You are on page 1of 1

Graciano Lopez Jaena - (1856 - 1896)

Talambuhay Isinilang si Graciano Lopez Jaena sa Jaro, Iloilo, noong Disyembre 17, 1856 Noong 1870, nag-aral siya ng Teyolohiya at Pilosopya sa seminaryo ng San Vicente. Hangad ni Graciano na maging manggagamot Tinangka niyang pumasok sa Universidad de Santo Tomas sa Manila subalit tinanggihan siya sapagkat hindi siya nakatapos ng Bachiller en Artes Nagsilbi siya bilang turuan or apprentice ng mga manggagamot sa ospital ng San Juan de Dios. Bumalik siya sa Iloilo dahil hirap din ang mga magulang niya para matustusan ang pagaaral niya. Ginamit niya kung ano na lamang ang natutunan upang manggamot sa mga barrio at baranggay sa pali-paligid. Nuong 1874, nang 18 taon gulang siya, nakainitan na siya ng mga frayle dahil sa sinulat niyang Fray Botod, prayleng bundat na matakaw at mahilig sa babae. Sabi niya na "Lagi nang banggit ang Dios at Mahal na Birhen samantalang panay ang daya at pagsamantala sa mga tao. Tumakas siya sa Espanya nang makatanggap ng babala na papatayin siya ng mga frayle Noong Pebrero 15, 1889, inilunsad nila sa Barcelona ang pahayagang "La Solidaridad". Kilala siyang Prinsipe ng mga Orador Sa Madrid, Espanya isa siyang aktibong miyembro ng Circula Hispano Pilipino na samahan ng mga Pilipino at Kastila na nakikisimpatya sa mga propagandista Bumalik siya sa Pilipinas sa payo ni Jose Rizal upang madagdagan ang pondo ng La Solidaridad ngunit napagalaman ng mga Kastila na nagbalik siya ng bansa kaya agad siyang sumakay ng bapor papuntang Hongkong Pagbalik niya sa Madrid ay naghirap siya nang husto Namatay si Lopez-Jaena sa sakit na tuberculosis sa edad na 40 sa Madrid, Espanya

FRAY BOTOD

You might also like