You are on page 1of 15

Edukasyon sa Pagpapahalaga I Ikalawang Markahan Modyul 6: LIKAS NA BATAS MORAL

SIYASATIN AT TUKLASIN ANG IYONG PAG-UNAWA (EXPLORE)


Mahalaga ba sa iyo ang iyong kaligtasan? Paano mo tinatanggap ang pagbabawal, pag-uutos, pagpapaalala saiyo ng iyong mga magulang at iba pang may awtoridad? May kaugnayan kaya ang mga ito sa iyong kaligtasan? Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang kahalagahan ng isang bagay na makatutulong sa iyo hindi lang upang maging malayo sa panganib kundi ang maging isang mabuting indibiduwal. Handa ka na ba upang tuklasin ito?

Sa modyul na ito, inaasahang: a. masasagot mo ang tanong na: Bakit natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral? b. maisasagawa mo ang paglalapat ng wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos. Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput mo sa titik b: a. nakagawa ng tsart ng mga Mukha ng mga Pasya at Kilos Ko b. May lima o higit pang pasya at kilos sa bawat araw c. Kaangkupan ng mukha sa pasya o kilos batay sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral d. May entry ang kolum ng bawat araw sa loob ng isang lingo e. Nailahad nang malinaw ang ginawang pasya at kilos f. Malikhain at malinis ang pagkakagawa ng mga mukha ng mga pasya at kilos ko

Paunang Pagtataya:
Pagmasdan mo ang larawan sa ibaba, pamilyar ba saiyo ang kuwento kaugnay nito? Ang larawang ito ay nakakabit sa anekdotang ikwinento ng ina ng ating bayaning si Dr. Jose Rizal na si Donya Teodora nang minsang binabasahan siya ng kanyang ina subalit hindi siya nakikinig dahil nakapako ang kanyang paningin sa apoy ng lampara. Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 1

Gamu-gamo sa Lampara

Kwento ng Gamu-gamo sa Lampara: Pinagsabihan ng inang gamu-gamo ang kanyang anak na huwag lumapit sa apoy ng lampara para hindi siya masunog ngunit hindi nakinig ang anak. Siya ay lumipad at naglaro malapit sa apoy ng lampara at walang anu-ano ay nahagip siya ng apoy at namatay. Kung nakinig sana ang anak sa kanyang ina, sana ay hindi siya napahamak.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno: 1. Ano ang sinabi ng inang gamu-gamo sa kanyang anak? ________________________________________________________________ 2. Bakit pinaalalahanan ng ina ang anak? ________________________________________________________________ Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 2

3. Paano ito tinanggap ng anak? ________________________________________________________________ 4. Ano ang naging epekto ng pagbabalewala ng anak sa sinabi ng ina ? ________________________________________________________________ 5. Saan maaaring ihalintulad ang paalalang ito?Ipaliwanag ________________________________________________________________

PAGTUKLAS Sa buhay mo bilang isang nagdadalaga/nagbibinata, lagi mong naririnig ang mga pagpapaalala mula sa iyong magulang o maging sa mga taong nakatatanda sa iyo. Minsan ito ay nasa anyong pag-uutos o kayay pagbabawal , sa iba pang pakahulugan ito ay maaaring tawaging batas. Naitanong mo na ba kung bakit ibinibigay ito saiyo? Muli mong balikan ang kwento ng gamu-gamo sa lampara. Suriin ang kahulugan nito at pununan ang puwang sa bawat kahon upang mabuo ang diwa nito.

Ang apoy ng lampara ay ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________

Kapag nadikit ang isang bagay sa apoy katulad na gamugamo ay __________ _________________ _________________ _________________ _________________ _________________ _________________ _________________ _________________ __

Katulad sa gamugamo ako ay maaaring _______ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ ___

Natuklasan kong ____________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________

Open High School Program, EP I Modyul 6

Page 3

LINANGIN ANG IYONG PAG-UNAWA (FIRM UP)


Ano ang pinagbabatayan ng pasya at kilos ng tao? Ano ang epekto kapag nasusunod ang batayang ito? Mahalagang maunawaan mo na ang kilos ng tao ay ginagabayan ng batas upang gawin niya ang mabuti at iwasan ang masama. Tinatawag itong Likas na Batas Moral ( natural moral law). Lubos mong maiintindihan ang batas na ito habang nagpapatuloy ka sa pag-aaral ng modyul na ito. Sa bahaging ito, gagawin mo ang Mga Mukha ng mga Pasya at Kilos Ko. Makatutulong ito upang matukoy ang iyong damdamin kapag gumagawa ka nang ayon sa batas o taliwas dito. Mahalagang mataya mo ito upang matukoy kung kailangang ituwid ang iyong paniniwala o pananaw ukol dito. Sundin ang Panuto: 1. Gunitain ang mga ginawa mong pasya o kilos sa isang araw. Halimbawa: Sinunod ko ang payo ni Inay kahit taliwas ito sa nais kong gawin. 2. Isulat ang dalawang pasya o kilos mo sa bawat araw sa unang kolum sa tsart ng Mga Mukha ng mga Pasya at Kilos Ko sa ibaba. Gabay mo ang halimbawa. 3. Sa ikalawang kolum, iguhit ang angkop na mukha batay sa ginawa mong pasya o kilos. Sundin ang nasa ibaba: Masaya kung sinunod ang Likas na Batas Moral Malungkot kung hindi sinunod ang Likas na Batas Moral 4. Sa ikatlong kolum, isulat ang kabutihan ng pagsunod sa batas. 5. Gawin ang paglilistang ito araw-araw sa loob ng isang linggo.

Open High School Program, EP I Modyul 6

Page 4

Mga Mukha ng mga Pasya at Kilos Ko


Araw Lunes Pasya o Kilos 1. Sinunod ko ang payo ni Inay kahit taliwas ito sa nais kong gawin. Mukha ng Pasya o Kilos Ang Kabutihan ng Pagsunod sa Batas Ang pagsunod sa magulang ay paraan ng pagpapakita ng paggalang at pagmamahal sa kanila.

2. Martes 1. 2. Miyerkules 1. 2. Huwebes 1. 2. Biyernes 1. 2. Sabado 1. 2. Linggo 1. 2.

Kamusta, nagustuhan mo ba ang gawain? Ngayon, kunin ang journal at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Open High School Program, EP I Modyul 6

Page 5

1. Ano ang iyong natuklasan sa ginawa mong pagsusuri sa iyong mga kilos at pasya? 2. Masaya ka ba kung ginagawa mo ang mabuti? Pangatwiranan. 3. Malungkot ka ba kung ginagawa mo ang masama? Pangatwiranan.

Ngayon, kunin mo ang iyong kwaderno at tapusin ang mga di tapos na pangungusap sa ibaba:

Ang Likas na Batas Moral ay

Ang batas na ito ay makatutulong sa akin upang ----------------------------------------------------------------

----------------------

a. Bakit natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral?

PALALIMIN ANG IYONG PAG-UNAWA (DEEPEN)

Narito ang inihandang babasahin para sa iyo upang lalo pang mapalalim ang iyong pag-unawa tungkol sa batas, higit sa lahat ang Likas na Batas Moral. Sa tulong ng babasahing ito mauunawaan mo ang katangian ng nabanggit na batas at ano ang kahalagahan nito sa iyong pagpapakatao. Matutulungan ka rin nito upang ganap na mahinuha ang Kakailanganing Pag-unawa (EU) tungkol sa paksa.

Open High School Program, EP I Modyul 6

Page 6

LIKAS na BATAS MORAL: Gabay sa Kilos at Asal

Paano mo malalaman kung ang isang bagay ay mabuti o masama? Ano ang sukatan o pamantayan sa pagkilala kung ano ang makabubuti o makasasama? Higit sa ano pa mang bagay na kailangang sukatin ay ang mismong kilos ng tao. Kailangan ito, sapagkat ang mabuti o masamang kilos ang nagpapabuti o nagpapasama sa tao. Ang tao ay nangangailangan ng gabay na makatutulong sa kanya sa pang-araw-araw na pagpapasya. Ito ang kanyang kakapitan upang makatiyak na ang kanyang gagawing kilos ay wasto at mabuti. Ayon kay Quito (2008), ang pamantayang gagamitin ay kailangang simple at totoo para sa lahat (obhektibo) upang madaling maunawaan ng lahat. Ang gabay o pamantayan na ito ay tinatawag na batas. Ang tao ay may kalayaan ang kakayahang magtakda ng layunin para sa sariling buhay at gumawa upang makamit ito. Dahil sa kalayaang ito, ang tao ay may kakayahang magpasya na kumilos o di kumilos at siya ay may kakayahang pumili. Kung kayat ang kanyang kilos at pagpapasya ay dumadaan sa proseso ng pag-iisip. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang batas. Ito ang nagbibigay ng hangganan sa kilos ng tao. Ito ang nag-uutos, nagbabawal at nagpapahintulot. Mahalaga ito upang isaalang-alang hindi lamang ang makabubuti sa sarili kundi upang makamit ang kabutihang panlahat. Dahil sa batas, nagkakaroon ng direksyon ang kilos ng tao. Ang isip ng tao ay nagsasabing nagaganap ang mga pangyayari sa mundo nang may dahilan. Sinasabi rin nito na ang isang bagay ay may pinagmulan at kabilang dito ang batas. Saan nagmumula ang batas? Ano ang dahilan ng pagkakaroon nito? Ang batas ay galing sa salitang Latin na lex na nangangahulugang bigkis, tali o buklod. Ito ay may apat na elemento ayon kay Santo Tomas:

Open High School Program, EP I Modyul 6

Page 7

1. Pagsusukat ng kilos (Ito ay pagbabawal, pag-uutos at pagpapahintulot.) 2. Pinag-isipan (Ito ay makatwiran.) 3. Pinapalaganap (Ito ay pinaalam sa kinauukulan at may awtoridad o may
pwersa na ipatupad.)

4. Para sa kabutihang panlahat (Ito ang layunin ng batas.)


Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Ito ay sa dahilang nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang tao ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama. Dahil sa kalayaan, ang tao ay may kakayahang gumawa ng mabuti o masama. Nakaugat ito sa kanyang malayang kilos-loob dahil ang pagtungo sa kabutihan o sa kasamaan ay may kamalayan at kalayaan. Hindi kailangan ng isang tao na pumasok sa paaralan upang matutuhan o malaman ang batas na ito. Nakaukit ito sa pagkatao ng isang indibidwal kayat ang unang prinsipyo nito ay : Likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama. Ang tao ang natatanging nilalang na nararapat tumanggap ng batas mula sa Diyos. Ito ay dahil kailangan niyang pamahalaan ang kanyang kilos sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kanyang kalayaan at kilos-loob. .Ang Likas na Batas Moral ay likas sa tao dahil sa kanyang kalayaan. K ayat ang walang kalayaan ay di sakop ng batas na ito. Nakasaad sa batas na ito ang dapat gawin at di dapat gawin ng tao; kayat ito ang gumagabay sa kilos ng tao. Layon ng batas-moral na pagkalooban ang tao ng kinakailangang batayan upang makagawa siya ng tamang pasya at kilos. Higit sa lahat, layunin ng batas na ito ang kabutihan ng tao. Ang tao ang iisang nilikha na maaaring gumawa ng masama: ang sumira ng kapwa at sumira ng kanyang sarili. Ito ang dahilan kung bakit ipinagkaloob ang Likas na Batas Moral. Maiiwasang gawin ng tao ang masama kung susundin niya ang batas na ito. na mabisang ipinahayag sa Sampong Utos Mga Katangian ng Likas na Batas Moral

a. Obhektibo Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan. Ito ay


nagmula sa mismong katotohanan ang Diyos. Ang katotohanan ay hindi nililikha; kaya hindi ito imbensyon ng tao. Ito ay natutuklasan lamang ng tao. Pangkalahatang katotohanan ito na may makatwirang pundasyon. Naaayon sa reyalidad ito at hindi nakabatay sa tao. Hindi ito naiimpluwensyahan ng anumang bagay lalo na ng pagtingin ng tao dito. Palagi itong umiiral dahil hindi ito naaapektuhan, kilalanin man ito ng tao o hindi.

b. Pangkalahatan (Unibersal) Dahil ang Likas na Batas Moral ay para sa tao, sinasaklaw
nito ang lahat ng tao. Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa

Open High School Program, EP I Modyul 6

Page 8

lahat ng pagkakataon. Ito ay dahil nakaukit ito sa kalikasan ng tao; kayat ito ay nauunawaan ng lahat at ito ay katanggap-tanggap sa lahat ng tao. Walang Hanggan (Eternal) Ito ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas na ito ay walang hanggan, walang katapusan at walang kamatayan dahil ito ay permanente. Ang kalikasan ng tao ay permanente kayat ang batas na sumasaklaw sa kanya ay permanente rin. Ito ay totoo kahit saan at kahit kailan.

c. Di-nagbabago (Immutable) Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi
nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man). Maging ang layon ng tao sa mundo ay hindi nagbabago. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura, ang Likas na Batas Moral ang nagbibigkis sa lahat ng tao. Ito rin ang nagpapatupad ng iisang alituntunin para sa lahat. Sa kabuan, ang Likas na Batas Moral ay obhektibo, pangkalahatan, hindi nagbabago at totoo kahit saan at kahit kailan. Ito ay dahil ang taong sinasakop nito ay may kalikasang hindi nagbabago, anumang pagkakataon at saan man siya naroroon. Layunin ng Likas na Batas Moral ang ikabubuti ng lahat ng tao sa kanyangpagpapakatao. Hindi para sa kabutihan ng indibidwal lamang ang batas na ito kundi para sa lahat ng tao. Hindi ako uunlad sa pagkatao kung para sa sariling kabutihan lamang ang pagkilos ko. Sa iyo kabataan, may paggalang ka ba sa batas kahit pa minsan ito ay hadlang sa mga bagay na nais mong gawin?

Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong upang ipahayag ang iyong naunawaan mula sa babasahin. Isulat ang iyong mga sagot sa iyong kuwaderno.

1. Saan dapat ibatay ng tao ang kanyang gagawing pagpapasya at pagkilos? Pangatwiranan? ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________

Open High School Program, EP I Modyul 6

Page 9

2. Bakit natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral? ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ PAGHINUHA NG KAKAILANGANING PAG-UNAWA (EU)

Sundin ang payo ng mga magulang Halimbawa ng mga mabuting kilos

na dapat mong gawin

Gawin ang takdangaralin at mga proyektong nakatakda sa tamang oras.

Sundin ang mga alituntunin na ipinatutupad ng pamayanan.

Kamalayan

Kalayaan

Likas na Batas Moral

kabutihan

Pag-imbento ng dahilan para payagang lumabas ng bahay upang makapaglaro ng computer games.

Pagti-text habang nagtuturo ang guro. Halimbawa ng masamang kilos na dapat mong iwasan.
Pagpapakawala ng aming aso tuwing umaga upang dumumi sa kalsada.

Open High School Program, EP I Modyul 6

Page 10

PAGSASABUHAY NG PAG-UNAWA (TRANSFER)


Naging malinaw ba sa iyo ang konsepto ng Likas na Batas Moral mula sa babasahin? Hangad kong naunawaan mo nang lubos ang kahalagahan ng batas na ito saiyo bilang gabay sa iyong pang-araw-araw na buhay. Sa bahaging ito ng aralin, inaasahan na matutulungan ka upang ipamuhay ang nakasaad sa Likas ng Batas Moral at mapatatag ang pagsasabuhay ng batas na ito.

PAGGANAP
Panuto: Gamit ang tsart sa ibaba, isulat mo sa unang hanay ang mga natutuhan mo tungkol sa Likas na Batas Moral. Isulat naman sa ikalawang hanay ang mga maitutulong ng Likas na Batas Moral sa pag-unlad ng iyong pagkatao.Sundan mo ang naunang halimbawa.

Mga Natutuhan Tungkol sa Likas na Batas Moral

Mga Maitutulong ng Likas na Batas Moral sa Pag-unlad ng Pagkatao

Halimbawa: Ito ay nakaukit sa pagkatao ng tao. 1. _____________________________ 2. _____________________________ 3. _____________________________ 4. _____________________________ 5. _____________________________

Halimbawa: Magagabayan ako nito sa paggawa ng mabuti. 1. ______________________________ 2. ______________________________ 3. ______________________________ 4. ______________________________ 5. ______________________________

Open High School Program, EP I Modyul 6

Page 11

PAGNINILAY
Ano ba ang kahalagahan ng Likas ng Batas Moral sa iyo? Ano ang naidudulot kapag ito ay sinusunod mo? Ano naman ang epekto kapag ito ay sinusuway mo? May paraan ba upang mapaunlad ang iyong pagsunod sa batas na ito? Mahalagang pagnilayanan ang mga sagot sa tanong na ito upang mabigyang halaga ang pagpili mo sa paggawa ng mabuti at iwasan ang paggawa ng masama.Isulat ang iyong sagot sa mga katanungang ito sa iyong journal.

Mga natuklasan ko tungkol sa Likas na Batas Moral

Anong mga kondisyon na nasusunod ko ang Likas na Batas Moral?

Mga dahilan ko ng hindi pagsunod sa Likas na Batas na Moral?

Paano ko mapauunlad ang pagsunod ko sa Likas na Batas Moral?

PAGSASABUHAY
Ang tamang sukatan ng pagkatuto at pagkaunawa ng isang mag-aaral ay kung nailalapat niya sa pang-araw-araw na buhay ang kanyang natutuhan. Sa ganitong paraan Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 12

makikita ang unti-unting pag-unlad ng pagkatao ng isang indibiduwal. Ikaw ay hinihikayat na gawin ang gawain sa bahaging ito.

Panuto:

Mula sa sagot mo sa Worksheet na Mga Mukha ng mga Pasya at Kilos Ko, baguhin mo ang mga mukhang malulungkot sa nagdaang linggo. Nangangahulugan ito ng pagbabago ng iyong pasya at kilos tungo sa paggawa ng mabuti. Maaaring tularan ang halimbawa sa ibaba.

Mga Mukha ng mga Pasya at Kilos Ko


Araw Lunes Pasya o Kilos 1. Sinunod ko ang payo ni Inay kahit taliwas ito sa nais kong gawin. Mukha ng Pasya o Kilos Ang Kabutihan ng Pagsunod sa Batas Ang pagsunod sa magulang ay paraan ng pagpapakita ng paggalang at pagmamahal sa kanila.

2. Martes Halimbawa: 1. Malungkot dahil sinagot ko


nang pabalang ang aking ina nang pinagsabihan niya ako tungkol sa pag-uwi ko nang gabi na.

Ang pagsagot ng pabalang sa mga magulang ay nagpapakita ng kawalanggalang.

2.

Open High School Program, EP I Modyul 6

Page 13

Sa susunod na linggo: Araw Lunes Pasya o Kilos 1. Masaya dahil naihingi ko ng


tawad ang ginawa kong pagsagot sa aking ina noong nakaraang linggo.

Mukha ng Pasya o Kilos

Ang Kabutihan ng Pagsunod sa Batas Ang pag-amin ng maling ginawa ay paggalang sa katotohanan.

2.

Muli binabati kita sa pagtatapos mo ng modyul na ito! Hangad ko ang iyong lubos na pag-unawa sa konsepto ng Likas na Batas Moral. Hangad ko rin ang katatagan mo upang panindigan ang pagsunod sa batas na ito sa bawat pagkakataon ang piliing gawin ang mabuti. Ngayon, handa ka na upang pag-aralan ang susunod na modyul!

Mga Sanggunian
Agapay, Ramon B. (1991) Ethics and the Filipino:A Manual on Morals for Students and Educators. Mandaluyong City. National Bookstore Esteban, Esther J.(1990). Education in Values:What, Why and for Whom. Manila:Sinag-tala Publishers, Inc. Institute for Development Education Center for Research and Communication(1992) Perspective: Current Issues in Values Education 4 Manila:Sinag-tala Publisher Quito, Emerita S. (2008). Fundamentals of Ethics. Manila: C & E Publishing Inc. Kawanihan ng Edukasyon Sekundarya, Kagawaran ng Edukasyon. 2010. Gabay sa Pagtuturo sa EP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon Sekundarya (SEC) Pasig City: Awtor Conscience (n.d.) hinango noong November 21, 2009 from http://www.newworldencyclopedia.org/entry/Conscience Conscience (n.d.) hinango noong November 24, 2009 from www.gospelped/ar.com/articles/christian%20Life/moralaw.html

Open High School Program, EP I Modyul 6

Page 14

Conscience (n.d.) Retrieved November 24, 2009 http://www.rosmini-inenglish.org/Conscience/Book_1/CS_Bk01Ch02.htm http//gamugamoi100.multiply.com/journal/item/kuwento_ng_Gamu-gamo_sa_Lampara hinango noong May 201, 2011 Mga larawan, hinango sa: Http://unicohija.blogspot.com, May 20, 2011 http://journalsandpapersblog.com, May 19, 2011 http://depositphotos.com, May 19, 2011 http://www.clipartpal.com/clipart_pd/education/openbook1.htm/ , May 17, 2011 http://www.skateboardinguniversity.com My Personal Notebook Secrets, May 17, 2011

Open High School Program, EP I Modyul 6

Page 15

You might also like