You are on page 1of 32

KARUNunGANG

BAYAN
SALAWIKAIN, SAWIKAIN,
BUGTONG, PALAISIPAN,
BULONG, KASABIHAN,
KAWIKAAN

A. KARUNUNGANG BAYAN (FOLK SPEECH)
1. Salawikain Isang patalinghagang
pahayag na ginagamit ng mga matatanda
noong unang panahon upang mangaral at
akayin ang mga kabataan sa mabuting asal.
Kinasasalaminan ng mentalidad ng
sambayanan na tinatawag na kasabihan.
Padre Gregorio Martin at Mariano Cuadrado
- unang nagtipon ng mga salawikaing Tagalog.


Damiana Eugenio- gumawa ng masusing pag-aaral
tungkol sa mga salawikain ng Pilipinas.
Pangkat ng Salawikain:
1. Nagpapahayag ng panlahat na paningin sa buhay
at sa batas ng buhay.
2. Nagpapahayag ng mabuting asal.
3. Nagpapahayag ng pagpapahalaga ng mga tao.
4. Nagpapahayag ng panlahat na katotohanan sa
buhay at kalikasan ng tao.
5. Nakapagpapatawa


1. Maikling pangungusap
2. Payak
3. Karaniwang mga pananalita
4. Kinasasalaminan ng mga puna sa buhay
5. May tugma ang karamihan
6. Pag-uulit ng mga salita

Tulak ng bibig Ang maniwala sa sabi-sabi
Kabig ng dibdib. Walang bait sa sarili.

Walang masamang kanya May tainga ang lupa
Walang mabuti sa iba. May pakpak ang balita.

Aanhin pa ang damo Anak na di paluhain
Kung patay na ang kabayo. Ina ang patatangisin.

Kapag may isinuksok Ang taong walang kibo
May madudukot Nasa loob ang kulo.



2. Sawikain Ito ay mga patalinghagang
pananalita. Ito ay isang paraan ng pagpukaw at
paghasa sa kaisipan ng tao.Nakalilibang bukod sa
nakadaragdag ng kaalaman.
Halimbawa:
Hulog ng langit biyaya o suwerte
Maluwang ang turnilyo luko-luko
Maitim ang gilagid masama ang ugali
Makati ang dila madaldal
Bukambibig laging sinasambit
Anak pawis dukha


3. Bugtong pahulaan sa pamamagitan ng
paglalarawan. Binubuo ng isa o dalawang
taludtod na maikli at may sukat at tugma.
Halimbawa:
Munting palay
Puno ang buong bahay. (ilaw)
Dala mo, dala ko
Dala ka ng iyong dala. (tsinelas)
Di hari, di pari
Nagsusuot ng sar-sari. ( sampayan)

4. Palaisipan Itoy gumigising sa isipan ng
tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang
suliranin.
Halimbawa.
May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng
sumbrero. Paano nakuha ang bola na di man
lang nagalaw ang sumbrero.
Sagot: Butas ang tuktok ng sumbrero

5. Bulong Ang halimbawa nitoy ang sinasabi
kapag may nadadaanang punso sa lalawigan
na pinaniniwalaang siyang tinitirhan ng mga
duwende o nuno.
Halimbawa:
Tabi, tabi nuno, kami lang poy makikiraan.
Huwag magalit kaibigan, aming pinuputol
lamang
Ang sa amiy napag-utusan.
KASABIHAN
6. Kasabihan ito ay bukambibig ng mga bata at
matatanda na kung tawagin sa Ingles ay
Mother Goose o Nursery Rhymes. Ito ay mga
tulang pambata o tugmang walang diwa o
mababaw ang isinasaad na kahulugan.
Halimbawa:
Putak, putak
Batang duwag
Matapang kat
Nasa pugad
GAMIT NG KASABIHAN
1. PANG-ALIW, tulad ng katuwaan ng mga
naglalarong bata.
2. PANUDYO, ginagawa ng mga bata sa kalaro
kapag nagkapikunan.
3. SABI-SABI lamang o bukambibig
4. PAMPADULAS-dila itoy larong
pangkasanayang dila nang lumaking hindi
utal ang bata.
Ubos-ubos biyaya
Maya-maya nakatunganga.
Hampas sa kalabaw
Sa kabayo ang latay.
KAWIKAAN
7. Kawikaan kauri ng salawikain na ang
kaibahan lamang ay laging nagtataglay ng aral
sa buhay.
Hal. Ang taong matiyaga
Anuman ay nagagawa.

Ang kasipagan ay
kapatid ng kariwasaan.


B. AWITIN/KANTAHING BAYAN (FOLK SONGS)
Isang tulang inaawit na nagpapahayag ng
damdamin, kaugalian, at karanasan ng mga
taong naninirahan sa isang pook.
Oral na pagpapahayag ng damdamin ng mga
katutubo.
Isa sa mga matatandang uri ng panitikang
Filipino na lumitaw bago dumating ang mga
katutubo.
1. Oyayi Awit sa pagpapatulog ng
bata

Matulog ka na bunso
Ang ina moy malayo
At hindi ko masundo
Daay walang magturo.
2. Soliranin- Awit sa paggaod
Hala, gaud tayo; pagod ay tiisin
Ang lahat ng hirap, pag-aralang bathin,
Kahit malayo man kung ating ibigin,
Tiyak na lalapit kung ating gugustuhin.

3. Kumintang Awit sa pakikidigma
Ang nuno nating lahat,
Sa gulok di nasisindak
Sa labanan di naaawat,
Pinuhunan, buhay at hirap
Upang tayong mga anak
Mabuhay ng panatag.
4. Kundiman Awit ng pag-ibig
Noong una ng panahon ako ay bata pa,
Natisod mo na ay di alintana
Nang ako ay lumaki at maging dalaga,
Tila sa wari ko ay may pagbabanta pa.
Pagsinta mo sa akin ay di ko tatanggapin
Pagkat akong ito ay alangan sa tingin
Ako ay mahirap, pangit pa sa tingin
Bakit naman ngayon ay iyong iibigin.
5. Dalit o Imno Awit sa diyos-
diyosan ng mga Bisaya

Pumanaog, pumanaog si Mansilatan
Saka si Badla ay bababa
Mamimigay ng lakas
Pasayawin ang mga baylan
Paligiran ang mga baylan.
6. Diona Awit sa kasal
Umawit tayo at ipagdiwang
Ang dalawang pusoy ngayon ikakasal
Ang daraanan nilang landas
Sabuyan natin ng bigas.

7. Talindaw- Awit sa
pamamangka/pagsagwan

Sagwan, tayo ay sumagwan,
Ang buong kaya ay ibigay
Malakas ang hangin
Baka tayo ay tanghaliin
Pagsagway pagbutihin.
8. Maluway awit sa sama-samang
paggawa

Isa, dalawa tatlo
Sabay-sabay ang hila
Upang hindi ka matumba
Tatagan ang mga paa.

9. Kutang-kutang awit nhg mga lasing sa
lansangan.
10. Ditso awit sa paglalaro ng bata
11. Sambotani awit sa pananagumpay
12. Holehoo- awit sa pagpapatigil ng pag-iyak ng
bata.
13. Dung-aw- awit para sa patay ng mga Ilokano.
14. Umbay- awit ng mga naulila.
15. Umigwing awit ng mga mananahi.
16. Omawitbayi at sambitan awit ng mga
kamag-anak at kaibigan.
17. Tagulaylay awit kapag may namatay.


C. KATUTUBONG SALAYSAY
(FOLK NARRATIVE)
1. Alamat Isang uri ng panitikang tuluyan na
ang karaniwang paksa ay nagsasalaysay ng
pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan o
katawagan.

A. Etiological mga nagpapaliwanag na mga
alamat na sumasagot sa tanong na kung
paano pinangalanan ang mga bagay o pook
at kung bakit nagkaganon.
B. Non-etiological - nauukol sa mga dakilang
tao at pagpaparusa sa mga malalaking
kasalanan, kasama ang alamat ng mga santo,
mga supernatural na nilikha tulad ng aswang,
tikbalang, engkanto, multo at iba pa.
2. Mito tuluyang pasalaysay na itinuturing
na totoong naganap sa lipunan noong
panahong nagdaan.
Karaniwang kaugnay ito ng teolohiya at ritwal.
Kinapapalooban ng simula ng daigdig, ng tao,
ng kamatayan, katangian ng mga ibon, hayop
o pisikal na kaanyuan ng lupa, at kuwento
tungkol sa mga Diyos at Diyosa.
3. Epiko mahabang tulang buhay o tulang
pasalaysay na nagpapakilala ng
pakikipagsapalaran ng mga tauhan, tauhang
may di-pangkaraniwang lakas sa
pakikipagtunggali sa kanyang mga kalaban.

1. Mahaba
2. Batay sa oral na tradisyon
3. Di-makatotohang pangyayari o supernatural na
makabayaning gawain
4. Patula
5. Tinagulaylay
6. Matiim o seryoso ang mga layunin
7. Pagsasalaysay na panlipunan, pangkultura,
makabayan at tungkol sa pananampalataya ang
ilan.

1. Microepic kumpleto sa sarili tulad ng Lam-
ang. Maaaring mapos sa isang upuan lamang
at may simula at wakas.
2. Macroepic- Ipinapakita lamang ang
partikular na bahagi, tulad ng Tuwaang.
3. Mesopic maraming masalimuot na
insidente tulad ng Labaw Donggon.

1. Lam-ang Ilocano
2. Ibalon Bicol
3. Labaw Donggon Hiligaynon
4. Alim at Hudhod Hi Aliguyon Ifugao
5. Tuwaang Bagobo
6. Darangan Maranao
7. Agyu Mindanao



8. Sandayo - Subanon
9. Indarapatra at Sulayman, Darangan,
Bantugan, Bidasari Maguindanao
10.Hinilawod, Maragtas at Lagda Bisaya

You might also like