You are on page 1of 2

Peach ribbon protest laban sa DAP, dinala sa Gate 7 ng Malakanyang

by Pher Pasion

Bitbit ng isang mag-aaral ng College of Holy Spirit ang kanilang panawagan laban Disbursement Acceleration
Program. Pher Pasion
Dinala mismo sa Gate 7 ng Malakanyang ang protesta ng #ScrapThePork Alliance, Anakbayan-Manila, at Gabriela-
National Capital Region laban sa Disbursement Acceleration Program (DAP).
Tinakpan nila ang kanilang mga mata ng peach ribbons na simbolo ng ni Lady Justice.

Peach ribbon protest sa gate7 ng Malakanyang bilang protesta sa Disbursement Acceleration Program ni Pangulong
Aquino. Pher Pasion
Nagsagawa ng peach ribbon campaign ang mga grupong kontra-DAP at bilang simbolo ng pagsuporta nila
sa impeachment laban kay Pangulong Noynoy Aquino. Naglagay sila ng mga peach ribbon sa ibat ibang lugar sa
Maynila at sa pagkakataong ito sa Gate 7 mismo ng Malakanyang, sa harap ng College of the Holy Spirit.
Ang pagdadala ng kampanyang peach ribbon sa mismong pinto ng Malakanyang ay parang pagdadala namin sa
mismong mukha ni Aquino para panagutin sa DAP. Nais naming makita ni Aquino ang pagnanais ng mga
Pilipinong malaman ang katotohanan at managot ang lahat ng sangkot dito, ayon kay Ram Carlo Bautista,
tagapangulo ng Anakbayan-Manila.
Higit na nakakagalit umano ang patuloy na pagdepensa ni Aquino at mga nasa gabinete nito sa DAP. Samantala,
patuloy naman ang matinding kahirapan at pagpapabaya sa mga batayang serbisyo ng mahihirap na kababaihan at
mamamayan, ani Jinky Panganiban, tagapangulo ng Gabriela-Metro Manila.
Kanila umanong dadalhin ang peach ribbon protest sa araw ng State of the Nation Address ni Aquino sa Lunes,
Hulyo 28.
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=30562
- See more at: http://pinoyweekly.org/new/2014/07/peach-ribbon-protest-laban-sa-dap-dinala-sa-gate-7-ng-
malakanyang/#sthash.svd7lTRo.dpuf

You might also like