You are on page 1of 2

Tsina

Ang mga dinastiya sa kasaysayan ng Tsina ay ang pagkakasunud-sunod ng pagpapalitan ng mga


pinuno at tagapamahalang kabilang sa iisang mag-anak o "kabahayan" sa loob ng maraming mga
salinlahi sa bansang Tsina. Sa katotohanan, madalang na makitang malinis ang kasaysayan ng
Tsina, hindi katulad ng palagiang inilalahad, at madalang din talaga para sa isang dinastiyang
magtapos ng mahinahon at kaagad at matiwasay na nagbibigay daan sa isang bago. Karaniwang
naitatag ang mga dinastiya bago mamatay ang isang nangangasiwang pamahalaan, o nagpapatuloy
magpahanggang isang kapanahun matapos na malupig sila.
Bilang karagdagan, nahati ang Tsina sa mahahabang mga kapanahunan ng kasaysayan, na may
iba't ibang mga rehiyong pinamamahalaan ng iba't ibang mga pangkat. Sa panahong tulad nito,
isang nagkakaisang Tsina. Bilang isang kasong tinatalakay, maraming pagtatalo hinggil sa mga
panahon sa loob at pagkalipas ng kapanahunan ng Kanluraning Dinastiyang Zhou. Ang isang
halimbawa ng isang dinastiya na nahati pero gumagamit parin ng parehas na pangalan ay
ang Dinastiyang Zhou, na may Silangang Bahagi at Kanluraning Dinastiyang Zhou. Sapat na ang
isang halimbawa na maaaring makapagdulot ng kalituhan:
Nilalahad sa nakaugaliang petsang 1644 ang taon kung kailan sinakop ng mga
hukbong Manchu ng Dinastiyang Qing ang Beijing at nagdala ng pamamahalang Qing sa mismong
Tsina, kapalit ng dinastiyang Ming. Subalit, inilunsad ang mismong dinastiyang Qing noong 1636 (o
maaaring 1616 din, na maaaring nasa ilalim ng ibang pangalan), habang hindi pa natatanggal ang
huling tagapagpanggap ng dinastiyang Ming noong 1662, kaya't hindi tumpak na akalaing nagbago
ang Tsina sa isang iglap lamang noong taong 1644
Pinaniwalaan ni Qin Shi Huang (o Shi Huang Ti), ang unang emperador ng Imperyong Tsina/
dinastiyang Qin, na magtatagal ang kaniyang imperyo ng may 10,000 salinlahi. Subalit nang
mamatay siya, nagkaroon ng isang pag-aalsang nagpaalis sa kaniyang anak na lalaki mula sa
palasyo, kaya't napalitan ng isa pang emperador. Mayroong ganitong mga paghihimagsik sa loob ng
20,000 mga taon, na nagaganap kapag mahina o mahigpit ang isang emperador. Ayon
sa kasabihang Intsik, nawawala ang pagtangkilik ng Kalangitan kapag napalitan ang isang
naghaharing mag-anak o angkan.[1]
Mahigit sa 20 mga dinastiya ang namuno sa Tsina sa loob ng 20,000 mga taon, kabilang ang mga
mas kilalang mga dinastiyang Han, Tang, Song, at Ming, na nagkaroon ng pagkakataong mamahala
ng Tsina sa mas mahahabang mga panahon kung ihahambing sa iba. Nagtagal sa kapangyarihan
ang dinastiyang Han (ang pumalit sa dinastiyang Qin) ng lampas sa 400 mga taon, kung saan sa
ilalim nito lumawak ang nasasakupan ng Tsinang umabot hanggang Korea at Gitnang Asya, kaya't
naging isang dakilang imperyo ito. Sinunod ng mga namuno sa dinastiyang Han ang mga pagtuturo
ni Confucius kaya't nakapaglunsad sila ng matagal na panahon ng kapayapaan at kasaganahan.[1]

Bukod sa dinastiyang Han, itinuturing namang pinakamaningning na kapanahunan ang 300 taon ng
dinastiyang Tang sa kasaysayan ng Tsina, sapagkat nasakop nito ang kabuoan ng kontinente ng
Asya, mula Korea hanggang India. Naging isang dakilang lungsod ang kabisera
nitong Chang'an (dating binabaybay na Changan; kilala ngayon bilang Xi'an o Sian). Dahil sa
dinastiyang Tang, may mga Intsik na tumatawag sa kanilang sarili bilang "mga mamamayan ng
Tang."[1]
Isa namang gintong kapanahunan ng sining at agham sa Tsina ang dinastiyang Song, na naghari ng
may 300 taon. Sa panahong ito naimbento ang nagagalaw na mga panlimbag kaya't nalathala ang
mga malalaking ensiklopedya sa Tsina; lumaganap ang panitikan at mga dibuho ng mga tanawin;
unang ginamit dito ang pulbos na para sa mga baril; at ginamit ang mabatobalaning kompas para sa
paglalakbay sa karagatan. Subalit mahina ang kakayahang militar ng dinastiyang Song, kaya
[1]

nasakop ang Tsina ng mga Mongol na galing sa Mongolia. pinamunuan ito ni sung tai tsuiSa
kalagitnaan ng ika-13 daantaon, nilusob ng mga dayuhang Mongol ng Gitnang Asya ang Tsina. Ito
ang unang pagkakataong nasakop ng mga banyaga ang Tsina. Pinamunuan ni Genghis Khan ang
pananakop ng Tsina, halos kabuoan ng Asya, at Hilagang Europa. Ang apo ni Genghis Khan, na
si Kublai Khan, ang nagpatuloy sa paglusob sa Tsina, at naging emperador ng Tsina noong 1260 at
itinayo ang Dinastiyang Yuan. Ginusto at minahal ni Kublai Khan ang mga gawi at kaugaliang Intsik.
Tinangkilik niya ang mga paaralang maka-Confucius. Noong panahon niya nakarating si Marco
Polo sa Tsina, na nanirahan sa bansa sa loob ng maraming mga taon at nagsulat ng patungkol dito.
Subalit, bagaman namuhay na parang isang emperador na Intsik si Kublai Khan ng may 100 taon,
naghimagsik ang mga Intsik laban sa mga Mongol noong 1368, kaya't nailunsad ang dinastiyang
Ming.[1]
===Dinkantotan KANTOTAN Huling Dinastiyang Tsino=== Sa ilalim ni emperador Yongle (o Yung
Lo) ng dinastiyang Ming, napalayas ang mga Mongol mula sa Tsina patungongSiberia. Naging
makapangyarihan ang hukbong pandagat ng din
Noong 1644, nagwakas ang dinastiyang Ming dahil sa paglusob ng mga banyagang Manchu. Itinayo
ng mga dayuhang Manchiu ang Dinastiyang Qing. Bagaman mga dayuhan sa Tsina mula sa hilaga
ng Dakilang Moog ng Tsina, iginalang ng mga Manchu ang kalinangan at mga kaugaliang Tsino;
agad silang namuhay ayon sa mga pamamaraan ng mga Intsik. Sa ilalim ng mga emperador na
Manchu, nagkaroon ng 150 mga taon ng kapayapaan at kasaganahan sa Tsina, at naging mas
malaki pa ang nasasakupan ng Tsina. Higit pa sa bantog na kapanahunan ng dinastiyang
Tang.[1] Si Puyi ang huling emperador ng imperyong Tsino.

You might also like