You are on page 1of 1

Bogs, may nangyari ba satin kagabi?

Umarko lang ang kilay nito. You mean, aside from that mind-boggling kiss?
Mind-boggling? Hindi lang. Parang sumabog ang kalawakan dahil sa halik na iyon k
agabi. Hindi na lang niya isinatinig iyon.
Tumango siya. Pagkatapos ay maingat niyang idinagdag, Ibig kong sabihin, ginapang
ba kita?
Natawa naman ito. Hindi ka rin marunong magpasakalye ano? But no. Hindi rin ako n
ananamantala ng babaeng lasing. Although konting-konti na lang ay bibigay na ako
. Ang likot ng kamay mo eh.
Nanlalaki ang mga matang hinarap niya ulit si Bogs.
Grabe! Ganoon ako kalala kagabi?
Hindi na siya magtataka. Last night, through blurry eyes caused by too much alco
hol intake, Bogs seemed like the most gorgeous guy on earth. Huwag nang idagdag
pa na depress-depress-an ang peg niya kagabi.
Mabilis namang itinaas ni Bogs ang kamay. Woah! Niloloko lang kita.
Hindi na ako magtataka. Mukha siguro talaga akong pathetic kagabi. Nanghahalik ba
sta-basta dahil namomroblemang tumandang dalaga --
Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil dumukwang si Bogs at pinitik ang noo n
iya. Napangiwi siya.
Aray ko!
I told you last night that you have to stop underestimating yourself. Pagkatapos a
y tumikhim ito. Bahagyang nalukot ang ilong. At kung nag-aalala ka masyado sa nan
gyari kagabi, mas malaki ang kasalanan ko sayo. I kissed you first, you know. Ako
talaga ang pasimuno ng lahat.
Na-touch siya. Obvious naman na kasalanan niya ang lahat pero inaako ni Bogs. Ang
bait mo naman. Thank you.
And you have this habit of embarrassing people in the most awkward way, natatawang
sabi nito. Lumapad ang ngisi nito. Pero hindi ka siguro dapat nagte-thank you. H
indi ako nagso-sorry na hinalikan ito. Kung mauulit yung nangyari kagabi, ganoon
pa rin siguro tayo mapupunta. Hahalikan pa rin kita sa huli.
Mas nanaig pa ang curiosity niya kaysa sa pagkapahiya. Maybe because since meeti
ng Bogs, she realized, she could talk to him about anything.
Bakit?
Ito naman ang nanlalaki ang mga mata.
Anong bakit? Hindi mo ba alam kung gaano ka kaakit-akit kapag nalalasing ka? It ha
s something to do with the way the lights in your room hovered just a tiny bit a
bove your hair. Lalo lang kumunot ang noo niya. Ikinumpas nito ang kamay. Tila na
hihirapan na itong magpaliwanag. Ah, basta. May mga bagay na mahirap ipaliwanag.
Kumain ka na lang diyan.

You might also like