Dapat Isaalang alang Ginintuang buhay Mahalin at igalang Alay ng Maykapal Ngayon ay pinipigilan ng Gobyernong gustong yumaman Batas ng ibang bansa Ugat daw ng pag-unlad Huwag hayaang RH bill ay ma Aprobahan Kay Yahweh tayo ay mahiya naman.
BLASTING ni: Julyhet Roque
Buhay alagaan Lalang ng Maykapal Ating pagyamanin Silungan ay bigyan. Tinig nila'y pakinggan Imbing tinig ay damayan Ngalay na kamay sa hirap ay Gabayan at sa Diyos ilapit natin at huwag namang PASABUGIN.
DANGAL ni: Julyhet Roque
Araw araw dapat, Mabuti ang gawin, Baka kasi bukas, Buhay mo nay kunin Mainam na ikaw ay nakapagtanim ng mabuti Sa kapwa at Diyos natin.
Mainam ng wala kang kayamanan Sa mundong ito pag tayoy lumisan Pagkat mainam ng dangal ay naalagaan, Kahit patay na, tiyak ikay papupurihan.
Submitted Poems in Tagalog 3 Maikling Tula
Iba pang tula Ni Julyhet Roque:
Buhay, Saan ka Patungo - Tula tungkol sa buhay Bukas ko Isa-isang Itatapon ni: Avon Adarna
Bukas ko isa-isang itatapon Ang mga multo ng kahapon, Isasapi ko sa mga alon, Ang luha kong bumabalong.
Harinawang magtagumpay Sa pag-iiba nitong lakbay, Kasihan sana ang saysay, Nang mawala itong lumbay!
Ang dumi kong kalooban, Ilalaglag ko sa daan, Pagbalik ko sa hangganan, Iba na akong nilalang!
At sa puti ng alapaap, Harinawang tumalab, At makita ang kislap, Nitong Poong maliyag!
---mga tagalog na tula sa Pilipinas Tula para sa kalayaan ng bansa? In: Paglalakbay, Tula [Edit categories] $0.01 Web Hosting Scalable, Secure Web Hosting. Try Our Award-Winning Service Now! www.hostgator.com/1Penny
Answer: Ano ba ang mahalaga Na magkaroon ang bansa Hindi ba't maging malaya Sa kamay ng mga Kastila
Malayang pagsasalita, Malayang mamuno sa bansa, Maging malayang magpasya, At hindi alila ng iba
Lahat ito ay nangyari Dahil sa magigiting na bayani Na buhay ay inalay Sa bansang kinalakihang tunay
Tumayo tayo't ipagmalaki O Pilipinas kong tangi Malaya dahil sa mga bayani Pilipino hanggang sa huli
Whoo! Ang hirap ha. :)) sana nakatulong. ^^ by : Andrea Pahutan. :P ANG WIKANG FILIPINO AY PANLAHAT, ILAW AT LAKAS SA TUWID NALANDASni Jennifor L. Aguilar Kalayaan! Kalayaan! Kalayaan!Isinisigaw, inihihiyaw, ipinaglalabanBuhay man ang maging kabayaranIbubuwis, ibibigay, maangkin yaring katubusan. Tayoy mga Ilayano, na bininyagan ng Pilipinong ngalan!Nagmula sa matatapang na liping SilanganMga Dayak Ibaloy, Kayan, Itneg, Andamanes, Negrito, at SemangSinaunang lahing likas ang katapangan!Lumaban, Naghimagsik, dugot buhay ay inalay!Sina Tanday Lupa Lupa, Agustin Lumandag, Dagohoy, Andres Malong, Mamangkal, Tamblot, Raha Kandole, Datu Puti, Datu Sumakwel, Diego at Gabriela Silang, at mgaparing Gomburza,Mga dugo nilay humihiyaw, sumisigaw ng KALAYAAN! Tatlongdaang taong mahigit na nakikipaglabanSa paghahangad makamit ganap na kasarinlanSa ibat ibang panig ng bansay nakikipagpatayanNgunit pawang kay ilap makamit ang inaasamIisang pangarap tanging hinahangad Tuluyang makalaya sa mga Mestizong Tamad,ganid, mapagsamantalat diyos ang inilalantadNgunit tila hadlang, kawalan ng wikang panlahat!Sinikap buuin wikang maaaring lahat ay mag-aangkin,Magigiting na katipuneroy Tagalog isinulong at idiniinMaging pangulong Quezon, paniniwalay ganoon dinWikang itoy magbibigkis sa puso ng Pilipinong naninimdimPinatatag ng pambansang wika, pwersa ng KatipunanPinalakas ang damdamin, pinag-alab ang kamalayanGulok, buho, pistola, puso at wika ang kasangkapanLaban sa malalakas na sandata ng mga dayuhanNgunit Pambansang wikay pilit pinabansot,di-pinagamit, ibinabaon sa limotng lahing Amerikanong sumunod na sa atiy sumakopwika nilay pumainbulog, wika natiy bumulusokPalibhasay wikay makapangyarihan na tunaySa dugo ng bawat Pilipinoy nananalaytayNang kasarinlan sa atiy naibigayNaging matuwid ang bayan patunay diyan, Pangulong Magsaysay Wikang Filipino sa Pambansang Kalayaan at Pagkakaisa
ni Pat Villafuerte Sabayang pagbigkas ng "Wikang Pilipino sa Pambansang Kalayaan at Pagkakaisa"
Bawat buhay, masayat malungkot, magulot makulay ay nakalimbag sa pahina ng kasaysayan; mula sa pagkakasilang patungo sa kamusmusan maging sa paglaki hanggang sa kamatayan.
Isa-isahin ang buhay ng mga dakilang tao sa daigdig: ng mga paham, syentipiko, mananaliksik, o ng mga guro, doktor, abogado, mangingisdat magbubukid bawat isa, may mithiin, may pangarap na nais makamit: ang mailuklok ang pangalan na kasintayog ng langit at isama sa mga bituing di-masungkit-sungkit.
Iisa ang diwang kanilang pinapanday iisa ang mithiing sa puso nilay bumubukal iisa rin ang himig na kanilang hinihiyaw: kamiy palayain o bayan kong minamahal.
A, oo nga pala bilanggo sila ng sariling bayan, may piring ang mata may busal ang bibig, may gapos-tanikala
Silay mga buhay ngunit di-humihinga sila ang larawan ng masang hinahamak, lumuluha, nagdurusa.
Sa bawat panahon, sa bawat kasaysayan, sa bawat henerasyon may palawakan ng isip, may palitan ng paniniwala may tagisan ng matuwid, maging itoy magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng galit.
Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit wikang Filipino! Wikang maka-Diyos, makabayan, makatao. wikang naglalagos sa isipang makabansa wikang nanunuot sa damdaming makalupa.
Kasaysayan palay mababago isang saglit sa dakong silangan . . . doon sa silangan ang sikat ng araw . . . sumilip, sumikat, uminit naantig ang diwang inaliping higit tumibok ang pusong dating di-humihibik nagising ang ugat ng hapong mga bisig. bawat isay nagkaisang mailantad sa daigdig ang mga pang-aaping sugat niyaring dibdib. sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo, magkakapatid sama-samang gumising, magkakapit-bisig, nag-alsat tumindig. lakas ng tao! lakas ng bayan! lakas ng daigdig! laban sa tirano, sa gahaman, sa mapanupil, sa mapanlupig.
Pangkat-pangkat, sama-sama. kapit-bisig bawat isa kilalat di-kilala, kaaway at di-kaaway, mayamat mahirap, matalinot mangmang, aktibistat militar. nagkaisang ganap sa isang mithiing kapanga-pangarap. propesyonal at di-propesyonal, manggagawa, kawani, guro, mangangalakal, estudyante, iskolar, istambay, sundalo, pulis, drayber, pari, madre, mangingisdat magbubukid. nagkaisa,nagkasama, nagkasama, nagkaisa.
Ang wikang ginamit? Wikang Filipino! wikang ginagamit sa lahat ng dako ma-Tagalog, ma-Cebuano, ma-Pangasinan, ma-Ilokano, ma-Kapampangan, ma-Ilonggo, ma-Waray, ma-Bikolano ma-Maranao, ma-Tausug, lahat ng itoy Filipino! wika ng pagkakaisa, kababayan mat dayo wikang tagapagligtas ng digmaat gulo wikang tagapagtanggol ng lahat ng tao. Piyesa para sa Buwan ng Wika Jul 28 Posted by Emmanuel, the EnglishTeacher
8 Votes
Para sa Pagbigkas ng Tula: WIKANG FILIPINOY WAG BAGUHIN ni Emmanuel F. Del Rosario Sa pag-agos ng ilog na hindi na muli pang babalik, Bawat sandaliy dapat nating ikasabik, Ngunit paano kung ang ating dapat ipanhik, Nilamon ng modernismot sa kawalay inihasik. Ang wikang Filipino sa tin halagay mumunti, Binabago, binubura, pilit nating pinaiikli, Kung mga Kanoy may Ingles;ang Pinoy may Filipino rin, Ngunit bakit ngayon wikang Filipinoy Ingles na din! Bansay di nagkakaisa, walang pagkakaintindihan, Dahil wikang pambansa, nasa ilalim ng kahapisan, Ito ay regalo ng Maykapal, at kanyang inaasahan, Na bawat isay dapat natin itong linangin at pagsaluhan. Kung gusto natin ng pagbabago, wikay wag baguhin, Dapat bawat Pinoy itoy paunlarin, Wika ang susi sa pagkakaisa ng bansa, Kaya dapat natin itoy taas noong ibandila! Para sa sabayang pagbasa: Isang Dipang Langit Ni Amado V. Hernandez Akoy ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa koy piitin, katawang marupok, aniyay pagsuko, damdamiy supil nat mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato, bakal, punlo, balasik ang bantay; lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay patay. Sa munting dungawan, tanging abot-malas ay sandipang langit na puno ng luha, maramot na birang ng pusong may suat, watawat ng aking pagkakapariwara. Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, sa puntong may susiy walang makalapit; sigaw ng bilanggo sa katabing muog, anakiy atungal ng hayop sa yungib. Ang maghapoy tila isang tanikala na kalakaladkad ng paang madugo, ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo. Kung minsay magdaan ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalansing; sa maputlang araw saglit ibibilad sanlibong aninong inuluwa ng dilim. Kung minsan, ang gabiy biglang magulantang sa hudyatmay takas!at asod ng punlo; kung minsay tumatangis ang lumang batingaw sa bitayang muog, may naghihingalo. At ito ang tanging daigdig ko ngayon bilanggunang mandiy libingan ng buhay; sampu, dalawampu, at lahat ng taon ng buong buhay koy dito mapipigtal. Ngunit yaring diway walng takot-hirap at batitis pa rin itong aking puso: piitay bahagi ng pakikilamas, mapiit ay tanda ng hindi pagsuko. Ang taot Bathala ay di natutulog at di habang araw ang api ay api, tanang paniniil ay may pagtutuos, habang may Bastilyay may bayang ganganti. At bukas, diyan din, aking matatanaw sa sandigang langit na wala nang luha, sisikat ang gintong araw ng tagumpay layang sasalubong ako sa paglaya! Mga Maiikling Tula Para Sa Wika* (Tula) ni Miguel R.Santos by Mga Manunulat ng Nueva Ecija on Saturday, August 6, 2011 at 4:00pm May sariling wika ang ibon at isda,Iba ang sa aso, iba ang sa pusa.Iba't ibang bansa, kanya-kanyang wikaItaguyod natin ang wikang pambansa.Bakit mahalaga ang sariling wika?Ito'y kaluluwa ng mahal 'ting bansa.Wika rin ang buklod ng puso at diwaNang tao sa Luson, Mindanaw, Bisaya.Wikang Pilipino pag ating ginamitMangagkakaisa ang puso at isip.Hangaring umunlad ating makakamit,Sa mga dayuha'y hindi palulupig.Tingnan 'nyo ang Intsik, Aleman at Korya,Maging taga Rusya, Hapon, Amerika,Sila'y mauunlad; at ang wika nila?Ang sariling wika, di wika ng iba.Ako ay Tagalog, sila'y Ilokano,Siya'y Bisaya, kayo'y Bikolano,Kapampangan sila, iba'y Sibuwano,Binubuo natin, wikang Pilipino.