You are on page 1of 11

F

I
L
I
P
I
N
O

4

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)
Distance Education for Elementary Schools
SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS
PAGHAHAMBING NG
KATANGIAN TAGLAY NG
TAO, BAGAY, POOK
Department of Education
BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION
2nd Floor Bonifacio Building
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City
Revised 2010
by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),
DepEd - Division of Negros Occidental
under the Strengthening the Implementation of Basic Education
in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).
This edition has been revised with permission for online distribution
through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal
(http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported
by AusAID.
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.

This material was originally produced by the Bureau of Elementary
Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

1
PAGHAHAMBING NG KATANGIAN TAGLAY NG
TAO, BAGAY, POOK










Bago mo pag-aralan ang paghahambing ng katangiang taglay ng tao, bagay,
pook nang may moderasyon, pagbalik-aralan mo muna ang tungkol sa pang-
uri.

A.Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang. Bilugan ang pang-uri.
Guhitan ang inilalarawan sa pangungusap at Isulat sa patlang kung ito ay tao,
bagay o pook.

Halimbawa: ang upuang yari sa nara. Bagay

1. Ang mga mamamayang Pilipino ay mapamaraan sa buhay. ____________
2. Pangarap ko ang isang magandang kapaligiran. _____________________
3. Nais namin ang mga tapat na pinuno ng bayan. _____________________
4. Pangarap namin ang maunlad na pamayanan. ______________________
5. Malaki at malawak na entablado ang ipinagawa ng alkalde ng bayan.
__________________ .







Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang makapaghahambing ng
katangianag taglay ng tao, bagay, pook nang may moderasyon.
matibay

2

B. Punan ang tsart sa ibaba. Gamitin ang mga pangungusap sa pagsasanay A.

Halimbawa: Pang-uri Inilalarawan
Matibay Upuan - bagay







Ganito ba ang sagot mo?

A. 1. Ang mga mamamayang Pilipino ay sa buhay. tao

2. Pangarap ko ang isang kapaligiran. pook

3. Nais namin ang mga na pinuno ng bayan. tao

4. Pangarap namin ang na pamayanan. Lugar

5. at na entablado ang ipinagawa ng alkalde ng bayan.
bagay.

B.

Pang-uri Inilalarawan
1. mapamaraan mamamayang Pilipino tao
2. Magandang kapaligiran pook
3.tapat pinuno tao
4.maunlad pamayanan pook
5.malaki
malawak
entablado - bagay

Kung nakuha mo ang tamang sagot sa mga pagsasanay, magaling! Handa ka na sa pag-aaral
ng paghahambing ng mga katangiang taglay ng tao, bagay o lugar.

Pang-uri Inilalarawan
1.
2.
3.
4.
5.
mapamaraan
magandang
tapat
maunlad
malaki
malawak

3

Pag-aralan Mo

A. Pag-aralan ang larawang ito.













Basahin mo ang maikling talata sa ibaba.

Kambal sina Ben at Rene. Sila ay magkamukha at magkasintaas. Kasinlusog din ni Ben si
Rene. Magkasinputi rin sila.
Sa ugali, silay magkaiba. Si Rene ay mas masipag. Higit na masunurin naman si Ben. Di-
gaanong matalino si Rene na gaya ni Ben. Higit na matulungin naman si Ben.

Sagutin mo ang mga tanong sa ibaba.

1. Sinu-sino ang pinaghahambing sa talata?
2. Anong katangian mayroon si Ben? Si Rene?
3. Anu-ano ang mga paghahambing sa kambal?
4. Paano pinaghahambing ang katangiang taglay nina Ben at Rene?

Muli mong balikan ang talatang binasa mo.
Pansinin ang mga salitang may salungguhit.



4
Ang mga salitang magkamukha, magkasintaas, kasinlusog, magkaiba, mas masipag, higit
na masunurin, di-gaanong matalino at higit na matulungin ay mga pang-uring pahambing.

Ginagamit ang mga pang-uring pahambing sa pagtutulad ng dalawa o higit pang tao, pook o
bagay. Ikalawang antas ito sa paghahambing ng pang-uri.

Ang paghahambing ay maaaring magkatulad o di magkatulad.

Narito ang mga halimbawa ng paghahambing na magkatulad.

1. Magkamukha sina Bing at Bong.
2. Singganda siya ng kanyang kapatid.

Sa paghahambing na magkakatulad, gumagamit ng mga panlaping magka, magsing, sing,
kasing, magkasing, at ga.

Halimbawa:
1. Gamunggo ang nunal niya sa pisngi.
2. Magkasingkisig ang dalawang bata.
3. Siyay kasingyaman ng lolo mo.

Narito ang mga Halimbawa ng paghahambing na di magkatulad.

1. Di-lubhang Maganda si Rea na tulad ni Nene.
2. Di-gasinong matapang si Pepito na tulad ni Benito.
3. Di-kasing sipag ni Joey si Allan.
4. Higit na mataas si Ding kaysa kay Al.
5. Lalong maliwanag ang buwan ngayon kaysa kagabi.
6. Di hamak na matipuno ang katawan ni Dodong kaysa kay Jun.

Sa paghahambing ng di-magkatulad ginagamit ang:

mas di-gasino
higit di-gaano
lalo di-lubha
labis di-totoo

Narito ang ilang salitang-ugat.
Kabitan ng angkop na panlapi upang makabuo ng pang-uring pahambing.

husay 1. Silang dalawa ay ________________.
galang 2. Si Ding ___________kaysa kay Dong.
yabong 3. Ang punong akasya ay __________ ng punong mangga.

5
Ganito ba ang sagot mo?

1. magkasinghusay
2. higit o mas magalang
3. kasingyabong

Tama ka, kung nakuha mo ito.

Narito ang ilang pangungusap.
Alamin kung anong salita/mga salita ang ginamit upang maipakita ang pahambing na pang-uri
sa pangungusap.

1. Higit na maluwang ang kasuotang ito kaysa riyan.
2. Sing-amo ang aso ko sa aso mo.
3. Di-lubhang makinis ang balat ni Zita na tulad ni Ason.
4. Lalong malakas ang ulan ngayon kaysa kagabi.
5. Di-gasinong marami ang pumapasok ngayon kaysa kahapon.
6. Di-hamak na mayaman kayo kaysa kanila.
Ganito ba ang sagot mo?

1. Higit na maluwag 4. Lalong malakas
2. Sing-amo ng aso 5. Di-gasinong marami
3. Di-lubhang makinis 6. Di-hamak na mayaman












Tama ka, kung nakuha mo, maari mo nang gawin ang bahaging
Pagsanayan Mo.
Sa pagtutulad ng dalawa o higit pang tao, bagay o pook ginagamit ang pang-uring
pahambing. Ginagamit din ito sa di-magkatulad na katangian. Kinakailangan may
moderasyon ang paghahambing sa katangiang taglay ng tao, bagay o pook

6



A. Basahin ang talata sa ibaba ng larawan.











Ang Tatlong Bata

Ang mga batang ito ay magkakapatid. Kambal sina Lorna at Ida. Mas matanda si Fe kaysa
kambal. Ang buhok ni Fe ay higit na mahaba kaysa buhok ng kambal. Magkasing-igsi ang buhok
ng kambal. Hindi nga lamang magkapareho ang suot nilang damit.
Piliin at Isulat ang mga pang-uring pahambing sa kuwadernong sagutan.

1. __________________ 2. ___________________
2. __________________ 3. ___________________

B. Narito ang isang tula

Basahin at alamin kung anong pantulong ang ginagamit upang maipakita ang kaantasang
pahambing ng pang-uri.







7
















1. __________________________________
2. __________________________________
3. __________________________________
4. __________________________________

C. Narito ang ilang salitang-ugat.
Gamitin itong kasama ng mga panlapi at salita upang
maipakita ang kaantasang pahambing.

madawag 1. _______ ang kagubatang ito kaysa doon sa amin
magaling 2. Si Ana at si Lisa ay _____________.
mabango 3. ____________ ng kamya ang sampagita.
makapal 4. Ang aklat na ito ay ___________ kaysa sa aklat na binasa mo.
magiting 5. Ang magkaibigan ay ______________.

D. Narito ang ilang pang-uring pahambing.
Itambal ang mga ito sa mga salitang nasa hanay B.

A B
1. higit na makapal
2. magkasingyabong
3. mas malabnaw
4. simbango
5. kasintaas

a. ang kape kaysa tsokolate
b. ng rosal ang sampagita
c. ang aklat kaysa magasin
d. ni Nilo si Pepe
Ang Kambal
Sa baryo Tahimik ay mayroong kambal
Magkasinggandat kapwa mapagmahal
Kapwa masayat mabubuting kaibigan
Laging kasama saan mang lakaran.

Alam ko ring silay magkasinglambing
Lalo na kung kami ay kapiling
Ang isay matalinot higit na magiliw
Ang isa namay lalong mahinhin


8
e. ang aksya at nara
E. Piliin ang angkop na salita na nagpapakita ng kaantasang pahambing sa
pangungusap.

1. Ang manggang ito ay (mas hinog, singhinog) kaysa manggang nabili ko kahapon.
2. ( Magkasimbuti, Simbuti ) sina Itay at Inay.
3. (Lalong maayos, kasing-ayos) ang buhay nila ngayon kaysa noon.










A. Narito ang mga salitang nagpapakita ng kaantasang pahambing. Pagtambalin
ito sa mga pangalan na nasa hanay B.
A

1. simbagal ng
2. mas masikip na
3. kasing-asim ng
4. lalong malubha ang
5. magkasingtulad ng

B

a. kulay
b. sakit
c. damit
d. pagong
e. kamyas
B. Punan ang patlang ng tamang salitang nagpapakita ng kaantasang
pahambing.
Piliin sa kahon ang tamang sagot.



Magaling at nakayanan mong sagutan ang mga pagsasanay.
Maari mo nang gawin ang bahaging Subukin Mo
Mas malusog kasintalino
Mas mataas magkasingkulot
Higit na malawak gamunggo

9
1. Ang buhok ni Edna at Grace ay ______________________.
2. Si Aladin ay _______________ kaysa kay lina.
3. Ang nunal niya ay ______________ ang laki.
4. Ang kanilang palayan ay __________________ kaysa sa amin.
5. Si Magno ay __________________ ni Mario.

C. Piliin at Isulat sa kuwadernong sagutan ang tamang pagpapakita ng
kaantasang pahambing. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Si Fe ay (a. matanda b. mas matanda c. sintanda) kaysa kambal.
2. Ang kanyang buhok ay (a. kasinghaba b. higit na mahaba c. mahaba) kaysa
kambal.
3. Ang buhok ng kambal ay (a. sing-igsi b. magkasing-igsi c. mas maigsi).
4. Ang suot nilang damit ay (a. katulad b. magkatulad c. mas pareho).
5. Ang dalawang bata ay ___________. (a) mabait (b) magkasimbait (c) mas
mabait

D. Punan ang patlang ng tamang pang-uri na nagpapakita ng kaantasang
pahambing.
Gamitin ang salitang-ugat at panlaping ma, kasing, magkasing, at salitang
mas, lalo at higit.

matapat 1. Siyay _________ sa tungkulin kaysa sa iyo.
mahinhin 2. Di ___________ ni Eden si Marita.
magilas 3. Di___________ sina Boy at Bong.
maamo 4. Ang tupa ay ________ kaysa aso.
mainit 5. __________ dito sa loob kaysa sa labas.









Binabati kita! Matagumpay mong natapos
ang araling ito. Maaari mo nang simulan
ang susunod na modyul

You might also like