You are on page 1of 3

Ikatlong impeachment complaint vs Aquino dahil sa EDCA, isinampa sa Kamara

by Pher Pasion

Pinangunahan ng dating Bayan Muna Reps. Satur Ocampo at Teddy Casino, gayundin si Atty. Evalyn Ursua at iba
pang progresibong lider, ang pagsampa ng ikatlong impeachment complaint laban kay Pangulong Aquinongayon
naman dahil sa paglagda niya ng Enhance Defense Cooperation Agreement. Inindorso ito sa Kamara nina Gabriela
Reps. Luzviminda Ilagan at Emmi de Jesus at ACT Teachers Rep. Antonio Tinio. Pher Pasion
Isinumite sa Kamara ang ikatlong impeachment complaint laban kayPangulong Aquino kaugnay sa pagpasok ng
administrasyon sa kasunduang pangmilitar sa gobyerno ng Estados Unidos (US) na Enhance Defense Cooperation
Agreement (EDCA).
Pinaninindigan ng mga complainant na tahasang nilabag ni Aquino ang Saligang Batas sa pagpayag na muling
magbase-militar ang armadong puwersa ng US sa buong Pilipinas.
Abril 28 nitong taon nang pirmahan ng mga kinatawan ng Pilipinas at US ang EDCA bago dumating sa bansa si US
Pres. Barack Obama. Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), mas masahol pa umano ang EDCA sa
naunang PH-US Visiting Forces Agreement (VFA).
Inindorso ng mga kinatawan ng ACT Teachers Party-list at Gabriela Womens Party ang nasabing impeachment
complaint na binubuo ng 21 signatories na kanilang inihain sa secretary-general ng Kamara.

Nilagdaan ng mga miyembro ng Lila Pilipina, isa sa petitioners, ang ikatlong reklamong impeachment laban kay
Pangulong Aquino. Pher Pasion
Ayon kay Satur Ocampo, presidente ng Makabayan Coalition, culpable violation of the Constitution at betrayal of
public trust ang kasong kinakaharap ni Aquino sa pagpasok sa nasabing kasunduan.
Malinaw sa provisions ng Saligang Batas na bawal ang foreign military bases, troops, and facilities (sa
Pilipinas). Unless under a treaty to be reapproved by the Congress, provided by the Senate and possibly ratified by
the people. Walang ganyang mgarequirement sa EDCA, ayon kay Ocampo.
Napakalawak at napakatindi umano ang implikasyon ng EDCA na tila ibinenta na ang soberanya ng bansa, dagdag
ni Ocampo.
Naniniwala naman si Gabriela Rep. Emmi de Jesus na matibay na batayan ang EDCA para ma-impeach si Aquino.
Itong EDCA, hindi yata precise yung salitang sell-out. Ito (EDCA) talaga ay give away. Lampas-lampasan pa ito
sa ibang agreements na nakasalang na, ayon kay De Jesus.
Ayon naman kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, malinaw ang paglabag sa soberanya ng Pilipinas at sa mga
probisyon ng Konstitusyon lalo na yung pagbabawal sa anumang dayuhang base at tropang militar. Kitang-kita
umano ito sa EDCA, sabi ni Tinio sa Pinoy Weekly.

Nanumpa sa opisina ng Secretary General ng Kamara ang 21 petitioners ng naturang impeachment complaint. Pher
Pasion
Binukas ng administrasyong Aquino ang buong teritoryo ng Pilipinas sa mga militar at puwersa ng Amerikano.
Isinuko rin nito ang pag-iral ng mga batas at kapangyarihan ng mga korte, dagdag ni Tinio.
Pinapatuloy lang nito ang pagiging dependent ng Pilipinas sa presensiya ng militar ng US at pinagpapatuloy nito
ang pagpapailalim ng foreign policy ng Pilipinas sa interes ng US, ayon kay Tinio.
Parehong mabigat at parehong kailangang panagutin si Presidente Aquino sa kaso ng EDCA (at Disbursement
Acceleration Program). Malinaw ang paglabag sa Konstitusyon at paglabag sa soberanya ang EDCA, ayon kay
Tinio.

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=30538
- See more at: http://pinoyweekly.org/new/2014/07/ikatlong-impeachment-complaint-vs-aquino-dahil-sa-edca-
inihain-sa-kamara/#sthash.7nzmjSh5.dpuf

You might also like