You are on page 1of 1

Long distance..

Eto na naman, araw araw nalang ganito,


Paggising sa umaga, tinatamad magluto
Lage nalang nag-iisa, tunay na nakakalungkot
Etong buhay ko, puno ng lukot.

Umaga, pupunta sa eskwela,
Sasakay sa jeep, maglalakad mag-isa
Pupunta sa classroom, mag-isang uupo,
Walang makausap, walang kagrupo..

Habang tumatagal, aking natatanggap,
Etong buhay ko, mistulang nagpapanggap.
Nagpapanggap na masaya, aking pag-aaral,
Etoy kasalanan ko, sa malayoy nag-aral.

You might also like