Professional Documents
Culture Documents
ni: J
Nagdaan ang Araw ng mga Puso. Kumita ng malaki ang mga tindahan ng bulaklak, tindahan ng kapote at
tindahan ng balot sa kanto. Malaki rin halos ang kinita ng mga sinehan, restawran at mga motel maging ang
mga pabrika ng tsokolate at stationary. Ang ligayang dulot ng Valentines Day ay binalot sa mga regalong
pinagsumikapang ipunin upang mabigyan ng kahit kaunting saya ang pagbibigyan. Hindi mahalaga ang regalo.
Mas mahalaga ang pag-aalala ng nagbigay sa binigyan. At ang kilig na naramdaman sa piling ng iyong
pinakamamahal ay nakamit sa pamamagitan ng PDA at PMS o kahit sa simpleng HHWW ng magsing-irog. Ang
mahalagay tumitibok ang puso ng bawat isa. And love is in the air.
Kagaya ng mga nagdaang umaga, nagising ako kasabay ng tilaok ng mga manok sa kapitbahay. Sinalubong ako
ng lamig na dulot ng hanging amihan paglabas ko ng bahay. Madilim-dilim pa at siguro ay ako pa lamang ang
gising sa hanay ng mga bahay sa lugar na ito.
Wala pa kaming isang taon na nakalipat dito sa lugar na ito. Iba ito sa lugar na kung saan ko hinasa ang aking
tari at kalyo. Sa lugar na kinamulatan ko, hindi natutulog ang oras. Laging maingay. Laging magulo. Libangan
ng tao ang makipag-away sa kapitbahay.
Ngunit sa kabila ng maingay at makulit na kapaligiran nito, natutunan kong mahalin ang lugar na iyon kasama
ng pagyakap ko sa mga taong nakakasalamuha ko sa araw-araw. Naroon nga ang ingay at gulo ngunit naroon
din ang sayat ligaya na dulot ng pagsasamahan. Laging masigla ang buhay. Gigising kang masaya at matutulog
na may ngiti sa mga labi habang sinasanay ang sarili sa pagtanggap sa mga aberya.
Narito kami ngayon. Lugar na kahit sa panaginip ay hindi naglaro kahit sandali. Tangay sa paligid ang
katahimikan at sa umagay gigising kang kapiling ang halumigmig ng simoy ng hangin. Okay na rin kahit
paano. Dito ko naranasan ang katahimikan na hindi naitaguyod ng ingay ng Maynila. Narito ako ngayon sa
isang lugar na payapang namumuhay ang mga tao. Wala sa pusod ng laging nagmamadaling lungsod.
Sa kalaunan ay hinahalagahan ko na rin ang lugar na ito. Marapat lamang marahil. Hindi dahil sa wala akong
pagpipilian kundi dahil siguro karapat-dapat lamang siyang mahalin. Matamis mamuhay sa isang lugar na ang
musika sa katanghalian ay huni ng mga ibon sa kalapit na punongkahoy. Masarap sa pakiramdam na ang kaniig
mo sa gabi ay ang ilaw ng mga alitaptap at liwanag ng buwan sa kabukiran. Ang anag-ag ng kumukititap na
mga bituin sa langit ay parang bonus na lamang sa buong magdamag.
Okay na rin ang buhay. Malayo na sa mga bisyong sumira nang unti-unti sa buhay na maraming pangarap.
Malayo sa daigdig na kahalubilo ang libo-libong tukso sa pagkatao. Okay na rin kahit paano. Masasanay din
akoNasasanay na rin ako
Naisipan ko nang pumasok ng bahay. Hindi ko kaya ang lamig ng hangin. Tumatayo ang lahat ng balahibo ko sa
katawan. Pinihit ko ang seradura ng pinto ngunit sa laki ng aking pagkamangha ay hindi siya sumang-ayon.
Naka-lock sa loob! Siguro, nang lumabas ako kanina, nakapindot sa loob ng hatakin ko pasara. Laking
katangahan!
Kumatok ako at pinagbuksan ng pupungas-pungas kong ina.
ANAK KA NG INA MO
ni: J
Nanginginig na ang kaniyang mga pasmadong daliri. Tila giniginaw ang mga kamay. Mga kamay na umaakay
sa iyo noong mga unang araw ng iyong pagtuntong sa eskwela. Mga kamay na pinagkukunan mo ng isang libot
isang lakas upang mabuhay.
Nakakurba na ang kaniyang tindig. Tila kawayang nakayuko ang kanyang likod. Mga likod na natutuyuan ng
pawis sa paglalabada upang may mailaman ka sa iyong kumakalam na sikmura.
Nakakunot na ang noo niya kapag tumitingin sa iyo. Parang laging may inaaninag ang mga mata. Mga matang
laging nakatingin sa iyo habang ikaw ay natutulog sa banig. Mga matang nagmamasid at nagbabantay sa iyo
mula pagsilang hanggang sa iyong paglaki.
Mahina na ang kaniyang pandinig. Parang baradong lababo ang kaniyang mga tainga. Mga taingang dumirinig
sa iyong pagngawa kung inaagrabiyado ng iyong mga kalaro. Mga taingang handang makinig sa iyong mga
daing dahil sa kabiguan.
Mabagal na ang kaniyang paghakbang. Sa wariy binibilang ng mga binti at paa ang bawat minutong lumilipas.
Mga binti at paang ginagamit niya upang masaklolohan ka sa mga panganib na sinusuong mo noong iyong
kabataan. Mga binti at paang inaasahan niya upang makaraos kayo sa araw-araw.
Kulubot na ang kaniyang balat. Parang chicharong bulaklak sa platong losa ang kabuuan ng kanyang mukha.
Mukha na pilit niyang pinakapal upang lumapit at umutang sa kaniyang mga kaibigan at kakilala sa panahong
ang enrolment ay malapit na. Mukhang pinakakapal ng katwirang gagawin ang lahat para sa iyo.
Luyloy na ang kaniyang mga dibdib. Nilipasan na ng panahon ang kaniyang mga suso. Mga susong datiy
pinagkukunan mo ng matimyas na kalusugan. Mga susong nagbigay sa iyo ng lakas at tibay ng katawan sa
pagsagupa sa mga karamdaman.
Binura na ng kulay puti ang mga itim sa kaniyang tuktok. Tila abo ang kulay ng kaniyang buhok. Mga buhok na
malasutlang hinahawakan mo kapag ikaw ay kanyang pinatutulog. Mga buhok na sagisag ng mga taon at
panahong ginugol niya sa pag-aaruga at pagkalinga sa iyo. Mga Sanaysay sa Filipino 2011.
Mahina na ang kanyang boses. Tila garalgal ng radyong walang signal ang kanyang tinig. Mga tinig na
pinagbuhatan ng maraming magagandang aral ng buhay na ibig niyang maging gabay mo sa iyong pagkatao.
Tinig na puno ng pangaral na magagamit mo sa iyong pagtahak sa sariling lakbayin sa daigdig.
Lupasay ang kanyang katawang mortal. Sa iyo napunta ang kanyang lakas. Sapagkat pinagpala ka niya.
Nagtingala siya ngayon sa iyo. patuloy kang inaaruga at matiyagang naghihitay. Sapagkat siya sa kanyang
pagiging ina. ay marubdob na nagnanais na matapunan din ng kahit kaunting pagkalinga Mahalin natin ang
ating mga ina!