You are on page 1of 3

Kabanata 21: Mga Ayos-Maynila

Sa kabanatang ito, makikita ang hitsura ng Maynila kapag mayroong mga dumarayong dayuhang palabas.
Maraming tao sa teatro ng Variedades sapagkat mayroong pagtatanghal ang isang nagngangalang Ginoong
Jouy. Ang palabas ang isang dulang Pranses na pinamagatang “Les Cloches de Corneville”. Ika-pito at kalahati
pa lamang ng gabi ay wala ng tiket kaya’t pati si Padre Salvi ay wala na rin daw makuha. Sa “entrada general”
ay may mahabang pila ng mga tao na nagnanais pang pumasok. Ang dulaan ay nagliliwanag ng mabuti, may
mga bulaklak at halaman sa mga pintuan at bintana at may makapal na tao na parang kalamay na hinahalukay
kung saan maririnig ang mga tawanan, bulungan at batian.
Sa kabanatang ito, makikilala natin ang dalawang bagong tauhan. Ang una ay si Camaroncocido. Siya ay
mapapansing tila di-kahalo sa mga nag-uumpukang tao. Siya ay mataas na lalaking payat, marahang lumakad
na parang kinakaladkad ang isang paa na tila naninigas, abuhin ang kulay ng kanyang buhok na mahaba at
kulot sa dulo na wari’y buhok ng isang makata. Nakasout siya ng isang amerikanang kulay-kape at pantalong
pari-parisukat ang guhit at mayroon din siyang sombrerong “hongo de arte”. Siya raw ay anak ng isang tanyag
na angkang Kastila ngunit nabubuhay na tila isang pulubi.
Ang ikalawa ay si Tio Kiko. Siya naman ay isang matanda at pandak na lalaki. Mainam daw siyang kabaligtaran
ni Camarococido. Mayroon siyang takip sa ulong sombrero de copa, nakadamit ngt lebitang maluwang at
napakahaba ngunit ang kanyang pantaloon ay napaka-ikli, nakasapatos ng yaong malalaki ng marinero, may
balbas at patilya na mapuputi at kayumanggi ang balat. Nabubuhay siya sa pagdidikit ng mga kartel,
paglalathala at pagbabalita ng mga palabas.
Ayon kay Camaroncocido, ang mga prayle sa pamumuno ni Padre Salvi, at ang mga hindi pari, sa pamumuno ni
Don Custodio, ay tutol sa pagtatanghal ngunit sa totoo raw ay nagnanais ring makakita ng mga
naggagandahang babae sa pagtatanghal. Ngunit ang ilan ay sang-ayon naman daw katulad ng mga opisyal ng
hukbo at pandigmang-dagat, ayudante ng Heneral, mga kawani at matataas na tao, mga taong nakadalaw na sa
Paris, mga lalaking wala pang katipan at yaong mga nagsasabing sila ay bihasa sa salitang Pranses.
Naririto rin si Padre Irene na nagtutungayaw sa operetang Pranses. Makikita rin dito si Ben-Zayb na
nangangatal sapagkat natatakot na mahulian siya ng kamalian sa kanyang pagbabasa ng salitang Pranses.
Napuna dito ni Camarococido ang ilang taong hindi kilala na aali-aligid sa teatro. Nakita niya rito ang isang
pulutong na tila may kausap na naka-anyong militar at ito ay si Simoun. Sa kabanatang ito, maaaring ang pag-
aalsa ay magsisimula na sapagkat dito narinig ni Camarococido ang mga salitang “ang hudyat ay isang putok”
ngunit siya ay nagkibit-balikat lamang.
Makikita rin sa kabanatang ito si Tadeo, na kung saan, lubos ang kanyang pagpapasikat sa kanyang bagong
kasama. Ipnangangalandakan niya na kilala niya halos ang lahat ng mga taong sikat na nasa dulaan ng gabing
yaon. Hindi siya makapasok sapagkat naubusan na siya ng tiket. Sa bandang huli, dumating sina Macaraig,
Sandoval, Isagani at Pecson. Si Basilio ay mayroon daw gagawin kaya’t hindi ito nakasama, dahilan upang ang
tiket nito ay mapunta kay Tadeo.

Kabanata 22: Ang Palabas

Sa loob ng teatro ay punong-puno ng mga tao. Halos iilan na lamang ang mga bakanteng upuan ngunit hindi
makapagsimula ang palabas sapagkat hinihintay ang Kapitan Heneral. Sinasabing ang Kapitan Heneral daw ay
manonood ng palabas na maaaring bunga ng dalawang dahilan: ito ay hinahamon ng simbahan, at ito ay may
pagnanasa lamang na makakita.
Sa loob ay naroroon din si Don Primitivo na naupo sa isang butaka at ayaw ng umalis kahit dumating na ang
may-ari. Ang pagmamatigas ni Don Primitivo ay nagdudulot ng kaguluhan at kasiyahan sa mga taong
naiinip.Habang nagagnap ito ay biglang tumugtog ang marcha real sapagkat dumating na ang Kapitan Heneral.
Nasa loob din ng dulaan si Pepay. Siya ay kinuntsaba ng mga estudyante at siyang gagamitin kay Don Custodio
upang palambutin ang puso nito. Naroroon din si Don Manuel, na panay ang pasaring kay Don Custodio dahil
ang huli ay kalaban ng una sa “ayuntamiento”. Si Macaraig ay nakikipag-tinginang maigi kay Pepay dahil tila
may nais pa itong sabihin. Si Sandoval naman ay kararating lamang sa kanilang upuan buhat sa ibang palko.
Siya ay isa sa mga sumasang-ayon na ang tagumpay ay makakamit nila samantalang si Pecson ay naniniwalang
wala silang mahihita sa lakad nila. Si Isagani ay pangiti-ngit lamang at malamig ang pagtanggap sa mga
pagbati sapagkat nakita niya kani-kanina si Paulit na kasama ni Doña Victorina at Juanito Pelaez. Napukaw
lamang sa sarili si Isagani dahil sa malakas na palakpakan sapagkat magsisimula na ang palabas.
Makikita rito ang ilan sa mga artista sa palabas gaya ni Gertrude, na isang napakagandang babae na
sumusulyap sa Kapitan Heneral. Naririto rin si Serpolette, isang kaiga-igayang babae na taglay ang matapang
nanghahamon na anyo. Ilan pa sa mga kasama nila ay sina Germaine, Grenicheux, Gaspard at Lily.
Sa palabas ay kakikitaan ng kahalayan at pagnanais sa kababaihan ang mga kalalakihang tulad nina Don
Custodio, Tadeo, Macaraig at Pecson ngunit sila ay nalungkot sapagkat hindi itinanghal ang hinihintay nilang
“cancan”.
Sa kabanatang ito, nagsimula ang pagkakagusto ni Doña Victorina kay Juanito sapagkat ito raw ay lalaking-
lalaki at maginoo.

Kabanata 23: Isang Bangkay

Si Simoun at Basilio ay wala sa pagtatanghal. Si Basilio ay abala sa pag-aalaga kay Kapitan Tiyago na noo’y
lubos nang nahuhumaling sa opyo. Nagtatalo ang damdamin ni Basilio kung bibigyan niya ba o hindi si Kapitan
Tiyago sapagkat sinasaktan siya nito kapag kakaunti ang ibinigay niya ngunit makasasama naman kung patuloy
niyang bibigyan.
Nag-aaral si Basilio ng kanyang mga aralin sa medisina ngunit ang ilan sa mga aklat na nasa tabi niya ay hindi
man lamang niya binubuklat. Maya-maya ay dumating si Simoun na matagal ng hindi dumadalaw kay Kapitan
Tiyago. Nabanggit dito na si Simoun ang nagbigay kay Basilio ng ilang mga aklat na pang-rebolusyonaryo na
hindi naman binabasa ni Basilio. Dito ay muling naungkat ang pinag-usapan nila sa kagubatan, ang
paghihikayat ni Simoun na sumali si Basilio sa himagsikan. Ngunit matigas pa rin sa pagtanggi si Basilio.
Binanggit ni Simoun na kung si Basilio ay tutulong, siya raw ang aatasang kumuha kay Maria Clara sa
kumbento. Ngunit sinabi ni Basilio na kamamatay lamang ni Maria Clara kaninang umaga. Sa pagkakabanggit
na ito ay nagitla si Simoun at walang imik na umalis.
Sa kabanatang ito, tinukoy ni Basilio si Simoun bilang isang binatang mayamn, bihasa, Malaya, nakapagpapasya
sa sariling kabuhayn at may magandang kinabukasan. Sa kabilang banda, si Maria Clara naman daw ay
babaeng sing-ganda ng isang pangarap, malinis, lipos ng pananalig at walang kamalayan sa lakad ng
kamunduhan.

Kabanata 24: Mga Pangarap

Katulad ng kabanata nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara, at Elias at Salome sa Noli Me Tangere, ito ay
kabanata rin ng dalawang magkatipan, sina Isagani at Paulita Gomez.
Buhat ng magkatampuhan sa naganap na palabas (sapagkat si Isagani ay nagselos kay Juanito at si Paulita ay
nagselos sa panonood ni Isagani sa mga artistang Pranses), nag-usap ang makasintahan na magtatagpo upang
mag-usap. Dito, nagkaroon sila ng pagkakataong magpaliwanag sa isa’t isa.
Ang mga pangarap na tinutukoy dito ay ang pangarap ng mga estudyante na maitatatag ang Akademya ng
Wikang Kastila at gayon din, ang pangarap ni Doña Victorina na makapiling at makasal siya kay Juanito Pelaez.
Sa una, dahil sa kagustuhan ni Isagani na maisakatuparan ang kanilang mga balak, nakipagkasundo siya kay
Paulita na hindi na ito makikipagtipan sa huli. Ayaw raw maging sagabal ni Isagani sa mga pangarap ni Paulita.
Sa ikalawa, dahil pangarap nga ni Doña Victorina na makasal kay Juanito Pelaez, payag raw ang una na si
paulita ang makatuluyan ni Isagani upang masolo niya si Juanito.

Kabanata 25: Tawanan at Iyakan

Ang mga kabataan ay nagtipon sa “Pansiteria Macanista de Buen Gusto”. Dito ay nagkakatawanan sila at
nagbibiruan ngunit halatang pilit sapagkat sila rin ay kinabakabahan sa maaaring maging katugunan ni Don
Custodio sa kanilang hiling. Sa pangalawang pagkakataon, wala muli rito si Basilio na ayon kay Tadeo ay
marami raw lihim na nalalaman..
May mga handang pagkain dito at ang mga ito ay inialay nila sa mga ilang taong kilala. Ang “pansit lanlang” ay
inialay nila kay Don Custodio dahil katulad daw ng huli, ang pansit lanlang ay maraming sahog. Ang ikalaw ay
ang “lumpiang intsik” na inialay nila kay Padre Irene ngunit ang ilan ay tumutol sapagkat si Padre Irene ay
hindi raw kumakain ng ilong ng baboy. Ang ikatlo ay ang “tortang alimango” na inialay naman nila sa nga
prayle dahil daw sa kanilang “pagka-alimango”. Ang huli ay ang “pansit gisado” na inialay nila sa pamahalaan
at bayan ng Pilipinas. Nararapat lamang daw na ito ay sa Pilipinas ipatungkol sapagkat hindi raw kilala sa Tsina
ni sa Hapon ang pansit. Ang ilan ay nagmungkahi na ialay ito kay Quiroga na nagnanais magtatag ng konsul.
Ang ilan ay nais itong ialay sa Eminencia Negra, na siya naming si Simoun. Dahil dito, ang mga kabataan ay
nagkagulo kaya’t inatasan ni Macaraig si Tadeo na magtalumpati. Tinutulan naman ni Sandoval ang talumpati ni
Tadeo sapagkat ito raw ay halaw sa talumpati ng Puno ng kanilang Liceo ngunit nagpatuloy parin si Tadeo.
Nabanggit rin dito ni Pecson ang tungkol sa mga prayle na kung saan, ito raw ay kasa-kasama natin mula
pagkabuhay hanggang pagkamatay sapagkat lahat daw ay pinamumunuan at pinanghahawakan nila.
Sa huli, ay nagkagulo silang muli sapagkat mayroon daw nagmamatyag sa kanila at sinabing ito raw ay ang
tauhan ng Vice-Rector.

Kabanata 26: PASQUINADAS

Patungo si Basilio sa ospital upang dalawin ang kanyang mga pasyente, ayusin ang kanyang lisensyatura sa
Unibersidad at puntahan si Makaraig. Pagsapit niya sa San Juan de Dios, nalaman niya ang tungkol sa
pagkakadiskubre ng mga paskin sa Unibersidad at sinasabing ang Asosasyon ang may kagagawan nito. Natakot
si Basilio dahil akala niyang si Simoun ay kasangkot rin. Nang kanyang makita si Sandoval ay tinawag niya ito
ngunit parang walang itong narinig, si Tadeo naman nang kanyang makausap ay masayang masaya dahil
walang klase, si Isagani ay nagsabi na wala siyang alam at walang pakialam, tila naghugas kamay. Narinig rin
niya si Isagani na nagtatalumpati sa kanyang mga kaklase hinggil sa pangyayari. Pinupuri niya ang sinuman
gumawa ng mga iyon na siya naming ikinatakot ni Basilio para sa kanyang kaibigan. Pagdating niya sa bahay ni
Makaraig ay may guwardiya sibil na nakabantay, hinuli siya ng mga ito kasama na si Makaraig na tila hindi nag-
aalala sa pagkakadakip sa kanya.

Kabanata 27: ANG FRAILE AT ANG FILIPINO

Ipinatawag ni Padre Fernandez si Isagani sa kanyang tanggapan upang kausapin. Pinag-uusapan nila ang mga
bagay na may kinalaman sa mga kabataang lumalaban sa mga frayle. Sa isang banda ay tila nagtatalo sila.
Sinabi ni Isagani na ang mga prayle ang may kasalanan kung bakit naging ganoon ang pakikitungo ng mga
ilang estudyante nila: nakangiti pagnakaharap, nangaalipusta pagnakatalikod ang mga pari. Nang tanungin ni
Padre Fernandez si Isagani kung ano ang ibig nilang gawin ng mga estudyanteng Pilipino, ang isinagot ni
Isagani ay ang tuparin nila ang kanilang mga sinumpaan. Naging napakatalim din ng mga salita ni Isagani nang
sabihin niyang hinahadlangan ng mga prayle ang pag-aaral ng mga estudyante dahil hindi nila itinuturo ang
nararapat bagkus ay itinuturo nila ay taliwas sa pagunlad.
Sinabi rin ni Isagani na kaya may mga taong walang karakter at moralidad ay dahil na rin sa kagagawan nilang
mga prayle. Ginamit ni Padre Fernandez ang ‘pamahalaan’ bilang pananggalang nang kanyang maisip na
natatalo na siya sa usapan. Sinabi niya na ang gobyerno ay maraming magandang plano para sa bayan ngunit
hindi inaasahang nagkakaroon ng mga kalungkot-lungkot na resulta. Sinabi ni Isagani na ang mga prayle, pati
ang gobyerno ay linilibak ang mga Indio at pinagkakaitan ng karapatan dahil sa kamangmangan.
Matapos ang usapan nila ay nagtungo si Isagani sa gobyerno sibil.

Kabanata 28: TATAKOT

Sa kabanatang ito ipinakita ang iba’t ibang reaksyon at pagtanggap ng lipunan sa pagkakadisubre ng mga
paskin na nagdulot na napalaking tension. May mga nag-uudyok sa Kapitan Heneral na ipapatay ang mga
estudyanteng nahuli at magpasimula ng mga kaguluhan upang mahuli at malinis ang mga Indio.
Sa kabanatang ito rin ay nakita si Quiroga na pinuntahan si Simoun, Don Custodio at Ben-zayb upang itaning
kung dapat ba niya balutian ang kanyang basar dahil na rin nga sa tension sa lipunan nila.
Nang magkaroon ng konting kaguluhan sa simbahan ay inakala ng mga tao na sumiklab na ang rebolusyon na
siyang lalong ikinatakot ng mga tao. Wala nang lumalabas ng bahay sa gabi at napakatahimik ng lugar.
Ipinakita rin dito ang pagkamatay ni Kaptian Tiago. Namatay siyang nakahawak sa bisig ng Padre Irene, na
nagulat at nakaladkad ang katawan ng namatay. Dito rin sinabi na nakapiit si Tadeo at Isagani.

Kabanata 29: MGA HULING SALITA TUNGKOL KAY KAPITAN TIAGO

Si Padre Irene ang namahala sa mga pamana ni Kapitan Tiago. Bahagi ay mapupunta sa sa Sta Clara, Papa,
Arsobispo at Korporasyong relihiyoso; 20 pesos ay mapupunta sa matrikula ng mga dukhang mag-aaral, at ang
25 pesos na binawi ni Kap. Tiago na para sana kay Basilio ay ibinalik ni Padre Irene at sasabihin sa kanya ito
galing.
Pinagtalunan kung ang susuotin ba ay prak na sinasabing suot ni Kap. Tiago nang magpakita siya sa mga
mongha, o isang abito ng Pransiskano na mungkahi ni Kapitan Tinong. Ngunit nanaig pa rin ang desisyon ni
Padre Irene na damitan si Kap. Tiago ng kahit alin sa kanyang mga dating suot.
Napag-usapan din dito kung magsasabong ba si San Pedro at Kap. Tiago, at kung sino ang mananalo. Si Donya
Patrocino naman inggit na inggit sa libing ni Kap. Tiago at tila nagnanais na mamatay na rin at magkaroon ng
libing na higit pa sa naging libing para kay Kap. Tiago.
Kabanata 30: JULI

Naging malaking balita ang pagkakahuli kay Basilio at labis itong pinagalala ni Juli. Siya ay binabangungot sa
kakaisip kay Basilio. Sa pagnanais niyang makalaya si Basilio ay naisip niya si Padre Camorra. Isang salita
lamang ni Padre Camorra ay makakalabas ng kulungan si Basilio. Siya na lamang ang natira sa bilangguan dahil
wala siyang tagapagtanggol at wala rin naman kamag-anak.
Ayaw pumunta ni Juli sa kumbento dahil natatakot siya kay Padre Camora ngunit pinilit siya ni Hermana Bali.
Nang makapasok na sila sa kumbento, kinahapunan ay may nangyaring hindi maganda. May babaeng tumalon
sa bintana at namatay at may babaeng nagtatakbong lumabas ng kumbento na tila wala na sa katinuan.
Pinuntahan ni Tata Selo ang kumbento at hinahanap si Juli ngunit hind siya pinapasok at sa halip ay
pinagtabuyan pa. Hinanap niya ang gobernadorsilyo, Juan de Paz at tinyente ngunit wala ang mga ito. Narinig
sa bayan ang panaghoy ni Tata Selo at kinabukasan ay dinala niya ang kanyang itak at nilisan ang lungsod.
(Upang sumapi sa mga tulisan)

You might also like