You are on page 1of 4

Martinez, Lloyd Alexander O.

2BFM
ALAMAT
Tao, hayop, bagay, lugar at iba pa,
Dito nagsimula kasaysayan nila.
Itoy batayan sa mga bagay-bagay,
Na sa kultura natiy buhay na buhay.

Sinimulan pa noong mga unang panahon,


Hanggang ngayon, di pa rin mawala sa mga tao.
Dahil sa sinubok ng mga pagkakataon,
Sigurado ako, di na ito maglalaho.

Mga mahiwagang pangyayaring kwento,


Dito natutuwa mga kagaya ko.
Minsan ay kapupulutan ng aral,
Dito na nga ata ko nagiging banal.

Importante ito para sa mga Pilipino,


Sinusubok nito ang ating mga pagkatao.
Pano na lamang tayo kung wala tayong ALAMAT?
Kung ako sayo, tayo ay magpasalamat!
MARAMING SALAMAT!!!

Martinez, Lloyd Alexander O.


2BFM
Talumpati: Tagumpay
Magandang hapon mga madlang manonood/tagapakinig. Sa araw na
ito ako ay magtatalumpati tungkol sa tagumpay. Kung paano nga ba
ito nakakamit? Ano ang kailangan mo upang makamit ang tagumpay?
Ano ang pagdaraanan mo para marating ang pinapangarap na
tagumpay?

Una sa lahat, ano nga ba ang tagumpay? Ano ang unang pumapasok
sa isipan mo kapag narinig mo ang salitang tagumpay? --- Siguro para
sa atin ang tagumpay ay ang nakakamit mo sa tuwing ikaw ay
nakakatanggap ng medalya sa mga sinalihan mong contest, palaro, at
kung ano pa man. Pero meron pang mas malalim na kahulugan kung
ano nga ba ang tagumpay talaga. Para sa akin ang tagumpay ay
bunga ng mga gawaing isinagawa at natapos, napatunayan ang
sariling kakayahan, at nagkamit ng papuri o kaukulang halaga. Kung
tatanungin natin ang mga masisipag at ang mga matinding
magtitiyaga, tila sila lang ang makakasagot kung ano talaga ang
tagumpay. Iilan lamang ang nakakaalam na napakahalaga nito sa
ating buhay, sapagkat dito nakasalalay ang ating mga minimithing
kaligayahan sa ating kanya kanyang buhay. Sabi nga sa mga
kasabihan ng mga matatandaPag may tiyaga, may nilaga. Isa lang

ito sa mga raan raan na kasabihan upang makamit ang tagumpay.


Ang ibig sabihin lang nito ay wag tayong susuko hanggat hindi natin
nakakamit ang ating mga minimithi dahil dito nasasabi kung naabot
mo nga ba ang tagumpay o hindi. Lahat ng tao ay maraming
pinagdaraanan bago maabot ang tagumpay, lahat tayo ay dapat
dumaan sa butas ng karayomhindi lahat ng bagay ay agad agad na
nakukuha. Maari kang mabigo habang inaasam ang tagumpay, pero
hindi ibigsabihin non na susuko na tayo sa ating laban. Tandaan,
kelangan lang ng matinding tiyaga at tiwala sa sarili upang makamtan
rin ang minimithing tagumpay.

Sana ay may natutunan kayo sa mga sinabi ko, ikinagagalak ko na


makapagbahagi ng aking nalalaman para makamit natin ang sari- sarili
nating tagumpay. Yun lamang maraming salamat po!

Martinez, Lloyd Alexander O.


2BFM
Sanaysay: Pagibig
Pano mo masasabi kung dumating na ang pagibig para sayo?
Nagmahal ka na ba? Nasaktan? Hindi natin maikakaila na ang pagibig
ay laging mainit na usapan lalo na sa edad natin ngayon na sabik
malaman kung ano nga ba ang pakiramdam nito. Marami na akong
narinig na mga kwento patungkol sa pagibig. Mayroong ibang tao na
akala mo katapusan na ng mundo kung iniwan sila ng kanilang
kasintahan. Yung tipong nakasalalay na ang kanilang mga buhay sa
kanilang karelasyon.
Mayroong ibat ibang estilo ng pagmamahal, yung iba todo todo ang
pagbibigay ng pagsisikap para mapatunayan lang kung gaano niya
kamahal o kahalaga sakanya ang kanyang kasintahan. Yung iba
naman ay tila dinaraan lang sa init ng katawan, na pagkatapos
pagsawaan ang isa, eh lilipat na sa isa pa.
Sabi nga ng karamihan true love waits. Mayroong tamang oras para
sa lahat, sa pagibig. Gaano man katagal yan basta kung nagintay ka,
tiyak ako na magiging maayos ang lahat kung sakali man kayo talaga
ang itinadhana. Pero para sakin, ang pinakagusto ko na pagmamahal,
ay ang pagmamahal ng Diyos para sa atin. Wag natin kalimutan na
kaya nagsakripisyo si Kristo dahil sa pagmamahal niya sa atin. Sana
maibalik natin ang lahat ng binibigay niyang pagmamahal sa atin.
Dahil ang Boypren o Gerlpren, wala lang yan. Wala namang forever
eh. Si God lang forever

You might also like