You are on page 1of 10

1

FULL TEXT: Aquino's 5th State of the Nation Address


This is the 5th State of the Nation Address of President Aquino

Rappler.com
Published 7:18 PM, Jul 28, 2014
Updated 7:52 PM, Jul 28, 2014
Below is the State of the Nation Address of President Benigno
Aquino III on Monday, July 28. The text does not include some
statements that the President made outside his original draft.
Bise Presidente Jejomar Binay; dating Pangulong Fidel Valdez
Ramos; Senate President Franklin M. Drilon at ang mga
miyembro ng Senado; Speaker Feliciano Belmonte Jr. at mga
miyembro ng Kamara de Representante; Chief Justice Maria
Lourdes Sereno at ang ating mga mahistrado ng Korte Suprema;
mga kagalang-galang na kagawad ng kalipunang diplomatiko;
mga miyembro ng Gabinete; mga opisyal ng lokal na
pamahalaan; mga kasapi ng militar, pulis, at iba pang kawani
mula sa ating unipormadong hanay; mga kapwa ko
nagseserbisyo sa taumbayan; at sa aking mga Boss, ang mga
minamahal kong kababayan: magandang hapon po sa inyong
lahat.
Ito po ang aking ikalimang SONA, isa na lamang ang natitira. May
kasabihan po tayo: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi
makararating sa paroroonan. Kaya marapat lang po siguro tayong
magbalik-tanaw:
Noon, sa sitwasyon natin: Para bang kahibangan ang mangarap.
May burukrasyang walang saysay, patung-patong ang tongpats,
at bumubukol ang korupsyon sa sistema. Naturingan tayong Sick
Man of Asia. Ang ekonomiya natin, matamlay; ang industriya,
manipis. Walang kumpiyansang mamuhunan sa atin pong bansa.
Ang resulta: kakarampot ang trabahong nalilikha. Dinatnan nating
tigang sa pag-asa ang mamamayang Pilipino. Marami sa atin ang
sumuko at napilitang makipagsapalaran sa ibang bansa.
Nakayuko na lamang nating tinanggap: Talagang wala tayong
maaasahan sa ating pamahalaan at lipunan.
Nalugmok nga po ang Pilipinas dahil sa labis na pamumulitika.
Naglaho ang pananalig natin sa isat isa, humina ang kumpiyansa
sa atin ng mundo, at ang pinakamasakit: Nawalan tayo ng tiwala
sa ating mga sarili.
Sa puntong ito natin sinimulan ang pagtahak sa tuwid na daan.
Bilang ama ng bayan, nakaatang sa aking balikat, hindi lang ang
mga suliraning ating dinatnan at mga lumilitaw sa kasalukuyan
obligasyon ko ring paghandaan ang kinabukasan. Sa bawat
sandali, kailangan kong isaalang-alang ang interes at punto-de-
bista ng lahat. Isipin na lang po ninyo: Para kang nanonood ng
200 channel sa telebisyon nang sabay-sabay. Kailangan, alam
mo, hindi lang ang kasalukuyang nagaganap, kundi ang
pinanggalingan at paroroonan ng nilalaman ng bawat channel.
Bawal malito, at kailangan, may tugon ka sa anumang tanong,
suhestyon, at kritisismoat dapat sagutin mo ito, bago pa iharap
sa iyo. Hindi po madali ang trabahong ito, at tao lang po ako, na
kung minsan, nagkakaroon ng agam-agam.
Ngunit buo ang aking loob dahil malinaw ang aking pangunahing
layunin: Ang ibalik ang gobyerno sa dapat nitong tuonang
paglingkuran ang taumbayan sa lahat ng panahon.

SONA 2014. Members of the 16th Congress converge at the
Batasang Pambansa for President Aquino's 5th SONA. Photo by
Rappler
Di po bat may kasabihan tayo: Bigyan mo ng isda ang tao, at
mapapakain mo siya ng isang araw. Turuan mo siyang mangisda,
at habambuhay niyang mapapakain ang sarili niya. Halimbawa
nito ang TESDA. Sa Training-for-Work Scholarship Program, nag-
ambag ang DAP ng 1.6 billion pesos. Nakapagpatapos po ito ng
223,615 benepisyaryo. 66 percent nitoo katumbas ng 146,731
graduatesang nagtatrabaho na ngayon. Iyon naman pong 34
percent na natitira, tinutulungan na rin ng TESDA na makahanap
ng trabaho. Tingnan po ninyo: Lahat po ng mga TESDA scholar,
nakalista ang pangalan at iba pang datos, na puwede ninyong
kumpirmahin.
Kung hahatiin natin nandyan po yata ang listahan sa bilang ng
graduates ang naipagkaloob na pondo, pumapatak ng 7,155 piso
ang naipuhunan ng pamahalaan para sa training ng bawat
scholar. Sa BPO sector, mababa na ang kitang 18,000 piso kada
buwan. Kada taon, kikita siya ng 234,000 piso. Ibigay man ang
maximum tax deduction, ang magiging income tax niya kada
taon: 7,900 piso. Ibig sabihin, ang pinuhunan ng estadong 7,155
piso, sa unang taon pa lang, nabawi na, may sobra pa. Ito, at ang
lahat ng ibinuwis ng ating scholar hanggang magretiro siya, ay
magbibigay naman sa kanyang kababayan ng parehong
pagkakataon. Ito po ang mabuting pamamahala: May tama pong
intensyon, pamamaraan, at resulta. Lahat panalo.
Nasimulan na rin po natin ang Expanded Conditional Cash
Transfer Program nitong Hunyo 2014, na may pondong 12.3
billion pesos. Ngayon, suportado na rin ng estado hanggang
umabot ng 18 taong gulang ang benepisyaryo.May magtatanong
bakit? Batay po kasi sa pag-aaral ng Philippine Institute for
Development Studies, 40 porsyento ang dagdag na sinasahod ng
high school graduate, kumpara sa grade school lang ang
natapos.
Namumuhunan po tayo sa pinakamahalagang yaman ng bansa:
ang taumbayan. Pinapatunayan ito ng datos ng NEDA. Ayon sa
kanila, ang 27.9 percent na poverty incidence natin sa unang
semestre ng 2012, bumaba patungong 24.9 percent sa
kaparehong panahon noong 2013. Ang 3 percentage points pong
ito ay katumbas ng halos 2.5 milyon na Pilipinong naka-alpas na
sa poverty line. Totoo namang dapat pagtuunan ng masusing
pansin ang pinakamahihirap sa lipunan. Pero hindi tayo titigil
diyan: Ngayong nadagdagan ang kakayahan natin, sinisikap
nating hindi na manumbalik sa ilalim ng poverty line ang lahat ng
nakaalpas na.
Dumating po tayo sa lipunang parang isang sirang bahay na hindi
2
natin malisan. Ang malala pa dito, halos wala tayong kagamitan
at materyales para ayusin ang sira. Nitong mga nakaraang taon,
sa pakikiambag ng bawat mapagkapwang Pilipino, nabubuo na
natin ang mga kagamitan at materyales na itotulad po ng
budget na tanging nakatuon sa pangangailangan ng
mamamayan, at apat na sunud-sunod na taon na nating
naipapasa sa tamang oras. Kasama nito ang mga batas na
nagpapabilis ng pagdating ng pakinabang sa ating mga Boss.
Dito po sa isang patas na sistema nagsimula ang
panunumbalik ng sigla ng ating ekonomiya. Nakatipid tayo dahil
sa maayos na pangangasiwa ng pondo. Napapalawak natin ang
saklaw ng mga serbisyo nang hindi nagtataas ng buwis, maliban
sa Sin Tax Reform na layuning ibsan ang bisyo sa lipunan.
Nagtrabaho tayo para magkaroon ng kakayahang tustusan ang
mga proyektong ipinapatupad, ipinatutupad, at ipatutupad pa
natin. Pinaigting natin ang pangongolekta ng buwis: mula sa
koleksyong 1.094 trillion pesos noong 2010, naitaas natin ito sa
1.536 trillion noong 2013. Inayos natin ang pamamahala ng ating
mga utang. Ang resulta: Bumaba ang ating debt to GDP ratio; ang
perang dating dapat ibabayad sa interes, napupunta na sa social
services. Pati ang mga obligasyong karamihan ay minana lang,
natugunan din natin. Halimbawa po nito: 1993 o panahon pa ni
Pangulong Ramos nang itinakda ang obligasyong i-recapitalize
ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa halagang 50 bilyong piso para
magawa niya ang kanyang tungkulin. Ang napondohan ni
Presidente na 10 bilyong piso, at hindi na nadagdagan ito. 40
bilyon ang kakulangang iniwan sa atin; nabayaran na po natin ito.
President Benigno Aquino III (C) delivers his State of the Nation
Address (SONA) as Senate President Franklin Drilon (top-L) and
House of Representatives Speaker Feliciano Belmonte (top-R)
applause at Congress. Photo by Francis Malasig/EPA
The economy
Pinaghirapan natin ang pondong mayroon tayo ngayon, kayat
hindi po natin maaatim na waldasin lang ito. Kung pipili nga ng
tamang pinuno ang ating mga Boss, malalagpasan pa ng
susunod ang ating mga nagawa, dahil malaki na ang naibawas
natin sa problema, at mas matayog na ang kanilang
pagmumulan.
Bakit po mas matayog? Nitong 2013, sa unang pagkakataon,
nagkamit tayo ng investment grade status mula sa Moody's, sa
Fitch, at Standard and Poor'sang tatlong pinakatanyag na credit
rating agency sa mundo. Sa pagsusuri nila ng ating
macroeconomic fundamentals at governance, nabawasan ang
riskong itinatala, kaya tumingkad ang kumpiyansa ng mga
namumuhunan. Hindi pa nga po nakuntento ang Standard and
Poor's: Nitong Mayo lang, panibagong upgrade na naman ang
ibinigay nila sa atin. Ang hatid po nito: Dahil nga investment grade
na tayo, mas murang mahihiram ng gobyerno ang pondo para sa
mga programa at proyekto, mas maraming naaakit na
mamuhunan sa ating bansa, at mas mabilis na natatamasa ng
Pilipino ang benepisyo.
Kung susumahin naman po ang lahat ng puhunang pumasok sa
Philippine Economic Zone Authority simula nang itatag ito noong
1995, makikitang 42 porsyento ang pumasok sa apat na taon ng
ating panunungkulan. Ang natitirang 58 percent, inabot ng 15
taon ang ibang mga administrasyon para bunuin. Kumpiyansa po
tayo: bago tayo bumaba sa puwesto, papantayan o hihigitan pa
natin ang halagang ito. Kay Director General Lilia de Lima:
Salamat sa nagawa mo na, at gagawin pa, sa pagkamit ng
tagumpay na ito.
Talagang pa-take-off na ang ating ekonomiya at bansa, at inaabot
na natin ang mas matatayog pang mithiin. Minana natin ang tila
grounded na aviation industry: napatawan tayo ng significant
safety concerns ng International Civil Aviation Organization o
ICAO, nabigyan ng downgrade ng United States Federal Aviation
Administration, at nilagyan ng restriction ng European Union ang
ating mga local carrier.
Nitong 2013, inalis na nga po ng ICAO ang significant safety
concerns sa Pilipinas. Sa parehong taon, sinundan ito ng
pagpayag ng European Union na muling lumipad ang Philippine
Airlines patungong Europa, kaya direkta nang makakabiyahe ang
Pilipino mula Maynila po hanggang London. Malamang nga po,
pasunod na ang Cebu Pacific dahil nabigyan na rin sila ng
pahintulot ng EU ngayong 2014. Ngayong taon din, inupgrade ng
United States Federal Aviation Administration ang Pilipinas balik
sa Category 1. Dahil dito, maaari nang dumagdag ang mga ruta
papunta sa Estados Unidos. Sa larangan ng turismo at
pangangalakal, malaki ang itinulong ng pagdami ng flight ng ating
airlines tungo sa mga bansang kasapi ng EU at Estados Unidos.
Dumarating sa atin ang mga ulat na sa dami ng gustong
bumisitang negosyante at turista sa ating bansa, kulang na ang
mga biyahe papunta rito. Magandang balita nga po ang mga
upgrade: Dadami ang biyahe, kaya't matutugunan ang suliraning
ito. At sa patuloy na pagtutulungan ng CAAP at ng ating mga
local carriers, pihadong mas marami pa tayong maaakit na turista
at negosyante sa mga susunod na taon. Panalo ang mga umaasa
sa sektor ng turismo, panalo ang sambayanang Pilipino. Mabuting
pamamahala po ang ugat ng mga tagumpay na ito.
Nagpapasalamat nga tayo kina Director General William
Hotchkiss, sa CAAP, at sa ating mga local carrier para sa inyong
pagsusumikap
Talagang nasa sentro ng pandaigdigang entablado ang Pilipinas.
Nito lang pong nakaraang Mayo, nagpakitang-gilas tayo sa
tagumpay ng pagdaraos ng World Economic Forum on East Asia
sa ating bansa. Ihahayag natin sa gaganaping APEC Summit dito
sa susunod na taon ang kaunlarang nakakamit natin at ang
pagkakataong hatid ho para sa lahat. Wala pong duda: More
open for business na nga po ang Pilipinas.
Bukod nga po sa maaliwalas na pagnenegosyo, isinusulong din
natin ang maayos na relasyon ng ating mga manggagawa at mga
kompanya.
Isipin po ninyo: Mula 2010, nananatiling mababa sa sampu kada
taon ang bilang ng mga strike ayon sa National Conciliation and
Mediation Board. Isa po itong positibong bunga ng itinataguyod
nating Single Entry Approach o SEnA ng DOLE, kung saan
dumadaan sa 30-day conciliation-mediation ang mga nakahaing
3
labor cases. Ang maganda nga po: sa 150 notices of strike and
lockout noong 2013, isa lang ang natuloy na welga. Ito ang
pinakamababa sa kasaysayan ng DOLE. Maraming salamat po
Linda Baldos, sa pamilya ng DOLE.
Batid rin natin: Para magpatuloy ang pag-angat ng ekonomiya at
pagbukas ng pagkakataon, kailangan ng imprastruktura. Ito ang
aakit sa mga negosyante, magpapabilis sa daloy ng produkto at
serbisyo, at sisigurong kaya nating makipagsabayan sa iba pang
merkado sa daigdig.
Taxes and infrastructure
Napakalaki po talaga ng pagbabago: Lampas doble na ang
budget para sa imprastruktura, mula 200.3 billion pesos noong
2011, naging 404.3 billion pesos ngayong 2014. Paalala ko lang
po: Hindi po tayo nagdagdag ng buwis maliban sa Sin Tax
Reform na nakatugon sa kalusugan, habang napanatili din ang
ating allowable deficit, at patuloy na bumababa ang ating debt to
GDP ratio. Malaki po ang epekto nito, dahil hindi lang lumaki ang
pondo: binawasan pa natin ang mga tagas sa sistema, kaya
natitiyak nating mas sulit ang bawat pisong ginagastos ng estado.
Sa pamumuno ni Secretary Babes Singson ng DPWH: Bawal ang
tongpats, bawal ang bukol. Tinapalan na ang mga butas sa
lumang sistema, at pinatag ang proseso sa ahensya. Isang
simpleng halimbawa po nito ang pagtatanggal ng Letter of Intent
sa bidding process. Noon po kasi, ginagamit ito bilang
kasangkapan sa kuntsabahankapag nalaman kung sinu-sino
ang bidders ng proyekto, binibigyan ng puwang ang sabwatan.
Isa pa po: Ang mga dokumentong hinihiling mula sa bidders: lima
na lang, mula sa dating 20. Mas mabilis ang proseso, at mas
kaunti ang pagkakataong manghingi ng pampadulas suhol. Ang
resulta: Halos 28 bilyong piso ang naisalbang pondo, at
napapaaga ang pagpapatupad ng mga susunod na proyekto.
Kaya naman kay Sec. Babes at sa bumubuo ng DPWH: muli,
maraming salamat sa inyong lahat.
Hanep po talaga: Kasabay ng mga natipid ng DPWH, ang
nailatag, napapaayos, napapalawak, o naipagawa nilang kalsada
mula nang maupo tayo, umabot na sa 12,184 kilometro. Nung
nakita ko nga po ang report na ito ay inisip ko kung paano
ipaliwanag ang 12,184 kilometro na ito. Isipin ninyo: katumbas ito
ng apat na kalsadang nag-uugnay sa Laoag hanggang
Zamboanga City. National roads lang po ito; wala pa rito ang mga
local farm-to-market roads o tourism roads.
Sa Public-Private Partnership program naman po: Mula
Disyembre 2011 hanggang nitong Hunyo, nakapag-award at
nakalagda na ng pitong PPP projects ang inyong pamahalaan;
ang halaga nito: tinatayang 62.6 billion pesos. Sa apat na taon
natin sa tuwid na daan, nalampasan na natin ang pinagsamang
anim lamang na aprubadong solicited PPP projects mula sa
nakaraang tatlong administrasyon.
Ang laki na po talaga ng pinagkaiba ng noon sa ngayon. Sabi nga
ni Secretary Cesar Purisima, dati, hindi makaakit ang Pilipinas ng
mga namumuhunan. Noon, gobyerno pa mismo ang nag-aalay ng
kaliwat kanang insentibo, tulad ng pagbibigay ng commercial
development rights, subsidy, at iba pang garantiya. Ngayon,
baliktad na ang sitwasyon. Matindi ang kompetisyon ng mga nag-
uunahang kompanya; handa silang magbayad para makuha ang
pribilehiyong itayo ang imprastrukturang kailangan natin.
Halimbawa po: Sa Mactan-Cebu International Airport Passenger
Terminal Building, may premium ang gobyerno na umabot sa
mahigit 14 bilyong piso; sa NAIA Expressway Project Phase 2,
nakakuha ang gobyerno ng prima na 11 bilyong piso. Muli:
Mabuting pamamahala ang ugat ng lahat ng ito.
Tingnan naman natin ang TPLEX. Dahil sa kalsadang ito,
maginhawa na ang biyaheng Tarlac hanggang Rosales sa
Pangasinan. Ayon po sa kanila, ang bahagi hanggang Urdaneta,
makukumpleto na bago matapos ang 2014. Sa susunod na taon,
aabot na raw ang daang ito hanggang sa dulo sa Rosario sa La
Union.
Ang mga imprastrukturang matagal nang ipinako sa pangako, atin
na rin pong isinasakongkreto. Ang Aluling Bridge, na 1978 pa po
binuo ang konsepto, bukas na sa publiko. Ang Metro Manila
Skyway Stage 3, na bahagi ng Metro Manila Expressway na
proyekto pa noong dekada sitenta, inilunsad na natin noong
Enero. Sa mga dumadaan ng Osmea Highway, nakikita naman
po ninyo kung gaano kabilis itayo ang mga haligi para dito. Ang
Ternate-Nasugbu Road, na noon pang 1994 sinimulang ilatag
ang plano100 percent complete na rin ngayon. Ang Basilan
Circumferential Road, na year 2000 pang under construction,
malapit na rin pong matapos. Ilan lang po ito sa mga
imprastrukturang wala tayong planong ipamana bilang problema;
sa halip, ngayon, nagsisimula na itong mapakinabangan ng ating
mga Boss.
Muli, dahil sa mabuting pamamahala, mas may kakayahan na
tayong tugunan, maging ang mga problemang paparating pa
lang. Halimbawa po: sa tubig. Alam nating habang lumalago ang
populasyon at umaangat ang ekonomiya, mas maraming tubig
ang kakailanganin sa mga susunod na taon. Ayon nga po sa pag-
aaral, maaaring magkaroon ng kakulangan ng tubig sa Metro
Manila pagdating ng 2021. Hindi na po natin hihintayin ang
tagtuyot: Ang mga solusyong talagang pinag-aralan ng mga
dalubhasa, inaprubahan na po natinang Kaliwa Dam Project sa
Quezon, at ang pag-aayos ng mga linya ng Angat Dam.
Magandang solusyon po ito kaysa kumuha ng tubig mula sa mga
aquifer sa ilalim ng lupa, na mas madaling pasukin or magbibigay
ng daan para pasukin ng tubig-alat. Isa pa, kung sa mga aquifer
lang tayo nakasalalay, mas mapapabilis ang paglubog ng lupa
na siya namang nagiging dahilan ng pagbaha.
Kasabay po ng mga dam para sa Metro Manila at mga karatig-
bayan ang suporta natin sa mga taga-lalawigan. Aprubado na rin
ang Water District Development Sector Project, sa ilalim ng
LWUA Local Water Utilities Administration.
Siguro po, narinig na rin ninyo ang pinakamalaki nating PPP
projectang Laguna Lakeshore Expressway Dikena bubuksan
na rin ang bidding bago matapos ang 2014. Napakaraming
benepisyong maidudulot nito. Una, mababawasan ang pagbaha.
Ngayon po, pag pumalo ng 12.5 meters ang taas ng tubig sa
lawa, tiyak, babahain na ang mga komunidad sa paligid nito. Ang
solusyon: dikeng may taas na higit sa 15 metro. Ikalawa pong
pakinabang: Malilinis ang tubig sa Laguna Lake. Ang ikatlo po:
Bawas trapik. Sa ibabaw ng dike, magkakaroon ng expressway,
4
na babagtas sa Los Baos hanggang Taguig. Pag natapos ang
C-6 road na kokonekta sa San Jose Del Monte, may isa na
naman tayong paraan upang makatawid ng Kamaynilaan nang
hindi na kakailanganing dumaan sa EDSA. Sa pakikituwang ng
pribadong sektor, ang obligasyon natin dito ay right of way lang;
porsyento ng lupang mare-reclaim ang ipapambayad sa
mananalong bidder. Dahil dito, makukuha natin ang ating mga
pangangailangan, habang mababawasan din ang ating gastusin.
Ilang halimbawa lang po iyan ng mga proyektong nakapila na
para magdala ng benepisyo sa ating mga Boss. Marami pang iba:
Aprubado na rin ng NEDA Board ang Laoag City Bypass Link
Road Project; ang Cebu Bus Rapid Transit Project; at ang LRT
Line 1 South Extension and Line 2 East Extension. Sa mga taga-
Palawan naman: Maliban sa mga proyekto sa Puerto Princesa
Airport, abangan na rin ninyo ang Busuanga Airport. Naka-go
signal na rin po ang pagpapatayo ng phase one ng modernong
Clark Green City sa Capas, Tarlac. Pihadong magsisilbing sentro
ng komersyo at industriya, hindi lang sa Gitnang Luzon, kundi sa
kalakhang bansa. Sa dulo po, ang ambisyon natin sa Clark Green
Citymaging di hamak itong mas malawak na Bonifacio Global
City. Ang dating liblib, magiging hitik sa oportunidad.
Sa mabuting pamamahala, nanunumbalik ang tiwala ng merkado,
ng mundo, at ng taumbayan sa ating gobyerno. Nagbubunsod ito
ng isang siklo: Dahil nakikita ang resulta ng agenda ng reporma,
nakikiambag ang bawat isa sa ating mga Boss. Talagang hindi
nag-iisa ang gobyerno sa pagsusulong ng malawakan at
makabuluhang reporma. Totoo nga po: Kayo ang aming lakas.
Disasters, tragedy
Kaya nga po mga Boss: Salamat sa inyong tiwala at pakikiisa, na
lalong naging mahalaga sa mga panahong sinalubong tayo ng
sunud-sunod na trahedya.
Noong Setyembre 2013, sinugod ng masasamang elemento ang
Zamboanga: Ginawang human shield ang mga kababayan nating
namumuhay nang mapayapa, at sinunog pa ang kanilang mga
tahanan. Nasubukan ang galing ng ating unipormadong hanay.
Pinakamasalimuot sa larangan ng bakbakan ang tinatawag na
urban combatngunit 195 ang nailigtas natin, sa 197 kataong
naipit sa putukan. Saludo tayo sa ating mga kapatid sa
unipormadong hanay: Nagtagumpay ang sambayanan dahil sa
inyong sakripisyo.

NOT ALONE. During a visit to an evacuation center, President
Aquino assures refugees that the government is there for them.
Photo by LeAnne Jazul/RapplerNOT ALONE. During a visit to an
evacuation center, President Aquino assures refugees that the
government is there for them. File photo by LeAnne Jazul/Rappler
Inatasan po natin si Secretary Singson na pangasiwaan ang
rehabilitasyon ng imprastrukturang nasira sa Zamboanga.
Pangunahin sa mga pangangailangan: mabigyan ng tahanan ang
mga kababayan nating nasunugan. Ito po mismo ang
isinasagawa natin sa ilalim ng Zamboanga City Roadmap to
Recovery and Reconstruction. Pagpasok nga po ng Agosto,
magsisimula nang lumipat ang mga apektadong pamilya sa mga
permanenteng bahay sa Martha Drive Subdivision. Kabuuang
7,176 na kabahayan sa iba't ibang lugar ang target nating
makumpleto sa Hunyo ng susunod na taon. Humihingi po kami ng
pang-unawa. Maraming problemang kinailangan munang lutasin
ukol sa pagkuha ng lupang lilipatan. Tinitiyak din nating ang mga
tahanang ito ay sumasang-ayon sa pangangailangan ng kanilang
relihiyon at kultura, kaya't hindi pangkaraniwan ang mga ito. Sa
1,661 pamilya namang gustong sila mismo ang magkumpuni ng
sariling tahanan, 30,000 pisong halaga ng Home Materials
Assistance ang ipinapamahagi na.
3.5 billion pesos po ang nakahanda para sa pagpapaayos ng
imprastruktura, pagbili ng mga lote, pagpapatayo ng mga
permanenteng tahanan, at iba pang suporta sa Zamboanga. 2.57
billion pesos dito, nai-release na sa NHA at DPWH.
Ilang linggo naman po matapos ang krisis sa Zamboanga, niyanig
ng lindol ang Central Visayas; pinakamalaki ang pinsala sa Bohol.
Dito natin nakita ang maaaring maabot ng sambayanang
nagkakaisa sa pagresponde sa sakuna. Isang linggo matapos
ang lindol, may kuryente na sa Tagbilaran at sa lahat ng
munisipalidad ng Bohol.
Ngayon nga po, bawat isa sa 25 na kritikal na tulay at kalsadang
nasira ng lindol, nadadaanan na. May kabuuang 3.583 billion
pesos nang nai-release para sa rehabilitasyon ng Bohol at Cebu.
Kasama na rito ang 2.49 billion pesos na ipinagkaloob ng DILG
sa lokal na gobyerno, para sa pagpapagawa ng mga palengke,
civic center, tulay, water systems, munisipyo at iba pong
istrukturang pampamahalaan.
Bago naman po matapos ang 2013, dumating naman si Yolanda
ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan. 1.47 milyong
pamilya ang talagang naapektuhan, at 44 sa ating 81 probinsya
ang tinamaan. Sa Eastern Visayas, kung saan pinakamalakas
ang pinsalang nadulot, napakaraming kinailangan ng agarang
lingap.
Sa sobrang lakas ng bagyo, naparalisa ang maraming LGU dahil
sila mismo ang tinamaan. Natangay po pati ang ating
prepositioned relief goods, kaya't talagang kinailangang
manggaling sa ibang lugar ang tulong. Lalo pang naging mabigat
ang pagdadala ng ayuda, dahil bagsak ang imprastruktura:
Walang kuryente, hindi madaanan ang kalsada, at halos lahat ng
truck at heavy equipment na kailangan ng ating first responder
ang nasira sa pinakaapektadong lugar. Wala ring gasolina,
walang komunikasyon.
Kinailangan po talaga ng pambihirang pagkakaisa para ipaabot
ang tulong sa mga apektadong pamilya, kalingahin ang mga
naulila't sugatan, siguruhing walang mangyayaring outbreak ng
sakit, at marami pang ibang tungkulin. Halimbawa lang po sa
pagkain. Hindi lang bigas at de-lata ang kinailangang intindihin:
kailangan din ng mga repacking center, ng maraming truck, pati
na ng mga barkong magtatawid ng ayuda sa mga apektadong
probinsya. Pagdating doon ng relief goods, kailangang malinis na
ang kalsadang dadaanan, at mapagasolinahan ang mga truck
nang makabalik sila sa pinanggalingan, upang muling
makapagkarga ng ating mga food pack.
5
Hindi nagpatumpik-tumpik sa pagresponde ang inyong gobyerno.
Nagmadali tayong linisin unang-una ang airport, kaya sa loob ng
24 oras matapos ang bagyo, nakapasok na ang tatlo nating C130
na may dalang ayuda. Sa mismong araw ding iyon, nakapagtayo
tayo ng communications hub para maging mas mabilis ang daloy
ng impormasyon. Sa ikalawang araw, dumating na ang Rapid
Health Assessment teams ng DOH; ang dagdag na sundalo,
pulis, at BFP personnel mula sa ibang probinsya; pati na mga
kawani ng DSWD na nanguna sa relief operations sa
distribution centers man sa Eastern Visayas, o sa maraming
repacking centers na agad na nagbukas sa buong bansa.
Sa loob lang ng dalawang araw, napagana na ang Leyte water
district; sa ikatlong araw naman, bumukas ang unang
gasolinahan. Agad na nilinis ang pangunahing mga kalsada.
Pagsapit ng ika-22 ng Nobyembre o dalawang linggo matapos
ang bagyo, naipamahagi na ang ika-isang milyong food pack sa
mga nasalanta; na-clear na ang 35,162 cubic meters ng debris sa
mga kalsadang dadaanan ng mga relief; at nalinis at nadadaanan
na muli ang 3,426 kilometers ng National Roadskasalukuyan po
naman nating kinukumpuni ang 108.8 kilometrong napinsalang
daanan, tulay, approaches, at landslide prone areas. Pagsapit
nga po ng Pasko noong 2013, may kuryente na sa lahat ng
munisipalidad na tinamaan ng sakuna.
Kumbaga po sa Emergency Room, ibinuhos ng estado ang lahat
ng kanyang kapangyarihan upang agad na mai-stabilize ang
pasyente. Nagpapasalamat tayo sa mga kasapi sa ating
Gabinete, na talaga naman pong nanguna sa pagresponde sa
mga apektadong komunidad. Sina Sec. Cesar Purisima at Sec.
Joel Villanueva ng TESDA, na namuno sa logistics at nag-
organisa sa mga repacking center, nagmistula po silang
dalawang warehouse operator. Si Sec. Greg Domingo ng DTI,
naging head purchasing agent ng bansa, habang si Sec. Linda
Baldoz naman ng DOLE ay minabuting maging call center
operator para sa lahat ng gusto or nag-alok ng tulong. Salamat
din kina Sec. Jun Abaya ng DOTC, na naging dispatcher ng ating
transportasyon; kay Sec. Dinky Soliman na talagang pinatunayan
ang pagiging punong relief worker ng bansa; at kina Sec. Mar
Roxas ng DILG at Sec. Volts Gazmin ng DND, na nagbigay ng
marching orders sa ating unipormadong hanay mula sa frontline
ng sakuna. Muli po, salamat sa ating Gabinete.
Thanking Yolanda donors
To our friends and neighbors around the world: Your outpouring
of solidarity will never be forgotten by a grateful Filipino people.
Again on their behalf, we thank you.
Marahil nga po, sa kahandaan nating makiambag sa abot ng
ating makakaya, na siyang ipinapamalas ng ating OFWs,
peacekeepers at iba pang Pilipino sa labas ng bansa, nang tayo
naman ang nangailangan, nakita ng mundong karapat-dapat din
tayong tulungan. Salamat sa inyo, at sa lahat ng Pilipinong nag-
alay ng dalangin at suporta, dito man o sa ibang panig ng mundo.
Hindi po natigil ang trabaho natin. Nagsagawa tayo ng livelihood
interventions, upang maging mas mabilis ang pagbangon ng mga
nasalanta nating kababayan. Ngayong Hulyo nga po, 221,897
trabaho na ang nalikha matapos tayong magkaloob ng bangka,
kagamitan sa pangingisda at pagtatanim, mga binhi, at livestock.
Kasama na rin po dito ang mga sinuwelduhan nating naging
kabahagi ng cash for work program.
Tanggap naman po siguro ng lahat na malaki ang problemang
dala ni Yolanda. Ayon nga po sa international standards, kapag
nangyari ang ganitong klaseng sakuna, isang taon ang inaabot
bago matapos ang relief at mag-umpisa ang rehabilitasyon ng
isang bansa. Pero sa loob lang ng 8 buwan, idineklara ng United
Nations na nasa yugto na tayo ng rehabilitation. Si Ginoong Yuri
Afanasiev ng United Nations Development Programme na nga po
ang nagsabi, and I quote: "We have never seen a recovery
happen so quickly. And many of us have been in many different
disasters."
Mahabang panahon ang bubunuin para tuluyang makabangon sa
mabibigat na sakuna. Sa Haiti, dalawang taon na ang nakalipas
mula ng lindol, at marami pa rin ang nasa evacuation center. Ang
mga kapatid natin sa Indonesia, inabot ng walong taon para
maka-recover sa tsunami sa Aceh. Mismong sa Amerika nga po,
sinasabing walong taon ang inabot para makabalik sa dati
matapos humagupit si Hurricane Katrina.
Hindi pa po tapos ang ating trabaho. Marami pang bahay na
kailangang ipatayo; marami pang mga kababayan natin ang
kailangang ibangong muli; patuloy pa rin ang pag-build back
better para sa mga hinagupit ni Yolanda.
YOLANDA REHAB. Interior Secretary Mar Roxas speaks to
President Benigno Aquino III at the destroyed Tacloban City
Airport in November 2013. File photo by Malacanang Photo
Bureau
Kaya nga po: Ngayong Hulyo, isinumite na sa atin, at nilagdaan
na rin natin, ang LGU Rehabilitation and Recovery Plan para sa
Cebu, Iloilo, Samar, Eastern Samar, Leyte, at Tacloban City.
Pumasa po ito sa masusing pagsusuri ng mga cluster ng
Gabinete; laman nito ang mga pangangailangan ng ating mga
kababayan, ayon na rin sa isinasagawang malawakang post-
disaster needs assessment. Nabuo po ang planong ito sa
maigting na pagsisikap ni Secretary Ping Lacson, na inatasan nga
nating tumutok sa mga hamong iniwan ni Yolanda. Umaasa po
ako sa pakikiisa ng Kongreso, dahil malaking halaga ang
kailangan, upang tuluyan nang maibangon ang ating mga
kababayan.
Alalahanin po natin: Nasa Diyos nga raw po ang awa; nasa tao
ang gawa. Ito rin ang parehong ideya sa likod ng ating mga
hakbang para sa disaster preparedness. Binigyang-lakas natin
ang mga LGU na siyang mga frontliner tuwing bagyo, at ibang
sakuna gamit ang moderno at malawakang forecasting system.
Sa DREAM-LiDAR project sa ilalim ng Project NOAH, halimbawa,
napapadali ang pagtukoy kung saan ang mga lugar na pinaka-
babahain. Nakamapa na po ang 19 sa target nating 20 river
systems para matukoy kung ano ang mga lugar na agad
naapektuhan tuwing bumubuhos ang ulan.
6
Dahil mas eksakto na ang pagtukoy natin kung kailan at saan
tatama ang epekto ng bagyo, ngayon po, napapaaga ang
paghahanda at pagbibigay babala ng ating mga LGUs. Maaga na
ring naililikas ang kanilang mamamayan. Kung ang maayos na
forecasting, tatambalan pa natin ng mahusay na LGU, talaga
naman pong maraming buhay ang maililigtas. Sa Albay na
hinagupit kamakailan ng Bagyong Glenda, walang naitalang
pumanaw dahil sa bagyo, salamat sa mabuting pamamahala ni
Governor Joey Salceda. At kung kaya itong gawin ng isang
probinsya na siya ngang parang natawag na nga po na highway
ng mga bagyo, bakit naman tayo magdududa na kaya ito ng
lahat?
Pag-usapan naman natin ang seguridad. Mulat po tayo sa mga
hamon sa bansa, at alam din nating mahal ang kailangan nating
mga kagamitan. Ngayon po, ikinalulugod kong iulat sa inyo:
Tuluy-tuloy ang modernisasyon ng AFP. Nakuha na natin ang
brand new na 8 Sokol Combat Utility Helicopters, tatlong
AgustaWestland-109 helicopters, at ang kauna-unahang landing
craft utility ship na ginawa dito mismo sa ating bansa, ang BRP
Tagbanua. Dumating na rin po ang apat na refurbished UH-1
helicopters at 2 navy cutters. Nito namang nakaraang Mayo,
pinasinayaan na rin natin ang state-of-the-art Command Center
ng Naval Forces West sa Palawan.
Sa susunod na taon, lalapag na ang 2 sa 12 na FA-50 lead-in
fighter trainer jets na binili natin. Ang natitira naman po,
inaasahan nating maidedeliver bago matapos ang 2017. Target
din nating makuha ang karagdagang brand new na 8 Bell combat
utility helicopters, 2 anti-submarine helicopters, 10 pang
AgustaWestland-109 helicopters, 2 light-lift aircraft, 3 medium-lift
aircraft, mga radar system at iba pang kagamitang magpapaunlad
sa kakayahan ng ating Sandatahang Lakas. Samantala po, sa
Setyembre ng taong ito, inaasahan ang pagdating ng
karagdagang 17 refurbished UH-1 helicopters.
Dumating na rin ang paunang mga M4 assault rifles na binili natin
para sa kasundaluhan. Sa mga susunod na buwan, ang
kabuuang bilang ng baril na mapapasakamay ng ating mga
kawal: 50,629 na ng M4 units. Ang bonus pa: dahil sa maayos na
proseso ng procurement at tapat na pangangasiwa sa pondo,
may savings tayo na mahigit 1.2 billion pesos savings, ito pong
savings ay ipinambibili na natin ng mas marami pang baril.
Ididiin ko lang po: Brand new at de-kalidad ang lahat ng ripleng
ito. Di po ba noong araw: naubos na nga ang pondo, hindi pa
alinsunod sa ispesipikasyong kailangan natin. Tulad po nang binili
nilang Kevlar Helmets. Imbes na sa US, sa ibang bansa sila
bumili. May na-convict na po dahil dito. Pati ang isang hukom na
diumano'y sangkot dito, natapos na ang imbestigasyong inutos ng
Korte Suprema, at hinihintay natin ang kanilang pasya.
Tuloy ang pagtugis natin sa kalaban ng estado at masasamang
elemento para sa mga krimeng ginawa nila. Halimbawa nga po:
Nahuli na ang Chairman at Secretary General ng NPA nitong
Marso. Nanunumbalik na rin po ang normalidad at kaayusan sa
31 probinsyang dating ginambala ng NPA.
Nagbabago na rin nga po ang mukha ng ating kapulisan. Patunay
po rito ang 30 pulis, sa pangunguna ni Inspector Charity Galvez,
na tumalo sa tinatayang 250 NPA na sumugod sa kanilang
presinto noong 2011. Nitong Marso naman po, 4 na bagitong
pulis ang buong-tapang na sumagupa laban sa Martilyo Gang sa
Mall of Asia. Mabuti nga po't naabot na ang 1:1 police to pistol
ratio, kaya't na-isyuhan na rin ng bagong baril ang ating mga
rookie policewomen. Dati, nakakaligtaan ang kapulisan; ngayon,
kinakalinga na sila ng estado, at talaga namang tinutumbasan nila
ito ng wagas at masigasig na serbisyo.
Nito naman pong Hunyo, naging sunod-sunod ang high-profile na
pamamaslang. Arestado na ang ilang mga sangkot sa pagpatay
kina Mayor Ernesto Balolong, sa negosyanteng si Richard King,
at may sinusundan na ring magandang lead ang ating kapulisan
sa pagpatay sa racecar driver na si Ferdinand Pastor. Huwag po
kayong mag-alala: hahabulin natin ang hustisya sa kabuuan, hindi
ang bahagi lamang. Kaya bukod sa mga ginawa nating pag-
aresto, patuloy tayo sa paglikom ng ebidensiya laban sa iba pang
suspect. Pananagutin natin ang lahat ng may-sala.
Pinapaigting pa natin ang pangangalaga sa seguridad ng
taumbayan. Simula ika-16 ng Hunyo ngayong taon, ipinapatupad
natin sa NCR ang Operation Lambat. Matapos nating triplihin ang
dami ng checkpoints at magsagawa ng iba't ibang operasyon, ang
resulta: 862 sasakyan at 29 firearms ang nakumpiska natin.
Nakapag-serve tayo ng 587 warrants of arrest, na nagresulta sa
pagkakaaresto ng 410 suspect. Ibinalik din natin ang Oplan Katok
para matiyak na ang may tangan ng lisensyadong baril ay ang
karapat-dapat lamang. 28,714 na bahay sa NCR ang kinatok ng
mga pulis para sa operasyong ito.
Bago natin ipatupad ang Oplan Lambat, mula Enero hanggang
ikalawang linggo ng Hunyo, ang murder at homicide sa National
Capital Region, umaabot sa 31 kaso kada linggo. Sa limang
linggo pa lang ng operasyon, ang murder at homicide: Bumaba
na sa 22 kaso na lamang kada linggo. 29 porsyentong pagbaba
ang naitalakatumbas ng 9 na pagpatay ang napigilan natin
kada linggo. At sa NCR pa lang po ito. Kung maisasabatas natin
ang pension reform, at makakakalap nga tayo ng sapat na pondo
para sa dagdag na pulis at para matuloy ang planong pagbili ng
kagamitan, lalong mapapalawak ni Sec. Mar Roxas ang
Operation Lambat, upang gawing mas ligtas ang buong bansa.
Nasa ilalim nga po sana ng DAP ang pondong pang-kagamitan,
pero dahil hindi ito na-obligate bago bumaba ang desisyon ng
Korte Suprema, kailangan po nating maghanap ng pagkukunan
ng karagdagang pondo.
Tunay nga po: Tiwala ang pundasyon ng mabuting pamamahala.
Tiwalang maaasikaso ang lahat ng tinamaan o tatamaan ng
bagyo; tiwalang sa bawat araw ng trabaho, ligtas mong mauuwian
ang pamilya mo. Tiwala na hindi kayo lalamangan ng inyong mga
pinuno; tiwalang nariyan ang inyong gobyerno, kakampi ninyo,
lalo na kung kayo ang nadedehado. Tiwala na mananagot ang
mga nang-abuso, at maitatama ang mga proseso at institusyong
ginamit para nakawan kayo. Tiwala na kung sumunod ka sa
tama, makukuha mo kung ano ang dapat sa iyo. Ang pagbabalik
ng tiwala ninyo: Iyan po ang ibig sabihin ng reporma.
Praising Customs
Halimbawa: Sa Customs, na talaga naman pong sinubok ang
7
ating pasensya noong nakaraang mga taon. Naging malinaw sa
atin: Reset button ang solusyon. Bumuo po tayo ng mga bagong
tanggapan para suriin at gawing epektibo ang mga patakaran sa
Customs. Nagtalaga tayo ng bagong commissioner, anim na
bagong deputy commissioner, kasabay na rin ang 40 pang iba
pang maaasahang indibidwal para ipatupad ang ating mga
reporma. Ibinalik din natin sa tamang posisyon ang mga
empleyado. Totohanang ipinagbawal ang mga guwardiyang
umaastang kahera, o warehouseman na ginagawang examiner.
Marami nga po ang nagsasakripisyo para ayusin ang Customs.
Kabilang dito ang mga kawani mula sa ibang departamento at
ahensiya ng gobyerno, na hiniling nating lumipat sa Customs
dahil tiwala tayo sa kanilang integridad. Sino nga ba naman ang
naghahanap ng sakit ng ulo, lalo pa't walang garantiya ng
tagumpay? May mga ipinagpaliban ang kanilang promotion. May
mga nagpahiwatig din ng agam-agam dahil sa takot na balikan
sila ng mga sindikato. Pero sa huli, tumugon sila sa ating
panawagang maglingkod. Marapat lang na personal kong
pasalamatan ang lahat ng kawaning ito, sa pangunguna na nga ni
Commissioner Sunny Sevilla.
Pinapatunayan po natin: Sa paninindigan at pagkakaisa, kayang
linisin kahit pa ang isang institusyong napakahabang panahon
nang dinungisan ng katiwalian. Patunay po rito ang good news na
natatanggap natin: Mula Enero hanggang Abril 2014, umangat ng
22 porsyento ang cash collections ng Customs kumpara sa
parehong panahon noong nakalipas na taon. Ang kabuuan nilang
koleksiyon sa unang apat na buwan ng taon: 117 billion pesos.
Ang masasabi ko naman sa mga patuloy na rumaraket: Alam
kong hindi na kayo tinatablan ng takot at kahihiyan. Nasa inyo
kung makukunsensya kayokung maaawa kayo sa mga
nalululong sa drogang pinapapasok ninyo, o pahihintulutang
pumasok sa mga magsasakang napagkakaitan ng tamang kita.
Ang sa akin lang: Kapag sumapat na ang nililikom na ebidensiya
laban sa inyo, sa Bilibid ang susunod ninyong destino.
Kung pag-uusapan natin ang mga repormang nagsisimula nang
magbunsod ng malawakang kaunlaran, marapat din pong ibalita
ko sa inyo ang mga pangyayari ukol sa repormang agraryo.
Alam naman po natin, at malinaw sa batas: kailangan munang
tukuyin ang maaari at hindi maaaring ipamahaging lupain. Pero
ang masaklap, ipinamana sa atin ang bungi-bunging datos. Bakit
kanyo: Taong 1913 pa sinimulan ang Cadastral Survey, na
tutukoy ng hangganan ng mga lupaing saklaw ng bawat lungsod,
bayan, at lalawigan sa Pilipinas.
Isa pang problema: Inuna ng mga nakaraang administrasyon ang
distribusyon ng mga lupaing madaling ipamahagi tulad ng mga
government-owned land, at lupaing napagkasunduan na ng may-
ari at magsasaka. Ang naiwan sa atin ay mga lupaing maraming
kumplikasyon, at ugat pa ng mahabang debate at demandahan.
Dagdag din nga pong suliranin ang masalimuot na sitwasyon sa
ARMM. Ang lupa ng ARMM ay tinatayang 1.5 milyong ektarya.
Pero ang lupang nakatala na dinatnan natin ngayon ay nasa 2.9
million hectares dahilsa patung-patong na pag-angkin ng lupa.
Nagtataka nga po si Governor Mujiv Hataman ng ARMM at
tinanong nga sa akin minsan: Paano kaya nanganganak ang
lupa?
Wala po tayong balak na ipasa ang mga suliraning ito sa susunod
sa atin, para pag-ugatan lang ng panibagong mga problema at ng
lalong pagkaudlot ng repormang agraryo.
Sa 2015, makalipas ng 102 taon, matatapos na rin ang Cadastral
Survey. Ngayong taon, ihahain din nating muli sa Kongreso ang
panukalang batas para i-extend ang paghahain ng Notice of
Coverage, na hindi agad natapos nang husto dahil nga sa mga
problemang kinailangan muna nating solusyonan. Oras na
maihain ang panukalang batas, umaasa tayong maipapasa ito sa
lalong madaling panahon.
Bangsamoro region
Kung tiwala nga po ang pag-uusapan, dapat ding isama ang
Bangsamoro. Matapos ang mahabang panahon ng hidwaan at
napupurnadang negosasyon, naibalik na natin ang tiwala.
Pruweba po nito: Noong nakaraang Marso, nilagdaan na ang
Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.
Pero simula pa lang ito ng ating pag-usad sa landas ng
malawakang pag-unlad sa Mindanao. Wala pong
makakatangging napag-iwanan ang ARMM. Gusto po nating
bigyan ng pantay na pagkakataon ang lahat ng Pilipino, kaya nga
dapat may boost up, para naman maka-catch up ang ating mga
kababayang nasa laylayan. Halimbawa, sa budget na
iminumungkahi natin para sa 2015, 5.17 billion pesos mula sa
budget ng DPWH ay nakalaan para sa imprastraktura ng ARMM.
Kasalukuyan na po nating pinapanday ang panukalang
Bangsamoro Basic Law. Humihingi po tayo ng pang-unawa sa
ating Kongreso ukol rito. Mahalaga pong maging masusi ang
paghimay natin ng bawat probisyong ilalatag. Sa abot ng ating
makakaya, isusulong natin ang isang panukalang batas na
makatuwiran, makatarungan, at katanggap-tanggap sa lahat.
Kung maisasabatas nga po ang Bangsamoro Basic Law bago
matapos ang taon at maisasagawa ang kinakailangang plebesito,
mabibigyan ng isa't kalahating taon ang Bangsamoro Transition
Authority para ipakita ang positibong pagbabago. Kung
maaantala naman ito, natural pong iikli rin ang panahon para
mapatunayan na tama nga ang landas ng kapayapaang tinatahak
natin.
Napakarami na nga po nating narating dahil sa tiwala at wala
tayong balak basagin ang tiwalang ito. Ang gobyerno ninyo
ngayon: mayroong isang salita. Hindi ko na po iisa-isahin ang
mga natupad nating panata sa tuwid na daan; baka masabihan
lang tayong nagbubuhat ng sariling bangko. Pero mahirap din
namang hindi tayo magbanggit, dahil malamang nag-aabang na
ang mga magsasabing wala tayong ginawa. Kaya samahan ninyo
na lang akong magbigay ng ilang halimbawa: Trabahot
pagkakataon para sa napakaraming Pilipino, nalikha at patuloy
8
pang nililikha. Sa katunayan, mula Abril 2013 hanggang Abril ng
2014: nasa 1.65 million ang nadagdag sa bilang ng mga
Pilipinong nagtatrabaho.Minanang kakulangan sa aklat, upuan, at
silid-aralan, napuno na; habang ang mga panibagong
pangangailangan dahil sa K to 12, pinupunuan na rin. 1:1 police-
to-pistol ratio, meron na rin po. Modernisasyon ng Sandatahang
Lakas, nangyayari na. Pangmatagalang kapayapaan sa
Mindanao, sumusulong na. Pag-angat ng ating ekonomiya, tuluy-
tuloy pa rin po.
Sabay-sabay nating natutupad ang ating mga pangarap:
kalusugang pangkalahatan, silid-aralan, trabaho, daungan,
kalsada, paliparan, kaligtasan, kapayapaan. Ang nabawi nating
pambansang dangal, sinamahan pa ng pagkilala ng mundo sa
bagong anyo ng Pilipinas. Ang kaban ng bayang mula sa pawis
ng mamamayan, ginugugol para lamang sa kanilang kapakanan.
Ngayon nga po: Ang problemang dinatnan, nasolusyonan. Ang
nandiyan, tinutugunan. At ang problemang parating pa lang,
pinaghahandaan na rin. Naniniwala ako: Kung mananatili ang
inyong tiwala, masusolusyonan natin ang mga ito.
Tingnan po natin ang sitwasyon sa enerhiya. Ginagawa na po
natin ang lahat para siguruhing natutugunan ang lumalagong
pangangailangan ng bansa. Sa kabila nito, meron pong mga
pangyayaring talagang hindi natin inaasahan, na maaaring
magbunsod ng problema sa susunod na taon. Halimbawa:
Kailangan nating bunuin ang mga kakulangan dahil sa outages
para sa maintenance ng mga lumang planta, ng mga biglaang
paghinto ng operasyon dahil sa pagkasira, at ng delay sa
implementation o pagpapatayo ng mga bagong planta.
Huwag po nating kalimutan, may banta din ng El Nio na
makakaapekto sa kapasidad ng mga hydro powerplant, at
magpapataas pa ng demand sa kuryente. Kung sa ating mga
kabahayan nga, lalakas ang gamit natin ng electric fan o aircon
dahil sa init ng panahon, lalo naman po sa mga industriya at
negosyo. Hindi ito kasing-simple ng pagpunta sa tindahan at
pagsabing, "Pabili nga po ng 600 megawatt generator, at paki-
install na rin bukas."
Ang habol natin: kumpletong paghahanda para hindi tayo
maparalisa sakaling mangyari ang worst-case scenario. Dapat,
kahit sa susunod na taon pa uusbong ang problema, meron na
tayong pinaplanong solusyon para dito. Kaya nga po inatasan ko
si Secretary Icot Petilla ng DOE: Makipag-ugnayan ka sa Joint
Congressional Power Commission, sa Energy Regulatory
Commission, sa industriya, at pinakaimportante sa mga
consumer, upang madagdagan ang kakayahan nating tugunan
ang problema sa enerhiya.
Batid ko rin po na apektado ang mga Boss natin sa pabugso-
bugsong pagtaas ng presyo ng bigas. Mukhang totoo nga po ang
mga ulat: May ilang mga halang ang bitukang hoarder na
itinatago lang ang bigas, para kapag tumaas ang presyo,
ibebenta nila ang stock para kumita nang di-makatuwiran.
Hindi po puwede ito. Kung sa tingin nila wais sila, mas mahusay
ang ginagawang diskarte ng inyong gobyerno. Ang agarang
solusyon: mag-import po ng bigas, i-supply sa merkado, pababain
ang presyo, at panatilihin ito sa risonableng antas, para malugi
ang mga nagsasamantala sa Pilipino.
Noong Nobyembre ng nakaraang taon, nagsimula na tayong
mag-import ng 500,000 metriko tonelada para magsilbing ayuda
sa supply na pinanipis ng nagdaang mga bagyo, at dumating na
lahat ito nitong Marso. Nito ding Pebrero, inaprubahan ng NFA
Council ang pag-angkat natin ng karagdagang 800,000 metriko
tonelada bilang pagpuno sa ating buffer stocking requirement, at
360,750 metric tons na nito ang dumating ngayong Hulyo;
pagdating ng Setyembre, makakarating na ang kabuuan.
Naaprubahan na rin ngayong Hulyo ang agarang importasyon ng
500,000 metriko tonelada ng bigas sa pamamagitan ng open
bidding. May standby authority rin ang NFA na mag-angkat ng
karagdagan pang 500,000 metriko tonelada, bilang paghahanda
sa magiging epekto ng kalamidad sa ani at sa presyo ng bigas.
Kapag dumating ang karagdagan nating inaangkat, mapupuwersa
na ngayong magbenta ang mga hoarder ng bigas na nakatago sa
kanilang mga kamalig. Sa mga hoarder na ito: Kung gusto
ninyong makipagmatigasan, okay lang, subukan ninyo ang
estado. Tandaan lang ninyo: Anim na buwan lang ang itatagal
bago mabulok ang stock sa mga warehouse ninyo. Siguradong
malulugi kayo kapag nalunod na ang merkado sa dagdag na
bigas. Kumikilos kayo kontra sa mga Pilipino; kami naman,
isinusulong ang interes ng bawat Pilipino. Tingnan natin kung sino
ang mananalo.
Bukod po sa pag-iimbestiga sa mga diumano'y nagtago ng NFA
rice, sinisiyasat na rin natin ang lahat ng mga pwedeng
nagkutsabahan sa mga ahensya. Iniimbestigahan na ang mga
empleyadong pinagdududahan upang makasuhan at mapakulong
ang mga may sala sa lalong madaling panahon.
Sabay ng pagtugis sa mga mapang-abuso, patuloy rin ang mga
proyekto natin para alagaan ang mga nasa sektor ng agrikultura.
Ginagawa nating kaakit-akit na kabuhayan ang pagtatanim ng
palay. Alam naman po natin na tumatanda na ang ating mga
magsasaka, kaya malaki ang maitutulong sa food security kung
mahihikayat natin ang mga kabataan na pasukin ang ganitong
hanapbuhay.
Nagkakaloob po tayo ng mga makabagong kagamitan sa
pagsasaka para sa episyenteng pagtanim at pag-aani. Mula 2011
hanggang Mayo ng 2014, naipamahagi na natin ang kabuuang
4,628 production machineries, 11,362 post-production
machineries, at 105 rice mills sa iba't ibang farmer's associations.
Sa tulong po nito, nabawasan ang nasasayang sa ani ng ating
mga magsasaka. Bukod rito, pinapaunlad natin ang mga patubig,
nagpapagawa tayo ng farm-to-market roads, at nagsusulong ng
training programs upang masagad ang kanilang kita.
Supplemental budget
Pag-usapan naman po natin ang budget. Ang Ehekutibo,
nagmumungkahi ng mga proyekto at programa; inaaprubahan
naman ito ng Kongreso. Kailangan nga lang po nating itigil ang
ilan, para makasiguradong sumusunod tayo sa naging desisyon
9
ng Korte Suprema ukol sa Disbursement Acceleration Program o
DAP. Alam ko pong kaisa kayong mga nasa bulwagang ito sa
paniniwalang hindi dapat ipagkait ang benepisyo sa ating
mamamayan, at dapat nga itong makarating sa kanila sa lalong
madaling panahon.
Kaya nga po: Ipinapanukala namin ang pagpasa ng supplemental
budget para sa 2014, upang hindi naman maantala ang ating mga
programa at proyekto. Kasabay po nito, nananawagan din tayo sa
pakikiisa ng Kongreso, upang maipasa ang isang Joint Resolution
na maglilinaw sa mga depinisyon at kaisipang tila pinagtatalunan
paat iba pang mga usaping kayo lang sa lehislatura, bilang mga
nagsulat ng batas, ang makakapaglinaw.
Sa unang araw po ng trabaho matapos ang SONA, ihahain natin
sa Kongreso ang panukalang 2.606 trillion pesos na 2015
National Budget. Gaya ng lagi, binuo ito kasama ang
mamamayan, gamit ang stratehiyang naglalaan ng pondo kung
saan lamang ito tunay na maghahatid ng benepisyo. Umaasa po
tayo sa pakikiisa ng ating mga mambabatas na pagtibayin ito,
bilang pangunahing instrumento sa paglikha ng pagkakataon para
sa sambayanang Pilipino.
Mga kababayan: Siya po, at ang marami pang benepisyaryong
tulad niya, ang natatabunan sa tuwing umiingay ang orkestra ng
negatibismo sa balita. Itong maiingay na ito, sadyang isinasara
ang isip at namumuhay sa sariling mundo at riyalidad. Habang
nakikita ang pagbabago sa lipunan, nangyayari na nga ang ating
inasahan: lalong dumadalas, lalong umiinit, at lalong tumitindi ang
pag-atake nila sa atin. Habang lumilinaw ang benepisyo ng
reporma, pahirap nang pahirap ang pag-asang magtagumpay ang
panlilinlang nila, kaya't nagtatanim sila ng duda. Desperado na po
sila.
Bakit nga po ba sila galit na galit? Tingnan po natin ang kanilang
motibasyon. Para sa mga ginawa nang negosyo ang kanilang
posisyon: kung maayos natin ang mga sistema, nawawalan sila
ng pagkakataong mansamantala. Natural lang na kontrahin nila
tayo. Ito namang mga walang ibang layunin kundi ibagsak ang
gobyerno: Puwede lang madagdagan ang kanilang hanay kung
maraming nagdurusa, at nawalan ng tiwala sa sistema. Ngayong
nakukumpuni na ang sistema at natutugunan ang pagdurusa,
nababawasan na ang puwede nilang i-recruit, kaya pakaunti nang
pakaunti ang kanilang bilang. Natural lang din na kontrahin nila
tayo. Ang pinakamaingay na kumokontra sa atin ay ang ayaw ng
transpormasyon, dahil nagsamantala at nakinabang sila sa
lumang kalakaran.
Ganito ko nga po naisip ang ating situwasyon: Para tayong mga
mamamayang matagal na naipit sa isang isla kung saan may
nag-iisang tindahan. Dahil walang pagpipilian, nagpapataas sila
ng kanilang presyo kung kailan nila gusto, at talaga nga naman
pong inaabuso tayo. Inatasan po ninyo akong itimon ang bangka
ng estado tungo sa kabilang isla, kung saan mas maraming
tindahan, mas maraming pagpipilian, mas maayos ang buhay, at
mas malawak ang pagkakataon. Siyempre po, ang nagpapatakbo
ng tindahan sa isla na ating nilisan, ayaw tayong pumalaot, dahil
mawawalan sila ng inaabuso. Lahat, gagawin nila para pigilan
ang ating pagtawid sa kabilang pampang: Sasabihin nilang
pareho lang naman doon; wala naman talagang pagbabago doon.
Itatali nila tayo sa daungan, bubutasan ang ating bangka,
makikipagkuntsabahan para iligaw ang ating biyahe.
Ang totoo po, hindi naman ako ang kinokontra ng mga ito, kundi
ang taumbayang nakikinabang sa tuwid na daan. Kontra sila sa
magsasaka sa Iloilo, na mahigit limampung taong nangarap ng
maayos na irigasyon, at ngayon ay nakikita nang ginagawa ang
Jalaur Multi-purpose River Project. Kontra sila sa napakaraming
estudyanteng hindi na kailangang magsiksikan sa mga
classroom. Kontra sila sa nagkatrabaho dahil nasanay ng
TESDA; kontra sa mga maagang naililikas sa panahon ng bagyo
dahil sa pinahusay na PAGASA; kontra sa mga informal settler na
nailayo sa panganib dahil sa programang pabahay; kontra sa
mga maralitang libre nang nakakapagpagamot sa pampublikong
ospital; kontra sa mga sundalong may modernong kagamitan
kaya mas may kumpiyansa nang ipagtanggol ang bansa; kontra
sa mga Moro at katutubong abot-tanaw na ang kapayapaan. Mga
Boss, kontra po sila sa inyo.
His critics
Ang totoo po niyan, wala pa tayo sa puwesto, inaatake na tayo.
Sanay na tayong sinalubong ng negatibong komentarista sa
almusal, pang-aalipusta sa tanghalian, insulto sa hapunan, may
intriga pa bilang midnight snack. Ngayon nga pong Pangulo ako,
tuloy pa rin ang mga kontra sa pagbabago. Sa tingin ko, maski sa
pagbaba ko sa puwesto, hindi pa rin sila titigil.
Naalala ko po ang isang matandang babaeng nakausap ko dati
sa kampanya. Ang sabi niya sa akin, "Noy, mag-iingat ka. Marami
kang makakabangga." Totoo ang kanyang babala. Pero buo ang
loob kong kaharapin ang mga nakakabanggang ito, dahil alam ko:
iilan lamang sila, at di hamak na napakarami natin. Mas malakas
po tayong mga handang makisagwan tungo sa pagbabago.
Magtatagumpay tayo sa labang ito, dahil tayo ang nasa tama.
Nangarap tayo, nagsimula tayo, nagsikap tayo, nakabuwelo tayo,
at ngayon, umaarangkada na nga po ang Pilipino. Lalong
magiging sulit ang pagod at sakripisyo natin kung itong nasimulan
natin ay itutuloy ninyo.

PROTESTS. Anti-riot policemen use water cannon to disperse
protestors attempting to reach the Philippine Congress in Quezon
City on 28 July 2014, during the state of the nation address
(SONA). Photo by Dennis Sabangan/EPA
Kayo ang haharap sa sangandaan; kayo ang magpapasya kung
magtutuloy ang pagbabago. Tandaan na lang po natin, ito ang
aking ikalimang SONA; isa na lamang ang natitira. Sa 2016, pipili
kayo ng bagong pinuno ng ating bayan. Ang sa akin lang po: Para
ipagpatuloy at mas mapabilis pa ang pagbabagong tinatamasa ng
ating lipunan, iisa lang ang batayan sa pagpili ng papalit sa akin:
Sino ang wala ni katiting na dudang magpapatuloy sa
transpormasyong ating isinasakatuparan?
Kayo po ang Boss, kayo ang lakas, kayo ang gumagawa ng
pagbabago kaya kayo rin ang magpapatuloy nito. Nasasainyo
kung paanong isusulat sa kasaysayan ang mga panahong ito.
Maaari itong maalala bilang tuktok ng ating tagumpay, bilang
magandang simulaing nasayang lang. Pero mas maganda pong
di hamak kung maalala ang mga nagawa natin bilang simula pa
lang ng ating mahabang paglalakbay tungo sa katuparan ng mas
matatayog pang pangarap.
10
Appeal to supporters
Noong minungkahi po ng ilang mga grupo na ako'y tumakbo, ang
sabi nila sa akin noon, hindi namin inaasahan na lutasin mo lahat
ng problema ng ating bansa sa loob ng anim na taon. Pero
simulan mo na sana. Nakita naman ninyo kung saan tayo
nanggaling, at nakita naman ninyong lampas-lampas pa sa ating
mga pinangarap noong simula ang tinatamasa natin ngayon.
Pinapanday na natin ang sistema kung saan talagang patas ang
laban; kung saan ang sumusunod sa patakaran ay nakakarating
sa nais niyang paroonan; kung saan may tunay na kumpetisyong
nagbubukal ng pagkakataon at malawakang kaunlaran; kung
saan ang lahat ay may kakahayang panghawakan ang sariling
kapalaran.
Abot-kamay na ang isang lipunang kayang sumalo sa mga nasa
laylayan; kung saan ang bawat isa ay kumikilala sa kanyang
tungkulin sa kapwa at sa bayan; kung saan tuloy-tuloy at walang-
hanggan ang pakikiambag at sama-samang pag-angat ng
sambayanan.
Papalapit na po talaga tayo sa minimithi nating kinabukasan,
kung saan naghahari ang katarungan, at tunay pong walang
maiiwan.
Ito ang resulta ng reporma, at ito ang ipinaglaban natin, at patuloy
pang ipinaglalaban: Hindi ang pagpapanatili ng nakasanayan,
kundi ang pagbabago ng sistema para makinabang ang lahat.
Mga Boss: Binigyan ninyo ako ng pagkakataong pamunuan ang
transpormasyon. Kung hinindian ko ang hamon na iniharap niyo
sa akin, para ko na ring sinabi na tutulong akong pahabain ang
inyong pagdurusa, at hindi maaatim ng konsensiya ko iyon. Kung
tinalikuran ko ang pagkakataon, parang tinalikuran ko na rin ang
aking ama't ina, at ang lahat ng inialay nila para sa atin; hindi po
mangyayari iyon. Sa paghakbang sa tuwid na daan, pinili ninyo
ang mabuti at ang tama; tumotoo kayo sa akinat ako naman po
ay tumotoo sa inyo.
Filipino worth fighting for
Ang transpormasyong tinatamasa natin ngayon, ay magagawa
nating permanente sa gabay ng Panginoon, hangga't buo ang
ating pananalig at tiwala. At hangga't nagsisilbi tayong lakas ng
isat isa, patuloy nating mapapatunayan na, the Filipino is worth
dying for, the Filipino is worth living for, at idadagdag ko naman
po: The Filipino is definitely worth fighting for.

Vice President Jejomar Binay during the 2014 State of the Nation
Address. Photo by Rappler
Alam po ni Vice President na noong 1987, nagkasama kami, may
kudeta, na-ambush po tayo doon, at tapos noon ay pangalawang
buhay ko na po ito. Hindi natin maiiwasang mag-isip sa mga
binubunggo natin, may araw kayang pagsampa ng entablado ay
ito na ba huling araw, may magtatagumpay bang maglagay ng
bomba; magtatagumpay ba iyong mga maiitim na balak ng atin
pong mga katunggaling gusto tayong ibalik sa maling kalakalan.
At kung dumating nga ang panahon pong iyon at natapos na po
iyong ating pangalawang buhay, masasabi ko ho bang sa lahat
po nang inaabot natin, ako po masasabi ko kuntento na ako.
Kuntento na po ako dahil panatag ang kalooban ko na kung ako
poy mawala na dito, marami po ang magpapatuloy ng ating
tinahak na; baka iyon lang po talaga ang papel ko, na umpisahan
ito.
Nandiyan po ang mga taong katulad ni Cardinal Chito Tagle, at ni
Ka Eduardo Manalo, at tulad ni Brother Eddie Villanueva, Father
Catalino Arevalot Father Jeff Villarin, Salvatier sila po sa sektor
na relihiyoso, itutuloy nila ang ating sinimulan. Meron pong Aris
Alip ng CARD na magtutuloy sa kaniyang ambag pamamagitan
ng micro finance. Nandiyan po ang isang Alice Murphy at ang
kaniyang mga kasamahan sa Urban Poor Associates na talagang
tutuluyan ang pangangalaga sa atin pong mga informal settlers.
Nandiyan po ang ating mga sundalo at kapulisan na talagang
araw-araw naman po pinipilit gawin ang tama, tulad ng ating
bagong Chief of Staff, ang ating mga service commanders, mga
sundalong light reaction battalion at mga JASIG. Iyon pong mga
pulitiko may duda ba na dadalhin tayo ni Senate President
Franklin Drilon at ni Speaker Belmonte sa tamang landas?
Naging pribilehiyo ko rin ho makipagtrabaho at makipag-ugnayan
sa isang Gov. Alfredo Maraon ng Negros Occidental, hindi ko po
kapartido pero sa palagay ko naman po kasama rin niya ako sa
fans club sa tama niyang pamamalakad sa Negros.
Meron rin tayong mga humahangad na bago o mas bata sa aking
pulitiko ayaw ko naman pong sabihing makaluma na akong
pulitiko sa pagtukoy sa mas bata mga taong tulad ni Mayor
Patrick Mabilog at Mayor Len Alonte. Meron din naman mga
sektor na sabihin nating cultured katulad ni Noel Cabangon at ni
Ogie Alcasid na hindi pansarili lang ang iniintindi. Gabi-gabi po,
bago ako matulog, Thank you, nakalagpas pa ako ng isang
araw. Kung sabi nga noong bata kami, Finished or not finished,
pass your paper, ay dumating na sa akin. Palagay ko naman,
nararamdaman kung anong pagbabagong karapatan ng bawat
Pilipinong mangyari.
Mga Boss, kayo ang gumawa ng transpormasyong ating
tinatamasa. Kayo ang susi ng pagpapatuloy ng lahat ng
positibong pagbabagong naaabot natin. Buong-buo ang tiwala ko:
Nasa eksena man ako o wala, tutungo ang Pilipino sa tama
niyang kalalagyan. Kaya hanggang dito na lang po ako.
Magandang hapon sa lahat.

You might also like