Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero
kada taon ang pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Nio. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng Hala, Bira! Makikilahok ang buong bayan sa pista, magbabahaginan ng pagkain at inumin, at isang linggong malalango ang mga lansangan. Hinango ang pista sa maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ng mga Kristiyanong mananakop, at ang pagsamba sa Santo Nio na malimit hinihingan ng milagro. Ang selebrasyon ng Ati-atihan ay dinadagsa ng mga lokal at dayuhang turista hanggang ngayon.
Sinulog Festival
Sumisiklab ang Lungsod Cebu, Cebu tuwing Enero dahil sa
pagdiriwang ng Sinulog. Gaya ng Ati-atihan, ang Sinulog ay tinatampukan ng sagradong imahen ng Santo Nio, at sa himig ng Pit Seor! Hala, Bira! ay yayanigin ng tambol, palakpak, at hiyawan ng mga tao ang buong lungsod. Ang Sinulog ay binubuo ng halos isang buwan na paggunita sa mahal na patron ng mga Sebwano, at kabilang dito ang Sinulog Bazaar, ang timpalak Sinulog, ang sining at pangkulturang pagtatanghal, prusisyon, ang parada doon sa Ilog Mactan, ang Reyna ng Sinulog, at ang makukulay na kuwitis na pinasasabog sa himpapawid.
Dinagyang Festival
Ang Dinagyang Festival ay isang relihiyoso at kultural na
pagdiriwang na ginaganap sa lungsod ng Iloilo tuwing ikatlong linggo ng Enero o pagkatapos ng Sinulog sa Cebu at Ati-Atihan sa Aklan. Ginagawa ito bilang pagdiriwang sa pista ng Santo Nio at para na rin sa pagdating ng mga Malay sa Panay na nagdala ng ita sa lugar. Simula ng ito ay gawing taunang selebrasyon, marami ang nakapansin sa pagdiriwang at nabigyan ito ng National Commission for the Culture and the Arts ng karangalan bilang Festival of Excellent Folk Choreography.
Panagbenga Festival
Ang Pista ng Panagbenga o ang Baguio Flower Festival ay ang taunang
kapistahan sa Lungsod Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero. Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya't ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista. Ang salitang panagbenga ay may kahulugang, "panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak". Tatak nito ang magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pagayos ng bulaklak, maningning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa.
Kaamulan Festival
Ipinagdiriwang ang Kaamulan sa lalawigan ng Bukidnon, partikular
sa lungsod ng Malaybalay, simula sa ikatlong linggo ng Pebrero hanggang ika-10 ng Marso. Bilang isang etnikong pagtitipon, ipinagdiriwang ng Kaamulan ang mga tradisyon at pinagmulan ng pitong tribo na orihinal na bumuo sa lalawigan ng Bukidnon. Ang mga tribung ito ay kinabibilangan ng Bukidnon, Higaonon, Talaandig, Manobo, Matigsalug, Tigwahanon at Umayamnon. Marami sa mga miyembro ng nasabing mga tribo ang nagtitipon-tipon na nakasuot ng mga hinabing kasuotan at mga aksesorya katulad ng mga hikaw, kwintas, pulseras, mga anting at iba pang adorno sa katawan. Nagsasayaw sila, kumakanta at gumagawa ng mga ritwal ng makakasama.
Moriones Festival
Ang Pista ng Moriones ay isa sa makukulay na pagdiriwang sa pulo
ng Marinduque. Ang Morion ay nangangahulugan maskara, na parte ng armor ng Romano na ipinapantakip sa mukha noong panahong Medyibal. Ang Moriones ay ang mga taong nakasuot ng maskara at nakagayak, na nagmamartsa paikot sa bayan, sa loob ng pitong araw sa paghahanap kay Longhino. Ang isang linggong pagdiriwang na ito ay nagsisimula sa Araw ng Lunes Santo at nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay.
Flores De Mayo Festival
Ang Flores de Mayo ay ang pista ng bulaklak na ipinagdiriwang ng
mga Filipino sa buong buwan ng Mayo bilang pagbibigay parangal kay Birheng Maria. Bawat isang araw sa buong buwan ng Mayo ay naghahandog ng bulaklak kay Maria para sa kaniyang taglay na huwarang kalinisan at kabutihan. Ang pagdiriwang ng Flores de Mayo ay pinaniniwalaang nagsimula noong 1854 nang ang Vatican ay nag- proklama ng doktrina ukol kay Imakulada Conception. Ito ay unang ipinagdiwang sa Bulacan at kinalaunan ay lumaganap sa mga lalawigan ng Laguna, Batangas, at Pampanga.
Piesta ng Kalabaw
Ipinagdiriwang ang pistang ito ang taos-pusong pagpapsalamat ng
mga mamamayan sa buong taon ng masaganang ani sa kanilang munisipalidad. Ang mga kasiyahan tulad ng pagsayaw sa kalsada; prusisyon ng mahigit na dalawampung pinalamutiang kalabaw; iba'tibang prutas, gulay, bulaklak, mga kendy at iba pang mga talbos na naka sabit sa kawayan ay ilan lamang sa mga nagaganap at napapanood sa dalawang araw na selebrasyon ng pista ng kalabaw. Ang mga kariton na kung saan ang kalabaw ang humihila ay nagsisilbi bilang karosa. Sa unang araw, ang mga magsasaka ay nagbibigay pugay sa mga kalabaw sa pamamagitan ng paglinis at pagpapakintab ng kanilang balahibo at sungay. Ang mga kalabaw na ito ay tinuruan at sinanay lumuhod ilang linggo bago ang okasyon. Sa ikalawang araw, ang mga kalabaw naman ay isasali sa karera. May mga premyong naghihintay sa mga may-ari ng pinakamagandang palamuti sa kalabaw at kariton.
Pahiyas Festival
Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing
ika-15 ng Mayo sa Lucban, Quezon. Sa pamamagitan ng pistang ito, pinasasalamatan ng mga magsasaka dahil sa kanilang masaganang ani ang kanilang patron na si San Isidro Labrador. Ang selebrasyon kalimitan ay isinasagawa sa pamamagitan ng isang prusisyon ng imahe ni san Isidro at ng parada. Lahat ng mga bahay sa bayan ay napapalamutian ng kanilang sariling ani tulad ng mga prutas, gulay, palay, bulaklak, dahon, 'pako' at 'kiping' na siyang nagdadala ng isang makulay na kabuuan.
MassKara Festival
Ang MassKara Festival ay ipinagdiriwang sa Bacolod tuwing
Oktubre. Kilala ito bilang isa sa pinakamakulay na pagdiriwang sa buong Pilipinas. Bahagi ng pagdiriwang ang ilang mga kompetisyon sa pagsasayaw sa kalsada, kung saan lahat ng kalahok ay nakasuot ng makukulay na maskara at magagarbong pananamit. Kasama rin sa pagdiriwang ang patimpalak para sa pinakamagagandang binibini mula sa lungsod, ang MassKara Queen. Mayroon ring mga karnabal, mga kompetisyong pampalakasan at mga konsyerto.
Higantes Festival
Ang Higantes Festival na kilala rin sa tawag na Pista ni San Clemente
ay ipinagdiriwang tuwing ika-23 ng Nobyembre sa Angono, Rizal. Ito ang pinakamalaking pagdiriwang para kay San Clemente, patron ng mga mangingisda. Ang imahen ng santo ay binibitbit ng mga lalaking deboto habang nagpuprusisyon kasabay ang mga pahadores, (mga deboto na nakadamit ng makukulay na kasuotan o ng kasuotan ng mga mangingisda, sapatos na yari sa kahoy at may bitbit na sagwan, lambat at iba pang gamit sa pangingisda) at mga higantes (mga higanteng gawa sa papel na may taas na umaabot sa sampu hanggang labindalawang talampakan.) Nagtatapos ang pagdiriwang sa isang prusisyon patungong Laguna de Bay hanggang maibalik ang imahen ng santo sa parokya.