Sabi ng teacher, "Lahat ng classmates mo, nag service na kahapon at dahil nandito ka naman na... it's better to do it today."

Di na ako nakinig sa usapan nila dahil tatakas ako! Di ako nakapag-service kahapon!

"Hoy, Hikari." Sabi ko nga eh, mahuhuli ako. Crap!

"Sir?"

"Sir ka dyan!? Baka kala mo, di ko alam na tumakas ka kahapon sa service." *HBDTbyShupershimmer*

"Gagawin ko na nga eh." Sagot ko then bumalik ako sa pwesto ko kanina. Nakayuko pa ako niyan!

"Dito kayo sa gym maglinis since medyo messy ang place at nagpractice kanina ang basketball team natin. Sige na."

Umalis na siya, at ang natira... ako at si Kleinder. Pasapak nga ako! Isa lang!

Di niya naman ako kinausap at kami lang talaga yung tao. Nag-uwian na kasi yung iba eh, at hapon na. Nagpupulot lang ako ng bola na nakakalat doon tapos si Kleinder, nagma-mop. Nagkataon na pagpulot ko ng ball sa sahig, tumama sa akin yung mop.

Tinignan ko siya. "Sorry." He said while smirking. The nerve!

Tumayo ako bitbit yung bola, "Magsalita ka nga, nananadya ka ba?!"

Tumalikod siya at nag-mop ulit. Nung medyo nakalayo na siya, binato ko sa likod niya ang bola. Napatayo siya nang diretso at humarap sakin.

"Aray ah!" Nabitawan niya ang mop at mukhang pissed off.

I stuck out my tongue. Dumampot pa ako ng isang bola at binato ko sa kanya, medyo malakas yata kasi napahiga siya. Actually, na-enjoy ko yung pagbato! Sarap gumanti noh?

"Aray..." Sabi niya at nakahawak pa siya sa sikmura niyang natamaan. Pumikit pa siya! Wow ah!

"Hoy! OA ka ah. Hina-hina lang nung bato ko eh."

He didn't respond. Nakapikit parin siya doon at nakahiga. Lumapit naman ako at sinipa-sipa ko yung binti niya. "Hoy! Di ako nagbibiro. Tumayo ka dyan!"

I kneeled down tapos I poked his head, "Ouch..." He mumbled.

"Ha-ha-ha. Oh ayan, natawa na ako, tayo na." I stretched my arms para patayuin ko siya. Tumawa naman siya tapos inabot ang kamay ko. *HBDTbyShupershimmer*

Umupo siya doon ng pa-indian sit tapos ganun din ako. Atleast, medyo comfortable na ang atmosphere between the two of us. Parang bumalik na sa dati, kahit paano.

"Bad yung ginawa mo sakin, ah." Sabi niya. Anong bad dun!? "Kaya, may punishment ka."

"Punishment!?" Nagtatakang tanong ko.

Narealize ko na lang na tinungkod niya yung right hand niya and leaned forward papunta sakin, lumapit sa mukha ko and gave a smack on my cheek.

"Oo, punishment." Sabi niya after niyang gawin yung kiss. What the!

"Ginagago mo ba ako!?" Sabi ko sa kanya.

He smiled sabay umiling siya, "Pag nag-aaway kami ni Kristina before... pinagkikiss kami sa cheeks as a punishment. 'Apology kiss' kumbaga."

He paused and stared at me kaya umiwas ako. Ano ba yan! KJ! Stop it. Please?

"But don't worry, you don't have to kiss me back kasi wala ka namang kasalanan. Ako lang." He sighed, "Kahit alam kong gustong-gusto mo naman."

I was about to hit his head pero nag-hang lang yung kamay ko sa ere sabay natawa ako sa sinabi niya. Kleinder is Kleinder! May tinatagong hangin sa katawan!

So, I end up hitting his arm slightly.

He chuckled, "Ang sakit..."

"Hoy! Ang hina lang nung hampas ko sa braso mo eh!" I said bluntly.

"Yun na nga eh, pero ang sakit ng impact dito." Humawak siya sa chest niya. WTH! Anong kabaduyan na naman 'to? *HBDTbyShupershimmer*

"Freak." Yun na lang ang nasabi ko habang natatawa, "Never ever do that-that-kiss or apology kiss na 'yan sakin, pwede ba?!"

Tumayo na siya at nagpagpag ng pants, "Okay, depende na lang pag di ko mapigilan." Sabay kamot niya sa nose bridge niya na parang nahihiya.

"What!?"

"Tumayo ka na." Siya naman ang nag-stretch ng kamay kaya inabot ko. Pagkahila niya, medyo nagulat pa ako kasi malakas. Pero, mas makakagulat ay nung niyakap niya akong bigla at nagbump ako sa chest niya.

Humigpit yung yakap niya and suddenly, it gives me comfort. Feels... good.

"Pasensya na talaga." Bulong niya. "Nung isang gabi... nalaman ko ang lahat. Tanga ko 'noh? Di kita pinaniwalaan. Sorry."

"P-a-paano?" Utal na sabi ko.

"Siguro kung di pa ako sinuntok ng lalaking 'yon... baka di pa ako natauhan. Salamat sa kanya." He giggled, "Aaaahhh... miss na kita." He squeezed me more at parang maiipit ako sa mga braso niya!

Ano ba 'to! Bakit bigla siyang naging ganyan! Tinitindigan tuloy ako ng balahibo eh! Sinuntok ko siya sa tagiliran niya pero mahina lang naman. So, kailangan ko palang magthank you kay Andrew? He saved me... well in different manner. In disguise kumbaga.

"Baliw."

"Onga eh... muntik na akong mabaliw." Sinuntok ko ulit siya after niyang sabihin yun. Natawa lang kami pareho tapos bumitaw siya. *HBDTbyShupershimmer*

Hinawakan ko mukha niya. Wait, mali. Hinawakan ko yung sugat niya. Kayo ah!

"Pasaway ka kasi. Nagkasugat ka pa tuloy." Sabi ko lang tapos pagtingin ko sa kanya, binaba ko yung kamay ko. Kung makatingin naman kasi siya! Hello!?

Pauwi na rin kami pero nag-offer siya na ihatid ako at dahil kababati lang namin, pumayag na ako. Ano ba yan! Parang hug lang, napatawad ko agad! Di bale, sincere naman eh.

"Yung... origami." I paused, nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba.

"Ah, dapat kasi flower yun, ewan ko bakit naging heart shape. Bigla na lang yun ang lumabas." Sabay kamot niya sa batok. Napakunot ang noo ko sa sinabe niya, parang adik!

Naglalakad na kami ngayon papunta sa bahay. "Nga pala..." Sabi niya.

Lumingon naman ako sa kanya, "Mm?"

"Galit ba talaga sayo si Chezka para magawa 'yun? To the point na nagsinungaling siya?"

"Ewan ko. I have no idea." Sagot ko. Pero actually, meron. Dahil yun kay Kleinder.

Umabot na kami sa gate, pero parang ang rude naman kung pauuwiin ko siya agad kaya humarap ako at sinabing tambay muna sa bahay. Lumapad yung ngiti niya for no reason! Sabi sainyo eh, baliw siya. Nakita naman kami ni Tita Gene pero after that, hinila ko kamay niya.

Nung umabot kami sa tapat ng kwarto ko, hinila niya ang wrist niya at namumutla siya. If readers could only see how pale he is!

"Bakit?!" I asked.

"Teka! B-bakit dyan tayo? Kala ko ba-"

"Feeling mo naman re-rapin kita!? Asa." Di parin nagbabago ang expression niya until buksan ko yung pinto. Nilapag ko lang yung bag ko tapos binuksan ko yung window doon.

Nagulat pa nga siya nang lumabas ako sa bintana na yun eh. *HBDTbyShupershimmer* Well, may roof kasi sa labas nito. Bubong siya mula sa first floor, so, pwede kaming umupo doon sa roof na yun.

"Huy, safe ba dyan?" tanong niya mula sa loob.

"Oo!" Sabi ko. Umupo ako sa roof na 'yun tapos umupo siya sa tabi ko. Nakatanaw lang kami sa mga dumadaan. Minsan sa langit.. minsan, wala lang. Lutang!

Pinakwento niya ako sa mga ginawa sa Japan nung time na wala ako. Seriously daw, nagtampo siya nun kasi wala akong pasabi. Tapos, nabigla ako nang nilapag niya yung knapsack niya sa lap ko at humiga doon. Di man lang nga nagpaalam eh!

"Oy!" Tumingin ako sa paligid, "Baka mamaya may makakita sa'tin dito!" Sabi ko.

"Ayos lang. Gusto ko munang humiga, napagod ako sa cs kanina." He sighed, tapos tinakip niya yung right arm niya sa mata kaya hinayaan ko na muna kahit medyo mabigat! I really never thought na magkakaroon ako ng friend na guy tapos ganito kami ka-close.

Well, matiyaga lang siguro si KJ sa akin.

"Wag kang malikot KJ, baka nakakalimutan mo, nasa bubong lang tayo." I poked his arm, "You might fall." *HBDTbyShupershimmer*

"Stupid. I'm already falling..." He answered. Okay. Will you tell me what did he mean by that???

Nakita ko pa yung lips niya na nag-smile. Teka, bakit sa lips ako nakatingin!? Tsaka, di pa naman siya malalaglag! Ayos nga yung higa niya eh.

"Ha?"

"Wag kang mag-alala, I will make sure na mahihila kita para pareho tayong mahuhulog...

...sa isa't isa."

And by that, he received a super duper punch at tinawanan niya lang ako! Oh my God. Kleinder is such a--wait, bakit ang init!?!

HBDT// Kabanata 27

KLEINDER's POV

"Stupid. I'm already falling..." Seriously, di ko ineexpect na y an ang isasagot ko sa kanya! Oh c'mon Kleinder! I did smile, pero buti at nakatakip yung braso ko sa mukha ko.

Atleast, di masyadong halata. Nalintikan na.

"Ha?"

"Wag kang mag-alala, I will make sure na mahihila kita para pareho tayong mahuhulog... sa isa't isa."

SOMEBODY! WILL YOU PLEASE STOP ME!

So, ayun. Nakatanggap ako ng tumataginting na suntok! Wow. Medyo masakit din yun ah. Talo ako kasi nakahiga lang ako kaya di ako nakapag-shield agad. Daya! *HBDTbyShupershimmer*

"Wag ka nga. Impakto ka!" Yun lang yung narinig kong sinabi niya. Kaya nanahimik na muna ako. Kahiya naman yung pinagagagawa ko. Badtrip.

After a while, inalis ko yung braso ko, so nakita ko na yung mukha niya. She wasn't looking at me kasi nakatulala siya. Nag-snap ako sa harap niya habang nakahiga.

"Oh?" Napatingin siya sakin.

"Nung time na nasa ospital ka nun, bakit magkasama kayo ni Nylan?" Natanong ko bigla kasi naalala ko lang. Kita ko na natawa siya nang konti. Hala! Baka kung ano isipin niya.

"Well, di ako curious... nagtataka lang." I added. Narinig ko pa siyang bumulong ng 'stupid. Anong pinagkaiba nun?'

Until, she answered, "Coincident lang. Di naman kami magkasamang pumunta pero pagbaba ko, nandun na siya. Niyaya niya na naman ako gumala eh..."

"Anong ginawa ninyo?" She gave me a 'why-asking-it' look, "Di ako curious. Nagtatanong lang." Inulit ko! Wahaha! Iniwas ko yung tingin ko habang hinihintay ko ang sagot.

"Wala, nasa byahe palang kami, nagtatalo na kaming dalawa. I said, wala ako sa mood so ang outcome, bumaba ako ng kotse at nag-arcade na lang mag-isa."

*HBDTbyShupershimmer*

"Eh bakit napadpad ka sa place namin that night?" Imposibleng coincident din yun! Maybe she has a reason.

"Hmmm," Humawak pa siya sa ulo niya at nagkamot, "I was actually about to say yung totoong nangyari. But then, di ko alam na naunahan na pala ako ni Andrew. Buti at napigilan ko siya sa gagawin niya sana sayo. Di ko inaasahang maiisip niya yung bagay na yun. Well, he was drunk anyway."

Tinignan ko siya nang masama. Eh kasi parang pinagtatanggol niya pa yun! Buti nga at di ko pinablotter eh.

"Hoy, pinagtatanggol mo pa yun!?" Natawa siya. "Muntik na nga akong masaksak nang di oras e! Dahil lang sa accuse niya."

"Hindi ko siya sini-save okay!? Sa akin lang eh mabait kasi siya. Easy to be with tapos... hmm... cute pa, diba? Kaso, gangster talaga eh." She smiled. Nak ng! Ano daw? Cute? Psh. My butt!

Inismiran ko siya kaya nagtaka naman siya, "Palagi kayong nagkikita nun?" I asked. What a question, jerk! Psh.

"Hindi naman. Pero nakilala ko siya nung birthday niya. Doon ko rin nalamang mag-gf sila ni Franchezka, he's also Nylan's friend." She sighed, "Too bad. He was played."

"What do you mean?"

"Totoo kasi yung nasabi niya sayo'ng, naagawan siya ng gf, but the wrong was, ikaw ang nasisi niya. May iba pa kasing dini-date si Franchezka nun, I just forgot the name. Ayoko lang sabihin sa kanya, kasi baka magalit. Ayun, nagalit nga nang malaman yun by himself."

Yun pala yun. Napaisip naman ako, I can't believe that Franchezka is gonna be like that. Anyway, people change. *HBDTbyShupershimmer*

"Badtrip, ang dami palang nakapaligid sayong... lalaki." Hininaan ko yung last word. Pucha.

"Hindi naman! Mga tropa ko lang sila. Ano ka ba? Hahaha!" Natawa na rin ako kasi ang baduy pala nung nasabe ko. Kleinder is being... mushy. I can't even imagine myself here.

Tumayo na ako sa pagkakahiga sa lap niya.

"Speaking of boys, how many boyfriend did you have?" I asked pero mukhang willing naman siya sumagot.

"Ewan ko."

"Anong ewan mo!?" What the!

"Binibilang ba yun?" Nag-isip pa siya, "10? 12? Mga ganun..." O_O

"What!? Ganun karami?"

"Eh kasi... 90% lang sakanila eh, just for 'fun'" Naglagay pa siya ng quote sa hand gesture niya.

Nabigla naman ako. FUN? Since what age siya nagsimulang mag-fun? "Fun? Seriously? Anong age ka nag-boyfriend?" *HBDTbyShupershimmer*

"13." Woah! "Wala namang nagtagal sakin. Lahat kasi sila inaaway ni Nylan dati, binubugbog, bully, threat, kaya bini-break ko na. Di ko naman kaya na makonsensya noh. Tsaka kaya naman ako nagbbf noon is because para magtigil si Nylan."

So, ang tiyaga pala ni Nylan sa kanya? Grabe ah. Sinasamba ko na siya! De joke, hindi pa rin! We're enemies here. I guess?

"Ilang weeks ang pinakamabilis na relationship mo?" Natanong ko naman since sinabe niyang 'walang nagtagal'.

"2 days." WTF. Napanganga na lang talaga ako dun! Tapos natawa siya.

"Playgirl ka ba?" Lumabas bigla sa bibig ko habang nakatanaw sa malayo. Napatingin pa siya sakin bago sumagot.

"Ako? Oo, rebelde pa kasi ako dati. Sama ko noh? Pero isa lang naman ang umiyak sakin. Yung iba kasi, parang nakikilaro lang din sa akin. So, hindi naman ako matatawag na heartbreaker, right?"

Well, she has a point. Dati pa naman 'yun Kleinder, forget it. Pero, natigilan ako sa sinabi niya.

"May umiyak sayo? Sino?"

"Yung latest ex ko. Yung naging boyfriend ko sa pinanggalingan ko na school. Fil-Jap din siya tulad ko pero unlike you... hindi siya famous. Quiet siya at minimal lang magsalita. I thought he was boring but he was nice back then."

Habang nagsasalita siya, parang nirereminisce niya talaga yung ex niya na yun. Nabigla lang ako kung bakit... na-compare sakin? Was that a compliment or what? *HBDTbyShupershimmer*

"I-ilang weeks?" Ang awkward bigla.

"2 months." Wow. Infairness, medyo may nagtagal. Baka naman nagseryoso si Shane sa kanya noon. He was lucky. Though, nag-break sila.

"Bakit naman natapos kayo?" I giggled shortly, "Si Nylan ba ulit?"

Ngumiti lang siya so it means, 'yes'. Si Nylan nga ang may kinalaman. Grabe naman talaga yung lalaking yun! Mas possessive pa yata siya sa babae eh. No wonder, irita si Shane sa kanya.

Sumagot na ako, "Well atleast, it lasted for 2 months. So..." nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba. "First kiss mo yun?"

Umiling siya at natatawang tumingin sakin. Nag-init tuloy mukha ko! Nak ng!

"Hahaha! Didn't I tell you? You were the first! Unprepared nga lang that time, but still, considered parin siyang kiss, cause our lips met."

She said without hesitations. Ako naman tuloy ang naiilang! Pinaalala niya pa kasi. Pero nagtaka lang ako, 2 months sila pero walang ganun? Weird.

"You mean, he didn't... kiss you? Why?"

She pouted while thinking, "Tahimik nga kasi siya. Pero straightforward. Sabi niya, 'Hikari, I really like you. Whether you like it or not, I will court you.'" Natawa siya nang konti, "Actually, sinabi niya yun in front of our class."

"Ows?" Bilib din ako sa ex niya ah. MATAPANG! MATAPANG!

"Oo. Pero di naman nila na-gets kasi in Japanese language niya sinabi so kaming dalawa lang nagkaintindihan. Syempre, for me, that was pathetically sweet. Pero hanggang holding hands lang kami. Hindi sya sweet pero okay lang naman. Thoughtful eh."

After niyang magkwento nun, napatingin siya sa mukha ko at parang gulat siya, "Oh? Bakit magkasalubong ang kilay mo?!"

Napaubo ako at napahawak ako sa kilay ko. Putek! Nagsasalubong pala ang mga 'to nang di ko namamalayan! May utak sila?

"He was... lucky." I mumbled habang nakatingin sa shoes ko. "If ever he'll come back to you, okay lang sayo?"

"Nah..." Umiling pa siya, "I heard na nasa US na siya. Tsaka ex na noh."

"Good." She gave me a 'what-do-you-mean-look', kaya dinugtungan ko ang sinabi ko, "Ah, I mean... good for him." I chuckled fakely.

That was a close one. Stupid ko talaga! *HBDTbyShupershimmer*

"Remember the time na unang nag-meet tayo tapos nahimatay ako? Yung muntik mo pa akong hubaran nun?" Mag-rereact sana ako pero nagsalita agad siya, "I know nakita mo akong umiyak nun. That night kasi, he came to see me just to say pupunta siyang US."

Hindi na ako nakapagsalita nun. I guess, she was serious back then. Kaya pala siya ganoon nung time na nakita ko siya. Medyo may kumirot. Medyo lang naman!

"Ikaw? Nagka-gf ka na?" Siya naman nagtanong sakin, kaya umiling ako. "Seriously!?" sabi niya pa.

"Oo. Hanggang crush lang naman ako before but more than that... wala. Hindi ko kasi iniisip ang babae before. Sa katunayan nga, naiirita pa ako pag may nagpapapicture sakin. Di ako sanay e."

"Sa itsura mong 'yan? NGSB ka? I can't believe it." Sabi niya nang nailing pa.

"Gusto ko kasi, if I court someone, I will make sure that I'm serious. Otherwise, hanggang crush lang talaga."

Tumango-tango naman siya tapos bigla ba naman sinabing, "Eh ngayon, may nagugustuhan ka?" Walangya! Ilabas ninyo ako dito bilis!

"Uy! Nagmomoment kayo diyan ah." Nawala ang moment nang dumungaw yung kapatid niyang naka-uniform pa. Galing yata ng school pero iba ang palda niya.

Bigla namang nawala yung good aura ni Shane kaya tumayo na ako, "Sige, una na ako. Pagabi na rin eh." Tumayo na rin siya tapos dumaan kami sa bintana na nilabasan namin. Naiwan siya sa room niya at ako eh bumaba na.

Nagpaalam naman na ako sa step mother niya na busy sa kusina so lumabas na ako. After that conversation... I realized something.

This is not just a simple 'childish crush' or 'puppy love'. I can feel it is something that's real.

*HBDTbyShupershimmer* ***

HBDT// Kabanata 28

HIKARI'S POV

I guess, you have to congratulate me dahil hindi ako late sa school! Actually, ang aga ko nga yata kasi mga pito pa ang kaming magkaklase na narito sa room. Dahil wala akong ka-close sa kanila, I remained silent.

Dumami na nang dumami hanggang sa umingay yung room. Pero, may isang moment na nagingay talaga lahat. Biruin mo ba naman, sa labas palang ng room, maingay na. What the hell!

I wondered why, kaya nilingon ko yung bandang pinto.

"Hey guys!" Bungad niya.

Everyone's reaction was... 'omg! Kleinder's cool!'

Pero syempre, hindi ako kasama sa nagsabe nun. Tahimik lang akong nakatanaw sa kanya while

he's entering our class at nakahawak pa sya sa strap ng bag niya at naka-earphone. Yeah, cool. Coolamin na yan. Kidding aside!

Sino ba naman kasi ang di mabibigla sa bagong hairstyle niya!? Mukha na siyang tao, Lord! Dejoke, seriously, medyo naging spikey yung hair niya dahil sa wax na rin siguro and it's great! Naka-open pa yung unang button ng polo niya.

Sorry, napadaan lang talaga mata ko sa part na 'yon. Di ko sadya.

Iniba ko na yung tingin ko dahil paupo na siya sa tabi ko. Tss. Sa pagkakaalam ko, iba na ang seating arrangement namin sa unang subject, ah? *HBDTbyShupershimmer*

"Yow." Ang gandang bati niya naman.

"Yiw." Sabi ko then he chuckled. Ba, iba na naman ang perfume niya. Sponsor niya yata ang Aficionado eh! O baka naman Black water?

"What's with your new... look? Broken hearted ka ba? Usually, mga ganung tao ang gumagawa niyan." Inismiran nya lang naman ako sa sinabi ko.

"Ganun?" He pouted while looking at the board, "Kailangan ko pa bang hintaying mabroken heart bago magpa-haircut? 'Yun na ba batas ngayon?" Tinapat niya pa yung palad niya sa puso niya. BALIW.

"Whatever."

Nakinig na lang ulit siya ng music sa tenga niya at naupo sa tabi ko. Ako naman eh nagva-vandal sa table ko, walang magawa eh! Medyo nabother lang ako sa mga estudyanteng nakadungaw sa may glass window ng room namin.

They're all looking at this guy next to me! Oh my freakin' dog!

Grabe oh, gusto ninyong tissue? Punas laway din pag may time? Tsss. Ito namang katabi ko, patay malisya. As if he doesn't see them. Actually, kumakanta pa nga siya e! Ano nga yung kinakanta niya? Mahina lang eh pero paulit-ulit yung part na...

'If I was your boyfriend, I'd never let you go.' Nilalakasan niya pa! Adik. Nananadya ba?

Our class went good naman except sa surprise quiz sa Economics and that was hell! Wala akong nasagot nang maayos dahil lagi akong late sa morning classes ko. Yare. So far, medyo ayos na kami ni Kleinder dahil tinotoyo na naman ang lolo ninyo! Lagyan daw ba ng patis ang spaghetti ko! Kung di ba naman abnuy.

Di kumpleto araw nang di ako naaasar nito e! *HBDTbyShupershimmer*

Patapos na ang P.E namin at papunta na ako sa locker para kunin yung gamit ko. Wala nang masyadong tao dahil nauna na sila. Sobrang tahimik ng area na 'yon at nang isasara ko na yung locker ko, biglang may nag-push nang mahina sa likod ko at sumigaw.

"T@NG!N@!!!" Sa gulat ko bigla, eh nasuntok ko siya sa mukha.

"AAAAAAAHHHRAAAAY!!!" Pag-inda niya habang nakahawak sa mukha. Grabe naman kasi manggulat! Wrong timing! Tae.

"Ano ba kasi ginagawa mo, KJ!? Bakit ka kasi nanggugulat! Di kaya nakakatuwa!" Sabi ko naman habang hinahawakan ko yung mukha niya. Nakapikit pa nga siya eh, ganun ba kasakit?

Medyo hirap pa siyang magsalita, "D-di kita ginulat n-noh! G-grabe Sha-neh! Ang sakit, tae!"

I cupped his face tapos hinawakan ko yung part na na-punch ko. Sayang new look nito! Nawasak agad. Sya naman kasi e! Nung magkatapat na yung mukha namin, tsaka naman siya dumilat nang dahan-dahan.

"Masakit pa ba? Sensya, kasalanan mo eh." Ano ba yung sinabi ko? Labo. Huminging sorry pero 'kasalanan mo?

Tumitig muna siya for awhile at habang nakahawak ako sa mukha niya, pakiramdam ko, umakyat yung dugo sa cheeks ko. Ewan ko kung bakit sa cheeks!

Then, bigla niya akong tinulak palayo! Aray ah. Gumaganti ba siya!?

"Ano ka ba..." he laughed awkwardly, "Kung maka-react ka naman dyan. Parang suntok lang ng babae eh. Tss."

Tapos napahawak siya sa right jaw niya at nirerelax iyon. Wow ah! 'parang suntok lang daw'. Yabang nito! Dagdagan ko pa 'yan eh! *HBDTbyShupershimmer*

Hinintay niya akong i-lock yung locker ko at sabay na kaming naglakad palabas ng school. Dahil wala akong sundo ngayon, he even offered na maghatid pero tumanggi ako. Di na ako baby 'noh. Nag-bye lang siya bago ako sumakay noon tapos nagtext pa sakin ng 'take care. God bless!'.

How sweet.

Well, sweet in a different manner! Dati kasi magtetext yan pag pauwi na ako at sasabihing 'Wag kang mag-1-2-3 sa bus ah!' or 'wag ka mag-ingat, ok.' Badtrip.

Kinabukasan, maaga na naman ang gising ko. Eh paano ba naman, inunahan pa ni KJ yung alarm ko sa kwarto! Tumawag ba naman ng 6 o'clock para lang sabihing: "Pumasok ka nang maaga." How great!

Tapos nun, bigla niyang binaba. Medyo weird nga lang kasi hindi cheerful ang voice niya dun. More like serious at parang may gusto siyang sabihin. Bakit naman kasi binaba agad! Nataranta ako nang kaunti kaya nag-shower na ako at nagbihis.

*HBDTbyShupershimmer*

Pagpasok ko sa school, normal lang naman. Pero, kakaiba na ang aura pagdating ko sa building ng 4th year. Kung bakit kasi sa taas pa ang room! 'Yan tuloy, ang dami kong nadaanang nagbubulungan.

Are they talking about me? Why?

Pagdating ko sa mismong corridor namin, may dumaang dalawang babae pero di ko sila classmate. Yung isa eh binunggo pa ako sa balikat. Ano 'to!? Bullying Day?

Feeling ko bumalik ako sa elementary days ko.

Napahinto lang ako sa paglalakad ko 'nun tsaka lumingon sa babaeng bumunggo. She did it on purpose! Paglingon ko, lahat ng nasa likod ko, nagsitigil sa pag-uusap. Nakaharap naman sakin yung babae at nag-smirk lang.

Sipain ko nguso nito nang matuluyan eh!

Palapit na ako sa room nang biglang lumabas sina Rex at Czarina. They were in panic at pumunta sa pwesto ko.

"Problema nyo?" I asked na medyo iritable dahil sa nangbunggo kanina, "Ano ba nangyayari sa school at parang may maitim na balak sakin?" Nagtinginan muna sila bago sumagot. Hay!

"Patay kang bakla ka teh!" Rex shouted.

Hinila ako ni Czarina paloob ng room tapos nag-uusap-usap rin ang mga classmate namin pagdating ko. Pinaupo nila ako sa pwesto ko at kinuha niya yung cellphone niya sa bulsa at may ginawa roon. Natataranta pa nga siya eh.

"Explain nyo nga sakin! Why are you acting this way?" Nagtatakang tanong ko. Si Kleinder, wala. Langya yun. Pinapasok ako nang maaga tapos siya pala 'tong malelate! Buset.

"Hikari, tignan mo 'to!"

Tinapat ni Czarina sa mukha ko yung cellphone niya at naka-access yun sa facebook. Well, to be specific, pinakita niya ang isang closed group sa fb na kinabibilangan ng halos lahat ng fourth

years sa school. Actually joined ako dun but I'm not active. And never akong nag-visit doon!

She scrolled it down tapos nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. *HBDTbyShupershimmer*

There's a picture of me or should I say, us? Ito yung itsura naming kahapon bago umuwi. Yung time na nasuntok ko si KJ. Basta, parang ang kuha ng camera eh sa likuran ko banda pero malayo nang konti. Tapos kita na nakahawak ako sa mukha ni KJ. If someone would see this, iisipin mong...

Nagkikiss kami. Though, we were not!

Inagaw ko yung cellphone at tinignan ko ang pangalan ng nag-post. It's a guy but I don't know him. Tapos, ang mga member ng group na 'yun nagsipag-comment! Silly, disgusting and nakakabadtrip na comments lang ang nabasa ko kaya nag-init ang ulo ko!

Tangina. Kung makakuha naman kasi ng picture, tatanga-tanga! Ngayon, we're in a double trouble!

Napatayo ako at nagtinginan silang lahat, "Si Kleinder?" I asked Rex tapos sa di kalayuan ay nakita ko ang bag niya na nakapatong. So, narito na pala siya kanina?

"A-actually, nasa section 4 siya ngayon... kasi yung nag-post taga-doon, pero--"

Di ko na pinatapos si Czarina at dali-dali akong lumabas ng kwarto. Nagtinginan sakin yung ibang estudyante pero wala akong pakielam. If only looks could kill, lahat ng 'to, napatay ko na!

*HBDTbyShupershimmer* Pumasok ako sa room ng section na 'yon and there, I saw KJ and he pushed the other guy. I guess, it was him na nagpost 'nun. Di naman naka-react yung isa at ang klase eh inaawat siya.

"Ano bang problema mo, ha? Kulang ka ba sa pansin kaya nagpapapansin ka?!" KJ bluntly spoke. Ngayon ko lang siya nakitang ganito, so far.

"Bakit? Takot kang malaman na ginagawa mong making-out-school ang campus?" Tumawa yung lalaki pati yung iba.

Making-out-school!? Aba, ayus-ayusin niya pananalita niya ah.

Siguro, nagalit na rin si KJ kaya siya ang unang susuntok sana. Pero, bago pa dumapo yung kamao niya sa mukha nung damuhong 'yun, hinawakan siya sa magkabilang braso ng dalawang lalaki sabay sinuntok ng isa.

Ano 'to!? Silang dalawa nag-aaway pero ang daming nakikisawsaw! Tumakbo na ako sa may white board at binato yung lalaki ng malaking eraser. Jackpot! Sa mukha! They all looked at me kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Isang maling galaw lang ng mga daliri mo, sisiguraduhin kong malalagot 'yang mga buto mo." Banta ko sa kanya. Napalunok naman siya kaya binitawan na nila si KJ.

Tsaka na ako lumapit para makialam. "Ikaw ba 'yung nagkalat ng picture na 'yon?" Umurong siya nang kaunti. So, tama ako. Siya nga.

Lalapit pa sana ako pero pinigilan ako ni KJ sabay bulong, "Nasa room nila tayo, baka makasama pa kung makikipagtalo tayo."

I didn't listen to him, "Sumagot ka! Tinatanong kita!"

He grinned. Aba! Nakuha pang gumanyan ah. Baka pag nasuntok ko 'to, hindi siya maka-grin. Tignan ko lang. Buset talaga! Mukhang daga ngipin. Argh. *HBDTbyShupershimmer*

Sa inis ko, hinablot ko yung kwelyo niya na ikinagulat nila. Humawak lang 'yung lalaki sa kamay ko na nakakapit sa polo niya. I glared as if I really want to kill him. Dahil kung trip lang yung pagpost niya na 'yun, well, hindi siya katrip-trip!

"Lam ko na... gusto mo pala ng trip ah? 'Pag di mo binura 'yon, sisiguraduhin kong hinding-hindi mo malilimutan ang magagawa kong pagti-trip sa'yo. Gets?" I said with sarcasm.

Tsaka ko siya binitawan. Hay, sayang oras at energy ko rito. Walang kwenta! Natahimik na lang siya tapos parang gusto niya akong tirisin. Duwag amputek!

But, nagkamali pa yata ako kasi nabigla ako nang umakto yung lalaki na susuntukin niya na ako. Di ako nakailag agad pero luckily... I wasn't hurt. Sinapo kasi ni KJ yung braso ng kumag na 'yun at super higpit ng kapit niya na parang sasabog yung ugat sa kamay niya.

Napatingin ako kay KJ at kita ko ang galit na mata niya sa lalaki at nag-gi-grit pa ang mga ngipin niya.

"Subukan mo lang na idampi ang mga daliri mo sa mukha niya..." Bigla niyang binitawan nang malakas ang kamay nung isa at sinabing, "...baka 'di na kita matantsa."

Next thing I knew, naramdaman ko na lang na hinila ako ni KJ palabas.

Pero, huminto siya sa may bandang pinto ng room kaya nag-bump pa ako sa likod niya. Nakita ko rin na medyo nag-tilt yung ulo niya pero hindi ko kita ang buong mukha niya. Parang side lang.

"Nga pala." He said, I guess yung lalaki ang kinakausap niya, "Next time na kukuha ka ng picture, galingan mo naman. Medyo blur, pare. Sayang, di kita 'yung ginagawa namin." Tapos, nag-smirk siya. Wow.

Then, lumabas na kami. Hiyang-hiya nga ako kasi kita nila kaming lahat sa corridor. Pero later on, tinaas ko na ulo ko. Bakit ako mahihiya? Si Kleinder Jake L. Ramirez 'to. Jackpot din pag nagkataon.

Isa lang ang masasabi ko sa ginawa niya... maangas! *HBDTbyShupershimmer*

Pagdating namin sa loob ng room, kinaladkad niya na ako. Tapos pinaupo sa chair at nakatayo siyang nakatingin sa akin na parang galit na galit. Oh? Anong ginawa ko?

"Ano'ng ginawa mo? Bakit ka sumunod!?" He asked.

"Bakit!? Bawal na ba? Lalabas ako whenever I want. Tsaka, kung di ako dumating, baka napagtulungan ka na 'noh! Lakas din ng loob mong sumugod eh mag-isa ka lang naman." Napatsk pa ako sa side, "Saka, nahigh blood lang ako sa nakita kong picture. Bwiset talaga. Kung wala lang tayo sa school, baka ano na nagawa ko sa bubwit na 'yun."

Huminga siya nang malalim. Tapos, napansin kong nagtinginan na pala ang mga classmate namin. Pagtingin naming pareho ni KJ nang masama sa kanilang lahat, nagsi-iwas! Lintek.

Narinig namin ang pag-bell hudyat ng first subject. Umayos na ako ng upo tapos naramdaman kong umupo si KJ sa tabi ko. Ayos ah. Kanina inaaway ako tapos ngayon, tatabi-tabi. Ewan! Mga lalaki talaga! Minsan parang minemenopause!

Nagtaray na naman ako syempre, "Bakit uupo ka rito? Dito ka ba? Dun ka na. Baka sabihin, kung ano'ng milagro na namang---"

"Sorry, for that." Napatingin ako. He said it seriously habang nakaharap sa board. "Well, kasalanan mo rin 'yun kahapon. If you didn't touch my face at kung di ka ganun kalapit sa mukha ko, hindi tayo makukuhanan nang ganun ka-awkward. If I know, tsansing ka lang."

"Yeah, my fault!" Sarcastically, I said, "Tsaka reflex na sakin ang paghawak sayo kahapon dahil nasuntok kita tapos-WHAAAT!?" Naalala ko yung huling sinabi niya.

"Ako? Nananantsing sa'yo?!" Nagulat naman yung mga nakarinig pero nagpatay-malisya na lang. Si KJ, napangisi sa eksena. Ugh! Grabe, ang kapal ng mukha. Pwede na siyang gawing santo, swear!

*HBDTbyShupershimmer*

SAINT KLEINDER. SANTO NG KAYABANGAN.

"Bakit? Hindi ba? Everyone's thinking that we were kissing in that pic, weren't we?"

"Freaking no! KJ, tumigil ka nga!"

Nakita ko namang alalang-alala ang mukha nina Gab, Czarina at Rex na nasa di kalayuan at nakaupo. Akala yata nila nagpapatayan na kaming dalawa rito. Wait lang! Malapit na!

"Ano kayang feeling kung totoong nag..." humarap siya sakin tapos nag-smile. Oh God, tapos bigla siyang ngumuso na parang hahalik! Naknamputa.

Alam ko na naiisip niya. Ano raw ang feeling kung totoong nag-kiss... kami?

Di ako nakasagot agad sa pahiwatig niya. Biglang lumutang yung kokote ko at na-blangko! Narinig ko pang sinabi ni KJ na 'you're blushing, stupid'. I just returned to my senses nang pumasok na ang teacher namin.

Ano nga kaya ang feeling?

Eh diba nagawa ko na sa kanya 'yun dati? Kaso, by accident. Or should I say, out of need lang talaga. Syempre, iba parin ang tinatawag na 'natural' o kaya 'passionate'.

Bigla akong kinilabutan! Ano ba yan Hikari! Mga naiisip mo! *HBDTbyShupershimmer*

HBDT// Kabanata 29

Yesterday was a bit of hell dahil maraming so-called-fans-of-Kleinder ang nagtatrash talk sa account ko. The were like 'ang kapal ng mukha mo to kiss our kleinder!'. Ewww. Napaka-oa talaga nila! Syempre, di ko pinatulan.

Minura ko na lang sa chat. Trip ko lang, pero nag-out na ako agad that night. Pero, bago ako maglog out n'on, nakita ko pang nag-status si KJ.

*Guys, stop bugging her, will you? *

Hmm, 3 seconds ago? 28 likes? 12 comments? That fast? Wow, iba na talaga siya. Sino yung 'her'? Ako ba? Ako ba? Wow, buti naman alam niya ang nararamdaman ko ngayong halos lamunin ako ng mga immature fans niya!

Back to the present. Wala kaming third subject kaya naglagalag kaming magkakaklase. Nakatambay lang kami sa garden at nakaupo kaming apat sa isang wooden chair na malapad.

"Wait, cr lang ako." Tumango lang sina Rex at Gab. Si Czarina, nagsmile lang tapos si KJ, nagsalita pa.

"Gusto mong kasama?" Ngumisi pa siya tapos natawa naman sila.

"Lul mo." Inirapan ko siya tsaka ako tumayo.

Pagkatapos ko mag-cr, nilakad ko yung kahabaan ng corridor tapos hanggang sa tinakbo ko na. Nagulat ako nang may parang tumisod sa paa ko kaya nasudsod yung tuhod ko sa semento.

"Shit!" Sabi ko habang nakaluhod.

Nilingon ko yung paligid. Nakita kong nagtatawanan yung mga babae pati sa kabilang side. May

tali na nakaharang sa daanan ko kaya natisod ako! Walangya! Isa sa pinakamalakas tumawa eh yung babae na bumunggo sakin kahapon! Tumayo ako at sinamaan ko sila ng tingin. Nakaramdam ako ng hapdi sa tuhod ko, parang nasugatan pa yata! Bwiset talaga. *HBDTbyShupershimmer*

I was about to snob them at umalis nang binato nila ako ng kung ano pagtalikod ko. Aba! Sobra na ah. Baka di na ako makapagtimpi sa bakekang na 'to!!!

Bumilog na talaga yung kamay ko sa galit.

"Yan ang napapala ng mga lintang dikit ng dikit kay Kleinder. Napakalandi mo!" Sabi nung maliit na babae. Sa sobrang liit niya, hinanap ko pa kung nasaan siya!

Hinipan ko lang yung part ng bangs ko na nag-dangle sa mukha ko. "Yeah, I'mma bitch." Sabay grin.

"Tignan mo! Tignan mo! Proud pa siya sa ginawa niyang kalandian oh! Eeeew! Totoo siguro ang issue na may salot sa section 1. No wonder na ikaw 'yun!" Sabi pa nung mataba.

"Sabihin niyo, inggit lang kayo kasi..." Lumapit ako sa kanila habang nanlalaki ang mga mata ko. "Di kayo makalapit sa kanya gaya ng ginawa ko. Freaking hopeless jerks!"

Nagalit yata yung babaeng bumunggo sa akin kaya binuhos niya yung tubig na hawak niya. Nagulat yung mga nakakita. Shet talaga. Shet! Ayoko sa lahat yung pinapahiya ako e, Argh! Kung pwede lang manuntok dito, baka kanina ko pa nagawa!

So, I slapped her.

Kawawa kasi pag sinuntok. Baka masira make-up nya! Obviously, nagulat siya tapos sasampalin niya sana ako pero umiwas ako kaya di niya nagawa. Sarap naman nitong pagtawanan!

"Aba! Talagang--" Hindi niya natuloy yung sasabihin niya siguro kasi na-shock siya.

Bigla kasing may nagpunas ng panyo sa mukha ko na nabasa ng tubig. He even wiped my hair kaya natahimik silang lahat. Nalunok ata mga dila!

*HBDTbyShupershimmer*

"K-kleinder! Don't tell me pinagtatanggol mo yan! Sinisira niya ang reputation mo sa campus, alam mo ba!?" Di siya pinansin ni Kleinder. Ako naman, di makapagsalita.

I'm grateful... that he came. I actually, need him now.

Nagdakdak ulit yung babae, "Tsaka, for sure, nilalandi ka lang niyan! Bad record siya sa section ninyo at napaka-immoral niyang babae at flirt tapos--"

Itikom mo nga yang bibig mo." Kalmado pero rude na pagkakasabi ni KJ, "I really don't like the way it smells." dagdag niya.

"Pfffffffft!" Pinigilan ko yung tawa ko. I love it!

Halos sumabog naman sa inis 'yung babae tapos natakot sa huling sinabi ni KJ, "I'm the peace

officer of our School Council kaya ginagawa ko lang ang tungkulin ko. If you don't like to have a bad record sa school, mas okay siguro kung tantanan ninyo ang babaeng 'to at maglaho kayo sa paningin ko."

Nagsitakbuhan yung iba, lalo na yung mga bata pa. Umirap pa 'yung babaeng bumuhos ng tubig bago siya umalis.

"Hahahaha! Kita mo 'yun!? Poor morons! Hahahaha!" Sabi ko. Pero, nawala ang tawa ko ng makita ko ang mukha ni KJ, di kasi siya nakatawa.

Bigla na siyang umalis sa gilid ko at naglakad pabalik sa garden.

"Hoy! Problema mo?--Ouch!" Napatingin ako sa tuhod ko. It was slighty bleeding pero mahapdi. Bwiset na mga babae 'yun oh!

Napakunot ang noo niya nang makita yung sugat ko, "May sugat ka?"

"Wala lang 'to." sabi ko tapos nilampasan ko siya. Eto namang kumag na 'to, pinigilan ako at hinila papuntang clinic. Ang OA! Parang sugat lang eh.

Well, nilagyan lang ng band-aid ang sugat ko after lagyan ng kung anong liquid na kulay brown. Whatever! Hinintay lang namin matapos ang last period sa afternoon class. Niyaya nila akong sumama sa gala nila sa mall dahil maaga naman daw ang uwian. *HBDTbyShupershimmer*

5 na yata sila nagkayayaang mag-uwian. Si Gab, hinatid si Czarina, si Rex, bumiyahe mag-isa. Si Kleinder, sa tingin ninyo... nasaan?

Narito kami, nag-aabang ng sasakyan! Bigla ba naman siyang pumara ng taxi! Sosyal.

"Hoy, saan tayo?" I asked him.

Hinila nya yung braso ko tapos tinulak paloob ng taxi, "Kleinder!"

Mayroon siyang binanggit na lugar sa driver pero hindi ko alam. Nagtalo pa talaga kami sa loob dahil tinatawanan niya lang ako everytime I ask him kung saan 'to papunta. He keeps saying 'secret'. Ugh. This guy! Bakit ko ba siya natitiis?!

Habang nasa byahe naman, di na natigil ang phone ko sa kaka-ring dahil tumatawag si Nylan. Nung una, sinagot ko ang tawag. Nalaman niya kasing half-day kami at gusto niya akong makita pero sabi ko, nasa bahay ako nila Czarina... kahit hindi naman.

Ba, gusto daw niyang pumunta sa bahay nila Czarina! Lakas talaga ng topak eh! Nung nakailang tawag na, sasagutin ko sana ulit pero inagaw ni KJ tapos inalis ang battery ng phone ko.

"Problem solved." Sabi niya at binato sa akin yung phone. Bakit di ko naisip 'yun? "From now on, you're not allowed to entertain boys, especially when you're with me." He pointed himself.

"Huh?" Napataas kilay ako dun ah!

"Secondly, magpaalam ka sakin pag magkikita kayo nung Andrew." Sabi niya habang nakataas pa ang index finger niya. Hindi ko gets! Is he serious? *HBDTbyShupershimmer*

"Teka! Bakit magpapaalam? Bakit nadamay si Andrew?" Gulong-gulo naman ako dito!

"I don't trust him."

"Baka naman, you don't trust me?" Sabi ko tapos tumingin siya sakin at tumango. WTH!

I was about to ask him kung bakit may mga rules siyang binabanggit pero bumaba na kami sa tapat ng 7 eleven. Dun siya pumara eh! Halos 15 minutes lang naman ang byahe, tinaxi pa talaga! Ang arte.

"Ano'ng gagawin natin sa 7 eleven?" Tanong ko paglabas ng sasakyan.

"Baka mag-aaral? Ano nga ba?" Amp. Ayusin niya nga 'yung sarcasm niya! Kairita.

Nauna siyang pumasok ng store tapos sumunod lang ako. Dumiretso siya sa may siopao at kumuha ng dalawa. Then, kumuha rin siya ng dalawang rootbeer soft drinks. Ba, ano ba talaga ang pupuntahan namin?

Pagkabayad na pagkabayad sa counter, lumabas siya. Ako 'tong parang buntot na sunod nang sunod! Di ko kasi alam 'to eh. Medyo madilim 'yung street na dinadaanan pero maliwanag naman... kahit paano.

"Aaaah! Shit!" Napasigaw ako nang may pusang tumalon sa harapan ko. Nakakagulat kasi!

Natawa si KJ, "Haha! Pusa lang eh." Napatingin siya sa braso niya. Hala! Bakit naman ako nakakapit bigla sa braso nito? Eh ang layo namin kanina e! Don't tell me dahil sa pusa!?

Nailang naman ako kaya dahan-dahan kong inalis iyon nang hindi nakatingin. Biglang... hinawakan niya ang kamay ko na 'yon at binalik sa pagkakahawak sa braso niya. Bakit niya ginawa 'yun?

*HBDTbyShupershimmer*

"Pagpraktisan mo na ang mga ganitong body attachments." Sabi niya habang naglalakad kami.

I looked at him, "Huh?" Lately, nabobobo ako sa pinagsasabe niya. Parang may malalim na meaning! Ewan.

"Wag ka nang choosy. Maraming babae ang nagkakandarapa, mahawakan lang ako. Tapos ikaw 'tong hinayaan ko na kumapit sakin pero nag-iinarte ka. Pisilin ko ilong mo eh." Yabang talaga! Nung tinignan ko siya, nag-smile pa siya. Ha!

If a smile could kill, swear, I'm dead now.

Naglakad kami nang ganun ang itsura. Nakakapit ako sa braso niya... tapos hawak niya yung plastic bag ng 7 eleven. Hey! I tried na alisin ang hawak sa kanya noh! Eh sabi niya, ililigaw niya raw ako pag di ko ibalik.

How sweet. Grr.

Nagkkwentuhan kami nang masalubong namin si Franchezka. Why is she here?

"Hey." Bati niya. Ngumiti lang si KJ tapos nilagpasan niya siya. Ewan ko, that was rude pero siguro

masama ang loob niya sa babaeng 'to. Dapat lang!

Nag-look back pa ako tapos kita kong nakayuko si Franchezka doon sa kinatatayuan niya tapos tinignan ko si KJ, "Snob?"

"Hindi naman." He smiled, "Gaya ng rule na sinabi ko sayo sa taxi kanina, you're not allowed to entertain somebody. Same as mine. I'm not allowed when I'm with you. Okay?"

"Ah-What!?" Napalakas yata ang sabi ko kaya napahinto siya. Then, naglakad ulit kami. Saan ba kami papunta!? "Ano ang sinabi mo? Alam mo, nakakaloko ka ah! Bakit may rule? Bakit bawal? Ano bang meron at-"

"I'm dating you, exclusively."

*GULP*

Tumingin siya sakin nang diretso, "Mamaya ka na kiligin, okay?" Sabi niya sabay pat sa ulo ko habang nakangiti siya.

"W-wag mo nga akong ni-niloloko! Hah, kilala kita noh!" Namumula na yata ako!

"Ikaw bahala. If it's a joke, then I'll take it seriously." Bumitaw na siya tapos huminto siya sa tapat ng gate ng isang maliit na bahay. Maliit in a sense na hindi siya mansion-like. Maganda siya pero pang-isahang tao lang yata. Para ngang rest house eh!

"Kaninong bahay 'to?" Tanong ko pagpasok namin sa loob. Nilapag niya lang sa may wooden table sa may garden yung pinamili niya.

"Sa'kin." Umalis siya at pumasok sa loob ng bahay.

Napanganga naman daw ako. Ano raw? Sa kanya!? Nababaliw na ba 'to? Habang hinihintay ko siya, umupo ako sa bermuda grass. Naramdaman ko na lang na umupo siya sa tabi ko dala yung pagkain. *HBDTbyShupershimmer*

"Akin na..." Bigla ba namang hinablot yung binti ko! Hello! Binti! Leg! May utak ba siya!?

Hinampas ko ang kamay niya, "Hoy! Binabalaan kita!"

Umupo siya nang maayos at hinila na naman ang binti ko, "Ang dumi rin ng utak mo eh, noh?" Tinignan niya yung band-aid sa tuhod ko tapos inalis niya. Ah, yun pala yun. Nagdikit siya ng panibagong band-aid! Hindi naman kasi sinasabi kung bakit eh!

"Sabi mo kanina... sayo 'to. Di nga?" Tumango naman siya. "Weh?" Tinignan niya ako nang masama, "Eh kasi... di kapani-paniwala."

Nagbukas siya ng rootbeer tapos inabot sa akin pati yung siopao, "Regalo sa akin ng lola Victoria ko after ng graduation ko nung elementary. Sadly, wala na siya." Sabi niya.

"Wow, ibang klase ka talaga! Napaka-spoiled. Lahat ng gusto mo, nakukuha mo. Samantalang ako, yung gusto ko, pahirapan pa!" I giggled.

"Di naman ako mahirap kunin eh. Gusto mo, sa'yo na 'ko." He winked! OMG. Tsaka niya kinain yung food niya. Ilabas ninyo ako rito! Please?

Hinampas ko nga sya! Kung makapagsalita naman kasi eh! Nakakakaba siya kapag ganyan ah. Bakit ang bilis ng heart beat? Nak ng tae. Wag kang mamula!

"Anyway, pasensya na. Dahil sa'kin, nagkakaganto ka. Buti nga naabutan kita dun eh, baka kung ano pa magawa nila sayo."

"Hindi noh. Sanay na ako sa mga ganyan." I laughed, "Na-experience ko na 'yan nang ilang beses. Malala pa nga kaysa sa kanina eh. Iniiyak ko na lang nung bata ako... Thanks for coming there."

Ngumiti na naman siya! *HBDTbyShupershimmer*

Umiwas ako ng tingin tapos pinagmasdan ko yung bahay. Wala siyang 2nd floor, pero ang ganda ng pagkakabuo. Sarap buhay naman nito! Parang wala masyadong gamit sa loob. Siguro bihira niya lang 'to puntahan.

"Alam mo, may kwentong bagay sa'yo." He said out of the blue.

"Ano?"

"Si aso at si pusa." Natawa naman ako sa sinabi niya! Ano ba 'yan.

"Ano 'yun!? Pang-kinder? Tigilan mo nga ako KJ, kabaliwan mo!" Natatawa rin siya sa sinabe niya.

He stopped, "Promise, bagay sayo."

"Sige nga, anong kwento?"

Nag-clear throat pa siya, "Once upon a time, may magkaibigang aso at pusa at ganito sila kaclose." Natatawa ako habang pinaglapit niya ang dalawang index finger niya. "Si aso ang pinakagwapong aso na nilikha ng Diyos pero si pusa, laging inaaway, binabato tapos wala siyang magawa kundi umiyak. Babae yung pusa ah!"

Nakinig naman ako sa kwento niya, mukhang seryoso siya eh.

"One time, nakita siya ni aso na umiiyak si pusa at puno ng sugat gawa nung mga umaway sa kanya. Tapos, lumapit si aso," umusog si KJ sa harap ko na parang lumapit siya. Siya ba yung aso sa story? Langya!

"'Wag ka ng umiyak,' sabi nung aso." Dinampi niya ang kamay niya sa may pisngi ko na kunyare ay nagpahid ng luha sa mukha ko. "Poprotektahan kita."

Ewan ko lang. Ang childish ng story pero ang content, parang hindi? Tsaka damang-dama ni Kj ang kwento. Pati ako nadadala! Lintek na aso't pusa 'yan.

"Alam mo ba ang ginawa ng aso?" Tanong niya sakin.

"I don't know?" *HBDTbyShupershimmer*

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko, "'Kahit na sabihan ka nila ng masasamang bagay, naniniwala parin ako sayo. Even the world turns its back, hindi kita iiwan.'" Tumawa siya sa kwento niya. Pati ako natawa. Aso, nag-english? Wow.

Sa kalagitnaan ng pagtawa ko sa pinagsasabi niya, bigla kong naramdaman yung yakap niya.

Natahimik tuloy ako, "I'm always here... for you, Shane." He whispered.

Teka, kasama pa ba 'yun sa story? Bumitaw siya tapos sinabing, "'Shane' talaga ang name ng pusa sa story. Nagkataon lang!" He chuckled.

Ako naman, di komportable after nun. Parang may biglang nagbago! Bukod sa ang bilis ng tibok ng puso ko, feeling ko napakasaya ko ngayon. Do I admire him?

"Great." I smiled.

"So you are." Bigla niyang sagot tapos nilapag yung rootbeer sa gilid katabi ng bag.

Tang ina! Bakit ngayon ka pa kinilig! Di ba pwedeng mamaya? Pag wala na siya sa harap mo!? Bakit kung kailan narito siya? Hikari Shane Oda! Mahiya ka naman kahit konti.

"Ang ganda ng key chain." Parang tanga lang nung sinabi ko yun. Nakita ko kasing nakasabit sa bag niya yung key chain na binigay ko galing sa Japan. Yung may Japanese characters na nakasulat.

Nawirduhan naman siya sa sinabi ko, "Ah, nevermind."

"Thanks nga pala sa souvenir. Kaso, nung una, di ko pa magets yung nakasulat diyan." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Ibig sabihin, alam niya na?!

"H-ha?"

"Happiness." Ngumiti siya, "Yun yung meaning 'diba? I was glad when I discovered it kasi binigay mo sakin."

Yumuko ako at nagkamot ng ulo. Nakakahiya talaga to. Paano niya nalaman!? Wala naman siguro siyang kamag-anak na hapon 'nuh? *HBDTbyShupershimmer*

"Oh." Inangat ko yung ulo ko nang may inabot siya. "Bnili ko para sayo."

"Ano 'to?" Kinuha ko naman yung key chain na inabot niya. Kapareho ng binili ko sa Japan pero... iba ang nakaukit na Japanese characters.

'Love'

Lumakas lalo yung tibok ng puso ko for no reason. Ano ba 'to! Kung nananaginip ako, gisingin ninyo ako. Tae. Kanina, yumakap siya, tapos ngayon nagbigay ng chain na may 'love'? Korni ba or mushy? Kakaiba ang KJ na nasa harap ko ngayon!

"Ah, salamat." I smiled awkwardly.

"Nahirapan ako maghanap niyan ah! Nagpunta pa ako sa Japanese store para lang bilhin yan. Dun ko nga rin nalaman ang meaning ng key chain na binigay mo eh."

Habang nakatingin ako sa chain, I asked him, "Bakit ito 'yung binigay mo? I mean, may iba naman... like 'peace',' luck' or--"

"That's what I feel."

Napatingin ako sa kanya tapos nailang yata siya kaya tumayo na siya para i-lock ang bahay. Pagbalik niya sa garden, binuhat niya na ang bag niya.

"Tara, iuuwi na kita." Hinawakan niya ang wrist ko.

"HAH?"

"I mean, iuuwi na kita sa inyo. Baka hinahanap ka na."

Napatayo naman ako agad tapos sinundan ko sya. Buong byahe, ang tahimik namin. Nakakailang 'to ah. Confess bang matatawag ang ginawa niya? Baka mamaya joke lang pala 'yun. Manliligaw ba siya? Or what? Eh ano yung date?

Nasa ibang dimension yata ako!

Pagkadating namin sa tapat ng gate, nakasalubong pa namin ang kotse ni Daddy. Nag-greet lang sila tapos niyaya pa nga siya ni Dad na mag-dinner pero sinabi kong gabi na kaya naiwan kaming dalawa sa labas.

"Sige na Sha-neh, pasok ka na, good night."

"Salamat nga pala sa comfort." Ngumiti ako tapos ganun din siya. "Especially sa story, though it was a bit..." di ko alam kung itutuloy ko ba? "Anyway, good night."

Nag-aalangan pa akong pumasok sa gate kaso naglalakad na siya palayo. Di ko alam kung bakit tinawag ko siya tapos humarap siya.

"Yung kanina... joke ba 'yon?!" Malakas na tanong ko kasi medyo malayo siya.

"Ang alin?"

"Yung about sa binigay mong chain!"

Nagsimula siyang lumakad paatras habang nakaharap sa akin at nakasuksok ang kamay sa bulsa ng pants, "Seryoso ako!"

He smiled afterwards. The next thing I knew, nilagay niya yung dalawang kamay niya sa gilid ng bibig niya na parang sisigaw siya...

"That's what I really feel!"

"Teka! May isa pa akong tanong!"

"What?"

"Yung..." nagkamot pa ako ng noo dahil naghehesitate pa ako na tanungin, "Yung sinabi mo sa rule at sa date... joke lang yun diba?" Sabihin mong joke lang yun! Para naman makatulog ako nang maayos!

Nakita ko siyang umiling, nagsalubong tuloy ang kilay ko!

"I'M DEAD SERIOUS, HIKARI SHANE!" he shouted. *HBDTbyShupershimmer*

HBDT// Kabanata 30

Pagpasok ko ng bahay, nakatungo lang ako. Tell me that I am dreaming... and that was a dream! Imposible talaga. Si Kleinder? Nah. Masyadong siyang mabait sakin.

But he was really serious. Kinilig nga ako eh, pero kaunti lang!

Nakaupo na kaming apat sa dining table at habang kumakain kami, my Dad asked me all of a sudden, "Hikari, dapat pinakain na natin ng dinner yung kaibigan mo, he sent you here but you just want him to go home? That's rude."

"He's not hungry." Firm lang na pagkakasabi ko. Wala akong ganang sumagot at lumulutang utak ko.

"I noticed that you've been so close with that guy." Sabi ni Dad, "He's nice and kind. Same as his parents, Mr. James and Jennifer Ramirez. I met them a couple of months ago."

So? Ano'ng gusto niyang iparating, aber?!

"You know what dad? That guy came here last --"

"Meg!" I angrily said. Natakot naman siya kaya sinubo niya na lang yung food niya. Good.

"Buti naman eh nakipagkaibigan ka sa tulad ni Kleinder. Unlike your childish friends back then. That's nice." Ngumiti siya sakin. *HBDTbyShupershimmer*

"Yeah, he visited last time." Gatong nung nanay ni Meg. Pag-untugin ko kaya silang dalawa?

I heard Dad's giggle, "Really? I guess you two have an intimate relation-"

"NO!" I shouted.

Napatingin tuloy sila sakin. Pati yung step mom ko, natawa ang sa pinag-uusapan namin. Bwiset naman. Bakit ba ako pinag-uusapan dito!?

"Knock it off."

Tumayo ako tapos dinala ko yung food ko sa sala at doon na lang kumain habang nanuod ng tv. Mas masaya pag ganito! Tahimik.

2 days later.

It's Monday and last week narin 'to bago ang Semestral break. We did not-so-important things today. If I knew, sana di na lang ako pumasok.

Nung break naman eh buti at wala si Kleinder dahil pinatawag ang mga student council. Pero, kahit paano nakakamiss siya. Walang plastikan 'yan! Eh kasi, nakakailang siya minsan. Ni hindi ko nga siya matignan gaya ng dati eh. Badtrip.

Tumungo ako sa mga vendo machine ng softdrinks dahil super bored ako at nauuhaw. Naghulog ako ng barya nang may lumapit sa aking lalaki. Senior din tulad ko dahil nakita ko sa ID lace niya.

"Ikaw si Hikari, di ba?" Tanong niya after inumin ang coke niya.

Tinignan ko lang siya bilang sagot tapos kinuha ko yung inumin ko. "Alam mo, malakas ang kutob kong ginagamit ka ni Kleinder lalo na dun sa kumalat na picture ninyo. Pasikat kasi yun eh."

I smirked, "Sa tingin mo, ganun?"

"Um-hmm." Tinapon niya sa trashcan yung coke, "Anyway, I'm Christian from IV-3. Friends?" He even offered his hand for a shake. *HBDTbyShupershimmer*

I don't actually talk to strangers and ngayon ko lang siya nakita. Nagdalawang isip pa ako sa shake hands pero nagulat ako nang may nagpush sa balikat ko palayo at naghulog ng barya sa machine. Siga lang ah?

"Wag nga kayong humarang sa machine."

Tinignan ko nang masama si KJ as he get his drink. Oh c'mon! Dito pa talaga niya in-open yung can sa gitna naming dalawa nung guy tapos uminom siya.

"Aaaahhhh." Sabi niya na parang na-refresh siya. Tumingin siya sa side kung saan nandun ako, "Oh! Ikaw pala Hikari Shane Oda ng IV-1!"

Parang tanga rin 'tong si Kleinder eh. May topak na naman! Bigla-biglang sumusulpot nang walang pasabi. Halata namang nananadya 'to eh. I glared at him tapos inismiran niya lang ako kaya umalis na ako. Naramdaman ko na lang na naglalakad na siya sa likod ko.

Lumingon ako sa likod, "Break tayo ngayon kaya pwede bang magpahinga ka naman sa kakaasar mo?" Naglakad na ulit ako.

Naririnig ko parin ang paglakad niya, "Di mo pa nga ako sinasagot, break agad?"

Medyo natawa ako sa sinabi niya kaya yumuko ako habang nakangisi. Minsan mabenta rin tong loko na 'to eh. Pero minsan nakakabwiset. Kakaiba rin 'to manligaw eh, dinadaan sa pambi-bwiset kesa manlambing. Hanep.

Tumabi na siya sa akin habang naglalakad.

"Hanggang kailan ka ba susunod sa'kin? May meeting kayo diba?"

Huminto siya kaya ako rin, "Tapos na meeting eh. Tsaka..."

Parang naghesistate siyang dugtungan yung sentence niya kaya nauna na siyang maglakad noon tapos nakasuksok pa ang mga kamay sa pockets niya. Naiwan ako doon at narinig ko siyang nagsalita.

"Tsaka...sino ba maysabing sinusundan kita? Hinahabol kaya kita."

Okay? Iba yata meaning?

Hala! Nabaon na yata ako sa lupang kinatatayuan ko. Why so korni? Bakit pag sa iba ko 'to naririnig, nababaduyan ako, pero pag sa akin na binabanat, iba na dating?! Argh! WTF.

Umupo na ako, este kaming dalawa pala doon sa pwesto namin sa field. Si Rex, naglalaro lang sa cellphone, si Gab naman naggigitara tapos si Czarina, nagbabasa nung libro about sa pag-ibig. Ewan ko kung ano title! I'm not interested, either.

"Ano ba 'to! So kilig naman ang binabasa ko! Hahaha!" Sabi ni Czarina.

"Psh, ang laki mo na pero nagbabasa ka parin nyan? Nandyan naman si Gab." Biro ni KJ tapos sumimangot naman yung isa. Si Gab, namula. Wew.

"Hmp! Palibhasa, ma-chicks ka Kleinder. You don't know what love is! Ni hindi ka nga nagkakagirlfriend eh." -Czarina.

"Tama! Tapos, di ka nanliligaw." Singit ni Rex, "Pare, kalahi ba kita? HAHAHAHAHA!!!"

Syempre, tawanan to the max pero naasar ata si KJ doon, "Tss. Asa ka Rex. Alam ko ang pag-ibig 'no." Sabay tingin niya sakin.

Nabulunan tuloy ako sa iniinom ko!

"Uyyyyy. Iba na 'yan ah. Sino ba 'yan? Pwede ko bang makilala?" Sabat ni Gab tapos binigyan ako ng malisyosong tingin. Aish! Bakit ba ako!? Di nga ako nagsasalita eh.

Tumawa lang si KJ tapos si Czarina naman ang gumatong, "Hmm, May lahi ba siyang Japanese? Yung medyo maputi tapos, teka! Hindi pala siya maputi! Namumula na kasi siya ngayon! Hahahaha!"

I bit my lips. They're too much. Pakinshet! Red na red na talaga ang aking pagmumukha. Nakakahiya! Mas ok sana kung di ako halata diba? At sana wag nilang ipahalatang ako ang topic! Bwiset.

*HBDTbyShupershimmer*

"Hoy, tama na nga 'yan. Baka mangamatis si Sha-neh. JOKE! Hahaha!" -Gab

**Forward**

Sabay kami ni Kleinder lumabas ng school galing sa Music class namin. Pinag-uusapan lang namin yung group project doon tapos kinutusan niya ako nang sinabi ko na kaya na nila 'yun. Makicooperate daw kasi ako!

"Hikari."

Napatingin ako sa likod ko. Si Andrew. Napatingin naman ako kay KJ nun tapos hinawakan niya yung wrist ko at medyo ginilid sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?" I asked.

"Pasensya na, kailangan talaga eh."

Naguluhan naman ako sa sinabi niya pero luminaw na yata sakin lahat nang dumating ang pamilyar na kotse sa likuran niya.

"Andrew naman..." Naiinis na sabi ko.

"Sorry dre. Napag-utusan lang eh."

Inalis ko yung kamay ni KJ sa kamay ko nang lumabas sa kotse si Nylan na nakauniform pa. Ngumiti siya at tinignan nang masama si KJ.

"I missed you." Bati niya, "Would you like to hang out somewhere?"

Napansin ko na may galit sa mata niya. Hindi kaya may nakarating na balita sa buang na 'to? Sana naman huwag yung picture. Hindi kasi totoo yung ngiti niya eh. He was like 'come with me, let's talk about some important matter'.

"Uuwi na ko."

"May pag-uusapan tayo." He glared.

"Pare, uuwi na daw siya. Isn't it awful if she goes out with a guy during night?" Sumabat na si Kleinder. Naku, nag-english pa. Maasar talaga si Nylan dito eh.

"Back off. Hindi ka kasali rito." Hinila ako ni Nylan.

"May project kami na dapat tapusin ngayon, siguro naman mas importante ito kesa dyan?" Hinila ako ni KJ. Hilaan?! Tsaka project? What an excuse!

"Psh, patawa ka ba? Hikari is a type of student who would steal one's project rather than making it by herself.Tabi!"

Tinapik niya ang kamay ni KJ tapos hinila na ako palapit sa kotse.

Baka magkagulo pa! Yung ibang estudyante eh pinagtitinginan na kami. I looked at Kleinder at para bang sinabi ko sa mga mata niya na, 'I can handle this.' Hindi na siya nanlaban tapos pumasok na ako sa sasakyan kahit galit na galit din ako kay Nylan.

I feel sorry for Kleinder. I guess, I am being unfair here. *HBDTbyShupershimmer*

KLEINDER's POV

"I missed you." Bati niya, "Would you like to hang out somewhere?"

Ano 'tong Nylan na 'to? Scene stealer? Eh nag-uusap pa nga kami ni Sha-neh eh tsaka bakit ba siya narito? Kakaladkarin niya na naman ang babaeng 'to kung saan? Ayus.

"Uuwi na ko." Sagot ni Shane.

"May pag-uusapan tayo."

He glared. Syempre alangang tumahimik lang ako? Di naman yata magandang pilitin ang babae kung ayaw. Di ba niya feel na ayaw sumama ni Shane? Walangya lang.

"Pare, uuwi na daw siya. Isn't it awful if she goes out with a guy during night?" Waw, umi-english ako. Saan ko naman napulot yun?

"Back off. Hindi ka kasali rito." Hinila niya si Sha-neh. Ba! Pahawak-hawak pa, bwiset.

"May project kami na dapat tapusin ngayon, siguro naman mas importante ito kesa dyan?"

Hinila ko na rin siya. Kaso, nakakatawa ang excuse ko. Pang-elementary! Di yata tumalab kay Nylan tapos nakuha pa niyang ngumisi sa sinabi ko. Amp!

"Psh, patawa ka ba? Hikari is a type of student who would steal one's project rather than making it by herself.Tabi!"

Tinapik niya ang kamay ko at tuluyang pinasakay si Hikari sa kotse. Tama siya. Mas gugustuhin siguro ni Hikari na manguha ng project ng iba kesa gumawa by herself. Gaya dati nung mahuli ko siya. Matagal na nga silang magkakilala kasi kilalang kilala niya na.

Badtrip yun ah!

Humarurot na yung sasakyan tapos nakakunot na siguro ang noo ko sa inis. Wala man lang akong nagawa para di siya sumama doon. Tss.

Nakita ko si Andrew sa gilid ko. Tignan mo 'to! Lakas ng loob magpakita sa akin samantalang halos mapatay niya ako.

"Salamat pare, sobrang nagpapasalamat ako sa ginawa ninyo ng Nylan na 'yon. Binuo ninyo ang

araw ko." Sarcastic na sabi ko sa kanya pero yumuko siya at nag-smirk.

"Sorry pre. Nylan is nylan. He would kill just for that girl, you know."

Nagpoker face lang ako sa kanya dahil di ako interesadong kausapin siya. If I know, may gusto rin siya kay Hikari. Lalaki ako, kaya alam ko! Siguro naduduwag lang siya sa Nylan na 'yun. Sino ba siya!?

Naglalakad na ako pero sumabay siya. I asked him kung bakit nakasunod siya, sabi niya pupunta siya sa convenient store malapit dito. Bwiset lang.

"Pasensya na talaga sa ginawa ko. Yung... alam mo na." Nagsindi siya ng yosi. Psh. Ayoko ng usok! "Lasing ako nun eh kaya hindi ko na alam ginagawa ko. Buti na lang dumating si Hikari." He smiled.

Nagpanting naman yung tenga ko sa last line niya! Ano? Buti na lang dumating si Hikari? Sabi na eh, nakaabang din 'to eh!

"May gusto ka ba sa kanya?" Medyo pissed off na tanong ko.

Natawa siya at umiling-iling, "Kung wala lang 'yang Nylan na 'yan sa tabi niya, baka may pag-asa kami." He chuckled at mas nabadtrip ako.

PAG-ASA KA D'YAN. Mukha mo.

"Psh."

"Pre, I'm warning you. Kung may balak kang manligaw kay Hikari, magdalawang isip ka muna. Hindi basta-basta si Nylan." *HBDTbyShupershimmer*

Sabi niya habang nagyoyosi siya. Bakit niya ba ako pinapayuhan dito? Siya ba si Papa Jack? What a friendly approach! Huwaw.

"Bakit naman? Ano'ng paki niya at sino ba siya para katakutan ko?"

Natawa siya, "Bata ka pa nga," Tinapik niya ako sa balikat pero inalis ko yun dahil di kami close para tapikin niya ako.

"Nylan has his eyes on you. Alam niya ang kumalat na picture ninyong dalawa ni Hikari and he's a type of guy who gets rid of everything that blocks his way."

Naalala ko ang kwento ni Hikari sa mga pinaggagagawa ni Nylan sa mga naging boyfriend niya. Siguro nga lahat yun inaaway niya. Nakakatawa naman! Di naman masyadong obsessed?

"Si Hikari pa rin naman ang magdedesisyon." Sabi ko.

Sa wakas, may bus na nag-stop sa kinatatayuan ko tapos pasakay na sana ako pero may pahabol pa si Andrew sa akin.

"Magpapaputol ako ng daliri kapag nakaligtas ka kay Nylan!"

Hyperbole? Ganun ba talaga kahirap kalabanin yun? Ni hindi niya nga mapa-oo si Hikari eh. Di ba siya nagsasawa? Desperado na talaga siguro kaya gagawin lahat para kay Hikari.

Lintek na pag-ibig!

Bahala na. Hindi lang naman 'yang Nylan na 'yan ang nagmamahal kay Shane eh. NANDITO PA AKO. Nak ng putcha. Umamin! May the best man win na lang siguro?

HBDT// Kabanata 31

HIKARIs POV

"Bakit mo ako dinala rito?" Simpleng tanong ko kay Nylan habang nagsha-shot siya sa tapat ko. Kanina pa kasi siya di nagsasalita tapos text siya ng text, which is... nakakapanibago.

Sinama niya ako sa madalas niyang pinupuntahan na merge pero ewan ko kung bakit nakapasok ako nang ganun kadali, eh minor pa ako. Well, i don't care.

"Aalis na ko." Tatayo na sana ako pero hinigit niya ang kamay ko at pinaupo. "Ano bang problema mo, ha? Dadalhin mo ko rito tapos sasayangin mo lang pala oras ko."

"Are you dating someone now?" He bluntly said.

Napataas ang kilay ko, "What?"

"Are you dating with someone, Hikari?" This time, kalmado na yung tanong niya.

Medyo kinabahan ako for unknown reason. Naisip ko bigla si KJ kasi baka may alam na si Nylan. Kung ano man ang nalalaman niya, i have no freaking idea! *HBDTbyShupershimmer*

"Ano bang paki mo?" Pabirong sabi ko but he glared at me and for a while, napalunok ako tapos sumagot nang maayos, "W-wala noh."

Wrong move ba? Hindi ko kasi alam ang isasagot ko. Pag nagsabi ako ng totoo, something wrong might happen at pag nagsinungaling ako, does it mean na 'di ako proud kay Kleinder? I hope he'll understand.

May kinuha siya sa bulsa ng varsity jacket niya tapos inabot sakin. Syempre, tinuklap ko at kinabahan ako lalo nang makita ko yung picture namin ni KJ na kumalat sa 4th years. Bakit meron siya nito? Paano niya nalaman? Oh, nakalimutan kong anak siya ng may-ari ng school and... malamang may nagbigay nito sa kanya.

I stay calmed as if i don't care kung ano man ang picture na 'yun.

"Sagutin mo ulit yung tanong ko, Hikari."

"Teka lang," I chuckled, "Don't tell me pati ikaw papatol sa picture na 'to? It was an accident, Nylan! Wrong position ang kuha ng gagong estudyante kaya nagmukha kaming naghaha--"

"Well, i don't care about that picture, you know." Nilapag niya yung baso niya, "Ayoko siyang umaaligid-aligid sayo." Wtf?

I retorted, "Wow, ni parents ko nga hindi against sa mga friends ko sa school na yan, tapos ikaw..." Naghesitate ako kung itutuloy ko ba dahil baka masobrahan, "Wala kang rights para pigilan ako sa kung sinong kakaibiganin ko."

Hinampas niya ang table kaya nagulat ako, "Tang ina naman eh!"

"Ano bang problema mo!?"

"Alam mo naman ang gusto ko, diba!?" I rolled my eyes while listening, "Bakit ba hirap na hirap kang gustuhin ako!? Di pa ba sapat yung nagawa ko sa mga ex mo? You're being too much, Hikari. That's too much..."

*HBDTbyShupershimmer*

Tumayo ako at binitbit ang bag, "Ikaw ang too much Nylan! You're forcing me to a thing na hindi mangyayari! Pinipigilan mo ko sa bagay na nagpapasaya sakin, ano ba kita? Sino bang nagpipilit sa ating dalawa? Ikaw naman yun 'diba?"

I turned my back pero hindi pa ako nakakahakbang, may limang guy ang sumalubong sa daan ko, "Uyyy, akalain mong magkukrus pala ang landas natin, Nylan."

Sabi nung isa tapos tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, "Chicks mo?" He asked Nylan while pointing at me, sinamaan ko tuloy siya ng tingin.

"Palaban paps!" They all laughed.

Aalis na sana ako pero hinawakan ako sa braso nung isang matangkad, "Sandali lang miss."

I glared at that guy, "Bitiwan niyo siya." Nylan said.

"Oooh, chill lang pre. Tatanong lang sana namin kung syota mo ba 'to, ang hot kasi eh." I snarled. nakakadiri siya, eww.

Sino ba 'tong mga to? Kaaway ba sila ni Nylan? Obviously Hikari. Tanga ka ba? Pinilit kong alisin ang braso ko pero nagulat na lang ako nung tumayo si Nylan at sinapak niya yung mga yun. Nabitawan naman ako pero nag-aalangan akong umalis dahil isa lang siya.

Gusto kong manlaban dahil kawawa si Nylan tsaka pinagtulungan pa siya ng iba and to think na medyo lasing siya, kaya wala sa wisyo.

"Ano ba! Tama na nga yan!" Tinulak ko yung isa kaya nasubsob. I tried to get Nylan pero hinawakan ako sa bibig nung parang leader nila.

"Miss, kung ayaw mong madamay, iwanan mo na ang syota mo rito." He came closer, "Kami na bahala sa kanya."

I hit his ass where it hurts the most.

Ayun, gumulong-gulong siya sa sahig tapos kumuha ako ng bangko para ihampas doon sa mga lalaki. Nagkagulo lalo yung mga tao na akala mo nanunood ng sabong. Nakita kong palapit na ang mga guards kaya hinila ko si Nylan palayo. Marami namang tao kaya di nila kami nahabol.

Paglabas namin, hinila ko siya sa parking lot tapos sinakay siya sa kotse. Ako na muna ang nagdrive para naman makalayo. Napuruhan ata siya eh.

Medyo nakalayo na kami sa lugar kaya pumreno ako. Ioopen ko na sana ang pinto para makalabas pero pinigilan niya ako dahil hinawakan niya yung hawakan doon sa pinto ng sasakyan. "Gabi na, ihahatid na lang kita."

"Kaya kong umuwi mag-isa."

Hindi niya talaga ako pinayagang lumabas kaya ang ginawa niya eh lumipat siya sa pwesto ko, sa driver seat kaya napilitan akong umupo sa passenger's seat. Hindi na lang ako umimik habang nagda-drive siya. Tsaka, ayoko siyang tignan dahil ang daming sugat sa mukha tapos dumudugo rin ang kamay niya.

"Sorry kung nadamay ka pa, I shouldn't brought you there, I was wrong." Sabi niya pero di ako sumagot. Nakatapat lang ako sa bintana.

Pasimple akong dumukot sa cellphone ko and scrolled it. I got messages and most of it ay galing kay KJ. 1 missed call, from him.

"Nakaaway ko kasi yung isang barkada nila last time eh, kaya binabantaan nila ako ngayon. And to think na nadamay ka kanina, they might be eyeing on you... soon."

I paused my scrolling after I heard it. Napatitig lang ako sa screen ng cellphone ko kung saan nababasa ko yung message ni KJ.

From: Kleinder Baliw :P Would you mind if I ask you to text me pag nasa bahay ka na? I can't stop worrying.

Napatingin ako kay Nylan but he smiled, "Don't worry, I'll be guarding you now just to be safe."

**

Pagdating sa gate, mabilis akong lumabas ng kotse tapos siya rin. Sabi ko, umuwi na siya at gamutin ang sugat niya. Suddenly, tinawag ako ni Dad dahil nasa may garden pala siya.

"Dad..." Nakita kong wala siya sa mood. Siguro dahil nakita niya si Nylan. Alam niya kasing barkada ko 'to dati.

"Good evening po." Nylan. *HBDTbyShupershimmer*

Lumapit si Dad sa gate, "Why are you late? Tsaka, saan ka galing?" Tanong niya sakin pero kay Nylan siya nakatingin. He saw his wounds on his face, "Were you troubled again?"

"Didn't I tell you not to go with him anymore?" Dad said in Japanese language so Nylan wasn't able to understand him.

"I know." Sabi ko.

"Hinatid ko lang siya, uuwi na ako." Sumakay siya sa kotse then umalis. Bago pa man magtanong si Dad, pumasok na ako nang bahay pero di pa man ako nakakahakbang nang limang beses, nagsalita na siya.

"You're grounded until the end of this month," humarap ako sa kanya with annoyance, "Siguro naman alam mo na ang gagawin?"

Grounded?! What I am? Elementary? What the! This means, walang lakwatsa, my routine is school-bahay-school-bahay! Tsaka, wala ring internet. Walang cellphone! What the fuck?

I tried to complain but I have nothing to do. Kinuha niya ang cellphone ko tapos inalis niya ang connection sa kwarto.The last time I was grounded was 4 months ago, tapos ngayon. Nakakaasar naman ito, ang boring ng magiging buhay ko!

Oo nga pala!

I haven't texted KJ that I got home gaya ng sinabi niya sa text. Badtrip.

Pagdating sa kwarto, tinapos ko ang rituals ko then nahiga. Napansin kong tulog na si Meg kaya kinuha ko ang cellphone niya sa drawer niya. Buti at walang password! My only problem is his number. Kinalkal ko ang drawer ko to look for contacts, baka kasi naisulat ko before.

I was lucky when I found it then I texted him a short message.

To: 0927******* KJ, I'm home but LUCKILY, I'm grounded. Gdnight. Don't txt back btw.

-Hikari

1O DAYS LATER (more than one week)

Semestral break na and nakatambay lang ako sa bahay. Third day na rin ng pahinga pero ang boring dahil grounded parin ako. Alam naman na nila Czarina and the rest kaya naiintindihan nila pag di ako nakakasama sa lakad. Pag lumabag ako sa batas ng Dad ko, baka di lang this month ang ground, baka maextend!

Hapon noon at nakaupo lang ako sa kama ko, nagbabasa ng manga since yun lang ang meron sa kwarto ko. *HBDTbyShupershimmer*

"Hikari!"

Biglang pumasok si Meg sa kwarto ko dala ang cellphone niya at inaabot sa akin, "Si Kuya Kleinder, tumatawag."

Napataas ang kilay ko sa kanya, "Talaga bang gusto mo akong ipahamak kay Daddy? Ayos ka rin eh noh."

She smirked, "Ayaw mo ba? Okay, sasabihin ko na ayaw mo siyang kausapin." Palabas na siya ng pintuan nang tinawag ko siya tapos nilahad ko ang palad ko para ibigay yung phone.

She smiled, but I don't know what does that mean. Lumabas siya ng room tapos ilang segundo pa bago ko nilapit sa tenga ang phone.

"Bakit?"

He sighed, "How I missed that voice."

Unknowingly, I blushed, "What the heck are you saying? Bakit ka tumawag?" Syempre kunyare rude, pero nakangiti ako niyan.

"Para sunduin ka?" Patanong na sagot niya. Napa-ha pa ako, "Dumungaw ka sa bintana."

Ginawa ko naman ang sinabi niya. I was shocked when I saw him handling his phone and on his other hand, he's handling a bag or specifically, my bag.

"Bakit nandito ka? Tsaka bag ko ba yang hawak mo? Paano ka nakapasok rito?"

"Chill, mamaya ko na lang sasagutin yang tanong mo. Sa ngayon, bumaba ka dyan at gusto kitang makausap nang malapitan." Nakita ko pa siyang ngumiti.

"Baliw ka ba? Grounded ako."

"Basta, bumaba ka."

"Ano ba kasing gagawin natin?" Nagkatinginan kami habang nakatayo siya sa may garden ng bahay namin.

"Masama ba na yayain kitang mag-date?"

Okay. Medyo naguluhan ako! Date na may dalang bag!? Ano 'to? Out of town? Tsaka ang alam ko, hindi nagpapapasok si Dad ng taong related sa akin dahil inutos niya yun sa maid! Kung kinausap niya si Dad, how come na napapayag niya?

Nagsalita ulit siya habang napapaisip ako, "Ano? Bababa ka ba o gusto mong umakyat ako dyan at buhatin kita pababa?"

"Freak," I giggled, "I'm coming."

HBDT// Kabanata 32

Nagpalit lang ako ng tokong then bumaba ako agad agad. Muntik na nga akong mahulog sa hagdan eh! Bwiset lang si Meg dahil nakita niya yung pagkatisod ko, "Oyy, ate, huwag mo namang ipahalatang excited ka sa date. Nakaka-turn-off kaya yan!"

I ignored her, binigay ko yung cellphone niya then walked toward the door. Pinuntahan ko si KJ sa garden, dun sa kinatatayuan niya kanina. Ngumiti siya gaya ko.

"Let's go!" Sabi niya. Naguluhan naman ako kasi naka-board shorts lang siya, then manipis na polo shirt.

"San ba tayo? Tsaka bakit may dala kang gamit ko? You mean, pumasok ka sa bahay without my consent?" Nagsalubong ang kilay niya sa mga tanong ko.

"Tch, mamaya na yan. Tara na, hinihintay na nila tayo!" Hinila niya ako tapos hanggang sa narinig ko na lang ang tahol ni Twinkle na pahina nang pahina. Nakalabas na kami ng gate at may van na kulay maroon.

"TAYO?"

"Uh-hmm, kasama sila!" tinuro niya yung van tapos lumabas sa backseat si Gab, "Oh, ayan na pala ang love birds! Kala ko kailangan ko pa kayong sunduin sa loob eh."

"Teka KJ, saan papunta 'to?" *HBDTbyShupershimmer*

Hindi niya ako sinagot. Instead, hinagis niya lang yung bag ko sa likuran ng van at tinulak niya ako paloob ng kotse. Nakita ko silang tatlo. Si Rex, nakasuot ng malaking-malaking reddish-black na shades, si Czarina, naka-spaghetti strap and shorts. Si Gab, naka-sando at board shorts like KJ.

I guess I know where we are going. Beach.

May driver kaming kasama at habang nasa byahe, doon pinaliwanag ni KJ ang lahat. Birthday daw

kahapon ni Czarina kaya birthday treat niya ang beach vacation for atleast 1 night and 2 days. Sa daddy niya rin ang van at driver nila Cza ang nagdadrive ngayon. Akalain mong birthday pala niya? Di ko expected.

Kailan ba ako nakaalala ng birthday ng isang tao?

Oo nga pala, yung kay Kleinder. Okay, lagyan niyo ng malisya 'yan at lagot kayo sa akin!

Syempre, kinulit ko si KJ kung paano niya nakuha ang gamit ko. Sabi niya, nag-ala-Zorro raw siya at ninakaw ang mga gamit ko. Syempre, di ako tanga para maniwala kaya nabatukan muna siya bago umamin!

"Aray ah! Eto na, eh kasi..." nagkamot siya ng ulo, "Kinausap ko yung Daddy mo sa telepono kahapon. Sabi ko, kung pwede kang isama sa beach na pupuntahan natin kasi nga kaibigan ka ni Czarina at bakasyon naman."

"Um-oo siya agad?" He tss-ed.

"Baliw, hinde..." Baliw!? "Actually, hindi naman yun ang dahilan kung bakit ako tumawag. Pinakausap lang ako ni Dad sa Daddy mo. You know, business stuff tapos dinaldal ko siya hanggang sa mapadpad doon ang topic."

Nag-vibrate pa ang phone niya kaya napatigil siya sa kwento at binasa iyon. Nak ng teteng! "So ayun nga, nung una, ayaw niya kasi nga daw 'grounded' ka. Sabi ko, safe ka naman sakin--este sa amin. Binanggit ko rin kung sino ang kasama at sabi niya, okay daw."

We stared at each other kasi di ko alam na tapos na pala yung kwento niya. Akala ko may karugtong eh! Nailang yata siya kaya umiwas.

I coughed para alis awkward, "Eh yung mga damit ko? Sinong naglagay sa bag?"

"Si Meg." *HBDTbyShupershimmer*

"What!?"

"Yung kapatid mo! Tch. Sabi ko surprise para masurprise ka, kaya kagabi siya nagbalot. Binigay niya sakin yung bag kanina, pagdating ko."

Loko rin yung Meg na 'yun eh. Akalain mong kasabwat sa kalokohan ng kumag na 'to. Mga kumag talaga! 3 hours yung byahe then 3 hours na rin ata kaming magkashare sa Ipod niya. Naglalaro pa nga kami ng Temple Run sa tablet niya eh, pataasan kami.

I guess nasa Antipolo kami. Mga 6 na kami nakarating kaya hindi kami nag-swimming kasi nga ang lamig na! Pero, may balak ata silang mag-night swimming.

Pumasok na kami dun sa hotel room namin tapos nagsalita si Gab, "Guys, ito yung pinareserve kong room sa'tin para sama-sama tayo. Ito na nga pala yung keys."

Teka, akala ko ba treat ni Czarina? "Mom kasi ni Gab ang may-ari nitong resort." Napatingin ako kay KJ. Did he hear that?

Magkahiwalay ang room ng girls at boys, hulaan niyo na lang kung saan si Rex! Baka sa sofa nalang siya. Dejoke, kasama namin siya sa room ng girls. Asa pa kayong papayag sina Gab at KJ na makasama yan sa iisang room ano!

Nagbihis kami, nung pang-swimming. *HBDTbyShupershimmer* Buwiset ang talaga yung mga damit na binalot ni Meg sa akin! Kung hindi maigsi, masikip! Kung hindi baduy, hindi ko type yung style! Argh. Nagsuot kami ng swim suit pero nakashorts ako tapos nag-sarong.

"Tara na ladies! Pupunta raw tayong Barbi-Q House!" Sabi ni Rex sabay sara ng pinto. Inayos ko ang buhok ko tapos sumunod kay Czarina. Binati ko pa nga siya na belated at nagpasalamat.

So, pumasok na kami sa lugar na yun at ang daming tao. May banda pa at fire dancing sa other side. Umupo kami sa bandang harapan tapos umorder ng inumin! Bawal daw saming babae ang alak kaya juice lang. Bwiset.

Katabi ko, syempre, si KJ. Nakakapagtaka pa ba? Katabi ko si Rex tapos kaharap namin sina Czarina at Gabriel. Kumakain kami ng barbeque habang nakikinig sa tugtog na medyo nakakahead bang sa sobrang rock!

I shivered when KJ whispered to my right ear, "Abangan mo mamaya yung surprise namin."

I looked at him, "Surprise? Ano yun?"

Lumayo siyang kaunti at uminom, "Pag sinabi ko, hindi na surprise." He smiled, "Actually si Gab ang may surprise, dawit lang ako, ahahaha."

I just nodded slowly. Hindi naman ako yung tipong mahilig sa surprise but, I'll accept it kung mayroon man. Maya-maya pa, nagkatinginan na sila ni Gab tapos sabay na tumayo. Lumapit sa nagmamanage at ayun, umakyat sila ng stage at pinalitan yung dalawang member ng banda.

Gab took the place of the vocalist and at the same time, may hawak ng bass guitar tapos si KJ...

Mag-fa-fire dance siya!!!

Just kidding! KJ took the place of the pianist. I have no freaking idea na tumutugtog sila. Grabe, kaibigan ba talaga nila ako? Tch. *HBDTbyShupershimmer*

"Good evening everyone." Sabi ni Gab sa mic tapos kaming tatlo sa table, medyo shocked kasi nga biglaan. Lalo na si Rex.

"OMG! Go Gab! Go Kleinder! Wuhooo!" -Rex.

"Thanks for coming here in my Mom's resort but I would like to sing just one song for my friend," napatingin siya sa pwesto namin, "...who celebrated her bithday yesterday."

Nag-strum na siya ng gitara at nag-start na rin yung drummer, "So, this song is for you!"

SONG: MAALALA MO SANA-SILENT SANCTUARY

Pagkasimula pa lang ng tugtog, tuwang-tuwa agad si Czarina. I dont know kung kinikilig siya or grateful lang. Sinabi niya pa sakin na favorite banda niya raw ang Silent Sanctuary who sang the song na kinakanta nila.

"Natupad din ang aking pangarap... na ipagtapat sa'yo. Ibubulong ko na lamang sa alapaap ang sigaw ng damdaming ito. Sulayapan mo lang sana ang langit, baka sakaling marinig ng puso mo...

ang tinig ko."

It was Gab and to judge his voice, no joke, pero kaboses niya ang singer. Akalain niyong may talent pala yan!

"Maalala mo sana ako, dahil noon pa man, sayo lang nakalaan ang pag-ibig ko, bawat sandali na ikaw ay kasama para bang di na tayo muling magkikita... Kaya ngayon, aaminin na sayo na mahal na mahal kita... Maalala mo... sana..."

Medyo nadadala na rin ang energy ng mga audience. Si Rex, parang baliw! Hinahampas kaming dalawa ni Czarina sa sobrang kilig niya! Akala mo naman sa kanya dedicated. Hay ewan. Pero seriously, I'm busy staring at KJ.

Ang seryoso niya kasi sa pagpindot ng keys! Ni hindi nga siya tumitingin sa akin eh. *HBDTbyShupershimmer*

Medyo nagulat ako nung si KJ na pala ang bumanat ng second refrain, "Naitago ko pang lahat ng iyong mga liham. Unang ngiti mga yakap mo'y di maalis sa aking isipan. Tutugtog ako ng gitara, baka sakaling sumagi sa isip mo ang mga pangako..."

Lalo nag-ingay si Rex! Baka mamaya, patay na ako dahil sa bading na 'to! Kulang na lang yata eh balatan ako! Hindi naman siya OA sa kilig?

Ako nga tahimik lang eh!

"Maalala mo sana ako, dahil noon pa man, sayo lang nakalaan ang pag-ibig ko, bawat sandali na ikaw ay kasama para bang di na tayo muling magkikita... Kaya ngayon, aaminin na sayo na mahal na mahal kita... Maalala mo... sana..."

He winked!

He really did! Nalunok ko tuloy agad yung juice na iniinom ko sa pagkabigla! Namumutla na yata ako eh. Inaasar na tuloy ako ni Czarina. Ano ba yan!

After their song, nagpalakpakan ang mga tao. Syempre kami rin todo support. Medyo OA nga lang talaga si Rex kaya pinagbigyan na namin. Hinintay na lang namin silang dalawa na makabalik dahil ang daming gustong magpapicture.

Pati ba naman sa beach matinik parin sila!

While I was drinking, nakita kong may bumulong na babae kay KJ at medyo yumuko pa siya para marinig. She's flirt. Sus. Medyo napaurong yung ulo ni KJ sa sinabi yata nung babae at umiling siya. The girl pouted at nagpapicture na lang.

*** Hikari's Imagination about that scene:

The girl who whispered to KJ says: "Pwede bang pa-kiss!?" KJ: *napaurong* Girl: "Why?" KJ: I'm not allowed to entertain anybody. I'm hers, only." *sabay tingin kay Hikari*

"Uy!" Tinapik ako ni KJ sa balikat. Andyan na pala siya. Ano ba yung naiisip ko? Kabaliwan.

"Gab! Kleinder! Thank you ha!" Sabi ni Czarina tapos hi-nug niya sila isa-isa. Mas matagal nga lang kay Gab. Ewan ko kung bakit. *HBDTbyShupershimmer*

"Gulat ka noh?" Bulong ni KJ. I nodded, "Kanina lang yan plinano eh, haha."

"Marunong ka palang mag-piano? Wala sa mukha eh." Sabi ko habang nakangisi tapos kinaltukan niya ako sa noo. Medyo masakit!

"Adik. On-the-spot yun. Hindi ko kasi kabisado ang keys nung kanta, buti at may kopya ang pianist." He explained, "Masaya ka ba?" Tanong niya.

Suddenly, I felt like everything was quiet though it wasn't. He stared as he waited for my answer.

"Oo naman." I smiled after I answered it confidently.

Ang tagal naming nag-stay doon sa Barbi-Q house kasi nga nag-eenjoy kami. May parang disco kasi eh. Niyaya pa nga ako nina Rex at Czarina eh, sabi ko sila na lang. Ayoko nga! Nahikayat din nila pati si KJ so kami ni Gab na lang naiwan.

"Ang angas nun Gab, ha. Hindi ka na pala torpe ngayon. Cool ka na!" Biro ko sakanya. May topak na yata ako sa mga oras na ito kaya kung ano-ano nasasabi.

He chuckled, "Pagbigyan mo na, ngayon na lang yan." He drank.

"Na lang? Bakit?"

Sumiryoso ang mukha niya so nakinig ako, "Alam mo bang sinabi sakin kagabi ni Czarina na sa London na siya pag-aaralin ng college? Kukunin siya ng tiyahin niya."

I nodded slowly, "Wala akong alam kasi hindi ko naman siya nakakausap, pero..." napatingin ako sa kanila habang nasa disco, "have you confessed to her? Malay mo." *HBDTbyShupershimmer*

"Alam niya na 'yun. Babae naman siya at may instinct."

"Tanga ka ba!?" I bluntly said, "Maaaring may doubts siya sayo pero walang assurance yun unless sabihin mo. Para kasi kayong mga tanga. Alam niyo yun?"

Natawa siya sa sinabi ko, kinutusan pa nga ako eh. Amoy alak na kasi siya, parang gusto ko tuloy uminom! Bwiset.

"Alam mo..." sabi niya, "Wala ring saysay yang confession-confession na 'yan. At wala akong tiwala sa long distance relationships. Most of all, bata pa naman kami... marami pa namang iba dyan na for sure, makikilala ko."

"Ikaw bahala. Baka mag-evaporate ka pag nagsisi ka na hindi mo nasabi ang nararamdaman mo sa kanya."

Hindi na siya sumagot. Tumayo kasi siya tapos hinila ako papuntang sayawan! Aish! Don't tell me

pasasayawin nila ako? No way. Wag dito! Nasa gitna na kami kasama sina KJ, Czarina at Rex. Mukhang enjoy na enjoy sila tapos ako, nakatayo lang sa gitna. Tinulak pa ni Czarina si KJ sa harapan ko. Oh holy cow!

Bakit 'birthday cake' pa ni Rihanna ang tugtog!?

Nginisian ako ni KJ tapos unti-unti siya sumasayaw sa harap ko, medyo hiphop na ewan. But he looks hot and cool. Nakatanga lang tuloy ako habang sila nag-eenjoy!

KJ, wag ka namang mag-dirty dance sa harap ko! Jusko naman.

Lasing na yata 'to eh. Somebody get me outta here! I'm so... what the heck!

HBDT// Kabanata 33

KLEINDER'S POV

Pagdilat ko, tumatama na yung sinag ng araw sa mukha ko. Ano oras na ba? Tae! 10:30 am na pala. Si Gab, tulog pa rin tapos nakadapa siya sa other side ng higaan namin. Ang tahimik ah? Ako palang yata gising eh!

Paanong di kami mapupuyat? Magbabad ba naman daw nang apat na oras sa dagat eh. Lakas din ng trip namin para mag-night swimming! Medyo masakit din ang katawan ko gawa nung wrestling naming lima sa tubig.

Nagkukusot pa ako ng mata ko palabas ng kwarto. Uminom ng tubig tapos naghilamos sa sink.

Walang tao sa sala hanggang ngayon. Mga tulog mantika talaga eh! *HBDTbyShupershimmer*

Lumapit ako sa kwarto ng ng mga babae, sabay katok, "Sha-neh..." Teka, mali yata. "Shane, Czarina, Rex?"

Walang sumagot. Badtrip!

Nakaramdam ako na naiihi ako kaya pumunta muna ako ng banyo. Nagtagal ako nang ilang segundo dahil ayaw mabuksan! Inikot ko nang ilang beses ang door knob pero ayaw. Tinulaktulak ko pa ng braso ko! Walangya! Ihing-ihi na ako!

Bumwelo ako tapos umurong nang kaunti. 1... 2... 3... Hit!

Pagkaripas ko doon sa pinto, bigla siyang bumukas kaya ang nangyari eh nasalo ako nung taong galing sa loob. WTF. May tao pala! Bakit di nagsasalita!?

Napahawak siya sa braso ko tapos gulat na gulat, "Ano'ng nangyari sayo!?"

Biglang kumabog yung parteng dibdib ko. Si Sha-neh pala ang tao sa loob! Medyo nagulat tapos bagong ligo siya. Naka-bath throbe lang naman! Tapos bagong mouth wash, amoy Listerine pa. Naamoy ko rin yung bango ng shampoo niya. Potek!

"Ah-ano, pasensya na. Di ko alam na may tao pala. Ano-eh kasi gagamit ako ng cr. Akala ko-akala ko kasi ako palang ang gising. Hehe." Medyo nahiya ako kaya inalis ko yung kamay niya sa akin tapos lumabas ng pinto.

"Bakit di ka kumatok man lang? Or nagsalita!? Eh di sana lumabas muna ako."

"Huh? Eh kasi kagigising ko lang."

"Huh?" Pati siya nalabuan sa sagot ko. Ako rin. Ano bang nangyayari sa dila ko?

Nagkamot ako ng ulo tapos narinig kong natawa siya nang mahina, "Naninilip ka 'no?" Sabay bato ng maliit na towel na hawak niya. Tumama pa nga sa mukha ko eh! *HBDTbyShupershimmer*

Ano raw!? "Hoy! Hinde ah!" I waved my hands, "Pramis, naiihi na kasi ako kaya tinutulak ko ang pinto. Hindi mo narinig yung pagtulak ko kanina?"

She pouted while shaking her head, "Nope."

Unknowingly, my eyes ran down. Looking onto her upper chest. Pa-V kasi ang bath throbe but What the heck am I doing? Something on my face is kinda... warm.

I gulped then coughed, "Excuse me..."

Iniwan ko na siya roon sa labas ng cr tapos pumasok sa loob. Ginawa ko yung dapat na gawin kanina pa dahil pakiramdam ko, sasabog na ang pantog ko tapos naghugas, toothbrush, mouthwash, hilamos ulit. Para naman mahimasmasan ako.

Ano ba Kleinder. Magtigil ka.

I slapped my face for a while habang nasa harap ng salamin. I cussed myself. Hanggang sa may kumatok ulit sa pinto. Siya ba ulit 'yun? Pumunta ako sa pinto at binuksan.

"May naiwan ka ba-shit!" Napaurong ako nang makita ko si Rex na may tapal sa mukha. Ewan kung ano pero kulay white siya. Lintek! Akala ko multo.

"Tapos ka na ba? Gagamit ako ng comfort room."

Ngumiwi lang ako at tumango. Mamaya na lang siguro ako maliligo. Umalis na ako doon tapos si Rex ang pumasok. Pumunta akong sala para manuod ng TV. Tapos, habang naglilipat ng channel, lumabas na si Sha-neh sa kwarto.

Buti at nakabihis na siya. Wuhoo!

Nagtanong siya habang nagsusuklay, "Si Gab? Di pa ba gising? Gusto ko nang mag-almusal." Sa ilang ko eh nag-shrug na lang ako ng balikat! Parang ewan. Talk about awkward guys!

Umupo siya sa same sofa na inuupuan ko pero may malaking gap, "Kumain ka na?" She asked.

Umiling lang ako.

May hinanap siya sa maliit na pouch niya, "Saan na 'yun?" bulong niya. Tinitignan ko lang siya habang may hinahanap tapos inangat niya ulo niya at tumingin sakin. *HBDTbyShupershimmer*

Umiwas naman ako.

"Si Rex nasaan? Nasa kanya yung cream ko, nasa banyo ba siya?"

Nakatutok ako sa TV habang tumatango. Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sakin at nakasalubong kilay. Perhaps, she's wondering why am I like this. Potek!

"May sakit ka?" Tanong niya.

Umiling naman ako bilang sagot. Nabigla ako nung nag-bounce yung couch tapos nilapat niya yung palad niya sa pisngi ko. Tapos sa noo. Inalis ko iyon bigla tapos nagsalita ulit siya.

"Ang putla mo KJ. May nangyari ba sayo? Para kang nakakita ng multo!"

"Wala."

"K."

Ano ba yun. K lang. Hinintay na lang namin matapos sa pagligo sina Rex, Czarina at Gab. Ako naman, nag-short-shower lang pero hindi wisik wisik ah. Nagmamadali kasi sila para kumain. Actually brunch na ang kinain namin kasi almost lunch na at breakfast namin yun!

After naming kumain sa Filipino Cuisine, naglibot kami sa paligid ng resort. Ang dami kasing nagtitinda ng mga kung anu-ano. Syempre, bumili kami ng mga souvenir na T-shirt, bracelets tapos pagkain.

If you wanna know what did I buy for Sha-neh, siya ang tanungin niyo.

Nagtagal kami doon sa tattoo station. Medyo madami kasing nagpapatatto though hena lang naman. Nagpalagay ako ng initials ko sa bandang gilid ng dibdib. Si Sha-neh, nagpatatto ng Japanese characters sa likod or lower hip. Ayaw niya ngang sabihin ang meaning nung tattoo niya eh, basta niya na lang pinagaya yun sa artist. Ang daya! Pati sila nagpalagay na rin, sa batok kay Gab at parehong sa paa sina Rex at Czarina.

Natatawa nga kami kay Rex kasi ayaw niyang ipatattoo ang initials dahil pangit daw! Eh paano Rex Ignacio Peralta ang whole name niya. R.I.P! Laftrip.

3 pm na kami nakapag-impake ulit ng mga gamit. Sayang nga dahil di na kami nakapagswimming ulit eh, naubos ang oras namin sa beach scrolling but atleast, we were happy. Tsaka, isang araw lang ang paalam namin sa parents kaya kailangang umuwi.

Buti nga hindi late si manong driver eh! Pagpasok ko, wala pa si Shane sa loob ng van. Yun pala nagsisintas ng sapatos! *HBDTbyShupershimmer*

"Pre, dito kami ah. Serve mo na si Hikari d'yan sa tabi mo." Sabi ni Gab. Minsan talaga ang laking pasasalamat ko sa damuhong 'to eh! Kaibigang maituturing!

Pagpasok ni Sha-neh, nginisian ko agad, "Ikaw na naman katabi ko?" Sabi niya na parang ayaw akong katabi, "Guys, palitan niyo naman ang seating arrangement."

Pagtingin namin sa kanila, parang wala silang paki sa sinabi ni Sha-neh. Eh paano may mga nakasuksok na sa tenga nila Rex at Gab. Si Czarina, busy sa pagfoundation. Thank you guys! Wala siyang nagawa kundi sumimangot tapos umupo sa tabi ko sabay sara ng pinto ng van.

Bakit ba ang init bigla ng ulo nito? Labo talaga ng mga babae minsan. Ba't ganyan kayo!?

Sa gitna ng byahe, bagsak agad sila. Mga tulog! Halata namang inaantok si Sha-neh kaya sabi ko, idantay niya ang ulo sa balikat ko. Tinarayan ba naman ako! Ayun, sinandal ang ulo niya sa bintana! Makatulog na nga lang.

"Ma'am, sir, malapit na tayo sa first stop." Nagising ako sa sinabi ng driver. Pati si Czarina na katabi ko lang din. Pinasabi ko kasi kanina na ibaba kami malapit kila Shane para maihatid ko.

Hiya naman kasi ako sa katarayan niya ngayon! Joke.

I tilted my head to her, "Sha-" I paused after seeing her leaning on my shoulder. Syempre, napangiti ako. Medyo bading.

"Oh? Di mo pa siya gigisingin? Malapit na raw," tanong ni Czarina sakin. I shook my head and said, "Wag muna. Baka magtaray na naman. Nasupladahan na nga ako kanina eh."

Czarina giggled after she heard it at nagsalita ulit ako, "Bakit ka natatawa? Ang abnormal ninyong mga babae eh noh? Minsan ang maldita, suplada, mataray tapos for no reason, biglang nasa mood! Ewan."

I stuck out my tongue after explaining. Tch.

"Hayaan mo na Klein, once a month lang yan. Intindihin mo na lang!" Di na ako sumagot pero I think, I got what she meant. Hay, girl thing nga naman. Pero paanong-eh nakapagswimming pa nga siya. Tss. Malay ko dun.

Ginising ko na siya tapos ako na nagbuhat ng gamit niya. Pinagbuksan kami ng maid tapos nasalubong namin yung step mom niya, "Oh, buti nakauwi na kayo." Bungad niya.

Kinuha ni Sha-neh yung bag, "KJ, magpapahinga na ako, pwede ka ng umuwi." Matamlay na sabi niya, siguro pagod.

Umakyat naman siya tapos magpapaalam na sana ako pero di ako pinauwi ng step mom niya. Dito na raw ko magdinner at malapit na raw maluto ang ulam. Buti, gutom ako kaya wala nang hiya-hiya! Nandito ako sa sala, nanunuod ng DVD na sinalang ni Meg.

"Saan yung bruha?" medyo nagulat pa ako sa tanong niya.

"Huh?" *HBDTbyShupershimmer*

"Si ate Hikari, nasaan?" Sabay subo niya ng kinakain na ice cream.

"Ah, nasa kwarto na, nagpapahinga eh napagod yata sa byahe." Tumango lang siya tapos di na ulit nagsalita. Medyo boring yung pinapanuod niya, pambabae kasi. Nakakabobo.

"If too much to ask, may I know kung bakit di kayo magkasundo ng ate mo? Well, I know that you are half-siblings pero parang ang layo ninyo sa isa't isa, knowing that you grew up together..." Ngumiti siya nang kaunti tapos umayos pa ng pagkakaupo.

"Hmm, wala talaga kuya eh. Malabong magkasundo kami, minsan nga nagtatalo pa kami... pero bihira na lang ngayon. Ano bang pinakain mo sa kanya at biglang bumait?!" Medyo natawa ako

dun ah!

"Haha! Wala ah. Baka nagmamature na siya, hindi na lang pumapatol sa mga maliliit na bagay. Anyway, pwede ko bang malaman ang dahilan ng pagkamatay ng biological mom niya?" Napatingin si Meg sakin at binaling ulit ang mata sa TV.

"Di pa ba niya nasasabi sayo?"

"Hinde eh..."

"Aaah, ok, I'll tell you dahil baka ikamatay mo pag di mo nalaman, but don't tell her that It was me who told you about her mom, okay?" Tumango naman ako.

"Sa Japan pinanganak si Ate, pero nung nag-three years old siya, dito sila tumira sa Philippines but during that time, pinagbubuntis na ako ng mother ko, ang landi ni Daddy ano?" She bluntly joked pero nakisang-ayon na lang ako.

"Nung pinanganak ako, ilang buwan lang eh nadiscover ako ng unang asawa ni Dad, ayun, medyo nagkagulo. Nalulong ata sa Casino at yosi yung mom niya tapos nagkacomplication sa baga. Eh weak daw yung lungs nun kaya... lumala. 5 years old si Hikari nang mamatay yun."

"...."

"Siguro naman nasagot ko na ang katanungan mo. Kinwento lang din yan ng mom ko eh." She smiled and I remained quiet. *HBDTbyShupershimmer*

Nabagabag naman ako sa nalaman ako. I didn't know any about her mom lalo na sa pagkamatay. Siguro sobrang sakit nun sa kanya.

I feel like I just want to enter her room and hug her by now. Kaso baka sipain ako nun!

"Dears, handa na ang dinner! Let's eat." Tumayo si Meg at pinatay ang TV. Sumunod na lang ako sa kanya papuntang kitchen.

Kinabahan ako bigla nang makita ko ang Daddy ni Shane! Tae. Parang gusto ko tuloy umuwi na lang, haha! Dyahe pre. Umuurong buntot ko rito!

"Hijo, sit down, let's eat." Sabi ni Mr. Oda tapos napa-bow ako nang di oras. Ha! Nakakatawa siguro itsura ko ngayon. Badtrip.

"Si Hikari ba di na kakain?" tanong ng step mom ni Shane, "Di na daw, baka tulog na." Sagot naman ni Meg. Ok, wrong idea talaga ang pagpasok ko eh.

"How was the vacation?" tanong ng Dad niya habang naghihiwa ng pagkain, "Was it ok? Di naman ba siya naging iritable?"

*HBDTbyShupershimmer* "Ah, nope. Actually mukhang naenjoy niya naman po kasi pagod na pagod siya pag-uwi." I chuckled nervously. Bakit nanlalamig ako!?

"Ilang room ang tinulugan ninyong magkaklase?" Tanong niya pa. "Were you together in one room?" hala, ang malice ng tanong. Yare.

Nanlamig na naman ako, "A-ha-ha, ano, hindi po. Isang room kami lahat pero dalawang kwarto. Isa sa mga babae tapos isa saming lalaki. Wag po kayong mag-alala." Fake smile sabay subo ng karne! Panalo yan Kleinder.

"Good."

Kumalma naman ako sa pagkakasabi niya, atleast nagsabi siya ng 'good'. Bakit nakakatakot yata ang Daddy niya ngayon? Samantalang di siya ganyan noon sa telepono. Labo!

Habang kumakain ako at ngumunguya ng pagkain, his Dad spoke out of the blue.

"Hijo, nanliligaw ka ba sa panganay ko?"

Sa gulat ko, muntik ko nang mabuga yung kanin sa bibig ko! Nasamid yata ako, lintek.

"Dad!" Sabi ng mom ni Meg after makita yung naging reaction ko. Wow, straight to the point. Akala ko mag-eevaporate na ako. *HBDTbyShupershimmer*

Walanghya ka talaga Kleinder. Kailan ka pa nawalan ng manners sa pagkain?! Buti nga natakpan ko agad ang bibig ko at dali-daling inabot ni Megumi ang baso ng tubig habang natatawa.

Naubos ko agad yung tubig nang isang lagukan lang.

"What's wrong? I was just asking him kung nililigawan niya ba si Hikari para alam ko. I'm his Dad, you know." Kinuha ko ang table napkin at pinahid sa labi ko.

I smiled and breathed out hardly.

"If you don't mind Mr. and Mrs. Oda, mabibigyan niyo ba ako ng pahintulot about sa panliligaw sa kanya?"

HBDT// Kabanata 34

KLEINDER's POV

"If you don't mind Mr. and Mrs. Oda, mabibigyan niyo ba ako ng pahintulot sa panliligaw kay Hikari?"

Sa totoo lang, di ko alam kung saang birtud ko napulot yung lakas ng loob na sabihin yun. Nak ng teteng! Nayari na ako rito! Parang gusto ko na tuloy magteleport patungong bahay! Argh.

Nakatitig lang ako sa ire-react ng Daddy niya. Kumuha muna siya ng table napkin saka nagpahid ng labi. Potek. Kinakabahan ako! Parang ito yung feeling na naramdaman ko nung tutuliin ako nung bata ako!

Ano ba yung sample ko, lintek!

He coughed, "Alam mo, ever since, di pa nagpapakilala si Hikari ng boyfriend niya, wala rin siyang dinadala rito sa bahay na lalaki. Ikaw pa nga lang yata ang nakaapak sa bahay ko."

Sus. Kung alam niyo lang po na nakailang boyfriend na siya. Tae, pinagpapawisan ako nang malapot dito. *HBDTbyShupershimmer*

"Actually you're the first guy who dared to go inside my house for her and even confessed that thing in front of us," He drank a glass of water.

Teka, ano ibig niyang sabihin dun? Ayaw niya bang dumadalaw ako rito? O ayos lang? Medyo malabo.

"Pero hindi ba ang bata pa ninyo? Baka magalit ang mga magulang mo, Hijo? You know na baka magkaproblema if ever. Maaaring madamay ang business attachment between your parents and Mr. Oda." Sabi ni Tita Gene na nakangiti pa.

Kinabahan ako lalo!

"Ah, kaya nga po pinapaalam ko na sa inyo ngayon eh, para magkaalaman na. Wala naman po siguro itong kinalaman sa negosyo, sa aming dalawa lang naman..." Tumawa ako pero mahina lang. Nakakailang! Kill me now guys. Please.

"Hahahahahahahahaha!!!"

Everyone was shocked when his Dad laughed hardly. Nakakatakot naman yun. Kanina ang seryoso tapos biglang ganyan!

"Alam mo hijo, you really got your Mom's sense of humor." Syempre, ngiting tagumpay ako, "Why do you like my daughter? Hindi siya tipikal na babaeng nakikita mo sa paligid na nagsusuot ng dress, ni hindi nga yan nagmemake up eh. Walang interes sa girl stuff. Mukhang wala rin siyang time sa serious things like that. Are you sure about courting her?"

Napaisip pa ako bago sumagot, "Uhm, well, that's her catch. Yung pagiging extraordinary niya... I find it interesting. Hindi naman po yung pagiging girly side niya yung nagustuhan ko e..."

"...Yung pagsuntok niya po sakin ang pinaka-memorable sa una naming pagkikita nun." My lips curved. How silly was that?!

Natawa yung Daddy niya, si Meg naman, nagreact, "Sussss! Yun naman pala Dad eh! Nasuntok ni ate kaya ganyan!"

"Ngayon... kung di po okay sa inyo, eh maghihintay na lang ako sa go signal," Kahit deep inside, di ko tanggap na di okay sa kanila. Sana okay. Sana okay.

"Wala namang problema yun sakin." *HBDTbyShupershimmer*

"PO?!"

"Ayaw mo? I'll take my words back."

"HINDI PO!" Everyone giggled, "Kleinder, kilala ko ang mga parents mo kahit paano, mababait sila. Siguro naman mapagkakatiwalaan kita pagdating kay Hikari. I guess you're the kind of guy she needs, saka... may itsura ka, panigurado maganda ang lahi ng mga apo ko, Hahahaha!"

Namula ako. Yuck. Ang bading. Pero nakakatuwa. Nag-uumapaw yung saya sa dibdib ko. Oo! Apaw na apaw na, lunod na nga ako eh!

Apo raw? Hindi naman siya masyadong futuristic.

"Besides, you're a good influence to her, I think. Ipagpatuloy ninyo ng mga kaibigan mo yung pagsama sa kanya, kesa dun sa mga walang kwentang tao na sumira sa kanya. I trust you."

"Thanks."

Ngiting tagumpay meeeen! Wuhooo! Parang ang sarap sumuntok sa hangin kaso nakakahiya. At kung makapagcelebrate naman daw ako! Akala mo nasagot na ng nililigawan eh. Psh.

Kalma lang pre. Kalma.

**

The night after that, 3 days kaming di nakapag-usap dahil wala ngang contact. Una, dahil grounded siya. Pangalawa, walang celphone, pangatlo, walang internet. Lastly, nasabi ko na bang grounded sya?

Kaasar.

Pero siyempre, nung mawala na ang bisa ng mahiwagang ground niya, ayun, nagtext siya na Ok na. Nagkaroon kami ng communication tapos madalas ko siyang niyayayang mag-skype para makita ko siya. Wooo! Korni mo 'tol.

Balik-klase, at busy lahat sa pagrereview. Medyo hassle nga yung buwan na 'to dahil maraming nakalinyang schedule for Entrance Exams tapos sasabayan pa ng Second quarter test.

Nasa field kami ngayon at nakatambay dahil break pa naman.

"Hikari! Anong course ang kukunin mo sa Entrance exam sa Sabado?" Tanong ni Czarina sa kanya. She shrugged her shoulder like she has no idea at all.

"Di yan mag-aaral! Mayaman na yan eh." Sabat ko. *HBDTbyShupershimmer*

"Edi dapat di ka narin mag-aral? Mayaman ka diba?" Sabi naman ni Sha-neh, naki-oo naman si Rex!

"Pwede rin, kaso gusto ko eh. Boring pag tumambay lang tsaka para sa future, diba?"

Binato ako ni Gab ng empty bottle ng C2 na kakainom niya lang, "Sowsss! Style mo bulok pre! Papyutu-pyutur ka pa dyan. Si Hikari lang naman ang gusto mo sa future diba? Hahahaha!"

I glared at him while Rex and Czarina are ridiculousy laughing. Si Sha-neh, ngumiti lang, pero ayos na rin. Loko 'tong si Gab! Bigla-biglang hihirit eh, baka mamaya kiligin ako. Yuck, wag sa harap nila. Okay lang kung si Sha-neh makakakita.

Mamaya nanahimik na sila at abala sa ibang bagay. Tapos, kami na lang ulit ni Shane ang magkausap, "Naloko ka ni Gab, ano?" she chuckled.

"Di, seryoso, mag-aaral ako ng college."

"Ano'ng course naman?" Tanong niya tapos binaba ko yung cellphone ko na nilalaro.

"Anything related to Math na lang siguro. BS Math, BS Accountancy, etcetera. Ikaw?" Nilingon ko siya. She sighed and leaned on the bench.

She pouted just like a baby, "I hate Math. Tch."

"Bakit? Balak mong kumuha ng kursong kukunin ko? Gusto mo 'kong makasama noh?" Natawa naman ako pero sinamaan niya ako ng tingin!

"Asa."

"Sabihin mo lang kung gusto mo. Pwede akong mag-shift. Basta magkasama tayo ng building para nakikita kita... pwede ring same block, para sulit!"

Humarap siya at ngumiti. Was it me o talagang nagblush siya? I feel like I want to pinch her pinkish cheeks. May mga epal lang kasi, baka mang-asar na naman! *HBDTbyShupershimmer*

"Hikari Shane Oda, please come to the English Lab. ASAP." Natahimik kami nung nagsalita yung intercom.

"Hikari Shane Oda, please come to the English Lab. ASAP."

"Hikari, tawag ka!" Sabi ni Rex. "May kulang ka ba sa teacher natin sa English? Seatworks?"

"I don't know, di ako nagbibilang ng mga ganun." She answered. Pffft.

Inabot ko yung bag niya, "Sige na, pumunta ka na dun, baka urgent."

Tumayo siya tapos naglakad papunta sa isang building kung saan nandoon ang English Lab. Lumipas ang 15 minutes, wala parin siya. Malapit na ang next subject, baka di na naman siya makapasok?

Tinext ko na lang siya na umalis na kami sa field at pag natapos siya, humabol na lang sa gym. Wala namang something important sa P.E, kasi puro lessons. Maagang nag-dismiss si Sir kaya nakalabas agad kami ng gym.

Wala pa rin siya? She should've texted me kung pauwi na siya or what. Well, hindi naman sa nagpapaka-OA pero bihira lang kasi magtawag ang intercom ng specific student. Kadalasan teachers o kaya announcement.

Pinauna ko na si Gab umuwi tapos sumadya ako sa English Lab. Nasalubong ko pa nga yung head eh pero bumaba siya. Pumasok ako at walang tao. May isa pang kwarto roon na inuupuan nung head. Sinilip ko, at nakita ko nga siya.

Wait, bakit kasama ang Daddy niya?

Wooden yung pinto nun pero may salamin sa bandang taas. Kita ko na nag-uusap sila, naka-upo si Hikari sa bangko tapos ang Dad niya, nakatayo lang. Mukha siyang badtrip. Bakit kaya?

Hindi ko naman ugaling mag-eavesdrop pero naka-awang kasi yung pinto kaya natukso na akong makinig. *HBDTbyShupershimmer*

"So all this time, akala ko tumitino ka na?! Talaga bang gusto mo akong ipahiya sa may-ari ng school? You know that he was the one who entered you here pero ganyan ka! Kung hindi pa ako nagsadya rito, di ko pa malalaman ang cuttings mo. Kasama na ang mga activities na hindi mo ginagawa!"

"Sa bahay na lang pwede? Uwing-uwi na ako." Sabi ni Sha-neh nang mahina.

"No, we have to talk, now! Kaya nga pinalabas ko muna ang head diba. What do you think other people will say pag nalaman nilang ganyan ang anak ko!? Ano na lang ang mukhang ihaharap mo sa mommy mo? Wala ka man lang bang ipagmamalaki sa kanya?! You're such a black sheep, Hikari. Kailan ka ba magbabago ha? Napag-usapan na 'to ah."

Nasilip kong tumayo na si Shane, "I don't care about them Dad! At wag na wag mong idadamay si Mommy! Kasalanan mo kung bakit siya nawala! Tsaka, ikaw lang naman kasi ang nag-iisip nang ganyan. Pareho kayo ng mga teachers dito. Once a bad student, always a bad student. Ganyan tingin niyo sakin, diba? Never naman akong tumama eh!"

Mukhang nag-iinit sa loob. Parang di na yata napigilan ni Shane yung sarili niya kaya nasabi niya yun. Ano bang magagawa ko?

May isang bagay ang kinabigla ko. Nakarinig ako nang malakas na tunog. Parang sampal yun na

napakalakas kaya napakapit ako sa door knob. Nagdalawang isip pa ako kung papasok dahil awaymag-ama yun eh.

"Wag mo kong pagsasalitaan nang ganyan! Ako nagpalaki sayo kaya gumalang ka!"

Wala na akong narinig na salita mula kay Shane, pero malinaw sa pandinig ko yung mga huling salita ng Daddy niya sa kanya.

"I gave you a lot of chance, Hikari. Pero ngayon, sa ayaw at sa gusto mo, ipapadala na kita sa Japan this weekend. Tutal di ka naman nagtitino sa Pilipinas eh, baka sakaling mauntog ka pag nasa Japan ka. No turning back..."

"... You'll get old together with your Auntie in Japan."

"Dad!"

I was taken aback after it. So, did he mean, ima-migrate niya na si Hikari this week? Ibig sabihin-

Lumayo ako sa kwarto na yun dahil naramdaman kong palabas na ang Daddy niya. Lumabas si Mr. Oda ng English Lab tapos bumalik ako sa office. Kaya lang, bago ko pa mabuksan, narinig ko na ang iyak niya.

Nabagabag ako nang kaunti dahil sumigaw siya sa loob. Di ko magawang pumasok dahil parang nanigas ako sa kinatatayuan ko, as in nakahawak lang ako sa door knob at pinakikinggan yung pag-iyak niya.

The way she cries... is a bit... painful for me. No, not a bit... the freakin' truth is, it's really painful.

Hanggang sa nakarinig ako ng pagbasag. I think nagbasag siya ng vase sa loob. Galit na galit yata siya talaga. Di ko alam kung kanino. Sa Daddy niya o sa sarili niya?

I gulped before I entered the room. Medyo humihina na yung iyak niya. I'm just hearing her sobs unlike kanina. Di siya tumingin sakin pero kita ko yung nagkalat na bubog ng vase sa loob, pati yung daliri niya na nasugatan.

Pinaupo ko muna siya sa upuan pero parang wala siya sa sarili. Inaalis niya pa nga yung kamay ko sa balikat niya eh. Kinuha ko yung kamay niyang may sugat habang naka-half-knee ako pero kumalas siya. I looked at her and there's anger on her face. Pinilit ko parin na makuha yung kamay dahil kumakalas siya.

Dinukot ko yung handkerchief sa pocket at pinahid sa sugat, "Diba sabi ko sayo, wag mong sasaktan ang sarili mo." Sabi ko habang nakatingin sa kamay niya at binabalutan iyon ng panyo.

"Pati yung vase na walang malay, nadamay mo." I smiled fakely though it hurts me to hear her sobs.

I strongly faced her, "Wag ka na ngang umiyak. Di bagay."

Tumayo ako pero nanatili siyang nakaupo. Nakita ko na lang na nagpapahid siya ng luha gamit yung isang kamay niya tapos hanggang sa umiyak siya. But this time, it's a quiet cry. *HBDTbyShupershimmer*

Mahina... pero masakit.

Nagpamulsa na muna ako at di ko siya pinagmasdan, "Ano ka ba... kung totoo ang sinabi ng Dad mong ipadadala ka na niya ng Japan, wala ka nang magagawa. It's not like first time mong magpunta doon, diba? Just think of it as a very, very long vacation."

Humihikbi pa rin siya. Di ko naman matanong kung bakit. Di ko siya mapatahan...

After a couple of minutes, nahimasmasan siya tapos tumingala at ngumiti. Medyo peke nga lang pero nginitian ko na rin kahit nasasaktan ako sa part that there's a possibility na malayo siya sakin. Na baka di na kami magkita.

"Pag may time ka..." dahan-dahan siyang tumayo, "Pwede mo ba akong bisitahin sa Japan? Isama mo na rin sila... Hihintayin ko kayo, hah? Lalo ka na..." A teardrop fell down from her eye.

She faintly smiled while I felt like I just want to get lost from here. Inabot niya yung pinky finger ko tapos sinabit niya roon ang pinky finger niya. It's quite childish but the moment is... effin' heartbreaking.

Naglakad na siya palabas ng room and I was left here alone. Bago ko pa napigilan, tumulo na ang luha na kanina ko pa gustong ilabas.

Fvck Kleinder! Para kang bata. Bakit ka naluluha? Yung sinabi niya... Goodbye promises ba yun?

HBDT// Kabanata 35 (pt. 1)

HIKARI's POV

I really have no freaking idea na ngayon pa 'to mangyayari. Unexpected kumbaga. Para bang ang ganda-ganda lang ng mood ko kanina habang nakikipag-usap kina KJ tapos biglang ganito. Nakakapanlumo talaga.

You know what hurts? Yung part na sinabi ni Dad na ipadadala niya ako sa Japan. Fck! Bakit naman yun pa ang naisip niya? Does he think na solusyon yun? I guess, not. Di ko kaya. *HBDTbyShupershimmer*

Yung time na pumasok si KJ sa loob nun habang naiiyak ako, I felt some comfort. Yung comfort na hinahanap ko mula sa ibang tao... tapos halata ko pang nagkukunyari siyang ok lang, kahit hindi. Nanginging pa ako nun habang hawak niya ang kamay ko.

Naiisip ko palang na may posibilidad na malayo ako sa taong 'to, naiiyak na ako... I can't help but cry in front of him. Di ko alam kung bakit? Naiinis ako sa sarili ko.

Freakin' weak.

Umalis na ako ng school hindi para umuwi kundi para magrelax. Actually, parang ayokong umuwi! Di ko gusto yung idea ni Dad na ilayo ako sa mga kaibigan ko rito... lalo na kay--

"Hey, ano prob natin?" Pinatong ni Andrew yung kamay niya sa balikat ko habang nakaupo kami sa may stool.

Well, nandito lang naman ako sa lugar na madalas kung puntahan noon pag nababadtrip. Sa clubhouse at laking pasasalamat ko dahil wala si Nylan!

Ininom ko yung cocktail pero konti lang, "Wala naman."

Inalis niya yung kamay niya tapos tinapon yung maliit na piraso ng yosi na ginamit niya, "Himala. Napadalaw ka yata rito? Akala ko pa naman new life na. Hahahaha!"

Umismid ako, "Bakit? Bawal na ba ako rito? Binili mo ba?"

He chuckled, "Ooooh relax! Pinapatawa lang kita Hikari. High blood ka naman eh."

"Hindi kasi nakakatawa."

Tumawa na lang siya at nanatiling tahimik. Buti naman! Pero after 5 minutes, tinanong niya na naman ako about kay Nylan. Lalo nga akong nabadtrip sa topic eh kaya I dropped it at baka masapak ko siya!

*bzzzzzzzzzzzzt*

Napatingin ako sa cellphone ko na nakapatong sa table at nagvavibrate. Sa totoo lang kanina pa yan eh. Nagdadalawang isip lang kasi ako na sagutin! Medyo natatakot ako.

"Uy, may tumatawag." Siniko pa ako ni Andrew kaya tinignan ko siya nang masama, "Alam ko, di ako tanga." *HBDTbyShupershimmer*

"Ayaw mong sagutin?"

I pouted, "Wag na."

"Sino ba yan?" Kinuha niya nang mabilis yung phone tapos tinignan ang pangalan ng caller, "Uy, si classmate mo pala 'to eh. Si Kleinder."

He was about to tap the screen to answer it pero inagaw ko mula sa kamay niya tapos dali-daling inalis yung battery. "Sabing wag eh. Marunong ka pa sa may-ari?"

He coughed habang nakangisi, "Ba, LQ ba dre?"

"Mukha mo."

"Eh kailan mo ba yan sasagutin?"

"Walang pag-asa." Sabi ko. This time, nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Andrew.

"HAH?" sabi niya na parang ayaw maniwala. Ugh.

"Pinababalik na ko ng Japan. Migrate. Ok ka na?" Inubos ko na yung natitirang inumin sa baso ko. Nababadtrip na naman ako!

Kinakabahan kasi ako everytime na nagvavibrate yung phone ko dahil sa tawag ni KJ. Baka kasi pag narinig ko ang boses niya, di ko matiis. Baka maiyak lang ako. Nakakahiya naman kung ganun, atsaka... special siya sakin kaya paano magiging madali sa akin ang umalis? Sabihin niyo nga?

Maybe, If I didn't meet him, it would be easy to go. Baka nga um-agree pa ako e!

Siguro, kung hindi ko pinanghahawakan yung salitang 'gusto niya ako', baka di ako mahihirapan sa pag-iisip ngayon.

Matagal din bago nakareact si Andrew sa sinabi ko. Hindi rin kasi siya makapaniwala. He just tapped my back at ginoodluck ako. Baka raw magbago pa ang isip ni Dad pag kinausap ko. Sus. Asa ka pa!

Umalis na si Andrew dahil may date pa raw siya kaya binatukan ko na lang bilang blessing. 7 PM na and I'm still here. Waiting in vain. Waiting for a miracle. Baka nananaginip lang ako!

Natukso akong buksan yung phone ko at sunod-sunod na text ang nareceive ko. Syempre, kanino pa ba galing?

From: KJ squiddy

'Shane, sgutin mo twag ko, may gsto akong itanong..'

'Shane?'

'Bkt mo in-off? Ayw mo b akong kausapin?'

'Shane... please?'

Binasa ko ulit yung huling text niya at medyo nakaramdam ako ng kirot. Naimagine ko kasi habang sinasabi niya yung 'Shane... please.' Nakokonsensya tuloy ako sa hindi ko pagsagot. Am I being so rude? *HBDTbyShupershimmer*

Umalis na ako sa lugar na yun at naglakad-lakad. Tapos, nakatitig ako sa phone ko na baka tumawag ulit sya kaso, wala eh. Tinago ko na lang muna sa pocket ko at pagkaangat ng ulo ko, may naaninag akong mga tao.

If im not mistaken, sila yung mga nakaaway ni Nylan dati sa merge!

Tumalikod ako para mag-iba ng way at dahan-dahan kong binilisan ang paglakad! Mahirap na. Kahit makita ako nila at makilala ako, talo parin ako. Babae ako at lalaki sila-- madami pa.

I ran as fast as I could! Medyo madilim na kasi sa street na yun eh, delikado. Sa katatatakbo ko, napunta ako sa highway tapos muntik pa akong masagasaan!

"Fuck!" I cursed after I realized that I'm almost close to death. Sino ba 'tong tatanga-tanga magdrive!?

Lumabas ng kotse yung driver, "Magpapakamatay ka ba, ha!?" Naulinigan ko yung boses. Kilala ko yan ah?

Inangat ko yung ulo ko para tignan siya nang mabuti, "Nylan?"

Nag-iba yung facial expression niya tapos lumapit siya sakin, "Hikari? A-anong ginagawa mo rito?! Gabi na ah."

Hindi ko siya sinagot tapos tumingin ako sa likuran ko dahil baka nasundan ako, "Nylan, I saw them... yung sa merge. Umalis ka na rito. Baka--"

"What?"

"Yung nantrip sayo, dati! Baka makita nila tayo!" Patakbo na sana ako kaso pinigilan niya yung kamay ko at hinila.

"Nylan! Ano ba!"

"Sumabay ka na sakin, it's better. I think." Nagdalawang isip pa ko nun kung papasok ba ako sa kotse niya but he opened the door and pinaupo niya ako. I guess mas ok nga siguro 'to.

Ngayon na lang naman...

"What a fate, right? Akalain mong savior mo ako ngayon?" He smiled after niyang sabihin yun.

Kasalukuyan na kaming nasa byahe at nag-offer siya na ihahatid niya ako pauwi. Pagod na rin kasi ako eh... So much for this day!

I fakely smiled, "Talaga lang, huh."

"By the way, libre ka next week? There's gonna be a mini-concert by our college. It's open for outsiders. Would you like to come?"

Sinandal ko na ang ang ulo ko bilang sagot. Ewan ko kung na-gets niya yun kasi di na siya nagsalita pa eh. Tch. Nasa japan na ako next week, so I won't be able... Ugh. I really hate my life!

I want to reincarnate! Kung pwede lang ba eh.

Pagdating namin ng bahay, bumaba ako ng kotse tapos siya rin. Sinabi ng wag na magpakita eh, baka makita na naman ako! Bwisit. Paglapit ko sa gate, napaatras ako nang makita yung taong palabas. *HBDTbyShupershimmer*

"K-leinder..."

My eyes were wide open na akala mo nakakita ako ng multo. He just looked at me... afterwards, napatingin siya kay Nylan. Dama ko yung titigan nilang dalawa nun eh. Para bang nagpapatayan na sila by their look! The hell!

"Ano ginagawa mo rito?" Kabadong tanong ko. Bakit ang lakas ng kaba ko?

He smiled, but it was bitter, "Nothing. I just wanna check if you're okay." Dahan-dahang nawala

yung curve ng lips niya at medyo naging cold ang aura.

"I guess you are really fine. I thought wrong." Dagdag niya pa, and that one hits me very hard. He's being cold now. *HBDTbyShupershimmer*

Iniba ko yung tingin ko, "Ah, ganun ba..." I gulped. Bakit parang nasasaktan naman ako rito? Parang ang sakit niya magsalita.

"Magpahinga ka na, Hikari."

Woah. He called me Hikari. Not Shane?! Ano ba nangyayari sa Kleinder na 'to? Dahil ba hindi ko sinagot ang mga tawag niya? Yun ba? O dahil nakita niya si Nylan?

Naglakad na siya palayo at pumasok na ako tapos narinig ko pang magsalita si Nylan, "Hikari!"

Napalingon ako, "Goodnight. Slumber deep! Asahan kita next week!" Tsaka siya pumasok sa kotse at nagdrive. Si KJ naman, diretso lang pero alam ko pinakinggan niya yung sinabi ni Nylan.

Ano ba 'to! Ang sakit sa ulo!

***

Three days na kaming di nag-uusap ni Dad. Palibhasa di ako sumabasabay tuwing dinner or breakfast. Para bang may cold war sa bahay! Three days na rin akong di pumapasok dahil for sure, wala na ring sense ang pagpasok ko at... nagpapractice na akong di makita sila. Or maybe,

siya.

Si KJ.

Tang ina. Ang hirap nito ah. Seriously! Walang araw na hindi ko siya naiisip. Badtrip. Hindi na rin kasi siya nagtetext eh. Galit yata? :

Nagtataka rin ako sa Dad ko eh! Hindi ako grounded! Akalain mo yun? Dati, pag ganyan, kinakuha niya lahat ng gadget ko. Tapos ngayon, wala lang? As in papapuntahin niya lang ako ng Japan? Well, that's full of shit!

Argh! Di ko talaga kaya!

"Manang... pahiram ng cellphone."

"Po? Nawala ba cellphone mo?" Nag-tsk lang ako tapos kinuha ko yung cellphone niya. Tae, ako pa nagbigay ng load. Swerte niya.

Tinype ko yung number ni KJ tapos call. Nahihiya kasi akong gamitin ang number ko. Baka di niya sagutin ang tawag ko pag pangalan ko ang nag-appear sa screen ng cellphone niya. Grabe lang yung heartbeat ko! Kung gaano kabilis ang ring, ganun niya kabilis na-pick-up ang tawag. Ito na!

"Hello?" Napangiting wagas ako nun nang marinig ko ang boses niya. Tawagin niyo na akong baliw, wala akong paki.

"Hello? Sino 'to?" Ulit niya, habang ako, nanatiling tahimik. Sige, magsalita ka pa. Para sulit yung load na pinasa ko sa maid na 'to.

"Hey..."

"Arf! arf! arf!"

"Twinkle! Come here~" --Megumi.

Dali-dali kong binaba yung phone at in-end yung call. Nak ng teteng naman oh! Mga wrong timing 'tong mga 'to eh! Bwisit. Sana hindi niya narinig yung boses ni Meg at kahol ni Twinkle! Mayayari ako nito.

"MEGUMI! ANO BA! PANIRA KA AH!!!"

"Bakit!?! What did I do!?"

ARGH. NAKAKAINIS.

HBDT// Kabanata 35 (pt.2)

After ng tawag na yun, di na ako umulit pa. Mahirap na 'noh! Nakakahiya kaya. Baka isipin niya pang stalker ako. Grabe, parang gusto ko nang mag-evaporate dahil sa ginawa ko! Totally shameful.

Umakyat na lang muna ako ng kwarto tapos naabutan kong iniimpake ng maid yung mga gamit ko. Aba, ayos 'to ah! Binigyan ko na nga ng load, ganito pa ang isusukli niya? Hambalusin ko 'to eh. Pinaalis ko muna siya kasama nung cellphone niya at sabe ko, ako na ang bahala.

Nung buksan ko yung upper part ng drawer ko, natigilan ako sa bagay na bumungad sa harap ko. Yun kasi yung origamis na ginawa ni KJ. Natatawa pa nga ako kasi talagang inagaw ko 'to sakanya eh! Kahit medyo nakornihan pa ako nun. Akalin mong memories na lang ang mga 'yun?

That was the very first time na nakasundo ko siya... nakakatuwa lang alalahanin.

Tinabi ko muna yung bagay na yun bago pa ako maiyak. Napakababaw ko naman yata kung iiyak ako nang dahil sa origami lang! Tch. It's not me! *HBDTbyShupershimmer*

Nagsitawag sina Czarina at Rex pero di ko muna sinagot dahil malamang, alam na nila yung about sa Japan at for sure, mahabang paliwanagan yun! Medyo labag pa nga sa loob ko yung pagiimpake eh, yung tipong nakasimangot ako all throughout!

Tinigil ko na muna yung ginagawa ko at nagpahinga saglit. Kaka-scroll ko sa cellphone ko, di ko namalayang nagbabasa na pala ako ng convo namin ni KJ dati. Yung mga asaran, trashtalk, at kung ano-anong kakornihan. Syempre, di ko na isheshare pa! Baka makornihan kayo at kiigin dyan, sus!

Maya-maya, naramdaman kong may pumasok ng kwarto kaya inangat ko ang ulo ko . Nang makita ko si Dad, di ko siya pinansin at balik ako sa ginagawa ko.

"It's good na nakapag-impake ka na. Tomorrow evening is going to be your flight."

"..." Ignore lang. Nakakasama kasi ng loob! Seryoso.

"Would you like to go somewhere before you leave? Like friends, classmate?"

"..."

"Mukhang ok na sayo ang pagpunta ng Japan..." He sighed, "Okay, babawiin ko na lang yung sinabi ko sakanya."

He turned his back bago pa man may mag-sink in sa utak ko, kaya nagsalita ako bago pa man siya makalabas ng room, "What do you mean?"

"I think, you just have to thank him, I mean, Kleinder. That guy gives you importance more than I can give."

The next thing is, he crampled my plane ticket! Ok... he really did. So, anong ibig sabihin nito? After niyang gawin yun, nagsalita siya, "I'm sorry, anak." He smiled.

He went out at nakatulala parin ako sa pinto habang unti-unti kong dina-digest yung mga pangyayari. Una, he talked to me. Pangalawa, he mentioned KJ. Third, he crampled my ticket. Lastly, he called me 'anak' and that's weird! Katapusan na ba!?

Does it mean na di na tuloy!? Napatayo ako sa higaan ko tapos pinulot yung ticket at pinunit ko pa lalo! Hiyesss!

Ang saya ng pakiramdam ko! Cloud 9!

Di ko alam kung ano ang una kong gagawin, pero naisipan ko na lang na tawagan si KJ this time, at nakakaasar lang dahil babae ang sumagot!

"The number you have dialed, is either unattended or out of coverage area. Please try or call later."

"Argh! Ano ba!" Bulong ko.

"The number you have dialed, is either unattended or out of coverage area. Please try or call later."

Lumabas ako ng kwarto tapos hinanap ko si Dad and fortunately, nakita ko siya sa terrace, "Dad..." Hingal pa ako dahil sa pag-akyat.

"Oh?"

"Bakit mo kinansela yung flight? Anong sinabi sayo ni Kleinder? S-siya ba ang kumausap sayo?" sa dami ng tanong ko, di ko alam kung naintindihan niya ba yun. Bahala na!

"It's nothing." Ngumiti siya ulit. "Aalis ka ba? Sige, hahayaan muna kita sa ngayon."

Tapos naglakad na siya at iniwan ako doon. It's freaking weird! Damn. What's happening to him? Bumaba ako at nagsuot ng sandals then nagpaalam na lalabas lang. Patakbo kong nilakad yung labas ng village at nagpara ng taxi. Pagdating ko sa bahay nila... wala raw siya sabi ni Kristina. He left with his skateboard.

Pauwi na sana ako eh kaso there's something in me na para bang gustong-gusto ko siyang makausap. I really like to see him, now! Para kasing di ako makakatulog pag di ko siya nakausap ngayon... ang weird sa feeling.

Ngayon ko lang ulit 'to naramdaman. *HBDTbyShupershimmer*

Naalala ko yung place na madalas puntahan ni KJ. Naalala kong dinala niya pala ako before sa bahay niya raw. Tama! Baka nandun siya. Bwisit! Pahirap naman 'to hanapin!

I rode again at buti eh alam ko pa yung place kaya naituro ko sa driver. I tried to call him again but his phone kept ringing and ringing! Badtrip. Binaba ako doon tapos nakita kong naka-lock ang gate at halatang may tao nga sa loob. Maybe, it's him. I supposed.

Dahil nga di ako makapasok at ayokong magdoorbell, inakyat ko pa yung pader bago ko napasok! Langya talaga! Buti at medyo mababa yung tatalunan ko.

I walked through the door at nakita ko nga sa labas yung skateboard niya. Sumilip pa ako ng bintana para sure at nakita ko nga siya. May iniinom siyang tubig sa baso habang nanunuod. Nakita kong hawak niya yung cellphone niya.

Lokong 'to ah! Bakit kanina unattended siya? Tapos ngayon he keeps scrolling? The heck is that! Later on, naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko kaya tinignan ko agad.

Calling... KJ squiddy

"shit..." I whispered to myself when I saw his name on my screen. Nanginginig pa ako nun habang pinipindot yung answer button!

"Uh-hello?" Mahinang sabi ko.

"Bakit ka nag-missed call kanina?" Parang boring na sagot niya kaya naasar ako. Ewan ko ba kung bakit!

"Eh bakit di mo sinasagot?" Ganti ko naman.

"Bakit? Narinig ko ba?" hala! Pagandahan yata ng pambabara ngayon ah. Langya 'to! Nag-iinarte pa. Sarap sugurin sa loob at masipa!

"Eh hawak-hawak mo lang naman ang cellphone mo ah?! Di mo pa naramdaman?! Manhid ka talaga." Sagot ko naman tapos diniinan ko yung last words ko.

"Paano mo nalamang hawak ko, aber?" Tanong niya.

Nanlaki yung mga mata ko nun kaya tinakpan ko bibig ko at medyo nag-bent down dahil baka

makita niya ako sa bintana! Argh! Ang careless ko talaga.

"H-hah? Ano... hula ko lang. Wild guess." Pinagpawisan ako bigla!

"Nice guess, huh? Ang lupet."

Napapoker face ako, "Leche, bakit ka ba tumawag!?"

"Bakit? Ako ba unang tumawag? Ikaw diba." Argh. Parang tanga 'to! Kitang siya nagdial eh! Amp. Nakakainis. Di na ako nakasagot nun dahil dahan-dahan akong sumilip sa bintana pero napatayo ako nung di ko na sya nakita!

Nasaan na yun?

"Eh bakit nang-i-stalk ka?" Narinig ko sa kabilang linya. Tumindig yung balahibo at halos mabitawan ko yung phone ko pagkaharap ko sa likod! *HBDTbyShupershimmer*

"Ay shit!" Napaurong ako tapos super lapit niya habang nakadikit pa yung phone sa tenga niya... at mukhang nang-aasar siya!

Binaba ko yung phone at tinago ko sa likod. Yumuko na parang hiyang-hiya! Di lang parang! Totally shameful! Pakinshit.

"Bakit nandito ka?" He asked firmly na may halong malice.

"La lang."

"Imposibleng napadaan ka lang dito, eh ang layo ng bahay niyo. Lalo namang di pwede kung nauna ka pa rito dahil una sa lahat, it's my house. At pangatlo... sabihin mo lang kung sinusundan mo ba ako, okay lang sakin."

"Pangatlo." Diretsong sagot ko at inangat ko na yung ulo ko. Wala eh. Ano pang magagawa ko eh huli na ako.

He smirked after hearing my answer. Napahawak pa nga siya sa ilong niya eh, parang nahiya ang kumag! "Stalker ka na pala ngayon? Well, you're not a good stalker dahil nahuli kita." Dagdag niya.

"Sinabing hindi ako stalker eh!" I was about to hit him pero pinigilan niya yung kamay ko.

"Oh, wag mo na akong saktan ulit. Tama na yung nahuli kitang nakikipag-date kay Nylan nung nakaraan, ok?" Medyo nagulat ako sa sinabi niya tapos...

"Date? Anong date!? Di kami nagda-"

"Oo na! Oo na! Pumasok ka nga muna. Ang ingay mo, nakakaalibadbad." Hinila niya ako sa living room tapos pumunta siyang bandang kusina at nagsasalita pa siya! "Kaya nga ako umalis ng bahay para makaiwas sa bibig ni Kristina e, tapos dito rin pala, may susulpot!"

"Oh ano!? Ayaw mo ba? Aalis na lang ako." Tumayo na ako nun tapos lumabas siya mula dun at

hinagisan niya ako ng sandamakmak na piattos. "Subukan mo lang. Maraming rapist sa labas." sabi niya. *HBDTbyShupershimmer*

I sat down at tinignan ko sya sarcastically, "Dito nga lang sa loob, may rapist na eh. Kasama ko pa."

He clenched his teeth pero binelatan ko lang! Nanunuod kami ng tv tapos walang nagsasalita. It feels weird! Yun bang ang sungit ng dating niya pero parang masaya sya? Bipolar?! After nung movie na pinapanuod niya na hindi ko naman nagets, hinatid niya ako pauwi.

"You're freaking me out! Stupid." I mumbled at napalingon siya habang naglalakad na kami.

He looked at me, "Alam mo, if you want to say 'thank you', say it. If you feel grateful, then make a person think that you really do."Humarap na siya sa daan, "Don't do the other way around." He added.

I pouted, di ko alam kung paano 'to pero bahala na! I stopped walking, and so he does, tapos inabot ko yung balikat ni KJ at niyakap siya. I bet he's shocked. Wala akong alam sa mga sweety stuff.

"Fine, thanks." Sabi ko.

"..." - KJ

"Ano?! Nagthank you na ako! Di ka ba magrereact!?"

Maya-maya pa, unti-unti kong naramdaman yung kamay niya sa likod ko. Feels good! "Sobrang thankful ka naman masyado. May bonus pang hug." He chuckled.

"Hiyang-hiya naman kasi ako eh." Sarcastic na sagot ko.

"Sus, aminin mo na. Tsansing ka lang talaga! Pero ayos lang, pagbibigyan muna kita sa ngayon at baka ikamatay mo pa."

ANG KAPAL PO! Ahem!

Bibitaw na sana ako nang na-feel ko na di ako makawala sa kamay niya! He tightened his embrace! Ugh, ang awkward. "Stay still." He whispered kaya ginawa ko naman.

"Ask me now." Mahinang sabi ko. Napa-huh pa nga siya e! "Sabi ko tanungin mo na ako... ng ano!" Ewan ko kung bakit sya natawa, eh ang seryoso ko rito!

"Teka," kumalas siya, "Sha-neh, hindi ako yung lalaking marunong magkontrol kaya wag kang ganyan!" Natatawa pang sabi niya kaya hinampas ko.

"Aray! Ano ba!"

"Yuck. Ang dumi ng utak mo! Pagamot ka na, ha. Ipalinis mo yan! Kadiri ka!"

"Eh ano ba kasi yun? Yung 'ask me-ask me' na yan..."

Napakamot na lang ako sa buhok ko tapos ang ginawa ko na lang eh nagdiretso sa paglalakad tapos kinukulit niya ako kung ano daw ba yun kahit nung nasa tapat na kami ng gate ng bahay.

"Sige na, never mind it. Uwi ka na, baka hinahanap ka na sa inyo." Paalam ko tapos pinigilan niya ako.

"Ito naman, di mo pa nga ako pinapatapos eh. Naiintindihan ko..." He smiled habang nakayuko, "Well, I'm not good with words, but I can show it to you."

This time, siya na yung yumakap tapos nasa gilid ko lang yung mga kamay ko. After a few seconds, I heard him saying, "I'm asking you, will you be my girlfriend?"

Bumitaw ako tapos nagtaka siya, "I'm not good also with words, but I can show you my answer..."

Pinikit ko na lang yung mga mata ko tapos nag-lean forward sa kanya, hanggang sa dumampi yung labi ko sa pisngi niya. May kasama pang mabilis na heart beat!

Pagkatapos nun, bigla na lang akong pumasok sa gate at tumakbo! Reflex! Di ko alam kung bakit.

Maya-maya pa, nag-vibrate yung phone ko.

From: KJ squiddy Great answer, huh? bka di ako mkatulog. Gudnyt, sha-neh.

I love you.

Ewan ko ba pero magdamag na nakangiti yung labi ko pati sa pagtulog!

HBDT// Kabanata 36

KLEINDER's POV

Sabado ngayon at kasalukuyang nakaupo ako sa may desk at nagrereview ng mga sagot. Bahala na, kung makapasa o hinde. Nakakabadtrip! Nawala sa utak ko yung mga napag-aralan namin. Tch. Maya-maya pa, nag-bell na, which means, tapos na ang Entrance Exam!

Syempre, ako ang unang lumabas, umakyat ako ng third floor tapos hinanap ko yung room ni Shane. Inayos kaya ng babaeng 'yon yung test niya? At kung makapagsalita ako eh parang di ko siya... girlfriend.

Naks, kinilig!

Pero seryoso, di ko inaakalang nung araw na yun magiging kami, na mapapa-oo ko na siya. Surprises nga naman! Gulat pa ako sa ginawa niyang yakap eh, tapos yun na! Ang sarap sabihing... girlfriend ko siya, at boyfriend niya ako. Daig pa yata ang musika.

At kailan pa ako naging makata, aber? *HBDTbyShupershimmer*

Nakita ko na siyang nag-aayos pa ng bag at tinanong ko habang nakangiti, "Musta test?"

"Sakto lang, mas mahirap pa yung tinuro mo eh! Langya." sumimangot siya pagkatapos.

Natawa ako nang konti sa sinabi niya tapos sabay na kaming naglakad pababa ng hagdan, "Aba, yumayabang! Hahaha! Akala ko nahirapan ka e," sabi ko.

"Well, haha!" tugon niya na medyo may 'humbleness!' *Sarcasm*

Para mainform kayo, tinuruan ko kasi siya kagabi. I mean, sinamahan ko siya sa review since tinatamad daw sya nung mga oras na yun! Sus, if i know, gusto niya lang akong kasama. Medyo mahangin. Shet!

Pagkalipas ng mga limang minuto, nakita na rin namin sina Rex, Czarina at Gab na nag-take din ng test aside pa sa mga classmate namin sa room. Sa sobrang excitement nila eh nakuha pang maggroup review kagabi!

As if naman nagreview talaga?

Habang nagkkwentuhan sila about sa mga tanong sa English, Math at Physics, medyo lumutang yung utak ko dala na rin siguro ng stress sa exam. Ayun, naalala ko tuloy yung--

FLASHBACK

"Sir, kung pupwede, hayaan mong mag-stay pa siya rito nang mas matagal..."

"I'm sorry iho, pero final na ang decision ko. Walang magandang mangyayari kay Hikari rito sa Pilipinas. Mainam pa nga siguro kung sa Japan na lang siya. If your problem is her... or let's say, iiwan niya kayong mga kaibigan niya, well, Kleinder, bata pa kayo... Im sure you'll understand me, someday."

"Don't you notice, na nagbabago po siya? I knew her. She was a vain and an insensitive girl pero iba yung Hikari na nakasalubong ko noon unlike sa Hikari na pinag-uusapan po natin ngayon. Let her stay, please."

"Are you telling me to let her stay dahil sa gusto mo siyang manatili rito? O dahil sa pagkagusto mo sa anak ko?"

I paused. Yung tipong naubusan ako ng isasagot at irarason. Bakit pa kasi ako napadpad dito e! Sumadya talaga yung mga paa ko sa bahay nina Hikari nung gabi yun, right after ng pagtatalo nila ng Daddy niya sa Eng Lab.

"...."

"Look, Kleinder, I know na romantically attached kayo ng anak ko, pero--"

"Just a chance, sir. With all your respect... pero natanong mo na po ba siya kung ok sakanya ang idea na magmigrate siya? If it's not, may possibility na lalong magkaproblema pag nasa Japan na siya." He leaned on his table para makinig nang maigi.

"Di ko to sinasabi dahil lang sa gusto ko... pero bilang kaibigan niya, hindi po yata tamang desisyon na ilayo mo siya sa mga taong nakakasama niya. If your problem is her academic grades,

makakabawi naman siya eh, naniniwala akong kaya niya yun." I added.

"How sure you are na mas mabuti kung dito na siya? Una sa lahat, ilalayo ko siya sa mga barkada niyang nang-iimpluwensya, lalo na yang Nylan na yan."

I sighed. Wala na yatang pag-asa. *HBDTbyShupershimmer*

"I'll promise you one thing, sir Oda. Let her stay kahit ngayong buwan lang na 'to. 2 weeks from now, 2nd quarter exam na namin and if she passes it, mananatili siya rito..."

"Paano ka makakasigurong magagawa niya yun, iho? Kilala ko ang anak ko, she's not into studying." Medyo natawa pa siya dahil sa suhestiyon ko. Argh.

"Tutulungan ko siya." I gulped and Mr. Oda's eyes were widening, "Kaya ko siyang tulungan when it comes to academic stuff--"

"At pag di niya nagawa, itutuloy ko ang pagpapadala sa kanya sa Japan. Is that what you are saying?"

I was quite uncertain if I'll agree to that condition. I guess it is a matter of life and death! Pero yun na ang napag-usapan eh, ang kailangan ko lang gawin eh ang tulungan siyang magpursige, kahit mukhang mahirap iconvince.

Tapos yung tipong ang lalim ng iniisip ko hanggang paglabas ng bahay nila at makikita ko si Nylan kasama si Hikari. Ang cold yata ng dating ko nung tinanong ako ni Hikari. Shit lang.

END

"KLEINDER!!!"

Isang malakas na boses ang umalingawngaw bigla sa tenga ko tapos may humila sakin at hinablot yung kamay ko. Bumalik yung ulirat ko sa realidad at dun ko ang narealize na muntik na pala akong mahagip ng isang motor! Buti na lang talaga at nahawakan niya ako sa braso.

"Sabog ka ba, ha?!" Galit pero dama mong concerned ang tanong ni Sha-neh.

"Yare! Napagalitan na! Na-bugbog yata utak ni Kleinder sa entrance exam!" Sabi naman ni Gab tapos nagtawanan sila.

"Sorry, guys." Sabi ko sa kanilang lahat.

We continued on walking. Aalisin na sana ni Sha-neh yung kamay niya sa pagkakahawak sakin pero di ko pinayagan! Nako. Dapat niyang panindigan ang ginawa niya.

Pinadulas ko yung kamay ko pababa sa palad niya hanggang sa nag-intertwine na yung mga daliri naming dalawa. Bigla akong kinilig sa loob-loob ko, syete talaga. Umi-spark!

"Oo, sabog talaga ako. Sino ba namang di sasabog utak sa dami ng exam kanina? Tapos di pa ako pinatulog ng isa dyan dahil hindi makuha-kuha yung formula sa math." I smirked tapos pinisil niya yung kamay ko kaya medyo masakit! Tinamaan siya, malamang!

"Ang kapal, ah? Ang boploks mo kasi magturo! Kailan ka nakakita ng tutor na nakikipagtitigan at kumikindat pa, aber? Kutusan kita eh." Mahinang sabi niya tapos medyo yumuko ako para ngumiti.

"Bakit? Feel kitang titigan kagabi eh, nakakamotivate magturo." Siya naman ang natawa sa sinabi ko. Guys, inaamag na po kami!

"Ganun? Edi dapat pala turuan mo ko, araw-araw?"

"Oo ba, ayos sakin yun. Tsaka, test na this week for our 2nd quarter, diba? Irereview ulit kita, bukas." Pahaging ko naman.

"Bukas agad?!"

"Oo, ayaw mo nun? Makikita mo ko bukas. Sige ka, baka mamiss ko, di ko kasalanan yun, ah." She stucked out her tongue after marinig yung sinabi ko.

"Di ba pwedeng magpahinga sa mga aralin na yan? Nakakapagod kaya!" Reklamo niya. Pinilit ko pa rin yung gusto ko, kasi nga gusto ko siya mag-stay. Until, pumayag siya, pahirapan nga lang!

"Guys, ayun oh, jeep!" pinara ni Rex yung medyo maluwag na jeep tapos sumakay na silang tatlo at naiwan kaming dalawa ni Sha-neh. *HBDTbyShupershimmer*

Nagbabye sila habang paandar na yung jeep tapos siniko ako ni Shane habang naglalakad na kami, "Bakit di ka sumama sa kanila pauwi?"

Napapoker face ako bigla tapos dinuro ko yung noo niya pero mahina lang naman! She bit her lips at sinimangutan ako. Well, I like the first thing that she just did! Joke.

"Talaga bang ganyan kayong mga babae? Kunyari hindi alam ang nangyayari? Bakit hindi ako sumama sa kanila? Ewan ko. Baka magwawalis ako ng highway?! Baka mag-- araaaay!"

Hinampas ba naman ako ng fibrella niyang payong! Syete.

"Yari ka talaga, Sha-neh!"

Inabot ko yung leegan niya tapos in-arm lock ko. Nagsisisigaw siya pero not to the point na mukha kaming agaw eksena. Pilit niya nga akong tinutulak sa bewang eh, at ang brutal niya dahil medyo masakit pero at the same time, nakikiliti ako. Malakas kiliti ko dun, eh. Ba't ba!

Later on, niluwagan ko na tapos nakaakbay na lang ako. Syempre, pautot ko lang yung arm lock! Masabi lang, eh noh. Pero atleast simpleng damove.

Kaya lang, nakabusangot siya. Nabadtrip yata sa ginawa ko! Nalintikan na!

Nagsorry ako pero di niya ako kinibo. Ang ginawa ko na lang, habang nakahawak yung kamay ko sa kabilang balikat niya, dahan-dahan ko siyang nilapit sakin at dagliang hinalikan sa noo. Pampalambing lang! Baka five years niya akong di kibuin! Lagot na.

"Ang drama ng buhay, ha!" Napangiti siya bigla tapos namula yung pisngi niya. Nays! Epektib.

Hinatid ko na siya sa kanila tapos niyaya pa ako ng stepmom niya for merienda kaya di na ako tumanggi! Tutal, ayoko pa naman umuwi, or let's say, gusto ko pa siyang makita. Hooo! Big word! Tae.

Nasa sala lang kami noon at nanunuod ng tv with matching suntukan at batuhan ng flower vase. De joke, pillows lang. Kaya nga lang, nagsidatingan yung mga classmate ni Megumi kaya umakyat kami at baka makaistorbo naman kami sa grouping nila.

We're in Sha-neh slash Megumi's room but naka-open ho ang pinto! Baka kung ano naman isipin ninyo. Naku. Nagplay lang siya ng music sa laptop niya na puro acoustic.

Maya-maya, humiga siya sa higaan niya habang nakaupo ako sa computer chair at nagbabasa ng lumang libro, "Inaantok tuloy ako..." She mumbled sabay hikab. I glanced at her while laying on her bed.

I just gulped.

"Isara mo nga yung pinto! Para kang sira! Sayang ang lamig ng aircon!" Reklamo niya. Nagdalawang isip pa ako kung isasara ko ba. Wag na. Jusme. Maaga pa.

"Ayokong tumayo. Kung gusto mo, ikaw." Katwiran ko naman. Hindi na siya nagsalita tapos nakatagilid siya, pero likod niya yung nakikita ko kaya di ko alam kung nakatulog na ba siya. Baka?

Tumayo ako mula sa pagkakaupo tapos umupo ako sa gilid niya. Dahang dahan kong dinungaw yung mukha niya kung tulog na ba. Aba! Mukhang napagod nga yata siya sa exam kanina. Bagsak, eh. I smiled as I see her sleeping tapos natempt akong i-kiss yung cheeks niya.

Ano ba magagawa ko? Lalaki lang din ako, pre.

My lip was about to land on her cheeks but--

"Nasaan na ba yung ponytail ko!?!" Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses ni Megumi na biglaang pumasok! Shet.

Dapat yata sinunod ko na lang yung utos ni Sha-neh kanina?

"Ay, eto pala." Sabi niya nung makita yung hinahanap niya at ako, busy sa pagbabasa ng unangunang librong napulot ko sa bedside.

"Uy, kuya." Ngumiti siya tapos kumaway pa, "Loko talaga yang bruha na yan, tinulugan ka?" She chuckled.

"Pagod sa test, hayaan mo na." Binaling ko ulit yung ulo ko sa book na hindi ko naman binabasa talaga. Nagtataka lang ako kung bakit hanggang ngayon, nakatayo lang siya doon at naka-steady?

Inangat ko ulit ang ulo ko tapos nakatingin si Meg sa akin na magkasalubong kilay, "Bakit?" tanong ko. *HBDTbyShupershimmer*

Tinaas niya yung kamay niya at tinuro yung librong hawak ko, "Baligtad yung pagbasa mo ng book."

Dun ko lang napansin na baligtad nga! Ang tanga!

HBDT// Kabanata 37

KLEINDER'S POV

Nang nakalabas na si Meg, bigla akong napabuga ng hangin. Lakas lang talaga ng kabog ng dibdib ko dun. Syete!

Umalis na muna ako sa higaan at nag-ikot-ikot sa kwarto. There are so many pictures na nakahang sa wall at nakaframe. Medyo mga bata pa silang magkapatid rito but Shane's not smiling. Di na bago yun!

Later on, sinamahan na rin ako ni tuta na si Twinkle sa room na yun. Napansin ko yung maliit na table sa tabi ng bed ni Shane. To be exact, makalat yung mesa na yun pero napangiti ako nang makita ko yung isang book at nakapatong doon yung mga origami na ginawa ko para sakanya. Nakakatuwa lang!

Kinuha ko yun tapos napansin ko yung picture na halatang luma na. It was a cute girl na nakakimono dress together with a cute boy na nakablue shirt. Sobrang babata pa nila. Well, I guess si Hikari itong naka-kimono. Yung batang lalaki... parang pamilyar. I don't know.

"Ano'ng oras na?" Nahihikab na tanong ni Sha-neh habang nakahiga at nakaharap sakin. Tumahol tahol pa yung tuta niya. *HBDTbyShupershimmer*

Tumingin ako sa relos, "Uhm, 6 na. Nakatulog ka naman ba?" Tanong ko kahit 45 minutes lang yung tulog niya.

Umupo siya mula sa pagkakahiga habang nag-aayos ng buhok, "Nandito ka pa pala, sorry,

nakatulog ako," Natawa siya nang bahagya. Umupo naman ako sa tapat niya.

"Kailan ka pa huling naglinis ng kwarto, ha?" Natatawang tanong ko.

Nagpoker face siya agad, "Nang-iinsulto ka ba?" Daglian niyang kinuha si Twinkle sa kamay ko. "Yabang nito, porket mas malinis ang bedroom niya, chi."

Pinagmasdan ko siya habang kina-cuddle niya yung tuta. Nakakatuwa lang siyang tignan na nakangiti tapos parang di nangangain ng tao. Pero mas cute pa rin siya pag nakasimangot! Wala nang tatalo!

"Can I kiss you?"

I said out of the blue. Dyahe. Ang layo lang ng konek nung sinabi ko sa pinag-uusapan namin kanina. Bakit ko naman nasabi yun? Badtrip.

"Nevermind." Habol ko. Mukha kasing nagulat siya eh.

Pero sana, oo.

She tss-ed kaya inexpect ko na di sya papayag pero di na ako nakareact nung lumapit siya at tinupad yung hiling ko.

Sabi ko, ako eh!

But it was a moment that I could treasure kahit habang nakapikit ako. It was a short smack at saksi ang kanyang tuta na si Twinkle. Amen.

I mouthed, "I love you." Which, I guess, melts me into small parts especially when she blushed. Cloud 9, pare.

So she did, "I love you, too."

Afterwards, nag-smile lang ako then bago pa man magkandaleche-leche, kinuha ko yung picture sa table, "Ikaw ba to?"

Kinuha niya yun sa kamay ko, "Oo, tagal na nito. Pakialamero ka ng gamit, ah! 3 years old ako nito, eh. Di ko alam kung anong celebration."

Kinuha ko ulit, "Akin na lang!" Tinago ko agad sa wallet ko, "Ang cute mo rito, tsaka mukha ka pang mabait. Haha!"

Ihahampas niya sana yung unan pero nakatayo agad ako mula sa bed at nakalayo. Akala niya, ha! Maya-maya rin, nagpaalam na akong uuwi tapos niremind ko siya sa review bukas. This time, walang kiss, hug naman!

HIKARI's POV

Spell inspired, guys? Di ko ugali yung mag-spell out ng nararamdaman ko, pero ganun nga siguro

pag nararanasan mo na, tsaka mo lang magagawa.

Kailan lang naging kami pero parang ang tagal na. And that kiss? It was our first-sa lips. Yung unang pagkikita which is an accident, hindi naman sincere. Kumbaga, I did it because I feel it.

Until now, I'm still wondering kung paano niya napapayag ang Daddy ko. I kept on asking him but he's always running over the topic. Di ko na pinilit siguro baka hindi ko na kailangang malaman. Ang mahalaga naman eh yung nandito pa rin ako.

*HBDTbyShupershimmer*

Sa sobrang overwhelmed ko nang malamang siya ang dahilan ng pagbabago ng isip ng Dad ko, I decided to give my yes. Para ngang naiiyak ako nung mga oras na yun, eh. Nevermind, ang korni ko na.

Nag-aayos na ako nun dahil susunduin niya ako para sa review daw. Ewan ko ba kung bakit bigla niyang naisipan yan! Well, 2 days from now, exam na. Buti at lingo ngayon kaya hindi busy.

"Hikari, nandyan na sundo mo." Narinig kong kumatok si tita Gene kaya nagmadali ako at inayos yung gamit. I checked my hair, face, and stuff.

Pababa na ako ng hagdan nang may tumawag sakin sa cellphone.

"Bakit?"

"Hikari, may sasabihin ako sayo..."

"Nylan, tsaka na yan, may pupuntahan pa ako." Ngumiti ako nang makita ko si KJ sa sala at buhatbuhat si Twinkle.

"Hikari, importante 'to. Yung mga lalak-" I ended. Sumakto kasing nasa baba na ako at lumapit si KJ. Masyado kasing maaga para masira yung araw ko. Baka mawala yung good mood ko bigla eh.

Saglit lang at bumiyahe na kami papunta sa kanila. Nag-bus na lang kami para mas mura kesa naman magtaxi pa. Pagdating namin sa bahay, medyo nagulat ako sa ambiance ng loob!

"Hija, kumusta? Kain muna kayo ng lunch!" bungad ng mom niya at bineso pa ako. Medyo naiilang ako dahil ang hospitable talaga ng family niya.

Hinila niya ako hanggang kusina, "Sabi kasi ni Kleinder, magdadala daw siya ng bisita kaya naghanda ako ng lunch. Kumain na ba kayo?"

"Hindi pa nga eh, ang tagal kasi mag-ayos ng isa dyan. Nagutom tuloy ako." Singit ni KJ, eh ako nga yung kinakausap! Grr.

"Ganun talaga pag babae! Nagpapaganda." Ngumiti si Tita Jen.

May inasikaso yung mama niya tapos tumabi siya sakin at bumulong, "Kumain ka na, mamaya bawal ang foods. Review-review lang." Sinimangutan ko lang siya at umupo ako. *HBDTbyShupershimmer*

Nakasabay ko rin yung dalawa niyang kapatid, sina Kristina at Drake. "I told you, Mom! Kuya has a girlfriend!" singit ng bunso. Argh. Ang daldal nito kahit kailan.

"Ano yung narinig ko, ha? Girlfriend kamo?" Napalingon kami sa Daddy niya na may dala pang newspaper at nakiupo rin sa dining table. Yari tayo dyan!

Tumingin sakin yung Dad ni KJ sabay ngiti, "Ikaw ba yun, hija?"

"Malamang Dad! Siya lang ang babaeng dala ni kuya rito ngayon, haler!"

Lintek. Namumula na ako sa hiya ah. Kleinder! Kumilos ka naman. Baka himatayin ako rito on the spot eh. Di ako makapagsalita, as in lumulunok lang ng kanin! Bakit pa kasi linggo? Andito tuloy silang lahat.

"Kumain na nga kayo, ang ingay-ingay. Nahihiya tuloy ang girlfriend ko sa inyo." Seryosong sagot niya.

Everyone didn't move a hand or a finger. Nagulat sila at sa amin sila lahat nakatitig. Ako? Gusto ko nang malusaw mula sa kinauupuan ko. Grabe! Ang tindi ng tama niya. Nakahithit yata to.

"Kain na tayo! Magrereview pa ang manugang ko!"-tita Jen.

Facepalm level 1000. Dead.

*** "What is sound?"

"Ewan? Anything that has noise?"

"Scientific explanation dapat."

"Late ata ako nung tinuro yan."

Habang nasa study room niya kami, tinaob niya yung libro na hawak niya. Hala! Nabadtrip na! Unang round pa lang, naaasar na siya. Kanina niya pa kasi ako tinatanong pero hindi ako makasagot nang maayos. I guess, alam ko kung bakit. *HBDTbyShupershimmer*

Nagdare kasi siya na para exciting ang review, magtatanungan kami tapos pag nasagot ng isa, kiss ang reward. Ang korni nga niya eh, pero nakita niya lang daw yun sa isang palabas. Pag hindi, edi walang reward. Yun lang!

"Ang dali na nga nung tanong eh. Di mo pa masagot?"

"Sorry naman, ha?" sarcastic na sagot ko, "Di ko nga alam!"

"Wala kang reward." Kumuha siya ng ibang libro, medyo makapal nga lang. "Ako naman tanungin mo, vice versa ang reward. Hirapan mo yung tanong, ah. Baka di ako pagpawisan."

"Yabang mo." Binuklat ko yung libro sa bandang gitna at naghanap ng itatanong! Dapat di niya masagot para wala rin siyang reward. Unfair kaya!

"A process by which an unstable atom loses energy-"

"Nuclear Radiation." Argh, di pa nga tapos eh! "Tama, diba?"

"Edi ikaw na." Ngumiwi ako tapos nagsalita siya, "Reward ko?"

I leaned and gave him the most awaited reward of the day! Pero sa cheeks lang naman. Tinanong ko ulit siya, "This is a change of frequency of sound waves."

"Hmmm," napangiti ako kasi hindi niya alam! Yes. "Doppler effect. Kala mo, ah!" sabi ko nga alam niya, eh. Grabe. Luging-lugi na ako sa kanya. Argh!

At nalugi ako nang tuluyan.

After nun, bumaba muna siya para daw uminom ng tubig. Habang wala siya nun, nakita kong nakadisplay si squidward! Yung gift ko sa kanya. Talagang sinabit sa loob ng study room, ah?

I checked my phone dahil kanina ko pa hindi nahawakan. I felt weird nang makita ko ang flood messages ni Nylan. He said na makipagkita ako sa kanya at puro ganun lang ang message niya. Nireplayan ko kung bakit at mas naguluhan ako.

'Just be safe. Got to go, bye.'

What's with him, now? Crap.

HBDT// Kabanata 38

Pagkabasa ko ng message ni Nylan, saktong kapapasok lang ni KJ ng study room, "O? Bakit namumutla ka? Pinabasa lang kita ng History, naging pale ka na?" *HBDTbyShupershimmer*

Ngumiti lang ako, "Ah wala..." napatingin ulit ako sa screen. Medyo nabigla ako nang kinuha niya yung phone. Hindi naman siya nagalit pero gaya ng naging reaksyon ko, kumunot lang ang noo niya.

"Ginugulo ka pa rin niyan?" sabay inabot niya ang phone ko. "Sabihin mo busy ka, wag siyang istorbo."

Syempre, bilang dakilang girlfriend, hindi ko ginawa yun! Pinatay ko na lang yung phone ko at nagpatuloy sa pagre-review. Ewan ko ba kay KJ, nawala bigla yung aura niya na gusto ko kanina. Mukha talaga siyang tutor na strict! Hindi na rin siya malambing. Siguro nabago yung mood niya doon sa convo namin ni Nylan. Ano bang masama dun? Di naman ako nanloloko. Argh.

Na-bother ako syempre. Baka nagseselos ito!

Habang tinuturuan niya ako ng Trigo at medyo kumplikado yung formula, hindi ko inaalis ko yung tingin ko sa kanya. Nahalata niya naman yun kaya hindi niya ako tinitignan. Badtrip! Ano ba. Bakit di epektib yung karisma ko, ha.

Kinalauanan, sumuko na lang din ako. Bahala siya. Nagreview ako, at may sarili siyang mundo sa pag review. Kaya lang, sobrang inaantok ako! Di ko na kaya... pipikit at babagsak na yung mata ko...

Naramdaman ko na lang na may kumakalabit sa ulo ko. Pagdilat ko, nakita kong ngumingisi si KJ habang pinagmamasdan ako.

Grr! Sinamaan ko lang siya ng tingin sabay ngiti, "Istorbo ka, ah! Natutulog yung tao eh."

"Mamaya ka na kasi magpahinga, last subject na to, promise tapos tama na."

"Uuwi na ako?" Medyo malungkot yung tone ko, nakakahiya. Baka isipin niya, ayoko pang umuwi although yun naman talaga ang iniisip ko.

"Ikaw bahala..." simple pero malaman yung pagkakasagot niya.

Ngumiti lang ako. Binasa ko yung part na pinapabasa niya at kung may time na di ko magets, ituturo ko yun sa kanya at iintindihin niya. Wala eh! Iba talaga pag genius ang boyfriend. Unknowingly, nagdikit yung mga kamay namin. Hindi naman sa sinadya pero naging awkward.

Maya-maya pa, kakaturo niya sa book, nasulatan yung kamay ko ng bolpen na hawak niya, dalian ko namang inalis yun at tinignan, "Tch, ambayan." bulong ko.

"Sorry :P" Nang-aasar na sabi niya. "Nananadya ka noh?" tanong ko at tumango naman ang loko!

Nilapag niya yung pen sa mesa, "Akin na, burahin natin." Kinuha niya yung kamay ko at ni-rub yung fingers niya against sa ink. Tapos hinawakan niya na. Holding hands.

"Solved?" Tanong niya.

"Kunyari ka pa, gusto mo lang pala hawakan yung kamay ko. Next time kasi, gawin mo na lang. Ang dami pang sinasabi eh." Nakangiting sabi ko.

"Sige na panget, tama na yung review. Gutom ka na ba?" ngiting wagas naman ako nung niligpit niya na ang mga libro. Yes! Tapos na. Lumabas na kami sa room na yun at bumaba ng hagdan.

"Panget?" nagsalubong ang kilay ko, mukha nito! "Sige, gutom na ko. Saan tayo kakain, panget?"

"Saan mo ba gusto, ha, panget?!"

"May malapit ba ritong tindahan or resto ng sushi, panget?"

"Meron! PANGET!"

"Pst Kleinder! Wag mo ngang tawagin nang ganyan si Hikari! Kalalaki mong tao, ganyan ka makalait ng girlfriend mo." saway ng Dad niya. Narinig kasi kami! Poor KJ. Huhuhuh.

"Hehehe, buti nga." I mumbled habang palabas na kami. *HBDTbyShupershimmer*

Tinignan niya na naman ako nang masama, "Panget, sinuwerte ka lang," Nakita namin ang Mom niya sa garden, "Ma, ihahatid ko lang si Hikari, ah. Hiyang-hiya naman kasi ako eh. Pahiram na rin ng kotse."

"Ah sige, mag-iingat kayo, ha. Hikari, mag-ingat ka dyan!"

"Ma!"

Ngumiti lang ako hanggang sa sumakay na kami ng kotse. Buti at pinahiram siya nito, mahal din kasi ang mag commute! Ayun, bumaba kami sa may kaninan ng sushi at umorder ako ng mga Japanese food na hindi naman type ni KJ. Nag-frappe na lang siya.

"Uy, Kleinder! Kaw ba yan?" Nadisturb yung pagkain ko nang dumating yung isang babae na di ko kilala. Mukhang magkakilala sila nitong kasama ko.

Napatingin naman ako kay KJ para tignan kung magkakilala sila. Ngumiti naman siya, "Ella?" Wag mo nga siyang ngitian, pwede ba.

"Yeah, ako nga! Classmate mo nung Grade 6! Kumusta?" nakiupo pa siya sa table namin. Ehem. May tao. Baka ibato ko mamaya yung tinidor eh.

"Oo, ikaw nga. Ok naman ako, 4th year high school, ikaw?" I continued eating, hiya naman ako e! Baka makaistorbo, diba.

"Eto, single pa rin!" Pakialam ni KJ kung single ka? Chura nito. "By the way, kagagaling ko lang ng UST kahapon, grabe. Ang laki nun! Gusto ko na talagang mag college." Ang dami niya pang sinabi na hindi na dapat pang malaman ng readers dahil hindi naman mahalaga. Tsaka, hindi ako makarelate kasi nga hindi ko naman siya kilala.

"Ito na ba si Kristina? Yung kapatid mo?" muntik pa akong mabulunan sa tinanong ng babae.

Langya! Ngayon niya lang ako napansin. "Sumingkit yata?"

Natawa si KJ na kinainis ko naman, "Ah, hinde. Ella, siya si Hikari Shane-- "

"Hi!" sabi agad nung Ella at nginitian ko naman. Baka sabihin salbahe ako!

"Girlfriend ko." dugtong ni KJ. "Ah." sagot naman niya. Tumatango-tango pa, "Bagay kayo, hahahaha." *HBDTbyShupershimmer*

"Hindi ko naman 'yan liligawan kung hindi siya bagay sakin eh." sabat ulit ni KJ. Water please, nabulunan ako nang konti. Ampf.

"Ah sige, una na ako ah? Gotta go!" Tumango na lang kaming dalawa sa kanya tapos umalis na siya. Buti naman. Hindi ko kasi gusto yung approach niya. Kakaiba lang! Kumakain kasi ako tapos ang daldal niya. Nakakabadtrip lang ba. Well, bumawi naman si KJ sa linya niya. Akalain mong saksakan siya ng kakornihan sa katawan! Grabe.

Magtatakip-silim na rin nang nakarating kami sa tapat ng bahay. Ang traffic kasi, medyo nakatulog yata ako sa kotse. Medyo lang naman!

Hindi ko na rin inabala si KJ na pumasok sa bahay, bumaba na lang ako nang kotse bago pumunta sa gate. Nabigla lang ako nang bumusina siya nang sunod sunod! Problema nito?

"Ano ba!" I mouthed. Ang ingay niya kasi, baka makaistorbo ng kapitbahay!

He raised his index finger at pinalalapit yata ako, "bakit?" tanong ko habang naglalakad palapit.

Pagdating ko sa driver's seat, ini-slide niya yung bintana pababa, "Bakit bumubusina ka? Ano bang trip mo? Gusto mo bang--"

Tinuro niya ang pisngi niya kaya kumunot ang noo ko. Loko to, ah!

Nag cross arms ako at tinignan ko lang siya, later on, ngumiwi lang siya at binaba yung daliri niya na pinangturo niya sa cheek. "Ayaw mo?"

"Gagi ka ba? Mamaya may makakita sa atin dito, baliw."

Bigla siyang umangat sa upuan niya tapos ay nilabas ang kalahati ng katawan niya sa bintana. Tae! Nagulat na lang ako nung hinalikan niya ako sa pisngi! Grabe. Wait, nakakahiya. Feeling ko namumula ako. Wtf.

"Bye, panget. Tawagan mo ko pag may nagsabi sayong nahuli ka na nakikipaghalikan, ok?" Umupo na siya ulit at nag drive. Ayun! Naiwan akong nakatayo doon mag-isa. Na-starstruck ata. Yare.

"Baliw talaga 'to..." I mumbled while smiling.

...

"Anong ibig sabihin nung nakita ko?" Nanlamig ako nang narinig ko yung pamilyar na boses. Hanggang dito ba naman?

"Nylan? Anong ginagawa mo rito? Hindi ka pwedeng makita ni Daddy! Gusto mo bang malagot na naman ako?" *HBDTbyShupershimmer*

"Tinatanong kita, bakit ka niya hinalikan? Committed na ba kayo ng bubwit na yon?" Napataas talaga yung isa kong kilay at dahil pagod na ako para mag-explain, ito na lang ang sinagot ko:

"Sinagot mo na yung tanong mo. Self-explanatory." Tsaka ako pumasok ng gate.

He better not ruin me, I am happy with what I have right now.

HBDT// Kabanata 39

KLEINDER's POV

Medyo nakakapagod ang araw na 'to, ang daming kasing pinagagawa ng mga teacher at bukas na rin ang 2nd quarter examination. Wednesday ngayon at nagpatawag pa ng meeting ang Council, badtrip talaga, oo!

"Panget." tawag ko kay Sha-neh habang nagliligpit na siya ng gamit, "Uuwi ka na ba?"

"Oo, maglalast minute review ako, " Napangiti ako sa sinabi niya, atleast willing siyang mag review, "Bakit mo natanong?"

"Hahatid sana kita e, kaya lang may meeting, " tumingin ako sa relos ko, "Baka matagalan ako at kung magrereview ka rin lang, mas okay kung maaga kang umuwi. Sina Czarina muna ang sabayan mo, okay?"

"Ito naman, kala mo di ako marunong umuwi nang walang naghahatid? Di na ako baby noh."

Hinatid ko na lang siya hanggang gate tapos tinakbo ko na yung kabilang building kung saan nandun ang office namin. Naroon na pala silang lahat at ako na lang wala. Sa totoo lang, wala akong masyadong naintindihan sa meeting. Tinetext ko kasi si Shane, oo, ako na makulet!

Kasalanan bang alamin kung nasa bahay na ang girlfriend? Di naman diba.

6 PM natapos yung meeting na yun at umuwi na rin ako. Medyo masikip sa bus at buong byahe, nakatayo ako. Nakakaloko lang! Tapos di ko mapigilang hindi pumikit dahil sa antok. Pagbaba ko nang bus, tatlo kaming lalaking lumabas at medyo nauna lang ako.

Nireplayan ko uli si Shane na pauwi na ako sa bahay since nagtatanong naman siya. "Ingat" with smiley kiss yung reply niya. Minsan nakakagulat yung sweetness ng babaeng to. Parang hindi ko kasi nakasanayan.

"Psst, oy." Lumingon ako nang marinig kong may sumutsot. I saw those two guys. Yung mga kasabayan ko kanina. I am not sure kung ako ba yung tinawag nila kaya nagdire-diretso ako.

"Psst!" Lumakas na nang kaunti at di ko alam kung bakit binilisan ko na yung lakad ko. Paliko na ako nang dalawa pang lalaki ang sumalubong sa daan ko, may dalang kahoy.

*HBDTbyShupershimmer*

Yumuko ako at hindi ko sila pinansin pero hinawi ng lalaking kaharap ko yung balikat ko sabay tulak.

"Inaano ba kita?" Yun ang unang nasabi ko dahil una, hindi ko naman sila ginagalaw at hindi ko sila kilala.

"Wala." Tinulak niya ulit ako nang mas malakas, "Bakit? May magagawa ka ba?"

Pinagpag ko yung damit ko dahil sa inis. Nanahimik ako, ah. Pucha. "Wag mo nga akong idamay sa kagaguhan mo kung bangag ka." Tumalikod ako pero nakaharang na agad yung dalawang nasa likuran ko lang kanina.

"Padaanin niyo ako." Sabi ko nang maayos pero tinawanan nila ako. Swear, hindi ko sila kilala. Pero, yung dalawa sa kanila eh nakauniform pa. Mas matanda yata sila sakin ng mga 2 years.

"Hindi nga pwede! Makulit ka ba!?!" He quickly punched my face kaya napabagsak ako sa lupa. Nabadtrip ako lalo kaya ginantihan ko siya. Kaso, naging apat sila. Isa lang ako. Hindi naman ako gaya ni Jackie Chan na master sa mga ganito!

Pinagtulungan nila ako hanggang sa hindi ko na kaya. Dumudugo na nga yata yung labi ko dahil nalalasahan ko na yung lasa, pati, ang dungis ng uniporme ko. Ayaw nilang sabihin kung bakit nila ako binugbog-- trip lang daw.

Sinong gago ang maniniwala na out of the blue, mambubugbog sila? Di ako tanga 'no.

Hindi rin nila ako ninakawan o ano pero huminto lang sila nang may narinig silang tunog ng cellphone at nagbasa ng text yung isa. At umalis sila. Nakakainis, hindi ako nakalaban! Argh.

Paika-ika akong naglalakad noon at kumakapit ako sa mga maaari kong hawakan dahil nahihilo ako at para bang kahit anong oras, tutumba... ako... lumalabo...

*HBDTbyShupershimmer* *** HIKARI'S POV

"Czarina, ano? Nagreply na ba?"

Tumingin siya sa cellphone niya, "Hindi pa eh, baka naman papunta na, don t worry!"

Napangiwi na lang ako at nagtype ulit ng number sa cellphone at tinawagan yon. Kagabi niya pa kasi hindi sinasagot yung tawag ko! Nasaan na ba yung Kleinder na yun. Anong oras na oh! Baka ma-late siya, eh magsstart na yung exam!

"Czarina, ano oras na ba?"

"10 minutes na lang, 8 na."

Dali-dali akong tumayo at nagpunta sa ibabang floor ng building namin. Tumungo ako sa room ng

mga 3rd year at baka sakaling makita ko si Kristina. Baka may alam siya kung nasaan yung Kuya niya.

Luckily, nakita ko siya at lumapit siya nung tinawag ko.

"Kuya mo? Magta-time na kasi, hindi pwedeng wala siya sa exam ngayon... papunta na ba?" Medyo nagtaka yung itsura niya kaya lalo akong naguluhan.

"Di mo ba alam?"

"Ang alin?" *HBDTbyShupershimmer*

"Nasa ospital si Kuya, sinugod siya kagabi--"

"Hah?" Nakaramdam ako ng panlalamig sa buo kong katawan at nanghina ako bigla. Imposible naman yata. Ang lakas-lakas niya at wala naman siyang sakit bago siya nagpaalam kahapon!

"May mga bruises at bone fractures si Kuya, tinawagan kami ng hospital kagabi na nandun nga siya. Hindi pa ba nasasabi sayo?"

"Wala... gising na ba siya? Okay lang? Gaano kalala yung mga sugat?" sunod sunod na tanong ko sa kanya. Nag-aalala ako! Wala man lang akong balita sa kanya.

"Wag ka nang mag-alala, ano ka ba? Stable na siya kagabi at natutulog na lang. Kaya siguro hindi ka pa niya nakakausap."

Pumasok na si Kristina at nanlulumo akong bumalik sa room ko. Binalita ko yon kina Gab, Czarina at Rex. Gaya ko, nag-alala rin sila. 5 minutes bago ang time, may unknown number na tumawag sakin.

"Hello?"

"Shane..." Nagising yung diwa ko nang marinig ko yung boses niya.

"Kleinder!" Napatingin sina Rex sakin, "Ano ba nangyari sayo? Alam mong exam tapos nakipagbugbugan ka! Paano yan? Ano ba kasing ginawa mo? Sino yung mga nanakit sayo? Bakit ka naman..." Huminto ako dahil baka maiyak ako pag tinuloy ko.

"Nag-aalala ako sayo..." dugtong ko.

"Ano ka ba..." mahina pa rin yung boses niya, "Wag mo kong alalahanin, mag-test ka, okay? Nagpadala na ako ng letter sa office para bigyan ako ng special exam. Ok lang ako, buhay pa naman. Tsaka hindi ko kilala yung mga lalaki na yon, basta ayos ako rito, okay? Focus ka lang sa test."

"Pwede bang mag excuse na rin ako? Gusto kitang puntahan diyan... gusto kitang makita--"

"Wag." Madiin na pagkakasabi niya, "Tapusin mo 'yan, pakiusap..."

Pinunasan ko muna yung nangingilid na luha ko. Hindi ko alam kung bakit ang babaw ng luha ko pero kumukusa talaga eh, kahit pigilan. Inabot pa nga ni Gab yung panyo niya.

*HBDTbyShupershimmer*

"Ok, I'll do it. After nito pupunta kami dyan, ha?"

*Rrrrrrrrrrrrrriiiingggg* Nagsibalikan na sila sa mga upuan nila dahil start na ng exam at parating na rin ang teacher.

"O sige, aasahan ko kayo, lalo ka na. Galingan mo dyan, ah. Wag mong kalimutan yung mga tinuro ko sayo. Dapat mataas makuha mo para ilibre kita ng sushi pagkatapos. Okay?" Narinig ko ang pagtawa niya nang mahina.

"Fine..." dahan-dahang sagot ko, nakapout pa.

"Sabing wag mag-alala, eh! Ok nga ako. Bye na, break a leg, panget! Mahal kita."

"I love you, too."

Nag-hang na siya at saktong dumating yung examiner. Gaya ng sinabi ni KJ, nagfocus ako although mahirap talaga ang mga test. Hindi ko rin maiwasang ituon yung isip ko sa kalagayan niya. Wala naman siyang nakakaaway kaya bakit siya bubugbugin?

Pagkatapos na pagkatapos ng test, pumunta agad kami ng gate at nagpara ng taxi. Tinext lang sakin ni KJ yung name ng hospital tapos after 1 hour, nandoon na rin kami.

Pagdating namin sa designated room, nakita ko si Tita Jen sa labas, "Kayo pala... sinabi na ba ni Kleinder? Nasa loob siya."

"Tulog po ba?" tanong ni Czarina.

"Ah hinde, nanunuod lang ng TV, pasok kayo."

Pumasok nga kami ng kwarto tapos doon ay nakita ko siyang nakahiga sa kama at naka-hospital dress. May mga bandage siya sa braso at dibdib tapos may galos sa bandang leeg at ilang parte ng mukha. Ano ba naman yan!

"Grabe Kleinder, pinag-alala mo kami ah! Bakit ka ba napaaway, hah?" tanong ni Rex.

Umupo siya, "Ewan ko ba, mga naka-drugs ata ang mga sira ulo na yon. Buti nga at di ako napuruhan eh. Kundi, yari na."

"Alam mo bang itong si Hikari eh mangiyak-ngiyak dahil sa pag-aalala? Di ka kasi nag-iingat! Pinag-aalala mo girlfriend mo! Ano ba mga hitsura ng mga gagung yon? Pina-blotter niyo na ba?" Banat ni Czarina. Highblood yata.

"Finollow-up na ni Mama yung blotter, hindi ko sila kilala eh. Sorry guys, hindi ko sinasadya." *HBDTbyShupershimmer*

Nagkatanungan sila sa loob at nagkamustahan pero hindi ako nagsasalita. Hindi ko alam kung bakit. Basta, parang left out ako sa usapan!

"Ano? Labas muna kami, ah? Mag-usap kayo nang masinsinan at heart to heart!" Lumabas silang

tatlo para bumili ng pagkain at naiwan ako kasama si KJ.

"Kumusta ang exam?" tanong niya.

Umupo lang ako sa edge ng kama habang nakatungo, "Ayos lang, medyo mahirap. Pero natapos ko naman." ngumiti ako sa kanya.

Ngumiti rin siya, "Nice, atleast nagawa mo. Umiyak ka talaga?" Biglang tumalon ang topic tapos nakakaasar yung tanong niya. Parang natutuwa pa siya ah!

"Hindi ako umiyak! Muntik lang. Magkaiba yon, ok." Ngumuso ako, "Lakas kasi ng loob makipagbugbugan eh noh. Akala mo master. Hindi mo man lang inisip na baka mag-alala ako. Nakakabadtrip."

"Kulit!" He chuckled, "Hindi nga ako ang nauna! Sila yung biglang sumulpot tapos pinagtulungan ako ng apat na yon."

Umusog siya nang kaunti tapos hinawakan yung kamay ko, "Ito naman! Ganito na nga itsura ko, sinesermonan mo pa. Dapat i-nurse mo ko. Pasyente ako eh."

"Fine, sorry, nag-aalala lang." tinignan ko yung braso niya na may benda, "Mga anong itsura ba yung mokong na yun? Mukha bang matanda? Binata?" *HBDTbyShupershimmer*

He intertwined our fingers, "Hmm, mga college, pero mas gwapo ako nang di hamak." Sinamaan ko siya ng tingin dahil ang hangin bigla.

"College?" Something popped out in my mind.

"Yes, baby." Hinawi niya yung buhok ko na nag-dangle sa mukha ko at nilagay iyon sa likod ng tenga. Baby?! "Actually, dalawa sa kanila ang nakauniform."

"Hindi sila taga-school ni Nylan?" Kumunot bigla ang noo niya.

"Hindi, ibang school, hindi ko alam kung ano eh. Bakit naman nadamay si Nylan?"

"Ah... nevermind." sagot ko at pinaglalaruan ko lang yung kamay niya habang walang nagsasalita sa amin. "KJ, if ever na ginulo ka ni Nylan... please, sabihin mo sakin. Ako ang kakausap sa kanya."

Natawa siya nang konte, "Ako? Hahaha! Humanda siya." Lakas ng apog nito oh. Kala mo kilalang kilala si Nylan, eh. "Alam niya na bang tayo na?"

"Mabilis ang balita. Malamang alam niya na." Regardless the fact na nahuli kami ni Nylan noong isang gabi sa tapat ng gate.

Hinawakan ni KJ yung chin ko at tinapat yung mukha ko sa mukha niya, "If ever na guluhin ka niya, sabihin mo sakin, ok? Wag kang maglilihim sakin. Di ko gusto yung ako ang huling nakakaalam..."

We stared at each other at kulang na lang eh magdikit yung mga labi namin. Tumango na lang ako sa sinabi niya tapos ngumiti. *HBDTbyShupershimmer*

*creeeeaaaaaaaak!*

"Hahahahahahaha!!! Oo nga, hahahaha!!!" boses ni Rex. Naglayo agad kami ng pwesto pero nakaupo pa rin naman ako sa kinauupuan ko.

"Hahahahaha! Tapos inano yung ano! Hahahahahhaha!" -Czarina

"Hahahahahaha! Nag-anuhan na! Hahahahahaha! Pota. Hahahah!!!" -Gab

"Oy! Ang saya ninyo ah!" sabat ni KJ dahil tawa sila ng tawa. 2 hours lang kami nag-stay at dahil kailangan niya nang magpahinga, umalis na kami. By 2 days, makakalabas na siya.

Habang nasa byahe na ako pauwi, hindi ko mapigilang mabagabag. Hindi ko alam at wala akong patunay... pero parang naulit na 'yung ganitong eksena. Yung sa past boyfriend ko-- ganito rin ang nangyari.

Pero sana hindi. Ayoko na. Tama na yung nangyari nung nakaraan.

HBDT// Kabanata 40

HIKARI's POV

Saturday ngayon and supposedly, dapat nasa gimik ako o kaya nakatambay sa kung saan. Pero dahil kailangan daw niya ng 'moral support', narito ako sa school at naghihintay sa oras. Grabe,

halos 3 hours na akong naghihintay sa labas ng examination room and I still have 2 hours to wait for him!

Wala eh. Ganun talaga! Di ko naman pwedeng tiisin.

This Saturday kasi naisipan ni KJ na i-take ang quarter exam kahit na kalalabas niya lang kagabi. At dahil hindi pa siya ganun kalakas, kailangan ko syempreng alalayan. I'm his girlfriend, hello!

Tumayo, sumandal, umupo, soundtrip. I've done things that I could do habang hinihintay siya. 5 hours kasi ang given time to finish it all and I guess, he can do it. Siya pa! Genius yan eh. *HBDTbyShupershimmer*

*creaaak*

Napalingon ako sa dahan-dahang pagbukas ng pinto, "Musta?" Nakangiting tanong ko. Pero, medyo nagdoubt ako nung nakapoker face siya na para bang dismayado siya sa exam. "Mahirap, ano? Sabi sayo eh."

Nauna siyang maglakad sakin, which I found... absurd. Loko 'to. Matapos akong paghintayin dito, iisnabin niya ako?! Masasapak ko to eh.

"Teka! Natapos mo ba?" Habol ko.

"..."

"Grabe, siya na nga itong sinamahan, siya pang suplado. Pa-yummy ha." Bulong ko.

"Akala ko pa naman duduguin talaga ako sa exam. Chicken lang pala! Tsss." I was shocked with what he said. Humble, ha. Grabe! Sagad.

"Ha! Di padin naalis ang kayabangan mo sa katawan!"

He just smirked and sinabayan ko na siya sa pagbaba sa hagdan. Nagpaalam siya na magc-cr kaya naghintay naman ako sa may lobby habang nakaupo. Suddenly, I saw this shadow coming towards me.

"Bakit ka nandito? Don't tell me sinusundan mo parin ako?" Tanong ko kay Nylan.

"Why? Am I prohibited to enter my Daddy's school now?" I remained quiet and preferred not to listen to him. Better not!

Nasaan ka na ba KJ? Ang tagal!

"Balita ko nagtetake ang bubwit na yun ng special exam, ah? Sumama ka pa talaga? How childish..." He smiled fakely at umupo sa tabi ko. I stood up.

"Yup, he took an exam pero wala ka ng paki kung bakit pa ako sumama. Mauuna na ako." Tsaka naman ako tumalikod at naglakad. *HBDTbyShupershimmer*

Pero napigilan niya yung braso ko.

"Ano?!"

"Maghihintay ako." He stood up with a straight face, "Hikari, seryoso ako ngayon. Hihintayin kita sa oras na okay na ako sayo."

"Wag ka nang umasa, Nylan. Malabong mangyari yon." Diretso kong sinabi. "Hanggang barkada ka lang, at kung mangungulit ka nang mangungulit, baka magkalimutan na tayo."

I said it harshly, I bet.

"Posible yon, Hikari. Kung susubukan mo! Basta maghihintay ako."

Yung mukha niya, parang nagmamakaawang bata. Bihira ko makita ang ganitong aura niya pero habang nakatingin ako sa kanya, may kung anong humila sa kamay ko.

"Hindi niya kailanman susubukan, naiintindihan mo ba?!" Kalmado pero pagalit na tono ni KJ. Oh no.

"Kleinder..." sabi ko.

"Pre, bastos ka ba? Kitang nag-uusap kami diba? Wala ka bang right conduct?! Bakit ba lahat na lang ng oras na magkasama kami, sumisingit ka? " Gatong ni Nylan.

"Nylan! Ano ba!"

Pero, mas nagulat ako nang binitawan ni KJ yung kamay ko at tinulak si Nylan. Muntik pa siyang masubsob sa upuan. Nabadtrip na yata talaga siya kaya nagawa yon.

"Tama na, please!" Pumagitna ako at inusog ko si KJ palayo habang yakap siya sa braso. Baka kasi manlaban pa. Alam ng kagagaling lang sa ospital eh! Ang kulit kasi!

"Ang problema kasi sayo, hindi ka marunong tumanggap ng pagkatalo! Lahat na lang dinadaan mo sa marahas na paraan. Pakiramdam mo, sayo lang dapat sumang-ayon ang mga bagay. Wala kang pinagkaiba sa mga immature na bata, Nylan! You're still stupid!" Sunod-sunod na sinabi ni KJ against him.

"Kleinder, please..." I whispered to him.

Narinig ko rin naming nagsalita si Nylan, "It wasn't my fault, idiot! In the first place, kaming dalawa naman talaga ni Hikari ang nasa picture! You just stole and destroyed the moment. Kung di ka dumating, sakin sana siya ngayon! Hindi sana siya nagtitiyaga sa ugali mo! Ungas!"

Hindi ko na kinaya yung away nilang dalawa kaya tinignan ko sila nang masama, "Hindi ba kayo titigil?!" I ran after saying it. Nakakabadtrip. *HBDTbyShupershimmer*

Papunta na ako ng gate at kasalukuyang naglalakad sa catwalk nang narinig kong sumisigaw si KJ, "Shane! Sandali!"

Lalo ko tuloy binilisan ang lakad.

"Bahala ka sa buhay mo..."

"Shane!" Palakas nang palakas yung boses hanggang sa mahawakan niya yung balikat ko. The next I did is... I slapped his face. It wasn't that hard but I know it's just a reflex. Napatingin lang siya sa side niya habang di makapaniwala sa ginawa ko.

"Kleinder, ano ba? Bakit mo kailangang gawin yun? Hindi mo siya kailangang pagsabihan nang ganun! Kaibigan ko parin siya at hindi tama yung ginawa mo. We were just talking!"

"But he's talking about waiting for you! Naghahanap siya ng possibility na may pag-asa kayo! I heard it all, Shane. Nakakalalaki kase!" He sighed. "I'm sorry, my ego couldn't bare it. Nasaktan lang ako dahil nawala lang ako saglit, bigla-bigla siyang susulpot!"

"Pero kahit na! Hindi mo dapat ginawa yon! Hindi mo ba naiintindihan?" I sighed, before I speak softly, "Boyfriend kita. Ibig sabihin, ikaw ang pinili ko. Ibig sabihin, wala kang dapat ikatakot na mawala ako. Dahil ikaw ang pinili ko."

Kumalma ako nang kaunti at yumuko, "I'm sorry for what I did. Di ko sinasadya."

Hinimas niya ang pisngi niya habang nakatingin sa akin, "You mean it, just admit. I'm sorry, also. Di ako nag-isip bago gumawa ng action."

Pagkatapos nun, nauna na akong naglakad at sumsunod lang siya noon. Hindi kami nag-uusap at hindi nagkikibuan. Ni hindi nga kami magkatabi eh, pero feeling ko hindi naman siya galit. Nagtatampo lang siguro.

Until, sumakay kami ng bus pero punuan kaya nakatayo lang kami pareho. Atleast, may natira paring pagka-gentleman niya dahil hawak niya ako kahit di siya nakatingin sa mukha ko. I regret of slapping him, he's just so great. *HBDTbyShupershimmer*

"Ako na magbabayad," sabi ko nang mahina.

"Ok." Medyo nagulat ako sa nireact niya. Usually, kokontra pa siya at ipipilit niyang siya mismo ang magbabayad. Ang gara nito ah!

Nagbayad na ako't lahat lahat pero hindi pa rin siya nagsasalita. Hindi ko naman alam kung paano magsimula! Grabe ha, parang ako pa lalaki rito. Hiyang-hiya naman ako. Nakatingin lang ako sa bintana noon habang nakakapit sa steel pero nasa gilis ko si KJ.

Maya maya, may dumampi sa buhok ko, paglingon ko, pinapagpag ni KJ yung buhok ko.

"May dumi." Sabi niya tapos nginitian ko naman siya, yumuko lang siya at nagkamot ng ilong. The next thing he did is he held my hand tighter.

"Punta muna tayo sa inyo, gusto kong bumisita." He mumbled na kinatuwa ko naman. So far, hindi pa alam sa bahay na boyfriend ko na siya. Except sa family niya. I guess, timing lang talaga.

"Sure," tumingin ako sa relos, "Baka nasa bahay pa si Dad ngayon..."

*** KLEINDER's POV

"Oh, kayo pala! Kleinder, kumusta na?" Bati agad sakin ni tita Gene nang pagbuksan kami ng gate. Ngumiti muna ako bago sumagot sa kanya.

"Ok naman po, kaka-take lang ng exam." *HBDTbyShupershimmer*

We entered their house at naupo sa sala. Wala yata yung kapatid ni Shane at si Twinkle lang ang kalaro ko rito. Si Shane kasi nagbihis pa ng damit at nasa kwarto pa rin! Ang tagal. Parang magbibihis lang eh.

"Sinamahan ka ni Hikari sa school kanina?" tanong ng tita.

"Opo..."

"Hm, how's the courtship?" she giggled, "di naman sa nanghihimasok pero, ano? May improvement na ba?"

Syempre, ngumiti lang ako. Dyahe, akala ko alam na nila. Kung sabagay, baka di pa nasasabi ni Shane ang lahat. I'll leave it to her, ayokong mauna.

"Siya na lang po tanungin ninyo, tita."

"I'll try. But you know what? You're great, bagay kayo. She's a rough one yet hard to be with pero ikaw pa lang ang nakilala kong nagtatagal sa attitude niya. She's really egoistic, you know," natawa siya nang konti gaya ko. Tama siya, ma-ego si Shane. "Pasayahin mo sana si Hikari. Give

her the happiness that, us, parents, couldn't give to her."

"No doubt about it, my responsible is to make her smile, as much as possible."

Merienda time at nasa kusina kami ni Shane. I asked her when she will say about us pero sabi niya, siya na raw bahala. Di naman ako nagalit kasi hindi naman talaga madali. Tsaka, mukhang ok naman kami sa mommy niya, I don't know about his Dad.

"Nahuli na ba yung mga nangbugbog sa iyo, Kleinder?" tanong sakin ng Dad niya na umiinom ng kape kasama namin.

"Di pa po eh, I guess imposible na, hayaan na lang natin sila." *HBDTbyShupershimmer*

"Di pwede yun, baka hanapin ka't ulitin ang ginawa nila. Well, we never know."

"Gumagawa na ang mommy niya ng paraan, wag kayong mag-alala," firm na pagkakasagot lang ni Shane sa Dad niya. That shut him up and to break the ice, nagpaalam akong mag-c-cr kaya umalis muna ako sa kitchen.

Pagbalik ko, I was about to enter but I stepped back when I heard his voice.

"Sigurado ka ba dyan?" tanong ng Daddy niya.

"Sinabi ko na ang dapat sabihin. Don't tell me, sa ganitong bagay pa kayo kokontra? Did I interupt you when you married Gene?" -Shane

"Magrespeto ka naman sa kanya. Mommy mo na siya, Hikari."

"Ok. Tita Gene." She answered.

"I wasn't saying that I'm against Kleinder. I mean, he's nice and good for you. No doubt if you fall for him. I was only saying that if you are ceratin about it. Kilala kita, don't ever play with his heart, or else you're going to be the loser here, Hikari."

Matagal bago nakasagot si Shane... still, I am waiting for her answer.

"I'm certain. Dad..." tumahimik ulit, "Dad, siya pa lang yung lalaking nakilala ko na sobrang masaya ako pag kasama siya." natawa siya sa sinabi niya, "How corny..."

"That's love, Hikari. I can feel you."

Tsaka na ako pumasok at tinapos namin ang pagkain. Syempre, nagkunyari akong di ko alam ang pinag-uusapan. Baka mahiya siya bigla sakin at sapakin ako! Wag na. I'll keep it to myself. Somehow, ang sarap niyang i-replay sa utak.

Bago ako umuwi, niyakap ko siya at nagsorry ako about earlier sa school. Sabi niya, wag daw akong masyadong seloso, di daw bagay sakin! Psh. *HBDTbyShupershimmer*

Palabas na dapat ako ng gate but you know what? Her dad talked to me. Nerbyos, amp!

"She told me that... you are in a relationship." Panimula niya.

"Yes, sir."

"Do you know that it was the first time she opened something like that to me? Atleast, di siya nagdoubt na sabihin. I'm glad that you are changing her for a while..."

"Hindi po ako. Siya po mismo ang gumagawa nun." I smiled.

"Continue on making her happy, hijo. But dont forget our deal. If ever she passes this quarter, she'll stay. If she fails..."

"She'll leave. I know." dugtong ko.

"Sige na, umuwi ka na. Hangga't maganda pa ang panahon. Salamat sa pagbisita." Ngumiti siya at pinagbuksan pa akong ng gate. Nahiya naman ako nang konte.

"Thank you for accepting us. Dont worry, I won't let her leave at mapapasa niya ang quarter na 'to." I waved before I walked away.

***

HBDT// Kabanata 41

"KJ! KJ!" Medyo nawirduhan ako nung papasok na ako nang room tapos nagsisigaw si Shane. Di kasi siya ganun, usually.

"Anong meron?" tanong ko naman

"Hay naku! Kanina pa yan tuwang-tuwa 'no. Excited much na ibalita sayo!" sabi naman ni Rex.

"Sabihin ang alin?" *HBDTbyShupershimmer*

"You're gonna be a Daddy, Klein!" Sabat ni Gab-- what?!

"Ano!?" Nabitawan ko naman yung bag ko sa table. Daddy daw? Ok ba sila? Ni hindi ko nga siya--

"Naniwala ka naman, tss." sabi ni Czarina. "Hikari, say it to him at nang di siya mahimatay." sabay irap sakin.

I felt some relief. Pfwu~

"KJ, I passed the entrance exam." nakangiting sabi ni Shane sakin. Di ko alam na napangiti na lang ako.

"Talaga?" tanong ko ulit, malay ko ba kung nagjojoke lang sila.

"Ito oh," Pinakita niya sakin ang phone niya na may kuha ng printscreen mula sa website na nagsasabing pasado siya.

"Wow," tumingin ako sa kanya, "Congrats! Manlibre ka naman. Reviewer mo ko, that time."

Natawa silang apat, "Ikaw, na-check mo na?" Tanong ni Hikari habang nilalagay ang phone sa bulsa niya.

Umiling ako, "Di pa eh, alam ko namang pasado ako." Inirapan ako ni Hikari bago siya umupo sa desk. Ako naman, nangiti lang.

Atleast, may possibility na magkasama kami, until college-- though different course.

It's been a couple of days at balik normal na ang school. Nabalitaan ko ring napasa ni Gab yung exam sa university na yun but Czarina and Rex failed. Sabi naman ni Czarina, ok lang daw since hindi naman na siya sa Pilipinas mag-aaral after high school. I feel bad for Gab. Syempre, matagal na silang tropa, diba.

Pagdating ng uwian, syempre, kaming dalawa na lang ulit ni Shane ang magkasama. I asked her kung libre ba siya ngayon at um-oo naman siya. Nakahanap ako ng opportunity na kahit paano, maicelebrate ko ang good news niya. Tsaka, di pa kami nagkaroom ng romantic date so far. Though, hindi naman 'date' ang balak ko ngayon dahil biglaan. Yun bang simpleng moment lang, as long as I spend my time with her, it's enough.

***

"Ba, namiss ko 'tong bahay mo ha. Bakit mo naman naisipan mo ritong pumunta?" sabi ni Shane habang papasok na kami sa sala dito sa bahay na niregalo ng lola ko. As far as I remember,

ngayon lang ulit niya 'to nabisita. Nilapag naman niya ang bag niya sa couch at naupo.

"Wala lang. Kaysa naman gumastos tayo sa mamahaling kainan."

"Talaga? Baka naman gusto mo lang ako masolo?"

Tinignan ko siya habang nakataas ang isa kong kilay. Ngumiti siya na parang nang-aasar. "Kleinder Jake Ramirez, umayos-ayos ka." dugtong niya.

"Wow, ha?" Umiwas ako ng tingin sabay nilapag ang bag sa may couch.

"Well, I just missed being alone with you. Ayaw mo ba? Besides, icecelebrate natin ang entrance exam passer," ngumiti siya. "Gusto lang kita makasama."

Medyo nanahimik kami, di kasi siya sumagot sa sinabi ko. Kinilig yata. Dyahe! Ang mais ko kasi. Nakakabobo lang! Kaya ko lang naman siya dinala rito dahil gaya ng sinabi ko, gusto ko siya makasama. No devilish reason. Ok?

"Gusto mong kumain?" tumayo ako at ngumiti siya, "Puro junkfoods ang nasa ref ko eh."

Pumunta ako sa bandang kusina at naramdaman ko namang sumunod siya, "Siguro naman may nachos ka dyan?" Tumango ako sa kanya. *HBDTbyShupershimmer*

Kinuha ko ang mga pagkain sa cabinet at bilang inumin, naghanda ako ng coffee shake. Yun lang kasi ang stock! Pinanuod niya pa nga ako habang ginagawa ko yun sa stool dahil na-a-amaze raw siya. Syempre, pakitang gilas ako. Kailangang mapa-impress ang girlfriend eh!

"Last," sabi ko habang kinukuha ang choco syrup sa cabinet. She looks like craving for this shake kaya nung nilalagay ko na yung toppings, sabi niya, "Yes, matitikman ko na ang recipe mo."

I waited for her comment habang tinitikman niya ang coffee sa cup. Nakaharap ako sa kanya habang nakapatong ang mga kamay ko sa stool. Pagkatapos niyang uminom, tumingin siya sakin, "Hm..."

"Ano?" nakangiti kong tanong.

"Best shake ever."

Kinurot ko yung ilong niya, "Aba, marunong ka nang mambola, ha."

"Aray! Totoo naman eh, masarap yung kape! Badtrip to."

Nakasalubong ang kilay niya habang kinakamot yung ilong niya, which I found cute. I leaned toward her and kissed her forehead. "Stop doing that kind of stuff, it turns me on."

Umalis ako sa harap niya at dinala ko naman ang sarili kong coffee shake sa may sala at binuksan ang tv. Pero bago ako lumabas ng kusina, nakita ko sa gilid ng mata ko na namula siya. Cute stuff, again.

Madami kaming napag-usapan habang magkatabi kami sa couch. She even asked kung gaano kadalas akong pumupunta rito sa bahay na binigay ni lola. She asked a lot of thing kahit minsan, out of the blue na lang ang topic pero ayos lang, worthwhile naman kasi siya. As I told you, I want

her to be with me, this time.

"May gitara ka pala?" tinuro niya yung guitar na naka-hang bandang bintana, "Marunong ka niyan?"

"Oo naman. Tinuruan ako ni Gab ng konti pero di ako magaling, not like what you think." I smiled.

"Great," sabi niya.

"Gusto mong tugtugan kita?" Tanong ko naman at natawa siya nang bahagya. "Ayaw mo?"

"Okay yun sakin," she blushed, "Gaya nung ginawa mo nung birthday ni Czarina noon." *HBDTbyShupershimmer*

Naalala ko yung sinabi niya. Kaso, piano naman yung hawak ko nun. This time, gitara. Kaya lang, parang nahiya ako bigla, ewan ko kung bakit eh palagi naman kami nagkikita. Hindi naman siya ibang tao, pero parang naconscious ako sa gagawin ko. Bahala na!

Nag-strum muna ako nang mahina at bumibwelo pa, siya naman, busy sa pag-inom nung coffee at ngumangata ng nachos.

Hanggang dumating ang focal point.

I won't talk, I won't breathe I won't move 'til you finally see That you belong with me

You might think I don't look But deep inside, in the corner of my mind I'm attached to you, mmm I'm weak, it's true Cause I'm afraid to know the answer Do you want me, too? Cause my heart keeps falling faster

Suddenly, naramdaman ko ang pagsikip ng sikmura ko, parang unease ako at nagpapawis ako. Takte! Daig ko pa yata ang nanliligaw! Tapos siya, nginingitian ako. Reward, pre! *HBDTbyShupershimmer*

I've waited all my life To cross this line To the only thing that's true So I will not hide, it's time to try Anything to be with you All my life I've waited This is true...

Matapos kong kantahin yung first verse at chorus, tinabi ko na yung gitara sa may gilid ng couch at hinarap siya, "Galing ko kumapa ng chords, diba?" sabi ko para at ease kaming pareho.

"Kleinder..." Something aroused in me nung binanggit niya yung pangalan ko. Mas nabigla pa ako nung pinaikot niya yung mga kamay niya sa bewang ko.

I was about to remove it-- my brain says 'remove it!' but not my body.

"Ang sweet mo yata." I murmur.

"Parang di ako naniniwalang first girlfriend mo ko," she giggled, "Kabisadong-kabisado mo kung paano ifa-flatter ang isang babae," inangat niya ang ulo niya at nasa chin ko ang level niya, "Chickboy ka 'no?"

"Tch," Sagot ko. Sinandal ko uli yung ulo niya sa balikat ko at hawak ko ang batok niya, "Di ako chickboy. Lapitin lang," I grinned.

"Habulin ng bading." natawa kami pareho sa joke niya. Hangkorni.

"Adik," I rubbed her hair, "Ganun lang talaga siguro kaming mga lalaki, it comes naturally if it's for someone special." Boom.

"Daming alam," Naramdaman kong humigpit yung yakap niya, geez. Pakitigil po ang oras! "Ang dami ngang babaeng nagpopost sa wall mo eh, kung makapag-comment akala mo--"

"Girlfriend?" Napangiti ako matapos kong putulin ang sinabi niya, "Nagseselos? Si Shane, nagseselos?" In-emphasize ko talaga. Nakakatuwa lang. *HBDTbyShupershimmer*

"Di naman," Gumalaw nang kaunti yung ulo niya at nararamdaman ko ang paghinga niya sa may leegan ko. What the.

Ako naman ang nagsalita, "Ikaw nga eh, may mga nagpopost sa wall mo na Japanese language ang gamit. Tapos nagcocomment ka rin ng Japanese! To think na mga lalaki sila-- malay ko ba kung ano pinag-uusapan ninyo," she chuckled, "Baka mamaya nag-a-aylabyuhan na kayo nang di ko alam."

Inangat niya yung ulo niya at bumitaw sa yakap. Sh*t, hug me again. Dejoke.

"Nagselos ang bugok." sabi niya tapos lumapit siya sa pisngi ko at hinalikan ako. Okay, di ako makaimik. Ano'ng meron sa coffee shake at nasobrahan yata ng asukal, aber?

"Pwede bang maging masama, kahit saglit lang?" tanong ko at kumunot ang mga kilay niya.

Without waiting a word from her, I reached for her face and cupped it. Our lips met and feels like this moment is one of a kind from our kisses before. It took us less than a minute before we let go of this passionate thing.

Sa sobrang respeto ko, ako na lang mismo ang lumayo. Buti na lang, kaya ko. Mahal ko naman siya eh, pero kuntento na ko sa lagay na 'to.

Pagkatapos nung pinanuod naming cartoon sa TV, dahil wala na kaming mapanuod, umalis na kami agad at kasama kong bumiyahe sa bus. 10 minutes lang, bumaba na rin siya. Gusto ko pa sana siyang ihatid pero ayaw niya- wag daw akong makulit kundi yari ako.

Pag-uwing-pag-uwi ko ng bahay, matapos magshower, may unknown number na tumatawag sa phone ko. Pinagmasdan ko muna bago ko sagutin yung tawag.

"Hello?"

"..." napakunot ang noo ko nang hindi sumagot yung nasa kabila, "Uh, si Franchezka 'to."

Nabigla naman ako dahil napatawag siya out of the blue. Dinelete ko na kasi ang number niya dahil kahit di ko siya kinausap about sa ginawa niya against kay Shane, nakaramdan parin ako ng pagkainis sa kanya.

"Bakit?" simpleng tanong ko. *HBDTbyShupershimmer*

"Pwede ba tayong mag-usap?" napataas nang kusa ang isang kilay ko sa pagtataka.

"Dito na lang sa phone," I excused, "May gagawin pa kasi ako." Sana maganda ang naimbento kong excuse.

"Saglit lang," she begged, "Di naman ako tatawag kung di mahalaga eh."

Napaisip pa ako pagkatapos niyang magsalita. Tinawag niya pa ang pangalan ko kung nasa linya pa ba ako. Then, nagdecide na ako nung mga oras na yun.

"Ngayon na ba? Saan?"

"Salamat." she sighed, "Nasa labas ako ng village ninyo, kakagaling ko lang kasi ng SM."

"Ok." sabi ko lang at binaba yung tawag.

Bumaba ako ng hagdan at lumabas ng bahay. Ginamit ko pa yung skateboard ko para mas mabilis ang pagpunta ko sa labas. Pagdating ko doon, nakita ko na si Franchezka na naghihintay...

HBDT// Kabanata 42

"Ano yun?" Tanong ko pagkababa ko ng skateboard. Umalis siya dun sa pinagsasandalan niya at ngumiti. I maybe sound irritated pero siguro dahil lang sa pagod na ako.

"I'm glad you're here."

Tumingin ako sa kabilang side at pinilit na huwag isipin ang sinabi niya, "So, ano yung mahalaga na sasabihin mo?"

Yumuko pa siya na parang nagdadalawang isip, after ng ilang segundo, tumingin siya sakin at ngumiti na naman, "Gusto mo bang kumain muna sa labas? May van naman kaya-"

"Cheska, hindi ako nakapagpaalam nang maayos sa bahay. Dito mo na lang sabihin."

Yumuko ulit siya. Tss. Ano bang meron? Nakaramdam ako ng pagkaasar, "Ano ba yon?" Tanong ko ulit. *HBDTbyShupershimmer*

"Pasensya na. Kagagaling lang kasi namin ng pinsan ko sa SM." Napatingin ako sa van at may tao nga sa loob. Binalik ko ang tingin sa kanya at halata kong gustong-gusto niya nang magsalita ng kung ano man yung sasabihin niya.

"Ano bang problema?" Kumalma na yung boses ko at lumapit pa nang kaunti sa kanya.

"I'm sorry, I've done a lot of things to you- I'm sorry." Kumunot tuloy yung noo ko. Ito lang ba yung sasabihin niya? Sana sa tawag niya na lang ginawa. Hindi ako nagsalita dahil di ko naman alam ang irereact.

Until, nakapagbitaw ako ng sasabihin, "I bet that's sincere. You did a lot." Sabi ko habang kinakamot ang noo ko out of frustration.

"Jake..." banggit niya, kaya lalong kumunot ang noo ko. Ano ba 'to? "Nag-aalala ako sayo..." sabay hawak niya sa braso ko. Sa gulat ko, nahila ko yung braso at nag-step backward. She's weird! Ano bang sinasabi niya? C'mon. Di ba pwedeng direct to the point? Gabi na- pagod na ko.

"Cheska? Ano ba yang sinasabi mo?"

"Jake, I've heard a lot. They're about to hurt you- delikado ang buhay mo..." she mutters.

It's my turn na ngumisi at nilagay ko ang kamay ko sa may bewang habang pinagmamasdan ko siya. She's done this before. Uulitin niya pa ba? She steps forward at sinabing, "Seryoso ako, bakit ka tumatawa?"

Napailing na lang ako sa tanong niya, "C'mon Cheska, stop playing around."

"No, I'm not!" she exclaimed kaya nawala ang ngisi sa labi ko. Lalo tuloy nagpanting ang tenga ko.

"Look," I said with a hand gesture, "Naaalala mo ba nung tinawagan ko mo? You said somebody hurt you at may kinalaman si Shane- shit, Cheska. Tama na. You've done this before." I breathed

hard, I scratched my nape bago magsalita, "Ngayon, sinasabi mong nasa panganib ako- then what? Shane-or-whoever-that-involves-her is behind this stuff?" I shook my head.

Tumitig lang siya, bago nagsalita, "Walang kinalaman si Shane..." By that, she got my attention.

"What do you mean?" Napaseryoso ako bigla.

"One of my classmates know you. He said that his cousin's..." napaisip pa siya na parang may gustong alalahanin pero di niya maalala, "basta. May balak silang masama. They are sure na gusto ka raw nilang gantihan. May kaaway ka ba?"

I'm puzzled. Napahilamos na lang yung palad ko sa mukha ko matapos marinig yung sinabi niya. "Nagkakamali ka. That's not sure, is it? Wala akong kaaway. Tahimik ang buhay ko at di ako yung tipo na mahilig sa gang war, ok?" Sabi ko.

"Ewan, di ko alam pero sigurado akong totoo yun." Sabi niya at umiwas namana ko sa pagtitig niya.

"Well, I'm glad that you had that not-so-sure source. Ang galing, ha? Ang dami mong connections." I said with a sarcastic tone.

She better leave.

"Hindi ka na ba naniniwala saken?" tanong niya. Napaisip ako nang matagal bago sumagot.

"After what you did? Wala na. Hindi ikaw ang Cheska na nakilala ko." I put my skateboard on the ground, "Umuwi ka na, gabi na." *HBDTbyShupershimmer*

Pinatong ko na yung paa ko sa board at bago ako umandar, nagsalita pa siya, "Forgive me, Jake." I started to slide my foot against the ground.

"I'll think about that." Then I left.

***

"Coke?" Inabot niya sakin ang isang can at umiling ako. Pagtapos nun, umupo si Shane sa tabi ko. Actually, nasa classroom kami pero wala pang teacher at maaga pa naman.

I faced her, "Softdrink? Alas-otso ng umaga?" Nakataas pa ang kilay ko habang tinatanong siya. Ngumiti lang siya bilang sagot, "Gusto mo bang magka-ulcer?" I ask, concern.

"Nagbreakfast naman ako, medyo nauuhaw kasi ako." Sagot niya sabay inom. Pagkababa niya ng can sa desk, tumingin siya sakin, " Tahimik mo yata? Kahapon lang, ang dami mong pinagsasabi." Iniwas niya ang tingin niya sakin- she blushed.

Napangiti ako at nagkusa yung kamay ko na hawakan ang freehand niya na nakapatong sa kanyang lap. Well, nasa ilalim ng desk yung kamay namin. I guess it's okay.

Pinisil ko ang kamay niya habang hawak ko, "Better." Bulong ko.

"Ha?"

"I'm feeling more okay." Sinandal ko ang ulo ko sa headboard ng bangko at pumikit saglit, "Dito ka lang, okay?"

Narinig kong natawa siya pero mas gumaan yung pakiramdam ko nang in-intertwine niya ang kamay niya sa mga daliri ko. Best- not just better.

"May problema ka? Sabihin mo nga saken." She commanded. Still, nakapikit pa rin ako at dama ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Sana, ganito lagi.

"Just having some thoughts." Sabi ko.

"Tulad ng?" Shit. Bakit ba pa-sweet ng pa-sweet siya pag nagsasalita? Lalo na ngayong kami yung nasa bandang dulo ng room. To think na may iba ring tao. C'mon.

Dumilat na ako at umayos nang pagkakaupo, "Tulad mo." Namula na naman siya. Gustong-gusto kong nakikita siyang ganyan. "Magdamag kitang napanaginipan, Shane."

Inirapan niya lang naman ako! "Tigilan mo nga ako KJ. Seryoso ako sa tanong ko. Wag mo kong daanin sa mga ganyang style, ok?"

"But you liked it, didn't you?" namula na naman siya. Shit. She keeps on turning me on. Tinaasan niya ako ng kilay sa tanong ko kaya nagsalita ako, "Namumula ka, halata kaya." *HBDTbyShupershimmer*

Umiwas siya ng tingin at humarap sa blackboard, "Kaasar." Sabi niya at natawa na naman ako. She really is awesome.

"Si Nylan." I said out of the blue, "Tinetext ka pa ba niya? Kinakausap? O nakikipagkita?" nagulat siya sa mga tanong ko. I squeezed her hand and said, "Be honest."

Nakakunot ang noo niya bago sumagot, "Hindi... no texts, no talks, no visits. I'm not lying."

"Eh di mabuti," sabi ko, "Nakakafrustrate ang lalaking yon." She nodded as an agreement.

"Nakakagulat nga eh, di na siya kasing kulit gaya dati. Hindi ko siya madalas nakikita, siguro dahil busy siya sa ibang bagay." Tinaasan ko naman siya ng kilay, "Bakit?" tanong niya.

"Eh bakit parang namimiss mo?" sabi ko habang nakangiwe. Loko 'to ah. Kung makapagsalita, parang mas namimiss niya si Nylan. Di hamak na mas mabango ako dun nang konti.

"Di noh," she snapped, "Selos ka?" nakangiting tanong niya sakin tapos ay uminom ng natitira niyang coke. Hinintay ko muna siyang matapos bago makaisip ng isasagot.

"Konti lang." with a hand gesture gaya ng napapanood ko ngayon sa TV. Binigyan niya lang naman ako ng mala-hayup sa hampas sa ulo gamit yung isang kamay niya kaya hinigpitan ko ang pagkakahawal ko sa kanya dun sa isa.

"Aray, ah. Nawiwili ka na sa pananakit. Baka mamaya magawa mo yan, emotionally." Nasabi ko bigla tapos inirapan niya lang ako, saying 'whatever.'

"So, ano bang problema mo? Halatang-halata sayo na may iniisip ka. Kilala kita 'noh." She squeezed my hand, "Be honest." Ok, na-trap na yata ako.

Napahinga ako nang di oras at nagsalita, "Just a bad news." Nagtanong naman siya kung ano yun. Ok lang naman sakin na sabihin sa kanya eh, the problem is, it is about Franchezka. Paano ko sasabihing nagkita kami? Baka kainin ako nito nang buo.

*HBDTbyShupershimmer*

"Wala naman..." I sighed, "May balitang nakarating na may nagbabanta 'na naman' sakin." Natawa ako nung naalala ko yun, "Ewan, di naman yata totoo. Nevermind."

"Sus. Sino naming nagsabi niyan sayo, aber?" she raised an eyebrow, asking, "Naniwala ka naman?"

"Ofcourse not." I reassured.

Later on, dumating naman si Rex at kumakain ng Magnum. Seriously? Anong meron sa mga tao ngayon at kumakain ng mga ganyang pagkain dis-oras ng umaga?! "Oy, lapit na results ng second period natin ah. Syempre, nasa top na naman si Kleinder niyan." He laughed.

Bigla akong kinabahan. Ewan ko kung bakit.

"Sus, bahala na kung fail ulit," singit ni Shane kaya napatingin ako, "Never naman akong nagsucceed sa exams." Tumawa pa silang dalawa at nag-apir. Ako naman, natulala.

Ok lang?! Sa kanya, oo. Sakin, hindi. Ayoko yatang pumunta 'to ng Japan ng dahil lang dyan 'noh. Kaya nga nag-effort akong i-review siya kahit nadidistract ako sa mukha niya nun eh. Lalo na pag nakangiti. Yari na, umamin!

Nag-usap sila sa iba't ibang bagay, ako naman tahimik lang. Pero syempre, nasa ilalim parin ng desk yung kamay naming dalawa. Busy ako sa pag-rub ng daliri ko sa knuckles ng kamay niya.

"Kleinder, nagkita raw kayo ni Chezka kagabi? Naka-chat ko eh." I glared at him pagkasabingpagkasabi niya. Oh shit. I'm dead.

"Ha?" Namutla ako. Bakit ba ako nakaramdam agad ng ganito? Badtrip. Hindi nakatingin si Shane sakin pero dama ko yung cold stare niya thru peripheral vision. Shit.

"Si Chezka, kinausap ka. Ano ba sinabi?" Napansin kong nag-iba ang aura niya pero hindi siya nagsalita.

"Sabi niya kasi, may mahalaga siyang sasabihin. Ayun, pumunta siya sa village at kinausap ako." Sagot ko. Jeez, lumuluwag yung hawak niya. Wrong timing ka, Rex! Ugh.

"Then?" tanong ni Rex. Grabe, wala ba siyang nasesense na di na nagsasalita si Shane sa tabi ko? Masasapak ko 'to eh. *HBDTbyShupershimmer*

"Ah, wala. Nangamusta lang. Umuwi rin siya agad." Simpleng sagot ko, kasabay ng pagbitaw ni Shane. Something in my chest ached a little. That was harsh. Tinignan ko siya tapos nagkunyari siyang dumudukot ng phone sa bulsa ng pocket niya.

I eyed on Rex at sinabi ko sa mga mata ko na 'bakit naman yang topic pa ang naisip mo?!' Napatakip si Rex sa bibig niya tapos nag-peace sign pa sakin. Wala na, di na ako kinikibo. Tumalikod si Rex at umupo kaya di na siya nakaharap saminng ni Shane.

"Shane." Sabi ko. Ayun, di nagsalita. Busy siya sa phone niya at nagbabasa ng message na di ko alam kung kanino galing.

"Galit ka?" Hinawakan ko yung siko niya, "Shane." I sound so desperate. Napakamot na lang ako sa ulo ko at hinayaan ko siya.

Hindi na ulit kami nag-usap throughout the class. Nagtabi kami sa isang subject pero hindi niya man lang ako kinibo sa tuwing kinakausap ko. Ni ha, ni ho, wala siyang sinabi. Tatango at iiling lang. Somehow, medyo na frustrate ako kakaisip kung bakit siya galit. Stupid, Kleinder! Malamang, dahil sa pakikipgakita mo kay Chezka. Sinong girlfriend ang matutuwa dun?

Wala naman akong ginawang masama eh.

I was bored all the time at nung last period na naming, which is Music, hinihintay ko siyang pumasok ng room pero walang Hikari Shane Oda ang dumating. Don't tell me she ditched her class? No, I guess, inalis niya na yung attitude niyang yun.

Nagdadalawang isip naman akong itanong kina Gab at Czarina or Rex kung may idea ba sila. Baka kasi pag tinanong ko, isipin nilang wala akong alam sa nangyayari sa girlfriend ko.

So, I texted her.

To: Shane

San kna? Music na ntin.

I press send tapos hindi siya nag-reply. Grabe, ang tindi naman ng galit niya, pati ba naman sat ex, di nangkikibo? Nakakasakit ng puso. Ni-resend ko yung message ng ilang beses pero walang reply na nakarating sakin. Jezz, I'm starting to worry. Pumasok na yung teacher at nagkaroon pa ng quiz. I got only 7 out of 10- perhaps my mind is so occupied.

After ng subject, nilapitan ko agad si Czarina kasama sila Gab. "Cza, si Shane nakita niyo ba? Di siya pumasok ng Music, eh." Tanong ko.

Binigyan lang naman nila ako ng weird look. Ok, as what I have expected, "Ano ka ba!"

"Bakit?"

"Nasa clinic siya, dear. Nagpaalam siya sa amin kanina. Di niya ba sinabi sayo?" Tanong ni Rex kaya umiling naman ako bilang sagot. So, sila sinabihan, ako hinde? How hard. *HBDTbyShupershimmer*

"Ganun ba, sige salamat. Pupuntahan ko na lang siya doon." I tapped Gab's shoulder at tumakbo papuntang clinic. Nag-consult pa ako sa nurse kung meron bang Hikari Shane Oda na naka-sign sa loob at um-oo naman siya.

Binuksan ko yung kurtina dun sa bed na tinuro ng nurse. Syempre, sinabi ko classmate ko siya kaya pinalapit ako. There, I found her lying at nakikinig siya ng music sa cellphone niya thru earphones. "Shane." Tawag ko.

Nilingon niya naman ako at umupo siya sa bed, "Bakit?" tanong niya without removing her

earphones. She's so silly, sometimes.

"Okay ka na ba?" She just shrugged her shoulders to me tapos bumalik na yung tingin niya sa phone. I guess, mahina ang volume kaya naririnig niya ako.

"Maysakit ka ba talaga o nag... cutting?" medyo mahina yung last word ko. Ayoko naming maoffend siya ulit. Baka mas mahirapan akong i-please siya. Binigyan niya ako ng what-the-f-areyou-saying look. "Di ka man lang nagreply sa text ko, nag-alala tuloy ako."

"Ganun ba tingin mo sakin?" Nangingising tanong niya pero feeling ko pissed off siya Tinanggal niya yung nasa tenga niya at tinago sa bag na nasa table. "Hindi maganda ang pakiramdam ko. Nasagot ko nab a ang tanong mo?" Sinabit niya na yung bag niya sa balikat.

"Galit ka ba dahil sa sinabi ni Rex?" I confronted pero di siya nagsalita ni isang salita. It took me a couple of blink bago siya kausapin, "Sabihin mo naman kung bakit ka ganyan. Di yung pinahuhula mo ko. Nakaka-frustrate na kasi, Shane. Ang ayos-ayos naman natin kaninang umaga, eh... tapos biglang ganito."

Di ko alam kung nakikinig pa ba siya pero kailangan ko lang talagang mag-speak out.

"Nasabi mo na." mahinang sagot niya. "Nasabi mo na yung sagot sa tanong mo." Tama nga ako, dahil sa sinabi ni Rex.

"Kay Franchezka? Gusto mo bang i-explain ko?" Hinila ko yung siko niya at pinaupo siya sa edge ng kama para makinig, "Hindi ko expected na darating siya kagabi. Nakiusap lang siya na puntahan ko dahil may importante siyang sasabihin. Yun lang. Wala na kaming ginawa dahil wala rin ako sa mood na kausapin siya after all."

"Anong sinabi niya? Yung about sa nagbabanta?" tanong niya habang nakakunot ang noo at tumango ako.

"Forget it, okay?" I cupped her face and unexpectedly, she blushed, "Wag ka na ngang magselos dun. Wala na siyang epekto sakin, ano ka ba." I sound so comfortable.

"Are you sure?" hamon niya. Tumango naman ako sa kanya, "Kung ganon, halikan mo 'ko."

With that, nanlaki ang mga mata ko. Oh c'mon. Anong klaseng challenge yun? Di ko siya maintindihan kung anong gusto niyang patunayan. I've kissed her many times but not here. Baka may makakita, ayoko namang ma-suspend dahil sa Public Display of Affection.

"Nagdadalawang isip ka ba?" bumalik yung ulirat ko nung nagsalita siya.

"Adik ka ba? Baka ma-PDA ta-" *HBDTbyShupershimmer*

Shit. This feels so great. Nagulat ang mga hormones ko nung hinila niya ang batok ko hanggang sa magdikit ang mga labi namin. Nawala na sa isip ko yung clinic, yung nurse, yung suspension, yung PDA. Ang nasa isip ko lang-siya at ako. Wala nang ibang tao.

Lumayo siya at ako, di naman makareact agad. Jeez, Ang bata ko pa para makaramdam ng ganitong kalse ng urge.

"Apology accepted." Tumayo siya at ngumiti habang namumula. Did she like it? I guess so, dahil nakikita ko sa mga mata niya na oo.

Sumunod ako sa kanya, palabas, "Ihahatid na kita sa inyo." Sabi ko nung nasa bandang gate na kami. Masama ang pakiramdam niya diba? Mas okay siguro kung sasamahan ko.

"No, thanks. Go home, may magsusundo na sakin."

"Sino?"

"Oh, ito na pala eh." Biglang may humintong sasakyan sa may harapan namin. Ah, ito yung service ni Shane dati. Lumabas yung driver-hindi na siya yung dati. Kinuha niya yung bag ni Shane at pinagbuksan ng pinto.

Tumigil si Shane bago pumasok, "KJ, goodbye." Tumango lang ako at pumasok na siya. Hinintay kong umalis yung sasakyan pero habang nag-i-start yung engine, ini-slide niya pababa ang bintana. "Can I have a request?" tanong niya.

"Anything." Ngumiti naman ako.

"Isama mo ko sa panaginip mo. Ako lang." ngumiti siya at nag-wave.

"As always, Shane."

HBDT// Kabanata 43

HIKARI's POV

"Gusto mo ng barbeque? Ikukuha kita."

Tanong ni KJ sakin habang nakaupo kami sa may buhanginan. Tumango ako nang dahan-dahan tapos tumayo siya at nagpagpag ng board shorts. Pinagmasdan ko yung almost-tan na likod ni KJ habang papunta sa may ihawan na kasalukuyang pinaglulutuan ng ibang classmates ko.

7 pm na kaya madilim na tapos ang sarap pa ng simoy ng hangin. Konting araw na lang kasi, Christmas vacation na! Kaya nga nagplano ang section namin na dito sa isang beach resort sa Laguna mag-Chirstmas party eh. Ang daming nangyari for the past days-- weeks? Di ko nga maspell ang kasayahan ng buwan na 'to e.

Well, una sa lahat, I did not fail in this quarter! Pero, nung time na yun, mukhang masaya pa sakin si KJ nang malaman naming di na ako failure at wala sa huling top. Last thing I remember, he kissed and congratulated me. If i'm not mistaken, mukhang naiiyak pa siya nun. Ang weird nga eh. One of the best things na nangyari e nung monthsary namin-- na nakalimutan ko!

Nung araw na yun, nagtaka pa ako kung bakit nagpatong siya ng 3 red roses sa table ko at may chocolates with matching Bear Cuddler package. Nung una tinanong ko pa siya tapos mukhang nabadtrip pa siya sakin! Sorry naman, diba. Sobrang busy kasi kaya nakalimutan ko na. Buong araw niya akong hindi kinausap nun, noh! Pinagsisisihan ko talaga yung katangahan ko kaya ako na ang unang lumapit.

"Di mo pa rin ako kakausapin?"

Pinagmasdan ko siya habang abala sa pagbabasa ng libro ni Dan Brown na hiniram niya lang yata kay Gab. Nandito kami sa field at pinagbigyan kami nina Czarina ng time na mag-usap kaya umalis sila. Nung napansin kong wala siyang balak sumagot, sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya, baka sakaling umepek!

"Monthsary natin, KJ. Kausapin mo naman ako..." I pouted. Nakakatampo. Naiirita tuloy ako sa sarili ko. Hinawakan ko yung petals ng red roses na kanina ko pa dala. "Salamat nga pala sa roses, ang bango." I smiled.

Again, hindi na naman siya nagsalita. Ang sarap niyang sikuhin! *HBDTbyShupershimmer*

"Pati na rin sa chocolate, mukhang tataba ako sa gift mo, hahaha." Tumawa ako na parang at ease lang ang lahat pero di siya nagrereact. Naiiyak na ako! "Pati sa teddy bear..."

Humina yung huling sinabi ko tapos ang sumunod na alam ko, niyuko ko ang ulo ko sa balikat niya at umiyak nang tahimik. Walang tunog, walang sob, as in nakapikit ako sa may manggas ng polo niya. Pakiramdam ko nga basa na yung damit niya e.

"Sorry." bulong ko.

Tapos, naramdaman ko yung yakap niya at kahit hindi siya nagsalita, ramdam ko na okay na kami at napatawad na. Di ko talaga alam kung anong gagawin pag lumipas ang araw na 'to nang di kami nagkakabati.

"Anong ngingi-ngiti mo dyan?" Nawala ang pagrereminisce ko nang inabot na ni KJ ang isang plato na may tatlong stick ng barbeque. Nginitian ko lang siya. "Mukha kang baliw." dagdag niya sabay inom ng rootbeer.

"Wala," I smiled, "May naalala kasi ako." Tapos natawa na naman ako at napailing na lang. Tinanong niya kung ano raw yun pero di ko na sinabi.

Ang ingay ng mga kaklase ko. Maghapon nagsipag-swimming tapos yung iba, sobrang tan na dahil sa araw. Yung iba, nag-iinuman, tapos may nagkakaraoke sa loob. The rest, they're playing beach volleyball kahit malakas hangin!

"What's your plan?" Sabi ni KJ out of the blue.

"What do you mean?"

"Sa Christmas vacation. May plano ba kayo ng pamilya mo?" Kumagat muna ako ng barbeque bago nakapag-isip ng isasagot.

I shrugged, "Ewan, di ko pa alam. Pero usually, pumupunta kami sa Japan until New Year." Napahinga ako nang malalim nang marealize kong ilang weeks din kaming di magkikita ni KJ. "Kayo?" tanong ko naman.

Pumulot siya ng kung ano sa may buhangin sabay binato sa may pampang, "We have plans. First thing is, we're going to celebrate in Quezon Province. Bata pa lang ako dun na kami nagpupunta-bahay kasi yun ng lola ko." He smiled, "Then, balik ulit sa bahay, busy kasi si Dad kaya di namin makasama kung gusto man naming pumunta sa ibang lugar."

"Pareho pala tayong magiging busy this vacation." I concluded. Tapos nag-half-smile siya at uminom ulit nung iniinom niya.

"It's okay." umusog siya nang kaunti sa tabi ko dahil medyo lumamig yung hangin at nakasando lang siya, hello! "Ilang linggo lang 'yun. Tapos magkikita ulit tayo after New Year." Hinawakan niya yung free hand ko tapos pinisil 'yon. Ganun lang kami for about 20 minutes hanggang sa maubos yung kinakain ko.

"Ano'ng gusto mong regalo?" Tanong ko habang naglalakad kami sa gilid ng dagat tapos nakapaikot ang kamay ko sa braso niya. Grabe, sariwa ang hangin!

"Hmm," inalis niya yung braso niya sa pagkakahawak ko tapos umakbay sakin, "Basta, bumalik ka nang buo galing Japan, oks na 'ko." *HBDTbyShupershimmer*

Sinuntok ko yung tiyan niya. "Anong klaseng request yan!" Tumigil ako saglit sa paglakad tapos humakbang ulit, "Seryoso, ano nga? Baka may gusto kang ipabili... souvenir, mga ganun? Snow?" I chuckled.

"Ikaw na bahala. Di naman ako demanding sa regalo." I nodded. Siya naman ang nagtanong about sa gusto kong gift pero sinabi ko na gusto ko ng isang cd collection ng Detective Conan. Ewan ko lang kung makakahanap siya nun pero susubukan niya raw.

"Do you think, next Christmas, ganito pa din tayo?" tanong ko habang nakayuko. Huminto siya at nagtaka, "Anong ganito pa din?'"

Tumigil na rin ako sa paglalakad at inalis niya ang pagkakaakbay niya, "Kung magpaplano parin ba tayo ng kung anong ireregalo sa isa't isa. Kung... ganito..." I gestured my hand, "Tayo..."

Napaka-straight ng titig niya habang nagsasalita ako at kahit gabi, nakikita ko yung mga mata niya at ang reaksyon ng mukha niya. Natawa siya nang bahagya, "Iniisip mo ba na magbebreak tayo?"

Nagkibit-balikat lang ako at tumingin sa dagat na kalmado sa ngayon.

"We'll let's see."

Sagot niya sabay hinga nang malalim. Niyakap ko siya at naaamoy ko ang pabango niya na gustong-gusto kong inaamoy. Ramdam ko yung heartbeat niya tapos inabot ng ilang segundo bago siya yumakap sakin. 9 pm nang nagsabi siyang bumalik na kami sa cottage at baka raw pinagsarhan na kami ng pinto ng mga kasama namin. Napansin ko rin sa bulsa ng shorts ko na panay vibrate ng phone-- puro text messages from Rex dahil hinahanap nila kami.

Nung una, ayoko pa sanang bumalik dahil di pa ako inaantok at malamang magulo pa sa babalikan namin dahil ang dami namin! Pero nung tumanggi ako...

"Ayaw mo, ha." Tumalikod siya sakin at sapilitang binuhat ang mga binti ko paitaas. Napasigaw nga ako ng di oras dahil sa pagkabigla tapos in-adjust niya ako sa likod niya kaya nakakapit ako nang maayos sa leeg at dibdib niya.

Nakapatong ang ulo ko sa balikat niya habang buhat ako sa likod at sa sobrang layo ng nilakad namin at sa lamig ng hangin na humahampas sa mukha ko, ilang beses akong humikab at narealize kong inaantok na ako. "Wag kang matulog, bibitawan kita." Sabi niya.

But I'm so sleepy and I can't really help it. "Good night," Naghikab pa ulit ako at ang naaalala ko, dahan-dahan nang bumagsak ang mga mata ko. "I... love you."

**

"Mahal din kita, Shane. Merry Christmas." Napangiti ako sa sinagot ni KJ sa kabilang line habang nasa veranda ako ng bahay namin dito sa Japan. *HBDTbyShupershimmer*

"Merry Christmas. Sige na, goodbye. Mahal ang overseas call."

"Sige, goodbye. I miss you. Kitakits next year." Tapos nag-hung up na siya. Bumalik ako sa loob ng bahay nang nakangiti at nadagdagan ang pagkapula ng pisngi ko dahil sa lamig ng temperature dito at sa presence ni KJ.

Sa totoo lang, gusto ko nang umuwi at sa Manila na lang magcelebrate ng New Year para at least, konting byahe lang kila KJ pero kailangan kasi na nandito kami until next year. Actually, nakasuot ako ngayon ng kimono dahil required sa father side ko ang magsuot ng ganito pag pasko. Ewan ko ba. Medyo di nga ako sanay e.

Pinagmasdan ko ulit yung gift na binili ko para kay KJ. Simpleng black and white scarf na may embroidery ng name niya. Bumili na rin ako ng mga regalo para kina Czarina, Rex, Gab at sa iba. Nag-hesitate pa ako kung dapat bang bigyan ko si Nylan but then, I ended up buying a red beanie.

Speaking of Nylan, hindi na kami nagkikita. Pero, madalas siyang magtext or mag-iwan message sa account ko. Wala rin akong balita kung bakit kasi hindi na ako bumabalik sa dating tambayan. Di ko na nga rin nakikita si Andrew e, hanggang text na lang din yung loko.

Nagising ako nang 9 am dahil ginising lang naman ako ng kapatid kong pasaway!

"Ano ba?" Naiiritang sabi ko. Nakakainis naman kasi e! Kitang puyat tapos gigisingin.

"Wake up! May messenger sa baba and there's a package for you." Inalog-alog niya ang balikat ko pero di ako tumayo.

"Ikaw na lang ang mag-sign!" *HBDTbyShupershimmer*

"Ayaw niya ngang ibigay sakin e! Kailangan ikaw daw! Dalian mo!"

Sapilitan niya akong hinila sa braso at nagdadabog akong bumaba ng hagdan. Pinagalitan pa nga ako ng Daddy eh, pero wala akong pakialam. Pagbukas ko ng gate, nakasimangot akong tumingin sa messenger na naka-jacket at nakasumbrero. Ngumiti pa sakin!

"Give me the paper and the package." Binigay niya naman agad at nayayamot kong pinirmahan yung papel. Pagkatapos, nag-bow siya sakin at sinara ko yung gate.

Umakyat ako ng kwarto nang hindi tinitignan kung galling kanino at kung ano ang laman ng package. Sa sobrang antok ko, natulog ulit ako at di ko alam na umabot yun ng tanghali! Pagkagising ko, nag-shower agad ako at nagbihis. Pagtingin ko sa cellphone ko, may 3 messages.

Syempre, na-excite akong buksan dahil nag-eexpect ako ng message kay KJ pero nadisappoint ako kasi wala ang pangalan niya. Nagtaka lang ako kung bakit puro galing kay Czarina ang text. Bubuksan ko na sana nang may kumatok.

"Pasok." Sabi ko. Ba't ba. Hindi ako sanay na mag-hapon e. Kaya minsan, naloloka na yung maids dito dahil sa pagsasalita ko sa kanila.

Nilapag ko muna ang phone ko tapos pumasok si Daddy. *HBDTbyShupershimmer*

"Oh," sabi ko, "May sasabihin ka ba?" napatingin ako sa package na nasa upuan ng kwarto. Nakalimutan kong buksan!

Ngumiti siya, "Nothing, just checking if my daughter's fine." Umiwas ako ng tingin at kinuha yung

suklay para ayusin ang buhok ko. Mukhang alam ko na kung bakit siya nandito.

"I'm alright."

He sighed, "Tomorrow's your mom's death. Would you like to go with me in a temple to pray for her soul?" Umiling ako. Mas mabuti kung sa puntod kaso nasa Pilipinas e, at bakit ba ito ang topic?

"Ayoko." Diretsong sinabi ko, "Yun lang ba ang sasabihin mo?"

He smiled afterwards, "I guess so. I'll leave you, then." Lumabas siya ng kwarto na parang may gusto pa siyang sabihin. Hindi ko na tinanong kung ano kasi ayokong maalala ang kahit ano about sa mother ko.

Inasikaso ko yung package at inalog-alog-medyo maingay nga e. Wala naman akong inorder na kung ano sa pinagmulan nito e. Di ko rin kilala yung sender sa labas ng box, ang weird nga ng name e! Pinunit ko yung tape tapos napatayo ako sa CDs ng Conan! Alam ko na kung kanino galing 'to!

"Oh my God, KJ!" Napasigaw ako dahil nabilhan niya nga ako! Dito niya sa Japan inorder at pinadala sa address namin! Ang saya ko bigla. Sinadya niya siguro yung pag-iiba ng name. Loko talaga!

In-exit ko muna ang unread messages at dinial ko agad ang number ni KJ. Naka-ilang ring na pero walang sumasagot. Medyo nawala tuloy ang excitement ko! Nakakabadtrip. Pero baka busy sa pamamasyal? Ewan, wala akong alam.

Nung huling try ko, napa-thank God agad ako dahil sinagot din!

"Kleinder! Natangg-" *HBDTbyShupershimmer*

"Ate Hikari?" Napalitan yung saya ko ng pagkagulat. Sino 'to?

"Si Kleinder?" mahinang sabi ko sa kabilang linya.

"Si Kristine 'to. Pasensya na-"

"Nasaan siya?"

"Uhm..." Naghihintay ako ng sunod na sasabihin niya pero naubos agad yung pasensya ko. Ano ba.

"Pakibigay naman yung phone sa kanya, please."

"I'm sorry. Hindi kasi pwede e." Lalong kumunot ang noo ko! Ano ba! Di ko siya maintindihan.

"Huh?"

"Nasa E.R po siya ngayon." Huminga siya nanag malalim at lumakas yung kabog ng dibdib ko. "Kakasugod niya lang po sa hospital."

"A-ano? E.R? Hospital?"

Hindi siya nakasagot agad sigurado akong may narinig akong umiiyak na babae sa kabilang line. For sure, si Tita Jennifer. Nakarinig din ako ng pagbukas ng pinto at mahina yung pagkakasabi ni Kristina ng, 'Pa, yung doctor...'

Tapos, out of line na. Binaba niya na yata.

My body is shaking. Hindi ko ma-digest lahat ng information na narinig ko 8 seconds ago. Nataranta ako bigla at di ko alam kung saan at kanino ako pupunta. Binasa ko yung message ni Czarina at nakalagay dun na 'Hikari, nasa ospital si Kleinder.'.

Tell me I'm dreaming... this isn't happening.

Tapos, naramdaman ko na lang na nakatakip ang dalawang kamay ko sa mukha ko at... umiiyak.

"Kleinder..."

HBDT// Kabanata 44

I rushed to my Dad's room. Naabutan ko siyang nagsusuot na ng black suit at medyo nagulat siya dahil bigla akong pumasok nang di kumakatok. Pinagmasdan niya ako dahil halatang namumutla ako.

"Hikari?"

"Dad." I gasped, "D-dad..." Bigla ko na lang naramdaman yung panginginig ng mga braso at tuhod ko. Pinigilan kong hindi maiyak sa harap niya kahit na halo-halo na ang naglalaro sa utak ko.

"Hikari." Lumapit siya tapos hinawakan ako sa magkabilang braso at kita ko na nakakunot na ang noo niya dahil sa hitsura ko. "What's the problem?"

"Dad, I need to go." Kumunot na naman ang noo niya na parang di niya naiintindihan ang sinabi ko. "Please, kailangan kong bumalik ng Pilipinas."

"Pero-"

"Dad. Si Kleinder," I'm shaking more and more, "Gusto ko siyang makita, please! Nasa ospital siya ngayon. Kailangan ko siyang puntahan!" *HBDTbyShupershimmer*

Nahalata kong nabigla rin siya sa narinig niya pero di siya nagsalita. Naghihintay lang ako nang permiso niya bago ako makaalis dahil supposed to be, sa January pa ang balik namin. Binitiwan niya ako at kumuha ng cellphone sa pocket niya. May kinausap siya sa phone tapos naghihintay lang ako. Nag-aalala na ako sa kanya.

"8 pm. Is that okay?" I almost embraced him pero di ko na nagawa. Napaharurot ako sa kwarto ko at kinuha ang maliit na maleta.

Binalot ko yung kakaunting damit na good for few days kasama yung regalo ko kay KJ at yung CDs. Sinabihan ko na lang yung maid na isama ang ibang gamit ko pag bumalik na sila Dad.

nasa loob na ako ng airplane at kung pwede lang, paliparin ko na agad itong plane na 'to. Ang tagal mag take-off! Sinubukan kong tawagan si Czarina kanina habang nasa kotse pero hindi niya nasagot. Wala na rin akong contact kay Kristine kaya wala akong idea kung ano nang lagay ni KJ. I even prayed while waiting for my flight.

Ilang saglit lang, nag-take-off na rin tapos umayos ako ng upo at naka-twist ang index at middle finger ko sa halos buong byahe. Ilang oras lang din at nasa Manila na ang plane kaya punongpuno ng what-ifs ang utak ko. Madaming tao sa airport dahil kapapasko pa lang at medyo nahirapan pa ko na hanapin yung sundo ko.

Pagkasakay ko ng kotse, tinawagan ko agad si Czarina gamit yung number ko rito sa Philippines. Laking pasalamat ko naman nung sinagot sa pangatlong ring!

"Czarina!" sabi ko.

"My God! Tumawag ka rin! Natanggap mo ba 'yung message ko? Alam mo na ba yung nangyari?!" Sunod-sunod na tanong niya kaya lalo naman akong nataranta. Shit.

"Yes. Cza, saan yung hospital? Gusto kong puntahan..." Napa-huh siya sa kabilang linya. "Dalian mo!" I shouted.

"Nasa Pilipinas ka?"

"Pwede bang pakisabi na lang kung saan? Pupuntahan ko siya!" I screamed.

"Okay!" sabi niya, "Metropolitan Medical Center, as far as I know. Di pa namin siya nadadalaw eh, we're still shocked." Malungkot na sabi ni Czarina. Nakaramdam na naman ako ng kaba-di ko alam kung bakit. Pero ayokong mag-isip ng kung ano.

"Sige, salamat." I hung up. Sinabihan ko ang driver na dumaan sa ospital na yun. Thank God at hindi mayasdong traffic! Pagka-park ng kotse, pinuntahan ko agad yung information desk. Tinanong niya pa kung ano ako nung pasyente! Lintek. Girlfriend ako kaya pakibilisan!

Binigay niya naman yung room at nakahinga ako nang maluwag dahil di niya ako pinapapapunta ng ER. Nakalabas na siguro siya at nagpapahinga na. Sumakay ako ng elevator at nag-stop sa 6th floor. Nang marating ko yung kwarto, nakita ko sa labas si Drake-kapatid ni KJ na bunso.

"Drake!" Napatayo siya sa pagkakaupo at nilapag niya yung PSP sa bangko. Tumakbo ako papunta sa kanya kaya hingal na hingal ako. "Si... si kuya mo? Okay na ba, ha? Nasa loob ba siya?"

"Yes," sabi niya habang tumatango. "He's very ill." Nalungkot ako nang makita ko yung expression nung bata. Pigil lang ng konti Hikari. Pigil.

*HBDTbyShupershimmer*

Sumilip ako sa may maliit na glass kaya nakita ko si Tita Jennifer na nakaupo sa kama tapos nandun din si Mr. Ramirez. Kumatok ako sa pinto at binuksan ko nang dahan-dahan. Napatingin sila sakin pareho at lumapit sakin si Tita at napangiti siya pero halatang puyat at maghapon siyang umiiyak.

"Hikari..." She cried sabay yakap sakin. In spite of this awkward moment, I hugged her back to comfort her tapos si Tito, nakalagay ang kamay niya sa may noo niya at kinakamot-kamot yon na parang sobrang stressed na siya.

Lumapit si Mr. Ramirez at inalis si Tita Jen sa'kin, "Sssh, wag mong takutin 'yung bata. Hindi pa patay ang anak natin, okay?" Pinunasan niya yung luha ni tita gamit yung backhand. Maya-maya, tumingin siya sakin. "Hindi ba galing kang Japan? You should've not dropped by. He's okay. He survived." He tried to smile.

Habang sinasabi niya 'yon, nakatingin ako sa hinihigaan ni KJ at nakabenda ang kaliwang binti niya. May benda rin siya sa ulo pati sa dibdib. Hindi ko pa alam kung bakit siya nagkaganyan pero habang pinagmamasdan ko siya, nadudurog yung puso ko. Hindi ko kinaya yung nakikita ko kaya iniwas ko ang tingin tapos tumulo yung luha ko.

Yumuko agad ako para punasan 'yon tapos narinig ko ulit si tito na nagsasalita, "Hindi ko alam kung bakit naaksidente siya. Safe naman ang lugar at safe yung motorbike na ginamit niya sa field. Sabi ng doctor, ilang araw siyang magiging tulog, in short, temporarily comatosed siya habang nagrerecover. But don't worry, everything's fine. Hihintayin lang natin siyang gumising."

I can barely breathe after hearing all those details. I mean, bata pa siya. Bakit naman siya pa ang pwedeng maaksidente-of all people na prone sa mga ganito?

I managed to ask a question, "Paanong nakasakay siya sa motorbike?"

"You know, we're in the middle of QC province. There are hills and such which is very adventurous. He rented that bike." He sighed, "tapos, nagkaroon daw ng malfunction ang brake. Kaya, non-stop ang nagging takbo ni KJ at nalaman na lang namin na bumunggo siya sa mga batuhan."

"Imposible." Bulong ko.

"I know. It's really unbelievable. Sikat ang lugar na 'yun for that kind of ride at-of course-it's safe.

Pero, tignan mo, nakahiga siya dyan. It's my fault na hinayaan ko siyang mag-ride." Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kristina.

Napatingin kami pareho tapos nabigla naman siya. "Oh? Nandito ka? Akala ko-"

"Just flew back." I smiled as much as I can.

"Kumain ka na ba? Pinabili ko si Kristina ng pagkain," sabi ni tita Jen at nakita kong may plastic bag na hawak si Kristina. "I'm sure hindi ka pa nagdidinner galing sa flight."

Kumain ako kasabay nila tapos kinwento nila sakin ang mga ginawa nila nung pasko, bago madisgrasya si KJ. Medyo nalibang naman ako dahil medyo nagpapatawa na si tita. Kinuwento niya yung mga kaartehan ni Kleinder nung bata pa siya at nung time na nag-alala daw siya kasi biglang nawala yung anak niya.

Sinabihan nila ako na umuwi muna para magpahinga pero tumanggi ako kaya lang consistent sila dahil baka raw sumama ang pakiramdam ko. Pumayag naman sila na dumalaw ako kinabukasan kaya umuwi na rin ako kahit hatinggabi na.

Bago pa ako matulog, tumawag si Dad at tinanong kung kumusta si KJ. Sinagot ko naman siya anng maayos dahil after all, pinayagan niya akong bumalik nang mag-isa. For some unknown reason, nakatulog ako nang maayos. Siguro, sobrang pagod ko at jetlag na rin.

I woke up, 9 am. Medyo nahihilo pa ako at sapilitan akong nag-shower. Pagbaba ko, sinalubong ako ng isang malaking ngiti niya. Dahil sa pagkabigla ko, napahinto ako sa paglalakad at nagsalubong ang mga kilay ko. *HBDTbyShupershimmer*

Bakit siya nandito?!

"Hikari." Tawag niya.

I started walking toward the main door at hinanap ko 'yung maid. Bakit niya pinapasok 'to? Pag sinumbong ko siya kay Dad, malamang tanggal na 'to. Malilintikan siya sakin!

"Wag mong pagalitan ang maid. I trespassed." Napatingin ako sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi ako natutuwa sa presence niya ngayon. Ang aga pa para masira ang araw ko! "Ba't naman bumalik ka agad from Japan?"

"Ano'ng ginagawa mo rito, Nylan?" I snapped. Ngumiti lang siya at umupo sa may couch nang naka-spread ang mga braso sa may headrest. "Paano ka nakapasok?!"

"Sinabi ko na diba? I trespassed." Oh my god. I should've known. Siguro, kailangan kong i-suggest kay Dad na pataasan ang bakod sa may gate para di kami napapasukan! "ikaw lang mag-isa?"

I froze. Naglakad ako papunta sa kitchen to look for the maid. Where the fuck is she? "May emergency. Kailangan kong umuwi." Sabi ko habang nasa kitchen. Nagtingin ako sa fridge ng pagkain tapos kinuha ko yung ready-to-eat na pagkain.

Hindi na siya nagsalita at wala akong idea kung anong ginagawa niya dahil di ko siya nakikita. Habang naghihintay ako sa microwave na tumunog, nakapatong lang ang mga kamay ko sa patungan at nag-iisip kung bakit nandito si Nylan.

Paano niya nalamang nandito na ko? *HBDTbyShupershimmer*

Ano'ng kailangan niya?

"Ang lungkot pala ng bahay ninyo pag walang tao." Napatalon ako nang amrinig ko ang boses niya sa tabi ko. He looked at me intently. Fortunately, tumunog ang microwave kaya kinuha ko yung pagkain sa loob at binuksan ang foil.

"May maid." Sabi ko.

"I haven't seen her since I came here." My heart skipped a beat. Bakit pakiramdam ko napajkaharmful niya ngayon? Sanay naman akong nasa paligid ko siya pero bakit ang awkward? Siguro dahil sa ilang linggo kaming walang communication? Ganun ba?

"Baka namalengke." I managed to say as firm as I can. "Ano bang kailangan mo?" Humarap ako sa kanya at ngayon ko lang napansin na nag-matured siya. May mustache na siya pero slight langhindi gaanong kapansin-pasin.

"Ikaw." Napalunok ako nang di oras. He stepped closer.

"Hwag mong ituloy ang balak mo, Nylan kung ayaw mong mabalian ng braso." Banta ko sa kanya habang naghahanda ng pagkain tapos tinignan ko siya nang masama. Natawa siya bigla tapos umalis sa tabi ko.

"I know... I know. Just tryin' if it will work. Mahal na mahal mo ang Kleinder na 'yun, ha?" Ramdam kong may bitterness sa tono niya. Kinain ko yung nakahain tapos hindi ko siya sinagot.

"Nasa ospital siya." Sabi ko. Napataas ang isang kilay niya nang marinig 'yun. Sign na hindi niya

alam ang nangyari. "Aksidente daw." *HBDTbyShupershimmer*

"Karma's a bitch." He smirked. Sinamaan ko siya ng tingin pero nag-shrug lang siya sa ginawa ko. "Ba't naman naaksidente?" tanong niya habang kumuha ng yosi sa back pocket.

"Nawalan ng preno ang motorbike. Do you believe that?" tinignan ko siya, "That it was a mere accident?" nagkamot siya ng ulo at umupo sa upuan ng dining table.

"I don't care." He said.

Naisip ko na baka may kinalaman na naman siya pero napaka-kumplikado naman. Ang layo ng pinangyarihan kaya malabong foul play 'to ni Nylan. Of course, I believe he could do something like that. Nagawa niya na 'yan sa kaaway niya last year! Kaso, sa kotse naman. Ang resulta, nacomatose yung lalaki without any justice.

Paglabas naming ng gate dahil papunta ako ng hospital, nakita ko ang kotse niya sa kabilang road. Bago ako sumakay, nagsalita siya.

"Ikumusta mo 'ko sa kanya." I nodded.

"Sure." Binuksan ko ang pinto ng kotse, "Sana lang wala kang kinalaman dito." I glared.

"Sinisisi mo ba ako?" Natawa siya nang bahagya na parang di siya makapaniwala, "Ganun ba ang tingin mo sakin? Masyadong desperate?"

*HBDTbyShupershimmer* Gusto kong sumagot ng oo pero di ko na lang pinatulan. "Hinde. May

sinabi ba akong ikaw ang may gawa?" Sagot ko.

"Wala!" He snapped, "Pero sa tono ng pananalita mo, parang sinasabi mong di yun aksidente-na ako may kasalanan! Was it my fault kung tanga siya at di chineck ang preno!?"

"Sana nga yun lang. Dahil pag nalaman kong sinadya mo 'yon, di ko alam ang magagawa ko sayo." Pumasok na ako sa back seat at sinabihan yung driver na umandar na. I sighed. Pakiramdam ko napakasama kong tao ngayon. Dahil lang sa stressed ako, naisisi ko bigla sa ibang tao yung nangyari.

I closed my eyes and sighed deeper. I really... miss him.

FOURTY-FOUR MISSING

HBDT// Kabanata 45

Pagdating ko sa hospital, same view pa rin ang nakikkita ko. Kleinder is lying unconsciously on the bed. Kristina and Drake, playing a PSP, tita Jennifer's sitting next to KJ but tito James not around. I guess, busy may ibang inaasikaso.

"Good morning." I greeted them without a smiling face.

"Good morning!" Nakangiting bati ni Drake tapos nginitian lang ako ni tita Jen. Pumasok ako dala yung basket ng prutas at nilapag sa bedside table. I glanced at Kleinder's sleeping face for awhile.

Napatingin ako kay tita nang magsalita siya, "Sabi ng doctor, mabilis daw ang improvement ni Kleinder," ngumiti siya, "Baka after New Year, magigising na siya."

"Good news." I smiled.

"Pasensya na kung naaabala ka for the past few days. You should be celebrating with your family in Japan pero nandito ka. Maraming salamat." Lumapit siya sakin ng kaunti apra bumulong, "Siguro nalaman ng anak ko na nandito ka kaya gumagaling agad!" Mahinang sabi niya tapos ngumisi siya na parang dalagang-dalaga ulit siya.

I blushed to what she has said.

I chuckled, "Hindi naman siguro..."

"You know what? He surprised me during my birthday nung 24. Pinagluto niya ako ng carbonara kahit medyo lutang sa gatas." She chuckled. "Pero nung nasa QC province kami at sinugod siya sa emergency room sa isang hospital doon, sobrang naiyak talaga ako. Then after nung ER, pinalilipat siya sa hospital na'to sa Manila. I was really sad dahil unconscious parin siya."

"Kleinder likes to surprise people." I blushed, "Kung alam niyo lang po ang ginawa niya noog monthsary!"

"Ah, oo! Kasama ko siya na bumili ng roses. Di niya daw alam kung saan makakabili! Hahaha! Sobrang kinakabahan daw siya kung paano niya ibibigay!" Oh. Gosh. Nakakahiya. Pero okay lang, medyo nag-lighten up na kasi ang mood ni tita.

Namutla yata ako kaya nagsalita ulit siya, "Okay lang yun, noh. Normal lang yan sa edad ninyo. Basta wag ninyo akong bibigyan agad ng apo!" I smiled, fakely. Ugh. *HBDTbyShupershimmer*

"Naaalala ko tuloy nung mga kasing-edad ako ninyo, wala akong naging boyfriend nun e. Siguro kung hindi ako nagtrabaho agad, ma-eexperience ko yang mga ganyan." Umiling siya habang nakangiti. So, anong edad siya nag-asawa?

"Lagpas twenty na ko nun nung na-head over heels ko yung Daddy nila," she laughed at medyo nakangisi ako dahil nalilibang ako sa kwento niya. "Diyos ko, sobrang baliw na baliw sakin si James, di naman sa nagmamaganda, ha."

She's really funny. Siguro masaya siyang maging parent. I never had someone older than me na nagkkwento or nagbibiro. Boring sa bahay dahil lahat sila, busy.

I wonder how my biological mother would treat me if she's alive.

"Nag-break po ba kayo?" I asked to make the conversation longer.

Tumango siya, "Oo naman. Pero pinagsisihan ko rin yun. Kaya ikaw, sabihin mo sakin pag nagloloko si Kleinder o kaya may balak siyang i-break ka. Babalian ko ng buto yang batang 'yan."

Na-flatter naman ako kaya napangiti ako. Maya-maya, may dinukot siya sa bulsa ng blouse niya tapos nakita kong hawak niya yung phone ni KJ. Medyo nahiya ako dahil baka nabasa niya yung conversations namin ng mokong na 'to. Nanlamig tuloy ako! Pinagmasdan ko na lang si KJ tapos hinawakan ko siya sa kamay at pinisil 'yon.

"Nakita ko lang 'to kahapon pero tignan mo siya rito," sabi niya at tinignan ko naman siya. May tinap siya sa screen at nag-appear ang isang picture. If I'm not mistaken, picture ko 'yun nung mga 3-4 years old ako with another boy na hindi ko naman kilala. Kinuhaan lang ako ng step mom ko ng picture ko niyan.

Sa loob-loob ko, 'Walangya ka KJ. Sino maysabing picturan mo ang picture ko?! At nung bata pa, ha?!' Kung di lang siya nakahiga dyan, baka nahampas ko na siya. Pero wag na.

"Ah, ako yung naka-kimono. Kinuhaan yata ni KJ yung picture ko, hehe." Nagkamot na lang ako sa ulo ko. *HBDTbyShupershimmer*

Suddenly, kumunot ang noo niya, "Really? Eh si Kleinder 'tong batang 'to e."

ed, "No. Ako po yan."

"I mean, yung batang naka-blue. Si Kleinder 'to." Nag-stiff yung katawan ni tita Jen at tinignan niyang mabuti yung picture, "Sa resort 'to, diba. Ito yung sinabi ko sayo kahapon na nawala si Kleinder at nataranta kami ng asawa ko sa paghahanap!"

Bigla naman akong nalito. Ang weird! "A-ano po, baka naman po kamuka lang... magkakamuka naman ang mga baby."

"No! Alam ko hitsura ng baby ko no. Ang gwapo niya dito sa picture e kaya alam kong si Kleinder 'to." I smiled. Siguro kaya confident si KJ dahil napaka-supportive ng nanay niya.

I glanced at him again, "Wow..." I whispered.

Hindi naman ako naniniwala sa destiny, soul mate, good-lucks and such. I never believed that it works on people dahil tayo lang naman ang may hawak ng buhay natin. But just now, biglang lumakas yung heartbeat ko. I shook my head. Maybe, it's a coincident.

A rare coincident.

It has been a week or more at medyo may-jetlag pa ako dahil sa New Year's eve. Yes, kahit paano, nagcelebrate naman ako pero this time, with Kleinder's family. It feels like I'm already their daughter and I have no doubt na lumaking mabuting tao si KJ.

Dumalaw rin naman sina Czarina nung mga nakaraang araw dahil kauuwi niya lang galing Ilocos. Si Rex at Gab, bumisita sila bago mag-new year. Until now, naghihintay kami ng sign ni KJ kung kalian siya didilat. Tangina. Gusto ko na siyang yakapin!

Pero syempre, nung naiwan ako kasama siya, I grabbed the chance to hug him kahit hindi niya binalik yung yakap ko. I even kissed his cheeks.

January 3 nang umaga dumating sila Dad, Meg at Step mom kasama si Twinkle galing sa Japan. May dinala pa silang souvenir sakin pero di ko na masyadong napansin. By afternoon, nagpunta ako ng hospital at pagsakay ko ng elevator, imbes na pasara na yung pinto, bumukas ulit at may sumakay.

We stared at each other. After 3 seconds or so, pumasok siya at ako naman, kunyaring hindi ko siya nakita. I thought hindi na siya magpaparamdam.

"Kumusta si Jake?" Never use that as an endearment, will you?

Di ko nilingon si Frenchezka pero sinagot ko naman siya, "Stable."

"I heard na comatose siya ngayon, actually kinabahan talaga ako." Nilipat nya sa kabilang kamay yung fruit basket na hawak niya, "Nung isang araw ko pa siya gustong dalawin, right after hearing the news from Rex pero nasa bakasyon ako e."

Did I effin' ask? *HBDTbyShupershimmer*

Bakit ba kung makapasalita 'to, parang ang bait-bait sakin. Psh. Hindi ko na siya pinansin at tanging hininga lang naming ang maririnig sa loob. Bago pa man bumukas ang pinto, nagsalita ulit siya.

"Look. Wag mong masamain ang pagpunta ko, Hikari. Kahit papaano, kaibigan ko siya at gusto ko lang siyang bisitahin." Ngumiti siya sakin at naunang lumabas.

Habang naglalakad siya papunta sa way ng room ni KJ, nasa likod lang ako. Kaya lang, nauna siyang makapasok ng pinto dahil biglang tumawag si Gab at nagtatanong kung nandito ba ako dahil pupunta daw siya. Sa labas ko sinagot yung tawag at nagtagal ang convo namin for 10 minutes.

Binaba ko na yung phone at naghesitate akong pumasok sa room dahil nasa loob si Frenchezka. Bubuksan ko na sana ang pinto nang marinig ko yung usapan nila ni tita.

"Pansin ko nga rin... for the past few months, laging nadidisgrasya 'tong batang 'to. Kung di mabubugbog, mamalasin naman sa motorbike. Ewan ko ba." Boses ni tita.

"Sana pala di nalang ako lumipat ng school," she chuckled, "Dati kasi nung classmate kami napagbabawalan ko 'yan. Takot 'yan sakin, e."

"Di naman siya palaaway na bata, well, as far as I know. Ngayon lang talaga siya medyo in danger."

"Baka dahil na rin sa environment, tita." Tita. Wow. "'Yung mga taong nakaka-influence sa kanya. Normal na po yun sa teenagers tsa-" I closed the door. Ayoko sanang i-conclude kung anong gustong palabasin ng babaeng 'yun pero hindi ko maiwasang isipin na ako yung tinutukoy niyang 'influence'. Excuse me? Never kong dinamay si KJ sa mga naging kalokohan ko. Never.

Pero kung sa point na nadadawit si KJ dahil sakin, well, nangyari nga pero nakalimutan niya bang muntik ng saksakin ni Andrew si KJ dahil sa kabaliwan niya!? Jeez. I can't believe her.

"Bakit di ka pumasok?" Frenchezka, interrupted my thoughts. Umayos ako ng pagkakaupo sa upuan.

I stared on the wall in front of me, "Ayokong makaistorbo."

Huminga siya nang malalim at umupo sa tabi, "I really don't know why did it have to happen to him-of all people." Lumingon siya sakin, "Alam mo... not to surprise you pero inasahan kong mangyayari 'to."

Napakurap ako sa sinabi niya. What? Inexpect niya 'to? Did she pray for this to happen!?

"I don't know kung sinabi sayo ni Jake 'to," Jake again. Sumandal siya at hindi na tumingin sakin, "Sinabihan ko siya before na mag-ingat. May kakilala kasi ako na nagsabing may balak na masamang gawin ang mga kaibigan pinsan niya sa isang tao-not sure kung sino sila. You know, gangster stuff. Tapos, pinakita niya sakin ang picture at nagulat ako kasi si Jake yung nandun. Di

ko sinabing kilala ko 'yun..."

Nag-sink-in sakin yung araw na sinabi yun sakin ni KJ. I even forgot that! *HBDTbyShupershimmer*

"Alam mo ba nung sinabi ko 'yun kay Jake, hindi niya ako pinaniwalaan?" umiling-iling siya, "dahil akala niya nanloloko na naman ako-akala niya kasi, sisiraan na naman kita." She smirked at me. Why do I feel uneasy whenever she smirks?

Plastic. "Baka kasi hindi talaga totoo. Baka nagkamali 'yang source mo. As far as I know, walang pinasok na gulo ang boyfriend ko." I highlighted the word 'boyfriend' for crissakes!

"Of course not. Kilala ko yun at di malabo ang mata ko para i-make sure na siya ang nasa picture." My heart skipped a beat. In an instance, I asked myself, paano kung totoo? Paano kung foul play nga?

"Do you have any idea kung sino sila?"

She shrugged, "Ewan ko. Ikaw ang may alam sa mga away, diba? Marami kang barkadang ganyan eh. Bakit di sila ang tanungin mo? Malay mo sila pala yon."

Napataas ang kilay ko. Teka lang, paano naman napunta sa barkada ko yung usapan!? Akala ko ba kakilala ng kakilala niya? Gago ba siya.

"Ano!?"

"Diba may kaibigan ka? Sino nga yon? Nylan? Dylan? I don't care," she rolled her eyes, "Tanungin mo siya, baka siya may kinalaman dito!"

Napatayo ako, "Paano mo naman nasabing si Nylan ang may gawa?! Paano mo nasiguradong may nanadya ng aksidente, ha? Ni hindi mo nga kilala ang mga nakakasama ko e. Sinasabi mo bang ako na naman ang dahilan?"

Tumalim yung tingin sakin ni Frenchezka at tumayo siya sa harap ko, "Bakit? Kayo lang naman may kasalanan sa mga nangyayari kay Jake, diba? Dahil mahilig ka sa gulo. Diba trip ka ng Nylan na yon? Di na ako magtataka kung siya ang may gawa nito!" she gritted her teeth, "Dahil sayo, nagkanda-leche leche si Jake! Hindi naman siya ganyan dati!"

"So anong gusto mong palabasin!?" Mataas na boses ko kaya maghinay-hinay siya!

"Na sana i-break ka niya para di na siya mapahamak!-" I slapped her.

Hinawakan niya yung part na nasampal ko tapos tinignan niya pa ako, "Maghintay ka dahil darating ang point na marerealize ni Jake na mas safe ang buhay niya pag wala ka."

*HBDTbyShupershimmer* Dinampot niya yung bag niya sa upuan tapos umalis palayo. Saktongsakto, bumukas ang pinto at dumungaw si Kristina, ako naman, nakayuko lang. "Sino 'yung sumigaw?" tanong niya.

Unknowingly, bumilog ang fists ko at inayos ko ang sarili ko para makasagot, "Wala... may dumaan lang." Ngumiti siya tapos pumasok din.

Habang nakatayo parin ako sa kawalan, pinikit ko na muna ang mata ko at huminga nang malalim. Sinasabi ng utak ko na di ko dapat siya sinampal dahil nagmuka akong talunan! Pero

yung puso, halos tumalon dahil pakiramdam ko, deserve niya yun.

I bit my lower lip out of frustration.

"Hikari!" Napatingin ako sa kanan ko at nakita kong parating si Gab.

Nag-jog siya palapit, "Kumusta?" Nagsalubong ang kilay ko. Bakit siya nangangamusta? "Uhm. Nasalubong ko si Frenchezka paglabas ko ng elevator..."

Umiwas ako ng tingin, "She visited him."

"Bakit parang nalugi 'yang itsura mo? Nag-usap ba kayo?" I shook my head.

He sighed, "Girls are really... frustrating." Ngumisi siya tapos hinila niya ang braso ko para pumasok sa room.

Same happenings. By afternoon, umuwi na ako ng bahay para gawin ang mga ilang bagay. I did a lot of things para matapos ang araw pero feeling ko, napakabagal ng oras. Nakakainis! Kahit anong gawin ko, bumabalik yung usapan naming ni Fenchezka! That girl. Di pa ba siya susuko? Tch.

"Long time no talk," sabi niya sa kabilang linya. *HBDTbyShupershimmer*

It's been awhile nang huli kong makausap si Andrew. I'm glad at same number ang gamit niya at dahil sa mga random toughts na lumalabas sa utak ko, siya ang naisipan kong tawagan.

"Oo nga." I sighed, "Gusto sana kitang makausap, well,kung di ka busy." I bit my lip at napakamot ako sa ulo ko.

It took him 3 seconds bago nakasagot, "Uh, why not? Ano'ng meron?"

"Sa Intersection na lang tayo mag-usap. 7 pm."

"Um, sure." Hinihintay ko siyang magbaba ng phone pero nagsalita siya, "Would you like me to fetch you?"

"No need."

Ako na ang nag-end ng call tapos nagshower ulit ako at nagsuot lang ng rugged jeans at sleeveless grey shirt. Bumiyahe ako thru LRT para makapunta sa bar na napag-usapan naming at natuwa naman ako dahil nandon na siya. Ayoko kasi ng naghihintay!

He put his cigarette down, "You look thinner." Bati niya habang paupo ako. Nilapag ko ang sling bag sa tabi ko at inismiran ko siya.

Nagsalin siya ng SanMig Light sa baso ko pero hindi ko muna ininom. Somehow, I miss drinkingI've never done this for awhile.

"So, what's the issue?"

"Nasa ospital siya. Comatose." Kinuha ko yung shot glass at ininom.

"Ha? Sino?"

"Kleinder..." Napakurap siya ng ilang saglit tapos ay humithit ulit siya ng yosi. Siguro di niya maintindihan kung bakit ko siya pinapunta para lang sabihin yon. Malabo naman kasi talaga!

"Naaksidente siya sa isang ride dahil nawalan ng brake at fortunately, nakasurvive siya sa emergency room," I managed to smile, "Kanina, nakausap ko si Frenchezka at sinabi niyang ineexpect niya yung aksidente-"

"What?" he smirked.

"Sinabi niyang may kakilala siyang nagbabanta kay KJ-Alam ko medyo hindi kapani-paniwala at nakakatawa kasi wala namang kaaway si KJ, walang issue. When I asked her kung sino, hindi niya raw kilala,"

"And?"

"Sinabi niyang malamang eh kasalanan 'to ni Nylan dahil... alam mo na, yung war between them."

"Unbelievable," Natatawang sabi niya after marinig ang sinabi ko, "Ano pang sinabi ng babaeng yun?"

"That... that Kleinder is better without me dahil ako ang nagdadala ng danger sa kanya."

Napakamot siya ng ilong niya at umiling-iling lang. "We don't know if she's lying again. Isa pa, matagal ng gusto ni Chezka si Kleinder kaya malamang, kinokonsensya ka lang non. She's desperate sometimes, well, always. Pero, naniniwala kang alam ni Nylan 'to?"

"Di ko alam. Nakausap ko siya last time pero.. nag-away lang kami."

"Anybody can think na kayang gawin ni Nylan yon." He shifted in his seat. "Pero kung gusto mong malaman, kausapin mo siya nang maayos."

"I've tried pero iba kasi ang aura niya nung nagpunta siya sa bahay. He looks more unsafe. I hate it pero pakiramdam ko may kinalaman dito si Nylan..." Binigyan ulit ako ni Andrew ng isang shot.

"Actually, hindi na bumibisita si Nylan sa tambayan. Huling kausap ko sa kanya eh nung last, last week pa-bago siya mag-drop."

I gulped, "nag-drop siya?!"

Tumango siya at binuga sa gilid ang usok sa bibig niya, "So, kumusta na ang kalagayan ni Kleinder?" He changed the topic pero feeling ko, sinadya niya.

"Teka, bakit siya nag-drop? Di niya sinabi sakin 'yan, eh. Bakit daw?"

"Ayoko kasi sabihin, pero mas maganda kung siya na ang kakausapin mo." Umiwas siya ng tingin at halata kong hindi siya mapakali. Teka! Bakit parang may kailangan akong malaman?

"May hindi ka ba sinasabi?"

"Nevermind-"

"Andrew ano ba!?" I raised my voice.

"Hikari, kahit kayang pumatay ng tao ni Nylan, hindi niya magagawa yung bagay na yun kay Kleinder." I was taken aback by his voice.

"Andrew."

"Alam ko naman yung mga pinaggagagawa niya sa inyo, yung panggugulo niya pero kaibigan ka niya! Bakit ba lahat na lang ng di magandang nangyayari sayo-kay Kleinder-siya agad? Malay mo aksidente lang talaga? Malay mo wala naman siyang kasalanan?! For Pete's sake, Hikari."

Medyo nalilito ako sa kanya. Did I say something wrong?

"T-teka..."

He sighed deeply, "Kung naniniwala ka sa instinct mo, kausapin mo siya hangga't maaga." Umismid siya at di na ako makapagsalita. Nandito ako para kausapin siya pero nagkamali ata ako. Nasigawan pa ako!

After a couple of minutes, I broke the ice between us, "Alam mo ba kung saan ko siya makikita?"

He shrugged, "Wala akong idea. Call him." *HBDTbyShupershimmer*

Pagkauwi ko, habang nakaupo sa ibabaw ng kama, hawak-hawak ko ang phone ko at nasa screen ang number ni Nylan. It's either Call or Back button. I even closed my eyes before deciding. Di ko alam kung saang part ako natatakot. Sa part na may posibilidad na may kinalaman talaga siya? O sa part na baka naninisi lang ako sa wala?

"Hello?" but here I am, ended up calling him. I'm so hopeless.

HBDT// Kabanata 46

"Ano'ng kailangan mo?"

Tanong ni Nylan. Hanggang ngayon, di ako makapagsalita magmula nung makita ko sa siya sa loob ng hospital. After ko siyang tawagan kagabi, sinabi niyang pumunta ako sa Makati Medical Center. Actually di ko alam kung bakit dito pero ngayon ko lang narealize kung bakit...

"Ilang linggo ka nang nandito?" I asked but he winced. Hindi ko alam kung naiinis siya dahil sa tono nung pagkakatanong ko. "Nylan." Sabi ko.

"Di ko alam-pabalik-balik ako, eh." Nag-lean forward siya sa bench habang naka-upo kami, "Nasusuka nga ako sa amoy ng ospital na 'to. Psh."

"Ba't di mo sinabi sakin nung nakaraang may liver cancer ka?"

May kung ano siyang pinagpag sa hospital gown niya habang nag-iisip ng sagot. "Bakit pa, tch. Di naman kita girlfriend. Di rin kita kamag-anak. Pero dahil sinabi mo sa phone kagabi na may importante kang sasabihin... pinapunta na kita rito."

He sighed, "Baka kasi pag di mo ko makausap ngayon, di mo na ako maabutan." Ngumisi naman siya habag nakatanaw sa malayo. *HBDTbyShupershimmer*

I bit my lip while looking at my knotted fingers. Paano ko ba sasabihin 'to? Nylan, ikaw ba may kasalanan? Parang naaawa ako sa kanya ngayon at di ko ma-take kung iko-confront ko. Pero gusto ko lang malaman ang totoo.

Walang nagsalita saming dalawa. Hanggang ngayon kasi, nag-sisink in palang yung mga detalyeng nalaman ko about kay Nylan. He dropped out because of necessary diagnosis, therapy at kung ano pa. Medyo pumayat din siya... medyo naninilaw ang balat. Mas malala sa naaalala kong itsura niya noong isang araw.

Worst is he's in stage 2 which is... not that good.

At ngayon, naka-schedule siyang i-radiotherapy pero habang wala pang oras, kinausap niya ako. I feel sorry for him-he was my friend pero somehow, nagsisi ako sa mga nangyari. I was being arrogant toward him. I disregarded him. Pero naisip kong wala naman akong kasalanan sa cancer niya. Wala naman talaga e! He smokes, he drinks a lot, kaya malamang magkakaganyan siya.

Pero naiinis ako, bakit parang nakokonsensya ako?

"Hikari, ano na? Magsasalita ka ba? Kailangan ko nang bumalik mamaya." Nagulat naman ako nang magsalita ulit siya. Kitang nag-iisip ako e!

"Uhm," Panimula ko. Sa di malamang dahilan, kinuha ko yung phone ko sa bulsa ng jeans ko at pinagmasdan lang yun. Shit, malolowbat na ko.

Tinignan ko ulit siya, "Sorry," nagtaka siya bigla.

"Saan?"

"Sa lahat. Basta, alam mo na yon." I looked down.

"Para namang mamamatay na ko sa ginagawa mo."

"I hate to do this-pero Nylan, magsabi ka sakin ng totoo, kahit ngayon lang..." I sighed to relax. Siya naman, naghihintay lang.

"Ikaw ba ang nagpautos na alisan ng preno yung kung ano mang sinasakyan ni Kleinder bago siya maaksidente?" Nag-iba ang aura niya kaya nag-explain ako, "Wait, si Franchezka kasi, may kakilala siya na may kakilala-basta! Planado daw yung nangyari... May nanadya at hindi aksidente. Nylan, sabihin mo sakin yung totoo... please."

*HBDTbyShupershimmer* I pleaded. He rubbed his nostrils before answering.

"I'm eager to hurt him, honestly. Gusto ko siyang mag-suffer at masaktan. Gusto ko siyang pira-

pirasuhin dahil sa tindi ng galit ko sa Kleinder na 'yan."

What?!

Kitang-kita ko na nag-ki-clench ang jaw niya habang nagsasalita. Ganun siya kagalit kay KJ?!

"I asked someone to hold him up. At ayun, naging successful dahil feeling ko nakabawi ako sa kanya," he smirked. Parang gusto ko nang bawiin ang sorry ko! "Pero parang gago lang ako-kahit anong gawin ko, kahit sakatan ko siya at kahit mapatay ko siya... hindi parin kita makukuha sa kanya."

I gulped. Parang gusto kong maiyak bigla pero pinilit kong magmatigas. Mixed emotions ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang sampalin dahil siya ang may kasalanan kung bakit naospital noon si KJ pero sa suot niya na hospital gown, naaawa naman ako. Shit.

"So ikaw ang... nagpautos 'nun kaya nasa comatose ngayon si Kleinder?" I'm readying myself to accept the truth.

"Hinde," He smirked playfully, "Pero naiinis ako sa sarili ko kung bakit di ko naisip 'yon dati pa. I should've known."

"Huh?!" *HBDTbyShupershimmer*

"It wasn't me." Humawak siya saglit sa sikmura niya bago tumuloy, "Pero... kung sino man ang nakaisip 'nun, pinasasalamatan ko siya. Pero at the same time, galit ako sa kanya dahil may gusto rin sayo ang tao na 'yon."

I realized I'm confused. Ano ba talaga!

"Hindi ikaw?"

"I wish it was me-pero hinde. Malamang galit din kay Kleinder ang taong 'yon, baka interesado sayo." Tinignan niya ako. How could he say that through my eyes?

Umiling ako habang litong-lito. Naguguluhan na talaga ako! "Imposible." Bulong ko.

"Bakit? Akala ko ba gusto mong sabihin ko yung totoo? Sinabi ko na, diba? Bakit hindi ka naniniwala? Gusto mo bang sabihin kong ako ang may gawa 'nun!? Na ako ang muntik makapatay sa kanya para mawala ang malaking question mark dyan sa utak mo?!" Habol hininga niyang sinabi.

Pakiramdam ko namutla ako pero bago ako makasalita, nag-ring ang phone ko at sa gulat ko, nasagot ko agad yung tawag.

"S-sino 'to?"

"Hikari!" Nailayo ko ang phone dahil sa boses ni Czarina. Bakit ba siya sumisigaw?!

"Bakit?"

Rinig ko yung gasps niya sa phone tapos parang galing siya sa fun run! Ano ba't tumawag 'to!?

"Si... si... Kleinder..." hingal na hingal na sabi niya na parang may di magandang nangyari. Nagising naman ang kaluluwa ko nung marinig ko yung pangalang Kleinder!

"B-bakit!?" medyo malakas na tanong ko. Yung tono ko parang nag-aalala na ewan.

"Argh!!!" nagulat ako nang napaluhod si Nylan sa lupa habang nakahawak ang kanang kamay niya sa sikmura, "Aaah!" He screamed.

Nalapag ko ang phone ko sa bangko at tumayo. Nilapitan ko siya sabay hinawakan sa magkabilang balikat, "Nylan!?shit!"

Napasigaw ako nang makita ko siyang sumusuka ng something white tapos may halong dugo. Shit! Anong gagawin ko!? Nanlamig ako sa pangyayari kaya inalog-alog ko ang balikat niya kung sakaling nakadilat pa siya.

"Kuya! T-tulong po!" Kahit alam kong di ko naman kaya, binuhat ko yung braso ni Nylan at inalalayan ko siyang makatayo. Nanghingi ako ng tulong doon sa lalaking malapit sa amin at lumapit naman siya.

Kinuha ni kuya yung braso ni Nylan tapos siya na ang nagdala sa loob. Sa sobrang taranta at gulat ko, nailagay ko yung magkabilang kamay ko sa ulo ko at pumikit. Sumunod naman ako, dala ang mga gamit ko. Tumakbo ako sa loob ng ospital at sinundan kung saan dinala siya ng mga nurse habang nakahiga sa isang gurney.

Kaya lang, hinarang na agad ako sa Emergency Room tapos napaupo na lang ako sa may waiting area. Bumilis bigla ang heartbeat ko-naloloka na 'ko, sa totoo lang.

20 minutes na ang nakalipas at habang nanginginig ang mga kamay ko, may tumakbong babae

palapit sa E.R at narealize kong siya ang Mommy ni Nylan. It took me a couple of minutes bago ko siya marecognize. *HBDTbyShupershimmer*

"Nylan!? Anak ko?" Lumapit siya sa nurse na nasa labas, "Ano bang nangyari sa kanya!? Okay lang siya sa kwarto niya kaninang umaga!" her words contained sobs. Ramdam kong naiiyak na siya at natataranta.

Kinausap siya ng nurse na kumalma lang at baka siya ang sunod na ma-E.R. Hintayin na lang daw ang paglabas ng doctor sa loob. Umupo yung mother ni Nylan sa tapat ko, and suddenly, narecognize niya ako.

She wiped her tears for awhile, "Iha, kaibigan ng anak ko, diba?" tanong niya at dahan-dahang tumango ako.

"Kasama mo ba siya kanina?"

I nodded again, "Magkausap lang kami tapos... bigla na lang siyang sumuka kaya dinala siya rito. II'm sorry, Mrs. Medina."

Yumuko lang siya sa sinabi ko. Hindi na kami nag-usap at tahimik lang kaming naghintay. Lumabas ang doctor at sinabing nag-appear lang daw ang symptoms ng sakit niya at kasalukuyan na siyang tulog. Nakita ko pang nilabas si Nylan sakay ng gurney at dinala sa kwarto niya.

Nagpasalamat sakin yung mommy ni Nylan dahil kung wala daw siyang kasama, baka kung ano na nangyari. Hindi ko sinabing may slight-fight kami ni Nylan bago mangyari yun. Siguro naman nagkataon lang... nagkataon lang yun.

Nasa loob na ko ng elevator nang maalala kong tumawag pala si Czarina.

"Shit!" I mumbled. Napatingin sakin yung isang nurse at isang civilian na kasama ko sa loob. Who cares? I ignored them at kinuha ko ang phone ko.

Swear. Kung mag-isa lang ako ngayon, nagmura na ako sa loob! Dead battery na ako. Di ko na siya ma-open! I bit my lips thinking what she would say. Ni hindi ko man lang narinig yung sasabihin niya! Tangina naman kasi, hinihingal siya! Di niya agad nasabi!

I had a sudden urge na bilisan ang pagbaba ng elevator pero naiirita na talaga ako dahil kada floor, bubukas at may papasok. Grr!

Pagdating ng ground floor, kahit nasa likuran ako, ginitgit ko talaga sila at kahit maraming tao sa bungad, nagsitabihan sila paglabas ko. Nagmadali akong naglakad na halos magkada-dulas-dulas na ko! Nakapagpara agad ako ng taxi-yung kotse namin gamit nung step mom ko dahil umalisshit. Pinadiretso ko si manong sa Manila para puntahan ang hospital kung saan nandoon si Kleinder.

Ngayon ko lang narealize na pareho silang nasa hospital. Life's a f*cker, huh.

Di ko maiwasang mag-conclude kung ano'ng nasa dapat sanang sasabihin ni Czarina. Good news? O Bad news?! Nung naisip kong baka bad news at may hindi magandang nangyari kay Kleinder... bumilis ang tibok ng puso ko. No way!

I wish I could cry here pero hindi pwede. Basta ang alam ko, nanlalamig na ako at nanginginig sa takot na baka totoo ang naisip ko. Shit.

Pagdating na pagdating ko sa hospital, tinakbo ko agad yung elevator na halos pasara na tapos huminto ako sa floor kung saan nandoon ang kwarto ni KJ. Pagdating ko, mangiyak-ngiyak kong

binuksan ko ang pinto pero wala nang tao-walang Kleinder na nakahiga. Madilim ang loob at maayos ang kama. Parang nawalan ako bigla ng hininga.

Nasaan siya? Sila? *HBDTbyShupershimmer*

"Miss," tawag ko sa nurse na dumaan sa likod ko at huminto naman siya, "Y-yung pasyente rito?"

May tinignan siya sa notepad niyang hawak tapos tumingin siya sakin, "Kaano-ano ka ng pasyente?"

"Girlfriend niya 'ko..." nanghihinang sagot ko. Anytime, babagsak na talaga ko sa sobrang hina ng tuhod ko. Where is he!? Tears are slowly coming out.

Kumunot ang noo niya at later on, sumagot siya, "He didn't survive, ma'am. Nasa morgue na po ang katawan nung pasyente..." malungkot na pagkakasabi niya.

It took me 2 seconds bago naka-digest sa sinabi niya. Ni hindi ko nga narinig nung sinabi niya ang floor kung saan makikita ang morgue eh... morgue... does that mean he's dea-no. No, please! Kailangan ko siyang makita! Kailangan ko siyang makausap! Kailangan ko siya...

Tahimik akong napaiyak sa tapat nung kwarto habang nakatakip yung kamay ko sa bibig ko. Sumisikip yung dibdib ko... shit.

"Kleinder..."

HBDT// Kabanata 47

Habang naiiyak ako, niyakap ako ni Czarina at humagulgol siya sa balikat ko. Si Gab naman, tinatap ang likod ko at si tita Jen, pinapahid niya ang luha sa mukha ko.

Lahat kami nakasuot ng white shirt at naka-sunglass. Hindi ako makahinga

Bakit parang ang hirap huminga? Ang labo ng mga nakikita ko. Hindi ko rin kilala ang mga taong nandito. Hindi ako makalakad. Hindi ako makapagsalita. Gusto ko pang mayakap si KJ, please.

Bigla akong napadilat dahil naalimpungatan ako. Nakatulog pala ako dito. Shit, panaginip!

Habang nakayuko ako at nakaupo sa waiting area, ramdam ko na mugto ang mga mata ko. Tumingin ako sa kwarto ulit ni KJ sa hospital pero napansin kong may nakaputi sa harap ko.

Habang nakaupo ako, nilingon ko yung ulo ko sa harap ko, tapos parang huminto ang oras. To tell you honestly, nanindig talaga ang mga balahibo ko.

Kleinder bulong ko.

Nakatitig lang siya sakin habang nakaupo sa wheel chair. May nakakabit sa braso niya na parang tube tapos naka-hospital gown siya. Talagang nakatingin lang siya hindi ngumingiti at di nagsalita. *HBDTbyShupershimmer*

Am I dreaming? Ayoko na kasing gumising

Ngumiti siya sakin tapos may kumirot sa puso ko. Ngumiti siya na parang nagpapaalam na siya sakin.

Pati ba naman sa panaginip ko nagpapakita ka. Mahinan g sabi ko. Hanggang ngayon kasi hinang-hina na ako. Hindi ako makakilos dahil nanginginig pa rin ako. Parang nagugutom ako.

Ilang oras ba akong nakatulog sa waiting area? Siguro dahil sa kakaiyak. Wala na akong maalala. Nanaginip nga ba ako?

Ilang nurses ang dumaan sa hallway pero nakatingin lang siya sakin, naiiyak na naman ako. Ang sakit. Hindi ba niya ako kakausapin kahit ngayon lang? Kahit dito man lang?

Youre so pale. Sabi ko. Bakit di mo man lang ako hinintay, bakit mo ko iniwan?

Napatigil ako nang kinuha niya ang dalawang kamay ko gamit ang mga kamay niya. Ramdam kong nanghihina pa siya. Hinalikan niya yon isa-isa tapos nilagay sa pisnge.

I smiled, feeling his warmth.

Bumulong siya, Youre not dreaming. Tumingin siya sa mga mata ko, Okay ka lang ba?

My heart skipped a beat.

Napatingin ako sa kwartong katabi ng inuupuan ko, tumingin uli ako sa kanya at balik sa kwarto. Binalik ko ang alaala ko sa nurse morgue Kleinder this is real!

T-teka hindi kpaanong

Umurong siya nang konte tapos nilagay ang free hand niya sa pisnge ko, Ssh, relax. Nilagay niya sa likod ng tenga ko ang nag-dangle na buhok.

B-buhay ka? Hindi ba ko nananaginip? Halos kapusin na ako ng hininga sa tanong.

Ngumiti siya, Oo naman. Hindi ko kayo kayang iwan, no.

Biglang sumakit ang ulo ko. Teka! Nalilito talaga ako! Ano ba! Bakit sabi nung nurse sabi niya sinabi niyang wala ka na? Bakit wala kayo kanina? hysterical na ang boses ko. Shit.

*HBDTbyShupershimmer* Kahit medyo nahihirapan siya, inabot niya ang balikat ko at niyakap ako.

Actually kanina pa kita gustong gisingin. Sa taas pa ang kwarto ko, same roomdifferent floor ang napuntahan mo. Wag ka nang mag-alala, okay? Nandito na ako. Buti na lang nakita ka namin ni Mom habang pinapasyal niya ako. Kung alam mo lang na gustong-gusto na kitang makayakap kanina pa. Gusto kitang makita sa unang pagdilat kopero wala ka. Sha-neh, namiss kita. Alam mo bang ikaw ang reason kung bat ako nagising ngayon? Nakita kasi kita sa panaginip ko. Ngumiti siya.

Sha-neh. I missed it. Pinikit ko na lang ang mata ko at hinayaang maiyak. Hindi nga ako nananaginip! Totoo lahat totoong yakap niya ako. Totoong nagsasalita siya. Totoong si KJ ang kaharap ko.

Sorry, wala ako nung gumising ka. I sniffed. Nataranta kasi talaga ako! Hindi ko alam na maling floor ang naakyat ko Ang tanga ko. Kung di ako nagpadala sa panic, siguro hindi ako naiiyak sa waiting area kanina. Bwisit.

Medyo umaray siya nang niyakap ko siya nang mahigpit kaya bumitaw na ako. Nung kumalma na ako, doon ko lang napansing maputla parin siya. Pinaliwanag niyang 4 hours mahigit na siyang gising kaya nakapag-relax na siya.

At 30 minutes na raw siyang naka-pwesto sa harap kopinagmasdan lang akong matulog. Nung una, gusto kong mainis kung bakit di niya man lang ako ginising! Pero sabi niya, ayaw niya daw akong istorbohin dahil halatang kulang ako sa tulog.

Tulo laway ba ko? I asked out of the blue. *HBDTbyShupershimmer*

Ngumisi siya nang konte, Hinihintay ko nga, eh, kaso wala. Cute ka parin matulog.

Ang hina ng boses niya. Sinabihan ko siyang bumalik na kami sa taaskung saan nandoon ang kwarto niyapero kaya niya pa raw. Gusto niya akong makausap mag-isa.

Okay naman na ako. Kanina pa ako gising kaya nga pinasyal na ako ni Mom sa hospital, eh. Sobra ngang saya ko nang makita kita, eh. Kaso nagtataka ako kung bakit ka nandito. Until, narealize ko kanina na nalito ka sa napuntahang room dahil sa kwento mo.

Tinitigan niya ako nang matagal. Para bang ini-examine niya ang histura ko kung may nagbago ba? Kung sobrang na-stress ba ako?

Tumingin ako sa mga kamay namin na kanina pa magkahawak, Ang bobo ko talaga, I giggled, Edi sana kanina pa kita nakita. Sobrang kinabahan talaga ako

Halata nga, eh. Mahal na mahal mo talaga ako. Di mo ko kayang mawala. He flashed a shy smile. I blushed.

Actually di ko talaga alam ang gagawin ko kung sakaling nagkatotoo Inabot niya ang batok ko at hinalikan ako sa noo.

Na-miss kita, I mumbled.

Pinaliwanag ko kung ano ang mga eksaktong nangyari magmula sa tawag ni Czarina na akala mo eh hingal na hingal hanggang sa nurse. Dahil sa nurse, nataranta ako! Pero somehow, it was my faultnagpadala ako sa nerbyos.

But I thank God na nagkamali lang talaga ako ng kwarto!

Si Czarina kasi ang nagtawag sa doctor kaya hingal na hingal tumakbo yata eh. Sabi ni KJ. Medyo nakakangiti na siya nang mas madalas ngayon.

Akala ko talaga kung ano na! *HBDTbyShupershimmer*

Well, about sa nurse, nagkataon lang siguro na patay na yung taong nasa kwarto na yan na kapareho ng sa akin, ngumuso siya sa kwarto.

Natahimik muli kami pero siya ang unang nagsalita, Saan ka ba kanina?

I looked down, Kay Nylan.

Dahan-dahan lang siyang tumango, Bakit?

KJ, may liver cancer siya. Kanina ko nga lang din nalaman, eh. Sobrang na-shock ako kasi sumuka siya ng dugo habang magkasama kami kaya nga hindi ako nakapunta agad dito. Tinignan ko siya, Sorry.

Halatang medyo gulat siya sa sinabi ko pero di na siya nagsalita pa.

He kissed the back of my hand, again, Okay lang. Emergency yung kanina kaya naiintindihan ko. Ang importante, nandito ka.

Bakit parang di naman siya galing sa coma?! Ako lang ba yun o talagang sakit na ni KJ a ng magpainit ng mukha ko? Huh?

Hinatid ko siya gamit ang wheel chair sa taas na floor. Pagpasok namin ng kwarto, nandoon si Tita Jen, Dad ni KJ, Kristina, Drake at yung isa pang babae na medyo nasa mid 40s na.

Hes here, sabi nung babae tapos lumapit siya samin.

Tita, di ka na dapat nagpunta, naabala ka pa. sabi lang ni KJ habang tinutulungan siyang maupo sa bed. *HBDTbyShupershimmer*

Ano ka ba, hindi pwede, noh.

Tahimik lang ako dahil nag-uusap silang magtiyahin. Lumapit sakin yung Mom ni KJ at sinabing, Alam mo bang ayaw niyang umalis kanina sa baba? Nung nakita ka niya, talagang gusto niyang nandun lang. Pasaway talaga.

Ngumiti lang ako.

Nag-usap na po kami.

Yung mga kasama mo, umuwi na. Hinihintay ka nga nila, eh pero di ka na nila matawagan.

Im sorry. She smiled.

**

KLEINDERs POV

"Wag... wag ka munang bumitaw, please." Naramdaman kong bigla ang pagtulo ng luha niya sa damit na suot ko. Hinigpitan niyang lalo ang pagkakayap at ibinaon niyang maigi ang mukha sa dibdib ko.

"...."

"You promised me, right? You promised me that you'll always stay at gagawin mo ang lahat. You proved it to me... maraming beses na. You almost waste your life nang dahil lang sakin. Then you'll leave? Nakapa-unfair mo... How co---could you? You're the only person who brought hope

into my life. Kung iiwan mo ko... baka... baka..."

"No, I'll never do that... never. Dahil iiwan lang kita, pag sinabi mong iwan na kita. Lalayo lang ako pag sinabi mong layuan kita. At kahit pa di mo sabihin sakin na manatili ako sa tabi mo, magkukusa ako na gawin iyon. Kahit sabihin nilang ikaw ang pinaka-stupid na tao, it's alright. Dumb, stupid, idiot, damn... or whatever na itawag nila sakin dahil sa nararamdaman ko sayo, I'll accept it. Cause I know... you're the best damn thing... na nangyari sa buhay ko."

I tried to open my eyes very slowly. The only thing na nakita ko eh sobrang liwanag. Medyo masakit pa sa mata tapos nakaramdam ako ng pananakit sa dibdib ko pati sa ulo. Until, nakakita ako ng mga kulay mukha si mom, si dad. Hanggang sa umingay pero malabo parin ang naaaninag ko. Argh.

*HBDTbyShupershimmer*

Id seen doctors, as well. Kung ano-ano ang ginawa nila pero pagkatapos nun, hinanap ko agad si Shane. Where is she? Gusto ko siyang makita. She was in my dream. Nakaramdam ako ng kaba kapag naaalala ko. Umiiyak siya dun, parang nagmamakaawa. Kahit unconscious ako ng mga oras na yon, ramdam ko yung takot ko na muntik ko siyang iwan.

Uhm, wala pa siya, eh. Sabi ni Czarina sakin.

Disappointment stabbed me. Nung medyo ayos na ako at ilang oras na ang nakalipas, wala parin siya. Tinanong ko si Mom kung pwede niya akong ipasyal muna dahil naboboring na talaga ako sa loob! And when the doctor approved, sinamahan niya ako.

That was the time na nakita ko si Shane sa waiting areasleeping quietly.

The next following days, bumibisita ang mga kaibigan ko pati si Shane. Sabi ng doctor, once na naalis na ang mga benda sa chest ko eh pwede na akong bumalik sa bahay. By Monday, pwede na rin akong pumasok sa school.

Binigay sakin ni Shane yung regalo niyang binili niya pa raw sa Japan. I thanked her for the scarf and I asked her kung nagustuhan niya ba ang regalo ko nung pasko. Jusme! Kung alam niyo lang ang hirap ko na i-search yung CD online! Pero ayos lang, para sakanya naman, eh. Well.

Oo naman! sagot niya agad, Kung pwede nga lang lumipad agad ako pabalik eh! Nakakatuwa, paano mo nagawa yun? Akala ko di ka makakabili ng CD!.

Katatapos ko lang uminom ng pain killer at sa ngayon, si Kristina at si Shane lang ang kasama ko pero pinaalis ko muna si Kristina. Nakaka-ewan lang kasi kapag kasama namin siyang nandito!

Syempre naman. Ako pa ba? Yakang-yaka ko yun! Ngumiti ako with dimples, Malakas ka sakin, eh!

She blushed. Wait, nakailang blush na ba siya? *HBDTbyShupershimmer*

Kaso di ko pa siya tapos, sa summer ko siya gustong panuorin, eh.

Good, umayos ako ng pagkakahiga, Id love to watch it with you.

Tumango siya nang nakangiti. Napag-usapan namin ang tungkol sa nangyari sakin. Kinwento ko na ilang beses akong nag-try sa brake pero hindi yun kumapit tapos nawalan ako ng balance at hindi ko na maalala ang mga sumunod na nangyari.

Napansin ko na parang gusto niyang magsalita pero tumahimik siya.

O? Namutla ka bigla? Nilagay ko ang kamay ko sa noo at leeg niya, Wala ka namang lagnat.

Natigilan ako sa sumunod sa sinabi niya.

Sa tingin mo ba aksidente lang talaga yun? kumunot ang noo ko, I mean, hindi ka ba nag-isip na baka

I hissed, Di, noh. Imposible, sino namang gagawa nun? Tsaka tao rin ako, Sha ne, lapitin ng aksidente.

Eh paano kung malaman mong may nagtangka ng buhay mo dahil sakin?

Umiling ako, I dont know what youre saying. Bakit naman napunta rito ang usapan?

Kleinder di mo ba napapansin? Dumadalas ang mga nangyayaring di magaganda sayo. May mga nagbanta sa buhay at naging prone ka sa mga ganon nang dahil sakin. Nagegets mo ba ang sinasabi ko?

Ramdam ko na nag-iba ang aura naming dalawa.

For the past few days na natutulog ka sa higaan na to, naguguluhan parin ako dahil foul play ang naging aksidente mo. Kleinder, may gustong pumatay sayo! May nanadya nung pangyayare She breathed out, At wala akong idea kung sino! Pero alam kong ako ang dahilan

*HBDTbyShupershimmer* Inangat ko ang half-body ko at umupo.

Bat mo sinasabi sakin yan ngayon? Ni minsan di ko to in-open sayo. Ni minsan di kita sinisi sa mga nangyari sakin. Kahit nga ngayon na muntik na kong mamatay, sinisi ba kita? Hindi naman, diba?! tumaas ang tono ng boses ko tapos yumuko siya.

Why do you keep on blaming yourself, all this time?! Bubuka na sana ang bibig niya para magsalita pero nagpatuloy ako, Lahat ng nangyari, aksidente. Lahat ng nangyari sakin, wala kang kinalaman, okay? Wag ka ngang mag-isip ng ganyan!

Pero may nagsabing

Wala! Okay? Wag mo nga silang pakinggan! Kung alam ko lang na magtatalo tayo dahil dito, sana di na lang muna ako nagising! I sighed deeply as if to remove my exhaustion. Pakiramdam ko nanghina ako agad.

Sorry. Sabi ko.

Bumulong naman siya, Sorry.

Doon ko lang din na-realize na nag-i-sniff na siya. I couldnt see her eyes. Umiiyak ba siya? Nang dahil lang sa ganun? Minsan kasi hindi ko magets kung bakit sa lahat ng masasamang bagay na nangyare, sarili niya ang sinisisi niya. Bakit kailangan niyang makinig sa ibang tao!?

Ayoko ng pag-usapan to, okay? sabi ko lang tapos inabot ko yung kamay niya at pinisil y on pero di siya nagsalita.

Hinawakan ko ang chin niya at inangat ang mukha niya. Reddish na yung mga mata niya tapos iniiwas niya ang tingin niya sakin. Ambayan!

Ano ka ba, I smiled, Ngumiti ka naman para saken. Hm? Hindi siya ngumiti. Yes.

Yie, ngingiti na yan! dagdag ko. *HBDTbyShupershimmer*

Tinapik niya ang kamay ko tapos yumuko siya habang natatawa. See! I can make her smile! Narinig ko pang bumulong siya, Baliw.

Prettier than ever. I mumbled.

HBDT// Kabanata 48

Last day pa ako nakauwi pero ngayon kasi, pasukan na ulit. Ang aga ko pa ngang nagising dahil excited akong bumalik sa school. Ewan ko ba! Ito namang si Mama, gusto pa akong ihatid gamit yung kotse niya dahil di raw ako pwedeng mapagod muna.

Habang nasa kotse, tinawagan ko si Shane para tanungin kung papasok na siya kasi balak ko siyang isabay kung sakaling nasa bahay palang siya.

Sorry, di ako makakapasok ngayon. Sabi niya sa kabilang linya.

Ha? Bat naman? first day na first day, eh.

Ang tagal niya bago nakaisip ng isasagot, Uhm, meron lang akong pinuntahan. Dont worry, bukas na bukas, papasok na rin ako. Have a nice day.

Saan naman? feeling ko nakakunot ang nook o. Bat di niya to sinabi kahapon?

Basta, importante lang to. Okay? Sige, ibababa ko na muna. Pagkasabi niya, in -end niya agad yung tawag. Nakakaasar lang. Parang nasira agad ang buong araw ko. Di ko alam kung anong dahilan!

Nakasimangot ka na, nak. Bakit naman? tanong ni mommy habang nakangiti. Siya ang nagdadrive ngayon at nasa passengers seat ako.

Wala. Naiiritang sagot ko.

Wala? Eh gusot na gusot yang mukha mo. Ano bang napag-usapan ninyo ng girlfriend mo? Hindi ako nakasagot. Ang awkward kasi ng topic! Di ako sanay na makipag-usap kay Mommy about sa mga ganitong bagay. Parang ang korni kase.

Sige na, shoot it. Pagpupumilit niya.

I sighed, Di raw siya papasok. Medyo natawa lang si Mommy at umiiling pa. Lalo tuloy akong nainis! See? Kaya ayokong magsalita. Nagmumukha akong pathetic at korni!

Baka naman tinatamad pa siya, malamang napagod yun sa pagbabantay o di kaya

May pinuntahan daw siya. Dugtong ko. *HBDTbyShupershimmer*

O, eh yun naman pala. Baka importante lang yun. Ito naman, parang di na magkikita forever!

Ngumiwi lang ako tapos tumahimik na lang. Pagdating ko sa school, hindi na talaga maganda ang mood ko. Kaya nga everytime na may nagtatanong kung kamusta na raw ako o anong nangyari sakin, tinitipid ko na lang ang sagot ko tapos aalis na sila sa harap ko. Well, alam nina Gab kung bakit badtrip ako kaya di na nila in-open ang ganun habang magkakasama kami.

At sa wakas! Nag-signal na ng class dismissal kaya kinuha ko agad yung bag ko. Gusto ko nang umuwi at maglaro ng computer! Di naman kasi nagtetext si Shane at di angrereply kaya lilibangin ko na lang sarili ko.

Paglabas ko ng gate kasama si Gab, may tumawag agad sakin, Jake!

Pagtingin ko, babae. Nung una akala ko si Shane kaya gumaan yung hininga ko kaya lang pagtingin ko, si Franchezka pala. Tumakbo siya palapit sakin at sumabay sa paglalakad.

Hi Gab, hi Jake! Its good na nakapasok ka na! Sabi ng mom mo, nandito ka raw kaya bumisita ako. Ngumiti pa siya.

Ah.

Ayaw kasi ako papasukin ng guard! Tch. Kaya hinintay na lang kita. Di mo ba nabasa yung text ko? Kanina pa kaya ako rito sa labas.

I inserted my hands in my pockets. Di ako nagbasa ng texts, eh.

Sa tingin ko, ramdam niya naman ang init ng ulo ko kaya tumahimik siya saglit. Tapos, bigla namang nagsalita si Gab. Haynako. Wala yan sa mood, Chezka.

Baket?

Wala si Hikari, di pumasok. Bulong niya pero narinig ko.

Actually, kaya nga ako pumunta rito dahil dyan eh! Nakangiti niyang sinabi ta pos tinignan ko lang siya. Ano na naman?

What do you mean? I asked.

Tara! hinila niya ang kamay ko, Kain muna tayo sa Mini stop, treat ko, guys. *HBDTbyShupershimmer*

Tumingin si Gab sa relo niya, Sorry, kailangan kong umuwi ng maaga, eh.

Ikaw Jake? tanong ni Franchezka pero di ako sumagot. Instead, tinanong ko siya kung ano yung ibig niyang sabihin kanina. Secret! Sumama ka muna. Sige na, oh. Mag-bonding naman tayo! Di man lang kita nakausap nang matagal nung nasa hospital ka eh.

Uuwi na ko. Di maganda ang pakiramdam ko. Katwiran ko naman.

Bumitaw siya, Okay. She pouted.

But then, curiosity was built in my mind simula ng narinig ko yung sinabi niya kaya in the end, pumayag akong sumama sa mini stop at biscuit lang ang tanging pagkain ng pinabili ko.

Alam mo, naiyak talaga ako ng sabihin nina Rex ang nangyari sayo. Bat ka ba kasi nagmotor motor pa? Feeling mo naman professional ka sa mga ganun. Yan tuloy, nadisgrasya ka.

At feeling mo naman girlfriend kita? I whispered in my mind.

Adventurous lang talaga ako. Isa pa, buhay naman na ako kaya bakit ba big deal parin yun? Okay na ako.

Sinabi ko na kasi sayong mag-ingat ka. Diba binalaan kita before na may mga taong nagbabanta sayo? Malay ba natin kung sinadya nila yun. Malay ba natin kung may sumunod sa inyo sa Quezon! Diba? Maraming possibilities, pero di mo ako pinakinggan.

Nakataas lang ang kilay ko habang sinasabi niya yon. Paano niya nasasabi yun nang di nag -iisip!? Tsaka, yan na naman yang banta-banta na yan! Kinalimutan ko na nga yang putragis na yan eh.

Aksidente nga lang yun. Ang kulit. *HBDTbyShupershimmer*

Eh paano pag hinde?

Eh paano kung maling akala ka? sabi ko.

Imposible. Sigurado ako don.

Paanong malalaman nila na nasa Quezon ako, aber? Wag ka ngang mag-isip ng mga bagay na di naman totoo! Para kang si Shane. Nababadtrip na talaga ako.

Shane?

Wala. Tumahimik lang kami saglit tapos si Franchezka, nag-iisip at maya-maya, tumango siya mag-isa. Kumunot na naman ang noo ko lalo na nung sinabi niyang:

Sabi na eh. Tinanong ko kung ano namang pumapasok sa kokote niya pero nagdalawang isip pa siya kung balak niyang sabihin sakin. Shit lang.

Alam mo ba kung bakit wala si Hikari ngayon at di siya pumasok? She flashed a grin on her face then I shook my head. Hindi ko naman kase alam!

Well, I heard, they are heading to Quezon. Kaninang umaga lang.

They? Sinong kasama? Si Nylan? Nasa hospital yung tao diba?

*HBDTbyShupershimmer* Yep. Hikari and Andrew. How nice!

Paano mo naman nalaman yan? If I know, nag-iimbento na naman siya. Dapat talaga di na ako sumama rito eh. Edi sana nasa bahay na ako at nasa harap ng computer!

Galing ako sa tambayan nina Andrew kanina. Yung clubhouse daw nila, then andun si Hikari. Uminom siya ng drink bago tumuloy, Umalis sila sakay ng kotse ni Andrew kaso di nila ako nakita eh. Sayang, edi sana kasama ako! Tapos nung tinanong ko yung isa sa mga barkada ni Andrew, sa Quezon daw ang punta nung dalawa pero di nila alam kung bakit.

So?

Anong so?. Di ka ba nagtataka? Bakit sila magkasama? Anong dahilan nila para pumunta sa Quezon?! Ang alam ko, walang bahay ang family ni Andrew doon lalo naman si Hikari. Ano pa bang maiisip ko? Edi syempre, hindi maganda.

I smiled, Youre really trying my patience, huh.

No, Jake. Kahit nung kami pa ni Andrew at kahit nang magbreak kami, nalaman kong may feelings ang mokong na yun kay Hikari! Something punched me in my chest. Malay ba natin kung may mutual feelings na silang dalawa, diba?

No. I answered right then. Im sure.

No? Eh kung di mo lang alam, dumalas ang pagkikita nina Hikari at Andrew habang ikaw eh tulog at lumalaban kay kamatayan! Nakita ko pa nga silang dalawa na magkasama sa iisang table sa bar eh. Di na ako magtataka kung plinano nilang dalawa na maaksidente ka para maging masaya na sila! Well, its my opinion! Pero malakas ang kutob ko na habang kayo pa ng babaeng yun, may ginagawa silang di maganda ng ex ko. You know baka nga naunahan ka pa ni Andrew eh! Yun pa! she giggled.

My gums are clenching, seriously.

Siguro sinadya nilang maaksidente ka dahil umaaasa sila na mawawala ka sa buhay nila. Para kasing ayaw mong i-break si Hikari. Besides, alam ng babaeng yun na nasa bakasyon ka diba? Alam mo, concern lang naman ako dahil

Itikom mo yang bibig mo, Franchezka. Hindi na ko natutuwa sa inaasal mo. I grumbled. My heart is racing furiously, Hindi ko kailangan ng concern mo!

Nilayasan ko siya sa table at di ko na hinintay na pagbuksan ako ng gwardya ng pinto. Dali-dali akong lumabas at nagpara ng masasakyan. Pag-upong pag-upo ko sa loob ng bus, ang unang ginawa ko eh tawagan si Shane. I couldnt even tap my screen dahil nangingig ang daliri ko.

Kleinder mahinang sabi niya.

Nasaan ka? seryosong tanong ko.

Mamaya na tayo mag-usap. Malumanay lang ang tono niya dahil alam niyang inis ang pananalita ko.

Sabihin mo sakin nang di ako nag-aalala. Seryoso ulit.

Please, tatawagan kita mamayang gabi, okay? I-e-entertain ko lahat ng tanong mo.

Nasaan ka sabe?! I raised my voice at bumibilog na ang isang kamay ko sa inis. Kinontrol ko lang ang sarili ko dahil napansin ako ng katabi kong matanda. *HBDTbyShupershimmer*

She sighed, Quezon.

Out of frustration, naihilamos ko yung free hand ko sa mukha bago sumagot, Pumunta ka dyan nang di sinasabi saken? Ganon? I breathed, Sinong kasama mo? Magsabi ka nang totoo.

Andrew.

Fuck, Shane! napatingin na naman ang katabi ko pero di ka pinansin. Ano bang dahilan ng pinunta ninyo dyan? Dali-dali akong tumayo sa kinauupuan ko at lumipat sa dulong bangko. Wala kasing tao doon at makakapagsalita ako nang walang nakakarinig.

Sasabihin ko sayo lahat KJ mamayang gabi, okay? Bakit ba nagagalit ka?!

Umupo ako sa dulo, Sinong di magagalit, Shane!? Inuna mo yan kesa sa school. Inuna mo yang lalaki na yan. Ano bang dapat i-react ko? Matuwa? Magsaya?! Anong sasabihin mo lahat mamaya? Bat di mo pa sabihin ngayon, hah?! Niloloko mo ba ako? May relasyon ba kayo ng Andrew na yan? Ganun ba? Diretsuhin mo na ako, Shane! Wag mo akong saktan nang dahan dahan!

Ano bang sinasabi mo!? Bakit ba napaparanoid ka!? Ang ayos-ayos nating magkausap kagabi, ah!? Bakit pumasok yan sa isip mo? Kailan pa kita niloko? Mag-ingat ka naman sa sinasabi mo, Kleinder! Nakakasakit ka na!

Binaba niya yung phone. Napa-shit na lang tuloy ako.

I bit my lips habang ramdam kong nag-iinit yung kamay ko na parang gustong sumuntok ng pader. Sumisikip yung dibdib ko na parang gustong iiyak lahat pero ayaw. I thought Franchezkas lying for whatever she was saying. Bakit kailangang sa ibang tao ko pa malalaman!?

HIKARIs POV

Andrew, kailangan ko nang bumalik. Nanghihinang sabi ko tap os iniwan ko na siya sa area na yun. Sumisikip yung dibdib ko pag naaalala ko yung naging conversation naming dalawa ni KJ sa phone. Shit.

Sigurado ka? Sapat na ba yung mga nalaman mo? Sabi niya habang nasa loob na kami ng kotse.

I gulped, Okay na. Kailangan naming mag-usap ng walanghiyang ex mo.

Inistart niya ang engine at bumiyahe na kami pabalik at ilang oras akong tahimik. Ni hindi nga alam ni Andrew na nalaman ni KJ na kasama ko siya rito eh. How did he know? Pumunta kaya siya sa tambayan at nagtanong? Ang alam ko hindi niya alam puntahan yun!

But then, Im still thankful kay Andrew dahil last day, nag-offer siya sakin na samahan ako sa Quezon, doon sa pinangyarihan ng aksidente para malaman ang lahat. Dahil 19 na siya, isa siyang licensed driver at may kasama ako kung sakaling kailangan. Kaya lang, sa sobrang fierce nitong lokong to, nabugbog niya yung isa sa mga pahinante ng motorbiking place na yun para paaminin kung may nagpautos sa kanya. Eh kaso, wala. Aksidente lang daw talaga and theyre so sorry to let it happen.

Bakit di ko sinabi to kay Kleinder? Simple lang. Hindi niya ako papayagan dahil hindi niya ako pinaniniwalaan. Ang result? Nalaman na namin na walang foul play. Walang pananadya dahil ang totoo, pinalabas lang ni Franchezka na meron. Shit! Tama nga yung kutob ni Andrew na sinabi niya sakin noong isang araw.

Kanina ka pa tahimik, ah. Sabi ni Andrew at nakatanaw lang ako sa bintana. Wala akong ganang magsalita. Nag-away kayo ng syota mo, no? Narinig kita kanina

Kumunot ang noo kong tumingin sa kanya, Kailan ka pa natutong makin ig sa usapan ng may usapan?! Kainis. *HBDTbyShupershimmer*

He smirked, Sorry naman. Ang lakas ng boses mo, eh. I rolled my eyes and looked away. So, alam niyang kasama mo ko at nandito tayo? I thought its a secret.

Hindi ko alam kung paano niya nalaman.

Pupuntahan mo ba siya pagdating natin ng Maynila?

I shook my head slightly, Uunahin ko yang Franchezka na yan. Kailangan niyang matuto dahil matagal na akong punong-puno sa kanya. Bwisit talaga yang ex mo. Nanggigigil talaga ako!

Di na kailangan. Ngumiti pa siya, Dahil iniisip mo pa lang na gantihan si Franchezka, meron nang gumagawa. Hah?

I dont get you. Pero gusto kong ako mismo ang makaganti sa kanya.

You better talk to Kleinder, first. Explain everything. I calmed down for awhile. Di ko alam kung kaya ko siyang harapin ngayon o kaya niya ba akong harapin ngayon. After ng pag-uusap namin? Malabong may maayos na patutungahan. Baka mag-away na naman kami.

*** Gaya ng sinabi ni Andrew, inuna ko si KJ.

Anong kailangan mo? cold na tanong niya habang nasa tapat kami ng gate ng bahay nila. Gaya ng na-imagine ko, ganito ang magiging eksena naming dalawa.

Kailangan nating mag-usap.

Gabi na.

Alam ko, tinitigan ko siya, pero di ako titigil hanggat di nagiging malinaw satin ang lahat. He sighed after kong magsalita. Kahit saglit lang.

Sinara niya yung gate at naglakad kami papuntang park ng village nila. Almost midnight na kaya nga nagulat ang mama ni KJ kasi nagpunta pa ako. Sa totoo lang, pagod na ako at antok na antok na pero pinuntahan ko muna siya. Nakasuksok lang ang mga kamay ko sa violet na hoodie dahil malakas ang hangin.

Yung kanina, I gulped, Totoo lahat ng sinabi ko. Magkasama kami sa Quezon province kung saan ka naaksidente. Ramdam kong kumunot ang noo niya pagkarinig non pero tumuloy lang ako.

Si Andrew nag-offer siya na samahan ako dahil may sasakyan siya at para magsilbing body guard ko kung kailangan. All this time, sa kanya ako nagra-rant sa tuwing naguguluhan ako sa nangyari sayo. Pero ang hindi totoo eh yung sinabi mo kanina. I faced him.

Shit. Bakit di siya nagsasalita!?

Wala kaming relasyon at kahit kelan, di ka namin niloko. paliwanag ko naman. Di ko alam kung bakit pumasok yan sa utak mo. You made such a hilarious assumption.

Di mo ko niloloko? he smirked, Hikari, ang linaw linaw sakin. Ilang beses kayong nagkikita sa bar habang coma ako! Tangina! Pumunta kayo doon!? Sino bang naaksidente? Ako diba? Ako ang involve kaya bakit kailangang siya? Diba sinabi ko nang aksidente lang yon? Bakit ba ang kulit mo! And please! Wag mong gawing excuse ang accident!

Sobrang magkasalubong na ang kilay ko dahil sa mga sinabi niya. Ano? Magkabarkada kami! At hindi. Kita. Niloko. Alam mo yan! At oo, aksidente nga lahat. Nagkamali ako sa inakala ko ! Pero alam mo ang masakit? Pinaglalaruan tayo ng Franchezka na yan. Hindi ko alam na marunong siyang magtahi ng mga kwento! Siya ang nanloloko dito

Ha! Ano to? Nagsasalitan kayong dalawa?! Ang sabi niya, ikaw ang nanloloko, tapos ngayon sasabihin mong siya? Hikari, wala na akong maintindihan!

Natigilan ako. Nag-usap na naman sila? Walangya talaga yang babae na yan!

So ang babaeng yun ang nagsabi sayo? Kaya ba inaway mo ko sa phone dahil nakinig ka sakanya?! Kleinder naman! Di mo ba nahahalata? Bini-brainwash niya tayo! Ikaw! Alam mo, nababaliw na siya. Iniimbento niyang may nagbabanta sayo

Kayong dalawa ba ni Andrew ang nagplanong saktan ako, ha? Umamin ka nga saken. diretsong tanong niya.

I became teary-eyed. Why is this happening? Kleinder, hinde! Sinabi niya rin yan sayo? Aksidente lang ang nangyare but she took the opportunity na mag-imbento ng sarili niyang kwento para magkanda-leche leche tayo! Tignan mo, nag-aaway tayo!

I gasped. Hinihingal ako bigla tapos tumalikod ako sa kanya para punasan yung nasa mata ko. *HBDTbyShupershimmer*

Choice mo na lang kung maniniwala ka sa kanya. Ive tried my very best para malaman ang lahat at ganito lang pala yung resulta. Ngayon, kung iniisip mong niloloko kita, hindi kita pipilitin. Humarap ako sa kanya kahit naiiyak na ko. Shit. Ayokong umiyak sa harap niya.

Alam mo, sa sobrang pagmamahal ko sayo, halos inisip kong magpakamatay kung sakaling hindi ka nagising! At dahil mahal kita, hindi ako tumigil hanggat di ko nalalaman ang pesteng sagot sa mga tanong na sumasabog na sa utak ko! I managed to say with gestures.

I sobbed. Alam mo ba yung pakiramdam na nagi-guilty dahil sinasabi ng babaeng yun na ako ang dahilan kaya ka nagkaganon?! N-na ako ang dahilan kung bakit ka comatosed?! Na mas mabuti raw kung wala ako sa buhay mo!? Hinde, Kleinder! Hindi mo alam ang naramdaman ko nung sinabe niya yon! every words were containing sobs. Hindi ko na mapigilan eh.

Sobrang sakit then, I covered my mouth with the back of my hand.

Tumingin siya sa gilid. Umuwi ka na. Saka na natin to pag-usapan. Tumalikod siya tapos naglakad. Ganon lang? Iiwan niya ako rito matapos kong ipaliwanag lahat? Matapos kong umiyak? Gaguhan ba tayo?

*HBDTbyShupershimmer* Subukan mong umalis. Sabi ko at tumigil siya, Kundi tapos na satin ang lahat.

***

HBDT// Kabanata 49

KLEINDERs POV

Subukan mong umalis. Tumigil ako sa paghakbang, Kundi tapos na satin ang lahat.

Right after she said it, my heart automatically stopped beating. Kaya nga pakiramdam ko hingal na hingal ako eh. Hindi ko alam kung maglalakad ba ako pauwi o haharapin na lang siya. Parang natakot ako bigla sa sinabi niya pero gusto ko munang magpalamig.

Nag-aaway kami pero hindi naman sumagi sa isip kong makipag-break kasi alam ko namang hindi ko kaya. Kasi alam kong pagsisisihan ko yun pag ginawa ko. The only thing I could do is stand there while looking down.

Habang tahimik kaming pareho, naalala ko yung mga sinabi niya kanina. Hearing her sobs while speaking breaks my heart at kahit ngayong naaalala ko yun, naiinis ako sa sarili ko. Bakit ako nagconclude, bakit ako nagsalita nang di maganda. What I dont understand is that why does she have to go there with someone. Bakit di niya pinaalam? And if Franchezka is really trying to wash our brain, sa anong dahilan? Ewan!

Dahil ba sa sobrang galit niya kay Hikari?

I closed my eyes as I stand here. Ayokong mag-take ng risk. Ayokong ng dahil sa pride ko, eh maglakad ako palayo at matapos ang lahat. Bakit ba sobrang hirap nito samin? Bakit ang ibang couple sa classroom hindi naman ganito? Bakit kame?

Saka lang ako humarap nang may marinig akong sasakyang nagpreno malapit sa amin. May lumabas na dalawangg lalake tapos yung isa eh may hawak-hawak na babae. Nabigla naman ako nang makita ko si Franchezka na sigaw nang sigaw. Shes crying.

Kitang-kita ko kung paano hinila ni Nylan ang braso ni Franchezka palabas ng sasakyan at si Andrew naman lumabas sa drivers seat. *HBDTbyShupershimmer*

Pareho kaming di maka-imik ni Hikari sa nangyayari tapos si Nylan, sapilitang pinaluhod si Franchezka sa harap naming dalawa. Pagkatapos nun, pinaangat niya ang ulo ni Chezka habang hila niya ang buhok.

Jake, help me umiiyak na sabi ni Franchezka pero napa-aray siya nang hinila ulit ni Nylan ang buhok niya para tumahimik.

Teka, ano to? I asked. *HBDTbyShupershimmer*

Di ako pinansin ni Nylan, Humingi ka ng sorry sa kanila. Utos niya kay Franchezka.

Asa ka pa. sagot ni Chezka habang nakangisi. Naalarma naman ako nung hinila na naman ni Nylan ang buhok niya. Teka! Babae yan.

N-nylan, bitiwan mo siya, nasasaktan yung tao. Mahinang sabi ko.

Hindi ko siya bibitawan hanggat di siya natututong humingi ng sorry kay Hikari. Para sa ginawa niyang kalokohan! Akala ko ba may liver failure to? Bakit parang wala naman? Though, pansin kong may nag-iba sa itsura niya.

Hoy. Tawag ni Andrew, Alam mo bang pare-pareho tayong niloloko ng babaeng to, ha? Medyo expert siyang nakapag-imbento ng storya para gaguhin kayo ni Hikari. Tama, kasama ko

siya kanina dahil gusto kong tumulongtropa ko siya kaya nandito kami ni Nylan para iganti kayo. Pasalamat ka nag-effort pa si Nylan para sayo.

Tinignan siya nang masama ni Nylan tapos napatingin ako kay Shanenakatingin din siya sakin.

I looked at Franchezka whos kneeling down, Totoo ba lahat ng sinasabi nila? tanong ko pero binulyawan ako ni Nylan.

*HBDTbyShupershimmer* Gago ka ba? Sasaktan ba namin to kung hinde!? hinila niya na naman ang buhok.

Tinitigan ko lang si Franchezka pero hindi siya umiling. It seemed like she was saying na totoo nga. Napamura ako sa isip ko habang sini-sink in lahat. Bakit mo to ginawa samin? Ni Shane? Di ka naman ganyan dati nagbago ka na

Nagbago? she smirked, Dahil yun sa babaeng yan. Masyadong mapapel! hinila ni Nylan ang buhok niya kaya napa-aray na naman siya. Aray! Puta! Talagang ipapapulis ko kayong dalawa ni Andrew! Bwisit!

Nag-one-knee-down si Nylan para maka-level siya, Subukan mo! nilapit niya ang mukha niya kay Franchezka, Kundi sabay tayong mamamatay at mapupunta sa impyerno.

Mag-sorry ka na at nang matapos na to! Naghihintay ang girlfriend ko sa condo. Sabat ni Andrew.

Tama na! sigaw ni Shane. Hayaan niyo na siya. Kahit naman anong gawin ninyo, kahit mag sorry pa yan sa harap ko, hindi na mababago yung lamat na ginawa niya saken! Nasira na ang tiwala sakin ni Kleinder.

Parang sinuntok na naman ako sa dibdib.

Nylan, ano ka ba?! dugtong niya, May sakit ka diba! Bakit nandito ka? Bakit nanggugulo ka pa rito? Dapat nagpapahinga ka sa bahay nyo! Wala kang kinalaman dito!

Tumingin naman siya kay Andrew, At ikaw, ito ba yung sinasabi mo kanina na may gumaganti na para saken?! Ito ba yon? Alam niyo bang lalo niyo akong pinagmukang talunan! Lalo niyo akong ginawang masama!

Hindi naman yun di natuloy si Andrew dahil nagsalita pa si Shane.

At ikaw shes talking to Franchezka, Ano? Masaya ka na? Nagkanda-leche-leche na ang buhay namin? Natupad na ba ang pangarap mo, ha? Sa tingin mo ba dahil sa ginawa mo, magugustuhan ka ni Kleinder? I doubt it! Pinagmukha mo ang sarili mong desperado sa lalake. Nakakadiri ka.

Tumakbo si Hikari palayo tapos hanggang sa di ko na siya makita. Id like to run after her cause Im afraid of losing her. Pakiramdam ko kapag di ko ginawa, baka di na kami magkita bukas. Baka mawala na ang lahat.

Binitawan na ni Nylan si Franchezka at bumalik silang dalawa sa sasakyan nina Andrew. Si Chezka naman, ayun, naiwang nakaupo at iyak nang iyak sa harap ko.

*HBDTbyShupershimmer* Tumalikod na lang ako para maglakad pauwi. Gusto ko nang magpahina pero feeling ko di ako makakatulog nang maayos.

Jake sinaktan nila ako. Nakita mo ba yon?! Halos patayin niya ako dahil lang sa babaeng yon. Jake, natatakot ako!

Tumigil ako sa paghakbang and tilted my head to one side, After ng pinaggagagawa mo? Sa tingin ko, kulang pa yan.

Tapos iniwan ko na siya.

** 2 days later.

O ano? Wala kayong balak ayusin yan? tanong sakin ni Czarina habang nasa canteen kami. Kasama ko rin sina Gab at Rex pero si Hikari, hindi sumama sa lunch. Ayaw niya nga akong kausapin kanina nung magkatabi kami e.

I shrugged. Ewan. Galit siya saken, eh. Kung alam mo lang kung gaano ka-awkward kapag magkatabi kami sa upuan.

Ikaw naman kasi eh! Minsan pare, kulang ka nito tinuro ni Gab yung ulo niya. Dapat nag -isip ka muna bago ka nag-jump into conclusions. Tsk, alam mo namang hindi easy-easy si Hikari. MEdyo mahirap timplahin ang ugali.

Hindi ko alam, I gestured my hand, Napaniwala ako sa mga sinabi ni Franchezka, e -ewan, naghalo-halo na sa utak ko! Kaya nga nagsisisi na ako, diba.

Eh paano kung gusto niya nang makipag-break sayo? seryosong tanong ni Gab.

Sa totoo lang, di ako makasagot nun. Yumuko lang ako tapos hinalo yung juice na nasa glass ko. Ilang araw ko nang naiisip yun. Paano kung napagod na nga siya sakin? Kung ayaw niya na sa attitude ko? Kung gusto niya na akong hiwalayan?

Kada sasagi yun sa isip ko, naiinis ako sa sarili ko. *HBDTbyShupershimmer*

Kung ayaw mong matapos kayo, alam mo pare, ikaw na mag-first move. Kausapin mo! Yung kayo lang.

Paano? Nakasimangot pa ko niyan, Ni di nga ako matignan nung tao, eh.

Biglang sumingit si Rex, Ikaw bahala! Ano ba gusto mo? Break o usap!? Sus, konting pride lang ang mababawas sayo! Gwapo ka pa rin, after all.

Napabuntong hininga na lang tuloy ako. Hindi ko nga alam kung tumutulong ba tong mga to o ano! Ewan. Pinauna ko na silang tatlo para bumalik sa next class dahil nag-banyo pa ako at habang pabalik na ko sa room, nakita ko si Shane. Busy siya sa sa paghalungkat sa locker niya kaya di niya pa ako nakita.

I stopped walking. Tatalikod ba ako? Didiretso? O hihinto sa harap niya?

Humugot muna ako ng kapal ng mukha para makalapit sa kanya. Shit. Tulungan niyo ko! Please. Tumigil ako sa tabi niya at sakto, pagkasarang-pagkasara niya ng locker, medyo nagulat pa siya sa pagmumukha ko.

Kumunot yung noo niya, Bat ba sulpot ka nang sulpot? sinusi niya na yung locker tapos tinalikuran ako! Awtsu.

Di mo man lang ba ko kakausapin?" naglakad naman ako sa likod niya. I really enjoy walking before herso, I can see her figure. Ilang araw mo na kong di kinikibo, di ka nagrereply sa texts ko. Tapos kagabi, binabaan mo ko ng phone

2 days lang yon. Sagot niya. *HBDTbyShupershimmer*

Dumaan siya sa may hagdan at sumunod na naman ako. Konting baba ng pride, Kleinder! Tiis-tiis din pag may time.

Kahit na! Binilisan niya ang paglalakad kaya ganun din ako, Alam kong hindi tayo okay pero sana naman wag nating paabutin ng isang linggo.

Alam mo naman pala, eh. Napaka-cold niya.

Hindi mo man lang ba ako haharapin? Tatalikuran mo ba ako lage? pagdadrama ko naman. Shit. I dont know if people around us can hear me.

Dinugtungan ko yung sinabi ko. Nung gabi nagpunta ka sa bahay tinakbuhan mo lang din ako. Nung gusto kitang kausapin nung isang araw, iniwasan mo ko.

Mahirap magpaka-trying hard. Sagot naman niya at umakyat ulit kami ng isa pang hagdan. Jeez!

Nung sinabihan mo ko na kapag umalis ako nung gabi yon, tatapusin mo nang lahat. Tinalikuran ba kita, non? Hindi naman diba, kasi alam kong may isang salita ka. At mahirap magtrying hard na hindi ako apektado!

Matagal bago siya makasagot, Mahirap din kasing magpanggap na ganun na lang lahat. Hindi madaling magkunwari na hindi masakit. At

Nahihirapan din ako di ako natapos dahil humarap siya bigla at mas natameme ako sa sina bi niya.

Edi tapusin natin kung anong meron tayo! Pareho kasi tayong nahihirapan!

Ang initial reaction ko eh bakit niya nasabi yun?! Saan siya humugot ng lakas ng loob para mabanggit yun?!

I sighed, Pwede bang patapusin mo ko! she rolled her eyes, Nahihirapan din ako kasi miss na kita.

I shyly scratched my head. Feeling ko nanliligaw ako sa isang napakasungit na babae! Grabe, Shane, malala na ko sayo!

Hindi siya nagsalita pero naka-cross-arm lang siya habang nakatitig sakin. Ano bang balak nito? Di mo ko madadaan sa miss kita, okay? Kung gusto mong mag-sorry, punuin mo ang isang yellow pad ng self-explanation kung bakit mo deserve mapatawad.

H-ha? tinalikuran niya na ako! *HBDTbyShupershimmer* Ano ba naman yan!

Pagkapasok namin ng classroom, pinagtinginan agad kami nina Gab kasi magkasunod kaming pumasok pero walang umiimik. Nag-shrug lang ako pagkakita ko sa kanila na parang nagtatanong kung kamusta kami.

Sa subject na to, magkatabi kami at habang nagkaklase, di ko mawari kung nagjojoke lang ba siya dun sa sinabi niyang magsulat daw ako sa yellow pad ng explanation kung bakit ko kailangang mapatawad! Grade one? Ganon?! Pero desperado na ko, nagsulat ako sa yellow padgusot pa nga eh kasi may konting solution yung sa likod.

Pagkabigay ko sa kanya ng papel, nakatupi pa nang maayos, dahan-dahan niyang binuklat tapos ngumiti lang ako.

Okay na ba yung KASE MAHAL KITA :) sa buong page ng yellow pad? Ha? Sinakop ko lahat para walang masabi!

Lumingon siya saken tapos nawala yung ngiti ko dahil sa itsura niya, nakakatakot! Nagpapatawa ka ba?

Ngumiwi na lang ako, Honest lang. Humarap na kaming pareho sa blackboard tapos hindi na ulit kami nag-usap.

Nung uwian, balak ko sana siyang ihatid pauwi kaso hindi ko na siya nakita dahil ang dami ng estudyante! Si Gab na lang ang kasabay ko habang pauwi na kami. Tinanong niya kung kamusta na raw ako. Kinwento ko naman yung paghihirap ko at napapa-iling lang siya. Upakan ko to eh!

Alam mo pare, pag di madaan sa santong paspasan daanin mo sa ibang paraan. Ngumiti siya habang pataas-taas pa kilay. Mukha siyang manyak.

Gago ka ba? Wala ka talagang masabing matino, eh no! Sabi ko.

Sinuntok niya ako sa balikat, Bobo! Hindi yon ang ibig kong sabihin! Malibog ka rin, eh no. Umayos siya ng pagkakaupo sa bus, What I mean is, I have an easy way to get her heart back.

Ano? *HBDTbyShupershimmer*

Daanin natin sa madamdaming harana. Tinignan ko siya nang masama. Nangga-gago ba to? Hindi ako sanay kumanta sa tapat ng bahay ng may bahay! Try mo, epektib yan.

HIKARIs POV

Pagkauwi ko ng bahay, medyo malaya ako dahil si Megumi lang at ako ang nandito. Habang busy siya sa panunod ng tv, nanunuod naman ako sa kwarto ng movie sa laptop. Pero, di ako concentrated sa pinapanuod ko dahil sa naging usapan namin ni KJ.

Bat ko ba nasabing tapusin na namin ang lahat kanina? Akala ko nga a -agree siya, eh kasi gusto kong bawiin agad yun pagkasabi ko. Kainis!

Nasa turning point na ako ng movie, nakarinig ako ng plucking ng gitara. Nung una, akala ko nagsa-soundtrip lang si Meg dahil parang nakakabit pa sa speaker. Pero nang magsimula sa versepucha hindi to soundtrip!

Ikaw na ang maysabi, na akoy mahal mo rin At sinabi mo na ang pag-ibig koy di magbabago Ngunit bakit sa tuwing akoy lumalapit ikay lumalayo? Pusoy laging nasasaktan pag may kasama kang iba Di ba nila alam? tayoy nagsumpaan Na akoy sayo, at ikay akin lamang

Binuksan ko yung glass window tapos natanaw ko si Gab na may hawak ng gitara habang nakatayo sa tapat! Si KJ.. well, hes the one whos singing. Halatang kinakabahan ang boses. Anong kakornihan to? Paki-explain! *HBDTbyShupershimmer*

Kahit anong mangyari, pag-ibig koy sayo parin At kahit ano pa ang sabihin nilay ikaw parin Ang mahal maghihintay ako kahit kalian Kahit na umabot man akoy nasa langit na At kung di ka makita, makikiusap kay Bathala Na ikay hanapin, at sabihing ipaalala sa iyo Ang nakalimutang sumpaan Na akoy sayo at ikay lamang

Huminto na siya sa pagkanta habang nakatitig sakin. I didnt expect he would go this far. Not to the point na maghaharana siya dis oras ng gabi! At malamang, kasabwat na naman si Meg! Yung babaeng yun talaga!

Ayiee! First time naharana! Shocks! Ang gwapo ng jowa mo. Di mo pa ba yan kakausapin? Nasira yung moment nang marinig ko si Meg sa tabi ko na nakadungaw din sa bintana.

Bat nandito ka!?

Sus, kunyari pa. Patawarin na kase! Mahirap na kapag nabingwit yan ng iba!

Inirapan ko lang si Meg tapos lumabas ako nang kwarto at bumaba. Pumunta ako kung saan nakatayo sina Kleinder at Gab. Pagtapat ko sa kanya, ngumiti lang siya. Gabi na, nang -iistorbo kayo sa movie marathon ko.

Yes! sabi niya na parang pasigaw pero mahina lang with matching suntok sa ere! Nagtinginan sila ni Gab. Teka, ano yun?

Anong yes?! Ano bang ginagawa niyo rito? Nakakahiya sa kapitbahay!

Well, atleast bumaba ka ritoits a good sign. He smiled. Dont. Smile! Si Gab ang sisihin mo dahil siya ang nag-insist na kantahan ka. Sinamaan niya lang ng tingin si Gab.

Pano? Una na ko. Pagtingin ko kay Gab, dala niya na sa balikat yung gitara tapos umexit na. Nung nawala na siya, binalik ko yung atensyon ko kay Shane.

I sighed deeply, Ano? Napatawad na ba ako?

Tinitigan ko lang siyamata sa matapero umiwas siya ng tingin. Paano naman kasi, halatang namumula na siya. Bat ba kasi ang hilig nitong magpigil!

Sabihin mo na lang kasi kung kinikilig ka, simple lang naman eh. Shes forcing herself not to smile.

Asa.

*HBDTbyShupershimmer* Action speaks louder than words. Is it me o talagang namumula ka

ngayon? hinawakan ko yung pisngi niya, pero pinigilan niya yung kamay ko.

Wag kang gagawa ng show. Nanunuod ang kapatid ko. Pagkasabi niya inangat ko yung ulo sa may bintana pero nakasara na yun at walang kaluluwa ni Meg. Alam na!

Wala naman, eh. I smiled. Sorry na po. Nagsisisi na ako sa lahat ng nasabi ko.

Patunayan mo munang sincere ka sa ginagawa mo. Sabi niya.

Yun lang pala, eh. Akala ko pasusulatin mo na naman ako.

Ngumiti ulit ako kasi naalala ko yung sinulat ko tapos niyakap ko si Shane. Mahigpit. Matagal. Higit sa lahat, sincere.

NOTE: READ THE EPILOGUE AT MY WATTPAD ACCOUNT: http://www.wattpad.com/31350581-hisbest-damn-thing-epilogue

SHIMMERS LAST NOTE: Una sa lahat, salamat sa mga nagtiyaga sa kwento na to. Salamat sa pagbabasa kahit medyo delayed ang updates, sana po naintindihan ninyo. Ang mahalaga, natapos ang storya. Visit my wattpad account for more stories at www.wattpad.com/user/Shupershimmer and for soft copies, click www.shupershimmer.weebly.com for download. Pasensya sa mga grammatical at typographical errors. Godspeed!

You might also like