You are on page 1of 2

Pista-protesta para sa wikang Pilipino, isinagawa sa Mendiola

by Pher Pasion

Pagtatanggol ng kabataan sa Wikang Filipino sa Mendiola. Pher Pasion
Nagmartsa patungong paanan ng Malakanyang sa Mendiola sa Maynila ang mga propesor, mag-aaral, at iba pa sa
ilalim ng Tanggol Wika, isang alyansa na tumututol na tanggalin ang Wikang Filipino sa kolehiyo.
Tinawag nilang Pistang Protesta para sa Wika at Bayan ang nasabing pagkilos.
Layon kasing gawin na lamang optional ang pagtuturo ng Wikang Filipino sa kolehiyo base sa inilabas na
Memorandum No. 20 Series of 2013 ng Commission on Higher Education (CHED) pagdating ng 2016 o sa taon na
buong maipapatupad ang K to 12 program.
Nais namin sabihin sa gobyerno, panahon na na umaksyon dapat si (Noynoy) Aquino na pagkaroon ng Filipino
sa tertiary level dahil ang CHED ay hindi umaaksyon sa aming kahilingan. Bilang chief executive, inaasahan na ang
presidente ng Pilipinas ay makikinig sa panawagan na magkaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo at maging
wikang panturo ito sa lahat ng antas, ayon kay David Michael San Juan, propesor mula De La Salle
University at convener ng Tanggol Wika, sa panayam ng Pinoy Weekly.
Ayon kay San Juan, bahagi ng pagiging neokolonyal na katangian ng edukasyona ng layon ng pagtatanggal ng
Wikang Filipino. Nakabalangkas pa rin umano ang edukasyon ng Pilipinas sa pangangailangan ng ibang bansa.
Paliwanag pa niya, maaaring mawalan ang libu-libong guro sa Filipino ng trabaho kung matuloy na matanggal ang
Wikang Filipino sa kurikulum. Pero higit na mahalaga na apektuhan ang kultura mismo ng mga Pilipino, ang
kanilang pagmamahal sa sariling identidad, ang kanilang pagiging makabayan, at pagkakaroon nila ng sariling wika.

Commission on Higher Education Memorandum no. 20, ipinababasura ng Tanggol Wika.Pher Pasion
Ang Wikang Filipino kasi ang wika ng ordinaryong mga mamamayan. Ito ang kailangan para lahat tayo
makipagtalastasan sa ibat ibang larangan. Kapag ito ay nagamit na natin sa ibat ibang larangan, senyales maaari na
tayong umunlad hindi lamang sa edukasyon kundi maging sa ekonomiya. Dahil mabilis ang kaunlaran kapag
nagkakaintindihan tayong lahat at gamit natin ang sarili nating wika, ayon kay San Juan.
Naniniwala naman ang League of Filipino Students (LFS) na may kaugnayan ang programang K-to-12 ng
administrasyong Aquino sa pagtatanggal ng Wikang Filipino. Sadya kasi umanong pinapatay ang pagiging
makabayan ng mga Pilipino at ihanda sila sa pangangailangan ng global market para pagkunan ng murang lakas-
paggawa.
Nanawagan ang LFS na dapat ibasura ang programang K to 12. Nagiging balakid lamang umano ang K to 12 para
ilabas ang potensyal ng mga kabataan na paglingkuran ang sariling bayan.
Lilikhain lamang nito (K-to-12) ang malakihang paglikha ng mga semi-skilled na manggagawa para maglingkod sa
ibang bansa. Sa ilalim ng K-to-12, ang paghawak ng diploma ay tulad ng pagtatatak sa mga ito ng ready for
export, ani Charlotte Velasco, tagapagsalita ng LFS.
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=30583
- See more at: http://pinoyweekly.org/new/2014/07/pista-protesta-para-sa-wikang-pilipino-isinagawa-sa-
mendiola/#sthash.nBPHwM3e.dpuf

You might also like