Sa pagkabata moy wala kang pinangarap Kundi ang bayan moy sagipin sa hirap, Agawin sa kamay niyong mananakop Na ditoy nagharit nagdulot ng lungkot
Buhay may kapalit, di mo ikinatakot mapawi mo lamang, taglay nilang kirot makawala sa mundong masalimuot sa kamay ng Kastila na syang maydulot.
Bayan may nilisan, at ang mundoy nilibot Bagamat malayoy, bayay di nilimot Pag-aalala sa bansay sa utak nakapulupot Gumawa ng paraan upang dayuhay matakot.
Taglay mong talinoy di ipinag-damot sa mga taong pursigidot gustong matuto. Sya ring ginamit ang abilidad na manggamot Sa mga taong hirap, at walang madukot.
Katangian mo Rizal ay sadyang kahanga-hanga Pagtatanggol sa bayay, dahas ay di ginawa Kundi sa mahinahon, sa paarang mapayapa Isa ka sa dahilan, kung bakit tayoy malaya.
Kaya kaming mga kabataan Mga tinawag mong pagasa ng bayan, Ang iyong pamanay di kalilimutan Itoy iingatat pahahalagahan.
Di lang sa parangal, di lang sa papuri Ang dapat gawin sa tinuro mot ibinahagi Kundi sa taus pusong pagtupad sa sinabi Sa mahal kong bayan, akoy magsisilbi