You are on page 1of 2

Alam Ba Ninyo?

Narito ang Dalawampung Katibayan tungkol sa


Pinakamatanda sa Pilipinas:
Pinakamatandang Simbahang Bakal
Kahit na magkakaiba ang mga petsa ng kanilang pagkakatatag,
ang Simbahan ng San Sebastian sa Maynila ay kaisa-isang
simbahang yari sa bakal sa buong Asya, na itinatag pa noong
ika-18 siglo. Ipagdiriwang nito ang ikasandaang taon noong
1991, subalit hindi naganap, dahil maging ang namamahalang
Katoliko ay hindi nagpakita ng pagmamalasakit sa kanyang
makasaysayang kahalagahan, at maging ang katunayan na si
Alexander Gustave Eiffel (creator of Eiffel Tower in Paris,
France; and Statue of Liberty in New York City, USA) ang
nagdisenyo nito.
Pinakamatandang Restoran
Ang New Toho Food Center ang pinakamatandang restoran na
naisulat (1888, 422 Tomas Pinpin Street, Binondo, Manila).
Limang magkakaibigang Tsino ang nagtatag nito sa Binondo,
Maynila, na kung saan hanggang ngayon ay naroon pa rin ito, at
may bago na itong gusali doon din sa dating kalye ng Tomas
Pinpin (dating San Jacinto) na naitayo matapos tupukin ng apoy
ang gusaling yari sa mga tabla noong nakaraang 1984. Kaya
nagkaroon ng kaunting pagbabago sa pangalan. Dati itong
tinatawag na Toho Antigua Panciteria.
Pinakamatandang Lalawigan
Ang lalawigan ng Aklan, na ang orihinal na pangalan ay Minuro
it Akean, ay ipinapalagay na pinakamatandang lalawigan sa
bansa at pinaniniwalaang naitatag sa paninimula ng 1213 ng
mga nanirahan dito mula pa sa Borneo. Ang unang namuno dito
ay si Datu Dinagandan. At noong 1399 ay inagaw ang trono sa
kanya ni Datu Kalantiaw. Noong 1399, si Datu Kalantiaw,III ay
nagpanukala ng mga panunutunang batas na kilala sa tawag
ngayon na Kodigo ni Kalantiaw.
Pinakamatandang Bayan
Ang bayan ng Unisan, sa lalawigan ng Quezon ay ipinapalagay
na pinakamatandang bayan sa Pilipinas. Ang mga mamamayan
ng Unisan ay itinuturing na ang kanilang bayan ay 481 taong
gulang na, matapos itong maitatag noong 1521, kasabay din ng
taon na matuklasan ni Ferdinand Magellan ang Pilipinas. Ang
lahat ng mga ibang bayan naman sa bansa ay naitatag bago
pumasok ang taong 1565, nang ideklara ang pananakop ng
Espanya sa Pilipinas at gawin itong kolonya. Isang reynang
Malayan na nagngangalang Ladya, ang naiulat na nagtatag ng
Calilayan, ang matandang pangalan ng bayan. Noong 1876, ang
pangalang Calilayan ay pinangalanan ng Unisan na hinango
mula sa katagang Latin na uni-sancti, na ang kahulugan ay
banal na santo.
Pinakamatandang Lungsod
Ang Lungsod ng Cebu ang ipinapalagay na pinakamatandang
lungsod sa bansa, dito nagsimula ang mga naunang pamayanan
na nanggaling sa Europa na itinatag ng Kastilang mananakop na
si Miguel Lopez de Legazpi noong 1565.
Pinakamatandang Tanggulan o Puerto
Ang unang pamayanan sa bansa, ang Villa del Santisimo
Nombre de Jesus, ay matatagpuan sa loob ngPuerto San
Pedro sa Lungsod ng Cebu. Ang tanggulang ito ay sinimulang
itayo noong 1565.
Pinakamatandang Lansangan
Ang Kalye Colon sa Lungsod ng Cebu ang ipinapalagay na
pinakamatandang kalye sa bansa. Hinango ang pangalang ito
mula sa manggagalugad na si Christopher Columbus. Sinimulan
ang konstruksiyon nito noong 1565 ng mga tauhan ni Miguel
Lopez De legazpi.
Pinakamatandang Simbahang Bato
Ang Simbahang Baclayon sa lalawigan ng Bohol, ang
ipinapalagay na pinakamatandang simbahan na yari sa
bato. Subalit may mga tagasulat ng kasaysayan ang tumututol, at
nagpapahayag na ang Simbahang San Agustin sa Maynila ang
nararapat sa titulong ito.
Inaangking ng mga tagasulat ng kasaysayan na ang mga
pundasyon ng simbahan ng San Agustin ay inilatag bago
dumating ang taong 1571, may 25 taon bago naitayo ang
simbahan ng Baclayon, na noong 1596 lamang naitayo. Subalit
karamihan ng tao ay naniniwala na ang titulo ay angkop sa huli,
sa kadahilanang itoy nasa pulo na kung saan ay nakahimpil ang
mga sundalong tropa ni Miguel Lopez De Legazpi, ang unang
Kastilang heneral na gobernador ng bansa.
Sa lalawigang ng Bohol ginanap ang pakikipagkaibigan na
senelyuhan ng dugo sa pagitan ng pinunong si Rajah Sikatuna at
ni Miguel Lopez De Legazpi. Ang makasaysayang pangyayari
na ito ay tinawag na Sanduguang Pagkakaisa o The Blood
Compact.
Pinakamatandang Ospital
Ang Ospital ng San Lazaro sa Maynila ay ipinapahayag na
pinakamatandang ospital sa bansa. Ayon sa kapampangang
tagasulat ng kasaysayan na si Zoilo Galang, ang Ospital ng San
Lazaro ay unang itinatag noong 1578; ang Enfermeria de Naga
ay noong 1583; at ang Ospital ng San Juan de Dios, noong taong
1596.
Pinakamatandang Kampana ng Simbahan
Ipinapahayag na ang pinakamatandang kampana ay
matatagpuan sa Camalaniugan, sa lalawigan ng Cagayan. Ito ay
iniulat na tinubog at nabuo noong 1595.

Ang Pinakamatandang Tulay
Ang Tulay ng Jones sa Maynila na may dating pangalan na
Puete de Espana, ay unang itinayo noong 1701. Muling itinayo
ito ng mga Amerikano noong 1916 at ipinangalan kay Atkinson
Jones.
Pinakamatandang Pamantasan
Ang Unibersidad ng San Carlos (U.S.C.) sa Lungsod ng Cebu
ang ipinapalagay na pinakamatandang pamantasan sa bansa at
maging sa Asya. May dati itong panglan na Colegio de San
Ildefonso, at itinatag ng mga pari na Kastilang Hesuita noong
ika-1 ng Agosto, 1595. Ipinapakita dito na higit itong matanda
pa kaysa Unibersidad ng Santo Tomas (1611) sa Maynila at
maging sa Unibersidad ng Harvard (1636) sa Estados Unidos ng
Amerika.
Ang matandang Semenario-Colegio de San Carlos de Cebu sa
may Kalye Martires (ngayon ay tinatawag na Abenida
M.J.Cuenco) malapit sa Plaza Independencia.
Ang Unibersidad ng Santo Tomas, magkagayunman, ay
tinututulan ang titulong ito. May dati itong pangalan na Colegio
de Nuestra Senora Del Rosario, UST ang unang paaralan, at
nakuha ang kategoryang unibersidad noong 1645. Samantalang
ang USC ay naging unibersidad noon lamang 1948.
Ipinaglalaban ng UST na ang orihinal na USC ay nasarado
noong 1769 dahil sa pagkakatanggal ng mga paring Hesuita.
Binuksang muli ito noong 1783 sa ilalim ng bagong pangalan at
may-ari. Subalit ang mga pinuno ng USC ay nanatili sa kanilang
pag-angkin sa titulo. Ginanap ng unibersidad ang kanilang ika-
400 taong araw ng pagkakatatag noong ika-21 ng Agosto, 1995.

Pinakamatandang Paaralang Bokasiyonal
Ang Don Honorio Ventura College of Arts and
Trades (DHVCAT) sa Bacolor, lalawigan ng Pampanga ang
sinasabing pinakamatandang paaralang bokasiyonal sa Asya.
Ang paring Agustino na si Juan Zita at pinunong sibiko na si
Don Felino Gil, ang magkasamang nagtatag ng paaralang
bokkasiyonal na ito noong ika-4 ng Nobyembre, 1861.
Pinakamatandang Kompanya
Ang Korporasyong Ayala, isa sa pinakamalaking katipunan ng
mga korporasyon sa Pilipinas , ay siya ring nanatiling
pinakamatandang korporasyon sa ngayon. Ito ay itinatag noong
1834 ng mga baron sa asukal na si Domingo Roxas at Antonio
de Ayala. At ipinangalanan sa huli na Casa Ayala, at sumunod
na pangalan ay Ayala y Compania, at sa ngayon ay kilala sa
taguring Korporasyong Ayala.
Pinakamatandang Bangko
Noong 1881, si Domingo Roxas, isang ninuno ng mga angkang
Ayala, ang naging isa sa mga unang direktor ng Banco
Espanyol-Filipino De Isabel,II, na kung saan ay natatag sa
pamamagitan ng kapangyarihan ng isang dekreto royal na
ipinalabas ni Reyna Isabel,II ng Espanya. Nang sumunod na
taon, ang bangkong ito ang kauna-unahang nag-isyu ng salaping
papel sa bansa. Ipinapalagay na kauna-unahang komersiyal na
pribadong bangko, na naglaon ay nakilala sa pangalang Bank of
the Philippine Islands noong 1912. Ang pinakamatanda namang
bangko para sa pag-iimpok ay ang Monte de Piedad, na itinatag
noong 1882, pag-aari ito ng simbahang Katoliko.
Pinakamatandang Military Supply Shop
Ang pinakamatandang tindahan na nagtitinda ng mga
kagamitang pangmilitarya ay sinasabing ang Alfredo Roensch
and Co.
Pinakamatandang Monumento ni Rizal
Ang maipagmamalaking pinakamatanda sa bansa ay ang 20-
talampakang istrukturang bakal na nakatindig sa isang plaza sa
Daet, sa lalawigan na Camarines Norte. Ang konstruksiyon nito
ay iniulat na sinimulan noong ika-30 ng Disyembre, 1898 at
natapos noong Pebrero 1899. Sa paghahambing, ang
monumento ni Rizal sa dating parke ng Luneta sa Maynila, ay
naitayo lamang noong 1912, tinatawag ito ngayong Rizal Park.
Pinakamatandang Bisyo
Ayon sa mga tagasulat ng kasaysayan, ang nganga o pagnga-
nganga ay masasabing pinakamatandang bisyo ng mga
katutubong Pilipino noong unang panahon. Pinatitibayan na ang
ating mga sinaunang mga ninuno ay nagnga-nganga na may
3,000 taon na ang nakalilipas.
Pinakamatandang Kompanya sa Seguro
Ang Insular Life Insurance Company ay itinatag noong ika-26
ng Nobyembre, 1910, at naging pinakamatandang kompanya sa
seguro sa bansa.
Pinakamatandang mga Epiko
Ang epiko ay isang hindi pangkaraniwan na sining sa paghimig
at tradisyong malikhain na namana pa natin sa ating mga
ninuno. Sa pag-aaral na ginawa noong 1962, ipinahayag ni E.
Arsenio Manuel na ang bansa ay mayroong halos 19 na mga
epiko, na kung saan ay naipasa sa kasalukuyang henerasyon
mula sa ating mga sinaunang ninuno sa pamamagitan ng mga
maindayog na paghimig at pag-awit. Ang mga kilala at
tinaguriang mga katutubong epiko ay ang 13 mga epiko ng mga
paganong Pilipino, 2 epikong ng mga Kristiyanong Pilipino, at 4
na epiko mula sa mga Pilipinong Muslim. Kasama dito ang
popular na epikong Lam-ang ng mga Ilokano, Tuwaang ng mga
Manobo, Hinlawod ng mga Sulod, at Bantugan ng mga
Maranaw.
Pinaggalingan: Mga pangunahing pinaggalingan ng
inpormasyon ay kasama sa Ensiklopedya ng Pilipinas ni Zoilo
Galang at Diksyunaryo ng mga Unang Pinoy ni Julio Silverio.
Ang artikulo sa itaas ay ipinadala sa email sa
PHILNEWS.COM

You might also like