You are on page 1of 6

Isang Katuparan sa Filipino 4 2012-2013 Unang Kwarter

Pagsusuri sa Nobelang Mag-anak na Cruz Ni Liwayway Arceo

Isinumite ni Leiko Armand L. Ravelo IV-Truth

Isinumite kay Gng. Ligaya Cion Petsa ng Pagpapasa: July 31, 2012

I. Panimula Nang mabasa ko ang librong Ang Mag-anak na Cruz, unang pumasok sa aking kaisipan ang nobelang Noli Me Tangere na isinulat ng ating pambansang bayani. Naipakita sa librong Noli Me Tangere ang kanser sa ating lipunan noong panahon ng mga kastila. Sa panahong iyon, ang bawat Pilipino ay tumalikod sa ating bayan para sa sarili nilang kapakanan. Lahat sila ay naghahanap ng magandang buhay. Ipinakita sa akdang Ang Mag-anak na Cruz ang mga suliranin sa lipunan noon na hanggang ngayon ay hindi pa rin napapansin at nabibigyan ng lunas. Ang akdang Ang Mag -anak na Cruz isang koleksyon ng mga maikling kwento na nagpapakita ng kasaysayan ng isang mag -anak na Pilipino na kabilang sa panggitnang antas ng makabagong panahon. Ipinapakita sa bawat maikling kwento ang ibat-ibang pangyayari sa buhay nila. Ipinakita sa akdang ito na kahit maraming Pilipino ang tumalikod na sa kanilang bansa, may mga iba pa rin na nagmamalasakit sa isat -isa. Ipinapakita sa akdang ito ang pagpapahalagang Pilipino at ang pagpapahalaga sa bawat isa. Kahanga-hanga ang gumawa ng akdang Ang Mag-anak na Cruz na si Liwayway Arceo sapagkat ipinakita niya sa akda ang pagmamahal sa bawat isa kahit sa kalagitnaan ng pag durusa. Sa kabila ng kalagayan sa buhay, sa hirap ng pagtatrabaho, at sa kanilang pagdurusa ay nanatiling nagmamahalan at nagpapahalaga sa isat-isa ang pamilyang Cruz. II. May-akda Si Liwayway A. Arceo (1924-1999) ay isang pangunahing mangangathang Pilipino na nakasulat na ng napakaraming mga katha, kabilang ang siyamnapung nobela, dalawanlibo mahigit na kuwento, at sanlibo mahigit na mga sanaysay. Ang unang kinilala sa kanyang mga akda ay ang Uhaw ang Tigang na Lupa na kanyang isinulat noong taong 1968. Bukod sa mga itoy isa rin si Liwayway Arceo sa mga unang manunulat na Pilipino na nakapagsulat ng soap opera para sa radio. Halimbawa dito ay ang kanyang dramang Ilaw ng Tahanan na inere sa maraming istasyon ng radio noong taong 1949. Iilan lamang sa mga napanalunan ni Liwayway Arceo ay ang Carlos Palanca Memorial Award noong 1962, Gawad CCO for literature Award noong 1993, honoris cuasa Doctorate in Humane Letters noong 1991, Catholic Authors Award noong 1990, at Gawad Balagtas Life Achievement for Fiction noong 1998. Tunay nga na malaki na ang naging kontribusyon ni Liwayway Arceo sa panitikang Pilipino, kayat nararapat lamang na ating tangkilikin ang kanyang mga akda, at ibahagi sa iba ang diwa ng pagiging isang tunay na makabayan na ibinabahagi sa atin ng mga akda niya. //---Si Liwayway A. Arceo ay ipinanganak sa Tondo, Manila noon Enero 30, 1924. Ang mga magulang niya as sina Gregorio Arceo at Amada Ablaza. Isa siya sa mga pangunahing mangangathang Pilipino. Sa buong buhay niya ay nakasulat siya ng napakaraming katha, kabilang na rito ang siyamnapung nobela, dalawanlibong mahigit na kuwento, sanlibong mahigit na mga sanaysay. Unang nakilala sa kanyang mga pangunahing aklat ang Uhaw and Tigang na Lupa na isinulat niya noong 1968. Si Liwayway Arceo rin ay nanalo ng maraming gantimpala. Kabilang ditto ang Carlos Palanca Memorial Award noong 1962, Catholic Authors Award noong 1990, honoris cuasa Docttorate in Humane Letters noong 1991, Gawad CCO for literature Award noong 1993, at Gawad Balagtas Life Achievement for Fiction noon 1998. Malaki ang nagging kontribusyon ni Liwayway Arceo sa Panitikang Pilipino. Hindi lang dahil sa dami ng mga kathang isinulat niya kundi sa mga ipinapahayag ng mga kathang ito. III. Pagsusuri

A. Pamagat Sa aking palagay, napili ni Liwayway Arceo ang Ang Mag-anak na Cruz bilang pamagat ng kanyang akda ng sa gayon ay malaman agad ng mga mambabasa na ang librong iyon ay tumatalakay sa pamumuhay ng pamilyang Pilipino. Ang paggamit ng salitang mag-anak ay ipinararating sa mga tao na ang librong iyon sa storya ng isang pamilya, at ang paggamit ng Cruz bilang apelyido ng mga tauhan ay inilalahad ang ideyang para sa mga Pilipino ang mensaheng nais nitong iparating, sapagkat ang apelyidong Cruz ay madalas nang ginagamit upang tukuyin ang mga Pilipino, tulad na lamang ng paggamit sa pangalang Juan Dela Cruz upang kumatawan sa masang Pilipino. B. Mga Tauhan 1. Pangunahing Tauhan a. Remedios Remy Cruz Isang dating guro, si Remy ang asawa ni Tinoy na nagmamay-ari ng patahian. Masasabing siya ay isang tunay na binibining Pilipina sa kung pagbabatayan ang kanyang mga kilos at ang kanyang pag-iisip. Mahal na mahal niya ang kaniyang mga anak na sina Baby at June, at nag-uumapaw ang pag-iingat at pag-aaruga nito sa kanila, na ipinapakitang siyay isang mapagmahal na ina. Isa rin siyang mabuting asawa na nagpapasakop kay Tinoy, sapagkat kapansin-pansin sa istorya na sa tuwing may gagawing desisyon si Remy ay isasangguni niya muna ito sa kanyang asawa. b. Faustino Tinoy Cruz Si Tinoy ay isang kawani na naging certified public accountant, dahil na rin sa tulong ng kanyang mapagmahal na asawang si Remy. Si Tinoy ay hindi nakatapos ng pag-aaral, ngunit napagpasiyahan rin ng pamilya na nararapat lamang na ipagpatuloy ni Tinoy ang kanyang pag-aaral nang sa gayon ay mas guminhawa ang kanilang buhay dahil makakahanap daw si Tinoy ng mas magandang trabaho kung nakatapos ito ng pag-aaral. Siya ay isang lalaking marunong tumanggap ng kanyang pagkakamali, na ipinapakitang may pakialam si Tinoy sa nararamdaman ng ibang tao. c. Baby Cruz Ang panganay na anak nina Remy at Tinoy na nakapagtapos ng Home Economics sa kolehiyo. Si Baby ay biglaan kung gumawa ng desisyon, lalo na sa pagpapasya para sa kanyang sarili. Siya ay pumunta sa Amerika upang doon ay mag-aral, ngunit doon na rin siya nag-asawa, na siyang labis na ikinagalit ng kanyang ina. d. June Cruz Bunsong anak nina Remy at Tinoy na may pangarap na maging isang nurse. Si June ay dalawang beses nagmahal ng doctor, ngunit ang una niyang pag-ibig na si Dr. Rosendo Marcial ay nagpakasal sa ibang babae, kaya ang kanyang inibig na lamang ay si Fred, na siyang hindi mayabang sa kabila ng pagtatamasa ng masaganang buhay. 2. Katulong na Tauhan a. Petra Si Petra ang kasambahay ng pamilya Cruz, na dating taga-laba lamang ng pamilya, ngunit kinuha na rin ni Remy para sa ibang gawaing bahay noong napagpasiyahan ni Remy na magtrabahong muli. Sinabi niya na hindi parang isang katulong lamang ang pagtrato ng pamilyang Cruz sa kanya, kundi tila kapamilya na rin nila.

b. Mrs. Amelia Esteban Nang mag-aral na muli si Tinoy ay naging kaklase niya si Misis Esteban. Pinagselosan siya ni Remy nang makita ang panyolito nito na nakaipit sa isang librong hiniram ni Tinoy. c. Nonoy Si Nonoy ay isang batang sampung taong gulang ang edad, at siyang tagalinis ng sapatos ni Tinoy. Siya ay galling sa isang mayamang pamilya na nagmamay-ari ng Pride of the Town na isang supermarket sa kanilang lugar, ngunit siya ay nanatiling mapagpakumbaba. d. Ismael at Arsenia Mag-asawang dating kapitbahay ng mga Cruz na inimbita ang mag-asawa sa kanilang bahay. Sila ay masasabing may kolonyal na mentalidad, na mapapansin sa pagkaayaw nila sa pagkaing Pilipino. e. Pamilyang Rubio Ang pamilya Rubio ay kapitbahay ng pamilya Cruz sa mahabang panahon, at sa mga panahong iyon ay napansin lamang ni Remy na ang pamilyang itoy marangya kung titignan mula sa labas, ngunit ayon kay Tinoy ay nangungutang lamang sa bangko upang mabili ang gusto, na kadalasan ay ginagaya lamang nila sa pamilya Perez. f. Joan Isang matalik na kaibigan ni Remy na suki niya rin sa patahian. Si Joan ay galling sa Amerika at kinatawang tagapagmasid sa kalagayan ng pagsasaka at ng mga mambubukid. Nang si Joan ay makatanggap ng paanyaya mula sa isang samahang pambayan upang dumalaw sa isang model village ay isinama si Remy at doon ay nagtalumpati siya sa wikang Tagalog. g. Lody Isang kaibigan ni Remy na humiram ng sasakyan para sa kampanya ng kandidato nila sa Press Club. Isinama niya si Remy sa halalan upang suportahan ang kanilang kandidato, ngunit hindi rin ito nanalo. Ang itinuturong kadahilanan ni Lody sa pagkatalo ng kanilang kandidato ay ang hindi nila paggastos sa kampanya at ang pagtitiwala lang nila sa pinag-aralan at talino ng kanilang kandidato. C. Buod Ang mag-asawang Tinoy at Remy ay tila namomroblema sa kanilang buhay dahil tila naghihirap na sila. Dahil dito ay napagpasiyahan nila na mag-umpisa ng negosyo si Remy sa pagtatahi, at si Tinoy naman na isang kawani ay tapusin ang kanyang pag-aaral upang mas makaginhawa sila sa buhay. Minsa'y napansin ni Remy and isang panyolito sa loob ng isang librong dinala ni Tinoy galing sa paaralan, at nagselos siya dahil dito. Nagpaliwanag naman si Tinoy, at lumabas na ang ilbro'y hiniram niya kay Misis Esteban na kaklase ni Tinoy, at naiwan lamang ang kanyang panyolitong nakaipit sa kanyang libro. Isang araw ay ibinalita ni Tinoy kay Remy na maaari itong magkaroon ng promotion, nguni't sa kalauna'y nalaman niya rin na may nauna na sa pwestong nabakante sa kanilang kumpanya. D. Mga Tunggalian Tao laban sa tao Kapansin-pansin ang tila namumuong pag-aaway sa pagitan ng mga Cruz at ng Pamilyang Rubio. Nagsimula lamang ito sa pagkakakita ni Remy sa pinapagawang bahay ng mga Rubio at 'di nagtagal ay napag-usapan na ang mga katangian nilang hindi magaganda tulad ng pagiging mayabang. Napansin ito ni Petra at ni Remy dahil palaging nagpaparinig si Misis Rubio sa tapat ng kanilang bahay sa mga bilin nito sa kanilang katulong.

Tao laban sa sarili Makikita ang tunggaliang ito sa mag-asawang Tinoy at Remy nang mapagpasyahan nilang magpatuloy sa kanyang pag-aaral si Tinoy. Ito ay isang pagpapakita ng tunggalian laban sa sarili dahil nakikita rito ang E. Simbolismo 1. Remy Si Remy ay isang ulirang ina sa kanyang mga anak na sina Baby at June. Siya ay isang mapagmahal na asawa kay Tinoy, at siya rin ay isang babaeng inaalala ang kapakanan ng kanyang pamilya. Makikita sa kanya ang isang tunay na Pilipina, sapagka't makikita sa kanya ang pagiging mahinhin at maalalahanin. 2. Purita Si Purita ay siyang kumakatawan sa Feminismo sa nobela; siya ang nagpapakita na ang mga kababaihan din ay kayang umasenso sa buhay tulad ni Purita na may pinag-aralan at naging matagumpay sa buhay. 3. Tata Ponso Si Tata Ponso ang nagpakita ng isa sa mga pinakamagandang katangian ng mga Pilipino: ang bayanihan. Nang gawin niya at ng mga kasama niya ang bahay ng mag-asawang Cruz ay siya ang tumulong dito na walang hinihinging kapalit 4. Mag-asawang Ismael at Arsenia Ang mag-asawang ito ang siyang nag-imbita kina Tinoy at Remy na kumain sa kanilang bahay. Mapapansin ang mababang tingin ni Isamael sa pagkaing Pilipino, at gayon din sa wikang pambansa. 5. Pamilyang Rubio Ang pamilyang ito ang kumakatawan sa kawalan ng pagkakunento sa sarili. Ang mga taong tulad ng mga Rubio ay ang mga taong labis kung mainggit, at labis din kung mang-inggit. Ang mga katangiang ito ng pamilya Rubio ay makikita sa kabanatang Hiram na Pakpak. Hindi nila pinapansin kung sila'y naghihirap na o baon na sa utang, basta't ang mahalaga para sa kanila'y magkaroon kung anong meron ang mga Perez. 6. Nonoy Si Nonoy ay kumakatawan sa mga taong sa kabila ng karangyaan ay nagpapakita pa rin ng kababaang loob. Sa kabila ng kanilang yaman ay nanatili siyang magalang, at kanya pa ring pinagtrabahuhan ang lahat ng kanyang mga pangangailangan. 7. Petra Si Petra ay sumisimbolo sa lahat ng ating mga kaibigan na palaging nariyan upang tayo ay tulungan. Maaaring ang mga taong ito ay hindi natin napapansin, nguni't suika ang nagbibigay F. Natatanging Sipi Yon na nga ang nakahihiya! Isipin ko lang na gustong magreyna ay nanghihingi ng boto . . . saan ba papunta ang ating kababaihan ngayon? -Remy E, hindi ba't sinabi ko na rin sa'yo minsan . . . masyadong ginagawang nene ang asawa niya. Sa halip na siya ang pagsilbihan dahil siya ang lalaki, siya ang nagsisilbi sa bahay. Kung hindi nga lang at naawa ako at baka kung nakabukod na'y lalong maging kawawa ang katayuan ng kapatid mo . . . -Aling Tale

bumagsak!

Tama nga, pero kung para makipagtayugan lang ng lipad . . . baka sabay silang -Remy

Oo nga, Dear! Talagang nangungusap ang salapi, ano? At siya ring nagbibigay ng bai-baitang na kalagayan ng tao sa buhay . . . -Remy Dapat tayong matuwa, Rem, at nagkukuwento pa sila, ibig sabihin ay wala pang gustong ipaglihim! -Tinoy No'ng araw 'yon . . . no'ng hindi pa corrupted ang mga peryodista na lumalaban sa corruption! Ngayon . . . may alam ako na mga kandidato na ang lumalapit sa mga mayayamang pulitiko at negosyante at humihingi ng tulong na salapi. At siyempre, may kasunduan na 'yon. At kung ikaw ang professional politician, susugal ka na rin, hindi ba? Matipid 'yon kaysa bumayad sa isang ahensiya ng pubilc relations. At isipin mo ang impluwensiya ng peryodiko! -Lody Kung ako nga, titiwalag na ako. Lagi na lang api ang Tagalog. Lagi na lang nakikiangkas sa Inggles. Parang talaba, e . . . kailangang kumapit para mabuhay . . . kahit sa bulok na putol ng kahoy . . . -Remy G. Teoryang Pampanitikan H. Paglalarawan

You might also like