You are on page 1of 1

YellowTeam Dinomina ang Chess Boys

Nasilat ni Dani Jim Gan ng Yellow Team mula sa Grade 7 Copernicus sa


pagpigil sa Blue Eagles na lumipad at madagit ang kampeonato para sa Chess
Boys Tournament ng Intramurals sa Library Room ng Caloocan National Science
and Technology High School (CNSTHS) noong Agosto 20, 2013.
Nilimas ni Dandi ang mga opisyales ni Verlanne Bocanog upang ikulong
muli ang hari Ni Verlanne sa isa naming Queen and Rook Hops Style upang
sungkitin ang panalo.
Naunang sinulot ni Dandi ang kinatawan ng Red alert na si Jerome Enriquez
sa pammagitan ng pagsemento sa Hari sa Corner.
Samantala sa Semifinals, pinakain ng alikabok ni Dandi ang kapwa niya
Yeelow Team upang pumorma sa Championship ng Torneyo. Habang tinalo
naman ni Verlanne Bocanog ng Blue Eagles ang pambato at kasalukuyang
kampeon bago ang Chess Boys 2013 na mula sa Green team na si Emmanuel
Sabdao.
Nagging mahigpit ang laban nila sa simula. Defensive-counter attacks ang
nangyaring mga atake mula sa nagbabagang kamay ni Dandi. Lahat ng mga
nanonood ay natutulala sa tuwing gagawa ng isang galaw ang magkalaban.
Sa kalagitnaan pa rin ay nag-iba ng direksyon si Dandi na mula sa Defensive-
Counter ay naging puro atake sya. Marahil ay nataranta si Verlanne, ang Atakeng
ito pala ang sesemento ng kanyang Hari sa korner ng nagbabagang board.

You might also like