You are on page 1of 2

T

uloy pa rin ang laban ng mga guro na naghain ng kasong labor


trafcking laban kay Isidro L. Rodriguez.
HUSTISYA PARA SA MGA GURONG BIKTIMA NG LABOR TRAFFICKING!
TRABAHONG MAY NAKABUBUHAY NA SAHOD SA PINAS, HINDI SA LABAS!
Sa pakikitungo sa mga aplikante, titiyakin ng
lokal na ahensya na magbabayad ng pauna
(deposit) ang mga guro, at kung pwede pa nga
ay sumingil ng pinakamalaking halaga. Tina-
tawag na processing fee, nagkakahalaga ito
ng USD$6,500. Subalit ito na rin ang point of no
return para sa mga aplikante; hindi na maka-
kaatras dahil nakabayad na nang malaki.
Para hindi mabuking o hindi magduda ang mga
aplikante, papapaniwalain sila na isinumite
na ng ahensya ang kanilang mga papeles at
umuusad na ang kanilang aplikasyon. Mayroon
pa ngang mga pagpupulong at seminar, pag-
update ng kung anu-anong mga kunwaring
proseso, pagtatakda ng pakikipagpulong daw
sa mga employer kuno, at kung kinakailangan,
magsasampol ng mga gurong palalabasin ng
bansa. Sa ganitong paraan, umaasa ang mga
aplikante, napananatili ang modus, at dadami
pa ang mabibiktima. Syempre, lalaki lalo ang
kikitain ng sindikato dahil tuluy-tuloy pa ang
mga bayarin, mapipigilan ang pagreklamo ng
mga aplikante at maiiwasan ang kriminal na
pananagutan ng ahensya. Sa madaling salita,
napananatiling ligal ang isang iligal na gawain.
At sa bahagi ng mga biktimang nananatili dito
sa Pilipinas, wala na silang mapagpilian kundi
patuloy na magbayad at umasa.
Ang modus na katulad nito ay hindi maisa-
sagawa nina Rodriguez nang walang tulong o
kakuntsaba sa mga ahensyang tulad ng POEA,
US Embassy, Immigration, at iba pa, at kung
wala silang koneksyon sa paralegal services na
nagpoproseso ng pag-alis.
Para naman sa mga gurong nakarating ng US,
hindi American Dream kundi pasakit ang in-
abutan nila. Pagdating nila doon, walang mga
trabahong naghihintay sa kanila. Napipilitan
silang mamasukan sa kung anu-anong mga tra-
baho at halos mamalimos na. Dahil bogus ang
trabaho at kanilang mga papeles, lahat sila ay
undocumented. . Gustuhin man, hindi na sila
makababalik ng bansa dahil baon na sa utang,
at tinatakot pa ni Rodriguez na ipapa-deport
kung sakaling sila ay magsumbong sa mga aw-
toridad. Sila man, tulad ng mga gurong nanana-
tili sa Pilipinas, ay nagsampa na rin ng kasong
trafcking laban kay Rodriguez.
Malinaw ang mga elemento ng trafcking sa
kasong ito ng mga biktimang guro:
1. Ang elemento ng recruitment, transporta-
tion, transfer, harboring or receipt of persons.
Sabihin pa mang sila ay kusang nag-apply ng
trabaho sa Renaissance Stafng, sila ay aktibong
nirekluta at lubusang kinumbinsi nina Rodriguez
na pumaloob sa gawa-gawang mga proseso. La-
hat ng mga diumanoy paghahanda para maka-
punta sa US ay nakadisenyo bilang isang recruit-
ment at deception strategy para makapaningil
ng malaking halaga sa mga biktima.
2. Ang elemento ng fraud, deception and abuse
of power or of a position of vulnerability. Ang
pagrekluta nina Rodriguez ay sadyang nakadis-
enyo para sa panloloko, panlilinlang at pagsasa-
mantala sa kahinaan ng mga desperado at bul-
nerableng mga guro. Sistematiko at planado ang
kanilang iskema. Nakalatag sa kada hakbang/
baytang ng buong proseso ng recruitment ang
panloloko at paghingi ng dagdag-bayarin mula
sa mga guro. Alam nina Rodriguez na sa unang
deposit pa lang ay point of no return na para sa
mga guro. Pinaniwala ang mga ito na sila Rodri-
guez lamang ang mga taong maaaring mag-
salba sa kanila sa pagkakautang. Alam nilang
ang mga guro ay bulnerable at ito ang kanilang
sinamantala.
3. Ang elemento ng for the purpose of exploi-
tation. Malinaw nang nakalatag ang modus sa
umpisa pa lamang. Ang pagrekluta sa mga guro
ay hindi para sa trabaho (employment) kundi
para sa pagsasamantala (exploitation). Kung
nagkataong natuloy makaalis ang
hindi bababa sa 200 guro papun-
tang US, walang kaibahan o mara-
hil ay mas masahol pa sa sinapit
ng mga gurong nasa US na ang
kanilang kasasapitan. Kaya si Ro-
driguez ay hindi lamang simpleng
illegal recruiter kundi trafcker din!
Gayunman, sa kabila ng may batas
laban sa trafcking (RA 10364 o Ex-
panded Anti-Trafcking in Persons
Act of 2012), dumadaan ang mga
biktima sa butas ng karayom para
makapagtamo ng hustisya.
Si Rodriguez ay may-ari ng isang recruitment
agency, Renaissance Stafng Support Center
(dating Great Provider). Mula 2004 ay nagrer-
ekluta na siya ng mga mabibiktimang guro,
na karamihan ay kababaihan, na nagnanais
tumungo sa ibang bansa para doon magturo.
Pinangakuan sila ng mga gawa-gawang trabaho
(teaching jobs) sa ibat ibang mga estado sa US,
at bawat gurong mabiktima ay pinagbayad ng
daang libong piso.
Sa kasalukuyan, hindi bababa sa 200 guro ang
nabiktima ni Rodriguez. Nananatili pa ang karami-
han sa Pilipinas, habang higit 50 naman ang nasa
US. Lahat sila ay naghabla ng kaso kay Rodriguez
at nanawagan ng hustisya, lalupat pinalaya ka-
makailan lang ng Makati Regional Trial Court si
Rodriguez mula sa pagkakadetine nito.
Batay sa mga karanasan ng mga guro, ganito
ang modus ng operasyon ni Rodriguez at mga
kasapakat nito:
Itatayo ang isang lisensyadong recruitment
agency tulad ng Great Provider at Renaissance
Stafng para magrekluta at magproseso ng mga
aplikasyon ng mga biktima. Iuugnay ang lokal
na ahensya sa isang foreign agency sa US, na
itinayo o di kayay kontrolado rin ng may-ari o
nagpapatakbo ng counterpart nito sa Pilipinas.
Magpapakilala itong may koneksyon sa mga
employer at eskwelahan sa Washington, DC o iba
pang bahagi ng US.
Ang lokal na ahensya ay tinitiyak na lehitimo,
may open advertisement sa Internet at sisikap-
ing mapanatili ang good standing nito sa Phil-
ippine Overseas Employment Administration o
POEA. Mabuko man o makansela ang lisensya
nito dahil sa mga nagrereklamo, magtatayo
lamang ng bagong lokal na ahensya ang mga
may-ari nito, na patatakbuhin pa rin ng mga
parehong mga tao o grupo.
Kalakhan sa mga gurong nabiktima ni Rodri-
guez ay nagtuturo sa mga pampubliko o di
kayay maliliit na pribadong eskwelahan. Kung
tutuusiy mayroon sana silang regular na in-
come at seguridad sa trabaho. Gayunpaman,
pinili nilang makipagsapalaran at mag-apply
ng trabaho sa ibang bayan, kahit pa ang ka-
tumbas nitoy pangungutang, pagsasanla ng
kanilang mga ari-arian, at paglaoy pagkawalay
sa kanilang mga pamilya. Bakit?
Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT),
nasa P18,549 lang ang sahod ng isang lisensya-
dong guro kada buwan. Malayo ito sa allowance
na natatanggap ng isang high school graduate
na pumapasok sa Philippine Military Academy,
halimbawa, bilang kadete na nasa P21,709 kada
buwan. Sa pag-aaral naman ng Ibon Foundation,
nasa P1,054 kada araw o nasa P31,620 kada bu-
wan ang tinatayang Family Living Wage (FLW)
sa National Capital Region. Kaya naman naitu-
tulak ang mga gurong mangutang, maghanap
ng karagdagang trabaho o di kayay mangibang-
bansa para lamang mapunuan ang kulang.
Samantala, para sa taong 2014, nasa P1.1 trilyon
ang badyet ng pork barrel na direktang nakalaan
kay BS Aquino; habang para sa mga guro sa bansa,
nasa P3.2 bilyon lang ang badyet ng Department
of Budget and Management kada taon para ma-
tugunan ang panukalang dagdag-sahod batay sa
panawagan ng 75% ng mga gurong nasa salary
grade Teacher 1. Pero bingi ang gobyernong BS
Aquino sa kahilingan ng mga guro para sa dag-
dag-sahod at dagdag-badyet para sa edukasyon.
Samantala ito namang si Rodriguez at kanyang
mga kasapakat ay sinamantala ang pagkatao,
dignidad, katahimikan, kapakanan at kinabu-
kasan ng mga guro at kanilang mga pamilya.
Marapat lamang parusahan si Rodriguez, ang
kanyang mga alipores, at ang mga kakuntsaba
niya sa mga ahensya ng gobyerno ng krimeng
trafcking in persons. Nagamit nila ang Ameri-
can Dream para itaguyod nang walang-maliw
ang labor export policy (LEP) ng gobyernong BS
Aquino. At ditoy hindi lamang mga guro ang
apektado kundi ang libu-libo pang mga Pilipino
na lumalabas ng bansa araw-araw.
Bahagi na ang mga guro ng mapapait na kara-
nasang dinaranas ng mga migranteng mang-
gagawang Pilipino.
Mula 2,500 kada araw noong 2010, umakyat na
sa 4,884 kada araw ang bilang ng mga overseas
Filipino worker (OFW) na lumalabas ng bansa.
Hindi totoo ang sinasabi ng gobyerno na marami
na raw mga OFW ang umuuwi dahil gumagan-
da na ang ekonomiya. Ang totoo, maraming
umuuwing OFW dahil biktima sila ng mga
crackdown, mga gerang sibil sa ibang bansa,
kawalang-trabaho at kalamidad.
Halos 30 bansa na ang opisyal na binisita ni BS
Aquino mula 2010. Sa bawat pag-alis ni BS Aqui-
no, bumabalik siyang may bitbit na bagong bukas
na labor marketna pagsisidlan sa OFW. Kaya ang
tanong: Nasaan ngayon ang milyong trabaho at
kabuhayan sa sariling bayan na ipinangako at ipi-
nagmamalaki ng gobyerno? Wala! LABOR EXPORT
O ANG PAGBEBENTA NG MGA MANGGAGAWANG
PILIPINO pa rin ang isa sa mga pangunahing
solusyon ni BS Aquino para isalba ang naghihing-
along ekonomiya. Si BS Aquino, samakatwid, ang
trafcker-in-chief ng ating mga manggagawa,
propesyunal at mamamayan.
Kahit ang sistemang pang-edukasyon ay nakat-
uon na rin sa labor export. Ang iskemang K+12,
na ipinipilit na ipatupad ng gobyerno sa kabila
ng samut saring mga problema at protesta, ay
para maagang ihanda ang mga kabataan sa
pagbebenta ng kanilang murang lakas paggawa
at paramihin pa ang bilang ng mamamayang
Pilipino na ibinebenta sa ibang bansa.
Sa ilalim ng apat na taon ni Aquino,
kasabwat ng mga malalaking kapitalista
at burgesya komprador, lalong lumaki
ang kita ng gobyerno mula sa bawat
migranteng Pilipino na lumalabas ng
bansa. Kaya kahit bulnerable at bantad
sa human trafcking/illegal recruitment
ang mga migrante, bulag-bulagan lang
ang rehimen. Ang mahalagay nakikinabang ito
sa pagluluwas ng lakas-paggawa ng migrant-
eng Pilipino, napananatili ang mga negosyo at
industriya sa rekrutment, mga korporasyong
multinasyonal at ang kanilang mga subsidyaryo
at sub-kontraktor, kasama na ang mga sindikato
ng human/labor/sex at drug-trafcking.
Hanggat nananatiling walang trabaho sa bansa
at hindi nakabubuhay ang suweldo patuloy na
magiging bulnerable ang mga Pilipino, may
pinag-aralan man o wala, sa pagsasamanta-
lang dulot ng LEP. Higit kaysa nakaraan, ang
kailangan ng migrante at mamamayan ay isang
PAMBANSA DEMOKRATIKONG PAGBABAGO na
lilikha ng maraming industriya at pag-unlad sa
agrikultura, nang sa gayoy hindi na mangibang
bayan ang milyun-milyong mamamayan dahil
nakasasapat ang trabaho sa bansa.
Ang ganitong pagbabago rin ang makapagpa-
pauwi sa milyun-milyong OFW para magsilbi
ng kanilang lakas, kakayahan at talino sa saril-
ing bayan. Ngayon higit kailanman, kailangan
ang pagkakaisa at sama-samang pagkilos ng
mga migrante at mamamayan para isulong ang
ganitong pagbabago sa ating bayan At para dito
kailangang ibayong ding tutulan, ilantad at la-
banan ng mga mamamayan ang pagpapahirap
at pambubusabos ng rehimeng BS Aquino.
May paraan pa, bastat tayoy nagkakaisa at
sama-samang nakikibaka. Hindi lamang ang
mga biktimang migrante at kanilang pamilya
kundi kasama ang buong sambayanang Pilipino.
Walang araw na hindi tayo nakikipaglaban para
sa karapatan at kagalingan ng mga migrante at
pamilya, ngunit ang mga itoy kagyat at pansam-
antala, at pabalik-balik din ang mga problema.
Kaya ang higit na mahalagay lutasin mismo ang
ugat ng problema. Hindi na natin kailangang
mangibang-bayan pa kung may trabaho sa ban-
sa na kayang bumuhay ng pamilya. Kung may
pambansang industrialisasyon. Kung may tunay
na reporma sa lupa.
Hindi na natin kailangan pa ang maraming mga
biktima at mga pamilyang naulilat nagdurusa
para sabihin sa ating mga sarili: tama na, sobra
na! Kailangan na natin ng tunay na pagbabago
sa lipunang ito. Hungkag at ilusyon ang matu-
wid na daanni BS Aquino.
HUSTISYA PARA SA LAHAT NG MGA
BIKTIMA NG TRAFFICKING!
BS AQUINO, TRAFFICKER-IN-CHIEF NG
MIGRANTE AT MAMAMAYAN!
ITIGIL ANG ATAKE SA KABUHAYAN AT
KARAPATAN NG MGA MIGRANTE AT PAMILYA!
TRABAHO AT NAKABUBUHAY NA SAHOD
SA SARILING BAYAN, HINDI LABOR
EXPORT PROGRAM!
ISULONG ANG
PAMBANSANG DEMOKRASYA!
Atin na ring suriin kung bakit pati mga guro na may malawak
na kaalaman at respetado sa ating lipunan ay nagiging
bulnerable sa ganitong klase ng mga iskema at panloloko.
MIGRANTE INTERNATIONAL
www.facebook.com/migrantei nternati onal

You might also like