Professional Documents
Culture Documents
(SPOT.ph) Sa bawat post sa blog na ito, imposibleng walang ganitong comment: Ok sana ang article mo. Ang haba
lang.
Waw.
Page 1
Pati sa Facebook. Magpo-post ka ng flyer or poster ng isang event/programa, nakalagay na lahat ang mga detalye
date, venue, oras. Sigurado at, diyos na mahabagin, lagi at laging merong ganito may magko-comment na: Kelan
to?
Kaya ba ang SPOT.ph ay mahilig mag-Top Ten List ng kung ano-ano? Kasi nga naman, maluwag sa mata ang mga
lista-listahan.
Olats na ba ngayon ang magsulat nang mahaba? Mas marami bang magbabasa ng blog na ito kung bigla akong
nagsingit ako ng ganito?
Page 2
Tama ba ang mga propeta ng lagim sa kanilang pagluluksa sa kamatayan ng mga libro?
Ngayon, napakadali lang na dedmahin nitong bagay na ito. Busy naman tayo lahat para pag-aksayahan pa ng
panahon ang katanungan ni otakuotep421, di ba?
Page 3
Pero hindi. Bigla kong naisip: paano, kung, pagdating ng araw, itong mangmang na ito ang magmamaneho ng
ambulanysang magdadala sa akin sa emergency room? Paano kung sa kamay at (kakaunting) talino nitong
mangmang na ito nakasalalay ang buhay ko? Paano kung siya yung nagda-drive ng ten-wheeler na nasa likod ko?
Ulitin natin ang tanong: dumadami na ba ang mangmang na Pinoy? Pero hindi rin naman ganap na totoo na patay
na ang pagbabasa. Noon pa lang namannung pagkaimbento ang TV at pelikulaay ipinagluluksa na nila ito.
Pero 2013 na, at kung titingnan natin, marami pa rin namang pumupunta sa mga bookstores na hindi bumibili ng
styro at plastic cover (Kahit sabihin nating ang tinatangkilik nila ay mga libro tungkol sa bampira at mga kahalayan
gaya ng Fifty Shades of Gay). Mukhang blockbuster pa rin naman lagi ang annual bookfairs.
So anong problema?
Heto ang ilang mga datos na nakalap ng 2012 Readership Survey ng National Book Development Board.
88% o 49.2 million Filipino adults ang may kakayahang magbasa ng mga simpleng salita.
Ang mga Pilipino na nasa edad 18 to 24 ang pinakamadalas na nagbabasa, sinundan ng mga nasa 25-34 age
bracket.
Karamihan sa mga Pilipinong nagababasa ay college graduate na nagmula sa National Capital Region at
kumikita ng higit P8,000 kada buwan.
12% sa mga Filipino adult readers ang nagbabasa araw-araw. One-third naman o 32% ang nagbabasa at least
isang beses sa isang linggo.
Nababato ka na ba sa mga numero? Naghahanap ka na ba ng punchline? O, heto muna, para magising ka.
Page 4
Ang Bibliya ang pinakasikat at pinakamadalas na basahing non-school book ng mga Pilipino (58%). Sinundan
ito ng mga aklat patungkol sa pag-ibig (25%) at mga cookbooks (21%).
67% ng mga non-school book readers ay nagbabasa ng mga Tagalog non-school books; 50% ang nagbabasa ng
non-school books sa wikang Ingles; 6% sa Bisaya at 6% din sa Cebuano.
Taliwas sa paniniwalang may masamang epekto ang telebisyon at internet sa pagbabasa ng mga Pilipino,
ipinapakita ng National Book Development Board survey na mas nahihilig magbasa ang mga Pilipinong exposed sa
TV at Internet kaysa sa mga hindi nanood ng telebisyon o hindi gumagamit ng internet
Page 5
91% sa mga non-school book readers ang nagsasabing magandang leisure activity ang pagbabasa.
88% sa mga non-school book readers ang nagsasabing magandang panregalo ang aklat.
45% sa mga non-school book readers ang nakabili ng non-school book sa nakalipas na 12 buwan sa presyong
P200 and below
16% sa total number of Filipino households ang may computer, 10% ay may Internet connection. 6% o humigit
kumulang 3.3 milyong Filipino adults naman ang may tablet computer at 2 % o 1 milyon ang gumagamit nito para sa
pagbabasa ng electronic o digital books.
Ayun naman pala eh. Mukhang positibo naman pala ang mga numero. Pero nga ba? O para ba tong mga statistics
ng gobyerno tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas? Kahit sinasabing lumalago nang lumalago ang ekonomiya, eh bakit
parang mas dumarami ang mga ganito?
Kung ako lang naman ang tatanungin, heto ang ilang bagay na dapat tandaan:
Page 6
Nagbabasa tayo hindi dahil sa mensahe, pero dahil masarap magbasa. Masarap mag-trip sa mga salita. Masarap
malunod sa mga pangungusap na astig ang pagkakatahi. Mga salitang nakakalasing, o mas matindi pa. OA ba? Hindi
naman. May mga taong naaadik sa Candy Crush. Puwede ka rin namang maadik sa salita at panulat. Lahat naman ay
puwedeng ma-develop eh.
Marami pa rin ang nag-aantay sa pagdating ng tinatawag na The Great Filipino Novel. Pero posible pa rin kaya ito sa
panahon ng social media? May magbabasa pa rin kaya nito sa henerasyon ng paiksi na paiksing attention span? O
baka naman ang The Great Filipino Novel ay hindi na gaya ng inaasahan natin na may kumbensyonal na anyo. Baka
iba na ang hitsura. Baka may mga video na ito, gifs, pop-up hyperlinks (may gumagamit pa ba ng term na to?),
slideshows, o baka bawat pahina ay puro ganito na lang:
Kung sakali, whats wrong? Sino ba ang nagsabi na ang mundo ay hindi na magbabago? Kung noong araw nga ay
ganito sila magsulat:
Page 7
Na ngayoy makikita na lamang bilang mga tattoo sa braso ng mga adik na nagbabanda.
Sinong makapagsasabi na balang araw ang mga aklat ay hindi magiging ganito?
Page 8
Mabuti na lang at hindi na rin gaano nauuso ngayon ang jejenese, ang kinatatakutang salot na papatay raw sa
intelehenteng ortograpiya at diskurso.
Paano na ngayon kung ang diwa at mensahe ng isang buong aklat ay puwede mo nang gawing caption sa isang
Facebook meme?
Heto na yata yung pinangangambahan noon ni Albert Einstein: I fear the day that technology will surpass
our human interaction. The world will have a generation of idiots.
Wow. Ang galing talaga ni Einstein (Pero bakit niya pinakasalan yung pinsan niya?)
Page 9
Page 10