KASAYSAYAN NG EKONOMIKS BILANG ISANG AGHAM PANLIPUNAN
Ang agham panlipunan ay tumutukoy sa pag-aaral kung paano ang tao ay
nakikisalamuha sa kanyang kapwa tao at pangkat ng mga tao sa lipunan. Hindi ito makaaalis sa maraming isyu na nauukol sa tao at sa lipunan. Ngunit kakaiba sa mga experimental sciences tulad ng Physics, Chemistry at Biology ang agham panlipunan ay hindi makapag-experimento sa tao o sa isang laboratoryo. Ang magagawa ng ekonomiks bilang paggamit ng ekonomik model o teorya. Ito ay isang simpleng kinatawan o representasyon ng tunay na pangyayari sa daigdig na makakatulong upang maunawaan, maipaliwanag at mahulaan ang economic phenomenon sa tunay na pangyayari. IBAT-IBANG KAHULUGAN NG EKONOMIKS SA MGA EKONOMISTA Ayon kay Paul Samuelson Ang ekonomiks ay isang pag-aaral kung paano gagamitin ang mga limitadong pinagkukunang yaman upang makagawa at maipamahagi ang ibat-ibang produkto at serbisyo sa mga tao at ibat-ibang pangkat ng lipunan para sa kasalukuyan at hinaharap. Ayon kay Paul Wonnacott Ang ekonomiks ay isang pag-aaral kung paano ang tao naghahanap-buhay, naghahanap ng pagkain at iba pa ng pangangailangang materyal. Binibigyang pansin ang mga suliraning pangkabuhayan sa pamamagitan ng pamamaraan kung paano malulunasan o mababawasan ang mga ito. Ayon kay Roger Le Roy Miller Ang mga kalagayan na nangangailangan ng kapasayahan kung paano, kailan, at saan gagamit ang sapat na pinagkukunang yaman. Ayon kay Lloyd Reynolds Ito ay ang pag-aaral na may kinalaman sa produksyon, pamamahagi at paggamit ng pinagkukunang yaman. Ayon kay Gerardo Sicat Ayon sa kanya ang ekonomiks ay isang makaagham na pag-aaral na tumutukoy kung paano gumagawa ng pasya ang isang tao o lipunan. Maraming pangangailangan ang mga tao at pangkat ng lipunan at upang matugunan ito, may pinagkukunang yaman na dapat gamitin subalit hindi ito makasasapat sa pangangailangan at ang paggamit ay maaaring sa ngayon at bukas. Kaya naman ang tamang pagpapasya o pagpili ay isinasaalang- alang ang ngayon at bukas. Bukod dito ang paggamit ng likas na yaman ay may kakulangan ngunit may kaukulan na halaga at pakinabang na nangangailangan ng wastong kapasyahan. Ayon kay Clifford James Kabuuan ng nalalaman, bunga ng pakikipag-ugnayan ng tao sa pagnanais na magkakita sa kabuhayan.