You are on page 1of 8

Katamaran at Kasipagan

Alvin B. Buenconsejo

Katamaran…
Kabatugan..,
Ilan lamang ito sa salitang tinuran
Pinagmalabisang pagpapakahulugan
Hindi makakailang itoy umiiral ..
Inuugnay sa atin…
Sinasabing itoy likas sa atin …..
...itong katamaran

Katamaran…
“Sakit na pinagkatandaan”
Kabatugan…
“Kasira-sirang nakamtan “
Buhat ng silay dumatal
Kasipagan ay kinalimutan .

Nasan ang dati mong kasipagan ?


Nasan ang dati nating karangalan ?
Ngayon pag –unlad ay di makamtan
Paano kaya ito malulunasan

Ano ba ang kadahilanan


nitong sakit ng katamaran ?
Aasa na lang ba sa suertet himala?
Na sa kasalukuyan ay naghihintay sa wala
O reaksyon ba ito sa mga kastila ?

Ang pagkakaisa ay kinalimutan,


Gayundin edukasyon ay pinabayaan
Katamaran ay nasilayan
Hanggan sa kasalukuyan silay nasisilayan
Sakit na dapat nating malunasan
Ano ba ang pagkukulang
Nitong pamahalaan at simbahan
Bunton ng sisi ay lagi sa mamamayan
Na sanay iminulat ang kabataan
Edukasyon ay mabigyan
At kalayaan ay kanilang makamtan.

Katamaran,
Palitan ng kasipagan
Kabatagun ,
Ating bawiin ang nawalang karangalan

Katamaran
Atin nang kalimutan
Busugin ang isipan
Kalayaan ay ipaglaban

Mag banat ng buto


Sa daan ng kaginhawaan
Kailanmay suerte ay kabalintanuan
Sa rurok ng kaunlaran

Katamaran ,
Ay kahirapan
Kasipagan
Ay kaginhawaan!

Alvin B. Buenconsejo B.S. Biology 3-1D


Isinulat noong Ika – 29 ng Setyembre, 2009
12:00 ng tanghali at natapos noong 1:20 ng hapon sa aking kwarto habang
nakikinig at nanunod ng balita sa t .v
Balangkas ng Nakaraan ,Kasalukuyan at ng Hinaharap
Alvin B. Buenconsejo

Ng si Rizal ay pinag aralan ang kasaysayan


Bago paman itong mananakop ay lumulan
Buhay sa lupa ginhawa ang kinakamtan
Kalayaan ,kasaganahan ang syang nanahan .

Nang itong lupa’y nakubkob


Putungan ng korona ng pag kaalipin
Dugo ,pawis ang pinagkaloob
Pagkaalipin na ang namalas sa atin .

Dagliang binago , nagpalit pilit anyo ,


Itong abang lupang kinubkob
Nilipol ang mga mamamayan
Kulturay binago’t ,pinabayaaan
Batas ay pinalitan…
Pusoy sinugatan ,pinagsamantalahan
Kaugaliang minanay nilimot
Pinalitan ng napakasalimuot.

Gayundin ,isip ay niliko


nililo ,inaglahi
Tatak ng isang malayang tao.

Ngayon sialy nawalan ng “tiwala sa nakaraan”


“Walang pinanghahawakan sa kasalukuyan “
Wala rin pag-asang pinagkukunan
Sa araw na kanilang kanasasadlakan
“Dahil walang alam sa nakaraan
Ano kaya ang magiging kinabukasan”.

Noon din bagong buhay ay pinasimulan


Kinalimutan ang sariling pinagmulan
Itinapon pati panulat kapara’y kalat
Nilimot din ang mga awit ,mga tula
Upang maisaulo ang ilang paniniwala
Na di naman mahinuha.

Mamalas sila sa isang napaaamong hayop


“Mistulang taong walang utak at puso “
-walang katauhang pag-iisip
-walang katauhang puso!

Subalit diwa’y di tuluyang napatay


“bagaman ito’y nakuba’t” sila’y lupaypay ,
Diwa’y nagkabuhay
At ang panlilibak ay pinatay!

Ang pagkamulat ay lumaganap


At ang kalooban ay umaalab
Parang apoy na lumalagablab
Na ang bayan ay magbubo ng dugo
Maging ito man ay mag sabog ng sanlibong bungo!

Ang balangkas ng ating nakaraan


Ngayon sa kasalukuyan ay may pinanghahawakan
Lubos ang pag –asang pinagkukunan
“Sa darating pang mga araw
Para sa ating kinabukasan .

Alvin B. Buenconsejo B.S. Biology 3-1D


Isinulat noong Ika – 28 ng Setyembre, 2009
8:30 ng gabi at natapos noong 1:20 ng umaga sa aking kwarto
Pagkabulag ay Pagkaalipin
Alvin B. Buenconsejo

Siya ba ng bumubulag sayong mga mata?


Siya bang nakasutana’ t tumulak sayo
Sa putik na iyong dinadala
At ang karungisang aking nakikita .
Binalot ba niya ang puso mo ng pagkaligalig
Maging sa mga panaginip ay karatig
Na ang bawat araw mo ay siya ang kasalig
At ang mga kasinungalingan sa isipan mo’y
Parang idinidilig

Namalas kita sa hapong tahimik


Sa loob ng simbahan
Doon ka ba lagi naliligayahan ?
Sa matagal na pagluhod
Mahabang dasal
Ikaw bay nabubuhayan ?
Na akala koy ikaw ay namatayan .

Sa dami ng iyong panata


Sa kanila ay binata
Mga dasal na banyagat pagkahaba –haba
Nagkabuho- buhol tuloy ang dila

Mga sukbit na rosaryo


Sa leeg ay kalbaryo
Tila tali ang kapara nito
Na ngayon sila ay itinituring mong amo.

Mga handog na ipinanghlilimos


Sa buto ng aba ipinangpipiga
Na ang tuhod ay nasanay lumohod
Pato aso ay naturuang mamanikluhod .

Nasan ang dati mong pagliyag


Nasan ang dati mong paglingap
At Ang katapatan mo,
Ang lakas mo
Ang mabuting loob mo
Ang walang maliw na pagkamasunurin mo
sa katwiran
nasan na ?
at ngayon napalitan ng kamandag
at tinatawg ka na ng linalang ng prayleng hungkag!
Tulad ka na ng lantang halaman
Sumibol sa dilim
“Namumulaklak” may walang samyo
“Namumunga “ng walang hilagyo .

Ang labis ang pagkatao


At niloloko ang maga tao
Hayan at nakasuot ng abito
Sa mga dalagay masamang ehemplo .

“Sa mga dalagang punlaaan ng mga bulaklak “


Sa mga anak anong kayaman ang ilalagak
Tulad ba nilay hahalik ng kamay ,magbubulong ng dasal
Await ng papauri ,
magagalusan ang tuhod
O ang puri
O magbabalatkayong banal.

Sila bay magiging katoto ng paroko


Sabungero ,sacristan , pakakanin ng tinapay
ng kabuktutan
O paiinumin ng alak ng kalokohan

Sila bay ipinanganak mo ng alipin


Aalipinin, o para supilin ?
Isa rin ba sila sa mga taong uululin
Kabataanng bubulagin ,kukutyain
O babambuhin .
Kadalagahang matatakutin
o kalalakihang walang sariling galling.

Bibihisan mo din ba sila ng pagkalugami


At yayapakan ng sirang kalooban ?

Sila bay iinom sa “tubig mula sa labo at mapait na bukal ?”


“na ang inaakaalang matamis na bunga
Ay mula sa mapait na punla .
Ituturo mo din baa ang inaakalang daan ng kabanalan
Ngunit sa huli palay
Daan ng kapahamakan .

Naghihrap na ba and diyos ?


Kaya ang utos ay manghingi ng sapilitang limos
Nabibili ba ng piso ang kaligtasan
Kayat ang ating kita ay nakakaltasan
Maging ang panlaman tiyan ay nauungusan .

Malilinis ba ng pisik ng tubis ang kaloob-looban


Dili kaya manuyo ang tubig sa karagatan

Ibig ba nyang makikain ng nakaw


O bulag kayat kailangan ng ilaw ?
Ito ang ba sinasamba ng mag prayle
Kayat silay simisigaw ,sinisuyod ang buong kalye

Kapatid ba nag tingin nila sa mga tao


O aliping paroot parito hanggang maging abo.

Ang salita ba nilay puno ng pagmamahal


O pagmamahal sa misang ubod ng mahal

Tanggulan ba sila ng mga inapit sawi?


O tagawasak ng puri
Sa kasamaan palay kahati
At pagtatawanan ka ng walang pasubali!

Totoo kayang hirap na ang makapal


Kaya ang mukha ng mag prayle’y kumakapal
binubulid sa kahirapan ang buong kinapal

Anong uri ba diyos ang kanila


-salat sa pagmamahal
-kapos sa katotohanan
-bulag sa katotohana
-nilalakaran ay kadiliman
O sila mismo and dios diosang
Aking tinuturan .
Na dapat nating talikuran
At sinasangkapan at tinatatwa ang turo ng Maykapl.

Ang kadalagahang Pilipina


Mayumi’t maganda
Sa bansa’y yaman ang kapara
Di dapat pabulag ,
katwiran ang ipangsalag
Nang sa mga anak ay may hiyas na maipamana

Alvin B. Buenconsejo B.S. Biology 3-1D


Isinulat noong Ika – 25 ng Setyembre, 2009
8:30 ng gabi at natapos Ika – 27 ng Setyembre noong 1:20 ng umaga sa
aking kwarto

You might also like